WEBVTT

00:06.000 --> 00:08.400
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX

00:20.400 --> 00:23.400
Astig na kotse!
Makabili nga nito balang-araw.

00:23.480 --> 00:24.760
Ano'ng ipambibili mo?

00:24.840 --> 00:27.080
- Isubo mo ito, Ca$h.
- Gusto mo siguro.

00:27.160 --> 00:28.440
Mas gusto ng ina mo.

00:30.200 --> 00:32.720
- Unahan mo na siya.
- Sandali.

00:36.160 --> 00:37.320
- Manahimik ka.
- Ayos.

00:37.400 --> 00:39.080
Tingnan mo kung sino'ng nabuhay.

00:39.160 --> 00:41.440
Naka-carnap lang, akala mo kung sino na.

00:41.520 --> 00:42.800
Sige lang, mga pare.

00:45.320 --> 00:47.280
Pero ang lupit na kotse.

00:48.960 --> 00:50.320
Sayang nga.

00:51.040 --> 00:52.120
Maghanda na kayo.

00:57.960 --> 00:59.120
Heto na!

01:11.600 --> 01:14.040
Tara, mga pare! Punuin n'yo na ang bag!

01:14.120 --> 01:15.800
Chook, dali. 'Yong mga bag!

01:15.880 --> 01:17.520
Bilis! 'Yong bag.

01:18.400 --> 01:19.440
Bilis!

01:19.520 --> 01:20.880
- Buwisit!
- Dali!

01:22.680 --> 01:24.000
Kumusta kayo riyan?

01:24.080 --> 01:25.800
Sige!

01:35.200 --> 01:36.560
Tigil!

01:37.680 --> 01:41.320
Mga parak! Sakay na!

01:41.400 --> 01:44.240
- Dali, malilintikan tayo!
- Bilisan n'yo.

01:47.640 --> 01:48.520
Andar na!

01:48.600 --> 01:50.360
Buwisit!

01:50.440 --> 01:51.760
- Paandarin mo!
- Ayaw, eh!

01:51.840 --> 01:53.240
Itakbo na lang natin!

01:53.320 --> 01:55.280
- 'Yong mga bag!
- Bilis!

01:57.720 --> 01:59.400
Bilisan n'yo!

02:00.120 --> 02:02.120
'Yong mga bag.

02:05.080 --> 02:06.200
Bilis, takbo!

02:10.960 --> 02:12.440
Heto, itago mo muna.

02:12.520 --> 02:14.039
Bilis! Sa kanan!

03:21.080 --> 03:23.760
- Tawagan mo lang ako anumang oras.
- Alam ko.

03:24.560 --> 03:27.880
Salamat... sa lahat.

03:28.440 --> 03:29.560
Siyempre naman.

03:30.840 --> 03:31.920
Handa ka na ba?

03:32.760 --> 03:34.800
Gusto kang batiin ng tatay mo.

03:43.360 --> 03:45.360
Uy. Heto na siya.

03:45.920 --> 03:46.760
Kumusta, Papa?

03:46.840 --> 03:48.360
Kumusta ka? Ayos ka lang?

03:48.440 --> 03:49.360
- Oo.
- Talaga?

03:49.440 --> 03:51.160
- Ikaw siguro si Justin.
- Oo.

03:51.240 --> 03:52.800
- Ako si Meredith.
- Kumusta?

03:52.880 --> 03:56.960
Salamat sa mga ginawa mo
para kay Harper. Pinahahalagahan ko 'yan.

03:57.040 --> 03:58.960
Masaya akong makatulong.

03:59.680 --> 04:00.680
Mag-ingat ka.

04:00.760 --> 04:01.880
Sige. Paalam.

04:02.440 --> 04:03.360
Salamat.

04:06.240 --> 04:07.080
Pumasok ka na.

04:09.360 --> 04:11.000
- Akin na...
- Ayos lang.

05:33.120 --> 05:33.960
Seenzoned, ah.

05:35.280 --> 05:36.160
Ang lupit mo.

05:36.760 --> 05:38.840
Walang nagsabing gawin mo 'yon sa party.

05:38.920 --> 05:42.040
Ngayon, alam ko nang
hindi ka mahilig sa sorpresa.

05:42.120 --> 05:45.160
Sinabing 'wag mong ipagkalat
na nagtalik tayo.

05:45.240 --> 05:47.640
Kung sabihin kong hindi sinasadya 'yon?

05:48.440 --> 05:52.320
Nakita lang kita. At napakaganda mo.

05:53.040 --> 05:56.200
Kasalanan mo 'yon. Tapos nangyari na lang.

05:56.280 --> 05:59.720
Naiintindihan kita.
Naiinis din ako sa sarili ko.

06:00.680 --> 06:02.080
Kaya gusto kitang makausap.

06:02.160 --> 06:03.240
Nag-uusap na tayo.

06:03.320 --> 06:04.440
At...

06:05.840 --> 06:07.240
Gusto kitang maka-date.

06:07.920 --> 06:08.760
Ayaw ko.

06:10.040 --> 06:10.880
Ano?

06:10.960 --> 06:13.560
Nagtalik lang tayo nang isang beses.

06:14.680 --> 06:17.200
Bakit masyado kang desperado?

06:17.280 --> 06:18.520
"Desperado"?

06:18.600 --> 06:20.360
Ayokong makipag-date.

06:20.840 --> 06:23.400
At kung nagtanong ka tungkol sa akin,

06:23.480 --> 06:24.880
malalaman mo 'yan.

06:33.440 --> 06:35.320
NAGTALIK SINA HARPER AT DUSTY

06:35.400 --> 06:37.280
Amerie, dapat sinabi ko sa 'yo

06:37.360 --> 06:40.960
Akala ko,
basta lang isinulat ng kung sino.

06:41.040 --> 06:43.320
Ngayon, kung sino-sino nang nakalagay.

06:43.400 --> 06:44.240
Tingnan mo...

06:44.840 --> 06:47.840
Ang daming bagong malalanding
nakasulat dito.

06:47.920 --> 06:51.160
- Nangyari ito sa party ni Dusty.
- Sino kaya ang nagsulat?

06:51.240 --> 06:56.440
Hindi na mahalaga.
Sinira ng pesteng mapang ito ang buhay ko.

06:56.520 --> 06:59.160
Nakakainis na may bagong bersyon pa.

06:59.240 --> 07:00.080
Sandali.

07:01.520 --> 07:02.440
Makikiusog!

07:12.520 --> 07:13.920
Teka, ano?

07:14.000 --> 07:15.960
Magkasintahan na kami.

07:16.040 --> 07:19.360
Pagkatapos magtalik nang isang beses,
tipikal kang tomboy.

07:19.440 --> 07:21.600
Hindi na ako masasali ulit sa mapa.

07:21.680 --> 07:23.240
- Tapos na ako sa pag-ibig.
- Ano?

07:23.960 --> 07:26.840
Ilang taon akong baliw na baliw kay Dusty.

07:26.920 --> 07:30.600
Tapos ano? Napahiya lang ako.
Ang tanga ko.

07:30.680 --> 07:33.480
Ableist ang salitang "tanga."

07:33.560 --> 07:37.160
Tama. At saka, ano namang gagawin mo,
isasara ang puki mo?

07:37.240 --> 07:38.080
Ganoon na nga.

07:38.160 --> 07:43.160
Ayaw ko nang isipin ang mga lalaki,
pagtatalik, o ari sa susunod na...

07:43.240 --> 07:45.520
Hanggang sa maging normal ulit ako.

07:45.600 --> 07:46.840
'Di rin ako magsasarili.

07:46.920 --> 07:48.720
'Yan ang pinakaayaw ko.

07:48.800 --> 07:51.000
Paano mo magagawa 'yon?

07:51.080 --> 07:55.040
Ewan ko. Sasanayin ko ang sarili ko.

07:55.120 --> 07:59.080
Tuwing malilibugan ako,
sasampalin ko ang sarili ko.

07:59.680 --> 08:01.280
Makakatulong talaga 'yan.

08:02.520 --> 08:04.520
Alam ko na, humanap ka ng libangan.

08:04.600 --> 08:06.400
Libangan kong magsalsal.

08:06.480 --> 08:08.000
- Ibang libangan.
- Tama!

08:08.080 --> 08:10.360
- Hahanap ako ng libangan.
- 'Ayan!

08:10.440 --> 08:13.400
Sasali ako sa extracurricular groups
na nakapaskil

08:13.480 --> 08:15.400
- sa bulletin board sa campus!
- Ayos!

08:15.480 --> 08:19.520
Napa-wholesome. At hindi nakakalibog.

08:19.600 --> 08:21.440
Ihahanap kita. Tara.

08:35.600 --> 08:37.200
Lumayas ka rito, Map Bitch!

08:45.520 --> 08:48.200
Paumanhin? Ito ba ang Haha Club?

08:49.159 --> 08:51.280
- Hindi, debate team ito.
- Ano?

08:51.360 --> 08:54.480
Malamang, ito ang Haha Club. Bulag ka ba?

08:55.600 --> 09:01.360
Pasensya na.
Akala ko kasi, para itong improv class.

09:01.440 --> 09:04.640
Hindi, nagkukumpulan kami. Tapos tatawa.

09:06.040 --> 09:06.880
Bakit?

09:07.520 --> 09:10.480
Hindi ko rin alam.
Pero masaya. Subukan mo.

09:13.760 --> 09:14.840
Sige.

09:31.240 --> 09:34.000
Hala, nasiraan na ng bait si Map Bitch.

09:38.600 --> 09:41.120
Dalawang Mars at isang lata ng Coke.

09:41.200 --> 09:43.480
- Sige. Opo.
- Kuha mo? Magaling, dalawa!

09:46.720 --> 09:47.840
Malakai!

09:51.640 --> 09:52.520
Hi.

09:53.120 --> 09:56.680
Magandang balita. Napili kang lumahok
sa tryouts ng distrito.

09:57.640 --> 09:58.480
Talaga?

09:59.040 --> 10:00.800
Oo. Nag-uusap kami ng papa mo

10:00.880 --> 10:03.600
at nakikita naming
puwede kang maging first grade.

10:04.200 --> 10:06.480
- Pero dapat paghirapan mo.
- Oo naman.

10:07.040 --> 10:08.720
Mabuti. 'Yan ang gusto ko.

10:09.200 --> 10:12.600
Magsasanay kayong mabuti ni Spencer
ngayong linggo.

10:13.120 --> 10:15.760
- Si Spencer?
- Kayo ang pinakamagaling dito.

10:15.840 --> 10:19.000
Para madoble ang tsansang makuha.
Diskarte 'yon. Spencer!

10:20.760 --> 10:24.640
Ganito. Tuwing bakante kayo,
gusto kong magsanay kayo.

10:24.720 --> 10:27.120
Magkasama, bilang isang pangkat.

10:27.200 --> 10:30.120
Magtulungan kayo.
Suportahan ang isa't isa.

10:30.200 --> 10:33.440
Palakasin ang isa't isa.
Kailangan ito ng paaralan.

10:33.520 --> 10:35.040
- Sige, Coach.
- Masusunod.

10:35.800 --> 10:38.480
Kayo na ang bahala. Magaling. Jordy!

10:38.560 --> 10:39.920
Bakit, Coach?

10:41.480 --> 10:43.880
Bakante na ako. Magbuhat tayo?

10:45.200 --> 10:46.160
Sige, ayos 'yan.

10:52.800 --> 10:55.080
Teka... Susunod na ako.

10:58.320 --> 10:59.160
Uy.

11:01.280 --> 11:02.560
Kumusta ang bukongbukong?

11:03.320 --> 11:06.160
- Mas ayos kaysa inasahan ko.
- Baka dahil sa peas.

11:06.240 --> 11:07.640
Salamat, doktor.

11:07.720 --> 11:11.000
Ayos lang. Sa susunod ka na bumawi.

11:13.880 --> 11:14.840
Siya nga pala...

11:15.560 --> 11:20.080
Iniisip kong...
Baka gusto mong lumabas tayo minsan?

11:20.880 --> 11:22.480
Naku. Pasensya na.

11:22.560 --> 11:25.000
May kailangan akong puntahan, pero...

11:25.920 --> 11:26.800
Sa susunod ulit.

11:28.280 --> 11:29.160
Sige.

11:32.400 --> 11:33.400
Sasha!

11:34.760 --> 11:37.880
Magandang balita sa inyo ni Quinni.
Masaya ako para sa inyo.

11:38.720 --> 11:41.920
Gusto kong magdagdag
ng extracurricular activities.

11:42.000 --> 11:45.040
Sasali ako sa queer
environmentalist social justice...

11:45.120 --> 11:46.360
Makinig ka. Amerie.

11:46.440 --> 11:49.400
'Di porke't nagde-date kami ni Quinni,
ayos na ulit tayo.

11:49.480 --> 11:52.000
Ano ka ba? Gusto ko lang sumali sa club.

11:52.800 --> 11:55.840
Kasi biglang gusto mong isulong
ang social justice?

11:55.920 --> 11:57.560
Oo, sa totoo lang.

11:58.480 --> 11:59.720
At gusto mong...

12:02.080 --> 12:03.160
sagipin ang kalikasan?

12:05.640 --> 12:07.040
Mahilig ako sa koala.

12:09.440 --> 12:12.200
Nakakalungkot na nagkakaroon sila
ng chlamydia.

12:12.840 --> 12:13.920
Diyos ko.

12:14.000 --> 12:15.080
Puwedeng sumali?

12:15.160 --> 12:16.320
Hindi, lumayas ka.

12:32.840 --> 12:35.320
- Astig na ang chess ngayon!
- Talaga ba?

12:35.400 --> 12:36.960
Nahahasa ang utak mo.

12:37.040 --> 12:39.520
At hahaba ang pasensya, parang mga monghe.

12:39.600 --> 12:41.080
Masyado namang wholesome.

12:41.160 --> 12:45.760
Oo nga. Walang iba kundi ako,
mga kalaban, maliliit na reyna at tore

12:45.840 --> 12:47.560
at iba pang mga piyesa.

12:47.640 --> 12:49.360
Kabaligtaran ng pagtatalik.

12:50.040 --> 12:52.120
Depende sa tingin mo sa pagtatalik.

12:52.200 --> 12:53.800
'Di ba, maraming lalaki roon?

12:53.880 --> 12:57.040
'Wag kayong mag-alala,
ang baduy at pangit nila.

12:57.640 --> 12:59.320
Ligtas ito.

13:05.240 --> 13:09.640
Alam na natin kung gusto ka ng isang tao,
pero umpisa pa lang 'yon. Tama?

13:09.720 --> 13:13.600
Kailangan nating malaman
kung saan sila komportable sa pagtatalik.

13:13.680 --> 13:16.800
Banggitin mo pa ulit ang "rimming"
at palalabasin kita.

13:16.880 --> 13:18.360
Sige. Ano ang mga paraan

13:18.440 --> 13:20.480
para iparating 'yon sa kapareha natin?

13:21.840 --> 13:23.280
- Morse code?
- Sige.

13:23.360 --> 13:24.720
Sa clitoris niya.

13:25.880 --> 13:26.760
Hindi.

13:26.840 --> 13:29.880
Kung ipaturo n'yo sa kanya?

13:29.960 --> 13:30.960
Halimbawa...

13:32.480 --> 13:35.000
- "Ituro mo kung saan kita hahawakan."
- Dito.

13:35.800 --> 13:39.040
Hindi ako komportable rito.

13:39.120 --> 13:41.560
Sige, pumunta na kayo sa mga grupo n'yo

13:41.640 --> 13:44.200
at pag-aralan ang gawain
hinggil sa consent.

13:44.960 --> 13:47.880
Amerie, pwede mo akong tulungang
ipamigay ito?

13:49.360 --> 13:52.920
'Ayan, napakasigasig. Salamat.

13:53.000 --> 13:54.120
Salamat.

13:56.680 --> 13:58.680
Puwede sa labas ang grupo ni Sasha.

13:59.360 --> 14:02.440
Baka kasi masyadong maingay para sa 'yo.

14:02.520 --> 14:05.120
Kaya nakiusap ako
kung puwede tayo sa tahimik.

14:05.200 --> 14:06.520
Ang sweet mo naman.

14:06.600 --> 14:08.120
Walang anuman.

14:09.160 --> 14:11.720
Nagkagulo raw sa inyo pagkatapos ng party.

14:11.800 --> 14:15.480
Oo, grabe 'yon.
May nagnakaw ng kotse ni Papa.

14:16.280 --> 14:19.200
Tapos, ibinangga sa tindahan
sa Heeley Street.

14:19.280 --> 14:20.120
Ganoon ba?

14:20.760 --> 14:22.840
Gusto kong malaman kung sino 'yon.

14:27.880 --> 14:28.760
"Eksena:

14:28.840 --> 14:30.880
Dalawang buwan na sina Jack at Jess.

14:30.960 --> 14:33.920
Iiwanan daw ni Jack si Jess
'pag 'di sila nagtalik.

14:34.000 --> 14:37.680
Pagod nang maghintay. Ayaw ni Jess
na mawala siya kaya pumayag siya."

14:38.280 --> 14:39.320
Gago ka, Jack.

14:40.800 --> 14:43.800
Parang pakikipagtalik nang palihim

14:43.880 --> 14:46.160
sa crush ng dating best friend mo.

14:46.240 --> 14:48.760
May gusto ka bang idagdag, Harper?

14:48.840 --> 14:51.440
Wala. Ayaw kong sumali rito.

14:52.160 --> 14:54.720
Walang may gusto. Napuwersa tayong lahat.

14:54.800 --> 14:56.920
'Wag siyang pilitin kung ayaw niya.

15:04.440 --> 15:05.320
Mauuna na ako.

15:07.320 --> 15:11.120
"Eksena: Gusto ni Jonathan si Amanda.
Hiningi niya ang number nito.

15:11.200 --> 15:13.280
Napilitan si Amanda na ibigay ito

15:13.360 --> 15:15.920
kahit na ayaw niya."

15:17.200 --> 15:18.720
Padalhan ng dick pic?

15:18.800 --> 15:21.000
Ano'ng ginawa niya para maparusahan no'n?

15:21.080 --> 15:22.840
'Pag sa 'yo, magzu-zoom in pa.

15:23.320 --> 15:24.480
Napakatino n'yo.

15:25.120 --> 15:28.160
'Yong mga dick pic ko, matino.
May sepia filter.

15:28.880 --> 15:31.200
Gumagamit ako ng Snapchat dog filter

15:31.280 --> 15:33.760
para may dila ang ari ko. Doble ang sarap.

15:33.840 --> 15:36.080
May korona ang ari ko.

15:36.160 --> 15:37.760
Ang <i>Mona Lisa</i> ang ari ko.

15:41.080 --> 15:43.640
May solar system ang ari ko.

15:46.120 --> 15:47.200
Etits.

15:47.280 --> 15:48.200
Titi.

15:49.360 --> 15:50.520
Ari.

15:51.480 --> 15:52.720
Malaking sandata.

15:53.360 --> 15:55.480
Nakatagong ahas.

15:55.560 --> 15:56.880
Etits.

15:59.040 --> 16:00.680
Ano'ng problema mo?

16:02.200 --> 16:03.040
May lamok.

16:04.400 --> 16:05.720
Ewan...

16:05.800 --> 16:06.760
Baliw.

16:14.920 --> 16:16.440
- Mag-usap...
- Layuan mo ako.

16:19.600 --> 16:20.960
Hayaan mo na siya.

16:21.480 --> 16:23.640
Gusto ko lang siyang makausap.

16:23.720 --> 16:26.240
Diyos ko. Napaka-narcissistic niya.

16:31.400 --> 16:34.600
Ang dami namang gwapo rito.

16:35.160 --> 16:37.360
Masyadong madrama.

16:37.440 --> 16:40.520
Kailan pa naging narcissistic
ang mga lalaki?

16:40.600 --> 16:43.160
Itigil n'yo na
ang pagkahumaling sa sarili.

16:44.200 --> 16:46.200
"Mahal. Naglalangib ang tattoo ko.

16:46.280 --> 16:49.640
Pakilagyan ng gamot
habang ikinukwento ko ang buhay ko."

16:52.080 --> 16:53.720
'Di tayo maghihiwalay, ha?

17:00.520 --> 17:04.200
Para kang pangit na eksena
sa <i>The Real Housewives.</i>

17:04.280 --> 17:05.800
Hayaan mo na siya. Tara.

17:16.839 --> 17:17.680
Hi, Lola.

17:28.359 --> 17:29.200
Abala ako!

17:29.880 --> 17:31.640
Bakit maaga kang umuwi?

17:31.720 --> 17:32.560
Bakante ako.

17:33.280 --> 17:35.680
Dapat ilaan mo ang oras sa pag-aaral.

17:35.760 --> 17:36.600
Mag-aaral nga.

17:36.680 --> 17:38.520
Hindi ako naniniwala.

17:41.640 --> 17:44.000
Lalabas lang ako sandali,

17:44.080 --> 17:46.720
pero babalik din ako
at magluluto ng hapunan.

17:49.200 --> 17:51.600
Mahal kita, Lola. Mamaya na lang.

17:58.560 --> 18:00.200
Walang-hiyang batang ito.

18:01.680 --> 18:06.080
Ano ang pananaw ng mga katutubo
sa pinagmulan ng kanayunan?

18:06.160 --> 18:09.640
- Tukuyin ang mga language group...
- 'Di naman siya nakikinig.

18:09.720 --> 18:12.200
Abala siya sa pag-iisip sa ari ni Dusty.

18:12.800 --> 18:16.160
Hindi, iniiisp ko si Amerie.

18:16.240 --> 18:17.560
Ang saklap naman.

18:17.640 --> 18:20.400
Ano naman kung nagtalik kayo ni Dusty?

18:20.480 --> 18:22.640
Kung mag-date kayo,
labas na si Amerie doon.

18:22.720 --> 18:24.640
Ayaw kong makipag-date sa kanya.

18:24.720 --> 18:26.800
Baliw ka ba? Napakagwapo kaya niya.

18:26.880 --> 18:28.160
Mismo!

18:28.240 --> 18:31.520
At alam niya rin 'yon,
kaya nakakawalang-gana.

18:31.600 --> 18:34.160
Para sa akin, marami pang mas matino.

18:36.040 --> 18:39.960
Bahala nga kayo.
Sa 'yo na 'yang ballpen mo.

18:46.720 --> 18:49.800
Masaya akong nakapunta ka sa gig.

18:50.520 --> 18:51.360
Salamat.

18:51.440 --> 18:52.800
Napakagandang gabi.

18:53.280 --> 18:56.000
Pero hindi yata nasiyahan si Harper.

18:56.080 --> 18:57.640
Hindi ko rin alam.

18:57.720 --> 19:01.360
Mag-best friend kayo, 'di ba?
Bago kayo nag-away.

19:02.440 --> 19:04.560
Gusto kong magtanong tungkol sa kanya

19:04.640 --> 19:06.600
kung ayos lang sa 'yo.

19:09.120 --> 19:10.160
Puwede naman.

19:10.240 --> 19:13.840
Alam mo namang nagtalik kami
ni Harper, 'di ba?

19:13.920 --> 19:18.280
At napakaagresibo no'n.

19:18.840 --> 19:20.000
Ang saya n'yo naman.

19:20.080 --> 19:21.680
Marami akong nakakalandian

19:21.760 --> 19:24.880
pero seryoso ako kay Harper.

19:26.520 --> 19:29.440
Pero sinira ko na
dahil sa mga sinabi ko sa stage.

19:29.520 --> 19:32.560
Akala ko, kikiligin siya sa ginawa ko,

19:33.440 --> 19:35.640
pero kita namang hindi siya natuwa.

19:35.720 --> 19:37.440
Ayaw niya ba ng ganoon?

19:37.520 --> 19:38.720
Ewan ko, Dusty.

19:38.800 --> 19:40.120
Sige na, Amerie.

19:40.200 --> 19:44.280
Kilala mo si Harper. Ano'ng gusto niya
pagdating sa pakikipagrelasyon?

19:45.800 --> 19:47.800
Sa pakikipagrelasyon.

19:49.680 --> 19:56.080
Gusto niya 'yong mga lalaking
sobrang pasikat, alam mo 'yon?

19:56.160 --> 19:58.080
'Yong komportable sa sarili.

19:58.160 --> 20:02.680
Tapos ikukwento ang lahat
ng tungkol sa kanila.

20:02.760 --> 20:04.560
Sige. Bale, deretso na,

20:05.240 --> 20:07.280
"Ito ang sinabi ko sa therapist."

20:07.360 --> 20:09.480
Mismo. Sabihin mo na lahat.

20:10.560 --> 20:12.720
Ibang-iba talaga si Harper, 'no?

20:12.800 --> 20:15.000
Wala siyang pakialam sa akin.

20:15.600 --> 20:16.840
At gusto ko 'yon.

20:18.120 --> 20:19.320
Sige, salamat, Am.

20:19.400 --> 20:22.720
Kung may gusto kang makilalang lalaki,
babawi ako sa 'yo.

21:29.280 --> 21:32.200
'Wag kang mag-isip ng ari.

21:34.560 --> 21:35.560
Ano ba!

21:43.440 --> 21:46.200
Ipaliwanag mo nga
kung ano'ng nangyayari dito.

21:46.280 --> 21:47.200
Makikiusap ako.

21:48.880 --> 21:53.520
Sige. Kung magpapatago ka ng bangkay,
masikip na sa aparador ko.

21:54.520 --> 21:58.360
- Puwede mo bang itago ito pansamantala?
- Ano 'yan, Bitcoin? Pony?

21:58.440 --> 22:00.080
Ano ba, sige na. Darren.

22:00.160 --> 22:02.000
Akin ang kalahati ng kita.

22:02.080 --> 22:03.360
Kunin mo na, pakiusap?

22:04.120 --> 22:05.400
Bakit ako?

22:05.480 --> 22:08.560
'Di ba, marami kang sangganong kaibigan?

22:10.080 --> 22:11.640
- Wala.
- Seryoso, bakit nga?

22:12.400 --> 22:15.120
Ikaw lang ang astig na tao sa paaralan.

22:16.040 --> 22:19.400
Masuwerte ka, mga pahayag ng pagpapahalaga
ang love language ko.

22:19.480 --> 22:20.920
Kaya, panalo ka na.

22:21.760 --> 22:23.960
Salamat. Sandali lang ito.

22:24.040 --> 22:24.880
Sige.

22:41.120 --> 22:44.240
- 'Wag ngayon.
- Sandali lang ito. Mag-usap lang tayo.

22:46.000 --> 22:47.080
Sige.

22:48.240 --> 22:52.880
Kung hindi ka magtatagal,
hindi mo na siguro kailangang tumuloy.

22:52.960 --> 22:54.640
Pinahihirapan mo talaga ako.

22:54.720 --> 22:56.600
Bakit ko naman padadaliin?

22:56.680 --> 22:57.520
Sige.

22:58.200 --> 23:01.960
Gusto ko lang sabihing malaking katangahan

23:02.040 --> 23:03.200
ang ginawa ko sa stage.

23:03.280 --> 23:04.920
Kuha mo? Inaamin ko 'yan.

23:05.520 --> 23:07.800
Inaatake kasi ako ng anxiety.

23:07.880 --> 23:09.240
Para makabawi, minsan,

23:09.320 --> 23:13.040
may nagagawa akong katangahan.
Pero hindi ka dapat madamay.

23:13.120 --> 23:14.320
- Sige.
- Ano pa ba?

23:15.280 --> 23:16.560
Kumukupit ako ng condom.

23:16.640 --> 23:19.400
Mali, pero para ako
sa ligtas na pakikipagtalik.

23:20.320 --> 23:22.280
'Di ko dinadalaw si Lola sa home.

23:22.360 --> 23:24.120
At nakokonsensya ako roon.

23:26.160 --> 23:28.720
Ano pa? 'Pag nakikipaglandian ako,

23:28.800 --> 23:31.520
tine-text ko sila ng lyrics
at inaangkin ko 'yon.

23:32.240 --> 23:35.560
Teka. Ang dami mong sinasabi.

23:36.160 --> 23:37.400
Nagpapakatotoo lang.

23:39.000 --> 23:39.920
Sige.

23:40.680 --> 23:43.000
Gusto talaga kita, Harper.

23:43.480 --> 23:46.720
Mahusay kang tao
at gusto kitang makasama nang madalas.

23:47.960 --> 23:50.760
Pero hindi ko ipipilit kung ayaw mo.

23:52.400 --> 23:55.080
'Yon lang ang gusto kong sabihin.

23:58.560 --> 24:01.240
Bibigyan kita ng panahon para mag-isip.

24:05.320 --> 24:06.200
'Ayun.

24:19.760 --> 24:22.880
- Wala na dapat akong sinabi.
- Bakit? Nakakatawa kaya.

24:23.880 --> 24:25.040
Paano kung tumalab,

24:25.120 --> 24:28.520
sinabi niya ang mga sikreto kay Harper
at lalo silang napalapit?

24:28.600 --> 24:31.000
Ang sikreto siguro, nagsasalsal si Dusty

24:31.080 --> 24:33.800
sa video ni Justin Trudeau
na kumakain ng mansanas.

24:39.680 --> 24:42.480
- 'Wag kang magbanggit niyan.
- Nagpipigil ka pa rin?

24:42.560 --> 24:45.400
Hindi mo pa napapanuod
ang IG stories ni Malakai?

24:45.480 --> 24:48.080
Sa tindi ng pang-aakit niya,
baka mapahamak siya.

24:48.160 --> 24:49.600
Ilayo mo 'yan sa akin.

24:54.080 --> 24:57.240
Para makalimutan ang tao,
makipagtalik ka sa iba.

24:58.520 --> 25:01.320
- 'Di ba, dapat nagtatrabaho ka?
- Oo na, Papa.

25:02.200 --> 25:05.120
- Ipinagmamalaki kita! Magaling ka!
- Onion rings pa.

25:06.360 --> 25:07.320
Tingnan mo sila.

25:19.560 --> 25:22.840
- Hihithit ka ng droga?
- Ano ang gagawin mo rito?

25:22.920 --> 25:25.880
Hawak mo 'yan. Kaya, sa 'yo na 'yan.

25:26.480 --> 25:28.440
Puno ng damit na may tag pa.

25:28.520 --> 25:30.880
'Di sa akin 'yan.
'Di ako magsusuot ng ganyan.

25:30.960 --> 25:33.720
Wala akong pakialam kung kanino ito.
Itapon mo.

25:33.800 --> 25:35.520
Sige na. 'Wag kang sumigaw.

25:35.600 --> 25:37.720
Hindi! Itatapon mo ito

25:37.800 --> 25:40.760
o dadalhin kita sa malapit na presinto.
Pumili ka.

25:42.880 --> 25:43.960
Diyos ko!

25:51.040 --> 25:52.720
- Kumusta?
- Uy. Biglaan ito.

25:52.800 --> 25:55.880
Mahilig tayo sa biglaang pagbisita.
Puwedeng tumuloy?

25:56.480 --> 25:57.720
Nandito si Lola.

25:57.800 --> 25:58.840
Magaling ako diyan.

25:58.920 --> 26:02.280
Natutuwa sila at sinasabing
nakakilala sila ng Itim na tao noon.

26:02.360 --> 26:05.000
Hindi ito ang tamang oras.

26:06.400 --> 26:08.120
Ayos lang. Sandali lang ako.

26:08.200 --> 26:11.280
Gusto ko lang sabihing
may problema sa bahay.

26:11.360 --> 26:14.680
Hindi ko na maitatago itong bag.
Pasensya na.

26:14.760 --> 26:17.320
Hayaan mo na. Ako na ang bahala.

26:17.400 --> 26:19.640
Pero maaasahan ako. Pangako.

26:20.480 --> 26:21.320
Naniniwala ako.

26:23.960 --> 26:25.880
Kaya maniwala ka 'pag sinabi kong

26:25.960 --> 26:28.600
may naisip akong
magandang pagtataguan no'n.

26:29.320 --> 26:31.400
Magsasapatos lang ako.

26:31.480 --> 26:32.360
Sige.

26:35.520 --> 26:40.160
MATAAS NA PAARALAN NG HARTLEY

26:50.800 --> 26:53.080
Bakit 'di ko naiisip na umakyat dito?

26:53.800 --> 26:55.160
Dapat mong masubukan.

27:00.960 --> 27:03.040
Pasensya na sa abala.

27:03.120 --> 27:06.000
Ayos na sana
kung 'di nakialam si Papa sa gamit ko.

27:06.080 --> 27:08.920
Kaya kakausapin ko siya
tungkol sa pangingialam.

27:10.120 --> 27:11.080
Wala 'yon.

27:11.760 --> 27:14.080
Parang mababaw lang, pero mahalaga 'yon.

27:14.680 --> 27:16.400
Nagsasama pa ang mga magulang mo?

27:16.480 --> 27:17.320
Hindi na.

27:17.920 --> 27:21.960
Salamat naman at tumigil na sila
sa pagpapahirap sa isa't isa noon.

27:22.040 --> 27:24.200
Sumama ka na sa tatay mo noon?

27:26.080 --> 27:27.360
Hindi.

27:28.440 --> 27:31.360
Napuno na sa akin ang nanay ko

27:31.440 --> 27:33.880
kaya ipinapunta niya ako sa tatay ko.

27:37.720 --> 27:39.360
- Ikinalulungkot ko.
- Ayos lang.

27:40.440 --> 27:42.720
Mukhang hindi ako gusto ng lahat.

27:43.400 --> 27:44.920
Kahit ang nagluwal sa'kin.

27:45.480 --> 27:46.800
Ayos ka naman.

27:48.120 --> 27:48.960
Salamat, Mama.

27:51.960 --> 27:57.680
Hindi, seryoso,
salamat sa tulong mo rito sa bag.

27:58.360 --> 27:59.440
Wala 'yon.

28:07.640 --> 28:08.520
Wala siya.

28:09.080 --> 28:10.400
Kakausapin lang namin.

28:10.480 --> 28:13.960
Hindi n'yo siya makakausap
kung wala siya rito, 'di ba?

28:14.040 --> 28:17.280
Nabanggit ba ni Douglas
ang pagnanakaw sa sports shop?

28:17.360 --> 28:19.880
Walang kasalanan ang apo ko. Alis na.

28:19.960 --> 28:20.960
Gng. Piggott...

28:21.040 --> 28:24.920
Hindi nga kayo makakapasok
kung walang warrant, at wala siya rito.

28:25.920 --> 28:28.040
Ano'ng gagawin n'yo? Kakapkapan ako?

28:28.720 --> 28:31.880
Sige lang. Baka masiyahan pa ako.

28:33.640 --> 28:34.600
Nalulugod kami.

28:45.800 --> 28:47.120
Ano ba 'yan, Lola!

28:47.200 --> 28:49.880
- Ano'ng pinaggagagawa mo?
- Ano'ng sinasabi mo?

28:49.960 --> 28:53.280
'Wag mo akong pinagloloko, Dougie!
Hindi ako tanga.

28:53.360 --> 28:58.960
Kaya ka lang hindi nakakulong ngayon
dahil pumayag ang korte na tumira ka rito.

28:59.040 --> 29:01.280
Hindi ka makukulong gaya ng nanay mo.

29:01.880 --> 29:05.080
Umayos ka na
at humanap ng mga bagong kaibigan.

29:05.160 --> 29:07.920
'Yong hindi ka ipapahamak.

29:17.800 --> 29:19.120
Nakita ko 'yong video.

29:20.120 --> 29:21.000
Talaga?

29:21.520 --> 29:22.720
Masyadong desperado.

29:22.800 --> 29:25.000
Pasikat lang. 'Wag kang mainggit.

29:26.000 --> 29:29.640
'Wag naman sanang pang-akit kay Amerie.
Wala siyang kwenta.

29:57.480 --> 29:59.960
Hindi ako magpapahatak pababa sa 'yo.

30:00.840 --> 30:02.520
Humanap ka ng ibang kasama.

30:08.680 --> 30:09.600
Ayos ka lang?

30:27.080 --> 30:31.160
HALUAN NG PINAKAANGKOP NA SANGKAP!

30:51.200 --> 30:53.080
PUWEDE BA TAYONG MAG-USAP?

31:27.120 --> 31:29.240
- Laban tayo.
- Mahina ako sa sports.

31:30.840 --> 31:32.320
Tara. Tuturuan kita.

31:32.400 --> 31:34.200
Magaling akong magturo.

31:34.280 --> 31:35.960
Seryoso. Bano ako.

31:36.040 --> 31:38.720
Gagaling ka kung magpapaturo ka sa akin.

31:40.360 --> 31:41.200
Sige na.

31:44.840 --> 31:45.800
Ipasa mo sa'kin.

31:48.280 --> 31:50.320
Nandito pala si LeBron, eh.

31:50.400 --> 31:51.440
Tumigil ka nga.

31:58.240 --> 32:01.440
Maglaro ka ng basketball.
Ano'ng ginagawa mo?

32:13.480 --> 32:15.000
Bawal humawak sa kalaban.

32:15.080 --> 32:17.920
- Paano kung nandadaya sila?
- Magaling talaga ako!

32:21.800 --> 32:23.000
Sabi mo, bano ka.

32:23.080 --> 32:25.240
Sabi mo, magaling kang magturo.

32:25.320 --> 32:28.760
Totoo naman. Tuturuan ko si Spider
na matalo sa trials.

32:29.360 --> 32:30.560
Para saan 'yon?

32:31.320 --> 32:33.720
Para makalaro sa distrito.
Maglalaban kami.

32:33.800 --> 32:36.200
- Matatalo mo siya.
- Katapusan niya na.

32:37.080 --> 32:40.040
- Oo.
- Ano bang mayroon sa inyo?

32:40.560 --> 32:41.920
- Kami ni Spider?
- Oo.

32:42.000 --> 32:43.160
Wala. Bakit?

32:43.240 --> 32:45.440
- Wala lang.
- May sinabi ba siya?

32:45.920 --> 32:46.800
Kung umasta siya...

32:47.600 --> 32:49.600
parang may kasalanan ka sa kanya.

32:51.160 --> 32:52.040
Lahat naman.

32:52.760 --> 32:54.840
- Hindi ako.
- Nasa SLTs ka, 'di ba?

32:56.120 --> 32:57.040
Pinili ko 'yon.

32:57.800 --> 33:00.440
Bakit nga ba? Nakakaloka 'yon.

33:00.520 --> 33:04.200
'Yong isang Itim na lalaki, si Malcolm,
siya 'yong nasa mapa,

33:04.280 --> 33:07.200
pero akala ng receptionist,
ako 'yon. Kaya...

33:09.280 --> 33:11.480
- Ano?
- Totoo.

33:11.560 --> 33:13.280
Malakai, racist 'yon.

33:13.880 --> 33:14.960
Oo.

33:15.960 --> 33:17.120
Naaalala ko siya!

33:17.200 --> 33:18.880
'Di ba, siya 'yong...

33:18.960 --> 33:22.560
- 'Yong may Vegemite.
- Diyos ko. Patawad.

33:22.640 --> 33:25.400
'Wag sa akin.
Kay Malcolm ka humingi ng tawad.

33:26.160 --> 33:29.040
Kung wala ka pala dapat doon,
bakit ka sumasali?

33:29.120 --> 33:30.720
Iiwas ako kung puwede lang.

33:32.200 --> 33:34.240
Hindi mo pa rin alam?

33:35.720 --> 33:36.680
Kalokohan 'yan.

33:39.360 --> 33:40.360
Alam mo...

33:42.280 --> 33:44.960
Hindi lang ako sa basketball magaling.

33:45.680 --> 33:46.720
Ang humble, ah.

33:49.400 --> 33:53.760
Kung ganoon... Gusto mo bang lumabas minsan?

33:54.280 --> 33:56.640
Wala ang mga magulang ko ngayon. Kaya...

33:56.720 --> 33:59.720
Akala ko ba, magsasanay kayo
para sa trials?

34:00.400 --> 34:02.640
'Di na kailangan kung perpekto ka na.

34:20.239 --> 34:21.120
Ano?

34:28.679 --> 34:32.040
Bale, apat na value meal
at extra chicken nuggets,

34:32.120 --> 34:34.400
isang hotdog at limang sachet ng sauce

34:34.480 --> 34:36.639
kasi may nanalo ng Basic Bitch of the Year

34:36.719 --> 34:39.199
at gustong magpakasasa sa sauce.

34:39.280 --> 34:42.760
Salamat, sa susunod na bintana magbabayad.
Magandang araw.

34:45.520 --> 34:48.880
Magandang hapon, mga binibini.
Magandang hapon.

34:48.960 --> 34:50.760
Mag-enjoy kayo.

34:52.760 --> 34:54.120
Nandito 'yong bigatin!

34:55.360 --> 34:56.480
Kumusta?

34:56.560 --> 34:57.639
Ayos lang, ashcay?

34:57.719 --> 34:58.840
Oo, ayos naman.

34:58.920 --> 35:01.400
Bihira na kitang makita
mula noong nakawan.

35:01.480 --> 35:04.560
Inaalagaan ko lang si Lola.

35:04.640 --> 35:06.000
May sakit siya.

35:06.080 --> 35:08.080
Sawa na sa kasusubo ng ari mo?

35:10.840 --> 35:12.000
Doon kayo sa kotse.

35:13.480 --> 35:15.360
Buwisit. Seryoso ba ito?

35:16.200 --> 35:17.720
Ayos ka lang?

35:17.800 --> 35:18.800
Oo, mabuti naman.

35:20.800 --> 35:22.720
Ano'ng oras ka matatapos? Baka...

35:23.680 --> 35:26.760
Gusto mong tumambay sa istasyon?

35:26.840 --> 35:29.160
Hindi ako puwede.

35:29.240 --> 35:31.920
Sasamahan ko si Lola na magpatingin.

35:33.480 --> 35:34.440
Sa susunod?

35:34.520 --> 35:35.720
- Oo, sige.
- Salamat.

35:35.800 --> 35:36.640
Salamat.

35:36.720 --> 35:37.640
- Paalam.
- Paalam.

35:41.400 --> 35:42.520
Ayos lang si Lola?

35:44.160 --> 35:46.320
Oo. Hindi naman siya magpapatingin.

35:46.400 --> 35:48.600
Nagsisinungaling ka na sa kanila.

35:50.360 --> 35:51.640
Iniisip ko...

35:52.120 --> 35:54.440
Gusto mo bang lumabas?

35:55.560 --> 35:57.640
Kung wala kang gagawin.

35:57.720 --> 35:59.200
- Sige.
- Talaga?

36:00.120 --> 36:01.240
Sige. Ayos.

36:02.360 --> 36:04.760
I-text mo ako 'pag tapos ka na rito.

36:04.840 --> 36:05.760
Sige.

36:07.200 --> 36:08.120
Mag-date tayo.

36:10.640 --> 36:11.480
Kita-kits.

36:24.040 --> 36:26.200
Bagay na bagay sa 'yo,

36:26.280 --> 36:28.880
pero 'wag mong patagalin
nang ilang taon, ha?

36:28.960 --> 36:30.720
Ano'ng ginagawa mo rito?

36:30.800 --> 36:32.480
- Tinitirintas ako.
- Labas.

36:32.560 --> 36:33.920
- Pero...
- Labas, Yasmin.

36:35.480 --> 36:38.000
- Walang kwentang ate!
- Pakinggan mo ako.

36:38.080 --> 36:40.560
Pakikinggan kita matapos mo akong iwasan?

36:40.640 --> 36:41.880
Alam ko. Masama 'yon.

36:44.280 --> 36:45.560
Ano? Dali na.

36:46.880 --> 36:47.880
Ano?

36:49.080 --> 36:52.280
Hindi ako nakipagtalik kay Dusty
para saktan ka.

36:53.320 --> 36:54.440
Nangyari lang.

36:55.560 --> 36:58.320
At nauunawaan ko
kung bakit masama ang dating.

36:59.920 --> 37:00.920
Patawad.

37:07.360 --> 37:09.760
'Di na mahalaga ang tungkol diyan.

37:09.840 --> 37:13.040
Kalimutan na natin at magsimula ulit.

37:16.720 --> 37:17.640
Harps?

37:18.680 --> 37:22.080
Hindi ako pumunta rito
para makipagkaibigan ulit.

37:23.000 --> 37:25.080
Ano, para gumaan ang loob mo?

37:25.160 --> 37:26.120
Hindi.

37:27.080 --> 37:28.360
Mali talaga ito.

37:28.440 --> 37:30.520
- 'Wag kang umalis.
- Bitawan mo ako.

37:30.600 --> 37:34.320
Hindi! Kung desperado kang makipag-usap,
kailangan ko ng sagot.

37:34.400 --> 37:38.880
Perpekto ang pagkakaibigan natin
tapos bigla na lang nasira nang ganoon.

37:38.960 --> 37:40.120
Hindi totoo 'yan.

37:40.200 --> 37:41.920
Ano'ng sinasabi mo?

37:42.000 --> 37:43.360
Ang pagkakaibigan natin!

37:43.440 --> 37:45.080
Hindi perpekto 'yon.

37:45.680 --> 37:49.000
Naaalala mo ba ang nangyari?
O masyado kang makasarili

37:49.080 --> 37:51.360
kaya 'di mo naiisip
ang nararamdaman ng iba?

37:52.800 --> 37:54.680
Tungkol ba ito sa festival?

37:54.760 --> 37:56.480
Naguguluhan ako.

37:58.840 --> 38:01.000
Tama nga. 'Yon ang tinutukoy mo.

38:01.080 --> 38:02.800
Noong araw na 'yon,

38:02.880 --> 38:04.920
parang... Ayos ka naman.

38:05.000 --> 38:07.480
Tapos bigla kang nagbago.

38:07.560 --> 38:11.320
Ano bang nangyari? Bakit ka nagpakalbo?

38:11.400 --> 38:14.040
Bakit galit ka sa akin? Pakiusap!

38:14.120 --> 38:19.760
Nababaliw na ako sa kakaisip.
Sige na, sabihin mo na ang nangyari.

38:20.360 --> 38:21.400
Pakiusap.

38:24.120 --> 38:26.000
Harper. Alam mo naman...

38:27.840 --> 38:29.400
Ikaw ang kasangga ko.

38:33.280 --> 38:34.320
Pakiusap.

38:37.920 --> 38:39.560
Hindi kita pababayaan.

38:43.280 --> 38:44.560
Kalokohan 'yan.

38:47.880 --> 38:48.760
Harper.

38:50.960 --> 38:52.160
Buwisit.

39:08.880 --> 39:10.320
- Uy.
- Uy.

39:11.640 --> 39:14.400
Salamat at itinapon mo ang bag.

39:14.480 --> 39:15.800
Ah, sige.

39:17.040 --> 39:19.400
Sino ba 'yon? 'Yong nag-iwan ng bag.

39:20.120 --> 39:21.760
Kasama ko sa paaralan.

39:22.840 --> 39:24.240
Mapanganib siyang tao.

39:24.320 --> 39:25.600
Hinusgahan mo kaagad.

39:25.680 --> 39:26.880
Hindi, seryoso ako.

39:26.960 --> 39:29.720
Kung magkakagipitan,
at nangyayari sa kanila 'yon,

39:29.800 --> 39:31.800
sino sa tingin mo ang masisisi?

39:31.880 --> 39:32.840
Hindi mga puti.

39:32.920 --> 39:36.240
Mahaba pa ba 'yan? Magbubus na lang ako.

39:36.320 --> 39:39.080
Ilang beses na ba kitang pinangaralan?

39:39.160 --> 39:40.240
Makinig ka lang.

39:43.520 --> 39:45.840
Sige. Salamat.

39:57.280 --> 39:58.760
'Ayun nga. Bale...

39:58.840 --> 40:02.160
Mahilig siya sa ballroom dancing

40:02.240 --> 40:03.640
noong kabataan niya.

40:04.320 --> 40:06.840
May mga tropeo sila ng lolo ko.

40:07.600 --> 40:10.840
Pero napinsala ang balakang niya.
Matinding rayuma.

40:12.200 --> 40:15.680
- Hindi masakit kung hindi ka gagalaw.
- Kalokohan 'yan.

40:15.760 --> 40:18.800
Tinutusok mo ng karayom ang balat ko.

40:18.880 --> 40:22.440
Mababawasan ng 15 porsiyento ang sakit.

40:22.520 --> 40:23.680
- Labinlima?
- Sige.

40:23.760 --> 40:24.720
Dalawampu na.

40:25.600 --> 40:26.960
Dahil gusto kita.

40:29.160 --> 40:31.200
Pagkatapos, si Lola?

40:32.280 --> 40:35.520
Oo. Napakabait niya.

40:35.600 --> 40:40.560
Minsan nagtatalo kami,
pero kadalasan, kalmado lang siya.

40:40.640 --> 40:42.080
At sobrang nakakatawa.

40:42.160 --> 40:44.080
Siguradong magkakasundo kayo.

40:44.160 --> 40:45.520
Ano'ng ginawa mo, Ca$h?

40:46.080 --> 40:47.040
Saan?

40:47.120 --> 40:48.320
Alam kong nasa mapa ka

40:48.400 --> 40:50.720
dahil nagdurusa ka rin sa SLTs,

40:50.800 --> 40:52.840
pero hindi ko nakita kung kanino.

40:55.840 --> 40:56.760
Ah, oo.

40:58.880 --> 40:59.800
Ano?

41:04.160 --> 41:05.080
May...

41:07.680 --> 41:08.520
ilang tao.

41:09.760 --> 41:10.600
Marami?

41:12.000 --> 41:14.720
Ayaw kong ipagkalat gaya ng iba.

41:14.800 --> 41:16.840
Sige. Ayos.

41:18.240 --> 41:19.120
Ganoon.

41:19.840 --> 41:21.480
Malandi ka pala.

41:25.440 --> 41:27.200
- Sige.
- 'Ayun.

41:45.720 --> 41:46.800
- Ayos ka lang?
- Hindi.

41:48.400 --> 41:49.680
Ano'ng nangyari?

41:54.680 --> 41:55.640
Uy.

41:56.720 --> 41:57.680
Puwedeng tumuloy?

42:00.080 --> 42:01.000
Oo.

42:15.280 --> 42:16.400
Kung alam ko lang,

42:16.480 --> 42:18.520
naghanda sana ako ng alak.

42:19.560 --> 42:21.560
Ayos lang. Ayaw kong uminom.

42:21.640 --> 42:22.880
Ako rin.

42:27.080 --> 42:29.000
Napanood mo 'yong <i>Army of the Dead?</i>

42:29.080 --> 42:30.520
Maganda.

42:31.120 --> 42:34.120
May eksenang may zombie na tigre.
Ang tindi no'n.

42:34.200 --> 42:37.640
Pero hindi naman ako mahilig sa horror.

42:37.720 --> 42:38.600
Malakai.

42:38.680 --> 42:40.680
Maganda ang visual effects no'n.

42:40.760 --> 42:41.600
Malakai.

42:41.680 --> 42:44.040
Marami ring madudugong eksena.

42:44.120 --> 42:46.040
- Kung 'di ka mahilig...
- Malakai.

42:46.120 --> 42:48.120
'Wag na siguro nating panoorin.

42:53.800 --> 42:56.160
Gusto mo bang hubarin ang damit ko?

44:01.920 --> 44:04.200
Ito? Ayos lang ba?

44:04.280 --> 44:05.720
Bagalan mo lang.

44:05.800 --> 44:08.200
- Sige.
- Mabagal lang.

44:08.880 --> 44:10.080
- Ito?
- 'Ayan.

44:10.160 --> 44:11.080
Ayos ba?

44:12.080 --> 44:13.720
Oo, gusto ko 'yan.

44:13.800 --> 44:17.200
- Puwede ko pang bagalan kung gusto mo.
- Hindi, ayos na.

44:22.840 --> 44:25.360
Ito ang unang beses kong gagawin ito.

44:26.880 --> 44:30.400
Sige. Astig.

44:30.480 --> 44:32.600
- Tumahimik ka na.
- Pasensya na.

44:46.720 --> 44:48.520
Pasensya na! Kasi...

44:48.600 --> 44:50.440
ayoko ng hinahalikan sa tenga.

44:51.040 --> 44:53.400
- Pasensya na. Nako.
- Hindi.

44:53.480 --> 44:55.800
Pero gusto ko ang galaw ng daliri mo.

44:56.920 --> 44:57.960
Sige.

45:02.400 --> 45:05.400
Gusto kong gawin ang gusto mong gawin.
Payag ka ba?

45:06.080 --> 45:08.320
Oo.

45:08.920 --> 45:11.560
Dahil gustong-gusto ko talagang gawin ito.

45:15.960 --> 45:17.240
Ayos lang ba sa 'yo?

45:18.080 --> 45:21.280
Oo. Ayos na ayos.

45:39.840 --> 45:42.320
Dahan-dahan lang...

45:52.760 --> 45:53.880
'Ayan?

45:54.800 --> 45:55.840
Gusto ko 'yan.

45:56.640 --> 45:57.520
Masarap ba?

46:06.440 --> 46:07.440
Oo.

46:24.080 --> 46:25.080
Spider!

46:28.440 --> 46:31.040
- Ayos naman ako, Coach.
- Mabuti naman.

46:31.120 --> 46:33.360
Nakausap mo na si Malakai?

46:35.440 --> 46:36.520
Hindi pa.

46:39.080 --> 46:39.920
Ituloy mo na.

47:07.520 --> 47:09.200
May pupuntahan ka ba?

47:09.920 --> 47:11.680
- Wala.
- Mabuti naman.

48:10.600 --> 48:15.600
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Nadine Aguazon
