WEBVTT

00:06.000 --> 00:08.400
ISANG SERYE MULA SA NETFLIX

00:15.520 --> 00:19.320
Ang hirap isipin ng pinagdaanan mo,
pero gusto kong maunawaan.

00:19.880 --> 00:21.320
Handa ka nang ikuwento?

00:46.360 --> 00:49.680
Uy, Harps. May barya ka ba?

00:49.760 --> 00:50.600
Bakit?

00:50.680 --> 00:54.440
Napaso na ang ATM card ko
at wala pa 'yong bago.

00:55.040 --> 00:56.360
Pambili ng gatas.

00:58.000 --> 00:58.840
Sige.

01:02.400 --> 01:04.000
Salamat.

01:05.720 --> 01:06.720
Ayos.

01:06.800 --> 01:09.519
Nakatingin si Dusty sa akin. Seryoso...

01:09.599 --> 01:11.040
May multo na naman sa bahay.

01:11.120 --> 01:13.560
'Di ba, pinausukan n'yo na?

01:13.640 --> 01:15.600
Hindi naman gumana.

01:15.680 --> 01:17.600
Kailangan ng exorcism. Ako na lang?

01:17.680 --> 01:19.840
Baka dumami lalo ang multo.

01:19.920 --> 01:20.880
Tama ka.

01:22.080 --> 01:23.960
Puwede ba akong makitulog?

01:24.040 --> 01:26.600
Nakakainsulto namang nagtatanong ka pa.

01:28.720 --> 01:32.400
Nandito pala ang sanggano.

01:34.840 --> 01:36.720
Maraming aso. Paano n'yo dadalhin?

01:37.280 --> 01:38.440
Itatago ko sa puki.

01:40.080 --> 01:41.960
Bakit? Natural na taguan 'yon.

01:43.840 --> 01:46.000
Sige, gawin n'yo ang gusto n'yo.

01:46.080 --> 01:50.480
Hindi. Mayroon ako nito. Nakakahadlang
sa pang-amoy ng aso ang sunblock.

01:50.560 --> 01:53.640
Droga sa condom, wais ka. Magsaya kayo.

01:54.360 --> 01:55.240
Salamat.

01:55.320 --> 01:56.680
Papasok ba tayo o ano?

01:57.840 --> 01:59.240
- Tara na.
- Kita-kits.

01:59.320 --> 02:00.160
Paalam.

02:00.240 --> 02:01.080
Paalam.

02:01.160 --> 02:02.560
Mag-ingat kayo ro'n.

02:02.640 --> 02:03.880
PASIKLABAN SA TAG-INIT

02:08.120 --> 02:09.800
Hindi tayo maghihiwalay, ha?

02:09.880 --> 02:10.960
Oo naman.

02:44.640 --> 02:45.640
Handa ka na?

02:58.840 --> 03:00.400
- Bilis.
- Sinusubukan ko!

03:01.600 --> 03:04.920
- Tumigil ka.
- Mamamatay na ako!

03:07.520 --> 03:09.560
PASIKLABAN SA TAG-INIT 18+

03:16.320 --> 03:17.520
Jackpot.

03:19.800 --> 03:22.480
Tara, bilis.

03:25.560 --> 03:27.360
- Tagay, mare.
- Tagay.

03:28.840 --> 03:31.760
Uy. Nandito rin pala kayo.

03:31.840 --> 03:32.680
Mayroon ka pa?

03:32.760 --> 03:34.440
Oo. Gusto mo?

03:35.000 --> 03:36.040
Kung mamimigay ka.

03:36.120 --> 03:37.480
Baka may betsin 'yan.

03:37.560 --> 03:38.720
Asa ka pa.

03:38.800 --> 03:40.960
Wala akong tiwala sa 'yo o sa gupit mo.

03:41.040 --> 03:43.680
Ayos. May manghuhula.
Harper, magpahula tayo.

03:46.280 --> 03:47.600
Hoy, itigil mo na nga.

03:48.360 --> 03:50.840
- Alin?
- May gusto ka sa kanya.

03:52.200 --> 03:53.200
Wala, 'no.

03:54.520 --> 03:55.840
Kahanga-hanga si Amerie.

03:55.920 --> 03:57.640
Ano'ng ibig sabihin?

03:58.520 --> 03:59.840
'Di ka bagay sa kanya.

04:11.720 --> 04:13.000
Maraming salamat.

04:16.480 --> 04:18.880
Ang nakuha ko, Lovers at Knight of Cups,

04:18.960 --> 04:20.560
parang tagapagligtas.

04:20.640 --> 04:22.839
Baka magtatalik na kami ni Dusty.

04:22.920 --> 04:24.160
Ayos.

04:24.240 --> 04:26.399
Gusto mo no'ng patatas sa stick?

04:26.480 --> 04:27.640
Hindi, ikaw na.

04:28.400 --> 04:31.200
- Salamat na lang.
- Nagbayad na ako.

04:31.280 --> 04:32.960
Magpahula ka na.

04:36.200 --> 04:38.520
Ang Tower. May masamang magaganap.

04:40.960 --> 04:44.000
Ang hermit. Ikaw ay... nag-iisa.

04:48.720 --> 04:50.080
Three of Swords.

04:50.160 --> 04:55.440
Tingnan mo. Sinaksak ang puso mo
ng tatlong espada.

04:56.000 --> 04:58.520
Pagluluksa, kawalan,
at kasawian sa pag-ibig.

04:59.200 --> 05:01.400
Magdurusa ka sa kawalan at pagtataksil...

05:01.480 --> 05:02.840
Magandang balita pala.

05:08.400 --> 05:11.800
Nababalutan ka ng kadiliman.

05:12.720 --> 05:14.880
Sinusundan ka kahit saan magpunta.

05:14.960 --> 05:17.680
Ikinalulungkot ko, pero magdurusa ka, iha.

05:18.240 --> 05:20.560
Pero alam mo?

05:21.200 --> 05:23.920
Matutulungan kita. Seryoso.

05:25.360 --> 05:27.120
Kalokohan lang ang tarot.

05:33.200 --> 05:34.320
Ano ang nakuha mo?

05:34.400 --> 05:37.040
Hinggil sa puso. Mapapaibig daw ako.

05:37.800 --> 05:39.000
Katitingin ko lang,

05:39.080 --> 05:41.120
tungkol din sa pagmamahal sa sarili.

05:41.200 --> 05:42.240
Nakakatuwa 'yon.

05:42.800 --> 05:45.840
Kumpiyansa ba sa sarili
o bibili ako ng vibrator?

05:46.400 --> 05:47.280
Sino 'yan?

05:47.360 --> 05:49.080
PAPA
NAGSARA KA BA SA BAHAY????

05:50.880 --> 05:52.160
Wala.

05:52.240 --> 05:54.040
Kaduda-duda ka, sino nga?

05:55.960 --> 05:56.800
Tara na.

05:58.800 --> 06:01.080
Uy. Ayos ka lang?

06:02.440 --> 06:03.600
Ayos na ayos.

06:04.720 --> 06:05.920
Mahal kita.

06:06.000 --> 06:07.080
Mahal din kita.

06:19.320 --> 06:21.600
Pang-VIP ito.

06:22.680 --> 06:23.640
Magdroga tayo.

06:24.280 --> 06:25.280
Mamaya na lang.

06:26.280 --> 06:27.440
Ito ang tamang oras.

06:27.520 --> 06:30.320
Hindi na muna ako magdodroga ngayon.

06:30.400 --> 06:32.040
Ako na lang mag-isa?

06:32.120 --> 06:34.160
Puwede namang hindi na rin.

06:34.240 --> 06:36.720
Dali na. Ikaw naman ang bumili nito.

06:36.800 --> 06:38.760
At nagbago na ang isip ko.

06:38.840 --> 06:40.840
Ang corny mo naman.

06:41.880 --> 06:43.160
Ano bang problema mo?

06:43.240 --> 06:45.760
Isandaang dolyar 'yon, itinapon mo lang.

06:47.360 --> 06:49.240
- Saan ka pupunta?
- Kukuha ng inumin.

06:49.320 --> 06:51.760
Amerie!

08:59.760 --> 09:00.600
Ayan na siya.

09:01.240 --> 09:03.080
Gising na, prinsesa.

09:03.160 --> 09:04.560
Hello.

09:04.640 --> 09:06.000
Gising na.

09:07.080 --> 09:08.040
Maligayang pagbalik.

09:11.720 --> 09:13.560
Oo nga, bilis, gutom na ako.

09:19.640 --> 09:22.280
Ano ang balita, pare?

09:23.920 --> 09:25.200
Ihahatid n'yo ba ako?

09:26.920 --> 09:29.160
Oo, ganoon na nga, Mahal.

09:30.080 --> 09:31.640
May dadaanan lang tayo.

09:37.120 --> 09:38.000
Diyos ko.

09:41.920 --> 09:43.880
Sabik na sabik kayo, ah.

09:45.960 --> 09:47.920
Mali ang direksyon natin.

09:55.040 --> 09:58.840
Sige na, ngumiti ka naman.
Mas maganda ka 'pag nakangiti.

09:58.920 --> 10:00.600
Ngumiti ka na, ha?

10:58.360 --> 10:59.480
Kumusta, pare?

11:03.560 --> 11:04.680
Kunin mo ito.

11:09.360 --> 11:10.840
Limang dolyar ang isa?

11:49.240 --> 11:50.240
Hoy!

11:51.200 --> 11:52.480
Buwisit!

11:53.680 --> 11:56.520
Hoy! Ano bang ginagawa n'yo?

11:56.600 --> 11:57.760
Bumalik ka!

12:10.400 --> 12:12.640
Buwisit. Nasaan na siya? Buwisit.

12:28.520 --> 12:29.520
Halika rito.

12:59.240 --> 13:00.320
Nasaan na siya?

13:00.840 --> 13:02.200
Hanapin n'yong mabuti!

13:03.680 --> 13:05.640
Hanapin n'yo. Ngayon na!

13:07.320 --> 13:09.480
Tara na. Dali!

14:27.120 --> 14:28.880
Amerie. Am.

14:30.240 --> 14:31.240
Diyos ko.

14:36.120 --> 14:38.240
Pakiusap, Am, patuluyin mo ako.

14:38.320 --> 14:40.000
Sino 'yon?

15:07.440 --> 15:09.000
Pinaghirapan ko ito.

15:12.160 --> 15:13.080
Subukan mo.

15:16.000 --> 15:17.000
Subukan mo talaga.

15:18.560 --> 15:19.840
Sige, subukan mo!

15:26.760 --> 15:27.600
Papa?

15:35.480 --> 15:38.720
May lobo sa labas ng bahay

15:38.800 --> 15:42.640
at umaaligid siya, paikot-ikot lang dito.

15:42.720 --> 15:45.960
At gusto niyang pumasok
at nakawin ang mga gamit ko.

15:46.040 --> 15:47.600
At gusto niyang pumasok.

15:47.680 --> 15:48.960
Gusto niya itong gatas.

15:50.520 --> 15:54.120
Itatago ko rin ito.
Hindi niya ito makukuha sa akin.

15:54.200 --> 15:56.800
Mahirap ito.
Higit pa sa inaakala mo, 'di ba?

15:56.880 --> 15:59.280
- Tingnan mo.
- Bakit, Papa?

16:03.600 --> 16:04.920
Sino ka?

16:07.200 --> 16:08.320
Ako ito.

16:09.000 --> 16:10.800
- Sino?
- Si Ducky.

16:10.880 --> 16:12.960
Ano? Sino naman 'yon?

16:13.040 --> 16:14.560
Ang anak mo.

16:15.400 --> 16:18.320
Alam mo, sa tingin ko, ikaw ang lobo.

16:19.840 --> 16:21.840
Ikaw 'yong lobo.

16:21.920 --> 16:23.520
Ikaw 'yong lintik na lobo!

16:24.040 --> 16:26.440
Lumayas ka sa pamamahay ko!

16:26.520 --> 16:28.680
Lumayas ka, lobo!

16:28.760 --> 16:33.040
Layas! Lumayas ka, lobo!

16:33.120 --> 16:37.280
Lumayas ka rito!

16:37.360 --> 16:40.440
Lumabas ka at harapin mo ako!

16:40.520 --> 16:42.320
Lumayas ka sa pamamahay ko!

16:49.120 --> 16:51.720
Sige! Subukan mo!

16:51.800 --> 16:53.760
Dali! Subukan mo!

16:56.320 --> 16:57.160
Dali!

16:59.440 --> 17:00.720
Harapin mo ako!

17:19.200 --> 17:20.359
Iha?

17:20.440 --> 17:23.520
Harper? Kami ang mga nangangasiwa
sa ambulansya.

17:24.720 --> 17:26.760
Sabi ng kapitbahay, nandito ka.

17:41.680 --> 17:44.440
<i>May matutuluyan ka bang
kaibigan o kapamilya?</i>

17:45.160 --> 17:46.240
Wala.

17:46.320 --> 17:47.200
Wala?

17:48.280 --> 17:50.640
Sige. Ayos lang 'yon.

17:51.200 --> 17:54.600
Sapilitang ipinasok sa ospital
ang tatay mo.

17:55.160 --> 17:56.160
Habang nandoon siya,

17:56.240 --> 17:59.000
mag-aasikaso ako ng tagapag-alaga
para sa 'yo.

18:01.320 --> 18:02.280
Sige.

18:02.360 --> 18:05.880
Maghanda ka muna ng mga gamit mo, ha?

20:25.520 --> 20:26.760
Ikinalulungkot ko.

20:29.080 --> 20:29.960
Ayos lang.

20:32.120 --> 20:36.400
Ngayon, nauunawaan ko na
kung bakit mo ako sinuntok sa mukha.

20:37.120 --> 20:38.800
At ang iba pang ginawa mo.

20:41.680 --> 20:43.640
Hindi kita pinarurusahan.

20:44.760 --> 20:45.760
Hindi talaga.

20:48.200 --> 20:50.480
Sinadya kong suntukin ka,

20:50.560 --> 20:53.240
pero 'yong iba...

20:58.400 --> 20:59.320
Ewan ko.

21:02.560 --> 21:05.320
Mula... noong gabing 'yon,

21:06.720 --> 21:11.240
parang nawalan na ako ng kontrol sa lahat.

21:12.400 --> 21:15.360
Pagulo nang pagulo ang lahat. Para bang

21:16.160 --> 21:19.040
kada pumapalpak ako,
lalong gumugulo ang lahat.

21:20.160 --> 21:21.640
Nauunawaan mo ba?

21:21.720 --> 21:23.360
Nauunawaan ko.

21:27.320 --> 21:28.280
Sige.

21:28.360 --> 21:33.560
Alam na ng pulis ang tungkol sa papa mo,
eh 'yong sa mga sanggano?

21:34.440 --> 21:35.320
Dapat ipaalam.

21:35.400 --> 21:37.880
Ano'ng gagawin nila? Lasing ako no'n.

21:37.960 --> 21:40.760
Lasing ako, nawala ako sa huwisyo
kaya nangyari 'yon.

21:40.840 --> 21:43.240
- 'Yon ang sasabihin nila.
- 'Di mo kasalanan.

21:43.320 --> 21:44.840
Hindi na mahalaga 'yon.

21:44.920 --> 21:48.320
Babalikan ako ng mga 'yon...

21:49.440 --> 21:50.880
Mapapahamak si Ca$h.

21:50.960 --> 21:53.320
Dahil sa kanya kaya nakalabas ako.

21:58.960 --> 22:00.560
Bakit 'di mo ako pinatuloy?

22:03.800 --> 22:04.640
Bakit?

22:08.400 --> 22:11.520
Si Spider. Nandoon siya sa kuwarto ko.

22:12.120 --> 22:13.000
Teka.

22:13.080 --> 22:16.480
Lasing na lasing ako
at masama ang loob ko sa away natin,

22:16.560 --> 22:19.360
at nakita ko siya malapit sa entablado

22:19.440 --> 22:21.520
tapos, napakalambing niya sa akin

22:21.600 --> 22:24.920
at magkasama kaming umuwi.

22:25.480 --> 22:28.400
Kita mo, hindi mo ako titigilan
tungkol doon.

22:29.120 --> 22:32.000
Bakit 'di niya ipinagkakalat
na siya ang una mo?

22:32.080 --> 22:34.880
Kasi hindi naman talaga. Ayaw tumayo.

22:37.720 --> 22:38.800
Grabe...

22:39.760 --> 22:41.480
Kaya naman pala.

22:42.040 --> 22:44.280
Lasing siya. Nangyayari talaga 'yon.

22:44.360 --> 22:46.520
Pero napakasama niya na dahil doon.

22:46.600 --> 22:47.760
Si Spider? Hindi.

22:49.600 --> 22:54.240
Parang nakikipaglaro ng bilyar sa ahas.

22:54.320 --> 22:55.760
Ginamitan ng daliri?

22:56.400 --> 22:57.800
Parang lantang gulay.

23:04.760 --> 23:07.560
Katatawag lang ng ospital.

23:07.640 --> 23:08.720
Gising na ang ama mo.

23:09.520 --> 23:10.920
Hinahanap ka niya.

23:13.160 --> 23:15.640
Halika. Umuwi na tayo.

23:17.520 --> 23:19.360
'Di pa ako handang makita siya.

23:28.760 --> 23:30.800
- Magpakalunod kayo sa mantika.
- Gago.

23:32.200 --> 23:34.120
'Di ba, dapat nakangiti ka?

23:35.400 --> 23:36.320
Pahinga ka muna?

23:47.120 --> 23:49.120
Mahirap akong pakisamahan minsan

23:49.200 --> 23:50.880
at 'di ako palaging nandyan...

23:50.960 --> 23:52.800
Puwedeng 'wag na tayong mag-usap?

23:52.880 --> 23:54.000
Pag-usapan natin ito.

23:54.840 --> 23:57.320
Sa ayaw mo't sa gusto mo.

23:59.440 --> 24:01.640
Nakikita kong nasasaktan ka.
Sa totoo lang,

24:01.720 --> 24:04.080
mas malala 'pag malungkot ka
kaysa masigla.

24:04.720 --> 24:06.640
Sabihin mo na ang nangyayari.

24:08.120 --> 24:11.080
Pumayag akong maging magkaibigan,
pero ayaw ko no'n.

24:11.160 --> 24:12.400
Alam kong ayaw mo sa kanya

24:12.480 --> 24:14.960
pero wala akong pakialam.

24:15.040 --> 24:16.680
Iba siya sa inaakala mo.

24:17.320 --> 24:21.000
Sige. Isasantabi ko
ang mga saloobin ko at papayuhan kita.

24:24.680 --> 24:26.320
- Ano?
- Ano ang alin?

24:27.200 --> 24:28.400
Ano 'yong payo mo?

24:28.480 --> 24:29.440
Nag-iisip ako.

24:31.520 --> 24:33.920
Alam mo, ang pag-ibig...

24:34.720 --> 24:37.520
Nasa tamang panahon dapat 'yan.

24:37.600 --> 24:39.480
'Yan ang pinakabaduy na kasabihan...

24:39.560 --> 24:41.040
'Di ako naniniwala riyan.

24:41.120 --> 24:42.560
Ano ang pinaniniwalaan mo?

24:49.080 --> 24:51.280
Mahirap akong mahalin.

24:52.840 --> 24:56.200
Hindi totoo 'yan.
Bakit mo naman naisip 'yan?

25:00.960 --> 25:04.440
Noong kaedad mo ako,
akala ko, mahirap din akong mahalin.

25:04.920 --> 25:08.040
Racist ako, sexist, at homophobic

25:08.120 --> 25:11.720
kasi akala ko kung mauuna ako,
'di ako pupuntiryahin.

25:12.440 --> 25:14.120
Pero pinuntirya pa rin ako.

25:16.320 --> 25:17.240
Pero ngayon...

25:19.680 --> 25:26.040
Kasama ko ang queer, Itim, at non-binary
kong anak at kahanga-hanga ito.

25:27.320 --> 25:31.880
Tingnan mo ako. Kahanga-hanga ka.

25:34.880 --> 25:37.760
Ipakita mo sa kanilang lahat
ang kagandahan mo.

25:40.080 --> 25:42.000
Mahal ko talaga siya, Papa.

25:42.080 --> 25:44.440
Ipinarating mo na ba sa kanya?

25:44.520 --> 25:46.560
Sinabi mo ba nang malinaw?

25:46.640 --> 25:47.640
Hindi yata.

25:48.640 --> 25:49.720
Kapag nagmahal ka,

25:49.800 --> 25:51.920
minsan, gagawa ka ng kabaliwan.

25:53.240 --> 25:54.800
Kaya nandito ka ngayon.

25:58.640 --> 25:59.680
Tama na ang pahinga.

26:01.400 --> 26:03.960
Teka... Siya ang tatay mo?

26:04.040 --> 26:05.120
Siya ang boss mo?

26:06.400 --> 26:07.400
Oo.

26:08.560 --> 26:09.760
Kaya naman pala.

26:13.000 --> 26:16.240
Mahabang kuwento,
mula pa noong nasa Hartley pa kami.

26:18.080 --> 26:19.280
Paumanhin.

26:57.440 --> 26:58.800
Kasalanan ko ang lahat.

26:59.560 --> 27:02.240
Ano bang sinasabi mo?

27:03.400 --> 27:05.960
Halika rito. Ano'ng sinasabi mo, ha?

27:06.040 --> 27:09.280
Dalawang beses ko siyang nabigo.
Kung kailan kailangan ako.

27:10.760 --> 27:15.160
Hindi. Wala kang kasalanan doon.
Halika rito.

27:25.440 --> 27:27.640
Siya ang matalik kong kaibigan.

27:27.720 --> 27:28.960
Alam ko.

27:31.440 --> 27:32.800
Hindi mo kargo ito.

27:33.680 --> 27:35.640
Alam mo ba 'yong kay Justin?

27:36.360 --> 27:39.280
- Naitago niyang mabuti. Pati si Harper.
- Mismo.

27:41.000 --> 27:45.560
Sinaksak niya ang sariling ama niya,
ganoon na lang ang takot niya.

27:45.640 --> 27:47.440
'Di siya puwedeng bumalik doon.

27:47.520 --> 27:49.360
Hindi mangyayari 'yon, ha?

27:50.640 --> 27:52.760
Gagawan natin ng paraan.

27:57.040 --> 27:58.480
Dapat maparusahan sila.

27:59.320 --> 28:02.040
Siya at 'yong mga gagong
tumangay sa kanya.

28:02.560 --> 28:03.440
Gusto kong...

28:03.960 --> 28:07.800
Gusto kong magdusa sila.
Matakot gaya ng naranasan ni Harper.

28:08.880 --> 28:10.600
'Di puwedeng palampasin ito.

28:12.400 --> 28:13.800
Sang-ayon ako sa 'yo.

28:15.920 --> 28:18.360
At kilala mo ang ilan sa kanila, tama?

28:18.440 --> 28:20.760
Nakilala mo lang doon, o dati pa?

28:21.320 --> 28:24.280
Kaklase ko 'yong isa,
at ang iba, tagariyan lang.

28:24.360 --> 28:25.600
Alam mo ang pangalan?

28:27.280 --> 28:30.040
Makukulong ba sila kung mapapangalanan ko?

28:31.640 --> 28:35.520
Bale, ang hahanapin namin sa imbestigasyon

28:35.600 --> 28:38.440
ay ebidensyang susuporta sa alegasyon mo.

28:38.520 --> 28:40.640
Ang problema, baka sabihin nilang

28:40.720 --> 28:42.720
ihahatid ka lang at tumakbo ka sa takot...

28:42.800 --> 28:44.560
Malinaw na gagahasain siya.

28:44.640 --> 28:46.680
Kung walang ibang ebidensya

28:46.760 --> 28:49.600
bukod sa pahayag mo, mahihirapan tayo.

28:50.880 --> 28:53.080
Gusto ko lang malaman mo.

28:53.720 --> 28:55.240
Sige. Hindi na lang pala.

28:55.800 --> 28:56.800
'Wag, teka lang.

28:56.880 --> 28:58.760
Sinabi ko na, walang mangyayari.

29:08.520 --> 29:11.040
Alam mong sila ang nag-akusa kay Jojo?

29:11.600 --> 29:12.440
Kinutuban ako.

29:13.080 --> 29:14.960
Kung ganoon, bakit mo inako?

29:15.040 --> 29:20.840
Dahil maraming mawawala sa 'yo,
sa akin, wala.

29:24.080 --> 29:25.040
Bahala sila.

29:31.000 --> 29:34.920
Non-binary sila, pero mga hayop.
Nakakaintrigang proseso 'yon.

29:36.440 --> 29:37.760
Nakabalik ka na pala?

29:38.480 --> 29:39.320
Oo.

29:40.400 --> 29:41.880
Marami yatang nangyari.

29:41.960 --> 29:43.920
Grabe, nandito pa rin sila.

29:45.000 --> 29:46.600
Community service lang sa kanila,

29:46.680 --> 29:49.160
pero lahat tayo, maaaring masuspinde.

29:49.240 --> 29:50.720
Umihi tayo sa basurahan.

29:50.800 --> 29:53.200
Mas malala ang nasa filing cabinet niya.

29:53.280 --> 29:55.320
Kayong dalawa lang na nasa SLTs

29:55.400 --> 29:57.320
ang 'di kinokondena dahil sa protesta.

29:57.880 --> 29:59.720
Sayang nga, hindi ako nakasama.

30:09.600 --> 30:12.760
Naku, ikinalulungkot ko 'yan.

30:20.840 --> 30:22.360
Mabuti at binuksan mo,

30:22.440 --> 30:24.360
pero hinayaan mong tangayin siya.

30:24.440 --> 30:27.000
- Alam ko.
- Bakit hindi mo sila pinigilan?

30:27.080 --> 30:28.080
Noong nakita ko...

30:29.000 --> 30:31.320
Noong isinakay siya, 'di ako nakakibo.

30:32.200 --> 30:36.320
At alam kong kung may gagawin ako,

30:36.400 --> 30:39.360
bubugbugin lang nila ako at iiwanan doon.

30:39.440 --> 30:41.600
At lalong wala akong magagawa.

30:42.720 --> 30:45.280
Ang masaklap, matatakasan lang nila ito.

30:45.360 --> 30:46.680
May problema sa sistema.

30:46.760 --> 30:50.280
Labanan lang ng pahayag
dahil wala namang ebidensya.

30:51.560 --> 30:52.920
Nagawa na nila ito?

30:53.000 --> 30:54.120
Hindi pa.

30:55.080 --> 30:56.320
Gagawin ba nila ulit?

31:03.920 --> 31:08.320
At malaking katangahang
sumasama ka pa rin sa kanila, Ca$h.

31:09.440 --> 31:12.280
Layuan mo si Darren. Pakiusap.

31:33.760 --> 31:35.760
Bilang guro, dapat kaming magturo.

31:37.520 --> 31:40.680
Pero matututo rin kami rito.

31:41.240 --> 31:45.680
At may natutunan akong mahalaga
mula sa inyong lahat

31:45.760 --> 31:47.080
sa nagdaang linggo.

31:49.960 --> 31:51.080
Slut ako.

31:51.680 --> 31:53.200
- Ano?
- Oo.

31:54.320 --> 31:55.240
Slut ka.

31:57.720 --> 31:58.920
Slut tayong lahat.

32:00.000 --> 32:04.440
May kumalat na video mula sa protesta n'yo

32:04.520 --> 32:08.520
at sa unang pagkakataon,
positibo ang pagtanggap sa atin ng media.

32:08.600 --> 32:11.120
Isinulat ng <i>The Guardian,</i>

32:12.240 --> 32:13.600
"Ayos lang ang mga bata,

32:13.680 --> 32:19.000
nagprotesta ang mga mag-aaral ng Hartley
High sa pagbitiw ng paborito nilang guro."

32:19.080 --> 32:24.760
May naisama pang litrato ni Joan of Bark.
Napakaganda talaga.

32:25.240 --> 32:26.720
Hindi kami mapaparusahan?

32:26.800 --> 32:29.680
Hindi. Sasagutin n'yo
ang gastos sa paglilinis

32:29.760 --> 32:32.320
pero dahil sa paglabag n'yo
sa batas ng lipunan,

32:32.920 --> 32:35.320
naantig ang buong Australia,

32:35.400 --> 32:36.720
kaya binabati ko kayo.

32:36.800 --> 32:41.120
Maganda 'yan, pero hindi pa pumapayag
na bumalik si Bb. Obah.

32:41.200 --> 32:42.920
Hindi totoo 'yan, Darren.

32:58.920 --> 33:01.160
- Pasensya na.
- Sabi mo, maghihintay ka

33:01.240 --> 33:02.440
hanggang buksan ko.

33:02.520 --> 33:03.800
Binalikan ko pa ito.

33:03.880 --> 33:05.040
Sinira mo na.

33:05.120 --> 33:06.360
Oo nga. Pasensya na.

33:08.920 --> 33:10.360
Nandito na ako ulit.

33:22.600 --> 33:25.000
Ibig sabihin, itutuloy ang SLTs?

33:25.080 --> 33:26.400
Oo, Anthony.

33:26.480 --> 33:30.280
Matagumpay ang programa
kaya itutuloy ito sa susunod na term

33:30.360 --> 33:33.760
at baka sa buong taon.
Nakakasabik, 'di ba, Anthony?

33:37.440 --> 33:40.680
Marami na tayong tinalakay.

33:41.760 --> 33:46.680
Permiso, mga STI, hubad na larawan,
kaligayahan, at pakikipag-usap,

33:46.760 --> 33:48.320
paano idiin ang guro n'yo...

33:50.320 --> 33:52.000
Biro lang 'yong huli.

33:52.080 --> 33:53.680
'Wag mo nang ulitin.

33:53.760 --> 33:56.960
Puwede ko kayong
patuloy na parusahan sa nangyari,

33:57.040 --> 33:59.360
o mag-umpisa tayo ng bagong kabanata.

33:59.440 --> 34:03.960
Alam kong ayaw n'yo sa klaseng ito
pero mahalaga ito.

34:04.040 --> 34:06.040
Sana maisip n'yo 'yan balang-araw.

34:07.440 --> 34:10.520
At saka, kailangan n'yong pangalagaan
ang isa't isa.

34:11.120 --> 34:13.239
Masama mang panahon ito ng buhay n'yo,

34:13.320 --> 34:15.280
pero ito rin ang pinakamaganda.

34:17.040 --> 34:20.280
...kailangan ko ang mga mahal kong assistant

34:20.360 --> 34:24.520
na sina Dusty, Spider, at Ant
na tulungan akong maghanda sa susunod.

34:24.600 --> 34:26.360
Teka. Malaya na ako?

34:27.080 --> 34:31.600
Mas mabuti nang hindi na tayo maiwan
sa silid-aralan nang walang ibang tao.

34:32.199 --> 34:35.400
Habambuhay.

34:36.520 --> 34:38.080
Bilisan n'yo na.

34:38.159 --> 34:40.520
Marami na kayong sinayang na oras ko.

34:40.600 --> 34:42.679
Dalawa na lang. Banda roon. Sige.

34:42.760 --> 34:43.760
Pasensya na po.

34:43.840 --> 34:45.400
- Dalawa na lang.
- Salamat.

34:46.639 --> 34:48.639
Magaling. Nagawa mo.

34:49.920 --> 34:50.760
Amerie.

34:51.360 --> 34:52.239
Bakit?

34:54.040 --> 34:56.280
- Puwede ba tayong mag-usap?
- Hindi.

34:57.360 --> 35:01.840
Kasi hindi maalis sa isipan ko
ang nangyari.

35:02.600 --> 35:03.800
Patawarin mo ako.

35:03.880 --> 35:05.680
Kay Harper ka humingi ng tawad.

35:06.240 --> 35:08.960
Oo. Tama ka.

35:09.040 --> 35:12.440
Tapos? Gusto mong sabihin ulit naming
mabuti kang lalaki?

35:12.520 --> 35:13.560
Hindi.

35:13.640 --> 35:15.120
Ano bang kailangan mo?

35:15.200 --> 35:18.120
Gusto kong... Wala. Alam kong nagkamali ako.

35:19.480 --> 35:22.840
At alam kong marami akong
kailangang baguhin sa sarili ko.

35:23.600 --> 35:25.080
Kaya sisimulan ko na.

35:26.600 --> 35:29.480
Eh, ikaw, Spencer? May sasabihin ka ba?

35:32.920 --> 35:34.040
Wala.

35:37.040 --> 35:38.080
Wala itong mababago.

35:38.880 --> 35:39.720
Alam ko.

35:43.960 --> 35:45.200
Makakaalis na kayo.

35:49.560 --> 35:50.480
Paalam.

35:57.560 --> 35:59.160
Sayang, gwapo pa naman, 'no?

35:59.240 --> 36:00.360
Oo nga.

36:15.520 --> 36:17.160
Alam ko na ang kapangyarihan mo.

36:18.600 --> 36:19.440
Ano?

36:20.200 --> 36:21.320
Mawala sa paningin.

36:22.680 --> 36:25.160
May kapangyarihan kang pumasok sa klase...

36:26.040 --> 36:27.800
tapos, biglang maglalaho.

36:30.960 --> 36:32.280
Hinahanap kita.

36:39.240 --> 36:43.680
Alam kong hindi ko naipakita
ang pinakamahusay kong ugali kamakailan.

36:44.200 --> 36:46.600
Nagpapanggap lang ako.

36:48.720 --> 36:52.960
Pero pinag-isipan kong mabuti
at alam kong magagawa natin ito.

36:54.840 --> 36:56.400
Hindi ako mawawala.

36:56.480 --> 36:57.600
Hindi ganoon.

36:57.680 --> 36:58.520
Ganoon 'yon.

36:59.320 --> 37:02.480
Alam kong iniisip mong
nararapat kang... maging mag-isa

37:02.560 --> 37:06.000
o walang magmamahal sa 'yo
dahil sa pagkatao mo,

37:06.480 --> 37:08.480
o sa gusto mo o hindi mo gusto.

37:10.360 --> 37:11.320
Tanggap kita.

37:14.360 --> 37:15.520
Ito ang gusto ko.

37:16.880 --> 37:20.360
Ikaw lang ang mahihiling ko.

37:23.080 --> 37:23.960
Sa 'yo lang ako.

37:32.720 --> 37:33.680
Ako at ikaw...

37:36.560 --> 37:38.840
'Wag na tayong magsayang ng oras.

37:41.760 --> 37:43.440
Ganoon? 'Di mo susubukan?

37:48.280 --> 37:49.200
Hindi puwede.

37:50.080 --> 37:51.240
Subukan lang natin...

38:44.400 --> 38:46.440
Lockdown na naman ba?

38:47.320 --> 38:50.080
Pantatlong taon na 'yang pagkain na 'yan.

38:50.160 --> 38:53.840
Naisip ko lang na mas mabuting
marami tayong nakareserba.

38:54.400 --> 38:56.400
At ang lakas mo sa baked beans,

38:56.480 --> 38:57.480
ututing matanda.

38:57.560 --> 38:58.960
Para regular na tumae.

38:59.040 --> 39:02.080
May sobrang tinapay rin sa freezer,

39:02.160 --> 39:05.800
at alam mo namang
'di dapat patunawin nang buo, 'di ba?

39:05.880 --> 39:08.200
Maghiwa lang nang paisa-isa.

39:08.920 --> 39:10.200
Hindi ako tanga.

39:13.480 --> 39:15.120
Palagi mo akong inaalagaan.

39:16.480 --> 39:18.360
Pero sino'ng mag-aalaga sa 'yo?

39:23.280 --> 39:25.120
Baka mauna pa kami sa 'yong mamatay.

39:28.400 --> 39:30.040
<i>Kasinglakas mo lang ako.</i>

39:33.400 --> 39:36.400
<i>Kaya gusto kong itanong sa 'yo...</i>

39:36.480 --> 39:37.880
<i>Pakakasalan mo ba ako?</i>

39:40.560 --> 39:41.680
<i>Pakakasalan kita.</i>

39:41.760 --> 39:43.480
<i>Pakakasalan din kita.</i>

39:43.560 --> 39:45.800
<i>- Tinatanggap ko.</i>
- Kakaiba siya.

39:48.200 --> 39:49.120
Maganda siya.

39:49.200 --> 39:50.200
<i>Mahal kita.</i>

40:11.920 --> 40:13.960
- Walang kwenta.
- Heto na siya.

40:14.040 --> 40:15.520
Hello. Kumusta, pare?

40:17.680 --> 40:18.520
Hoy.

40:20.080 --> 40:23.560
'Pag nawala mo ito,
puputulin ko 'yang buntot mo.

40:26.440 --> 40:27.880
Bayag na lang daw.

40:36.880 --> 40:39.640
- Oo. Hawakan mo siya.
- Idapa mo siya. Itayo mo.

40:39.720 --> 40:43.280
- Hulihin mo. Idapa mo siya.
- Nahuli ko na. Hawakan mo. Dali.

40:45.960 --> 40:47.040
Nakuha ko na.

40:47.120 --> 40:50.520
Nasaan na ba 'yon? Sige na naman.

40:52.680 --> 40:53.520
Ayan.

40:58.200 --> 41:00.440
Ca$hy boy, ano'ng ginagawa mo, pare?

41:00.520 --> 41:02.320
Tumatae lang, pare.

41:04.160 --> 41:05.200
Ayos.

41:25.160 --> 41:26.720
<i>Nagulat naman ako sa 'yo.</i>

41:26.800 --> 41:28.280
<i>Gusto kitang sorpresahin.</i>

41:33.400 --> 41:35.720
<i>Jayden's world, unang kabanata.</i>

41:36.280 --> 41:38.680
<i>Mag-uuwi kami ng lasing na babae.</i>

41:38.760 --> 41:41.840
<i>- Hello.
- Magandang araw, kumusta kayo?</i>

41:42.480 --> 41:46.240
<i>Ang ganda niya, pare.</i>

41:46.320 --> 41:48.240
<i>- Hoy, Ca$h.
- Ano sa tingin mo, Ca$hy?</i>

41:49.120 --> 41:51.240
<i>- Hoy, Ca$h.
- Dali na, pare.</i>

41:51.320 --> 41:52.760
<i>Ano sa tingin mo?</i>

41:54.360 --> 41:55.200
<i>Ikaw talaga...</i>

42:09.320 --> 42:13.000
Ang braso ng mga babae
ay may kakayahan, matipuno, at matibay.

42:13.080 --> 42:15.960
Gayon pa man,
kailangan ng pinagsamang lakas

42:16.040 --> 42:17.680
para mapugutan ang biktima.

42:17.760 --> 42:20.080
At naliligayahan tayo rito.

42:20.160 --> 42:22.920
Itong litrato ng kapatiran ng kababaihan,

42:23.000 --> 42:25.720
ng dalawang babaeng
gumagawa ng 'di pangkaraniwan,

42:25.800 --> 42:28.400
mukhang naimpluwensiyahan si Gentileschi

42:28.480 --> 42:30.760
ng sarili niyang kuwento sa obrang ito.

42:30.840 --> 42:36.160
Ipininta niya ang <i>Judith Slaying
Holofernes</i> matapos siyang halayin ng guro.

42:36.240 --> 42:40.960
Naghiganti si Artemisia gamit
ang natatanging armas, isang paintbrush.

42:41.040 --> 42:42.920
At nagpasiklab ng paghihimagsik

42:43.000 --> 42:45.840
na nararamdaman pa rin
makalipas ang 400 taon

42:45.920 --> 42:49.640
at nagbibigay ng boses sa galit
ng mga babae sa tinanggalan ng boses.

42:53.120 --> 42:55.000
- Malakai?
- Dito po.

42:55.960 --> 42:57.720
- Harper?
- Nandito.

42:58.360 --> 42:59.880
- Darren?
- Nandito.

43:00.640 --> 43:01.800
Ca$h?

43:10.920 --> 43:13.600
Maituturo n'yo ba kung nasaan siya?

43:14.080 --> 43:17.280
Wala nga siya rito.

43:17.360 --> 43:19.360
May mga itatanong lang kami.

43:19.440 --> 43:20.320
'Di makaintindi?

43:20.880 --> 43:22.480
Parang mahirap paniwalaan.

43:22.560 --> 43:23.920
Takbo, iho!

43:58.280 --> 44:01.000
Kumpletuhin natin
ang sumusunod na pangungusap.

44:01.080 --> 44:03.120
Walang maling sagot dito, ha?

44:03.200 --> 44:06.080
"May mga taong
pinipiling 'di makipagtalik kasi..."

44:06.160 --> 44:07.000
Pangit sila.

44:07.080 --> 44:09.840
Utang na loob,
kahit sino maliban kay Spencer.

44:11.880 --> 44:13.160
Uy. Si Ca$h.

44:16.200 --> 44:18.200
Hindi ko sinabing tumayo kayo.

44:18.720 --> 44:19.800
Maupo kayo...

44:22.560 --> 44:23.720
Nakarating ka pa rin.

44:24.680 --> 44:26.000
Ano'ng ginawa mo?

44:29.400 --> 44:31.560
Mahal kita, Darren.

44:33.360 --> 44:35.000
Mula pa noong Grade 8 tayo.

44:35.800 --> 44:39.520
At ang kagandahan lang
ng pagpasok sa masalimuot na lugar na ito

44:39.600 --> 44:41.080
ay makikita kita.

44:42.960 --> 44:43.920
Seryoso ka ba?

44:46.720 --> 44:48.760
Gusto ni Darren ng sangganong anak.

44:48.840 --> 44:51.080
Manahimik ka, Spider!

44:52.960 --> 44:54.440
Mahal din kita.

45:03.880 --> 45:06.440
- Diyos ko!
- Ayos lang 'yan, Darren.

45:09.040 --> 45:11.640
Mahal kita, Darren.

45:13.320 --> 45:15.040
Sasama na ako. Oo na nga.

45:18.680 --> 45:19.520
Ang tanga mo.

45:28.280 --> 45:29.200
Naguguluhan ako.

45:30.000 --> 45:32.760
Kasama si Chook. Ba't 'di siya nakulong?

45:32.840 --> 45:36.080
Pinalaya siya. Dahil wala siya sa video.

45:37.080 --> 45:39.920
Ako lang ang kinuhanan ni Jayden,
si Ca$h, at Tiller.

45:40.640 --> 45:42.840
At baka may magaling ding abogado.

45:42.920 --> 45:44.280
Sana mamatay si Chook.

45:44.360 --> 45:45.560
At 'pag namatay siya,

45:45.640 --> 45:48.480
mabuhay siya ulit
bilang walang kwentang bagay.

45:48.560 --> 45:49.960
Isang Miner bird.

45:50.040 --> 45:51.680
- Bulate sa tiyan.
- Nana.

45:51.760 --> 45:53.400
'Yong mabahong insekto.

45:54.520 --> 45:55.640
'Yong stink bug?

45:55.720 --> 45:56.760
Oo, 'yon.

46:01.440 --> 46:02.960
Sana makalaya na si Ca$h.

46:06.000 --> 46:08.600
Tama. Linisin natin ang mga sarili natin.

46:11.400 --> 46:13.240
Ayaw ko na ng threesome.

46:14.520 --> 46:15.480
Masyadong maaga?

46:15.560 --> 46:17.640
Sa dagat, baliw.

46:17.720 --> 46:19.600
Nasa tatlong degrees ngayon.

46:19.680 --> 46:22.000
Tara, bilis.

46:22.560 --> 46:23.400
Sige.

46:24.840 --> 46:26.320
Hali na kayo!

46:29.240 --> 46:30.960
Handa na? Tatlo...

46:31.040 --> 46:32.280
- Dalawa!
- Dalawa!

46:32.360 --> 46:33.320
- Isa!
- Isa!

46:58.160 --> 47:01.080
Naiwan ko 'yong medyas ko sa beach, 'no?

47:03.920 --> 47:04.960
O, heto.

47:05.040 --> 47:06.560
Ayaw ko, marumi 'yan.

47:06.640 --> 47:08.040
Gusto mo ito, 'di ba?

47:10.640 --> 47:11.480
Puwede na.

47:13.440 --> 47:14.280
Salamat.

47:21.040 --> 47:22.280
Dito na ako.

47:22.360 --> 47:23.560
Sige.

47:24.040 --> 47:25.000
Paalam.

47:38.720 --> 47:39.840
'Ayan.

47:45.920 --> 47:47.320
Pahingi naman niyan?

47:47.400 --> 47:48.480
Pareho lang naman.

47:48.560 --> 47:50.080
Mukhang mas masarap.

47:50.160 --> 47:52.680
Kasi ako ang nagdadala.

47:53.840 --> 47:54.880
- Lintik!
- Bakit?

47:58.160 --> 47:59.600
Kotse ni Chook 'yon.

48:08.760 --> 48:10.160
Oo, tama ka.

48:10.240 --> 48:11.600
Nasa slot sila.

48:11.680 --> 48:14.480
Lahat sila. Ilang taon lang doon
si Jayden.

48:14.560 --> 48:15.800
Labas-pasok siya.

48:15.880 --> 48:18.240
- Oo...
- Sige. Halika na, alis na tayo.

48:18.320 --> 48:19.520
Harper, tara na.

48:20.200 --> 48:21.680
Ano'ng ginagawa mo? Dali.

48:22.160 --> 48:23.000
Hindi.

48:23.080 --> 48:25.160
Ako na ang maghahatid ng lahat.

48:25.240 --> 48:28.280
Oo. Nabanggit mo lang din,
kailangan kong tumae.

48:29.520 --> 48:31.160
Harper!

49:16.040 --> 49:17.120
Tara na, Harper.

49:17.200 --> 49:18.080
Sandali.

49:18.560 --> 49:19.480
Harper.

49:55.440 --> 49:58.920
Bilis! Ano ba... Harper! Tara na!

50:08.480 --> 50:09.880
May kotseng nagliliyab!

50:10.440 --> 50:12.080
Anak ng pucha?

50:13.760 --> 50:14.600
Buwisit!

51:24.880 --> 51:27.800
KUNG IKAW O SINUMANG KAKILALA MO
AY NAKARANAS NG

51:27.880 --> 51:31.240
SEKSWAL NA KARAHASAN, MAY IMPORMASYON
SA WWW.WANNATALKABOUTIT.COM

51:31.320 --> 51:34.320
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Nadine Aguazon
