WEBVTT

00:07.632 --> 00:09.759
Ang Los Angeles County
Sheriff's Department

00:09.843 --> 00:12.470
ang pinakamalaking sheriff's department
sa buong bansa,

00:12.554 --> 00:15.014
na nagsisilbi sa county
na may pinakamaraming tao.

00:15.098 --> 00:18.184
Iniimbestigahan nila 'yong pinakabrutal
at pinakamahirap na pagpatay.

00:18.268 --> 00:21.604
Ito ang mga kuwento nila.

00:43.626 --> 00:48.840
Miyerkules noong una kong nalaman
na posibleng nawawala si Gavin.

00:49.758 --> 00:52.427
Tinawagan ako ng asawa niyang si Lisa

00:52.927 --> 00:56.556
at tinanong kung tumawag sa 'kin
'yong kapatid kong si Gavin,

00:56.639 --> 00:57.932
at sabi ko, "Hindi."

00:58.016 --> 00:59.434
Tapos sabi ko, "Bakit?"

00:59.517 --> 01:04.147
At sinabi niya na di niya sinundo
'yong isang anak niya sa school.

01:04.856 --> 01:07.400
Kilala si Smith sa Calabasas community,

01:07.484 --> 01:10.862
sikat sa golf at sa beach,
madali mo siyang mapapansin.

01:10.945 --> 01:13.156
Huli siyang nakita noong Martes nang gabi

01:13.239 --> 01:15.950
sa Oak Park, malapit sa Agoura Hills.

01:17.494 --> 01:22.290
Fox executive si Gavin Smith.
Di pwedeng di mo siya mapansin.

01:23.333 --> 01:27.629
Kailangan nating alamin, "May dahilan ba
kung ba't nawala ang taong 'to?"

01:27.712 --> 01:29.923
Kasi, misteryo 'to.

01:31.299 --> 01:34.177
Tinatawagan ko siya.

01:34.260 --> 01:37.097
Nag-iwan ako ng mga message
na hinihiling ko lang sa kanya

01:37.180 --> 01:40.183
na tumawag, mag-text,
sabihing ayos ang lahat.

01:40.266 --> 01:45.104
Nawala 'yong 20th Century Fox executive
matapos sumakay sa itim niyang Mercedes.

01:46.981 --> 01:48.691
Walang may balita sa kanya.

01:49.943 --> 01:51.945
Walang tawag, walang text,
walang kahit ano.

01:52.529 --> 01:56.032
Kahina-hinalang pangyayari 'to
ng missing adult.

01:56.116 --> 01:58.618
Kailangan mong tingnan
lahat ng posibilidad.

01:59.244 --> 02:02.413
Di ko kailanman pinangarap

02:02.497 --> 02:05.458
na mangyari 'yong kagaya nito.

02:09.921 --> 02:14.509
'Yong LA County Sheriff's Department
ang pinakamahusay sa lahat.

02:18.555 --> 02:21.724
Nilitis sa Los Angeles 'yong ilang
high-profile case.

02:24.602 --> 02:27.981
Kailangan buong-buo 'yong dedikasyon mo.

02:30.608 --> 02:33.528
Murder 'to.
Wala nang mas malalang krimen pa dito.

02:35.613 --> 02:40.535
Pinakamahalaga 'yong passion
at 'yong sense of duty.

02:42.871 --> 02:45.165
Nagmumula ang hustisya
sa paghanap ng katotohanan.

02:57.844 --> 03:02.015
Noong May 2012, umalis ako
sa isang special assignment

03:02.098 --> 03:04.184
sa isang task force na kinabibilangan ko

03:04.267 --> 03:07.520
at ibinalik nila ako sa floor.

03:09.314 --> 03:12.609
Sa kasong 'to ni Gavin Smith,

03:12.692 --> 03:14.861
isang linggo na siyang nawawala,

03:15.445 --> 03:18.948
at nagsimula ito sa Missing Persons Unit.

03:20.033 --> 03:22.327
Nang medyo nabigyan 'to ng pansin,

03:22.410 --> 03:25.997
ipinaalam ito ng mga imbestigador
sa supervisor namin.

03:26.080 --> 03:27.665
Doon ako nakatanggap ng tawag

03:27.749 --> 03:31.336
para tingnan 'to bilang missing person
na may "kahina-hinalang pangyayari."

03:36.215 --> 03:39.510
Dumadaan sa Missing Persons Unit
lahat ng kaso ng nawawala.

03:40.929 --> 03:42.764
Pag may gano'n kang kaso,

03:42.847 --> 03:45.808
lagi kang umaasa
na mahanap mo siya nang buhay.

03:46.601 --> 03:49.312
Matanda ka na,
pwede kang pumunta kahit saan,

03:49.395 --> 03:52.232
at di mo kailangang i-report ito
sa kahit sino

03:52.315 --> 03:54.651
maliban kung naka-parole
o probation ka, di ba?

03:54.734 --> 03:59.322
Kung nawawala ka, ang malaking tanong,
"Bakit nawawala ang taong 'to?"

03:59.948 --> 04:03.910
At mapipilitan ka lang humingi ng tulong
sa homicide team

04:03.993 --> 04:05.787
kung may hinala ng foul play.

04:11.042 --> 04:13.461
Kailangan namin ng tulong mula sa publiko…

04:14.629 --> 04:17.715
para sa impormasyong magsasabi
ng kinaroroonan

04:17.799 --> 04:20.843
ng ama nila, 'yong asawa ko,
si Gavin Smith.

04:21.511 --> 04:25.014
Kami ng partner kong si John O'Brien,
hawak namin 'yong kaso.

04:25.098 --> 04:28.810
Kinausap namin 'yong detective
ng missing person tungkol sa kaso,

04:28.893 --> 04:32.230
tapos nakipagkita kami
sa asawa ni Gavin Smith.

04:33.398 --> 04:39.153
Pinuntahan namin siya sa isang pribadong
komunidad sa San Fernando Valley.

04:39.821 --> 04:42.657
Nasa 200 square miles
'yong San Fernando Valley,

04:42.740 --> 04:45.994
na nasa hilagang bahagi
ng Los Angeles City.

04:46.077 --> 04:49.664
Residential ang karamihan
sa kanlurang San Fernando Valley,

04:49.747 --> 04:54.502
mga upper-middle-class, bedroom community
na kilala lang ng America

04:54.585 --> 04:57.463
dahil nakatira sa Calabasas
'yong mga Kardashian.

04:59.424 --> 05:03.136
Nang makausap namin no'n si Lisa,
halatang balisa siya,

05:03.219 --> 05:04.804
gaya ng kahit sino.

05:04.887 --> 05:06.597
Sinubukan namin siyang pakalmahin,

05:06.681 --> 05:10.560
ipaalam sa kanya na nando'n kami
para tumulong at hanapin 'yong asawa niya.

05:10.643 --> 05:13.146
Pamilya sila na nasa krisis.
Nandoon 'yong anak niya.

05:13.229 --> 05:16.357
Nandoon 'yong kapatid ni Gavin na si Tara.

05:16.441 --> 05:19.902
Pero lahat nakatulong,
nagbigay ng maraming impormasyon.

05:21.654 --> 05:24.449
Nalaman naming
kahanga-hanga siyang atleta.

05:25.033 --> 05:27.035
Naging buhay niya 'yong basketball.

05:27.118 --> 05:30.455
All-American siya
at naglaro siya para sa UCLA.

05:31.706 --> 05:34.751
Di pwedeng di mo siya mapansin,

05:35.251 --> 05:37.337
pero di lang dahil sa tangkad niya.

05:37.420 --> 05:40.882
Napakaguwapo niyang lalaki.

05:41.507 --> 05:45.261
Napakaganda ng ngiti niya.

05:46.512 --> 05:48.389
Nakatira kami sa San Pedro.

05:48.473 --> 05:51.976
Mga sampung minuto 'yong layo namin
sa Ports O' Call Restaurant.

05:52.060 --> 05:56.356
Doon nagtatrabaho si Gavin noon,
at pumasok si Lisa.

05:56.439 --> 05:58.066
Pumunta siya sa bar.

05:58.149 --> 06:03.780
Si Gavin 'yong bartender.
Nagkasundo sila at naging masaya.

06:03.863 --> 06:07.408
Nagkaro'n sila ng panganay
pagkatapos ng ilang taon.

06:07.492 --> 06:08.910
Sobrang in-love sila.

06:10.078 --> 06:12.163
Nakasali siya sa ilang pelikula.

06:12.246 --> 06:14.457
Nasa pelikulang Glitz siya.

06:16.209 --> 06:17.710
Bigyan mo ako ng dahilan!

06:17.794 --> 06:22.757
Gumagawa rin siya ng ilang stunts
at nabalian siya ng likod.

06:23.508 --> 06:25.218
Nakakapanlumo talaga 'yon.

06:25.301 --> 06:29.597
Pero turning point 'yon sa kanya
kasi matagal siyang walang magawa.

06:31.599 --> 06:35.103
Tingin ko na-realize niya
na di para sa kanya 'yon.

06:35.186 --> 06:39.857
Kaya naghanap siya ng trabaho
sa 20th Century Fox.

06:40.650 --> 06:45.947
Siya ang in charge sa film distribution
sa West Coast.

06:46.030 --> 06:49.367
Gustong-gusto niya sa movie industry.

06:52.078 --> 06:55.289
Sinabi sa amin ni Lisa
na di pumasok sa trabaho si Gavin

06:55.373 --> 06:57.250
at wala siyang nakausap.

06:57.333 --> 06:59.794
Kaya kakaiba 'yon.

06:59.877 --> 07:04.215
Tapos di rin niya sinundo
'yong anak niya sa school,

07:04.298 --> 07:05.633
at malaking red flag 'yon,

07:05.716 --> 07:09.053
kasi sa ilang taon nilang magkakilala,
di pa siya nawala nang gano'n.

07:10.471 --> 07:11.973
Di pangkaraniwan

07:12.056 --> 07:15.726
na basta na lang di papasok
ang isang tulad niya,

07:15.810 --> 07:20.148
o di magsusundo ng anak,
o basta na lang maglalaho.

07:21.732 --> 07:25.820
Sinabi sa 'min ni Lisa
'yong tungkol sa karelasyon ni Gavin,

07:26.529 --> 07:31.284
at humiwalay na siya
at di na nakatira sa kanila ngayon.

07:31.367 --> 07:33.411
Nagtaksil na siya noon.
Nahuli siya ni Liza.

07:33.494 --> 07:35.413
Nangako siyang ititigil na niya 'yon.

07:36.247 --> 07:38.749
Nahuli ulit siya ni Lisa,
makalipas ang isang taon,

07:38.833 --> 07:40.751
sa isang babaeng nagngangalang Melanie.

07:41.419 --> 07:44.630
At nang malaman niya 'yon,
pinalayas niya si Gavin.

07:45.882 --> 07:49.802
Nagpatulong si Gavin sa isang katrabaho,
at tumira siya sa bakanteng kuwarto niya,

07:49.886 --> 07:53.389
sinabi niyang nakita niya itong buhay

07:53.472 --> 07:55.850
mga 10:00 p.m. noong May 1.

07:57.310 --> 08:00.563
Nagpapatuyo siya ng labada tapos…

08:00.646 --> 08:02.106
umalis siya.

08:03.858 --> 08:08.488
Noong gabi bago mawala si Gavin,
nakausap ko siya.

08:08.988 --> 08:13.826
Naramdaman kong nalilito siya no'n,

08:13.910 --> 08:18.706
at naguguluhan siya
sa mga desisyong ginawa niya.

08:18.789 --> 08:22.043
Kinausap niya ako
tungkol sa relasyon nila ni Melanie.

08:22.543 --> 08:25.463
Sa pagkakaintindi ko,
tinapos na niya 'yon noon,

08:25.546 --> 08:32.220
at alam niyang
kailangan niyang bumalik sa pamilya,

08:32.303 --> 08:37.016
at bumalik sa relasyon, at maging ama.

08:37.099 --> 08:39.185
'Yon lang ang gusto niyang gawin.

08:41.979 --> 08:42.855
Sorry.

08:47.944 --> 08:49.737
Naaalala ko lang siya…

08:50.863 --> 08:53.282
na mahal na mahal niya
'yong mga anak niya.

08:54.909 --> 08:57.203
At mahal niya 'yong mga anak ko,

08:57.286 --> 08:59.330
na parang anak niya sila.

09:00.623 --> 09:04.293
Isa 'yon sa mga bagay na alam ko,

09:04.835 --> 09:07.463
bilang ama, do'n siya pinakamahusay.

09:11.676 --> 09:13.678
May kakaibang nangyayari dito.

09:13.761 --> 09:17.598
Sumama ba siya sa isa sa mga babaeng 'to?

09:17.682 --> 09:19.934
Nagpapalamig lang ba siya?

09:20.017 --> 09:22.562
Nagpakamatay ba siya?

09:22.645 --> 09:26.023
Galit si Lisa.
Dalawang beses na siyang niloko.

09:26.566 --> 09:28.109
Siya ba 'yong nag-set up?

09:28.192 --> 09:32.029
"Buwisit 'tong gagong 'to.
Kukuha ako ng dudukot sa kanya."

09:32.113 --> 09:35.199
O kaya, "Nilason ko siya."
Ewan ko. Pwedeng kahit ano.

09:35.783 --> 09:39.036
Maraming follow-up 'yong kailangang gawin

09:39.120 --> 09:40.871
para maalis ang sinuman.

09:43.124 --> 09:45.376
Sinusundan namin 'yong mga lead

09:46.669 --> 09:49.213
at lahat ng impormasyong nakalap namin

09:49.297 --> 09:52.800
tungkol sa mga taong nakausap niya
at mga kakilala niya noon pa man.

09:55.261 --> 09:58.222
Kaya noong nakausap namin si Lisa,
sinabi niya sa amin,

09:58.306 --> 10:01.392
"May relasyon 'yong asawa ko
sa babaeng si Melanie,

10:01.475 --> 10:03.769
at baka gusto n'yo siyang kausapin."

10:05.104 --> 10:06.105
Kaya kinausap namin.

10:09.233 --> 10:13.988
Bumaba siyang suot 'yong puting pantulog
na may sequin

10:14.071 --> 10:16.449
na halos see-through na talaga,

10:16.532 --> 10:23.122
at nakaupo kami sa tapat ng babaeng 'to
na napaka-sexy at medyo seductive.

10:23.205 --> 10:26.917
Pinipilit mong maging professional
at tinatanong mo siya,

10:27.001 --> 10:31.088
tapos iisipin mo, "Isa lang 'to
sa mga sandali sa buhay ng pulis."

10:31.172 --> 10:35.384
Titingin ka sa partner mo tapos sasabihin,
"Lintik, pare. Wag mo akong hawakan."

10:35.468 --> 10:39.513
"Kailangan kong umuwi at makita
'yong asawa ko. Nakakabaliw 'to."

10:45.519 --> 10:47.855
Sinagot ni Melanie lahat ng tanong nila.

10:47.938 --> 10:50.900
Sabi niya,
"Oo, nagkaro'n kami ng relasyon."

10:50.983 --> 10:55.029
Na medyo emosyonal si Gavin,

10:55.655 --> 11:01.160
pero ayaw na niyang dagdagan
'yong problema nilang mag-asawa.

11:01.827 --> 11:04.914
Sabi niya sa kanya, "Ayoko na.
Ayoko nang harapin 'tong dramang 'to."

11:06.457 --> 11:11.754
Matapos naming makausap si Melanie,
pakiramdam ko wala siyang itinatago,

11:11.837 --> 11:14.548
pero di namin siya basta maaalis
na sangkot sa isang bagay.

11:14.632 --> 11:17.093
Marami pang kailangang gawin.

11:19.303 --> 11:22.056
Ipinaskil nila 'yong litrato at kotse
ni Gavin Smith.

11:23.766 --> 11:27.561
Nangunguna ang asawang si Lisa at anak
na si Austin, sa pagsuyod sa Sylmar.

11:27.645 --> 11:29.230
May pamilyang naghihintay sa kanya.

11:30.439 --> 11:32.983
Mahal na mahal namin siya. Mahirap, pero…

11:33.734 --> 11:36.570
Gusto ko na lang isipin
'yong masasayang sandali namin.

11:36.654 --> 11:39.448
At kung mahanap namin siya,
magkakaro'n ng marami pa.

11:40.741 --> 11:44.412
Pinipilit ni Lisa
na mangalap ng impormasyon.

11:45.371 --> 11:48.999
Alam kong kailangan nila ng suporta,

11:49.083 --> 11:52.837
at pumunta ako do'n
at patuloy na pumunta do'n

11:52.920 --> 11:56.674
para maghanap o makipag-usap sa mga tao.

11:56.757 --> 12:00.302
Ginawa ko lahat
para alamin kung nasaan siya.

12:00.386 --> 12:01.637
Nawala siya.

12:01.721 --> 12:04.723
Di niya dala 'yong longboard.

12:04.807 --> 12:08.060
Sigurado si Lisa Smith
na may taong may alam tungkol dito.

12:13.983 --> 12:16.902
Malaking bahagi ng palaisipan
'yong phone ni Gavin Smith,

12:16.986 --> 12:19.613
dahil pwede ka nang magpinta ng larawan.

12:19.697 --> 12:21.490
Kailan nag-off-grid 'yong phone niya

12:21.574 --> 12:24.785
at anong oras siya huling nakita

12:24.869 --> 12:27.163
bago siya nawala?

12:28.873 --> 12:32.960
'Yong ilan sa dapat gawin sa phone,
nagawa na ng Missing Persons.

12:33.043 --> 12:36.088
Binalikan lang namin
at nagsagawa kami ng mas malawak

12:36.172 --> 12:37.548
na search warrant para do'n.

12:37.631 --> 12:40.885
Tiningnan namin 'yong data ng phone
ni Gavin Smith at nalaman namin,

12:40.968 --> 12:45.139
"Okay, noong gabing nag-off-grid
'yong phone niya,

12:45.222 --> 12:48.809
tinawagan niya si Lisa,
'yong tatlong lalaki, si Tara,

12:48.893 --> 12:51.687
at isang babaeng
nagngangalang Chandrika Creech."

12:53.147 --> 12:58.360
Nalaman naming siya 'yong huling kumausap
sa kanya base sa phone record.

12:58.444 --> 13:01.989
Ang kailangan naming malaman ngayon,
"Sino ang babaeng 'to?"

13:08.162 --> 13:13.793
Sinabi sa amin ni Lisa Smith
na nakilala ni Gavin si Chandrika

13:13.876 --> 13:18.422
sa Matrix, isang pasilidad
para sa mga nalulong sa droga.

13:24.929 --> 13:29.433
Dahil sa sakit na naranasan ni Gavin
dahil sa pagkakabali ng likod niya,

13:29.517 --> 13:34.563
opiates lang
ang tanging nakapagpaginhawa sa kanya.

13:35.231 --> 13:39.276
At do'n siya nalulong,

13:40.069 --> 13:44.824
hanggang sa sinabi niya sa akin
na nasa rehab siya.

13:47.243 --> 13:48.327
Noong nando'n siya,

13:48.410 --> 13:53.290
pumasok si Chandrika para ayusin
'yong buhay at mga addiction niya.

13:54.834 --> 14:00.422
Noong una, bahagi ng counseling group
ni Gavin si Chandrika,

14:00.506 --> 14:03.843
pero lumalim 'yong relasyon nila,

14:03.926 --> 14:08.722
at nagkaroon ng mainit na relasyon
si Gavin kay Chandrika.

14:09.848 --> 14:13.727
Kinumpronta ni Lisa si Gavin tungkol dito,
at umamin siya.

14:14.687 --> 14:18.774
Tumagal ng isang taon
'yong relasyon nila ni Chandrika,

14:18.858 --> 14:21.443
at alam ito
ng asawa niyang si John Creech.

14:21.527 --> 14:25.322
Tapos dahil sa pamamagitan ni Lisa,

14:25.406 --> 14:29.410
pakiramdam ni Lisa
na naputol na 'yong relasyon.

14:36.458 --> 14:40.254
May missing person
na nagkaro'n ng relasyon kay Chandrika.

14:40.337 --> 14:42.590
Dahilan 'yon
para maging kahina-hinala siya.

14:44.008 --> 14:48.387
Kaya kinausap namin siya,
at naabutan namin siya sa bahay niya.

14:51.307 --> 14:56.896
No'ng kinausap namin si Chandrika,
emosyonal siya.

14:57.479 --> 15:02.484
Takot siya, nag-aalangan, umiiwas.

15:03.444 --> 15:05.195
Gulong-gulo siya.

15:05.821 --> 15:07.239
Nakausap daw niya si Gavin.

15:08.032 --> 15:10.200
Di niya alam kung saan siya nagpunta,

15:10.284 --> 15:12.286
pero masasabing
may malasakit siya kay Gavin.

15:13.537 --> 15:16.415
Pinipilit niyang di niya alam
ano'ng nangyari kay Gavin Smith

15:16.498 --> 15:20.127
matapos nilang mag-usap noong May 1, 2012.

15:22.463 --> 15:26.550
Habang kinakausap siya, may pumasok
na itim na sports car sa cul-de-sac,

15:27.051 --> 15:29.595
huminto sandali, umatras, at umalis.

15:30.220 --> 15:32.931
At habang kausap si Chandrika,

15:33.015 --> 15:36.143
inamin niyang
'yong asawa niya 'yon, si John.

15:37.603 --> 15:41.273
Siyempre, gusto siyang kausapin
ng mga detective,

15:41.357 --> 15:45.486
pero di nila magawa dahil umalis siya,
at naghinala sila agad do'n.

15:46.654 --> 15:49.281
Kalaunan, nalaman naming ex-con siya.

15:49.365 --> 15:54.244
Nakalaya siya dahil sa release system
ng Glendale PD.

15:54.328 --> 15:57.748
Sangkot siya sa ilang transaksiyon
sa droga at iba pa.

15:58.582 --> 16:02.169
Kaya, gusto naming malaman agad
kung nasaan siya.

16:02.252 --> 16:04.463
Bilang pulis,
titingnan ko ang isang ex-con,

16:04.546 --> 16:07.716
titingnan ko ang isang taong
nasangkot sa droga…

16:07.800 --> 16:11.261
Galit siya dahil nagkarelasyon
'yong asawa niya sa isang lalaki.

16:11.345 --> 16:14.515
Sabihin mo ang gusto mo.
Pero bibe ang bibe.

16:14.598 --> 16:17.518
Nakakita ako ng bibe, mukha 'tong bibe,
lakad at tunog bibe,

16:17.601 --> 16:19.478
baka talagang bibe 'yon.

16:19.561 --> 16:22.022
Binantayan namin siya agad.

16:30.489 --> 16:33.909
Tiningnan namin 'yong detalye
ng call record ni John Creech.

16:34.576 --> 16:36.370
Kailangan naming malaman ngayon,

16:36.453 --> 16:41.625
paano nagsalubong 'yong signal ng phone
ni John Creech sa galaw at call frequency

16:41.709 --> 16:44.795
ni Gavin Smith noong gabing nawala siya?

16:45.838 --> 16:51.176
May background ako
sa phone analysis at mapping,

16:51.927 --> 16:54.555
at may nakikita kaming kakaibang pattern.

16:58.058 --> 17:02.604
Nalaman ng pulisya na noong gabi
ng May 1, 2012,

17:03.105 --> 17:06.692
nagkita sina Gavin at Chandrika.

17:06.775 --> 17:11.864
Katunayan, na-track 'yong mga phone
nina Gavin Smith at Chandrika

17:11.947 --> 17:17.536
sa Hidden Hills
malapit sa bahay ng mga Creech

17:17.619 --> 17:21.331
sa isang lugar
na itinuturing na "lover's lane."

17:22.124 --> 17:25.377
Saan nagpunta 'yong phone ni John Creech?
Nagpunta 'to sa…

17:25.461 --> 17:29.673
Lintik! Na-track ito sa lugar
kung nasaan si Chandrika.

17:30.174 --> 17:35.137
At sa mapping ng cell tower,
magkakasama doon 'yong tatlong phone.

17:35.220 --> 17:39.683
No'ng oras na 'yon, alam na naming
may masamang nangyari.

17:40.267 --> 17:44.313
Kahit na nagsimula ang kasong 'to
bilang kaso ng missing person,

17:44.396 --> 17:46.523
alam na namin
ano'ng nangyari sa puntong 'yon.

17:47.316 --> 17:48.692
Murder 'to.

17:56.658 --> 18:00.079
Di namin alam kung nasaan
si John Creech no'ng oras na 'yon,

18:00.162 --> 18:02.915
may sapat kaming ebidensiya ng partner ko

18:02.998 --> 18:05.209
para suportahan 'yong pagkuha
ng search warrant

18:05.292 --> 18:07.753
para halughugin 'yong bahay
nina John at Chandrika.

18:08.420 --> 18:12.674
Nasa bahay si Chandrika.
Nando'n 'yong lola niya.

18:12.758 --> 18:17.846
Nando'n 'yong caretaker ng lola ni Chandy,
si Reina Lim.

18:17.930 --> 18:20.265
Sabi ng mga kapitbahay,
may pamilyang nakatira do'n,

18:20.349 --> 18:23.811
pero sabi rin nila 'yong matataas
na shrub at maraming surveillance camera

18:23.894 --> 18:26.230
at babala para lumayo sa property

18:26.313 --> 18:29.149
ay mga kahina-hinalang senyales.

18:29.233 --> 18:30.234
"Di normal na kilos?"

18:30.317 --> 18:34.655
Masasabi kong may mga kotseng dumarating
at matagal na nakaparada sa labas.

18:35.239 --> 18:39.368
Konti 'yong pisikal na ebidensiya
na makakatulong sa kaso,

18:39.868 --> 18:42.746
pero marami kaming naidokumento

18:42.830 --> 18:46.125
na mahalaga para sa isang imbestigador.

18:46.208 --> 18:49.753
Halimbawa, cul-de-sac ito.
May limang bahay sa block.

18:49.837 --> 18:53.048
At para sa kung anumang dahilan,
parang Bellagio ang bahay na 'to.

18:53.549 --> 18:55.801
Napakarami nitong camera.

18:55.884 --> 19:00.681
May $8,000 na tansong estatwa ni Buddha
sa koi pond sa harapan.

19:00.764 --> 19:01.765
May moat siya.

19:01.849 --> 19:05.227
May pool na pinasadya,
na noong panahong 'yon nasa $200,000.

19:06.520 --> 19:07.604
'Yong ibang mga bahay?

19:07.688 --> 19:11.400
Oo, sa West Hills 'to. Magandang lugar,
pero di ganoon kaganda.

19:11.984 --> 19:13.152
Nalaman namin no'n

19:13.235 --> 19:16.321
na di alam ni Chandrika kung paano 'to
binayaran ng asawa niya,

19:16.405 --> 19:19.408
at di niya masagot
kung ano'ng trabaho niya,

19:19.491 --> 19:22.452
paano siya kumikita,
kung nagbabayad siya ng tax…

19:22.536 --> 19:26.081
Ibig kong sabihin, tanga ba kami?
Kasing tanga ba kami ng kriminal?

19:28.167 --> 19:30.210
Malinaw na di siya nagsasabi
ng totoo, di ba?

19:31.086 --> 19:34.214
No'ng search warrant, takot na takot siya.

19:34.298 --> 19:36.300
Di niya alam 'yong gagawin.

19:36.383 --> 19:38.385
Di ko alam kung sangkot siya.

19:38.468 --> 19:41.179
Alam kong alam niya, at di niya sinasabi.

19:41.263 --> 19:44.308
Sinabi rin niyang nasa Chicago si John.

19:44.391 --> 19:48.437
Wala siyang paliwanag kung bakit
basta na lang siyang pumunta sa Chicago.

19:48.520 --> 19:50.272
Alam mo 'yon? Ano 'yon?

19:50.355 --> 19:52.441
Wala kaming nakuhang
matibay na ebidensiya,

19:52.524 --> 19:55.694
di namin nakita kung may sugat
at pasa 'yong mga kamay niya,

19:55.777 --> 19:59.364
pero marami kaming intel.
Alam naming nasa tamang landas kami.

20:02.409 --> 20:04.995
Hinihingi pa rin namin
'yong tulong ng publiko.

20:06.121 --> 20:10.584
Anumang impormasyong makukuha namin
sa publiko, tatanggapin namin.

20:13.378 --> 20:19.801
May nag-tip na nakita si Gavin Smith
sa isang bistro o kapehan sa Morro Bay.

20:24.389 --> 20:26.725
May nakakita sa kanya sa Morro Bay.

20:27.309 --> 20:31.271
Nag-aral siya sa UCLA
at kilala niya si Gavin.

20:31.355 --> 20:34.900
At napatunayan ng waitress
na si Gavin 'yon.

20:34.983 --> 20:39.404
Sabi ko, "Diyos ko. Yes. Okay.
Lumayo lang siya."

20:40.072 --> 20:41.740
Tapos pumunta ako do'n.

20:42.866 --> 20:45.410
Alam mo 'yon, biglang alam mo
'yong gagawin mo,

20:45.494 --> 20:47.621
at ginawa ko 'yon agad-agad.

20:47.704 --> 20:50.916
Kailangan nating kontrolin
'yong imbestigasyon natin,

20:50.999 --> 20:54.670
kasabay no'n, alam natin
na pwede 'tong lumala anumang oras.

20:54.753 --> 20:58.799
Pwedeng maliit, pwedeng malaki,
pero lalala ito,

20:58.882 --> 21:00.342
at kailangan mapigilan mo 'yon.

21:00.926 --> 21:02.552
Lead detective ka.

21:02.636 --> 21:06.807
Nariyan si Tara at kung sinuman,
may Code Three na naroon,

21:06.890 --> 21:09.393
na pupunta sa Morro Bay
para gawin 'yong gusto nila.

21:10.644 --> 21:13.981
May 60 hanggang 100 na nakakita,

21:14.481 --> 21:18.902
at alam naming homicide 'to,
pero di ko pa mapatunayan.

21:18.986 --> 21:20.696
Kaya kailangan kong mag-follow up.

21:21.196 --> 21:22.781
Ano'ng gagawin ko?

21:22.864 --> 21:26.576
Nagpadala ako ng dalawang detective
sa Morro Bay para sundan ang lead na 'to

21:26.660 --> 21:31.248
na nasa isang hotel at humihigop
ng French onion soup.

21:32.249 --> 21:36.795
Kahit gaano kalupit si Ty,
at sobrang prangka,

21:36.878 --> 21:39.214
at sa ibang tao pwedeng nakakasakit siya,

21:39.298 --> 21:41.425
maipapakita niya na,

21:41.508 --> 21:46.346
"Uy, ganito ako magsalita,
pero nandito ako, at may malasakit ako."

21:46.430 --> 21:49.933
Ragin' Cajun ang tawag ko sa kanya,
kasi gano'n 'yong ugali niya.

21:50.017 --> 21:51.685
Maingay siya, napakalakas ng boses.

21:52.436 --> 21:55.605
Pero bilang detective,
alam kong may passion siya,

21:55.689 --> 21:59.985
at may malasakit siya sa mga kaso niya,
at may malasakit din siya sa 'ming lahat.

22:00.068 --> 22:02.904
Pinalaki ako na,
"Kung ayaw mo, sabihin mo,"

22:02.988 --> 22:04.948
at wala akong pakialam kung may masaktan.

22:13.331 --> 22:17.169
Mukhang kapani-paniwala
'yong lead mula sa Morro Bay.

22:18.045 --> 22:21.882
Lumabas 'yong waitress, sabi niya,
"Baka di siya 'yon."

22:22.424 --> 22:27.679
"Parang pinagmukha ng newsperson
na siya nga 'yon kahit hindi."

22:28.555 --> 22:31.058
Di ko alam kung paano nangyari
lahat ng 'yon.

22:31.141 --> 22:34.061
Pero nakakadismaya talaga.

22:34.144 --> 22:39.316
Naniniwala siyang
may masamang nangyari kay Gavin,

22:39.399 --> 22:43.612
pero wala ka pang matibay na ebidensiya,
kaya umaasa kang buhay siya,

22:43.695 --> 22:48.367
pero alam mong 'yong pinakamalala
ang magiging sagot mo.

22:56.792 --> 23:01.046
Sinusubaybayan ng mga detective
'yong galaw ni John Creech

23:01.129 --> 23:07.010
at nalaman nilang may history
si John Creech sa mga alagad ng batas.

23:07.094 --> 23:11.932
Katunayan, kinasuhan siya
ng pagdadala ng bawal na droga.

23:12.766 --> 23:16.269
Minsan siyang umamin na guilty
sa pamamahagi ng narkotiko,

23:16.353 --> 23:19.981
at sa halip na makulong,
pumayag siyang maging impormante

23:20.065 --> 23:22.442
at makipagtulungan sa Glendale PD.

23:22.526 --> 23:24.694
Pero wala siyang silbi,

23:24.778 --> 23:27.364
kasi wala siyang ibinigay.
Binobola lang niya sila.

23:27.447 --> 23:30.117
Nasa Chicago pa rin si John Creech,

23:30.200 --> 23:34.079
at kailangan namin siyang ma-interview.

23:34.162 --> 23:38.375
Kaya tinawagan namin 'yong detective
ng Glendale na si Dave Kellogg,

23:38.458 --> 23:40.794
at pumayag siyang tumulong
sa paraang makakaya niya.

23:43.713 --> 23:46.925
Tinawag siya ni Dave,
at isang bagay na hiniling namin kay Dave

23:47.008 --> 23:48.718
ang maupo sila sa isang silid.

23:48.802 --> 23:50.929
Nilagyan namin ng mic
para sa sound at audio.

23:52.013 --> 23:53.014
Tapos pumasok kami.

23:55.892 --> 23:57.394
Nagpakilala kami.

23:58.228 --> 24:00.856
Nagtanong kami tungkol kay Gavin Smith.

24:01.439 --> 24:04.484
Relax lang si John Creech
at pinilit niyang maging charming,

24:04.568 --> 24:06.153
at maging mautak.

24:06.236 --> 24:07.320
Klasikong manloloko.

24:08.447 --> 24:11.867
"Oo. Kilala ko siya."
"Pinagbantaan mo ba siya?"

24:11.950 --> 24:12.784
"Hindi, never!"

24:12.868 --> 24:17.998
Minaliit niya lahat,
kaya gumamit ako ng ibang anggulo.

24:18.915 --> 24:21.543
Sinubukan kong
pagmukhaing masamang tao si Gavin.

24:21.626 --> 24:23.086
Sabi ko, alam mo na… Sabi ko,

24:23.170 --> 24:26.756
"Si Gavin, stalker siya."

24:26.840 --> 24:28.800
"Binobola niya 'yong mga babae."

24:29.634 --> 24:32.721
Ginawa ko lahat para magalit siya.

24:32.804 --> 24:35.390
Sabi ko, "Di kita masisisi
kung may ginawa ka sa kanya."

24:35.474 --> 24:37.976
"Deretsahin mo na. Tapusin na natin 'to."

24:38.059 --> 24:39.769
Pero matigas siya.

24:49.529 --> 24:54.493
Ipinaliwanag namin sa judge
'yong hinalang pagkakasangkot ni Creech

24:54.576 --> 24:56.745
sa pagkawala ni Gavin Smith

24:56.828 --> 25:03.793
at 'yong di niya pagtupad sa pangakong
magbigay ng impormasyon sa mga pulis.

25:05.170 --> 25:10.425
Kaya ipinakulong ng judge si Mr. Creech
para sa kaso niya sa narcotics.

25:12.886 --> 25:16.973
Pag naialis mo sa kalsada
ang isang pinaniniwalaang pumatay,

25:17.057 --> 25:18.141
mabuti 'yon.

25:18.975 --> 25:23.104
Binigyan kami no'n ng oras
para himayin 'to at mag-imbestiga.

25:25.899 --> 25:29.861
Tiningnan namin 'yong phone data
ni John Creech,

25:30.529 --> 25:32.656
sino'ng tinatawagan niya
at tumatawag sa kanya.

25:32.739 --> 25:37.994
At napansin namin na matapos makausap
ni Gavin Smith si Chandrika

25:38.078 --> 25:42.165
noong gabing nawala si Gavin,
may sunod-sunod na tawag

25:42.249 --> 25:45.293
si John Creech,

25:45.377 --> 25:49.297
at iisang numero 'yong tinatawagan niya,
at ang numerong 'yon ay kay Jorge Valles.

25:51.258 --> 25:55.262
Tiningnan namin siya, na nalaman namin
na tauhan siya ni Creech.

25:56.054 --> 26:01.893
Maraming ginawang kontrata si Mr. Valles
sa bahay ng mga Creech,

26:02.477 --> 26:07.899
at dahil do'n naging magkaibigan
sina Jorge Valles at John Creech.

26:09.985 --> 26:12.070
Noong gabing nawala si Gavin,

26:12.153 --> 26:16.241
'yong phone ng biktima, 'yong phone
ni John Creech, at 'yong kay Jorge Valles,

26:16.324 --> 26:21.079
rumerehistro sa isang cell tower
sa likod-bahay ni Jorge.

26:26.001 --> 26:28.962
Kaya kinausap namin si Jorge Valles.

26:30.213 --> 26:33.341
Noong unang beses na nakausap namin
si Jorge Valles, masasabi mong…

26:33.842 --> 26:35.427
wala siya sa sarili niya.

26:36.553 --> 26:41.683
Sinabi ni Valles na excited si John Creech
no'ng tumawag siya sa kanya

26:41.766 --> 26:45.603
noong madaling araw ng May 2, 2012,

26:45.687 --> 26:50.400
at sinabing kailangan niya ng tulong
at pupunta siya sa bahay niya.

26:51.443 --> 26:53.820
Medyo nagulat si Valles doon,

26:53.903 --> 26:58.033
pero pumunta si Creech, kailangan daw niya
ng tulong sa paglipat ng kotse,

26:58.116 --> 27:00.160
at Mercedes-Benz 'to.

27:01.911 --> 27:04.873
Nakita ni Jorge Valles
na may mukhang mummified na katawan

27:04.956 --> 27:07.626
na nakabalot sa kumot
sa may passenger seat,

27:07.709 --> 27:11.296
at sinabi ni John Creech kay Jorge Valles,
"Pinatay ko siya."

27:11.379 --> 27:13.089
"Itago mo siya."

27:13.590 --> 27:17.177
Sabi ni Jorge, "Nababaliw ka na.
Di mo siya pwedeng itago dito."

27:20.555 --> 27:23.183
Nag-atubili si Jorge Valles

27:23.266 --> 27:26.227
na sabihin sa mga detective
'yong sumunod na nangyari,

27:26.311 --> 27:29.981
pero sinundan niya si John Creech
na nasa itim na Mercedes

27:30.065 --> 27:33.985
sa isang bahay sa Porter Ranch,
isang gated community.

27:34.069 --> 27:36.321
At pumunta sila sa isa sa mga bahay.

27:37.739 --> 27:39.949
Pagdating ni Creech sa bahay,

27:40.033 --> 27:43.620
ipinasok niya
'yong itim na Mercedes sa garahe,

27:44.120 --> 27:46.081
iniwan 'yong itim na Mercedes do'n,

27:46.164 --> 27:48.124
at umalis na sila.

27:50.210 --> 27:54.005
Tapos sinabi ni John Creech,
"Itapon mo 'tong phone na 'to."

27:54.089 --> 27:56.716
At kinuha ng tatanga-tangang si Jorge
'yong phone.

27:56.800 --> 27:58.259
Ayon kay Jorge,

27:58.343 --> 28:02.097
kinabukasan, tinapon niya 'to
sa basurahan sa likod ng isang McDonald's.

28:04.599 --> 28:06.935
Nakita ni Jorge 'yong mga sugat
sa kamay ng Creech.

28:07.018 --> 28:09.145
Nakita niya 'yong inakala niyang bangkay,

28:09.229 --> 28:11.231
pero di niya masabi 'yong plaka.

28:11.314 --> 28:13.191
Di niya makilala 'yong katawan.

28:13.274 --> 28:17.070
Kaya di pa rin sapat
'yong meron kami para dalhin sa DA.

28:19.364 --> 28:21.866
Nalaman ng mga detective

28:21.950 --> 28:27.163
na 'yong bahay na pinuntahan
nina John Creech at Mr. Valles

28:27.247 --> 28:30.542
ay tirahan
ng isang nagngangalang Stan McQuay.

28:32.168 --> 28:35.213
Kasama ni John
na nagwo-workout si Stan McQuay.

28:35.296 --> 28:40.009
Para siyang si Mr. Health
at Fitness Guru para sa mga artista.

28:41.261 --> 28:44.556
Dinala si Stan McQuay
sa Lost Hills sheriff station.

28:45.056 --> 28:48.309
Kinausap namin siya,
pero gusto niya 'yong abogado niya.

28:49.269 --> 28:55.108
Dumating 'yong kilalang abogado
ni Stan McQuay.

28:56.484 --> 28:59.737
Napakaprangka niya sa 'kin.
Sabi niya, "Ty, di ka niya kakausapin."

28:59.821 --> 29:02.240
"Papayuhan ko siyang wag."
Sabi ko, "Kausapin mo."

29:03.074 --> 29:04.075
At kinausap niya.

29:04.993 --> 29:11.124
Lumipas ang limang minuto,
20 minuto, 40, 50…

29:11.708 --> 29:14.085
tumingin ako kay John at sinabing
"Maganda 'to."

29:14.669 --> 29:16.754
"Mas matagal siya do'n, mas mabuti,

29:16.838 --> 29:19.591
dahil habang tumatagal siya do'n,
malaya silang nag-uusap."

29:19.674 --> 29:25.138
At malamang sabi ng abogado,
"Ay, lintik! Ugh!"

29:25.221 --> 29:27.015
"Ano na namang ginawa mo ngayon?"

29:27.807 --> 29:32.896
Lumabas siya, at masaya ako,
kasi mukhang hiyang-hiya siya.

29:32.979 --> 29:36.399
Pag nakakita ka ng defense attorney
na mukhang hiyang-hiya…

29:36.983 --> 29:38.276
maganda 'yon.

29:38.359 --> 29:41.696
Parang, "'Yan, ganyan nga.
May nararating na tayo."

29:41.780 --> 29:44.866
Ito 'yong maliliit na bagay
na nagpapasaya sa 'ming mga detective!

29:44.949 --> 29:46.493
"Nakalamang tayo."

29:46.576 --> 29:50.246
At gano'n nga, sabi niya, "Uy, pare."
Gusto niya tayong makausap.

29:50.330 --> 29:52.832
"Pwede ba sa opisina mo bukas?"

29:53.333 --> 29:56.127
"Oo naman! Walang problema."

29:57.212 --> 30:00.965
Tapos sabi niya, "Mga detective,
pwede n'yo ba siyang ihatid sa kanila?"

30:02.884 --> 30:06.554
At sabi ko, "Oo, walang problema, sir.
Kami na ang bahala do'n."

30:08.264 --> 30:10.141
Kaya, bilang homicide guy,

30:10.225 --> 30:13.895
dapat kaya mong lumibot
nang di dumadaan sa freeway.

30:13.978 --> 30:17.774
Dumaan kami sa mga side street,
at huminto ako sa bawat red light

30:17.857 --> 30:20.318
nang matagal.
Maganda 'yong pag-uusap namin.

30:21.569 --> 30:25.073
Sinabi sa 'min ni Stan McQuay
na dumating si John,

30:25.156 --> 30:27.575
nakiusap na iparada 'yong kotse sa garahe.

30:27.659 --> 30:31.329
Sumumpa siyang di niya alam
na may bangkay hanggang umamoy 'to.

30:32.121 --> 30:35.416
Walang makakapigil
sa amoy ng naaagnas na katawan.

30:35.500 --> 30:39.170
Kaya sabi niya kinulit niya si Creech

30:39.254 --> 30:41.881
na kunin 'yong bangkay do'n.

30:41.965 --> 30:46.261
Sabi niya, dumating si John Creech
na may dalang U-Haul van,

30:46.344 --> 30:50.473
hinila niya 'yong bangkay sa kotse,
at siya mismo 'yong nagsakay nito sa van.

30:54.978 --> 30:59.858
Kalaunan, kinuha ni John Creech
'yong Mercedes-Benz ni Gavin Smith

30:59.941 --> 31:01.568
at inalis sa garahe niya.

31:07.407 --> 31:10.743
Gumawa kami ng search warrant
sa U-Haul Corporation

31:10.827 --> 31:14.205
ng lahat ng mga sangkot sa kaso,

31:14.706 --> 31:18.459
at wala sa mga kilalang target namin

31:18.543 --> 31:21.671
ang nagrenta ng anumang kagamitan
sa time frame namin.

31:22.171 --> 31:23.256
Nakakainis 'yon.

31:27.802 --> 31:30.722
Nawawala si Gavin, inaakalang patay na.

31:30.805 --> 31:33.308
At wala pa rin kaming bangkay.

31:33.391 --> 31:35.101
Wala pa rin sa 'min 'yong kotse.

31:35.184 --> 31:37.312
Di namin alam kung may ginamit na armas.

31:37.395 --> 31:40.023
Lumalabo na 'yong kaso
at medyo gumugulo na

31:40.106 --> 31:43.192
kaya iniisip namin,
"Ano'ng susunod nating gagawin?"

31:44.444 --> 31:48.448
Nauunawaan namin
ng partner kong si John na

31:48.531 --> 31:50.617
di ito checkers, chess 'to.

31:51.200 --> 31:55.455
At sa larong chess na nilalaro namin
bilang homicide detective

31:55.538 --> 31:56.998
kasama ng mga salarin,

31:57.081 --> 32:00.668
walang dalawang minutong orasan.
Galaw agad.

32:03.546 --> 32:08.134
Malaki ang naitulong no'ng mga detective,
sina Labbe at O'Brien.

32:08.217 --> 32:11.971
Di ito parang sa unang 48 oras,
nalutas na.

32:12.055 --> 32:13.139
Hindi.

32:13.222 --> 32:16.100
Pero marami na silang ipinuhunan dito,

32:16.184 --> 32:18.269
at tatapusin nila 'to.

32:25.860 --> 32:28.571
Noong unang bahagi ng February 2013,

32:28.655 --> 32:32.492
isa sa mga detective sa Homicide Bureau,

32:32.575 --> 32:37.163
retirado na siya, naglalaro siya ng tennis
kasama ang isang grupo ng mga lalaki,

32:37.872 --> 32:39.916
at isa sa mga lalaking 'yon…

32:41.292 --> 32:42.669
ay ang ama ni Chandrika.

32:44.629 --> 32:48.299
Habang naglalaro sila ng tennis,
di mapakali 'yong tatay ni Chandrika.

32:48.383 --> 32:51.386
Bumalik daw 'yong anak niya sa bahay nila,

32:51.469 --> 32:54.806
at may kinukuwento
tungkol sa pinatay ng asawa niya,

32:55.390 --> 33:01.020
at sobrang nabigla 'yong tatay niya,
kaya napilitan siyang sabihin sa kaibigan.

33:01.771 --> 33:04.399
Kilala ako ng detective na 'to,

33:05.316 --> 33:07.819
at ibinigay niya agad sa 'kin
'yong impormasyon.

33:09.278 --> 33:11.614
Nagpakilala ako sa tatay ni Chandy,

33:11.698 --> 33:14.701
at sabi niya,
"Sasabihin ko lahat ng alam ko."

33:16.703 --> 33:20.206
Sabi niya, "Nandito pa yata 'yong kotse."

33:20.289 --> 33:22.041
"Baka na-chop-chop na."

33:22.583 --> 33:26.045
"Baka na-part out na, pero may natira pa
na nasa paligid lang."

33:26.129 --> 33:27.422
At sabi niya,

33:27.505 --> 33:33.136
"Kailangan mong tingnan si Reina Lim,
'yong caretaker ng lola ni Chandy."

33:33.636 --> 33:36.097
Medyo nakakagulat 'yon
para sa 'ming dalawa.

33:36.180 --> 33:38.433
Sabi ko, "Di nga?"

33:38.516 --> 33:42.186
Maliit lang siya na 70 taong gulang,

33:42.270 --> 33:46.524
di kahina-hinala, Kristiyano,
na Filipino caretaker

33:46.607 --> 33:50.278
ng isang mamamatay nang babae
na may relasyon kay Chandrika.

33:50.361 --> 33:53.948
Tapos bigla naming naisip, alam mo 'yon?

33:54.032 --> 33:56.659
"Lintik. Nando'n lang siya
sa simula pa lang."

33:59.579 --> 34:02.123
Halimbawa 'to ng,
"daig ng masuwerte 'yong magaling,"

34:02.206 --> 34:05.460
kasi kailangan lang ng tiyempo.

34:05.543 --> 34:08.755
Biglang magkakaro'n ka ng break, tapos…

34:08.838 --> 34:10.047
nagkataon lang 'yon.

34:10.882 --> 34:13.426
Pero pag nasa 'yo na, ituloy-tuloy mo na.

34:14.469 --> 34:15.970
Sabi ko, "Hanapin natin siya."

34:16.554 --> 34:20.433
Kaya sinimulan naming bantayan si Reina.

34:21.267 --> 34:23.311
Kalaunan, lumabas siya sa trabaho,

34:23.394 --> 34:25.688
at kinausap namin siya sa paradahan.

34:26.647 --> 34:28.900
Masasabi mong medyo nagulat siya.

34:28.983 --> 34:31.903
Pero kilala niya kami.
Alam niya 'yong iniimbestigahan namin.

34:31.986 --> 34:35.406
Kinausap lang namin siya
at ipinaliwanag 'yong nangyayari,

34:35.490 --> 34:39.786
kung paano lumabas 'yong pangalan niya,
at gusto niyang tumulong.

34:40.703 --> 34:42.747
Pakiramdam ko totoo 'yong sinasabi niya.

34:42.830 --> 34:45.708
Pinakita niya sa 'min
ang isang dokumentong

34:45.792 --> 34:50.922
nagpapatunay na nagbabayad siya ng bill
ng storage facility ni John Creech.

34:51.422 --> 34:55.802
At malamang, alam man niya o hindi,
binabayaran niya 'yong bill

34:55.885 --> 34:59.764
para sa storage facility
kung nasaan 'yong ebidensiya sa pagpatay.

34:59.847 --> 35:02.809
Ewan ko sa 'yo,
pero may nakikita akong pagkakatulad.

35:02.892 --> 35:05.770
"Jorge, pwede mong itago
'tong phone na 'to?

35:05.853 --> 35:09.357
"Stan, pwede kong ilagay 'tong kotse
at bangkay ng isang lalaki

35:09.440 --> 35:11.526
sa bahay mo nang limang araw?"

35:11.609 --> 35:13.986
"Reina, pwede bang bayaran niya
'yong bill?"

35:14.487 --> 35:16.114
May nakikita ka bang pattern dito?

35:16.197 --> 35:18.032
Klasikong manloloko 'to.

35:18.116 --> 35:23.371
Ginagamit niya kahit sino
para mabawasan 'yong kasalanan niya.

35:24.622 --> 35:26.916
Pumunta kami do'n
at ginawa 'yong search warrant.

35:26.999 --> 35:31.170
Siyempre, pagbukas namin ng kandado,
nakita namin 'yong kotse ni Gavin Smith.

35:32.713 --> 35:36.342
Exciting 'yon, kasi nakumpirma na
'yong sasakyan ng biktima,

35:36.425 --> 35:38.928
buo, di na-chop-chop.

35:39.011 --> 35:40.555
Suwerte lang, alam mo 'yon.

35:40.638 --> 35:43.891
Pinagpala kami ng mga diyos
ng pag-iimbestiga no'ng araw na 'yon.

35:50.773 --> 35:52.483
Matapos mahanap 'yong kotse,

35:52.567 --> 35:56.946
naging determinado sila na
magiging full-on investigation 'to

35:57.029 --> 36:00.449
na pwedeng mauwi sa paghahain ng kaso,

36:00.533 --> 36:02.743
at kasama ko si Ty dito.

36:03.703 --> 36:06.372
Alam kong malakas
'yong reputasyon ni Bobby

36:06.455 --> 36:10.918
sa mga imbestigador sa unit ko
na nirerespeto ko.

36:11.002 --> 36:12.837
Galing siya sa Major Trials Division,

36:12.920 --> 36:16.883
na medyo mahirap makuha sa opisina ng DA.

36:16.966 --> 36:18.467
Ibig kong sabihin, sikat siya.

36:24.307 --> 36:27.560
'Yong mahalagang ebidensiya
na gusto nilang malaman

36:27.643 --> 36:32.064
ay kung sa kotse namatay si Gavin Smith.

36:33.065 --> 36:34.859
Maraming kritikal na trabaho

36:34.942 --> 36:37.987
ang gagawin ng forensic analyst sa kotse.

36:38.070 --> 36:40.448
Gusto nilang maghanap
ng ebidensiya ng dugo.

36:40.531 --> 36:45.203
Gusto nilang maghanap ng ebidensiya
ng serology, DNA, laway, buhok,

36:45.286 --> 36:49.373
anumang mag-uugnay na nasa loob ng kotse
si Gavin Smith.

36:50.875 --> 36:53.502
Nakita namin na tinanggal 'yong mga plaka.

36:53.586 --> 36:55.796
Buo 'yong VIN.

36:55.880 --> 36:57.131
Di 'yon inalis.

36:57.214 --> 37:00.343
Doon namin 'yon nakilala.
'Yon ang crime scene namin.

37:02.678 --> 37:04.972
May makikita kang dugo,

37:05.056 --> 37:08.768
maraming natuyong dugo sa passenger side,

37:08.851 --> 37:12.355
sa floorboard, sa dash,
sa bubong, sa upuan sa likod.

37:14.065 --> 37:18.236
May mga talsik ng dugo,
ibig sabihin, paulit-ulit na suntok,

37:18.736 --> 37:22.615
pagtalsik ng dugo sa kisame.

37:23.658 --> 37:26.702
May nakita kaming tuyong dugo
sa loob ng doorjamb

37:27.286 --> 37:28.788
kung saan sumasara 'yong pinto.

37:29.497 --> 37:31.374
Di pa rin ako kumbinsido,

37:31.457 --> 37:34.001
na di nilagay 'yong ulo ni Gavin
sa pagitan ng doorjamb

37:34.085 --> 37:35.461
at paulit-ulit na hinampas.

37:37.171 --> 37:40.258
Brutal niyang ginulpi
'tong lalaking ito, alam mo 'yon?

37:40.341 --> 37:43.552
Walang duda. Masamang tao 'to.

37:45.471 --> 37:49.183
Nawala ang 57 taong gulang na si Smith
noong May 1, 2012.

37:49.267 --> 37:51.477
Matapos ang isang taon,
nakita ang Mercedes niya

37:51.560 --> 37:53.813
sa storage facility ng Simi Valley.

37:57.483 --> 38:01.737
Kailangan naming maiugnay si John Creech
sa kotse ni Gavin Smith.

38:01.821 --> 38:03.823
Ipapa-fingerprint mo 'yong kotse,

38:03.906 --> 38:09.537
pero alam mo na kung saan dapat mag-focus
'yong mga forensic people.

38:09.620 --> 38:12.999
May ebidensiya sa kotse
na doon siya pinatay.

38:13.082 --> 38:15.459
Person of interest pa rin si Mr. Creech.

38:17.295 --> 38:19.714
May resulta na ng DNA,
'yong ebidensiya ng dugo.

38:20.548 --> 38:23.134
Tumugma 'yong ebidensiya ng dugo
kay Gavin Smith.

38:25.636 --> 38:28.639
Alam mo, naalala ko
'yong isa sa mga nakita ko.

38:28.723 --> 38:30.599
Wala 'yong plaka,

38:30.683 --> 38:34.520
pero binalik 'yong turnilyo
sa kaliwang bahagi.

38:35.021 --> 38:37.898
Sinabi ko sa crime lab
na gusto kong i-test 'yon para sa DNA,

38:37.982 --> 38:41.068
at sa huli, tumugma 'to kay John Creech.

38:49.952 --> 38:51.120
Bittersweet 'yon.

38:55.875 --> 38:59.128
Kasi alam ko na…

39:01.922 --> 39:03.132
na 'yon ay…

39:03.215 --> 39:05.426
'Yong paglalarawan nila,

39:06.886 --> 39:12.099
alam kong maraming biological
at DNA sa kotse.

39:13.017 --> 39:15.061
Kaya alam ko na no'n.

39:18.481 --> 39:20.399
Sa sandaling 'yon, parang…

39:21.484 --> 39:24.653
Alam mo na, wala nang atrasan.

39:24.737 --> 39:27.156
Tapos tatanungin mo 'yong sarili mo,

39:27.239 --> 39:29.950
"Paano nangyari?
'Yong mga huling sandali niya?"

39:32.078 --> 39:33.079
Ang hirap.

39:36.290 --> 39:37.291
Napakahirap.

39:45.966 --> 39:49.178
Sa pananaw ng prosecutor sa ebidensiya
sa puntong 'yon,

39:49.261 --> 39:54.183
mapapatunayan na sa legal na paraan
na may matibay na circumstantial evidence

39:54.266 --> 39:57.436
na si John Creech ang dahilan
kung bakit siya namatay.

39:58.104 --> 40:03.651
Siyempre, may malalaking bahagi pa rin
sa kuwento na di pa namin alam.

40:04.610 --> 40:08.197
No'ng mga oras na 'yon,
may dalawang witness na nakikipagtulungan.

40:08.280 --> 40:11.742
Nariyan si Jorge Valles, Stan McQuay.

40:12.493 --> 40:17.373
'Yong wala lang talaga
ay 'yong bangkay ng biktima,

40:17.456 --> 40:23.170
at wala pa rin kaming eyewitness
na nakakita kung paano 'to nangyari.

40:23.254 --> 40:26.465
Mas maraming di alam kaysa sa mga alam na.

40:27.258 --> 40:32.179
Ilan sa pinakamahirap patunayan na kaso
'yong mga kaso ng "walang bangkay."

40:32.763 --> 40:36.350
May ebidensiya kami ng dugo
sa loob ng kotse,

40:36.433 --> 40:41.230
pero di mo pa rin alam
kung paano namatay 'yong tao,

40:41.313 --> 40:44.275
at di masasabi sa 'yo ng coroner

40:44.358 --> 40:46.819
na patay na talaga 'yong tao.

40:47.570 --> 40:49.238
Patuloy ang imbestigasyon.

40:50.739 --> 40:54.201
Sa puntong ito, wala pa kaming kakasuhan.

40:55.077 --> 40:59.999
Ang nakakalungkot dito,
'yong matagal mong di alam.

41:00.082 --> 41:01.542
Nakakadurog ng puso.

41:02.543 --> 41:05.421
Tama lang na malungkot si Lisa

41:05.504 --> 41:10.426
sa bawat araw na di niya alam
ano'ng nangyari.

41:15.764 --> 41:18.559
Kahit higit dalawang taon na
'yong lumipas,

41:18.642 --> 41:21.187
di namin ipi-present ang isang kaso sa DA

41:21.270 --> 41:24.899
hangga't di namin nagawa lahat
ng makakaya namin.

41:27.776 --> 41:30.154
Noong October 2014,

41:30.237 --> 41:35.034
sa may mabulubunduking lugar
sa Palmdale, California,

41:36.076 --> 41:38.496
may mag-asawang naglalakad ng aso nila.

41:39.121 --> 41:42.124
Pinakawalan nila 'yong aso nila,
at bumalik 'to sa kanila,

41:42.708 --> 41:47.338
na may bitbit
na parang buto ng tao sa bibig niya.

41:49.173 --> 41:52.134
Pag may naaamoy siyang
gusto niya, aalis siya.

41:52.218 --> 41:54.887
May nahanap na gusto niya
'yong brown Lab na si Buddy

41:54.970 --> 41:57.389
habang nasa bundok
ng Palmdale kasama 'yong amo niya.

41:57.473 --> 42:01.685
At tumawag sila ng pulis
para mag-imbestiga.

42:01.769 --> 42:06.732
Rumesponde 'yong mga pulis
at itinawag sa Homicide Bureau

42:06.815 --> 42:09.652
na may mababaw na libingan
na may mga labi ng tao.

42:11.278 --> 42:14.698
Pagpunta ng mga detective sa crime scene,

42:14.782 --> 42:17.409
di nila alam kung sino 'yon.

42:17.910 --> 42:20.454
Minsan ina-identify sila
gamit 'yong ngipin.

42:21.247 --> 42:26.001
Minsan kung sariwa pa 'yong mga labi,
pwede kang mag-fingerprint,

42:26.085 --> 42:30.714
at sa kasong 'to,
nakita sa labi ng taong 'to

42:30.798 --> 42:33.884
'yong ilang operasyon ni Gavin
sa mga nakalipas na taon,

42:33.968 --> 42:39.306
kaya natukoy nila na 'yon nga
ang mga labi ni Gavin.

42:46.063 --> 42:49.817
Ipinadala namin 'yong ebidensiya
sa opisina ng coroner.

42:50.651 --> 42:52.903
Sinimulan na ng coroner 'yong pagsusuri,

42:54.071 --> 42:59.159
pagtingin sa X-ray, paggawa ng opinyon,
at pagpapasya sa mga nakita nila,

43:00.327 --> 43:06.125
na mga defensive-type
na sugat at fracture sa braso niya,

43:06.208 --> 43:10.796
na parang may sinasangga siyang suntok,
na naaayon sa alam na namin.

43:10.879 --> 43:12.506
Binugbog siya sa kotse.

43:12.589 --> 43:16.552
Malinaw at sinasabing
may fracture siya sa bungo,

43:17.136 --> 43:20.806
dahil sa blunt force trauma sa ulo.

43:21.307 --> 43:25.311
Nakita namin 'yong orbital fracture
ng buong…

43:25.394 --> 43:27.896
halos wala na siyang cheekbone.

43:30.983 --> 43:35.404
Sa usapang imbestigasyon, 'yong mahanap
si Gavin Smith, malaki 'to. Mahalaga 'to.

43:35.904 --> 43:40.034
Pero 'yong pamilya ang inaalala ko.
Gusto kong nando'n ako para sa kanila.

43:42.369 --> 43:47.207
Dapat kami ng partner ko 'yong kumausap
kay Mrs. Smith at sa boys tungkol dito.

43:48.959 --> 43:51.295
Naaalala kong tinawagan ako ni Lisa

43:51.795 --> 43:55.924
at sinabing nahanap na siya.

43:56.717 --> 44:00.304
Alam mo, pakiramdam ko 'yon 'yong…

44:01.889 --> 44:05.601
sandali ng closure, kasi…

44:09.605 --> 44:10.606
Sorry.

44:18.656 --> 44:20.449
Alam mo kung gaano kasama.

44:22.951 --> 44:24.870
Pero alam mong tapos na.

44:24.953 --> 44:27.706
Kasi totoo 'yon.

44:27.790 --> 44:29.958
Alam mo 'yon,
kailangan ng closure ng pamilya.

44:31.877 --> 44:33.629
Nagbibigay ng closure 'yong bangkay.

44:34.672 --> 44:36.632
Di 'yon ang gusto namin, pero…

44:41.095 --> 44:43.305
alam naming di na siya babalik.

44:51.855 --> 44:54.733
Kahit natuklasan na
'yong bangkay ni Gavin,

44:54.817 --> 44:58.487
may impormasyon pa rin na di namin alam.

44:58.570 --> 45:04.743
Di namin alam kung paano pinatay
ni Creech si Gavin Smith.

45:04.827 --> 45:08.414
Alam naming ang tanging may hawak
ng impormasyong 'yon

45:08.497 --> 45:09.748
ay si Chandrika Creech.

45:11.792 --> 45:14.002
Ang di namin alam no'ng oras na 'yon,

45:14.086 --> 45:19.466
'yong lawak ng pagkakasangkot niya
sa pagkamatay ni Gavin.

45:20.384 --> 45:24.346
Kaya, nagpasya kaming sabihin sa kanya

45:24.430 --> 45:26.849
na pwede namin siyang bigyan ng kaluwagan

45:26.932 --> 45:30.060
kapalit ng pagbibigay
ng makatotohanang pahayag,

45:30.144 --> 45:31.395
at proffer ang tawag dito.

45:31.979 --> 45:35.691
Pumayag si Chandrika na makipagtulungan
sa pamamagitan ng abogado niya.

45:39.611 --> 45:40.863
At sinabi niya sa 'min

45:40.946 --> 45:46.910
na nagsimula ulit 'yong relasyon niya
kay Gavin Smith,

45:46.994 --> 45:52.332
pero di ito sexual na relasyon.

45:52.958 --> 45:55.169
Nagkaroon sila ng koneksiyon,

45:55.252 --> 45:59.381
at nag-uusap sila sa kotse
bilang magkaibigan.

46:00.174 --> 46:03.343
Inaaliw niya raw siya sa breakup niya,

46:03.427 --> 46:07.806
at, "Ano'ng gagawin niya," 'yong mga bata,
at naging kaibigan siya.

46:07.890 --> 46:13.437
At doon bumukas 'yong pinto ng kotse,

46:14.104 --> 46:17.608
at sinunggaban silang dalawa ni Johnny,

46:18.317 --> 46:19.610
at sinimulang suntukin siya.

46:20.944 --> 46:24.031
Ilang beses mong nakitang hinampas
ni Johnny si Gavin?

46:24.114 --> 46:25.824
-Lima.
-Lima?

46:26.617 --> 46:28.076
Nagsisisigaw siya,

46:28.160 --> 46:32.790
at sabi niya pinagsusuntok siya ni Johnny
nang paulit-ulit sa mukha,

46:33.457 --> 46:37.044
at nagawa niyang makalabas,

46:37.127 --> 46:39.922
sinigawan niya siyang tumigil na,
na mapapatay niya siya.

46:40.422 --> 46:45.010
At, sa isang punto, tumigil si Johnny
habang walang malay si Gavin.

46:46.011 --> 46:48.597
Nagkalat 'yong dugo,
at tumingin siya kay Chandrika,

46:48.680 --> 46:51.808
at sinabing, "Tumahimik ka
o ikaw ang susunod."

46:51.892 --> 46:56.563
Kaya umalis na raw siya at lumayo na doon.

46:57.064 --> 47:01.193
At patuloy lang si Johnny
sa pambubugbog habang wala siyang malay.

47:02.027 --> 47:07.449
Tingin ko pinagtakpan ito ni Chandy
kasi takot na takot si Chandy sa kanya.

47:19.545 --> 47:23.757
Nagsimula 'yong prosecution
kay John Creech noong June 2017.

47:23.841 --> 47:25.342
Umubra 'yong plano.

47:26.176 --> 47:27.719
Patay na si Gavin Smith!

47:27.803 --> 47:31.139
At itinago niya 'yong sekreto niya
nang mahigit dalawang taon.

47:31.223 --> 47:32.975
Kailangan kong ipagdiinan sa jury na,

47:33.058 --> 47:36.895
"Di ito klasikong emosyonal na pagpatay,

47:36.979 --> 47:40.482
pero sa katunayan, matagal nang alam
ng defendant 'yong tungkol sa relasyon,

47:40.566 --> 47:43.694
at sinubaybayan niya
kung nasaan 'yong asawa niya,

47:43.777 --> 47:48.240
kaya di siya emotionally distressed

47:48.323 --> 47:51.910
para di niya malaman 'yong pinlano niya."

47:55.372 --> 47:58.083
Ilan sa mahahalagang witness,
siyempre, si Chandrika,

47:58.166 --> 48:01.837
na nakapagkuwento
ng eksaktong pagpatay kay Gavin.

48:02.337 --> 48:04.172
Di siya lumalaban o anuman.

48:04.256 --> 48:07.342
Di man lang niya siya tinulak.
Di siya gumagalaw.

48:09.303 --> 48:11.388
-Kaya…
-At umuungol siya.

48:12.514 --> 48:14.349
Tumestigo si John Creech

48:14.433 --> 48:18.895
at sinabing nag-away sila ni Gavin.

48:19.396 --> 48:21.356
Sinuntok niya ako, hinila ang sweater ko.

48:21.440 --> 48:23.901
Nilagay niya 'yong kamay niya
sa leeg ko, sinakal ako.

48:23.984 --> 48:27.529
Inipit niya 'yong ulo ko sa kisame,
at nasa kanang mata ko ang hinlalaki niya.

48:27.613 --> 48:31.366
Nakalaylay ako, ulo ko lang ang nasa loob
at sinasakal at sinusundot 'yong mata ko.

48:32.200 --> 48:35.746
Sinasabi ni John Creech
na may martilyo si Gavin Smith.

48:36.330 --> 48:40.584
Tumestigo si John Creech
na natalo niya siya at naagaw 'yon.

48:41.543 --> 48:46.882
Kalaunan, nalamangan niya
at aksidenteng napatay si Gavin,

48:47.633 --> 48:49.801
pero dahil ito sa self-defense.

48:50.302 --> 48:53.138
At, sa huli, dinala niya 'yong…

48:53.639 --> 48:55.974
anumang kasangkapan o gamit 'yon

48:56.058 --> 48:59.436
sa bahay niya at itinapon
sa bakuran ng kapitbahay niya.

48:59.519 --> 49:02.856
Nagpasya kang wag tumawag sa 911.
Tama ba 'yon?

49:02.940 --> 49:04.191
Desisyon ko 'yon.

49:04.858 --> 49:06.485
Araw-araw kong dala-dala 'yon.

49:10.072 --> 49:12.824
Para sa 'kin,
kasinungalingan lahat ng sinabi niya.

49:17.788 --> 49:20.874
Kami, ang jury para sa nasabing kaso,
nagpasya kaming si John Creech,

49:20.958 --> 49:24.002
ay di nagkasala ng first-degree murder
ni Gavin Smith.

49:25.837 --> 49:27.130
'Yong lumabas na hatol,

49:27.214 --> 49:31.385
not guilty sa first-degree murder,
pinlanong pagpatay.

49:31.468 --> 49:36.181
Kaming jury para sa nasabing kaso,
nagpasya kami na si John Creech,

49:36.264 --> 49:39.810
ay guilty sa krimen
ng voluntary manslaughter ni Gavin Smith.

49:42.479 --> 49:47.109
Pero guilty ng voluntary manslaughter
sa estado ng California.

49:47.609 --> 49:48.819
'Yon ang, "Lintik ka."

49:48.902 --> 49:53.240
Pinaghandaan, pinlano, at kalkulado,
at pinatay niya siya.

49:53.740 --> 49:58.453
Sa tuwing makakarinig ka ng hatol
na di 'yon ang gusto mo,

49:58.537 --> 50:01.081
may panlulumo, kalungkutan.

50:03.333 --> 50:05.419
Sinikap ng judge

50:05.502 --> 50:09.172
na sabihing di siya sang-ayon
sa hatol ng jury

50:09.256 --> 50:12.926
at sa palagay niya
napatunayan ng prosecution na murder 'to.

50:13.009 --> 50:15.637
Kahit sinong nakaupo sa korteng 'to

50:15.721 --> 50:18.932
tatawag sa 911, hihingi ng tulong medikal,

50:19.433 --> 50:20.642
at di mo 'yon ginawa.

50:20.726 --> 50:24.730
At sa tingin ko, dahil sa totoo lang,
napakalupit mong tao.

50:25.313 --> 50:28.316
Sesentensiyahan niya ng maximum
'yong defendant,

50:28.400 --> 50:29.985
na 11 taon.

50:32.821 --> 50:37.492
Sa isip ko, sabi ko "Makukulong siya
ng 30, 40 taon, tama?"

50:37.576 --> 50:40.412
Kasi, planado 'to.

50:40.495 --> 50:44.207
Tapos 11 taon? Parang di 'yon hustisya.

50:44.291 --> 50:46.668
Galit na naman ako.

50:47.335 --> 50:49.087
Galit na galit ako.

50:49.171 --> 50:54.384
Ibig kong sabihin, galit na galit na…
Di nakamit ni Gavin 'yong hustisya.

50:59.598 --> 51:02.392
'Yong magandang balita,
iniimbestigahan siya

51:02.476 --> 51:04.978
para sa mga bagong kasong
may kinalaman sa droga

51:05.062 --> 51:09.816
at kalaunan ay inusig
sa pagdadala at pagbebenta ng droga.

51:10.484 --> 51:14.654
At makukulong siya ng 26 na taon
para sa federal charges.

51:14.738 --> 51:18.825
At malaking dahilan do'n na dati na siyang
convicted federal felon.

51:19.659 --> 51:23.705
Umabot siya ng mahigit 40 taon
na pagkakakulong sa kabuuan.

51:23.789 --> 51:27.209
Kaya nakagaan 'yon sa loob ni Lisa
at sa mga anak niya.

51:27.793 --> 51:32.005
At 'yong katotohanang
matagal siyang makukulong

51:32.089 --> 51:35.175
na talagang nararapat.

51:48.021 --> 51:50.482
Maraming bagay sa kanya

51:51.566 --> 51:53.485
ang di kapani-paniwala.

51:54.152 --> 51:55.028
Alam mo 'yon?

51:55.112 --> 51:58.532
Di lahat perpekto, at, lalo na siya,
di siya perpekto.

51:59.032 --> 52:03.286
Maraming paraan para ilarawan siya.
Pero di siya kapani-paniwalang tao.

52:06.748 --> 52:11.795
Sinamantala niya kung ano'ng meron
sa buhay, at marami siyang nagawa.

52:23.390 --> 52:28.103
Nakakalungkot, kalunos-lunos, pero wala
akong pinagsisisihan sa kasong 'to.

52:29.938 --> 52:33.650
Sa totoo lang, tingin ko di magagawa
ng maraming imbestigador sa building namin

52:33.733 --> 52:36.111
'yong kalahati ng ginawa namin.

52:37.362 --> 52:41.449
Pinakamahalaga 'yong passion
at 'yong sense of duty.

52:41.533 --> 52:43.785
Trabaho naming hanapin 'yong katotohanan,

52:43.869 --> 52:45.829
at dalhin 'yong tao sa hustisya.

52:47.080 --> 52:49.541
'Yon ang ginagawa namin.
'Yon ang pinasukan namin.

52:59.467 --> 53:03.221
Noong August 20,
nakatanggap ako ng tawag mula kay Bruce,

53:03.305 --> 53:08.977
at sabi niya, nawawala 'yong asawa niyang
si Jana mula pa no'ng umaga.

53:10.145 --> 53:12.272
Gaya ng kaso ni Gavin Smith,

53:12.355 --> 53:15.442
mahalagang tingnan
ang sinumang malapit sa kanya.

53:16.026 --> 53:17.986
Kailangan mong tingnan bawat isa.

53:18.069 --> 53:20.822
Sino'ng gustong manakit sa kanya?
May kaaway ba siya?

53:21.907 --> 53:24.576
Sabi ni Bruce dahil sa tatay ni Jana,

53:24.659 --> 53:27.329
pwedeng may dumukot kay Jana.

53:27.412 --> 53:32.000
Kilalang politiko sa estado ng California
'yong tatay niya.

53:32.959 --> 53:34.085
Baka lumayas siya.

53:34.794 --> 53:37.631
Baka may karelasyon siya.

53:38.340 --> 53:42.385
Sinimulan niya talagang baguhin
'yong itsura niya.

53:42.469 --> 53:44.721
Pinaayos niya 'yong ngipin niya.

53:44.804 --> 53:47.807
Parang may mali, parang kahina-hinala.

53:48.308 --> 53:51.394
Napakalambing at palakaibigan
niyang babae.

53:51.895 --> 53:54.940
Walang may dahilan para gawin 'to.

54:37.065 --> 54:42.070
Nagsalin ng Subtitle: Ivy Grace Quinto
bae.
