1
00:00:46,760 --> 00:00:53,760
MAG-BOYFRIEND ♥ (ANG TOTOO, BI AKO)

2
00:01:03,920 --> 00:01:06,200
Ikaw, iba ka talaga!

3
00:01:08,760 --> 00:01:10,520
Nakita mo na ang mga komento?

4
00:01:12,800 --> 00:01:15,120
-ANG CUTE N'YO!
-MASAYA AKO PARA SA INYO

5
00:01:17,680 --> 00:01:19,600
DI MO AAKALAING BAKLA SIYA LOL

6
00:01:19,680 --> 00:01:21,400
Alam nating mangyayari 'to.

7
00:01:22,160 --> 00:01:24,480
Pagkakaguluhan ba tayo sa prom mamaya?

8
00:01:25,840 --> 00:01:30,400
Baka may mga tititig.
Sigurado ka bang gusto mong pumunta?

9
00:01:32,960 --> 00:01:35,320
Ngayon pinakamaganda ang buhay ko.

10
00:01:35,920 --> 00:01:38,160
Di ko na itatago ang boyfriend ko.

11
00:01:38,240 --> 00:01:41,240
Hindi ako mabu-bully. Perpekto ang lahat.

12
00:01:42,080 --> 00:01:43,360
Pupunta tayo sa prom,

13
00:01:43,440 --> 00:01:45,920
at tayo ang pinaka-cute na couple do'n.

14
00:01:56,440 --> 00:01:59,760
8. PERPEKTO

15
00:02:01,600 --> 00:02:03,680
Kaka-out lang ni Nick sa Instagram.

16
00:02:05,360 --> 00:02:06,520
Mabuti naman.

17
00:02:14,560 --> 00:02:16,720
POLYETO

18
00:02:24,680 --> 00:02:28,720
-Gusto mo bang maging girlfriend ko?
-Seryosong tanong ba 'yon?

19
00:02:28,800 --> 00:02:29,680
Oo.

20
00:02:31,120 --> 00:02:32,280
Ayaw mo ba?

21
00:02:32,360 --> 00:02:34,960
Oo! Gusto kong maging girlfriend mo.

22
00:02:35,040 --> 00:02:38,120
-Bakit naiilang ka do'n?
-Di ako naiilang, ikaw ang…

23
00:02:44,400 --> 00:02:46,000
Dapat do'n 'yong kahon.

24
00:02:46,080 --> 00:02:49,760
Guys, di nga tayo magbibihis.
Ilagay mo sa dingding. Ayusin mo.

25
00:02:50,280 --> 00:02:52,960
Ano'ng ginagawa n'yo?
Para sa photo booth 'to.

26
00:02:53,040 --> 00:02:54,600
Pakiayos naman 'to.

27
00:02:56,520 --> 00:02:59,400
INAAYOS KO NA ANG VENUE!!
KAILAN KA DARATING?

28
00:02:59,480 --> 00:03:00,480
NATULOG KA BA LOL

29
00:03:00,560 --> 00:03:02,560
DARCY PATULONG NAMAN!
NASAAN KA?

30
00:03:02,640 --> 00:03:03,960
Nasaan si Darcy?

31
00:03:04,720 --> 00:03:06,280
Malamang tulog pa siya.

32
00:03:08,200 --> 00:03:12,240
Di pa nabibili ni Imogen ang pagkain,
pero "pupunta sa Asda" daw.

33
00:03:12,320 --> 00:03:14,960
-Pinagkakatiwalaan mo ba siya do'n?
-Hindi.

34
00:03:16,000 --> 00:03:17,320
Ang gulo!

35
00:03:18,400 --> 00:03:21,480
Ite-text ko ang gang,
kundi di tayo makakapag-prom.

36
00:03:25,600 --> 00:03:26,440
Charlie.

37
00:03:26,520 --> 00:03:29,520
PATULONG MAG-AYOS
KUNG LIBRE KAYO. DI MAAYOS DITO

38
00:03:29,600 --> 00:03:30,720
PUWEDE KAMI NI CHARLIE!

39
00:03:31,440 --> 00:03:33,720
PUPUNTA AKO D'YAN!

40
00:03:35,520 --> 00:03:38,320
PUPUNTA KAMI NI TAO!
WAG KANG MAG-ALALA GIRL KAYA NATIN 'TO

41
00:03:40,400 --> 00:03:42,840
SALAMAT GUYSSSSS

42
00:03:45,440 --> 00:03:48,840
AT DARCY KUNG MAKIKITA MO 'TO
PAKI-REPLYAN AKO

43
00:03:59,400 --> 00:04:02,760
Sa kahon ng tinsel 'to.
Pagsama-samahin n'yo ang mga 'to.

44
00:04:05,040 --> 00:04:05,960
Diyos ko.

45
00:04:08,360 --> 00:04:09,800
Nagbe-breakdown na 'ko.

46
00:04:13,320 --> 00:04:15,480
Hala… Hindi ka… Di nakakatawa 'yon.

47
00:04:17,080 --> 00:04:19,680
Hindi. Sige, aayusin ko. Ako na… Tao!

48
00:04:20,200 --> 00:04:21,480
Tama na!

49
00:04:21,560 --> 00:04:22,800
Aayusin ko.

50
00:04:26,360 --> 00:04:28,600
Hindi! Di patas 'yan! Di patas 'yan.

51
00:04:30,280 --> 00:04:31,680
Leeg ka 'yan!

52
00:04:33,960 --> 00:04:35,920
-Iikot mo.
-Oo. Sige, handa na?

53
00:04:36,000 --> 00:04:37,120
Sige, oo.

54
00:04:38,920 --> 00:04:41,040
-Saan tayo pupunta?
-Sa kaliwa.

55
00:04:41,120 --> 00:04:42,280
-Kaliwa.
-Perpekto.

56
00:04:43,800 --> 00:04:46,640
Dapat ayain mo siya ngayong gabi.

57
00:04:47,920 --> 00:04:51,160
-Hindi. Ewan ko.
-Sabihin mong kailangan pa ng bantay.

58
00:04:59,920 --> 00:05:00,760
Hindi.

59
00:05:03,560 --> 00:05:04,800
-Pasilip lang.
-Hindi.

60
00:05:08,400 --> 00:05:09,240
Sige.

61
00:05:16,120 --> 00:05:17,040
Sige.

62
00:05:17,120 --> 00:05:19,880
Diyos ko. Nagde-date kaya talaga sila?

63
00:05:19,960 --> 00:05:21,840
-Mukha nga.
-Dito?

64
00:05:21,920 --> 00:05:23,640
-Tanungin mo.
-Gagawin ko 'to.

65
00:05:23,720 --> 00:05:25,280
Tanungin mo sila. Sige na.

66
00:05:28,680 --> 00:05:30,120
Totoong nagde-date kayo?

67
00:05:33,800 --> 00:05:34,640
Oo.

68
00:05:35,160 --> 00:05:39,720
-Hindi ko alam na bakla ka, Nick.
-Ang totoo, bi ako, pero oo.

69
00:05:39,800 --> 00:05:43,040
Ang cute n'yong dalawa.
Sinabi ko na sa 'yo, e!

70
00:05:43,120 --> 00:05:45,840
-Di ako naniwala sa 'yo.
-Sinabi ko na, di ba?

71
00:05:50,680 --> 00:05:52,360
Gusto mo bang kumain muna?

72
00:05:53,680 --> 00:05:57,520
-Lakad tayo pa-tindahan.
-Mamaya na 'ko. Late akong nag-agahan.

73
00:05:58,200 --> 00:05:59,120
Ikaw na lang.

74
00:06:08,120 --> 00:06:11,440
'Yong balahibong bandana?
Kailangan 'yon para sa litrato.

75
00:06:12,400 --> 00:06:15,240
-Maganda.
-Halos si Elle lang ang gumawa niyan.

76
00:06:15,320 --> 00:06:16,320
Kaya pala.

77
00:06:19,880 --> 00:06:20,880
Crisp?

78
00:06:27,160 --> 00:06:28,880
Nakita ko ang post mo sa IG.

79
00:06:29,920 --> 00:06:31,560
-Oo.
-At ang mga komento.

80
00:06:33,560 --> 00:06:35,840
Bobo sila sa pag-aakalang straight ka.

81
00:06:35,920 --> 00:06:37,760
Kasama ako sa pahayag na 'yon.

82
00:06:38,880 --> 00:06:39,880
Salamat.

83
00:06:41,280 --> 00:06:43,080
Siguradong masaya si Charlie.

84
00:06:45,960 --> 00:06:48,240
Medyo. Oo.

85
00:06:48,760 --> 00:06:51,440
Sinasabi niyang ang saya-saya niya, pero…

86
00:06:53,200 --> 00:06:57,840
Di ko alam. Sa tingin ko,
nahihirapan siyang lagi siyang pinapansin.

87
00:06:58,800 --> 00:07:01,400
Oo. Ayaw niya ng atensyon, kaya…

88
00:07:03,720 --> 00:07:05,120
Nag-aalala lang ako.

89
00:07:05,880 --> 00:07:06,960
Bakit naman?

90
00:07:10,320 --> 00:07:13,880
Sa tingin ko,
habang mas nakikilala ko siya,

91
00:07:14,960 --> 00:07:16,200
mas lalo kong naiisip

92
00:07:17,640 --> 00:07:21,600
na ang pambu-bully at ang lahat
ng nangyari sa kaniya no'n,

93
00:07:21,680 --> 00:07:24,160
sobrang naapektuhan siya ng lahat ng 'yon.

94
00:07:25,120 --> 00:07:28,360
At dala-dala pa rin niya
ang lahat ng 'yon.

95
00:07:28,440 --> 00:07:29,760
Kahit tapos na 'yon.

96
00:07:32,520 --> 00:07:34,720
Sobrang nasasaktan pa rin siya do'n.

97
00:07:35,760 --> 00:07:39,520
-Hindi ko alam. Sa tingin mo, totoo 'yon?
-Oo. Oo, totoo.

98
00:07:40,880 --> 00:07:44,200
Pag may masamang nangyari,
posibleng matagal kang maapektuhan.

99
00:07:47,720 --> 00:07:51,920
Parang, no'ng namatay
ang papa ko no'ng 12 ako, at…

100
00:07:52,480 --> 00:07:53,480
alam mo,

101
00:07:54,360 --> 00:07:58,080
kaya yata ako natatakot
na mawala ang mga kaibigan ko at…

102
00:07:58,760 --> 00:07:59,880
mawala si Elle…

103
00:08:01,840 --> 00:08:03,720
ay dahil no'ng nawala siya…

104
00:08:06,600 --> 00:08:07,440
Oo.

105
00:08:09,960 --> 00:08:14,000
-Di ko alam 'yong sa papa mo.
-Wag kang mailang.

106
00:08:16,120 --> 00:08:16,960
Susubukan ko.

107
00:08:17,040 --> 00:08:17,880
Mabuti.

108
00:08:23,480 --> 00:08:26,840
'Yong pambu-bully?
Alam mo kung gaano kalala 'yon, di ba?

109
00:08:28,680 --> 00:08:34,320
May mga narinig ako, pero…
di ikinuwento ni Charlie sa 'kin 'yon.

110
00:08:35,880 --> 00:08:36,920
Di din sa 'kin.

111
00:08:51,000 --> 00:08:52,360
Puwede bang pumikit ka?

112
00:08:52,440 --> 00:08:53,600
Bakit?

113
00:08:54,320 --> 00:08:56,760
Kinakabahan akong
baka di mo magustuhan.

114
00:08:58,160 --> 00:09:00,400
Sige. Nakapikit ako.

115
00:09:00,480 --> 00:09:03,320
Pero tandaan mo,
sa tingin ko, lagi kang cute.

116
00:09:09,280 --> 00:09:10,160
Nick,

117
00:09:10,680 --> 00:09:13,320
di ako makapaniwalang boyfriend kita.

118
00:09:15,200 --> 00:09:17,000
Puwede na ba 'kong dumilat?

119
00:09:21,520 --> 00:09:22,360
Sige.

120
00:09:26,600 --> 00:09:28,160
Pangit ba?

121
00:09:29,200 --> 00:09:30,880
Hindi,

122
00:09:32,160 --> 00:09:33,000
ang guwapo mo.

123
00:09:33,080 --> 00:09:34,800
Ang guwapo mo!

124
00:09:34,880 --> 00:09:35,880
Manahimik ka!

125
00:09:38,760 --> 00:09:41,960
Wag na kaya tayong pumunta
sa prom? Dito na lang tayo.

126
00:09:45,400 --> 00:09:49,080
Kailangan nating pumunta.
Inaasahan ng lahat na magkasama tayo.

127
00:09:49,600 --> 00:09:50,440
Oo.

128
00:09:51,440 --> 00:09:54,640
At ang magpakita
sa mga tao bilang couple, 'yon ang…

129
00:09:55,680 --> 00:09:57,160
'Yon ang gusto natin?

130
00:10:04,840 --> 00:10:05,680
Oo.

131
00:10:23,920 --> 00:10:27,920
ANUMAN ANG NANGYARI
NANDITO AKO PARA SA 'YO

132
00:10:33,400 --> 00:10:34,720
Halika. Ayos ka lang.

133
00:10:37,440 --> 00:10:40,160
Ano pa ang sasakyan natin?
Mag-slide ulit tayo?

134
00:10:51,360 --> 00:10:54,160
PLEASE PLEASE PUMUNTA KA
SA PROM NGAYONG GABI

135
00:11:16,920 --> 00:11:20,480
-Ano ang pakay mo sa Elle ko?
-Richard!

136
00:11:21,000 --> 00:11:22,040
Biro lang.

137
00:11:22,120 --> 00:11:23,120
Biro lang!

138
00:11:26,520 --> 00:11:29,280
Pero kung wala pa kayo
nang 12:00, yari ka.

139
00:11:45,400 --> 00:11:46,320
Hello.

140
00:11:48,960 --> 00:11:49,800
Ang…

141
00:11:50,720 --> 00:11:51,640
Sobrang…

142
00:11:54,400 --> 00:11:55,240
Hello.

143
00:11:57,040 --> 00:11:58,720
Maganda din ang hitsura mo.

144
00:12:11,320 --> 00:12:15,480
Welcome sa Prom
ng Grade 11 ng Truham and Higgs.

145
00:12:15,560 --> 00:12:19,520
Ngayong gabi, ipagdiriwang natin
ang summer ng pag-ibig.

146
00:12:19,600 --> 00:12:25,600
Kaya siguraduhing sumayaw, magsaya,
at ipagmalaki ang ka-date mo sa mundo.

147
00:12:27,160 --> 00:12:28,160
Hoy.

148
00:12:28,240 --> 00:12:30,040
-Diyos ko!
-Ang ganda mo.

149
00:12:30,120 --> 00:12:32,440
-Hoy, guys.
-Diyos ko, grabe ka!

150
00:12:32,520 --> 00:12:34,200
-Diyos ko.
-Ang ganda mo.

151
00:12:34,280 --> 00:12:35,240
Suspenders!

152
00:12:35,320 --> 00:12:37,440
-Oo.
-Ikot ka naman.

153
00:12:37,520 --> 00:12:38,400
Ayos!

154
00:12:38,480 --> 00:12:41,440
-Di lang ikaw ang naka-bow tie.
-Gusto ko ang dress mo.

155
00:12:41,520 --> 00:12:43,800
-Naggigitara ka?
-Tutugtog ako mamaya.

156
00:12:43,880 --> 00:12:46,640
-Nasaan si Darcy?
-A, male-late siya.

157
00:12:47,520 --> 00:12:48,800
Pumasok na lang tayo.

158
00:12:49,400 --> 00:12:53,480
-Sigurado? Puwede natin siyang hintayin.
-Hindi. Darating din 'yon.

159
00:12:53,560 --> 00:12:54,560
Pasok na tayo.

160
00:12:55,080 --> 00:12:56,920
-Sa prom!
-Oo, tara na.

161
00:12:57,000 --> 00:12:58,640
-Tara na.
-Sa prom!

162
00:13:09,640 --> 00:13:10,720
SUMMER NG PAG-IBIG

163
00:13:20,560 --> 00:13:22,360
Hahanapin ko si Darcy.

164
00:13:22,440 --> 00:13:23,480
-Sige.
-Sahar!

165
00:13:24,920 --> 00:13:26,520
Magkita tayo mamaya.

166
00:13:40,640 --> 00:13:42,560
Sige, at ngiti.

167
00:13:43,240 --> 00:13:44,400
Ayos lang ba 'to?

168
00:13:45,440 --> 00:13:46,480
Oo, maganda 'yan.

169
00:13:46,560 --> 00:13:49,440
-Sige. Ibang pose naman.
-At isa pa.

170
00:13:51,400 --> 00:13:53,880
Ipinagmamalaki ni Nick ang boyfriend niya,

171
00:13:53,960 --> 00:13:56,120
tapos di kayo nakapagdala ng babae.

172
00:13:56,200 --> 00:13:57,200
Manahimik ka!

173
00:13:57,280 --> 00:13:59,640
-Sino'ng susunod?
-Ay, ayoko.

174
00:14:00,200 --> 00:14:03,040
-Isaac, bakit?
-Nakakahiya, mag-isa lang ako.

175
00:14:03,120 --> 00:14:06,200
Halika. Magpapakuha
tayong apat ng litrato dito.

176
00:14:06,280 --> 00:14:07,880
-Tulad no'n.
-Oo.

177
00:14:07,960 --> 00:14:09,120
Walang libro.

178
00:14:09,200 --> 00:14:11,000
Sige, tara na. Handa na?

179
00:14:11,640 --> 00:14:12,880
-At ngiti.
-Cheese.

180
00:14:12,960 --> 00:14:13,960
Musta, Nick?

181
00:14:14,960 --> 00:14:18,000
-Nasaang lupalop ka ba?
-Abala sa boyfriend mo?

182
00:14:19,240 --> 00:14:21,960
Sorry kung nailang kang magsabi sa 'min.

183
00:14:22,040 --> 00:14:24,760
-Si Nick ang unang nagkarelasyon sa 'tin.
-Oo.

184
00:14:24,840 --> 00:14:26,880
Kaya kong magka-girlfriend kaagad.

185
00:14:26,960 --> 00:14:29,080
-Talaga ba?
-Single ba si Tara Jones?

186
00:14:29,160 --> 00:14:31,840
Bakla siya. Alam ng lahat 'to. Pare naman.

187
00:14:31,920 --> 00:14:33,000
E di wow, pare.

188
00:14:33,680 --> 00:14:35,720
-Na-miss ka namin, pare.
-Oo.

189
00:14:35,800 --> 00:14:39,040
-Na-miss ko din kayo. Kita tayo mamaya.
-Mamaya, pare.

190
00:14:59,640 --> 00:15:06,240
DARCY NATATAKOT AKO, NASAAN KA?

191
00:15:07,680 --> 00:15:11,200
Tara? Ano'ng problema? Ano'ng nangyari?

192
00:15:12,080 --> 00:15:14,920
-Sa tingin ko, di siya pupunta.
-Bakit hindi?

193
00:15:16,600 --> 00:15:19,720
Alam kong may mali.
Pero ayaw niyang pag-usapan 'yon.

194
00:15:21,480 --> 00:15:24,800
Paano mo kakausapin ang isang tao
tungkol sa ayaw niyang pag-usapan?

195
00:15:27,760 --> 00:15:28,760
Baka…

196
00:15:30,880 --> 00:15:34,040
Baka kailangan mo lang subukan.
Kahit di 'yon gumana.

197
00:15:55,320 --> 00:15:57,120
-Halika. Gawin natin 'to.
-Tao…

198
00:16:04,360 --> 00:16:06,000
-Halika.
-Tao, siksikan.

199
00:16:57,240 --> 00:17:02,800
-Gusto kong mag-aral si Lambert.
-Alam ko.

200
00:17:21,240 --> 00:17:25,520
ANO ANG IBINUBUNYAG NG ASEXUALITY UKOL SA
KAGUSTUHAN, LIPUNAN, AT KAHULUGAN NG SEX

201
00:17:36,520 --> 00:17:38,600
Nandito ba? Inilagay mo ba d'yan?

202
00:17:38,680 --> 00:17:41,120
Di ako makapaniwalang dinala mo 'to.

203
00:17:41,200 --> 00:17:42,920
-Hindi!
-Ano'ng nasa bulsa mo?

204
00:17:43,000 --> 00:17:45,280
Ilabas mo ang lahat ng nasa bulsa mo.

205
00:17:49,560 --> 00:17:50,680
Nathan.

206
00:17:50,760 --> 00:17:51,720
Youssef.

207
00:17:52,240 --> 00:17:55,920
-Dumating ka.
-Sabi mo kailangan mo pa ng chaperone.

208
00:17:59,080 --> 00:18:00,560
Alam mo, 'yong…

209
00:18:01,160 --> 00:18:02,960
'Yong gabing 'yon sa Paris…

210
00:18:03,040 --> 00:18:04,960
Katangahang ginawa natin 'yon.

211
00:18:09,440 --> 00:18:10,440
Pero,

212
00:18:12,240 --> 00:18:15,720
mag-aaya sana ako
ng hapunan at inuman sa susunod?

213
00:18:21,840 --> 00:18:22,880
Sa susunod?

214
00:19:51,360 --> 00:19:52,520
Parang weird.

215
00:19:55,120 --> 00:20:00,560
Dapat ba tayong, ewan ko,
sumayaw o magpakuha ng litrato?

216
00:20:00,640 --> 00:20:01,880
Nakakasayaw ka ba?

217
00:20:01,960 --> 00:20:04,040
-Ay, hindi. Hindi.
-Ako rin.

218
00:20:11,880 --> 00:20:13,040
Alis na tayo?

219
00:20:15,200 --> 00:20:17,320
Akala ko ito ang gusto mo.

220
00:20:17,920 --> 00:20:21,400
-Di ako nag-aalalang makita nila tayo…
-Pero bakit kailangan nilang makita?

221
00:20:21,480 --> 00:20:24,160
Masyado tayong
nahumaling sa ideya ng pag-out.

222
00:20:25,720 --> 00:20:29,120
Nakalimutan na natin
kung bakit natin gustong gawin 'to.

223
00:20:29,200 --> 00:20:30,680
Hindi para sa kanila 'to.

224
00:20:33,360 --> 00:20:36,160
Gusto ko lang na masaya
ang gabi nating magkakaibigan.

225
00:20:37,200 --> 00:20:38,440
Gusto ko rin 'yan.

226
00:20:40,200 --> 00:20:43,280
Lumabas sina David
at Mama ngayong gabi, kaya…

227
00:20:43,800 --> 00:20:45,160
walang tao sa bahay ko.

228
00:20:45,240 --> 00:20:46,600
Oo, tagumpay.

229
00:20:47,440 --> 00:20:50,160
-Pambihira kayo.
-Itinodo n'yo sa dance floor.

230
00:20:50,240 --> 00:20:52,360
-Salamat.
-Iba 'yong mga sayaw n'yo.

231
00:20:52,880 --> 00:20:54,080
-Isaac.
-Hoy, guys.

232
00:20:54,160 --> 00:20:56,640
-Saan ka ba nagpunta?
-Hoy.

233
00:20:57,640 --> 00:21:00,080
-Akala ko ba bampira ang tema?
-Diyos ko.

234
00:21:00,160 --> 00:21:02,640
-Darcy, ayos ka lang ba?
-Saan ka galing?

235
00:21:03,400 --> 00:21:05,960
-Nasaan si Tara?
-Hinanap ka niya.

236
00:21:32,600 --> 00:21:35,680
-Hi.
-Hindi kami bibili. Sorry.

237
00:21:36,200 --> 00:21:38,520
Sandali! Kaibigan ako ni Darcy.

238
00:21:40,800 --> 00:21:45,320
Pupunta daw siya sa school
prom namin, pero hindi siya sumipot.

239
00:21:46,320 --> 00:21:49,120
At hindi siya nagre-reply
sa mga mensahe ko.

240
00:21:49,680 --> 00:21:50,640
Kaya…

241
00:21:52,360 --> 00:21:53,440
Ayos lang ba siya?

242
00:21:53,520 --> 00:21:55,160
At paano ko malalaman 'yan?

243
00:21:56,480 --> 00:22:00,240
-Alam mo ba kung nasaan siya?
-Nag-tantrums ulit siya kagabi.

244
00:22:00,760 --> 00:22:02,680
Dahil sa damit, akalain mo?

245
00:22:02,760 --> 00:22:06,720
Kung di ka mapaprangka
ng mama mo sa damit, sino'ng gagawa no'n?

246
00:22:06,800 --> 00:22:08,360
Nagmukha siyang lesbyana.

247
00:22:09,480 --> 00:22:12,120
Maiisip niyang mali siya at babalik siya.

248
00:22:13,480 --> 00:22:14,320
Sige.

249
00:22:15,440 --> 00:22:20,280
Puwes, kung mahahanap ko siya, sasabihan
ko siyang ipaalam sa 'yong ayos lang siya.

250
00:22:20,360 --> 00:22:21,560
Salamat. Bye.

251
00:22:36,000 --> 00:22:36,840
Hello?

252
00:22:36,920 --> 00:22:39,680
Nahanap na siya.
Ayos lang siya. Magkita tayo sa bahay ko.

253
00:22:39,760 --> 00:22:42,720
Buti naman. Papunta na 'ko.
Ayos lang talaga siya?

254
00:23:00,640 --> 00:23:01,480
O, guys.

255
00:23:05,360 --> 00:23:07,680
-Mahal ko kayo.
-Mahal na mahal ko kayo.

256
00:23:07,760 --> 00:23:11,240
Diyos ko, tingnan mo.
Ang cute ni Nick no'ng bata siya!

257
00:23:14,640 --> 00:23:15,840
Saan ka natulog?

258
00:23:17,120 --> 00:23:19,600
Ano… Pumunta ako sa parke.

259
00:23:20,800 --> 00:23:22,680
Ayos lang. Walang tao do'n.

260
00:23:23,560 --> 00:23:24,840
Bakit di ka nag-text?

261
00:23:25,480 --> 00:23:28,240
Dead batt ang phone ko
at wala akong charger.

262
00:23:28,760 --> 00:23:30,400
Ba't di ka pumunta sa 'kin?

263
00:23:32,480 --> 00:23:34,400
Dahil ayokong malaman mo.

264
00:23:36,840 --> 00:23:40,680
Naalala mo 'yong pangalawang
beses na nakulong tayo sa music room?

265
00:23:40,760 --> 00:23:41,840
Oo.

266
00:23:41,920 --> 00:23:46,520
Sinabi mong di ka confident
sa pagiging lesbyana, di tulad ko.

267
00:23:46,600 --> 00:23:49,480
Gusto kitang matulungan sa paglalakbay mo.

268
00:23:49,560 --> 00:23:51,000
Natutulungan mo 'ko.

269
00:23:51,080 --> 00:23:53,120
Sa school. Siguro.

270
00:23:55,720 --> 00:23:58,000
Ni hindi ako out sa mga magulang ko.

271
00:23:58,800 --> 00:24:00,520
Parang hindi kahit kailan.

272
00:24:01,800 --> 00:24:05,440
I… Itinatago ko kung sino ako
kapag nasa bahay ako.

273
00:24:09,960 --> 00:24:11,280
Hindi ako confident.

274
00:24:14,520 --> 00:24:16,880
Minsan, nagagalit ako
sa sarili ko dahil kay Mama.

275
00:24:20,760 --> 00:24:23,040
Pero sabi mo, "Mahal kita."

276
00:24:24,640 --> 00:24:27,920
Pero… paano
kung hindi totoo ang taong 'yon?

277
00:24:28,440 --> 00:24:29,400
Kung gano'n…

278
00:24:30,760 --> 00:24:35,040
takot kang sabihin din 'yon
dahil di ka naniniwalang mamahalin kita?

279
00:24:36,920 --> 00:24:39,040
Kalahati pa lang
ng buhay ko ang nakikita mo.

280
00:24:39,800 --> 00:24:44,280
Nakikita ko na ang isa pang kalahati.
At mahal pa rin naman kita.

281
00:24:44,880 --> 00:24:46,280
Sigurado ka ba? Dahil…

282
00:24:48,600 --> 00:24:51,240
literal na magulo ako.

283
00:24:51,320 --> 00:24:52,440
Ay, alam ko.

284
00:24:53,360 --> 00:24:55,760
Gusto ko kung gaano ka kagulo.

285
00:24:58,000 --> 00:24:59,000
Mahal

286
00:24:59,560 --> 00:25:02,280
na mahal kita.

287
00:25:02,360 --> 00:25:04,320
Hirap lang akong sabihin 'yon.

288
00:25:04,920 --> 00:25:08,520
Nadadaan ang lahat sa practice.

289
00:25:11,840 --> 00:25:12,920
Mahal kita.

290
00:25:13,000 --> 00:25:14,280
Mahal kita.

291
00:25:15,320 --> 00:25:17,920
Mahal kita.

292
00:25:18,520 --> 00:25:19,760
Mahal kita.

293
00:25:20,840 --> 00:25:22,320
-Mahal kita!
-Mahal kita.

294
00:25:23,320 --> 00:25:25,720
-Mahal kita!
-Mahal kita.

295
00:25:25,800 --> 00:25:27,920
Mahal kita!

296
00:25:42,480 --> 00:25:43,320
Ano na?

297
00:25:45,040 --> 00:25:46,800
Nangako kang isasayaw mo 'ko.

298
00:25:47,600 --> 00:25:50,040
-Sinira ko ba ang prom night mo?
-Hindi.

299
00:25:50,520 --> 00:25:52,240
Medyo nakakainip din do'n.

300
00:26:07,120 --> 00:26:10,080
-Ayos lang kayo?
-Magtimpla ba ako ng tsaa?

301
00:26:10,600 --> 00:26:12,520
-Oo. Mag-tsaa tayo.
-Oo.

302
00:26:12,600 --> 00:26:14,040
-Tara.
-Sige.

303
00:26:20,400 --> 00:26:21,400
Sagabal!

304
00:26:57,080 --> 00:26:58,680
Hindi! Sandali!

305
00:27:26,160 --> 00:27:27,040
-Bye.
-Bye.

306
00:27:27,800 --> 00:27:30,080
Kita kits. Ingat ka sa pag-uwi.

307
00:27:32,440 --> 00:27:34,120
-Bye.
-Salamat sa pagpunta.

308
00:27:42,280 --> 00:27:43,760
-Bye.
-Magyakapan tayo.

309
00:27:43,840 --> 00:27:45,600
-Bye!
-Bye.

310
00:27:46,480 --> 00:27:49,640
-Salamat sa pagpunta.
-Ang damit ko!

311
00:27:52,000 --> 00:27:52,880
Bye!

312
00:27:56,400 --> 00:27:57,240
Sige.

313
00:27:58,000 --> 00:27:58,840
Nick!

314
00:28:02,720 --> 00:28:03,880
Ayan.

315
00:28:13,200 --> 00:28:17,000
-Kailangan ko nang umuwi maya-maya.
-Hindi.

316
00:28:17,600 --> 00:28:19,720
Magagalit ang mama ko kung late ako.

317
00:28:28,920 --> 00:28:30,400
Alam ko ang ginagawa mo.

318
00:28:31,920 --> 00:28:33,480
Nasira na ang plano ko.

319
00:28:45,600 --> 00:28:47,600
Ang dami mong tropeo sa rugby.

320
00:28:48,920 --> 00:28:52,080
-Sa summer camp 'yan.
-Nag-rugby summer camp ka?

321
00:28:52,600 --> 00:28:55,600
Noong 12 ako.
May crush yata ako sa instructor.

322
00:28:56,480 --> 00:28:57,320
Diyos ko.

323
00:28:57,400 --> 00:29:00,520
Di ko naisip no'n,
pero ngayong iniisip ko,

324
00:29:01,320 --> 00:29:04,560
nahumaling ako sa kaniya.
Kaya sinubukan ko talaga

325
00:29:04,640 --> 00:29:07,680
at nakuha ko ang tropeo,
pinakamagaling na player.

326
00:29:07,760 --> 00:29:09,600
Sobrang cute naman no'n.

327
00:29:20,160 --> 00:29:21,240
Ikaw naman.

328
00:29:21,320 --> 00:29:22,200
Ano?

329
00:29:23,680 --> 00:29:25,000
Magkuwento ka.

330
00:29:27,120 --> 00:29:28,080
Ng ano?

331
00:29:30,360 --> 00:29:31,800
Di mo ikinuwento ang…

332
00:29:34,000 --> 00:29:34,840
pambu-bully.

333
00:29:37,440 --> 00:29:38,560
Ang naranasan mo.

334
00:29:45,320 --> 00:29:49,200
Di natin kailangang pag-usapan 'yon.
Ayos na ang lahat ngayon.

335
00:29:49,280 --> 00:29:50,920
Ayos lang ba ang lahat?

336
00:29:53,120 --> 00:29:58,560
Alam kong gusto mong maging maayos,
masaya, at perpekto ang lahat lagi, pero…

337
00:29:59,480 --> 00:30:01,600
di kailangang perpekto ka sa 'kin.

338
00:30:08,280 --> 00:30:12,440
Charlie, di ba sasabihin natin
sa isa't isa ang mga nangyayari?

339
00:30:13,080 --> 00:30:16,800
Pagkatapos mong sabihin
sa 'kin 'yong tungkol sa pagkain mo.

340
00:30:25,240 --> 00:30:28,440
May nakarinig lang kay Tao
tungkol sa pag-out ko.

341
00:30:30,920 --> 00:30:34,120
Nagulat lang ako
kung gaano ka-homophobic ang mga tao.

342
00:30:35,120 --> 00:30:37,360
Akala ko mas okay na ngayon.

343
00:30:43,560 --> 00:30:46,840
Harap-harapan akong
tinatawag na nakakadiri ng mga tao.

344
00:30:53,480 --> 00:30:57,040
Ang tagal nangyari no'n
kaya naniwala ako sa sinasabi nila.

345
00:31:02,320 --> 00:31:04,080
Nagalit ako sa sarili ko.

346
00:31:10,160 --> 00:31:11,400
Sobra 'yong galit na…

347
00:31:16,040 --> 00:31:16,880
dati…

348
00:31:26,920 --> 00:31:28,760
dati, naglalaslas ako minsan.

349
00:31:35,400 --> 00:31:36,960
Ayoko nang magkagano'n.

350
00:31:54,440 --> 00:31:56,080
Ginagawa mo pa rin ba 'yon?

351
00:31:57,840 --> 00:31:58,680
Hindi na.

352
00:32:03,960 --> 00:32:07,720
-Sorry.
-Akala ko ipinagbawal na natin 'yang s.

353
00:32:11,560 --> 00:32:16,560
Puwede bang mangako kang sasabihin mo
sa 'kin kung magkakagano'n ka man ulit?

354
00:32:20,920 --> 00:32:23,120
Ayokong inisin ka
o magpabigat sa 'yo.

355
00:32:25,720 --> 00:32:29,120
Ayokong isipin mong
marupok at magulo ako.

356
00:32:30,280 --> 00:32:33,400
Na kailangan mo 'kong ayusin. Ayoko 'yon.

357
00:32:33,480 --> 00:32:35,480
Hindi. At hindi ko gagawin 'yon.

358
00:32:38,000 --> 00:32:42,400
Pero ang dami kong nagawang
nakakatakot nitong mga nakaraang buwan

359
00:32:42,480 --> 00:32:45,240
dahil nand'yan ka, nakahawak sa kamay ko.

360
00:32:48,280 --> 00:32:51,000
At gusto ko ding
maging gano'n para sa 'yo.

361
00:32:51,800 --> 00:32:52,640
Kasi…

362
00:32:54,120 --> 00:32:55,320
boyfriend kita.

363
00:32:59,560 --> 00:33:00,560
Char,

364
00:33:01,880 --> 00:33:05,880
puwede bang ipangako mo sa 'kin?

365
00:33:10,920 --> 00:33:11,760
Sige.

366
00:33:36,880 --> 00:33:40,680
-Gustong-gusto ko ang buhak mo.
-Nick. Kailangan ko nang umalis.

367
00:33:40,760 --> 00:33:43,960
-Gusto ko ang mga mata mo.
-Ano ka ba…

368
00:33:44,040 --> 00:33:45,040
Gusto ko…

369
00:33:51,200 --> 00:33:53,000
Nicky! Nakauwi na 'ko!

370
00:34:31,240 --> 00:34:35,600
-Ite-text kita kapag nakauwi na 'ko.
-Sige.

371
00:34:47,680 --> 00:34:48,840
Magkita tayo bukas.

372
00:34:51,360 --> 00:34:52,200
Bye.

373
00:35:50,200 --> 00:35:55,160
MAHAL KITA

374
00:36:01,440 --> 00:36:05,880
IPADALA

375
00:36:51,680 --> 00:36:54,240
Tagapagsalin ng Subtitle:
April Jean Abendan

