WEBVTT

00:07.840 --> 00:10.240
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX

00:48.599 --> 00:50.199
TALAAN NI QUINNI

00:53.599 --> 00:54.680
MAGSEPILYO

00:59.160 --> 01:00.760
MAG-MAKE UP

01:09.440 --> 01:11.000
MAGBIHIS

01:28.880 --> 01:31.080
Paano kung hindi mo maabutan ang bus?

01:31.160 --> 01:32.800
Hindi ako maiiwanan ng bus.

01:34.399 --> 01:37.560
Makakarating ako sa book store
anuman ang mangyari

01:37.640 --> 01:39.800
dahil ito ang pinakamahalaga

01:39.880 --> 01:43.039
at pinakamalaking sandali
sa buong buhay ko.

01:43.560 --> 01:44.640
Mabuti 'yan, anak.

01:45.199 --> 01:46.080
Salamat, Papa.

01:48.720 --> 01:52.199
Papa, walang mangyayaring masama sa akin.

01:53.160 --> 01:54.199
Alam ko.

01:58.119 --> 02:01.720
BEN
Nasasabik na akong makita ka mamaya!

02:04.600 --> 02:06.280
-Paalam, mga Itay!
-Paalam.

02:31.640 --> 02:35.320
Magkano ang aabutin
kung ipatanggal ko na lang ang pantog ko?

02:36.079 --> 02:37.720
Harper, hindi ito UTI.

02:39.519 --> 02:40.640
Ano pala?

02:41.480 --> 02:42.480
Chlamydia.

02:43.160 --> 02:45.079
Isu-swab kita para makumpirma.

02:45.160 --> 02:47.440
Bibigyan muna kita ng antibiotics.

02:47.519 --> 02:49.760
Simulan na rin nating makipag-ugnayan

02:49.840 --> 02:53.079
sa mga nakatalik mo
sa nakalipas na anim na buwan.

02:58.000 --> 02:59.120
Napakahusay.

03:36.079 --> 03:39.359
Lahat ng mag-aaral
na nasa Respectful Relationships Program

03:39.440 --> 03:40.959
ay nangako sa paaralan

03:41.040 --> 03:44.640
na wala nang pangalawang pagkakataon
ang 'di magandang pag-uugali.

03:44.720 --> 03:47.920
Pagkatapos ng pagwawala ni Harper
sa publiko

03:48.000 --> 03:52.840
sa Interschool Basketball Semifinals
sa City of Sydney,

03:52.920 --> 03:55.000
iniisip kong suspendihin siya.

03:57.560 --> 03:58.640
Hindi puwede.

03:58.720 --> 04:02.519
Dapat inisip mo 'yan
bago mo ipinahiya itong paaralan.

04:03.119 --> 04:05.799
Maraming pinagdadaanan
si Harper kamakailan…

04:05.880 --> 04:06.720
Papa.

04:09.000 --> 04:10.600
Hindi mo alam kung ano…

04:10.679 --> 04:11.799
Papa!

04:11.880 --> 04:14.519
Papasok ako sa detention araw-araw,
buong taon

04:14.600 --> 04:17.560
o pupulot pa ng basura.
Kahit ano'ng gusto n'yo.

04:17.640 --> 04:19.680
Basta 'wag n'yo akong suspendihin.

04:24.560 --> 04:29.640
Mahirap ang grade 11 para sa halos lahat
ng mag-aaral, 'di ba, Bb. Obah?

04:29.719 --> 04:34.240
Kaya sa kasong ito,
ibababa ko ang parusa sa detention.

04:35.360 --> 04:37.719
Puno na ang detention sa ngayon.

04:37.800 --> 04:38.719
Ganoon pala.

04:39.479 --> 04:45.120
Kung ganoon, magtrabaho ka sa aklatan
pagkatapos ng klase sa buong term.

04:46.200 --> 04:48.960
Huling babala na ito, Harper. Malinaw ba?

04:49.640 --> 04:50.640
Salamat, Ma'am.

04:52.800 --> 04:54.760
Salamat sa pagpunta, G. McLean.

04:54.840 --> 04:56.760
-Ikinalulugod ko.
-Sa susunod ulit.

04:56.840 --> 04:59.120
-Ibig kong sabihin…
-Oo. Salamat.

04:59.200 --> 05:00.360
-Salamat.
-Sige.

05:04.520 --> 05:07.560
Ngayon, mayroon tayong
nasirang silid-aralan,

05:07.640 --> 05:11.919
apat na lalaki sa detention, pamamahiya
sa publiko hinggil sa threesome,

05:12.000 --> 05:13.760
lahat sila, mga nasa SLT.

05:13.840 --> 05:16.000
Akala ko, makakakita na ako

05:16.080 --> 05:18.360
ng pagbabago sa pag-uugali nila.

05:18.440 --> 05:20.919
Wala pang dalawang buwan
nang madiskubre ang mapa.

05:21.000 --> 05:22.520
-Bumubuti naman sila.
-Sige.

05:22.599 --> 05:24.360
Inatasan kitang pamunuan ang klase

05:24.440 --> 05:26.560
at nangako kang kaya mo ito.

05:26.640 --> 05:27.520
Oo nga.

05:27.599 --> 05:31.359
Baka kailangan mong baguhin
ang kasalukuyan mong pamamaraan.

05:44.080 --> 05:46.080
Uy, puwede ba kitang makausap?

05:46.159 --> 05:47.400
Kulang pa ba 'yon?

05:48.000 --> 05:48.960
-Iba ito…
-Tabi.

05:54.359 --> 05:56.440
Uy, alam kong ayaw n'yong…

05:56.520 --> 05:59.919
Hindi. Hindi na ako magpapakalunod
sa pagkanegatibo mo.

06:00.000 --> 06:03.719
Nakakaubos ka ng sigla.
May napanood akong video tungkol doon.

06:18.840 --> 06:20.919
Untouchable icon na siya sa iba.

06:21.000 --> 06:22.960
Sa iba naman, baliw siya.

06:23.039 --> 06:26.840
At hindi ako magsasayang ng oras
sa pag-iisip sa kanya.

06:26.919 --> 06:29.719
Buong weekend,
nag-isip ako ng magandang mangyayari

06:29.799 --> 06:32.560
at wala na akong pakialam sa kahit ano pa.

06:32.640 --> 06:34.719
Amerie, gumising ka.

06:34.799 --> 06:38.359
Wasak na wasak na ang puso mo.

06:51.960 --> 06:54.520
Tara na. Kalimutan mo na si Threesome Boy.

06:57.440 --> 06:59.479
Ako ang pinakamaganda sa bahaging ito

06:59.560 --> 07:01.400
pero sa kanya, para akong alipunga.

07:01.479 --> 07:03.520
Tapos na talaga ako kay Ca$h.

07:03.599 --> 07:06.000
Baka hindi siya mahilig sa pagtatalik.

07:06.080 --> 07:07.840
Nakita mo ba ang mga kasama niya?

07:07.919 --> 07:11.320
Kung hindi sila nagtutulak ng droga,
nakikipagtalik sila.

07:11.400 --> 07:13.520
'Di lahat, pareho ang kilos sa 'yo.

07:13.599 --> 07:15.400
At 'di n'yo pa nga napag-usapan

07:15.479 --> 07:17.120
kung ano ang gusto n'yo.

07:17.200 --> 07:20.520
'Yon ang ginawa namin ni Sasha
no'ng nagsimula kami.

07:20.599 --> 07:23.560
O magpapakasabog na lang ako
at kakalimutan siya.

07:24.440 --> 07:26.560
Panggabi ang mama mo mamaya, 'di ba?

07:26.640 --> 07:27.479
Oo.

07:28.039 --> 07:29.840
Hoy, mga kupal!

07:29.919 --> 07:31.960
May pagtitipon ng mga sawi kina Amerie.

07:32.039 --> 07:35.280
Kanya-kanyang dala ng alak, mga kuripot.
At bawal Grade 7.

07:35.359 --> 07:37.400
Hindi totoo 'yon.

07:37.479 --> 07:39.039
Naku. Sana totoo.

07:39.120 --> 07:40.200
Walang mangyayari.

07:40.280 --> 07:42.719
Seryoso? Ito ang unang pagkakataong

07:42.799 --> 07:44.640
gustong makisama sa 'yo ng lahat.

07:44.719 --> 07:47.680
Ito ang pinakamalaking comeback
mula noong crop top.

07:47.760 --> 07:49.359
Isang pagkakataon lang ito.

07:51.159 --> 07:54.039
Ang totoo, may magaganap nga
sa bahay mamaya.

07:54.120 --> 07:55.120
Sige.

07:56.359 --> 07:58.359
At ang tema, "Bumangon sa Hukay,"

07:58.440 --> 08:00.560
para sa muling pagkabuhay ni Amerie.

08:00.640 --> 08:03.320
Ideya ko 'yon. Ipakalat n'yo sa lahat.

08:04.479 --> 08:05.560
Sige.

08:05.640 --> 08:07.159
Pupunta ka talaga?

08:07.239 --> 08:10.719
Oo, nakakatuwang makita
kung paano ka nagbago

08:10.799 --> 08:12.560
mula nang malugmok na.

08:12.640 --> 08:14.200
Kaya, oo, pupunta kami.

08:16.000 --> 08:18.599
May book signing ako mamayang gabi.

08:19.719 --> 08:22.400
Ilalabas na
ang Angeline of the Underworld.

08:22.479 --> 08:26.400
Ang pinakamahalagang event
sa buhay ni Quinni sa ngayon.

08:26.479 --> 08:28.400
-Ay! Nakalimutan ko.
-Ayos lang.

08:28.479 --> 08:31.520
Puwede tayong pumunta roon
at humabol kina Amerie.

08:32.360 --> 08:34.880
-Mamaya na natin pagplanuhan.
-Sige.

08:34.959 --> 08:38.280
Diyos ko. Nasa paaralan kayo.

08:39.039 --> 08:41.640
Mga haliparot kayo.

08:42.199 --> 08:43.280
Ba't nandito tayo?

08:50.760 --> 08:51.600
Ayos ka lang?

08:52.240 --> 08:53.600
Oo, ayos lang.

08:54.680 --> 08:58.280
Wala… Napuyat lang ako
sa kanonood ng Antiques Roadshow.

08:58.760 --> 09:01.840
Sige. Salamat sa pagpunta
n'yong lahat ngayon.

09:02.680 --> 09:04.959
Sandali, wala si Dusty?

09:05.040 --> 09:06.240
Hindi siya darating.

09:06.319 --> 09:08.680
Pumasok siya kanina. Dapat nandito siya.

09:09.160 --> 09:12.160
Maglalaro tayo ng Nahulog sa Putik.

09:12.240 --> 09:14.000
Pamilyar siguro kayo roon.

09:14.079 --> 09:15.839
Kung mataya kayo, mahuhulog kayo

09:15.920 --> 09:17.720
at bawal gumalaw maliban kung

09:17.800 --> 09:20.240
may gumapang sa pagitan ng binti n'yo.

09:20.959 --> 09:22.280
Bakit?

09:22.360 --> 09:24.760
Bakit hindi? Masaya 'yon.

09:25.680 --> 09:27.839
Amerie, ikaw ang taya,

09:27.920 --> 09:30.680
at kung mahuli niya lahat
sa loob ng 5 minuto,

09:30.760 --> 09:34.120
bibigyan ko siya ng, siguro, 20 dolyar?

09:34.880 --> 09:36.600
Sige, takbo na. Bilis.

09:36.680 --> 09:40.120
Hindi kami puwedeng pagpawisan
sa suot namin.

09:40.199 --> 09:42.319
Wala akong pakialam.

09:42.400 --> 09:44.040
Tatakbo kayo ngayon

09:44.120 --> 09:46.680
o pagkatapos ng klase. Kayo ang bahala.

09:47.520 --> 09:48.520
Tara na.

09:50.079 --> 09:51.920
Gusto mong tumatakbo ako, 'no?

09:52.000 --> 09:54.079
Sige. Bagong patakaran,

09:54.160 --> 09:57.640
sinumang nakasuot ng checkered shirt

09:57.720 --> 10:01.000
ay awtomatikong nahulog na
para sa buong laro.

10:01.079 --> 10:03.680
'Di puwedeng baguhin basta-basta
ang patakaran.

10:03.760 --> 10:05.839
Ang totoo, puwede.

10:05.920 --> 10:10.040
Sinumang nakasuot ng asul ay nahulog na.

10:10.839 --> 10:12.880
At sinumang may relo.

10:12.959 --> 10:15.720
-Spider!
-Ikaw, Spencer.

10:15.800 --> 10:17.120
Hindi patas 'yon.

10:17.199 --> 10:18.880
Hindi na 'yon mahalaga.

10:19.400 --> 10:22.079
Nahulog ka sa putik
o doble ang detention mo.

10:22.880 --> 10:23.880
Buwisit.

10:26.959 --> 10:27.959
Sige.

10:28.040 --> 10:31.000
Ang galing mo, Amerie. Heto ang 20 dolyar.

10:31.079 --> 10:31.920
Salamat.

10:32.000 --> 10:33.640
Hindi kami puwedeng maglaro

10:33.720 --> 10:35.880
tapos babaguhin mo bigla ang patakaran.

10:35.959 --> 10:39.839
Tama. Bale, pumayag kayong maglaro
ng iisang laro

10:39.920 --> 10:43.640
pero may isang tao, ako,
na nagpasyang baguhin ang patakaran.

10:43.720 --> 10:46.199
-Patas ba 'yon para sa inyo?
-Hindi.

10:46.800 --> 10:48.160
Pero itinuloy n'yo pa.

10:48.959 --> 10:51.640
Kasi sabi mo,
mapaparusahan kami ng detention

10:51.720 --> 10:53.920
at bibigyan ng pera si Amerie. Madaya.

10:54.000 --> 10:57.199
Ito nga ang punto ng gawain natin ngayon.

10:58.120 --> 11:01.079
Pag-isipan n'yo ang 'di patas
na balanse ng kapangyarihan.

11:01.160 --> 11:05.400
May mga pagkakataong
maaaring mangyari ito sa buhay.

11:05.480 --> 11:08.240
Ang nobyo ang magpapasya
ng puwedeng gawin…

11:08.319 --> 11:10.199
Mga lalaki na naman ang masama.

11:11.360 --> 11:13.240
Alam mo ang hindi patas?

11:13.319 --> 11:17.079
Pinagdidiskitahan ng buong paaralan
ang lahat ng may ari.

11:18.120 --> 11:20.439
Hindi totoo 'yan.

11:20.520 --> 11:23.480
Naparusahan ako
sa pagtingin sa maling direksyon,

11:23.560 --> 11:27.040
pero pinuri si Harper
sa pamamahiya kay Dusty sa publiko.

11:27.120 --> 11:28.520
Kaya wala siya ngayon.

11:28.600 --> 11:31.000
Tingnan mo nga, Spencer.

11:31.920 --> 11:34.920
Walang naaawa sa 'yo o kay Dusty

11:35.000 --> 11:36.800
kasi 'di kayo ang biktima rito

11:36.880 --> 11:40.079
at walang nakukumbinsing ganoon nga.

11:40.640 --> 11:41.480
Gayon pa man…

11:42.040 --> 11:43.480
Walanghiyang feminazi.

11:43.560 --> 11:45.319
Ano'ng sinabi mo?

11:45.400 --> 11:46.800
Sabi ko, kalokohan ito!

11:49.040 --> 11:50.560
Lumayas ka sa klase ko!

12:02.880 --> 12:05.680
Ituloy natin ito sa susunod na linggo.

12:07.640 --> 12:08.600
Uy, Harper.

12:09.719 --> 12:12.959
-Patawad. Hindi ko gustong umabot sa…
-Wala 'yon.

12:15.920 --> 12:20.079
Tarantado si Spider.
Hindi ko dapat sinasabi 'yan pero…

12:20.160 --> 12:22.160
May pinagdadaanan yata si Harper.

12:23.280 --> 12:25.439
Kung maldita ka, ipapamukha sa 'yo 'yan.

12:25.520 --> 12:28.760
Wala akong balak ungkatin
ang anumang nangyari sa inyo,

12:28.839 --> 12:31.439
pero inisip kong, higit kanino,
makikita mo

12:31.520 --> 12:34.120
kung may pinagdadaanan ang tao.

12:38.480 --> 12:40.880
Dali na. Sino ang nagte-text sa 'yo?

12:40.959 --> 12:42.480
Ayaw kong pag-usapan.

12:42.560 --> 12:44.199
-Hayaan mo na.
-Okay.

12:46.719 --> 12:49.400
Pang-VIP ito!

12:49.480 --> 12:51.480
-Magdroga tayo.
-Mamaya na lang.

12:52.040 --> 12:53.160
Ito ang tamang oras.

12:53.719 --> 12:56.439
Hindi na muna ako magdodroga ngayon.

12:56.520 --> 12:58.880
Ako na lang mag-isa?

12:58.959 --> 13:03.520
-Dali na. Ikaw naman bumili nito.
-Oo at nagbago na ang isip ko.

13:03.599 --> 13:06.280
Isandaang dolyar din 'yon,
itinapon mo lang.

13:06.880 --> 13:08.719
Bahala ka, kukuha pa ako ng maiinom.

13:12.920 --> 13:14.520
Harper!

13:47.439 --> 13:50.599
Maghahanap ba kayo ng costume para mamaya?

13:50.680 --> 13:51.800
Ano'ng mayroon?

13:51.880 --> 13:52.920
Party ni Amerie.

13:53.000 --> 13:55.319
Sabi ni Darren, kailangan naka-costume.

13:55.400 --> 13:57.439
Hindi. Ang baduy ng mga costume.

13:57.520 --> 13:58.920
Tama ka.

13:59.920 --> 14:03.280
Pero sa tingin ko,
bagay sa akin maging si Kamatayan.

14:04.959 --> 14:05.959
Pupunta ka?

14:06.040 --> 14:07.599
Kung pupunta siya, hindi.

14:07.680 --> 14:08.839
Sana pumunta siya.

14:08.920 --> 14:11.920
Gusto kong makita
ang sunod na gagawin ng loka-lokang 'yan.

14:13.880 --> 14:15.640
Ang sama naman no'n.

14:16.360 --> 14:18.000
Kalma lang, biro lang 'yon.

14:19.040 --> 14:20.719
Hindi naman nakakatawa.

14:21.959 --> 14:24.120
Alam mo, puro ka kagaguhan.

14:24.760 --> 14:27.400
Hinahayaan mo na naman siyang tumalak.

14:31.000 --> 14:32.680
Hayop ka rin.

14:36.680 --> 14:39.839
Naku. Malakai.

14:44.680 --> 14:45.800
Ano'ng ginagawa mo?

14:46.760 --> 14:50.199
Sawa na ako sa kagaguhan ni Dusty.
Sawa na ako sa lahat.

14:51.319 --> 14:52.560
Ako rin.

14:57.040 --> 14:58.240
Ayos ka lang?

14:59.439 --> 15:00.800
Oo, ayos lang.

15:03.280 --> 15:05.800
Darating ako ng 5:00 p.m.
para makapaghanda tayo.

15:05.880 --> 15:08.319
Pero maliit na pagtitipon lang, 'di ba?

15:08.400 --> 15:13.400
-Sabihin mong oo.
-Oo. Mas maliit pa sa butas ng puwit.

15:16.479 --> 15:19.560
Balita ko, may party ka raw ngayong gabi.

15:19.640 --> 15:21.640
Oo. Mayroon nga.

15:23.120 --> 15:24.839
Ewan ko kung masyadong maaga

15:25.640 --> 15:27.959
pero puwede ba akong dumaan saglit?

15:29.319 --> 15:31.199
Depende. Ano ang pakay mo?

15:32.360 --> 15:33.640
Wala.

15:33.719 --> 15:36.680
Kaibigan lang na gustong makasama
ang kaibigan niya

15:37.719 --> 15:40.079
at kilala niya si OG Twister.

15:41.319 --> 15:42.439
Ayos. Ano, seryoso?

15:43.560 --> 15:45.599
Kaya nga tinatawag akong Flexitron.

15:46.160 --> 15:49.479
Wala namang tumatawag sa 'yo no'n.
Kahit kailan.

15:49.560 --> 15:51.439
Puwede nating ipakalat ngayon.

15:53.800 --> 15:56.560
7:00 p.m. sa bahay.
Magdala ka ng inumin mo.

15:56.640 --> 15:59.000
-At si Twister.
-Sige.

16:08.319 --> 16:09.560
Ca$h.

16:09.640 --> 16:11.800
Maghahatid lang ako ng mga order.

16:13.479 --> 16:14.319
Ganoon pala.

16:16.000 --> 16:18.280
Matagal na kitang hindi nakita.

16:18.359 --> 16:20.160
Akala ko, iniiwasan mo ako.

16:20.240 --> 16:23.199
Ilang araw nang nasa ospital si Lola.

16:23.760 --> 16:24.680
Ikinalulungkot ko.

16:24.760 --> 16:25.839
Oo, kasi…

16:27.120 --> 16:31.160
nabalian siya sa pagsayaw kasama si Bazza,
ilang kanto mula sa bahay.

16:31.760 --> 16:33.959
At saka, pareho silang nakahubad.

16:35.400 --> 16:37.719
Pasensya na. Hindi dapat ako tumatawa.

16:37.800 --> 16:40.280
Hindi, nakakatawa naman talaga.

16:44.240 --> 16:46.640
Sige. Magkita na lang tayo.

17:09.079 --> 17:10.200
Amerie.

17:10.800 --> 17:12.800
Sapat na 'yan sa dalawang colonoscopy.

17:15.200 --> 17:18.159
Kung ang colonoscopy
ay pagkakaroon ng positibong pananaw

17:18.240 --> 17:20.879
habang nagmumukhang maganda,
gagawin ko 'yan, Ma.

17:20.960 --> 17:23.119
Salamat at pumayag kang mag-imbita ako.

17:23.200 --> 17:24.040
Hindi 'yan…

17:25.520 --> 17:28.079
Hindi ganyan ang colonoscopy.

17:56.120 --> 17:57.120
Uy.

17:58.960 --> 18:00.240
Uy.

18:01.440 --> 18:03.560
-Paano ka nakapasok?
-Pinatuloy ni Frank.

18:07.520 --> 18:09.399
Ay. Mabaho pa ang hininga ko.

18:09.960 --> 18:12.240
Wala akong pakialam.

18:14.800 --> 18:18.800
Gusto kong mag-umpisa ng petisyon
para masuspinde si Spider.

18:18.879 --> 18:20.800
Oo, mali ang ginawa ni Harper

18:20.879 --> 18:24.280
pero hindi dapat siya
maging gagong sexist tungkol doon.

18:24.360 --> 18:25.280
Tama ka.

18:25.360 --> 18:27.480
Nag-umpisa kami ng petisyon kanina

18:27.560 --> 18:29.879
para ipagbawal ang paggalugad ng langis

18:29.960 --> 18:32.520
-at may 250 pirma na!
-Ayos!

18:32.600 --> 18:36.399
'Di ba? Ang galing. Parang may nagagawa
talaga ako para sa mundo.

18:39.320 --> 18:43.560
Maghahanda na ako.
Puwede kang dumito muna o umalis. O…

18:43.639 --> 18:45.720
'Di ba, 7:00 p.m. pa 'yong event?

18:46.280 --> 18:48.360
Gusto ko lang dumating nang maaga.

18:50.120 --> 18:53.360
Bakit 'di mo sinabi?
Nagpahatid sana tayo kay Missy.

18:53.440 --> 18:55.200
Ayos lang. Isinaulo ko na ito

18:55.280 --> 18:56.960
at tatlong talaan ng bus.

18:57.040 --> 18:58.720
Matagal ko na itong pinaplano

18:58.800 --> 19:01.679
kaya ayaw kong
baguhin nang biglaan ngayon.

19:01.760 --> 19:05.520
Sige. Magbus na lang tayo.

19:05.600 --> 19:06.919
Sige. Ayos.

19:13.760 --> 19:15.760
Walang mga magulang si Angeline,

19:15.840 --> 19:19.159
pero may teoryang si Hadeus,
ang genderqueer Demon Emperor,

19:19.240 --> 19:20.679
ang isa sa magulang niya

19:20.760 --> 19:22.560
kahit gusto nitong patayin siya…

19:22.639 --> 19:24.280
Nakaka-stress naman 'yan.

19:24.360 --> 19:27.480
Pero 'yon din
ang pinakamagandang bagay na naisulat.

19:29.520 --> 19:32.480
Ang cute mo kapag nasasabik ka.

19:34.080 --> 19:38.200
Bale, iniisip ko, kung matatapos
ang event mo nang 9:00 p.m.,

19:38.280 --> 19:41.639
makakahabol pa tayo kina Amerie
nang 10:00 o 10:30 p.m.?

19:42.280 --> 19:43.280
Ikaw na lang.

19:44.000 --> 19:47.280
Gusto ko sanang magkasama tayong pumunta

19:47.360 --> 19:48.960
gaya ng normal na magnobya.

19:50.639 --> 19:53.879
Sash, parang gusto kong umuwi nang maaga.

19:53.960 --> 19:56.320
Sobrang masasabik ako rito.

19:56.399 --> 19:59.560
-Matagal ko itong hinintay…
-Masyado mo namang iniisip.

20:00.520 --> 20:01.440
Siguro nga.

20:01.520 --> 20:03.560
Tingnan mo lang mamaya, ha?

20:06.800 --> 20:08.560
Puwede bang huminto sandali?

20:08.639 --> 20:10.360
Madadaanan 'yong tindahan ng gelato.

20:10.440 --> 20:12.720
-Ano?
-Sige na, gusto ko ng matamis.

20:12.800 --> 20:15.720
May lychee pandan flavor sila.
Napakasarap daw.

20:15.800 --> 20:20.120
Quinni, ipinapangako ko sa buhay ko
bilang tomboy, darating tayo sa oras.

20:20.200 --> 20:21.200
Sige na.

20:46.879 --> 20:48.040
Naisip kong dumaan…

20:48.120 --> 20:50.840
Hindi ito magandang oras.
Abala ako kay Lola.

20:51.760 --> 20:54.919
Siguro hindi nagtutugma
ang lebel ng kalibugan natin.

20:55.000 --> 20:57.120
Puwede nating pag-usapan at dapat…

20:57.200 --> 20:59.280
Diyos ko, 'wag naman ngayon.

21:00.960 --> 21:03.520
Kahit kailan, 'di tamang oras
para sa 'yo, 'no?

21:03.600 --> 21:06.399
Oo. At puro sarili mo lang
ang iniisip mo, 'no?

21:08.120 --> 21:08.960
Ca$hy boy!

21:11.159 --> 21:12.639
May dala kaming pagkain.

21:12.720 --> 21:14.800
-Saan si Lola?
-May pasalubong kami.

21:19.720 --> 21:20.800
Ba't siya nandito?

21:21.960 --> 21:22.840
Bumibili lang.

21:26.399 --> 21:27.440
Tara.

21:36.520 --> 21:37.480
Ano'ng gusto mo?

21:38.360 --> 21:39.200
Ano 'yon?

21:40.240 --> 21:41.360
Anong flavor?

21:45.800 --> 21:47.760
Ayaw ko ng sorbetes ngayon.

21:50.919 --> 21:53.200
Kahit inumin na lang?

21:55.560 --> 21:58.639
Paumanhin, isang scoop ng lychee…

21:58.720 --> 21:59.560
Sasha?

22:01.320 --> 22:04.159
Jules? Ano talaga ito?

22:05.040 --> 22:06.919
Pumupunta ka pa pala rito.

22:07.000 --> 22:08.000
Hindi, kasi…

22:08.080 --> 22:09.760
Nabalitaan mo 'yong kay Terry?

22:09.840 --> 22:11.560
Mabuti naman at nasira siya.

22:11.639 --> 22:13.800
'Di ako makapaniwalang
ipinaglaban niya pa.

22:13.879 --> 22:16.360
Naloka ako, isa pala sa kasambahay niya.

22:16.439 --> 22:19.800
Tama na. Sabihin na lang niyang
ayaw niya sa mahihirap.

22:19.879 --> 22:21.800
Oo nga. Ayaw niya sa mahihirap.

22:21.879 --> 22:23.200
BEN
DUMADAMI NA ANG TAO!

22:23.280 --> 22:25.679
Palagi 'yon. Napakarami niyang sinasabi.

22:25.760 --> 22:28.439
Oo nga. Kalokohan 'yon. At saka…

22:28.520 --> 22:29.879
Ang sama niya nga.

22:39.679 --> 22:41.760
'Di ba, ang sama no'n, Quinni?

22:41.840 --> 22:42.679
Ano 'yon?

23:01.760 --> 23:03.000
Ayos lang ba siya?

23:03.080 --> 23:05.639
Oo. Nasi-stress lang siya minsan.

23:08.960 --> 23:12.760
Mayroon siyang autism.

23:15.800 --> 23:17.480
Ah. Gayon pa man…

23:18.159 --> 23:21.080
-Halatang-halata naman.
-Oo nga. Maldita siya.

23:21.159 --> 23:22.720
Magaling ba siya roon?

23:22.800 --> 23:23.639
Hindi.

23:25.120 --> 23:27.520
-Nakakadismaya naman 'yon.
-Oo nga.

23:30.639 --> 23:33.879
Uy, bale…

23:33.960 --> 23:38.280
Alam kong ayaw mo akong kausapin pero…

23:38.840 --> 23:43.200
Gusto kong ipaalam sa 'yong
may chlamydia ako.

23:43.280 --> 23:44.879
Kaya ikaw rin siguro.

23:47.040 --> 23:47.960
Nakakailang.

23:51.040 --> 23:54.960
Matagal ko nang gustong sabihin ito.
May chlamydia ako.

23:55.040 --> 23:58.080
Kaya mayroon ka na rin.
Ayos. Binabati kita.

23:58.760 --> 24:00.120
Uy. Bale…

24:00.200 --> 24:06.919
Abalang-abala ako sa mga gawain
sa paaralan, at dahil may chlamydia ako.

24:07.000 --> 24:10.800
Alam mo ba 'yong chlamydia?
Mayroon ka na no'n.

24:10.879 --> 24:13.399
Ako? Hindi. Ayos naman ako.

24:13.480 --> 24:14.919
Kababalita lang sa akin.

24:15.000 --> 24:16.480
Hindi ako makapaniwala.

24:16.560 --> 24:20.360
Akala ko, may UTI ako,
pero hindi pala UTI.

24:20.439 --> 24:22.120
Chlamydia pala.

24:22.200 --> 24:23.760
Kaya pareho tayong mayroon!

24:23.840 --> 24:27.480
Pare. May chlamydia ako. At ikaw rin.

24:27.560 --> 24:29.040
May gamot para diyan.

24:29.120 --> 24:30.560
Maupo ka.

24:30.639 --> 24:34.200
May chlamydia pala ako.

24:34.960 --> 24:37.280
Ibig sabihin, mayroon ka rin.

24:44.320 --> 24:46.320
'Di naman ganoon kahirap. 'Di ba?

24:52.200 --> 24:54.879
Marami palang may gusto nito.

25:00.960 --> 25:02.000
Ang cute.

25:09.919 --> 25:11.080
Diyos ko!

25:13.399 --> 25:15.760
-Quinni!
-Ben! Diyos ko. Kumusta?

25:15.840 --> 25:17.800
Ang ganda mo! Gusto ko 'yang sungay.

25:17.879 --> 25:20.000
Salamat! Diyos ko. Nasasabik na ako.

25:20.080 --> 25:22.360
Hindi ko alam kung titili o iiyak ako.

25:22.439 --> 25:23.879
Nakapunta tayo! Siya si…

25:23.960 --> 25:25.120
-Sasha!
-Ako si Ben.

25:25.199 --> 25:27.320
-Kumusta?
-Magkaibigan kami mula Grade 4.

25:27.399 --> 25:29.840
Nagbabasa kami ng Angeline sa aklatan.

25:29.919 --> 25:32.919
Parang droga 'yon sa musmos nating utak.

25:34.560 --> 25:36.439
Ano'ng reaksyon mo noong inalay niya

25:36.520 --> 25:38.600
ang sarili sa dulo? Nabaliw ako.

25:38.679 --> 25:40.439
Bago lang sa kanya ito.

25:40.520 --> 25:43.360
Hindi ako mahilig
sa mga nobelang pantasya.

25:43.439 --> 25:44.439
Ganoon pala.

25:45.080 --> 25:48.120
Pero sikat ang mga 'yon, kaya ayos 'yon.

25:49.639 --> 25:52.879
Oo. Magkita na lang tayo sa loob, ha?

25:52.960 --> 25:54.320
Sige. Ayos 'yan.

26:20.439 --> 26:23.399
-Feliz navidad!
-Tama, feliz navidad.

26:23.480 --> 26:27.760
Tapos na talaga ako kay Ca$h,
sa isip, sa salita, at sa pagnanasa.

26:27.840 --> 26:29.120
Gago siya.

26:30.040 --> 26:31.919
Wala nang drama. Tagay.

26:32.000 --> 26:33.720
Maligayang pagbabalik.

26:38.000 --> 26:38.840
Uy.

26:39.800 --> 26:41.760
'Di ko akalaing maraming pupunta.

26:41.840 --> 26:44.840
Oo. Bigla na lang silang nagsidatingan.

26:45.639 --> 26:46.879
Wala kang dalang…

26:46.960 --> 26:48.919
Wala. Hindi ako iinom ngayon.

26:49.720 --> 26:52.639
Sige. 'Wag kang mahihiya.

26:55.960 --> 26:59.520
Ginawa natin ito
para makalimutan mo si Malakai.

26:59.600 --> 27:01.360
Hindi para pagnasaan mo siya.

27:01.439 --> 27:02.520
Ayos lang siguro.

27:02.600 --> 27:05.159
Magiging magkaibigan kami
at 'di na magkakasakitan.

27:05.240 --> 27:06.480
Tumingin ka sa akin.

27:07.080 --> 27:11.919
Ipangako mong hindi ka makikipag-usap,
hindi makikipaglandian,

27:12.000 --> 27:13.800
at hindi titingin sa kanya

27:13.879 --> 27:15.080
nang matagal.

27:15.159 --> 27:16.000
Ano? Bakit?

27:16.080 --> 27:18.480
Kasi 'di mo siya makakalimutan, Amerie.

27:24.960 --> 27:28.600
Aba. Hindi ko akalaing
nagpapa-party ka pala, Bb. Wadia.

27:29.159 --> 27:30.240
Gawain ko na ito.

27:37.800 --> 27:40.480
-Diyos ko.
-Diyos ko.

27:41.240 --> 27:42.080
Uy!

27:56.919 --> 27:58.439
Kumusta, pare?

27:58.520 --> 28:02.439
Ewan ko. Kumusta nga ba?
Sinama mo ang bagong tropa mo?

28:04.040 --> 28:05.960
-Ayaw ko ng gulo.
-Oo.

28:06.040 --> 28:07.960
Darren! Nasaan ka?

28:08.040 --> 28:09.800
Gawaan mo pa ako ng inumin.

28:10.720 --> 28:12.280
Sinira mo ang ugnayan n'yo.

28:13.639 --> 28:16.199
Pero ano bang alam ko? Puro ako kagaguhan.

28:19.919 --> 28:21.199
Magpakasaya ka, pare.

28:25.639 --> 28:27.520
Pare. Gusto mo ng beer?

28:33.639 --> 28:39.000
Napakasuwerte nating makasama ang may-akda
ng Angeline of the Underworld.

28:39.080 --> 28:42.320
Bigyan natin ng masigabong palakpakan
si Rhea Brown.

28:49.639 --> 28:52.399
Tingnan mo
ang napakagagandang demonyo rito.

28:52.480 --> 28:54.800
Sige. Simulan na natin.

28:54.879 --> 28:59.600
Angeline of the Underworld: Kaligayahan
sa Paghihiganti, unang kabanata.

28:59.679 --> 29:04.399
"Nakatanaw si Angeline sa kalawakan
ng impiyerno. Nananatiling buo ang mundo

29:04.480 --> 29:06.600
pero wasak na wasak ang puso niya.

29:06.679 --> 29:11.120
Tila kailan lang,
kapiling lang niya si Elektra

29:11.199 --> 29:14.159
at ngayon,
nabibilang na siya sa kadiliman."

29:16.080 --> 29:18.520
-Salamat sa pagpunta.
-Maraming salamat.

29:19.760 --> 29:21.720
-Hi, cutie.
-Hi!

29:21.800 --> 29:22.919
-Pangalan mo?
-Quinni.

29:23.000 --> 29:23.840
Quinni, sige.

29:23.919 --> 29:26.959
Gusto ko lang sabihing
sinagip mo ang buhay ko.

29:27.040 --> 29:29.879
Hindi literal
kasi hindi pa tayo nagkikita noon.

29:29.959 --> 29:32.000
Nagsimula akong magbasa nang 10-anyos.

29:32.080 --> 29:33.600
At nagustuhan kong magsulat.

29:33.679 --> 29:35.439
Naging mas mabuti akong tao.

29:35.520 --> 29:37.959
Ang gulo ko. 'Di ko na rin maintindihan.

29:38.040 --> 29:40.720
Mahal na mahal kita at napakagaling mo

29:40.800 --> 29:41.800
at… Salamat.

29:41.879 --> 29:43.320
Salamat, Quinni.

29:43.399 --> 29:46.120
Sana simulan mo na
ang pagsulat sa serye mo

29:46.199 --> 29:48.240
dahil babasahin ko 'yon lahat.

29:50.720 --> 29:53.439
-Talaga?
-Oo. Magaling ka. Nakikita ko.

29:56.800 --> 29:59.959
Salamat. Isa pang tanong, pasensya na.

30:00.040 --> 30:01.840
Puwedeng magpalitrato sa 'yo?

30:01.919 --> 30:03.480
-Oo naman.
-Sige.

30:06.959 --> 30:07.959
Handa ka na?

30:08.760 --> 30:11.560
Paumanhin, puwede bang litratuhan mo kami?

30:11.639 --> 30:13.159
-Sige.
-Salamat.

30:14.360 --> 30:16.840
Tatlo, dalawa, isa, ngumiti kayo!

30:18.520 --> 30:21.159
-Maraming salamat.
-Masaya akong makilala ka.

30:21.240 --> 30:22.840
-Heto.
-Salamat.

30:39.199 --> 30:40.679
Dahan-dahan lang, cowboy.

30:42.879 --> 30:46.720
Salamat at sinagip mo ako, cowgirl.
O, 'wag lalaki ang ulo mo.

30:46.800 --> 30:47.919
Huli na ang lahat.

30:49.800 --> 30:51.600
Maligayang pagsali sa club.

30:51.679 --> 30:54.040
Samahan ng mga sawi. Dalawang miyembro.

30:54.679 --> 30:57.760
Masaya rito. Magugustuhan mo.
May pagkain at iba pa.

30:59.439 --> 31:03.520
Ikinalulungkot ko nga palang
hindi naging matapat sa 'yo si Malakai.

31:04.080 --> 31:05.439
Tungkol sa nangyari.

31:06.080 --> 31:08.840
Mahirap din ang dinanas mong pamamahiya.

31:10.800 --> 31:14.040
Mahirap pag-usapan ang mga ganoong bagay,

31:14.120 --> 31:16.240
pero nandito ako kung kailangan mo.

31:16.320 --> 31:19.000
Kaaya-aya at busilak ang puso.
Ang tindi mo.

31:19.080 --> 31:20.159
Manahimik ka.

31:20.959 --> 31:23.280
Ewan ko kung ba't 'di ko nakita kaagad.

31:38.800 --> 31:41.679
Saan ka pupunta? Kararating lang namin.

31:42.399 --> 31:45.000
Sana ayos lang kay Amerie,
may mga kasama ako.

31:45.080 --> 31:47.199
Oo, walang problema.

31:48.679 --> 31:49.560
Tara.

31:49.639 --> 31:52.280
Kumusta, kapatid?
Ako si Jai. Kuya ni Missy.

31:52.360 --> 31:54.080
Kumusta? Ako si Malakai.

31:54.159 --> 31:55.520
Kilala kita.

31:57.199 --> 32:00.959
Astig ito, kapatid.
Binigyan ako ni Missy, pero nawala ko.

32:01.040 --> 32:03.480
Ayos lang. Palagi akong gumagawa nito…

32:03.560 --> 32:07.240
-Bibigyan kita.
-Salamat.

32:08.080 --> 32:12.879
Ano na? Sasama ba kayo? Tara na. Dali.

32:33.000 --> 32:35.120
Lintik.

32:40.679 --> 32:43.199
BESTIE

32:45.679 --> 32:47.439
Uy Am may chlamydia raw ako

33:12.879 --> 33:14.760
Gusto mo ba sa mas tahimik?

33:23.520 --> 33:26.240
Hindi ako makapaniwalang nakilala ko siya.

33:26.320 --> 33:27.639
Magsusulat din ako.

33:28.480 --> 33:31.120
-Ano?
-Gusto kong magsulat ng libro.

33:31.199 --> 33:32.959
At gusto kong magalit.

33:34.800 --> 33:37.840
Sash, hindi ko kayang
tumuloy sa party ngayon.

33:42.879 --> 33:44.000
Galit ka ba?

33:45.360 --> 33:48.879
Ang maipit nang matagal sa bookstore
puno ng mga tagahanga

33:48.959 --> 33:51.439
ay hindi ang tipo kong pagsasaya sa gabi.

33:51.520 --> 33:53.159
Akala ko, gusto mo akong samahan.

33:53.240 --> 33:55.600
Oo, ginagawa ko ito para sa 'yo.

33:55.679 --> 33:58.520
Palagi akong gumagawa ng mga bagay
para sa 'yo.

33:58.600 --> 34:01.639
Pero paano naman ako?
Naiisip mo man lamang ba ako?

34:01.719 --> 34:03.879
-Ano?
-Minsan, ang hirap mong kasama.

34:03.959 --> 34:07.199
Gusto ko lang maging normal na teenager.

34:11.880 --> 34:13.279
'Di ako normal para sa 'yo.

34:15.360 --> 34:19.319
'Wag mong isali rito 'yang autism mo.
Alam mo ang ibig kong sabihin.

34:21.000 --> 34:25.639
Minsan, sobra na para sa akin.
Naintindihan mo?

34:28.520 --> 34:30.600
Sobra rin naman para sa akin.

34:32.520 --> 34:34.960
Buong buhay ko ito.

34:36.159 --> 34:38.759
Hindi. Alam mong hindi 'yan
ang sinasabi ko.

34:40.799 --> 34:42.000
Quinni.

35:27.520 --> 35:30.000
Ano ito?

35:30.080 --> 35:31.839
Sirenang oso.

35:31.920 --> 35:37.440
Ibig sabihin,
nagsama ang oso at sirena at…

35:38.720 --> 35:40.240
-Tumigil ka.
-Ginawa ito?

35:40.319 --> 35:42.440
-Bakit ka may ganito?
-Hindi ko alam.

35:43.240 --> 35:44.240
Tumigil ka.

35:45.560 --> 35:46.520
Gusto ko ito.

36:47.720 --> 36:49.480
Nasaan si Amerie?

36:49.560 --> 36:52.440
Baka nakikipaglaplapan
sa bago niyang nobyo.

36:54.440 --> 36:56.040
Mag-usap tayo mamaya.

36:57.400 --> 36:58.960
Astig kang tao

36:59.040 --> 37:00.600
pero hanggang kaibigan lang.

37:00.680 --> 37:02.120
'Di 'yan ang sinasabi ko.

37:02.200 --> 37:05.920
Kayong lahat, magba-backflip ako.
Sige. Tumabi kayo!

37:08.080 --> 37:08.960
Grabe.

37:09.040 --> 37:10.200
'Wag ngayon.

37:12.600 --> 37:13.680
Tabi, gago.

37:13.759 --> 37:16.080
Hawakan mo ako ulit. Desperado na ako.

37:39.960 --> 37:41.839
-Tumigil kayo!
-Harper!

37:42.400 --> 37:44.400
Ano ba talagang problema mo?

37:44.480 --> 37:47.839
Tinatawagan kita. Hindi ka sumasagot.

37:48.480 --> 37:49.759
Nahihibang ka na.

37:51.160 --> 37:55.080
Sa ibang lugar kayo maglandian.
Dito ka lang.

37:57.440 --> 37:58.440
Seryoso ito.

38:01.920 --> 38:04.560
Talon!

38:04.640 --> 38:05.600
Tatalon ba ako?

38:06.799 --> 38:08.120
Kakayanin ko ba?

38:09.520 --> 38:11.000
Bumaba ka, Malakai!

38:13.359 --> 38:14.359
Gamitin mo ito.

38:17.040 --> 38:18.279
Iusog mo! Sa kanan.

38:24.640 --> 38:25.759
Umungol ka ulit.

38:29.600 --> 38:30.759
Ano'ng ginagawa mo?

38:32.000 --> 38:33.839
Bakit mo pa ako inimbitahan?

38:33.920 --> 38:37.160
Ipinasama mo pa si Twister.
Iniwasan mo ako buong gabi.

38:39.960 --> 38:42.319
-Talon!
-Talon!

38:43.080 --> 38:44.839
'Wag. Tumigil ka!

38:45.400 --> 38:49.240
Jai!

38:51.400 --> 38:53.200
Malakai!

38:56.040 --> 38:57.799
Malakai, pakiusap.

39:03.920 --> 39:07.000
Ano ka ba?
Bitawan mo ako. Bitawan mo nga ako!

39:09.799 --> 39:13.359
Bitaw na. Bitawan mo ako!

39:13.880 --> 39:18.359
Ayos lang 'yan, kapatid. Nandito lang ako.

39:21.480 --> 39:25.319
Ayos lang 'yan. Ako ang bahala sa 'yo.

39:31.120 --> 39:32.400
Ayos lang 'yan.

39:36.839 --> 39:39.920
Mga sira-ulo kayo. Kayong lahat.

39:47.400 --> 39:48.880
Walang kwenta naman.

39:48.960 --> 39:52.200
Tara. After party? Sa inyo?
Kina Ant kami. After party?

39:52.279 --> 39:53.720
Uuwi na ako.

39:53.799 --> 39:55.520
Ano? 'Wag. Wala kang kwenta.

39:55.600 --> 39:59.240
Tumigil ka nga. Sinabi nang uuwi na ako.

39:59.319 --> 40:00.560
Sige, pare.

40:03.240 --> 40:04.080
Buwisit.

40:55.560 --> 40:57.720
AMERIE
uy ayos ka lang?

42:11.200 --> 42:14.560
Sa tingin n'yo,
sinumpa akong masundan ng kamalasan

42:14.640 --> 42:15.880
sa buong buhay ko?

42:15.960 --> 42:20.720
Kung makapagpapalubag ito ng loob mo,
napulot ko ito sa bus kanina.

42:20.799 --> 42:22.799
Bubuti ba ang pakiramdam ko diyan?

42:22.880 --> 42:23.960
Epektibo sa akin.

42:26.600 --> 42:27.560
Amerie.

42:30.000 --> 42:30.880
Halika.

42:45.720 --> 42:47.120
Sino ang pinatay?

42:52.759 --> 42:57.400
Ganito. May ilang
mga katanungan sila sa 'yo.

42:57.480 --> 42:59.759
Hindi ako puwedeng manatili rito.

42:59.839 --> 43:05.920
Pero kung may kailangan kayo pagkatapos,
nasa opisina lang ako, ha?

43:07.040 --> 43:07.880
Sige.

43:42.160 --> 43:44.319
NAGTALIK SINA BB. OBAH AT AMERIE

43:44.400 --> 43:45.279
Ano?

43:45.359 --> 43:47.480
Kung tungkol ito sa party…

43:52.520 --> 43:56.600
Amerie, may ilang katanungan kami sa 'yo
tungkol kay Bb. Obah.

44:54.279 --> 44:59.279
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Nadine Aguazon
. Obah.
