WEBVTT

00:06.000 --> 00:08.400
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX

00:53.960 --> 00:55.160
Hoy, Map Bitch!

01:13.320 --> 01:15.840
Pupunta ka ba sa gig?
Nagpadala ka ng pera?

01:18.800 --> 01:21.160
-Ayos.
-Salamat.

01:23.200 --> 01:25.080
-Astig ang damit mo.
-Salamat!

01:25.720 --> 01:27.000
Ano ngang kanta nila?

01:27.080 --> 01:28.360
-Tahimik.
-Tahimik.

01:32.440 --> 01:34.320
Kumusta ka pagkatapos sa sementeryo?

01:34.399 --> 01:38.440
'Ayun, nagka-hangover pero ayos na. Ikaw?

01:39.240 --> 01:40.920
Nag-enjoy ako roon.

01:42.759 --> 01:44.119
May practice kayo?

01:44.199 --> 01:46.199
-Oo.
-The Cate Blanchetts, tama?

01:46.280 --> 01:50.039
Hindi, Chronic Fatigue na.
Ewan ko lang kung 'yon na talaga.

01:50.119 --> 01:52.320
Sana nakapagpasya na kami sa Biyernes.

01:52.399 --> 01:53.240
Biyernes?

01:53.320 --> 01:55.559
Pumayag si Papa na tumugtog kami sa bahay.

01:56.160 --> 01:58.320
Nag-iipon kami
para sa Global Women's Project.

01:58.399 --> 01:59.759
Astig.

01:59.839 --> 02:02.600
May mga slap band ticket kami at iba pa.

02:04.399 --> 02:05.679
Mala-90s.

02:05.759 --> 02:08.840
-Oo nga. Puwedeng bumili sa 'yo?
-Oo.

02:08.919 --> 02:11.440
Sina Ant at Spider ang nagbebenta.

02:11.519 --> 02:12.440
Ant at Spider?

02:12.519 --> 02:14.799
Oo, maganda kung makapunta ka, Amerie.

02:19.160 --> 02:21.920
Uy! Dito! Amerie, halika rito!

02:23.079 --> 02:24.600
-Bagong BFF natin.
-Kumusta?

02:24.680 --> 02:26.000
-Kumusta?
-Uy.

02:31.160 --> 02:34.440
Ganyan nag-uumpisa
ang isa sa paborito kong porn video.

02:34.519 --> 02:38.560
Bakit sumikat kaagad siya?
Gusto ko ring makipagdibdiban kay Dusty.

02:38.640 --> 02:40.720
Kailangan ko no'ng slap band.

02:41.320 --> 02:44.359
Walang magbebenta sa 'yo ng basurang 'yon.

02:44.440 --> 02:48.079
Kasalanan mo kung bakit nasa SLTs sila,
'di ba? Tara na.

02:54.920 --> 02:55.760
Uy.

02:57.000 --> 02:57.840
Kumusta?

02:58.440 --> 03:00.519
Nahuli ng pulis si Ant no'ng gabi.

03:00.600 --> 03:01.959
Binalaan lang siya.

03:04.640 --> 03:05.920
Binilisan dapat niya.

03:07.440 --> 03:08.280
Uy, sandali.

03:09.720 --> 03:10.760
'Wag.

03:11.560 --> 03:15.600
Nandito 'yong galos ko.

03:32.000 --> 03:37.000
Ant! Uy! Puwede ba kitang makausap?

03:37.079 --> 03:39.519
'Di ba, may gig si Dusty sa Biyernes?

03:39.600 --> 03:42.239
Asa ka. Sabi mo,
binigyan ako ng hand job ni Darren.

03:42.320 --> 03:43.399
Totoo, 'di ba?

03:43.480 --> 03:46.720
Oo, pero pareho lang naman
kung nakapikit ka.

03:49.000 --> 03:52.600
Pinahirapan mo ako, Ams.
Sinabi ng pinsan ko sa tita ko

03:52.679 --> 03:55.000
na sinabi sa lola ko,
at ipinost sa Facebook.

03:55.079 --> 03:56.600
Nalaman na ng nanay ko.

03:56.679 --> 03:59.920
Ipinagsisimba niya na ako
nang mas madalas kada linggo.

04:00.000 --> 04:03.480
Pasensya na talaga,

04:03.560 --> 04:07.600
pero walang magbabago
kahit 'di mo ako bentahan ng slap band.

04:07.679 --> 04:11.239
-Maluwag naman sa kalooban ko.
-Hindi ka mabuting Kristiyano.

04:12.399 --> 04:14.760
Si Spider na lang ang kausapin mo, ha?

04:18.039 --> 04:20.320
Kakausapin ko siya. Magandang ideya.

04:20.399 --> 04:22.039
Kakausapin ko na lang siya.

04:22.120 --> 04:24.719
PAGTATALIK AT ANG MGA KAHIHINATNAN

04:25.519 --> 04:29.479
Sa paliwanag na ito, matututo tayong
igalang ang hangganan ng tao.

04:38.000 --> 04:39.440
Ayoko niyang noodles mo.

04:39.520 --> 04:44.320
Gusto mo. Gusto kong malaman ng lahat
kung gaano kasarap ang noodles ko.

04:44.400 --> 04:46.120
Hindi ko naman hiningi 'yan.

04:46.200 --> 04:48.800
Ilalagay ko na lang sa mangkok ng iba.

04:48.880 --> 04:51.599
Diyos ko, patayin n'yo na ako.

04:53.880 --> 04:54.719
Hot noodles!

04:54.800 --> 04:56.680
Marumi naman 'yan.

04:56.760 --> 04:58.599
Ibabahagi ko 'to sa mga kaibigan ko!

04:58.680 --> 05:00.560
Gusto nila ang noodles ko.

05:00.640 --> 05:03.599
Napakahaba at maalat.

05:05.200 --> 05:08.640
Sige na. Kainin mo, Stanley. Ubusin mo.

05:08.719 --> 05:10.080
Tama na! Naiinis na ako.

05:10.159 --> 05:13.280
-May extra ballpen ka ba?
-Wala, eh.

05:13.880 --> 05:14.719
Heto.

05:16.320 --> 05:18.760
-Salamat.
-Paborito ko itong ipangguhit.

05:18.840 --> 05:20.280
-Astig.
-Nasisiyahan ako!

05:21.240 --> 05:23.599
Hindi ako komportable sa ginagawa mo.

05:32.520 --> 05:35.479
Binigyan kita ng noodles ko kahit ayaw mo.

05:35.960 --> 05:37.039
Nagkalat na ako.

05:37.120 --> 05:38.640
Palagi na lang ang babae.

05:38.719 --> 05:39.840
NAGTALIK SINA HARPER

05:39.919 --> 05:44.520
Maling representasyon 'yan.
Palagi 'yang ginagawa ng media

05:44.599 --> 05:46.000
at napupuno na ako.

05:48.000 --> 05:50.240
-Kadiri. Hindi ko maintindihan.
-'Wag!

05:50.960 --> 05:52.039
Ganyan nga!

05:56.680 --> 05:58.120
Nakikisawsaw sa mangkok?

06:01.359 --> 06:04.039
Hindi ko maintindihan ang itinuturo niyan.

06:04.120 --> 06:06.520
Ba't pinapakain ng babae ang noodles niya?

06:06.599 --> 06:08.359
Misogynist propaganda 'yan.

06:08.440 --> 06:10.159
'Di sabik sa ari ang mga babae.

06:10.240 --> 06:12.159
Ganoon ang lahat ng kakilala ko.

06:12.240 --> 06:13.960
'Di kasali ang nobya sa Sims.

06:14.039 --> 06:15.560
Biro ba 'yon?

06:15.640 --> 06:18.159
Tungkol ito sa panganib ng pagbabahagi ng…

06:18.240 --> 06:19.120
Noodles.

06:19.200 --> 06:20.479
Kalimutan n'yo na 'yon.

06:20.560 --> 06:22.320
Mahirap 'yong kalimutan.

06:22.400 --> 06:24.479
Itinuturong ikahiya ang katawan namin.

06:24.560 --> 06:27.599
Hindi… Binabalaan lang tayo nito

06:27.680 --> 06:30.640
sa kahihinatnan ng pagbabahagi
ng hubad na larawan…

06:30.719 --> 06:32.280
Makikita nilang sexy ako?

06:32.359 --> 06:34.080
-Tama, Missy!
-Tama, Missy!

06:34.880 --> 06:38.840
Hindi, may panganib gaya ng revenge porn,
iiwasan ng mga kaibigan,

06:38.919 --> 06:40.039
at malaswa 'yon.

06:40.120 --> 06:43.240
Noon pa nagsimula
ang pagbabahagi ng hubad na larawan.

06:43.320 --> 06:45.400
Gaya ng mga nakapinta sa kuweba, sining.

06:45.479 --> 06:47.120
Renaissance titties.

06:47.200 --> 06:48.760
-Salamat, Ant.
-Tama.

06:48.840 --> 06:52.039
Maituturing na love language
ang pagpapadala ng nudes.

06:52.120 --> 06:53.719
Tama. May punto ka.

06:54.440 --> 06:57.440
Alam kong hindi kayo mapipigilan
ng video na ito,

06:57.520 --> 06:59.640
pero may mga mas matalinong paraan.

06:59.719 --> 07:01.919
Kung 'wag n'yong isama ang mukha?

07:02.000 --> 07:04.120
Madaling makilala ang ari ko, Ma'am.

07:04.200 --> 07:05.599
'Di ko papatulan 'yan.

07:05.680 --> 07:08.440
Sige, kuhanan n'yo.
Pero 'wag 'yong makikilala kayo.

07:08.520 --> 07:09.400
Ano raw?

07:09.479 --> 07:11.159
Pagkatuwaan n'yo pa.

07:11.239 --> 07:13.840
Puwedeng magbalatkayo, maskara, o costume,

07:13.919 --> 07:17.680
humanap ng malikhaing paraan
para makuhanan nang walang mukha

07:17.760 --> 07:20.680
at hindi magagamit laban sa inyo.
Walang anuman.

07:24.080 --> 07:26.080
Dumako na kaagad tayo sa kasunod.

07:26.159 --> 07:27.840
Pagbabahagi nang walang paalam.

07:27.919 --> 07:31.359
Kung may anonymous na tanong kayo,
ihulog lang sa kahon.

07:31.440 --> 07:32.799
-Sige.
-Ihulog sa kahon.

07:33.719 --> 07:35.039
Walang kwentang klase.

07:35.120 --> 07:36.760
Oo nga. Salamat, Map Bitch.

07:36.840 --> 07:38.400
Tama, salamat, Map Bitch.

07:40.080 --> 07:42.919
May ipapakita ako sa 'yo.

07:53.200 --> 07:55.000
-Lintik.
-Sasabihin natin kay Amerie?

07:55.560 --> 07:56.680
Hindi puwede.

07:56.760 --> 07:58.200
NAGTALIK SINA HARPER AT DUSTY

07:59.799 --> 08:01.719
Baka ginamitan ng Liquid Nails.

08:01.799 --> 08:03.400
Lakasan mo pa, Jim!

08:10.760 --> 08:13.239
Ang tanga namin dahil pinanood namin 'yon.

08:13.320 --> 08:15.560
Hindi 'yon ang isyu, Jojo.

08:15.640 --> 08:18.560
Inudyukan mo silang
maglitrato nang nakahubad.

08:18.640 --> 08:19.799
'Di 'yon ang sinabi ko.

08:19.880 --> 08:21.039
'Yon ang narinig nila.

08:21.120 --> 08:24.359
Baka nagse-selfie na sila ngayon
ng kanilang…

08:25.159 --> 08:27.840
May mga magulang mula sa P&C committee

08:27.919 --> 08:29.840
na darating sa loob ng 30 minuto

08:29.919 --> 08:34.000
na gusto ng kongkretong aksyon
para pigilang magtalik ang mga kabataan,

08:34.079 --> 08:38.280
at napakarami kong kinahaharap
na sex map at dildo.

08:38.360 --> 08:41.000
'Wag ka nang lumihis sa curriculum.

08:41.079 --> 08:43.159
Gusto ko ng sarili kong syllabus.

08:43.240 --> 08:46.880
Halos lahat ng lalaki,
'di alam ang consent o ang clitoris.

08:47.439 --> 08:49.240
Kung 'di natin maituturo,

08:49.319 --> 08:51.720
pareho lang tayo
sa mga gumawa ng video.

08:51.800 --> 08:53.439
Kanselahin n'yo ang SLTs.

08:53.520 --> 08:56.120
Nagawa na namin
halos lahat ng ipinagbabawal.

08:56.199 --> 08:58.160
'Di n'yo kami mapipigilan. Pasensya na.

08:58.240 --> 09:01.439
'Yan din ang sinasabi ko kay Bb. Woods.

09:01.520 --> 09:04.480
Diyos ko, nandito na sila.
Jim, takpan mo 'yan!

09:05.000 --> 09:06.319
Kasalanan ko ang lahat.

09:06.400 --> 09:08.959
Kaya bakit 'di na lang ako ang parusahan?

09:09.040 --> 09:13.520
Gng. Vaughn at iba pa,
hindi ba't 10:00 a.m. pa tayo?

09:13.600 --> 09:16.680
Tama lang ang dating namin
para magreklamo, Stacy.

09:17.400 --> 09:18.680
Tama kayo.

09:20.000 --> 09:23.480
Siguradong gustong malaman ni Gng. V
ang bagong klase namin.

09:23.560 --> 09:26.319
Ano'ng sinabi ni Hesus
tungkol sa genital warts?

09:27.720 --> 09:28.880
Grabe.

09:28.959 --> 09:33.280
Sige na, Bb. Woods.
Kanselahin n'yo na ang SLTs. Pakiusap.

09:33.360 --> 09:35.920
Pag-iisipan ko ang sinabi mo, Amerie.

09:36.000 --> 09:38.360
Punta na tayo sa opisina ko. Dito tayo.

09:42.480 --> 09:43.839
Ayos!

09:48.120 --> 09:49.480
Maganda 'yan.

09:50.560 --> 09:51.640
Nurse Carol?

09:52.640 --> 09:55.319
Naghatid siya ng EpiPen
sa mag-aaral sa oval.

09:56.240 --> 09:58.319
Baka si Jacobs, 'yong grade nine.

09:58.400 --> 09:59.240
Bakit alam mo?

09:59.800 --> 10:02.520
Sikat si Bubble Boy sa lugar na ito.

10:02.600 --> 10:04.120
'Di ba, masamang bansag 'yon?

10:04.839 --> 10:07.800
Hindi, kasi hindi ko naman sasabihin
sa kanya.

10:09.280 --> 10:12.079
Malungkot siguro
'yong palagi kang pinagdidiskitahan.

10:12.160 --> 10:15.280
Kahit nakaupo ka lang at humihinga.
Nabubuhay lang.

10:15.959 --> 10:19.640
Palagi kong nararamdaman 'yan.
Parang ipinupuwersa sa akin

10:19.720 --> 10:21.319
ang Paddle Pop ng patriyarkiya.

10:21.400 --> 10:22.400
Mahilig ako ro'n.

10:22.480 --> 10:24.480
-Ako rin. Paborito mong flavor.
-Sige.

10:24.560 --> 10:26.319
Isa, dalawa, tatlo.

10:26.400 --> 10:28.400
-Saging! Hindi!
-Rainbow!

10:28.480 --> 10:32.079
Nawalan ako ng gana
noong nalaman kong ang rainbow flavor

10:32.160 --> 10:33.600
ay caramel lang pala.

10:33.680 --> 10:35.760
-Caramel? Seryoso?
-Oo. Seryoso.

10:35.839 --> 10:37.400
-'Di ko alam 'yon.
-Totoo.

10:39.280 --> 10:40.160
Astig.

10:40.839 --> 10:42.079
Bakit nasa clinic ka?

10:42.640 --> 10:43.880
Kukuha ako ng biskwit.

10:43.959 --> 10:45.520
'Di nga? May biskwit dito?

10:45.600 --> 10:47.600
Minsan. Nagre-restock kada Lunes.

10:47.680 --> 10:49.079
Ubos na nang Miyerkules.

10:49.160 --> 10:51.240
Dapat Lunes o Martes ka kumuha.

10:51.319 --> 10:52.319
Sige.

10:52.400 --> 10:54.120
Ayos.

10:54.199 --> 10:55.959
Natapos mo ang ginuguhit mo?

10:57.640 --> 10:58.839
Oo.

10:59.319 --> 11:00.760
Puwedeng patingin?

11:02.959 --> 11:03.959
Sige.

11:07.959 --> 11:09.280
Ano ito?

11:09.360 --> 11:11.640
Ang paborito ko,
Angeline of the Underworld.

11:11.719 --> 11:14.160
Demonyong umiinom ng dugo
ng mga lalaking imoral.

11:14.240 --> 11:17.199
Nagpapatakbo rin siya
ng feminist empire business

11:17.280 --> 11:19.839
at nakikipag-date sa tao at…

11:21.000 --> 11:22.400
Ang galing naman nito.

11:24.240 --> 11:25.240
Salamat.

11:25.319 --> 11:27.920
Kung nakakapagdaldalan kayo,
kaya n'yong mag-aral.

11:28.400 --> 11:29.959
Mamaya ulit.

11:31.040 --> 11:31.880
Sige.

11:32.800 --> 11:33.640
Kita-kits.

11:35.520 --> 11:36.839
Nakalimutan mo ang…

11:45.680 --> 11:48.160
Hayop ka, Spider. Gusto ko ng slap band.

11:58.079 --> 11:59.520
Ibabalik ko ang ballpen niya.

11:59.600 --> 12:01.439
Eh, 'di ibalik mo.

12:01.520 --> 12:04.600
Higit pa riyan ang gusto niya, tama ba?

12:06.319 --> 12:07.600
Gusto mo si Sasha?

12:07.680 --> 12:11.520
Pinagnanasaan niya na
noong party pa. Kausapin mo na kasi.

12:11.600 --> 12:12.920
Ano'ng sasabihin ko?

12:13.000 --> 12:15.360
Ganito, "Ang hot mo. Mag-scissor tayo?"

12:15.439 --> 12:17.319
-Hindi puwede! Kasi…
-Bakit?

12:17.400 --> 12:19.959
Kalma lang! "O, ballpen mo. Labas tayo?"

12:20.040 --> 12:21.640
Hindi rin puwede 'yon.

12:21.719 --> 12:23.120
-Puwedeng-puwede.
-Dali.

12:23.199 --> 12:25.000
Sige na. Kaya mo 'yan.

12:25.079 --> 12:26.600
-Ngayon na?
-Oo.

12:42.240 --> 12:44.240
Sabi na sa inyo, hindi ko kaya.

12:44.319 --> 12:46.240
Paano kung hindi niya ako gusto?

12:46.319 --> 12:47.880
Kung mawirduhan siya?

12:47.959 --> 12:49.959
Paano kung gusto niya pa si Missy?

12:53.240 --> 12:54.760
'Di ako bebentahan ni Spider.

12:54.839 --> 12:57.079
Hinahadlangan niya ako kay Dusty.

12:57.680 --> 12:58.520
Bola!

12:58.599 --> 13:00.560
Oo, gago siya.

13:02.560 --> 13:03.439
Tingnan mo.

13:03.520 --> 13:06.120
-Paano mo mapapaibig ang tao?
-Nakakatawa ka.

13:06.599 --> 13:08.120
Ayaw ko ng larong ito.

13:08.199 --> 13:09.640
Alam ko na. Sumunod ka.

13:09.719 --> 13:12.520
-Ayaw ko nang umalis.
-Magsabi ka ng nakakatawa.

13:16.000 --> 13:16.839
Ano ba?

13:16.920 --> 13:17.959
Bakit tayo tumatawa?

13:18.040 --> 13:19.199
Wala. Halikan mo ako.

13:19.280 --> 13:20.120
-Ano?
-'Wag.

13:20.199 --> 13:21.240
Pagselosin natin.

13:21.319 --> 13:22.400
Ba't pagseselosin?

13:22.480 --> 13:23.400
Ayaw ko!

13:23.480 --> 13:25.199
'Wag kang magpanggap na tomboy!

13:25.280 --> 13:26.800
Kunwari lang na gusto mo!

13:30.560 --> 13:32.280
-Hi!
-Hi.

13:33.880 --> 13:34.719
Gusto kita.

13:35.719 --> 13:38.640
Matalino ka, nakakatawa, at napakaganda.

13:38.719 --> 13:40.360
Napakaganda mo talaga.

13:41.040 --> 13:43.319
At napakadaldal mo.

13:43.400 --> 13:45.640
At ayoko n'ong "Empath" sa bio mo.

13:45.719 --> 13:48.199
Ganoon ba? Sige.

13:48.280 --> 13:49.280
Sige.

13:52.400 --> 13:54.240
Gusto mong lumabas sa weekend?

13:57.560 --> 14:00.079
-Gusto ko 'yan. Oo.
-Talaga? Sige.

14:00.160 --> 14:01.640
-Labas tayo.
-Ayos.

14:01.719 --> 14:03.880
Mabuti. Sige, mag-enjoy ka sa laro.

14:03.959 --> 14:05.439
-Sige.
-Mabuti.

14:08.760 --> 14:10.319
Pasensya na, ako na naman.

14:11.400 --> 14:13.680
No'ng sinabi mong "labas tayo,"

14:13.760 --> 14:15.000
ibig mong sabihin…

14:16.079 --> 14:17.199
Gusto mong…

14:18.000 --> 14:20.240
-Mag-date tayo?
-Oo. Mag-date tayo.

14:21.400 --> 14:24.120
Ayos! Mabuti naman at malinaw.

14:24.199 --> 14:25.240
Oo nga.

14:25.319 --> 14:26.199
Paalam.

14:26.280 --> 14:28.040
Paalam.

14:31.040 --> 14:33.360
-Bumalik ka ulit?
-Oo, bumalik ako ulit.

14:33.439 --> 14:36.040
Sa 'yo ito.

14:36.640 --> 14:38.439
Nakalagay rito, Sasha.

14:38.520 --> 14:41.479
Hiniram ko… Binigay mo sa akin
at 'di ko naibalik.

14:41.560 --> 14:42.800
-Alam kong…
-Salamat.

14:42.880 --> 14:45.599
'Ayan na ang ballpen mo.
Magde-date tayo. Ayos.

14:47.560 --> 14:48.719
-Kita-kits!
-Ano ba…

14:50.839 --> 14:52.439
Harps!

14:54.520 --> 14:56.959
Makikipag-date ako!

15:18.040 --> 15:21.439
Hindi puwede. Masyadong masikip
at hindi siya bagay roon.

15:21.520 --> 15:24.040
Sila. Hindi sila bagay roon.

15:25.000 --> 15:27.040
At hindi naman talaga.

15:27.120 --> 15:28.719
Grabe, deretsahan na?

15:29.240 --> 15:31.360
Makakabuti kasi kung dito lang sila.

15:31.439 --> 15:32.959
Mabuti kamo para sa 'yo.

15:33.040 --> 15:36.199
'Di nila ako kinakausap.
Bahay ko lang ang habol nila.

15:36.280 --> 15:37.959
'Yong bahay mo lang talaga.

15:38.040 --> 15:42.040
At masama ang ugali nila.
Mukha raw patay na hayop ang balbas ko.

15:42.120 --> 15:44.360
Dati, tinawag niya akong Black Karen.

15:45.079 --> 15:46.520
-Sila?
-Lintik.

15:48.199 --> 15:50.040
Nako. Ang hirap nito. 'Di ba?

15:50.120 --> 15:52.240
Oo, nakakapagod.

15:52.719 --> 15:53.760
At ngayon…

15:56.560 --> 15:57.400
ikaw naman.

15:59.319 --> 16:00.160
Paalam.

16:01.280 --> 16:02.120
Paalam.

16:04.079 --> 16:06.599
Akalain mong isinulat talaga ito ni Papa?

16:07.079 --> 16:09.599
"Grasa. Mahabang buhok.

16:09.680 --> 16:12.880
"Ang pumipintig na motor
at ang bukas na landas.

16:12.959 --> 16:15.680
"Hinahampas siya ng damit na parang hayop,

16:16.280 --> 16:18.160
at mahigpit na kumakapit."

16:18.240 --> 16:20.839
Paano nanghahampas ang damit
na parang hayop?

16:20.920 --> 16:22.120
Talinhaga lang 'yon.

16:23.280 --> 16:24.800
Sigurado ka ba rito?

16:24.880 --> 16:26.240
Oo, gusto ko ito.

16:29.400 --> 16:30.319
Dumilat ka.

16:32.359 --> 16:33.439
Bakit?

16:36.040 --> 16:36.959
Ano'ng pakiramdam?

16:42.120 --> 16:44.680
-Ayaw ko. Tanggalin mo.
-Sige.

16:58.280 --> 17:00.040
Nakailang nobya na si Sasha?

17:00.120 --> 17:03.040
Limampu? Tapos inaalala mo ang labi mo.

17:04.839 --> 17:06.319
Wala lang sa kanya 'yon.

17:07.960 --> 17:09.480
Tingin mo, mahalaga ako?

17:09.560 --> 17:12.399
Ano ka ba? Napakahalaga mo.

17:12.960 --> 17:13.839
Pakinggan mo.

17:15.839 --> 17:16.839
"Inisip niya ang…"

17:18.040 --> 17:21.760
"Inisip niya ang mga lalaki sa bukid
gaya ng tuktok ng alon

17:21.839 --> 17:24.560
na nagngingitngit
habang papalapit sa kanya.

17:25.760 --> 17:29.359
Malakas na bumabangga.
Inaagaw ang bola mula sa kanya."

17:29.440 --> 17:32.079
Softcore ito. Puwede kong gawing…

17:33.680 --> 17:36.680
-Sinabi ko bang puwede mong basahin 'yan?
-Ang nobela mo?

17:37.720 --> 17:39.399
Hindi na tuloy sunod-sunod.

17:41.240 --> 17:42.960
Pinakikialaman ko ba ang gamit mo?

17:43.040 --> 17:44.800
Kinukuha ko ba ang gamit mo?

17:45.360 --> 17:47.000
Hindi, kasi douche ko 'yan.

17:50.440 --> 17:51.280
Diyos ko.

17:54.000 --> 17:55.600
Ang sama mo ro'n.

17:55.680 --> 17:56.960
Ganoon…

18:03.840 --> 18:04.840
Ant!

18:05.480 --> 18:06.760
Bakit ka nandito?

18:07.600 --> 18:08.919
Pauwi na ako.

18:09.000 --> 18:10.480
'Di ba, taga-Daceyville ka?

18:10.560 --> 18:12.480
Oo, pero makikitulog ako sa tita ko.

18:12.560 --> 18:13.560
Ayos.

18:14.240 --> 18:15.080
Gummies?

18:16.040 --> 18:17.280
THC ba 'yan? O…

18:18.040 --> 18:20.000
'Yon o prenatal vitamins.

18:26.159 --> 18:27.480
Bakit ka nagpakalbo?

18:30.879 --> 18:31.720
Ewan ko.

18:32.760 --> 18:33.720
Gusto ko lang.

18:35.919 --> 18:37.399
Bakit ka nasa labas?

18:38.040 --> 18:41.240
Nagtatago ako. Galit pa rin si Mama
tungkol sa mapa.

18:42.840 --> 18:44.520
Isang hand job lang 'yon.

18:44.600 --> 18:46.520
Sulit naman, 'di ba?

18:48.320 --> 18:49.320
Oo.

18:53.600 --> 18:55.720
Kaya ba 'di na kayo magkaibigan ni Amerie?

18:58.040 --> 19:00.520
Ang tanga ng ginawa niya. Nauunawaan kita.

19:06.399 --> 19:07.240
Oo.

19:13.560 --> 19:15.000
Gaano katagal ang pasa?

19:15.080 --> 19:18.320
Isa o dalawang linggo.
Mas matagal kung malala. Bakit?

19:19.600 --> 19:20.440
Napapaisip lang.

19:23.080 --> 19:25.840
Pakitulungan naman ang kapatid mo
habang nag-iisip?

19:36.679 --> 19:38.120
Nasaan na si Harper?

19:38.679 --> 19:39.520
Wala siya.

19:40.760 --> 19:42.679
Nandito siya kapag taco night.

19:42.760 --> 19:44.200
Hindi na ngayon.

19:44.280 --> 19:48.200
-Dahil ba sinuntok ka niya?
-Tumigil ka na, puwede?

19:48.280 --> 19:49.760
Mas maganda ba siya?

19:51.600 --> 19:53.639
-Mas magaling makipaglaban?
-Tama na.

19:54.120 --> 19:55.200
'Di ko kasalanan.

20:31.200 --> 20:33.159
Pwedeng makitulog sa inyo mamaya?

20:33.240 --> 20:36.520
Oo, kung hindi ko iuuwi ang lalaking 'yon.

20:36.600 --> 20:39.720
Hindi kasi komportable sa bahay sa ngayon.

20:39.800 --> 20:41.800
Minumulto yata ang bahay.

20:41.879 --> 20:43.520
Hindi nakakatawa 'yon!

20:45.399 --> 20:49.280
Siyempre, puwede kang makitulog.
Poprotektahan kita sa multo.

20:49.360 --> 20:52.240
Sabi ni Ca$h, sa ikaapat na gate, 'di ba?

20:52.320 --> 20:56.240
Ca$h! Ca$hy!

20:56.320 --> 20:59.520
Halika rito, sanggano!

20:59.600 --> 21:00.520
Halika na.

21:27.600 --> 21:32.560
MGA LALAKI
$5 FADES

21:35.120 --> 21:37.639
Sino ang susunod? Tapos ka na.

21:37.720 --> 21:38.800
Ayos. Salamat.

21:40.679 --> 21:41.879
Ano'ng kailangan mo?

21:41.960 --> 21:43.399
Gugupitan lang sa likod.

21:43.480 --> 21:44.720
Panlalaki lang dito.

21:44.800 --> 21:46.280
Eh, bakit ka nandito?

21:49.919 --> 21:51.760
$7.50 para sa unang gupit mo.

21:51.840 --> 21:52.720
Bahala ka.

22:07.960 --> 22:08.800
'Ayan.

22:14.320 --> 22:16.320
Bentahan mo na ako ng slap band.

22:16.399 --> 22:18.240
Ano? Bangag ka ba? Ayaw ko.

22:18.960 --> 22:20.560
Puwede raw akong pumunta.

22:20.639 --> 22:23.120
Bakit sa tingin mo,
ako ang ipinagbebenta niya?

22:23.200 --> 22:25.040
Para 'di makapunta ang gaya mo.

22:25.120 --> 22:28.480
$20, 'di ba? Ipapadala ko sa 'yo
ngayon mismo.

22:28.560 --> 22:30.240
Hindi, $80 na ngayon.

22:31.919 --> 22:33.840
Sige na, nakikiusap ako.

22:33.919 --> 22:36.240
Siyamnapu. Magiging $100 na maya-maya.

22:37.360 --> 22:39.919
Hayop ka. Ano bang problema mo sa akin?

22:41.480 --> 22:43.159
Kasalanan mo kaya may SLTs.

22:43.240 --> 22:45.520
Kinansela na ang SLTs. Kaya…

22:45.600 --> 22:46.679
Kinansela na?

22:47.240 --> 22:48.159
Narinig n'yo?

22:49.159 --> 22:50.000
Ano pang iba?

22:51.960 --> 22:54.560
-Gusto mo talagang makapunta?
-Oo, pakiusap.

22:57.120 --> 22:58.240
Isandaang dolyar.

23:03.040 --> 23:06.679
Kunin mo na itong akin.
Gago si Spider, kaya…

23:06.760 --> 23:08.000
Niloloko mo ba ako?

23:08.639 --> 23:10.919
Hindi. Mas nakakatawa pa ako magbiro.

23:11.000 --> 23:13.760
Eh, ano? Naaawa ka?
'Di ko kailangan ng awa mo.

23:13.840 --> 23:15.280
Kasi…

23:15.360 --> 23:16.439
Ano?

23:16.520 --> 23:19.760
Dahil wala nang SLTs,
nararapat ka nang pumunta.

23:24.000 --> 23:24.840
Salamat.

23:26.520 --> 23:30.360
Amerie Wadia, mangyaring pumunta ka
sa opisina ng punong-guro.

23:30.439 --> 23:34.360
Magpapasalamat na kayo ngayon, 'no?

23:34.439 --> 23:36.360
Oo. Salamat, Map Bitch.

23:36.439 --> 23:42.639
-Map Bitch!
-Map Bitch!

23:42.720 --> 23:44.159
Itutuloy ang klase.

23:44.240 --> 23:45.080
Pero sabi mo…

23:45.159 --> 23:48.960
Hindi, Amerie,
pinag-usapan namin ni Bb. Obah

23:49.040 --> 23:52.439
at sang-ayon kaming
may sinabi kang magagandang punto.

23:52.520 --> 23:55.200
Kaya, magaling. Pinupuri kita, Amerie.

23:55.280 --> 23:59.320
Pero malawak ang saklaw
ng sexual literacy tutorials

23:59.399 --> 24:01.080
at marami pang ituturo.

24:01.159 --> 24:04.000
At dahil gusto mo
ng higit pang responsibilidad…

24:04.080 --> 24:05.439
Hindi ko sinabi 'yan.

24:05.520 --> 24:08.320
…na ikinatutuwa namin, pinupuri ulit kita,

24:08.399 --> 24:10.360
nakaisip kami

24:10.439 --> 24:14.679
ng makakatulong sa 'yong
mas makilahok sa klase.

24:15.240 --> 24:16.320
Maupo ka.

24:25.040 --> 24:27.120
Hanggang kailan ako magiging assistant?

24:27.200 --> 24:28.600
Sa katapusan ng term.

24:29.679 --> 24:31.480
Nakakaloka naman ito.

24:31.560 --> 24:34.560
Si Woodsy ang nag-utos nito, hindi ako.

24:35.120 --> 24:38.720
Lagot. Galit silang lahat.
Narinig mo naman ang bansag sa'kin.

24:38.800 --> 24:43.240
Oo, Map Bitch.
Pero wala pa 'yan sa pinagdaanan ko.

24:44.399 --> 24:45.360
Ano 'yon?

24:46.360 --> 24:51.280
Noong grade nine ako, nagtangka kami
ng best friend kong pumuslit sa canteen.

24:51.360 --> 24:54.439
Naiangat namin ang roller door
nang ilang pulgada,

24:54.520 --> 24:59.080
nakagapang siya pero naipit ako.
Nakapasok ang kalahating katawan.

24:59.840 --> 25:05.439
Nakita ako ni Christie Chaka
at nagsuksok siya ng Le Snak sa puwit ko.

25:05.520 --> 25:08.760
Mula noon, tinawag na akong "Le Crack."

25:10.199 --> 25:13.159
Bakit hindi ka tinulungan ng kaibigan mo?

25:13.240 --> 25:15.000
Tumakas na siya.

25:15.840 --> 25:16.960
Nauunawaan ko 'yan.

25:18.520 --> 25:20.600
May kasama kang gumawa ng mapa, 'no?

25:21.080 --> 25:23.080
Hindi na mahalaga 'yon.

25:23.159 --> 25:24.840
Bakit pala kayo pumuslit?

25:24.919 --> 25:27.879
Kasi may… Gutom kami.

25:28.360 --> 25:29.280
Bangag kayo.

25:30.360 --> 25:35.199
Diyos ko! Bangag kayo!
Mahilig kang humithit, 'no, Ma'am?

25:35.280 --> 25:37.120
Teka nga. Nasaan na sila?

25:37.199 --> 25:40.840
Nasabi ko sa kanilang kanselado na ito.

25:42.560 --> 25:45.919
Eh, 'di gawin na lang natin
pagkatapos ng klase, 'di ba?

25:48.560 --> 25:50.159
Diyos ko.

25:51.000 --> 25:55.399
Noong nakaraan, tinalakay natin
ang mga epekto ng sexting sa mga tao.

25:55.480 --> 25:59.120
Ngayon, ipapakita kung gaano kabilis
kumalat ang litrato

25:59.199 --> 26:01.919
sa mga lugar
na 'di n'yo gustong marating nito.

26:02.000 --> 26:03.560
Ang galing mo, Map Bitch.

26:03.639 --> 26:06.240
Sabi mo, wala nang SLTs.
May trabaho pa ako.

26:06.320 --> 26:07.840
Mahal kita. Tandaan mo.

26:08.520 --> 26:12.600
Tinatawag na blue string game
ang exercise ngayon.

26:12.679 --> 26:14.760
Pakipaliwanag nga, Bb. Woods?

26:14.840 --> 26:16.520
'Wag ka nang pumunta mamaya.

26:16.600 --> 26:19.159
Ang toilet roll ay isang sext

26:19.240 --> 26:22.960
at ang blue string ang World Wide Web.

26:23.040 --> 26:28.159
Tungkol ito sa panganib ng sexting
at sa bilis ng pagkalat ng impormasyon.

26:28.240 --> 26:31.520
Palusutin n'yo ang mga toilet roll sa tali

26:31.600 --> 26:35.240
at kayo, Malakai at Amerie,
subukan n'yong kunin ang mga ito.

26:35.320 --> 26:36.679
'Ayan. Kunin n'yo.

26:37.159 --> 26:40.000
Ganyan nga.
Pagpasahan n'yo ang sext sa tali.

26:40.080 --> 26:41.679
Dali.

26:42.159 --> 26:44.560
'Ayan. Ganyan nga.

26:52.120 --> 26:56.439
Pasensya na.
Sinabi niya talagang kakanselahin na ito.

26:56.520 --> 26:58.960
Para namang may pupuntahan silang iba.

27:01.560 --> 27:02.480
Kita-kits mamaya?

27:12.720 --> 27:14.000
Dito ka maghahapunan?

27:14.080 --> 27:15.439
Huli na ako sa trabaho.

27:15.520 --> 27:18.159
Puwedeng sabihin mo naman
ang mga lakad mo?

27:18.240 --> 27:19.679
Mahuhuli na nga ako.

27:19.760 --> 27:22.159
Pakiayos ang gamit mo bago ka umalis.

27:22.240 --> 27:23.120
Papa…

27:23.199 --> 27:26.320
Sumunod ka sa akin
kung titira ka rito. Tumulong ka.

27:26.399 --> 27:28.040
Magbayad ka ng upa.

27:28.120 --> 27:29.439
Kailangan ko ang pera.

27:29.520 --> 27:31.240
Pasensya na. 'Yon ang kalakaran.

27:33.800 --> 27:35.600
Magkano ang binigay mong sustento?

27:36.919 --> 27:38.560
-Ano?
-Magkano?

27:39.320 --> 27:41.040
Hindi ko sasabihin 'yan.

27:41.879 --> 27:43.199
Sabi na, eh.

27:44.080 --> 27:46.879
Dismayado kang hindi ako lumaking

27:46.960 --> 27:49.159
tigasing lalaki gaya ng nasa nobela mo?

27:49.240 --> 27:50.360
Saan nanggagaling ito?

27:50.439 --> 27:52.800
Sinisingil mo ako ng upa para umuwi ako

27:52.879 --> 27:55.080
at 'di na ako maging pabigat sa 'yo.

27:55.159 --> 27:58.480
Hindi ganoon. Darren.
Hoy! Hindi totoo 'yan!

28:12.879 --> 28:16.360
Uy. Pasensya na, nahuli ako.

28:16.439 --> 28:18.560
-Kanina ka pa ba?
-Hindi.

28:18.639 --> 28:21.240
'Di ako makapaniwalang
unang beses mo rito.

28:21.320 --> 28:23.840
Iwasan mo 'yong mga samosa

28:23.919 --> 28:26.000
pero masarap 'yong mga roti.

28:28.760 --> 28:29.800
Ayos ka lang ba?

28:29.879 --> 28:31.360
Oo. Ayos lang ako. Oo.

28:31.439 --> 28:33.639
Talaga? Sige. Humanap ka na ng mesa,

28:33.720 --> 28:35.000
kukuha ako ng tubig.

28:35.080 --> 28:36.320
Sige.

28:41.240 --> 28:42.360
Pasensya na.

28:42.439 --> 28:43.720
Padaan.

28:43.800 --> 28:44.679
Pasensya na.

28:49.600 --> 28:53.240
Saan ako makakakuha ng mesa? Pasensya na.

28:53.320 --> 28:54.480
Kahit saang bakante.

28:55.320 --> 28:56.159
Sige.

29:08.199 --> 29:09.120
Sige.

29:11.959 --> 29:14.320
Maligayang pagdating
sa mahiwagang palasyo ko.

29:14.399 --> 29:17.360
Anong kinatay na hayop
ang piprituhin ko para sa 'yo?

29:17.439 --> 29:18.280
Bacon burger?

29:18.360 --> 29:20.080
Sasamahan na ba ng coke?

29:20.760 --> 29:22.480
Itapon mo ang basura at umuwi ka na.

29:22.560 --> 29:24.639
Sa susunod, ayusin mo ang ugali mo.

29:31.320 --> 29:32.159
Ayos naman ba?

29:32.720 --> 29:34.159
Nakakatawa.

29:34.240 --> 29:37.360
Bakit nga ba ako nandito?

29:38.120 --> 29:39.280
Para kumita.

29:39.360 --> 29:41.639
Sabi ni Papa, magbayad daw ako ng upa.

29:41.720 --> 29:43.560
Akala mo naman, Monopoly ito.

29:43.639 --> 29:46.159
Baka wala siyang pera.
Ano'ng ginagawa niya?

29:46.240 --> 29:47.320
Hindi sapat.

29:47.399 --> 29:48.840
Kumusta ang bahay niya?

29:48.919 --> 29:50.800
Bakit? Nanakawan mo ba siya?

29:51.720 --> 29:52.600
Tumigil ka.

29:53.159 --> 29:55.959
Hoy, mga tambay. Umalis kayo riyan.

30:03.199 --> 30:04.720
Sabi ko, umuwi ka na.

30:05.280 --> 30:06.520
Nakatayo lang ako.

30:06.600 --> 30:07.439
Lumayas ka na.

30:15.679 --> 30:17.399
Tapos sabi ng magulang ko,

30:17.480 --> 30:20.159
"Magtrabaho ka sa NFP sa bakasyon."

30:20.240 --> 30:24.959
Sabi ko naman,
"Ginawa ko na noong nakaraang semestre,

30:25.040 --> 30:27.120
at parang ayaw ko nang ulitin."

30:27.199 --> 30:28.600
Kasi iniisip ko…

30:35.439 --> 30:39.720
…mali ang representasyon ng mga charity
sa marginalized na mga komunidad.

30:41.959 --> 30:42.800
'Di bale na…

30:44.959 --> 30:46.800
Kumusta naman 'yong lentils?

30:47.280 --> 30:48.959
Masarap.

30:54.040 --> 30:54.919
Ano nga 'yon?

30:55.000 --> 30:59.000
Sabi ko, hindi pa ako sigurado

30:59.080 --> 31:01.280
kung ano ang gagawin sa bakasyon.

31:24.679 --> 31:26.760
Saan ka pupunta? Ang wristband mo.

31:26.840 --> 31:28.320
-Lintik.
-Kalma lang.

31:28.399 --> 31:29.399
Paano na tayo?

31:30.360 --> 31:31.360
May plano ako.

31:31.879 --> 31:33.199
Epektibo nga.

31:35.879 --> 31:37.959
Sana bicurious ang papa ni Dusty…

31:38.040 --> 31:39.600
Gagawin ko na. Bahala na.

31:39.679 --> 31:41.199
Hindi ganoon 'yon!

31:41.280 --> 31:44.520
Nawala 'yong band ko,
pero nasa listahan naman ako.

31:44.600 --> 31:46.560
-Ano ang pangalan?
-Harper McLean.

31:49.919 --> 31:51.240
Sige. Pasok.

31:51.320 --> 31:52.159
Salamat.

31:52.240 --> 31:53.120
Hoy.

31:53.919 --> 31:55.040
May problema ba?

32:02.760 --> 32:05.719
Pasensya na, Map Lady, hindi puwede.

32:05.800 --> 32:06.919
-Seryoso?
-Seryoso.

32:07.000 --> 32:08.959
-Nagbibiro ka ba?
-Hindi. Alis na.

32:09.919 --> 32:12.080
Isang beses lang akong pumalpak. Isa!

32:13.360 --> 32:16.959
May kahihinatnan ang bawat kilos, 'no?

32:21.399 --> 32:22.760
Ano?

32:24.480 --> 32:26.480
Susuko ka na lang?

32:28.120 --> 32:30.159
Tara.

32:32.959 --> 32:34.439
Ba't mo ako tinutulungan?

32:34.520 --> 32:36.199
Wala akong magawa, eh.

32:36.879 --> 32:39.480
Alam mong madadamay ka
'pag nahuli tayo, 'di ba?

32:40.199 --> 32:41.520
Eh, 'di patayin mo na ako.

32:42.159 --> 32:43.000
Halika.

32:53.600 --> 32:54.919
Handa na?

32:58.800 --> 32:59.800
Ayos ba?

33:05.320 --> 33:06.879
-Kaya mo ba?
-Oo.

33:08.959 --> 33:09.800
Diyos ko!

33:15.360 --> 33:16.480
Lintik.

33:18.560 --> 33:20.919
Napilayan yata ako!

33:24.280 --> 33:25.959
Walang nakakatawa!

33:26.520 --> 33:28.320
Hihilahin kita!

33:30.320 --> 33:31.159
Tumigil ka!

33:39.600 --> 33:40.480
Kumapit ka.

33:41.800 --> 33:43.199
Basang sisiw.

33:48.439 --> 33:50.840
May banyo sa itaas.

33:54.600 --> 33:55.919
Ano'ng ginagawa mo?

33:56.000 --> 33:58.520
Bukas 'yong gate sa likod. 'Di mo nabasa?

34:05.439 --> 34:07.080
Diyos ko.

34:20.679 --> 34:23.639
Uy. Hindi ako sigurado
kung mahilig ka sa ganito.

34:23.719 --> 34:27.319
Gusto ko 'pag nagpapanggap
na may pakialam sa babae ang mga lalaki.

34:27.400 --> 34:30.679
Ah, mas gusto mo pala
'yong walang pakialam sa mundo.

34:31.199 --> 34:34.400
"Hi, ako si Harper,
galit ako sa mga taong nagsisikap."

34:34.480 --> 34:38.920
"Hi, ako si Dusty, isang gagong
ginagawa lang ito para sumikat."

34:40.960 --> 34:43.799
Paalam. Salamat sa pag-imbita sa akin.

34:44.360 --> 34:45.199
Walang anuman.

34:46.360 --> 34:51.480
Salamat sa date natin. Mauuna na ako.

34:52.000 --> 34:52.839
Sige.

34:55.719 --> 34:56.600
Darren!

35:01.600 --> 35:02.560
Ayos ka na.

35:04.600 --> 35:05.440
Mang-scam tayo.

35:07.160 --> 35:09.160
Mayaman ang mga magulang ni Dusty.

35:10.000 --> 35:12.000
Masyado naman itong marangya.

35:12.880 --> 35:16.200
Ang weird bang halikan si Dusty
kung kaamoy ko ang nanay niya?

35:16.279 --> 35:18.960
Darren!

35:19.520 --> 35:20.600
Ano'ng problema?

35:22.000 --> 35:22.920
Quinni?

35:23.440 --> 35:25.040
Sinubukan kong makinig.

35:25.120 --> 35:27.880
Doon sa date, sinubukan ko,

35:27.960 --> 35:30.240
pero 'yong ilaw, mga tao, 'yong ingay…

35:30.319 --> 35:31.560
Hinga nang malalim.

35:34.640 --> 35:37.400
Tuwing sinusubukan kong makinig,

35:37.480 --> 35:39.759
parang nawiwirduhan si Sasha sa akin.

35:39.839 --> 35:43.080
At gustong-gusto ko siya.
Gusto kong may patunguhan kami.

35:44.600 --> 35:47.960
Sobra. Pero hindi ko kayang gawin
ang mga ito.

35:48.040 --> 35:49.240
Ayos lang 'yan.

35:50.040 --> 35:51.200
Bawal siyang hawakan.

35:52.600 --> 35:53.440
Ang ganda mo.

35:54.080 --> 35:56.600
Maghanap ka na ng maaakit. Dito lang kami.

35:56.680 --> 35:57.560
Sige.

35:59.240 --> 36:00.360
Tumingin ka sa'kin.

36:06.200 --> 36:08.240
'Di na tayo lalabas dito sa banyo.

36:09.360 --> 36:10.360
Sige.

36:29.000 --> 36:31.080
-Uy.
-Uy.

36:31.160 --> 36:32.440
Tutugtog na ba kayo?

36:32.520 --> 36:33.560
Malapit na.

36:35.920 --> 36:37.839
Nakakahiya ito, 'no?

36:37.920 --> 36:40.240
Na sa tingin namin, magagawa namin ito?

36:40.880 --> 36:43.680
Sobrang nakakahiya.

36:44.400 --> 36:46.720
Sobrang nakakahiya talaga!

36:46.799 --> 36:47.640
Oo.

36:48.839 --> 36:50.720
Kanselahin mo na lang.

36:50.799 --> 36:52.080
Pauwiin mo na lahat.

36:52.160 --> 36:53.200
Hindi puwede.

36:53.279 --> 36:55.000
-Hindi nga.
-Hindi.

36:56.359 --> 37:00.000
Kaya pumunta ka na roon
at galingan mo, ha?

37:01.839 --> 37:06.839
You are a champion, Dusty,
and they're going to hear you roar.

37:08.400 --> 37:09.880
'Di ba, kay Katy Perry 'yon?

37:11.000 --> 37:15.880
Hindi. May makata akong binabasa
nitong nakaraan, si Peter Rivers.

37:15.960 --> 37:17.640
Talaga? Ayos.

37:17.720 --> 37:19.160
Magugustuhan mo siya.

37:19.240 --> 37:21.200
-Titingnan ko.
-Oo! Tingnan mo.

37:21.759 --> 37:23.160
Sige. Ayos.

37:23.240 --> 37:24.080
Uy!

37:26.240 --> 37:27.920
Sa 'yo na ito.

37:28.640 --> 37:30.720
Napagaan nito ang pakiramdam ko.

37:30.799 --> 37:31.640
Salamat.

37:32.359 --> 37:33.240
Wala 'yon.

37:42.000 --> 37:43.359
Dusty, gago ka!

37:43.440 --> 37:45.279
Salamat, Am.

37:49.400 --> 37:53.960
Ang bango mo nga pala. Sobra.

38:24.120 --> 38:25.120
Uy.

38:26.640 --> 38:29.520
Pasensya na. 'Di ko dapat ipinapalagay na…

38:29.600 --> 38:30.440
Ano?

38:31.160 --> 38:32.200
Masama akong tao?

38:33.120 --> 38:33.960
Oo.

38:38.880 --> 38:40.400
Ca$h, gusto mo ng inumin?

38:40.480 --> 38:41.600
Sige, tagay, Ian.

38:42.640 --> 38:44.720
Ang tawag dito, "Matabang Sundalo."

39:16.440 --> 39:18.880
Kumusta? Salamat sa pagpunta n'yo.

39:19.440 --> 39:22.080
Para ito sa Global Women's Project.

39:22.160 --> 39:25.560
Ayos! Malupit ito.

39:26.600 --> 39:27.680
Salamat, Papa.

39:30.600 --> 39:33.080
Kami ang Renaissance Titties

39:33.160 --> 39:37.400
at may gusto akong batiing
espesyal na tao sa audience.

39:41.080 --> 39:42.040
'Ayun siya.

39:42.720 --> 39:43.880
Hi, Harper.

39:45.040 --> 39:47.680
Para kay Harper McLean ang kantang ito.

39:47.759 --> 39:50.319
Ang pamagat, "Walang Silbi Ang Buhay Ko

39:50.400 --> 39:51.759
Kung Wala Ang Yakap Mo."

39:51.839 --> 39:52.680
Ayos, Harper!

39:52.759 --> 39:55.600
Isa, dalawa, isa, dalawa, tatlo, apat.

39:55.680 --> 39:57.120
Seryoso? Alam mo ba ito?

40:11.359 --> 40:14.240
Harper! Ano talaga 'yon?

40:14.319 --> 40:16.080
'Di ko alam na gagawin niya 'yon.

40:16.640 --> 40:17.880
Nag-sex kayo?

40:19.880 --> 40:22.560
'Yong lalaking
limang taon ko nang minamahal.

40:22.640 --> 40:24.799
'Yong bukambibig ko sa araw-araw.

40:26.160 --> 40:29.240
-'Yon ba ang dahilan?
-Hindi. Walang kinalaman 'yon.

40:30.040 --> 40:32.359
Hindi ko gustong makipag-sex sa kanya.

40:32.920 --> 40:35.440
Wala… nangyari lang.

40:35.520 --> 40:38.000
Napakadali para sa 'yo.

40:39.000 --> 40:40.080
Bahala ka nga.

40:41.680 --> 40:45.240
Tapos ka na ba?
Tapos ka nang sirain ang buhay ko?

41:06.759 --> 41:09.759
Mukhang kaya ko nang lumabas.

41:11.960 --> 41:13.080
Mabuti naman.

41:18.720 --> 41:20.319
Nasaan si Amerie?

41:22.279 --> 41:23.960
Ayos lang 'yan. Kaya ko ito.

41:27.120 --> 41:29.520
Uy. Akala ko, gusto mo ako.

41:29.600 --> 41:30.680
Gusto nga kita.

41:31.359 --> 41:32.920
Bakit ganoon ang kilos mo?

41:33.000 --> 41:35.480
'Di ko sinasadya. Ganoon talaga minsan.

41:35.560 --> 41:39.040
Hindi ako makagalaw at makapagsalita
'pag nasi-stress ako.

41:39.120 --> 41:40.160
Dahil sa akin.

41:40.240 --> 41:44.480
Hindi ka nakaka-stress. Nababalisa
at nasasabik ako 'pag kasama ka, at…

41:44.560 --> 41:48.279
Kung ipakita mo kaya,
kaysa 'yong mukha kang nababagot sa akin?

41:48.359 --> 41:50.120
-'Di ka nakakabagot.
-Talaga?

41:50.200 --> 41:52.359
Kasi buong gabi, 'yong hitsura mo…

41:53.120 --> 41:55.960
-'Di ka makatingin sa 'kin.
-Autistic ako. Okay?

41:57.319 --> 41:58.520
Ganoon.

41:58.600 --> 42:01.279
Autistic ako. May autism,
o anumang tawag mo.

42:01.359 --> 42:03.319
Pero bakit hindi ko alam?

42:03.400 --> 42:06.440
Magaling akong magtago.
Magbalatkayo. Magpanggap.

42:06.520 --> 42:07.680
Kadalasan.

42:07.759 --> 42:11.640
Oo, pero hindi mo… Hindi ka naman…

42:13.440 --> 42:15.319
May mga kilala akong autistic.

42:15.880 --> 42:16.720
Ganoon?

42:16.799 --> 42:19.359
At mataas ang emotional intelligence mo.

42:19.440 --> 42:20.279
Oo.

42:20.359 --> 42:22.000
Kaya, akala ko…

42:22.080 --> 42:23.799
Okay, Sia.

42:23.880 --> 42:26.040
Hindi. Quinni.

42:28.080 --> 42:30.359
Patawad. Kulang pa ang kaalaman ko.

42:31.920 --> 42:35.560
Pero kahanga-hanga ka.
At iba ka sa lahat ng nakilala ko

42:35.640 --> 42:37.279
kaya gusto kita.

42:40.799 --> 42:43.880
'Yong mukha mo, parang masarap halikan,

42:43.960 --> 42:47.040
pero ang pangit
ng mga gusto mong restaurant.

42:48.680 --> 42:50.680
Bakit hindi mo subukan?

42:50.759 --> 42:52.000
Subukan ang ano?

42:53.759 --> 42:54.839
Ito.

43:19.799 --> 43:22.040
Baka napilayan ka sa pagtakbo mo.

43:23.839 --> 43:24.960
Makakatulong ito.

43:26.560 --> 43:27.400
Heto.

43:28.520 --> 43:29.520
Salamat.

43:30.120 --> 43:30.960
Wala 'yon.

43:34.640 --> 43:35.640
Ang gulo naman.

43:36.440 --> 43:39.640
Hindi. Astig nga itong gabing ito.

43:40.520 --> 43:43.240
Nakapanood tayo ng walang kwentang banda,

43:43.319 --> 43:44.839
lumangoy ka.

43:45.799 --> 43:48.000
Nakapulot ako ng nang.

43:55.960 --> 43:57.759
Alam mo 'yong kina Harper at Dusty?

44:00.040 --> 44:03.600
Oo, nag-sex sila
pagkatapos ng party sa sementeryo.

44:04.879 --> 44:06.240
Ang tanga ko talaga.

44:09.560 --> 44:11.720
-Diyos ko.
-'Di siguro sila tatagal.

44:17.640 --> 44:20.040
Ano bang mayroon sa inyo ni Harper?

44:23.040 --> 44:26.920
Naranasan mo bang
may minamahal ka nang buong puso

44:27.000 --> 44:30.520
tapos bigla na lang nagalit sa 'yo
nang walang dahilan?

44:35.200 --> 44:38.120
Ewan. Baka may pinagdadaanan siya.

44:42.120 --> 44:45.480
O baka maldita lang talaga.
Hindi natin alam.

45:03.240 --> 45:05.200
Hindi sa ayaw kong nandito ka.

45:10.839 --> 45:15.400
Matagal ko na itong sinusulat
at walang pinatutunguhan,

45:15.480 --> 45:19.920
walang kumikilala, walang kinikita,
at 'di ko alam kung dapat pang ituloy.

45:21.319 --> 45:26.120
Pero alam ko kung ano ang mahalaga
at gusto kong maging maayos tayo.

45:26.920 --> 45:29.359
Kung gusto mo pang makisama sa akin.

45:31.759 --> 45:35.440
$50 kada linggo. Sasamahan ko
ng malaking fries kada Huwebes.

45:38.440 --> 45:39.520
Siya nga pala,

45:40.120 --> 45:43.440
ayaw ko no'ng
ninakaw ng anak ang surfboard sa dulo.

45:43.520 --> 45:46.200
Inaasahan na 'yon
at hindi ganoon ang buhay.

45:47.000 --> 45:48.440
Binasa mo lahat?

45:49.799 --> 45:51.759
Dumudumi ako. Kailangan ko ng mababasa.

45:52.720 --> 45:54.560
Napakarami mo sigurong nilabas.

45:54.640 --> 45:58.440
Naempatso ako, eh.
'Wag mo itong bigyan ng kahulugan!

45:59.600 --> 46:00.640
Magandang gabi.

46:16.359 --> 46:19.720
-Bakit mo ako hinuhusgahan?
-Ano? Hindi, ah.

46:22.279 --> 46:24.440
Uunahan na kita, 'di kita hahalikan.

46:24.520 --> 46:27.240
'Wag kang magtangka.
Walang namamagitan sa'tin.

46:28.120 --> 46:31.240
Oo naman. Wala naman akong balak.

46:32.799 --> 46:35.120
Mabuti nang malinaw.

46:36.720 --> 46:38.240
Akin na ang peas ko.

46:39.520 --> 46:42.000
Kadiri at durog na rin naman.

46:44.040 --> 46:45.279
Salamat.

46:50.480 --> 46:52.680
Saan ka nanggaling?

46:52.759 --> 46:55.240
Dapat nga bawal kang lumabas!

46:55.960 --> 46:56.799
Ano?

46:58.520 --> 47:00.520
Pumasok ka na!

47:01.160 --> 47:03.400
Amerie Wadia, pumasok ka, ngayon na!

47:03.480 --> 47:05.120
Hindi ko na uulitin!

47:08.040 --> 47:09.319
Magandang gabi.

47:27.160 --> 47:28.440
Kumusta, pare?

47:34.879 --> 47:36.400
Mayamang ungas, bingo.

47:41.160 --> 47:42.000
Tara.

50:12.200 --> 50:17.200
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Nadine Aguazon
webes.
