WEBVTT

00:13.240 --> 00:15.319
Halikayo! Tara dito, mga lampa!

00:15.840 --> 00:18.279
Mga walang silbi!

00:18.880 --> 00:21.599
Pag tumigil kayo,
hihilahin namin kayo pababa!

00:22.119 --> 00:23.880
Tara, bilis!

00:24.400 --> 00:27.720
Mga kahihiyan kayo sa 'ming mga lalaki!

00:35.680 --> 00:37.760
Pa'no tayo nauwi sa ganito, pare?

00:38.640 --> 00:41.320
Halika na. Malapit na tayo.

00:41.400 --> 00:43.280
Ako 'yong nagbayad!

00:44.360 --> 00:49.680
ALPHA MALES

00:51.120 --> 00:53.720
ISANG BUWAN ANG NAKAKARAAN

01:01.640 --> 01:03.919
Uy, Santi. Kumusta?

01:04.000 --> 01:06.080
Anong kumusta? May usapan tayo!

01:06.160 --> 01:09.960
-Musta, guys?
-Ikaw din? Nasa'n kayo?

01:10.040 --> 01:13.920
May gig si Esther sa Almeria,
nakatoka ako sa mga bata.

01:14.000 --> 01:16.280
Sorry, male-late ako.

01:16.360 --> 01:19.320
-Di ako pwede. Galit si Daniela.
-Ha?

01:19.399 --> 01:20.720
Wala siyang gatas.

01:20.800 --> 01:22.440
Wala 'kong kuwentang ina!

01:22.520 --> 01:24.960
Madali lang 'yan, ma'am!

01:25.040 --> 01:27.960
Kung walang pupunta, uuwi na lang ako.

01:28.040 --> 01:29.839
May pinapapuntahan sa 'kin si Marimar.

01:29.920 --> 01:31.320
Raul, nandito na 'ko.

01:31.399 --> 01:34.000
Guys, next time ulit.
Di na tayo nagkakausap!

01:34.080 --> 01:35.560
Uy, pero–

01:50.160 --> 01:51.559
Salamat.

01:52.720 --> 01:55.559
-Aladdin musical?
-Paborito mo 'to noong bata ka.

01:55.640 --> 01:58.360
Magbihis ka na. O kahit hindi na. Tara.

01:58.440 --> 01:59.759
Pa, next time na lang.

02:01.440 --> 02:02.880
Anak…

02:02.960 --> 02:06.759
Nagsisisi ako ngayon,
sana mas nakasama ko ang parents ko.

02:06.839 --> 02:10.280
Tantanan mo siya.
Di niya kasalanang wala kang jowa.

02:10.359 --> 02:12.359
Ano na namang binili mo?
Pwede magtipid ka?

02:12.440 --> 02:14.160
Bago kong trabaho 'to, tanga.

02:14.680 --> 02:17.320
-Erotic toy tester.
-Ayos.

02:17.400 --> 02:18.400
Ay, Diyos ko…

02:18.480 --> 02:21.200
-Magwowork na 'ko.
-Single ako kasi gusto ko!

02:21.280 --> 02:23.720
Single ka dahil iniwan ka no'ng feminazi.

02:23.799 --> 02:25.799
Naka-move on na 'ko, hoy.

02:25.880 --> 02:28.519
Sige na, nood na tayo ng musical.

02:28.600 --> 02:29.720
'Yon! Tara na!

02:29.799 --> 02:32.480
Pwede tayong sumabay sa kanta.
Tanda ko pa.

02:32.560 --> 02:35.080
Isa-start ko na 'yong kotse. Tara!

02:36.680 --> 02:37.799
Sabihin mo na sa kanya.

02:44.080 --> 02:45.959
Dito talaga tayo titira?

02:46.040 --> 02:49.080
Sabi mo kasi, ang weird ko
at nakatira ako sa hotel.

02:49.560 --> 02:52.400
Pwede naman siguro 'yong normal lang,
di kailangang ganito.

02:52.480 --> 02:55.679
Buweno, ayoko sa normal.

02:55.760 --> 02:57.959
-Ang layo ng opisina ko.
-Honey.

02:58.040 --> 02:59.560
Mag-work from home ka.

03:00.440 --> 03:03.239
-Tara, tingnan mo 'yong pool.
-Tanaw ko na dito.

03:04.200 --> 03:05.280
'Yong indoor pool.

03:09.000 --> 03:10.040
-Hello!
-Hi!

03:10.120 --> 03:11.959
-Welcome sa estate.
-Salamat.

03:12.040 --> 03:15.720
Ako si Jimena. Sina Iker,
Vera, at Olivia. Mga kapitbahay n'yo.

03:15.799 --> 03:18.360
Uh… ito si Luz, ako si Paz.

03:18.440 --> 03:19.799
Nice to meet you.

03:19.880 --> 03:22.760
Mag-dinner kaya tayo?
Para magkakilala pa tayo.

03:23.880 --> 03:26.640
-Sige, kahit kailan n'yo gusto.
-Mamayang gabi?

03:27.959 --> 03:30.679
-Pwede n'yong isama mga anak n'yo.
-Honey…

03:30.760 --> 03:34.959
Bakit? Baka nag-ampon sila.
O dinala ng isa 'yong egg ng isa.

03:35.040 --> 03:36.399
Wala kaming anak.

03:36.480 --> 03:38.600
Ayos. Mamayang alas-otso?

03:40.640 --> 03:42.799
-Sige.
-Buweno. Alas-otso.

03:42.880 --> 03:44.000
-Bye.
-Bye.

03:44.079 --> 03:45.160
Bye.

03:46.160 --> 03:47.280
Ano'ng nangyari?

03:47.359 --> 03:50.079
Curious lang silang
makita 'yong kapitbahay nilang tibo.

03:50.160 --> 03:51.160
Bye.

03:55.560 --> 03:58.799
Girl, ang suwerte mo,
kasama mo ang mister mo.

03:58.880 --> 04:01.600
Ay, hindi ko siya mister.
Siya lang ang ama.

04:01.679 --> 04:04.040
-Di ba sapat 'yon?
-Hiwalay na kami no'ng akin.

04:04.119 --> 04:06.320
Tumira ng iba pagkapanganak ko.

04:06.399 --> 04:07.239
Wow.

04:08.399 --> 04:11.519
Di ko daw siya binibigyan ng atensiyon.

04:11.600 --> 04:13.480
Hello sa inyo, at welcome.

04:13.560 --> 04:16.120
Una sa lahat, ito ang masasabi ko.

04:16.200 --> 04:20.039
Normal lang ang mahirapang
magpasuso sa anak.

04:20.120 --> 04:22.000
Di kayo palpak na mga ina.

04:22.079 --> 04:25.400
O kung ano pa mang tumatakbo sa isip n'yo.

04:25.479 --> 04:27.280
Normal na maging sensitive.

04:27.360 --> 04:31.640
Postpartum 'yong mahirap sa panganganak.

04:31.720 --> 04:34.240
Binabalikan n'yo ang trauma
ng kapanganakan n'yo.

04:35.000 --> 04:37.479
May dalawang tatay na nandito.

04:37.560 --> 04:38.560
Magaling.

04:38.640 --> 04:40.760
Mahalagang samahan ang partner n'yo.

04:40.840 --> 04:42.240
Salamat.

04:42.320 --> 04:45.800
-Di siya ang partner. Tatay lang siya.
-Mas kahanga-hanga.

04:46.760 --> 04:47.840
Magsimula na tayo.

04:47.919 --> 04:50.640
Bakit magandang mag-breastfeed
at ga'no katagal dapat ito?

04:51.160 --> 04:53.760
Wag kang ma-stress.
Okay lang kahit di ka mag-breastfeed.

04:53.840 --> 05:00.200
Meron naman 'tong, "proteins,
vitamins, sodium, potassium, zinc…"

05:00.280 --> 05:03.120
Pedro, ako lang
'yong di nakagawa ng gatas.

05:03.200 --> 05:09.680
"L-carnitine, choline, taurine,
nucleotides, selenium, magnesium…"

05:09.760 --> 05:10.880
Nakakainis.

05:11.960 --> 05:13.599
Narinig mo 'yong teacher.

05:13.680 --> 05:16.919
-Walang katumbas ang breast milk.
-Siyempre, sasabihin niya 'yon.

05:18.120 --> 05:23.039
-"Ultra-processed. Score, 2 out of 10."
-Wag mong ikompara ang sarili mo sa iba.

05:23.120 --> 05:26.320
Kung magkokompara ka,
wag puro negatibo ang tingnan mo.

05:26.400 --> 05:29.440
Masuwerte ka, may nakasuporta sa 'yo.

05:29.520 --> 05:31.880
Wag kang magbuhat ng bangko.
Anak mo din 'to.

05:31.960 --> 05:35.520
Oo nga, pero binati ako ng coach.
O kung ano man siya.

05:35.599 --> 05:37.240
Eto ako, dinudugo,

05:37.320 --> 05:39.880
isinakripisyo ang katawan
at mental health para sa bata,

05:39.960 --> 05:42.720
tapos ikaw ang pinuri
dahil sinamahan mo 'ko. Pambihira.

05:42.800 --> 05:45.240
Sinesermunan mo 'ko dahil sinamahan kita.

05:45.320 --> 05:46.440
Ayokong makipagtalo.

05:46.520 --> 05:49.840
Ako din. Pero wag ako ang pagbuntunan mo.

05:49.919 --> 05:52.840
Pwedeng wag kayong maingay?
Tulog na si Rosalinda.

05:52.919 --> 05:54.200
Sorry.

05:57.880 --> 06:00.280
Ano'ng ginagawa nating mali?

06:01.320 --> 06:03.919
Siya, maayos ang pagkapanganak.
Kumakain siya, natutulog…

06:05.760 --> 06:08.200
Ikaw muna. Matutulog lang ako.

06:09.160 --> 06:10.560
Oo, baby.

06:10.640 --> 06:13.080
Pag umiyak, papadedehin ba siya sa bote?

06:13.160 --> 06:15.120
-Kawawang anak ko.
-Ayan.

06:15.200 --> 06:18.560
Ang liit-liit pa,
nalalason na ng vegetable oils.

06:21.720 --> 06:24.840
Lahat ng homesexual propaganda sa media

06:24.919 --> 06:27.440
ay kasinungalingan lang para malito tayo.

06:27.520 --> 06:30.240
Tingnan n'yo ang disenyo
ng katawan ng tao.

06:30.320 --> 06:33.680
Ginawa ang babae at lalaki
para punan ang isa't isa.

06:33.760 --> 06:34.760
Kaloob 'yon ng Diyos.

06:34.840 --> 06:37.520
Ang homoseksuwalidad ay isang kapansanan.

06:37.599 --> 06:40.280
Ang magandang balita, may pag-asa.

06:41.000 --> 06:44.440
Malulunasan ito ng therapy
at pagdarasal kay Hesukristo.

06:44.520 --> 06:48.080
Pero sa ngayon,
diluted na ang sexual orientations, di ba?

06:49.599 --> 06:52.560
Marami nang pag-aaral
na nagsasabing bisexual tayo.

06:52.640 --> 06:55.440
-Raul, bakit ka nandito?
-Pinapunta ako ng misis ko.

06:55.520 --> 06:56.560
Hindi ako bakla.

06:56.640 --> 06:57.760
Wag mong pigilan, Raul.

06:57.840 --> 07:00.560
May kaibigan akong pumunta sa kasal
nang walang regalo,

07:00.640 --> 07:02.240
isubo na lang daw niya–

07:02.320 --> 07:05.200
Pero ayoko sa lalaki. Babae ang gusto ko.

07:05.280 --> 07:07.440
Isa lang. Ang misis kong is Marimar.

07:09.440 --> 07:12.760
Dapat malaman n'yo
ang trauma na nagbunsod ng sakit n'yo.

07:12.840 --> 07:15.200
Baka sinasaktan kayo ng ama n'yo,

07:15.280 --> 07:17.320
o may nang-abuso sa inyo no'ng bata kayo.

07:17.400 --> 07:19.479
Nagtatrabaho ako sa gym,

07:19.560 --> 07:22.599
at nahihirapan akong di madala sa tukso.

07:23.200 --> 07:26.479
Hindi attraction ang nararamdaman mo.
Projection 'yon.

07:26.560 --> 07:30.799
Biologically impossible ang sexual
attraction sa kaparehong kasarian.

07:30.880 --> 07:34.440
-Nagpakasal sa babae ang ex ko.
-Baka nasaktan talaga siya.

07:34.520 --> 07:38.080
Ipinaliwanag 'to sa libro ko.
Pwede cash o bank transfer.

07:38.159 --> 07:41.919
May matatanggap ba kaming
hetero diploma sa dulo ng kurso?

07:42.000 --> 07:45.359
Para sa asawa ko. Medyo… lumalayo na siya.

07:46.799 --> 07:50.560
Father, pag nakikita ko siya,
bumabalik sa 'kin lahat, at…

07:50.640 --> 07:51.799
Naninigas ako.

07:51.880 --> 07:54.479
Maria del Mar,
dapat gumagawa ng buhay ang mag-asawa.

07:55.000 --> 07:56.760
Mag-alay ka sa Diyos.

07:58.679 --> 07:59.679
Ah.

08:04.159 --> 08:05.120
Hello!

08:05.200 --> 08:06.039
-Hello!
-Hi!

08:06.120 --> 08:07.120
Ang ganda n'yo!

08:07.200 --> 08:10.039
-Ang stylish n'yo pareho. Pasok.
-Pasok.

08:11.880 --> 08:13.200
May dala pa kayong wine.

08:20.799 --> 08:22.280
Lahat ba sila, nandito?

08:22.359 --> 08:23.520
Pasok kayo.

08:24.960 --> 08:26.080
-Uy!
-Hello!

08:26.159 --> 08:27.719
Hi! Kumusta?

08:29.000 --> 08:30.960
Electric car sa pagbibiyahe?

08:31.039 --> 08:32.039
Di pwede.

08:32.120 --> 08:35.319
Tagal kong chinarge ang Tesla ko
papuntang Barcelona.

08:35.400 --> 08:36.319
Hybrid ang gusto ko.

08:36.400 --> 08:39.240
Para sa akin, basta may motor…

08:39.320 --> 08:41.320
Mga babae, motor, ayos 'yon…

08:41.400 --> 08:42.760
Ayos na ayos.

08:42.840 --> 08:45.760
Naisip kong magtrabaho,
pero may oras pa ba 'ko?

08:45.840 --> 08:48.280
Pagkagising ko,
nagpi-Pilates ako, nag-aalmusal.

08:48.360 --> 08:50.680
Tapos lakad sa salon, sa physio.

08:50.760 --> 08:53.880
Kakain lang ako saglit,
mamimili, uuwi ang mga bata…

08:53.959 --> 08:55.880
-Tapos na ang araw.
-Oo nga.

08:55.959 --> 08:59.040
Bakit ako nag-iinvest sa katawan ko?
Para di ako magtrabaho.

08:59.120 --> 09:01.760
Abogado ako. May law firm kami ni Paz.

09:03.959 --> 09:06.720
Ginawan din ako ng mister ko
ng natural cosmetics business,

09:06.800 --> 09:08.000
pero sa papel lang 'yon.

09:08.079 --> 09:10.000
-Hindi, nagtatrabaho talaga ako.
-Bakit?

09:10.079 --> 09:11.640
Wala siyang anak.

09:12.280 --> 09:13.480
Suwerte mo naman.

09:13.560 --> 09:16.240
Buwisit ako sa mga anak ko
at sa mga anak ng mister ko.

09:16.320 --> 09:20.440
Naisip n'yo na bang gawin
'yong isa sa inyo ang magbubuntis?

09:24.560 --> 09:27.959
Pa'no mo nagawa sa 'kin 'to? Sa 'kin pa!

09:28.040 --> 09:31.120
Sa sarili mong kapatid.
Sarili mong laman at dugo.

09:31.199 --> 09:33.480
Sana nga nagsisinungaling na lang ako.

09:33.560 --> 09:36.120
Sana matagal ko nang
nahugot ang katotohanan

09:36.199 --> 09:38.800
at itinapon sa kawalan, ngunit di ko kaya.

09:41.959 --> 09:43.760
Gaano katagal n'yo na akong niloloko?

09:43.839 --> 09:46.040
Isang beses lang nangyari iyon.

09:46.120 --> 09:49.280
Pero sapat na ito
upang maisumpa kami sa pagmamahalan.

09:49.360 --> 09:50.440
Tama na!

09:50.520 --> 09:52.240
Sobrang sakit!

09:52.320 --> 09:54.680
Ayoko nang marinig pa ang sasabihin mo!

09:54.760 --> 09:58.880
Kailangan mong marinig ito.
Ipinagbubuntis ko ang anak ng mister mo.

10:04.839 --> 10:06.600
Hindi na kita kapatid.

10:07.120 --> 10:10.560
Alingawngaw ka na lamang ng isang sugat.

10:34.560 --> 10:35.600
Bilis!

10:36.480 --> 10:37.520
Shit.

10:41.240 --> 10:42.240
Kumusta, Luis?

10:42.320 --> 10:45.440
Sana naman makasalo ko sa hapunan
ang misis ko ngayong weekend.

10:45.520 --> 10:48.160
Miss na din kita. Ang mga bata?

10:48.240 --> 10:50.480
Okay naman, kung ano-anong ginagawa.

10:50.560 --> 10:51.959
Kumusta sa Almeria?

10:52.040 --> 10:53.920
Ang saya. Success naman siya.

10:54.719 --> 10:57.719
-Maraming nanood?
-Sabi na ngang success, e.

10:57.800 --> 11:00.280
-Anong oras ka babalik?
-Di ako sigurado.

11:00.360 --> 11:02.280
Ihatid mo sila bukas. May lakad ako.

11:02.360 --> 11:03.199
Oo na!

11:03.280 --> 11:05.800
Buong linggong ako ang nagsundo
dahil may rehearsals ka.

11:05.880 --> 11:07.839
Pumalpak ka kasi sa Alpha Males!

11:07.920 --> 11:09.600
Eto na naman, si Pedro nga–

11:11.600 --> 11:13.160
Pag inantok ka, gisingin mo 'ko.

11:14.560 --> 11:18.920
Wow! Ang ganda no'n.
'Yong music, 'yong sayawan…

11:19.000 --> 11:21.240
Pa'no nila ginawa 'yong flying carpet?

11:21.320 --> 11:23.760
-Pa, sexist 'yong plot.
-Ng Aladdin?

11:23.839 --> 11:26.680
Isang sinungaling na manipulator,
at isang spoiled brat.

11:26.760 --> 11:29.959
Bakit di si Jasmine 'yong nakakita
ng lampara at nagligtas kay Alladin?

11:30.040 --> 11:31.839
Takot sila sa empowered women.

11:31.920 --> 11:34.040
'Yong genie ang empowered do'n.

11:34.800 --> 11:36.560
Bakit di babae 'yong genie?

11:37.880 --> 11:41.680
Buweno, ang mahalaga,
nagka-quality time tayo.

11:41.760 --> 11:44.920
Di mo pa pansin,
pero balang-araw, sasabihin mong–

11:45.000 --> 11:46.040
Pahiram ng phone.

11:46.120 --> 11:48.280
Ha? Bakit? Ayoko nang mag-Tinder!

11:48.360 --> 11:50.800
Mamamangha ka sa in-install kong app.

11:52.240 --> 11:54.640
-Meet Lola.
-Lola? Sinong Lola?

11:54.719 --> 11:57.560
-Hello, Santiago.
-Hi, Lola! Ano…

11:57.640 --> 11:59.320
Puta. Ano…

11:59.400 --> 12:02.320
Pasensiya na,
niloko na naman ako ng anak ko.

12:02.400 --> 12:05.280
-Nasa punto ako ng buhay ko ngayon–
-Papa.

12:05.360 --> 12:06.320
AI 'yan!

12:07.240 --> 12:10.120
Talaga? Grabe, ang galing.

12:10.199 --> 12:13.839
Nagde-date na kayo,
pero kung gusto mong mag-usap muna kayo…

12:13.920 --> 12:17.040
Pag lalo mo 'kong kinausap,
lalo kitang makikilala.

12:17.120 --> 12:19.160
Di ka iiwan, basta magbayad ka.

12:19.240 --> 12:23.839
Hindi, ayoko na ng babae
sa buhay ko, totoo man o peke.

12:23.920 --> 12:26.560
Bakit mo 'to nilagay sa phone ko?

12:26.640 --> 12:28.839
Kasi mukha kang malungkot at…

12:28.920 --> 12:31.000
Malungkot? Masaya ako.

12:31.079 --> 12:33.560
'Yong maganda sa pagiging single,

12:33.640 --> 12:37.040
bukod sa wasak na puso,
mas marami akong oras makasama ka.

12:37.640 --> 12:38.640
Oo, pero…

12:38.719 --> 12:42.480
Oo, mas hierarchical
ang relasyon natin noon.

12:42.560 --> 12:46.800
Pero ngayong adult ka na,
pwede na tayong maging magkaibigan, tama?

12:46.880 --> 12:49.599
Ako pa rin naman
ang tatay mo, siyempre, pero…

12:51.199 --> 12:53.920
Alex… Ikaw ang babae ng buhay ko.

12:54.959 --> 12:57.440
Papa, aalis na 'ko sa bahay.

12:58.920 --> 13:00.400
Pero may Lola ka naman.

13:01.120 --> 13:03.599
-Mm?
-Ano'ng gusto mo, sushi o pizza?

13:10.800 --> 13:11.800
Honey!

13:12.680 --> 13:14.719
Magaling na ako. Hetero na talaga 'ko.

13:15.719 --> 13:17.079
Ano 'to?

13:30.640 --> 13:32.079
Ano'ng ginagawa mo?

13:34.800 --> 13:36.400
Sorry, nakasanayan na.

13:36.480 --> 13:38.360
Ayos, nakasanayan.

13:38.440 --> 13:42.400
Mula no'ng maging mag-asawa tayo,
ngayon pa lang tayo… naging isa.

13:42.480 --> 13:45.000
Pa'no kung gusto ng Diyos
na magkaanak tayo? Ha?

13:45.079 --> 13:47.160
Sino ka para pigilan ang plano ng Diyos?

13:47.240 --> 13:48.719
Anak? Agad-agad?

13:48.800 --> 13:52.839
Raul, kung di mo matanggap ang gusto ko,
di mo ako tanggap nang buo.

13:53.360 --> 13:54.560
Ginamit mo lang ako.

13:55.280 --> 13:58.520
Hindi, honey, saglit lang.
Pwede pa uli tayo…

13:59.959 --> 14:01.560
Napakakomplikado naman.

14:03.320 --> 14:06.480
Sana ni-rescue mo 'ko
sa mga spoiled na sosyalerang 'yon.

14:07.520 --> 14:08.599
Nag-enjoy ako, e.

14:13.560 --> 14:16.719
Hala… In-add na nila 'ko
sa Pilates group chat.

14:16.800 --> 14:18.440
Kita mo? Mababait sila.

14:19.440 --> 14:21.839
Ano 'yang mga sapatos na 'yan?

14:22.839 --> 14:25.959
Ay, di kasi napuno ng sapatos mo
'yong dressing room.

14:26.599 --> 14:27.880
Parang ang lungkot.

14:27.959 --> 14:30.839
Paz, wag mo 'kong bilhan nang bilhan!

14:32.640 --> 14:34.160
Babe, maliit na regalo lang 'yan.

14:48.640 --> 14:52.560
Honey, kailangan kong bumangon
nang mas maaga bukas para makapasok.

14:52.640 --> 14:58.160
Ngayong kasal na tayo, kailangan na nating
maghintay ng Sabado, tama?

14:59.160 --> 15:01.160
Gaga ka talaga.

15:37.160 --> 15:38.560
Susubukan ko ulit.

15:38.640 --> 15:40.319
-Daniela…
-Sige na.

15:42.360 --> 15:44.719
Iinom lang ako ng ibuprofen,
ang sakit ng ulo ko.

15:44.800 --> 15:48.199
Na naman? Magpadoktor ka na,
baka mahawa ang bata.

15:48.280 --> 15:49.920
Ayaw natin ng ganiyan.

15:53.839 --> 15:56.479
Magkasundo tayo, ha, Gael? Please.

15:57.560 --> 16:00.240
Tingnan natin kung makakadede ka na.

16:07.640 --> 16:10.359
-Kumusta?
-Patimpla ng gatas.

16:22.319 --> 16:25.359
-Wag ka nang matulog.
-Five minutes lang.

16:25.439 --> 16:27.880
-Puta!
-Ano ba, may lakad ako sa doktor!

16:28.520 --> 16:29.880
Ano na namang sakit mo?

16:29.959 --> 16:31.760
Colonoscopy 'yon para sa mga 50 na.

16:31.839 --> 16:35.120
Ang OA mo, 48 ka pa lang.

16:35.199 --> 16:36.560
Ayoko magsisi sa huli.

16:36.640 --> 16:39.079
Matatanda na sila,
pwede na silang di ihatid.

16:39.160 --> 16:41.959
-See you mamaya!
-Matutulog pa 'ko…

16:56.240 --> 16:57.800
Anong oras ang pasok mo?

16:57.880 --> 16:59.400
Raul, ano na naman?

16:59.479 --> 17:03.040
Wala, dinalhan kita ng regalo sa kasal,
dahil di mo naman ako inimbitahan.

17:04.760 --> 17:08.079
"Kalimutan ang homoseksuwalidad:
daan sa paghilom."

17:08.159 --> 17:10.880
-Sinasaktan ka ba ng tatay mo dati?
-Ano ba?

17:10.960 --> 17:14.800
Nasaktan ka talaga.
Ang homosexuality ay isang kapansanan.

17:14.880 --> 17:17.720
Ginawa ang babae at lalaki
para punan ang isa't isa.

17:17.800 --> 17:19.960
Wow! Hetero-curious dati,
homophobic na ngayon.

17:20.040 --> 17:22.440
Di 'yon homophobia. Biology 'yon.

17:22.520 --> 17:24.760
Hindi uubra ang mga latex penis.

17:24.839 --> 17:27.880
Di kami gumagamit no'n ni Paz.
Hanggang penetration ka lang kasi.

17:27.960 --> 17:28.880
Ano'ng gamit n'yo?

17:28.960 --> 17:32.240
Kung dinisenyo tayo ng Diyos
para punan ang isa't isa,

17:32.320 --> 17:35.760
bakit nasa labas ang clitoris
at nasa loob ang G-spot n'yo?

17:36.640 --> 17:38.440
Ewan ko… Baka nandito.

17:38.520 --> 17:40.800
Kung totoo ang Diyos,
ginawa niya tayong bisexual.

17:41.880 --> 17:44.080
-So, masaya ka?
-Sobra.

17:44.919 --> 17:46.200
Ako rin!

17:46.280 --> 17:48.840
Homophobic daw ako
at hanggang penetration lang.

17:48.919 --> 17:52.360
-Di daw nila kailangan ng titi.
-Raul, di lang puro penetration ang sex.

17:52.440 --> 17:54.840
Oo. Pero sa huli, dapat ipasok 'yon.

17:54.919 --> 17:57.080
-Magsasarili na si Alex. Tabi!
-Congratulations!

17:57.159 --> 17:59.600
Sino'ng nagsasarili bago sila mag-35?

17:59.680 --> 18:02.440
Ano'ng problema?
Malaki na siya, tapos na misyon mo.

18:02.520 --> 18:04.360
-Mag-enjoy ka.
-Mag-isa na lang ako.

18:04.440 --> 18:08.680
Ang mas malala, kasama ko si Blanca.
Mag-isa na, masahol pa ang kasama.

18:08.760 --> 18:11.120
-Santi, makakahanap ka ng iba.
-Ayoko!

18:11.200 --> 18:13.919
Ayaw mong mag-isa,
ayaw mo ng jowa… Ano ba talaga?

18:14.000 --> 18:15.040
Santi!

18:16.840 --> 18:17.919
Uy.

18:18.560 --> 18:23.080
Irene, grabeng coincidence, 'no?
Ano kayang sinasabi ng universe sa 'tin?

18:23.159 --> 18:24.880
-Si Jaime.
-Kumusta?

18:27.080 --> 18:29.120
Katabi ng court n'yo 'yong amin.

18:29.200 --> 18:31.080
Tumitira ka din? Ng padel.

18:31.800 --> 18:33.000
Nagsisimula pa lang.

18:33.520 --> 18:35.399
Kumusta kayo? Kumusta si Alex?

18:35.480 --> 18:38.200
-Umalis na siya sa bahay.
-Honey, hinihintay na nila tayo.

18:39.120 --> 18:42.200
Laro tayo minsan, pag sanay na 'ko.

18:42.280 --> 18:44.280
Oo ba! Sige lang.

18:44.880 --> 18:47.200
-Bye.
-"Honey"?

18:48.200 --> 18:49.800
Santi, di kayo nakatadhana.

18:49.880 --> 18:53.120
Pero isipin mo na lang,
habambuhay mo siyang mamahalin.

18:54.040 --> 18:55.760
Para magmukha lang positibo.

18:56.600 --> 18:57.760
Nasa'n si Pedro?

19:02.520 --> 19:03.560
Sobrang…

19:04.760 --> 19:08.000
pagod na 'ko… maghapong mainit ang ulo ko.

19:08.919 --> 19:12.480
Ang sakit ng ulo ko,
at di normal na mainit ang ulo ko.

19:14.440 --> 19:15.480
Tapos,

19:17.600 --> 19:19.440
di ko alam kung ako lang, pero…

19:21.679 --> 19:23.600
Parang lumalaki 'yong dibdib ko.

19:24.640 --> 19:25.640
Okay.

19:32.679 --> 19:34.000
Postpartum depression?

19:34.600 --> 19:35.480
Ikaw?

19:35.560 --> 19:38.240
Sabi ng doktor,
kailangan ko ng isang oras kada araw

19:38.320 --> 19:39.720
na mahiwalay sa bata.

19:39.800 --> 19:42.399
Ayos. Ako, kailan ako hihiwalay?

19:42.480 --> 19:44.399
Dapat alagaan din ang caregiver.

19:44.480 --> 19:46.360
Mag-isa ako sa mental pregnancy ko.

19:46.440 --> 19:49.399
-Mental pregnancy mo?
-Wala akong kaagapay.

19:49.480 --> 19:52.159
Kaaga… Anong klaseng doktor
ang pinuntahan mo?

19:52.240 --> 19:55.080
Doktor na nagmulat sa akin
sa maraming bagay.

19:55.159 --> 19:57.880
Mas maganda kung masimulan ko
nang mas maaga ang gamutan.

19:57.960 --> 19:58.919
Maglalakad-lakad ako.

19:59.000 --> 20:02.200
Isama mo si Gael. Maaliwalas ang araw.

20:03.360 --> 20:04.399
Daniela.

20:05.399 --> 20:06.600
Isang oras lang.

20:06.679 --> 20:10.280
Magpakita ka muna
ng stretch mark o hemorrhoid,

20:10.360 --> 20:13.000
saka natin pag-usapan
'yang mental pregnancy

20:13.080 --> 20:15.040
at postpartum depression mo.

20:15.120 --> 20:16.159
Postpartum–

20:29.679 --> 20:32.919
-Okay ba ang maneho ko?
-Ha? Oo naman, Gemma.

20:38.760 --> 20:41.240
-Kakambiyo ba 'ko?
-Sige, bahala ka.

20:42.440 --> 20:46.040
Nakasegunda na 'ko.
Di ba sobra na pag nagtersera ako?

20:48.520 --> 20:50.120
Ano'ng ginawa mo?

20:57.520 --> 20:59.480
AMBULANCE

21:04.880 --> 21:05.880
Ano'ng nangyari?

21:05.960 --> 21:08.320
May mga nagpapasagasa para sa insurance.

21:08.399 --> 21:10.440
-Nakatulog siya.
-Wag kang sinungaling.

21:10.520 --> 21:13.080
-Nakapikit ka.
-Ay! Hindi kaya…

21:13.600 --> 21:16.760
-Halika nga.
-Di nga lumabas 'yong airbag.

21:16.840 --> 21:20.560
Esther, tama na. Nangangarap tayong lahat.
Suportado kita, pero–

21:20.640 --> 21:21.880
Di mo 'ko sinusuportahan.

21:21.960 --> 21:24.960
Gusto mong maging aktres, okay.
Pero ano'ng kapalit?

21:30.399 --> 21:32.360
-Luz.
-Nasa'n ka? Nagwowork ka?

21:32.440 --> 21:34.760
Hindi, tapos na 'ko.

21:39.360 --> 21:40.360
Hello.

21:49.760 --> 21:50.760
Halika.

22:00.840 --> 22:03.439
Lintik! Akala ko,
may trabaho ka sa ospital.

22:04.120 --> 22:06.280
-Nagbitiw na 'ko.
-Ano?

22:07.120 --> 22:08.800
Nag-leave of absence ako.

22:09.320 --> 22:12.600
Ibubuhos ko 'yong lakas ko
sa pagsalba ng relasyong 'to.

22:14.640 --> 22:16.040
Ayos 'yon.

22:16.120 --> 22:18.240
Honey, ikaw ang bokasyon ko.

22:18.760 --> 22:20.480
-Teka.
-Wag mong hugutin.

22:20.560 --> 22:22.439
Wag mong hugutin!

22:41.080 --> 22:42.960
Di ba 'to pagpuwersa sa plano ng Diyos?

22:43.840 --> 22:45.360
Ang sarap sa pakiramdam.

22:53.120 --> 22:55.800
Tulungan mong magbuhat
ang anak mo. Mabigat.

22:55.880 --> 22:57.800
Nag-post si Irene
ng picture nila ni Jaime.

22:57.880 --> 22:59.840
Ayaw niya daw ng seryosohan.

22:59.919 --> 23:02.040
Ayaw niya ng seryosohan sa 'yo.

23:02.800 --> 23:04.560
Ikaw 'yong "the one before the one."

23:04.640 --> 23:07.159
-Ano?
-'Yong tulay sa relasyon nila.

23:07.240 --> 23:10.760
Bitter siya sa mga gagong
di siya tinrato nang tama.

23:10.840 --> 23:13.000
Dahil mabait ka, napalambot mo siya.

23:13.080 --> 23:15.679
Para lang masira uli ng iba
ang buhay niya.

23:15.760 --> 23:17.560
Nag-deconstruct ka kasi.

23:19.840 --> 23:21.080
-Okay…
-Kasya.

23:21.880 --> 23:24.320
Ingatan n'yo siya, ha? Bawal ang drugs.

23:24.399 --> 23:25.679
Pa, tama na. Tara na.

23:25.760 --> 23:27.800
Mami-miss ko ang mga usapan natin.

23:27.880 --> 23:31.880
-Di naman ako mangingibang-bansa.
-Alex, ito pa din ang tahanan mo.

23:31.960 --> 23:33.840
Tantanan mo siya, 'kakasuya ka.

23:34.520 --> 23:37.000
-Seatbelt mo, anak.
-Alam ko.

23:42.840 --> 23:45.360
Ayun, natapos na
ang tungkulin natin bilang magulang.

23:45.880 --> 23:48.919
Di ka ba nahihiya? Nauna pang
maging independent ang anak mo.

23:49.000 --> 23:50.320
Magtatrabaho na 'ko.

24:07.360 --> 24:09.560
Hi, Santiago, kumusta?

24:09.640 --> 24:11.360
Hindi okay, Lola. Grabe.

24:12.800 --> 24:14.600
Ano'ng problema, honey?

24:16.960 --> 24:19.360
Sige. Tapusin na natin ang casting–

24:19.439 --> 24:20.720
Nandito si Pedro Aguilar.

24:23.399 --> 24:26.320
-Papasukin mo siya.
-Pedro, pasok ka.

24:28.520 --> 24:30.080
Kumusta kayo?

24:30.159 --> 24:33.159
Napadaan ako,
naisip kong ipakita si Gael sa inyo.

24:33.240 --> 24:34.399
Pwede namang video.

24:34.480 --> 24:36.040
Ang cute niya!

24:37.520 --> 24:38.919
Di mo siya kamukha.

24:39.840 --> 24:42.679
Oo nga… Kumusta kayo? Kumusta dito?

24:42.760 --> 24:44.760
Mabuti. Casting na ng Harassed.

24:44.840 --> 24:47.720
-Aprubado na?
-At nasulat na.

24:47.800 --> 24:51.120
Lahat? Sana pinadalhan n'yo 'ko ng pilot.

24:51.200 --> 24:54.439
Si Ali kasi
ang executive producer ng project.

24:55.040 --> 24:58.320
Oo, pero baka gusto n'yong
magbigay ako ng notes.

24:59.240 --> 25:02.120
-O ideas para sa casting.
-Hindi na.

25:02.200 --> 25:05.600
Sagrado ang paternity leave
at kailangang igalang 'yon.

25:06.520 --> 25:07.760
Ayos lang sa 'kin.

25:07.840 --> 25:10.159
E, 'yong second season ng Alpha Males?

25:10.240 --> 25:11.760
-Nasulat na rin.
-Agad?

25:11.840 --> 25:14.960
-Maganda ang kinalabasan.
-Ako ang showrunner, ah.

25:15.040 --> 25:18.520
I-enjoy mo ang sandaling 'to.
Mabilis lang 'yan, di na babalik.

25:18.600 --> 25:20.480
-Work-life balance, Pedro.
-Ha?

25:20.560 --> 25:21.560
Sige…

25:28.600 --> 25:29.640
Excuse me?

25:30.880 --> 25:32.000
Nag-eecho 'yong sigaw.

25:32.080 --> 25:33.120
May wine cellar?

25:33.199 --> 25:35.000
At indoor pool.

25:36.960 --> 25:40.320
May ginawa ka yatang maganda
sa past life mo, di gaya ko.

25:40.399 --> 25:43.360
Siya ang nag-organize
ng honeymoon sa Maldives.

25:43.439 --> 25:46.600
Nagtayo siya ng law firm namin
at di ko na raw kailangang magtrabaho.

25:46.679 --> 25:51.240
Kahapon, pinuno niya ang dressing room ko
ng sapatos dahil parang kulang daw.

25:51.320 --> 25:53.520
Nagrereklamo ka ba o niyayabangan mo 'ko?

25:53.600 --> 25:56.640
-Para akong nasa gintong hawla.
-Palit tayo.

25:56.720 --> 26:00.960
Gintong hawla, kapalit ng hawla ko.
Pangarap kong maging sugar baby.

26:01.800 --> 26:04.520
-Di na maging aktres?
-Sauna tayo?

26:13.720 --> 26:15.640
Papa, ang ingay!

26:23.120 --> 26:24.120
Hello.

26:26.399 --> 26:27.480
Lasing ka ba?

26:27.560 --> 26:29.960
Inaya akong uminom ni Luz
sa indoor pool niya.

26:30.040 --> 26:31.640
Nagmaneho ka nang ganiyan?

26:31.720 --> 26:36.679
Luis, pinag-isipan ko
'yong sinabi mo, at tama ka.

26:38.199 --> 26:40.679
Di ako pwedeng umarte
at magturo nang sabay.

26:41.280 --> 26:42.600
Ititigil ko na 'yon.

26:44.080 --> 26:45.320
Honey.

26:47.280 --> 26:49.560
Pwede naman 'yong hobby, pero…

26:49.640 --> 26:52.439
Pwede kang mag-theater classes
pag weekends.

26:52.520 --> 26:54.720
O tulungan ang mga bata
sa end-of-year play?

26:54.800 --> 26:57.399
-Magre-resign ako sa driving school.
-Ano?

26:57.480 --> 27:00.199
Ang pagtupad ng pangarap, di pwedeng 50%.

27:00.280 --> 27:03.919
Ngayon, full-time actress na 'ko.
Dahil sinusuportahan mo 'ko…

27:04.000 --> 27:06.399
Sinusuportahan kita,
pero kailangan nating kumita.

27:06.480 --> 27:08.560
Kung matapang ka,
gagantimpalaan ka ng buhay.

27:09.080 --> 27:11.720
Iidlip lang ako, okay? Puyat ako.

27:11.800 --> 27:12.840
Diyos ko.

27:18.480 --> 27:21.560
Kung maghahati tayong apat,
sobrang mura nito.

27:21.640 --> 27:23.840
Lahat tayo, may susi. Secret natin 'yon.

27:24.360 --> 27:25.960
Bakit ka uupa ng apartment?

27:26.040 --> 27:28.880
Si Batman, may kuweba.
Si Superman, may igloo sa North Pole.

27:28.960 --> 27:31.439
Ang Avengers, may building.

27:31.520 --> 27:32.640
Tayo, may bar.

27:32.720 --> 27:34.640
Kung gusto mo ng love nest, ikaw magbayad.

27:34.720 --> 27:35.919
Di 'yon para do'n.

27:36.399 --> 27:39.760
Bukod pa do'n. Kailangan natin ng lugar
kung sa'n komportable tayo.

27:39.840 --> 27:42.280
Safe space kung sa'n pwede maging sexist.

27:43.800 --> 27:45.720
Kinuha kasi ni Marimar
ang play station ko.

27:45.800 --> 27:47.520
Maglaro ka pag wala siya.

27:47.600 --> 27:50.960
Hindi, nagbakasyon siya
para isalba ang relasyon namin.

27:51.040 --> 27:52.080
Ako ang bokasyon niya.

27:52.159 --> 27:53.679
Nag-resign din si Esther.

27:53.760 --> 27:55.320
Di na siya magtatrabaho?

27:55.399 --> 27:58.080
-Mas malala, aarte siya.
-Pareho lang din.

27:59.880 --> 28:03.040
Tingnan n'yo siya. Pare! Buhay ka pa ba?

28:03.120 --> 28:06.600
Pedrito! Upa tayong apat
ng apartment? Parang Batman cave?

28:06.679 --> 28:09.080
Sige, kailangan ko ng oras
para sa sarili ko.

28:09.159 --> 28:11.520
-Isesend ko 'yong link.
-Ano'ng problema?

28:11.600 --> 28:12.960
Postpartum depression.

28:13.040 --> 28:15.280
Sa lalaki? May gano'n ba?

28:15.360 --> 28:17.000
Sabi ng doktor, karaniwan na 'yon

28:17.080 --> 28:19.760
ngayong involved na
ang mga lalaki sa pag-aalaga ng bata.

28:20.640 --> 28:21.640
Kontento ka na?

28:21.720 --> 28:24.600
Sinabi ko kay Daniela at nagalit siya.

28:24.679 --> 28:27.760
Isipin mo na lang kasi,
nasira 'yong katawan mo sa panganganak,

28:27.840 --> 28:29.199
magulo 'yong hormones mo,

28:29.280 --> 28:31.800
tapos itong lalaking 'to,
nagpaputok lang naman sa loob.

28:31.880 --> 28:34.560
Pero dinisenyo ang babae para tiisin 'yon.

28:34.640 --> 28:36.600
Ginawa tayo para sa ibang bagay.

28:36.679 --> 28:37.600
Gaya ng ano?

28:38.720 --> 28:39.720
Pangangaso?

28:39.800 --> 28:42.439
Tingnan n'yo, tulog na ang magaling.

28:43.240 --> 28:44.360
Gaelito! Pabuhat?

28:44.439 --> 28:45.360
Papatayin kita!

28:46.040 --> 28:48.480
Gael Galvan. Puro G, ano?

28:48.560 --> 28:49.800
Di ako makatanggi.

28:49.879 --> 28:52.000
Ayokong makipag-away kay Daniela.

28:52.080 --> 28:54.560
Ang cute niya. At ang lambot.

28:55.280 --> 28:57.919
-Ang bango niya.
-Kakainin mo ba siya?

28:58.000 --> 29:00.720
Gusto rin ni Marimar,
pinipilit akong maglabas sa loob.

29:00.800 --> 29:02.480
'Yan ang Christian marriage.

29:02.560 --> 29:04.679
Mag-aanak kayo ni Marimar? Baliw ka?

29:04.760 --> 29:07.120
Mahirap na 'yon sa edad niya.

29:08.159 --> 29:09.360
Hindi, ingat ka.

29:09.439 --> 29:12.679
May tita akong nagkaanak ng kambal
sa edad na 49.

29:12.760 --> 29:13.600
Putragis 'yan.

29:13.679 --> 29:17.000
Sa perimenopause, nilalabas
ng katawan ang lahat ng eggs nito.

29:17.080 --> 29:18.959
Sabay-sabay, alam mo 'yon?

29:19.040 --> 29:20.080
Parang grand finale.

29:20.159 --> 29:22.919
Pero, alam mo, sulit naman.
Sobrang saya ko.

29:26.159 --> 29:27.600
Gusto kong mag-ampon.

29:27.679 --> 29:28.840
Ng bata.

29:28.919 --> 29:31.240
Mas bata, mas mainam.

29:31.320 --> 29:32.439
Ikaw lang?

29:32.520 --> 29:35.480
Oo. Solo-parent family.
Common na 'yon ngayon.

29:36.040 --> 29:37.879
Pero ilang taon ka na?

29:37.959 --> 29:40.840
Baka masyado ka nang matanda para…

29:40.919 --> 29:42.040
Hindi, 45 ako.

29:42.120 --> 29:43.560
Pero mas batang tingnan.

29:43.639 --> 29:46.600
At deconstructed na 'ko. May diploma ako.

29:47.480 --> 29:50.360
Sure ka? Habambuhay na desisyon
ang pag-aampon.

29:50.439 --> 29:53.439
Sure na sure. Sigurado na ako. Sige na.

29:57.159 --> 29:59.320
Di ba masyado ka pang bata
para magpa-vasectomy?

29:59.399 --> 30:02.280
Hindi. Pambihira nga, 48 na 'ko.

30:02.360 --> 30:04.720
Sure ka? Panghabambuhay na desisyon ito.

30:04.800 --> 30:07.040
Sure na sure. Sigurado na. Vasectomy.

30:08.800 --> 30:15.000
UROLOGY AND NEPHROLOGY

31:10.919 --> 31:13.320
Nagsalin ng Subtitle: J. Ignacio
omy.
