WEBVTT

00:32.720 --> 00:39.040
Mga passenger, welcome aboard
sa Falcon 900 na papuntang Verbier.

00:39.120 --> 00:40.600
Heto na.

00:40.680 --> 00:46.600
Makinig kayo, nakausap ko ang piloto.
Sabi niya, isang oras lang ang biyahe.

00:48.000 --> 00:53.680
Maganda ang snow ro'n at may champagne
na nakaabang. Magiging masaya 'to.

00:53.760 --> 00:57.120
Gusto kitang pasalamatan, Alex,
at ang buong Vandael Group,

00:57.199 --> 01:00.239
mula sa kaibuturan ng aking puso,
para sa bakasyong ito.

01:00.320 --> 01:02.720
-Alex, salamat sa 'yo.
-Pare.

01:02.800 --> 01:04.519
-Salamat sa 'yo.
-Cheers.

01:05.319 --> 01:07.200
Mag-picture tayo para kay Victor.

01:08.200 --> 01:11.560
-Bakit?
-Kasi di siya nakasama. Sayang naman.

01:11.640 --> 01:13.600
Ah, sige.

01:13.679 --> 01:17.479
-Bakit parang ayaw mo?
-Di naman sa gano'n.

01:17.560 --> 01:20.720
-Pero parang gano'n.
-Hindi. Eto na kukunin ko na ang selfie.

01:20.800 --> 01:23.479
-Sige lang. Cheers.
-Cheers.

01:26.080 --> 01:29.520
-Ayan na.
-Sige, may sasabihin din ako.

01:29.600 --> 01:34.119
Mga kasama, alam na natin ngayon
na mahilig mag-skiing si Matti.

01:34.200 --> 01:36.880
Uy, wag kang bastos.

01:36.960 --> 01:42.600
Di siya masisisi. Maganda ang panahon,
bago ang snow, at presko hangin sa bundok,

01:42.679 --> 01:46.800
at lalo na 'yong mga buwisit na mayayaman
na umiinom ng Coke at red wine

01:46.880 --> 01:49.679
at walang pagkakaiba mga hooker
sa mga gold digger.

01:49.759 --> 01:55.280
Pero seryoso, tingin ko, gusto lang
ng dad ko na mawala ako.

02:00.119 --> 02:02.240
Di nakakatuwa 'yon, Matti.

02:03.160 --> 02:04.679
Ay, pasensiya na.

02:10.359 --> 02:15.400
-Ang dali. Palagi na lang. Grabe, Matti.
-Hindi, alam ko. Alam ko.

02:15.479 --> 02:20.239
Isang tao lang ang dapat nating
pasalamatan, at narito siya, si Daan.

02:20.320 --> 02:25.280
Sa sobrang buwisit ng dad ko sa 'yo,
may apat na araw tayo sa cabin. Salamat.

02:25.359 --> 02:28.120
Daan, paano na lang kami kung wala ka?

02:30.799 --> 02:32.880
-Ayos, Daan.
-Mukhang uhaw si Daan, ha.

02:32.959 --> 02:36.120
Mag-toast tayo
bago maubos ang mga iniinom natin.

02:36.200 --> 02:38.040
Para sa Verbier.

03:20.040 --> 03:21.880
Ang lamig!

03:26.600 --> 03:29.440
-Salamat para sa inumin.
-Walang anuman.

03:31.440 --> 03:35.799
-Ano'ng klaseng inumin 'to?
-Schnapps. Di mo ba nagustuhan?

03:36.799 --> 03:38.399
Sa 'yo na 'yan.

03:38.480 --> 03:40.000
Teka lang.

03:41.959 --> 03:43.959
Masaya akong makilala ka.

03:45.679 --> 03:47.320
Oo, ako rin.

03:59.519 --> 04:01.760
-Sige, isuot na ang skis.
-Sa harap, 'no?

04:01.839 --> 04:06.839
Sa harap. Maririnig mo ang click.
Basta itulak mo lang. Ayos.

04:06.920 --> 04:09.519
Patingin nga ng tayo mo. Bumaluktot…

04:09.600 --> 04:12.440
-Kita-kita na lang sa tanghalian!
-Mamaya na lang!

04:12.519 --> 04:16.079
Sige, ibaluktot mo ang tuhod mo.
Wag kang masyadong sumubsob.

04:18.240 --> 04:20.560
-Kumusta na kayo?
-Ayos lang.

04:20.640 --> 04:24.560
-Sigurado ka? Si Daan kailangan ng tulong.
-Mauna na kayo, susunod kami.

04:26.599 --> 04:29.960
Sige, pizza.
Diretso lang sa una, tapos huminto ka.

04:30.039 --> 04:34.320
Sige. Ganya'n nga. Pizza.
'Yong magandang pizza, wag pa-ekis.

04:34.400 --> 04:38.479
Hindi sapat ang pizza, hindi ko…
Hindi ko na mahinto.

04:38.560 --> 04:41.000
-Galingan mo pa ang pizza!
-Uy!

04:42.400 --> 04:43.400
Louise!

04:53.240 --> 04:54.680
Lintik na 'yan.

04:57.320 --> 05:03.120
May lugi na 200 milyong euro
sa katapusan ng fiscal year?

05:03.680 --> 05:08.919
Hindi, Jacqueline. Di 'yan totoo.
Malaki ang naipasok natin sa real estate.

05:09.000 --> 05:14.760
Manahimik ka.
May utang pa sa bangko na 1.8 bilyon.

05:17.919 --> 05:23.800
-Mababawi pa naman 'yon.
-Mababawi? Di sang-ayon ang consultant.

05:23.880 --> 05:30.359
May mga nagdududa na,
kung makakaahon pa ba ang group natin.

05:32.359 --> 05:35.640
-Ma…
-Wag.

05:35.719 --> 05:37.640
Ay, Diyos ko.

05:37.719 --> 05:40.320
-Pambihira. Patrick.
-Diyos ko.

05:40.400 --> 05:43.960
Akalain mo 'yon?
Pinag-uusapan lang namin kayo.

05:45.320 --> 05:47.880
Siguro naman
tungkol sa magagandang bagay 'yan?

05:48.520 --> 05:52.039
Medyo malalim ang naging usapan.
Di ba, mahal?

05:52.120 --> 05:53.719
Tama ka.

05:54.680 --> 05:56.159
Puwede ba kaming maupo?

05:57.359 --> 06:01.039
Waitress, puwede niyo ba kaming dalhan
ng tatlo pang upuan?

06:02.000 --> 06:03.200
Tatlo?

06:04.000 --> 06:06.400
May hinihintay pa kaming isa.

06:08.719 --> 06:10.080
Ang galing naman.

06:11.719 --> 06:14.800
Ano'ng kakainin natin? Shrimp croquettes?

06:21.840 --> 06:25.919
-Normal lang na di ka pa magaling.
-Gusto niyo ba ng sunscreen?

06:26.000 --> 06:30.080
Naging productive ang unang araw
ng skiing ni Daan.

06:30.159 --> 06:34.000
Kung ayaw mo ng cheese fondue,
pwede naman tayong umorder ng pizza.

06:34.560 --> 06:37.280
-Kailangan maging positive ka lang.
-Kawawa naman.

06:37.359 --> 06:40.520
-Buwisit na skiing 'yan.
-Kailangan mo lang 'yon matutunan.

06:40.599 --> 06:43.719
Parang pagsakay sa bisikleta.
Pag natutunan mo na, ayos na.

06:45.400 --> 06:49.120
-Mga kasama, kumuha ako ng tatlong bote.
-Ayos.

06:49.200 --> 06:51.919
-Magaling.
-Ayoko.

06:52.000 --> 06:55.039
-Di ka iinom?
-Hindi, ayos lang ako.

06:56.719 --> 06:59.840
Tingin ko, tapos na skiing ngayong araw.
Uminom ka na.

06:59.919 --> 07:01.359
Ayos lang ako, Juliette.

07:03.120 --> 07:05.440
-Ayoko rin.
-Bakit naman?

07:05.520 --> 07:06.760
Wag na.

07:06.840 --> 07:11.840
Tingnan natin kung magtatagal kayo.
Gusto rin niya ng wine.

07:11.919 --> 07:13.000
Wag na.

07:13.080 --> 07:18.280
-Sobrang mahal naman ng wine.
-Ang sarap. Saunt-Emiliyon ba 'to?

07:18.359 --> 07:20.039
Saint-Emilion 'yan.

07:21.080 --> 07:26.320
-May alam ka ba sa wine?
-Marami akong alam. Importante 'yon.

07:26.400 --> 07:28.080
Bakit importante?

07:29.440 --> 07:32.640
-Masyadong maikli kasi ang buhay.
-Tama, tama.

07:33.719 --> 07:35.440
Cheers para diyan.

07:35.520 --> 07:39.239
Saan mo nakuha 'yang suot mo, Daan?
Sa dad ni Juliette?

07:42.280 --> 07:45.039
-Sobrang nakakabuwisit.
-Sino?

07:45.120 --> 07:47.520
-'Yong dad ko.
-'Yong sa 'kin din.

07:47.599 --> 07:50.440
-Mas malala 'yong akin.
-Mas malala 'yong sa 'kin.

07:50.520 --> 07:52.200
Hindi, 'yong sa 'kin kaya.

07:52.280 --> 07:56.520
Talaga bang pinag-aawayan natin
ang pinakamasamang dad dito?

07:56.599 --> 07:59.280
Sige na, panalo ka na.

08:01.919 --> 08:05.599
Ang nanay ko ang pinakatangang babae
sa planetang 'to.

08:05.679 --> 08:08.400
-Aba. Grabe.
-Hello.

08:10.679 --> 08:12.039
Ano'ng "aba?"

08:16.560 --> 08:19.520
Di kailangan maging mayaman
para mabuwisit sa magulang.

08:21.560 --> 08:22.640
Tama.

08:26.239 --> 08:31.239
Natutuwa nga ako na makita kita dito.
Di ka sumasagot sa mga email ko.

08:31.320 --> 08:34.919
Siguro ibinlock mo na ang number ko.
Di ka sumasagot.

08:36.280 --> 08:37.520
Sayang naman.

08:42.079 --> 08:44.439
Kayo na ang magsalita.

08:44.520 --> 08:46.079
Ayokong kausapin siya.

08:48.000 --> 08:52.680
Lahat ng nangyayari sa Vandael Group
ay di na dumadaan kay Patrick.

08:52.760 --> 08:54.840
-Hindi na?
-Hindi.

08:55.800 --> 08:58.319
Di pa kaya ng katawan niya.

08:59.280 --> 09:01.760
Ay, sayang naman, Patrick.

09:04.000 --> 09:09.760
Ako na ang makakausap mo sa ngayon,
gaya no'ng dati.

09:09.840 --> 09:12.839
Tama, masaya noon, ano?
Di ba, Jacqueline?

09:14.240 --> 09:20.199
Kung gaya ka ng tatay mo na mapaghiganti,
mabilis nating maaayos ito.

09:22.160 --> 09:24.199
Namatay siya nang dahil sa 'yo.

09:25.120 --> 09:26.480
Mahina ang puso niya.

09:28.000 --> 09:29.520
Bigo ang puso niya.

09:38.040 --> 09:40.160
May lilinawin lang ako.

09:42.480 --> 09:47.319
Kung mamamatay ka, itutuon ko
ang atensiyon ko kay Alexander the Great.

09:47.400 --> 09:50.600
Ang mahal niyong anak. Tama ba ako?

09:51.160 --> 09:56.680
Wag mo siyang maliitin.
Higit pa siya sa inaakala mo.

09:58.560 --> 10:03.439
Lagi siyang nakahandang tumulong
sa mga nangangailangan, di ba, Melissa?

10:05.680 --> 10:08.520
Mabuti naman
at mukhang di niya ako kakagatin.

10:11.120 --> 10:12.360
Cheers.

10:14.160 --> 10:17.000
Angelique? Bakit siya narito?

10:21.120 --> 10:22.760
Magandang hapon.

10:26.800 --> 10:32.480
Kung usapang aso lang din, heto ang bago
kong pit bull. Di siya bumibitaw.

10:32.560 --> 10:34.600
-Maupo ka.
-Salamat.

10:37.640 --> 10:40.959
Kinausap ako ni Angelique kahapon
tungkol sa kaya niyang gawin.

10:42.439 --> 10:46.600
Nagkataon na marami akong trabaho
na maaaring ipagawa sa kanya.

10:48.959 --> 10:52.160
-Gusto mo bang uminom?
-Isang baso lang.

10:52.240 --> 10:54.400
Isang baso nga.

10:57.439 --> 11:02.560
-Balang araw, magiging gaya rin tayo nila.
-Ibahin niyo ako.

11:02.640 --> 11:04.480
Talaga? Hindi ba?

11:06.959 --> 11:08.520
Sige. Aray ko.

11:09.199 --> 11:14.480
Di nila pinag-uusapan ang feelings nila,
binabale-wala nila ang trauma nila.

11:14.560 --> 11:16.199
Pero alam 'yon ng katawan mo.

11:16.280 --> 11:20.640
Kung di 'yon aayusin,
maipapasa 'yon sa mga anak. Sa 'tin.

11:20.719 --> 11:24.360
-Tama, grabe lang.
-Ibig sabihin, lahat tayo ay may trauma?

11:25.000 --> 11:26.880
'Yan ang paniniwala ko.

11:26.959 --> 11:32.520
Tingin ko, lahat ng tao
ay may pinagdaraanan, maliit man o malaki.

11:33.520 --> 11:37.160
At tingin mo ba
masyado na tayong naging mahina?

11:38.480 --> 11:39.600
Sa paanong paraan?

11:39.680 --> 11:43.079
Tingin ko, sobra na ang ingat
sa pagpapalaki sa kabataan ngayon.

11:43.160 --> 11:47.760
Puwede na nating gawin ang kahit ano,
kaya nag-iimbento na tayo,

11:47.839 --> 11:50.959
gumagawa tayo ng mga problema
na kathang-isip lang naman.

11:52.920 --> 11:57.079
Ngayon lang nagkaro'n ng ganito kalala
na mental issues sa mga kabataan.

11:57.640 --> 12:00.280
At sa tingin mo, saan nanggaling 'yon?

12:00.360 --> 12:04.920
Nagsimula 'yon sa mga magulang at guro
na di na puwedeng maghigpit sa mga bata,

12:05.000 --> 12:07.199
kasi baka magkaro'n sila ng trauma.

12:08.160 --> 12:10.160
Bawat aray, sinusuyo natin.

12:10.240 --> 12:15.240
At palaki nang palaki ang mga problema,
tapos, patung-patong na 'yon.

12:15.319 --> 12:20.800
At isa pa, di natin sila tinuturuan
na kontrolin ang mga emotion nila.

12:20.880 --> 12:23.280
Malagyan lang natin ng label, tapos na.

12:24.959 --> 12:28.800
Sang-ayon ako na kailangang harapin 'yon,
pero di dapat kinikimkim.

12:29.560 --> 12:32.439
Walang mali sa pagkimkim ng mga emotion.

12:34.599 --> 12:36.760
At ano'ng kahahantungan no'n?

12:37.560 --> 12:43.280
Ang kasiyahan ay nagmumula sa pag-intindi
sa positive at negative sa buhay,

12:43.360 --> 12:45.160
at sa pagbabalanse noon.

12:46.280 --> 12:49.000
Kailangang tanggapin mo
ang masama at mabuti.

12:49.079 --> 12:55.480
Kaya ang pagdanas ng mga emotion,
kahit pa tawagin mo itong "pagkimkim,"

12:55.560 --> 12:57.160
ay parte ng buhay.

12:58.760 --> 13:03.640
Matututunan mo 'yon, pero ang ginagawa
na lang natin ngayon ay uminom ng pills.

13:03.719 --> 13:04.839
Juliette.

13:04.920 --> 13:08.360
Ano? Tama naman 'yon, di ba?

13:09.719 --> 13:11.560
Pills ang nagligtas sa buhay ko.

13:13.120 --> 13:18.839
Naniniwala ako, di ko sinasabi
na walang epekto ang pills,

13:18.920 --> 13:22.680
pero pag sinanay mo ang isip mo
at emotion mo,

13:24.120 --> 13:26.120
kaya rin no'n iligtas ang buhay mo.

13:26.920 --> 13:29.439
Palaging kombinasyon 'yon.

13:29.520 --> 13:32.920
Isang libong hakbang ang kinumpleto ko
bago ako uminom ng pills.

13:34.920 --> 13:37.839
Pero isipin mo, bukod sa gamot,

13:37.920 --> 13:42.199
di ba may iba pa tayong mga paraan
para mapabuti ang mga sarili natin?

13:43.000 --> 13:45.760
Lalo na tayo.

13:47.640 --> 13:52.120
Mayro'n na tayo ng lahat ng gusto natin.
Puwede nga tayong pumunta sa Nepal.

13:52.199 --> 13:56.800
Puwede tayong mag-voodoo sa Hawaii.
Uminom ng ayahuasca.

13:56.880 --> 14:01.120
Di natin ginagawa, dahil sanay na tayo
sa gamot para sa bawat sakit natin.

14:01.199 --> 14:04.520
-Magaling sa marketing ang Big Pharma.
-Mismo.

14:04.599 --> 14:07.400
Ordinaryong sakit ang tingin mo
sa mental health issue?

14:09.520 --> 14:12.959
-Oo. Mental na sakit.
-Tama ka na, Juliette.

14:14.479 --> 14:18.199
-Bakit?
-Puwede bang maging kalmado tayo?

14:18.280 --> 14:22.040
-Iba na lang ang pag-usapan natin.
-Please.

14:24.360 --> 14:26.760
Ang daming magagandang babae rito.

14:26.839 --> 14:30.240
-Magandang pag-usapan 'yan.
-Magaling, Daan.

14:30.319 --> 14:32.800
Taon ang inabot bago ako na-diagnose.

14:33.880 --> 14:37.880
Uy, lahat tayo ay puwedeng magkaro'n
ng kanyang sariling opinion, di ba?

14:45.040 --> 14:46.240
Oo.

14:47.400 --> 14:51.400
Kung gano'n, magkasundo tayo
sa di pagkakasundo.

14:54.000 --> 14:57.319
At sa panahon ngayon,
lahat na lang ay nagiging bakla.

14:57.400 --> 15:00.920
-Ano'ng klaseng kalokohan 'yan?
-Tama naman, di ba?

15:01.000 --> 15:05.839
Kailangan may kakaiba sa 'yo
para makibagay ka. Gay, lesbian, o ano.

15:05.920 --> 15:08.360
Cancelled ka na kapag straight ka.

15:08.439 --> 15:11.599
-Manahimik ka, Matti.
-Bakit? Totoo naman.

15:12.360 --> 15:14.560
Grabeng topic 'yan, Matti.

15:26.560 --> 15:27.800
Masarap.

15:29.400 --> 15:31.920
Tuwang-tuwa ka sa nangyayari, ano?

15:32.719 --> 15:36.360
Totoo. Masarap naman 'to talaga.

15:40.120 --> 15:45.280
Maayos naman 'yong pagpapagawa
ng golf course, di ba?

15:49.400 --> 15:54.120
Mabuti naman.
Kailangan mo talaga 'yon, tama?

15:56.479 --> 15:58.920
Pero parang may nakakalimutan ka.

16:04.280 --> 16:10.120
Di pa sa 'yo ang lahat ng lote.
Kaya di mo pa puwedeng simulan 'yon, tama?

16:11.479 --> 16:13.479
Handa na ang mga papeles para ro'n.

16:18.199 --> 16:20.479
'Yon bang, papeles namin?

16:22.520 --> 16:24.079
Angelique?

16:28.040 --> 16:29.479
Angelique?

16:30.800 --> 16:33.560
Kasi 'yong huling lote ay…

16:34.800 --> 16:38.040
-binili na namin nina Jan.
-Pakiulit?

16:38.120 --> 16:42.680
Oo, kaya ang ibig sabihin nito ay…

16:42.760 --> 16:47.800
Puwede naming pigilan ang project niyo.
Nang mahabang panahon.

16:47.880 --> 16:50.680
-Oo, parang gano'n na nga.
-Tu quoque.

16:52.040 --> 16:54.160
Paano mo nagawa 'yon?

16:56.359 --> 17:01.199
Patient ni Jan 'yong may-ari.
Ilang beses niyang tinulungan, kaya…

17:01.280 --> 17:04.359
Jan? Lintik na lokong 'yon!

17:08.720 --> 17:10.680
Paano mo nalaman 'yong sa lote?

17:13.359 --> 17:15.760
Mula sa anak mo.

17:16.839 --> 17:18.240
Pakiulit?

17:19.800 --> 17:20.960
Si Juliette.

17:23.800 --> 17:26.639
Oo, napakaganda ng pag-ibig.

17:28.159 --> 17:30.879
-Pambihira!
-Tanga.

17:35.760 --> 17:40.120
Dapat ipinagmamalaki natin
ang mga narating ng mga magulang natin.

17:40.200 --> 17:42.520
Pero, di ko alam kung tutularan ko sila.

17:42.600 --> 17:44.879
-Dahil takot ka kasi.
-Hindi naman.

17:44.960 --> 17:48.879
Takot ka kasing mag-fail,
pero mas magaling ka pa sa dad mo.

17:48.960 --> 17:53.000
-Di na mahirap lampasan 'yon ngayon.
-Puwede ba?

17:53.080 --> 17:56.440
Palagi mong sinasabi
na ayaw mong maging gaya niya.

17:56.520 --> 18:00.800
-Bakit ngayon, parang tinitingala mo siya?
-Di ko sinabi 'yan.

18:00.879 --> 18:05.800
At kahit na gano'n nga, ayos lang 'yon.
Tingnan mo ang nagawa ng taong 'yon.

18:05.879 --> 18:08.879
Kung di dahil sa kanya,
wala tayo rito ngayon.

18:08.960 --> 18:12.720
-Pasalamatan natin si Patrick.
-Mabuhay ka, Patrick.

18:12.800 --> 18:16.200
-Puwede ko ngang patulan si Patrick.
-Gusto kong makita 'yon.

18:16.280 --> 18:19.879
Hindi nakakabuti
ang basta-bastang pagtatapon ng pera.

18:20.720 --> 18:23.000
Ano ba'ng ginawa ng dad niya sa 'yo?

18:23.800 --> 18:27.040
Wala, pero pwedeng tayong magkaro'n
ng sariling opinion.

18:28.520 --> 18:33.600
Uy, uy, Lou. Kumuha ka na ng wine.
Kumalma ka at ngumiti.

18:33.679 --> 18:35.480
Sang-ayon ako d'yan.

18:35.560 --> 18:38.280
Di mababawi sa pera
ang ginawa nila sa 'tin.

18:38.360 --> 18:40.600
Sundin niyo ang champagne socialist natin.

18:42.440 --> 18:45.600
Tama, di mo naman
kinailangang sumama, di ba?

18:45.679 --> 18:49.639
-Ano ang champagne specialist?
-"Specialist" daw!

18:51.679 --> 18:53.280
Champagne socialist!

18:54.320 --> 18:58.440
-Sila ang mga pesteng leftist.
-Na mahilig uminom ng champagne.

18:58.520 --> 19:02.000
-Isa ba ko ro'n?
-Hindi, masyado kang mahirap para ro'n.

19:02.080 --> 19:04.679
Ano'ng problema mo? Umayos ka nga.

19:04.760 --> 19:08.720
-Lou, para kang mom mo.
-Tama, mismo.

19:08.800 --> 19:14.399
Mukhang mana tayo sa mga magulang natin.
Ikaw rin, Lou. Di mo maipagkakaila 'yon.

19:14.480 --> 19:17.120
-Balik na sa pinagmulan.
-Tama.

19:17.840 --> 19:20.720
Ay, ano 'to?

19:21.679 --> 19:25.320
Naiintindihan niyo ba
kung gaano kayo kasuwerte?

19:27.000 --> 19:31.240
Kaya niyong magkaro'n ng magagandang
bakasyon, uminom ng mamahalin.

19:32.399 --> 19:36.600
At siyempre, kayo ang pinakamasayang
grupo ng magkakaibigan, tama ba?

19:38.120 --> 19:41.720
Lahat kayo ay tapat at bukas,
sa lahat ng mga usapin.

19:41.800 --> 19:44.040
Di kayo nagsisinungaling.

19:45.120 --> 19:50.159
Palagi kayong nandiyan para sa isa't-isa.
Kahit ano pa ang mangyari.

19:52.240 --> 19:55.600
Masaya ako na maging parte ng grupong ito.

19:55.679 --> 19:58.960
Ngayon lang ako nakaranas ng ganito.

19:59.040 --> 20:04.639
Lahat kayo ay talagang kahanga-hanga,
bawat isa sa inyo.

20:06.200 --> 20:09.280
Kaya, salamat sa inyo.

20:10.760 --> 20:13.200
Cheers. Para sa inyo.

20:27.840 --> 20:30.679
-Ayos, sino'ng gusto mag XTC?
-Tama!

20:30.760 --> 20:34.520
Lou, ikaw na ang magsimula. Heto na.

20:35.320 --> 20:36.480
Enjoy.

20:37.760 --> 20:39.280
Ahas ka!

20:39.360 --> 20:44.960
Paano mo nagawa sa pamilya namin 'to?
Tatayo mula sa hukay ang tatay mo!

20:45.040 --> 20:47.280
Tulad ka ng anak mo, mahirap intindihin.

20:47.360 --> 20:52.159
Galing sa 'yo?
Parang normal lang ang anak mo.

20:52.240 --> 20:55.159
Angelique. Manahimik ka!

20:56.280 --> 20:58.760
-Ano ulit 'yon?
-Manahimik ka!

20:58.840 --> 21:00.919
Manahimik ako? Hindi ako mananahimik!

21:01.000 --> 21:04.399
Pakikinggan mo ako ngayon, Madame Vandael.

21:04.480 --> 21:08.840
Palagi niyo akong tinuturing
na mababa sa inyo, parang putik.

21:08.919 --> 21:14.360
Pero hindi kami putik, Madame Vandael.
Hindi kami tauhan na uutusan niyo lang.

21:14.440 --> 21:18.600
Dahil sa ilalim ng lahat
ng karangyaang iniyayabang niyo,

21:18.679 --> 21:22.399
isa ka lang masungit
at walang modong babae.

21:22.480 --> 21:25.360
Tama na 'yan! Tara na! Ma!

21:25.440 --> 21:28.919
Alam ng lahat ng tao sa Knokke
na pinatulan ka ng bata mo.

21:29.000 --> 21:32.760
At lahat kayo… Oo, tingnan niyo.
Alam ng lahat ng tao sa Knokke

21:32.840 --> 21:37.440
na itinakbo niya ang pera mo,
at wala ka nang halaga ngayon.

21:37.520 --> 21:40.320
-Eleonore!
-Tama na!

21:46.320 --> 21:49.200
-Jacqueline?
-Ma?

21:50.879 --> 21:52.840
Jacqueline, kumalma ka.

22:01.280 --> 22:03.439
-Ma…
-Tatawagan ko si Jan.

22:03.520 --> 22:06.800
Wala kang tatawagin. Hudas ka.

22:06.879 --> 22:09.159
Ma. Ma?

22:10.159 --> 22:11.240
Halika na.

22:13.159 --> 22:15.040
Puwede bang tulungan niyo kami?

22:20.000 --> 22:21.720
Kaya mo 'yan, Ma.

22:48.600 --> 22:53.760
Hello, nandito pa ako!

22:57.639 --> 23:00.240
Nakikinig ako…

23:56.080 --> 23:59.000
Tagapagsalin ng Subtitle: Erika Demetrio
nang halaga ngayon.
