WEBVTT

01:05.880 --> 01:09.800
INIIMBITAHAN KA NI JULIETTE
SA 22ND BIRTHDAY NIYA

01:26.399 --> 01:30.119
Mr. Paroti, uulitin ko ang tanong ko.

01:30.200 --> 01:35.720
Ikaw ba 'yong nagmamaneho ng Alfa Romeo?

01:35.800 --> 01:37.479
Hinihintay ko ang abogado ko.

01:38.720 --> 01:41.640
Nakakatawa naman. Mukhang medyo late siya.

01:44.000 --> 01:47.399
Okay, kung gano'n, iba na lang.

01:49.280 --> 01:52.080
Ano'ng koneksiyon mo sa pamilyang Vandael?

01:57.520 --> 02:01.559
Mukhang tama ang nanay mo
dalawang taon na ang nakakaraan.

02:02.320 --> 02:07.880
No'ng nireport niya ang mga Vandael
sa pulis, sa pagkamatay ng kapatid niya.

02:08.880 --> 02:10.840
Ang Tita Claudia mo.

02:13.079 --> 02:18.040
Naiintindihan mo na ba? Kakampi mo ako.

02:18.920 --> 02:22.480
Puwede bang makipagtulungan ka sa 'kin,
Mr. Paroti?

02:22.560 --> 02:23.760
Ano?

02:24.799 --> 02:26.160
Salamat.

02:26.920 --> 02:29.400
Detective Germonprez.

02:29.480 --> 02:31.440
-Wala kang sinabi?
-Wala.

02:31.519 --> 02:32.680
Mabuti.

02:43.799 --> 02:45.280
-Pagod na ako.
-Sige pa.

02:45.359 --> 02:47.040
-Di ko na kaya.
-Kaya mo 'yan.

02:47.120 --> 02:48.440
Lou, sandali.

02:49.600 --> 02:51.799
Maglakad muna tayo sandali.

02:51.880 --> 02:53.320
Sige, lakad muna tayo.

02:55.280 --> 02:56.440
Uy.

03:00.079 --> 03:03.720
-Pupunta ka sa party ni Juliette mamaya?
-Inimbita ka niya?

03:03.799 --> 03:06.920
Nag-text siya kaninang umaga, biglaan nga.

03:07.000 --> 03:08.679
-Ayos.
-Pero hindi ako pupunta.

03:08.760 --> 03:12.120
-Ano? Pumunta ka.
-Bahala na.

03:12.200 --> 03:16.959
Ano ka ba, Roman ang theme.
Sobrang sexy ng costume ko.

03:17.840 --> 03:19.920
Hindi ko gaanong gusto.

03:20.000 --> 03:23.880
-Lou, lumabas ka naman paminsan-minsan.
-Nasa labas nga ako.

03:25.600 --> 03:27.640
-Uy.
-Ano?

03:27.720 --> 03:29.720
-Alam ko ang ginagawa mo.
-Ano?

03:29.799 --> 03:31.760
Pinipigilan mo ang sarili mo.

03:31.840 --> 03:33.519
Oo kaya.

03:33.600 --> 03:37.359
-Hindi na ako iinom at magpa-party.
-Hindi naman kailangan.

03:37.440 --> 03:41.239
-Hindi n'yo ako mapipilit.
-Okay.

03:41.320 --> 03:45.640
-At saka wala akong tiwala kay Juliette.
-Bakit? Mabait naman siya.

03:45.720 --> 03:50.880
Nagkakilala na kami dati, di ba?
Ang weird na inimbita niya ako.

03:50.959 --> 03:54.679
-Bakit? Ano'ng nangyari?
-Grabe 'yon.

03:56.040 --> 03:58.679
Di ko maintindihan
kung bakit bigla siyang bumalik.

03:58.760 --> 04:01.119
-Nagseselos ka ba?
-Kina Juliette at Alex?

04:01.200 --> 04:03.320
-Ewan ko.
-Hindi na ako iinom,

04:03.399 --> 04:08.399
at ayoko silang makitang naghahalikan
habang naka-Roman costume.

04:09.679 --> 04:12.239
-Tara na, tatlo pa.
-Hindi, ayoko na.

04:12.920 --> 04:15.399
-Pag nakatatlo tayo, baka pumunta ako.
-Ayoko.

04:15.480 --> 04:19.399
Teka, ano? Lou, ang daya mo!

04:26.800 --> 04:30.719
PAMILYANG VANDAEL, HIRAP SA REAL ESTATE,
PATULOY ANG PAGBEBENTA

04:46.000 --> 04:49.760
Ano'ng koneksiyon mo sa pamilyang Vandael?

04:50.479 --> 04:53.719
-Ano'ng ibig mong sabihin?
-Hindi mo kailangang sagutin.

04:53.800 --> 04:59.039
'Yong aksidente pinag-uusapan. Bakit puro
tungkol sa mga Vandael ang itinatanong mo?

04:59.120 --> 05:01.000
Ano'ng problema mo, detective?

05:03.560 --> 05:08.240
Gusto n'yo nang pag-usapan
ang aksidente ngayon. Okay.

05:13.440 --> 05:14.960
Heto.

05:18.200 --> 05:24.880
Mr. Paroti, kung ako sa 'yo, wag kang
lalayo. Marami pa akong katanungan.

05:24.960 --> 05:27.840
Sa tingin ko may itinatago ka.

05:29.760 --> 05:34.159
Sa susunod na lang natin pag-usapan
ang pamilyang Vandael.

05:40.599 --> 05:43.520
Ayos, Maurice. Ibang klase ka talaga.

05:43.599 --> 05:47.240
At pumayag sila
sa lahat ng kondisyon? Ayos.

05:47.320 --> 05:52.440
Okay, aayusin natin 'yon.
Ihanda mo na ang mga papeles.

05:52.520 --> 05:53.960
Oo.

05:54.039 --> 06:00.080
Papirmahin mo agad sila.
Wag kang magsayang ng oras, okay? Salamat.

06:02.640 --> 06:06.120
Pa, nakita n'yo ba
'yong article sa De Tijd?

06:08.159 --> 06:10.960
Kailan ka pa nagsimulang magbasa
ng diyaryo?

06:11.039 --> 06:13.120
Bakit nila tayo tinatarget?

06:13.200 --> 06:17.520
Malakas ang hangin sa itaas ng puno.
Gustong akyatin 'yon ng mga journalist.

06:17.599 --> 06:19.640
Marami pa ba tayong maibebenta?

06:20.960 --> 06:24.880
-Wag mo nang isipin 'yon.
-Sabi ni Bonmamie, oo raw.

06:24.960 --> 06:28.359
Sulitin mo ang pagkabata mo.
Ako na ang bahala ro'n.

06:28.440 --> 06:32.599
May bago tayong project sa golf course
na ikagugulat ng lahat.

06:32.680 --> 06:36.320
Tinatapos na ni Maurice ang deal
sa may-ari ng huling lote.

06:36.400 --> 06:40.680
Pagkatapos, sisimulan na ang development
at di na kailangang ibenta ang Vermeer.

06:40.760 --> 06:42.680
Magandang balita 'yan.

06:44.799 --> 06:48.159
May matututunan ka pa rin sa 'kin
kahit papaano.

06:48.240 --> 06:49.200
Makinig ka…

06:50.760 --> 06:52.520
Gusto mo bang pumunta sa Verbier?

06:55.120 --> 06:58.560
-Oo, sige.
-May kukunin kang mga document.

07:00.680 --> 07:03.200
At isama mo si Daan.
Ayoko na siyang makita.

07:15.359 --> 07:18.919
Gusto nilang manatili ako rito
para sa karagdagang imbestigasyon.

07:19.000 --> 07:21.599
-Putik.
-Tama, putik.

07:24.640 --> 07:27.479
Nakuha no'ng detective
ang file ni Tita Claudia.

07:27.560 --> 07:29.919
-Seryoso?
-Oo.

07:30.000 --> 07:34.919
Binasa niya ang statement mo,
at naniniwala siya sa sinabi mo noon.

07:35.000 --> 07:38.280
Na may kinalaman ang mga Vandael
sa pagkawala niya.

07:42.159 --> 07:47.680
No'ng nakaraang taon, magiging masaya
siguro ako, pero ngayon, kay Thomas…

07:49.120 --> 07:52.000
-Lintik.
-Hindi rin natin sila puwedeng pigilan.

07:56.159 --> 07:58.599
May nakuha ka na ba kay Vermeer?

07:58.679 --> 08:04.120
Galit siya sa kanila. Mas galit siya
sa mga Vandael kaysa sa 'tin.

08:04.200 --> 08:06.359
Pero mabuting tao si Anton.

08:06.440 --> 08:10.039
Hindi, mahal mo kasi siya, iba 'yon.

08:10.120 --> 08:12.120
Hindi kaya.

08:26.320 --> 08:28.280
-Anton.
-Angelique.

08:29.479 --> 08:32.520
Gusto kong malaman
kung bakit mo ako tinawagan.

08:33.400 --> 08:34.720
Pasok ka.

08:37.079 --> 08:41.880
Ikaw ang pinakamagaling na attorney
na nakilala ko.

08:41.959 --> 08:46.799
Salamat. Masaya akong katrabaho ka,
walang halong biro.

08:48.199 --> 08:49.400
Bumalik ka na.

08:52.360 --> 08:55.680
Oo, seryoso ako.
Magtrabaho ka ulit para sa 'kin.

08:55.760 --> 09:00.160
Ano ka ba. Pasensiya na. Seryoso ka?

09:00.240 --> 09:04.160
-Naku, seryoso ka nga.
-Hindi 'to proposal sa kasal.

09:04.240 --> 09:06.040
-Pasensiya na, pero…
-Gusto mo ba?

09:06.120 --> 09:08.959
…nabigla lang ako.

09:09.040 --> 09:13.040
Bakit naman bigla mo akong kinailangan?

09:13.120 --> 09:15.160
Gusto kong bilhin ang Vandael Group.

09:20.280 --> 09:23.439
Ang Vandael Group. Anton, grabe ka.

09:26.560 --> 09:27.839
Ano ka ba.

09:29.280 --> 09:34.000
Pag-iisipan ko muna.
Pag-iisipan ko nang husto.

09:35.400 --> 09:39.240
-Hindi maayos ang lagay nila.
-Kaya nga gusto kong kumilos agad.

09:39.319 --> 09:44.839
Oo, pero, sa personal na level
ang ibig kong sabihin.

09:44.920 --> 09:48.720
-Sirang-sira si Eleonore.
-Kawawa naman.

09:52.400 --> 09:54.480
Nandiyan pa rin ang alab mo.

09:55.640 --> 09:59.079
Sige na, napakagaling mo nga. Napakatalas.

10:07.760 --> 10:09.079
Dati 'yon.

10:10.880 --> 10:12.720
Maaasahan ba kita?

10:18.880 --> 10:22.640
Buburahin natin sila sa mundo.
Tapos na ang masasayang araw nila.

10:22.720 --> 10:26.760
Kumalma ka. Di ko gawain ang magbura,
alam mo 'yan.

10:26.839 --> 10:30.400
-Pero kakausapin ko si Jan.
-Bakit pa?

10:39.720 --> 10:43.560
-Uy, Angelique.
-Girls. Saan ang punta n'yo?

10:43.640 --> 10:45.040
Sa party.

10:45.120 --> 10:49.400
Hindi magandang idea 'yan.
Napagod ka sa rally.

10:49.480 --> 10:53.319
Sinabi ko na sa inyo, hindi ako.
Si Daan ang nagmamaneho.

10:53.400 --> 10:55.360
Alam ko.

10:55.439 --> 10:58.560
-Ano?
-Naniniwala ako sa 'yo.

10:58.640 --> 11:01.000
-Talaga?
-Oo, naniniwala ako sa 'yo.

11:01.079 --> 11:06.439
Basta't magsabi ka lang ng totoo sa 'kin,
maniniwala ako sa 'yo. Deal?

11:06.520 --> 11:08.319
Okay.

11:08.400 --> 11:12.000
-Dad ba ni Juliette 'yon?
-Si Anton.

11:13.319 --> 11:15.480
Gusto niya akong pabalikin.

11:15.560 --> 11:18.600
-Bilang attorney.
-Magandang balita 'yan.

11:18.680 --> 11:23.120
-Para sa isang hostile takeover.
-Kanino?

11:23.199 --> 11:26.439
-Ng Vandael Group.
-Ano?

11:26.520 --> 11:29.480
Gusto niyang samantalahin
habang mahina sila.

11:29.560 --> 11:33.600
Ilang taon na niyang binabalak 'to,
at ngayon na ang tamang oras.

11:33.680 --> 11:37.880
-At tutulungan n'yo siya?
-Kung ikaw, ano'ng gagawin mo?

11:39.959 --> 11:44.319
Best friend ko si Eleonore, Ma.
Hindi mo puwedeng gawin 'yon.

11:44.400 --> 11:46.439
Tama ka.

11:46.520 --> 11:49.560
Halika na, Lou, marami pa tayong gagawin.

11:49.640 --> 11:52.199
Di ba ako puwedeng magbigay ng opinion?

11:52.280 --> 11:54.240
-Bye!
-Hindi po.

12:03.040 --> 12:07.800
-Mukhang engrande ang party ni Juliette.
-Tingin mo?

12:07.880 --> 12:12.800
Mahal na mahal niya si Alex.
Hindi mo ba napapansin? Nakakahiya.

12:12.880 --> 12:14.680
Pakiabot ng blush.

12:14.760 --> 12:19.120
-Gustong bilhin ng dad niya ang Vandael.
-Ano? Talaga?

12:19.199 --> 12:23.319
Oo. Sana lang alam ni Alex
ang ginagawa niya.

12:23.400 --> 12:26.480
Ano'ng pakialam mo?
Hindi mo na problema 'yon.

12:26.560 --> 12:33.160
-Hindi ba medyo weird 'yon?
-Ewan. Wag mo na munang isipin 'yon, okay?

12:49.199 --> 12:51.480
Excited na ako para sa party.

13:39.160 --> 13:43.199
-Tingnan mo nga naman. Sakto.
-'Yan ang great service.

13:43.280 --> 13:47.120
Mag-exercise ka tulad niya.
Sa nipis ng dibdib mo…

13:47.199 --> 13:48.920
Kaunti pa.

13:52.880 --> 13:57.400
-Uy, hiniritan si Vic.
-Okay sa 'kin 'to, dito muna ako.

13:57.480 --> 14:01.880
Gets ko. No'ng panahon ng mga Roman,
uso ang pagiging gay.

14:01.959 --> 14:03.640
Expert ka sa pagiging gay.

14:03.719 --> 14:06.800
Nabasa ko 'yon dati.
Sodomy ang tawag do'n.

14:06.880 --> 14:09.880
-Ano'ng tawag?
-Sodomy. Ibig sabihin…

14:09.959 --> 14:11.920
-Ano'ng ibig sabihin?
-Anal.

14:12.000 --> 14:16.079
-Ibang klase.
-Hindi ako nagloloko. Totoo 'yon.

14:26.760 --> 14:29.280
Mas gusto ko 'yong ganito, puro straight.

14:29.360 --> 14:31.439
-Nandito na sila.
-Magandang gabi.

14:31.520 --> 14:33.400
Mga binibini.

14:37.520 --> 14:40.240
-Hindi ko alam na pupunta ka.
-Ako rin.

14:40.319 --> 14:42.880
-Sino'ng ginagaya mo?
-Hulaan mo.

14:42.959 --> 14:45.800
-Wala akong maisip.
-Ano ka ba, Matti.

14:45.880 --> 14:49.800
-Isang diyosa ba?
-Ang diyosa ng pangangaso.

14:49.880 --> 14:51.719
Tama.

14:51.800 --> 14:56.000
-Diana.
-Salamat, Victor, tama. Kitang-kita naman.

14:56.079 --> 14:59.199
-Ikaw?
-Hulaan mo.

14:59.280 --> 15:03.760
Si Helen of Troy,
ang pinakamagandang babae sa Greece?

15:03.839 --> 15:08.120
-At ang dahilan ng mga madugong digmaan.
-Oo, siya nga 'yon.

15:08.199 --> 15:12.000
Hindi, ari ang ginagamit n'yong dalawa,
at hindi utak.

15:12.079 --> 15:16.680
-Sobra ka naman.
-Parang ikaw, Matti.

15:16.760 --> 15:20.280
Ha? Ano'ng kinalaman no'n sa 'kin?

15:31.319 --> 15:32.599
Melis?

15:35.280 --> 15:39.719
-Tingnan mo ang nakita ko.
-Sa mga bata ba 'yan? Wag.

15:39.800 --> 15:42.880
-Gusto mo bang humithit?
-Seryoso ka?

15:46.640 --> 15:48.400
Loko-loko ka.

15:52.199 --> 15:55.719
-Bagay sa 'yong maging emperor.
-Tingin mo?

15:55.800 --> 15:59.760
-'Yong wawasak sa Roman Empire.
-Tumahimik ka.

16:06.439 --> 16:08.199
Uy, Daan.

16:08.760 --> 16:12.839
-Ano'ng ginagawa niya rito?
-Baka inimbita siya ng emperor natin.

16:12.920 --> 16:15.040
Para siyang sunod-sunoran.

16:15.120 --> 16:17.839
"Commander of the North.

16:17.920 --> 16:22.800
Ama ng pinaslang na anak,
asawa ng pinaslang na asawa."

16:23.719 --> 16:24.959
Alam n'yo 'yon?

16:25.040 --> 16:27.359
-The Gladiator, di ba?
-Tama.

16:27.439 --> 16:32.439
Grabe, gay expert na, movie nerd pa.
Kailan ka pa naging matalino?

16:45.199 --> 16:48.280
Ano'ng ginagawa nila? Imposible.

16:51.240 --> 16:54.719
-Sino ang mga 'yon?
-Grabe siya. Puro ginto pa sila.

16:54.800 --> 16:58.479
-Sino siya?
-Pininturahan pa ng ginto katawan nila.

17:23.040 --> 17:25.520
Wag kang lalapit, ayoko n'yan.

17:38.480 --> 17:40.520
Simulan na ang mga palaro.

20:06.080 --> 20:07.520
Okay ka lang ba?

20:11.720 --> 20:12.720
Hindi.

20:13.720 --> 20:15.320
Ako rin.

20:24.000 --> 20:25.240
Ano 'yan?

20:27.480 --> 20:28.760
Sulat.

20:30.520 --> 20:31.919
Pinagtatawanan mo ba ako?

20:34.480 --> 20:36.800
Hindi, gusto kong humingi ng tawad.

20:40.360 --> 20:43.040
Nilagay mo ako sa pahamak.

20:44.440 --> 20:46.040
Alam mo 'yon, di ba?

20:49.679 --> 20:51.360
'Yon din ang ginawa ko sa 'yo.

20:56.720 --> 20:57.800
PATAWAD

21:01.560 --> 21:06.520
-Punong-puno ng emotion 'to.
-Mamahaling stationery 'yan.

21:12.720 --> 21:14.399
Ang tibay mo.

21:15.919 --> 21:18.399
Proud na proud ako sa 'yo.

21:27.760 --> 21:28.840
Pasensiya ka na.

21:32.440 --> 21:33.840
Ako rin.

21:36.919 --> 21:38.639
Nandito lang ako para sa 'yo.

21:45.480 --> 21:49.960
Di mo pa kailangang alalahanin 'to ngayon.

21:50.040 --> 21:55.720
At 'yong Alfa… Hindi na, magda-drive ako.
May insurance 'yong Alfa, kaya ayos lang.

21:55.800 --> 22:01.320
Di ba dapat si Melissa nag-aasikaso nito?
Siya ang nanay. Di ba?

22:03.360 --> 22:09.439
Aaminin ko, ngayong nagbalik na ako,
nararamdaman ko na ulit.

22:09.520 --> 22:15.120
Imposible, masarap na wine 'to.
Hindi mumurahin. Di ba, Patrick?

22:15.200 --> 22:16.919
Mamahaling wine 'to, di ba?

22:17.000 --> 22:22.399
Ang pagiging attorney tinutukoy ko.
Walong taon akong naging attorney.

22:22.480 --> 22:27.320
Sorry. Paumanhin. Nakalimutan kong
walong taon kang nagtrabaho.

22:29.560 --> 22:33.200
Kung gano'n mo kamahal ang trabaho mo,
bakit ka umalis?

22:33.280 --> 22:34.800
Dahil sa mga bata.

22:36.520 --> 22:41.280
-Gusto mong punan ang puwang, 'yon 'yon.
-Hindi sa gano'n.

22:41.360 --> 22:45.399
Hindi, gusto ko lang talagang
magtrabaho ulit.

22:45.480 --> 22:49.280
Umayos ka nga. Sino'ng niloloko mo?

22:49.360 --> 22:54.639
Uminom ka ng para sa hormones mo,
'yon lang. Midlife crisis 'yan.

22:54.720 --> 22:56.600
Uy, ano'ng ginagawa mo?

22:56.679 --> 22:59.560
Ayokong umiinom ka. Alcoholic ka na.

22:59.639 --> 23:01.320
Itikom mo 'yang bibig mo!

23:04.360 --> 23:06.919
Wag kang mag-alala.
Alam ko ang pakiramdam.

23:07.000 --> 23:11.439
Mabilis ding magalit si Louise.

23:12.800 --> 23:15.840
-Kinumbinsi ako ni Jan na magpa-therapy.
-Hindi.

23:15.919 --> 23:20.879
Ganiyan din ako dati, Eleonore,
pero maniwala ka, effective talaga.

23:20.960 --> 23:25.200
Mas naiintindihan ko na si Louise ngayon.
Baka makabuti sa 'yo.

23:25.280 --> 23:27.760
Kaya ka ba nag-aral ng college?

23:27.840 --> 23:32.320
Para sabihin sa 'king magpa-therapy
para mas maintindihan ko ang anak ko?

23:32.399 --> 23:37.159
Masama lang ang ugali niya.
Hindi siya baliw tulad mo.

23:46.560 --> 23:48.960
-Aalis na ako.
-Aalis ka na?

23:53.439 --> 23:57.760
-May nasabi ba akong mali?
-Ewan ko. Hindi ako nakikinig.

24:06.360 --> 24:07.800
Heto.

24:11.520 --> 24:14.280
Ang weird na makita siyang kasama
'yong babaeng 'yon.

24:14.360 --> 24:18.720
Dalawang taon ang itinagal namin,
at parang wala lang.

24:18.800 --> 24:22.679
Bangag na ako para sa ganitong usapan.
Pero minahal ka talaga niya.

24:22.760 --> 24:24.280
Talaga?

24:27.159 --> 24:29.080
Whoa.

24:29.159 --> 24:33.960
-Tingin mo matagal na siyang lesbian?
-Hindi madaling malaman 'yon.

24:36.480 --> 24:37.960
Gaano katagal mo nang alam?

24:38.040 --> 24:42.399
Ang pangit ng tanong mo.
Bakit laging itinatanong sa 'kin 'yan?

24:42.480 --> 24:45.439
Ang papangit ng mga tanong mo lagi,
kaya sige, okay lang.

24:45.520 --> 24:46.560
Totoo.

24:49.000 --> 24:52.040
-Pero magaling siyang mag-blowjob.
-Talaga?

24:52.120 --> 24:54.720
Sobra. Walang palya.

25:02.320 --> 25:03.320
Ano?

25:03.960 --> 25:05.879
Gusto mo ba ng blowjob?

25:07.840 --> 25:08.879
Ano?

25:16.840 --> 25:19.439
-Uy.
-Uy.

25:19.520 --> 25:23.320
Uy, ang ganda ng suot mo.
Grabe, ang ganda.

25:23.399 --> 25:27.040
-Salamat. Nakabihis din kayo.
-Nagustuhan mo ba?

25:27.120 --> 25:31.520
-Uy, Daan, nakahithit ka na ba?
-Seryoso ka?

25:31.600 --> 25:37.280
Huwag na. Nakakaloko. Mas matagal ka pang
made-depress kaysa sa mababangag.

25:37.360 --> 25:40.399
Pero kung champagne…

25:41.439 --> 25:44.120
Akin na 'yang bote. Salamat.

25:45.399 --> 25:49.399
Pinalaki kong Spartan ang anak ko.

25:49.480 --> 25:52.800
Spartan. Mabuti ba 'yon?

25:52.879 --> 25:55.480
-Sobra.
-Talaga?

25:56.199 --> 26:00.560
O pinalaki ko siyang Trojan horse?

26:01.960 --> 26:06.560
-Sobrang cute mo.
-Hindi, ikaw ang cute. Ikaw.

26:16.120 --> 26:17.399
Uy.

26:18.600 --> 26:19.800
Hi.

26:25.879 --> 26:27.560
Masaya ako't nakapunta ka.

26:31.399 --> 26:33.240
Na-miss kita.

26:36.000 --> 26:37.360
Teka.

26:42.000 --> 26:43.840
Ang astig mo, Lou.

26:45.720 --> 26:46.840
Pero…

26:49.199 --> 26:54.120
ang sama ng ugali mo dati. Grabe.

26:55.560 --> 27:00.159
-Ano'ng gusto mong sabihin ko?
-Ni-ghost mo ako.

27:00.240 --> 27:02.439
Akala ko lalaki lang ang gumagawa no'n.

27:03.720 --> 27:05.520
Hindi tayo naging okay.

27:07.320 --> 27:09.480
-'Yong sa 'tin?
-Alam mo na 'yon.

27:09.560 --> 27:11.199
Hindi, sabihin mo sa 'kin.

27:13.080 --> 27:16.679
Hindi pagkakaibigan 'yon.
Hindi mabuting magkaibigan.

27:18.399 --> 27:21.080
Puwede na nating aminin 'yon ngayon.

27:24.679 --> 27:26.679
Hindi 'yon ang naramdaman ko.

27:28.080 --> 27:30.360
Hindi ako masaya pag kasama kita.

27:33.560 --> 27:40.159
Masyado kang possessive,
at medyo nawala ako sarili.

27:42.000 --> 27:43.120
Okay.

27:44.760 --> 27:48.480
Kaya itinaboy mo na lang ako?

27:49.919 --> 27:51.600
Hindi ko na kaya no'n.

27:54.360 --> 27:55.600
Sorry.

27:58.000 --> 27:59.320
Hindi, ayos lang.

28:02.040 --> 28:03.879
Ako dapat ang humingi ng tawad.

28:05.679 --> 28:07.919
Sinabi ko sa lahat na baliw ka.

28:09.679 --> 28:11.639
Oops.

28:20.439 --> 28:23.600
Sige, hahanapin ko muna si Alex.

28:30.199 --> 28:32.959
Uy, nandito ka pala.

28:35.720 --> 28:38.720
Uy, baby. Nag-eenjoy ka ba?

28:38.800 --> 28:42.560
Oo, pero na-miss kita.
Kung saan-saan ka pumupunta.

28:42.639 --> 28:45.959
-Puwede bang umupo muna tayo?
-Bakit?

28:46.879 --> 28:50.360
Hindi ko alam. Para magkuwentuhan.

28:50.439 --> 28:54.120
Party ko 'to, Alex.
Ayokong magkuwentuhan, gusto kong sumayaw.

28:54.199 --> 28:57.159
-Kahit sandali lang.
-O mag-sex.

28:57.240 --> 29:00.040
Ano nga 'yong tawag mo ro'n? "Siping."

29:00.120 --> 29:03.800
Jules, wag ngayon.
Gusto ko lang kitang makausap.

29:03.879 --> 29:05.240
Party ko 'to.

29:06.240 --> 29:08.159
Party ko 'to. Sige na.

29:10.800 --> 29:13.679
-Sumayaw tayo.
-Sandali lang.

29:17.199 --> 29:20.120
-Wag agad-agad.
-Ano?

29:20.199 --> 29:25.000
-Puwede ba tayong lumayo, tayo lang?
-Bakit?

29:25.080 --> 29:30.399
-Dahil gusto kita, at naging masaya ako.
-Talaga?

29:30.480 --> 29:34.800
-Oo, nagkausap kami ng papa ko.
-Ikuwento mo.

29:38.959 --> 29:42.679
Nakuha na namin 'yong lote sa golf club.

29:42.760 --> 29:47.320
Malapit na, pero mababawasan
ang stress sa bahay.

29:47.399 --> 29:49.760
Kung masimulan namin 'yon, e di…

29:51.639 --> 29:55.520
makakabangon kami. Ang Vandael Group.

29:57.320 --> 30:00.720
-Magandang balita 'yon, di ba?
-Oo.

30:03.120 --> 30:07.080
-Stressed ka ba sa bahay?
-Ikaw, hindi?

30:07.159 --> 30:09.959
Hindi. Bakit ako ma-iistress?

31:35.639 --> 31:38.560
Tagapagsalin ng Subtitle:
Kristine Gutierrez
hay.
