WEBVTT

00:00:07.674 --> 00:00:09.884 align:center
Ang Los Angeles County
Sheriff's Department

00:00:09.968 --> 00:00:12.554 align:center
ang pinakamalaking sheriff's department
sa buong bansa,

00:00:12.637 --> 00:00:14.931 align:center
na nagsisilbi sa county
na may pinakamaraming tao.

00:00:15.014 --> 00:00:18.101 align:center
Iniimbestigahan nila 'yong pinakabrutal
at pinakamahirap na pagpatay.

00:00:18.184 --> 00:00:21.813 align:center
Ito ang mga kuwento nila.

00:00:40.707 --> 00:00:43.960 align:center
May tumawag sa 'kin
mula sa opisina ng papa ko.

00:00:44.044 --> 00:00:47.547 align:center
Sabi nila, "May nangyayari sa Bradbury."

00:00:47.630 --> 00:00:48.923 align:center
"Di namin alam kung ano."

00:00:49.007 --> 00:00:52.343 align:center
Kaya sumakay ako sa kotse
at pumunta sa Bradbury.

00:00:52.427 --> 00:00:54.888 align:center
May pulis na pumigil sa 'klin.

00:00:54.971 --> 00:00:58.016 align:center
Sabi nila, "Sino ka?
Wala kaming pinapapasok."

00:00:58.099 --> 00:01:00.685 align:center
Sabi ko, "Ako si Danny Thompson,
anak ni Mickey Thompson."

00:01:00.769 --> 00:01:06.232 align:center
Tapos 'yong pulis, nakita ko
sa mga mata niya, kasi alam nila.

00:01:06.316 --> 00:01:08.485 align:center
Tapos sabi ko, "Ay, lintik."

00:01:08.568 --> 00:01:10.153 align:center
Di ka maniniwala.

00:01:10.236 --> 00:01:13.656 align:center
Papa ko 'yon. Di mo siya mapapatay.
Untouchable siya.

00:01:13.740 --> 00:01:17.285 align:center
Pinatay ang race car driver
na si Mickey Thompson at ang asawa niya

00:01:17.368 --> 00:01:19.370 align:center
sa driveway nila
sa marangyang suburb ng LA.

00:01:19.454 --> 00:01:22.999 align:center
Ilang beses na binaril sina Mrs. Thompson
at Mr. Thompson sa itaas na katawan.

00:01:23.083 --> 00:01:25.543 align:center
'Yong pagpatay kay Thompson
at sa asawa niyang si Trudy

00:01:25.627 --> 00:01:28.254 align:center
sa driveway ng bahay nila sa Bradbury.

00:01:28.338 --> 00:01:31.674 align:center
Isa 'to sa mga pinakamisteryosong
celebrity murder, ayon sa pulisya.

00:01:31.758 --> 00:01:34.636 align:center
Ayaw nating makita
'yong ganitong klase ng kasamaan.

00:01:34.719 --> 00:01:40.016 align:center
Mahal ng lahat si Mickey Thompson.
Wala siyang kaaway, maliban sa isa.

00:01:44.020 --> 00:01:48.608 align:center
'Yong LA County Sheriff's Department
ang pinakamahusay sa lahat.

00:01:52.654 --> 00:01:55.240 align:center
Nilitis sa Los Angeles 'yong ilang
high-profile case.

00:01:58.701 --> 00:02:02.080 align:center
Kailangan buong-buo 'yong dedikasyon mo.

00:02:04.707 --> 00:02:07.627 align:center
Murder 'to.
Wala nang mas malalang krimen pa dito.

00:02:09.712 --> 00:02:14.634 align:center
Pinakamahalaga 'yong passion
at 'yong sense of duty.

00:02:16.970 --> 00:02:19.264 align:center
Nagmumula ang hustisya
sa paghanap ng katotohanan.

00:02:30.650 --> 00:02:34.445 align:center
Isa sa mga katangian ng Los Angeles,
malaki 'to.

00:02:35.113 --> 00:02:37.115 align:center
At para maglibot, pwede bang mag-commute?

00:02:37.198 --> 00:02:38.741 align:center
Hindi! Kailangan mong mag-drive.

00:02:39.868 --> 00:02:42.120 align:center
Gusto ng mga taga-Los Angeles ng kotse.

00:02:42.704 --> 00:02:46.791 align:center
Malaking lugar ito para ipakita
ng mahihilig sa kotse 'yong gamit nila.

00:02:47.500 --> 00:02:52.213 align:center
Noong '80s sa Los Angeles,
may sariling kultura 'yong street racing,

00:02:52.297 --> 00:02:55.466 align:center
mula drag racing,
motorcross, hanggang off-road.

00:02:55.967 --> 00:02:58.553 align:center
Bilang mahilig sa kotse noon,

00:02:58.636 --> 00:03:01.389 align:center
alam kong alamat si Mickey Thompson.

00:03:05.935 --> 00:03:08.396 align:center
Kilala si Thompson bilang innovator,

00:03:08.980 --> 00:03:12.984 align:center
di pangkaraniwang car builder,
at isang driver na dapat manalo.

00:03:13.067 --> 00:03:16.863 align:center
Ang pinakamabilis magmaneho…
si Mickey Thompson.

00:03:18.364 --> 00:03:21.743 align:center
Panoorin ang mga international speed king.
Mickey Thompson.

00:03:21.826 --> 00:03:24.913 align:center
Nakipagkumpitensya na siya sa
lahat ng uri ng karera ng sasakyan.

00:03:25.413 --> 00:03:29.834 align:center
Sa tingin ko, dati,
may higit 370 records 'yong papa ko.

00:03:30.752 --> 00:03:33.504 align:center
Pero 'yong nagpasikat sa kanya,

00:03:33.588 --> 00:03:36.799 align:center
siya 'yong unang Amerikanong
lumagpas sa 400 milya kada oras.

00:03:40.011 --> 00:03:46.935 align:center
Pinakamabilis niya, 406.6 milya kada oras,
isang record para sa one-way run.

00:03:49.270 --> 00:03:52.065 align:center
Di lang isang winner si Mickey Thompson,

00:03:52.148 --> 00:03:54.108 align:center
at di lang taong interesado sa mga kotse.

00:03:54.192 --> 00:03:55.652 align:center
Promoter siya.

00:03:56.152 --> 00:03:59.530 align:center
Siya 'yong nag-imbento
ng indoor stadium racing.

00:04:00.114 --> 00:04:03.117 align:center
Ngayon, meron na tayong tinatawag
na "short course racing."

00:04:03.701 --> 00:04:06.746 align:center
Ginaganap 'to sa football fields,
baseball fields,

00:04:06.829 --> 00:04:08.206 align:center
sa loob ng domes, kahit saan.

00:04:08.289 --> 00:04:09.999 align:center
Panalo si Thompson!

00:04:11.960 --> 00:04:14.128 align:center
Ibinigay na rin ng anak ni Mickey
na si Danny

00:04:14.212 --> 00:04:17.006 align:center
ang buhay niya sa automobile racing.

00:04:17.090 --> 00:04:19.592 align:center
Full-time akong nakikipagkarera
sa series ng papa ko.

00:04:19.676 --> 00:04:23.680 align:center
Napupuno namin 'yong mga stadium.
Parang di kapani-paniwala.

00:04:29.894 --> 00:04:31.646 align:center
Kasali 'yong anak ni Thompson,

00:04:31.729 --> 00:04:34.774 align:center
at kasali rin sa pagpo-promote ng event
'yong asawa niyang si Trudy.

00:04:34.857 --> 00:04:37.777 align:center
Gusto kong maging malapit sa kanya,
at gawin 'yong ginagawa niya.

00:04:37.860 --> 00:04:38.736 align:center
Gusto ko mabilis.

00:04:39.320 --> 00:04:42.699 align:center
Matagal akong mabubuhay
na nagmamaneho ng race car.

00:04:42.782 --> 00:04:45.326 align:center
At mananalo ako sa marami pang karera.

00:04:55.378 --> 00:04:58.006 align:center
Maagang may tumawag sa 'kin.

00:04:58.089 --> 00:05:01.509 align:center
Sabi nila, "Kilala mo si Mickey Thompson?"
Sabi ko, "Oo naman."

00:05:01.592 --> 00:05:05.888 align:center
Sabi niya, "Mukhang binaril silang
mag-asawa, sa harap ng bahay nila,

00:05:05.972 --> 00:05:07.348 align:center
at ikaw ang mag-aassist.

00:05:09.100 --> 00:05:13.563 align:center
Kasama namin
'yong reyna ng lab namin, si Liz Devine.

00:05:13.646 --> 00:05:17.650 align:center
Magaling siya, at gusto ng lahat
nasa crime scene siya.

00:05:17.734 --> 00:05:23.406 align:center
Gusto kong lumabas. Kaya nag-jumpsuit ako,
kinuha ko 'yong kit ko, at pumunta do'n.

00:05:24.198 --> 00:05:26.659 align:center
Sa oras ng kasong 'to,
senior criminalist ako

00:05:26.743 --> 00:05:28.953 align:center
para sa Los Angeles County
Sheriff's Department.

00:05:29.454 --> 00:05:33.458 align:center
Nagkita kami
at pumunta sa Bradbury Estates.

00:05:35.793 --> 00:05:39.505 align:center
Pangmayaman 'yong Bradbury Estates

00:05:39.589 --> 00:05:42.717 align:center
na isang komunidad na may gate.

00:05:43.593 --> 00:05:45.011 align:center
'Yong anak kong si Juliana,

00:05:45.094 --> 00:05:49.807 align:center
nag-aaral siya ng pangangabayo
sa Bradbury Estates.

00:05:50.308 --> 00:05:53.102 align:center
Tuwing pumupunta ako do'n,
kailangan kong magpakita ng ID,

00:05:53.186 --> 00:05:57.857 align:center
kailangan kong ipakita 'yong permiso
mula sa may-ari ng kuwadra para makapasok.

00:05:57.940 --> 00:05:59.734 align:center
At di ko maisip,

00:05:59.817 --> 00:06:01.778 align:center
"Paano nakapasok ang isang tao do'n

00:06:01.861 --> 00:06:04.155 align:center
para patayin si Mickey Thompson
at ang asawa niya?"

00:06:05.365 --> 00:06:10.578 align:center
Habang papunta do'n,
makikita na malaking kaso 'to.

00:06:11.871 --> 00:06:15.249 align:center
No'n lang ako nakakita
ng gano'n karaming camera sa iisang lugar.

00:06:18.378 --> 00:06:21.130 align:center
Napakaganda no'ng bahay.

00:06:21.214 --> 00:06:23.424 align:center
Malawak 'yong driveway.

00:06:24.884 --> 00:06:30.264 align:center
Nasa pinakababa ng driveway
'yong asawa ni Mickey na si Trudy.

00:06:30.348 --> 00:06:31.641 align:center
Binaril siya,

00:06:31.724 --> 00:06:33.976 align:center
at umaagos 'yong dugo sa kanal.

00:06:35.853 --> 00:06:40.066 align:center
At si Mickey Thompson,
nasa tabi ng garahe na nasa taas.

00:06:41.067 --> 00:06:42.944 align:center
Binaril siya sa katawan.

00:06:43.528 --> 00:06:45.154 align:center
Binaril din siya sa ulo.

00:06:45.238 --> 00:06:47.407 align:center
Binaril din sa ulo si Trudy.

00:06:48.366 --> 00:06:50.868 align:center
Umikot kami at kinausap 'yong mga tao,

00:06:50.952 --> 00:06:53.162 align:center
at kinausap namin 'yong ilang witness.

00:06:54.122 --> 00:06:56.082 align:center
May narinig kaming sunod-sunod na putok.

00:06:56.165 --> 00:07:01.295 align:center
Biglang nagkaroon
ng 10 o 15 segundong katahimikan.

00:07:01.379 --> 00:07:06.134 align:center
Narinig kong sumigaw si Mickey Thompson,
"Wag mong saktan 'yong asawa ko!"

00:07:06.217 --> 00:07:10.263 align:center
Sunod naming narinig 'yong isa pang
sunod-sunod na putok tapos katahimikan.

00:07:13.141 --> 00:07:17.311 align:center
Nakatira si Dr. Johnson
sa likod nina Mickey at Trudy,

00:07:17.395 --> 00:07:22.400 align:center
at nang makarinig siya ng putok ng baril,
at tumingin siya sa labas,

00:07:22.483 --> 00:07:27.738 align:center
may nakita siyang mga bike
sa Woodlyn Lane.

00:07:28.573 --> 00:07:33.286 align:center
Nakita ni Dr. Johnson 'yong dalawang
batang Black na lalaking naka-bike.

00:07:33.369 --> 00:07:36.122 align:center
Ibig kong sabihin,
halatang tumatakas sila.

00:07:36.914 --> 00:07:42.295 align:center
Sinabi rin ni Dr. Johnson
na may routine si Mickey Thompson.

00:07:42.795 --> 00:07:48.759 align:center
Tuwing alas-sais ng umaga,
umaalis sila sa bahay nila sa Bradbury

00:07:48.843 --> 00:07:52.638 align:center
at pupunta sa Anaheim Stadium,
kung nasaan 'yong opisina nila.

00:07:52.722 --> 00:07:56.601 align:center
Naka-van sila,
at karaniwang si Trudy 'yong nagda-drive.

00:07:56.684 --> 00:07:58.019 align:center
Iaatras niya.

00:07:58.102 --> 00:08:01.230 align:center
Ibababa niya 'yong pinto, sasakay,
at magda-drive papuntang trabaho.

00:08:02.106 --> 00:08:04.525 align:center
Alam nating
may dalawang lalaking naka-bike,

00:08:04.609 --> 00:08:08.029 align:center
na ipinagpapalagay nating
'yong bumaril, pero ano'ng pakay nila?

00:08:08.112 --> 00:08:09.572 align:center
Pwedeng pagnanakaw,

00:08:09.655 --> 00:08:14.410 align:center
pero no'ng tingnan ng mga detective
'yong van na minamaneho ni Trudy,

00:08:14.494 --> 00:08:18.080 align:center
puno 'to ng mamahaling alahas,

00:08:18.581 --> 00:08:22.877 align:center
at si Mickey,
may ilang libong dolyar siya sa pitaka.

00:08:22.960 --> 00:08:24.962 align:center
Di kinuha, di ginalaw.

00:08:25.046 --> 00:08:28.424 align:center
May mga bagay na pwedeng kunin
na nasa upuan, at di nila kinuha?

00:08:28.508 --> 00:08:29.926 align:center
Walang saysay 'yon.

00:08:32.845 --> 00:08:38.684 align:center
Tapos narinig ng kapitbahay
na tinatawag ni Mickey si Trudy,

00:08:38.768 --> 00:08:41.979 align:center
at una nilang hinabol si Trudy.

00:08:42.813 --> 00:08:45.691 align:center
Kung pagnanakaw 'to,
di nila uunahing patayin 'yong babae.

00:08:45.775 --> 00:08:48.069 align:center
Laging inuunang patayin 'yong lalaki.

00:08:48.152 --> 00:08:52.114 align:center
Malaking tao siya. Di makatwiran 'yon.

00:08:54.283 --> 00:08:56.327 align:center
Nakadapa si Trudy.

00:08:56.410 --> 00:08:59.080 align:center
May mga naputol na kuko.

00:09:00.248 --> 00:09:02.750 align:center
Parang nagmamaneho siya.

00:09:02.833 --> 00:09:05.044 align:center
Binaril siya mula sa bintana.

00:09:05.127 --> 00:09:07.797 align:center
Tingin ko tumatakas siya at di lumalaban.

00:09:09.757 --> 00:09:13.970 align:center
At si Mickey, nakaharap siya sa kanya.

00:09:15.012 --> 00:09:16.055 align:center
At talagang…

00:09:20.142 --> 00:09:21.310 align:center
nadurog 'yong puso ko.

00:09:22.853 --> 00:09:24.647 align:center
Napakalupit.

00:09:27.191 --> 00:09:30.486 align:center
Sinasabi ng lahat
na mahal ni Mickey si Trudy.

00:09:30.569 --> 00:09:32.613 align:center
Tapat siya sa kanya,

00:09:32.697 --> 00:09:35.116 align:center
at mahal na mahal niya ito.

00:09:35.700 --> 00:09:38.953 align:center
'Yong papa ko at si Trudy,
no'ng ikasal sila, malaking bagay 'yon.

00:09:39.453 --> 00:09:41.872 align:center
Maganda 'yong personalidad niya,
masayahin,

00:09:41.956 --> 00:09:44.041 align:center
at maganda 'yong relasyon nila.

00:09:44.542 --> 00:09:46.711 align:center
Maganda 'yong pagtutulungan nila
bilang team.

00:09:47.503 --> 00:09:51.716 align:center
Bagay na bagay sila
na para silang magandang chord.

00:09:51.799 --> 00:09:54.051 align:center
Magkaibang-magkaiba sila,

00:09:54.593 --> 00:09:58.347 align:center
pero gumana 'yon
sa kamangha-manghang paraan.

00:09:59.473 --> 00:10:03.102 align:center
Mahalagang bahagi ng buhay ko
'yong Tita Trudy ko.

00:10:04.437 --> 00:10:07.481 align:center
Malumanay, mabait, at mapagmahal si Trudy.

00:10:07.565 --> 00:10:11.027 align:center
Siya 'yong nagparamdam sa mga tao
na pinahahalagahan sila.

00:10:19.076 --> 00:10:21.370 align:center
Nasa labas 'yong buong crime scene,

00:10:21.454 --> 00:10:25.291 align:center
pero nagmasid ako at tiningnan
kung ano'ng wala sa lugar.

00:10:29.712 --> 00:10:33.382 align:center
Pumunta kami sa opisina
na nasa tabi ng garahe.

00:10:36.385 --> 00:10:41.223 align:center
At sa gilid ng mata ko,
may nakita akong tao sa loob,

00:10:41.807 --> 00:10:43.392 align:center
at napasigaw ako.

00:10:46.312 --> 00:10:49.482 align:center
Ngayon, siyempre,
pumasok 'yong mga deputy. Nando'n si Rey.

00:10:50.191 --> 00:10:56.822 align:center
At isa 'tong full-size mannequin
ni Mickey Thompson na naka-racing suit.

00:10:58.282 --> 00:11:00.242 align:center
Hiyang-hiya ako.

00:11:00.326 --> 00:11:03.329 align:center
Nagtatawanan kami, pero…

00:11:03.412 --> 00:11:07.041 align:center
Alam mo 'yon, masayang sandali 'yon.
Isa pang… kinakailangang masayang sandali.

00:11:07.124 --> 00:11:09.752 align:center
Kailangan mong pasayahin 'yong paligid o…
Ewan ko.

00:11:09.835 --> 00:11:13.047 align:center
Kailangan mong tumawa
para di ka maiyak. Kailangan.

00:11:13.130 --> 00:11:17.885 align:center
Tapos sasabihin mo, "Okay, trabaho ko 'to.
Kailangan kong bumalik do'n."

00:11:21.222 --> 00:11:22.890 align:center
Tinitingnan ko 'yong paligid,

00:11:22.973 --> 00:11:26.560 align:center
iniisip kung ano 'yong maibabahagi ko.

00:11:27.144 --> 00:11:31.357 align:center
Kinuhanan ko ng litrato 'yong driveway,
mga bakas ng sapatos sa putikan.

00:11:31.440 --> 00:11:34.360 align:center
May stun gun sa daan sa tabi ni Mickey.

00:11:34.860 --> 00:11:36.695 align:center
May mga basyo ng bala.

00:11:37.530 --> 00:11:42.535 align:center
Sa tabi ng pinto ng garahe,
may maliliit na puno ng orange.

00:11:42.618 --> 00:11:47.248 align:center
Pagtingin ko, nakita ko
'yong mga balat ng orange sa lupa.

00:11:48.165 --> 00:11:49.166 align:center
Hiniwa ang mga 'yon.

00:11:50.751 --> 00:11:51.752 align:center
At sariwa.

00:11:51.836 --> 00:11:55.589 align:center
Naaalala kong naisip ko,
"Nakaupo sila do'n

00:11:55.673 --> 00:11:58.968 align:center
at kumakain ng orange
habang naghihintay na pumatay ng mga tao."

00:11:59.051 --> 00:12:01.804 align:center
Ipinaalam lang nito sa 'kin

00:12:01.887 --> 00:12:05.808 align:center
na alam nila
kung saan sila dapat umupo at maghintay.

00:12:05.891 --> 00:12:08.269 align:center
Pagsasama-samahin mo ngayon 'to.

00:12:08.352 --> 00:12:11.272 align:center
Nag-aabang sila sa harap ng garahe.

00:12:11.355 --> 00:12:13.774 align:center
Oo, may stun gun.

00:12:13.858 --> 00:12:17.862 align:center
Ginamit ba 'yon kay Mickey?
Ginamit ba kay Trudy? Di kami sigurado.

00:12:17.945 --> 00:12:21.365 align:center
Pero malinaw na naro'n 'yon
para makontrol nila 'yong sitwasyon.

00:12:21.449 --> 00:12:24.493 align:center
Ten-speed na bike, mga baril…

00:12:26.328 --> 00:12:30.875 align:center
'Yong pagkakasunod ng pagpatay
na pinakamasakit para kay Mickey.

00:12:30.958 --> 00:12:33.711 align:center
Malamang planado 'to.

00:12:33.794 --> 00:12:35.045 align:center
Planado 'to.

00:12:41.719 --> 00:12:46.182 align:center
Dalawang lalaking Black
'yong pangunahing suspek natin.

00:12:47.016 --> 00:12:50.060 align:center
Inilarawan sila
na nasa 20 hanggang 30 taong gulang.

00:12:51.187 --> 00:12:55.900 align:center
May babaeng nagda-drive sa kalsada
malapit sa Bradbury Estates.

00:12:56.650 --> 00:13:00.654 align:center
Habang nagmamaneho siya,
biglang lumitaw sa tapat ng driveway

00:13:00.738 --> 00:13:03.574 align:center
'yong dalawang lalaking Black
na naka-bike.

00:13:03.657 --> 00:13:06.285 align:center
Parang wala silang kontrol.
Masyado silang mabilis.

00:13:06.368 --> 00:13:08.621 align:center
Nakita niya sila
kasi muntik niya silang mabangga,

00:13:08.704 --> 00:13:11.081 align:center
at bilang isang good citizen,
tumawag siya.

00:13:11.665 --> 00:13:14.877 align:center
Nagsabi siya sa sheriff's department,

00:13:14.960 --> 00:13:19.632 align:center
at kinonekta siya ng sheriff's department
sa forensic artist.

00:13:20.341 --> 00:13:23.302 align:center
Alam ng lahat ng mga opisyal
sa lahat ng nakapalibot na lugar,

00:13:23.385 --> 00:13:27.181 align:center
at naglagay kami ng mga traffic stop
sa mga pangunahing intersection.

00:13:27.264 --> 00:13:31.018 align:center
Namigay kami ng artist sketch
ng mga suspek.

00:13:32.478 --> 00:13:36.106 align:center
Umaasa ang mga homicide detective sa LA

00:13:36.190 --> 00:13:39.819 align:center
na may makakakita sa report ng pagpatay
sa racing legend na si Mickey Thompson

00:13:39.902 --> 00:13:41.529 align:center
at ang asawa niyang si Trudy

00:13:41.612 --> 00:13:44.156 align:center
at magbibigay ng impormasyon
tungkol sa dalawang 'to.

00:13:45.866 --> 00:13:47.701 align:center
'Yong media coverage, masyadong…

00:13:48.410 --> 00:13:51.455 align:center
Nakakalungkot man, ipapakita nila
sa 'yo 'to kada dalawang segundo.

00:13:51.539 --> 00:13:53.958 align:center
Ayon sa pulisya,
ilang beses binaril 'yong mag-asawa…

00:13:54.041 --> 00:13:57.294 align:center
Tumakas 'yong dalawang lalaki
gamit ang ten-speed na bike.

00:13:57.378 --> 00:14:00.756 align:center
Ang pinakamalaking tanong
na di pa nasasagot, "Bakit?"

00:14:00.839 --> 00:14:02.508 align:center
Nasa lahat ng istasyon 'to.

00:14:02.591 --> 00:14:06.846 align:center
Nasa lahat ng major network.
Kahit 'yong mga di major network naroon.

00:14:06.929 --> 00:14:08.639 align:center
Walang tigil 'yong media.

00:14:11.392 --> 00:14:17.273 align:center
Napakahirap makita 'to sa balita…

00:14:18.816 --> 00:14:22.403 align:center
may mga helicopter

00:14:23.904 --> 00:14:26.574 align:center
na nagpapakita ng litrato
kung nasaan 'yong katawan nila.

00:14:30.661 --> 00:14:34.290 align:center
At wala kang personal space para magluksa.

00:14:41.338 --> 00:14:44.925 align:center
Ngayon, isa sa mga dapat mong gawin
ay kilalanin 'yong biktima mo.

00:14:45.009 --> 00:14:48.137 align:center
Kailan sila napunta sa sitwasyon
na mabibiktima sila?

00:14:48.220 --> 00:14:49.138 align:center
Napakahalaga no'n.

00:14:49.930 --> 00:14:55.311 align:center
Pinapunta kami sa isang bahay
na di kalayuan sa crime screne

00:14:55.394 --> 00:14:57.521 align:center
kung saan nagtipon 'yong pamilya.

00:14:58.480 --> 00:15:01.358 align:center
Napakalungkot ng lahat, nasaktan.

00:15:02.359 --> 00:15:04.028 align:center
Kakausapin namin sila.

00:15:04.111 --> 00:15:06.155 align:center
Isa 'yon sa pinakamasamang parte
ng trabaho.

00:15:06.238 --> 00:15:08.324 align:center
Parang tulala ang lahat.

00:15:08.407 --> 00:15:10.868 align:center
Parang, "Nangyayari ba talaga 'to?"

00:15:12.703 --> 00:15:16.415 align:center
Isa lang ang sasabihin ko, pinatay nila
ang dalawang pinakamabuting tao sa mundo.

00:15:17.333 --> 00:15:21.045 align:center
Kasama sa pagtitipon 'yong kapatid,
na si Collene,

00:15:21.128 --> 00:15:24.131 align:center
at mahal na mahal niya
sina Mickey at Trudy.

00:15:24.214 --> 00:15:28.761 align:center
Si Danny, sinusubukan niyang magbigay
ng impormasyon sa abot ng makakaya niya,

00:15:28.844 --> 00:15:30.471 align:center
pero grabe 'yong lungkot niya.

00:15:30.554 --> 00:15:31.805 align:center
Nasasaktan siya.

00:15:32.306 --> 00:15:36.935 align:center
Sinabi ko sa mga imbestigador noong una,
"Di madaling makapasok dito."

00:15:37.937 --> 00:15:39.730 align:center
"Dapat may plano ka."

00:15:41.607 --> 00:15:44.151 align:center
"At dapat paghandaan 'to."

00:15:50.282 --> 00:15:54.870 align:center
Habang kinakausap namin 'yong pamilya,
may pakiramdam sila na,

00:15:54.954 --> 00:15:58.749 align:center
"Kung ginawa 'to,
si Mike Goodwin ang responsable."

00:16:00.709 --> 00:16:05.631 align:center
Pareho ng negosyo sina Mickey Thompson
at Mike Goodwin.

00:16:06.131 --> 00:16:10.803 align:center
Baja-style racing indoor ang dala
ni Mickey Thompson.

00:16:10.886 --> 00:16:13.639 align:center
Medyo ginaya 'to ni Mike Goodwin

00:16:13.722 --> 00:16:16.100 align:center
sa motorcross circuit.

00:16:16.183 --> 00:16:19.728 align:center
Naisip nilang dalawa
na makikinabang sila sa isang partnership.

00:16:20.729 --> 00:16:25.442 align:center
Matalino si Mike Goodwin,
napakalaking personalidad,

00:16:25.526 --> 00:16:28.320 align:center
may karisma, at sanay manalo.

00:16:28.404 --> 00:16:30.155 align:center
Nanalo siya sa lahat ng ginawa niya.

00:16:30.239 --> 00:16:33.867 align:center
Nag-focus sina Mickey at Trudy
sa mga kotse,

00:16:33.951 --> 00:16:37.079 align:center
at kasabay nito,
sinimulang i-promote ni Goodwin

00:16:37.162 --> 00:16:40.499 align:center
'yong motorcycle racing
sa parehong kondisyon.

00:16:41.333 --> 00:16:43.252 align:center
'Yong pagsamahin mo 'yong mga motorsiklo,

00:16:43.335 --> 00:16:46.422 align:center
mga motorcycle events kasama ng car event,

00:16:46.505 --> 00:16:47.923 align:center
may kabuluhan 'yon.

00:16:49.007 --> 00:16:50.426 align:center
Sikat na si Mickey Thompson.

00:16:50.509 --> 00:16:52.636 align:center
Pinagamit niya 'yong pangalan
at reputasyon niya

00:16:52.720 --> 00:16:54.722 align:center
sa event para mapuno 'yong stadium.

00:16:55.806 --> 00:16:58.642 align:center
Nakuha ng papa ko 'yong kontrata
sa Anaheim Stadium

00:16:58.726 --> 00:17:00.769 align:center
para sa off-road at supercross.

00:17:00.853 --> 00:17:03.856 align:center
Mukhang mabuting partner si Goodwin.

00:17:03.939 --> 00:17:07.818 align:center
Pero si Goodwin, matapos ang ilang events,
lumaki 'yong bill niya, di niya binayaran,

00:17:07.901 --> 00:17:10.738 align:center
at nasira 'yong relasyon niya
sa mga stadium

00:17:10.821 --> 00:17:12.948 align:center
dahil sa di pagbabayad
at pagiging si Goodwin.

00:17:13.031 --> 00:17:15.701 align:center
Nang tingnan namin 'yong background
ni Mike Goodwin,

00:17:15.784 --> 00:17:17.578 align:center
isa sa mga nalaman namin sa kanya,

00:17:17.661 --> 00:17:20.289 align:center
pag may pagkakataon siya,
sasamantalahin ka niya.

00:17:20.372 --> 00:17:22.624 align:center
Manloloko siya.

00:17:22.708 --> 00:17:24.084 align:center
Para kay Mickey,

00:17:24.168 --> 00:17:30.049 align:center
napakahalahaga ng integridad
at pagtiyak na naaalagaan ang lahat.

00:17:30.632 --> 00:17:33.761 align:center
Na-realize ni Mickey,

00:17:34.386 --> 00:17:37.139 align:center
"Di ko na ipapagamit 'yong pangalan ko
sa gano'n."

00:17:37.222 --> 00:17:40.142 align:center
Kaya tinapos ni Mickey 'yong partnership,

00:17:40.225 --> 00:17:45.314 align:center
at 'yon ang simula
ng mahabang labanang legal.

00:17:47.191 --> 00:17:48.567 align:center
Lahat ng laban sa korte.

00:17:48.650 --> 00:17:52.112 align:center
Laging nananalo 'yong papa ko,
at pabor sa kanya 'yong mga hatol.

00:17:52.196 --> 00:17:56.700 align:center
Nagsimulang magpalipat-lipat ng pera
si Goodwin, sinasabing bankrupt na siya,

00:17:56.784 --> 00:17:59.244 align:center
nilipat sa taong 'to, sa taong 'yon.

00:17:59.745 --> 00:18:04.458 align:center
No'ng huli kong nakita
sina Mickey at Trudy, may tumawag.

00:18:06.210 --> 00:18:08.587 align:center
Nilagay 'to ni Mickey sa speakerphone.

00:18:08.670 --> 00:18:11.882 align:center
Nakilala ko 'yong boses ni Goodwin,

00:18:12.382 --> 00:18:14.551 align:center
at sinasabi niyang,

00:18:15.260 --> 00:18:17.179 align:center
"Pagbabayarin kita."

00:18:17.262 --> 00:18:20.099 align:center
"Di mo alam kung gaano kalaki
ang mawawala sa 'yo."

00:18:20.766 --> 00:18:22.976 align:center
Seryoso 'yong tono ni Goodwin.

00:18:24.603 --> 00:18:26.772 align:center
Isa sa mga huling pag-uusap namin
ng papa ko,

00:18:26.855 --> 00:18:31.693 align:center
binalaan niya ako
na di na makontrol si Goodwin.

00:18:33.779 --> 00:18:37.116 align:center
Siyempre, kailangan naming ma-interview
si Mike Goodwin.

00:18:38.575 --> 00:18:40.953 align:center
Kaya pumunta kami sa law office nila.

00:18:41.453 --> 00:18:44.998 align:center
Pagpasok namin, nakatayo si Mike Goodwin
sa likod ng abogado niya.

00:18:45.082 --> 00:18:48.085 align:center
Sabi ng abogado niya, "Di kami papayag
na kausapin niya kayo."

00:18:48.168 --> 00:18:49.461 align:center
At tumayo siya do'n…

00:18:49.545 --> 00:18:51.922 align:center
Grabe, ginawa niya 'yong ritwal ng…

00:18:53.048 --> 00:18:54.049 align:center
Nakataas 'yong kamay.

00:18:57.261 --> 00:19:01.640 align:center
Tinuturo niya 'yong abogado niya.
Naisip ko, "Diyos ko, masusuka ako."

00:19:03.267 --> 00:19:09.439 align:center
Sabi ni Michael Goodwin sa abogado niya,
nasa gym siya alas-sais ng umagang 'yon,

00:19:09.523 --> 00:19:14.361 align:center
at may mga kausap siya.
Maraming magpapatunay na naroon siya.

00:19:14.444 --> 00:19:17.698 align:center
Nasa treadmill si Mike Goodwin
sa Orange County

00:19:17.781 --> 00:19:21.326 align:center
nang mapatay 'yong dalawang 'to
sa San Gabriel Valley.

00:19:22.327 --> 00:19:26.123 align:center
Kaya walang mag-uugnay kay Mike Goodwin
sa crime scene na 'yon.

00:19:27.791 --> 00:19:30.794 align:center
Walang direktang ebidensiya, walang baril,

00:19:30.878 --> 00:19:33.505 align:center
dahil walang nakatukoy
kung sino 'yong mga bumaril.

00:19:35.048 --> 00:19:38.927 align:center
At sandali lang pagkatapos no'n,
si Michael Goodwin at 'yong asawa niya,

00:19:39.011 --> 00:19:40.637 align:center
nawala na lang sila.

00:19:40.721 --> 00:19:46.226 align:center
At nang kontakin nila 'yong abogado
ni Michael Goodwin, sabi nila,

00:19:46.310 --> 00:19:51.356 align:center
"Ang alam lang namin, bumili sila
ng bangka, at umalis sila ng bansa."

00:19:51.440 --> 00:19:54.443 align:center
Di siya matanong, di siya maimbestigahan.

00:19:55.027 --> 00:19:58.906 align:center
Bawat imbestigador ng homicide
sa kasaysayan ng tao,

00:19:58.989 --> 00:20:01.074 align:center
may isa o dalawang kaso sila

00:20:01.158 --> 00:20:04.077 align:center
na di makuha 'yong huling ebidensiya.

00:20:04.161 --> 00:20:06.496 align:center
May mga kasong iisipin mo,

00:20:06.580 --> 00:20:09.458 align:center
"Diyos ko, di ako mapalagay do'n."

00:20:09.541 --> 00:20:12.336 align:center
Di deserve ni Mickey 'to.
Di deserve ni Trudy 'to.

00:20:12.419 --> 00:20:15.797 align:center
Tapos tumatakas 'tong si Mike Goodwin.

00:20:15.881 --> 00:20:19.051 align:center
Oo, sa tingin ko malaking dagok 'yon
sa mga detective na 'yon.

00:20:19.635 --> 00:20:23.680 align:center
Galit na galit silang lahat
na di nila 'to malutas.

00:20:24.348 --> 00:20:26.725 align:center
Gusto ng lahat na malutas 'yon.

00:20:27.351 --> 00:20:29.102 align:center
Di sila laging nalulutas.

00:20:43.700 --> 00:20:46.578 align:center
'Yong Cold Case Unit ng LA County
Sheriff's Department

00:20:46.662 --> 00:20:48.038 align:center
noon, meron silang

00:20:48.121 --> 00:20:52.918 align:center
anim na mas matanda, mature
at malapit nang magretirong detective.

00:20:53.502 --> 00:20:55.879 align:center
Isang mahusay na detective,
si John Yarbrough,

00:20:55.963 --> 00:21:00.217 align:center
sabi niya, "May napakalaking kaso ako
na di pa nalulutas,

00:21:00.300 --> 00:21:02.636 align:center
'yong pagpatay kina Mickey
at Trudy Thompson."

00:21:03.387 --> 00:21:06.932 align:center
"At gusto kong alamin mo
'yong tungkol sa kasong 'to

00:21:07.015 --> 00:21:11.687 align:center
dahil marami pang gagawin dito,
at matanda na ako. Magreretiro na ako."

00:21:11.770 --> 00:21:16.650 align:center
"Bata ka pa. Magiging madali para sa 'yo.
Maliit na bagay lang 'to sa 'yo, bata."

00:21:18.402 --> 00:21:21.446 align:center
Nagretiro siya noong 1994,

00:21:21.530 --> 00:21:23.615 align:center
at kami ng bago kong partner

00:21:23.699 --> 00:21:27.369 align:center
ang humawak sa kaso mula noon.

00:21:29.871 --> 00:21:32.291 align:center
Di ko pa narinig si Mickey Thompson
buong buhay ko

00:21:32.374 --> 00:21:34.584 align:center
hanggang sa ibigay sa 'kin 'yong kaso.

00:21:35.252 --> 00:21:37.129 align:center
High-profile case 'to,

00:21:37.212 --> 00:21:39.589 align:center
at nagsisimula pa lang ako sa career ko.

00:21:39.673 --> 00:21:41.925 align:center
Dalawang taon pa lang akong murder cop.

00:21:42.426 --> 00:21:44.970 align:center
Humingi ako ng payo kay Rey.
Nirerespeto ko siya.

00:21:45.053 --> 00:21:46.471 align:center
Maganda 'yong payo niya.

00:21:46.972 --> 00:21:50.350 align:center
"Isang paraan lang para malutas
ang malaking kaso, unti-untiin mo."

00:21:50.851 --> 00:21:53.520 align:center
Si Mark Lillienfield. Hanga ako sa kanya.

00:21:53.603 --> 00:21:56.898 align:center
Kung pinatay ako, gusto kong siya
'yong mag-imbestiga sa murder ko.

00:21:56.982 --> 00:22:01.361 align:center
May kakayahan siya, tibay ng loob,
talino, humor,

00:22:01.445 --> 00:22:07.451 align:center
at di siya hanga o nadadala ng hierarchy.

00:22:09.161 --> 00:22:11.663 align:center
Minsan magandang kuwestiyunin
'yong awtoridad.

00:22:11.747 --> 00:22:16.209 align:center
Kailangan mong isipin 'yong pangkalahatan,
maging bukas sa ibang ideya,

00:22:16.293 --> 00:22:20.589 align:center
pero wag balewalain
'yong ilang teoryang pwedeng lumabas.

00:22:20.672 --> 00:22:24.760 align:center
May nagalit ba sa ibang tao
sa dahilang maliban sa

00:22:24.843 --> 00:22:28.680 align:center
away sa negosyo
nina Michael Goodwin at Mickey Thompson?

00:22:29.181 --> 00:22:30.474 align:center
Dapat bukas ka do'n.

00:22:30.557 --> 00:22:33.935 align:center
Isa sa mga unang ginawa namin
ay nakipagkita ako kay Collene Campbell,

00:22:34.019 --> 00:22:36.688 align:center
'yong nakababatang kapatid
ni Mickey Thompson.

00:22:36.772 --> 00:22:40.525 align:center
Malakas ang dating ni Collene Campbell.

00:22:41.109 --> 00:22:42.778 align:center
Kahanga-hanga siya.

00:22:42.861 --> 00:22:45.822 align:center
Sinumang may pinatay, sa tingin ko,
maiintindihan 'to.

00:22:46.323 --> 00:22:50.369 align:center
May matinding galit sa dibdib mo,
at di mo 'to maalis,

00:22:50.452 --> 00:22:53.371 align:center
at binabalikan mo 'to gabi-gabi
sa bangungot mo.

00:22:58.377 --> 00:23:00.545 align:center
Una kong nakita si Collene sa bahay niya.

00:23:00.629 --> 00:23:03.006 align:center
Nagkasundo kami. Nagustuhan ko siya agad.

00:23:03.090 --> 00:23:04.508 align:center
May koneksiyon kami.

00:23:04.591 --> 00:23:07.928 align:center
At siyempre, pagkatapos ng apat na minuto
na nasa bahay nila,

00:23:08.011 --> 00:23:09.554 align:center
kailangan kong gumamit ng banyo.

00:23:09.638 --> 00:23:11.264 align:center
Habang naglalakad ako sa pasilyo,

00:23:11.348 --> 00:23:14.017 align:center
may nakita akong litrato ng binata
sa pader,

00:23:14.101 --> 00:23:15.894 align:center
at si Scott 'yon, 'yong anak niya.

00:23:19.523 --> 00:23:21.733 align:center
Noong 1982, naranasan ni Collene…

00:23:21.817 --> 00:23:23.568 align:center
'Yong pinakamasamang trahedyang

00:23:23.652 --> 00:23:25.946 align:center
mararanasan ng magulang
'yong mawalan ng anak.

00:23:26.696 --> 00:23:29.032 align:center
Maling tao 'yong mga sinamahan ni Scott.

00:23:31.076 --> 00:23:34.579 align:center
Pinatay siya, at itinapon mula sa eroplano
'yong katawan niya.

00:23:36.081 --> 00:23:38.208 align:center
Siya mismo 'yong nag-imbestiga dito.

00:23:38.291 --> 00:23:41.419 align:center
Dinala niya lahat, lahat ng impormasyon.

00:23:41.503 --> 00:23:44.631 align:center
Inilabas niya lahat ng nakatago.

00:23:44.714 --> 00:23:51.096 align:center
At malaking tulong siya para magkaro'n
ng prosecution.

00:23:52.431 --> 00:23:54.599 align:center
Alam mo, di siya tumitigil,
di siya sumusuko,

00:23:54.683 --> 00:23:56.768 align:center
at lagi niya 'tong tinatrabaho,

00:23:56.852 --> 00:24:01.231 align:center
at ginawa niya 'to
sa paraang di mo maiisip.

00:24:01.314 --> 00:24:06.445 align:center
Nahatulan si Larry Cowell
sa pagpatay sa anak ni Collene,

00:24:06.528 --> 00:24:09.823 align:center
at si Collene, paulit-ulit niyang sinabi,

00:24:09.906 --> 00:24:12.909 align:center
"Kailangan mong tingnan 'to
at alisin si Larry Cowell."

00:24:12.993 --> 00:24:16.121 align:center
Dahil lumabas na sa paglilitis
kay Larry Cowell

00:24:16.204 --> 00:24:18.665 align:center
at sa kasama niya sa pagpatay
kay Scott Campbell,

00:24:18.748 --> 00:24:20.834 align:center
tumestigo si Mickey Thompson.

00:24:21.751 --> 00:24:27.883 align:center
Malalim ang pagkakasangkot ni Larry Cowell
sa mundo ng droga

00:24:27.966 --> 00:24:31.470 align:center
dahil dealer siya,
pero mahilig din siya sa auto racing.

00:24:32.304 --> 00:24:35.056 align:center
At tumestigo si Mickey
bilang expert witness

00:24:35.140 --> 00:24:38.059 align:center
tungkol sa mga piyesa ng kotse
na nakita sa shop ni Larry Cowell.

00:24:40.228 --> 00:24:44.274 align:center
Natapos 'yong paglilitis
walo o sampung buwan bago

00:24:44.357 --> 00:24:46.860 align:center
mamatay sina Mickey at Trudy Thompson.

00:24:47.444 --> 00:24:50.322 align:center
Di pangkaraniwang may patayin
sa isang pamilya nang gano'n.

00:24:50.405 --> 00:24:52.365 align:center
Kaya naghanap kami ng koneksiyon.

00:24:53.033 --> 00:24:55.952 align:center
Binalikan namin lahat ng murder report
kay Scott Campbell.

00:24:56.036 --> 00:24:58.038 align:center
Kinausap namin
'yong orihinal na detective.

00:24:58.538 --> 00:25:00.415 align:center
Sineryoso namin 'to.

00:25:00.916 --> 00:25:05.128 align:center
Wala ni katiting na ebidensiya
na magpapahiwatig ng relasyon

00:25:05.212 --> 00:25:07.672 align:center
sa pagitan ng pagpatay
kina Mickey at Trudy Thompson

00:25:07.756 --> 00:25:10.258 align:center
at pagpatay sa pamangkin ni Mickey
na si Scott Campbell

00:25:10.342 --> 00:25:16.973 align:center
maliban sa winasak nila ang isang maganda,
malaki, at mapagmahal na pamilya.

00:25:20.435 --> 00:25:23.438 align:center
Bumalik talaga kami sa umpisa
ng partner ko.

00:25:24.523 --> 00:25:26.983 align:center
May mga naisip kaming mga teorya, ideya.

00:25:27.067 --> 00:25:30.779 align:center
Lahat 'yon natanggal.
'Yong isang bagay na di pa natatanggal,

00:25:30.862 --> 00:25:33.240 align:center
'yong katotohanang may binayaran
para pumatay,

00:25:33.323 --> 00:25:35.533 align:center
at binayaran sila
ni Michael Frank Goodwin.

00:25:41.081 --> 00:25:44.209 align:center
Nang pinatay si Mickey Thompson,
nang pinatay si Trudy Thompson,

00:25:44.292 --> 00:25:46.211 align:center
kung walang kinalaman si Mike Goodwin,

00:25:46.294 --> 00:25:48.797 align:center
aasahan mong mamumuhay siya nang normal,

00:25:48.880 --> 00:25:52.384 align:center
ginagawa 'yong ginagawa niya,
walang binabago.

00:25:52.467 --> 00:25:55.637 align:center
Pero ano'ng ginawa ni Mike Goodwin
matapos mamatay si Mickey?

00:25:56.763 --> 00:26:00.058 align:center
Binenta ni Michael Goodwin
at ng asawa niya 'yong bahay nila,

00:26:00.141 --> 00:26:04.229 align:center
at kinuha nila lahat ng ari-arian nila,

00:26:04.312 --> 00:26:08.984 align:center
at inilagay sa isang bangko sa Caribbean.

00:26:09.067 --> 00:26:12.904 align:center
Walumpu't walong araw matapos ang pagpatay
umalis siya sa bansa sakay ng bangka

00:26:12.988 --> 00:26:14.823 align:center
na nakuha niya sa panloloko.

00:26:17.367 --> 00:26:22.205 align:center
Noong 1993, kinasuhan ng fraud
si Mike Goodwin

00:26:22.289 --> 00:26:24.666 align:center
pagbalik niya sa United States.

00:26:24.749 --> 00:26:28.378 align:center
Napatunayang nagkasala siya at nakulong.

00:26:29.504 --> 00:26:33.466 align:center
Nasentensiyahan siya
ng dalawa't kalahating taon.

00:26:36.136 --> 00:26:37.971 align:center
Di magsasalita si Mike Goodwin.

00:26:38.054 --> 00:26:41.224 align:center
Di siya nakipag-usap sa pulis,
pero binantayan 'yong mga tawag niya.

00:26:42.100 --> 00:26:42.934 align:center
Kasabay nito,

00:26:43.018 --> 00:26:46.229 align:center
lahat ng na-interview
ng mga orihinal na detective,

00:26:46.313 --> 00:26:48.940 align:center
binalikan namin ng partner ko
at kinausap namin sila ulit.

00:26:49.691 --> 00:26:54.446 align:center
Sa pakikipag-usap kay Dr. Lance Johnson,
na isang earwitness sa pag-atake,

00:26:54.529 --> 00:26:57.490 align:center
sabi niya "'Yong best friend ng anak ko,
si Allison Triarsi,

00:26:57.574 --> 00:26:59.326 align:center
nakatira sa tapat ni Mickey Thompson."

00:26:59.409 --> 00:27:00.660 align:center
"Nakita niya lahat."

00:27:00.744 --> 00:27:05.957 align:center
At di siya sigurado kung nakausap
ng mga pulis si Allison Triarsi.

00:27:06.041 --> 00:27:10.086 align:center
Lumalabas sa pagsusuri sa records,
di siya kinausap ng mga pulis.

00:27:10.670 --> 00:27:11.838 align:center
Di nila siya nakaligtaan.

00:27:11.921 --> 00:27:15.634 align:center
Sa oras ng pagpatay, ang 15 taong gulang
na batang si Allison Triarsi,

00:27:15.717 --> 00:27:18.345 align:center
itinago siya ng mga magulang niya

00:27:18.428 --> 00:27:21.056 align:center
dahil sa psychological trauma niya.

00:27:21.139 --> 00:27:23.350 align:center
Naiintindihan ko. Kung may mga anak ako…

00:27:23.433 --> 00:27:26.478 align:center
Kung eyewitness 'yong aso ko,
itatago ko siya.

00:27:26.561 --> 00:27:28.897 align:center
Di ko rin ipapakausap sa pulis
'yong aso ko.

00:27:30.398 --> 00:27:32.859 align:center
Malaki na ngayon si Allison Triarsi,

00:27:32.942 --> 00:27:34.944 align:center
kaya nahanap namin siya.

00:27:36.196 --> 00:27:39.532 align:center
Sabi ni Allison sa 'min,
naghahanda na siyang pumasok sa school,

00:27:40.033 --> 00:27:43.203 align:center
at narinig niya 'yong napakatinis na sigaw

00:27:43.286 --> 00:27:47.957 align:center
habang patakbo siya sa bintana ng sala
na nakadungaw sa Thompson estate.

00:27:50.293 --> 00:27:53.254 align:center
Nakita ni Allison

00:27:53.755 --> 00:27:57.008 align:center
si Trudy Thompson
na gumagapang sa driveway.

00:27:57.592 --> 00:28:00.637 align:center
Nakaluhod si Mickey Thompson
na nakataas 'yong mga kamay,

00:28:00.720 --> 00:28:04.182 align:center
nagmamakaawa, "Wag mong patayin
'yong asawa ko."

00:28:04.265 --> 00:28:06.559 align:center
Nagmakaawa siya para sa buhay ni Trudy.

00:28:07.769 --> 00:28:09.562 align:center
Pagdating ni Trudy sa dulo ng driveway,

00:28:09.646 --> 00:28:12.899 align:center
kinalabit ng suspek 'yong gatilyo
at binaril sa ulo si Trudy.

00:28:14.359 --> 00:28:18.947 align:center
Pinanood ni Allison 'yong suspek ding 'yon
na umakyat, binaril at pinatay si Mickey.

00:28:20.407 --> 00:28:22.742 align:center
Nailarawan agad ni Allison

00:28:22.826 --> 00:28:27.080 align:center
na dalawang lalaking African-American
'yong tumakas gamit ang ten-speed na bike.

00:28:29.040 --> 00:28:31.876 align:center
Gusto nilang makita ni Mickey
na magdusa si Trudy,

00:28:32.836 --> 00:28:34.754 align:center
para maintindihan niya

00:28:34.838 --> 00:28:38.133 align:center
na huling makikita niya sa mundong ito

00:28:39.050 --> 00:28:42.011 align:center
'yong pagpatay sa pinakamamahal niya.

00:28:43.638 --> 00:28:45.181 align:center
Mahal na mahal niya ito.

00:28:45.682 --> 00:28:47.767 align:center
Gano'n siyang tao.

00:28:48.268 --> 00:28:52.230 align:center
'Yong ilagay niya 'yong sarili niya
sa kapahamakan para protektahan siya,

00:28:52.939 --> 00:28:54.566 align:center
di na nakakagulat.

00:28:55.650 --> 00:28:58.570 align:center
Pinlanong pahirapan 'yong papa ko.

00:29:01.281 --> 00:29:02.115 align:center
Malinaw 'yon.

00:29:02.699 --> 00:29:04.033 align:center
At gano'n nga 'yong nangyari.

00:29:11.416 --> 00:29:14.127 align:center
Sa narinig na version ni Allison
sa nangyari,

00:29:14.210 --> 00:29:18.173 align:center
kinumpirma nito

00:29:18.256 --> 00:29:20.759 align:center
'yong pinaniniwalaan na namin.

00:29:21.259 --> 00:29:24.137 align:center
Siya lang ang buhay na eyewitness

00:29:24.220 --> 00:29:28.558 align:center
na nakapaglarawan sa aktuwal na pamamaril
sa parehong biktima.

00:29:28.641 --> 00:29:30.101 align:center
Kritikal siya.

00:29:30.185 --> 00:29:34.063 align:center
Iba 'yong marinig mo 'yong tungkol dito.
Iba 'yong makita mo talaga 'to.

00:29:34.647 --> 00:29:38.109 align:center
Isa lang ang dahilan para patayin
ang dalawang 'to sa ganitong paraan,

00:29:38.193 --> 00:29:40.820 align:center
at 'yon ay puro
at walang halong paghihiganti.

00:29:41.404 --> 00:29:43.323 align:center
Pero kailangan pa ng ebidensiya

00:29:43.406 --> 00:29:48.119 align:center
para maiugnay si Mike Goodwin
sa mga pagpatay.

00:29:51.623 --> 00:29:54.167 align:center
Nakalaya si Mike Goodwin.

00:29:54.250 --> 00:29:57.337 align:center
Lumipad siya papuntang Orange County,
Santa Ana airport.

00:29:57.420 --> 00:30:00.381 align:center
Paglapag ng eroplano,
ipina-hold ko 'yong bagahe niya

00:30:00.465 --> 00:30:02.801 align:center
para kunwari "nawawala" 'to.

00:30:02.884 --> 00:30:07.055 align:center
Nagkunwari akong pasahero sa eroplano,

00:30:07.138 --> 00:30:09.432 align:center
at pareho kaming inis na hinihintay
'yong bagahe.

00:30:09.516 --> 00:30:10.642 align:center
Wala siyang alam.

00:30:11.476 --> 00:30:14.729 align:center
May tape recorder ako
kasi gusto kong i-record 'yong boses niya,

00:30:14.812 --> 00:30:17.482 align:center
kasi alam kong darating 'yong punto

00:30:17.565 --> 00:30:21.194 align:center
na susubukan kong i-wiretap
'yong mga telepono niya,

00:30:21.277 --> 00:30:23.238 align:center
kaya gusto kong malaman 'yong boses niya.

00:30:23.321 --> 00:30:26.032 align:center
'Yon talaga 'yong layunin ko,

00:30:26.741 --> 00:30:29.536 align:center
at pangalawa, para lang makilala ko siya.

00:30:30.036 --> 00:30:32.497 align:center
Gaya ng pagkilala
sa mga biktima ng pagpatay,

00:30:32.580 --> 00:30:36.668 align:center
mas marami kang alam tungkol sa suspek mo,
mas mahahanap mo 'yong kahinaan nila

00:30:36.751 --> 00:30:38.837 align:center
at samantalahin 'yon para sa advantage mo.

00:30:38.920 --> 00:30:41.464 align:center
Sa loob ng 40 minuto sa airport,

00:30:41.548 --> 00:30:45.176 align:center
walang tigil si Mike Goodwin,
at puro kalokohan 'yong sinasabi niya.

00:30:45.260 --> 00:30:49.389 align:center
Sabi niya, siya 'yong pinakabatang
Eagle Scout sa kasaysayan. Kalokohan.

00:30:49.472 --> 00:30:52.934 align:center
Sabi ni Mike Goodwin, natikman na niya
lahat ng Playboy Bunny. Kalokohan.

00:30:53.017 --> 00:30:57.981 align:center
Sabi niya, siya 'yong Golden Gloves
Champion ng Pensacola, Florida. Kalokohan.

00:30:58.064 --> 00:31:00.650 align:center
Puro kalokohan,
walang kuwentang kasinungalingan

00:31:00.733 --> 00:31:04.153 align:center
na walang halaga,
pero nagpapakita ng pattern ng pag-uugali.

00:31:04.237 --> 00:31:07.824 align:center
Di niya kayang magsabi ng totoo.
Kasinungalingan 'yong buong buhay niya.

00:31:15.039 --> 00:31:18.209 align:center
Noong una, tahimik.
Wala talagang nangyayari.

00:31:18.293 --> 00:31:21.713 align:center
Kahit gusto ko si Lillienfield,
wala siyang sinabi sa 'kin.

00:31:21.796 --> 00:31:23.631 align:center
Pero di kasi pwede. Di 'yon…

00:31:23.715 --> 00:31:28.386 align:center
Di niya trabaho na ipagsabi lahat.
Trabaho niya, mag-imbestiga, alamin 'to.

00:31:30.096 --> 00:31:36.269 align:center
Matapos ang maraming taon sa pagpatay
kay Mickey Thompson, kay Trudy Thompson,

00:31:36.352 --> 00:31:38.730 align:center
kailangan mong tingnan 'to
sa ibang paraan.

00:31:38.813 --> 00:31:42.817 align:center
Di hawak ng media 'yong Homicide Bureau
ng Sheriff's Department,

00:31:42.900 --> 00:31:47.697 align:center
pero ginamit ko na 'yong palabas sa TV
na America's Most Wanted dati

00:31:47.780 --> 00:31:52.535 align:center
sa ibang murder case,
at nakakuha kami ng magagandang clue.

00:31:53.453 --> 00:31:57.540 align:center
Gusto kong kilalanin 'yong mga bumaril.
Interesado pa rin sila.

00:32:01.586 --> 00:32:03.713 align:center
Nakatanggap kami ng ilang daang tawag,

00:32:03.796 --> 00:32:06.549 align:center
at 'yong ilan sa mga 'yon
mga walang kuwentang tawag,

00:32:06.633 --> 00:32:09.802 align:center
'yong mga tumatawag tungkol sa alien,
o si John Wayne 'yong gumawa,

00:32:09.886 --> 00:32:11.471 align:center
pero may ilan na may halaga.

00:32:13.139 --> 00:32:15.266 align:center
'Yong nakakatuwa kay Mark,

00:32:16.267 --> 00:32:19.395 align:center
hahanapin niya 'yong maliliit na bagay

00:32:19.479 --> 00:32:23.816 align:center
at hahanap siya ng paraan
para makakuha ng impormasyon.

00:32:23.900 --> 00:32:28.279 align:center
Sa kasong ito, nakahanap siya ng babaeng
ginawan ng mali ni Goodwin.

00:32:29.280 --> 00:32:31.366 align:center
Nakatanggap kami ng tawag sa tip line.

00:32:31.449 --> 00:32:34.953 align:center
Nagkaroon ng maikling relasyon kay Goodwin
ang babaeng 'to.

00:32:35.036 --> 00:32:37.830 align:center
Sinabi niya sa 'min sa telepono
na nanonood sila

00:32:37.914 --> 00:32:40.875 align:center
ni Mike Goodwin ng show
tungkol sa pagpatay kay Mickey Thompson,

00:32:40.958 --> 00:32:43.211 align:center
at umamin si Mike sa kanya

00:32:43.294 --> 00:32:47.256 align:center
na siya ang responsable sa pag-areglo
sa mga pagpatay.

00:32:47.340 --> 00:32:50.218 align:center
Ipinagyayabang niya na di siya mahuhuli

00:32:50.301 --> 00:32:51.427 align:center
kasi napakatalino niya.

00:32:52.929 --> 00:32:54.973 align:center
Kaya mahusay siyang witness,

00:32:55.056 --> 00:32:57.809 align:center
pero isang bahagi lang 'to
ng malaking puzzle

00:32:57.892 --> 00:33:01.437 align:center
na umamin si Mike Goodwin
sa mga naging babae niya

00:33:01.521 --> 00:33:05.233 align:center
at di natin alam kung ilang babae pa
ang nagtataglay ng sekretong 'yon.

00:33:06.943 --> 00:33:11.823 align:center
Hiniling sa 'kin ni Mark,
"Gusto kong pangunahan mo 'to."

00:33:11.906 --> 00:33:16.536 align:center
"Pumunta ka sa Virginia para i-monitor
'yong dating asawa ni Goodwin."

00:33:16.619 --> 00:33:20.832 align:center
May asawa si Mike Goodwin no'ng pinatay
sina Mickey at Trudy Thompson,

00:33:20.915 --> 00:33:24.794 align:center
pero kalaunan,
naghiwalay sila ng asawa niya.

00:33:26.004 --> 00:33:28.548 align:center
Nakalaya si Mike Goodwin

00:33:28.631 --> 00:33:32.427 align:center
halos kasabay ng pagtira
ng dati niyang asawang si Diana Goodwin

00:33:32.510 --> 00:33:36.222 align:center
sa mga magulang niya
sa Virginia Beach, Virginia.

00:33:36.305 --> 00:33:39.517 align:center
Nag-apply kami at nabigyan ng permiso
na magsagawa ng wire intercept

00:33:39.600 --> 00:33:42.395 align:center
sa Virginia sa telepono sa bahay
ni Diane Goodwin

00:33:42.478 --> 00:33:44.105 align:center
at sa business telephone niya.

00:33:45.940 --> 00:33:47.650 align:center
Sa undercover operations,

00:33:47.734 --> 00:33:51.195 align:center
minsan gusto naming hikayatin
'yong mga tao na pag-usapan 'yong krimen.

00:33:53.281 --> 00:33:58.244 align:center
Isa sa mga paraan, at karaniwan 'to,
'yong pagtawag sa tao.

00:33:58.327 --> 00:34:01.956 align:center
"Si Detective Mark Lillienfield 'to
ng Los Angeles County Sheriff's Homicide."

00:34:02.040 --> 00:34:05.043 align:center
"Gusto kong kausapin ka
tungkol sa dati mong asawa."

00:34:05.543 --> 00:34:09.130 align:center
Wala akong pakialam kung kausapin niya ako
o murahin niya ako,

00:34:09.213 --> 00:34:12.800 align:center
at 'yon nga ang ginawa niya,
ang gusto ko lang, mapaisip siya.

00:34:14.010 --> 00:34:17.930 align:center
Nang makatanggap siya ng mga tawag
mula kay Mark Lillienfield,

00:34:18.014 --> 00:34:24.187 align:center
nando'n kami para bantayan siya
gamit ang iba-ibang surveillance tactics,

00:34:24.270 --> 00:34:28.483 align:center
at tingnan 'yong gagawin niya,
para makakuha ng mas maraming ebidensiya.

00:34:28.983 --> 00:34:31.986 align:center
'Yong isang tawag na pinakinggan namin,

00:34:32.069 --> 00:34:36.324 align:center
inamin niya na umamin sa kanya si Mike

00:34:36.407 --> 00:34:38.618 align:center
na responsable siya sa pagpatay
sa mga Thompson.

00:34:38.701 --> 00:34:41.245 align:center
May dalawa na tayong magkaibang tao
sa magkaibang estado

00:34:41.329 --> 00:34:43.706 align:center
sa dalawang magkaibang oras
na iisa ang pahayag,

00:34:43.790 --> 00:34:48.169 align:center
na inamin ni Michael Goodwin na siya'ng
nagpapatay kay Mickey at Trudy Thompson.

00:34:48.252 --> 00:34:50.755 align:center
Good item 'yon,
isang legal term sa mundo ko.

00:34:54.675 --> 00:34:58.596 align:center
Circumstantial lahat sa kasong 'to

00:34:58.679 --> 00:35:02.350 align:center
sa pag-uugnay kay Mike Goodwin
sa mga pagpatay.

00:35:02.934 --> 00:35:07.980 align:center
Nagbago 'yon nang lumabas
'yong mga bagong witness.

00:35:08.064 --> 00:35:13.486 align:center
May tumawag sa America's Most Wanted,
isang lalaking accountant, at sinabi nila,

00:35:13.569 --> 00:35:17.490 align:center
"May kliyente ako,
at may nakita siyang kahina-hinala

00:35:17.573 --> 00:35:19.408 align:center
ilang araw bago 'yong pagpatay."

00:35:19.492 --> 00:35:21.536 align:center
"Ilang beses na siyang tumawag ng pulis,

00:35:21.619 --> 00:35:23.037 align:center
pero lagi siyang binabalewala."

00:35:23.121 --> 00:35:24.914 align:center
Ron Stevens ang pangalan niya.

00:35:24.997 --> 00:35:27.792 align:center
Sabi niya,
"Di ko kilala si Mickey Thompson."

00:35:27.875 --> 00:35:31.879 align:center
"Di ko pa siya nakita, pero nakatira ako
tatlong block mula sa bahay niya."

00:35:31.963 --> 00:35:34.465 align:center
Sinabi pa ni Ron, "Umuwi ako nang maaga,

00:35:34.549 --> 00:35:37.468 align:center
at lumabas 'yong asawa ko
para batiin ako sa driveway."

00:35:37.552 --> 00:35:39.387 align:center
"Sabi niya, 'Mabuti nakauwi ka na.'"

00:35:39.470 --> 00:35:41.848 align:center
"'May kahina-hinalang kotseng
nakaparada sa kalye.'"

00:35:41.931 --> 00:35:44.183 align:center
"'May dalawang lalaki,
at may binoculars sila,

00:35:44.267 --> 00:35:45.643 align:center
tingin ko may nangyayari.'"

00:35:45.726 --> 00:35:49.981 align:center
"'May grade school banda do'n.
Baka mga pedophile o kidnapper.'"

00:35:50.064 --> 00:35:55.736 align:center
At naglakad si Ron Stevens papunta
sa kung saan nakaparada 'yong kotse,

00:35:55.820 --> 00:35:58.322 align:center
at kita niya 'yong gilid ng driver.

00:35:58.406 --> 00:36:00.283 align:center
White 'yong driver. Black 'yong pasahero.

00:36:00.366 --> 00:36:04.328 align:center
No'ng malapit na si Ron Stevens sa driver,
umalis sila.

00:36:04.412 --> 00:36:06.956 align:center
Nagmamadali silang umalis.

00:36:07.039 --> 00:36:08.791 align:center
Inisip ni Ron, "Grabe, kakaiba 'yon."

00:36:08.875 --> 00:36:10.960 align:center
Tumawag siya sa LA County
Sheriff's Department.

00:36:11.043 --> 00:36:13.629 align:center
Nakakalungkot, di kami nagpapunta
ng patrol.

00:36:13.713 --> 00:36:15.756 align:center
Kaya kasalanan namin 'yon.

00:36:18.176 --> 00:36:21.971 align:center
Apat na araw 'to bago 'yong pagpatay
kina Mickey at Trudy Thompson.

00:36:22.054 --> 00:36:24.348 align:center
No'ng inilarawan niya 'yong driver,

00:36:24.432 --> 00:36:26.601 align:center
halos eksaktong si Michael Goodwin 'yon.

00:36:29.103 --> 00:36:30.646 align:center
Si Mike Goodwin kaya 'to?

00:36:30.730 --> 00:36:33.858 align:center
Nandoon kaya siya at nagmamasid sa lugar

00:36:33.941 --> 00:36:37.320 align:center
para maisagawa 'yong plano
na patayin sila?

00:36:37.403 --> 00:36:42.325 align:center
Kaya ngayon dapat magkaro'n ng lineup

00:36:42.408 --> 00:36:46.704 align:center
para malaman kung talagang makikilala
ng witness si Goodwin.

00:36:47.205 --> 00:36:49.457 align:center
'Yon ang problema. Paano mo gagawin 'yon?

00:36:49.540 --> 00:36:52.627 align:center
Kung nasa kustodya 'yong tao, magagawa mo.

00:36:53.252 --> 00:36:58.007 align:center
Kaya 'yong ideya, "Arestuhin natin siya
gamit 'yong Ramey warrant."

00:36:58.090 --> 00:37:02.345 align:center
Ramey ang term na ginagamit sa California
para sa probable cause arrest warrant,

00:37:02.428 --> 00:37:05.264 align:center
kung saan dadalhin namin
'yong warrant sa judge.

00:37:05.348 --> 00:37:07.391 align:center
Pipirmahan niya.
Walang alam 'yong prosecutor.

00:37:08.184 --> 00:37:12.021 align:center
Gumawa ako ng arrest warrant
para kay Mike Goodwin. Lintik siya.

00:37:16.317 --> 00:37:20.529 align:center
Mr. Goodwin, nandito ka kasi tumanggi kang
mag-volunteer sa lineup.

00:37:20.613 --> 00:37:22.490 align:center
Tingin mo, naging mas madali sana

00:37:22.573 --> 00:37:25.159 align:center
kung nag-volunteer ka sa lineup
kaysa gawin 'to?

00:37:25.243 --> 00:37:29.121 align:center
Hindi, sa tingin ko kailangang hamunin
'yong maling gawain ng gobyerno.

00:37:29.205 --> 00:37:32.833 align:center
Pero tatanungin kita,
kung gumawa ako ng krimen,

00:37:32.917 --> 00:37:36.003 align:center
tanga ba ako para pumunta
sa pinangyarihan ng krimen?

00:37:36.629 --> 00:37:39.298 align:center
Ibig kong sabihin, di ito kapani-paniwala.

00:37:39.382 --> 00:37:40.716 align:center
Inayos ko 'yong live lineup

00:37:40.800 --> 00:37:44.428 align:center
sa Men's Central Jail
kasama si Ron Stevens at 'yong asawa niya.

00:37:45.596 --> 00:37:47.223 align:center
Pinakita namin 'yong lineup.

00:37:49.642 --> 00:37:51.727 align:center
Pareho nilang kinilala
si Michael Frank Goodwin

00:37:51.811 --> 00:37:54.730 align:center
bilang 'yong lalaking nasa kotse
kasama ng isang African-American

00:37:54.814 --> 00:37:57.984 align:center
tatlong block mula kina Mickey Thompson
apat na araw bago ang pagpatay.

00:37:58.067 --> 00:38:00.945 align:center
Rebelasyon 'yong mailagay siya malapit

00:38:01.028 --> 00:38:03.030 align:center
o sa mismong crime scene,
malaking bagay 'to.

00:38:03.614 --> 00:38:06.909 align:center
Nahuli na namin siya,
at kinasuhan siya ng pagpatay.

00:38:06.993 --> 00:38:09.453 align:center
Kalokohan at setup lahat ng 'to,

00:38:09.537 --> 00:38:12.540 align:center
at halimbawa no'n
'yong pagtrato sa 'kin sa kulungan.

00:38:13.833 --> 00:38:15.501 align:center
-'Yon lang. Salamat.
-Bible 'to.

00:38:15.584 --> 00:38:16.794 align:center
Thank you.

00:38:23.634 --> 00:38:25.928 align:center
Tumingala ako,
at kinausap si Mickey tungkol sa…

00:38:26.012 --> 00:38:29.807 align:center
Sabi ko, "Tingin mo napagdaanan mo na
'yong ilang endurance race sa buhay mo."

00:38:29.890 --> 00:38:31.225 align:center
"Sasabihin ko sa 'yo."

00:38:31.726 --> 00:38:36.022 align:center
"Kakatapos lang namin sa 13 taon
at siyam na buwang endurance race."

00:38:36.105 --> 00:38:39.734 align:center
"At mahirap 'to, pero ginawa ko
'yong itinuro mo sa 'kin."

00:38:40.317 --> 00:38:41.652 align:center
"Wag na wag susuko."

00:38:42.445 --> 00:38:44.739 align:center
Naaalala ko no'ng naaresto siya.

00:38:44.822 --> 00:38:46.115 align:center
Puno ng pag-asa 'yon.

00:38:46.699 --> 00:38:48.534 align:center
Pero di pa tapos.

00:38:48.617 --> 00:38:51.620 align:center
Tinawag ni Goodwin 'yong kaso
na "character assassination."

00:38:51.704 --> 00:38:54.457 align:center
Alam natin kung gaano kagago si Goodwin…

00:38:54.540 --> 00:38:56.792 align:center
Malulusutan kaya niya 'to?

00:38:58.753 --> 00:39:03.299 align:center
Napakatindi ng galit ni Mike Goodwin
sa 'kin matapos ko siyang arestuhin.

00:39:03.382 --> 00:39:05.843 align:center
Do'n nagsimula 'yong mga banta at lahat.

00:39:06.427 --> 00:39:07.803 align:center
May mga tauhan siya,

00:39:07.887 --> 00:39:12.266 align:center
at tuluy-tuloy, walang katapusan 'yon.

00:39:12.350 --> 00:39:16.395 align:center
Nagsimulang makatanggap
si Mark Lillienfield ng mga banta.

00:39:17.146 --> 00:39:20.691 align:center
Mga banta sa buhay niya, mga death threat,
pero para kay Mark,

00:39:20.775 --> 00:39:23.194 align:center
"May trabaho ako. Di ako mapipigil."

00:39:23.778 --> 00:39:27.698 align:center
Isa si Mark sa mga taong natutong
iwasan 'yong mga suntok na dumarating

00:39:27.782 --> 00:39:29.867 align:center
at ako naman 'yong tangang boksingero

00:39:29.950 --> 00:39:34.663 align:center
na nakatayo at tinatanggap bawat suntok
para ipakita sa lahat na matatag ka.

00:39:35.623 --> 00:39:38.459 align:center
Para tumagal ka gaya ni Mark,
dapat kagaya mo si Mark,

00:39:38.542 --> 00:39:41.629 align:center
na di ka magpapa-apekto sa mga bagay.

00:39:45.383 --> 00:39:49.428 align:center
Matapos kong makita 'yong gagawin
ng mga ito, nag-aalala ako sa kahit ano.

00:39:49.512 --> 00:39:50.721 align:center
Gagawa sila ng ebidensiya.

00:39:52.056 --> 00:39:56.227 align:center
Ayaw madamay ng opisina ng DA
kung mahina 'yong kaso.

00:39:56.727 --> 00:40:00.189 align:center
Kung di mo maiaayos lahat, di ka susugal,

00:40:00.272 --> 00:40:02.691 align:center
lalo na sa publicity case na gaya nito.

00:40:03.859 --> 00:40:07.279 align:center
Nakilala ko si Ron Bowers.
Deputy district attorney siya.

00:40:07.363 --> 00:40:09.198 align:center
Nagretiro na siya no'n,

00:40:09.281 --> 00:40:11.951 align:center
at kinuha siya ulit
sa Trial Support Division nila.

00:40:12.034 --> 00:40:16.413 align:center
'Yong dalawang prosecutor,
sina Alan Jackson at Pat Dixon,

00:40:16.497 --> 00:40:21.502 align:center
humingi sila ng tulong kay Ron
para ihanda lahat ng court exhibit

00:40:21.585 --> 00:40:24.255 align:center
at tumulong na ayusin 'yong kaso.
Napakalaking kaso nito.

00:40:24.338 --> 00:40:27.174 align:center
Sabi ko, "Handa akong tingnan 'to,

00:40:27.258 --> 00:40:30.594 align:center
pero kailangan ko 'yong case files."

00:40:30.678 --> 00:40:34.306 align:center
At sabi ni Mark,
"Sige, kami na ang bahala."

00:40:35.516 --> 00:40:39.728 align:center
Kinabukasan, pumasok ako sa trabaho,
halos di ako makapasok sa opisina ko.

00:40:39.812 --> 00:40:43.065 align:center
Puno ito ng mga kahon.

00:40:43.566 --> 00:40:48.070 align:center
At nakasulat sa dilaw papel,
isinulat ni Mark,

00:40:48.154 --> 00:40:50.823 align:center
"Ron, ito 'yong mga kahon na hiniling mo."

00:40:50.906 --> 00:40:54.285 align:center
"Ayusin mo 'yong kaso, at gawin mo agad."

00:40:56.620 --> 00:40:59.123 align:center
Mahalaga si Ron Bowers sa pagbuo

00:40:59.206 --> 00:41:02.209 align:center
ng blueprint presentation
para malitis 'yong kaso.

00:41:04.336 --> 00:41:06.464 align:center
Magaling si Ron doon.

00:41:07.173 --> 00:41:11.010 align:center
Binuo ko 'yong presentation,
ipinakita ko sa district attorney,

00:41:11.093 --> 00:41:14.972 align:center
at sinabi ng district attorney,
"Okay, ifa-file natin 'to."

00:41:15.556 --> 00:41:22.021 align:center
'Yon ang simula ng paghahanda
para sa paglilitis ni Michael Goodwin.

00:41:26.650 --> 00:41:31.530 align:center
Mula sa unang araw, literal na unang araw…

00:41:33.032 --> 00:41:35.534 align:center
may masamang intensiyon
si Michael Goodwin.

00:41:36.118 --> 00:41:38.871 align:center
Wala akong alam na ibang kaso
sa kasaysayan ng California

00:41:38.954 --> 00:41:42.833 align:center
kung saan di nakilala 'yong mga bumaril.

00:41:43.959 --> 00:41:46.504 align:center
Walang ibang konklusyon na makatwiran

00:41:46.587 --> 00:41:49.465 align:center
kundi binayaran ni Mike Goodwin
'yong mga taong 'to.

00:41:49.548 --> 00:41:52.176 align:center
Paulit-ulit lang kaming bumabalik sa ideya

00:41:52.259 --> 00:41:57.139 align:center
na di ko kailangang patunayan
na si Mike Goodwin ang gumawa

00:41:57.223 --> 00:41:58.807 align:center
hangga't kaya kong patunayan

00:41:58.891 --> 00:42:01.644 align:center
na di 'yon ginawa ng pitong bilyong tao
sa mundo.

00:42:01.727 --> 00:42:03.562 align:center
Walang ibang may gustong mamatay siya.

00:42:03.646 --> 00:42:07.691 align:center
Kaya sa kasong ito,
naging napakahalaga ng motibo.

00:42:08.692 --> 00:42:13.572 align:center
Homicidal at galit si Mike Goodwin,
sinasabi sa lahat ng makikinig,

00:42:13.656 --> 00:42:17.159 align:center
"Mamamatay muna si Mickey Thompson
bago ko siya bigyan ng isang kusing."

00:42:17.243 --> 00:42:20.579 align:center
Di pa nakikilala 'yong mga pumatay
kina Mickey at Trudy Thompson.

00:42:22.248 --> 00:42:24.166 align:center
Di napangalanan, nahuli, o naaresto.

00:42:24.750 --> 00:42:29.463 align:center
Madaling paiikliin
'yong kaso ng defense,

00:42:29.964 --> 00:42:34.051 align:center
nasa gym si Mike Goodwin
noong pinatay 'yong dalawang tao.

00:42:34.134 --> 00:42:37.471 align:center
Wala siyang kinalaman do'n.
Maraming tanong na di masagot.

00:42:38.973 --> 00:42:44.061 align:center
Tumawag kami ng maraming witness
para tumestigo tungkol sa mga pagbabanta,

00:42:44.144 --> 00:42:48.148 align:center
tungkol sa pre-offense na pag-uugali
sa pagitan nina Mickey at Goodwin.

00:42:49.024 --> 00:42:54.405 align:center
Tumestigo ako tungkol sa narinig kong
banta at pagkilala sa boses ni Goodwin.

00:42:54.488 --> 00:42:58.409 align:center
Mayabang siya, na parang sigurado siyang
di siya mahahatulan.

00:42:58.993 --> 00:43:01.996 align:center
Pero kasabay nito,
di niya ako matingnan sa mata.

00:43:02.997 --> 00:43:07.835 align:center
Kumpirmasyon 'to sa 'kin
na alam niya 'yong sakit na idinulot niya.

00:43:15.509 --> 00:43:22.224 align:center
Sa closing argument namin, isang bagay
na sa tingin ko nakakaantig,

00:43:22.308 --> 00:43:25.060 align:center
malungkot, pero mahalaga pa rin,

00:43:25.144 --> 00:43:30.107 align:center
'yong mga huling hininga ni Mickey.

00:43:30.190 --> 00:43:33.569 align:center
'Yong huling nakita ni Mickey Thompson
sa planetang 'to

00:43:33.652 --> 00:43:36.447 align:center
ay 'yong pagpatay sa asawa niya.

00:43:37.031 --> 00:43:38.907 align:center
Bakit mahalaga 'yon?

00:43:38.991 --> 00:43:43.704 align:center
Dahil walang ibang tao sa balat ng lupa

00:43:43.787 --> 00:43:46.790 align:center
na gustong magdusa nang ganoon
si Mickey Thompson.

00:43:46.874 --> 00:43:48.667 align:center
Isang tao lang.

00:43:49.793 --> 00:43:51.128 align:center
Si Mike Goodwin 'yon.

00:43:52.463 --> 00:43:56.383 align:center
Nang gawin ni Alan Jackson
'yong closing argument, humanga ako.

00:43:56.884 --> 00:43:58.927 align:center
Sabi ko, "Oo nga!"

00:43:59.011 --> 00:44:00.804 align:center
Nakumbinsi niya ako.

00:44:00.888 --> 00:44:03.390 align:center
Nakumbinsi ba niya 'yong 12 tao do'n?

00:44:11.649 --> 00:44:17.404 align:center
Anim na araw na nag-deliberate 'yong jury,
at napakahirap no'ng paghihintay.

00:44:17.905 --> 00:44:20.282 align:center
Naroon ka sa isang lugar

00:44:20.366 --> 00:44:24.078 align:center
na di mo alam kung ano'ng iniisp
ng mga juror sa presentation mo.

00:44:25.079 --> 00:44:28.040 align:center
No'ng nag-buzzer 'yong jury
para sabihing may hatol na sila,

00:44:28.123 --> 00:44:33.420 align:center
sobrang nakakakaba 'yon, iisipin mo,
"Okay, heto na."

00:44:34.421 --> 00:44:36.840 align:center
Kami, 'yong jury para sa nasabing kaso,

00:44:36.924 --> 00:44:39.635 align:center
nagpasya kami na guilty ang defendant
na si Michael Goodwin.

00:44:42.638 --> 00:44:45.349 align:center
No'ng sinabi nila 'yon,
pinipisil ni Collene 'yong kamay ko.

00:44:45.432 --> 00:44:46.558 align:center
Na parang sinasabi niya…

00:44:47.976 --> 00:44:50.479 align:center
"May hustisya."

00:44:52.815 --> 00:44:56.026 align:center
Nahatulan sa lahat ng kaso
si Mike Goodwin,

00:44:56.110 --> 00:44:58.862 align:center
two counts ng murder,
at espesyal na pangyayari,

00:44:59.446 --> 00:45:00.948 align:center
at nasentensiyahan siya

00:45:01.031 --> 00:45:03.701 align:center
ng dalawang habambuhay na pagkakulong
na walang parole.

00:45:04.201 --> 00:45:10.541 align:center
Tumayo ako, lumingon,
at umiiyak si Collene

00:45:11.041 --> 00:45:14.128 align:center
sa tuwa at ginhawa.

00:45:14.211 --> 00:45:17.089 align:center
Para kay Mickey 'to.

00:45:17.172 --> 00:45:18.674 align:center
Nanalo siya sa karerang 'to.

00:45:21.009 --> 00:45:22.010 align:center
Masarap sa pakiramdam.

00:45:22.094 --> 00:45:24.972 align:center
Di nito ibabalik 'yong papa ko,
pero may hustisya dito.

00:45:26.014 --> 00:45:27.641 align:center
No'ng marinig ko 'yong hatol,

00:45:28.725 --> 00:45:32.020 align:center
naalala kong sinabi ko nang malakas,
"Sa wakas."

00:45:33.772 --> 00:45:36.775 align:center
Ibinigay ko
'yong bahagi ng sarili ko sa kaso.

00:45:37.568 --> 00:45:40.571 align:center
Malaking kasiyahan

00:45:40.654 --> 00:45:45.325 align:center
na malaman na 'yong pamilya
nina Mickey Thompson at Trudy Thompson,

00:45:45.409 --> 00:45:49.163 align:center
'yong ipinaglaban nila,
inalay 'yong buhay nila…

00:45:49.246 --> 00:45:51.832 align:center
Para sa bawat hibla ng sarili ko
na ibinigay ko sa kaso,

00:45:51.915 --> 00:45:54.501 align:center
mas marami akong nakuha sa kanila.

00:45:54.585 --> 00:45:59.339 align:center
Pangako ko lang talaga kay Collene,
kay Gary Campbell, at sa Thompson family

00:45:59.423 --> 00:46:03.260 align:center
na tatrabahuhin ko 'to ng maigi
at gagawin ko 'yong makakaya ko.

00:46:03.886 --> 00:46:08.640 align:center
Ayokong gamitin,
sa tingin ko napakapangit na salita nito,

00:46:08.724 --> 00:46:10.851 align:center
at 'yon 'yong C word,
ibig sabihin closure.

00:46:12.227 --> 00:46:15.439 align:center
Pag nawalan ka ng dalawang mahal sa buhay
dahil sa karahasan,

00:46:15.522 --> 00:46:17.149 align:center
wala kang closure.

00:46:18.150 --> 00:46:21.236 align:center
Naaalala ko noong dumating 'yong hatol,
may finality do'n,

00:46:21.320 --> 00:46:23.030 align:center
para sa 'kin at para sa pamilya,

00:46:23.614 --> 00:46:26.950 align:center
pero di ko maalis sa utak ko,

00:46:27.034 --> 00:46:29.661 align:center
"Di pa 'to nalulutas.
Malaya pa 'yong dalawang killer."

00:46:30.496 --> 00:46:34.333 align:center
Nahuli na 'yong isa sa tatlo,
pero hinahanap pa rin 'tong mga taong 'to.

00:46:35.292 --> 00:46:39.755 align:center
Sa buong imbestigasyon,
wala kaming nakuhang lead

00:46:39.838 --> 00:46:41.799 align:center
kung sino 'yong mga bumaril.

00:46:41.882 --> 00:46:43.675 align:center
Active at ongoing case pa rin 'yon.

00:46:45.969 --> 00:46:50.891 align:center
Nakakatuwang malaman na may nahatulan.

00:46:52.518 --> 00:46:53.894 align:center
Pero 'yong pagpatay sa kanila…

00:46:55.687 --> 00:46:56.939 align:center
parte na ng buhay ko.

00:46:57.815 --> 00:47:02.236 align:center
'Yong Tita Trudy ko, nasa isip ko siya.

00:47:02.319 --> 00:47:05.280 align:center
Nagpasya si Mickey na tuparin
'yong pangarap niya

00:47:05.364 --> 00:47:07.157 align:center
at itala 'yong world land speed record.

00:47:08.200 --> 00:47:11.411 align:center
Isang bagay na di nagawa ng papa ko

00:47:11.495 --> 00:47:12.996 align:center
ay 'yong world land speed record.

00:47:14.915 --> 00:47:18.210 align:center
Nagawa niya minsan,
pero wala siyang official record.

00:47:18.293 --> 00:47:23.632 align:center
Kaya no'ng tinawagan niya ako noong 1987,
at sinabing, "Gusto ko, ikaw mag-drive,"

00:47:23.715 --> 00:47:27.970 align:center
naging napakahalaga no'n para sa 'kin.

00:47:28.053 --> 00:47:31.306 align:center
Tapos pinag-usapan namin,
paano gagawin at lahat,

00:47:31.390 --> 00:47:35.018 align:center
tapos pinatay 'yong papa ko.

00:47:35.727 --> 00:47:38.897 align:center
Tapos hinayaan ko na lang nang 22 taon pa.

00:47:38.981 --> 00:47:41.233 align:center
Tapos naisip ko, "Alam mo?"

00:47:41.316 --> 00:47:43.277 align:center
"Ayokong nasa sopa ako pag 80 na ako,

00:47:44.528 --> 00:47:48.156 align:center
at iniisip kung kaya ng kotseng 'yon
na umabot ng 450 milya kada oras."

00:47:50.784 --> 00:47:52.786 align:center
Ibinigay namin lahat para doon.

00:47:52.870 --> 00:47:56.331 align:center
Ibinigay namin lahat ng meron kami
para gawin 'yon.

00:48:10.345 --> 00:48:12.097 align:center
At nangyari 'to.

00:48:12.848 --> 00:48:13.682 align:center
Ang galing!

00:48:13.765 --> 00:48:15.726 align:center
Umabot ng 459 milya kada oras 'yong kotse.

00:48:17.311 --> 00:48:19.229 align:center
Inalis ko 'yong helmet ko.

00:48:19.313 --> 00:48:21.982 align:center
Nakatayo pa rin ako sa kotse
at nakatingala.

00:48:25.027 --> 00:48:28.071 align:center
Tinapos ko 'yong misyon niya…

00:48:29.656 --> 00:48:31.158 align:center
at nakumpleto ko 'yong akin.

00:48:32.701 --> 00:48:35.245 align:center
Isa siguro 'to
sa pinakamahalagang sandali…

00:48:37.998 --> 00:48:38.999 align:center
kailanman.

00:48:55.599 --> 00:48:59.978 align:center
Kung may isang kalaban
ang isang homicide detective, oras 'yon.

00:49:00.062 --> 00:49:01.063 align:center
Oras ang kalaban mo.

00:49:03.815 --> 00:49:08.278 align:center
Natagpuang hubad at patay
si Teresa Broudreaux sa beach.

00:49:10.989 --> 00:49:14.117 align:center
Tatlumpu't tatlong taon nang walang sagot.

00:49:14.201 --> 00:49:15.786 align:center
Ano ulit ang pangalan ng asawa mo?

00:49:15.869 --> 00:49:18.163 align:center
Terri. T-E-R-R-I.

00:49:18.246 --> 00:49:19.957 align:center
At legal na kasal kayo?

00:49:20.040 --> 00:49:20.958 align:center
-Oo.
-Okay.

00:49:24.044 --> 00:49:25.337 align:center
Akala nila ako ang gumawa.

00:49:26.755 --> 00:49:28.507 align:center
Na nakalusot ako.

00:49:29.007 --> 00:49:32.678 align:center
Di naisasara ang isang murder case
hangga't walang nananagot dito.

00:49:32.761 --> 00:49:34.262 align:center
May taong may alam tungkol dito.

00:50:15.971 --> 00:50:20.976 align:center
Nagsalin ng Subtitle: Ivy Grace Quinto
ga't walang nananagot dito.

