WEBVTT

00:20.375 --> 00:21.500
Hello?

00:21.583 --> 00:23.166
Paputol putol ka.

00:24.666 --> 00:27.250
May problema siguro sa signal.

00:28.750 --> 00:31.166
Nakatawid ka ba sa border nang maayos?

00:33.541 --> 00:34.541
Hello?

00:35.833 --> 00:38.875
Ang pangit ng connection dito.
Di ako sigurado kung ano'ng problema.

00:39.541 --> 00:41.583
Di kita masyadong maintindihan.

00:42.500 --> 00:43.333
Hello?

00:44.750 --> 00:45.750
Hello?

01:07.250 --> 01:09.583
ALKHALLAT+: THE SERIES
DESERT RULES

01:09.666 --> 01:11.458
FINAL STOP
SA TURAYBIL ROAD

01:11.541 --> 01:13.291
FINAL STOP
SA DEATH ROAD

02:26.916 --> 02:30.291
Ang mga surveillance operation
na target ang mga drug dealer

02:30.375 --> 02:31.416
sa Riyadh

02:31.500 --> 02:34.666
ay nasa punto na
ng pagkakakilanlan at pag-aresto…

02:40.083 --> 02:44.500
Pangwalong magkakasunod
na shipment na natin 'tong natiklo.

02:48.541 --> 02:50.500
Pasensya na, pero

02:51.041 --> 02:52.416
ba't ang saya mo, Ozan?

02:53.750 --> 02:54.916
Kasi

02:55.625 --> 02:58.708
nalaman ko na, sa wakas,
kung sino'ng nagmamanman sa 'tin.

03:00.958 --> 03:04.666
Para siyang tinik sa lalamunan ko
pero bilang na'ng araw niya.

03:11.291 --> 03:12.375
Bata…

03:14.541 --> 03:16.583
nag-Umrah ka na ba?

03:18.291 --> 03:19.458
Hindi pa.

03:25.833 --> 03:28.500
Wag mo kaming kalimutang ipagdasal.

03:40.833 --> 03:42.458
Sabihin mo sa papa mo, dahan-dahan.

03:44.125 --> 03:45.333
Dahan-dahan kamo.

03:46.458 --> 03:49.166
Hindi, ayoko nga. Ikaw magsabi sa kanya.

03:51.791 --> 03:53.416
Magpakalalaki ka, sabihin mo.

04:00.875 --> 04:02.458
Ma, ayoko. Ikaw na.

04:03.041 --> 04:04.000
Sabihin mo sa kanya.

04:05.125 --> 04:07.083
Ikaw magsabi. Ayoko nga.

04:20.666 --> 04:22.708
Ano'ng pinag-uusapan n'yo?

04:22.791 --> 04:25.375
Sinasabi ko lang,
"Magpakalalaki ka gaya ng papa mo."

04:25.958 --> 04:28.541
"Matuto ka sa papa mo!"
'Yon lang ang sinabi ko.

04:28.625 --> 04:29.666
Parang lobo!

04:30.458 --> 04:32.666
Nanginginig ang mga tao sa boses niya.

04:33.250 --> 04:36.041
Alam niya kung paano magpakalalaki,
may tamang asal.

04:37.708 --> 04:39.166
Oo, dati 'yon.

04:40.250 --> 04:41.916
Bago maoperahan.

04:42.666 --> 04:45.166
Ngayon, pag umubo siya,
deretso siya sa ER.

04:45.250 --> 04:47.625
Di na tulad ng dati 'yong memorya niya.

04:47.708 --> 04:50.541
Kailangan kong ulitin lahat sa kanya
ng ilang beses.

04:50.625 --> 04:53.500
Ang buhay ko na lang ngayon,
ulitin lahat sa kanya.

04:53.583 --> 04:54.625
Parang radyo.

04:55.416 --> 04:56.625
Maghapon.

04:57.208 --> 05:00.541
Pag nagtapon siya ng basura,
iiwan niyang bukas 'yong pinto sa kusina.

05:00.625 --> 05:03.708
Kundi pinto sa kusina,
pinto naman sa harap.

05:04.208 --> 05:07.750
Kahit ano'ng makalimutan niya,
sinisisi ako.

05:08.500 --> 05:09.583
'Yan na'ng buhay natin.

05:10.458 --> 05:13.625
Sinumpa tayong magkaganito
simula umaga hanggang gabi!

05:14.208 --> 05:18.583
Binigyan mo ako ng altapresyon,
diabetes, at osteoporosis!

05:18.666 --> 05:21.125
Kahit mga buto ko, di nakaligtas sa 'yo!

05:21.208 --> 05:23.208
Wag mo akong simulan sa mga ilaw!

05:23.291 --> 05:25.500
Kahit mga ilaw, ayaw na sa 'yo.

05:25.583 --> 05:28.916
Nagda-drive ka buong gabi, pinapatay mo.

05:29.500 --> 05:30.416
Tapos, almusal…

05:57.875 --> 05:59.916
…wala man lang magkusang suklian ka!

06:00.000 --> 06:03.250
Wala man lang pumuri sa 'yo,
magdala man lang ng plastic ng sibuyas!

06:03.750 --> 06:05.125
-Saglit lang, Ma.
-Ano?

06:05.625 --> 06:08.791
Pa. Si Mutlaq, nasa kabilang kotse.
Sabi niya, nando'n sila.

06:08.875 --> 06:11.583
Winawarningan niya tayo,
wag daw dumaan sa Death Road.

06:11.666 --> 06:13.875
Para namang kailangan din natin no'n!

06:13.958 --> 06:16.041
Dadalhin n'yo ako sa "Death Road"?

06:16.125 --> 06:18.416
-Anong road nga 'yon?
-Pa, alam mo 'yong…

07:08.875 --> 07:12.375
TURAYBIL / DEATH ROAD
WARNING! ROAD NOT SAFE

07:45.833 --> 07:47.166
Panginoong mahabagin!

07:51.833 --> 07:53.791
Diyos kong makapangyarihan.

07:54.458 --> 07:57.541
-Ano'ng nangyari?
-Buwisit ka!

07:58.416 --> 07:59.666
Rakan, nakita mo'ng lalaki?

08:01.041 --> 08:04.125
Rakan, nakita mo ba'ng nangyari?

08:04.208 --> 08:05.458
Aminin mo na, nakatulog ka.

08:05.541 --> 08:08.500
Hindi, a! Siyempre, hindi ako nakatulog.

08:08.583 --> 08:11.250
Hindi, dilat na dilat ang mga mata ko,
parang lawin!

08:11.333 --> 08:12.666
Hindi ako nakatulog, saka—

08:13.166 --> 08:14.416
Basta, salamat sa Diyos.

08:14.500 --> 08:16.875
Nakuha n'yo plate number?
Nakita n'yo ba'ng driver?

08:18.208 --> 08:20.666
Hindi! Wala akong makita!

08:20.750 --> 08:23.916
Mukhang nasa 530 siya! Ibig kong sabihin…

08:24.000 --> 08:25.166
Hindi ko alam!

08:25.250 --> 08:28.666
E, 'yong kulay ng kotse?
Ano 'yong tatak? Kahit ano.

08:28.750 --> 08:30.958
Jeep! 'Yong kulay…

08:32.416 --> 08:33.500
Itim.

08:34.083 --> 08:36.083
Hayaan mo na lang siya mag-drive.

08:36.166 --> 08:37.416
Magpahinga ka muna!

08:38.000 --> 08:41.291
Hindi ko siya mapapayagang mag-drive.

08:41.375 --> 08:42.750
Gusto mo, ikaw mag-drive,

08:42.833 --> 08:46.500
gusto mo, yugyog na yugyog kami.

08:46.583 --> 08:49.000
Maloloka na 'ko pag sumakay pa ako ulit!

08:49.500 --> 08:52.041
Alam mo? Wag ka na nga lang mag-drive.

08:52.125 --> 08:55.083
Malamang, 200 o 300 years old ka na,
Diyos lang ang nakakaalam.

08:59.625 --> 09:00.583
Gusto mong mag-drive?

09:42.708 --> 09:43.750
Hoy!

09:43.833 --> 09:45.291
Ano'ng problema mo, pre?

10:00.416 --> 10:03.583
Pa. Black Jeep 'yon
na tinted 'yong bintana, di ba?

10:04.500 --> 10:06.333
Oo, anak. Itim na Jeep, oo.

10:06.416 --> 10:09.000
Oo. Sigurado ako, siya nga 'yon.

10:09.083 --> 10:10.958
Bumalik siya, ginawa ulit niya sa 'kin.

10:11.041 --> 10:12.833
Pinuno ng alikabok 'yong buong kotse.

10:13.500 --> 10:14.458
Anak, basta…

10:14.541 --> 10:16.208
Lumayo ka sa mga taong ganyan.

10:16.291 --> 10:18.541
-Wala siya sa katinuan.
-Teka, Pa.

10:18.625 --> 10:20.291
Siya— Siya 'yon!

10:28.750 --> 10:29.833
Bastos!

10:30.333 --> 10:31.708
'Yan ang anak ko!

10:42.750 --> 10:44.041
Nasira 'yong radyo.

10:54.333 --> 10:55.666
Walang signal.

10:56.375 --> 10:58.541
Anong walang signal?

10:58.625 --> 11:00.875
Nasa main road tayo.

11:01.458 --> 11:02.625
Pa.

11:03.708 --> 11:05.958
Lumabas ka ba sa exit
pagkatapos sa gas station?

11:12.875 --> 11:14.250
Kayo…

11:15.000 --> 11:17.500
Napahamak kayo dahil sa 'kin.

11:19.166 --> 11:20.166
Pero sana…

11:20.666 --> 11:22.166
Sana, mapatawad n'yo ako.

11:23.875 --> 11:24.916
Rakan.

11:26.916 --> 11:28.041
Sinasabi ko sa 'yo,

11:28.125 --> 11:31.166
tinuruan kita
kung paano ako tinuruan ng tatay ko.

11:31.250 --> 11:32.500
Sumalangit nawa siya.

11:33.250 --> 11:35.666
Talagang naging napakalupit ko sa 'yo,

11:35.750 --> 11:39.083
pero totoo, dahil sa pagmamahal 'yon.

11:39.833 --> 11:43.000
Pero tingnan mo, malaki ka na ngayon.

11:43.958 --> 11:44.833
Saka

11:45.375 --> 11:46.875
kapag namatay ako, anak,

11:47.375 --> 11:50.125
pwede mo akong ilibing sa Nafud.

11:50.208 --> 11:52.458
Hindi, Pa, wag mo namang sabihin 'yan.

11:52.541 --> 11:56.083
Hindi. May pala sa likod, alam mo 'yon.

11:56.583 --> 11:58.500
Hukayan mo ako ng maliit na libingan.

11:58.583 --> 12:01.041
Pag wala na ako, gusto kong magpatuloy ka.

12:02.208 --> 12:04.958
Ilibing mo lang ako at wag kang umiyak!

12:05.041 --> 12:08.083
Kasi lalaki ka, anak!

12:08.583 --> 12:11.333
Wag kang magtagal sa puntod ko. Umalis ka.

12:11.875 --> 12:13.958
At alagaan mo'ng mama mo,

12:15.125 --> 12:16.166
at kapatid mo.

12:16.666 --> 12:19.375
-Pa, gas station po ba 'yon?
-Saan?

12:19.958 --> 12:20.833
Pa?

12:20.916 --> 12:21.833
Tingin…

12:21.916 --> 12:23.625
Tingin n'yo talaga matanda na 'ko?

12:23.708 --> 12:26.791
Bata ka!
Itikom mo'ng bibig mo, tumahimik ka!

13:02.708 --> 13:04.166
Iihi lang ako.

13:20.291 --> 13:21.375
Walang gas.

13:21.458 --> 13:23.875
Bumili ka ng makakain para sa kapatid mo.

13:23.958 --> 13:25.375
Wag lang matatamis.

13:25.875 --> 13:26.833
Sige.

13:39.166 --> 13:42.750
WALA NANG GAS SA STATION.
MARE-REFILL BUKAS NG UMAGA.

13:43.833 --> 13:45.458
Magkaka-gas daw sila bukas.

15:11.625 --> 15:14.000
Sino 'yong lokong batang dumura sa 'min?

15:14.083 --> 15:15.333
Ano'ng gusto mo? Ha?

15:15.416 --> 15:17.916
-Hoy! Tingin mo, siraulo kami?
-Wala akong ginagawa!

15:18.000 --> 15:19.333
Nakita kita! Lahat kami!

15:19.416 --> 15:20.875
Niloloko mo 'ko? Ikaw nagsimula!

15:20.958 --> 15:23.708
Gusto mo, ipakita ko'ng dashcam,
nagsisigaw kang parang gago?

15:23.791 --> 15:26.500
-Ano'ng nangyayari?
-Ayos lang sa inyong dinuraan niya kami?

15:34.666 --> 15:35.916
Dinuraan mo ba sila?

15:36.000 --> 15:37.500
Pa, sila 'yong sumingit sa 'yo.

15:37.583 --> 15:40.291
Walang sumingit sa 'kin!
Ano'ng problema mo?

15:40.875 --> 15:42.291
-Pero—
-Wag ka sumabat! Tama na!

15:42.875 --> 15:46.000
-Totoo—
-Tama na! Ayokong makarinig ng kahit ano!

15:46.083 --> 15:46.916
Hoy!

15:47.000 --> 15:50.541
-Wala silang ginawa! Tumahimik ka!
-Guys, ano'ng nangyayari?

15:50.625 --> 15:53.041
-Ipapakita ko sa 'yo!
-Sir, tama na po. Okay lang.

15:53.541 --> 15:55.750
Kahit may ginawang mali 'yong anak n'yo,

15:55.833 --> 15:57.458
okay lang. Lahat tayo, nagkakamali.

15:58.041 --> 15:59.583
Saka…

16:01.333 --> 16:02.166
ang bait niya.

16:02.250 --> 16:04.833
Sige na, sir.
Patawarin n'yo na siya, para sa 'kin.

16:04.916 --> 16:06.583
Tara, samahan mo 'ko sa store.

16:10.916 --> 16:13.833
Nilibot ko'ng lugar kanina.
Wala naman akong nakita.

16:13.916 --> 16:15.458
Magre-restock sila ng gas bukas.

16:15.541 --> 16:17.666
Naka-lock 'yong pinto, restricted lahat.

16:23.625 --> 16:25.750
PARA SA FEEDBACK AT REKLAMO
TUMAWAG SA 7785226

16:28.041 --> 16:29.041
Teka lang.

16:40.333 --> 16:41.583
Hi, boss!

16:42.416 --> 16:43.375
Pare?

16:43.875 --> 16:44.875
May tao ba? Hoy!

16:45.375 --> 16:48.958
…Ang kaluluwa ko ay kasama ng di nakikita
Lumulutang sa langit nito

16:49.041 --> 16:50.791
Hindi napigilan ng pagkautal si Moses…

16:50.875 --> 16:53.708
Kakaiba. Walang gas
pero puno ng stocks 'yong store.

16:54.208 --> 16:56.166
Totoo. Lahat dito, weird.

16:58.416 --> 17:01.125
First road trip ko 'to kasama ng girls.

17:02.166 --> 17:05.250
Winarningan kami ng lahat
tungkol sa Death Road.

17:05.916 --> 17:08.375
Wala naman kaming nakita.
Ikaw 'yong pinakanakakatakot.

17:08.458 --> 17:09.291
Ako?

17:09.791 --> 17:12.666
Hindi! Sinasabi ko sa 'yo,
kayo 'yong nagsimula!

17:13.250 --> 17:15.125
Okay lang, wala namang harm.

17:15.916 --> 17:16.833
Ilang taon ka na?

17:19.708 --> 17:20.750
Seventeen.

17:22.916 --> 17:24.083
Mukha kang mas matanda.

17:28.458 --> 17:29.541
Ako si Nadia.

18:03.625 --> 18:05.958
Okay. Ano'ng flavors gusto mo?

18:06.041 --> 18:08.500
Chips with salt, with vinegar, with—

18:21.583 --> 18:22.916
Saan siya nanggaling?

18:23.916 --> 18:25.916
Diyos ko po. Ano'ng kailangan mo, bata?

18:34.333 --> 18:35.833
A, excuse me, a…

18:35.916 --> 18:37.250
Abu Merdaa.

18:37.916 --> 18:40.833
-Nice to meet you, Abu Mertaa.
-Merdaa.

18:42.458 --> 18:45.208
Nabasa namin,
bukas pa mare-refill 'yong gas.

18:45.291 --> 18:48.000
May meeting ako,
kailangan kong ipaalam sa kanilang

18:48.083 --> 18:50.375
di ako makakapunta,
walang internet 'yong phone ko.

18:50.875 --> 18:51.875
May phone ka ba?

18:52.625 --> 18:54.166
Wala, wala akong phone.

19:02.250 --> 19:04.333
Wag ka nang magbayad. Libre ko na.

19:20.750 --> 19:23.125
Sandali lang. Anong tunog 'yon?

19:23.208 --> 19:25.041
-Anong tunog?
-Niloloko mo ba 'ko, pre?

19:25.125 --> 19:26.166
Nagri-ring 'yong phone.

19:26.250 --> 19:28.750
-Kailangan nga naming tumawag!
-Hinaan mo'ng boses mo.

19:29.333 --> 19:32.333
Phone ko 'yon.
Ibibigay ko kahit kanino ko gusto.

19:33.458 --> 19:35.166
Hinaan mo o hihinaan ko para sa 'yo.

19:41.416 --> 19:42.916
Thirty-five.

19:58.833 --> 20:00.416
Thirty-five 'tong mga 'to.

20:00.916 --> 20:03.000
Saka 'yong ninakaw mo, 36.5.

20:38.875 --> 20:40.875
May pwede ba kaming matulugan?

20:44.000 --> 20:46.000
Masama'ng kutob ko dito.

20:46.875 --> 20:50.250
May phone siya sa store.
Nagpapanggap din siyang bulag.

20:50.958 --> 20:52.958
Ano naman sa 'yo, bata ka?

20:53.041 --> 20:55.416
Kahit bulag pa siya o may sampung mata!

20:55.916 --> 20:59.166
Anak, ang isang lalaki,
mahuhusgahan lang sa kilos niya.

20:59.666 --> 21:02.208
Pwede niyang gawin
kahit ano'ng gusto niya sa phone niya.

21:02.291 --> 21:05.500
-Welcome sa inyong lahat!
-Sige, tumahimik ka.

21:06.083 --> 21:07.291
Welcome!

21:07.375 --> 21:08.833
Bale, 200 isang kuwarto.

21:09.333 --> 21:11.416
Hanggang dalawa lang kada kuwarto.

21:11.916 --> 21:15.541
Kung kukuha kayo ng room
para sa 300 tao, di pwede 'yon!

21:16.583 --> 21:18.625
Pag kama ng bata, 30.

21:20.416 --> 21:22.666
Bawal na bawal manigarilyo!

21:22.750 --> 21:26.541
Pati 'yong mga upos ng sigarilyo
sa may pinto. Hindi pwede!

21:26.625 --> 21:28.041
Bawal 'yong mga hookah o baga!

21:28.541 --> 21:31.166
Bawal maglaro,
papaikutin 'yong uling nang gano'n!

21:31.250 --> 21:32.250
Hindi pwede!

21:33.166 --> 21:35.291
Bawal mag-party. Hindi pwede.

21:35.875 --> 21:38.750
Ayokong makarinig
ng kahit anong ingay, please lang.

21:49.083 --> 21:50.166
Gutom na ba kayo?

21:52.500 --> 21:56.416
Welcome! Maupo kayo!

21:56.500 --> 22:00.250
Pasensya na kayo.
Ang totoo, sinusukat ko lahat sa kamay ko.

22:00.333 --> 22:03.000
Kamay ko 'yong measuring cup.
Iniitsa ko lang nang ganito.

22:04.958 --> 22:06.333
Paano mo naluto 'yan?

22:07.208 --> 22:08.250
Wala ka na do'n.

22:08.750 --> 22:09.791
Bata ka!

22:09.875 --> 22:12.666
Wag mong pintasan
ang pagkain na binigay sa 'yo!

22:13.875 --> 22:15.458
May staff akong kaedad mo.

22:15.541 --> 22:18.583
Kumuha siya ng gas, babalik siya bukas.

22:21.791 --> 22:24.333
Uy, may dala akong espesyal para sa 'yo.

22:25.083 --> 22:25.958
Hot sauce.

22:27.791 --> 22:29.333
Ano 'to mismo?

22:30.500 --> 22:31.833
Special sauce 'yan.

22:32.416 --> 22:34.333
Special sauce?

22:35.791 --> 22:38.958
Ilang patak lang, ayos na 'yan.

22:39.708 --> 22:41.375
Sige.

22:42.041 --> 22:43.458
Wala bang tubig, o ano?

22:43.541 --> 22:45.000
Diyos ko, di mo ba nakikita?

22:45.083 --> 22:46.750
Nandiyan na! Bulag ka ba?

22:47.583 --> 22:48.750
Ako? Bulag?

22:49.833 --> 22:51.666
Ikaw 'yong bulag, Abu

22:52.291 --> 22:53.291
Meryaa.

23:13.833 --> 23:14.791
Abu Merdaa!

23:18.083 --> 23:19.333
Pasensya ka na!

23:26.500 --> 23:28.041
Bata ka!

23:28.125 --> 23:30.833
Hindi mo ba isasara 'yang bunganga mo?

23:30.916 --> 23:32.958
-Pero, Pa—
-Tumahimik ka!

23:33.041 --> 23:34.166
Umalis ka rito!

23:34.750 --> 23:36.250
Pero, Pa, gutom na gutom na 'ko.

23:36.333 --> 23:37.916
Wala kang pagkain!

23:39.250 --> 23:40.500
Umalis ka na!

25:16.583 --> 25:19.041
Eto na'ng matapang, bayani,

25:19.125 --> 25:20.958
na handang sakupin ang mundo!

25:22.416 --> 25:24.041
Di ka magiging lalaki diyan.

25:30.000 --> 25:31.000
Nag-dinner ka na ba?

25:31.916 --> 25:32.750
Hindi pa.

25:33.250 --> 25:35.083
Vegetarian ako. Di ako kumakain ng meat.

25:36.333 --> 25:37.625
Ba't gising ka pa?

25:41.875 --> 25:43.416
Parang may mali sa pakiramdam.

25:44.666 --> 25:46.375
Ako din. Maniniwala ka ba?

25:51.083 --> 25:52.583
May ipapakita ako sa 'yo.

25:55.500 --> 25:56.541
Tingnan mo 'to.

25:58.083 --> 26:01.291
Di ko alam ang dahilan
Kung bakit mahal kita

26:01.375 --> 26:05.375
-Di pa pinapakita
-Tumahimik ka. Baka may makarinig sa 'yo.

26:15.166 --> 26:16.125
Narinig mo 'yon?

26:17.333 --> 26:18.166
Ano?

26:24.458 --> 26:25.666
May ingay.

26:28.250 --> 26:29.416
Tingnan natin.

26:29.500 --> 26:31.791
Wag. Hindi ka pupunta kahit saan.

26:32.333 --> 26:34.375
Ako'ng titingin. Dito ka lang.

26:35.916 --> 26:36.958
Okay. Go.

27:01.625 --> 27:02.708
May tao ba?

27:09.833 --> 27:11.625
Diyos ko po.

27:15.416 --> 27:16.791
Sino 'yan?

27:50.000 --> 27:51.125
Makakaasa ka.

27:51.791 --> 27:54.041
Tara. Tulungan mo akong malipat siya.

28:08.791 --> 28:09.750
Buksan mo 'to.

28:22.291 --> 28:24.000
Pangatlo na 'to ngayong gabi.

28:24.583 --> 28:27.666
Dinalhan ko kayo ng makakausap,
para may kasama kayo.

28:27.750 --> 28:32.083
Di ko alam kung kaibigan n'yo siya,
ka-partner o ka-member ng gang n'yo.

28:32.583 --> 28:34.708
Isa pa, pwede na kayong maglaro ng Baloot.

28:35.708 --> 28:38.000
May kailangan ba kayo? Kahit ano?

28:38.625 --> 28:40.750
Buwisit kayo.

28:41.666 --> 28:44.083
Puro mga masasama ang nandiyan sa loob.

28:45.916 --> 28:49.916
Hintayin n'yong mag-flush ako ng inidoro.
Babahain ko kayo diyan.

28:50.541 --> 28:52.541
Isama natin 'yong pangatlo diyan. Tara.

28:53.041 --> 28:54.833
Ano'ng nangyayari? Sino sila?

28:54.916 --> 28:56.166
Wala ka na do'n.

28:56.750 --> 28:59.166
Gusto ko lang malaman kung sino sila.

28:59.250 --> 29:02.666
Abu Merdaa, sige na, sabihin mo sa 'kin.
Ano 'yon? Ano 'yong nakita ko?

29:02.750 --> 29:05.750
Kailangan ko na talagang matulog
bago magising 'yong papa ko.

29:05.833 --> 29:08.541
Good luck.
Tanghali na magigising ang papa mo.

29:08.625 --> 29:11.875
E, di, wag na siya. Kailangan kong
maintindihan. Ano'ng meron sa kanila?

29:11.958 --> 29:12.875
Ano 'to?

29:12.958 --> 29:14.625
Manahimik ka na lang at manood.

29:28.750 --> 29:29.708
Pasok.

29:46.833 --> 29:47.750
Wow!

29:51.750 --> 29:53.208
Diyos ko!

29:54.250 --> 29:55.708
Ano 'tong mga 'to?

29:55.791 --> 29:57.250
Ano 'tong mga armas na 'to?

30:00.041 --> 30:02.208
Ano 'to? Nasa military ka ba?

30:02.291 --> 30:03.250
Dati.

30:03.333 --> 30:05.250
Ginamit mo lahat ng mga armas na 'to?

30:05.333 --> 30:07.791
Wag mong hawakan ang gamit ko.

30:11.833 --> 30:12.875
Teka lang.

30:14.000 --> 30:15.208
Sino 'yong mga 'yon?

30:16.125 --> 30:17.875
Nagpupuslit sila ng drugs.

30:19.250 --> 30:20.875
Kung saan-saan sila nagpupunta.

30:20.958 --> 30:22.333
OPISYAL, NABULAG SA DRUG RAID

30:22.666 --> 30:23.916
Akala, walang nakakapansin.

30:24.000 --> 30:24.916
GUARD, INILIGTAS ANG OPISYAL
SA PANANAMBANG

30:25.000 --> 30:27.000
INILARAWAN NG SAKSI ANG ISANG BULAG
NA NANGUNGUNA SA LABANAN

30:27.083 --> 30:28.458
PAANO NAGING SANDATA
SA TRAFFICKING ANG GUARD?

30:28.541 --> 30:30.333
Pero kahit saan, may mga mata.

30:31.000 --> 30:32.125
Ako'ng mga matang 'yon.

30:32.208 --> 30:33.833
GUARD NANGUNA SA RESCUE NG HOSTAGE

30:33.916 --> 30:35.791
Bakit di ka tumawag sa narcotics control?

30:35.875 --> 30:38.291
Sobra-sobra na'ng ginagawa nila.

30:39.041 --> 30:40.791
Nandito ako para tumulong.

30:42.416 --> 30:43.750
Ano 'yong red na pindutan?

30:45.000 --> 30:46.125
Ingat.

30:46.208 --> 30:48.125
Pindutin mo 'yan pag emergency.

30:48.208 --> 30:49.250
Emergency?

30:49.833 --> 30:50.833
Kailan 'yon?

30:50.916 --> 30:53.166
Malamang ngayong gabi.

30:53.666 --> 30:55.416
Pero sasabihin ko'ng totoo,

30:55.500 --> 30:57.416
pumasok ka sa kuwarto mo,

30:57.500 --> 30:59.125
isara mo'ng pinto,

30:59.208 --> 31:02.125
matulog ka sa tabi ng papa mo,
matulog ka nang mahimbing.

31:02.708 --> 31:04.833
Pero gaya ng nakikita mo…

31:07.833 --> 31:09.291
bulag ako.

31:10.375 --> 31:12.708
Pero tatapatin kita, magpapakatotoo ako,

31:12.791 --> 31:14.833
kailangan ko ng tulad mo

31:14.916 --> 31:16.833
para maasahan ko ngayong gabi.

31:16.916 --> 31:19.208
Mapagkakatiwalaan, may kakayahan.

31:19.750 --> 31:21.208
Tunay na lalaki gaya mo.

31:22.666 --> 31:23.875
O natatakot ka ba?

31:23.958 --> 31:25.583
Kay Papa lang ako natatakot.

31:26.583 --> 31:28.041
Maghanda ka na.

31:29.458 --> 31:30.833
Ano'ng ipapagawa mo sa 'kin?

31:30.916 --> 31:32.541
Gusto ko, maging mata kita.

31:33.541 --> 31:35.583
Gusto ko, pumalit ka sa 'kin ngayong gabi.

31:36.083 --> 31:38.833
Isuot mo 'tong earpiece,
makinig ka sa lahat ng sasabihin ko.

31:39.333 --> 31:41.375
Tingnan mo lahat ng papasok at lalabas.

31:41.958 --> 31:45.125
Pag may nakita kang kahina-hinalang kilos,
sabihin mo sa 'kin.

31:45.625 --> 31:46.666
Magmasid ka.

31:46.750 --> 31:49.375
Pwede kang mapahamak kahit saan.

31:49.875 --> 31:51.333
Ngayon, sige, maghanda ka na.

32:02.166 --> 32:03.250
Nandiyan ka lang pala!

32:04.916 --> 32:07.250
-Nawala ka, saan ka nagpunta?
-Hindi, a!

32:07.833 --> 32:09.125
Hinanap kita kung saan-saan.

32:09.208 --> 32:11.541
Sabi ko, "Nasaan siya?
Ano'ng nangyari sa kanya?"

32:14.166 --> 32:15.166
Nag-alala ako sa 'yo.

32:16.166 --> 32:17.041
Talaga?

32:18.625 --> 32:20.291
Ba't ka nga pala nandito?

32:20.375 --> 32:21.583
Nasaan si Abu Mertaa?

32:22.166 --> 32:24.708
Sabi niya, bantayan ko 'tong store
para makatulog siya.

32:25.750 --> 32:28.041
Baka kasi may nangangailangan diyan.

32:29.250 --> 32:30.250
Teka lang.

32:44.250 --> 32:45.416
Ano'ng ginagawa mo?

32:45.500 --> 32:46.541
38.5.

32:47.041 --> 32:48.875
Wala pa'ng pie na ninakaw mo.

32:50.500 --> 32:52.708
Kung makikita ka lang ni Abu Mertaa!

32:53.208 --> 32:54.458
Di nga siya nakakakita.

33:13.500 --> 33:14.916
May pilgrims bus dito.

33:15.625 --> 33:16.958
Wag nating papasukin.

33:17.041 --> 33:19.625
Mga guest sila ng Most Merciful.
Paanong di papapasukin?

33:20.125 --> 33:22.500
Papasukin mo, basta alerto ka lang.

34:08.875 --> 34:10.583
Marunong kang mag-Turkish?

34:11.166 --> 34:12.291
Ha?

34:13.625 --> 34:14.833
Marunong kang mag-English?

34:21.333 --> 34:23.125
Hinahanap ko 'yong nagtatrabaho dito.

34:23.208 --> 34:24.666
'Yan 'yong gago.

34:25.833 --> 34:29.416
Na-meet ko siya last year.
Nag-bus stop ako para masuklian ko siya.

34:29.500 --> 34:32.625
May hinahanap daw siyang lalaki
na nagtrabaho dito.

34:34.958 --> 34:35.958
Papa ko?

34:36.666 --> 34:38.500
'Yong lalaking nagtatrabaho dito?

34:39.375 --> 34:40.500
Papa niya?

34:41.375 --> 34:42.500
Oo.

34:52.958 --> 34:54.333
Nasa ospital 'yong papa ko.

34:54.833 --> 34:56.125
Nasa ICU.

34:56.791 --> 34:58.125
Fifty-fifty.

34:58.958 --> 35:01.791
Nag-aagaw-buhay daw
ang papa niya sa ospital.

35:03.833 --> 35:05.583
Sana gumaling na'ng papa mo.

35:06.166 --> 35:07.416
Umaasa ka talaga, ha!

35:07.500 --> 35:08.750
Sa kanya dapat 'yong malas.

35:08.833 --> 35:11.708
Mahirap magtanggal ng mga daga
sa disyerto.

35:12.583 --> 35:14.541
Ang bilis nilang dumami.

35:21.583 --> 35:23.958
Kumusta 'yong weather sa country mo?

35:24.041 --> 35:25.708
-Maganda do'n. Oo.
-Mm?

35:25.791 --> 35:27.458
-Gusto kong magpunta.
-Punta ka.

35:27.541 --> 35:30.083
-Kunin mo'ng number ko.
-Gusto ko 'yan.

35:30.166 --> 35:33.083
-Kunin mo'ng number ko.
-Okay. Sige. Kukunin ko.

35:33.166 --> 35:35.291
Uy, kayong lahat! Closed na kami! Sige na!

35:35.375 --> 35:37.166
Sige na, kilos na!

35:37.250 --> 35:38.541
Dito 'yong bus. Sige na.

35:38.625 --> 35:41.375
Sige na, Muhannad, bilis! Lakad na!

35:41.458 --> 35:43.166
Closed na kami.

35:43.750 --> 35:46.500
Sige na, matulog ka na. Alis na.
Sige, alis na.

35:55.291 --> 35:56.875
Okay, Rakan, matutulog na 'ko.

35:56.958 --> 35:58.208
Matulog ka na, okay?

35:58.708 --> 35:59.583
Bye.

36:07.333 --> 36:08.666
Nasa bus na siya.

36:08.750 --> 36:11.166
Salamat sa Diyos. Buti, umalis na.

36:14.208 --> 36:17.000
Sige, matulog ka na. Magsasara na ako.

36:49.750 --> 36:51.041
Diyos ko.

36:54.291 --> 36:56.500
Panginoon,
iligtas mo kami, palakasin mo kami.

37:00.583 --> 37:02.083
Hay, Diyos ko.

37:35.416 --> 37:36.583
Rakan!

37:36.666 --> 37:37.875
Narinig mo 'yon?

37:38.541 --> 37:40.458
Bumalik ka sa kuwarto mo, do'n ka lang!

38:12.666 --> 38:14.666
MADE IN SAUDI ARABIA

40:33.791 --> 40:35.833
Bitawan mo si Tito Abu Merdaa!

41:24.083 --> 41:25.750
Sige, salamat.

41:42.041 --> 41:43.291
Tito Abu Merdaa.

41:44.166 --> 41:45.875
Sabihin mo, okay ka lang ba?

41:48.166 --> 41:49.166
Ayos lang ako.

41:49.833 --> 41:50.666
A—

41:51.541 --> 41:54.958
Sorry, tinawag kitang Abu Meryaa
no'ng nagdi-dinner tayo.

41:55.041 --> 41:55.916
Hindi.

41:56.833 --> 41:58.083
Matapang ka.

41:59.250 --> 42:03.833
Maaasahan ka at matulungin. Magaling ka pa
sa sampung lalaking pinagsama sama.

42:04.541 --> 42:06.666
Iba ka.

42:09.708 --> 42:11.166
Magpahinga na tayo.

42:11.250 --> 42:12.958
Matulog ka na. Sige na.

42:21.791 --> 42:22.958
Sige na, tulog na.

42:45.625 --> 42:46.541
Bumangon ka na!

42:48.041 --> 42:48.875
Buma—

42:49.958 --> 42:51.541
Pinaglaruan mo'ng aparato ko?

42:52.125 --> 42:53.208
Ha?

42:53.291 --> 42:54.958
Bumangon ka na! Aalis na tayo!

42:55.625 --> 42:57.791
Nagdasal na sila ng tanghali!

43:00.458 --> 43:02.666
Rakan. Bakit tulog ka pa?

43:04.833 --> 43:06.416
Sige, Ma. Nandiyan na.

43:08.083 --> 43:09.125
Tara na! Late na tayo!

43:20.166 --> 43:22.041
-Good morning!
-Good morning!

43:22.125 --> 43:24.125
-'Musta ka?
-Ayos lang ako.

43:24.208 --> 43:25.041
-Ano?
-Good.

43:25.125 --> 43:28.208
-Aalis na kayo? Nagpa-gas na kayo?
-Oo, aalis na kami.

43:28.708 --> 43:31.000
Pero parang panaginip 'yong kahapon.

43:31.083 --> 43:33.958
Gusto ko nang umuwi,
ikukuwento ko sa asawa ko lahat.

43:34.041 --> 43:36.333
Parang di siya maniniwala!

43:39.375 --> 43:40.375
Rakan?

43:41.750 --> 43:42.625
Ano'ng problema?

43:44.166 --> 43:45.416
A, wala.

43:48.291 --> 43:49.625
Nice meeting you.

43:53.125 --> 43:55.250
Bye.

44:03.083 --> 44:04.833
Pagpalain kayo ng Diyos!

44:05.541 --> 44:07.166
Sana, makauwi kayo nang maayos!

44:07.250 --> 44:09.833
Ingat sa biyahe!

44:09.916 --> 44:12.583
Pero libre na'ng gas n'yo.

44:13.083 --> 44:15.583
Pagpalain ka ng Diyos.

44:16.541 --> 44:19.208
Gusto lang sana kitang tanungin
tungkol sa…

44:20.250 --> 44:21.166
Sige lang.

44:21.666 --> 44:23.791
'Yong special sauce,

44:23.875 --> 44:27.000
baka meron ka pa diyan?

44:27.083 --> 44:28.750
Nagtabi ako ng isang bote.

44:29.375 --> 44:31.833
Pagpalain ka ng Diyos! Salamat.

44:31.916 --> 44:34.875
Sana, meron ka ulit pagkatapos ng 20 days.

44:34.958 --> 44:37.125
Ayos. Loyal customer mo na ako.

44:37.208 --> 44:38.125
Pagpalain ka.

44:38.208 --> 44:41.750
At pasensya ka na
sa pasaway na batang 'to.

44:42.416 --> 44:44.000
Pasensya na.

44:44.083 --> 44:46.416
Alam mo, itong anak namin, may pagkatanga.

44:46.500 --> 44:48.791
Pero matalino siya at maaasahang bata.

44:48.875 --> 44:50.375
Lalaking may kakayahan talaga.

44:51.458 --> 44:53.250
Lalaki? Oo, tama!

44:53.333 --> 44:55.375
Bakit di mo siya payagang mag-drive?

44:55.458 --> 44:57.666
Sige! Hahayaan kong mag-drive
itong "lalaki"!

44:59.625 --> 45:00.750
Gusto mo bang mag-drive?

45:03.208 --> 45:04.750
Ayoko. Gusto kong maglaro.

45:06.125 --> 45:07.708
Sige, bye.

45:07.791 --> 45:08.666
Bye.

45:08.750 --> 45:11.458
Pagpalain kayo, ingat sa biyahe.

45:11.958 --> 45:13.166
Pagpalain kayo ng Diyos.

45:13.708 --> 45:14.958
Ingat sa biyahe.

49:45.083 --> 49:50.083
Nagsalin ng Subtitle: Redelyn Teodoro Juan
"!
