1
00:00:48,720 --> 00:00:49,680
Anong oras na?

2
00:00:50,280 --> 00:00:51,120
Seven.

3
00:00:51,920 --> 00:00:54,120
Dalawang oras lang yata ang tulog ko.

4
00:00:54,640 --> 00:00:55,480
Ako rin.

5
00:00:56,600 --> 00:00:58,160
Inaalala mo ba 'yong mamaya?

6
00:00:59,360 --> 00:01:00,320
Hindi, ano lang...

7
00:01:01,040 --> 00:01:02,960
Iniisip ko 'yong mga regalong makukuha ko.

8
00:01:05,520 --> 00:01:07,200
Sana magkaro'n na 'ko ng pake.

9
00:01:07,720 --> 00:01:09,800
Maayos na mental health sana sa 'kin.

10
00:01:09,800 --> 00:01:12,520
Nanay na nakakapagkontrol ng emosyon sana.

11
00:01:12,520 --> 00:01:14,920
Lolo't lola sana
na di nagko-comment sa timbang ko.

12
00:01:17,120 --> 00:01:20,360
Sana maalala ni Papa
na timplahan nang maayos 'yong turkey.

13
00:01:21,480 --> 00:01:22,800
Di niya maaalala 'yon.

14
00:01:22,800 --> 00:01:24,000
Oo, di nga.

15
00:01:27,760 --> 00:01:28,880
Merry Christmas.

16
00:01:30,320 --> 00:01:31,520
Merry Christmas.

17
00:01:48,160 --> 00:01:49,760
- Matatalo kita.
- Malapit na 'ko, e!

18
00:01:49,760 --> 00:01:51,200
- Natatalo kita lagi.
- Hindi.

19
00:01:51,200 --> 00:01:53,960
Pinipilit mo laging manalo. Bilis.

20
00:01:53,960 --> 00:01:55,160
- Hindi!
- Yes!

21
00:01:57,200 --> 00:01:58,160
Magbibihis ba kayo?

22
00:01:58,160 --> 00:01:59,200
Opo. Sandali na lang.

23
00:01:59,200 --> 00:02:02,360
Okay. Bilisan n'yo na, ha?
Parating na sila, e.

24
00:02:06,240 --> 00:02:09,160
Iritable siya lagi
pag bibisita sina Lolo at Lola.

25
00:02:09,160 --> 00:02:11,680
Pero ini-invite niya pa rin pag Pasko.

26
00:02:25,440 --> 00:02:29,680
{\an8}SI HENRY NGA PALA

27
00:02:29,680 --> 00:02:31,840
Mukhang magiging best friends
kayo ni Nellie.

28
00:02:31,840 --> 00:02:33,040
Di ba?

29
00:02:33,040 --> 00:02:34,320
Oo? Good boy.

30
00:02:37,880 --> 00:02:40,080
<i>Si Henry ang pinaka-cute
na asong nakita ko.</i>

31
00:02:40,080 --> 00:02:43,760
<i>Dapat ma-meet ko siya agad.
Merry Christmas din pala, I love you.</i>

32
00:02:52,640 --> 00:02:54,680
<i>Hi daw sabi ni Henry. Mag-hi ka.</i>

33
00:02:55,280 --> 00:02:57,200
<i>Merry Christmas, I love you too.</i>

34
00:02:57,200 --> 00:03:00,240
<i>Pwede kang bumisita
para ma-meet siya kung kailan mo gusto.</i>

35
00:03:00,240 --> 00:03:02,240
<i>Alam kong ikinaka-stress mo 'tong Pasko.</i>

36
00:03:02,240 --> 00:03:05,400
<i>Pag di mo na kinaya, may baby boy dito
na kailangan ng yakap.</i>

37
00:03:06,840 --> 00:03:09,080
<i>Si Henry 'yong kailangan ng yakap, ha?</i>

38
00:03:09,080 --> 00:03:11,960
<i>Pero pwede rin namang ako. Ayun.</i>

39
00:03:15,600 --> 00:03:18,080
Medyo payat ka pa ring tingnan, a.

40
00:03:18,080 --> 00:03:20,920
Akala ko, inaayos mo na 'yong sakit mo.

41
00:03:22,400 --> 00:03:25,480
Ay, hala, Victoria.
Bakit pinaikli mo 'yang buhok mo?

42
00:03:25,480 --> 00:03:28,160
Gusto n'yo ng maiinom, Ma?
Beer sa 'yo, Pa?

43
00:03:28,160 --> 00:03:29,160
- Oo.
- Tuloy po.

44
00:03:29,160 --> 00:03:32,760
Sana may champagne,
di 'yong mga mumurahing alak last year.

45
00:03:33,360 --> 00:03:34,720
- Charlie!
- Oliver!

46
00:03:35,320 --> 00:03:36,440
Ang laki mo na, a!

47
00:03:36,440 --> 00:03:37,800
Merry Christmas!

48
00:03:37,800 --> 00:03:39,920
- Merry Christmas.
- Ano'ng nakuha mong regalo?

49
00:03:39,920 --> 00:03:43,040
Madaming tractors. Ikaw, ano'ng nakuha mo?

50
00:03:43,040 --> 00:03:47,360
Nakatanggap ako ng medyas, sapatos, tapos...

51
00:03:48,600 --> 00:03:49,920
Saka PlayStation.

52
00:03:50,520 --> 00:03:52,440
Okay lang kung nase-stress ka.

53
00:03:52,440 --> 00:03:55,000
Sabi ni Geoff,
normal lang daw talaga 'yan.

54
00:03:55,000 --> 00:03:59,240
Pwede nating gawin 'yong suggestion niya
na breathing exercise.

55
00:03:59,240 --> 00:04:00,320
Okay lang po ako.

56
00:04:00,920 --> 00:04:01,960
Okay lang kayo?

57
00:04:02,560 --> 00:04:03,400
Oo, okay lang.

58
00:04:04,080 --> 00:04:05,160
Okay. Ayos.

59
00:04:05,160 --> 00:04:06,840
- Upo na kayo.
- Oo, sige.

60
00:04:06,840 --> 00:04:07,920
- Sige po.
- Okay.

61
00:04:10,800 --> 00:04:13,360
- Cheers.
- Cheers.

62
00:04:13,360 --> 00:04:14,280
Cheers.

63
00:04:14,880 --> 00:04:15,920
Merry Christmas.

64
00:04:20,240 --> 00:04:22,520
- Gusto mo ng gravy?
- Sige.

65
00:04:23,640 --> 00:04:24,840
May roast potatoes?

66
00:04:26,560 --> 00:04:27,640
Wine?

67
00:04:27,640 --> 00:04:29,200
Wine daw, o.

68
00:04:29,800 --> 00:04:31,640
- Kumusta 'yong turkey?
- Masarap.

69
00:04:34,680 --> 00:04:39,200
SOBRANG CUTE NIYA, DI KO KINAKAYA

70
00:04:39,200 --> 00:04:40,320
Charlie!

71
00:04:40,320 --> 00:04:42,320
Kuwentuhan mo kami
tungkol sa boyfriend mo.

72
00:04:42,320 --> 00:04:43,600
Ano'ng pangalan niya?

73
00:04:43,600 --> 00:04:44,520
Nick.

74
00:04:44,520 --> 00:04:45,920
Ga'no katagal na kayo?

75
00:04:47,800 --> 00:04:49,280
- Eight months?
- Ay, wow.

76
00:04:49,800 --> 00:04:53,280
E, ikaw ba, Tori?
May mga poging lalaki ba sa buhay mo?

77
00:04:53,280 --> 00:04:54,200
Wala.

78
00:04:55,000 --> 00:04:56,560
Okay lang 'yan.

79
00:04:56,560 --> 00:04:58,840
Sobrang lala ng mga straight na lalaki.

80
00:04:58,840 --> 00:05:00,760
Sana maging matino 'tong isa.

81
00:05:01,680 --> 00:05:03,720
Pwedeng di siya straight.

82
00:05:03,720 --> 00:05:04,960
Oo nga, 'no?

83
00:05:05,840 --> 00:05:08,320
Charlie, kailan mo na-realize na gay ka?

84
00:05:09,800 --> 00:05:12,360
Kumusta kayo dito? Okay lang ba kayo?

85
00:05:12,360 --> 00:05:13,720
- Opo.
- Okay naman po.

86
00:05:14,800 --> 00:05:16,760
- Okay lang ako.
- Okay lang kami.

87
00:05:16,760 --> 00:05:17,680
Okay.

88
00:05:21,480 --> 00:05:24,400
Wag ka nang tayo nang tayo.
Okay lang sila.

89
00:05:27,240 --> 00:05:29,160
Tingin ko, nag-aalala lang siya.

90
00:05:30,440 --> 00:05:32,880
Di ba pwedeng magkaro'n ako ng normal na...

91
00:05:47,560 --> 00:05:49,440
Alam mong di pupunta si Papa.

92
00:05:49,440 --> 00:05:52,280
- Pwedeng oo. Pwedeng hindi.
- Di siya pupunta.

93
00:05:52,800 --> 00:05:54,520
Bibisita daw, pero never naman ginawa.

94
00:05:54,520 --> 00:05:57,400
Wag kang umasta na parang alam mo lahat.

95
00:05:59,280 --> 00:06:02,000
Mula no'ng masiraan 'yong boyfriend mo,

96
00:06:02,000 --> 00:06:04,600
akala mo, ikaw na ang kailangan ng lahat.

97
00:06:04,600 --> 00:06:07,920
- Wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan.
- Gets ko. Nagpapapansin siya.

98
00:06:07,920 --> 00:06:10,720
Di siya kakain,
tapos pupuntahan mo naman siya.

99
00:06:10,720 --> 00:06:12,720
Pwedeng tumahimik ka na lang?

100
00:06:27,600 --> 00:06:33,160
{\an8}TINGIN MO, CUTE AKO?

101
00:06:41,960 --> 00:06:45,440
{\an8}TIGILAN N'YO 'YANG PAGLALANDIAN
SA GROUP CHAT PLEASE

102
00:06:46,080 --> 00:06:47,240
Ano po'ng masasabi n'yo?

103
00:06:49,080 --> 00:06:50,960
Ang guwapo mong tingnan.

104
00:06:50,960 --> 00:06:54,120
Gamitin mo na 'yang malalaki
at malalakas mong muscle

105
00:06:54,120 --> 00:06:55,920
para iusog 'yong mesa.

106
00:06:58,800 --> 00:07:00,280
- Bilis na.
- Eto na po!

107
00:07:03,080 --> 00:07:05,160
- Di ko maiangat.
- Teka lang po.

108
00:07:05,160 --> 00:07:07,640
School prefect. Oxford.

109
00:07:08,240 --> 00:07:12,840
Magkakaro'n ka ng bigating achievements,
at magiging sobrang proud kami sa 'yo.

110
00:07:16,040 --> 00:07:19,000
{\an8}DARCY, SOBRANG POGI MO

111
00:07:33,640 --> 00:07:36,360
{\an8}ANG CUTE MO

112
00:07:46,120 --> 00:07:48,720
{\an8}Parang sasabog na ako sa kabusugan.

113
00:07:48,720 --> 00:07:51,120
{\an8}Kailangan ko ng maluwag at komportable.

114
00:07:54,480 --> 00:07:55,320
Eto.

115
00:07:57,480 --> 00:07:58,760
Okay. Ayan.

116
00:08:02,400 --> 00:08:03,840
Ang sarap sa pakiramdam.

117
00:08:05,240 --> 00:08:07,360
Bakit? Nag-enjoy ka ba sa nakita mo?

118
00:08:07,960 --> 00:08:09,240
Pa'no kung oo?

119
00:08:09,240 --> 00:08:11,320
Baka sabihin nila, type mo 'ko.

120
00:08:11,920 --> 00:08:12,760
Pa'no kung oo?

121
00:08:13,520 --> 00:08:15,000
Baka kung ano'ng magawa natin.

122
00:08:17,920 --> 00:08:18,760
Talaga?

123
00:08:26,400 --> 00:08:28,200
- Teka. 'Yong salamin mo.
- Okay.

124
00:08:41,000 --> 00:08:42,400
Sorry.

125
00:08:42,400 --> 00:08:44,040
Medyo ano ba... Medyo...

126
00:08:44,560 --> 00:08:45,800
- Sorry.
- Okay lang.

127
00:08:49,080 --> 00:08:51,000
Magpahangin tayo sa labas?

128
00:08:51,520 --> 00:08:52,640
Oo.

129
00:09:03,080 --> 00:09:06,080
- Lagi siyang nananalo.
- Kumusta ka na pala, Charlie?

130
00:09:06,080 --> 00:09:07,520
Okay naman po, salamat.

131
00:09:08,840 --> 00:09:11,600
Buti pwede kang umuwi ngayong Pasko, 'no?

132
00:09:11,600 --> 00:09:14,880
Di ko maisip kung pa'no 'yong Pasko
sa gano'ng lugar.

133
00:09:16,280 --> 00:09:18,480
Naglagay po sila ng Christmas decors.

134
00:09:19,000 --> 00:09:21,360
Malaking bagay po talaga 'yon, so...

135
00:09:21,360 --> 00:09:25,200
A, oo nga naman.
May mga horror story lang, e, 'no?

136
00:09:25,200 --> 00:09:28,400
Mga puting dingding,
straitjackets, mga gano'n.

137
00:09:28,400 --> 00:09:32,000
May na-meet ka ba do'n na baliw talaga?

138
00:09:32,520 --> 00:09:34,400
Di mo dapat sinasabi 'yan.

139
00:09:35,480 --> 00:09:38,600
Masaya lang kami
na normal na ulit si Charlie,

140
00:09:38,600 --> 00:09:40,120
at kasama na natin siya.

141
00:09:41,880 --> 00:09:43,280
Kukuha lang ako ng drinks.

142
00:09:44,640 --> 00:09:45,920
Mukhang okay na siya.

143
00:09:46,600 --> 00:09:47,840
Parang di nagkasakit.

144
00:09:52,160 --> 00:09:53,200
Sorry.

145
00:09:53,200 --> 00:09:54,800
Charlie, wag mo na lang pansinin.

146
00:09:55,400 --> 00:09:57,400
Di lahat, naiintindihan
ang pinagdadaanan mo.

147
00:09:57,400 --> 00:09:59,800
So tiisin ko lang
'yong kalokohang comments nila?

148
00:09:59,800 --> 00:10:02,400
Kailangan lang nating iraos 'tong araw.

149
00:10:02,400 --> 00:10:07,160
Magtsatsaa tayo, pero mamaya pa.
Magmeryenda ka kaya muna?

150
00:10:07,160 --> 00:10:09,320
Gusto mo? Meron ba sa meal plan mo ngayon?

151
00:10:09,320 --> 00:10:11,040
Tigilan n'yo nga ako sa pagkain.

152
00:10:11,040 --> 00:10:14,480
Charlie, mag-Mario Kart na lang kaya tayo?
Gusto kang makalaro ni Oliver.

153
00:10:14,480 --> 00:10:18,760
Alam kong sobrang hirap
ng araw na 'to para sa 'yo, Charlie.

154
00:10:18,760 --> 00:10:20,440
Nakalahati mo lang 'yong dinner mo.

155
00:10:20,440 --> 00:10:23,760
- Problema daw 'yon sabi ng dietician mo.
- Di po kayo nakakatulong.

156
00:10:23,760 --> 00:10:25,160
Mas pinapalala n'yo lang, e.

157
00:10:25,160 --> 00:10:27,360
Okay. Sorry kung nag-effort pa 'ko, ha?

158
00:10:36,960 --> 00:10:38,560
Pupunta ako kila Nick.

159
00:10:39,520 --> 00:10:40,560
Wag naman, o.

160
00:10:40,560 --> 00:10:42,880
Di ko lang kasi kaya 'yong mga gano'n.

161
00:10:47,440 --> 00:10:49,880
Di ba pwedeng magpasko ka kasama ako?

162
00:10:53,280 --> 00:10:55,040
Lagi mo namang kasama si Nick, e.

163
00:10:55,040 --> 00:10:57,600
Di niya ako tinatratong
may mental illness.

164
00:11:00,160 --> 00:11:01,160
Ako rin naman, a.

165
00:11:03,720 --> 00:11:04,800
Sorry.

166
00:11:09,760 --> 00:11:10,880
Mamaya na lang.

167
00:11:24,400 --> 00:11:26,200
Hi.

168
00:11:30,160 --> 00:11:31,240
'Yong coat mo?

169
00:11:42,560 --> 00:11:45,240
Sorry. Nagkasagutan kami ni Mama.

170
00:11:47,360 --> 00:11:48,680
Pag-usapan natin?

171
00:12:04,000 --> 00:12:06,120
Siya 'yong boyfriend mo, tama?

172
00:12:07,960 --> 00:12:12,040
Merry Christmas! Papasok ka ba?
Di kami nangangagat. Promise.

173
00:12:13,600 --> 00:12:14,720
- Opo.
- Sige? Okay.

174
00:12:20,560 --> 00:12:21,640
Baka medyo malaki.

175
00:12:22,160 --> 00:12:24,320
Okay lang. Sobrang giniginaw na ako.

176
00:12:28,800 --> 00:12:31,480
Pwedeng tumalikod ka
habang nagpapalit ako?

177
00:12:33,760 --> 00:12:34,880
Oo. A...

178
00:12:36,080 --> 00:12:37,040
Oo naman. Sige.

179
00:12:50,600 --> 00:12:51,440
Okay.

180
00:12:52,280 --> 00:12:53,120
Okay na.

181
00:12:55,320 --> 00:12:57,120
Ang cute mo.

182
00:12:57,120 --> 00:12:58,360
Mukha akong ewan.

183
00:12:58,360 --> 00:13:00,240
Ewan na cute.

184
00:13:08,080 --> 00:13:10,000
Sigurado kang ayaw mong pag-usapan?

185
00:13:11,600 --> 00:13:13,480
Gusto ko lang mag-enjoy ngayon.

186
00:13:14,680 --> 00:13:15,520
Okay.

187
00:13:18,400 --> 00:13:19,520
Gawin natin 'yon.

188
00:13:22,480 --> 00:13:23,440
Tara.

189
00:13:23,440 --> 00:13:26,680
Merry Christmas.
Sa wakas, na-meet ka na namin.

190
00:13:26,680 --> 00:13:28,600
- Ang saya po na nandito ako.
- Guys?

191
00:13:29,480 --> 00:13:30,560
Ingat.

192
00:13:30,560 --> 00:13:32,840
- Okay, akin na 'yang baso mo.
- Okay.

193
00:13:32,840 --> 00:13:33,920
Hello, Henry.

194
00:13:34,920 --> 00:13:37,000
Merry Christmas!

195
00:13:53,000 --> 00:13:54,960
Ang tagal na nating
di nag-kiss nang gano'n.

196
00:13:55,520 --> 00:13:56,360
Oo nga.

197
00:13:58,000 --> 00:14:00,400
Baba na siguro tayo ulit.

198
00:14:01,640 --> 00:14:02,480
Oo nga.

199
00:14:09,440 --> 00:14:10,280
Okay 'yan.

200
00:14:10,960 --> 00:14:12,920
Yes!

201
00:14:12,920 --> 00:14:14,400
Babagsak 'to.

202
00:14:15,600 --> 00:14:16,440
Nick!

203
00:14:20,320 --> 00:14:22,240
- Ayos.
- Ang sarap ng toast, 'no?

204
00:14:22,240 --> 00:14:23,800
- Ang sarap nga.
- Oo.

205
00:14:24,400 --> 00:14:26,320
- Gano'n talaga, e.
- Oo nga naman.

206
00:14:26,840 --> 00:14:27,680
Gano'n nga.

207
00:14:48,600 --> 00:14:49,840
PAPUNTA AKO KILA NICK

208
00:14:49,840 --> 00:14:51,680
MALAPIT NA AKO

209
00:15:02,800 --> 00:15:03,880
Tinext ka ba niya?

210
00:15:05,240 --> 00:15:06,080
Si Papa ba?

211
00:15:06,600 --> 00:15:07,720
Hindi.

212
00:15:10,880 --> 00:15:14,000
Alam mong may pamilya ka
na gusto kang maka-bonding.

213
00:15:16,880 --> 00:15:18,360
Alam mo, pamilya si Papa.

214
00:15:19,320 --> 00:15:21,960
Tingin ko, ang pamilya,
sila 'yong mga may malasakit.

215
00:15:26,960 --> 00:15:27,920
Merry Christmas.

216
00:15:38,520 --> 00:15:41,080
Iniwan mo akong mag-isa
sa mga pinsan natin.

217
00:15:41,960 --> 00:15:42,960
Bad mood si Oliver.

218
00:15:42,960 --> 00:15:45,320
Walang gustong makipaglaro sa kanya
ng Mario Kart.

219
00:15:46,360 --> 00:15:48,800
Tingin ko rin, gustong mag-sorry ni Mama.

220
00:15:49,760 --> 00:15:51,160
Kahit parang imposible.

221
00:15:56,600 --> 00:15:57,960
Ayoko talaga sa Pasko.

222
00:15:59,640 --> 00:16:00,800
Di ako naniniwala.

223
00:16:01,760 --> 00:16:03,240
Itong Paskong 'to.

224
00:16:04,880 --> 00:16:06,480
Nag-aalala ako sa 'yo

225
00:16:06,480 --> 00:16:07,400
palagi.

226
00:16:08,880 --> 00:16:10,240
Alam mo ba 'yon?

227
00:16:11,520 --> 00:16:13,880
Alam kong natatakot kang maging pabigat.

228
00:16:14,840 --> 00:16:16,840
Pero gusto lang naming damayan ka.

229
00:16:19,000 --> 00:16:20,560
Hayaan mong gawin namin.

230
00:16:20,560 --> 00:16:22,880
At wag mong sabihing okay ka
kung di naman.

231
00:16:24,680 --> 00:16:27,680
Sana pwedeng i-rewind lahat,
at magsimula tayo ulit.

232
00:16:31,680 --> 00:16:32,520
Well...

233
00:16:33,760 --> 00:16:35,520
may New Year's Eve pa naman.

234
00:16:38,600 --> 00:16:39,800
Hi, buddy.

235
00:16:39,800 --> 00:16:40,720
Hi.

236
00:16:44,600 --> 00:16:47,600
Ano, sorry do'n sa kanina.

237
00:16:48,160 --> 00:16:49,360
- Ano lang kasi...
- Tao...

238
00:16:49,360 --> 00:16:53,840
Ayokong gumawa ng kahit ano,
maliban na lang kung gusto mo rin.

239
00:16:55,240 --> 00:16:59,960
I mean, iniisip ko 'yon lagi.
Di naman lagi.

240
00:17:00,560 --> 00:17:03,920
'Yong sakto lang, pag iniisip ng isang tao
'yong girlfriend niya.

241
00:17:03,920 --> 00:17:05,480
- Tatahimik na ako.
- Tao...

242
00:17:05,480 --> 00:17:08,720
Gusto ko rin namang gawin 'yon.
Ano lang talaga...

243
00:17:08,720 --> 00:17:10,960
Mas komplikado lang para sa 'kin.

244
00:17:11,960 --> 00:17:13,920
Balewala sa 'kin
kung transgender woman ka.

245
00:17:13,920 --> 00:17:15,600
Baka mapagaan no'n ang loob mo.

246
00:17:15,600 --> 00:17:16,600
Alam ko, pero...

247
00:17:18,400 --> 00:17:22,160
transgender woman ako,
at malaking bahagi 'yon ng pagkatao ko.

248
00:17:24,560 --> 00:17:26,680
Never kong na-imagine
na magkaka-boyfriend ako

249
00:17:26,680 --> 00:17:30,480
at mararamdamang safe ako sa kanya
na maiisip kong...

250
00:17:32,280 --> 00:17:34,120
maghubad sa harap niya.

251
00:17:38,680 --> 00:17:40,480
Tapos, no'ng hinawakan mo ako...

252
00:17:45,920 --> 00:17:47,640
inatake ako ng dysphoria ko.

253
00:17:50,560 --> 00:17:53,760
Ipinaramdam no'n
na di ko katawan 'yong katawan ko, na...

254
00:17:55,960 --> 00:17:57,200
parang wala ako do'n.

255
00:18:00,680 --> 00:18:01,800
- Sorry.
- Ano ka ba?

256
00:18:02,800 --> 00:18:03,920
Wag kang mag-sorry.

257
00:18:05,640 --> 00:18:06,720
No pressure naman.

258
00:18:07,840 --> 00:18:09,960
Sorry kung ganyan ang naramdaman mo.

259
00:18:09,960 --> 00:18:10,880
Okay lang.

260
00:18:11,920 --> 00:18:15,000
Alam ko namang
di pa natin 'to napag-usapan noon, so...

261
00:18:16,080 --> 00:18:17,320
ang hirap pag-usapan.

262
00:18:18,240 --> 00:18:19,080
Mahal kita.

263
00:18:20,040 --> 00:18:22,240
Mahal ko 'yong buong pagkatao mo.

264
00:18:22,240 --> 00:18:26,000
At anuman 'yong gusto mong gawin
o ayaw mong gawin, okay lang.

265
00:18:27,520 --> 00:18:29,080
Gusto pa rin kitang makasama.

266
00:18:31,520 --> 00:18:32,360
Halika nga.

267
00:18:43,320 --> 00:18:45,560
Ano kaya kung habang hinahatid kita pauwi,

268
00:18:45,560 --> 00:18:48,760
pag-usapan natin 'yong mga bagay
na komportable ka?

269
00:18:50,560 --> 00:18:51,400
Okay.

270
00:18:51,400 --> 00:18:52,480
Okay?

271
00:18:53,000 --> 00:18:53,920
Okay.

272
00:18:53,920 --> 00:18:55,640
- Okay.
- Okay.

273
00:18:56,720 --> 00:18:57,560
Tara.

274
00:19:22,120 --> 00:19:23,320
Pa'no mo nagagawang...

275
00:19:23,960 --> 00:19:24,880
Tigilan mo!

276
00:19:26,920 --> 00:19:28,320
Second place na 'ko!

277
00:19:28,320 --> 00:19:29,760
Second ka na agad?

278
00:19:30,360 --> 00:19:31,280
- Wag!
- Tumigil ka!

279
00:19:31,280 --> 00:19:33,360
- Sige, Oliver.
- Guguluhin din kita.

280
00:19:33,360 --> 00:19:35,120
- Sige, guluhin mo.
- Laro na!

281
00:19:35,120 --> 00:19:36,040
Tama na!

282
00:19:48,600 --> 00:19:49,520
Halika, buddy.

283
00:19:54,600 --> 00:19:55,440
Ready ka na?

284
00:20:00,360 --> 00:20:01,200
Ready ka na?

285
00:20:08,080 --> 00:20:10,320
Hi.

286
00:20:10,320 --> 00:20:13,160
- Kumusta ang baby boy ko?
- Na-miss ka niya.

287
00:20:13,160 --> 00:20:14,320
Na-miss ko siya.

288
00:20:14,320 --> 00:20:16,120
- Na-miss mo siya, buddy?
- Hi, buddy!

289
00:20:19,920 --> 00:20:23,520
Alam mong mula ngayon,
ikaw na ang magiging taxi driver ko, tama?

290
00:20:23,520 --> 00:20:24,440
Talaga?

291
00:20:25,320 --> 00:20:26,440
Ang suwerte ko, a.

292
00:20:52,560 --> 00:20:53,600
Charlie!

293
00:20:53,600 --> 00:20:55,120
- Charlie!
- Hello!

294
00:20:55,120 --> 00:20:57,520
- Sobrang na-miss ka namin!
- Nick.

295
00:20:57,520 --> 00:20:59,600
- Okay lang 'yon.
- Nice to see you.

296
00:20:59,600 --> 00:21:01,240
Tara! Sasayaw tayo!

297
00:21:02,280 --> 00:21:07,400
So tuloy-tuloy sa pag-viral 'yong art ko,
tapos nagkaro'n ako ng bagong followers.

298
00:21:07,400 --> 00:21:08,880
Sobrang galing mo.

299
00:21:09,440 --> 00:21:10,360
Salamat.

300
00:21:12,720 --> 00:21:13,840
- Charlie!
- Charlie!

301
00:21:14,360 --> 00:21:15,200
Hello!

302
00:21:17,200 --> 00:21:19,040
Samahan mo kaming sumayaw!

303
00:21:19,040 --> 00:21:19,960
Di ako sumasayaw!

304
00:21:19,960 --> 00:21:20,880
Ayoko!

305
00:21:52,320 --> 00:21:54,440
- Tanungin mo kaya siya?
- Tara.

306
00:21:54,440 --> 00:21:56,720
- Ay, hi, Tara.
- Prefect ka, tama?

307
00:21:56,720 --> 00:22:01,400
- Pwedeng kausapin mo si Miss Greenwood...
- Sorry, pupunta na ako do'n. Sorry.

308
00:22:02,000 --> 00:22:02,840
Hi.

309
00:22:03,360 --> 00:22:04,320
Champagne.

310
00:22:04,320 --> 00:22:06,080
- Iinumin mo 'yan?
- Oo.

311
00:22:06,600 --> 00:22:09,920
Lalabas 'yan sa ilong mo.
Di ba? Parang ganyan.

312
00:22:09,920 --> 00:22:11,640
Ngayon, sa bibig mo naman. Wag.

313
00:22:11,640 --> 00:22:13,520
- Wag sa 'kin, please!
- Hi.

314
00:22:13,520 --> 00:22:15,000
- Hi!
- Okay ka lang?

315
00:22:15,000 --> 00:22:17,160
- Kumusta?
- Okay naman. Sayaw tayo!

316
00:22:17,160 --> 00:22:18,080
Tara.

317
00:22:22,960 --> 00:22:27,080
So sinabi ko sa iba
'yong tungkol sa pronouns ko. Ayun lang.

318
00:22:27,080 --> 00:22:30,040
Siguro, gusto ko lang munang malaman
kung ano'ng pakiramdam.

319
00:22:30,640 --> 00:22:33,960
Tama. Di mo kailangang madaliin
'yong pag-come out o ano.

320
00:22:33,960 --> 00:22:36,960
Mag-chill ka lang, saka enjoyin mo lang.

321
00:22:37,720 --> 00:22:38,560
- Tama.
- Oo.

322
00:22:38,560 --> 00:22:42,920
- Oo. E-enjoyin ko. Thank you very much.
- Enjoyin mo, ha? Cheers.

323
00:22:42,920 --> 00:22:44,720
Magda-drive ako, so itong...

324
00:22:46,520 --> 00:22:49,200
Uy, Charlie.
Bakit pala ang tagal mong absent?

325
00:22:51,320 --> 00:22:53,640
Sorry, bro. Actually, palabas na kami.

326
00:22:54,200 --> 00:22:55,320
Mamaya na lang, ha?

327
00:23:15,840 --> 00:23:16,680
Hello.

328
00:24:01,000 --> 00:24:02,240
Kukuha ako ng drinks.

329
00:24:13,640 --> 00:24:14,640
Hi.

330
00:24:15,600 --> 00:24:16,440
Gusto mo?

331
00:24:16,960 --> 00:24:19,080
Ayoko. Masusuka na 'ko.

332
00:24:19,960 --> 00:24:20,800
Ay, hala.

333
00:24:21,400 --> 00:24:22,800
Nakailan ka na ba?

334
00:24:22,800 --> 00:24:25,440
Konti nga lang, e. Ano lang kasi...

335
00:24:29,400 --> 00:24:30,480
Kami ni Tao...

336
00:24:32,880 --> 00:24:34,280
gusto naming mag-sex.

337
00:24:35,840 --> 00:24:36,800
Oh my God.

338
00:24:36,800 --> 00:24:41,600
O, ewan ko,
gumawa ng iba pa bukod sa kiss lang.

339
00:24:42,200 --> 00:24:44,600
Bakit parang di ka masaya?

340
00:24:45,240 --> 00:24:47,520
Masaya ako, pero big deal 'yon.

341
00:24:47,520 --> 00:24:51,840
I mean, pa'no kung hawakan niya ako,
tapos mag-panic ako?

342
00:24:51,840 --> 00:24:55,600
Kung di ka handa, babe,
di mo kailangang gumawa ng kahit ano.

343
00:24:56,200 --> 00:24:59,880
Gusto ko. Gusto ko talaga.
Natatakot lang ako.

344
00:24:59,880 --> 00:25:04,080
Naiinis ako na pinipigilan ako nitong
makasama siya sa gano'ng paraan.

345
00:25:04,080 --> 00:25:05,320
Halika nga.

346
00:25:06,240 --> 00:25:07,560
Nagtitiwala ka sa kanya,

347
00:25:07,560 --> 00:25:11,680
at mahal ka niya,
at kung may mangyari mang di maganda,

348
00:25:12,800 --> 00:25:14,160
andito ako para sa 'yo.

349
00:25:14,920 --> 00:25:16,760
At nasa tabi mo lang siya.

350
00:25:16,760 --> 00:25:17,960
Sigurado ako do'n.

351
00:25:21,640 --> 00:25:23,640
I love you.

352
00:25:25,800 --> 00:25:28,360
Pwede na siguro akong umuwi
pag tapos na 'yong fireworks.

353
00:25:29,720 --> 00:25:30,560
Okay lang.

354
00:25:31,800 --> 00:25:33,360
Medyo pagod na rin ako, e.

355
00:25:35,160 --> 00:25:38,760
- Maghahatinggabi na.
- Mismo. Kailangan nang mag-recharge.

356
00:25:42,240 --> 00:25:43,080
Salamat.

357
00:25:48,000 --> 00:25:49,440
Ang saya ko, andito ka na ulit.

358
00:25:50,960 --> 00:25:52,440
'Yong wala ka sa tabi ko?

359
00:25:53,920 --> 00:25:54,760
Ang lungkot.

360
00:25:59,560 --> 00:26:00,400
Uy.

361
00:26:01,440 --> 00:26:04,360
- Kumusta ang gabi mo?
- Mas okay kaysa no'ng Pasko.

362
00:26:04,880 --> 00:26:06,680
Ang babang standard no'n.

363
00:26:07,360 --> 00:26:10,560
Oo nga. Pero nairaos ko 'yong gabi
nang di nagbe-breakdown,

364
00:26:10,560 --> 00:26:12,840
so mukhang effective 'yong therapy.

365
00:26:13,560 --> 00:26:14,400
Siguro nga.

366
00:26:15,120 --> 00:26:16,480
Salamat kay Geoff.

367
00:26:19,120 --> 00:26:20,720
Asan 'yong mga kaibigan mo?

368
00:26:21,440 --> 00:26:22,680
Nag-e-enjoy sa labas.

369
00:26:23,880 --> 00:26:25,360
At nagpapakasaya.

370
00:26:25,360 --> 00:26:29,120
Balang-araw, magkakaro'n ka din
ng kaibigan na mae-enjoy mong kasama.

371
00:26:30,360 --> 00:26:32,920
Ikaw lang 'yong taong importante sa 'kin.

372
00:26:34,120 --> 00:26:35,720
Di 'yan panghabambuhay.

373
00:26:37,080 --> 00:26:37,920
Tingnan natin.

374
00:26:38,880 --> 00:26:40,000
Maghahatinggabi na.

375
00:26:40,000 --> 00:26:43,600
Siguraduhin n'yong may hahalikan kayo!
Magsimula na tayo.

376
00:26:44,160 --> 00:26:45,000
Fireworks?

377
00:26:45,600 --> 00:26:46,440
Fireworks.

378
00:26:50,200 --> 00:26:51,240
Eto na.

379
00:26:51,240 --> 00:26:53,960
Di pa tayo maayos na nakapag-usap
mula no'ng Halloween, at...

380
00:26:53,960 --> 00:26:55,760
hahalikan mo ako ngayong hatinggabi.

381
00:26:55,760 --> 00:26:57,160
Di 'yon ang ipinunta ko.

382
00:26:58,400 --> 00:27:01,240
Gusto kong mag-sorry
sa nangyari no'ng Halloween.

383
00:27:02,640 --> 00:27:03,880
Ang toxic ko no'n.

384
00:27:05,200 --> 00:27:06,040
A...

385
00:27:07,040 --> 00:27:07,880
okay?

386
00:27:12,480 --> 00:27:13,480
Di ko ginawa 'yon

387
00:27:14,000 --> 00:27:15,840
para magpapansin o ano.

388
00:27:18,560 --> 00:27:19,560
Di ko talaga alam

389
00:27:20,160 --> 00:27:21,520
'yong ginagawa ko no'n.

390
00:27:22,320 --> 00:27:23,200
Eto, a.

391
00:27:25,120 --> 00:27:28,000
Ayokong maging experiment lang sa 'yo.

392
00:27:29,520 --> 00:27:33,480
Lalo na't alam mong ikaw ang dahilan
kaya na-realize kong bi ako.

393
00:27:36,400 --> 00:27:37,520
Teka.

394
00:27:37,520 --> 00:27:38,560
Di ko alam 'yon.

395
00:28:02,960 --> 00:28:04,480
Ten,

396
00:28:04,480 --> 00:28:07,160
nine, eight...

397
00:28:07,160 --> 00:28:09,680
And'yan ka pala, e. Sa'n ka ba nagpunta?

398
00:28:10,400 --> 00:28:12,880
Kinailangan ko lang munang mapag-isa.

399
00:28:14,960 --> 00:28:17,600
...seven, six...

400
00:28:17,600 --> 00:28:20,160
Hi. Wag kang mag-alala. Di kita hahalikan.

401
00:28:20,160 --> 00:28:22,600
Ayoko lang mag-isa ako pagkahatinggabi.

402
00:28:23,560 --> 00:28:24,960
...five, four...

403
00:28:28,600 --> 00:28:29,480
Tara?

404
00:28:30,560 --> 00:28:31,400
Okay.

405
00:28:37,160 --> 00:28:41,160
...three, two, one!

406
00:28:41,160 --> 00:28:44,640
Happy New Year!

407
00:29:12,240 --> 00:29:13,280
Happy New Year.

408
00:29:14,200 --> 00:29:15,200
Happy New Year.

409
00:30:26,080 --> 00:30:29,080
Nagsalin ng Subtitle:
John Vincent Lunas Pernia

