WEBVTT

00:30.160 --> 00:31.479
Ano'ng problema?

00:32.280 --> 00:33.440
Wala.

00:35.400 --> 00:36.640
Pero tahimik ka.

00:37.640 --> 00:38.760
Ayos lang ako.

00:44.320 --> 00:45.360
Hangover ba 'yan?

00:47.960 --> 00:49.440
Horny ako.

00:52.160 --> 00:55.279
-Talaga?
-Oo, horny ako.

01:00.519 --> 01:01.760
Maghubad ka.

01:03.599 --> 01:07.080
-Alex, masyadong malamig.
-Sinabi nang maghubad ka.

01:23.759 --> 01:24.720
Ano na?

01:27.920 --> 01:29.240
Halika rito.

02:10.079 --> 02:11.880
Isa kang puta.

02:14.880 --> 02:19.480
-Ano?
-Halata naman. Isa kang maruming puta.

02:19.560 --> 02:21.680
Di ba?

02:21.760 --> 02:24.920
Pinapatulan mo ako
para may makuha sa 'kin ang dad mo.

02:25.680 --> 02:28.079
Tinawagan ako ng dad ko kanina.

02:28.160 --> 02:31.079
Binili ng dad mo
'yong lupa sa golf course.

02:31.160 --> 02:33.880
-Alex…
-Ginamit mo ako.

02:37.840 --> 02:41.760
-Parang namang di ka galit sa dad mo, ha.
-Wala kang alam. Malinaw?

02:41.840 --> 02:45.000
Wala kang kaalam-alam sa mga sinasabi mo.

02:49.000 --> 02:50.920
Buwisit ka.

03:24.640 --> 03:25.640
Uy.

03:27.160 --> 03:29.160
-Hi.
-Sasama ka ba?

03:32.000 --> 03:33.000
Bakit hindi?

03:34.720 --> 03:37.760
-Tara na, makakabuti 'to sa 'yo.
-Ayos lang ako.

03:39.679 --> 03:43.280
-Gusto mo bang samahan kita rito?
-Wag na.

03:44.560 --> 03:46.880
-Sigurado ka?
-Oo.

03:46.959 --> 03:49.880
-Sige. Tawagan mo na lang ako.
-Sige.

04:04.880 --> 04:08.239
Sa ganiyang kaso, scan ang recommendation.

04:08.320 --> 04:11.519
Kailangan ko nang umalis.
Tatawagan na lang kita mamaya.

04:11.600 --> 04:15.280
-Hello, Mrs. Vandael.
-Hello, Dr. Basteyns.

04:15.359 --> 04:18.399
-May appointment ba tayo?
-Wala.

04:18.479 --> 04:19.640
Kailangan pa ba 'yon?

04:27.479 --> 04:29.159
Di maganda ang nangyayari, 'no?

04:32.960 --> 04:36.760
Gano'n na nga, Mrs. Vandael.

04:42.280 --> 04:43.880
Naramdaman ko na 'to.

04:50.080 --> 04:51.159
Sige.

04:54.800 --> 04:57.400
Alam mo na ang gagawin, di ba?

05:00.520 --> 05:01.880
Ngayon…

05:03.440 --> 05:05.520
ano ba ang binabalak mo?

05:07.640 --> 05:10.440
-Ano'ng ibig n'yong sabihin?
-'Yong kay Vermeer.

05:12.640 --> 05:16.200
Ano ba ang nagawa namin sa 'yo?

05:16.760 --> 05:19.200
May 40 taon na tayong magkaibigan.

05:19.280 --> 05:24.440
-Di ito ang tamang lugar…
-Gusto mo ba kaming sirain, Dr. Basteyns?

05:25.560 --> 05:29.400
Maaari bang umalis na kayo sa opisina ko,
Mrs. Vandael?

05:29.479 --> 05:31.880
May isang bagay lang akong sasabihin.

05:31.960 --> 05:38.640
Di lang isa, o dalawa ang mga attorney ko.
Marami sila.

05:38.719 --> 05:43.400
At 'yong marumi at mapagsamantalang plano
ng asawa mo kasama ang kalaban…

05:43.479 --> 05:45.240
di ko palalampasin 'yon.

05:45.320 --> 05:46.960
Paalam, Mrs. Vandael.

05:47.960 --> 05:49.120
Sa susunod na lang.

05:50.840 --> 05:52.800
Mananatili ako hangga't gusto ko.

05:55.120 --> 05:56.200
Sige.

05:59.359 --> 06:02.640
Pakipatay na lang 'yong ilaw
pag alis n'yo.

06:13.080 --> 06:14.800
Patay na.

06:41.479 --> 06:43.320
-Ay, munting Olivia.
-Uy.

06:45.200 --> 06:46.919
Kumusta ka?

06:47.000 --> 06:50.719
-Namiss kita.
-Namiss rin kita. Pasok ka.

06:55.960 --> 06:59.880
-Maupo ka. Gusto mo ba ng maiinom?
-Sige lang.

06:59.960 --> 07:03.599
-Alam ba ng mom mo na nandito ka?
-Hindi.

07:08.799 --> 07:10.080
Ano'ng problema?

07:12.479 --> 07:14.640
Sawa na ako sa tsismis sa bahay.

07:16.200 --> 07:17.719
Anong tsismis?

07:18.640 --> 07:21.799
Nina Mama at Papa. Tungkol sa 'yo.

07:23.400 --> 07:26.280
-Ginagawa nila 'yon sa harap mo?
-Oo.

07:27.239 --> 07:29.159
Na parang di nila ako nakikita.

07:30.880 --> 07:33.039
Di maganda sa pakiramdam 'yon.

07:46.599 --> 07:50.080
Sabi ni Mama sisirain niyo raw
ni Angelique ang Vandael Group.

07:55.799 --> 07:57.080
Totoo ba 'yon?

08:06.719 --> 08:09.359
Siguro dapat umuwi ka na.

08:09.440 --> 08:11.479
Baka mag-alala ang mom mo.

08:26.239 --> 08:28.320
Uy. Ba't bumalik ka na?

08:30.120 --> 08:32.919
-Nasaan ang lahat?
-Nag-iskiing.

08:33.000 --> 08:34.840
Si Daan lang ang nasa kwarto.

08:36.520 --> 08:38.799
-Ayos ka lang?
-Oo.

08:52.480 --> 08:53.600
Sige na.

08:59.560 --> 09:03.520
May croissants sa oven.
'Yong may cheese at chocolate, tama?

09:07.160 --> 09:10.319
Kadiri. Di ako makapaniwalang
kumakain ka pa rin no'n.

09:17.880 --> 09:20.600
Para ngang may… kakaiba.

09:20.680 --> 09:24.640
Kakaiba? Aba. Salamat.

09:29.480 --> 09:31.360
Gusto mo bang pag-usapan?

09:33.240 --> 09:34.319
Ewan ko.

09:42.079 --> 09:47.160
Ginamit ako ni Juliette para makakuha
ng impormasyon ang dad niya.

09:47.240 --> 09:51.560
Nabanggit ko sa kanya 'yong lupa sa golf
course, huling project na 'yon ng dad ko.

09:52.360 --> 09:53.600
Kaya ayon…

09:54.560 --> 09:56.439
ngayon, wala na sa 'min 'yon.

09:57.360 --> 09:58.680
Pambihira.

09:59.439 --> 10:00.439
Gano'n na nga.

10:04.439 --> 10:06.199
Mahal mo ba siya?

10:07.839 --> 10:11.319
Di ko alam. Ano ba ang pakiramdam no'n?

10:14.680 --> 10:16.839
Minahal mo man lang ba ako?

10:17.720 --> 10:19.000
Siyempre.

10:20.839 --> 10:21.839
Ikaw?

10:23.880 --> 10:25.240
Dati.

10:26.760 --> 10:29.839
Pero di ko na maisip
'yong pakiramdam na 'yon.

10:29.920 --> 10:31.480
Ano'ng ibig mong sabihin?

10:32.640 --> 10:37.680
-Tingin ko, iba na ako magmahal ngayon.
-Di mo mapipili kung kailan ka magmamahal.

10:37.760 --> 10:43.439
Siguro nga hindi. Pero mapipili mo
kung sino hahayaan mong makapasok.

10:46.800 --> 10:49.000
Kaya di na kita papapasukin.

10:50.360 --> 10:54.959
-Sige.
-At kung iisipin ko, nakakapanibago.

10:56.360 --> 11:01.760
Kasi gusto kita, at gusto ko 'yong iba,
pero kahapon, naramdaman ko talaga na…

11:03.319 --> 11:05.520
nagkalayo na ang mga loob natin.

11:07.079 --> 11:11.760
Parang wala na akong koneksiyon
sa mga tao rito.

11:13.520 --> 11:16.760
At dati, sobrang halaga
ng mga pagkakaibigan na 'to sa 'kin.

11:19.199 --> 11:22.160
Pero kung mananatili ako,

11:22.719 --> 11:26.079
di na ako makakausad mula rito.

11:29.719 --> 11:32.480
Ang kakaiba pa rito,
ay di 'to mabigat sa 'kin.

11:34.600 --> 11:35.959
Tingin ko…

11:38.640 --> 11:40.760
Tingin ko maganda na narealize ko 'yon.

11:47.560 --> 11:49.199
Naiintindihan mo ba?

11:53.079 --> 11:54.839
Ano na ang gagawin mo?

11:55.959 --> 11:58.600
Magmeditate sa Nepal, gano'n?

12:00.040 --> 12:02.040
Puwede, sa Nepal.

12:02.120 --> 12:04.280
-Ano ba?
-Hindi, ayos lang. Pupunta ako.

12:04.360 --> 12:08.600
Nepal. Sige.
Tutuklasin ko 'yong ibang kultura,

12:08.680 --> 12:11.839
ibang klase ng pamumuhay,
lalawakan ko ang mundo ko.

12:11.920 --> 12:16.280
'Yong buhay kasi natin,
mula sa Casino Club hanggang sa Zwin lang.

12:17.959 --> 12:20.120
Ano'ng gagawin mo?

12:20.199 --> 12:24.400
Pamumunuan mo 'yong Vandael Group?
Ayos 'yon. Masaya.

12:24.480 --> 12:26.400
O si Juliette ba ang gagawa no'n?

12:32.160 --> 12:34.079
Walang isa sa kanila ang masaya.

12:35.400 --> 12:41.319
At 60, 70 taon mula ngayon,
nasa mga kabaong na tayo. Tapos ano?

12:47.760 --> 12:49.280
Maganda naman 'yong kabaong.

13:10.000 --> 13:12.199
Tingin mo di na siya babalik?

13:13.839 --> 13:17.640
Hindi na, masyadong nasaktan ang ego niya.

13:17.719 --> 13:21.079
-Tipikal na Alex.
-Oo, di pwede 'yon sa kanya.

13:21.160 --> 13:24.959
Di niya gusto
'yong may mas magaling mag-ski sa kanya.

13:25.040 --> 13:28.480
-Ang lungkot naman.
-Oo, tama ka.

13:33.000 --> 13:37.040
-Napakaganda rito.
-Baka huling beses na natin 'to.

13:38.319 --> 13:39.439
Bakit?

13:39.520 --> 13:42.400
Kailangan nang ibenta
ng mga Vandael ang cabin.

13:42.480 --> 13:46.719
-Mag-ski tayo sa ibang lugar.
-Di mangyayari 'yon. Alam mo 'yan.

13:46.800 --> 13:49.360
-Bakit naman hindi?
-Kasi tumatanda na tayo.

13:49.439 --> 13:54.640
-Bakit 'yong mga magulang natin?
-Magaling lang sila mag-alaga ng image.

14:10.760 --> 14:16.920
Hello. Ako si Detective Germonprez.
May ilang katanungan ako para sa 'yo.

14:17.000 --> 14:19.479
-Puwede ba akong pumasok?
-Sige.

14:27.360 --> 14:32.400
May itatanong ako sa 'yo
na parehas kong itinanong sa anak mo.

14:33.640 --> 14:36.479
Ano ba ang ginawa mo
para sa pamilya ng mga Vandael?

14:36.560 --> 14:38.640
Yaya nila ako.

14:38.719 --> 14:44.199
Ng mga tao na sinasabi mo ay may kinalaman
sa pagkamatay ng kapatid mo? Kakaiba 'yon.

14:51.199 --> 14:55.520
Ma'am, tingin ko, tama ang mga hinala mo.

14:56.680 --> 14:59.000
At kakampi mo ako.

14:59.079 --> 15:00.479
Halata naman.

15:02.560 --> 15:05.680
Pero di rin nila alam
kung nasaan si Claudia.

15:05.760 --> 15:07.240
Naniniwala ka ba ro'n?

15:10.839 --> 15:12.640
Ang totoo, hindi.

15:13.920 --> 15:18.240
Alam mo ba kung bakit ako
nagsimulang maghinala?

15:19.199 --> 15:25.560
'Yong bigla na lang naglaho 'yong nurse
ng matandang Vandael.

15:26.719 --> 15:30.439
Malapit 'yong anak mo
kay Alex Vandael, di ba?

15:32.120 --> 15:36.599
Pati ro'n sa kaibigan ni Alex, si Louise.
Tama ba?

15:40.360 --> 15:43.959
Parang medyo magulo ang sitwasyon nila.

16:04.280 --> 16:07.280
Thomas. Thomas!

16:08.439 --> 16:11.439
-Thomas!
-Uy, Daan. Uy!

16:11.520 --> 16:16.079
-Thomas!
-Uy, Daan. Daan! Shh!

16:17.439 --> 16:20.920
Daan, gumising ka.

16:21.000 --> 16:24.199
Tumigil ka! Di mo 'to puwedeng sirain
para sa 'min, okay?

16:24.280 --> 16:27.800
Hoy! Hoy, ano'ng nangyayari? Alex.

16:28.839 --> 16:31.880
Ano ba 'to? Daan?

16:36.240 --> 16:38.959
Ano'ng nangyari?

16:46.160 --> 16:48.479
Ayos ka lang.

17:01.240 --> 17:03.040
Ano'ng nangyari sa 'yo?

17:19.760 --> 17:21.159
Kalma lang.

17:23.480 --> 17:24.319
Huminga ka.

17:27.839 --> 17:31.720
Therapy na may lamig at init.
Mabisa 'to lagi para sa 'kin.

17:33.919 --> 17:35.159
Ayos lang 'yan.

17:47.639 --> 17:49.520
Ano'ng nangyayari sa inyong dalawa?

17:50.440 --> 17:54.360
May di ka sinasabi sa 'kin. Kilala kita.

18:08.399 --> 18:10.120
Tungkol ba 'to kay Claudia?

18:10.200 --> 18:13.960
-Lou, tumigil ka.
-Ano? Bakit?

18:20.159 --> 18:22.480
Tungkol ba 'to kay Claudia?

18:28.560 --> 18:30.360
Puwede mo bang sabihin sa 'kin?

18:36.320 --> 18:39.000
Tinulak siya ni Alex sa balcony.

18:48.000 --> 18:50.720
-Alex, ano 'yon?
-Aksidente 'yon, malinaw?

18:50.800 --> 18:53.240
-Ano?
-Aksidente 'yon.

19:00.960 --> 19:03.520
Kaya ba lagi kang binabangungot?

19:06.520 --> 19:08.639
-Daan?
-Daan.

19:11.000 --> 19:13.720
-Kung hindi, bakit?
-Daan. Daan, di mo kailangan…

19:13.800 --> 19:15.560
Manahimik ka!

19:24.560 --> 19:26.040
Daan…

19:29.800 --> 19:31.320
ano'ng nangyari?

19:42.840 --> 19:46.000
May binaon kami ni Alex na katawan
sa ilalim ng concrete.

19:52.760 --> 19:54.240
Ano'ng katawan?

19:55.320 --> 19:56.399
Daan.

20:00.600 --> 20:01.600
Si Thomas.

20:06.240 --> 20:10.120
Paano nangyari 'yon? Ano'ng nangyari?

20:10.200 --> 20:14.760
Sinubukan niyang saktan ang dad ko.
Pinalo siya ni Melissa sa ulo.

20:16.200 --> 20:18.520
-Si Melissa?
-Pinrotektahan niya ako.

20:18.600 --> 20:21.360
Nababaliw na kayo.

20:21.440 --> 20:23.800
-Walang puwedeng makaalam, malinaw?
-Paano?

20:23.879 --> 20:26.360
Walang puwedeng makaalam, malinaw?

20:31.320 --> 20:33.520
Paano niyo nagagawang maging normal?

20:35.600 --> 20:37.080
Lou…

20:47.679 --> 20:53.360
Kung may maalala ka pang
makakatulong sa 'tin, tawagan mo lang ako.

20:53.440 --> 20:55.080
Umaga man o gabi.

20:55.159 --> 20:56.800
Tingin ko, wala na.

20:57.600 --> 21:01.120
Baka makatulong 'to sa anak mo
kung haharap siya sa korte.

21:01.200 --> 21:04.080
-Di na aabot do'n, di ba?
-Aabot.

21:04.159 --> 21:06.840
Sa paglapag ng airplane niya,
aarestuhin siya.

21:06.919 --> 21:09.720
Baka mas marami pa siyang alam
kaysa sa 'yo. Ma'am.

21:29.159 --> 21:30.600
Sobrang lala nito.

21:31.639 --> 21:34.760
-Di puwedeng managot ang nanay ko rito.
-Aayusin natin 'to.

21:34.840 --> 21:38.879
-Isang paraan lang ang makakaayos nito.
-Hindi, Lou.

21:38.960 --> 21:41.919
-Pupunta tayo sa mga pulis.
-Hindi.

21:42.000 --> 21:45.240
Katapusan ko 'yon, pati ng pamilya ko,
ikaw, at ng nanay mo.

21:45.320 --> 21:48.040
-Di kayo puwedeng magpatuloy lang.
-Pambihira.

21:48.120 --> 21:50.080
-Mukhang pati ako rin.
-Sinabi nang…

21:50.159 --> 21:51.720
Subukan mo lang.

21:51.800 --> 21:54.800
Paano na kita mapagkakatiwalaan
pagkatapos nito?

21:57.120 --> 21:58.760
At ikaw din.

22:08.120 --> 22:10.560
DAAN
OUTGOING

22:52.480 --> 22:55.720
Aba, aba. May kailangan ka sa 'kin?

22:56.320 --> 22:57.600
Eleonore.

23:06.560 --> 23:09.679
Uuwi? Pero kakadating pa lang natin.

23:09.760 --> 23:13.000
-Ano'ng problema?
-Baka kailangan niyo nang mag-empake.

23:15.480 --> 23:19.120
-Lasing ka pa ba?
-Matti, mag-impake na kayo ng gamit.

23:20.800 --> 23:22.399
Lilipad tayo mamayang 5:00.

23:26.080 --> 23:28.320
-Pambihira.
-Sige.

23:50.600 --> 23:51.439
Bakit?

23:51.520 --> 23:55.320
May message sa 'kin na babalik ka na daw
sa loob ng isang oras.

23:56.760 --> 24:00.040
Mapapaaga kami ng balik.
Di maganda ang pakiramdam ni Daan.

24:00.120 --> 24:01.600
Ano'ng nangyari sa kanya?

24:05.879 --> 24:07.480
Kasi…

24:07.560 --> 24:09.399
Nagsalita na siya, Dad.

24:10.600 --> 24:16.639
Ipinagtapat niya ang lahat kay Louise,
kaya tingin ko, dapat nang tapusin ito.

24:22.960 --> 24:24.600
Hello?

24:24.679 --> 24:27.399
Ang tanga mo talaga.

24:27.480 --> 24:32.919
-Tingin ko, tama si Louise, dapat…
-Hindi, mananahimik ka lang.

24:33.000 --> 24:36.720
Hindi. Malinaw ba 'yon? Ayoko na.

24:36.800 --> 24:41.720
Palagi na lang gano'n. 'Yong ugali mo
ang nagdala sa 'tin sa gulong ito.

24:41.800 --> 24:44.320
At ano ngayon ang gagawin mo?

24:44.399 --> 24:46.879
Pupuntahan ko si Germonprez.

24:46.960 --> 24:49.399
-Hindi pwede!
-Oo, 'yon ang gagawin ko.

24:51.600 --> 24:53.080
Sige.

24:53.159 --> 24:58.879
Sige, pumunta ka.
Tapos na akong protektahan ka.

24:58.960 --> 25:03.200
Umasa ako na mayro'ng kang namana
kahit katiting mula sa akin.

25:04.240 --> 25:09.159
Pero ikaw…
ang pinakamalaking kabiguan ng buhay ko.

25:14.159 --> 25:15.679
Kinasusuklaman kita.

25:17.840 --> 25:20.360
Dad, kinasusuklaman kita.

25:22.800 --> 25:24.879
Buong buhay ko, pinaramdam mo sa 'kin…

25:57.320 --> 26:01.159
-Ano'ng sinabi ni Alex?
-May malaki tayong problema.

26:01.240 --> 26:04.080
Sinabi nila kay Louise.
Gusto na nilang magtapat.

26:04.159 --> 26:08.000
-Lintik. Dapat nagpunta na tayo sa pulis.
-Pambihira.

26:08.080 --> 26:11.399
Kailangang pumunta na tayo do'n.
Nangako ka na di to kakalat.

26:11.480 --> 26:13.720
Sabi mo, tutulungan mo kami. Pero hindi.

26:13.800 --> 26:15.159
-Aalis ako.
-Bakit?

26:15.240 --> 26:17.600
-Sasalubungin ko sila.
-Sasama ako.

26:17.679 --> 26:18.879
-Di puwede.
-Sasama ako.

26:18.960 --> 26:19.919
Lumayas ka rito!

26:25.280 --> 26:26.919
Nakakadiri kayo.

27:01.439 --> 27:04.360
-Bilisan mo pa.
-Pero nasa 100 na ako.

27:05.439 --> 27:08.240
-Basta bilisan mo pa.
-Ang limit ay 70 lang.

27:08.320 --> 27:11.320
-Dapat unahan natin ang mga pulis!
-Ikaw ang magmaneho!

27:11.399 --> 27:13.679
Kung kaya ko lang!

27:13.760 --> 27:17.960
Lintik, ang kinailangan lang nilang gawin
ay itikom ang bibig nila!

27:18.040 --> 27:20.720
-Kalma lang!
-Sinabi pa do'n sa baliw na Louise!

27:20.800 --> 27:23.760
Pag humarap ka sa pulis nang ganyan,
di ka paniniwalaan.

27:27.760 --> 27:31.720
Ano ba? Kumalma ka. Patrick.

27:31.800 --> 27:38.040
Tingnan mo ako. Relax.
Magtiwala ka sa 'kin. Alam ko ang gagawin.

27:39.520 --> 27:41.280
Maaayos din ito.

27:44.879 --> 27:46.199
Eleonore!

28:12.480 --> 28:15.399
Tagapagsalin ng Subtitle: Erika Demetrio
in. Alam ko ang gagawin.
