WEBVTT

00:06.000 --> 00:10.920
Naglalaman ang episode na ito
ng paglalarawan ng kalupitan ng pulisya

00:11.000 --> 00:15.920
laban sa isang miyembro
ng komunidad ng First Nations.

00:16.000 --> 00:18.400
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX

00:41.400 --> 00:42.320
Salamat.

00:43.760 --> 00:44.680
Para saan?

00:45.800 --> 00:49.840
Sa paghatid sa akin, sa beach,
sa pag-cutting kasama ko buong araw.

00:50.920 --> 00:52.200
Nasiyahan ako.

00:53.680 --> 00:57.000
Eh, kagabi? At kaninang umaga?

00:57.080 --> 00:59.520
Medyo masaya rin.

01:00.840 --> 01:01.760
Medyo lang?

01:06.120 --> 01:07.240
Nasa loob si Mama.

01:09.640 --> 01:10.480
Sige.

01:11.680 --> 01:13.520
Kita-kits sa school bukas!

01:14.600 --> 01:16.800
'Yong assignment mo, ha? 'Wag tamarin.

01:39.240 --> 01:41.560
Nasasabik na ako sa Slay Ball.

01:41.640 --> 01:44.680
Naririndi ako sa pinkwashing
hinggil sa Mardi Gras.

01:44.760 --> 01:46.120
Parang Pasko ng queer.

01:46.200 --> 01:49.560
- At pagkakataon nang maghubad!
- 'Wag!

01:50.200 --> 01:51.800
Saan ka ba nanggaling?

01:51.880 --> 01:53.200
Nagpahinga.

01:53.280 --> 01:54.320
Maganda 'yan.

01:54.400 --> 01:59.120
Salamat. Pumunta ako sa beach,
kumain ng fish and chips, nakipagtalik.

01:59.200 --> 02:02.680
- Ano?
- Isinuko ko na ang Bataan!

02:02.760 --> 02:04.280
Hindi halata, 'no?

02:04.360 --> 02:05.800
Parang walang nagbago.

02:05.880 --> 02:07.640
Mayroon ba? Gumanda ba ako?

02:07.720 --> 02:10.240
Hindi. Pero may cereal sa damit mo.

02:10.320 --> 02:11.840
Sino ang kasama mo?

02:11.920 --> 02:13.320
Sandali, huhulaan ko.

02:13.400 --> 02:14.759
Si Malakai.

02:15.720 --> 02:18.600
Kahapon lang, sabi mo,
hindi ka na hahawak ng ari ulit.

02:19.160 --> 02:22.760
Tapos heto. Sumali na sa chat si Amerie.

02:22.840 --> 02:25.640
- Oo. 'Wag mong palakihin.
- Ipinagmamalaki kita.

02:25.720 --> 02:26.720
Malaki ba 'yon?

02:26.800 --> 02:27.920
Nakailang beses ka?

02:28.000 --> 02:30.000
Hindi ko sasabihin.

02:30.720 --> 02:32.880
May programa ulit para sa mga bakla.

02:34.720 --> 02:38.840
Pero hindi naman seryoso 'yon.
Kaswal lang kami.

02:43.880 --> 02:46.320
Kaswal na kaswal nga.

02:49.200 --> 02:50.920
PUWEDE BA KITANG MAGING NOBYA

02:53.640 --> 02:56.880
Kayo pala ni Malakai?
Inilihim mo 'yan, ah.

02:57.720 --> 03:02.360
Dark horse. Puwede ko bang sabihin 'yon?
Hindi naman racist, 'di ba?

03:03.000 --> 03:04.080
'Di naman siguro.

03:04.680 --> 03:09.720
Mabait siya. At salamat sa impormasyon
tungkol kay Harper. Nakatulong 'yon.

03:10.640 --> 03:11.520
Sobra.

03:11.600 --> 03:15.720
Ayos. Kayo ni Harper. Nakakatuwa naman.

03:15.800 --> 03:18.920
Salamat, Am.
Hindi mangyayari 'yon kung wala ka.

03:20.120 --> 03:20.960
Mauuna na ako.

03:31.840 --> 03:33.480
Napaka-heteronormative niyan.

03:34.120 --> 03:35.000
Ano'ng sinagot mo?

03:35.800 --> 03:37.600
Parang ingay ng balyena.

03:37.680 --> 03:39.520
Click, mala-sipol o pag-ingit?

03:40.000 --> 03:45.160
Basta tunog. Hindi naman pagtanggi,
pero malayo rin sa pagpayag.

03:45.720 --> 03:48.680
Hindi ko alam ang gagawin.

03:48.760 --> 03:52.560
Nakipagtalik lang ako
kasi dinalaw ako ni Harper, nag-away kami,

03:52.640 --> 03:57.680
at nalungkot ako at malinaw na siya rin
kasi magkasintahan na sila ni Dusty.

03:57.760 --> 03:58.960
Hayaan mo na sila.

03:59.040 --> 04:03.160
'Di mo kailangang maging nobya niya,
pero imbitahan mo siya primer ko.

04:03.240 --> 04:05.360
- Tama!
- Saka ka na magpasya.

04:05.440 --> 04:06.920
Kailangan ba natin ng...

04:07.000 --> 04:09.280
Oo naman. Magdadala tayo ng caps.

04:10.200 --> 04:11.400
Ecstasy.

04:13.560 --> 04:16.720
Si Ca$h na ang bahala.
Baka pumunta rin siya.

04:16.800 --> 04:21.600
Ano? Teka. Sasama 'yong sanggano
sa atin sa Mardi Gras.

04:21.680 --> 04:23.160
Kailangan ng droga, 'di ba?

04:23.240 --> 04:24.320
Ang sensitibo mo.

04:24.399 --> 04:26.399
Ginagawan niya tayo ng pabor.

04:26.480 --> 04:28.160
May gusto ka kay Ca$h!

04:29.360 --> 04:30.520
Hindi totoo 'yan.

04:30.600 --> 04:31.640
Naku po.

04:31.720 --> 04:33.120
Kailan pa?

04:33.720 --> 04:38.680
Kailan lang. Ewan ko kung ano'ng mayroon
sa amin, kaya iimbitahan ko siya.

04:40.480 --> 04:43.280
Ca$h, ang sanggano kong nobyo.

04:43.360 --> 04:45.080
Sige na. Tama na 'yan.

04:45.160 --> 04:50.360
Isusubo ang ari ko buong gabi. Ayos, Ca$h.

05:02.000 --> 05:02.920
'Di ako makahinga.

05:03.000 --> 05:07.360
Sige. May punto ka. Umiinit na nga rito.

05:08.880 --> 05:10.800
Sabi ko, sa Slay Ball tayo magkita,

05:10.880 --> 05:13.480
pero may primer si Darren sa kanila.
Sama ka?

05:13.560 --> 05:14.800
Siyempre naman.

05:14.880 --> 05:16.000
Ayos.

05:16.080 --> 05:16.920
- Ayos.
- Ayos.

05:17.480 --> 05:18.520
Sino ang kasama?

05:18.600 --> 05:21.680
Ako, si Darren, si Amerie,
at kasama na rin si Ca$h.

05:22.720 --> 05:25.000
- Ayos.
- Gusto ko nang ipakita ang damit ko.

05:26.280 --> 05:27.280
Talaga?

05:28.400 --> 05:30.200
Eh, 'yong nasa ilalim no'n?

05:36.920 --> 05:39.080
Magtatalik ba tayo rito sa clinic?

05:40.160 --> 05:42.560
Bakit? Gusto mo ba?

05:46.000 --> 05:48.200
Hindi kailangan kung ayaw mo.

05:48.280 --> 05:50.520
Dahan-dahanin lang natin para sa 'yo.

05:51.880 --> 05:52.960
Sige.

05:53.040 --> 05:54.120
Walang problema.

05:57.400 --> 06:02.880
Pagkakataon nga naman.
Magkasabay na naman kayong nandito.

06:14.520 --> 06:18.360
Pare. Nagkukunwari ka pang maginoo.
Ganyan nga!

06:18.440 --> 06:19.800
Hindi ko pa siya nobya.

06:19.880 --> 06:21.120
Bakit may bulaklak?

06:22.080 --> 06:23.320
Simp siya, hindi pimp.

06:24.000 --> 06:25.040
Simp!

06:25.120 --> 06:28.200
Binabati kita, Spider.
Naging A-grade ka. Masaya ka na?

06:28.280 --> 06:32.040
Kung pinagbutihan mo
ang pagsasanay kaysa nakipagtalik,

06:32.120 --> 06:33.400
nakapasok ka sana.

06:33.480 --> 06:34.400
Totoo 'yan.

06:34.480 --> 06:36.480
Kahit papaano, may tsansa ka roon.

06:36.560 --> 06:39.960
Alam mo, palagi akong nakakaiskor,
kahit saan maglaro.

06:40.040 --> 06:42.120
- Bigatin.
- Lintik, bigatin.

06:42.200 --> 06:43.760
Nagtalik kayo ni Amerie?

06:43.840 --> 06:45.040
Bro, oo.

06:45.120 --> 06:46.120
Kalokohan.

06:46.200 --> 06:47.080
Nagawa niya.

06:47.160 --> 06:48.360
Kailan?

06:48.440 --> 06:50.920
'Wag kang magselos dahil ako ang pinili.

06:51.000 --> 06:53.080
- Wala akong pakialam kay Amerie.
- Asa pa.

06:53.160 --> 06:54.920
Mag-makeup ka na ng payaso.

06:56.280 --> 06:58.720
Tinira mo ba sa likod?

06:58.800 --> 07:01.560
- Ganito. O nakataas pareho?
- Nakatagilid?

07:02.160 --> 07:05.000
- Malakai.
- Ipinaikot-ikot mo siya?

07:05.560 --> 07:06.600
May proteksyon?

07:07.600 --> 07:09.840
- Wala? Walang condom?
- Ano?

07:09.920 --> 07:13.000
Hindi nobya ang hinahanap niya,
gustong maging tatay.

07:13.080 --> 07:14.360
Pinutok mo sa labas?

07:14.440 --> 07:16.080
Sabihin mong oo.

07:16.160 --> 07:19.280
Mabait siya.
Malamang, pinutok niya lang sa sarili.

07:19.840 --> 07:21.520
Kailangan. Nasa ibabaw siya.

07:26.400 --> 07:28.680
- Pahingi nga ng towel?
- Manahimik ka!

07:30.040 --> 07:32.080
Punta na sa gym, ngayon na!

07:32.680 --> 07:36.600
'Wag nang lalamya-lamya!
Kilos na. Bilis. Ikaw rin, kulot.

07:37.080 --> 07:40.520
Ganyan nga, G. Mang-iindyan.
Mabuti at nandito ka ngayon.

07:41.560 --> 07:44.000
Sige na! Bilis!

07:49.640 --> 07:51.560
Tulungan mo akong ipamigay ito.

07:51.640 --> 07:54.240
'Di ako tumutulong sa backstage.
Artista ako.

07:54.800 --> 07:56.960
Amerie, nandito ka na sa mapa.

07:57.880 --> 08:00.200
Bakit? Wala namang may pakialam.

08:00.280 --> 08:02.120
Sino bang nag-umpisa niyan?

08:02.200 --> 08:03.560
Ikaw.

08:03.640 --> 08:06.640
Pero totoo ang mga ito,
'yong sa 'yo, pantasya lang.

08:06.720 --> 08:08.640
Pero naghalikan sila ni Dusty.

08:08.720 --> 08:10.360
Noong una, sa panaginip lang.

08:10.440 --> 08:11.840
Pero napatotoo niya.

08:11.920 --> 08:13.440
Oo, sa panaginip niya.

08:20.040 --> 08:20.920
Na-miss kita.

08:25.760 --> 08:27.320
Makaluma, ah.

08:28.360 --> 08:30.320
ANO ANG GAGAWIN MO SA MARDI GRAS?

08:33.480 --> 08:34.320
IKAW

08:37.000 --> 08:39.039
Talaga ba? Isip-bata ka.

08:44.360 --> 08:45.400
Ano'ng mayroon?

08:45.480 --> 08:47.960
May Mardi Gras primer kina Darren.
Sama ka?

08:48.520 --> 08:50.680
Magsitahimik na ang lahat.

08:50.760 --> 08:53.560
Naku, may pulis.
Itago mo na ang ecstasy, Ca$h.

08:53.640 --> 08:55.320
Itago mo ang porn mo ng bata.

08:55.400 --> 08:56.560
Sige, salamat.

08:57.200 --> 09:01.000
May dalawang
espesyal na panauhin tayo ngayon.

09:01.080 --> 09:03.880
Regular na bumibisita
si G. Peterson sa paaralan

09:03.960 --> 09:06.160
at iwo-workshop niya kayo.

09:06.760 --> 09:10.320
Salamat. Kumusta kayo?
Ako si Kurt Peterson.

09:10.400 --> 09:13.680
At ako si Constable Paul Perry.
Pero PP na lang.

09:15.080 --> 09:17.760
- PP?
- Dati akong pulis.

09:17.840 --> 09:18.760
Pulis patola.

09:18.840 --> 09:23.920
Sa maniwala kayo't sa hindi,
dati rin akong mag-aaral sa Hartley High.

09:24.000 --> 09:28.360
Noong nagtapos ako,
sumali ako sa puwersa ng kapulisan,

09:28.440 --> 09:32.840
nagsilbi ako nang mahigit isang dekada,
pero huminto dahil sa injury.

09:34.000 --> 09:35.800
May katanungan. Gusto ko 'yan.

09:35.880 --> 09:39.440
Napinsala ka ba sa pang-aapi
sa marginalized na komunidad?

09:43.160 --> 09:45.920
Hindi, sumabit ako sa bakod.

09:47.360 --> 09:50.800
Ngayon, hahatiin namin
ang klase sa dalawa.

09:50.880 --> 09:55.160
Sasama sa akin ang mga babae
at kay Constable Perry ang mga lalaki.

09:55.240 --> 09:58.160
Darren, ikaw ang pumili
kung saan mo gusto.

09:58.240 --> 10:01.440
Salamat, Ma'am.
Nararamdaman kong magiging magulo ito.

10:02.560 --> 10:04.000
Mga iho, sumunod kayo.

10:05.080 --> 10:06.000
Halina kayo.

10:07.840 --> 10:12.920
Ito ay isang gabay sa kaligtasan
ng mga batang babae. Tinatawag itong...

10:13.480 --> 10:15.440
LUMAYO KA!

10:15.520 --> 10:16.480
Lumayo Ka.

10:17.840 --> 10:21.800
Nakalulungkot na maraming batang babaeng
nakararanas ng panghahalay.

10:21.880 --> 10:22.720
Alam mo.

10:22.800 --> 10:27.000
At ginawa ang Lumayo Ka
para magbigay ng pamamaraan at kaalaman

10:27.080 --> 10:28.480
para makaiwas dito.

10:29.000 --> 10:35.240
- PP! Ayos!
- Isa, dalawa, tatlo! Ganyan nga, mga bata!

10:36.040 --> 10:41.160
Ang susi sa matatag na kaisipan at malakas
na katawan ay kalusugan at fitness.

10:41.240 --> 10:42.080
- Tama.
- Totoo.

10:42.160 --> 10:44.840
At nasa kamay n'yo ito, mga kapatid.

10:49.880 --> 10:51.280
Ang cellphone n'yo.

10:51.360 --> 10:52.360
'Di ba?

10:52.440 --> 10:55.920
Ngayon, alam n'yo na
kung paano mag-isip ang manghahalay,

10:56.000 --> 11:00.960
at ang paraan nila ng pagpili.
Oras na para malaman kung paano sila...

11:01.040 --> 11:02.480
Mapapalago?

11:04.000 --> 11:05.240
Mapapalayo.

11:07.800 --> 11:11.880
Magtuturo ako ng mga simpleng paraan
sa pagtatanggol ng sarili

11:11.960 --> 11:14.080
na masusubukan n'yo sa isa't isa.

11:15.040 --> 11:16.960
May gusto bang magboluntaryo?

11:18.840 --> 11:20.240
Sige na.

11:21.800 --> 11:23.120
'Yong nasa likod?

11:24.560 --> 11:27.240
- Oo, ikaw.
- Ipakita mo kung ilan ang kaya mo.

11:27.320 --> 11:28.760
Palakpakan natin siya!

11:29.760 --> 11:31.880
Kayo naman, magbilang kayo.

11:31.960 --> 11:34.000
Motibasyon 'yan mula sa iba.

11:34.840 --> 11:35.680
Isa!

11:36.440 --> 11:38.280
- Dalawa! Tatlo!
- Dalawa! Tatlo!

11:38.360 --> 11:39.320
- Pito. 14.
- Apat!

11:39.400 --> 11:43.160
Masyadong mabilis. Tama na,
mapapagod siya. May tanong ba kayo?

11:43.240 --> 11:44.680
Puwede pagkatapos magsalsal?

11:44.760 --> 11:47.400
Oo naman. Pinakaangkop 'yan pagkatapos.

11:47.480 --> 11:48.880
- Ayos!
- Astig!

11:48.960 --> 11:52.680
Tama na. Walang may gusto ng pasikat.
Tumayo ka na. Magaling.

11:52.760 --> 11:53.760
Ang galing mo!

11:53.840 --> 11:55.000
Kaya ko pa nga, eh.

11:55.080 --> 11:56.520
Ang ganda ng porma mo.

11:58.360 --> 11:59.680
May nabaril ka na ba?

12:00.240 --> 12:02.760
Wala. Hindi pa ako binibigyan ng baril.

12:03.760 --> 12:06.520
Darating din 'yon.
Kaunting panahon na lang.

12:08.320 --> 12:10.320
Mahigpit ang paghawak sa 'yo.

12:10.920 --> 12:14.320
Hindi mo maibaba o mahila palayo,

12:14.400 --> 12:17.360
pero ang pinakamahinang parte
ay ang hinlalaki.

12:17.440 --> 12:19.480
Kaya hawakan mo ng kabilang kamay.

12:24.760 --> 12:26.000
Ano'ng nangyari?

12:26.640 --> 12:27.800
Pinaso mo ako?

12:28.720 --> 12:30.120
Napalayo kita, 'di ba?

12:30.880 --> 12:36.160
Sige. Magandang pangwakas na punto ito.

12:36.240 --> 12:37.760
Maraming salamat.

12:38.080 --> 12:39.920
Teka. Harper!

12:40.000 --> 12:41.960
- Ginawa niya iyon. Iyon ay...
- Tama na.

12:42.040 --> 12:44.600
- Hindi ako naniniwala. Makaluma na 'yon.
- Sige.

12:46.120 --> 12:49.320
Sabihin n'yo
ang mga natutunan n'yo ngayon.

12:49.400 --> 12:52.760
Sampung libong hakbang, Ma'am.
Para maging malakas.

12:54.000 --> 12:56.360
'Di kayo tinuruan tungkol sa panghahalay?

12:58.600 --> 12:59.640
Kalokohan 'yan.

12:59.720 --> 13:04.600
Hindi na kailangan.
Mga feminista tayong lahat dito, 'di ba?

13:04.680 --> 13:07.920
Humihingi kami ng permiso.
Gumagamit ng proteksyon.

13:08.680 --> 13:11.600
Si Malakai nga, pinuputok lang sa sarili.

13:11.680 --> 13:13.640
- Hoy.
- Ayos ba 'yon, Amerie?

13:16.080 --> 13:18.080
Pumasok ka na lang sa alulod.

13:18.160 --> 13:20.320
Doon lang mababasa ang ari mo.

13:20.400 --> 13:23.080
Tama na 'yan. Sige na. Salamat sa inyo.

13:26.840 --> 13:29.520
Salamat. Enjoy kayo sa lunch break.

13:35.240 --> 13:36.160
Sa wakas.

13:39.000 --> 13:40.760
Uy, Amerie, patawarin mo ako.

13:42.040 --> 13:43.880
- 'Wag mo nang ulitin 'yon.
- Ano?

13:43.960 --> 13:46.240
Hindi mo ako kailangang ipagtanggol.

13:46.320 --> 13:48.680
Magrambulan kayo ulit. Ang sarap panoorin.

13:53.320 --> 13:54.800
Nandito rin pala kayo.

13:55.360 --> 13:56.920
- Meron ka pa niyan?
- Oo.

13:57.520 --> 13:58.440
Gusto mo?

13:58.520 --> 13:59.800
Kung mamimigay ka.

13:59.880 --> 14:01.040
Baka may betsin 'yan.

14:01.600 --> 14:02.440
Asa ka pa.

14:03.000 --> 14:05.840
Wala akong tiwala sa 'yo.
O sa ganyan ang gupit.

14:05.920 --> 14:07.360
Oo.

14:10.840 --> 14:13.120
Magsama-sama kayong tatlo.

14:23.440 --> 14:25.280
MATAAS NA PAARALAN NG HARTLEY

14:36.880 --> 14:38.560
'Wag mong lagyan ng chikinini.

14:45.000 --> 14:48.200
- Wala akong gana.
- Sige.

14:50.120 --> 14:52.560
Uy, hindi mo naman

14:53.640 --> 14:58.040
ikinukuwento sa ibang lalaki
ang mga ginagawa natin, 'di ba?

14:58.800 --> 14:59.760
Ano'ng sinasabi mo?

15:00.280 --> 15:02.640
Tungkol sa pagtatalik natin?

15:02.720 --> 15:03.640
Hindi.

15:04.800 --> 15:05.720
'Di ako ganoon.

15:06.720 --> 15:08.200
'Di ko ginagawa. Pangako.

15:14.240 --> 15:15.080
Bakit?

15:15.600 --> 15:16.440
Wala.

15:17.000 --> 15:17.920
Ano nga? Dali.

15:19.400 --> 15:23.960
Nainis lang ako.
Ayaw kong isipin mong ganoon akong tao.

15:27.280 --> 15:28.880
Sinisigurado ko lang.

15:31.200 --> 15:32.080
Sige.

15:33.480 --> 15:34.520
Uy.

15:35.520 --> 15:36.400
'Di ko iniisip.

15:37.160 --> 15:38.000
Patunayan mo.

15:46.840 --> 15:47.720
Ano'ng kasunod?

15:47.800 --> 15:49.160
Drama. Ikaw?

15:49.240 --> 15:51.600
D at T. Gusto mong tumakas?

15:52.840 --> 15:56.120
'Di na rin naman ako pumasok sa iba.
Ituloy-tuloy ko na.

16:00.720 --> 16:04.560
Palaging amoy damo rito.
Siguro isa sa mga art teacher.

16:04.640 --> 16:05.880
Bakit ang tagal mo?

16:05.960 --> 16:08.320
Lintik.

16:09.720 --> 16:11.000
Wala na 'yong bag.

16:11.080 --> 16:11.920
Sigurado ka?

16:12.000 --> 16:12.880
Oo.

16:14.200 --> 16:15.040
Buwisit!

16:15.640 --> 16:18.720
Ayos lang ba 'yon? 'Yong mga repa ba...

16:20.680 --> 16:24.160
Ano? Titirahin ang bibig ko?
'Wag naman sana.

16:24.920 --> 16:28.080
Hindi, ayos lang siguro. Umalis na tayo.

16:31.760 --> 16:36.320
Ano ba, Sandra. Marumi at hindi nakakatawa
ang paggiling sa bisikleta.

16:36.400 --> 16:37.560
Maligayang Mardi Gras.

16:38.600 --> 16:39.440
Salamat.

16:40.640 --> 16:42.600
'Wag mong kainin 'yan. 'Wag!

16:43.080 --> 16:44.120
Uy.

16:44.200 --> 16:46.920
Lumayo ka.
Natuto ako ng pagprotekta sa sarili.

16:48.200 --> 16:49.120
Mabangis ka pa rin?

16:49.200 --> 16:50.120
'Di ako hayop.

16:51.080 --> 16:54.560
Hindi ganoon. 'Yong parang Blackfulla.

16:54.640 --> 16:56.880
- Ibig sabihin, galit ka pa.
- Tingin mo?

16:57.680 --> 16:59.040
'Yong mga lalaki kasi.

16:59.560 --> 17:01.920
Napilit nila akong magkuwento.
Kilala mo sila...

17:02.000 --> 17:04.680
Oo, pero hindi ko alam
na ganoon ka rin pala.

17:06.360 --> 17:08.280
Dapat humingi ka na ng tawad.

17:08.360 --> 17:09.880
- Patawarin mo ako...
- Hindi.

17:10.520 --> 17:12.200
Kung ganito ka aasta,

17:12.280 --> 17:16.440
'yan ang sagot ko
sa tanong mo kaninang umaga.

17:16.520 --> 17:17.720
Pangatawanan mo 'yan.

17:33.680 --> 17:35.000
Isa pang order.

17:35.840 --> 17:38.160
Ayos na 'yan? Tig-dalawa sana.

17:39.800 --> 17:42.480
Medyo gipit lang ngayon. Maraming pulis.

17:42.560 --> 17:44.360
Puwede bang sa 'yo muna ito?

17:44.440 --> 17:48.440
Wala akong naintindihan,
pero mukhang hindi ito ang tamang oras.

17:48.520 --> 17:51.040
Ayos lang. Dalhin mo na lang bukas?

17:51.120 --> 17:52.400
Sige, sasabihan kita.

17:53.160 --> 17:54.000
Hoy, kupal!

17:56.360 --> 17:57.920
Ikaw ba ang kausap niya?

17:58.640 --> 17:59.920
Naghihintay si Chook.

18:02.400 --> 18:04.120
Baklang-bakla.

18:28.200 --> 18:29.320
Kumusta, pare?

18:29.400 --> 18:30.240
Wala naman.

18:32.080 --> 18:33.240
'Yong kombucha ko?

18:34.640 --> 18:35.680
Nakalimutan ko.

18:36.840 --> 18:40.200
Batang ito. Bumili ka na.

18:45.920 --> 18:48.520
Nasaan na 'yong mga ninakaw natin?

18:49.880 --> 18:54.400
Ang dami kasing nangyayari.

18:55.480 --> 18:56.680
Sobra. May...

18:56.760 --> 19:00.520
Ano bang pinagsasabi mo?
Para kang nakadroga. Ano'ng nangyari?

19:01.880 --> 19:04.320
Hindi ko pa nabebenta.

19:06.360 --> 19:09.560
Ano'ng ibig mong sabihin?
Malaking pera 'yon.

19:09.640 --> 19:10.560
May kumuha, eh.

19:10.640 --> 19:11.560
Ninakawan ka?

19:11.640 --> 19:15.720
Hindi. Inuwi ko 'yon pero inilipat ko
kasi rumoronda ang mga pulis

19:15.800 --> 19:16.800
gaya ng sabi mo,

19:18.040 --> 19:21.160
at inilagay ko sa bubong ng Hartley,
pero may kumuha.

19:22.840 --> 19:26.040
Babawiin ko 'yon para sa 'yo.
Heto muna sa ngayon.

19:32.520 --> 19:33.560
Ibigay mo lahat.

19:34.920 --> 19:36.160
Ano ba ito?

19:36.840 --> 19:37.920
Peach.

19:38.400 --> 19:39.520
Sabi ko, lemon!

19:40.640 --> 19:41.960
Lintik, ang TeeNers ko!

19:42.040 --> 19:43.200
Ano'ng sinabi mo?

19:44.320 --> 19:46.320
Wala nang lemon. 'Di niya kasalanan.

19:47.720 --> 19:48.880
Inaangasan mo ako?

19:51.400 --> 19:54.640
Sino pala ang may kasalanan, ha?

19:54.720 --> 19:58.640
Una, nawala mo 'yong bag,
tapos puro kagaguhan ang sinasabi mo.

19:59.400 --> 20:02.240
Lalampasuhin kita sa semento.
Kaya ko 'yon.

20:04.880 --> 20:06.320
Kunin mo na ang pera ko.

20:12.840 --> 20:14.680
Isama mo na itong pagkain mo!

20:17.520 --> 20:18.400
Sakay na.

20:20.280 --> 20:21.720
Sumakay na kayo!

21:13.760 --> 21:14.840
SASHA: NAPAINOM KINA MISSY

21:14.920 --> 21:16.760
"Ayos lang. Sasabihan kita."

21:16.840 --> 21:18.800
Kailangan ko ng subtitles sa kanya.

21:18.880 --> 21:21.440
Kailangang matutong tumahimik ni Malakai.

21:21.520 --> 21:22.840
Nagkuwento ka sa amin.

21:23.840 --> 21:25.480
'Di detalyado. Kanino ka kampi?

21:25.560 --> 21:26.880
Sa 'yo.

21:26.960 --> 21:28.320
'Pag kami lang, mabait siya.

21:28.400 --> 21:29.720
SASHA: OO, BAKA HINDI MO NAMAN MAGUSTUHAN!
MAGKITA TAYO ROON XXX

21:29.800 --> 21:31.600
Pero 'pag sama-sama ang mga lalaki,

21:31.680 --> 21:32.960
parang mga hayop.

21:33.040 --> 21:35.200
Walang kwenta ang mga straight na lalaki.

21:35.800 --> 21:38.080
Mahirap din pakitunguhan ang tomboy.

21:38.600 --> 21:40.200
Walang kwenta ang lahat.

21:40.800 --> 21:42.200
Maliban sa atin.

21:43.240 --> 21:45.600
Alam mo ang nararamdaman ko sa ibang tao.

21:46.760 --> 21:47.600
Titingnan ko.

21:47.680 --> 21:49.080
Sabi na, wala si Sasha.

21:49.640 --> 21:50.840
Lasing na ako.

21:53.640 --> 21:56.880
Masyadong tipikal
na magtulak nang naka-shades, 'di ba?

21:58.880 --> 21:59.840
Heto.

22:00.400 --> 22:01.240
Ano'ng nangyari?

22:01.320 --> 22:02.200
Wala.

22:05.640 --> 22:06.840
Si Malakai ba 'yon?

22:06.920 --> 22:07.920
Sino 'yan?

22:08.440 --> 22:11.960
'Yong mga lalaking
hindi natin pinag-uusapan ngayon lang.

22:13.480 --> 22:14.480
Ayos ka lang?

22:14.560 --> 22:16.080
Oo, ayos lang.

22:16.600 --> 22:17.600
Hi, sige na...

22:18.280 --> 22:19.120
Sige.

22:21.360 --> 22:23.800
Binugbog ka no'ng impaktong bata?

22:24.360 --> 22:27.120
Hindi, si Chook.

22:27.680 --> 22:28.800
Pero magkaibigan kayo.

22:29.480 --> 22:30.400
Oo nga.

22:30.920 --> 22:32.280
- Eh, 'di sila ay...
- Mga ungas.

22:34.400 --> 22:35.680
Pero kababata ko sila.

22:37.800 --> 22:40.120
Mabuti na lang, 'di ka tinira sa mukha.

22:40.200 --> 22:42.800
Hindi. Sinuntok lang.

22:45.840 --> 22:47.320
Sasama ka sa Slay Ball?

22:47.400 --> 22:49.600
- Gusto ko 'yan.
- Ayos. Masaya 'yon.

22:49.680 --> 22:50.720
Ang tapang mo.

22:53.400 --> 22:55.920
Puwede ba tayong mag-usap nang pribado?

22:56.000 --> 22:56.840
Alis muna ako.

22:57.840 --> 22:58.800
Dito ka lang.

23:01.200 --> 23:03.280
Natanggap mo ba ang mga mensahe ko?

23:03.360 --> 23:05.680
Hindi pa, kasi naka-mute ka.

23:06.640 --> 23:07.760
- Ganoon?
- Iihi ako.

23:07.840 --> 23:09.000
Hindi. Umupo ka.

23:09.080 --> 23:10.760
Pero sobrang nakakailang.

23:10.840 --> 23:12.520
- Hindi naman.
- Medyo nga.

23:13.160 --> 23:14.880
Gusto kong makitang nahihirapan ka.

23:16.200 --> 23:19.400
- Paano ka nakapunta rito?
- Nag-pin drop ako.

23:19.480 --> 23:20.560
Traydor.

23:21.600 --> 23:26.520
'Di bale na. Gusto kang kausapin
ni Malakai para sabihing...

23:28.160 --> 23:30.000
Patawad, Amerie.

23:31.040 --> 23:34.920
Nagkamali ako. Dapat manatiling pribado
ang namamagitan sa atin.

23:35.720 --> 23:36.800
Na...

23:37.360 --> 23:41.880
Napagtanto kong ang mga ikinilos ko
ay dumadagdag sa kulturang

23:41.960 --> 23:43.680
hindi ko gustong mapabilang.

23:44.800 --> 23:47.320
Hindi ko naisip
ang maaari mong maramdaman.

23:49.200 --> 23:52.320
Patawad. Pangako,
pag-iigihan ko sa susunod.

23:53.840 --> 23:55.800
Susubukan ko.

24:00.520 --> 24:03.680
Kailangan mong palitan
kung anuman 'yang suot mo.

24:03.760 --> 24:04.960
Bakit?

24:05.520 --> 24:08.000
Gusto mo ng pambaklang kasuotan?

24:09.840 --> 24:10.800
Sige.

24:11.600 --> 24:12.440
Bihisan natin!

24:18.520 --> 24:19.360
Isuot mo 'to.

24:19.880 --> 24:20.720
'Ayan!

24:21.960 --> 24:23.760
- Sige. Ganito ka.
- Ganito?

24:56.520 --> 24:58.720
Lintik.

25:10.160 --> 25:12.000
Sige. Selfie tayo!

25:12.840 --> 25:14.520
- Slay Ball!
- Slay Ball!

25:23.400 --> 25:25.920
'Di naman ako magkaka-sore eyes
dito sa t-back?

25:29.440 --> 25:30.280
Ano'ng problema?

25:31.240 --> 25:33.560
Hindi ko makita 'yong sapatos ko!

25:34.040 --> 25:35.880
- Ba't 'di na lang 'yan?
- Pangit!

25:40.920 --> 25:42.200
Hindi na ako pupunta.

25:42.280 --> 25:44.480
Dahil sa sapatos? 'Wag naman.

25:47.520 --> 25:49.960
- Pero ang pangit nga.
- Tumahimik ka.

25:53.680 --> 25:56.240
Walang titingin sa paa mo.

25:57.840 --> 25:58.840
Napakaganda mo.

26:02.840 --> 26:03.920
Napakagwapo mo.

26:16.720 --> 26:18.120
Alam ko na kung nasaan.

26:24.000 --> 26:25.000
Uy!

26:26.240 --> 26:27.240
Makikiraan lang.

26:28.480 --> 26:29.560
Makikiraan.

26:38.000 --> 26:38.880
Ganda ng sapatos.

26:38.960 --> 26:41.440
Salamat. Ito lang ang gamit mong
'di ko sinunog.

26:42.480 --> 26:43.680
At ikaw naman, ayos.

26:43.760 --> 26:46.560
Parang 'di ka pa nakakita
ng Blackfulla noon?

26:49.280 --> 26:53.080
Sige. Kuhanan mo ng litrato.
Kabigha-bighani ako, 'di ba?

26:53.720 --> 26:56.320
'Wag mo akong pagdiskitahan
dahil hindi ka sapat.

26:56.400 --> 26:58.720
"Hindi sapat"?
Sa 'yo pa talaga nanggaling.

26:59.600 --> 27:00.760
Makikiraan lang.

27:04.160 --> 27:06.480
LGBTQI-BUWAYA.

27:06.560 --> 27:09.480
Diyos ko. Nakikipagsabayan si Missy
sa mga lalaki.

27:09.560 --> 27:13.760
Nag-waterboard ang mga lalaki kay Spider
gamit ang Mountain Dew. Kadiri.

27:15.840 --> 27:16.680
Ayos ka lang?

27:18.000 --> 27:19.400
Oo, ayos lang.

27:19.480 --> 27:21.560
Talaga? Nagsi-stim ka kasi.

27:21.640 --> 27:24.000
Sobra na ba para sa pandama mo?

27:24.960 --> 27:28.960
Hindi. Ayos lang ako, Sasha.
Pumasok na lang tayo, ha?

27:30.200 --> 27:31.160
Sige.

28:17.920 --> 28:19.920
Mga hurado, ano ang hatol?

28:31.760 --> 28:32.600
Sasha?

28:35.360 --> 28:36.240
Quinni?

28:36.840 --> 28:38.080
Ano'ng ginagawa mo?

28:45.160 --> 28:46.000
Gusto mo?

28:46.080 --> 28:47.120
Naku, hindi.

28:49.000 --> 28:49.960
Ano 'yan?

28:50.040 --> 28:51.840
Ketamine. Masaya ito.

28:51.920 --> 28:53.800
'Di maganda. 'Wag mong subukan.

28:55.920 --> 28:56.760
Pero ginagawa mo.

28:56.840 --> 28:59.480
'Wag ka nang
mawawala sa sarili ulit, baliw.

28:59.560 --> 29:03.120
Tumahimik ka. Hindi,
baka makaapekto sa iniinom mong gamot.

29:03.840 --> 29:06.400
Alam mo ang nararamdaman ko? Parang

29:06.480 --> 29:07.760
kailangan nating sumayaw.

29:07.840 --> 29:11.240
- Gusto mo ba? Sayaw tayo.
- Oo. Sige! Sayaw tayo.

29:11.320 --> 29:12.160
Dito lang ako.

29:13.640 --> 29:15.520
Pwede ka naming samahan.

29:15.600 --> 29:17.320
Ayos lang. Mag-enjoy kayo.

29:18.000 --> 29:21.760
Magsusuka ka? Oo nga, magpupurga.

29:21.840 --> 29:23.640
- Ayos lang. Nandito kami.
- Sige.

29:23.720 --> 29:25.120
- Babalik kami.
- Mamaya ulit.

29:25.200 --> 29:26.080
Sige.

29:52.840 --> 29:54.480
Saan ka galing, kapatid?

29:54.560 --> 29:56.880
Hindi pa tayo nakakapag-usap.

29:56.960 --> 29:59.320
Oo nga. Dapat magsama tayo
nang mas madalas.

30:02.480 --> 30:04.560
Ang lupit ng kuwintas mo.

30:05.600 --> 30:06.480
Sa 'yo na.

30:10.680 --> 30:13.360
Nakakatuwang magkaroon
ng ibang katoto, 'no?

30:13.440 --> 30:14.600
Oo.

30:17.640 --> 30:20.080
Sobrang astig naman dito.

30:20.160 --> 30:22.360
Umeepekto na ang ecstasy, 'no?

30:22.440 --> 30:25.280
Ewan ko. Hindi ko pa nasubukang
magdroga noon.

30:36.400 --> 30:37.960
Ang tindi ng pakiramdam ko.

31:07.640 --> 31:08.520
Ang ganda mo.

31:09.000 --> 31:09.960
Salamat.

31:12.800 --> 31:15.520
Hanga ako sa ginawa mo
doon sa lalaki kahapon.

31:17.080 --> 31:18.960
Sana magawa ko rin 'yon minsan.

31:19.040 --> 31:19.880
Ang ano?

31:19.960 --> 31:23.000
Maging confident.
Masasabi at magagawa ang gusto ko.

31:24.200 --> 31:25.040
Bakit hindi?

31:27.680 --> 31:29.000
Baka 'di ako magustuhan.

31:31.760 --> 31:36.080
Mamamatay rin tayong lahat.
Gawin mo lang ang gusto mo.

31:41.760 --> 31:43.600
Mga binibini at kayong lahat,

31:43.680 --> 31:46.440
maligayang pagdating sa Slay Ball!

31:49.120 --> 31:53.440
Kung ikaw ay malupit, kaakit-akit,
at bukas sa lahat ng kasarian,

31:53.520 --> 31:56.760
umakyat na sa entablado at pakitaan kami.

31:57.360 --> 32:02.120
Ang susunod na kategorya. Virgin Vogue.
Magtanghal nang nakasuot ng puti.

32:02.200 --> 32:04.400
DJ, patugtugin mo na.

32:42.600 --> 32:48.000
Isa. Dalawa. Tatlo. Puwesto.

32:52.080 --> 32:56.960
Mga hurado, magbigay na ng puntos.
Sampu, sampu, at isang ligwak.

32:57.040 --> 32:59.160
Nasaan ang puting damit?

32:59.240 --> 33:00.800
Nasaan ang puting damit?

33:02.400 --> 33:05.920
Pasensya na, pero dapat nakaputi ka.

33:06.000 --> 33:07.960
Bawi na lang sa susunod na ball.

33:09.120 --> 33:10.440
- Buwisit!
- Kalokohan!

33:11.040 --> 33:13.080
Ballroom ito, makakalimutan n'yo rin.

33:18.360 --> 33:20.440
Napakalupit mo kaya. Bahala sila.

33:20.520 --> 33:24.600
Naligwak ako sa unang pagrampa ko.
Ito ang pinakamasayang gabi ko.

33:24.680 --> 33:25.560
Darren.

33:27.240 --> 33:28.120
Jacob.

33:30.160 --> 33:31.120
Napakagaling mo.

33:31.200 --> 33:32.320
- Kumusta?
- Salamat.

34:13.840 --> 34:15.040
Gago si Chook, pare.

34:25.280 --> 34:26.719
Magaling naman, 'di ba?

34:26.800 --> 34:31.080
Oo! Sobra. Binuhay mo ang buong lugar.

34:31.159 --> 34:36.679
Tama. Napakagaling ko roon.
Pero pagtingin ko, wala ka na.

34:36.760 --> 34:40.480
Gusto sana kitang kausapin pero abala ka.

34:40.560 --> 34:42.360
May kausap kang lalaki.

34:44.159 --> 34:45.000
Si Jacob?

34:45.080 --> 34:47.679
Oo, kasi... ayaw ko lang makaistorbo.

34:48.760 --> 34:49.600
Saan?

34:51.440 --> 34:53.159
Diyos ko, wala 'yon.

34:53.239 --> 34:55.880
Walang mamamagitan sa amin kahit kailan.

34:57.199 --> 34:58.600
Sige.

35:01.239 --> 35:02.800
Babawi ako sa 'yo ngayon.

35:10.000 --> 35:13.520
Hinablot nila ang baston ko.
Mga baklang ito.

35:31.160 --> 35:33.080
<i>Quinni the Pooh ko</i>

35:33.200 --> 35:34.960
<i>Quinni the Pooh ko</i>

35:38.320 --> 35:39.160
Kumusta?

35:41.000 --> 35:44.720
Sabi ko, ayos lang na 'di ka pumunta
kina Darren, pero galit ako.

35:44.800 --> 35:48.240
May usapan na tayo
at mula noon, sira na ang gabi ko.

35:48.320 --> 35:51.000
Pasensya na. Naubos ang oras kina Missy

35:51.080 --> 35:53.160
at alam kong mahalaga ang routine sa 'yo...

35:53.240 --> 35:56.960
Diyos ko. Hindi maganda sa pakiramdam
na indiyanin ng tao.

35:57.760 --> 35:58.600
Sige.

35:58.680 --> 36:01.240
At nasasabik sana akong makasama ka ngayon

36:01.320 --> 36:04.760
at makapunta rito tapos biglang
nasa banyo kayo ni Missy at...

36:04.840 --> 36:07.880
- Alam kong ayaw mong magdroga.
- Paano mo nasabi?

36:07.960 --> 36:09.320
Kung ganoon, gusto mo?

36:09.400 --> 36:10.800
Hindi 'yon ang punto.

36:11.360 --> 36:14.000
'Wag kang magpasya para sa akin.

36:14.080 --> 36:17.040
Pero sana maintindihan mong
ayaw kong managot

36:17.120 --> 36:19.080
kapag may masamang epekto sa 'yo.

36:19.160 --> 36:22.720
Hindi mo ako pananagutan.
Pananagutan ko ang sarili ko.

36:27.880 --> 36:28.720
Tama ka.

36:30.480 --> 36:31.320
Ang totoo...

36:32.160 --> 36:34.080
napakahalaga mo sa akin.

36:35.000 --> 36:39.160
Sobra. Mahal na mahal kita.

36:42.000 --> 36:43.040
Bangag ka na.

36:44.480 --> 36:45.360
Oo.

36:46.440 --> 36:48.040
- Tama ka.
- Totoo 'yan.

36:49.640 --> 36:51.080
Pero seryoso ako.

36:58.000 --> 36:59.080
Mahal din kita.

37:00.560 --> 37:01.520
Talaga?

37:12.080 --> 37:14.640
Nakita mo braso niya?
Kaya niya tayong gulpihin.

37:14.720 --> 37:15.760
Tanga.

37:24.400 --> 37:25.760
Puwede kitang halikan?

37:27.480 --> 37:28.360
Gusto ko 'yan.

38:36.960 --> 38:38.440
Kumusta 'yon?

38:45.560 --> 38:46.520
Nararamdaman mo?

38:47.000 --> 38:48.080
Hindi.

38:48.160 --> 38:49.520
Boyfriend material.

38:56.320 --> 38:57.160
Ano na?

38:58.720 --> 39:00.520
Gusto mong sagutin ko ngayon?

39:01.320 --> 39:02.280
Bakit hindi?

39:05.640 --> 39:07.040
Galit ka pa rin ba?

39:07.680 --> 39:10.200
Hindi na ako mabangis sa 'yo.

39:12.000 --> 39:13.440
Gusto mo pa si Dusty?

39:13.520 --> 39:14.360
Hindi.

39:15.240 --> 39:16.920
Tinitingnan mo siya kanina.

39:17.000 --> 39:17.880
Hindi naman.

39:20.080 --> 39:21.120
Hindi si Dusty...

39:23.280 --> 39:24.400
Si Harper.

39:24.880 --> 39:25.800
Ano?

39:26.600 --> 39:28.280
Naguguluhan pa rin ako,

39:28.360 --> 39:30.600
pero sinaktan niya ako

39:30.680 --> 39:34.000
at ewan ko kung kaya ko pang
masaktan ulit nang ganoon.

39:37.600 --> 39:40.720
Hindi naman ako si Harper. Ako si Malakai.

39:41.560 --> 39:42.440
Lasing ka na.

39:43.560 --> 39:45.000
Cute naman, 'di ba?

39:46.120 --> 39:47.040
Medyo.

39:48.760 --> 39:50.240
Uwian na!

39:50.320 --> 39:51.840
Parating na 'yong pulis.

39:52.520 --> 39:54.200
Tapusin mo 'yong sasabihin mo.

39:54.280 --> 39:55.560
Umalis na tayo...

39:55.640 --> 39:57.920
- Sasabihin mo na, eh. Dali.
- Malakai.

39:59.200 --> 40:00.200
Halika na.

40:00.280 --> 40:01.480
Wala silang gagawin.

40:01.560 --> 40:03.040
- 'Di natin alam.
- Sige na.

40:03.120 --> 40:06.680
Tapos na ang party.
Magsiuwi na kayo! Alis na sa kalsada.

40:06.760 --> 40:09.960
Naku, nandito na 'yong mga pamatay-saya.

40:10.040 --> 40:11.240
Uwian na, bata.

40:11.320 --> 40:12.640
Paalis na nga kami.

40:13.200 --> 40:15.200
- Dali na.
- Heto na nga po.

40:15.280 --> 40:18.160
Paalam, officer.
Walang mga kriminal sa kalye?

40:18.240 --> 40:19.160
Bilisan mo.

40:19.760 --> 40:21.000
Sobra naman.

40:21.680 --> 40:22.680
Bilis.

40:28.000 --> 40:29.280
Tumigil ka, tarantado.

40:31.760 --> 40:33.080
Malakai!

40:33.160 --> 40:34.760
Ano ba 'yan!

40:39.160 --> 40:40.840
Ano'ng ginagawa mo?

40:40.920 --> 40:41.760
Lumayas kayo!

40:41.840 --> 40:43.120
Layuan mo siya!

40:54.840 --> 40:58.240
Malakai!

41:01.560 --> 41:04.600
Sandali. Malakai. Ayos ka lang ba?

41:05.680 --> 41:07.120
Napakasama no'n.

41:07.200 --> 41:08.960
Sabi ko na, may gagawin sila.

41:09.040 --> 41:10.160
Bakit 'di ka nakinig?

41:10.240 --> 41:13.280
Bakit mo ako sinisigawan?
Hindi ikaw ang sinaktan.

41:13.360 --> 41:16.760
Mayroon bang...
May nakakuha ba ng video sa inyo?

41:16.840 --> 41:17.920
Nakuhanan n'yo ba?

41:18.000 --> 41:19.040
Oo. Heto.

41:19.120 --> 41:20.880
- Pakipadala naman?
- Sige.

41:22.680 --> 41:24.920
Dapat silang ilantad. Ipakalat natin.

41:25.000 --> 41:27.600
'Wag. 'Wag mong gagawin 'yan!

41:27.680 --> 41:29.200
- Malakai, bakit?
- 'Wag na.

41:29.280 --> 41:31.880
Kailangang malaman ng mga tao!
Ipaalam natin.

41:31.960 --> 41:35.120
Walang mangyayari.
Hindi naman sila pananagutin.

41:35.200 --> 41:36.440
Mapapahamak pa ako.

41:36.520 --> 41:38.000
'Di mo dapat siya minura.

41:38.080 --> 41:40.640
- Tumahimik ka, Spider!
- Tumahimik ka, Spider!

41:40.720 --> 41:43.040
Malakai, maling-mali 'yon.

41:43.120 --> 41:45.600
Dapat ipakalat natin ito. Ipaalam natin.

41:45.680 --> 41:49.920
Amerie, hayaan mo na. Ayaw ko!
Kuha mo? Makinig ka na lang.

41:51.840 --> 41:52.920
Sige.

41:53.000 --> 41:54.480
Hindi na...

41:55.920 --> 41:57.040
Lintik.

41:57.600 --> 41:59.880
- Bakit?
- Ano...

41:59.960 --> 42:02.720
- Ano... Buburahin ko na lang.
- Ipinost mo?

42:02.800 --> 42:04.360
Patawad. Diyos ko.

42:04.920 --> 42:07.720
Ano ba? Sinabing hayaan na... Buwisit naman!

42:07.800 --> 42:08.720
Patawad...

42:08.800 --> 42:12.240
- Tumigil ka na! Layuan mo ako. Alis!
- Buburahin ko na!

42:12.320 --> 42:13.760
Tantanan mo na ako!

42:14.320 --> 42:16.280
- Ano? Seryoso...
- Tumigil ka na!

42:16.360 --> 42:19.880
Gusto kong mapag-isa. Pabayaan n'yo ako.

42:25.520 --> 42:26.520
'Wag mong iwanan.

42:28.280 --> 42:29.200
Amerie.

42:31.520 --> 42:34.400
'Wag mo siyang pabayaan na lang.

42:37.000 --> 42:40.040
Narinig mo siya. Tapos na kami.

43:19.680 --> 43:20.640
Ayos lang 'yan.

43:20.720 --> 43:23.960
Ayos lang.

43:25.280 --> 43:26.680
Uy, ayos lang.

43:29.120 --> 43:31.600
Ligtas ka na. Ayos na.

46:58.800 --> 47:03.800
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Nadine Aguazon
