WEBVTT

00:23.400 --> 00:26.720
Sabihin mo, Pedro. Bakit ka nandito?

00:29.920 --> 00:34.559
'Yong girlfriend ko. Ex na pala.
Buntis siya sa anak ko, at…

00:35.839 --> 00:37.280
May iba na siya.

00:37.360 --> 00:40.199
Binubully ako ng boss ko sa opisina.

00:41.400 --> 00:45.360
'Yong nasisante kong coworker,
di ko pinansin no'ng manghingi ng tulong…

00:47.640 --> 00:48.640
nagpakamatay.

00:50.199 --> 00:52.160
Saan mo gustong magsimula?

00:55.480 --> 01:02.199
ALPHA MALES

01:06.600 --> 01:07.560
Ano 'to?

01:07.640 --> 01:09.200
Di tayo umorder nito.

01:09.280 --> 01:10.320
Libre 'yan.

01:10.399 --> 01:11.680
Nakakainis ka.

01:17.840 --> 01:18.880
Hati tayo, di ba?

01:18.960 --> 01:20.200
Sige lang.

01:29.160 --> 01:30.920
-Bakit?
-Masarap ba?

01:31.000 --> 01:33.200
Masarap. Pero last subo ko na 'to.

01:33.280 --> 01:35.720
Honey, pinaghirapan nilang gawin 'yan.

01:35.800 --> 01:36.800
Last na 'to.

01:45.320 --> 01:47.839
Nakalimutan nila. Sabi ko nang…

01:48.600 --> 01:49.600
Uy!

01:52.199 --> 01:53.039
Ayos ka lang?

01:53.640 --> 01:54.720
Marimar!

01:58.759 --> 02:00.320
-Will you marry me?
-Yes.

02:01.240 --> 02:02.679
Uminom ka ng tubig.

02:04.880 --> 02:05.919
Akin na.

02:07.600 --> 02:09.359
-Ang ganda.
-Oo nga.

02:16.160 --> 02:18.480
Ayos na. Okay na siya.

02:23.000 --> 02:24.320
Luis, 'yong dito mo.

02:24.400 --> 02:25.280
Oo na.

02:25.360 --> 02:27.400
Guys, ikakasal na ako!

02:27.480 --> 02:29.400
Tagumpay ang ikalawang cake.

02:29.480 --> 02:31.040
Ha? Pero di ka in love.

02:31.120 --> 02:34.239
Excuse me. Mabait si Marimar,
nagugustuhan ko na siya.

02:34.320 --> 02:38.120
Naging kayo lang
kasi ayaw mong mapag-iwanan ni Luz.

02:38.200 --> 02:40.799
Magpapakasal ka
kasi gano'n din si Luz. Ang mature.

02:40.880 --> 02:42.120
Nagkataon lang 'yon.

02:43.640 --> 02:45.080
Nagkataon lang daw!

02:45.160 --> 02:48.160
Buti at wala kang pakialam
na may iba na si Luz.

02:48.239 --> 02:50.760
Pagsisisihan niya 'yon. Hibang na siya.

02:50.840 --> 02:53.360
At ikaw, hindi. Pinag-isipan mo nga 'to.

02:53.440 --> 02:54.920
Mahal ako ni Marimar.

02:55.000 --> 02:57.160
Matanda na 'ko para mag-asawa.

02:57.239 --> 03:00.120
Abot-kamay ko na 'to.
Baka magkaanak pa kami.

03:00.200 --> 03:02.640
Di kami nagko-condom kasi kasalanan 'yon.

03:02.720 --> 03:05.560
Pero sa tingin ko, sa edad niya…

03:06.120 --> 03:07.200
Bahala na si Lord.

03:08.959 --> 03:11.480
Alam mo ang tawag dito, Raul?

03:11.560 --> 03:13.519
Sadyang pagkakamali.

03:13.600 --> 03:15.160
May theory si Papa sa ganito.

03:15.239 --> 03:20.040
Sabi niya, kakaiba man,
mahilig sa mga maling desisyon ang tao

03:20.120 --> 03:22.440
kahit na ikapapahamak nila 'yon.

03:23.880 --> 03:25.160
Ikakasal ako. Tapos.

03:25.239 --> 03:27.080
Kayo na'ng bahala sa bachelor party.

03:27.160 --> 03:29.519
-Bibigyan mo kami ng trabaho?
-Sige na!

03:29.600 --> 03:30.640
Kawawang Marimar.

03:31.360 --> 03:33.239
Sadyang pagkakamali.

03:35.840 --> 03:37.360
Ms. Martinez.

03:37.880 --> 03:39.519
Ayon sa dokumentong ito,

03:39.600 --> 03:43.160
siguro naman nasabihan ka na
ng abogado mo,

03:43.679 --> 03:47.760
inaamin mong noong gabi ng May 23
sa Snobissimo nightclub,

03:47.840 --> 03:50.840
habang lango sa toxic substances,

03:50.920 --> 03:53.959
nilapitan mo si Mr. Daniel Garcia
mula sa likod

03:54.040 --> 03:56.840
at hinipuan ang kanyang puwitan,

03:56.920 --> 03:59.920
pababa sa kaniyang hita
sa malaswang paraan.

04:00.440 --> 04:03.079
Sa kabila nito, kailangan mong umamin.

04:03.160 --> 04:04.519
Dito ka, please.

04:10.239 --> 04:15.079
Ms. Martinez, tinatanggap mo ba ito,
pati ang kaukulang parusa nito?

04:23.080 --> 04:24.039
Opo.

04:27.000 --> 04:29.360
-Salamat.
-Nakita mo 'yong tingin nila?

04:29.440 --> 04:32.160
-Para 'kong sex offender.
-Sex offender ka nga.

04:36.039 --> 04:38.400
Pakisabi kay Alex, lumabas siya.
Mag-uusap kami.

04:38.479 --> 04:39.840
Manu, umalis ka na!

04:39.919 --> 04:42.200
Alex! Alex, mahal. Mag-usap tayo.

04:42.280 --> 04:44.039
Ikaw ang pinakamamahal ko…

04:44.919 --> 04:46.960
Alex? Alex!

04:47.640 --> 04:48.479
Wala na kayo?

04:48.560 --> 04:51.280
Pasabi kay Alex
na lagi siyang nasa puso ko.

04:54.640 --> 04:56.599
-Totoo ba 'yan?
-Pwedeng padaan?

04:56.680 --> 04:57.599
-Sige.
-Salamat.

04:57.680 --> 04:59.960
-Pwedeng pasabay?
-Di pwede…

05:00.039 --> 05:04.160
Pag nakita niya 'ko, magkakaayos kami.
Misunderstanding lang 'to… Teka!

05:04.240 --> 05:06.320
Alex, mahal kita!

05:07.800 --> 05:09.000
Ano'ng nangyari?

05:09.080 --> 05:10.760
Wala na kami. Masaya ka na?

05:10.840 --> 05:13.479
Ngayon talaga? May utang tayo sa kanya.

05:13.560 --> 05:16.160
Kinukulit niya 'kong
magpaayos ng cheekbones,

05:16.240 --> 05:17.599
o magpa-Botox.

05:17.680 --> 05:19.440
-Magpa-bichectomy.
-Ano 'yon?

05:19.520 --> 05:21.560
Nakita ko 'yong ex niya, ang lala.

05:22.280 --> 05:26.240
Santi, pag-usapan natin
'yong utang mong 10,000 euros sa 'kin.

05:26.320 --> 05:27.960
-I-block mo.
-Wag!

05:28.680 --> 05:31.120
Igoghost ko muna
hanggang makabayad si Luis.

05:31.760 --> 05:34.680
-Labas na, di 'yan aalis!
-Buwisit!

05:38.120 --> 05:39.960
-Kumusta ka, Papa?
-Okay naman.

05:40.039 --> 05:43.919
May oras na 'kong isipin
ang natitira sa lintik na buhay na 'to.

05:44.599 --> 05:46.599
-'Yan ang saysay ng retirement home.
-Huy!

05:46.680 --> 05:50.200
Hello! Joaquin, tara na, tanghalian na.

05:50.280 --> 05:52.720
Mag-oorder ako ng pizza
pag mashed potato ulit.

05:52.800 --> 05:55.560
Ano'ng magagawa namin?
May kailangan ka ba, Pa?

05:56.200 --> 05:57.200
Pahinging stamps.

05:57.880 --> 05:59.320
Stamps? Para saan?

05:59.400 --> 06:00.479
Basta, personal.

06:07.039 --> 06:08.320
Ano'ng ginagawa mo?

06:09.760 --> 06:11.240
Naku po! Suicide note?

06:11.320 --> 06:13.080
Hindi. Sulat para kay Mama.

06:13.160 --> 06:14.840
-Ano'ng sabi?
-Hindi ko alam.

06:14.919 --> 06:17.640
-Baka makalala pa 'to.
-May ilalala pa 'to?

06:17.720 --> 06:18.880
Buwisit!

06:20.400 --> 06:22.039
Erika, kumusta?

06:22.120 --> 06:25.160
Tinawag ni Ulises na "feminazi"
ang art teacher niya

06:25.240 --> 06:28.840
pagkatapos nitong sabihing sa kasaysayan,
di napapansin ang mga babaeng artist.

06:28.919 --> 06:30.080
Diyos ko.

06:30.160 --> 06:32.000
Nag-aalala kami kasi recently,

06:32.080 --> 06:35.799
ang dami niyang sexist comments
na di angkop sa edad niya.

06:35.880 --> 06:37.919
Hindi ko alam saan niya natutuhan.

06:38.000 --> 06:40.479
Di sa amin. 'Yon ang sigurado.

06:40.560 --> 06:42.080
-Open-minded kami.
-Sobra.

06:42.160 --> 06:43.880
Progressive pa nga kami.

06:43.960 --> 06:47.200
Progressive. Oo nga.
Lagi kasi siyang nagse-cell phone.

06:47.280 --> 06:49.200
May cell phone na siya?

06:49.280 --> 06:51.799
Lahat daw ng kaklase niya, meron.

06:51.880 --> 06:53.359
Parang di naman.

06:53.440 --> 06:56.479
Kung gano'n, nagulangan tayo
ng onse anyos.

06:56.560 --> 06:59.720
Dapat makontrol n'yo 'yon.
Mahalaga ang digital education.

06:59.799 --> 07:01.919
-Wala nang katapusan 'to.
-Wala nga.

07:08.400 --> 07:09.400
Tomás!

07:11.640 --> 07:12.599
Honey!

07:13.400 --> 07:15.640
Patulong naman dito sa groceries?

07:18.280 --> 07:19.280
Hello?

07:20.599 --> 07:21.599
Wow!

07:25.280 --> 07:26.280
Hello, hello!

07:27.760 --> 07:32.000
Dumating ka sa buhay ko
Kung kailan lugmok na lugmok ako

07:32.599 --> 07:37.000
At hindi sinasadya
Dahil sa 'yo, sugat ko'y nawala

07:37.080 --> 07:41.280
Ngiti ang iyong alay
Sa iyong mga tagasubaybay

07:42.320 --> 07:46.400
Honey, ikaw ang aking hangganan
Ang aking hangganan!

07:47.320 --> 07:51.080
Honey, ikaw ang aking hangganan
Ang aking hangganan!

07:52.680 --> 07:56.960
Dalawa na kayo, di isa
Aking Russian na manika

07:58.039 --> 08:02.200
Nang ikaw ay makilala
Natagpuan ko ang aking musa

08:04.719 --> 08:05.960
Ay, wow!

08:07.080 --> 08:10.320
"Russian Doll" ang title.
Ano sa tingin mo? 'Yong totoo.

08:12.799 --> 08:13.679
Ano…

08:13.760 --> 08:16.799
Ang ganda. Ang sweet mo. Salamat!

08:16.880 --> 08:17.960
Nagustuhan mo ba?

08:18.039 --> 08:19.159
Sobra!

08:20.000 --> 08:22.799
"Russian Doll"
kasi may isa pang manika sa loob.

08:22.880 --> 08:25.679
-Pero lalaki na siya…
-Di mo nagustuhan.

08:25.760 --> 08:28.760
Oo. Honey.

08:28.840 --> 08:30.960
Sorry. Ngayon lang kasi ako
sinulatan ng kanta.

08:31.039 --> 08:33.959
Kaka-grocery ko lang,
wala ako sa huwisyo, tapos…

08:34.039 --> 08:35.159
Layuan mo muna ako.

08:41.600 --> 08:42.600
Buwisit.

08:42.679 --> 08:45.040
Habang hinihintay natin
ang resulta ng Alpha Males,

08:45.120 --> 08:46.959
mag-focus tayo sa next project.

08:47.040 --> 08:48.360
Harassed!

08:49.800 --> 08:51.720
Oo, sang-ayon diyan si Virginia.

08:51.800 --> 08:54.600
Pero mag-brainstorm tayo,
baka may mas maganda pa.

08:54.680 --> 08:57.400
Ha? Limang episodes na ang nasulat namin.

08:57.480 --> 08:59.360
-Agad?
-Nagkikita kami pag Sundays.

09:00.640 --> 09:03.440
Ipadala n'yo sa 'kin nang mabatikos ko.

09:04.040 --> 09:06.959
Ia-upload na ang masters sa platform.
Okay na ba?

09:07.040 --> 09:09.760
-Oo. Nakita ko na ang edits.
-Sige, tingnan ko.

09:09.840 --> 09:12.400
Ako ang responsable sa content, di ba?

09:12.480 --> 09:14.959
Ako ang creator at executive producer.

09:15.040 --> 09:18.079
At ako ang CEO.
Pwede ko nang panoorin ang episodes?

09:21.880 --> 09:22.880
Siya nga pala,

09:23.400 --> 09:25.320
alam mo na 'yong kay Roberto?

09:25.839 --> 09:27.720
Di siya nagpakamatay.

09:27.800 --> 09:31.959
Ayon sa autopsy, sinakal niya
ang sarili niya sa pagsasalsal.

09:32.040 --> 09:34.360
-Pambihira!
-Para kay Roberto.

09:34.440 --> 09:36.760
Gusto ko ring mamatay nang nasasarapan.

09:36.839 --> 09:39.720
Di nga natin alam kung nilabasan siya.
May semilya ba?

09:40.520 --> 09:42.280
Paano ko malalaman? Kadiri.

09:42.800 --> 09:44.800
Lintik, si Santi. Kumusta na siya?

09:44.880 --> 09:47.839
-Di mabuti.
-Tanda n'yo no'ng na-divorce siya?

09:47.920 --> 09:49.959
Naku, wag. Ayoko na.

09:50.800 --> 09:53.280
-Uy, Santi.
-Uy, pare!

09:54.280 --> 09:55.640
Kumusta, Santi?

09:56.360 --> 09:57.360
Di mabuti.

09:58.199 --> 10:00.440
Di ako makakain. Hindi ako makatulog.

10:01.120 --> 10:03.480
Di na 'ko makakahanap ng gaya ni Irene.

10:03.560 --> 10:05.440
May dahilan ang lahat, pare.

10:05.520 --> 10:07.240
Lahat, may silver lining.

10:07.320 --> 10:09.440
-Di siya gano'n kaganda.
-May iba kaya?

10:09.520 --> 10:11.560
Baka may iba pa siyang "kaibigan."

10:11.640 --> 10:15.000
Makipag-date ka ulit.
Malilimot mo 'yan. Mag-Tinder ka.

10:15.079 --> 10:17.680
-Ayoko.
-Wag mong sukuan ang pag-ibig.

10:17.760 --> 10:19.600
Suko na 'kong maghanap.

10:20.120 --> 10:22.400
Gusto kong kusa 'yong mangyari.

10:22.480 --> 10:25.160
-Wala nang gano'n ngayon.
-Santi?

10:26.160 --> 10:27.320
Naaalala mo pa 'ko?

10:28.440 --> 10:29.480
Uy.

10:29.560 --> 10:31.120
Oo naman.

10:33.720 --> 10:34.800
Kumusta?

10:35.760 --> 10:38.280
-Sandra.
-Sandra, oo nga.

10:39.720 --> 10:41.600
Nagkalayo tayo kasi may girlfriend ka na.

10:41.680 --> 10:44.839
Di ko siya girlfriend. Akala lang niya.

10:44.920 --> 10:47.800
Pwede ba tayong uminom minsan?

10:47.880 --> 10:49.040
-Oo naman.
-Naman.

10:49.560 --> 10:51.000
Wala ka sa Tinder, tama?

10:51.079 --> 10:53.680
-Wala.
-Wala. Pero eto 'yong number niya.

11:03.440 --> 11:06.480
Pangit ang kanta,
pero sweet naman, di ba? O hindi?

11:07.079 --> 11:09.880
Di pa 'ko naaalayan ng kanta.
Dick pics lang.

11:09.959 --> 11:15.480
Ang kaso, di ko alam ang irereact ko
sa mga gano'ng intense moment.

11:16.320 --> 11:18.320
Naging insensitive ba ako dahil kay Pedro?

11:18.400 --> 11:20.360
Masanay ka na, sis.

11:20.440 --> 11:23.719
Sanay ka nang walang emosyon,
maliit na bagay lang…

11:23.800 --> 11:26.680
Tama ka. Nawalan ako ng direksyon.

11:32.920 --> 11:34.959
Nandito si Raúl. Ano'ng sasabihin ko?

11:35.480 --> 11:38.520
Salamat, Lorena. Cute ng receptionist mo.

11:38.600 --> 11:40.719
Raúl, busy ako. Kung nandito ka da…

11:40.800 --> 11:42.839
Gusto kong sabihin sa 'yo 'to
nang personal.

11:43.800 --> 11:44.800
Luz,

11:46.000 --> 11:46.920
ikakasal na 'ko.

11:48.120 --> 11:51.000
Noon ko pa iniisip 'yon.
Nagkasabay pa tayo.

11:51.079 --> 11:53.360
Okay. Do'n sa babaeng hibang, tama?

11:53.959 --> 11:55.880
Di siya hibang. In love siya.

11:55.959 --> 11:58.560
Masaya ako para sa 'yo,
pero naaawa ako sa kanya.

11:58.640 --> 12:01.040
-Bakit naman?
-Ipapaliwanag ko talaga?

12:01.120 --> 12:05.360
Ikaw 'tong sinuko ang mga paniniwala
bilang dismayadong divorce lawyer

12:05.440 --> 12:06.880
na ayaw sa monogamy.

12:06.959 --> 12:10.240
Ibabalita mo lang ba ang kasal mo
o sesermunan mo 'ko dahil ikakasal ako?

12:10.320 --> 12:12.520
Pareho. Pero wala akong sama ng loob.

12:13.680 --> 12:15.400
Imbitado kayo sa kasal ko.

12:15.480 --> 12:17.120
Salamat. Ang bait mo naman.

12:21.320 --> 12:23.360
-Imbitado ba 'ko sa inyo?
-Hindi.

12:23.440 --> 12:25.959
Utang na loob, wala akong oras para dito.

12:26.040 --> 12:28.400
Di ko gets. Ano'ng nakita mo sa kanya?

12:28.480 --> 12:30.240
Narerelax ako sa kanya.

12:30.320 --> 12:33.079
Ngayon ko lang nadamang
ako ang babae sa relasyon.

12:33.160 --> 12:34.640
Bakit, ano ka ba dati?

12:35.160 --> 12:37.240
Pakiramdam ko no'n, nanay mo 'ko.

12:39.040 --> 12:42.480
Alam mo ang tawag dito?
Sadyang pagkakamali.

12:44.120 --> 12:47.640
Uy. Nandito ka ba
para i-congratulate siya?

12:47.719 --> 12:49.480
Mismo. Congratulations.

12:49.560 --> 12:51.320
Pag-usapan natin ang custody ni Rita.

12:56.719 --> 12:58.280
-Natanggap na niya?
-Naman.

12:58.360 --> 13:00.640
-Hindi. Ang lala niya.
-Mukha nga.

13:01.480 --> 13:04.880
Kailangan ko ng certificate
of residence mo para sa registry office.

13:04.959 --> 13:07.079
-Nakasal ka na ba dati?
-Di pa. Ikaw?

13:07.160 --> 13:08.240
Oo…

13:09.360 --> 13:10.920
Tama ba'ng ginagawa natin?

13:12.000 --> 13:15.440
Wala nang atrasan.
May venue na, di ko sasabihin kung saan.

13:15.520 --> 13:18.000
Sino'ng gusto mong singer?
Karol G o Nathy Peluso?

13:18.079 --> 13:20.959
Medyo kontrobersiyal kasi
si Shakira ngayon, 'no?

13:21.680 --> 13:22.719
Nagbibiro ka ba?

13:22.800 --> 13:25.040
Gusto mo ba ng bachelorette party?

13:25.120 --> 13:28.120
Ewan ko. Parang makaluma 'yon.

13:28.199 --> 13:29.240
Hindi.

13:30.440 --> 13:31.280
Una na 'ko.

13:35.400 --> 13:36.320
Bye.

13:37.400 --> 13:38.839
Bakit ka dumaan dito?

13:38.920 --> 13:41.280
Para halikan ang fiancée ko.

13:41.360 --> 13:42.440
Bye!

13:46.719 --> 13:47.880
Bakit, honey?

13:47.959 --> 13:50.959
Sabi ni Father Marcos,
pwede nang mag-seminar ng kasal bukas.

13:51.040 --> 13:52.680
Okay. Excited na 'ko!

13:53.760 --> 13:55.160
Sige. May meeting ako.

13:55.240 --> 13:56.839
-Love you.
-Love you too.

15:05.400 --> 15:07.000
Ano ka ngayon, loko?

15:11.680 --> 15:13.040
Shit!

15:28.319 --> 15:30.800
Uy. Ayos ka lang?

15:35.120 --> 15:36.920
Relax. Ayos ka lang? Ha?

15:39.599 --> 15:42.719
Pinatay ng lalaki ang asawa niya
at tumalon sa bintana.

15:42.800 --> 15:46.040
Ikaapat na biktima na ito
ng sexist violence ngayong linggo.

15:46.120 --> 15:49.400
Apatnapu't pitong babae na
ang pinatay ngayong taon.

15:49.479 --> 15:50.439
Nakakakilabot!

15:50.520 --> 15:53.079
Sana inuna nilang tumalon bago pumatay.

15:53.160 --> 15:56.280
Walang sexist violence.
Walang kasarian ang karahasan.

15:56.359 --> 15:58.520
Sa'n mo nakuha ang kalokohang 'yan?

15:58.599 --> 16:00.800
-Akin na ang phone mo!
-Akin na!

16:00.880 --> 16:02.839
Invasion of privacy 'yan.
Irereport ko kayo.

16:02.920 --> 16:05.520
-Aba!
-Minor ka pa. Wala kang privacy!

16:06.040 --> 16:07.880
Nagpapalaki kayo ng sexist pig.

16:07.959 --> 16:10.760
Buti na lang at deconstructed na 'ko.

16:13.079 --> 16:16.680
Ngayon, ang bilis nang makipag-sex
ng mga tao kahit di pa nagkakakilala.

16:16.760 --> 16:18.120
Practical naman.

16:18.199 --> 16:20.359
Pero di gaanong nakaka-enjoy.

16:20.439 --> 16:21.280
Tama.

16:21.359 --> 16:25.280
Pero di ko gaanong maalala
ang gabing 'yon.

16:25.359 --> 16:28.439
Late na late ka na, tapos nakainom na 'ko…

16:30.079 --> 16:30.920
Hello?

16:32.560 --> 16:33.520
Ay… oo.

16:34.479 --> 16:36.839
Sorry, Sandra. Napagaling mong…

16:36.920 --> 16:37.880
Pa'no mo alam?

16:39.199 --> 16:41.240
Tama ka. Hindi ko alam.

16:41.319 --> 16:43.560
At wala ako sa mood alamin ngayon.

16:43.640 --> 16:45.520
Mag-bill out na tayo. Sagot ko.

16:51.040 --> 16:52.000
Santi?

16:53.520 --> 16:56.439
-Ano'ng nangyayari?
-Kumusta ka? Long time no see!

16:57.000 --> 16:57.959
Uy!

16:58.920 --> 17:02.319
Gabi-gabi kami no'n.
Sumama pa siya sa 'min ng friends ko.

17:02.400 --> 17:04.800
Mahal niya ako, pero friends lang kami.

17:04.879 --> 17:08.079
Ano'ng kagaguhan 'yon?
Wala nang nagko-commit ngayon.

17:08.159 --> 17:10.000
Imposible nang magka-connection.

17:10.079 --> 17:12.640
Naging cheap na ang mga relasyon.

17:12.720 --> 17:14.319
Puro panggagamit na lang.

17:15.919 --> 17:18.839
Gano'n ka rin naman, Santi.

17:19.919 --> 17:22.319
Ginamit mo 'ko.

17:22.960 --> 17:26.560
Hindi… kita ginamit.
Wala tayong chemistry.

17:26.640 --> 17:27.839
Sabi mo, e.

17:28.600 --> 17:30.159
Kumusta ka? Okay ka naman?

17:30.840 --> 17:35.200
May nakilala ako, si Nico.
Tapos, nabuntis ako.

17:35.280 --> 17:37.440
-Uy, congrats!
-Nalaglag 'yong bata.

17:37.520 --> 17:38.360
Hala!

17:38.440 --> 17:42.360
Tapos, pinagpalit niya 'ko
sa mas bata at… mas fertile.

17:43.520 --> 17:46.960
Iniwan din ako.
Pero di pinagpalit, mas masahol 'yon.

17:48.560 --> 17:50.320
Hindi nga breakup 'yon, e.

17:50.399 --> 17:53.600
Kasi 'yong breakup,
para 'yon sa magkarelasyon, di ba?

17:55.240 --> 17:58.200
Bale, di ako matuturing na ex niya.

17:58.280 --> 18:02.200
Sa edad ko, 1% na lang
ang tsansa kong mabuntis.

18:02.280 --> 18:05.000
At 50% ang tsansa kong makunan.

18:05.080 --> 18:06.840
Wala pa 'kong boyfriend.

18:07.360 --> 18:12.919
Kasama ko sa bahay ang ex-wife kong
walang trabaho at sex offender.

18:13.000 --> 18:16.159
Nag-leave ako dahil sa depression.
Pagbalik ko, sinisante ako.

18:16.240 --> 18:19.760
'Yong dalagita kong anak,
47-anyos ang boyfriend.

18:19.840 --> 18:20.960
May cancer si Mama.

18:21.040 --> 18:22.280
Ang akin, patay na.

18:45.679 --> 18:47.840
-Nagustuhan niya?
-'Yong iyo o kanya?

18:47.919 --> 18:49.520
Anong kanya?

18:49.600 --> 18:52.320
Marami siyang binago.
Maganda naman 'yong iba.

18:52.399 --> 18:53.679
Ipapakita ko bukas.

18:53.760 --> 18:55.679
Nasa bahay ang anak ko ngayon!

18:56.600 --> 18:59.280
Anong karapatan mong
baguhin ang series ko?

18:59.360 --> 19:02.320
Series mo? Pedro, team effort 'to.

19:02.399 --> 19:05.480
Pa'no mo natutukoy
kung ano'ng pwede at ano'ng hindi?

19:05.560 --> 19:08.480
Trabaho nating mang-aliw ng tao,
di ng ego mo.

19:08.560 --> 19:11.040
-Ano'ng ayaw mo sa binago?
-Lahat.

19:11.120 --> 19:13.200
Bakit? Alin doon?

19:14.440 --> 19:15.840
Di ko pa napapanood!

19:15.919 --> 19:17.560
Pero hindi na kailangan!

19:17.640 --> 19:20.280
Di ko na masikmura ang pangingialam mo!

19:20.960 --> 19:22.480
See you bukas.

19:23.240 --> 19:25.200
Ganito ang gagawin natin.

19:25.280 --> 19:28.760
Panoorin mo muna 'yong version ko,
saka tayo mag-usap bukas.

19:28.840 --> 19:31.600
-Uuwi na 'ko.
-Hindi. Hindi ka aalis.

19:32.600 --> 19:34.120
Kailangan mong mag-sorry.

19:34.200 --> 19:35.120
Ako? Bakit?

19:35.200 --> 19:38.280
Dahil bastos ka
at sinisira mo ang self-esteem ko.

19:38.360 --> 19:40.440
Kahit di mo 'ko gusto, respetuhin mo 'ko.

19:40.520 --> 19:42.720
Di mo matanggap na babae ang boss mo?

19:42.800 --> 19:44.600
Di matanggap ng utak mo!

19:44.679 --> 19:45.960
Nagkakamali ka.

19:46.040 --> 19:48.800
Bakit ako ang nagbibigay sa 'yo ng utos?

19:48.880 --> 19:50.679
E, dapat pinagtitimpla kita ng kape,

19:50.760 --> 19:54.880
nakangiting inaayos ang calendar mo
habang nakabestidang maikli.

19:54.960 --> 19:58.960
Virginia, di ikaw ang unang babaeng
pinabagsak ko't inagawan ko ng puwesto.

19:59.040 --> 20:03.200
A, gusto pala 'kong tirahin ng alpha male.
Gano'n ba, ha?

20:14.399 --> 20:16.520
Ayos 'yon, pare.
Matalino ang nakikipag-ayos.

20:16.600 --> 20:19.480
-Saktong sex lang ba?
-Hindi, ang sarap. Parang.

20:19.560 --> 20:20.800
Sa opisina n'yo?

20:20.880 --> 20:22.360
Kailan mo siya natipuhan?

20:22.440 --> 20:23.520
Di ko siya gusto.

20:23.600 --> 20:25.080
Hawak mo na ovaries niya.

20:25.159 --> 20:26.760
Abuse of power 'yan.

20:26.840 --> 20:28.080
Sino'ng nang-aabuso?

20:28.159 --> 20:29.840
Siya ang boss, lalaki ka.

20:29.919 --> 20:33.040
Pero may asawa siya, tama?
Maraming mawawala sa kanya.

20:33.120 --> 20:36.040
Lintik. May presscon pa naman kami bukas.

20:36.120 --> 20:38.080
Lakihan mo lang ang ngiti mo.

20:38.159 --> 20:40.200
Nakatira ka din sa boss mo.

20:41.919 --> 20:42.960
Okay.

20:48.840 --> 20:51.280
-Ano 'yan?
-Jacobo! Matulog ka na.

20:55.679 --> 20:58.320
Meron bang kahit isang karapatan sa Spain

20:58.399 --> 21:00.679
na para lang talaga sa lalaki?

21:00.760 --> 21:03.760
Kabaligtaran nga.
Dinidiscriminate ng batas ang mga lalaki.

21:03.840 --> 21:06.560
May financial support
sa pag-hire ng babae.

21:06.640 --> 21:08.840
Mas malaki ang pensyon
ng babaeng may anak.

21:08.919 --> 21:12.360
Pag inasunto ang babae,
mas protektado siya ng batas.

21:12.440 --> 21:15.800
Mas mababa ba ang halaga
ng buhay ng lalaki? Ano 'to, ha?

21:16.399 --> 21:18.360
Mas okay pa no'ng nanonood siya ng porn.

21:18.440 --> 21:21.760
May sense naman 'yong ibang sinasabi niya.

21:21.840 --> 21:22.880
Esther.

21:22.960 --> 21:24.919
Bakit may tax relief sa pag-hire ng babae?

21:25.000 --> 21:28.159
-May kapansanan ba kami?
-Pantigil ng discrimination 'yon.

21:28.240 --> 21:30.560
Gabi na, ayokong pag-usapan 'to.

21:30.640 --> 21:32.120
Pa'no si Ulises?

21:32.200 --> 21:35.120
Ewan ko. Kunin natin ang phone niya?

21:35.200 --> 21:38.320
Sige. Gusto mo bang
patayin niya tayo habang tulog?

21:38.399 --> 21:40.200
E, di kausapin natin siya.

21:43.520 --> 21:45.480
Papa, patay ka na naman.

21:45.560 --> 21:46.679
Ha?

21:46.760 --> 21:47.960
Itong mukhang 'to?

21:48.560 --> 21:52.080
Mukha siyang harmless.
Pwedeng maging ama o kaibigan n'yo.

21:52.159 --> 21:54.320
Saan niya nakuha ang picture na 'to?

21:54.399 --> 21:55.919
Mukha ito ng isang incel.

21:56.439 --> 21:58.000
Kayong lahat…

21:58.080 --> 22:00.159
ay mga puta!

22:04.800 --> 22:06.000
Ayos.

22:08.720 --> 22:09.880
Yeah!

22:12.919 --> 22:14.760
Hindi ka maliligo?

22:16.880 --> 22:18.320
Maligo? Bakit?

22:19.120 --> 22:20.240
Ewan ko.

22:22.560 --> 22:24.120
Lubayan mo 'ko, please.

22:24.200 --> 22:26.480
Kilala ko ang sarili ko.
Kailangan ko ng space.

22:30.000 --> 22:31.000
Okay.

22:42.120 --> 22:43.600
Magpapahangin muna ako.

22:43.679 --> 22:45.399
Alas-dos ng madaling-araw?

22:51.679 --> 22:52.840
Talaga ba?

22:57.360 --> 23:00.760
Tawagan mo ang mayor,
sabihin mo, aprubahan agad.

23:01.280 --> 23:04.000
Hindi. Dapat sa June magbukas ang bar.

23:04.080 --> 23:06.159
Pasok! Sige, sabihan mo 'ko.

23:08.320 --> 23:10.640
Ba't ka nandito? Baka makita ka ni Luz.

23:10.720 --> 23:13.760
Hinintay kong mag-cafeteria siya.
Nabalian ka ba?

23:13.840 --> 23:17.120
'Yong collarbone ko. Nilagyan ng bakal.

23:17.200 --> 23:20.520
Na-sprain din ang tuhod ko.

23:20.600 --> 23:22.760
-Magaling ka na sa kasal?
-Pwedeng umalis ka na?

23:22.840 --> 23:24.720
Sobrang kahihiyan na 'to.

23:24.800 --> 23:27.200
Ayokong malaman niyang
nakipagkarera ako sa 'yo.

23:27.280 --> 23:28.760
Wala 'kong sasabihin.

23:28.840 --> 23:31.280
-Dapat lang.
-Alam mo kung ano 'to?

23:32.439 --> 23:33.399
Patriarchal pact.

23:35.520 --> 23:37.439
Kasunduang protektahan ang isa't isa.

23:37.520 --> 23:41.120
-Layas na. Babalik na siya.
-Sige, aalis na 'ko.

23:42.280 --> 23:44.320
-Pa'no 'to?
-Saksak mo sa baga mo.

24:05.200 --> 24:07.159
Santi, hinubad ko ang panties ko!

24:07.240 --> 24:08.520
-Para sa 'yo!
-Guwapo!

24:16.240 --> 24:18.200
Buwisit. Hello?

24:18.919 --> 24:22.000
Sorry. Nakita ko 'yong nangyayari online.

24:22.080 --> 24:25.320
Ayos lang. Sanay na 'kong
maging public figure.

24:25.840 --> 24:28.240
Maaayos ko 'to. Magkita kaya tayo?

24:29.159 --> 24:34.439
Tinitiyak ko sa inyong
hindi incel misogynist si Santi.

24:34.520 --> 24:36.760
Isa siyang mabuting kaibigan

24:36.840 --> 24:38.840
na nagpanggap bilang Darío,

24:38.919 --> 24:41.600
ang alter ego kong pumasok sa manosphere

24:41.679 --> 24:44.399
na niresearch ko para sa libro ko.

24:44.480 --> 24:45.679
Hi. Kumusta kayo?

24:46.200 --> 24:49.240
Bili na kayo. Naka-presale na 'yong libro.

24:49.320 --> 24:54.320
Tapos, 7:00 p.m. ng October 10,
nasa FNAC ako para sa book signing.

24:56.040 --> 24:57.360
Buweno, tapos na.

24:57.880 --> 25:00.000
Nakatulong pa sa pag-plug ng libro.

25:00.080 --> 25:01.120
Salamat.

25:02.840 --> 25:05.399
Santi, ayokong magkasamaan tayo ng loob.

25:05.960 --> 25:06.919
Mahal na mahal kita.

25:07.520 --> 25:09.280
Wag mo na uli akong tawagan.

25:09.800 --> 25:10.880
Salamat.

25:18.120 --> 25:22.080
Si Virginia muna ang sasagot,
tapos si Carla, tapos 'yong actors.

25:22.159 --> 25:24.040
Di ka daw pwedeng magsalita.

25:24.120 --> 25:27.120
Tama. Mas guwapo ako pag tikom ang bibig.

25:27.640 --> 25:30.640
Hello sa lahat. Salamat sa pagpunta.

25:30.720 --> 25:34.840
Ikinalulugod naming
ipresent sa inyo ang Alpha Males,

25:34.919 --> 25:36.840
na isang feministang pananaw sa…

25:36.919 --> 25:39.120
Hi, kumusta kayo? Excuse me.

25:39.199 --> 25:42.120
Ako si Pedro Aguilar,
ang creator at showrunner.

25:42.199 --> 25:45.640
Wala sa poster ang pangalan ko,
pero nasa credits. Nagkamali lang.

25:46.720 --> 25:50.960
Una, gusto kong pasalamatan ang Netflix,
pero lalong-lalo na si Virginia.

25:51.720 --> 25:53.600
Nag-umpisa na 'to no'ng dumating siya,

25:53.679 --> 25:55.640
pero simula pa lang, tiwala na siya rito.

25:55.720 --> 25:58.360
Salamat sa lahat ng suporta, Virginia.

25:58.439 --> 26:01.560
At sa pag-asikaso nitong
mga nakaraang buwan, lalo sa dulo.

26:02.199 --> 26:04.840
Nagkasundo talaga kami. Di ba, Virginia?

26:17.320 --> 26:18.439
Patricia!

26:18.520 --> 26:19.960
Ibang usapan ang hindi…

26:20.040 --> 26:21.080
Manganganak na siya!

26:23.320 --> 26:24.360
Hala, shit!

26:24.439 --> 26:25.399
Hingang-malalim.

26:29.320 --> 26:31.320
-Sige.
-Manganganak na si Patricia.

26:31.399 --> 26:34.399
-Tapos? Ambulansiya ang tawagan mo.
-Pupunta ka?

26:34.480 --> 26:36.439
Magpepresent ako
ng anti-stretch mark cream.

26:41.320 --> 26:42.240
Buwisit na Stefan.

26:45.000 --> 26:46.120
Hello.

26:46.199 --> 26:47.199
Tamang-tama.

26:48.360 --> 26:50.600
-Nakausap mo na si Ulises?
-Hinihintay kita.

26:50.679 --> 26:51.560
Ano ba naman!

26:51.640 --> 26:53.480
Kalma. May PowerPoint pa 'ko.

26:54.600 --> 26:58.880
May 18% na agwat sa sahod
sa pagitan ng mga lalaki at mga babae.

26:58.960 --> 27:02.399
Sa Spain pa lang, kada dalawang oras
ang ulat ng panggagahasa sa babae.

27:03.000 --> 27:04.439
Ayon sa CIS,

27:04.520 --> 27:08.120
doble ang oras na nilalaan ng babae
sa gawaing bahay kompara sa lalaki.

27:08.199 --> 27:09.120
Sa atin, hindi.

27:09.199 --> 27:12.240
Dahil sa mga ito,
kailangan ng feminismo, Ulises.

27:12.320 --> 27:14.640
Palakpakan. Pinaghirapan ni Papa 'yan.

27:14.720 --> 27:16.760
-Bravo! Sige.
-Buweno…

27:16.840 --> 27:20.159
Alam n'yo bang mas malaki ang tsansa
na magpakamatay ang mga lalaki?

27:20.240 --> 27:21.800
Social inequality 'yon.

27:23.600 --> 27:26.199
Pero bakit sila nagpapakamatay?

27:26.280 --> 27:29.199
Kasi di sila humihingi ng tulong.
Nagpapa-macho.

27:29.280 --> 27:32.040
Maganda rin ang feminismo
sa 'ting mga lalaki.

27:32.120 --> 27:33.919
Mas maraming lalaki ang pinapatay.

27:34.000 --> 27:35.520
Sino'ng pumapatay? Lalaki din.

27:35.600 --> 27:39.360
-Lalaki ang lumalaban sa giyera.
-Sino'ng nagsisimula ng giyera?

27:39.439 --> 27:41.240
Sexist ang violence, Ulises.

27:41.320 --> 27:44.880
Biology 'yon. Mas malakas kami
para maprotektahan ang babae.

27:44.960 --> 27:46.760
Protektahan mula kanino?

27:47.399 --> 27:50.399
Masama lang ang loob
ng mga dumadakdak sa Internet.

27:50.480 --> 27:53.320
Mga walang kuwenta…
Gusto mong maging gano'n?

27:53.399 --> 27:56.679
-Naging gano'n sila kasi…
-Manahimik ka na!

27:56.760 --> 27:59.960
Wala kang problema.
Di ka pa kalbo, guwapo ka pa.

28:00.040 --> 28:01.120
Makakalbo ako?

28:02.439 --> 28:05.199
Kung gusto mong matipuhan ka,
di ka dapat sexist.

28:05.280 --> 28:08.000
-Ayaw ng babae sa sexist pig.
-Depende sa pig.

28:08.080 --> 28:09.560
Basta ganito.

28:10.560 --> 28:15.480
Hanggang di ka pa 18, bawal ang YouTube,
mga streamer, Instagrammer, TikToker…

28:15.560 --> 28:17.640
-Kahit sinong "er" pa 'yan.
-Tapos.

28:17.720 --> 28:20.720
-Sige. Basta pabiling Gran Turismo 7.
-Sige.

28:20.800 --> 28:24.360
Na may steering wheel, upuan,
saka virtual reality glasses.

28:24.439 --> 28:25.480
Sobra na 'yon.

28:25.560 --> 28:27.199
-Ayos lang, anak!
-Yey!

28:27.280 --> 28:29.199
Ang mahal no'n.

28:29.280 --> 28:30.480
Ayos lang.

28:30.560 --> 28:32.640
Lalabas naman ako sa Alpha Males.

28:36.360 --> 28:37.280
Honey?

28:37.800 --> 28:38.760
Hello.

28:40.760 --> 28:41.679
Flowers?

28:41.760 --> 28:42.800
Para sa 'yo.

28:44.919 --> 28:46.240
Best boyfriend in the world.

28:46.320 --> 28:47.240
Oo, alam ko.

28:47.320 --> 28:49.439
Ilalagay ko lang sa vase,
tapos alis na tayo.

28:49.520 --> 28:50.639
Papunta saan?

28:50.720 --> 28:53.639
Nakaka-excite, Marimar! Sa wakas!

28:53.720 --> 28:57.720
Iniisip ko no'n kung bakit di makahanap
ang gaya mo ng mabuting binata.

28:57.800 --> 28:59.840
Mahiwaga ang pamamaraan ng Diyos.

28:59.919 --> 29:00.919
Amen. Tama 'yan.

29:02.480 --> 29:03.399
Simula na tayo?

29:03.480 --> 29:06.080
Sorry. Pwedeng tumawag saglit?

29:06.159 --> 29:07.480
Mahabaging Diyos.

29:12.840 --> 29:14.840
-Raúl?
-Pare, nasa bayan ka?

29:14.919 --> 29:16.679
Oo, pero ayokong lumabas.

29:16.760 --> 29:18.879
Pakilakad naman si Rita.

29:19.600 --> 29:20.760
'Yong aso mo?

29:20.840 --> 29:22.800
Nalimot ko, e. Iihi 'yon sa loob.

29:22.879 --> 29:25.480
-Pare naman…
-Sandali lang 'yon.

29:25.560 --> 29:27.959
-Lalapitan ka ng chicks.
-Ayoko no'n.

29:28.040 --> 29:30.320
Nasa bantay 'yong susi. Sasabihan ko.

29:30.840 --> 29:31.879
Sige na.

29:34.679 --> 29:37.360
Sabi mo kanina, 30 minutes.
Isang oras na.

29:37.439 --> 29:39.800
Wag mong sabihing 30 minutes pa…

29:40.760 --> 29:42.480
Lintik na traffic!

29:42.560 --> 29:43.919
Para saan ang wangwang?

29:44.000 --> 29:46.399
Sir Pedro, di na tayo makakapaghintay.

29:48.040 --> 29:50.199
Ano ba namang bansa 'to?

29:52.800 --> 29:54.280
Kumusta ka, Patricia?

29:54.800 --> 29:56.840
Okay lang. Mas okay na ngayon…

29:58.840 --> 30:00.840
Diyos ko, manganganak siya dito!

30:00.919 --> 30:03.240
Teka lang, Patricia. Kumapit ka!

30:03.320 --> 30:05.600
Ang gara. May voice control ba 'to?

30:06.560 --> 30:08.720
Oo, pero nakakainis. Pinatay ko.

30:08.800 --> 30:11.560
-Para saan 'to?
-Wag mong hawakan 'yan.

30:13.760 --> 30:17.480
EMERGENCY ROOM

30:18.919 --> 30:19.919
Doktor!

30:20.840 --> 30:23.080
-Pero…
-Please, kailangan ko ng doktor.

30:23.159 --> 30:25.120
-Manganganak na siya.
-Sandali.

30:25.199 --> 30:27.840
Sandali? Manganganak na siya sa pintuan!

30:40.679 --> 30:42.280
Pwede kong i-park?

30:47.919 --> 30:49.360
Okay na naman.

30:49.439 --> 30:52.520
Nanganak siya sa parking lot.
Nasa 3.6 kilo ang bata.

30:52.600 --> 30:54.520
Di ba? Alam ng katawan
kung pa'no manganak.

30:55.000 --> 30:57.959
Ginagawa nilang pang-ospital
ang prosesong natural.

30:58.040 --> 31:00.280
Sige na, gawin mo ang gusto mo.

31:00.360 --> 31:02.919
Nagpapa-epidural ka ba pag magbabanyo ka?

31:03.000 --> 31:04.919
Minsan, parang gusto ko.

31:05.000 --> 31:07.000
Kadiri. Example lang 'yon.

31:08.879 --> 31:09.879
Hello?

31:14.639 --> 31:19.000
Tomás, 8:00 p.m na.
Kaninang 2:00 a.m. ka pa lumabas.

31:19.080 --> 31:22.520
Buntis ako, di ba? At ang pinakaayaw kong…

31:24.120 --> 31:25.520
Sa'n ka galing?

31:26.120 --> 31:27.000
Mahal kita, sobra.

31:27.080 --> 31:28.560
Oo, pero sa'n ka galing?

31:29.600 --> 31:31.639
Alam ko ang nangyayari sa 'kin.

31:31.720 --> 31:35.080
Uninspired ako
dahil sa unang pagkakataon, masaya ako.

31:35.600 --> 31:37.240
Pero dapat nahihirapan ang artist.

31:38.480 --> 31:41.600
-Gusto mong pahirapan kita?
-Kabaligtaran.

31:44.760 --> 31:46.199
Isusuko ko ang career ko.

31:47.080 --> 31:50.639
-Wag na.
-Napakaganda mo, puno ng buhay.

31:58.800 --> 32:00.719
Umiiyak ka ba? Na naman?

32:03.679 --> 32:07.480
Nasa park tayo, o. Ang ganda, 'no?

32:09.360 --> 32:11.560
-Pambihira, Sebas!
-Pambihira! Tara!

32:11.639 --> 32:13.919
Lintik, akalain mo 'yon! Inom tayo?

32:14.000 --> 32:17.159
Ayoko. Nilalakad ko 'yong aso
ng kaibigan kong malapit ko nang itatwa.

32:17.240 --> 32:19.879
Pakawalan mo. Gusto 'yan nina Patxaran.

32:19.959 --> 32:21.800
Pakawalan? E, kung tumakbo?

32:21.879 --> 32:24.959
Lagyan mo ng tag na may number mo.
Makakakilala ka pa ng tao.

32:25.040 --> 32:27.080
Naka-score nga 'ko. May mga nag-block din.

32:28.240 --> 32:30.040
Ayokong mawala siya. Bye.

32:30.120 --> 32:31.959
Bibili ako ng beer. Hawakan mo.

32:32.040 --> 32:33.560
-Wag!
-Babalik si Mama.

32:33.639 --> 32:35.919
Buwisit naman, Nagore. Nagore!

32:39.840 --> 32:42.199
Imposible daw makatagpo ng ex sa Madrid.

32:43.560 --> 32:44.639
Buwisit!

32:46.159 --> 32:47.120
Lintik!

33:45.879 --> 33:48.280
Nagsalin ng Subtitle: Jessica Ignacio
d.
