WEBVTT

01:07.880 --> 01:11.800
Daniela, umiiyak ang bata!

01:12.600 --> 01:15.000
Pag-usapan ulit natin 'yang mga camera.

01:29.440 --> 01:31.800
Patri, halika! Gusto niyang sumuso!

01:53.960 --> 01:57.280
ALPHA MALES

01:57.360 --> 02:00.800
Di ka ba nagdudang
'yong 23-year-old na Ukrainian,

02:00.880 --> 02:02.960
na nakita mo lang sa pictures,

02:03.039 --> 02:05.960
humihingi ng 5,000 papunta dito
dahil in love siya sa 'yo?

02:06.039 --> 02:09.519
-Naka-underwear siya sa pictures.
-Mas kahina-hinala 'yon.

02:12.079 --> 02:16.799
Wow! Ford Mondeo, dark gray,
63 kilometro per hour.

02:16.880 --> 02:19.519
Kawawa naman. Ang lungkot niya.

02:19.600 --> 02:21.959
Nabiyuda siya sa gulo sa Kharkiv, at–

02:22.040 --> 02:24.799
Julian, utang na loob, pulis ka.
I-block mo.

02:24.880 --> 02:26.840
Pero… Bro.

02:28.320 --> 02:30.560
Alam ko, pero…

02:31.360 --> 02:32.720
Ano…

02:34.760 --> 02:37.239
Guys, nasa akin na ang susi sa love shack.

02:37.320 --> 02:40.080
-Ha…
-Gawa nga tayo ng code name.

02:40.160 --> 02:43.040
Lungga? Bunker? Batcave?

02:43.120 --> 02:44.200
Code name ba 'yon?

02:44.280 --> 02:46.200
Sabi ko, di ako makakapag-ambag.

02:46.280 --> 02:48.200
Maglinis ka. Hilig mo 'yon.

02:48.280 --> 02:49.799
Under the saya ka naman.

02:49.880 --> 02:53.360
Hindi ako mahilig maglinis.
Gusto ko lang malinis ang bahay.

02:53.440 --> 02:55.040
Housewarming party mamayang 11.

02:55.120 --> 02:56.320
Ang gabi naman?

02:56.400 --> 02:57.799
11:00 ng umaga.

02:57.880 --> 02:59.640
Ang aga naman no'n?

02:59.720 --> 03:02.760
Sakto lang 'yon. Magpapadel tayo, di ba?

03:02.840 --> 03:04.519
Ang lungkot ng laging sinungaling.

03:04.600 --> 03:06.040
Di tayo magpa-padel?

03:06.120 --> 03:09.160
Kumusta kayo ni Kimberly?
Naiangat mo ba ang Spain?

03:09.239 --> 03:11.080
Oo naman…

03:11.160 --> 03:13.320
-Magdadala ako ng alak.
-Ako, puta.

03:13.399 --> 03:15.560
-Raul!
-Nagbibiro lang ako.

03:18.600 --> 03:22.920
Ako si Santi. Hypochondriac.
Insecure ako at obsessive.

03:23.000 --> 03:25.080
Divorced, pero nasa bahay ang ex.

03:25.160 --> 03:27.640
Ayoko sa kanya, pero ayaw niyang umalis.

03:27.720 --> 03:30.320
Sinabi ko dating babae ako
para di ako masisante.

03:30.399 --> 03:34.119
At nagpanggap akong incel
para tumulong sa isang kaibigan.

03:34.200 --> 03:36.119
Baka lang kasi mapanood mo 'ko sa YouTube,

03:36.200 --> 03:39.880
hati sa gitna ang buhok,
ta's sinasabing mga puta kayong lahat.

03:41.200 --> 03:44.560
Ako si Eva. May tatlong
university degrees, dalawang PhDs.

03:44.640 --> 03:49.119
Kalahati ng buhay ko, nag-aaral ako.
Kalahati, nasa toxic relationships.

03:49.200 --> 03:50.920
Neat freak ako.

03:51.000 --> 03:55.239
Allergic ako sa aso, pusa, mani, at surot.

03:55.320 --> 03:58.239
Ayoko sa beach, ayoko sa dibdib ko,

03:58.320 --> 04:01.079
pero di ako magpapa-surgery
dahil feminist ako.

04:02.280 --> 04:05.959
Ano'ng mali sa pagkakaroon ng
tatlong degrees at dalawang PhDs?

04:06.040 --> 04:09.160
Pagdating sa dating? Lahat.
Masasahol silang lahat.

04:09.239 --> 04:10.760
Tama.

04:11.760 --> 04:13.920
Ang cool nitong date na 'to, ha?

04:14.000 --> 04:16.599
Hindi pala date. 'Yong tamang tambay lang.

04:16.680 --> 04:21.479
Walang pressure i-impress ang isa't isa,
sinasabi lang 'yong mga kasiraan natin.

04:21.560 --> 04:24.520
Basta hindi gago ang ama ng anak ko.

04:24.599 --> 04:28.120
Oo nga, sumuko na 'ko sa pag-ibig.

04:28.200 --> 04:29.800
Sayang, pero wala, e…

04:29.880 --> 04:32.560
Pangit na dahilan ang pag-ibig
para magkaanak.

04:32.640 --> 04:36.039
Anong kinalaman ng kilig
sa pagiging mabuting ama?

04:36.120 --> 04:38.080
-Wala.
-Wala nga.

04:39.840 --> 04:44.960
Plus point naman sa 'kin,
sasabihin ko lang na deconstructed na 'ko.

04:46.160 --> 04:48.039
May diploma pa ako.

04:48.760 --> 04:51.800
Di ko sure kung mahalaga,
pero para lang alam mo,

04:51.880 --> 04:53.800
kasi parang job interview 'to.

04:53.880 --> 04:56.120
Ayos sa latest studies sa epigenetics,

04:56.200 --> 05:00.520
ang mga karanasan at kaalaman ng magulang,
nag-iiwan ng chemical imprints sa genome

05:00.599 --> 05:02.800
na pwedeng maipasa sa genome ng bata

05:02.880 --> 05:04.880
nang walang code mutations.

05:05.599 --> 05:08.400
Oo… Totoo 'yan.

05:09.400 --> 05:12.320
-Congratulations, guys!
-Congratulations!

05:12.400 --> 05:14.840
-Ang galing natin.
-Di ba? Nagawa n'yo!

05:14.919 --> 05:16.160
Ano'ng okasyon?

05:16.240 --> 05:17.840
Nagka-Michelin star tayo.

05:17.919 --> 05:19.000
Ang galing natin.

05:19.080 --> 05:21.360
Puta, ang galing, team!

05:26.120 --> 05:27.000
Ba't ka nandito?

05:27.080 --> 05:28.680
Trabaho. Kumusta ang reservations?

05:28.760 --> 05:30.400
-Ayos ka lang ba?
-Oo.

05:30.479 --> 05:32.599
Pero gusto kong maglagi sa gastro-bar ko.

05:32.680 --> 05:36.520
-Ngayong kasal at focused na 'ko.
-Halika nga muna.

05:38.120 --> 05:40.840
Nakausap ko ang nanay mo,
kukunin ko ang half niya.

05:40.919 --> 05:41.960
-Si Mama?
-Mm-hmm.

05:42.039 --> 05:44.359
Diego, akin ang kalahati.
Ako ang partner mo.

05:44.440 --> 05:46.720
Nakapangalan sa kanya.
Sabi ko, wala kang ginagawa.

05:46.800 --> 05:50.120
Na sawa na 'ko sa 'yo,
at mas maiging maghiwalay tayo ng landas.

05:51.120 --> 05:53.039
Ano ka, si Steve Jobs?

05:53.120 --> 05:55.800
Idea ko 'to. Ako din nagpangalan dito.

05:55.880 --> 05:57.320
E, di babaguhin ko.

05:57.400 --> 05:58.520
Di ako magbebenta.

05:58.599 --> 05:59.840
Pumayag ang nanay mo.

05:59.919 --> 06:01.840
Wag mong idamay ang nanay ko.

06:01.919 --> 06:04.359
Guys, may customers. Trabaho tayo.

06:04.440 --> 06:05.560
Ano'ng gagawin ko?

06:06.760 --> 06:08.960
Diyan ka lang. Wag kang mang-istorbo.

06:23.000 --> 06:24.640
STEPSON, BINAYO ANG STEPMOM

06:37.039 --> 06:40.000
Nag-relapse ka ba?
Naglagay ako ng app sa phone mo.

06:40.080 --> 06:44.080
Pag nanonood ka ng porn, napi-ping ako,
si Father Marcos, at mama mo.

06:44.160 --> 06:45.280
Bakit pati si Mama?

06:45.359 --> 06:48.200
-May sexual disorder ka.
-Di ba, straight porn?

06:48.280 --> 06:51.479
Ang lala mo na,
tapos di pa 'ko nabubuntis.

07:00.000 --> 07:01.840
Okay lang 'yan. Subok pa tayo.

07:03.640 --> 07:04.640
Mag-ampon kaya tayo?

07:04.720 --> 07:07.120
Hindi. Hindi 'yan ang plano ng Diyos.

07:07.200 --> 07:11.560
Baka oo. Ba't Niya ako binigyan
ng asawa kung di na 'ko manganganak?

07:11.640 --> 07:14.560
Matagal talaga 'yong ganito.
Di talaga madali 'to.

07:14.640 --> 07:18.359
O baka gusto ni Lord
na magkapamilya ang isang ulilang mahirap.

07:18.440 --> 07:20.919
'Yan ang problema kay Lord.
Di siya nakikipag-usap.

07:21.840 --> 07:24.719
Walang nagpupunas ng puwit
nang libre. May balak siya.

07:24.799 --> 07:25.640
Mapunta sa Langit.

07:25.719 --> 07:28.760
E, di mag-volunteer work siya
sa mga bata sa Africa.

07:32.320 --> 07:34.159
Konting pica-pica, please.

07:34.239 --> 07:36.080
Gusto ko rin ng Pilipinang kasambahay.

07:36.159 --> 07:38.880
Esther, kasal si Marimar,
at Kristiyano siya.

07:38.960 --> 07:41.599
Ingat sa mga Kristiyana. Malalandi 'yan.

07:41.680 --> 07:43.080
Wild siya dati.

07:43.159 --> 07:44.000
Nagbabago ang tao.

07:44.080 --> 07:44.919
Lumalala.

07:45.520 --> 07:47.400
-Hi.
-Hi.

07:48.880 --> 07:51.120
Dito magdi-dinner ang mga kapitbahay.

07:51.200 --> 07:52.400
Puta, hindi.

07:52.479 --> 07:55.039
Kakausapin ko si Iker.
Mag-iinvest daw siya sa hotels ko.

07:55.120 --> 07:58.359
Nandito ba 'ko para mabuhay o magnegosyo?

07:58.440 --> 08:02.320
Ako'ng bahala sa catering.
Ikaw… magpaganda ka lang. Bye.

08:05.039 --> 08:06.159
Naging tibo ka

08:06.239 --> 08:09.159
para lang mauwi sa monogamous
at patriarchal na relasyon.

08:14.479 --> 08:15.520
Grabeng buhay.

08:15.599 --> 08:17.960
SCHOOL

08:20.440 --> 08:22.200
Anak, kumusta ang school?

08:22.280 --> 08:23.120
-Pangit.
-Ay.

08:23.200 --> 08:27.599
Nagalit sa 'min si language teacher
at di kami nakikinig. Pinag-test kami.

08:27.679 --> 08:29.400
Kawawa siya. Di siya masaya.

08:29.479 --> 08:31.960
Punta tayo sa lolo't lola mo.
Gagaan ang loob mo.

08:32.039 --> 08:33.439
Pa, magre-review ako.

08:33.520 --> 08:34.720
Ano'ng mas mahalaga,

08:34.799 --> 08:39.120
ang test mo, o ang lolo't lola mong
mahal ka at malapit nang mamatay?

08:39.199 --> 08:42.480
-Mamamatay sila?
-Gaya nating lahat, anak. Pati ako.

08:42.559 --> 08:46.640
-Mamamatay ka na?
-Hindi sa ngayon, okay?

08:46.720 --> 08:50.199
Kaya nga mahalagang makasama
ang mga mahal natin sa buhay.

08:51.199 --> 08:53.120
Nakakahawak ka na ng kutsara.

08:54.120 --> 08:56.000
Sawang-sawa na 'ko.

08:56.520 --> 08:58.600
Marga, progress 'to.

08:58.680 --> 09:00.320
-Kahit maliit.
-Tama.

09:00.400 --> 09:03.000
Ba't nandito ka na naman?
Di ka nga dumadalaw dati.

09:03.079 --> 09:04.600
Malapit na kasi kayong mamatay.

09:04.680 --> 09:10.120
Hindi, tumatanda na kasi kayo, at ayokong
mawala kayo nang di tayo nag-uusap.

09:10.199 --> 09:14.520
Ano'ng gusto mong pag-usapan?
Maghahati kayo ni Carmen sa mana.

09:14.600 --> 09:17.040
Hindi, malalalim na bagay. Gaya ng…

09:17.120 --> 09:20.160
Kumusta ang kabataan mo? Saka…

09:20.240 --> 09:22.800
Saka…

09:22.880 --> 09:24.000
Ay!

09:24.079 --> 09:25.199
Hi, Danielers.

09:25.280 --> 09:29.560
Wala kayong masyadong naririnig sa 'kin
dahil naging abala ako kay Gael.

09:30.079 --> 09:32.520
Ang totoo, mahirap maging ina.

09:32.600 --> 09:36.600
Di ako nakakatulog
kasi sa araw siya natutulog, kita n'yo na.

09:36.680 --> 09:38.520
Ang hirap i-breastfeed siya.

09:38.600 --> 09:40.480
Pero sulit ang lahat

09:40.560 --> 09:43.560
dahil sa pagmamahal ko sa anak ko,

09:43.640 --> 09:48.680
at sa nourishing oil ko
para sa strech marks at scars,

09:48.760 --> 09:51.079
na may chamomile at calendula extract,

09:51.160 --> 09:54.760
na anti-inflammatory
at may soothing cell regenerator.

09:54.839 --> 09:56.040
Ang kapal.

09:58.360 --> 10:01.199
Nakakabuwisit, 'no?
'Yong late na magkaanak.

10:01.920 --> 10:03.720
Hindi, planado 'to.

10:04.560 --> 10:05.600
Parang gano'n.

10:06.199 --> 10:09.040
Ako si Sofia, nanay ni Andrea.

10:09.560 --> 10:11.240
Pedro. Nice to meet you.

10:11.320 --> 10:13.120
Pangatlo ko na siya.

10:13.199 --> 10:16.320
Ayoko na nga sana,
kaso 'yong quickie na 'yon…

10:18.720 --> 10:19.839
Sorry.

10:19.920 --> 10:23.000
Hindi, ayos lang. Mahal na mahal ko siya.

10:24.120 --> 10:25.320
Wala 'kong choice.

10:27.600 --> 10:31.600
Naramdaman mo na bang
parang gusto mo siya itapon sa balkonahe?

10:32.320 --> 10:33.240
Pedro!

10:33.760 --> 10:34.800
Uy!

10:34.880 --> 10:36.640
Sofia, ito si Daniela.

10:36.720 --> 10:39.800
Siya ang… nanay ni Gael.

10:40.320 --> 10:41.360
Kumusta?

10:41.880 --> 10:44.560
Andrea! Wag kang manakit ng ibang bata!

10:44.640 --> 10:45.640
Buwisit.

10:46.480 --> 10:47.560
Halika nga.

10:49.000 --> 10:50.839
Natakot ko. Magkasundo pa naman kayo.

10:50.920 --> 10:53.760
Nag-uusap lang kami tungkol sa parenthood.

10:53.839 --> 10:58.160
Nanghingi pala si Patri ng extra sahod
para sa pagbe-breastfeed niya.

10:58.240 --> 10:59.480
Parang drug dealer.

10:59.560 --> 11:02.440
Libre 'yong una, at pag adik na tayo,
magpapabayad na siya.

11:02.520 --> 11:05.680
Magbayad na lang tayo.
Wag tayo kumain kung kailangan.

11:05.760 --> 11:08.360
Ini-extort ng kasambahay. Aba, puta.

11:11.240 --> 11:13.240
Hala, puta.

11:13.760 --> 11:16.560
-Try ka ng prostate stimulator?
-Eto na test ko.

11:16.640 --> 11:19.040
Meron akong familial hypertrophic
cardiomyopathy.

11:19.120 --> 11:20.040
Ano 'yon?

11:20.120 --> 11:23.000
Lalaki 'yong puso hanggang sumabog.

11:23.079 --> 11:24.480
-Sumabog?
-Makinig ka.

11:24.560 --> 11:26.040
"Ang hypertrophic cardiomyopathy

11:26.120 --> 11:29.360
ay maaaring magdulot
ng ventricular arrhythmias o kamatayan."

11:29.440 --> 11:30.880
Pa'no kung namana ni Alex?

11:30.959 --> 11:33.560
Blanca, gene 'to, di sipon.
Ano'ng ginagawa mo?

11:33.640 --> 11:35.760
Sabihin natin para wag siyang maghagdan.

11:35.839 --> 11:39.079
-Wala silang elevator.
-Alex, tawagan mo 'ko. Urgent!

11:39.160 --> 11:41.959
Tama na! Anak, wag mo siyang pansinin!

11:42.040 --> 11:43.480
Sasabihin ko nang personal.

11:43.560 --> 11:46.320
Sana nagpa-test ka muna
bago mo 'ko binuntis.

11:46.400 --> 11:49.440
Wala pang gano'n no'n!
Di pa nase-sequence ang DNA.

11:50.520 --> 11:51.719
Scammer ka!

11:54.120 --> 11:55.800
Hi. Nandito ba si Alex?

11:55.880 --> 11:56.800
Papa?

11:57.760 --> 11:59.880
Uy, anak! Ano…

11:59.959 --> 12:01.959
May housewarming gift ako.

12:02.040 --> 12:03.719
-Hala. Uy.
-Hi.

12:05.240 --> 12:06.480
Ay, relo.

12:06.560 --> 12:09.560
Hindi. Heart rate monitor 'yan, okay?

12:09.640 --> 12:12.640
Dapat 'yong max rate mo,
nasa 120 to 130 beats per minute.

12:12.719 --> 12:14.280
At rest, dapat 60.

12:14.360 --> 12:17.320
Wag kang mag-alala.
Kung may heart irregularity,

12:17.400 --> 12:18.760
tutunog 'yan. Ayan.

12:18.839 --> 12:21.560
Okay ka lang?
Halata sa mukha mo, may problema.

12:21.640 --> 12:26.520
Anak, na-diagnose ako na may degenerative
at nakamamatay na genetic disease.

12:27.240 --> 12:30.520
-Ano?
-Family hypertrophic cardiomyopathy.

12:30.600 --> 12:33.880
At ang pinakamalala,
may 50% tsansa kang manahin ito.

12:33.959 --> 12:36.079
Pa'no kung may gano'n ako?

12:36.160 --> 12:38.079
Pwedeng sumabog ang puso natin.

12:38.160 --> 12:40.680
Ano'ng gagawin ko?
Sasabihin ko ba kay Eva?

12:40.760 --> 12:43.160
Ire-reject niya 'ko,
gusto kong maging ama.

12:43.240 --> 12:46.360
Pero pag di ko sinabi,
responsable bang maging tatay nang ganito?

12:46.440 --> 12:47.959
-Pa'no?
-Papa, di ko alam!

12:48.040 --> 12:50.440
Pina-process ko pang
pinamanahan mo 'ko ng sakit.

12:50.520 --> 12:52.280
Kalma, ipapag-test kita.

12:52.360 --> 12:53.760
Uy, okay ka lang?

12:53.839 --> 12:55.800
-May nararamdaman ka ba?
-Di ako okay.

12:55.880 --> 12:57.480
-Hindi?
-Hindi.

12:57.560 --> 12:58.480
Inhale.

12:58.560 --> 13:01.880
Kunin mo ang pulse niya. Gumana ka!

13:06.440 --> 13:07.480
Ang bango!

13:07.560 --> 13:08.800
Sa'n ka galing?

13:08.880 --> 13:10.040
Kina Lola at Lolo.

13:10.120 --> 13:12.640
Ewan ko. Gusto ko silang nakakasama.

13:12.719 --> 13:15.440
-Kasi mamamatay na sila.
-Kasi nando'n si Marimar?

13:15.520 --> 13:17.320
Ano…

13:17.400 --> 13:19.800
Siyempre, inaalagaan niya si Mama.

13:19.880 --> 13:22.760
-Ang ganda. 'Yong mata–
-Kilala ko siya, anak.

13:22.839 --> 13:24.920
Mag-review ka na sa test mo.

13:25.000 --> 13:27.640
-Gusto ko ng girlfriend gaya niya.
-Sige na.

13:31.640 --> 13:32.680
Tulungan na kita?

13:32.760 --> 13:35.160
Ikaw na. Babalikan ko 'yong script ko.

13:35.240 --> 13:38.920
Sige. Excited na 'kong
mapanood ka bukas sa… Sa Leganés ba?

13:39.000 --> 13:40.640
-Alcorcón.
-Ay, oo.

13:40.719 --> 13:45.000
Isama mo tropa mo. Walang tao, e.
Di na nanonood ng teatro ang mga tao.

13:45.079 --> 13:47.920
-Imbitado sila?
-Hindi. Para makabenta kami.

13:48.000 --> 13:50.040
Tingnan natin kung pwede sila.

13:50.120 --> 13:51.640
Luis, dapat may manood.

13:51.719 --> 13:55.240
May manonood sa 'ming negosyante.
Pag natipuhan niya, bibilhin niya'ng play.

13:55.320 --> 13:58.000
Isipin mo pag ipinalabas
ang Echoes of a Wound sa Gran Via!

13:59.400 --> 14:00.240
Ah…

14:00.320 --> 14:03.640
-Luis.
-Iniisip ko lang. Sasabihan ko sila.

14:05.719 --> 14:06.719
Shit.

14:06.800 --> 14:09.800
Umuwi siya ng 1:45 a.m. Di ako makatulog.

14:09.880 --> 14:13.160
Di mo nabasa ang profile niya?
Seryoso ang hanap niya.

14:14.040 --> 14:16.360
Pag nagka-girlfriend siya,
mamamatay ako. Seryoso.

14:16.440 --> 14:20.959
Hindi girlfriend. Stepmother.
At baka mas mabuting ina pa siya.

14:21.040 --> 14:23.800
Salamat, Cynthia, ha?
Kaya kong bumagsak mag-isa.

14:23.880 --> 14:26.120
Bakit di mo tingnan ang phone niya?

14:26.199 --> 14:28.199
Di ako magpapakababa nang ganiyan.

14:28.280 --> 14:30.680
-Di mo naman siya boyfriend.
-Ayoko nga.

14:30.760 --> 14:33.199
Kung ayaw mo, gawin mo para sa anak mo.

14:33.280 --> 14:35.400
Malay natin kung sino'ng nilalandi niya.

14:38.760 --> 14:40.560
Welcome, lovebirds.

14:40.640 --> 14:43.160
Nag-aral ng Indian cuisine ang nanay mo.

14:43.240 --> 14:44.319
Ang ganda.

14:44.839 --> 14:47.520
Anak, di ko maintindihan 'yong sinend mo.

14:47.599 --> 14:49.640
"Stepson, binayo ang stepmother."

14:49.719 --> 14:51.760
Virus 'yan, Ma. Wag mong pansinin.

14:51.839 --> 14:55.079
Nag-install ako ng app sa phone niya
para sa porn addiction niya.

14:55.160 --> 14:56.000
Magaling.

14:56.079 --> 14:59.680
Bata pa lang siya, ganiyan na siya.
Kinukuha niya ang VHS tapes ko sa attic.

14:59.760 --> 15:02.040
Akala niya, hindi ko napapansin.

15:02.120 --> 15:04.079
Upo na ba tayo?

15:04.719 --> 15:07.959
Sabi ni Diego, di ka pumapasok.
Bakit di mo na lang ibenta?

15:08.040 --> 15:11.280
-Akin 'yon, e. Nanakawin niya.
-Babayaran niya.

15:11.360 --> 15:12.959
Dini-discriminate niya 'ko.

15:13.479 --> 15:16.199
Ayoko sanang sabihin 'to,
pero heterophobic si Diego.

15:16.760 --> 15:18.839
Talaga? Mukha siyang mabait.

15:18.920 --> 15:20.280
Evil queen siya.

15:20.360 --> 15:22.839
Marimar, hindi ka kumakain. Ayaw mo ba?

15:22.920 --> 15:26.640
Hindi, masarap.
Kumain lang kasi ako kanina.

15:28.439 --> 15:30.319
Masaya ang pag-usapan natin.

15:30.400 --> 15:32.760
-Kumusta 'yong pagbubuntis?
-Pili!

15:32.839 --> 15:35.479
-Ano?
-Medyo mahirap.

15:35.560 --> 15:38.520
-Matanda na kasi si Marimar.
-Wag kayong mag-alala.

15:38.599 --> 15:40.719
In vitro fertilization. Madali lang 'yon.

15:40.800 --> 15:43.400
Ayaw naming ipilit ang mga bagay-bagay.

15:44.079 --> 15:45.280
Baka mag-ampon kami.

15:45.360 --> 15:48.680
Dapat maingat tayo.
Di natin alam kung ano'ng makukuha natin.

15:48.760 --> 15:49.839
Kawawa naman sila!

15:49.920 --> 15:52.959
Galing sila sa hirap,
ang tindi ng trauma nila.

15:53.040 --> 15:56.079
Pag teenagers na sila,
sasaksakin ka na nila.

15:59.800 --> 16:00.800
Bakit?

16:04.120 --> 16:07.040
-Oras na siguro para sabihin sa kanya.
-Ang alin?

16:08.079 --> 16:09.719
Raul, ampon ka.

16:09.800 --> 16:13.240
Totoo. Pinatali ng nanay mo
ang tubes niya bago siya nagdalawang-isip.

16:13.319 --> 16:17.199
Naisip na naming sabihin sa 'yo,
pero na-bully ka sa school.

16:17.280 --> 16:19.479
Tapos naging kayo no'ng anorexic.

16:19.560 --> 16:21.479
Tapos na-kick out ka sa college…

16:26.599 --> 16:29.319
Nakikipag-usap na ba ang Diyos?

16:29.400 --> 16:31.400
Kailangan mo pa ng signs?

16:31.479 --> 16:35.760
Binibigyan ka Niya ng tsansang
ibigay sa iba ang binigay ng parents mo.

16:35.839 --> 16:37.040
Ang ganda, di ba?

16:47.400 --> 16:51.199
Tingnan mo sila.
Puro negosyo ang pinag-uusapan.

16:51.280 --> 16:54.319
Hayaan mo sila. Para mapadalas sa Cartier.

16:54.400 --> 16:57.640
Sabi ko sa mister ko, bilisan.
May vehicle inspection kami.

16:57.719 --> 16:59.959
-Ano 'yon?
-Check-up sa Cayenne.

17:00.040 --> 17:02.520
Apat na taon na 'yon sa inyo?

17:02.599 --> 17:04.520
Nasa 30,000 kilometers na.

17:04.599 --> 17:07.359
Ano? Maghuhuramentado ako no'n.

17:07.440 --> 17:10.079
Di kayo nahihiyang pineperahan n'yo
ang mga asawa n'yo?

17:10.680 --> 17:11.520
Pineperahan?

17:11.599 --> 17:16.480
Wala ba kayong pinagkakaabalahan,
bukod sa paggasta ng perang di inyo?

17:16.560 --> 17:19.720
Excuse me, trabaho din
ang pagiging housewife.

17:19.800 --> 17:21.800
Jimena, tatlo ang katulong mo.

17:22.440 --> 17:24.119
Pero binabantayan ko sila.

17:24.200 --> 17:27.399
Akala mo, madali lang mag-asawa
ng milyonaryo?

17:27.480 --> 17:29.040
Lagi akong nagugutom.

17:29.120 --> 17:32.919
Mas maaga ako ng isang oras magising
para di niya 'ko makitang walang makeup.

17:33.000 --> 17:35.520
Taon-taong nanganganib ang buhay ko
sa operating room.

17:35.600 --> 17:36.440
Ilang taon ka na?

17:37.480 --> 17:38.320
Forty-two.

17:38.399 --> 17:40.919
-Ang ganda mo, girl!
-Ang ganda mo.

17:41.000 --> 17:45.640
Sa tingin mo, mapipigilan ng facelift
ang mister mong ipagpalit ka sa 25-anyos?

17:46.760 --> 17:50.360
Nababagot sila. Nabagot 'yong mister ko
sa dating kabit niya.

17:51.080 --> 17:52.399
Naka-joint property ba kayo?

17:53.000 --> 17:54.840
May separation of property ako.

17:54.919 --> 17:56.960
Mapilit ang nanay niya.

17:57.040 --> 18:00.720
Tapos nagsa-champagne ka dito?
Ako, matatakot ako.

18:02.159 --> 18:03.840
Bakit mo pinahamak ang sarili mo?

18:03.919 --> 18:06.280
Di ko maintindihan
kung pa'no nila nakakaya 'yon.

18:06.360 --> 18:08.440
Ano'ng kaibahan nila sa escorts?

18:08.520 --> 18:10.560
Nagpakasal sila sa siraulo, e.

18:11.280 --> 18:13.680
Hayaan mo na sila. Do'n sila masaya.

18:13.760 --> 18:15.080
Hindi sila masaya.

18:15.159 --> 18:17.680
Lahat sila, anxious at naggagamutan.

18:17.760 --> 18:22.240
May mga psychologist,
nag-aacupuncture, at may energy gurus.

18:22.320 --> 18:24.880
Buweno, tulungan mo silang ma-divorce.

18:24.960 --> 18:26.720
Do'n, matutuwa ka.

18:33.399 --> 18:35.360
Sasama ka bang manood kay Esther?

18:35.440 --> 18:38.159
Pupunta akong Dubai. Di ka sasama sa 'kin?

18:39.399 --> 18:41.960
Excuse me, ikaw ang di sasama sa 'kin.

18:42.040 --> 18:44.720
Luz naman. Trabaho 'yong akin.

18:44.800 --> 18:47.280
Gustuhin ko mang mapanood
'yong drama ng amiga mo–

18:47.360 --> 18:48.960
Hindi, hindi mo gugustuhin.

18:49.040 --> 18:51.520
Kasi lagi namang gusto mo ang nasusunod.

18:52.040 --> 18:53.280
Wow.

18:53.800 --> 18:56.040
Drama? Talaga?

18:57.399 --> 19:01.080
Hindi, honey, magpahinga ka na.
May flight ka pa bukas.

19:02.720 --> 19:04.679
Ang weird mo, babe.

19:07.159 --> 19:09.200
Pa'no na? Sasabihin ko ba kay Eva o hindi?

19:09.280 --> 19:12.480
Pag umamin ako, mare-reject ako.
Gusto kong maging ama.

19:12.560 --> 19:14.080
Pero pag hindi…

19:14.159 --> 19:18.000
Responsable bang mag-anak kung alam kong
baka mamana nila 'yong gene na 'to?

19:18.080 --> 19:21.520
Tumingin ka sa camera. Gagawan ko
ng facial analysis ng vitals mo.

19:21.600 --> 19:24.159
Lola, wag. Di mo kailangang mag-analyze.

19:24.240 --> 19:26.320
Processing. Wag kang gagalaw.

19:26.399 --> 19:27.760
Pero– Shit.

19:28.399 --> 19:31.840
Mataas ang tsansang
magka-acute coronary syndrome ka

19:31.919 --> 19:33.880
sa susunod na limang taon.

19:35.120 --> 19:38.919
Sabi nang ayokong…
Ayoko na ng dagdag na impormasyon, e.

19:41.080 --> 19:42.360
Eto na siya.

19:42.440 --> 19:45.440
Blanca, inaatake ako sa puso.

19:46.200 --> 19:47.320
Nang ganitong oras?

19:47.840 --> 19:49.919
Dalhin mo ako sa ospital.

19:50.000 --> 19:51.919
Anxiety lang 'yan. Ano ba?

19:53.240 --> 19:55.800
Maraming salamat. Kaya ko nang mag-isa.

19:55.880 --> 19:58.760
Pero pag namatay ako sa daan,
ikaw magpaliwanag sa anak mo.

19:58.840 --> 20:00.040
Bruha.

20:08.480 --> 20:09.320
Balita?

20:12.040 --> 20:13.080
Anxiety.

20:16.520 --> 20:20.320
Ampon ako. Ngayon ko lang nalaman.
Bakit ngayon pa?

20:20.399 --> 20:24.120
May sense, Raul. Mas maliit ka
kaysa sa parents mo.

20:24.200 --> 20:26.480
Tuwang-tuwa si Marimar.
Ang tingin niya do'n, sign.

20:26.560 --> 20:30.120
Iniisip ko nang nandiyan si Lord
para lang pagtawanan ako.

20:30.200 --> 20:31.480
Ano'ng plano n'yo mamaya?

20:31.560 --> 20:33.880
Magpapalit ng diaper, magtitimpla…

20:33.960 --> 20:37.679
Panoorin n'yo daw ang play ni Esther
sa Alcorcón para dumami ang tao.

20:38.760 --> 20:42.919
Maganda 'yon.
Echoes of a Wound. Mapapaisip kayo.

20:43.000 --> 20:45.399
Okay. Napanood mo na?

20:45.480 --> 20:46.320
Hindi pa.

20:46.399 --> 20:47.320
Nabasa mo na?

20:48.320 --> 20:50.720
Sige na. Ise-send ko 'yong link
para sa tickets.

20:50.800 --> 20:52.159
Ay, may bayad?

20:52.240 --> 20:55.200
Luis, sinusubok mo
'yong pagkakaibigan natin.

20:55.280 --> 20:58.120
Misis ko 'yon. Susuportahan ko
ang pangarap niya.

20:58.200 --> 20:59.679
'Yong iyo, sinusuportahan niya?

21:00.240 --> 21:01.960
-Ha?
-May pangarap ka, di ba?

21:02.040 --> 21:04.280
Maging Bon Jovi,
pero matanda na siya para doon.

21:05.200 --> 21:06.280
Magkamotor.

21:06.800 --> 21:09.640
'Yong malaki. Masaya 'yon.

21:10.159 --> 21:12.080
May motor ka no'ng high school, di ba?

21:12.159 --> 21:15.320
Oo, may nagnakaw.
Doon ako nagpasyang maging pulis.

21:15.399 --> 21:19.080
Ako, naisip kong maging architect
habang naglalaro ng Legos at–

21:19.159 --> 21:21.679
Manonood kayo kay Esther.
Ginawan ko kayo ng margaritas.

21:21.760 --> 21:23.800
Alas-onse pa, di ako iinom nito.

21:23.880 --> 21:26.159
Dapat basbasan natin 'tong love shack.

21:26.240 --> 21:29.360
-Ang weird na oras para mag-party.
-Mag-party tayo sa isip.

21:32.720 --> 21:34.280
Lintik! Si Marimar!

21:36.440 --> 21:37.480
Sa'n punta no'n?

21:39.760 --> 21:41.399
HOSPITAL ACCESS AND VISITING HOURS

21:41.480 --> 21:42.320
Hi, honey.

21:42.399 --> 21:46.679
Pumunta ako sa adoption agency
na sinabi ng parents mo, ang gulo.

21:46.760 --> 21:48.439
Pero… Nasa'n ka?

21:48.520 --> 21:51.960
Na-sprain si Luis sa pagpa-padel.
Pina-check up namin.

21:52.040 --> 21:54.280
Ay, kawawa naman! Kumusta na siya?

21:54.360 --> 21:57.679
Hirap na hirap. Luis, halika dito.

22:07.240 --> 22:08.560
Hi, Marimar.

22:09.120 --> 22:10.200
Masakit ba?

22:10.720 --> 22:13.159
Uy! Exam room four. Kami na.

22:13.240 --> 22:15.120
-Bye.
-Anong ospital? Baka alam–

22:15.200 --> 22:16.880
Ano 'to?

22:17.960 --> 22:23.679
Ito ang ER. Ito, talyer. At ito, bangko.
May palit-eksena para di kaduda-duda.

22:23.760 --> 22:25.720
Wag mo 'ko gamitin
para lokohin si Marimar.

22:25.800 --> 22:28.399
Ginamit mo 'ko para manood
sa play ng misis mo, ah?

22:28.480 --> 22:29.919
'Yong margarita ko?

22:32.560 --> 22:34.240
Grabe, ang sarap nito.

22:34.320 --> 22:37.800
Mula nang gumamit ako
ng eco-friendly diapers ng Eco Wise Baby,

22:37.880 --> 22:40.560
di lang puwit ng baby ko
ang naalagaan ko, pati environment.

22:40.640 --> 22:44.600
Dahil di lang kalusugan ng anak ko
ang mahalaga, pati kinabukasan ng planeta.

22:47.480 --> 22:49.399
-Kumusta si Gael?
-Hello din.

22:49.480 --> 22:50.640
Hi, sorry.

22:50.720 --> 22:53.360
Tulog siya. Di ka nag-shower?

22:53.439 --> 22:54.439
Ha?

22:55.880 --> 23:01.040
Hindi, pumunta kami sa bagong club,
medyo kadiri 'yong locker room.

23:02.960 --> 23:04.120
Amoy-alak ka?

23:04.200 --> 23:07.520
Pwedeng ikaw muna
ang mag-alaga sa bata mamaya?

23:07.600 --> 23:09.919
Bakit? Work dinner na naman?

23:10.000 --> 23:13.000
Sabi ni Luis, panoorin daw namin
ang play ni Esther.

23:13.080 --> 23:14.399
Sa Madrid siya magpapalabas?

23:14.480 --> 23:17.320
Hindi, sa Alcorcón, kaya gagabihin ako.

23:17.399 --> 23:18.960
Sasama ako!

23:20.880 --> 23:22.600
Kailangan ko ng fresh air.

23:22.679 --> 23:26.120
Si Patri na ang bahala sa baby.
Magti-tip lang tayo.

23:26.200 --> 23:29.200
Sure ka? Echoes of the Wind ang title.

23:29.280 --> 23:32.320
Di 'yon ang unang basurang
tiniis ko para magmukhang cultured.

23:32.399 --> 23:34.960
Sige. Alis tayo ng alas-otso.

23:41.960 --> 23:43.320
-Uy.
-Uy!

23:44.280 --> 23:47.040
Pa'no mo 'ko nahanap?

23:47.120 --> 23:50.040
Konti lang ang Eva sa LinkedIn
na engineer-anthropologist.

23:50.120 --> 23:51.840
Dapat ba 'kong mag-alala?

23:51.919 --> 23:54.840
Sorry, pero di na 'ko
kakandidatong maging ama.

23:55.439 --> 23:57.640
-Ano?
-Gusto kong magkaanak sa 'yo.

23:57.720 --> 24:02.360
Pero na-diagnose akong
may genetic disorder.

24:02.439 --> 24:05.200
Familial hypertrophic cardiomyopathy.

24:05.280 --> 24:06.439
Ano naman?

24:06.520 --> 24:09.320
-Baka sumabog ang puso ng bata.
-Hala.

24:09.399 --> 24:13.720
Baka bigla akong bumigay.
Bawat araw ng buhay ko, milagro.

24:13.800 --> 24:16.040
Santi, may gene ka lang no'n.

24:16.120 --> 24:18.159
Di ibig sabihin, magkakasakit ka.

24:18.240 --> 24:20.439
Hindi, may nararamdaman ako.

24:20.520 --> 24:23.960
Kung nag-aalala kang mamana niya 'yon,
mapipigilan 'yon ng embryonic biopsy

24:24.040 --> 24:29.560
at preimplantation genetic test
sa IVF para malusog ang maging embryo.

24:30.919 --> 24:33.960
-Marunong ka din sa assisted reproduction?
-'Yong basics.

24:34.560 --> 24:39.240
-Pwede pa din tayong co-parents?
-Sandali, di pa 'ko nagde-decide.

24:39.320 --> 24:42.200
Sige. Wag kang magmadali.

24:42.280 --> 24:43.320
Sige lang.

24:43.399 --> 24:45.399
Kailangan ko ring pag-isipan.

24:45.480 --> 24:48.360
-Oo. Pero okay ka.
-Okay nga 'ko.

24:48.960 --> 24:50.919
Oo. Gusto mo ng beer?

24:51.000 --> 24:52.200
Okay. Sige.

24:56.760 --> 24:58.480
ALCORCÓN
A CITY OF THE FUTURE

25:07.280 --> 25:08.960
SHIT, TOTOO 'YONG TEATRO

25:16.000 --> 25:18.280
TINGNAN MO 'YONG PHONE, GAGA

25:28.439 --> 25:30.320
Pero bakit sobrang sakit?

25:31.640 --> 25:34.679
Nararapat ba sa 'kin
ang paghihirap na ito?

25:34.760 --> 25:39.320
Lagi kong ginagawa ang makakaya ko
upang maging perpektong asawa at kapatid.

25:39.399 --> 25:44.000
Bakit puro madilim na ulap
ang natatanaw ko sa aking buhay?

25:47.880 --> 25:52.199
Alam kong may pagmamahal sa puso mo.
Mapapatawad mo rin ako.

25:52.280 --> 25:53.480
Mapapatawad ka?

25:54.520 --> 25:57.640
Pakiramdam ko,
estranghero ako sa sarili kong buhay.

25:58.240 --> 26:03.360
Bawat sulok ng bahay na ito,
sinisigaw ang pangalan niya.

26:07.880 --> 26:10.280
Eto pala ang magiging ina ng anak ko.

26:10.360 --> 26:12.520
-Ha?
-Shit, 'yong overqualified.

26:12.600 --> 26:14.800
-Kilala mo?
-Nagtirahan na kayo?

26:14.880 --> 26:16.399
Okay siya. Medyo boring.

26:16.480 --> 26:18.760
-Ha? Magiging tatay ka na?
-Co-parent.

26:18.840 --> 26:19.840
Kumpadre?

26:20.640 --> 26:24.640
Di namin malalasap ang pag-ibig na ito
nang hindi mo napapatawad.

26:24.720 --> 26:27.240
Pinili mo ang landas ng pagtataksil.

26:27.320 --> 26:31.480
At babaybayin mo iyon… nang mag-isa.

26:38.199 --> 26:41.159
-Ito pa!
-Hindi pa tapos.

26:45.880 --> 26:48.199
-Ano'ng sasabihin natin?
-Bumalik sa driving school?

26:48.280 --> 26:50.840
Baliw ka ba?
'Yong di tatapos sa relasyon namin.

26:50.919 --> 26:53.080
Maganda 'yong lighting.

26:53.159 --> 26:55.280
Komportable 'yong upuan.

26:55.360 --> 26:57.360
Nagsisisi ka 'ka mong tinanggal mo siya.

26:57.439 --> 26:58.679
Di ko sasabihin 'yan.

26:58.760 --> 26:59.720
-Ha–
-Ayan na siya.

27:02.240 --> 27:03.480
Ang galing mo!

27:03.560 --> 27:05.800
Salamat, guys. Nagustuhan n'yo?

27:05.880 --> 27:07.040
Wow!

27:07.120 --> 27:09.040
Tawang-tawa 'ko.

27:10.040 --> 27:11.600
-Drama 'yon.
-Oh.

27:11.679 --> 27:14.159
Nag-enjoy ba kayo? 'Yon ang mahalaga.

27:15.120 --> 27:17.240
Okay, kain na tayo!

27:19.000 --> 27:22.640
Isang toast para sa kaibigan ko
dahil malakas ang loob niya.

27:23.240 --> 27:24.919
Ang saya ko, alam n'yo 'yon?

27:25.000 --> 27:28.399
Gusto naming magpakita ng sirang pamilya,
at mukhang nagtagumpay kami.

27:28.480 --> 27:29.439
Buweno…

27:31.439 --> 27:35.840
Medyo nakulangan ako, pero baka ako lang.

27:41.159 --> 27:43.320
-Ang sarap ng steak tartare.
-Oo nga.

27:43.399 --> 27:44.800
Ituloy mo, Marimar.

27:44.880 --> 27:47.199
Para sa 'kin, bago 'yon.

27:47.280 --> 27:50.080
Para kasing forced, alam mo 'yon?

27:50.159 --> 27:54.000
Inagaw ng kapatid 'yong mister,
pero di niya sila nahuli?

27:54.600 --> 27:57.560
Kasi nagi-guilty siya.
Di niya matingnan sa mata.

27:58.760 --> 28:01.800
Di 'yon napaliwanag nang maayos.
Nasa'n ang mister?

28:01.880 --> 28:05.399
Wala. Kuwento ng mga babae 'yon,
'yon ang mabenta ngayon.

28:05.480 --> 28:08.120
Para sa 'kin, kulang ng mister. At ina.

28:08.199 --> 28:11.439
Inang nagdurusa at catalyst ng magkapatid.

28:11.520 --> 28:14.080
Kulang din ba ng choir sa background?

28:14.159 --> 28:16.480
Okay. Sino'ng gusto ng dessert?

28:16.560 --> 28:17.679
Oo nga.

28:17.760 --> 28:18.880
Raul, usap tayo?

28:18.960 --> 28:20.159
Sige.

28:22.919 --> 28:26.040
Alam ko na 'yan.
Magbabayad ako, ha? Wag ka mag-alala.

28:26.120 --> 28:28.600
Irereport ka ni Lucia ng sexual assault.

28:30.919 --> 28:33.760
-Sinong Lucia? 'Yong hostess?
-Hinalikan mo siya.

28:33.840 --> 28:37.280
So? Nagse-celebrate tayo, e.
Hinalikan mo din siya, e.

28:37.360 --> 28:39.640
Iba 'yon. Magkaibigan kami.

28:41.240 --> 28:43.199
Kakausapin ko siya. Nasaan siya?

28:43.280 --> 28:46.600
Naka-leave. Tantanan mo siya.
Masama ang loob niya.

28:47.399 --> 28:48.480
Dahil sa halik?

28:48.560 --> 28:52.040
Shit. Di mo talaga maiwasang pumalpak.

29:01.520 --> 29:02.520
Hi.

29:03.639 --> 29:05.080
Ano'ng ginagawa mo rito?

29:05.159 --> 29:08.879
Ilang araw na kitang hinahanap,
di mo sinasagot ang tawag ko.

29:12.000 --> 29:13.199
Madi-divorce na 'ko.

29:14.520 --> 29:16.000
Rafa, nasa labas si Marimar.

29:16.080 --> 29:18.679
Sumbungera. Kung di dahil sa kanya,
kami pa ni Adriana,

29:18.760 --> 29:21.040
at di ako tatawaging "chumuchupa"
ng mga anak ko.

29:21.120 --> 29:22.679
Binu-bully sila sa school.

29:22.760 --> 29:25.240
Di ka dapat nasa kasal. Ba't ka pumunta?

29:25.320 --> 29:28.159
Ipapaliwanag ko sanang straight ako.
Pampalipas-oras lang 'yon.

29:28.240 --> 29:30.560
Rafa, di ka straight.

29:31.280 --> 29:32.560
Ikaw din.

29:33.760 --> 29:35.120
Pero malaya na ako.

29:35.639 --> 29:38.360
-Sobrang lungkot ko.
-Lumayo ka! Ang dami ko nang problema!

29:38.439 --> 29:41.000
Magbukas tayo ng restaurant!
Kailangan ko ng pagbabago.

29:43.679 --> 29:46.159
Umpisa pa lang,
alam nang papatayin niya siya.

29:46.240 --> 29:48.280
Di nakakagulat 'yong ending.

29:48.360 --> 29:50.360
Oo, na-predict ko din 'yon.

29:50.439 --> 29:53.360
Gusto ko nga no'ng pinatay niya siya.

29:53.879 --> 29:55.480
Sira ang hand dryer.

29:56.919 --> 29:59.080
At sa 'kin lang 'to, okay?

29:59.159 --> 30:02.399
Pero nasa'n ang pag-asa?
Wala nang pag-asa sa play mo.

30:02.480 --> 30:04.639
-Bill out na tayo.
-Oo nga.

30:04.720 --> 30:08.480
-Okay na. Libre na 'to.
-Tama na ang inom.

30:12.480 --> 30:13.639
Sabi nang tama na.

30:15.080 --> 30:17.439
Ano ba'ng alam ng gaga sa teatro?

30:17.520 --> 30:20.159
Sinugod ko ba siya sa ospital
para turuang maglagay ng IV?

30:20.240 --> 30:21.760
Tumutulong lang siya.

30:21.840 --> 30:24.159
Manahimik ka na lang. Di kita tinanong.

30:24.240 --> 30:25.439
Siya, tinanong mo.

30:25.520 --> 30:27.240
Pero di para sa opinyon niya.

30:27.760 --> 30:29.480
Napakatransparent ni Marimar.

30:30.000 --> 30:33.240
Di niya kayang… magsinungaling.

30:33.760 --> 30:36.600
Luis, meron bang kasiraan 'yan si Marimar?

30:36.679 --> 30:38.320
Isa lang. Kahit isa lang.

30:38.399 --> 30:40.080
Ah…

30:40.159 --> 30:41.919
Masyado siyang mabait.

30:44.159 --> 30:47.360
Masyado siyang mabait,
minsan para na siyang tanga.

30:47.439 --> 30:49.959
Eksakto! Tanga siya. Sobrang tanga!

30:50.800 --> 30:53.159
-Honey, 'yong stoplight!
-Yellow pa lang!

30:55.679 --> 30:57.760
Okay, nasa harap ko na.

30:57.840 --> 30:59.120
Ilagay mo 'yong code.

30:59.199 --> 31:00.679
Di ko alam.

31:00.760 --> 31:03.840
Patayin mo,
tingnan mo 'yong code pag tinype niya.

31:06.800 --> 31:10.120
Tulog na siya.
Pwede siyang iwan kay Patricia, tama?

31:10.199 --> 31:12.040
Iisipin niyang 'yon ang nanay niya.

31:12.120 --> 31:13.399
See you bukas.

31:14.720 --> 31:16.600
Pa-send ng video kahapon.

31:16.679 --> 31:18.159
Sige.

31:18.240 --> 31:21.320
Hindi, dito ka lang. I-send mo na.

31:22.240 --> 31:24.480
-I-Airdrop mo. Mas maganda 'yong quality.
-Ah.

31:24.560 --> 31:25.800
Shit, namatay.

31:25.879 --> 31:28.280
Baka dahil sa battery.

31:28.360 --> 31:29.480
Nag-charge ako sa kotse.

31:30.080 --> 31:32.840
Baka may automatic updates ka?

31:32.919 --> 31:34.840
Dapat di 'to sira, ha.

31:36.919 --> 31:38.360
Ah, hindi.

31:38.439 --> 31:41.120
Namamatay din minsan 'yong akin.

31:51.600 --> 31:53.879
Okay. Tingnan natin.

31:55.080 --> 31:56.120
Tingnan natin.

31:56.639 --> 31:58.399
Seven, three, seven, two…

31:58.480 --> 32:01.439
Five, two…

32:01.520 --> 32:03.800
Parang ang sama-sama kong tao.

32:03.879 --> 32:06.240
Pag nakita mo ang ginagawa niya,
malilimutan mo 'yan.

32:06.800 --> 32:09.000
Hindi five. Nine ba 'yon?

32:09.080 --> 32:10.199
Hindi mo ba nakita?

32:10.280 --> 32:11.800
Ang bilis niya, e.

32:12.919 --> 32:15.000
Three! Three ba 'yon?

32:15.719 --> 32:17.639
Seven, three, seven, two…

32:17.719 --> 32:19.280
three, two…

32:19.360 --> 32:21.800
Shit. Na-lock nang one minute.

32:21.879 --> 32:24.199
-Grabe, ang hina mo.
-Oo nga, e.

32:26.159 --> 32:27.560
Mahal, walang nangyari.

32:27.639 --> 32:30.600
Pinuntahan niya lang ako
dahil malungkot siya. Divorced na siya.

32:30.679 --> 32:33.159
-At pinasaya mo siya sa banyo.
-Hindi!

32:33.240 --> 32:36.000
Uminom pa 'ko ng gamot
para makatulog. Tingnan mo 'ko.

32:37.879 --> 32:40.040
Marimar, straight ako.

32:40.120 --> 32:43.840
'Yon at ang existence lang ni Lord
ang sigurado ako sa buhay.

32:45.760 --> 32:49.679
Kung mahal mo talaga ako at gusto mong
isalba 'to, may kailangan kang puntahan.

32:54.800 --> 32:58.800
Walang alak,
walang junk food, walang babae.

32:58.879 --> 32:59.719
Oh my God.

32:59.800 --> 33:01.199
-Walang distractions.
-Tara!

33:01.719 --> 33:06.600
Ang tanging magagawa n'yo
ay magsanay, mag-reconnect sa kalikasan,

33:06.679 --> 33:11.080
kumain ng totoong pagkain,
at mag-focus sa inyong mga layunin.

33:11.159 --> 33:13.320
Sumali sa aming alpha male camp

33:13.399 --> 33:15.679
at magpakabrusko muli.

33:17.199 --> 33:20.760
Kung talagang kaibigan ko kayo,
sasamahan n'yo 'ko dito.

33:20.840 --> 33:22.399
Nakakalakas 'to ng testosterone.

33:22.480 --> 33:26.320
-Parang mas gay pa 'yan?
-Di ko ma-gets 'yong plano.

33:26.399 --> 33:27.560
May utang kayo sa 'kin!

33:27.639 --> 33:29.439
Pinanood ko 'yong play ng misis mo.

33:29.520 --> 33:31.040
Sumali ako sa deconstruction mo.

33:31.120 --> 33:33.360
At no'ng maging
Moises ka ng mga Sexist Pig,

33:33.439 --> 33:34.879
ako lang ang sumuporta sa 'yo.

33:34.959 --> 33:36.679
Ba't niya binabalikan 'yon?

33:40.320 --> 33:41.879
Pupunta talaga tayo diyan?

33:41.959 --> 33:43.320
Marimar, honey.

33:43.399 --> 33:46.040
Nasa bangko ako,
nagdedeposit sa retirement plan.

34:44.080 --> 34:46.480
Nagsalin ng Subtitle: J. Ignacio
retirement plan.
