WEBVTT

00:00:07.465 --> 00:00:09.009 align:center
Sa isla ng Manhattan,

00:00:09.092 --> 00:00:12.220 align:center
may dalawang Detective Squad
na nakalaan para sa mga homicide:

00:00:12.303 --> 00:00:14.431 align:center
ang Manhattan North at Manhattan South.

00:00:14.514 --> 00:00:18.143 align:center
Iniimbestigahan nila ang mga pinakabrutal
at pinakamahirap na pagpatay.

00:00:18.226 --> 00:00:21.438 align:center
Ito ang mga kuwento nila.

00:00:33.992 --> 00:00:38.329 align:center
Natanggap ako noong January ng '95
sa Pilmar family.

00:00:39.205 --> 00:00:44.502 align:center
Kailangan ni Howard at Ros Pilmar
ng tulong sa anak nilang si Philip.

00:00:46.212 --> 00:00:48.631 align:center
Matapos ang higit isang taong
pagtatrabaho sa kanila,

00:00:49.424 --> 00:00:52.802 align:center
pumasok ako sa trabaho,
pumunta sa kuwarto ni Philip,

00:00:52.886 --> 00:00:55.764 align:center
at nakasuot siya ng school uniform,

00:00:55.847 --> 00:00:58.683 align:center
sa inayos na kama, nakatitig sa kisame.

00:00:59.184 --> 00:01:02.520 align:center
At sabi niya,
"Di umuwi 'yong papa ko kagabi."

00:01:03.146 --> 00:01:05.440 align:center
Alam kong galit siya.

00:01:06.816 --> 00:01:10.320 align:center
Maya-maya, nakatayo ako sa foyer,

00:01:10.403 --> 00:01:16.618 align:center
at pumasok si Ros na mukhang gulat.

00:01:17.285 --> 00:01:18.912 align:center
Alam kong umiiyak siya.

00:01:18.995 --> 00:01:21.831 align:center
Tumayo lang siya,
binuksan ang kamay, at sinabing,

00:01:22.373 --> 00:01:23.374 align:center
"Patay na si Howard."

00:01:23.875 --> 00:01:27.295 align:center
At naalala kong naisip ko lang,

00:01:28.713 --> 00:01:29.923 align:center
"Di puwede 'to."

00:01:33.051 --> 00:01:36.554 align:center
Noong 1990s, napakataas ng bilang
ng pagpatay sa New York City.

00:01:39.057 --> 00:01:43.394 align:center
Pero ang patayin ang negosyante sa sarili
niyang negosyo sa Midtown Manhattan,

00:01:43.478 --> 00:01:45.271 align:center
bihira 'yon.

00:01:49.859 --> 00:01:53.363 align:center
Sinaksak si Howard Pilmar
nang 20, 30, 40 beses.

00:01:54.113 --> 00:01:56.324 align:center
Lahat may teorya. Walang may sagot.

00:01:56.407 --> 00:02:01.663 align:center
Di ito nalutas, pero di dapat isara
ang di pa nalulutas na homicide.

00:02:06.835 --> 00:02:09.629 align:center
Bahagi ng kaluluwa mo
ang nawawala sa bawat kaso.

00:02:12.298 --> 00:02:16.219 align:center
Di mo magagawa ang trabahong 'to
maliban kung may malasakit ka.

00:02:18.304 --> 00:02:20.223 align:center
Gusto mong malaman ang totoo.

00:02:21.683 --> 00:02:23.226 align:center
Ganiyan ang mga detective.

00:02:23.810 --> 00:02:26.187 align:center
Gusto kong inaalam
ang likod ng mga pangyayari.

00:02:26.271 --> 00:02:28.022 align:center
Ano ba talaga'ng nangyari?

00:02:28.523 --> 00:02:32.193 align:center
Importanteng malaman ng pamilya
kung sino'ng pumatay sa kamag-anak nila.

00:02:32.277 --> 00:02:33.319 align:center
'Yan ang trabaho ko.

00:02:33.945 --> 00:02:38.199 align:center
Sa New York City, ang NYPD…

00:02:41.161 --> 00:02:42.370 align:center
Ito na 'yon.

00:02:59.179 --> 00:03:03.474 align:center
Noong 1996, ako ang commanding officer
ng Midtown South Detective Squad,

00:03:03.558 --> 00:03:07.103 align:center
na pinakaabalang detective squad
sa New York City.

00:03:07.186 --> 00:03:08.897 align:center
Mahigit 2,000 kaso kada taon.

00:03:09.731 --> 00:03:12.775 align:center
May tumawag no'ng umaga,
bago ako pumasok sa trabaho,

00:03:12.859 --> 00:03:16.613 align:center
na may pinatay
sa isang office building sa Midtown.

00:03:18.781 --> 00:03:21.075 align:center
Biyernes 'yon.
Naglakad ako. Araw ng sahod no'n.

00:03:21.159 --> 00:03:22.744 align:center
Maganda 'yong mood ko.

00:03:22.827 --> 00:03:24.913 align:center
Maganda 'yong benta

00:03:24.996 --> 00:03:29.250 align:center
sa King Office Supply Company,
Incorporated.

00:03:30.043 --> 00:03:33.213 align:center
Dumating ako mga 8:20. Maaga ako lagi.

00:03:33.296 --> 00:03:37.967 align:center
Sa labas ng entrance ng building
sa 33rd Street,

00:03:38.051 --> 00:03:41.137 align:center
nakatayo 'yong isang empleyado
na di kailanman lumabas.

00:03:41.221 --> 00:03:43.014 align:center
Lagi siyang nasa opisina.

00:03:43.640 --> 00:03:45.016 align:center
Nasa labas siya.

00:03:50.230 --> 00:03:52.690 align:center
Tinanong ko siya,
"Ed, ba't ka nakatayo dito?"

00:03:52.774 --> 00:03:56.694 align:center
Lumingon siya sa 'kin at sinabing,
"Patay na si Howard."

00:04:01.991 --> 00:04:05.370 align:center
Dumating 'yong controller ng King
ng 5:30 nang umaga

00:04:05.453 --> 00:04:07.247 align:center
at natagpuan 'yong katawan ni Howard.

00:04:07.330 --> 00:04:09.791 align:center
Agad siyang bumaba at tumawag sa 911.

00:04:14.879 --> 00:04:18.091 align:center
Nalaman ko, pagdating ko sa crime scene,

00:04:18.174 --> 00:04:21.386 align:center
na malaking office supply ang King

00:04:21.469 --> 00:04:24.347 align:center
na may tindahan sa first floor,

00:04:24.430 --> 00:04:27.141 align:center
at opisina ng empleyado sa fourth floor.

00:04:33.106 --> 00:04:35.817 align:center
Natagpuan 'yong katawan niya
sa labas ng elevator

00:04:36.651 --> 00:04:39.279 align:center
sa reception section sa fourth floor.

00:04:41.614 --> 00:04:43.157 align:center
May biktima tayo ng pananaksak.

00:04:45.243 --> 00:04:46.869 align:center
Napakaraming dugo.

00:04:51.833 --> 00:04:54.502 align:center
Sa may hallway, may lababo na may dugo

00:04:54.585 --> 00:04:57.088 align:center
na magpapaniwala sa 'yong
may naghugas ng kamay

00:04:57.171 --> 00:04:59.090 align:center
o naghugas ng murder weapon.

00:05:03.928 --> 00:05:05.221 align:center
Naalala ko…

00:05:08.391 --> 00:05:09.934 align:center
'yong gulat ko.

00:05:10.852 --> 00:05:12.687 align:center
Naalala kong sumigaw ako ng, "Hindi."

00:05:14.022 --> 00:05:17.025 align:center
At doon nila nilabas 'yong katawan,

00:05:18.234 --> 00:05:19.402 align:center
'yong katawan ni Howard.

00:05:24.032 --> 00:05:28.786 align:center
No'ng nalaman kong natagpuan
'yong katawan ni Howard sa opisina,

00:05:28.870 --> 00:05:30.955 align:center
nagulat ako.

00:05:31.581 --> 00:05:35.501 align:center
Pakiramdam ko gano'n ang mararamdaman
ng sinumang magulang

00:05:35.585 --> 00:05:40.298 align:center
pag nalaman nilang patay na ang anak nila,
lalo na kung pinatay.

00:05:40.381 --> 00:05:45.887 align:center
Ni hindi ko masabi
'yong nararamdaman ko ngayon.

00:05:47.472 --> 00:05:50.558 align:center
Si Howard at 'yong tatay ko,
magkasama sila sa trabaho araw-araw.

00:05:50.641 --> 00:05:52.352 align:center
Malapit sila.

00:05:52.435 --> 00:05:54.187 align:center
Kaka-40 lang ni Howard.

00:05:55.605 --> 00:05:56.939 align:center
Magkamukha sila.

00:05:57.023 --> 00:05:59.984 align:center
Alam mo 'yon, pareho silang masayahin.

00:06:01.235 --> 00:06:04.614 align:center
Palakaibigan, mabait.

00:06:04.697 --> 00:06:06.157 align:center
Gusto sila ng lahat.

00:06:07.825 --> 00:06:10.912 align:center
Mga four o five years old siguro si Howard

00:06:10.995 --> 00:06:13.414 align:center
no'ng una siyang pumunta sa tindahan.

00:06:13.498 --> 00:06:15.875 align:center
Gusto niyang magtrabaho sa kumpanya ko.

00:06:17.835 --> 00:06:23.007 align:center
Nagsimula kami ng partner ko
sa stationery business, March 1, 1958.

00:06:23.091 --> 00:06:24.550 align:center
Mga office supply.

00:06:24.634 --> 00:06:27.678 align:center
Lahat ng klase ng commercial printing.

00:06:27.762 --> 00:06:29.138 align:center
Mga gano'ng bagay.

00:06:29.639 --> 00:06:32.600 align:center
Ipinasa ko sa kaniya 'yong negosyo,

00:06:33.935 --> 00:06:36.604 align:center
lima o anim na buwan bago siya pinatay.

00:06:38.523 --> 00:06:42.485 align:center
Nalungkot si Frank sa pagpatay.

00:06:42.568 --> 00:06:44.737 align:center
Di natural sa magulang
'yong maglibing ng anak.

00:06:44.821 --> 00:06:47.949 align:center
Di ko maisip 'yong mabuhay
at di maging ama,

00:06:48.032 --> 00:06:52.537 align:center
di makitang magtagumpay 'yong mga anak ko,
umunlad, at gawin 'yong ginagawa nila.

00:06:52.620 --> 00:06:56.874 align:center
Di ko 'yon ipagpapalit sa kahit ano.
Tingin ko ang pagiging ama ang…

00:06:59.460 --> 00:07:01.838 align:center
pinakamahalagang titulong hinawakan ko.

00:07:06.717 --> 00:07:08.845 align:center
Sa bawat pagsikat at paglubog ng araw…

00:07:08.928 --> 00:07:11.055 align:center
para sa 'kin, si Howard…

00:07:14.142 --> 00:07:15.435 align:center
ang buong buhay ko.

00:07:23.651 --> 00:07:25.862 align:center
Inaalam namin 'yong nangyari.

00:07:25.945 --> 00:07:28.364 align:center
Sino'ng dapat kausapin?
Mga security camera.

00:07:30.450 --> 00:07:34.328 align:center
Marami kaming ginawang paghahanap.
'Yong unang paghahanap no'ng araw na 'yon.

00:07:34.412 --> 00:07:38.082 align:center
Naghanap kami ng armas,
mga basurahan, mga elevator shaft.

00:07:38.833 --> 00:07:41.711 align:center
Naro'n pa rin 'yong pera,
lahat ng gamit niya.

00:07:41.794 --> 00:07:44.046 align:center
Parang sinasabing di ito pagnanakaw.

00:07:46.174 --> 00:07:48.217 align:center
Pinatay si Howard sa opisina.

00:07:48.801 --> 00:07:50.011 align:center
May mga pulis.

00:07:50.094 --> 00:07:52.638 align:center
Nakakabagabag na pumunta do'n.

00:07:54.015 --> 00:07:59.353 align:center
Sinabihan ako ng mga detective
na maghanap ng record ng mga empleyadong

00:07:59.437 --> 00:08:01.856 align:center
may sama ng loob sa kaniya,

00:08:02.773 --> 00:08:05.443 align:center
na maaaring ayaw sa kaniya,
na nakaaway niya.

00:08:05.943 --> 00:08:10.489 align:center
Ang nakita ko lang ay isang taong
umalis nitong mga nakaraang buwan.

00:08:10.573 --> 00:08:13.493 align:center
Nagtrabaho siya sa copy center,
sa tindahan.

00:08:14.076 --> 00:08:15.870 align:center
Mababang trabaho 'yon.

00:08:16.412 --> 00:08:17.788 align:center
Lead 'yon.

00:08:17.872 --> 00:08:18.998 align:center
Sinundan nila 'to.

00:08:19.081 --> 00:08:22.627 align:center
Kinausap nila 'yong ibang empleyado
tungkol sa kaniya, at kinausap din siya,

00:08:22.710 --> 00:08:25.880 align:center
at nakitang walang problema do'n.

00:08:28.591 --> 00:08:30.426 align:center
Tingin ko, magaling na boss si Howard.

00:08:31.302 --> 00:08:34.180 align:center
Pag pumasok siya sa isang silid,
mapapansin mo 'yon.

00:08:34.263 --> 00:08:39.018 align:center
Kinakausap niya kaming lahat.
Ipaparamdam niya sa 'yong kapamilya ka.

00:08:41.187 --> 00:08:42.480 align:center
Nasa kasagsagan siya…

00:08:42.980 --> 00:08:45.525 align:center
ng kalakasan ng buhay niya.

00:08:46.025 --> 00:08:51.781 align:center
Isang malusog, matagumpay, masayahin…

00:08:51.864 --> 00:08:53.449 align:center
napakabait na tao.

00:08:53.533 --> 00:08:55.618 align:center
Ang patayin? Diyos ko.

00:09:03.334 --> 00:09:06.295 align:center
Pumunta ako sa huling oras
ng autopsy ni Howard.

00:09:07.713 --> 00:09:09.632 align:center
Mahigit 40 ang saksak niya.

00:09:10.132 --> 00:09:11.926 align:center
Di lahat tumagos.

00:09:12.009 --> 00:09:15.096 align:center
May lima na maituturing na nakamamatay

00:09:15.179 --> 00:09:16.931 align:center
kahit sila lang.

00:09:17.014 --> 00:09:20.142 align:center
May mga saksak din pagkamatay niya,

00:09:20.226 --> 00:09:23.312 align:center
na paghinto ng tibok ng puso niya,

00:09:23.396 --> 00:09:27.316 align:center
at patay na siya,
patuloy siyang sinasaksak.

00:09:29.151 --> 00:09:33.239 align:center
Mabangis at emosyonal
na pag-atake ito kay Howard.

00:09:38.202 --> 00:09:40.037 align:center
Pumunta kami sa libing.

00:09:40.621 --> 00:09:45.001 align:center
May mga detective kami sa loob
na hindi nagtatago.

00:09:45.084 --> 00:09:48.504 align:center
Nagpakita kami ng suporta sa pamilya
sa pagpunta doon.

00:09:48.588 --> 00:09:52.717 align:center
Pero naghahanap rin kami
ng kakaibang interaksyon

00:09:52.800 --> 00:09:55.094 align:center
sa pagitan ng sinuman, di ba?

00:09:55.177 --> 00:10:00.016 align:center
Puwedeng simpleng babae,
di 'yong asawa, na nabaliw,

00:10:00.099 --> 00:10:01.892 align:center
o dalawang taong nagtatalo.

00:10:01.976 --> 00:10:04.228 align:center
Isa pa, nasa labas kami

00:10:04.312 --> 00:10:06.397 align:center
at kinukunan lahat
ng lumalabas at pumapasok.

00:10:06.480 --> 00:10:09.608 align:center
Kaya sakaling may mangyari,
puwede naming balikan.

00:10:11.694 --> 00:10:14.405 align:center
May higit 1,000 katao sa libing.

00:10:15.406 --> 00:10:18.075 align:center
Kaya medyo nakakapagod.

00:10:20.036 --> 00:10:22.830 align:center
Sa Jewish religion, pagkatapos ng libing,

00:10:22.913 --> 00:10:26.959 align:center
pupunta 'yong mga tao sa bahay ng namatay,

00:10:27.043 --> 00:10:29.462 align:center
at nakikiramay sa gano'ng paraan.

00:10:29.962 --> 00:10:31.380 align:center
"Shiva" ang tawag dito.

00:10:32.214 --> 00:10:38.846 align:center
Tinanong ng asawa ni Howard, si Ros,
kung puwedeng gawin ang shiva sa 'min

00:10:40.222 --> 00:10:46.395 align:center
dahil magagalit si Philip
kung sa apartment nila gagawin.

00:10:46.479 --> 00:10:48.564 align:center
At siyempre, pumayag kami.

00:10:52.526 --> 00:10:55.738 align:center
Mahal ni Philip 'yong tatay niya
at mahal siya nito.

00:10:58.074 --> 00:10:59.241 align:center
Walong taon si Philip.

00:10:59.742 --> 00:11:02.411 align:center
Napakatalino para sa isang eight-year-old.

00:11:02.495 --> 00:11:08.084 align:center
Madaldal siyang bata,
masayahin, at masigla.

00:11:08.584 --> 00:11:12.880 align:center
'Yong makita kung paano nagbago
si Philip nang mawala 'yong papa niya…

00:11:12.963 --> 00:11:15.424 align:center
Nawala 'yong sigla niya.

00:11:15.508 --> 00:11:18.219 align:center
Nawala 'yong kadaldalan niya.

00:11:18.302 --> 00:11:20.888 align:center
Iba 'yong kumpiyansa niya.

00:11:20.971 --> 00:11:25.226 align:center
Lahat ng nakita ko sa kaniya
bilang masiglang bata,

00:11:25.309 --> 00:11:28.437 align:center
nawala lahat. Kinuha 'yon lahat sa kaniya.

00:11:29.313 --> 00:11:31.607 align:center
Malungkot siya ngayong wala ang papa niya.

00:11:39.657 --> 00:11:44.161 align:center
Pagkatapos ng shiva,
pumunta si Ros sa opisina.

00:11:45.162 --> 00:11:50.543 align:center
May kasama siyang dalawang ginoo
mula sa isang malaking products dealer.

00:11:51.669 --> 00:11:55.923 align:center
Nakipagkasundo siyang ibenta sa kanila
'yong negosyo.

00:11:57.591 --> 00:11:58.968 align:center
Di niya 'to kayang patakbuhin.

00:11:59.051 --> 00:12:01.804 align:center
Wala siyang alam sa stationery business.

00:12:02.304 --> 00:12:03.764 align:center
Nagkagulo kaming lahat.

00:12:04.265 --> 00:12:07.977 align:center
"Ibebenta niya 'yong negosyo?
Naku. Ano'ng ibig sabihin no'n?"

00:12:08.602 --> 00:12:12.189 align:center
Halos $1,000,000 kada buwan
'yong kinikita namin no'n.

00:12:13.232 --> 00:12:15.025 align:center
May 15 salesman kami.

00:12:16.277 --> 00:12:19.572 align:center
Kung wala kami, walang negosyo,
walang mga customer.

00:12:19.655 --> 00:12:22.992 align:center
Sabi namin, "Kung bibilhin n'yo ito,
aalis kaming lahat."

00:12:24.618 --> 00:12:26.912 align:center
Kaya binili namin 'yong negosyo sa kaniya.

00:12:29.915 --> 00:12:33.627 align:center
Ipinaliwanag ni Frank
'yong takbo ng negosyo at 'yong mga tao.

00:12:33.711 --> 00:12:37.298 align:center
Parte 'yon ng dapat mong gawin,
unawain 'yong negosyo

00:12:37.798 --> 00:12:40.301 align:center
at sino'ng responsable sa kung ano.

00:12:40.801 --> 00:12:43.387 align:center
Kinausap namin lahat
ng nagtrabaho kay Howard.

00:12:44.138 --> 00:12:46.348 align:center
May 50 hanggang 60 empleyado
na kinausap namin.

00:12:46.432 --> 00:12:48.851 align:center
Dalawa o tatlong beses
na-interview 'yong bawat isa.

00:12:48.934 --> 00:12:50.561 align:center
Nasa 180 na interview 'yon.

00:12:51.937 --> 00:12:55.983 align:center
Dalawang beses kaming kinausap

00:12:56.525 --> 00:12:58.778 align:center
ng mga detective.

00:12:59.695 --> 00:13:02.531 align:center
Mabilis lang 'yong una…

00:13:03.574 --> 00:13:06.410 align:center
'Yong pangalawa,
parang tinanong niya ako ng,

00:13:07.036 --> 00:13:09.580 align:center
"May narinig ka bang anumang pagtatalo?"

00:13:10.915 --> 00:13:16.045 align:center
Narinig ko bandang 5:30, isang araw
bago matagpuan 'yong katawan ni Howard,

00:13:16.712 --> 00:13:21.634 align:center
'yong panig ni Howard
sa isang brutal at malupit

00:13:21.717 --> 00:13:24.637 align:center
na pagtatalo nila ni Ros.

00:13:24.720 --> 00:13:26.847 align:center
Sigaw siya nang sigaw.

00:13:27.848 --> 00:13:30.935 align:center
Sumigaw si Howard sa phone,

00:13:31.018 --> 00:13:34.855 align:center
"Lintik kang P-U-T-A ka."

00:13:35.856 --> 00:13:37.441 align:center
Sabi ko sa sarili ko,

00:13:38.484 --> 00:13:42.321 align:center
"Mahirap 'yong gano'n sa mag-asawa."

00:13:47.660 --> 00:13:53.791 align:center
Si Ros ang kauna-unahang babae ni Howard,
kung alam mo'ng ibig kong sabihin.

00:13:53.874 --> 00:13:58.045 align:center
Magkasama sila sa high school,
tapos nagsama sila sa iisang bahay.

00:13:58.128 --> 00:14:00.548 align:center
Tapos, ikinasal sila.

00:14:01.507 --> 00:14:04.426 align:center
Malaking Jewish wedding 'yon noon.

00:14:04.510 --> 00:14:07.137 align:center
Alam mo 'yon,
malaki 'yong ginawa naming party.

00:14:07.972 --> 00:14:10.015 align:center
Masayang-masaya si Howard.

00:14:10.099 --> 00:14:16.689 align:center
Wala akong nakitang problema
sa pagsasama nila.

00:14:18.399 --> 00:14:21.944 align:center
Sa anumang pagkakataon,
maghahanap ka pa ng mga witness.

00:14:22.027 --> 00:14:26.907 align:center
Kinausap namin 'yong mga kaibigan,
pamilya, at naging malinaw ang mga bagay.

00:14:26.991 --> 00:14:28.993 align:center
Di maganda 'yong pagsasama
nilang mag-asawa.

00:14:29.577 --> 00:14:33.330 align:center
Iniisip naming baka may nagkarelasyon,
at puwedeng maging motibo 'yon.

00:14:34.582 --> 00:14:36.792 align:center
Sino'ng may alam
kung may nobya si Howard Pilmar?

00:14:36.876 --> 00:14:39.920 align:center
Na sinabi niyang, "Sige. Tapos na tayo."

00:14:40.004 --> 00:14:42.548 align:center
"May asawa ako,
at wala kang makukuhang pera."

00:14:42.631 --> 00:14:43.632 align:center
O kung ano man 'yon.

00:14:43.716 --> 00:14:46.635 align:center
At di siya nawala sa sarili
at sinaksak siya? Di natin alam.

00:14:46.719 --> 00:14:49.054 align:center
Kaya tututukan mo 'yong biktima

00:14:49.138 --> 00:14:52.725 align:center
at aalamin ano'ng nangyayari
sa buhay niya sa oras na 'yon

00:14:52.808 --> 00:14:56.478 align:center
para alisin ang posibilidad
na 'yon ang nangyari.

00:14:57.563 --> 00:15:00.232 align:center
May ilang babaeng

00:15:00.316 --> 00:15:05.029 align:center
nakilala namin sa imbestigasyon
na may kaswal na relasyon kay Howard.

00:15:06.113 --> 00:15:07.698 align:center
Di ko alam kung sexual,

00:15:07.781 --> 00:15:11.160 align:center
pero higit pa sa "hello"
'yong pagkakakilala nila.

00:15:12.161 --> 00:15:15.664 align:center
Narinig ko 'yong mga tsismis na 'yon.

00:15:15.748 --> 00:15:19.126 align:center
Di ko nakitang may kasama si Howard.

00:15:19.209 --> 00:15:22.212 align:center
Walang sinabi si Howard
na may karelasyon siyang iba.

00:15:22.296 --> 00:15:28.594 align:center
Walang nagsabi sa walong taon ko dito na,
"Nakita kong kasama ni Howard si…"

00:15:28.677 --> 00:15:30.220 align:center
Kaya sabi-sabi lang.

00:15:30.971 --> 00:15:35.434 align:center
Kinausap namin 'yong mga babae
at nalaman naming bolero siya,

00:15:35.517 --> 00:15:37.770 align:center
pero wala kaming nakuha.

00:15:39.605 --> 00:15:41.523 align:center
May mga taong naiinis sa pagsunod sa lead

00:15:41.607 --> 00:15:44.401 align:center
na walang napapala, na inaalis.

00:15:44.485 --> 00:15:46.278 align:center
Pero maganda 'yon,

00:15:46.362 --> 00:15:50.199 align:center
dahil di mo na kailangang balikan 'yon,
at di ka na babalikan no'n.

00:15:53.535 --> 00:15:58.540 align:center
Sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Howard,
nalaman naming masigasig si Howard.

00:15:58.624 --> 00:16:01.085 align:center
Binibigyang halaga ni Frank si Howard,

00:16:01.168 --> 00:16:03.504 align:center
sa pag-unlad ng negosyo.

00:16:03.587 --> 00:16:05.381 align:center
Isang visionary si Howard.

00:16:05.464 --> 00:16:10.052 align:center
Naglagay siya ng coffee bar
sa isang tindahan ng office supply.

00:16:10.135 --> 00:16:15.224 align:center
Bago nagka-Starbucks, may Philip's.
Bago ang lahat, may Philip's na.

00:16:15.808 --> 00:16:18.102 align:center
May mga taong nakapila sa labas,

00:16:18.185 --> 00:16:21.313 align:center
para bumili ng latte,
cappuccino, at espresso.

00:16:21.397 --> 00:16:26.902 align:center
Nagkaro'n kami ng mga bagong mamimili
dahil sa coffee bar na 'yon.

00:16:27.569 --> 00:16:30.906 align:center
Naging matagumpay 'yon kaya nagbukas siya
ng isa pa sa Carnegie Hall.

00:16:32.074 --> 00:16:35.411 align:center
Sabi ko, "Wala kang makikitang tao
sa New York City

00:16:35.494 --> 00:16:37.913 align:center
na naglalakad sa kalsada,
umiinom ng kape."

00:16:37.997 --> 00:16:39.957 align:center
Di ko maisip,

00:16:40.040 --> 00:16:43.544 align:center
pero ipinapakita nito 'yong alam ko
at 'yong alam ni Howard.

00:16:44.461 --> 00:16:47.756 align:center
Ipinangalan ni Howard 'yong coffee bar
sa anak niyang si Philip.

00:16:47.840 --> 00:16:49.758 align:center
Naging "Philip's Coffee Bar" 'to.

00:16:50.426 --> 00:16:52.428 align:center
Family business ito.

00:16:53.303 --> 00:16:55.848 align:center
Kasama ko sa trabaho
'yong asawa niyang si Roslyn,

00:16:55.931 --> 00:16:59.226 align:center
sa West 56th Street sa Carnegie Hall.

00:16:59.935 --> 00:17:04.481 align:center
At 'yong kapatid ni Ros, si Evan,
nasa Philip's Coffee sa 33rd Street.

00:17:06.984 --> 00:17:11.363 align:center
Nalaman naming di kasundo ni Howard
'yong kapatid ni Roslyn na si Evan.

00:17:11.447 --> 00:17:14.283 align:center
Nagtatrabaho si Evan sa Philip's Coffee

00:17:14.366 --> 00:17:17.494 align:center
na nasa loob ng King Office Supply.

00:17:18.287 --> 00:17:22.374 align:center
Bilang pabor kay Ros, kinuha ni Howard
si Evan, na walang trabaho.

00:17:22.458 --> 00:17:25.711 align:center
Si Ros at Evan ang namahala
sa dalawang coffee shop.

00:17:25.794 --> 00:17:29.256 align:center
Nagsimula ako
sa Philip's Coffee noong '94.

00:17:29.339 --> 00:17:32.134 align:center
Nagsimula siya pagkatapos ko.

00:17:33.427 --> 00:17:38.766 align:center
Tingin ko ayaw ni Howard
na si Evan 'yong mamahala sa coffee shop.

00:17:38.849 --> 00:17:40.434 align:center
Kasi…

00:17:41.018 --> 00:17:42.686 align:center
kay Howard 'yon, di ba?

00:17:42.770 --> 00:17:46.231 align:center
At sa tingin ko si Evan,
parang inaangkin niya.

00:17:46.315 --> 00:17:49.818 align:center
Parang, "Akin 'to."
Alam mo 'yon? Pero di 'yon kaniya.

00:17:50.402 --> 00:17:53.280 align:center
Noong nagsimula akong magtrabaho
sa mga Pilmar,

00:17:53.363 --> 00:17:55.491 align:center
sabi ni Philip,
"Punta tayo sa coffee shop."

00:17:55.574 --> 00:17:58.285 align:center
Pagdating namin doon,
ipinapaliwanag ni Ros kay Evan

00:17:58.368 --> 00:18:01.371 align:center
'yong gustong ayos ni Howard
sa mga pastry sa lalagyan.

00:18:02.372 --> 00:18:06.710 align:center
Nagalit si Evan,
at binuksan niya 'yong lalagyan,

00:18:06.794 --> 00:18:09.713 align:center
naglabas ng tray,
itinapon 'yon, at sinabing,

00:18:09.797 --> 00:18:12.341 align:center
"Wala akong pakialam sa gusto ni Howard."

00:18:12.424 --> 00:18:14.510 align:center
Nakakagulat talaga 'yon.

00:18:15.010 --> 00:18:18.639 align:center
Lalo na ginawa niya 'yon
sa harap ng pamangkin niya,

00:18:19.139 --> 00:18:20.641 align:center
sa harap ng mga customer.

00:18:20.724 --> 00:18:24.061 align:center
At di makakalimutan 'yon.

00:18:29.233 --> 00:18:35.614 align:center
Pagkatapos ng shiva, pinapunta namin
sina Roslyn at Evan para ma-interview.

00:18:36.115 --> 00:18:38.659 align:center
Gusto naming malaman 'yong timeline ni Ros

00:18:38.742 --> 00:18:41.662 align:center
at 'yong timeline ni Evan
sa gabi ng pagpatay.

00:18:42.371 --> 00:18:47.126 align:center
Sinabi nila noong araw na 'yon,
pumunta sa gym sina Howard at Evan

00:18:47.209 --> 00:18:51.338 align:center
para pag-usapan
'yong pag-angat niya sa kumpanya.

00:18:52.548 --> 00:18:55.884 align:center
Gustong lumipat ni Evan
mula sa coffee shop

00:18:55.968 --> 00:18:59.054 align:center
papuntang sales sa paper company

00:18:59.138 --> 00:19:01.932 align:center
dahil malaki ang kita
ng mga nasa sales noon.

00:19:03.100 --> 00:19:07.396 align:center
Si Evan, para sa akin,
di siya madaling lapitan.

00:19:08.397 --> 00:19:10.816 align:center
Pag kinausap mo siya, bumubulong siya.

00:19:10.899 --> 00:19:13.485 align:center
Bubulong siya ng "hello" o "bye."

00:19:13.569 --> 00:19:16.446 align:center
Parang wala siyang kinabukasan
sa negosyo namin.

00:19:17.281 --> 00:19:20.284 align:center
Pagkatapos ng meeting nila sa gym,

00:19:20.367 --> 00:19:25.080 align:center
pinuntahan nina Howard at Evan
si Roslyn sa opisina.

00:19:26.081 --> 00:19:29.668 align:center
Dahil kumplikado 'yong mga lock doon,

00:19:30.168 --> 00:19:32.212 align:center
di alam ni Ros kung paano magsara.

00:19:32.921 --> 00:19:35.090 align:center
Kaya bumalik si Howard para magsara.

00:19:35.757 --> 00:19:38.385 align:center
Iniwan nina Evan at Ros si Howard
para magtrabaho.

00:19:39.136 --> 00:19:40.971 align:center
Sila ang huling nakakakitang buhay siya.

00:19:41.555 --> 00:19:46.310 align:center
Kung iniwan siya ng asawa at bayaw niya
bandang alas-otso, at okay lang siya,

00:19:46.393 --> 00:19:48.687 align:center
tapos matatagpuan mo siya
nang 5:00 ng umaga,

00:19:48.770 --> 00:19:53.025 align:center
sino'ng pumunta sa pagitan ng 8:00 p.m.
at 5:00 a.m. at ginawa 'to sa kaniya?

00:19:53.901 --> 00:19:58.113 align:center
Tandaan, ito 'yong oras na walang
mga video camera kahit saan,

00:19:58.197 --> 00:20:01.283 align:center
at walang surveillance sa mga opisina.

00:20:03.160 --> 00:20:05.245 align:center
Di namin nakuha 'yong ginamit sa pagpatay.

00:20:06.371 --> 00:20:10.042 align:center
Pero 'yong pulis sa pinangyarihan,
'yong naka-uniform na pulis,

00:20:10.125 --> 00:20:14.046 align:center
binanggit niya sa memo book niya
na may sugat si Evan sa kaliwang kamay,

00:20:14.129 --> 00:20:15.797 align:center
at kaliwete siya.

00:20:17.341 --> 00:20:21.595 align:center
Pag sinaksak ng maraming beses
ang isang tao gaya ng kay Howard Pilmar,

00:20:22.095 --> 00:20:26.308 align:center
parang langis 'yong dugo,
mapupunta 'to sa hawakan ng kutsilyo

00:20:26.391 --> 00:20:31.313 align:center
at halos lahat ng mananaksak
magkakaroon ng pinsala

00:20:31.396 --> 00:20:34.066 align:center
dahil di nila mahawakan
'yong hawakan ng kutsilyo

00:20:34.149 --> 00:20:35.817 align:center
kasi masyadong madulas.

00:20:36.401 --> 00:20:40.530 align:center
Sinabi ni Evan na pinulot niya 'yong basag
na pinggan isa o dalawang gabi bago 'yon.

00:20:41.031 --> 00:20:43.784 align:center
Di tugma sa kuwento 'yong mga sugat,

00:20:43.867 --> 00:20:45.869 align:center
pero kailangan pa namin ng ebidensiya.

00:20:47.037 --> 00:20:50.082 align:center
Umaasa kaming may isa pang patak ng dugo

00:20:50.165 --> 00:20:51.833 align:center
na hindi kay Howard.

00:20:52.793 --> 00:20:55.712 align:center
Naalala kong kinausap ko 'yong ME
na in charge sa lab,

00:20:55.796 --> 00:20:57.130 align:center
at sasabihin niya sa 'yo,

00:20:57.214 --> 00:21:01.009 align:center
"Puwede kang mag-DNA test, pero
mawawala na 'yong sample pagkatapos no'n."

00:21:01.093 --> 00:21:03.720 align:center
"Itago mo muna 'yong sample

00:21:03.804 --> 00:21:06.473 align:center
dahil sa tingin ko uunlad ang teknolohiya,

00:21:06.556 --> 00:21:09.226 align:center
at mas magagamit nang maayos
'yong sample sa hinaharap."

00:21:18.443 --> 00:21:20.279 align:center
Mga dalawang buwan nang nag-iimbestiga,

00:21:20.362 --> 00:21:25.325 align:center
nalaman naming may utang na $14,500
sa buwis ang Philip's Coffee.

00:21:26.159 --> 00:21:28.245 align:center
Hindi sapat 'yong $14,000

00:21:28.328 --> 00:21:31.081 align:center
para maudyukan ang karamihan sa 'tin.

00:21:31.164 --> 00:21:34.376 align:center
Pero dapat lang malaman,

00:21:34.459 --> 00:21:36.586 align:center
na may issue sa pera.

00:21:38.088 --> 00:21:43.093 align:center
Tapos nalaman namin
'yong tungkol sa dating amo ni Ros

00:21:43.176 --> 00:21:45.721 align:center
mula '91 hanggang '95.

00:21:46.221 --> 00:21:51.893 align:center
Nilustay niya ang $160,000 na tseke
mula sa kaniya.

00:21:52.978 --> 00:21:54.688 align:center
Dental hygienist si Ros,

00:21:54.771 --> 00:21:58.150 align:center
at siya rin ang nag-aasikaso
ng ilang libro para sa kaniya.

00:22:00.193 --> 00:22:02.738 align:center
Nalaman naming di maganda
'yong pagsasama ng mag-asawa,

00:22:02.821 --> 00:22:08.368 align:center
nalamang may utang siyang 14.5 sa estado,

00:22:08.452 --> 00:22:12.914 align:center
at 160,000 sa dentista.

00:22:13.999 --> 00:22:17.544 align:center
Unti-unting nag-iiba
'yong tingin namin sa mga bagay.

00:22:17.627 --> 00:22:19.921 align:center
At 'yong pangalawang epekto nito

00:22:20.422 --> 00:22:23.091 align:center
pag kinausap mo ang tao
tungkol sa ganitong pera,

00:22:23.175 --> 00:22:25.177 align:center
ang pinakamalaking komento niya ay,

00:22:25.260 --> 00:22:30.849 align:center
"Wag mong sabihin kay Howard.
Iiwan niya ako. Ilalayo niya si Philip."

00:22:30.932 --> 00:22:34.644 align:center
Nagmana siya ng $1.2 milyon
na life insurance.

00:22:34.728 --> 00:22:38.565 align:center
Namana niya 'yong King business,
'yong Philip's Coffee shop,

00:22:39.066 --> 00:22:42.736 align:center
'yong apartment na pag-aari nila
sa East 72nd Street,

00:22:42.819 --> 00:22:46.073 align:center
'yong summer home sa Millerton, New York,

00:22:46.573 --> 00:22:50.786 align:center
bahagi ng ski home sa Vermont,
at si Philip.

00:22:53.622 --> 00:22:57.501 align:center
At medyo binago nito
'yong focus namin nang kaunti.

00:22:59.002 --> 00:23:02.380 align:center
Nalaman naming maaaring gustong
makipag-divorce ni Howard.

00:23:02.464 --> 00:23:04.007 align:center
At dahil may higit sa isang source

00:23:04.091 --> 00:23:06.426 align:center
na nagsasabing
baka gusto niyang makipag-divorce,

00:23:06.510 --> 00:23:08.512 align:center
naging interesante ito.

00:23:10.472 --> 00:23:12.182 align:center
Kung may divorce,

00:23:12.265 --> 00:23:15.018 align:center
di ibibigay ni Ros si Philip.

00:23:15.102 --> 00:23:19.981 align:center
Di rin ibibigay ni Howard si Philip
dahil mahalaga si Philip kay Howard.

00:23:20.607 --> 00:23:25.779 align:center
Habang tumatagal, nakumbinsi akong
si Philip 'yong dahilan ng pagpatay.

00:23:28.073 --> 00:23:29.199 align:center
Malamang si Ros.

00:23:29.282 --> 00:23:33.453 align:center
Wala akong maisip
na may motibo para gawin 'yon.

00:23:34.704 --> 00:23:38.291 align:center
Sinabi ni Ros
na tinatanong pa rin sila ni Evan,

00:23:38.375 --> 00:23:41.461 align:center
at gumagawa ng ingay si Frank.

00:23:41.545 --> 00:23:44.172 align:center
Sabi niya, "Ayaw akong kausapin ni Frank,

00:23:44.256 --> 00:23:47.050 align:center
galit siya, at iniisip niyang ako
'yong gumawa nito."

00:23:47.134 --> 00:23:49.886 align:center
Naalala ko lang na naisip kong

00:23:49.970 --> 00:23:55.559 align:center
kakaiba na galit 'yong lolo sa kaniya.

00:23:58.145 --> 00:24:02.357 align:center
Naniwala akong sangkot si Evan
sa pagkamatay ni Howard.

00:24:02.441 --> 00:24:06.528 align:center
Di ko talaga inisip
na may kinalaman si Ros.

00:24:07.821 --> 00:24:10.323 align:center
Naalala kong kausap ko si Ros,

00:24:10.407 --> 00:24:15.370 align:center
at pinapapili niya ako sa pagitan nila
ni Philip, at ng parents ko.

00:24:15.954 --> 00:24:19.541 align:center
Pinili ko mga magulang ko
kasi 24 na taong gulang ako no'n.

00:24:22.043 --> 00:24:25.547 align:center
Nahirapan akong intindihin,
"Ba't kailangan kong pumili?"

00:24:26.047 --> 00:24:30.427 align:center
Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon,
di na namin sila nakita ni Philip.

00:24:31.595 --> 00:24:35.390 align:center
Nawalan ng anak ang tatay ko,
tapos nawalan siya ng apo.

00:24:35.474 --> 00:24:40.061 align:center
Mahirap 'yong di mo makita
'yong taong alam mong buhay pa.

00:24:40.896 --> 00:24:42.856 align:center
At di 'yon desisyon ni Philip.

00:24:42.939 --> 00:24:45.275 align:center
Pinili 'yon ng nanay niya para sa kaniya.

00:24:45.859 --> 00:24:49.279 align:center
Ilang buwan matapos pinatay si Howard,

00:24:50.363 --> 00:24:54.576 align:center
itinigil ni Ros
'yong komunikasyon namin ni Philip.

00:24:56.620 --> 00:24:58.663 align:center
Higit pa 'to sa trahedya.

00:24:58.747 --> 00:25:01.041 align:center
Sira na ang buong pamilya.

00:25:03.210 --> 00:25:06.296 align:center
Tingin ko 'yong sakit
ng pagkawala ng kontak sa apo,

00:25:06.379 --> 00:25:08.798 align:center
na kamukhang-kamukha ni Howard,

00:25:08.882 --> 00:25:11.510 align:center
talagang napakasakit no'n.

00:25:13.261 --> 00:25:16.223 align:center
Di ko maisip 'yong stress sa pamilya niya.

00:25:16.932 --> 00:25:17.766 align:center
Ako…

00:25:17.849 --> 00:25:21.353 align:center
si Howard, ako, at si Philip,
nag-aalmusal kami

00:25:22.145 --> 00:25:23.563 align:center
once a week bago pumasok.

00:25:24.314 --> 00:25:28.610 align:center
Pumupunta kami
sa mga laro ng Ranger at Yankee.

00:25:28.693 --> 00:25:30.737 align:center
Lagi kong iniisip 'yon.

00:25:31.738 --> 00:25:36.993 align:center
Walang nakakaalam ng pakiramdam
na di ko makita 'yong apo ko.

00:25:37.077 --> 00:25:41.831 align:center
Dahil anak 'to ng panganay ko.

00:25:43.250 --> 00:25:45.669 align:center
At anak ng nag-iisa kong anak na lalaki.

00:25:52.842 --> 00:25:56.012 align:center
Kumbinsido akong sangkot
sina Evan at Roslyn,

00:25:56.096 --> 00:25:57.889 align:center
pero kailangan pa namin ng ebidensiya.

00:25:57.973 --> 00:26:00.183 align:center
Kaya naghanap kami
makalipas ang isang taon.

00:26:00.267 --> 00:26:05.146 align:center
Sa anibersaryo ng pagpatay,
naglagay kami ng mga poster

00:26:05.230 --> 00:26:09.985 align:center
sa lugar ng pagpatay
at sa coffee shop sa 56th Street.

00:26:12.445 --> 00:26:16.491 align:center
Kadalasan, bumabalik 'yong mamamatay-tao
para sariwain 'yong pangyayari

00:26:16.574 --> 00:26:18.910 align:center
o magbigay-galang,

00:26:18.994 --> 00:26:21.788 align:center
o pagpupugay sa ginawa nila
makalipas ang isang taon.

00:26:23.248 --> 00:26:26.626 align:center
At sinisira 'yong mga poster.

00:26:28.128 --> 00:26:31.506 align:center
Nakita namin 'to bilang oportunidad.

00:26:31.590 --> 00:26:33.300 align:center
Naglagay kami ulit ng mga poster,

00:26:33.383 --> 00:26:35.969 align:center
at binantayan 'yong lokasyon.

00:26:36.720 --> 00:26:38.430 align:center
At sino'ng sumisira?

00:26:38.513 --> 00:26:43.727 align:center
May surveillance van sila,
at nalaman nilang

00:26:45.186 --> 00:26:49.232 align:center
'yong kapatid na babae ni Ros
at si Evan ang nagtatanggal ng mga poster.

00:26:50.775 --> 00:26:54.654 align:center
Tingin ko walang may gustong makakita
ng mga poster,

00:26:54.738 --> 00:26:57.699 align:center
at ikaw 'yong hinahanap nila,
at ikaw 'yong pumatay.

00:26:58.283 --> 00:27:01.161 align:center
Katwiran nila, nakakasira sa negosyo,

00:27:01.745 --> 00:27:03.496 align:center
na ikinagulat namin.

00:27:06.750 --> 00:27:08.877 align:center
Araw-araw akong tumatawag sa pulis.

00:27:08.960 --> 00:27:11.129 align:center
Minsan dalawang beses sa isang araw
o higit pa.

00:27:12.088 --> 00:27:15.842 align:center
Isang beses, sabi ni Roger Parrino,
"Frank, makinig ka."

00:27:15.925 --> 00:27:18.678 align:center
"Ipapaalam ko sa 'yo pag nagkaproblema."

00:27:18.762 --> 00:27:21.014 align:center
Ayaw mag-prosecute ng district attorney.

00:27:21.097 --> 00:27:23.600 align:center
Wala siyang sapat na ebidensiya.
Circumstantial 'to.

00:27:27.812 --> 00:27:30.523 align:center
Tatlong taon matapos ang pagpatay
kay Howard Pilmar,

00:27:30.607 --> 00:27:35.570 align:center
patuloy pa rin ang imbestigasyon,

00:27:35.654 --> 00:27:39.908 align:center
at tingin ko, pakiramdam ng mga pulis
na wala silang napapala.

00:27:39.991 --> 00:27:42.243 align:center
Pero kahit na si Ros
ang suspek sa pagpatay,

00:27:42.327 --> 00:27:44.037 align:center
naglustay siya ng pera,

00:27:44.120 --> 00:27:46.373 align:center
kaya inaresto siya dahil doon.

00:27:47.707 --> 00:27:50.627 align:center
Siguro umaasa silang ma-pressure siya

00:27:50.710 --> 00:27:55.340 align:center
para isuko si Evan o umamin siya,
pero di niya ginawa 'yon.

00:27:56.174 --> 00:27:59.552 align:center
Magaling 'yong mga abogado niya.
Naipagpaliban 'yong paghatol sa kaniya.

00:27:59.636 --> 00:28:02.597 align:center
Noong hahatulan na siya,
nabayaran na niya lahat.

00:28:02.680 --> 00:28:05.058 align:center
Kaya nakakuha siya ng probation.

00:28:07.477 --> 00:28:11.106 align:center
Nagbayad siya, may pera siya,
dahil sa insurance,

00:28:11.189 --> 00:28:14.192 align:center
at lahat ng nakuha niya sa pagpatay.

00:28:14.859 --> 00:28:17.237 align:center
Tatlong taon matapos patayin si Howard,

00:28:17.320 --> 00:28:21.950 align:center
umunlad na 'yong teknolohiya at DNA.

00:28:22.033 --> 00:28:27.414 align:center
May patak ng dugo sa pagitan ng lababo
at kung saan natagpuan 'yong katawan.

00:28:28.289 --> 00:28:30.834 align:center
Kay Evan 'yong patak ng dugong 'yon.

00:28:31.960 --> 00:28:34.045 align:center
Magandang impormasyon 'yon.

00:28:34.129 --> 00:28:35.755 align:center
Sa kasamaang palad, may issue do'n,

00:28:35.839 --> 00:28:38.842 align:center
dahil puwedeng naroon na 'yon
ilang araw bago 'yong pagpatay, tama?

00:28:38.925 --> 00:28:40.510 align:center
May access siya sa lugar na 'yon.

00:28:40.593 --> 00:28:44.305 align:center
Ito ang dahilan bakit mahirap
'yong mga kaso domestic violence.

00:28:44.389 --> 00:28:45.682 align:center
Kasi kadalasan,

00:28:45.765 --> 00:28:50.353 align:center
may access 'yong pumatay sa biktima
at sa lugar bago pa 'yong homicide.

00:28:54.274 --> 00:28:59.112 align:center
Nakaturo lahat ng ebidensiya kina Roslyn
at sa kapatid niyang si Evan.

00:28:59.195 --> 00:29:02.907 align:center
Walang ibang lumabas
na nagturo sa amin sa ibang direksyon.

00:29:02.991 --> 00:29:03.825 align:center
Wala.

00:29:03.908 --> 00:29:07.662 align:center
Maniniwala 'yong mga nanonood
na simpleng kaso lang 'to

00:29:07.745 --> 00:29:09.122 align:center
base sa naririnig nila,

00:29:09.622 --> 00:29:12.792 align:center
pero di ito simple pagdating sa mga batas,
at nararapat lang 'yon.

00:29:12.876 --> 00:29:15.920 align:center
Kailangan mong patunayan 'to
nang walang duda.

00:29:16.504 --> 00:29:19.924 align:center
Pag may inaresto ka,
dapat handa kang pumunta sa korte,

00:29:20.008 --> 00:29:21.926 align:center
sa paglilitis, humarap sa grand jury.

00:29:22.010 --> 00:29:23.928 align:center
Malinaw na kailangan pa ng ebidensiya.

00:29:25.847 --> 00:29:27.724 align:center
Isang araw, pumunta sa 'kin si Parrino.

00:29:27.807 --> 00:29:31.186 align:center
Sabi niya, "Frank, mukhang ito na
'yong sinasabi kong problema."

00:29:33.480 --> 00:29:36.858 align:center
Naglalagay ako ng obitwaryo
sa New York Times

00:29:36.941 --> 00:29:41.070 align:center
kada taon sa anibersaryo
ng pagpatay kay Howard.

00:29:41.154 --> 00:29:47.118 align:center
Baka may magsabi sa 'kin
ng nalalaman nila sa kaso.

00:29:47.619 --> 00:29:53.374 align:center
Kahit na di na si Parrino
'yong in charge sa kaso,

00:29:53.875 --> 00:29:58.713 align:center
tumatawag pa rin ako
sa Midtown South araw-araw.

00:29:59.714 --> 00:30:01.216 align:center
Di ako bumibitaw.

00:30:03.593 --> 00:30:07.347 align:center
Pakiramdam ng tatay ko, balang araw,
malulutas ito.

00:30:07.430 --> 00:30:10.308 align:center
Ito 'yong dahilan
ng pagbangon niya araw-araw.

00:30:10.391 --> 00:30:12.977 align:center
"Malulutas 'yong kaso balang araw."

00:30:13.061 --> 00:30:15.897 align:center
"Magdasal tayo. Malulutas 'yong kaso."

00:30:16.898 --> 00:30:19.567 align:center
'Yong pag-intindi lang
na patay na si Howard…

00:30:20.568 --> 00:30:24.364 align:center
at malaya 'yong mga mamamatay-tao.

00:30:25.490 --> 00:30:26.950 align:center
Sobrang sakit.

00:30:29.327 --> 00:30:33.414 align:center
Sa loob ng maraming taon,
magdi-dinner kami ng mga kaibigan,

00:30:33.498 --> 00:30:36.709 align:center
at gusto lang nilang malaman
kung ano'ng bago.

00:30:36.793 --> 00:30:40.380 align:center
Naghahanap sila ng impormasyon
tungkol sa kaso.

00:30:40.463 --> 00:30:41.881 align:center
Lagi kong sinasabi,

00:30:41.965 --> 00:30:44.592 align:center
"Posible bang matakasan nila 'to?"

00:30:58.565 --> 00:31:00.817 align:center
17 TAON MATAPOS ANG PAGPATAY
KAY HOWARD PILMAR

00:31:00.900 --> 00:31:05.947 align:center
Noong 2013, naglingkod ako sa Marine Corps
bilang civilian advisor.

00:31:09.409 --> 00:31:13.329 align:center
Pagkatapos ng 9/11, tingin ko,
'yong survivor guilt noong September 11

00:31:13.413 --> 00:31:16.165 align:center
ang nag-udyok sa akin
na pumunta sa Middle East

00:31:16.249 --> 00:31:18.626 align:center
ng pitong taon at limang deployment.

00:31:18.710 --> 00:31:21.963 align:center
Sa huling deployment ko,
nakatanggap ako ng tawag na nagsasabing

00:31:22.046 --> 00:31:25.258 align:center
bubuksan nila 'yong kaso ni Howard Pilmar.

00:31:25.341 --> 00:31:27.844 align:center
Kaunti lang ang mga kasong
iniisip ko pa rin

00:31:27.927 --> 00:31:31.472 align:center
dahil di pa nalulutas,
pero ito 'yong pinaka nangunguna.

00:31:32.932 --> 00:31:36.769 align:center
Sa tingin ko, bawat detective ay may kaso

00:31:36.853 --> 00:31:40.023 align:center
na di nila nalutas,
sa kung ano pa mang dahilan,

00:31:40.857 --> 00:31:44.277 align:center
tapos 'yon ang nagiging Moby-Dick
ng career nila.

00:31:44.944 --> 00:31:48.031 align:center
Kaya lagi mong 'tong iniisip.

00:31:48.114 --> 00:31:50.658 align:center
Madalas, ayaw nilang makialam
'yong Cold Case.

00:31:50.742 --> 00:31:52.619 align:center
Takot silang punahin 'yong kaso nila.

00:31:52.702 --> 00:31:53.911 align:center
Wala akong pakialam do'n.

00:31:54.996 --> 00:31:59.125 align:center
Noong 2013, tatlong taon na
akong retired sa pagiging pulis,

00:31:59.208 --> 00:32:03.379 align:center
at nagtatrabaho ako sa opisina
ng District Attorney ng New York County

00:32:03.463 --> 00:32:07.216 align:center
bilang Deputy Chief Investigator
para sa Trial Division.

00:32:07.300 --> 00:32:11.220 align:center
Isa sa pinakamatalinong detective
si Rob Mooney.

00:32:11.304 --> 00:32:14.724 align:center
Tinatawag siya para lang magbigay
ng payo o direksyon.

00:32:17.644 --> 00:32:19.437 align:center
Noong tinawagan ako sa Afghanistan,

00:32:19.520 --> 00:32:21.939 align:center
naisip kong mabuti at buhay pa
'yong kaso ni Pilmar,

00:32:22.023 --> 00:32:24.067 align:center
at may mga bagong titingin dito.

00:32:24.150 --> 00:32:29.739 align:center
Naaalala kong ipinaliwanag kong
nakaturo lahat ng ebidensiya

00:32:29.822 --> 00:32:32.867 align:center
kay Roslyn Pilmar
at sa kapatid niyang si Evan.

00:32:34.243 --> 00:32:37.538 align:center
Sa cold case, di ka puwedeng mag-focus

00:32:37.622 --> 00:32:41.626 align:center
sa orihinal na pinagtuunan
dahil di tama 'yong kinalabasan no'n.

00:32:42.460 --> 00:32:45.380 align:center
Kailangan mong tingnan lahat
mula sa simula.

00:32:45.880 --> 00:32:48.841 align:center
Kung naging sarado 'yong isip namin
at may nakaligtaan kami,

00:32:48.925 --> 00:32:50.843 align:center
alamin natin 'yong totoo.

00:32:50.927 --> 00:32:53.471 align:center
Tingin ko mainam
na may mga bagong matang titingin dito.

00:32:54.097 --> 00:32:55.515 align:center
Nasa mabuting kamay 'yong kaso.

00:33:01.729 --> 00:33:03.815 align:center
Isang araw, tinawagan ako ni Liz,

00:33:03.898 --> 00:33:07.443 align:center
at sinabing siya ang naka-assign sa kaso.

00:33:07.944 --> 00:33:10.988 align:center
Noong una kong makilala si Liz Lederer,

00:33:11.072 --> 00:33:13.866 align:center
nasa opisina niya kami
na puno ng mga karton,

00:33:13.950 --> 00:33:15.910 align:center
at lahat may nakasulat na "Pilmar."

00:33:15.994 --> 00:33:18.621 align:center
Alam kong nagsisikap siya sa kaso.

00:33:20.206 --> 00:33:23.292 align:center
Ang dami mong kailangang gawin
bago mo ito malutas.

00:33:24.711 --> 00:33:28.172 align:center
Kailangan mong basahin bawat papel.
Kailangan mong panoorin bawat video.

00:33:28.256 --> 00:33:30.550 align:center
Kailangan mong kausapin
bawat taong mahahanap mo.

00:33:30.633 --> 00:33:32.093 align:center
Hinalungkat lahat ng kahon.

00:33:32.802 --> 00:33:37.432 align:center
May isang piraso ng papel
na may pangalang Arnold Brewer.

00:33:37.515 --> 00:33:38.933 align:center
Hinanap namin siya.

00:33:39.559 --> 00:33:42.145 align:center
Malapit siyang kaibigan ni Howard.

00:33:42.895 --> 00:33:45.690 align:center
Magkikita dapat si Howard Pilmar
at si Arnold Brewer

00:33:45.773 --> 00:33:48.860 align:center
para manood ng NCAA,
pero di sumipot si Howard.

00:33:49.444 --> 00:33:52.822 align:center
Sabi niya, "Sabi ni Howard, pupunta siya
sa gym kasama 'yong bayaw niya,

00:33:52.905 --> 00:33:54.574 align:center
pero pupunta siya dito pagkatapos."

00:33:55.283 --> 00:33:58.703 align:center
Sinabi nina Evan Wald
at Ros Pilmar sa pulis

00:33:58.786 --> 00:34:02.498 align:center
na bumalik mula sa gym si Evan at Howard
mga bandang 8:00 p.m.

00:34:02.582 --> 00:34:05.209 align:center
Maiiwan sa opisina si Howard
at magtatrabaho.

00:34:05.293 --> 00:34:10.840 align:center
Lumalabas na magkikita dapat si Howard
at Arnold Brewer no'ng gabing 'yon,

00:34:10.923 --> 00:34:12.258 align:center
sa mismong sandaling 'yon.

00:34:12.341 --> 00:34:15.470 align:center
Kaya di magtatrabaho si Howard.

00:34:15.553 --> 00:34:19.474 align:center
Isinara ni Arnold Brewer
'yong oras ng pagpatay

00:34:19.557 --> 00:34:22.769 align:center
sa pinakamaikling panahon.

00:34:23.436 --> 00:34:26.981 align:center
Nalaman namin sa imbestigasyon,
sa gabi ng pagpatay,

00:34:27.065 --> 00:34:32.153 align:center
tinawagan ni Ros si Howard sa opisina
at nag-iwan ng voicemail.

00:34:33.362 --> 00:34:36.491 align:center
Hi, How. Mga quarter to ten na.

00:34:36.574 --> 00:34:39.577 align:center
Iniisip namin ni Philip
kung nagtatrabaho ka pa,

00:34:39.660 --> 00:34:42.789 align:center
o kung pumunta ka sa sports bar,
gaya ng sinabi mong gusto mo,

00:34:42.872 --> 00:34:44.791 align:center
para manood ng NCAA.

00:34:44.874 --> 00:34:49.212 align:center
Anyway, nakauwi ako mga 8:10, 8:15.

00:34:49.295 --> 00:34:52.048 align:center
Tawagan mo ako. Sabihin mo
kung anong oras ka uuwi.

00:34:52.548 --> 00:34:57.011 align:center
Masyadong detalyado 'yong iniwan niyang
mensahe para sa isang taong

00:34:57.094 --> 00:35:00.973 align:center
kakatapos mo lang kausapin at inaasahan
mong makikita sa loob ng kalahating oras.

00:35:01.057 --> 00:35:04.685 align:center
Narinig ko 'yong voice message.
Pag tiningnan mo lahat…

00:35:04.769 --> 00:35:07.855 align:center
Hindi puwedeng isang bagay lang.

00:35:07.939 --> 00:35:11.484 align:center
Pagsasama-samahin mo lahat ng ebidensiya,

00:35:11.567 --> 00:35:13.528 align:center
at isang direksiyon lang
ang tinuturo nito,

00:35:14.028 --> 00:35:16.989 align:center
na pinatay nina Evan at Roslyn
si Howard noong gabing 'yon.

00:35:18.199 --> 00:35:20.576 align:center
Matapos tingnan lahat ng ebidensiya

00:35:20.660 --> 00:35:23.663 align:center
at kausapin ang mga kaibigan ni Howard,

00:35:23.746 --> 00:35:27.208 align:center
sigurado kami na sina Ros Pilmar
at Evan Wald ang pumatay.

00:35:28.543 --> 00:35:32.046 align:center
Narinig ni Ron Tucker
na minumura ni Howard

00:35:32.130 --> 00:35:34.298 align:center
'yong asawa niya.
Galit na galit siya sa kaniya.

00:35:34.382 --> 00:35:36.300 align:center
Mga 5:30 'yon.

00:35:36.384 --> 00:35:39.470 align:center
Ibig kong sabihin,
tinawag siya ng kung ano-ano.

00:35:39.554 --> 00:35:41.848 align:center
Sa gabi ring 'yon,
nag-iwan siya ng mensahe.

00:35:41.931 --> 00:35:45.601 align:center
At tinapos niya 'to ng,
"Mahal kita, Howie."

00:35:49.397 --> 00:35:54.527 align:center
At kalkulado 'yong voice message na 'yon.

00:35:54.610 --> 00:35:57.446 align:center
Alam niyang nag-iiwan siya ng ebidensiya.

00:35:57.530 --> 00:35:58.531 align:center
Ipapakita nito na,

00:35:58.614 --> 00:36:02.160 align:center
"Na-miss ko siya, akala ko buhay siya,
tinawagan ko, at sinabing mahal kita."

00:36:02.743 --> 00:36:07.915 align:center
Base sa timing na 'yon,
patay na si Howard no'n.

00:36:13.462 --> 00:36:15.715 align:center
Ginawa ni Ros 'yong buong kuwento.

00:36:15.798 --> 00:36:19.927 align:center
Ginawa niya 'yong buong senaryo
para mapatay si Howard.

00:36:20.011 --> 00:36:21.929 align:center
Kung wala siya, di ito mangyayari.

00:36:22.013 --> 00:36:25.474 align:center
Planado ni Ros
na makukuha niya 'yong life insurance,

00:36:25.558 --> 00:36:29.979 align:center
'yong mga negosyo, 'yong summer house,
'yong interes sa ski house.

00:36:30.062 --> 00:36:32.982 align:center
Makukuha niya ang kustodiya ng anak nila.

00:36:33.065 --> 00:36:35.693 align:center
Pero nang maging malinaw ito sa 'min,

00:36:35.776 --> 00:36:39.447 align:center
mas naging malinaw
na kailangang mapatunayan 'to sa korte.

00:36:41.240 --> 00:36:44.410 align:center
May mga sugat si Evan,
at may dugo ni Evan sa pinangyarihan,

00:36:44.493 --> 00:36:47.955 align:center
at may 100 tao na alam
na galit si Evan kay Howard.

00:36:48.039 --> 00:36:51.292 align:center
Ang kailangan naming hanapin
ay ebidensiyang mag-uugnay kay Ros dito

00:36:51.375 --> 00:36:53.544 align:center
para makasuhan namin sila pareho.

00:36:55.004 --> 00:36:56.589 align:center
Sabi ni Ms. Lederer,

00:36:56.672 --> 00:37:01.302 align:center
"Alam kong madidiin natin si Evan,
pero di ko maipapangako si Ros."

00:37:01.385 --> 00:37:04.347 align:center
Pero tiwala ako sa kaniya.

00:37:07.266 --> 00:37:10.645 align:center
Na-realize naming
'yong yaya na lang ang natira.

00:37:11.896 --> 00:37:14.857 align:center
Sabi ko,
"Kailangan nating mahanap 'yong yaya."

00:37:14.941 --> 00:37:18.027 align:center
Nakatira kasama ng pamilya
si Allyson Lewis.

00:37:18.110 --> 00:37:20.529 align:center
Alam niya 'yong takbo ng mga bagay,

00:37:20.613 --> 00:37:24.825 align:center
at masasagot niya 'yong mga bagay
na di natin alam.

00:37:26.410 --> 00:37:29.789 align:center
Bilang detective, kinausap namin
'yong yaya sa simula ng imbestigasyon

00:37:29.872 --> 00:37:33.334 align:center
pero pakiramdam namin
ayaw niyang makipagtulungan.

00:37:33.417 --> 00:37:38.381 align:center
Sa tingin ko, noong panahong 'yon,
napakabata pa niya, at…

00:37:39.465 --> 00:37:45.888 align:center
marahil di pa niya naisip
'yong maaaring ibunga nito.

00:37:49.100 --> 00:37:53.813 align:center
'Yong tanungin ng pulis
ang isang 21 taong gulang, nakakatakot.

00:37:53.896 --> 00:37:57.233 align:center
Sinasagot ko lang 'yong mga tanong nila
sa abot ng makakaya ko.

00:37:57.316 --> 00:38:00.027 align:center
Tungkol kay Howard 'yong mga tanong,

00:38:00.111 --> 00:38:03.239 align:center
at di ko masyadong nakakasalamuha
si Howard.

00:38:04.281 --> 00:38:10.538 align:center
Tapos nagkatrabaho ako sa Japan
at umalis ako ng bansa.

00:38:10.621 --> 00:38:13.249 align:center
Di ko na nakausap si Ros.

00:38:13.874 --> 00:38:19.839 align:center
Paglipas ng 20 taon, may tumawag sa 'kin.
At nasabi ko lang, "Whoa, grabe."

00:38:19.922 --> 00:38:24.969 align:center
At sabi niya, "Gusto kitang makausap
tungkol sa pagpatay kay Howard Pilmar."

00:38:25.636 --> 00:38:29.265 align:center
Sinabi ni Allyson Lewis na gusto niyang
makipagkita sa opisina ng abogado niya.

00:38:29.348 --> 00:38:32.143 align:center
Inisip ko kung ano sa tingin niya
'yong nagawa niyang mali

00:38:32.226 --> 00:38:36.897 align:center
na gusto niyang may abogado do'n.

00:38:36.981 --> 00:38:39.692 align:center
Pero nang dumating siya, magiliw siya.

00:38:39.775 --> 00:38:41.819 align:center
Malaya siyang nagsalita.

00:38:42.361 --> 00:38:44.447 align:center
At nakakamangha 'yon.

00:38:44.530 --> 00:38:47.658 align:center
Binigyan niya kami ng sulyap
sa mundong di namin malalaman.

00:38:48.409 --> 00:38:53.247 align:center
Nang magkita kami, tinanong ako ni Liz,
"Kumusta 'yong buhay kasama sila?"

00:38:53.330 --> 00:38:56.125 align:center
"Ikuwento mo 'yong isang linggo ninyo."

00:38:56.208 --> 00:38:58.169 align:center
"Ikuwento mo 'yong bahay nila."

00:39:00.880 --> 00:39:05.009 align:center
Para sa mga Pilmar, at para kay Philip,
lahat naka-schedule.

00:39:05.092 --> 00:39:06.093 align:center
Napakahigpit.

00:39:06.177 --> 00:39:10.556 align:center
Sa buong pagtatrabaho ko kay Ros,
partikular siya sa oras.

00:39:11.390 --> 00:39:15.936 align:center
Inilarawan niya lahat
tungkol sa apartment, sa pamumuhay,

00:39:16.020 --> 00:39:18.773 align:center
at kung paano pinatakbo
ni Ros 'yong bahay.

00:39:19.523 --> 00:39:20.733 align:center
At no'ng sinabi naming,

00:39:20.816 --> 00:39:25.196 align:center
"May kakaiba ba noong linggong
pinatay siya?"

00:39:25.279 --> 00:39:28.491 align:center
Sabi niya,
"Di naman sa may kakaibang nangyari."

00:39:28.574 --> 00:39:31.202 align:center
"Marami lang nangyari
sa unang pagkakataon."

00:39:34.330 --> 00:39:38.626 align:center
Ilang linggo bago 'yong pagpatay
kay Howard, sinabi ni Ros sa 'kin,

00:39:38.709 --> 00:39:41.379 align:center
"Kailangan mong magtrabaho sa gabi
nang ilang linggo."

00:39:42.880 --> 00:39:46.050 align:center
At noong gabi ng pagpatay,

00:39:46.675 --> 00:39:49.470 align:center
sinabi ni Ros na makikipagkita siya
kina Evan at Howard

00:39:49.553 --> 00:39:52.598 align:center
sa King no'ng gabing 'yon
para sa isang finance meeting.

00:39:53.557 --> 00:39:57.728 align:center
Dinala ko si Philip sa hockey practice.

00:39:57.812 --> 00:40:02.108 align:center
Dalawang oras 'yong practice ni Philip,
apat na gabi kada linggo.

00:40:02.191 --> 00:40:06.737 align:center
At narinig ko sa loudspeaker
'yong pangalan ko. Pina-page niya ako.

00:40:06.821 --> 00:40:09.323 align:center
Di pa nangyari 'yon. Unang beses 'yon.

00:40:10.032 --> 00:40:12.618 align:center
Sabi niya, "Kumusta diyan?"

00:40:12.701 --> 00:40:17.081 align:center
Sabi ko, "First scrimmage pa lang.
Pinag-uusapan pa 'yong second scrimmage."

00:40:17.164 --> 00:40:19.166 align:center
Sabi niya, "Ayos lang. Okay 'yan."

00:40:19.250 --> 00:40:22.586 align:center
Sabi niya weird kahit 'yong tawag na 'yon
kasi wala siyang masabi.

00:40:22.670 --> 00:40:26.465 align:center
Wala pang 20 o 30 minuto,

00:40:27.591 --> 00:40:29.718 align:center
narinig ko ulit 'yong pangalan ko
sa loudspeaker

00:40:29.802 --> 00:40:31.303 align:center
at pinapapunta ako sa front desk.

00:40:31.887 --> 00:40:32.972 align:center
Tinawagan ko siya ulit.

00:40:33.472 --> 00:40:39.687 align:center
At wala namang importanteng sinabi si Ros,

00:40:39.770 --> 00:40:44.483 align:center
maliban sa, "Kung wala ako diyan
pag tapos na siya sa scrimmage,

00:40:44.567 --> 00:40:46.485 align:center
dalhin mo na 'yong kotse
pabalik sa bahay."

00:40:46.569 --> 00:40:50.197 align:center
"Di ko alam kung makakarating ako o hindi,
kasi di pa kami tapos dito."

00:40:50.781 --> 00:40:52.700 align:center
Sabi niya, "Di pa kami tapos dito,"

00:40:52.783 --> 00:40:55.703 align:center
na, kaugnay ng talagang ginagawa nila,

00:40:55.786 --> 00:40:57.371 align:center
nakakakilabot para sa 'kin.

00:40:57.913 --> 00:41:00.499 align:center
'Yon ang talagang kakaiba sa kaniya.

00:41:00.583 --> 00:41:02.960 align:center
Alam niya lagi kung anong oras siya uuwi.

00:41:03.043 --> 00:41:06.255 align:center
Lagi niyang alam 'yong detalye
ng gagawin ko

00:41:06.338 --> 00:41:08.048 align:center
at kung ano'ng gagawin niya.

00:41:12.470 --> 00:41:15.764 align:center
Halos gabi-gabi,
buhay na buhay 'yong bahay.

00:41:16.265 --> 00:41:18.350 align:center
Tumutunog 'yong mga phone.
Nasa phone siya.

00:41:18.934 --> 00:41:21.520 align:center
Bumibisita 'yong mga kapitbahay.
Bukas lahat ng ilaw.

00:41:21.604 --> 00:41:23.439 align:center
Bukas 'yong mga TV.

00:41:23.522 --> 00:41:28.402 align:center
Maingay, at kapana-panabik na bahay,
pero di no'ng gabing 'yon.

00:41:30.988 --> 00:41:34.074 align:center
Bukas 'yong ilaw sa ibabaw ng kalan.

00:41:34.700 --> 00:41:36.827 align:center
'Yon lang ang ilaw sa bahay.

00:41:36.911 --> 00:41:41.707 align:center
Binuksan ko 'yong pinto,
at sumilip siya sa may harang.

00:41:41.790 --> 00:41:43.792 align:center
Naka-bathrobe siya, basa ang buhok.

00:41:43.876 --> 00:41:45.711 align:center
Ngayon ko lang siya nakitang gano'n.

00:41:46.212 --> 00:41:50.257 align:center
At sabi niya, "Kumusta?"

00:41:50.341 --> 00:41:54.428 align:center
"Sigurado akong pagod ka.
Oras na para matulog. Thank you, Allyson."

00:41:54.929 --> 00:41:58.807 align:center
At lahat ng galaw niya parang,
"Tapos na tayo."

00:41:58.891 --> 00:42:00.434 align:center
"Di ka papasok."

00:42:00.518 --> 00:42:02.478 align:center
Sabi niya, "Iwan mo na 'yong bag diyan."

00:42:02.561 --> 00:42:07.233 align:center
Ni hindi ko naipasok 'yong bag sa pinto,
tapos sabi niya, "Good night."

00:42:08.234 --> 00:42:11.028 align:center
Pag natapos ang araw ko,
di niya ginagawa yon.

00:42:11.111 --> 00:42:12.988 align:center
Gusto niyang pag-usapan, lagi,

00:42:13.072 --> 00:42:17.451 align:center
bawat detalye ng nangyari kay Philip
sa maghapon.

00:42:17.535 --> 00:42:19.078 align:center
Gusto niyang malaman lahat.

00:42:19.161 --> 00:42:21.914 align:center
Kaya ibang-iba 'yon.

00:42:23.791 --> 00:42:26.585 align:center
Si Siobhan Berry at ako…
Si Siobhan ang imbestigador.

00:42:26.669 --> 00:42:29.838 align:center
Nakatingin lang kami
kay Allyson at inisip ko,

00:42:31.674 --> 00:42:35.261 align:center
"Ito ang babago sa lahat."
Alam kong gano'n din ang iniisip niya.

00:42:35.344 --> 00:42:36.720 align:center
Nagsusulat sila,

00:42:36.804 --> 00:42:39.974 align:center
at nasa magkabilang dulo sila
ng mesa at nagtitinginan

00:42:40.057 --> 00:42:44.186 align:center
na parang mahalagang impormasyon 'to.

00:42:44.270 --> 00:42:49.858 align:center
Pinuno ni Allyson ang napakaraming blangko
at nilinaw ang mga bagay na may kalabuan.

00:42:49.942 --> 00:42:52.152 align:center
Lumabas kami at parang,

00:42:52.236 --> 00:42:54.947 align:center
"Wow. Ang galing no'n."

00:42:55.739 --> 00:42:59.410 align:center
'Yong bagong impormasyon
mula kay Allyson Lewis na naglalarawan

00:42:59.493 --> 00:43:02.246 align:center
ng di tipikal na pag-uugali ni Ros

00:43:02.746 --> 00:43:05.416 align:center
ilang araw bago at pagkatapos,

00:43:05.499 --> 00:43:09.461 align:center
malaking palatandaan 'yong paglihis
na 'to mula sa nakasanayan.

00:43:10.546 --> 00:43:14.174 align:center
Nahahalata ang mga tao pag gumawa sila
ng bagay na di nila ginagawa noon

00:43:14.258 --> 00:43:16.427 align:center
at kailangang ipaliwanag 'yon.

00:43:18.304 --> 00:43:21.640 align:center
Binigyan tayo ni Allyson Lewis
ng impormasyon

00:43:21.724 --> 00:43:24.852 align:center
na lalong nag-uugnay kay Ros dito

00:43:24.935 --> 00:43:30.065 align:center
at ipinakita kung gaano kalaki
'yong ginawa niya para i-set up 'to.

00:43:30.149 --> 00:43:35.237 align:center
At makakahanap kami ng mga bagay
na magpapatunay sa sinabi niya.

00:43:35.738 --> 00:43:37.740 align:center
Nalampasan namin 'yong harang dahil dito.

00:43:38.991 --> 00:43:42.786 align:center
Bubuuin mo 'yong circumstantial case mo
gamit ang maliliit na bato.

00:43:44.079 --> 00:43:46.874 align:center
At patuloy kang maghahanap
ng maliliit na bato

00:43:46.957 --> 00:43:49.460 align:center
hanggang makagawa ka
ng malaking tumpok ng mga bato

00:43:49.543 --> 00:43:52.379 align:center
na marami ka nang ebidensiya.

00:43:52.463 --> 00:43:56.091 align:center
Circumstantial man,
pero malakas na ebidensiya.

00:43:56.842 --> 00:44:00.387 align:center
Sa bagong impormasyon mula sa kaibigan
ni Howard Pilmar na si Arnold Brewer

00:44:00.471 --> 00:44:02.556 align:center
at 'yong sinabi ng yaya sa mga detective,

00:44:03.140 --> 00:44:05.267 align:center
sapat na 'yon para mag-aresto.

00:44:06.518 --> 00:44:08.937 align:center
Nangyari ang pag-aresto noong 2017.

00:44:09.021 --> 00:44:12.232 align:center
Inaresto si Ros sa apartment niya,
alas-sais ng umaga.

00:44:12.316 --> 00:44:14.401 align:center
Kasama niya 'yong boyfriend niya no'n.

00:44:14.485 --> 00:44:16.862 align:center
Sabay na inaresto no'n si Evan Wald.

00:44:17.738 --> 00:44:20.074 align:center
Natuwa ako!

00:44:20.157 --> 00:44:23.118 align:center
Di ako makapaniwala,
na pareho silang inaresto.

00:44:24.078 --> 00:44:27.247 align:center
Napakahabang panahon, kahit papa'no.

00:44:28.332 --> 00:44:29.458 align:center
Pero dumating 'to.

00:44:31.168 --> 00:44:32.169 align:center
Dumating na.

00:44:34.880 --> 00:44:38.342 align:center
Higit 20 taon ko 'tong hinintay.

00:44:38.425 --> 00:44:42.346 align:center
Pumunta kami sa paglilitis araw-araw.

00:44:43.013 --> 00:44:47.434 align:center
Unang araw ng paglilitis,
papasok ako sa men's room,

00:44:47.935 --> 00:44:50.854 align:center
at palabas si Philip sa men's room.

00:44:51.855 --> 00:44:56.276 align:center
Huli ko siyang nakita no'ng almusal,
pagkatapos patayin si Howard.

00:44:57.027 --> 00:45:01.824 align:center
Noong nakita ko siya,
kamukhang-kamukha niya si Howard.

00:45:02.533 --> 00:45:04.827 align:center
At sabi ko, "Howard."

00:45:04.910 --> 00:45:06.954 align:center
Ganoon sila magkamukha.

00:45:07.454 --> 00:45:10.833 align:center
Di niya ako sinagot. Wala.

00:45:13.252 --> 00:45:16.880 align:center
Isa itong circumstantial case,
at mahalaga ang bawat detalye nito.

00:45:18.048 --> 00:45:20.509 align:center
Kabisadong kabisado ko ang kasong 'to.

00:45:20.592 --> 00:45:24.221 align:center
Anuman ang depensa nila, handa kami.

00:45:24.847 --> 00:45:29.935 align:center
'Yong pagtestigo laban sa dalawang 'yon,
ibang klase.

00:45:30.018 --> 00:45:33.981 align:center
Di kapani-paniwala 'yong pakiramdam.
Masaya ako.

00:45:34.064 --> 00:45:36.066 align:center
Nakita ko si Frank sa audience.

00:45:36.150 --> 00:45:39.319 align:center
Nakikita kong tumatango si Frank
noong tumestigo ako.

00:45:39.987 --> 00:45:41.196 align:center
Nakakatuwa.

00:45:42.406 --> 00:45:45.743 align:center
Pero walang halaga 'yon
kung di sila mahatulang guilty.

00:45:45.826 --> 00:45:46.994 align:center
Walang halaga.

00:45:47.494 --> 00:45:50.038 align:center
Napakaraming trabaho ang kinailangan dito.

00:45:50.748 --> 00:45:52.624 align:center
Dalawang buwan 'yong paglilitis.

00:45:55.377 --> 00:45:57.463 align:center
Nilinis ko, at nasugatan 'yong kamay ko.

00:45:58.714 --> 00:46:00.382 align:center
Di ko alam

00:46:00.966 --> 00:46:04.720 align:center
na brutal ang pagpatay kay Howard.

00:46:05.846 --> 00:46:09.516 align:center
Alam kong sinaksak siya,
pero di ko alam 'yong tindi

00:46:10.350 --> 00:46:14.480 align:center
ng mismong pagpatay
hanggang marinig ko 'to sa korte.

00:46:15.439 --> 00:46:19.359 align:center
Tingin ko hinawakan ni Evan si Howard
sa likod at nilaslas 'yong lalamunan niya.

00:46:20.027 --> 00:46:22.863 align:center
Dahil di siya makakasigaw.

00:46:22.946 --> 00:46:26.825 align:center
At para sa akin,
'yon ang una mong aalalahanin

00:46:26.909 --> 00:46:28.494 align:center
pag may tinambangan ka nang gano'n.

00:46:28.577 --> 00:46:33.081 align:center
Sa tingin ko, 'yon ang unang sugat
tapos pinagsasaksak na siya.

00:46:33.165 --> 00:46:35.959 align:center
Kinatay siya. Di lang nila siya pinatay.

00:46:36.043 --> 00:46:39.046 align:center
Pinatay siya na parang baboy sa kulungan.

00:46:39.797 --> 00:46:43.967 align:center
At nasa pinangyarihan ng krimen si Ros.
Pinatunayan nila 'yon.

00:46:45.886 --> 00:46:48.388 align:center
Hinangaan ko talaga si Ros.

00:46:48.931 --> 00:46:54.478 align:center
Inakala kong siya
'yong iniisip kong kilala ko.

00:46:55.103 --> 00:46:57.815 align:center
Kaya nang ma-realize ko

00:46:57.898 --> 00:47:02.569 align:center
na napakarami ng di ko nakita,
biglang nag-iba 'yong tingin ko sa kaniya.

00:47:05.739 --> 00:47:08.742 align:center
Di bababa sa apat na araw
na nag-usap 'yong jury.

00:47:08.826 --> 00:47:11.328 align:center
Di maganda. Di ko maintindihan.

00:47:15.624 --> 00:47:16.959 align:center
Tumayo ang lahat!

00:47:17.042 --> 00:47:22.923 align:center
Inanunsyong guilty sina Ros at Evan
no'ng araw na 'yon.

00:47:25.467 --> 00:47:27.928 align:center
Nagkasala ng second degree murder.

00:47:28.762 --> 00:47:32.182 align:center
Umaalingawngaw 'yong salitang "guilty"
sa courtroom na 'yon.

00:47:34.852 --> 00:47:36.228 align:center
Makapangyarihan 'yon.

00:47:37.437 --> 00:47:41.316 align:center
Sigaw nang sigaw 'yong nanay ko, "Guilty!"

00:47:41.984 --> 00:47:43.819 align:center
Ibang klaseng kasiyahan 'yon.

00:47:43.902 --> 00:47:48.699 align:center
Higit pa sa kasiyahan 'tong emosyon

00:47:48.782 --> 00:47:53.328 align:center
na nakamit namin ang hustisya
para kay Howard matapos ang ilang taon.

00:47:53.829 --> 00:47:58.917 align:center
Alam kong di magkakaroon ng paglilitis,
lalo na ang paghatol,

00:47:59.001 --> 00:48:01.169 align:center
kung di dahil kay Elizabeth Lederer.

00:48:02.921 --> 00:48:04.631 align:center
Binalikan ko si Frank,

00:48:04.715 --> 00:48:07.593 align:center
na naging matiyaga
nitong mga nakaraang taon.

00:48:07.676 --> 00:48:08.927 align:center
At sabi lang niya…

00:48:09.511 --> 00:48:12.514 align:center
"Guilty! Pareho silang guilty!"

00:48:12.598 --> 00:48:16.768 align:center
Nilabas niya 'yong cell phone niya,
at tinawagan lahat ng kakilala niya.

00:48:16.852 --> 00:48:19.104 align:center
"Guilty!" Tapos tatawag sa susunod.

00:48:19.187 --> 00:48:23.483 align:center
Kasi… Ang tagal niyang hinintay 'to.

00:48:37.623 --> 00:48:40.334 align:center
Tumayo si Frank
para magsalita sa pagsentensiya.

00:48:41.168 --> 00:48:45.255 align:center
Di ako makatulog kasi lagi kong iniisip

00:48:45.339 --> 00:48:51.428 align:center
'yong matinding takot
na pumasok sa isip ni Howard

00:48:51.511 --> 00:48:53.764 align:center
sa mga huling sandali

00:48:53.847 --> 00:48:57.351 align:center
nang pinatay at kinatay siya
ng dalawang 'yon.

00:48:58.685 --> 00:49:03.482 align:center
Noong araw na 'yon noong Marso,
tatlong bagay ang nawala sa akin.

00:49:04.232 --> 00:49:09.112 align:center
Dalawang hindi ko na mababawi,
'yong anak ko at 'yong negosyo ko.

00:49:09.196 --> 00:49:11.281 align:center
Pero nawala rin sa 'kin si Philip.

00:49:11.782 --> 00:49:13.867 align:center
At alam kong ayaw akong tingnan ni Philip.

00:49:13.951 --> 00:49:15.744 align:center
Ikinalulungkot ko,

00:49:15.827 --> 00:49:17.871 align:center
pero gusto ko lang na malaman niya

00:49:17.955 --> 00:49:20.999 align:center
na mahal ka namin
at gusto naming bumalik ka.

00:49:21.500 --> 00:49:22.501 align:center
Please.

00:49:23.961 --> 00:49:28.131 align:center
Kahit gusto ni Frank na managot
'yong mga taong responsable,

00:49:28.632 --> 00:49:31.426 align:center
gusto rin niyang
magkaroon ng relasyon kay Philip.

00:49:33.553 --> 00:49:38.475 align:center
Nalaman kong nag-aral si Philip
sa London School of Economics.

00:49:38.975 --> 00:49:41.061 align:center
Wala akong alam tungkol dito.

00:49:41.687 --> 00:49:45.399 align:center
Wala akong natanggap na magandang balita

00:49:45.482 --> 00:49:48.568 align:center
tungkol sa paglaki ng batang 'to.

00:49:49.987 --> 00:49:51.446 align:center
'Yong apo ko.

00:49:51.530 --> 00:49:54.241 align:center
Nag-iisang anak ng anak kong lalaki.

00:49:56.660 --> 00:49:57.786 align:center
Gusto kong bumalik siya.

00:49:57.869 --> 00:50:00.455 align:center
Mahal namin siya at iyon lang.

00:50:00.956 --> 00:50:02.499 align:center
Hanggang ngayon.

00:50:11.049 --> 00:50:15.178 align:center
Humiling si Philip sa judge

00:50:15.679 --> 00:50:18.515 align:center
ng kaluwagan para sa nanay niya

00:50:18.598 --> 00:50:20.183 align:center
na pumatay sa kaniyang tatay.

00:50:21.685 --> 00:50:23.770 align:center
Paanong…

00:50:23.854 --> 00:50:25.856 align:center
Humihingi ka ng kaluwagan?

00:50:27.899 --> 00:50:29.526 align:center
Ewan ko.

00:50:30.861 --> 00:50:34.656 align:center
Narinig ko lang magsalita si Philip

00:50:35.240 --> 00:50:38.160 align:center
sa pagsentensiya.

00:50:38.243 --> 00:50:40.620 align:center
At binabanggit niya 'yong nanay niya.

00:50:40.704 --> 00:50:43.665 align:center
Kung gaano siya kabuti,
sa pagpapalaki sa kaniya.

00:50:44.166 --> 00:50:46.084 align:center
Tingin ko 'yong ginawa lang niya

00:50:46.168 --> 00:50:49.755 align:center
ay punuin 'yong isip niya
ng galit sa pamilya namin.

00:50:49.838 --> 00:50:51.631 align:center
At sigurado akong sinisisi niya ako.

00:50:51.715 --> 00:50:54.176 align:center
Ako ang sinisisi ng buong pamilya niya.

00:50:54.259 --> 00:50:58.180 align:center
Dahil alam nilang ako
ang masigasig na magkaroon ng paglilitis.

00:50:58.263 --> 00:50:59.431 align:center
Di ko sila pakakawalan.

00:51:01.224 --> 00:51:05.479 align:center
Gusto niyang ipagtanggol siya
sa pagpatay sa tatay niya…

00:51:06.730 --> 00:51:07.856 align:center
e di, sige.

00:51:11.485 --> 00:51:13.779 align:center
Mahirap 'to para sa kaniya.

00:51:13.862 --> 00:51:17.908 align:center
Siya ang pangalawang biktima
ng lahat ng 'to.

00:51:17.991 --> 00:51:19.242 align:center
Pagkatapos ni Howard.

00:51:19.326 --> 00:51:21.578 align:center
Kumbinsido kang iniligtas ka ng nanay mo,

00:51:21.661 --> 00:51:24.831 align:center
at gusto ng lolo mong
ipahamak 'yong nanay mo

00:51:24.915 --> 00:51:26.666 align:center
kahit walang ginawa 'yong nanay mo.

00:51:26.750 --> 00:51:30.003 align:center
Tapos ilalabas lahat ng 'to
sa korte ng batas.

00:51:30.921 --> 00:51:34.466 align:center
At di ganito ang sinabi sa 'yong
paniwalaan mo sa nakalipas na mga taon.

00:51:34.549 --> 00:51:37.010 align:center
Napakahirap no'n.

00:51:37.094 --> 00:51:39.971 align:center
Para sa krimeng ito,
para sa pagpatay na ito,

00:51:40.472 --> 00:51:43.225 align:center
hinahatulan ko
ang bawat isa sa inyo ng 25 taon

00:51:43.308 --> 00:51:45.018 align:center
hanggang habambuhay na pagkakakulong.

00:51:45.685 --> 00:51:48.313 align:center
Makukulong si Ros at Evan
nang 25 taon hanggang habambuhay.

00:51:48.396 --> 00:51:50.816 align:center
Sa edad nila,
parang habambuhay na sentensiya 'yon.

00:51:51.399 --> 00:51:54.611 align:center
Nakuha nina Evan at Ros
ang nararapat sa kanila.

00:51:54.694 --> 00:51:57.989 align:center
Nabuhay sila nang malaya nang 23 taon.

00:51:58.657 --> 00:52:02.410 align:center
At ngayon, dapat makulong sila
nang di bababa sa 23 taon.

00:52:04.788 --> 00:52:08.166 align:center
Ibinigay ng judge 'yong hatol.
Biglang tumayo si Philip.

00:52:10.043 --> 00:52:13.171 align:center
Parang, galit na galit
na naglakad palabas.

00:52:14.548 --> 00:52:17.259 align:center
Inimbitahan ako sa pagsentensiya.

00:52:17.968 --> 00:52:22.973 align:center
Na-late ako,
tapos biglang bumukas 'yong pinto,

00:52:24.307 --> 00:52:28.436 align:center
at 'yong imahe sa harap ko
ay si Howard Pilmar,

00:52:28.937 --> 00:52:31.565 align:center
at nagulat talaga ako.

00:52:31.648 --> 00:52:35.569 align:center
Kahit di ko nakilala si Howard,
marami akong nakitang litrato

00:52:36.194 --> 00:52:38.947 align:center
sa imbestigasyon
para malaman 'yong itsura niya.

00:52:39.030 --> 00:52:41.867 align:center
At ang taong 'yon ay si Philip.

00:52:46.037 --> 00:52:49.916 align:center
Malaking bagay ang pagsasara
ng isang cold case

00:52:50.000 --> 00:52:51.293 align:center
para sa mga nagtrabaho dito.

00:52:51.793 --> 00:52:53.044 align:center
Nakakatuwa.

00:52:54.546 --> 00:52:59.759 align:center
Pero para sa mga pamilya,
di maaalis ng guilty verdict 'yong sakit.

00:53:03.513 --> 00:53:05.056 align:center
Naiisip ko lang si Howard,

00:53:05.640 --> 00:53:10.103 align:center
'yong takot na pumasok sa isip ni Howard

00:53:10.604 --> 00:53:16.443 align:center
sa ilang segundong 'yon
na sinasaksak siya at pinapatay.

00:53:17.527 --> 00:53:21.156 align:center
'Yon 'yong di mo malilimutan.

00:53:21.823 --> 00:53:26.036 align:center
Bago ako matulog gabi-gabi,
kinakausap ko siya.

00:53:26.119 --> 00:53:29.122 align:center
Sabi ko, "Paano nangyari 'to sa 'yo?"

00:53:29.205 --> 00:53:30.916 align:center
"Ba't di mo sinabi sa 'kin

00:53:30.999 --> 00:53:33.668 align:center
na may problema ka sa babaeng 'to?"

00:53:35.670 --> 00:53:37.547 align:center
Pero wala akong makuhang sagot.

00:53:56.149 --> 00:53:56.983 align:center
SUSUNOD

00:53:57.067 --> 00:53:59.236 align:center
Ilang taon matapos patayin
si Howard Pilmar,

00:53:59.319 --> 00:54:02.239 align:center
nagkaroon kami ng kaso
na pitong pamilya ang sangkot.

00:54:02.739 --> 00:54:05.825 align:center
Napakatindi nito.

00:54:08.078 --> 00:54:11.373 align:center
Nakakadurog ng puso ang kasong 'to.

00:54:12.332 --> 00:54:15.460 align:center
Lahat ng biktima
ay mga inosenteng batang babae.

00:54:16.670 --> 00:54:22.092 align:center
Nagulat lahat sa laki ng mga krimen niya.

00:54:22.842 --> 00:54:24.970 align:center
Nagtatago siya mula noong Valentine's Day

00:54:25.053 --> 00:54:28.598 align:center
na may isang pagpatay at dalawang
panggagahasa, at baka di lang 'yon.

00:54:29.432 --> 00:54:33.311 align:center
Mga "serial killer." Laging sinasabi 'yon.

00:54:33.395 --> 00:54:34.562 align:center
Isa siya sa kanila.

00:55:17.272 --> 00:55:21.276 align:center
Tagapagsalin ng Subtitle: Ivy Grace Quinto
asa, at baka di lang 'yon.

