WEBVTT

00:14.360 --> 00:17.400
Twenty euros ang isang box
na panglimang araw.

00:17.480 --> 00:21.880
Kung buntis ka, puwede kang gumastos
ng 120 euros kada buwan

00:21.959 --> 00:25.040
o tiisin ang dusa ng morning sickness.

00:25.720 --> 00:29.200
Sa mga taga-Social Security,
di namin 'to iniinom for fun.

00:29.279 --> 00:31.479
Iniinom 'to dahil di na namin kaya.

00:31.560 --> 00:33.879
-Good morning.
-'Yong suka, 'yong hilo.

00:33.960 --> 00:37.040
Pero 'wag kayong mag-alala.
May solusyon ako.

00:37.120 --> 00:42.800
Kung babasahin ang leaflet, makikitang
doxylamine na may vitamin B6 ito.

00:42.879 --> 00:46.760
Bumili na lang kayo
ng generic doxylamine at vitamins.

00:46.840 --> 00:47.760
Mas mura pa.

00:47.840 --> 00:50.040
Fuck pharmaceuticals.

00:50.120 --> 00:54.120
Di ba mas okay sabihing,
"Pampawala 'to ng hilo," para malibre ka?

00:54.199 --> 00:55.160
Siguro.

00:55.239 --> 00:59.879
Valentina, pahinging avocado toast
with chia seeds. Saka decaf with oat milk.

01:00.559 --> 01:01.599
Good morning.

01:04.160 --> 01:06.000
Bakit nandito si Patricia?

01:06.080 --> 01:08.560
Tumalon siya sa bangka.
Di ko siya maiwan mag-isa.

01:08.640 --> 01:11.479
-Oo, pero…
-Bukas malalaman ang gender ng bata.

01:11.560 --> 01:13.680
Di pa tayo pumipili ng pangalan.

01:13.759 --> 01:15.920
Pag babae, Viviana ang gusto ko.

01:16.880 --> 01:18.840
Pag lalaki, Anibal.

01:18.920 --> 01:20.520
Ano siya, serial killer?

01:20.600 --> 01:22.360
Parang okay ang Anibal Aguilar.

01:23.040 --> 01:24.839
O Anibal Galvan?

01:24.920 --> 01:27.520
Di ba? Apelyido ng ina ang nauuna dapat.

01:27.600 --> 01:31.080
Karaniwang nauuna ang apelyido ng ama.

01:31.160 --> 01:33.839
Pag-uusapan ba natin
kung paano pinababa ng sexist society

01:33.920 --> 01:36.160
ang babae bilang karaniwang paanakan

01:36.240 --> 01:38.960
na sagot sa pangangailan
ng lalaking magkaanak?

01:39.040 --> 01:40.119
-Wag na.
-Wag na?

01:40.839 --> 01:41.960
E, di Galvan muna.

01:48.600 --> 01:50.000
ALPHA MALES

01:50.800 --> 01:53.160
Una, inalis nila ang Father's Day.

01:53.240 --> 01:54.559
Apelyido naman ngayon.

01:54.640 --> 01:57.800
Tama lang din namang mauna
ang apelyido ng ina.

01:57.880 --> 02:00.559
Pa'no kung isipin ng iba
na di mo anak 'yon?

02:00.640 --> 02:03.360
Naiintindihan ko naman,
pero nakakainis lang.

02:03.440 --> 02:05.080
Paano kung di ka pumayag?

02:05.160 --> 02:06.479
Una ang sa ama, di ba?

02:06.559 --> 02:09.600
Judge ng civil registry
ang magpapasya para sa bata.

02:09.680 --> 02:12.880
Gusto lang nila ng gulo.
Tradisyong unahin ang apelyido ng ama.

02:12.960 --> 02:14.760
Bakit lahat na lang, binabago?

02:14.840 --> 02:16.160
Speaking of tradisyon.

02:16.239 --> 02:18.680
School reunion natin bukas. Punta tayo?

02:18.760 --> 02:21.120
Ayoko, pare. Nakaka-depress masyado.

02:21.200 --> 02:22.440
Tara na, masaya 'to.

02:22.519 --> 02:25.200
Masayang makita
na walang umangat sa klase.

02:25.280 --> 02:26.400
Gaya mo.

02:26.480 --> 02:29.400
Oo, pero nakikita mo sarili mo araw-araw
kaya di mo pansin.

02:29.480 --> 02:31.200
Kung sasama ka, game ako.

02:31.280 --> 02:33.560
Magkikita kami ni Luz. Sa wakas.

02:33.640 --> 02:36.360
Pansin mo bang lagi kang available
pag tumatawag si Luz?

02:36.440 --> 02:37.280
Ano naman?

02:37.360 --> 02:40.640
Baka kailangan niyang masopla.
"Free ka? Ako, hindi."

02:40.720 --> 02:43.959
Oo. Pahalagahan mo sarili mo.
Makakabuti 'yan sa 'yo.

02:44.040 --> 02:45.040
Umoo na 'ko, e.

02:45.120 --> 02:49.360
Siya nga, umoo sa lakad n'yo,
pumunta pa rin sa Paris kasama 'yong isa.

02:50.840 --> 02:52.760
Pupunta si Lorena? Ganda no'n.

02:52.840 --> 02:54.480
Sige. Magko-confirm ako.

03:09.560 --> 03:12.160
Paz. Wag. Kailangan ko nang umalis.

03:12.679 --> 03:14.239
-Paz.
-Sige na nga.

03:19.000 --> 03:20.480
Papatayin kita.

03:21.679 --> 03:24.120
Pang-aalipin ang pagkakaro'n ng schedule.

03:24.720 --> 03:26.040
Bakit di ka magsolo?

03:26.120 --> 03:27.760
Kunin mo clients mo. Tapos.

03:27.840 --> 03:32.200
Kasi walong taon na 'ko sa firm,
at dapat gawin na nila akong partner.

03:32.720 --> 03:35.880
Kung pera ang inaalala mo,
pahihiramin kita.

03:35.959 --> 03:37.880
Ano ba'ng sinasabi mo? Baliw ka.

03:37.959 --> 03:41.280
Ano ba'ng kailangan do'n? Opisina?
Mga tao? 'Yon lang.

03:41.359 --> 03:43.239
Ayoko, masyadong hassle.

03:46.600 --> 03:50.239
-Di ko gets, pero sige.
-Di ko rin gets ba't ka nakatira sa hotel.

03:50.320 --> 03:52.720
Sobrang praktikal kaya, mas mura pa.

03:52.799 --> 03:54.480
Na-compute ko, tingnan mo.

03:55.640 --> 03:58.000
So… kita tayo mamaya?

03:58.079 --> 03:59.959
Di puwede. May lakad ako.

04:01.519 --> 04:03.359
May isa pa 'kong di gets.

04:03.880 --> 04:06.160
Ba't kailangan mo pa ng lalaki
kung nandito ako?

04:06.679 --> 04:09.079
-Nagseselos ka!
-Asa ka.

04:10.160 --> 04:13.359
-Nagseselos ka! Halika rito.
-Nagseselos talaga 'ko.

04:13.880 --> 04:14.880
Bye.

04:17.719 --> 04:21.519
250,000 euros dahil lang kasal sila?
Sugar baby ba ang nanay ko?

04:21.599 --> 04:23.599
Wag ngayon. Late na 'ko.

04:23.680 --> 04:25.840
-Ba't mo kami ginaganito?
-Abogado niya 'ko.

04:25.920 --> 04:27.960
Bitawan mo siya. Conflict of interests.

04:28.039 --> 04:31.760
Nabuhay siyang parang alipin
nang 52 taon. Wala ba kayong awa?

04:31.840 --> 04:34.680
-Sa biyenan ko? Wala.
-Inalagaan niya kami dahil sa pagmamahal.

04:34.760 --> 04:36.560
Ano ba? Si Joaquin naman magbabayad.

04:36.640 --> 04:39.280
Retired na siya. Sa'n siya kukuha ng pera?

04:39.360 --> 04:41.479
'Yan ang hinihingi ni Marga.

04:41.560 --> 04:43.680
Pero judge ang magpapasya ng halaga.

04:43.760 --> 04:45.080
Puwedeng 50, 100…

04:45.160 --> 04:46.560
Maximum, 200,000.

04:46.640 --> 04:48.440
Mas tataas pa siya sa maximum.

04:48.520 --> 04:50.640
Luz, di puwede si Joaquin sa bahay.

04:50.720 --> 04:52.720
Kaya nga may retirement homes.

04:52.800 --> 04:54.240
Si Papa, sa retirement home?

04:54.320 --> 04:55.479
Masyadong mahal.

04:55.560 --> 04:56.960
Wala siyang ibang anak?

04:57.039 --> 04:59.120
Nasa Valencia ang hipag ko.

04:59.200 --> 05:01.840
Mas maigi sa kanya
ang hanging Mediterranean.

05:01.919 --> 05:04.440
Mukha kang pera! Ahas ka!

05:04.520 --> 05:07.160
Luis. Dito ka lang. Ako ang bahala, okay?

05:08.560 --> 05:09.520
Ang sama mo!

05:11.280 --> 05:13.200
Grabe. Nagalit siya.

05:14.240 --> 05:16.919
Uy, may stand-up set ako
mamayang alas-diyes.

05:17.000 --> 05:18.360
Pupunta ka, di ba?

05:20.240 --> 05:21.800
Raul, wag ngayon.

05:21.880 --> 05:23.479
Luz, di ako puwede mamaya.

05:23.560 --> 05:25.640
-May biglaang lakad.
-Sige. Bye.

05:25.720 --> 05:28.720
Sige? Di ako puwede
ng alas-nuwebe, pero dadaan ako.

05:28.800 --> 05:29.840
Wag kang mag-cancel.

05:31.640 --> 05:32.880
Tinakasan niya tayo.

05:37.280 --> 05:39.120
Oo na, pupunta ako.

05:40.240 --> 05:41.520
Dapat lang.

05:42.880 --> 05:43.919
Ano?

05:44.880 --> 05:45.880
Ano 'ka mo?

05:46.680 --> 05:48.080
Utang na loob.

05:49.359 --> 05:51.280
Ano'ng ginagawa ng direktor?

05:53.200 --> 05:54.599
Hindi. Papunta na 'ko.

05:54.680 --> 05:56.320
Anak ng tokwa naman.

05:57.320 --> 05:58.560
Iniwan na 'ko ni Paloma.

05:58.640 --> 05:59.960
Paloma?

06:00.039 --> 06:01.039
Asawa ko.

06:01.960 --> 06:03.320
Dala niya ang mga bata.

06:03.400 --> 06:04.960
Kasal ka pa pala?

06:05.039 --> 06:07.240
Pa'no ako kung wala siya, Pedro?

06:07.320 --> 06:08.680
Mahal na mahal ko siya.

06:08.760 --> 06:11.960
Roberto, sorry,
pero may problema sa set. Una na 'ko.

06:12.039 --> 06:14.240
Sasama ako. Ayokong mag-isa.

06:18.080 --> 06:19.080
Ano'ng nangyari?

06:20.520 --> 06:23.359
Gumamit siya ng dila,
at mukhang tinigasan siya.

06:23.440 --> 06:25.919
Di pala "mukha," kitang-kita sa camera.

06:26.000 --> 06:27.200
Puta.

06:27.280 --> 06:28.240
Puwedeng makita?

06:29.440 --> 06:32.320
Para lang makita
kung ga'no kaseryoso ang isyu.

06:32.400 --> 06:35.200
Pero di n'yo ba napag-usapan 'to muna?

06:35.799 --> 06:39.039
Ang matigasan?
Hindi, di namin pinag-usapan.

06:39.840 --> 06:41.799
-Nasa'n siya?
-Sa dressing room.

06:41.880 --> 06:43.359
Irereport daw niya 'yon.

06:47.520 --> 06:48.680
Ayoko na mag-shoot.

06:48.760 --> 06:50.840
Ako 'to, si Pedro… Aguilar.

06:51.640 --> 06:52.640
Pasok.

06:53.320 --> 06:56.520
Leticia, sorry talaga sa nangyari.

06:56.599 --> 06:59.120
Sabi ko nang gusto ko ng gay co-actor.

06:59.200 --> 07:02.919
Kilala mo si Oscar. Method actor siya.
In character siya lagi.

07:03.000 --> 07:05.599
Sa Tie Me Up! Tie Me Down!,
totoo 'yong eksena nila.

07:05.680 --> 07:06.919
Sino naman 'to?

07:07.000 --> 07:08.080
Roberto, please!

07:08.160 --> 07:10.359
Ang ganda ng kinalabasan.
Film history 'yon.

07:12.120 --> 07:15.239
Nagdapo lang sa shoot
ang mga katawan n'yo.

07:15.320 --> 07:17.880
Rehearsal lang 'yon, ikiniskis niya pa.

07:17.960 --> 07:20.000
-Irereport ko 'to at maka-cancel siya.
-Wag.

07:20.080 --> 07:23.880
Pag may formal warning na
ng producer, mag-iingat na siya.

07:23.960 --> 07:26.039
Pag di siya natanggal,
ayoko na ng season two.

07:26.120 --> 07:28.840
Pangako, ihahagis ko siya sa bintana

07:28.919 --> 07:31.120
o babaliin ko ang leeg niya sa banyo.

07:31.200 --> 07:33.560
Pero, please, tapusin natin 'to.

07:36.479 --> 07:37.400
Isang take.

07:38.039 --> 07:39.359
Isa lang, uuwi na 'ko.

07:39.880 --> 07:42.880
Okay, shoot na tayo. Isang take lang 'to.

07:43.440 --> 07:44.440
Isang take?

07:46.520 --> 07:48.560
Umulit ka pa, puputulin ko 'yan.

07:50.520 --> 07:52.000
Ready na tayo.

07:52.680 --> 07:53.680
Quiet on set!

07:58.840 --> 08:02.359
Bawal kayo dito.
Kaunti lang dapat ang nandito.

08:02.440 --> 08:03.679
Sorry. Aalis na kami.

08:03.760 --> 08:05.799
Hala? Gusto kong matuto ng cinema.

08:05.880 --> 08:06.799
Tara na, gago.

08:08.080 --> 08:09.280
Labas ang polo…

08:10.359 --> 08:11.200
O tucked in?

08:11.280 --> 08:14.239
Pa, ini-stalk ko ang girlfriend mo sa IG,
medyo worried ako.

08:14.320 --> 08:17.159
-Tucked in.
-Masyado siyang matalino para sa 'yo.

08:17.239 --> 08:19.880
Salamat, iha.
Napataas mo ang kumpiyansa ko.

08:19.960 --> 08:23.039
Kailan mo siya aayain dito?
Para makita kitang madismaya.

08:23.120 --> 08:25.880
-Dito, kasama ang mama mo? Ayoko.
-Mm-hmm.

08:25.960 --> 08:29.760
Lumabas tayo. Di kita mapapayuhan
kung kulang ang alam ko.

08:29.840 --> 08:30.679
Papalpak ka.

08:30.760 --> 08:33.280
Sige, titingnan ko. Wag mo 'kong guluhin.

08:34.199 --> 08:36.079
Wag mong i-tuck in.

08:37.159 --> 08:42.880
Oo, maganda 'tong napag-uusapan
ang tungkol sa fairness at equality.

08:42.959 --> 08:45.959
Pero 'yong palabasing
masama ang pag-aasawa,

08:46.040 --> 08:49.560
dahil napakapatriyarkal
ng institusyong ito,

08:49.640 --> 08:53.199
nagiging sanhi 'yon ng pag-iwas natin

08:53.280 --> 08:56.600
sa pagbuo ng kahit anong uri
ng ugnayan sa isang tao.

08:56.680 --> 09:02.199
Samantalang napakasayang makahanap
ng taong kayang sirain ang buhay mo.

09:06.640 --> 09:09.280
Napaka-interesting. Nagustuhan ko siya.

09:09.360 --> 09:12.520
Sang-ayon din ako
na itong global narcissism na 'to,

09:12.600 --> 09:14.240
dinadala tayo nito sa…

09:14.760 --> 09:17.160
pangit na posisyon, tama? Oo.

09:18.040 --> 09:20.560
Nakakatuwang may lalaki sa audience.

09:20.640 --> 09:22.880
Marami akong natututuhan sa 'yo.

09:22.959 --> 09:25.040
Pati ang anak kong si Alex.

09:25.120 --> 09:28.199
Fan mo siya.
Gustong-gusto ka niyang makilala.

09:28.280 --> 09:30.839
Pero sabi ko sa kanya,
medyo weird 'yon. At…

09:30.920 --> 09:32.000
Bakit weird?

09:32.520 --> 09:34.280
Hindi ko alam.

09:34.360 --> 09:37.240
Makukuwentuhan niya 'ko
tungkol sa mga manyak sa klase nila.

09:37.760 --> 09:40.880
Sige. Sasabihan ko siya.

09:40.959 --> 09:43.720
Mag-lunch kaya tayong tatlo bukas?

09:43.800 --> 09:44.800
-Sige.
-Talaga?

09:45.760 --> 09:49.440
May gagawin ka ba mamaya?
Magsusulat ng libro, o…

09:49.520 --> 09:52.560
-Bakit? Ano ba'ng balak mo?
-Ewan. Ano'ng gusto mo?

09:53.480 --> 09:54.760
I-surprise mo 'ko.

10:03.160 --> 10:05.720
Sa'n ang punta mo at nakabihis ka?

10:05.800 --> 10:08.760
Sa stand-up set ko. Open mic night mamaya.

10:08.839 --> 10:10.199
Baka may producer do'n.

10:10.280 --> 10:12.480
Stand-up? Bakit di mo sinabi sa 'kin?

10:12.560 --> 10:14.000
Di ko ba nabanggit?

10:14.079 --> 10:16.880
May reunion kami,
pero pipiliin kita kaysa do'n.

10:16.959 --> 10:18.400
Wag. Kakabahan lang ako.

10:18.480 --> 10:20.720
Tumuloy ka na, iwan mo
sa papa mo ang mga bata,

10:20.800 --> 10:22.240
at bahala na si Lord.

10:23.520 --> 10:24.720
Bantay na naman ako?

10:24.800 --> 10:26.440
Kalma. Maghahanda ako ng hapunan.

10:26.520 --> 10:28.600
Halika nga. Tara.

10:30.320 --> 10:31.920
Ito ang masasabi ko sa 'yo.

10:32.800 --> 10:35.640
Ayoko siya para sa 'yo.
Kinokontrol ka niya.

10:35.720 --> 10:36.880
Napakamakaluma mo.

10:36.959 --> 10:39.040
Sino ba ang lalaki sa inyo?

10:39.120 --> 10:41.680
Basta… Sandali. Tabi ka muna.

10:42.360 --> 10:43.360
Kumusta?

10:43.440 --> 10:45.800
Gusto raw ng surprise ni Irene.
May idea ba kayo?

10:45.880 --> 10:48.079
Santi, nasa trabaho ako.

10:48.160 --> 10:49.360
Bakit ka sumagot?

10:49.440 --> 10:52.360
Kailangan ko
ng original at romantikong plano.

10:52.440 --> 10:54.400
Punta kayo sa stand-up ni Esther.

10:54.480 --> 10:56.079
Di ako puwede, sayang.

10:56.160 --> 10:58.000
Stand-up? Si Esther?

10:58.079 --> 11:00.000
Original, oo. Romantic…

11:00.079 --> 11:01.800
Sa The Lion King kaya?

11:01.880 --> 11:03.400
Gusto mong iwan ka niya?

11:03.920 --> 11:05.480
Mahal din 'yong ticket.

11:05.560 --> 11:07.120
Dalhin mo siya kay Esther.

11:07.199 --> 11:09.680
Sinusuportahan mo 'ka mo ang kumare mo.

11:09.760 --> 11:11.880
Pero… nakakatawa ba siya?

11:11.959 --> 11:13.680
Si Esther? Sobra.

11:13.760 --> 11:15.320
-Pedro.
-Si boss. Bye na.

11:15.400 --> 11:17.600
-Gusto niya ng titi.
-Sino?

11:18.240 --> 11:19.520
Papa? Anong…

11:21.000 --> 11:22.800
-Virginia, kumusta?
-Di mabuti.

11:23.320 --> 11:24.800
Muntikan na tayo do'n.

11:24.880 --> 11:28.079
Pag nireport tayo ng artista,
tapos ang series.

11:28.160 --> 11:30.320
Okay na lahat. Ganito talaga dito.

11:30.400 --> 11:32.800
Ba't walang intimacy coordinator?

11:33.400 --> 11:34.320
Oo nga.

11:34.400 --> 11:37.160
Hindi siya dapat gumamit ng dila.

11:37.240 --> 11:40.719
Pero tinigasan siya,
masisisi mo ba siya? Di 'yon sadya.

11:40.800 --> 11:43.079
-Nangangatwiran ka pa?
-Hindi. Pero…

11:43.160 --> 11:47.560
Pedro, mahigpit ang harassment policy
ng kompanyang 'to.

11:47.640 --> 11:49.959
Pag kiniliti ka, natatawa ka.

11:50.040 --> 11:53.520
-Ba't mo sinama si Roberto?
-Iniwan daw siya ng asawa niya.

11:53.600 --> 11:56.199
Kaya sabi mo,
"Tara, tingnan natin ang dede ni Leticia."

11:56.280 --> 11:59.040
Diyos ko, hindi. Di ko alam
na 'yon ang shoot nila ngayon.

11:59.120 --> 12:01.079
Di mo alam ang shooting schedule?

12:01.680 --> 12:02.640
Ewan ko.

12:02.719 --> 12:05.040
Parang wala na akong nagagawang tama.

12:05.120 --> 12:06.320
Isipin mo kung bakit.

12:07.959 --> 12:09.400
Ito pa pala.

12:10.000 --> 12:13.120
Nabasa mo ang pilot ng Harassed?
Tawa ako nang tawa.

12:13.199 --> 12:16.000
Oo, may mga nakakatawa nga do'n.

12:21.199 --> 12:23.280
Kaedad ba natin 'tong mga 'to?

12:23.360 --> 12:25.480
Baka 'yon din ang iniisip nila sa 'tin.

12:25.560 --> 12:26.760
Sa 'yo. Di sa 'kin.

12:28.120 --> 12:29.719
Tingnan mo, si Lorena.

12:29.800 --> 12:31.440
Pare, di 'yan si Lorena.

12:31.520 --> 12:32.880
Siya 'yan. Tingnan mo.

12:32.959 --> 12:33.959
Paanong si Lore…

12:34.040 --> 12:35.360
Lintik, si Lorena nga.

12:35.440 --> 12:36.640
Oo nga.

12:37.599 --> 12:38.880
Wow, si Marimar.

12:39.599 --> 12:40.959
Crush mo 'yan, di ba?

12:41.040 --> 12:43.160
Buong high school tayo,
in love ako sa kanya.

12:43.240 --> 12:45.079
Utang ko 'to sa 15-anyos na ako.

12:45.160 --> 12:46.480
Kalma. Sagot na kita.

12:47.280 --> 12:48.599
Platonic love ko 'yan.

12:48.680 --> 12:51.400
Kasal ka na.
Di na kayo naka-open relationship.

12:51.480 --> 12:53.599
-Pero may bro code.
-Walang gano'n.

12:53.680 --> 12:56.520
Raul? Wow. Di nagbago ang hitsura mo.

12:57.760 --> 13:00.360
Ikaw, mas gumanda.
Parang di ka ganito kaganda dati.

13:00.440 --> 13:02.640
Kumusta, Marimar? Long time no see.

13:04.160 --> 13:06.800
-Sino ka?
-Si Luis.

13:06.880 --> 13:08.680
Luis Bravo.

13:09.280 --> 13:11.839
Ako 'yong gumawa ng kodigo sa ballpen mo.

13:11.920 --> 13:13.440
-'Yong long-haired?
-Oo.

13:13.520 --> 13:15.680
-'Yong pangarap maging Bon Jovi?
-Oo.

13:15.760 --> 13:16.719
Kumusta ka na?

13:18.400 --> 13:20.040
Pulis na siya ngayon.

13:20.120 --> 13:22.440
Ako, may gastrobar, Do Me a Flavor.

13:22.520 --> 13:24.079
Ako, nurse.

13:24.160 --> 13:26.680
Pareho tayong nagseserbisyo-publiko.

13:26.760 --> 13:29.160
Mahirap, pero masaya, di ba?

13:29.240 --> 13:30.880
Gusto ko lang magturok ng IV.

13:30.959 --> 13:32.920
Mataba ang mga ugat ko.

13:47.640 --> 13:48.800
Grabe.

13:50.240 --> 13:51.440
Uy! Salamat.

13:51.520 --> 13:52.480
Sa'n ka pupunta?

13:52.560 --> 13:53.839
Magpe-present ng awards.

13:53.920 --> 13:56.240
Ha? Dinalhan kita ng ginisang gulay.

13:57.680 --> 14:02.079
Kung di ako magtatrabaho, wala akong kita.
Gano'n ang mga self-employed.

14:02.160 --> 14:05.240
Wag kang magtrabaho
sa kondisyon mo. Magpahinga ka.

14:05.320 --> 14:08.360
Buntis lang ako. Hindi baldado.

14:08.959 --> 14:10.520
Gusto mo samahan kita?

14:15.839 --> 14:17.400
Bon appétit, Patricia.

14:17.479 --> 14:18.640
Salamat.

14:18.719 --> 14:20.520
Gusto mo manood ng true crime?

14:21.959 --> 14:26.280
Ikaw at ako

14:26.360 --> 14:29.959
Sumasayaw ng samba sa sala

14:30.040 --> 14:31.360
Na-surprise mo 'ko.

14:31.439 --> 14:32.640
Kumare ko na next.

14:32.719 --> 14:34.839
Makikita mo. Nakakatawa siya.

14:34.920 --> 14:39.040
Sumasayaw ng samba sa sala…

14:39.120 --> 14:40.160
Uy.

14:40.240 --> 14:41.479
Bakit ka nandito?

14:42.000 --> 14:43.959
Susuportahan si Esther, ano pa?

14:45.839 --> 14:47.640
Irene, Pedro. Pedro, Irene.

14:48.160 --> 14:50.959
Uy, ang Moises ng mga Sexist Pig.

14:51.040 --> 14:52.880
May sinulat ako tungkol sa 'yo.

14:52.959 --> 14:54.920
Talaga? Hindi ko binasa.

14:55.439 --> 14:56.640
Magkaibigan kayo?

14:57.599 --> 15:00.400
Nagbago na siya.
Magiging tatay na siya, di ba?

15:00.920 --> 15:03.479
-Congrats.
-Salamat. Ang saya namin pareho.

15:09.599 --> 15:11.640
-Ang galing.
-Ang ganda.

15:12.160 --> 15:13.599
Nagtatalo sila ngayon.

15:13.680 --> 15:16.040
'Yong girlfriend kasi niya… Ay, di pala.

15:16.120 --> 15:18.599
Ano kasi sila… Ah, basta.

15:18.680 --> 15:21.160
Gusto kasi ng babaeng
mauna ang apelyido niya.

15:21.240 --> 15:22.839
Tama lang naman, di ba?

15:22.920 --> 15:24.240
Pinag-uusapan namin.

15:24.319 --> 15:27.439
Ang mga babae, walang sariling apelyido.

15:28.280 --> 15:30.920
Apelyido ng ama at maternal grandfather
ang gamit namin.

15:31.000 --> 15:33.599
So, ano naman
kung unahin ang apelyido namin?

15:36.000 --> 15:37.599
Di kami gano'n ka-close.

15:37.680 --> 15:38.880
Good evening!

15:39.839 --> 15:41.319
Good evening.

15:44.959 --> 15:49.280
Hello, ako si Esther Alonso,
at isa akong batang komedyante.

15:51.040 --> 15:52.040
Ang saya nito!

15:52.120 --> 15:54.319
Isang gabing wala ang mga bata.

15:54.400 --> 15:56.640
Oo, may asawa na 'ko.

15:56.719 --> 16:00.560
Pero mas gusto ko dito,
kaysa sa bahay, kaya naman…

16:00.640 --> 16:03.040
Isipin n'yo na lang
kung ga'no kalala do'n.

16:05.199 --> 16:06.359
Ano 'to?

16:06.439 --> 16:09.280
Halimbawa, sa inyong mga nanonood,

16:09.359 --> 16:11.560
ilan sa inyo ang may karelasyon?
Taas ang kamay.

16:11.640 --> 16:13.520
Uy!

16:13.599 --> 16:15.640
At ilan sa inyo ang single?

16:17.599 --> 16:19.000
Kawawa naman kayo.

16:19.079 --> 16:20.599
Madadali din kayo!

16:22.880 --> 16:26.319
Ang galing! 'Yong pinakabarumbado pa
ang pinakanagtagumpay.

16:26.400 --> 16:29.680
Di ko masasabing matagumpay ako.
Siguro, masipag lang.

16:30.359 --> 16:31.920
Kasal ka na? Divorced?

16:32.000 --> 16:33.319
Single.

16:33.400 --> 16:36.920
Naglagay siya ng singsing
sa cake ng ex niya, pero wala din.

16:38.000 --> 16:39.240
Single din ako.

16:39.959 --> 16:43.599
Marimar, ngayong nakainom na 'ko,
may sasabihin ako sa 'yo.

16:44.280 --> 16:47.760
Noong high school,
sobrang crush kita. Pero…

16:47.839 --> 16:49.880
Mahiyain ako kaya walang nakapuna.

16:49.959 --> 16:51.359
Ano ka ba? Alam namin.

16:51.439 --> 16:54.959
Ay. Kung gano'n…

16:55.040 --> 16:57.439
Pero, alam mo, crush ko si Raul.

16:57.520 --> 16:59.240
Uy! Sorry.

17:00.839 --> 17:02.000
HIHINTAYIN BA KITA?

17:02.079 --> 17:03.400
Sorry, una na 'ko.

17:03.479 --> 17:04.839
Hala, sayang naman.

17:04.919 --> 17:08.240
Ilalakad ko 'yong aso.
Mag-isa lang siya, kawawa naman.

17:09.680 --> 17:13.040
-Puwede tayong magkita next time?
-"Next time"? Hindi.

17:13.119 --> 17:15.560
Bukas, 9:00, sa gastrobar ko.
Isesend ko ang address.

17:15.640 --> 17:16.640
Sige.

17:19.000 --> 17:20.079
Sorry.

17:20.839 --> 17:21.680
Okay.

17:27.119 --> 17:28.919
Nakarami ka na. Mahuhuli ka.

17:29.000 --> 17:29.960
Animal ka.

17:30.040 --> 17:31.120
Sa kama lang.

17:35.040 --> 17:37.840
Naisip mo na bang magpa-hair transplant?

17:37.919 --> 17:39.520
Di na halata 'yon ngayon.

17:52.000 --> 17:53.000
Patricia?

17:57.760 --> 17:58.600
Patricia.

18:00.080 --> 18:02.040
-Ano 'yon?
-Tulog na si Daniela?

18:02.800 --> 18:05.280
Wala pa po siya.

18:14.840 --> 18:17.600
Daniela, alas-singko na ng umaga.

18:17.680 --> 18:19.880
Ayos ka lang ba? Buhay ka pa ba?

18:24.919 --> 18:26.560
Bakit di ka sumasagot?

18:27.080 --> 18:28.320
Dead-batt ako.

18:28.399 --> 18:31.480
Grabe, nakaka-miss mag-party.

18:31.560 --> 18:34.240
-Uminom ka?
-Huwag. Wag mo 'kong kontrolin.

18:34.320 --> 18:36.960
Di kita kinokontrol.
Nag-aalala lang ako sa bata.

18:37.040 --> 18:38.720
May buhay kang dala-dala.

18:38.800 --> 18:40.120
Hay, matutulog na 'ko.

18:40.200 --> 18:42.240
Mag-usap tayo nang kalmado bukas.

18:42.320 --> 18:44.159
Matulog ka na. Sakit ka sa ulo!

18:45.640 --> 18:46.640
Sakit sa ulo?

19:00.840 --> 19:02.120
Kape?

19:02.200 --> 19:04.360
Sige, please.

19:06.080 --> 19:07.800
-Good morning.
-Hi.

19:09.320 --> 19:12.040
Di ka pala nagkuwento.
Kumusta 'yong kahapon?

19:12.120 --> 19:14.480
Ayos naman. School reunion dinner.

19:14.560 --> 19:16.159
Nakita ko 'yong dati kong crush.

19:18.320 --> 19:20.040
-Tapos?
-Churros!

19:20.120 --> 19:22.600
Pambihira, papatayin kita!

19:23.520 --> 19:24.360
Luz Ferreiro?

19:40.640 --> 19:43.840
PARA SA ALIPING ABOGADA
NA MAY PINAKAMAGANDANG PUWIT SA MADRID. P.

19:47.000 --> 19:49.120
-Parating na ho ang doktor.
-Salamat.

19:55.720 --> 19:56.960
Di mo 'ko kakausapin?

19:57.040 --> 19:58.480
Para sa'n? Para makipagtalo?

19:58.560 --> 20:01.120
Kung gusto mong mauna ang Galvan, sige.

20:01.200 --> 20:04.640
Wala akong pakialam sa apelyido.
Gusto ko lang ma-relax.

20:05.240 --> 20:06.320
Kumusta kayo?

20:06.399 --> 20:08.560
-Okay naman. Masaya.
-Okay na okay.

20:10.840 --> 20:12.320
Ayos.

20:14.080 --> 20:15.080
Handa ka na?

20:18.080 --> 20:19.480
Ay, ang lamig!

20:19.560 --> 20:21.240
'Yan ang baby n'yo.

20:23.240 --> 20:24.600
Perfect ang lahat.

20:26.280 --> 20:29.440
-Gusto n'yong malaman ang sex?
-Wag. Pakisulat at palagay sa envelope.

20:29.520 --> 20:31.840
Para sa gender reveal party.
Si Cynthia mag-aayos.

20:32.440 --> 20:33.880
Ano naman 'yon?

20:33.960 --> 20:37.919
Party para sa gender reveal ng bata.
Sponsored ng diaper brand.

20:38.000 --> 20:40.480
-Akala ko, influ-hater ka.
-Mm-hmm.

20:40.560 --> 20:42.000
E, nag-compute ako.

20:42.640 --> 20:45.960
Nga pala, tayo pa ring dalawa, ha?

20:46.040 --> 20:48.440
Para sa followers, brands, mga gano'n.

20:49.040 --> 20:50.679
-May problema ba?
-Wala.

20:58.760 --> 21:01.720
Dinala siya sa Paris,
pinadalhan ng bulaklak nang nando'n ako.

21:01.800 --> 21:03.280
Alam niyang nando'n ako.

21:03.360 --> 21:06.320
Gago siya. Binago ko 'yong card,
ako ang nagbigay ng bulaklak.

21:06.399 --> 21:08.040
Ba't mahilig si Luz sa alpha male?

21:08.120 --> 21:09.720
Nasa show siya ni Esther.

21:09.800 --> 21:10.640
-Si Luz?
-Oo.

21:10.720 --> 21:13.240
-Kasama 'yong lalaki?
-Hindi, si Paz. Amiga niya.

21:13.320 --> 21:18.040
Sa P din nagsisimula 'yong pangalan no'n.
P 'yong nakalagay sa card.

21:18.120 --> 21:19.360
P?

21:20.800 --> 21:23.200
-Pablo, Pepe, Paco.
-Patricio.

21:23.280 --> 21:24.600
Patricio?

21:24.679 --> 21:26.040
Pedro. 'Eto na siya.

21:26.120 --> 21:28.200
Sabi ni Daniela, kami na ulit.

21:28.280 --> 21:29.720
Ayos! Nagkabalikan kayo?

21:29.800 --> 21:33.240
Hindi, para lang sa brands.
Pero puwede na, di ba?

21:33.320 --> 21:34.640
-Oo.
-Sige.

21:34.720 --> 21:35.919
Okay.

21:36.000 --> 21:38.640
Parang may problema kami ni Irene.

21:38.720 --> 21:40.480
-Pumalpak ka agad?
-Hindi.

21:40.560 --> 21:43.600
No'ng tanungin ni Esther
kung sino-sino ang single at hindi,

21:43.679 --> 21:46.040
tinaas ko ang kamay ko sa hindi,
at siya, sa single.

21:47.159 --> 21:49.560
Di niya nakita, okay? Pero ewan ko…

21:49.640 --> 21:52.919
Medyo nakakalungkot, kasi in love na 'ko.

21:53.000 --> 21:54.560
-Agad?
-Wag n'yong sabihin, ha?

21:54.640 --> 21:59.080
-Pag na-in love ka, talo ka.
-Kumusta ang reunion n'yo?

21:59.159 --> 22:01.679
Saya. Lalabas kami mamaya ng crush niya.

22:01.760 --> 22:03.399
Pag sinaktan mo siya, lagot ka.

22:03.480 --> 22:05.560
Walang nakakilala sa gagong ito.

22:06.080 --> 22:08.320
Di mo kasi pinuntahan ang asawa mo.

22:08.399 --> 22:10.000
Buti na lang. Nilibak ka niya.

22:10.080 --> 22:11.120
Ano?

22:11.200 --> 22:14.159
Buong set niya, puro jokes
tungkol sa asawa niya.

22:14.240 --> 22:18.480
Tinawag ka niyang amoeba, under the saya,
tanga, at tagaplantsa ng panty.

22:18.960 --> 22:19.800
Tagaplantsa?

22:19.880 --> 22:22.720
Kinuwento pa niya
ang anal vibrator na bigay mo.

22:22.800 --> 22:25.080
Binili mo raw para sa sarili mo.

22:32.480 --> 22:33.439
Maging partner.

22:34.360 --> 22:37.280
'Yon ang dapat sa 'kin
at walong taon na 'ko rito.

22:37.360 --> 22:41.000
Kailangan n'yo ng summary
ng mga nagawa ko? Meron ako dito.

22:41.080 --> 22:44.720
Luz, bakit ka nagmamadali? Bata ka pa.

22:44.800 --> 22:45.720
Bata?

22:46.240 --> 22:49.040
Ang karaniwang edad
sa partnership ay 37. Ako, 43 na.

22:49.120 --> 22:51.720
Pumapasok ako ng 9 a.m.,
minsan, umuuwi ng 11 p.m.

22:51.800 --> 22:54.360
Walang nagdududa sa husay mo.

22:57.280 --> 23:00.720
Ewan ko, di sa nagpapabiktima ako,
para lang kasing

23:00.800 --> 23:03.800
mas marami akong
kailangang patunayan at babae ako.

23:06.000 --> 23:07.040
Ano 'ka mo?

23:07.120 --> 23:11.760
Alfonso, 80% ng partners, lalaki.
Pero ako nag-file ng divorce papers mo.

23:12.480 --> 23:15.520
Luz, di 'to pinagdedesisyunan
sa opisinang 'to.

23:15.600 --> 23:18.200
At di lang ikaw
ang nag-iisip na deserve nila 'to.

23:18.280 --> 23:20.360
May naming committee na nagrereport

23:20.439 --> 23:23.480
ng kinita at dami ng clients
ng bawat kandidato,

23:23.560 --> 23:26.919
pati karangalan at husay nila.
Kokonsulta pa sa ibang partners.

23:27.000 --> 23:29.600
Aabutin pa 'yon ng susunod na taon.

23:29.679 --> 23:32.439
Pero may posibilidad naman, okay?

23:32.960 --> 23:34.040
Galingan mo lang.

23:41.720 --> 23:43.080
Nag-resign na 'ko.

23:43.159 --> 23:44.240
Magaling.

23:45.399 --> 23:47.000
-Halika.
-Ha?

23:55.280 --> 23:56.280
Ano 'to?

23:58.120 --> 24:00.120
Ferreiro & Artigas.

24:00.200 --> 24:02.280
Parang sekta ng simbahan
'yong "Luz & Paz," e.

24:02.360 --> 24:03.919
Pero…

24:04.000 --> 24:06.439
Pa'no mo nalamang magre-resign ako?

24:06.520 --> 24:07.360
Di ko alam.

24:07.439 --> 24:10.760
Pero kung maghihintay ka pa bago kumilos…

24:10.840 --> 24:13.439
Ano? Ikaw talaga… luka-luka ka!

24:13.520 --> 24:15.000
Tama, at ang hot mo.

24:18.800 --> 24:21.080
Iha, tulungan mo ang papa mong maglinis.

24:21.159 --> 24:22.280
Hindi ako iha.

24:22.360 --> 24:23.480
Ano'ng sabi niya?

24:23.560 --> 24:26.919
Papa, pakisabi kay Lolo
na igalang ang pronouns ko.

24:27.000 --> 24:27.840
Hi!

24:27.919 --> 24:29.720
Manood kayong lahat ng TV.

24:29.800 --> 24:31.480
Bitawan mo 'yan, kukunin ko 'yan.

24:31.560 --> 24:34.200
-Sige na.
-Gutom na 'ko. Ano'ng pagkain?

24:35.000 --> 24:36.159
Sunud-sunuran ka.

24:41.040 --> 24:43.679
Kumusta ang stand-up mo? Tumawa ba sila?

24:43.760 --> 24:45.000
Oo.

24:45.080 --> 24:47.960
Ang totoo, magaling ako sa comedy.

24:48.040 --> 24:50.439
Paano naman ang royalties ko?

24:50.520 --> 24:52.520
-Ha?
-Dinurog mo ako.

24:52.600 --> 24:54.800
Asawa ko ang binanggit ko, di ikaw.

24:54.880 --> 24:56.159
At sino ang asawa mo?

24:56.240 --> 24:57.679
Hindi nabanggit.

24:57.760 --> 24:59.399
Hindi, nabanggit siya.

24:59.480 --> 25:01.679
Kung Esther Alonso ang nasa poster,

25:01.760 --> 25:04.280
asawa mo 'yong asawa ni Esther Alonso.

25:04.360 --> 25:06.360
-Sa madaling salita, ako.
-Ano ba?

25:06.439 --> 25:08.520
-Ako, tagaplantsa ng panty?
-Oo.

25:08.600 --> 25:11.159
-Di na ko nagpaplantsa no'n.
-Di naman kasi kailangan.

25:11.240 --> 25:14.040
Esther, hanggang saan
ang kaya mong gawin para umangat?

25:16.520 --> 25:18.159
Tinawagan mo na kapatid mo?

25:21.199 --> 25:26.040
Carmen, mas komportable siya sa Valencia.
Naaalala niya sa Madrid si Mama.

25:26.120 --> 25:27.880
Hindi ako aalis dito!

25:29.320 --> 25:31.760
Okay. Sige. Hindi puwede.

25:32.520 --> 25:34.720
Sige, kita na lang tayo sa Pasko.

25:34.800 --> 25:37.520
Okay, sige. Ingat, bye.

25:37.600 --> 25:39.120
Nauna na do'n si Mama.

25:39.199 --> 25:40.040
Ha?

25:40.120 --> 25:43.679
Mas gusto niya raw sa Valencia.
Do'n daw galing ang mga cruise.

25:45.159 --> 25:47.199
-Ano 'yan?
-Naghahanap ako ng retirement home.

25:47.280 --> 25:50.640
Honey, di ko siya ilalagay do'n
at malusog naman siya.

25:50.720 --> 25:52.679
Oras na makahanap tayo, hindi na.

25:52.760 --> 25:55.280
Wag kang mag-alala,
magkakaayos sila. Ako'ng bahala.

25:55.360 --> 25:58.199
Pagbalik ni Mama sa cruise,
nagbago na si Papa.

25:58.280 --> 26:00.000
Luis, 82 na siya.

26:00.080 --> 26:01.439
Sino'ng tinatawagan mo?

26:03.800 --> 26:05.399
Patrick? Kumusta?

26:05.919 --> 26:06.800
May ideya ako.

26:06.880 --> 26:09.919
Deconstruction at cooking course
para sa matatanda.

26:10.000 --> 26:11.000
Ano sa tingin mo?

26:11.520 --> 26:13.159
Di pupunta ang anak mo?

26:13.240 --> 26:16.159
Hindi. Naisip ko, masyado pang maaga.

26:16.240 --> 26:18.080
Nagtaas ka ng kamay kagabi.

26:19.640 --> 26:20.520
Ah.

26:21.520 --> 26:23.840
Akala ko, di mo nakita.

26:23.919 --> 26:25.159
Peripheral vision.

26:25.240 --> 26:26.919
Ayoko lang ma-offend ka.

26:27.000 --> 26:30.840
Alam mo na,
sa individualistic na panahon ngayon,

26:30.919 --> 26:33.280
bihira na ang magka-connection.

26:33.360 --> 26:36.800
Masaya akong kasama ka.
Pero kung seryoso ang hanap mo…

26:36.880 --> 26:37.919
Hindi.

26:38.439 --> 26:40.679
Ako, hindi. Imposible.

26:40.760 --> 26:43.360
Sa ngayon, abala ako sa trabaho.
Sa libro ko.

26:43.439 --> 26:44.760
Ako din.

26:44.840 --> 26:47.600
Sa dami ng iniisip ko ngayon.

26:47.679 --> 26:50.520
'Yon din kasi ang inaalala ko.

26:50.600 --> 26:53.040
'Ka ko, "Pa'no kung nahuhulog na
si Irene sa 'kin?"

26:53.120 --> 26:54.720
-Hindi, wag kang mag-alala.
-Hindi?

26:54.800 --> 26:56.280
Okay, ayos 'yon.

26:56.360 --> 26:58.199
Sigurado kang hindi?

26:58.280 --> 26:59.840
-Hindi nga.
-Okay.

26:59.919 --> 27:02.280
-Kahit kaunti?
-Hindi talaga.

27:02.880 --> 27:03.800
Perfect.

27:05.000 --> 27:08.120
Perfect. Oo. Buti na lang. Wow.

27:08.199 --> 27:09.640
-Papa?
-Ha?

27:10.320 --> 27:12.520
Iha, ba't ka nandito? Nag-cancel ako.

27:12.600 --> 27:14.280
Ay, naka-silent ka sa 'kin.

27:14.360 --> 27:15.919
-Hello, Irene.
-Hello.

27:16.000 --> 27:18.000
Sumama siya. Kumusta? Ako si Alex.

27:18.080 --> 27:20.120
Nice to meet you. Ako si Blanca, ex niya.

27:20.199 --> 27:21.880
Ikaw siguro si Manu.

27:21.960 --> 27:24.159
Hindi. Ako si Manu.

27:24.240 --> 27:26.320
-Kumusta?
-Si Salva, boyfriend ko.

27:26.399 --> 27:28.679
-Hello.
-Ay, sorry.

27:28.760 --> 27:30.280
-Upo ka.
-Wag.

27:30.360 --> 27:32.080
Please, wag kayong umupo.

27:32.159 --> 27:33.800
Family dinner 'to, okay?

27:34.679 --> 27:37.640
Gusto talaga kitang makilala.
Baliw na baliw si Papa sa 'yo.

27:37.720 --> 27:38.919
Anak ng… buwisit.

27:44.919 --> 27:46.480
Daniela, kain na.

27:47.320 --> 27:49.560
Patricia, iwan mo muna kami.

27:49.640 --> 27:52.960
Mahuhuli na nila 'yong Highway Ripper.

27:53.040 --> 27:54.360
Sa baba ka manood.

27:54.880 --> 27:56.480
May TV ka sa kuwarto mo.

27:56.560 --> 27:59.159
Pero di 'yon Smart TV. Walang Netflix.

27:59.240 --> 28:00.679
Sige na. Alis na.

28:01.360 --> 28:02.360
Wow.

28:03.320 --> 28:06.960
Diyos ko. Ikaw ang pinaka-sexy
na mommy sa universe.

28:07.040 --> 28:09.919
Salamat. Lalabas ako,
pero nakapag-charge na 'ko.

28:10.000 --> 28:13.399
Lalabas? Nagluto ako ng dinner natin.

28:15.800 --> 28:17.720
-Pedro, di tayo mag-on.
-Alam ko.

28:17.800 --> 28:21.880
Pero tutal pinepeke na natin…
ginagawa ko lang 'yong papel ko.

28:22.840 --> 28:23.840
Okay.

28:25.840 --> 28:27.120
Nandito na siya.

28:27.199 --> 28:28.919
Patri, ang mama mo!

28:29.600 --> 28:30.760
Ano?

28:31.360 --> 28:34.640
Papa! Sumama ka rin?

28:34.720 --> 28:39.000
Pam-business class ang binigay ni Daniela,
kaya nag-economy ako para makasama siya.

28:41.520 --> 28:42.880
Ano 'to?

28:42.959 --> 28:44.840
Di siya puwedeng manganak mag-isa.

28:44.919 --> 28:46.439
Puwede silang mag-hotel.

28:46.520 --> 28:48.760
Maawa ka naman, utang na loob.

28:48.840 --> 28:50.959
Para sa'n pa 'yong mga kuwarto dito?

28:56.639 --> 29:00.040
Umabot kami ng 12 taon ni Diego.
Laging di pa time para magkaanak.

29:00.120 --> 29:01.480
O magpakasal.

29:01.560 --> 29:03.919
Papel lang naman daw ang kasal.

29:04.000 --> 29:06.120
-Kaya iniwan mo?
-Sumama siya sa iba.

29:06.639 --> 29:08.679
Kasal na sila, may tatlong anak.

29:08.760 --> 29:11.320
Sina Lucia, Hugo, at Martina.

29:11.840 --> 29:13.760
Panay post niya ng photos sa IG.

29:14.240 --> 29:16.159
Pati videos at Stories.

29:16.240 --> 29:17.959
Buti naka-move on ka na.

29:18.040 --> 29:19.040
Oo nga.

29:21.439 --> 29:23.080
Gusto mo bang maging tatay?

29:23.679 --> 29:25.120
Oo, dati pa.

29:25.199 --> 29:28.000
Pero divorce lawyer ang ex ko,
ayaw niyang magkaanak.

29:28.080 --> 29:29.320
'Yong sa cake?

29:29.399 --> 29:33.840
Siya nga. No'ng mag-propose ako,
open relationship na lang daw kami.

29:34.800 --> 29:35.760
Ang sama.

29:35.840 --> 29:40.120
Pa'no kayo magkakaugnayan
kung nakikipaglandian ka sa iba?

29:40.199 --> 29:41.320
Imposible 'yon.

29:41.399 --> 29:42.320
Kumusta naman?

29:42.959 --> 29:45.720
-Okay ba ang pagkain?
-Napakasarap. Salamat.

29:45.800 --> 29:47.280
Uy, ang sarap nito!

29:47.360 --> 29:49.840
Restaurant niya,
pero di kabisado ang menu.

29:52.760 --> 29:54.560
Ang dami kasi ng projects ko.

29:56.399 --> 29:59.560
Nakakatuwang nagtagpo ulit tayo
sa puntong 'to ng buhay natin, 'no?

30:00.760 --> 30:01.760
Totoo.

30:10.280 --> 30:11.840
-Sandali.
-Ano 'yon?

30:12.800 --> 30:14.760
Wala, gusto kong magdahan-dahan.

30:15.720 --> 30:19.080
Mahalaga sa 'kin ang sex.
Ayokong gawin 'yon kung kani-kanino.

30:19.159 --> 30:21.720
Kung kani-kanino?
Ang tagal na nating magkakilala.

30:21.800 --> 30:26.360
Gusto kong gawin 'to nang tama.
Nangako akong di na 'ko magpapaloko.

30:27.679 --> 30:29.800
Tama, at ginagalang kita.

30:32.600 --> 30:33.439
Good night.

30:45.320 --> 30:46.560
Buwisit, Marimar.

30:52.520 --> 30:54.120
Nakita niyang nagtaas ako ng kamay.

30:54.199 --> 30:55.120
Nalintikan na.

30:55.199 --> 30:57.120
Okay lang. Nagawan ko ng paraan.

30:57.199 --> 30:58.959
Opisyal na kaming fuck-buddies.

30:59.040 --> 30:59.959
Welcome to the club.

31:00.040 --> 31:02.040
Hindi, sorry. Magkaiba 'yon.

31:02.120 --> 31:05.199
Ano'ng mas nakakahiya?
Romantic anarchy o fuck-buddies?

31:05.280 --> 31:07.439
Para ding relasyon ang romantic anarchy.

31:07.520 --> 31:10.639
Pero ang buddies, mas malapit 'yon.

31:10.720 --> 31:13.840
Pareho lang.
Mga label para sa mga walang label.

31:13.919 --> 31:18.800
O, di ba? 'Yong sa 'kin, malinaw.
Mag-asawang may renta at dalawang anak.

31:18.879 --> 31:20.120
Nakakalungkot.

31:21.639 --> 31:24.639
-PlayStation tayo sa bahay?
-Sige. 'Yong papatay tayo.

31:29.040 --> 31:31.439
Sa huli, mukhang ako pa ang panalo.

31:34.399 --> 31:35.480
Hintayin n'yo 'ko!

32:34.439 --> 32:36.840
Nagsalin ng Subtitle: Jessica Ignacio
ng papatay tayo.
