WEBVTT

00:07.560 --> 00:10.080
ISANG SERIES MULA SA NETFLIX

00:12.719 --> 00:14.920
Hi. Ako si Santi,

00:15.399 --> 00:16.880
at sexist ako.

00:17.960 --> 00:21.400
Ako si Luis, at sexist din ako.

00:22.160 --> 00:26.119
Ako si Pedro, at mukhang sexist din ako.

00:27.160 --> 00:30.279
Ako si Raúl, at…

00:32.000 --> 00:33.160
Ba't andito ako?

00:33.240 --> 00:37.000
-Uy! Saan ka pupunta?
-Di ko sasabihin 'yong kalokohang 'yon.

00:37.080 --> 00:38.400
Magba-bar ako.

00:38.480 --> 00:41.000
Well, sobrang galit na siya.

00:45.919 --> 00:48.760
Wag kayong mag-alala.
Normal 'yon. Babalik siya. Makikita n'yo.

00:49.280 --> 00:54.720
Ang importante, andito kayong lahat.
Andito kayo dahil nagpasya kayong kumawala

00:54.800 --> 00:57.360
sa roles ng toxic masculinity

00:57.440 --> 00:58.400
at tumungo

00:59.279 --> 01:05.920
sa bagong pag-unawa sa pagiging lalaki.
Mula ngayon, lahat kayo

01:06.840 --> 01:09.160
deconstructing sexist pigs na.

01:10.399 --> 01:12.720
TUNGO SA BAGO
AT HEALTHY MASCULINITY

01:14.440 --> 01:17.440
-Pare, pa'no tayo napunta dito?
-Di ko nga alam.

01:18.680 --> 01:22.119
-Nagno-note ba siya?
-Ano nga 'yong last part ulit?

01:23.600 --> 01:24.880
Pambihira.

01:26.320 --> 01:29.000
SIX MONTHS AGO

01:36.640 --> 01:38.479
Sige na, mga pare! Jab, cross!

01:38.560 --> 01:44.040
Jab, cross! Low kick!
Sige na! Jab, cross! Low kick!

01:53.920 --> 01:54.920
Good morning.

01:55.000 --> 01:56.440
Good morning.

02:00.640 --> 02:01.839
José Ángel.

02:01.919 --> 02:03.160
Ano 'to?

02:03.720 --> 02:07.199
Ionizer 'yan. Air purifier 'yan.
Dahil di bumubukas 'yong mga bintana.

02:07.280 --> 02:08.880
Para di kayo tumalon.

02:09.720 --> 02:13.560
-Kumusta 'yong…
-Mabuti. Maayos 'yong treatment ko.

02:13.640 --> 02:17.480
Baka nga maiwasan ko 'yong surgery,
batuta ko na lang.

02:17.560 --> 02:20.799
Di ko naman ginagamit, pero…
Makinig ka, wag kang magka-cancer.

02:20.880 --> 02:22.280
Wala sa plano ko.

02:23.000 --> 02:25.720
Napapaisip ako sa shit na 'to,
alam mo 'yon?

02:26.440 --> 02:28.280
Nagbabago na 'yong panahon, Pedro.

02:28.360 --> 02:32.080
Talaga? Di ko napansin.
Parang air purifier lang.

02:32.160 --> 02:35.720
Laging nangunguna sa panahon
'tong network na 'to, di nahuhuli.

02:35.799 --> 02:37.080
Ayos naman tayo.

02:37.160 --> 02:38.640
Nangunguna pa din tayo…

02:38.720 --> 02:42.320
Alam ng magaling na executive
pag wala nang silbi sa posisyon,

02:42.400 --> 02:44.239
at pagbigyan 'yong iba.

02:44.760 --> 02:48.600
José Ángel, andito ako
anumang kailangan mo.

02:48.679 --> 02:50.440
May ipapakilala ako sa 'yo.

02:54.560 --> 02:55.560
Hello.

02:55.640 --> 02:57.959
Cristina, si Pedro.

02:58.040 --> 02:59.840
Pedro, si Cristina.

02:59.920 --> 03:01.320
-Hello.
-Hi.

03:01.400 --> 03:03.840
Bagong director siya ng programming.

03:06.480 --> 03:10.280
Ibig kong sabihin, gusto ko sanang pumili
ng taong magre-report sa 'kin.

03:10.360 --> 03:12.160
-Wag kang magalit.
-Wala 'yon.

03:12.239 --> 03:15.399
Kung ako 'yong bagong CEO,
kailangan kong bumuo ng sarili kong team.

03:15.480 --> 03:17.440
Sa katunayan, may naisip
na akong mga tao…

03:17.519 --> 03:20.360
Pedro, CEO pa din ako.

03:20.440 --> 03:21.399
Ah.

03:22.799 --> 03:23.799
Naguguluhan ako.

03:23.880 --> 03:26.760
Kailangan natin ng bagong diskarte
sa programming natin.

03:26.840 --> 03:28.799
Mas pambabaeng pagtingin.

03:28.880 --> 03:30.840
Bawasan 'yong patriarchal.

03:30.920 --> 03:35.360
Iwan mo muna kami, Cristina?

03:38.040 --> 03:40.920
Tinatanggal mo na ba ako? Kapalit siya?

03:41.000 --> 03:43.000
Sino ba ang babaeng 'yon?

03:43.079 --> 03:47.040
Ano'ng sinabi ko tungkol sa Bad Bitch?
Di magandang title para sa sitcom.

03:47.119 --> 03:49.000
Ironic 'yon, lintik.

03:49.079 --> 03:51.560
Bugnutin na 'yong mga tao.

03:51.640 --> 03:55.799
Tingin mo, nakakatawa 'yong babaeng
prostitute na may uterine cancer?

03:55.880 --> 03:58.799
Maghihiganti siya.
Gaganda 'yon pagkatapos ng fourth episode.

03:58.880 --> 04:00.600
Tatanggalin mo ba talaga ako

04:00.679 --> 04:03.280
dahil sa nagwawala, OA na mga babae,

04:03.359 --> 04:04.839
na pina-trending tayo?

04:04.920 --> 04:06.720
Walang personalan.

04:07.359 --> 04:10.119
Corporate decision 'to.

04:10.839 --> 04:13.280
Lalaki 'yong lahat ng executive natin.

04:13.359 --> 04:14.799
Nagkataon lang 'yon.

04:14.880 --> 04:17.200
Hindi, glass ceiling
'yong tawag ng mga babae do'n.

04:17.279 --> 04:21.519
-Nakikipag-sex ka ba sa kanya?
-Di ba? Iniiwasang comment natin 'yon.

04:21.599 --> 04:25.520
José Ángel, kakabili ko lang ng bahay
na may limang kuwarto

04:25.599 --> 04:26.520
at wine cellar.

04:26.599 --> 04:29.320
-Alam ko. Gusto ko na nga makita.
-Oo ba.

04:29.400 --> 04:32.720
Sa Sunday, mag-iihaw ako para i-celebrate
'yong pagtanggal mo sa 'kin.

04:33.320 --> 04:35.720
Magiging maayos 'yong severance pay mo.

04:35.800 --> 04:39.640
Siniguro kong tama 'yong makukuha mo.

04:40.840 --> 04:41.840
Sige.

04:45.160 --> 04:48.080
Good luck. Dahil aalis akong
kasama 'yong diskarte ko.

04:49.960 --> 04:51.000
'Yong diskarte…

04:52.800 --> 04:55.280
at 'yong whiteboard na binili ko.

04:59.800 --> 05:01.440
Iiwan ko na lang muna dito.

05:04.240 --> 05:05.880
Pero kukunin ko bukas.

05:55.680 --> 05:59.960
Hello, good evening.
May squatter o magnanakaw sa apartment ko.

06:00.039 --> 06:02.560
Naliligo sila para walang ebidensiya…

06:02.640 --> 06:05.200
Naku! Darling, tinakot mo 'ko!

06:05.280 --> 06:07.680
-Ano'ng ginagawa mo dito?
-Di ko na kaya si Mama.

06:07.760 --> 06:09.080
Sino'ng nasa shower?

06:09.160 --> 06:12.039
-Wala naman.
-So ba't nakabukas 'yong gripo?

06:12.120 --> 06:14.359
Ilang beses kong sinabi,
wag sayangin 'yong tubig.

06:14.440 --> 06:16.560
Pero matagal bago uminit.

06:17.680 --> 06:20.080
-Andito ako para tumira kasama ka.
-Ano?

06:21.440 --> 06:22.440
Ano…

06:24.080 --> 06:27.400
-Umuwi ka na, Álex, please.
-Kailan ako magkakapagsarili?

06:27.479 --> 06:30.799
-Pag di mo na nadedelikado 'yong buhay ko.
-Sobrang nakakairita siya!

06:33.000 --> 06:35.120
-Blanca.
-Kinidnap mo 'yong anak ko!

06:35.200 --> 06:36.160
Ipapapulis kita!

06:36.240 --> 06:38.400
Sandali lang. Sandali, please.

06:38.479 --> 06:40.680
-Ibalik mo 'yong anak ko.
-Diyos ko!

06:40.760 --> 06:43.440
-Ibalik mo 'yong anak ko!
-Nasa baba ba siya?

06:43.520 --> 06:45.919
Hindi. Álex. Wag, please… Álex!

06:46.599 --> 06:48.919
-Ma, tigilan mo na ako!
-Darling, okay ka lang ba?

06:49.000 --> 06:50.280
Naku! Shit!

06:52.680 --> 06:55.880
-Sinaktan niya ako! Nakita mo, di ba?
-Blanca, aksidente 'yon!

06:55.960 --> 06:58.080
Pinapadiligan ng katulong
'yong mga halaman.

06:58.160 --> 07:00.320
Ibaba mo na siya o ipapupulis kita.

07:00.840 --> 07:01.960
Álex, bumaba ka na.

07:05.200 --> 07:06.640
Blanca, bababa ako,

07:06.720 --> 07:09.120
pero kung mag-uusap tayo
nang maayos, okay?

07:10.239 --> 07:12.960
Nakaligo at matutulog na sila
nang 9:02 p.m.

07:14.280 --> 07:17.719
Bago sila nakatulog, pitong beses
akong nagbasa ng Super Inquisitive Kids.

07:17.799 --> 07:19.599
Muntik na din akong makatulog.

07:23.640 --> 07:24.599
Hello.

07:27.280 --> 07:28.280
Gusto mo 'to?

07:28.359 --> 07:30.239
Oo, ang ganda mo.

07:30.320 --> 07:33.680
Tatlong euro sa AliExpress.
Pwede mo 'tong punitin.

07:33.760 --> 07:36.520
Honey, medyo pagod ako. Tinata…

07:36.599 --> 07:38.120
Tatrabahuhin kita.

07:57.560 --> 07:58.560
Luis.

07:59.239 --> 08:00.679
-Tulog ka na?
-Hindi.

08:00.760 --> 08:02.840
Uy. Pagod na din ako, alam mo 'yon.

08:02.919 --> 08:05.679
-E, matulog na tayo.
-Hindi. Mag-usap tayo.

08:05.760 --> 08:07.560
-Ano ba 'yon?
-Lagi na lang ganito.

08:07.640 --> 08:11.440
Sabihin mong nagloloko ka, please.
O nagpakasal ba ako sa halaman?

08:11.520 --> 08:13.239
Ha? Di ako nagloloko!

08:13.320 --> 08:15.719
-Kailan 'yong huli nating sex?
-Ewan ko.

08:15.799 --> 08:17.320
Limang buwan na!

08:17.400 --> 08:21.280
Makukuntento na lang ba ako na pagpa-file
ng taxes na 'yong pagiging close natin.

08:21.359 --> 08:24.880
Aba siyempre, dapat mag-sex tayo.
Pero 'yong kusa. 'Yong natural flow lang!

08:24.960 --> 08:27.400
Walang flow nga, honey, wala na talaga!

08:27.479 --> 08:30.479
Pag pinilit mo 'ko… Kahit pa si Nadal,
di makakalaro pag pinilit.

08:30.560 --> 08:34.559
Luis, patay na
'yong sex life natin. Patay na!

08:35.079 --> 08:38.600
-Saan ka pupunta?
-Huhubarin 'tong cheap na damit! Ang kati!

08:40.120 --> 08:41.120
'Yong mga bata.

08:51.959 --> 08:54.480
Saan ka galing?
Sabihin mo 'ko kung di ka uuwi.

08:54.560 --> 08:56.880
Darling, buong gabi ako sa kulungan.

08:56.959 --> 08:59.520
Sabi sa 'yo, nakakairita si Mama.
Uy! Tingnan mo.

09:00.520 --> 09:03.440
-Sino 'yan?
-Si Marina. Nag-match kayo sa Tinder.

09:03.520 --> 09:06.000
Hindi, wala akong Tinder.
Di ako gumagamit no'n.

09:06.079 --> 09:09.400
Eto na. May mas maayos ka bang picture?
Medyo luma na 'to.

09:09.480 --> 09:11.240
Ha? Wala, darling.

09:11.320 --> 09:14.760
Alisin mo na ako diyan, okay?
Ayos lang akong single.

09:14.839 --> 09:18.760
Iba naman 'yong browser history mo.
Malaking boobs, interracial, di ba?

09:21.959 --> 09:25.839
Ba't mo tinitingnan 'yong computer ko?
Ako'ng masusunod dito.

09:25.920 --> 09:30.160
Kailangan mo nang lumandi.
Ako'ng bahala. Community manager mo 'ko.

09:30.880 --> 09:32.000
Di pwede!

09:32.520 --> 09:34.959
Isa pang match! Wow, cute siya.

09:41.600 --> 09:42.959
Di ako makikipag-date.

09:43.560 --> 09:46.600
"Hello, Ángeles. Dinner bukas?"

09:47.240 --> 09:48.320
Agad agad!

09:53.120 --> 09:55.440
-Ano'ng ginagawa mo?
-Sabi ko, nayo-yoga ako.

09:55.520 --> 09:58.000
Kung di ako flexible, di ako paniniwalaan.

10:02.360 --> 10:06.720
-Nagustuhan mo ba?
-Nahuli ka na, darling.

10:08.000 --> 10:10.000
Papakasalan ko si Luz.

10:10.520 --> 10:11.560
Bakit?

10:12.400 --> 10:16.400
Well, para maging masaya,
ewan ko, para magpatuloy sa buhay.

10:16.920 --> 10:18.920
Ang lungkot naman. Nakakaawa naman siya.

10:19.600 --> 10:22.000
-Ano'ng ibig mong sabihin?
-Hello?

10:24.040 --> 10:25.040
Di kasali 'to!

10:25.120 --> 10:28.560
Iba pag kasal na, back to zero na.
Parang binyag lang.

10:29.440 --> 10:31.120
Palibhasa, matanda ka na.

10:31.640 --> 10:34.040
Carmen, di na tayo magkikita.

10:34.120 --> 10:36.400
Sige. Akin na 'yong bra ko.

10:37.280 --> 10:39.240
Preventive detention. Pambihira!

10:40.079 --> 10:43.199
-Sige na. Serve na namin.
-Iskandalosa siya, sumisigaw sa labas,

10:43.280 --> 10:48.079
-…nagpapulis, at ako 'yong kalaboso.
-Kung may batuta ka, demonyo ka.

10:48.160 --> 10:50.600
-Grabe na 'to.
-15-0!

10:50.680 --> 10:53.480
-Di pa kami ready.
-Mag-usap kayo sa bar, mga tsismoso!

10:53.560 --> 10:54.680
Nakakainggit ka, pare!

10:54.760 --> 10:58.680
Mahal ka ng girlfriend, magandang trabaho,
at saka malaking 'yong bagong bahay mo.

10:58.760 --> 11:01.199
-Sobrang ganda.
-30-0!

11:01.280 --> 11:03.680
Santi, lahat tayo may problema, okay?

11:03.760 --> 11:08.079
Ba't ang galing mo at ako hindi?
Tingin ko, di ka mas matalino sa 'kin.

11:08.160 --> 11:09.600
-40-0!
-Naiinip na ako!

11:09.680 --> 11:11.360
Sige na! Tumahimik ka, pare.

11:11.440 --> 11:13.360
Okay, sorry. Sige na.

11:21.600 --> 11:23.280
40-15!

11:23.360 --> 11:24.320
Sige na, pare.

11:24.400 --> 11:25.760
Shit.

11:26.400 --> 11:27.400
Sorry.

11:32.000 --> 11:33.800
Nag-resign ka? Pa'no 'yong promotion?

11:33.880 --> 11:37.440
Oo. Pero ayaw nila akong bumuo
ng sarili kong team. Buwisit sila!

11:37.520 --> 11:40.760
So, pa'no… Ibig kong sabihin,
pa'no natin babayaran 'tong mga 'to?

11:40.839 --> 11:45.199
Honey, di pa katapusan ng mundo.
Malaki 'yong separation pay ako.

11:45.280 --> 11:47.199
Hindi, di ako nag-aalala sa 'yo.

11:47.280 --> 11:50.160
Nag-aalala ako sa 'kin.
Ang ayos mo, nagpakampante ako.

11:51.240 --> 11:54.079
-Makaka-move on ka sa pagkatanggal ko.
-O baka hindi.

11:54.160 --> 11:57.680
Kung lulubog 'yong barko,
kasama 'yong mga crew.

11:57.760 --> 12:02.199
-Cancel na 'yong housewarming dinner.
-Hindi! Wala tayong ika-cancel.

12:02.280 --> 12:05.560
Uminom tayo ng wine,
manood ng movie, at saka mag-enjoy tayo.

12:05.640 --> 12:07.600
-Okay.
-Maghanap ka ng bagong palabas.

12:08.079 --> 12:09.480
Magbubukas ako ng wine.

12:10.000 --> 12:11.839
Baka 'yong magnum.

12:13.079 --> 12:14.640
Okay ka lang, babe?

12:14.719 --> 12:17.680
Ako? Ayos ako. Ang saya ko kaya.

12:18.280 --> 12:21.440
Pag lumabas ka sa comfort zone mo,
mapipilitan kang maging creative.

12:21.520 --> 12:23.640
Asan na 'yong lintik
na bottle opener? Ayon.

12:23.719 --> 12:27.000
Diyos ko, eto ako,
akala mo asawa ng basketball player.

12:27.079 --> 12:28.959
Talaga ba, Daniela? Ano na.

12:29.040 --> 12:29.959
Honey.

12:30.040 --> 12:32.199
Mas okay kung makakatulong ako.

12:32.280 --> 12:35.440
Buksan mo 'yong wine. Mago-on ako ng TV.

12:39.240 --> 12:43.120
Mabebenta natin 'yong Mini.
Di natin kailangan ng dalawang kotse.

12:46.400 --> 12:47.400
Ano?

12:49.599 --> 12:52.959
Nakaligo at matutulog na sila
nang 8:57 p.m.

12:54.120 --> 12:56.240
-Eto.
-Ano 'to?

12:56.320 --> 13:00.000
Maliit na regalo. Para sa maliit
na pagtatalo natin kagabi.

13:00.079 --> 13:03.680
Nakakatuwa naman. Ano'ng binili mo?

13:08.040 --> 13:09.440
Ang laki, Luis.

13:09.920 --> 13:12.400
Darling, pag di nag-relax, di gagana 'to.

13:13.199 --> 13:15.520
-Yumuko ka pa.
-Di kasya, sinasabi ko sa 'yo…

13:16.560 --> 13:18.800
Nakapasok na! Nasa loob na. Di ba?

13:21.040 --> 13:22.040
Kumusta?

13:22.560 --> 13:24.000
Ewan ko.

13:24.079 --> 13:25.560
Ang weird.

13:26.880 --> 13:27.800
E, eto?

13:27.880 --> 13:31.120
Naku! I-off mo! Ba't gusto 'to ng mga tao?

13:31.199 --> 13:32.199
Saglit.

13:32.800 --> 13:36.120
-I-off mo! Ano'ng ginagawa mo?
-May isang pindutan lang. Minimalist 'to.

13:36.199 --> 13:40.320
-Lintik! Alisin mo na 'yan!
-Masasanay ka din. Ipapasok ko na yata.

13:40.400 --> 13:43.560
-Lintik, alisin mo 'yan sa puwet ko!
-Okay.

13:43.640 --> 13:45.120
Ingat, buwisit!

13:45.640 --> 13:46.640
Honey,

13:47.360 --> 13:50.079
pag piniga mo 'yong sphincter mo,
di makakalabas 'to.

13:50.599 --> 13:51.839
Ma!

13:53.000 --> 13:54.160
Ano 'yon, darling?

13:54.240 --> 13:55.360
Natatakot ako!

13:59.680 --> 14:02.560
-Ano'ng problema? Bangungot ba?
-Hindi, ako 'yon.

14:03.079 --> 14:05.520
Pero sinabi niya sa 'kin,
di na ako makatulog.

14:05.599 --> 14:08.400
Itigil n'yo na 'to, okay?
Gabi-gabi na lang ganyan.

14:09.199 --> 14:12.560
-Halika na, mga anak. Matulog na.
-Hindi, wag ka. Sasama sa amin si Mama.

14:23.800 --> 14:26.560
-May tumatawag sa 'yo.
-Sasagutin ko mamaya, darling.

14:33.599 --> 14:36.880
Ba't di ilagay sa salmorejo
para matapos na kayo?

14:36.959 --> 14:39.199
Hindi. Sa coulant,
'yong paboritong dessert namin.

14:39.280 --> 14:42.280
-Ibigay mo 'yan sa kanya ng nakakahon!
-Sino'ng magpo-propose dito?

14:42.360 --> 14:46.319
Ikaw. Pero sa black eye na 'yan,
parang nakakatawa.

14:46.400 --> 14:48.079
-Honey!
-Uy! Kumusta?

14:48.160 --> 14:52.680
Nakakainis 'tong mga meeting na 'to.
Wow! E, ang gandang match mo.

14:53.439 --> 14:54.319
Ang ganda mo.

14:54.400 --> 14:55.400
Ikaw din.

14:56.079 --> 14:57.640
Alak, please.

15:02.079 --> 15:04.959
-Happy anniversary.
-Tatlong taon na, Diyos ko.

15:05.040 --> 15:06.880
Bagong record 'to sa 'kin.

15:08.000 --> 15:11.479
No'ng nakilala kita, inisip ko,
"Saan galing 'tong tangang 'to?"

15:11.560 --> 15:12.839
Love at first sight 'yon.

15:14.520 --> 15:17.560
Luz, pakiramdam ko,
ang suwerteng lalaki ko sa mundo.

15:18.079 --> 15:20.880
Ikaw 'yong sobrang sexy
at matalinong babae na nakilala ko.

15:20.959 --> 15:22.439
Coulant para sa couple.

15:22.520 --> 15:26.199
Naku, hindi. Gusto ko ng violet ice cream.

15:26.280 --> 15:29.199
-Para match sa mata mo.
-Pero paborito mo 'yon.

15:29.280 --> 15:30.719
Oo, pero gusto ko ng ice cream.

15:30.800 --> 15:33.040
May ice cream din
'yong coulant. Tingnan mo.

15:33.120 --> 15:35.479
Raúl, vanilla ice cream 'yan.
Gusto ko ng violet.

15:35.560 --> 15:37.880
Okay, akin na 'yong coulant.
Maga-ice cream siya.

15:39.839 --> 15:44.280
Sabihin mo. Natu-turn on pa din ba kita,
o may nami-miss ka?

15:44.360 --> 15:45.920
-Ba't mo tinatanong?
-Sumagot ka.

15:46.520 --> 15:49.479
Oo. Sobrang natu-turn on ako sa 'yo.

15:49.560 --> 15:51.839
Di ko alam 'yong sinasabi mo.
Ano'ng dapat ma-miss?

15:51.920 --> 15:55.640
Buong araw kong kasama
'yong nagkakasawang couple.

15:55.719 --> 15:58.560
-Pero nagmamahalan pa din tayo, di ba?
-Oo naman.

15:58.640 --> 16:02.199
Kaya gusto kong mag-propose,

16:02.280 --> 16:03.520
parang kalokohan.

16:04.760 --> 16:05.920
Di nga.

16:06.000 --> 16:07.920
Pa'no kung mag-open relationship tayo?

16:09.319 --> 16:10.319
Ha?

16:10.400 --> 16:14.280
Violet ice cream.
Masarap 'to, pero ang sarap ng coulant.

16:14.359 --> 16:15.680
Thanks, Duna.

16:19.839 --> 16:23.120
-Open relationship?
-So makakapag-sex tayo sa ibang tao.

16:24.479 --> 16:27.280
-Saglit…
-Wala kang bang gustong makasamang iba?

16:27.359 --> 16:28.199
Wala talaga.

16:28.280 --> 16:31.439
Raúl, mahal kita,
pero di tumatagal 'yong monogamy.

16:31.520 --> 16:35.280
Nabo-bore at nafu-frustrate 'yong tao.
Kaya nagloloko at nagkakanda-letse-letse.

16:35.800 --> 16:37.640
Di ko maintindihan.

16:37.719 --> 16:40.160
Dahil ba maayos tayo? Maayos tayo, di ba?

16:40.240 --> 16:42.880
Oo! Pero okay mag-open relationship
pag maayos 'yong lahat.

16:42.959 --> 16:44.280
Kung hindi, di gagana.

16:44.359 --> 16:47.760
So gusto mong payagan kita
na makipag-sex sa ibang lalaki!

16:47.839 --> 16:51.760
Hindi, ayoko lang sirain tayo ng monotony.

16:52.280 --> 16:53.680
Mahal na mahal kita.

16:53.760 --> 16:56.120
Parang kabaliktaran 'yang lahat sa 'kin.

16:56.199 --> 16:59.479
Uy, kung di ka pa ready
sa open relationship, naiintindihan ko.

16:59.560 --> 17:01.839
Pero tapatin mo 'ko.
Tapusin na lang natin 'to.

17:01.920 --> 17:04.560
-Para magkaibigan pa din tayo.
-Ultimatum na 'to?

17:04.639 --> 17:07.319
Forty-two years old na ako,
gusto ko nang lahat.

17:07.399 --> 17:10.680
Gusto ko ng init ng tahanan,
pero kailangan ko din ng iba pang init.

17:10.760 --> 17:12.560
Ayokong magsinungaling.

17:15.480 --> 17:17.960
Pwede bang pag-isipan ko man lang 'to?

17:18.040 --> 17:19.359
Sige, darling.

17:20.680 --> 17:23.159
Ayan. Nasabi ko na. Diyos ko, ang kaba ko.

17:23.800 --> 17:26.000
-Di ba? Gusto ko na kumain ng coulant.
-Hindi.

17:26.079 --> 17:30.440
Gusto mo ng violet ice cream, di ba?
Kainin mo na, o matutunaw 'yan.

17:31.040 --> 17:32.480
-Konti lang.
-Hindi.

17:33.080 --> 17:33.919
Akin 'to.

17:34.000 --> 17:35.399
-Pakagat lang.
-Hoy!

18:03.840 --> 18:05.080
Daniela!

18:05.159 --> 18:06.600
Chaturanga.

18:06.680 --> 18:08.200
Mag-cobra pose tayo.

18:08.720 --> 18:12.040
At saka downward-facing dog.
Very good, girls.

18:12.560 --> 18:16.520
Habang kumukunekta 'yong isip
at katawan natin,

18:17.159 --> 18:18.919
magpapasalamat tayo.

18:19.440 --> 18:23.200
Magpasalamat, parang sa simbahan,
pero walang nanenermon. Relax.

18:23.280 --> 18:24.480
Ano'ng ginagawa mo?

18:25.800 --> 18:28.640
Sinusulit 'yong sunrise
para mag-post ng video sa Instagram.

18:28.720 --> 18:30.640
-Di ako makatulog.
-Talaga ba?

18:30.720 --> 18:34.360
Kumita si Cynthia ng 2,000 euros na i-post
'yong picture na umiinom ng kombucha.

18:34.960 --> 18:37.919
Kalahating milyon 'yong followers
ni Cynthia. Ilan sa 'yo, 500?

18:38.000 --> 18:40.600
-Kailangang umpisahan.
-Ano'ng uumpisahan?

18:40.679 --> 18:43.520
Pedro, kumita, darling.
Kailangan kong maghanapbuhay.

18:44.120 --> 18:46.280
Bilis! Kuhanan mo 'ko ng picture!

18:46.800 --> 18:48.880
-Bilisan mo, Pedro, please!
-Eto na.

18:49.480 --> 18:51.320
Sige nga. Ah…

18:51.399 --> 18:53.919
I-portrait mode mo.
Di mo masasama 'yong legs ko!

18:54.800 --> 18:56.760
Ayon na ba? Nakuhanan mo?

18:56.840 --> 18:59.240
Okay, ayoko na. Nakuhanan mo?

18:59.320 --> 19:03.280
-Naka-selfie mode. Ako 'yong nakuhanan.
-Diyos ko. Ang pangit mo.

19:03.960 --> 19:06.280
Darling, ang pangit mo!

19:06.360 --> 19:11.440
Sige na, guys! Jab! Cross! Middle!

19:11.520 --> 19:16.320
Sige na, last na! Jab! Cross! Middle!

19:16.399 --> 19:18.360
Ayos, break muna!

19:19.200 --> 19:20.399
Break muna!

19:20.919 --> 19:22.159
Pedro, tama na!

19:27.880 --> 19:31.560
Mababago ng bagong legal agreement
'yong measures na inaprubahan ng judge

19:31.640 --> 19:34.679
kung kinakailangan ng bagong
pangangailangan ng mga bata

19:34.760 --> 19:38.280
o pagbabago ng mga kalagayang
isinasaalang-alang sa pagpayag sa kanila.

19:38.360 --> 19:41.040
Luz, andito ako dahil magkaibigan tayo

19:41.120 --> 19:44.200
at saka alam kong di ka papanig
sa passive-aggressive shit na 'to.

19:44.280 --> 19:46.560
Blanca, andito ako para mamagitan,
gaya nang dati.

19:46.640 --> 19:49.120
Nakalagay sa agreement
na titira siya sa 'kin. Period.

19:49.200 --> 19:51.880
Noon, di naisaalang-alang
'yong opinion ni Álex,

19:51.960 --> 19:53.640
pero 16 years old na siya.

19:53.720 --> 19:56.960
-Gusto kong tumira kay Papa.
-Pinapa-drugs niya siya para ayawan ako.

19:57.040 --> 20:00.159
Siguro ngayong ako naman
'yong may gusto ng full custody.

20:00.240 --> 20:02.520
Ano'ng kulang, isang gabi pa ba
sa kulungan?

20:02.600 --> 20:03.520
Blanca, please.

20:03.600 --> 20:05.720
Pinagtutulungan n'yo ako! Okay.

20:05.800 --> 20:07.360
Magkita tayo sa korte.

20:07.440 --> 20:12.000
Kung tetestigo si Álex, may custody
si Santi, makukuha din niya 'yong bahay.

20:12.600 --> 20:13.880
Palalayasin mo din ako?

20:13.960 --> 20:17.840
Hindi! Wala akong sinabi.
Pero kung maibabalik 'yong bahay ko, well…

20:19.560 --> 20:21.040
Gawin mo'ng gusto mo.

20:21.120 --> 20:22.520
Buwisit kang bata ka.

20:24.000 --> 20:25.399
Wag kang mag-aanak!

20:34.600 --> 20:36.240
Well, rocket 'yan.

20:37.000 --> 20:41.280
Oo, 'yon 'yong sinabi ni Ulises.
Sobrang nakakailang, sa totoo lang.

20:41.360 --> 20:44.520
Sobrang strict
ng child protection policy namin.

20:44.600 --> 20:47.399
Pero rocket lang 'yan,
gaya no'ng sinabi ko, Erika.

20:55.880 --> 20:57.800
Oo, para lumipad.

20:57.880 --> 20:59.520
Saan mo naiwan 'yan?

20:59.600 --> 21:00.880
Hinugasan ko sa CR.

21:00.960 --> 21:05.080
Talagang naiintindihan ko na may maliliit
na laruan 'yong mga magulang sa bahay,

21:05.159 --> 21:08.800
-Pero kailangan n'yo…
-Ano talagang naiintindihan mo, Erika?

21:08.880 --> 21:09.880
Ha?

21:09.960 --> 21:12.840
Iang taon ka na? Twenty-five, twenty-six?

21:12.919 --> 21:13.760
Thirty-one.

21:13.840 --> 21:17.880
Lintik, mukha kang mas bata.
May asawa ka na? May mga anak?

21:17.960 --> 21:19.800
-Wala.
-Kaya mukha siyang bata.

21:19.880 --> 21:23.040
Siguradong marami kang tinuturo
sa mga nine years old.

21:23.120 --> 21:26.640
Pero lintik, di mo alam
kung pa'no 'yong mag-asawa.

21:27.360 --> 21:29.600
Para subukan at humanap ng 20 minutes

21:29.679 --> 21:32.480
sa driving lessons,
sa mga pasaway at burarang maybahay,

21:32.560 --> 21:36.080
naglalaba at naggagawaing-bahay,
para lang magmakaawang makipag-sex.

21:36.159 --> 21:38.080
-Pagmamakaawa?
-Nang walang ingay.

21:38.159 --> 21:40.240
Na may asawang di ka man lang ginagalaw.

21:40.960 --> 21:44.320
Di mo ba naisip na 'yong laruan
'yon, huli at desperadong pagtatangka

21:44.399 --> 21:46.439
para isalba 'yong pagsasama
na mawawasak na?

21:46.520 --> 21:47.600
Di naman gano'n.

21:47.679 --> 21:51.720
Kaya mag-ingat ka sa susunod
na maliitin mo kami mula sa pedestal mo.

21:51.800 --> 21:55.439
Dahil baka 'to mismong kahantungan mo.

21:56.360 --> 21:58.800
Sinisiguro ko sa 'yo, di maganda 'yon.

22:03.480 --> 22:04.600
Goodbye, Erika.

22:09.360 --> 22:13.399
"Di maaalis 'yong mga problema bukas
ng pag-aalala, pero 'yong peace ngayon."

22:13.480 --> 22:18.919
#Live, #Smile, #HappyDay,
#LifestyleByDaniela.

22:19.000 --> 22:20.800
857 likes.

22:20.880 --> 22:22.439
863.

22:24.120 --> 22:27.480
-Check mo 'yong susunod.
-Ah. Madami pa.

22:28.520 --> 22:32.520
Ipinagyayabang mo talaga 'yong puwet mo
para mag-post ng cheap self-help quote?

22:32.600 --> 22:36.120
Ipapadala ko ba sa 'yo 'yong draft
para maging okay sa kanyang kamahalan.

22:36.200 --> 22:37.720
Hindi, isulat mo'ng gusto mo.

22:38.840 --> 22:41.840
Mas mabuting wag na nating pag-usapan
'yong trabaho ko, okay?

22:41.919 --> 22:44.040
Ang bait mo naman,
honest ka pang kaibigan.

22:48.080 --> 22:49.840
Ang sarap no'n. Ang healthy.

22:49.919 --> 22:52.480
Sobrang gusto ko na
'tong healthy lifestyle.

22:52.560 --> 22:55.200
Magba-barbeque nga sana ako
para sa housewarming.

22:55.280 --> 22:58.120
-Gusto mo ng steak?
-Hindi, maggugulay ako. Ayos lang.

22:59.800 --> 23:03.800
-Binubuwisit ka naman ba?
-Nilagay ako ng anak ko sa Tinder,

23:03.880 --> 23:06.320
todo send ng message 'yong ide-date ko.

23:07.320 --> 23:09.399
Go, Santi! Mahalagang araw 'to.

23:09.480 --> 23:10.399
Patingin.

23:10.480 --> 23:11.640
Hindi!

23:11.720 --> 23:12.960
Uy, Raúl!

23:13.040 --> 23:14.159
Halika, tingnan mo.

23:15.439 --> 23:16.520
Santiago.

23:16.600 --> 23:18.439
-Hoy.
-Ang sarap na MILF niya.

23:18.520 --> 23:20.439
'Yan 'yong unang sasabihin nila.

23:20.520 --> 23:21.960
-Pareho talaga kami.
-Hindi.

23:22.040 --> 23:23.000
-Honey.
-Ano?

23:23.600 --> 23:27.040
-Papuntahin mo siya.
-Sino? Siya? Hindi, di ko pa nakikilala.

23:27.120 --> 23:30.120
-Para alam niya na may mga kaibigan ka!
-Hindi, Raúl!

23:30.200 --> 23:31.120
Hayaan mo siya.

23:31.200 --> 23:33.000
Nasa Tinder si Santi, wow!

23:33.080 --> 23:34.679
At saka influencer ka, ah!

23:34.760 --> 23:37.720
-Hindi, content creator, please.
-Anong content?

23:37.800 --> 23:39.040
Lifestyle by Daniela.

23:39.560 --> 23:44.679
Healthy food, mindfulness, deco…
Anumang tangang naiisip ko.

23:44.760 --> 23:45.960
Alam mo'ng lahat 'yon?

23:46.040 --> 23:48.560
-Mga kalokohan? Madami.
-Mga natapos niya sa pahinga.

23:48.640 --> 23:50.480
Master in interior design,

23:50.560 --> 23:53.439
degree in nutrition, at PhD in psychology!

23:53.520 --> 23:55.240
Pag-usapan natin 'yong promotion mo?

23:55.320 --> 23:57.280
-Na-promote ka? Ayos!
-Oo.

23:57.360 --> 23:58.880
-Papunta na si Ángeles!
-Ha?

23:58.960 --> 24:01.919
-Desperada siya. Bagay siya sa 'yo, pare.
-Sige na, cheers!

24:02.000 --> 24:05.760
Bagong CEO si Pedro at saka makikipag-sex
na si Santi matapos 'yong tatlong taon.

24:05.840 --> 24:07.080
Kunin mo siya, Santi!

24:10.840 --> 24:12.679
Naiihi ako. Saan 'yong CR?

24:12.760 --> 24:14.360
May isa sa kaliwa.

24:14.840 --> 24:16.080
-May ilan ba?
-Anim.

24:17.720 --> 24:19.040
Sasama ba ako?

24:19.120 --> 24:20.080
Layuan mo 'ko!

24:24.679 --> 24:28.240
Ayos 'yon, Santi. Exciting
na makikipag-date ka na ulit ngayon.

24:28.320 --> 24:31.200
May landian, kaba, bagong karanasan…

24:31.280 --> 24:35.040
Di talaga! 'Yong katabi mo
'yong nagmamahal, rumerespeto,

24:35.120 --> 24:39.080
-…at umintindi sa 'yo, 'yon 'yong best.
-Gusto ko lang mag-isa.

24:39.159 --> 24:41.240
Sa totoo lang, gusto kong i-cancel.

24:41.320 --> 24:44.520
Di mo kailangang kumapit sa patriarchal
at monogamous relationship.

24:44.600 --> 24:45.560
Nakakabuwisit 'yon!

24:45.640 --> 24:48.040
Matagal ko nang hinihintay na may magsabi.

24:48.120 --> 24:49.080
Magsabi ng ano?

24:49.159 --> 24:51.720
Biglang patriarchal na 'yong lahat.
Para tayong virus.

24:51.800 --> 24:53.880
Lahat kayo nakikidigma na sa Y chromosome.

24:53.960 --> 24:56.480
Defective chromosome 'yon.
Sabi din ng biologists.

24:56.560 --> 24:58.560
Ah, talaga? Ba't kayo gumagaya sa amin?

24:58.640 --> 25:01.679
Hindi. Wag mong baluktutin.
Equality 'yong gusto namin.

25:02.399 --> 25:04.399
May babaeng player
na parehong kita ni Messi?

25:04.480 --> 25:07.120
-Hindi 'to sexism. Market 'to.
-Isang patriarchal market.

25:07.200 --> 25:09.880
-Gusto ko 'yong women's soccer.
-Dahil manyakis ka.

25:09.960 --> 25:11.280
Well, sayang naman, Raúl.

25:11.360 --> 25:14.320
Iiyak na tayo.
Ipapakita na natin 'yong emotions.

25:14.399 --> 25:17.560
Sobrang takot lang kayo
dahil gumuguho na 'yong mundo n'yo.

25:17.640 --> 25:18.600
Esther, okay ka lang?

25:18.679 --> 25:21.679
-Halata 'yong takot sa mga mata mo.
-Ba't mo sinulat 'yon, pare?

25:21.760 --> 25:23.600
-Ano'ng isusulat ko?
-Esther!

25:25.280 --> 25:26.240
Halika.

25:28.520 --> 25:31.640
-Esther!
-Halika. Tingnan mo 'tong walk-in closet!

25:31.720 --> 25:34.679
-Ano'ng ginagawa mo?
-Mas malaki pa sa kuwarto natin.

25:34.760 --> 25:38.080
Nakakakuha ng sexy at TV genius 'yong iba,

25:38.159 --> 25:41.439
at 'yong iba naman, mataba at pulis.
Mag-sex tayo dito.

25:41.520 --> 25:43.439
-Ano'ng ginagawa mo? Hindi!
-Sige na.

25:43.520 --> 25:46.040
Higit sa lahat, wag na wag
i-objectify 'yong mga babae.

25:46.120 --> 25:48.240
Ino-objectify na nila
'yong mga sarili nila.

25:48.320 --> 25:50.360
Ayaw ni Daddy na nagbibikini
'yong girl niya?

25:50.439 --> 25:53.520
Alam mo, nagbabago na 'yong mga bagay.
Kung ayaw mo, bahala ka.

25:54.320 --> 25:55.320
Mismo.

25:59.280 --> 26:00.240
Galit ba siya?

26:00.320 --> 26:01.600
Di mo kailangang magpalabas.

26:01.679 --> 26:04.560
-Halika na, bumaba na tayo.
-Sige na.

26:04.640 --> 26:06.720
Papayagan kitang magpanggap
na ako si Daniela.

26:06.800 --> 26:09.960
Hindi. Esther, lasing ka na.

26:10.040 --> 26:12.320
Ibalik mo'ng mga panty
o mawawala mo'ng mga 'yan.

26:14.600 --> 26:16.399
Ang boring mo, pambihira.

26:18.080 --> 26:18.960
Pedro.

26:19.480 --> 26:22.080
Galit ka ba? Nag-uusap lang tayo.

26:25.560 --> 26:26.760
Natanggal ako, Luz.

26:26.840 --> 26:28.000
Ha?

26:28.080 --> 26:31.919
Sinabi ko kay Daniela na nag-resign ako,
pero babae 'yong ipinalit nila sa 'kin.

26:33.000 --> 26:34.919
Shit, sorry.

26:35.000 --> 26:37.880
-Binasag at dinurog ako ng glass ceiling.
-Sorry.

26:37.960 --> 26:40.760
Papunta na siya, at ganito tayong lahat.
Ang sakit mo sa ulo.

26:40.840 --> 26:43.360
-Ba't ka nagunguha ng phones?
-Ano'ng ginagawa n'yo?

26:43.880 --> 26:47.280
Ano? Wala. Naglilinis. Kape?

26:47.360 --> 26:49.399
Talaga? Sa best friend ko?

26:49.480 --> 26:51.159
-Raúl, please.
-Best friend mo siya?

26:51.240 --> 26:52.919
As if may gagawin ako kay Pedro.

26:53.439 --> 26:55.960
-Bakit mo siya niyakap?
-Kasi natanggal siya.

26:56.040 --> 26:58.040
Pero dahil di kayo nag-uusap ng mga bagay…

26:59.240 --> 27:02.040
-Ano?
-Asexual 'yong asawa ko!

27:02.120 --> 27:03.080
Esther!

27:03.159 --> 27:04.800
Shit, aalis na ako.

27:05.320 --> 27:07.120
Saan 'yong palabas? Dito ba?

27:07.199 --> 27:08.399
Sa front door.

27:11.240 --> 27:13.399
-Santi?
-Uy, Ángeles! Kumusta?

27:14.840 --> 27:17.080
Aba, ang gandang bahay.

27:17.600 --> 27:21.159
Di sa 'kin 'to. Sa kaibigan ko.
Pero inalam ko kung magkano. Mas mataas…

27:21.240 --> 27:23.760
Magkasama kayo! Kaya sinabi niya
sa 'yo pero di sa 'kin!

27:23.840 --> 27:25.960
-Ano'ng sinabi mo?
-'Yong mismong narinig mo.

27:26.040 --> 27:30.080
Tama ba na sabihin mo muna sa kanya?
Anong klaseng relasyon 'to?

27:31.199 --> 27:33.800
Uy. Gusto mong pumasok…

27:33.880 --> 27:35.919
Lintik! Gusto kong makipag-sex!

27:36.000 --> 27:38.520
-Wow.
-Halika. Magkape ka!

27:40.600 --> 27:42.720
Kung gusto mo,
Kita na lang tayo sa ibang araw.

27:42.800 --> 27:45.919
Tama, okay 'yon. Excuse me. Sorry. Bye!

27:48.439 --> 27:51.960
Ayan, ayos 'yan. Ilabas mo lang lahat.

27:53.399 --> 27:56.120
Ayan, honey. Ayan.
Ilabas mo lahat, ayan na.

27:59.360 --> 28:00.240
Eto.

28:04.199 --> 28:06.159
-Akala ko nag-quit ka na.
-Oo.

28:06.240 --> 28:08.919
Raúl, magkalinawan muna tayo.

28:09.000 --> 28:11.919
Di ako makikipag-sex kay Luz.
Sagrado 'yon.

28:13.080 --> 28:15.439
Alam ko. Di ko din magagawa
kay Daniela 'yon.

28:15.520 --> 28:16.800
Oo nga, hindi nga!

28:19.159 --> 28:20.399
Pinag-alala mo 'ko.

28:24.080 --> 28:29.840
-Ikaw, ba't di ka nakikipag-sex?
-May… May pinagdadaanan lang.

28:32.600 --> 28:34.880
Kung sino'ng gustong mag-swim, sige lang.

28:34.959 --> 28:37.520
Di ko alam
kung mababayaran ko 'tong lahat nang 'to.

28:37.600 --> 28:41.120
Tara, mag-swim tayo. Magsaya tayo, lintik!

28:46.439 --> 28:47.439
Lintik!

28:47.520 --> 28:49.959
Lintik, di ba 'to pinainit?

28:50.040 --> 28:53.760
-Margarita pa?
-Ayoko na, lasing na ako. Magtutubig ako.

28:54.600 --> 28:56.159
-Uy!
-Matatanda na tayo para diyan.

28:56.240 --> 28:59.159
Dapat tatalon na kayo
para makapagtawanan tayong apat.

28:59.240 --> 29:00.480
Oo, maya-maya.

29:01.399 --> 29:03.080
Pahinging towel, mga gago!

29:03.679 --> 29:06.320
Ang laking bahay,
pero walang water heater.

29:07.600 --> 29:08.600
Mga gago.

29:09.639 --> 29:11.520
Lumiliit na 'yong mga bayag ko.

30:14.760 --> 30:17.639
Tagapagsalin ng Subtitle:
Erick Lorica Reambillo
apat.
