WEBVTT

00:00:06.089 --> 00:00:07.674 align:center
SA ISLA NG MANHATTAN,

00:00:07.757 --> 00:00:10.885 align:center
MAY DALAWANG DETECTIVE SQUAD
NA NAKATUON SA MGA HOMICIDE:

00:00:10.969 --> 00:00:13.096 align:center
ANG MANHATTAN NORTH
AT ANG MANHATTAN SOUTH.

00:00:13.179 --> 00:00:16.391 align:center
INIIMBESTIGAHAN NILA ANG MGA PINAKABRUTAL
AT PINAKAMAHIRAP NA PAGPATAY.

00:00:16.474 --> 00:00:19.894 align:center
HETO ANG KANILANG MGA KUWENTO.

00:00:37.579 --> 00:00:39.372 align:center
Lumabas si Joey ng Sabado ng gabi,

00:00:39.456 --> 00:00:42.417 align:center
pero di ko inalam 'yong detalye
kung sa'n siya pupunta.

00:00:43.835 --> 00:00:47.088 align:center
Twenty six na siya. Matanda na siya.

00:00:49.257 --> 00:00:52.552 align:center
Nakilala ko si Joey Comunale
no'ng first year ako sa Hofstra.

00:00:53.053 --> 00:00:55.889 align:center
Di ko lang siya kaibigan.
Parang kapatid ko na siya.

00:00:55.972 --> 00:00:59.017 align:center
Tahimik si Joey sa umpisa,
pero pag nakilala mo siya,

00:00:59.100 --> 00:01:02.562 align:center
sobrang outgoing niya,
saka gusto siya ng lahat.

00:01:03.396 --> 00:01:06.149 align:center
No'ng Sabado ng gabing 'yon,
pupunta kami sa party.

00:01:06.232 --> 00:01:09.027 align:center
Tapos last minute,
niyaya niya 'kong pumunta sa city.

00:01:09.611 --> 00:01:12.363 align:center
Papunta sa Gilded Lily
kasama ng ilang kaibigan.

00:01:12.447 --> 00:01:14.157 align:center
Medyo nagtalo kami tungkol do'n.

00:01:14.240 --> 00:01:16.367 align:center
Naghiwalay na lang kami ng gabing 'yon.

00:01:19.287 --> 00:01:23.625 align:center
Kaya no'ng Sunday,
tinext ko si Joey nang umaga.

00:01:23.708 --> 00:01:24.959 align:center
Alam ko tulog pa siya,

00:01:25.043 --> 00:01:29.005 align:center
kaya alam kong matatagalan
bago siya makasagot sa 'kin.

00:01:29.714 --> 00:01:31.257 align:center
Tapos nag-twelve na.

00:01:31.341 --> 00:01:33.593 align:center
Sabi ni Lisa sa 'kin,
"Nakausap mo ba si Joey?"

00:01:33.676 --> 00:01:37.305 align:center
Sabi ko, "Hindi ko pa siya nakakausap."
Tinawagan ko siya, hindi sumagot.

00:01:37.388 --> 00:01:40.517 align:center
Ilang beses ko siyang tinawagan
sa pagitan nang 12:00 at 1:00,

00:01:41.101 --> 00:01:43.603 align:center
kasi kailangan ko nang 1:00
'yong fantasy football team.

00:01:43.686 --> 00:01:46.481 align:center
Lagi niya 'kong tinutulungan
sa fantasy football team ko.

00:01:46.564 --> 00:01:47.816 align:center
Di ko pa din siya nakausap.

00:01:48.650 --> 00:01:52.529 align:center
Naisip ko, "Baka nakitulog siya
sa kaibigan niyang si Max."

00:01:53.696 --> 00:01:58.034 align:center
Naaalala kong nakausap ko sa phone si Pat,
tapos kinakabahan siya.

00:01:58.118 --> 00:01:58.952 align:center
Sino'ng hindi?

00:01:59.911 --> 00:02:02.997 align:center
Pero sabi ko, "Pag lumalabas ang lalaki,
nakakakilala ng babae."

00:02:03.081 --> 00:02:05.917 align:center
"Di sila magkakilala.
Uuwi sila kung saan."

00:02:06.000 --> 00:02:08.253 align:center
"Magpa-party sila. Normal na 'yon."

00:02:08.336 --> 00:02:10.630 align:center
Wala talaga 'kong naisip na masama.

00:02:12.048 --> 00:02:14.384 align:center
No'ng hapon na,

00:02:14.467 --> 00:02:16.761 align:center
tapos wala pa ring balita kay Joey,

00:02:16.845 --> 00:02:20.974 align:center
saka na 'ko kinabahan at nag-alala.

00:02:22.433 --> 00:02:26.229 align:center
Habang lumalalim 'yong araw,
umaasa kaming makakausap namin siya.

00:02:26.312 --> 00:02:31.192 align:center
Naghintay lang kami,
pero hindi 'yon nangyari.

00:02:36.656 --> 00:02:40.285 align:center
Trabaho naming siguruhing makakauwi
at makakatulog kayo sa gabi.

00:02:41.494 --> 00:02:44.706 align:center
Importanteng malaman ng pamilya
sino'ng pumatay sa kamag-anak nila.

00:02:45.623 --> 00:02:49.752 align:center
Pinakamahalaga 'yong malasakit mo
sa mga biktima.

00:02:50.461 --> 00:02:53.423 align:center
Gusto kong malaman 'yong totoong nangyari.

00:02:53.506 --> 00:02:54.757 align:center
Ano ba talagang nangyari?

00:02:56.593 --> 00:02:58.511 align:center
Gusto mong alamin 'yong totoo.

00:02:58.595 --> 00:03:00.638 align:center
Gano'n ang ginagawa ng mga detective.

00:03:00.722 --> 00:03:04.267 align:center
Likas na sa 'yo 'yong tumulong sa tao.

00:03:04.350 --> 00:03:07.937 align:center
Sa New York City, sa NYPD…

00:03:10.231 --> 00:03:11.232 align:center
ito na 'yon.

00:03:27.707 --> 00:03:31.127 align:center
Precinct detective ako
sa 17th Precinct Detective Squad.

00:03:31.628 --> 00:03:33.713 align:center
No'ng November 14, 2016,

00:03:33.796 --> 00:03:36.925 align:center
nakatanggap kami ng tawag
galing sa desk sa baba

00:03:38.176 --> 00:03:40.678 align:center
tungkol sa tatay na andun.

00:03:40.762 --> 00:03:44.599 align:center
Pumunta daw 'yong anak niya sa city
para mag-party, pero hindi pa umuuwi.

00:03:45.725 --> 00:03:48.519 align:center
Nasa opisina kami no'n
ni Detective Yeoman Castro.

00:03:48.603 --> 00:03:51.648 align:center
May naka-uniform na officer
na may kasamang dalawang lalaki,

00:03:51.731 --> 00:03:54.901 align:center
sina Pat Comunale
at kapatid niyang si Joe Comunale.

00:03:55.401 --> 00:03:57.278 align:center
Nagmamadali sila.

00:03:57.362 --> 00:04:00.531 align:center
Makikita mo sa itsura ng mukha nila

00:04:00.615 --> 00:04:03.159 align:center
na nag-aalala at natatakot sila.

00:04:04.911 --> 00:04:09.582 align:center
Sabi ni Pat, "Sixteen hours nang nawawala
'yong anak kong si Joey."

00:04:09.666 --> 00:04:14.045 align:center
Ilang beses na daw niyang tinawagan,

00:04:14.128 --> 00:04:15.880 align:center
pero hindi nakausap.

00:04:15.964 --> 00:04:21.052 align:center
Tinanong ko 'yong tatay,
"Normal bang hindi sila magkausap?"

00:04:21.135 --> 00:04:24.847 align:center
Sabi ni Pat sa 'kin,
"Lagi kong nakakausap 'yong anak ko."

00:04:28.226 --> 00:04:30.395 align:center
Naisip ko naman, "Sige, Manhattan 'to, e."

00:04:30.478 --> 00:04:32.480 align:center
Pumupunta ang mga bata dito
para mag-party.

00:04:32.563 --> 00:04:35.483 align:center
Kilala sila na natutulog sa bahay ng iba,
o sa mga hotel.

00:04:35.566 --> 00:04:38.069 align:center
May ibang nalalasing.
Nakakatulog sa kalsada.

00:04:38.653 --> 00:04:39.904 align:center
"Mahahanap natin siya."

00:04:40.405 --> 00:04:42.907 align:center
Magkaiba 'yong inaasikaso namin
ni Yeoman no'n.

00:04:42.991 --> 00:04:48.121 align:center
Nasa desk ni Yeoman si Pat.
Naghahanap naman ako sa computer.

00:04:48.204 --> 00:04:52.041 align:center
Tinitingnan ko lahat ng system
para sa pangalan at birthday ni Joey.

00:04:52.125 --> 00:04:54.419 align:center
Iba-ibang version, mga John Doe.

00:04:55.420 --> 00:04:58.715 align:center
Wala siya sa ospital. Wala sa kulungan.

00:04:59.465 --> 00:05:00.883 align:center
Wala siya sa radar.

00:05:01.884 --> 00:05:03.303 align:center
Sinabi ko kay Detective Castro

00:05:03.386 --> 00:05:07.849 align:center
na no'ng gabi bago 'yon,
tinawagan ako ng kaibigan ni Joey.

00:05:07.932 --> 00:05:10.393 align:center
Sabi niya,
"Alam kong hinahanap n'yo si Joey."

00:05:10.476 --> 00:05:14.230 align:center
"Nasa akin 'yong phone niya."
Sabi ko, "Ba't nasa 'yo ang phone niya?"

00:05:14.897 --> 00:05:18.192 align:center
Tapos kinuwento niya
'yong nangyari ng gabing 'yon.

00:05:18.943 --> 00:05:23.781 align:center
Pupunta sila sa Gilded Lily sa city,

00:05:23.865 --> 00:05:25.325 align:center
di ko alam kung saan 'yon.

00:05:25.825 --> 00:05:27.076 align:center
Nightclub 'yon.

00:05:27.702 --> 00:05:30.496 align:center
Habang paalis na sila sa Gilded Lily,

00:05:31.080 --> 00:05:33.458 align:center
may kausap si Joey na tatlong babae.

00:05:34.667 --> 00:05:38.254 align:center
Kasabay no'n, kinuha ng kaibigan ni Joey
'yong phone niya

00:05:38.337 --> 00:05:40.548 align:center
para tumawag sa girlfriend
at sabihin asan siya.

00:05:41.674 --> 00:05:47.096 align:center
Siguro, habang nangyayari 'yon,
may dalawang lalaking lumapit at nagsabing

00:05:47.180 --> 00:05:49.640 align:center
"Gusto n'yong pumunta sa after-party?"

00:05:49.724 --> 00:05:54.062 align:center
May dalawang taxi na huminto,
tapos sabi ng kaibigan ni Joey,

00:05:54.145 --> 00:05:55.646 align:center
"Nasa akin ang phone mo."

00:05:55.730 --> 00:05:58.191 align:center
Sabi ni Joey, "Ibalik mo sa 'kin bukas."

00:05:58.775 --> 00:06:02.195 align:center
Tapos sumakay na sila sa taxi
at pumunta sa after-party.

00:06:03.654 --> 00:06:05.406 align:center
Huling beses na namin siyang nakita.

00:06:06.783 --> 00:06:08.701 align:center
Pagkatapos kong makausap si Pat,

00:06:09.202 --> 00:06:12.455 align:center
nagtingin ako ng Instagram
at kinlick ko 'yong Gilded Lily.

00:06:14.082 --> 00:06:17.668 align:center
Tiningnan ko 'yong tagged photos,
ilang daan siguro 'yon,

00:06:17.752 --> 00:06:21.839 align:center
baka makita ko si Joey
sa background ng picture ng iba.

00:06:21.923 --> 00:06:24.717 align:center
Baka makakuha ako ng clue,
kasi wala kaming mapagsimulan.

00:06:26.052 --> 00:06:30.181 align:center
May nakita akong may tatlong babae,
saka lalaking kilala ko.

00:06:30.264 --> 00:06:31.349 align:center
Tinawagan ko siya.

00:06:32.016 --> 00:06:35.061 align:center
Sabi niya, "'Yon 'yong tatlong babae
na kasama ni Joey no'n."

00:06:35.603 --> 00:06:37.230 align:center
Binigyan ako ng number. Si Jenna.

00:06:38.773 --> 00:06:42.443 align:center
Tinext ko, tinanong ko siya,
"Ano'ng nangyari kay Joey kagabi?"

00:06:42.527 --> 00:06:44.612 align:center
"Alam mo ba kung asan siya?
Kasama mo ba siya?"

00:06:44.695 --> 00:06:45.780 align:center
Sabi niya, "Hindi."

00:06:45.863 --> 00:06:47.240 align:center
"Nasa party kami,"

00:06:47.323 --> 00:06:51.536 align:center
pagkatapos ng ilang oras,
hinatid ni Joey at ng lalaking si Larry

00:06:51.619 --> 00:06:54.956 align:center
'yong girls sa Uber,
tapos nagpaalam na sa kanila.

00:06:57.458 --> 00:06:59.919 align:center
Naibigay sa 'kin ni Pat

00:07:00.002 --> 00:07:04.924 align:center
'yong pangalan at number ng huling tao
na nakita ni Jenna na kasama ni Joey.

00:07:05.007 --> 00:07:07.051 align:center
Larry Dilione ang pangalan niya.

00:07:08.219 --> 00:07:13.057 align:center
Tinawagan ko si Larry.
Sabi ko, hinahanap namin si Joey Comunale,

00:07:13.141 --> 00:07:15.309 align:center
na kasama niyang nag-party sa after-party.

00:07:15.393 --> 00:07:18.521 align:center
Sabi niya, "Oo, nakilala ko siya
sa labas ng Gilded Lily,

00:07:18.604 --> 00:07:20.690 align:center
inimbitahan ko sila sa after-party

00:07:20.773 --> 00:07:23.276 align:center
ng mayamang binata sa Upper East Side.

00:07:23.901 --> 00:07:26.279 align:center
Sa Grand Sutton apartment building."

00:07:28.698 --> 00:07:31.576 align:center
Sabi ni Larry, huli niyang nakita si Joey

00:07:31.659 --> 00:07:36.622 align:center
no'ng umalis siya sa building para ihatid
si Jenna at friends niya sa Uber

00:07:36.706 --> 00:07:38.374 align:center
na mag-uuwi sa kanila sa New Jersey.

00:07:38.457 --> 00:07:40.334 align:center
Bandang 6:30 'yon nang umaga.

00:07:40.418 --> 00:07:43.713 align:center
Ang naaalala niya lang,
mag-isa siyang bumalik sa building.

00:07:45.840 --> 00:07:47.884 align:center
Kaya tinawagan ko si Jenna.

00:07:48.426 --> 00:07:52.263 align:center
Nilarawan ni Jenna 'yong after-party
sa apartment 4C.

00:07:52.346 --> 00:07:54.474 align:center
Si James Rackover 'yong host.

00:07:56.434 --> 00:07:59.353 align:center
Sabi ni Jenna, pagdating ng grupo nila,

00:07:59.437 --> 00:08:03.316 align:center
pumasok siya sa apartment,
tapos may lalaki sa loob.

00:08:03.399 --> 00:08:08.946 align:center
James Rackover ang pangalan niya,
tapos walang t-shirt si James.

00:08:10.114 --> 00:08:12.241 align:center
Sabi ni Jenna,

00:08:12.325 --> 00:08:15.077 align:center
buong gabing walang t-shirt si James.

00:08:16.245 --> 00:08:20.833 align:center
May pagkakataon daw na sinabi ni James
na stripper siya.

00:08:20.917 --> 00:08:25.046 align:center
Gusto niyang mag-lap dance kay Jenna.

00:08:25.630 --> 00:08:29.467 align:center
Buti na lang,
vinideo ng isa sa mga babae 'yon.

00:08:31.928 --> 00:08:36.349 align:center
Walang t-shirt si James.
Nagla-lap dance siya sa isang babae.

00:08:37.099 --> 00:08:40.520 align:center
Naglalabanan sila ni Larry Dilione.
"Sino'ng magaling mag-lap dance?"

00:08:42.730 --> 00:08:47.860 align:center
Sabi ni Jenna, may hawak na folding knife
si Larry Dilione

00:08:47.944 --> 00:08:50.571 align:center
kung sa'n siya humihithit ng cocaine.

00:08:53.032 --> 00:08:56.244 align:center
Napapansin niya lang na kalmado si Joey,

00:08:56.327 --> 00:08:59.455 align:center
pero mukhang lasing na lasing na.

00:08:59.539 --> 00:09:04.085 align:center
Marami siyang iniinom
na whiskey saka beer,

00:09:04.168 --> 00:09:08.339 align:center
pero wala siyang problema
sa kahit sino sa apartment na 'yon.

00:09:10.591 --> 00:09:14.929 align:center
Naalala ni Jenna pagkatapos ng party,
no'ng pasakay na siya sa Uber,

00:09:15.012 --> 00:09:17.765 align:center
lumingon siya para siguro magpaalam.

00:09:17.848 --> 00:09:22.353 align:center
Nakita niyang nag-fist bump
sina Larry at Joey sa isa't isa.

00:09:22.436 --> 00:09:26.190 align:center
Tapos inakala niyang umalis na si Joey
o kaya bumalik sa party.

00:09:27.942 --> 00:09:32.363 align:center
Nailarawan ni Jenna nang maayos
'yong nangyari sa after-party,

00:09:32.446 --> 00:09:35.157 align:center
pero hindi niya nasagot
'yong mahalagang tanong,

00:09:35.241 --> 00:09:36.701 align:center
"Asan si Joey?"

00:09:36.784 --> 00:09:38.953 align:center
2 ORAS PAGKATAPOS IULAT
NA NAWAWALA SI JOEY

00:09:39.036 --> 00:09:40.997 align:center
Alam kong nag-aalala si Pat.

00:09:41.080 --> 00:09:43.874 align:center
May mga anak din ako,
kaya sabi ko, "Alam mo?"

00:09:43.958 --> 00:09:46.002 align:center
"Pumunta tayo do'n sa building."

00:09:47.295 --> 00:09:51.132 align:center
Masinsin talaga si Detective Castro.

00:09:51.215 --> 00:09:55.970 align:center
Sineryoso niya, di siya nagpaligoy-ligoy.
Gusto niyang malaman 'yong nangyayari.

00:09:57.471 --> 00:09:59.015 align:center
Alam niyang may problema.

00:09:59.098 --> 00:10:02.560 align:center
Sumakay kami sa patrol car niya,
tapos pumunta kami sa Grand Sutton.

00:10:04.061 --> 00:10:09.358 align:center
Nasa East 59th Street
'yong Grand Sutton apartments.

00:10:09.442 --> 00:10:12.236 align:center
Sa mga hindi nakakaalam sa area na 'yon,

00:10:12.320 --> 00:10:14.572 align:center
kilala 'yon bilang Sutton Place.

00:10:14.655 --> 00:10:16.991 align:center
Hindi 'yon para sa mayayaman.

00:10:17.074 --> 00:10:19.160 align:center
Para 'yon sa mga nuknukan ng yaman.

00:10:21.412 --> 00:10:25.041 align:center
Dumating kami nang 11:00 a.m.
sa harap ng Grand Sutton.

00:10:25.124 --> 00:10:27.752 align:center
Pagpasok mo, para kang pumapasok sa hotel.

00:10:28.419 --> 00:10:31.547 align:center
Meron silang doorman at concierge.

00:10:31.631 --> 00:10:35.718 align:center
Nagdesisyon kami, "Tara sa 4C.
Sa apartment ni James Rackover."

00:10:36.594 --> 00:10:39.305 align:center
Kumatok kami sa pinto.
Tagalinis 'yong nagbukas.

00:10:39.805 --> 00:10:41.390 align:center
Wala do'n si James.

00:10:41.474 --> 00:10:44.352 align:center
Kaya sabi ko, "May party dito kagabi."

00:10:44.435 --> 00:10:45.978 align:center
"May batang nawawala."

00:10:46.062 --> 00:10:49.357 align:center
"Pwede ba 'kong magtingin-tingin?"
Sabi niya, "Walang problema."

00:10:51.567 --> 00:10:53.194 align:center
Maliit na apartment, hindi malaki.

00:10:54.278 --> 00:10:56.739 align:center
Pumasok kami. Sobrang linis.

00:10:57.323 --> 00:11:02.119 align:center
Wala kaming nakita na kahina-hinala.

00:11:02.203 --> 00:11:04.872 align:center
Hindi namin nakita si Joey do'n,
kaya lumabas na kami.

00:11:07.249 --> 00:11:09.460 align:center
Tinawagan ko si James Rackover.

00:11:10.169 --> 00:11:14.298 align:center
Hindi niya daw kilala si Joey Comunale.
"Hindi ko siya kilala."

00:11:14.382 --> 00:11:17.134 align:center
Dumating siya sa after-party
kasama ni Larry,

00:11:17.218 --> 00:11:22.431 align:center
isa sa mga kaibigan nina Larry Dilione
saka James Rackover, si Max Gemma,

00:11:22.515 --> 00:11:26.560 align:center
saka 'yong tatlong babaeng
nakilala niya sa Gilded Lily.

00:11:26.644 --> 00:11:29.355 align:center
Ang alam niya lang,
lumabas si Joey sa building

00:11:29.438 --> 00:11:32.108 align:center
kasama ni Larry, tapos hindi na bumalik.

00:11:33.317 --> 00:11:35.945 align:center
No'ng nakausap namin si Max Gemma,
sabi niya,

00:11:36.028 --> 00:11:39.115 align:center
nasa after-party siya, pero napagod siya.

00:11:39.699 --> 00:11:42.535 align:center
Kaya nakatulog siya sa sofa.

00:11:42.618 --> 00:11:46.247 align:center
Nagising siya. Wala na si Joey.
Wala nang ibang tao do'n.

00:11:46.330 --> 00:11:48.207 align:center
Umuwi na lang siya.

00:11:49.959 --> 00:11:54.338 align:center
Kaya nagdesisyon akong bumalik sa lobby
para magtingin ng video surveillance

00:11:54.422 --> 00:11:55.923 align:center
galing sa Grand Sutton.

00:11:56.006 --> 00:12:00.094 align:center
Naghahanap lang ako ng ebidensiya
o ng clue para mahanap si Joey.

00:12:03.639 --> 00:12:06.892 align:center
Tapos tatawag-tawagin niya 'ko
para itanong,

00:12:06.976 --> 00:12:07.977 align:center
"Si Joey ba 'yan?"

00:12:08.561 --> 00:12:11.981 align:center
Pinapanood namin 'yong video.
Tapos sabi niya, "Ayun si Joey."

00:12:14.608 --> 00:12:18.946 align:center
Makikita mong dumating 'yong grupo
bandang 4:30 ng umaga.

00:12:19.029 --> 00:12:22.616 align:center
Pumasok sa Grand Sutton,
tapos umakyat sa fourth floor.

00:12:22.700 --> 00:12:24.910 align:center
Tapos no'ng 6:30,

00:12:24.994 --> 00:12:30.040 align:center
makikita mo sina Joey Comunale,
Larry Dilione, saka 'yong tatlong babae.

00:12:31.250 --> 00:12:35.087 align:center
Bumaba sila sa elevator.
Ilipat natin 'yong angle ng camera.

00:12:35.671 --> 00:12:37.006 align:center
Do'n tayo sa labas.

00:12:37.089 --> 00:12:40.593 align:center
Makikita natin silang palabas
hanggang sa may bangketa.

00:12:40.676 --> 00:12:41.802 align:center
Perfect.

00:12:42.595 --> 00:12:44.764 align:center
Kung kakaliwa o kakanan siya,

00:12:44.847 --> 00:12:48.350 align:center
kailangan nating kumuha ng ibang video
para masundan siya.

00:12:49.351 --> 00:12:54.023 align:center
Habang pinanonood 'yong video,
makikitang papasok si Larry Dilione,

00:12:54.106 --> 00:12:56.358 align:center
at kasama niya si Joey.

00:12:57.735 --> 00:13:01.197 align:center
Sabi ko, "Teka,
sabi mo hindi mo siya kasamang bumalik."

00:13:04.408 --> 00:13:07.953 align:center
Sa puntong 'yon,
alam ko nang may problema.

00:13:08.496 --> 00:13:12.500 align:center
Sabi ko sa kapatid ko,
"Hindi na siya lumabas do'n nang buhay."

00:13:20.591 --> 00:13:21.884 align:center
Hindi ko alam kung bakit.

00:13:25.679 --> 00:13:26.847 align:center
Pasensiya na kayo.

00:13:28.140 --> 00:13:29.975 align:center
Kutob ko lang 'yon.

00:13:33.562 --> 00:13:38.192 align:center
Panganay kong anak si Joseph.
Mabait siyang bata.

00:13:40.653 --> 00:13:43.739 align:center
Magkasundo kami ni Joey
dahil mahilig kami sa sports.

00:13:43.823 --> 00:13:47.660 align:center
Fan ako ng hockey.
Isinama ko siya sa unang hockey game niya,

00:13:47.743 --> 00:13:48.953 align:center
tapos nagustuhan na niya.

00:13:51.038 --> 00:13:54.041 align:center
Nagsimula siyang mag-skate
no'ng five siya,

00:13:54.124 --> 00:13:56.418 align:center
tapos naglaro na siya
ng hockey no'ng eight.

00:13:57.086 --> 00:13:58.546 align:center
Every year, bumabiyahe kami,

00:13:58.629 --> 00:14:00.714 align:center
sa laro man 'yan ng New York Giants,

00:14:00.798 --> 00:14:03.759 align:center
o laro ng Ranger o Yankee.

00:14:04.260 --> 00:14:06.720 align:center
Nagko-connect kami pagdating sa sports.

00:14:07.721 --> 00:14:10.182 align:center
Mahilig kumain si Joey ng Italian food.

00:14:10.266 --> 00:14:11.809 align:center
Kahit no'ng lumipat na siya,

00:14:11.892 --> 00:14:14.186 align:center
halos gabi-gabi pa din siyang
naghahapunan dito.

00:14:14.270 --> 00:14:15.479 align:center
Medyo…

00:14:15.563 --> 00:14:18.816 align:center
Kahit na mahilig siya sa sports,
nanonood pa din siya ng Food Network

00:14:18.899 --> 00:14:22.361 align:center
para makita kung ano'ng masarap iluto,

00:14:22.444 --> 00:14:24.405 align:center
ano'ng mailuluto ko para sa kanya.

00:14:25.865 --> 00:14:28.701 align:center
Grumaduate si Joey sa Hofstra
na may degree sa business.

00:14:28.784 --> 00:14:31.912 align:center
Masuwerte si Joey at ang mga kaibigan niya

00:14:31.996 --> 00:14:34.623 align:center
na may security business ako
sa Long Island.

00:14:34.707 --> 00:14:38.586 align:center
Kung makakausap mo ang mga kaibigan niya,
sasabihin nilang siya 'yong HR director.

00:14:39.253 --> 00:14:41.755 align:center
Inilagay niya lahat ng kaibigan niya
sa kompanya ko,

00:14:41.839 --> 00:14:44.049 align:center
kasi alam niyang
makakapagsimula sila do'n.

00:14:47.177 --> 00:14:51.724 align:center
Marami siyang pinapakilalang babae
para malaman sino'ng magugustuhan ko.

00:14:51.807 --> 00:14:54.685 align:center
Lahat naman sinang-ayunan ko.
Umaasa akong ikakasal na siya.

00:14:54.768 --> 00:14:57.855 align:center
Pero sabi niya, "Pa, pag 35 na 'ko."
'Yon ang lagi niyang sinasabi.

00:15:01.358 --> 00:15:04.361 align:center
Isa sa mga katangian ni Joey,
pag kinausap 'yong mga kaibigan niya,

00:15:04.445 --> 00:15:06.780 align:center
lagi nilang sasabihin
na best friend nila si Joey.

00:15:06.864 --> 00:15:11.744 align:center
Kaya sabi ko, "Pa'no nangyari
na 40 ang best friend ng isang bata?"

00:15:11.827 --> 00:15:14.121 align:center
Alam mo, sabi nga nila,

00:15:14.204 --> 00:15:18.083 align:center
"Wag mong husgahan ang isang tao
sa dami ng pera niya…

00:15:22.379 --> 00:15:24.381 align:center
kundi sa dami ng kaibigang meron siya."

00:15:27.426 --> 00:15:28.469 align:center
Marami siya no'n.

00:15:30.179 --> 00:15:31.388 align:center
Sobrang dami.

00:15:38.854 --> 00:15:40.356 align:center
Halatang galit si Pat.

00:15:41.565 --> 00:15:43.651 align:center
Kaya sa puntong 'yon,
tinigil ko 'yong video,

00:15:43.734 --> 00:15:49.073 align:center
at sinabi ko sa kapatid niyang si Joseph
na isama si Pat pabalik sa presinto ko.

00:15:49.156 --> 00:15:50.532 align:center
Hintayin nila 'ko do'n.

00:15:52.534 --> 00:15:55.913 align:center
No'ng tumaas na 'yong hinala ng detective,

00:15:55.996 --> 00:15:57.873 align:center
tinawagan na nila 'yong Homicide Squad.

00:15:57.957 --> 00:16:00.334 align:center
Si Detective Castro
'yong inassign na detective

00:16:00.417 --> 00:16:01.961 align:center
mula sa 17th Detective Squad.

00:16:02.044 --> 00:16:05.255 align:center
Ako 'yong detective ng Homicide Squad
na nakakuha ng kasong 'to.

00:16:05.756 --> 00:16:07.216 align:center
Pero hindi lang kami.

00:16:07.800 --> 00:16:09.301 align:center
Lahat ng detective sa squad nila,

00:16:09.385 --> 00:16:13.722 align:center
at lahat ng detective sa Homicide Squad,
nagtulungan para imbestigahan ang kaso.

00:16:16.225 --> 00:16:17.685 align:center
Tinawagan ako ni Yeoman.

00:16:17.768 --> 00:16:20.771 align:center
Sabi niya, "Marty, halika dito.
Tulungan mo ako."

00:16:22.064 --> 00:16:23.774 align:center
Kaya pumunta 'ko sa building.

00:16:24.274 --> 00:16:25.651 align:center
Dalawa lang 'yong option.

00:16:26.235 --> 00:16:30.072 align:center
Nasa building pa si Joey
o umalis na siya sa building.

00:16:30.781 --> 00:16:33.784 align:center
Kailangang halughugin 'yong building
mula taas hanggang baba.

00:16:35.369 --> 00:16:37.162 align:center
Tinawag ko 'yong caretaker ng building,

00:16:37.246 --> 00:16:39.707 align:center
"Sa bubong tayo.
Magsimula tayo sa bubong pababa."

00:16:41.000 --> 00:16:43.335 align:center
Umakyat kami, tapos lumabas ng elevator.

00:16:44.294 --> 00:16:46.755 align:center
Pero takot ako sa matataas.

00:16:48.882 --> 00:16:53.262 align:center
Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko
'yong 59th Street Bridge, Ed Koch Bridge.

00:16:53.345 --> 00:16:55.305 align:center
Sinusubukan kong hindi tumingin

00:16:56.473 --> 00:16:59.601 align:center
para hindi ko mapansin
ga'no kataas ako mula sa baba.

00:17:02.062 --> 00:17:05.357 align:center
No'ng kumbinsido na 'kong
wala sa bubong si Joey,

00:17:06.525 --> 00:17:09.319 align:center
naghanap na kami sa iba't ibang floor.

00:17:09.403 --> 00:17:10.821 align:center
Pababa sa 36 na palapag,

00:17:11.697 --> 00:17:15.033 align:center
papunta sa basement, sa bodega sa ilalim,
sa mga courtyard.

00:17:16.034 --> 00:17:20.664 align:center
Umaasa akong makikita ko si Joey,
tapos sasabihin kong "Gising. Uwi ka na."

00:17:21.248 --> 00:17:24.626 align:center
Hindi nangyari 'yon.

00:17:27.546 --> 00:17:30.883 align:center
Pumunta 'ko sa parking garage,
tapos tinanong ko 'yong attendant.

00:17:30.966 --> 00:17:36.555 align:center
Sabi ko, "Dito ba nagpa-park ng kotse
si James Rackover ng apartment 4C?"

00:17:36.638 --> 00:17:39.683 align:center
Sabi niya, "Malaking itim na Mercedes
'yong gamit niya."

00:17:39.767 --> 00:17:43.145 align:center
Sabi ko, "'Yon bang naka-park do'n?"
"Oo, 'yon nga," sabi niya.

00:17:44.772 --> 00:17:46.315 align:center
Mukhang maayos at malinis,

00:17:46.398 --> 00:17:50.652 align:center
pero may alikabok,
brown na alikabok, parang lupa.

00:17:51.278 --> 00:17:55.532 align:center
Tiningnan ko 'yong paligid,
napansin kong may mga brown na mantsa,

00:17:55.616 --> 00:17:58.368 align:center
parang mantsa ng fingerprint
sa takip ng rear trunk.

00:17:59.369 --> 00:18:00.412 align:center
Tapos sabi ko…

00:18:01.663 --> 00:18:03.540 align:center
Parang may hindi tama dito.

00:18:03.624 --> 00:18:07.002 align:center
Sabi ko, "Amin muna 'tong kotseng 'to
hanggang sa malaman ang nangyari."

00:18:07.503 --> 00:18:12.091 align:center
Pero sabi ng attendant,
"Di kay James Rackover ang kotseng 'to."

00:18:12.174 --> 00:18:13.967 align:center
"Ang may-ari nito,

00:18:14.051 --> 00:18:17.304 align:center
'yong nakatira sa apartment 32B,
si Jeffrey Rackover."

00:18:19.848 --> 00:18:22.559 align:center
Pamilyar 'yong pangalang James Rackover,

00:18:22.643 --> 00:18:24.186 align:center
kasi may billboard siya

00:18:24.269 --> 00:18:27.189 align:center
paglabas mo ng Midtown Tunnel
papunta sa Queens.

00:18:27.773 --> 00:18:30.526 align:center
Nagbebenta siya ng alahas kay Oprah.

00:18:30.609 --> 00:18:34.446 align:center
Tinulungan niya si Trump
sa engagement ring ni Melania.

00:18:34.530 --> 00:18:36.990 align:center
Kilala siyang alahero ng mga artista.

00:18:37.866 --> 00:18:39.159 align:center
Tatapatin kita.

00:18:39.243 --> 00:18:43.455 align:center
Sinasabi ng lahat na "Alahero
ng mga artista si Jeffrey Rackover."

00:18:43.539 --> 00:18:44.957 align:center
Hindi ko siya kilala.

00:18:45.582 --> 00:18:49.044 align:center
Hindi naman ako bumibili ng alahas
sa gano'ng sweldo ko.

00:18:53.048 --> 00:18:55.134 align:center
Sinabi sa 'min ng concierge,
si Eduardo Souza,

00:18:55.217 --> 00:19:01.056 align:center
na si James Rackover 'yong matagal nang
nawawalang anak ni Jeffrey Rackover,

00:19:01.139 --> 00:19:03.517 align:center
na bumalik lang kamakailan

00:19:03.600 --> 00:19:05.269 align:center
sa buhay niya.

00:19:06.687 --> 00:19:11.567 align:center
Bandang 2014, sumasama na si James
kay Jeffrey sa building.

00:19:12.276 --> 00:19:14.486 align:center
Tapos mas dumalas na siya do'n.

00:19:15.279 --> 00:19:20.075 align:center
Pagkatapos ng dalawang taon,
hinanapan na ng bahay ni Jeffrey si James.

00:19:20.158 --> 00:19:23.996 align:center
Kaya bumaba siya para magtanong
kung may bakanteng apartment.

00:19:24.580 --> 00:19:26.707 align:center
Tapos lumipat na siya.

00:19:26.790 --> 00:19:30.460 align:center
Saka lang namin nalaman
na siya pala 'yong nawawalang anak.

00:19:31.670 --> 00:19:36.884 align:center
Nagkaro'n siya ng relasyon sa isang babae
no'ng early '80s o early '90s

00:19:36.967 --> 00:19:39.469 align:center
na nagresulta sa misteryosong anak

00:19:39.553 --> 00:19:42.181 align:center
na misteryoso ding lumitaw sa bahay niya.

00:19:43.765 --> 00:19:45.517 align:center
Kakaiba 'yon para sa 'kin.

00:19:46.185 --> 00:19:47.186 align:center
Pero bilang concierge,

00:19:47.269 --> 00:19:50.147 align:center
hindi kami pwedeng makialam
sa personal na buhay ng mga tao.

00:19:51.106 --> 00:19:53.775 align:center
Pagkalipat ni James
sa sarili niyang apartment sa 4C,

00:19:53.859 --> 00:19:56.904 align:center
naging madalas 'yong mga party.

00:19:58.697 --> 00:20:00.908 align:center
Ilang oras ng video ang pinanood namin

00:20:00.991 --> 00:20:03.994 align:center
umaasang lalabas si Joey
sa mga screen na 'yon.

00:20:05.746 --> 00:20:08.582 align:center
Habang nagre-review pa kami
ng video surveillance,

00:20:08.665 --> 00:20:12.920 align:center
tinapik ako sa balikat ng concierge
na si Eduardo Souza para sabihing

00:20:13.003 --> 00:20:15.172 align:center
"Papasok si James Rackover."

00:20:15.839 --> 00:20:17.925 align:center
Kaya sumilip ako. Nakita ko siya.

00:20:18.008 --> 00:20:22.221 align:center
Habang naglalakad siya, nagsalita siya,
"Good luck kung makuha n'yo ang video,"

00:20:22.930 --> 00:20:24.306 align:center
tapos tumuloy sa paglalakad.

00:20:24.890 --> 00:20:28.435 align:center
Kaya nagulat ako,
sabi ko, "Teka, ano daw?"

00:20:29.478 --> 00:20:32.397 align:center
Tumingin ako kay Detective Castro.
Sabi ko, "Ano 'yon?"

00:20:32.481 --> 00:20:35.442 align:center
Tiningnan lang din niya 'ko.
"Hindi ko alam kung ano 'yon."

00:20:36.318 --> 00:20:40.072 align:center
Nagulat ako na gano'n siya kayabang.
Sabi ko, "Ba't ang yabang niya?"

00:20:40.155 --> 00:20:43.617 align:center
Ang angas ng lakad niya,
no'n ko siya nakitang sobrang yabang.

00:20:44.743 --> 00:20:49.081 align:center
Sinabi sa 'kin ng concierge,
"Tinawagan ako ni James kahapon."

00:20:51.333 --> 00:20:53.252 align:center
Tumawag sa 'kin kinagabihan no'n si James,

00:20:53.335 --> 00:20:58.090 align:center
tapos tinanong ako kung ga'no katagal
nagre-record 'yong mga camera.

00:20:58.173 --> 00:21:02.261 align:center
Sabi ko, "Kakaiba 'yang tanong mo.
Ba't mo natanong 'yan?"

00:21:03.053 --> 00:21:07.057 align:center
Tapos sinabi niya sa 'kin
na nag-away sila ng girlfriend niya.

00:21:07.140 --> 00:21:10.727 align:center
Pinaghihinalaan daw siyang may ninakaw,
kaya titingnan niya lang 'yong tapes.

00:21:10.811 --> 00:21:14.022 align:center
Sabi ko sa kanya,
24 hours 'yong nagre-record.

00:21:14.106 --> 00:21:15.774 align:center
Saka namin pinapalitan 'yong tape.

00:21:16.733 --> 00:21:21.571 align:center
Tingin ko, ang pagkakaintindi ni James,
papatungan 'yong tape after 24 hours.

00:21:22.155 --> 00:21:24.199 align:center
Pero hindi namin binubura 'yon.

00:21:24.283 --> 00:21:28.161 align:center
Papalitan lang namin 'yong tape,
tapos 'yon na ang record ng araw na 'yon.

00:21:28.787 --> 00:21:34.042 align:center
Akala niya siguro, wala na 'yong record
ng nakaraang 24 hours.

00:21:34.626 --> 00:21:37.421 align:center
Pero may access kami sa video na 'yon.

00:21:37.504 --> 00:21:40.132 align:center
Kaya mas lalong nakakaalarma.

00:21:43.969 --> 00:21:47.097 align:center
Nag-ring 'yong telepono ko,
si Detective Castro.

00:21:47.597 --> 00:21:52.436 align:center
Sabi niya sa 'kin, "Dalhan mo ako
ng mga damit ni Joey."

00:21:52.519 --> 00:21:55.605 align:center
"Kukuha kami ng mga aso
na baka makaamoy kay Joey

00:21:55.689 --> 00:21:57.524 align:center
kung saan siya nagpunta."

00:21:58.317 --> 00:21:59.860 align:center
Pumunta 'ko sa bahay ni Joey.

00:21:59.943 --> 00:22:02.571 align:center
Kumuha ako ng tuwalya,
saka ilang damit niya.

00:22:03.071 --> 00:22:06.867 align:center
Naaalala kong nagtira ako
ng konting pag-asa.

00:22:08.076 --> 00:22:11.371 align:center
Baka mali 'yong iniisip ko.

00:22:15.667 --> 00:22:19.379 align:center
Inutusan akong maghanap sa garahe
ng Grand Sutton.

00:22:19.463 --> 00:22:21.673 align:center
Nilagyan ko ng collar 'yong aso.
"Trabaho tayo?"

00:22:21.757 --> 00:22:23.675 align:center
Tumingin siya sa 'kin.
Pinakawalan ko siya.

00:22:26.345 --> 00:22:29.473 align:center
Pumunta 'yong aso sa likod,
tapos naghanap na siya.

00:22:29.556 --> 00:22:33.351 align:center
Kilala ko pag kumikilos 'yong aso ko.
Kumakawag 'yong buntot niya.

00:22:33.435 --> 00:22:36.229 align:center
Tapos bigla kong nakita
na bumilis 'yong buntot niya.

00:22:36.313 --> 00:22:38.148 align:center
Para sa 'kin, may naamoy siya.

00:22:40.484 --> 00:22:43.153 align:center
Pumunta siya sa four-door
na itim na Mercedes-Benz.

00:22:43.236 --> 00:22:46.615 align:center
Inilapit niya 'yong ilong niya
sa trunk, tapos…

00:22:46.698 --> 00:22:49.117 align:center
Kumahol siya. Talagang…

00:22:49.785 --> 00:22:51.370 align:center
Alam mo 'yon? Ang lakas.

00:22:52.412 --> 00:22:55.374 align:center
Sinasabi niyang may naaamoy siya

00:22:55.457 --> 00:22:57.959 align:center
na may naaagnas na tao, dugo…

00:22:58.043 --> 00:23:00.796 align:center
kahit anong nagpapahiwatig
ng pagkaagnas ng tao.

00:23:02.547 --> 00:23:06.051 align:center
Pero kailangan mo ng search warrant
para buksan 'yong sasakyan

00:23:06.134 --> 00:23:09.346 align:center
at tingnan kung meron ngang

00:23:09.429 --> 00:23:11.598 align:center
ebidensiya o katawan sa loob ng trunk.

00:23:13.308 --> 00:23:16.311 align:center
Pagkatapos sa garahe,
tinanong ako ng mga detective,

00:23:16.395 --> 00:23:18.939 align:center
"Pwede sa apartment,
baka may ituturo siyang apartment?"

00:23:19.523 --> 00:23:22.067 align:center
Hinila ko 'yong aso.
Umakyat kami sa fourth floor.

00:23:22.150 --> 00:23:23.068 align:center
Sabi ko, "hanap".

00:23:24.820 --> 00:23:28.949 align:center
Pumunta siya sa kaliwa,
sa dulo ng pasilyo, tapos nagturo siya.

00:23:29.032 --> 00:23:32.035 align:center
Kinalmot niya nang todo
'yong hamba ng pinto ng 4C.

00:23:33.078 --> 00:23:36.331 align:center
Binuksan ni James 'yong pinto.
Si James Rackover.

00:23:37.332 --> 00:23:40.127 align:center
Sabi niya, "Tang ina n'yo,
gago kayong mga pulis."

00:23:40.210 --> 00:23:42.337 align:center
"Pumapasok kayo…
Kailangan n'yo ng warrant."

00:23:42.421 --> 00:23:44.297 align:center
"Tang ina n'yo."

00:23:44.381 --> 00:23:47.968 align:center
Naisip ko tuloy,
"Tanga ba 'tong taong 'to?"

00:23:49.136 --> 00:23:51.596 align:center
No'ng nalaman ko
na may active alert 'yong aso,

00:23:51.680 --> 00:23:55.392 align:center
alam ko na agad na active alert 'yon
para sa dugo,

00:23:55.475 --> 00:23:57.269 align:center
at na may nangyari sa loob.

00:24:00.355 --> 00:24:03.900 align:center
Samantala, 'yong ibang miyembro
ng 17th Precinct Detective Squad

00:24:03.984 --> 00:24:08.321 align:center
mula sa opisina ko, inisa-isa 'yong basura
ng bawat apartment.

00:24:09.489 --> 00:24:13.952 align:center
Pinaamoy namin 'yong mga bag sa aso
para matukoy niya 'yong mga bag

00:24:14.035 --> 00:24:17.122 align:center
na bibigyan niya ng alert,
tapos do'n muna kami maghahanap.

00:24:21.334 --> 00:24:24.421 align:center
May binunggong bag 'yong aso
na hindi pa nabubuksan.

00:24:24.504 --> 00:24:27.883 align:center
May cover ng comforter sa loob ng bag.

00:24:27.966 --> 00:24:31.678 align:center
May pangalan din 'yon na "James Rackover".

00:24:33.263 --> 00:24:37.684 align:center
May nakita 'yong crime scene
na mga paper towel at towel

00:24:37.767 --> 00:24:39.728 align:center
na parang nababad sa dugo.

00:24:40.312 --> 00:24:42.022 align:center
Nagbukas sila ng isa pang bag.

00:24:42.105 --> 00:24:46.318 align:center
Nakita naming puno ng dugo
'yong mga damit ni Joey

00:24:46.401 --> 00:24:48.320 align:center
na tumutugma sa nasa video surveillance.

00:24:49.487 --> 00:24:53.158 align:center
Andun 'yong gold chain niya,
'yong bank card niya.

00:24:53.241 --> 00:24:56.161 align:center
Nakita din nila 'yong ID ni Joey
sa bag na 'yon.

00:24:58.455 --> 00:25:02.042 align:center
Pag nakita mo lahat ng 'yon,
kukuha ka na ng search warrant.

00:25:02.125 --> 00:25:04.252 align:center
Babalik ka kasama ng crime scene unit,

00:25:04.336 --> 00:25:06.296 align:center
tapos papasok kayo do'n sa apartment.

00:25:06.379 --> 00:25:10.091 align:center
17 ORAS MATAPOS IULAT NA NAWAWALA SI JOEY

00:25:10.175 --> 00:25:12.594 align:center
Habang kumukuha si Yeoman
ng search warrant,

00:25:12.677 --> 00:25:16.681 align:center
bumalik ako sa opisina para i-search
sa computer sina James Rackover,

00:25:16.765 --> 00:25:19.434 align:center
Lawrence Dilione, at Max Gemma.

00:25:20.977 --> 00:25:24.648 align:center
Nalaman naming mayaman
ang pamilya ni Max Gemma.

00:25:24.731 --> 00:25:28.735 align:center
Naging mayor ng Oceanport, New Jersey
'yong tatay niya.

00:25:29.945 --> 00:25:33.156 align:center
Nakatira siya sa apartment
kasama si Larry Dilione.

00:25:34.074 --> 00:25:37.661 align:center
Pareho ni Max Gemma si Larry Dilione.

00:25:37.744 --> 00:25:40.997 align:center
Galing siya sa mabuting pamilya
sa New Jersey.

00:25:41.581 --> 00:25:43.750 align:center
Meron silang mga kabayo.

00:25:44.960 --> 00:25:48.380 align:center
May mga kuwentong napaaway siya
nang ilang beses,

00:25:48.463 --> 00:25:53.510 align:center
pero bukod do'n, wala siyang maituturing
na mabigat na krimeng nagawa.

00:25:56.972 --> 00:26:01.226 align:center
No'ng tiningnan namin si James Rackover,
hindi pala siya si James Rackover.

00:26:01.309 --> 00:26:03.311 align:center
Siya si James Beaudouin.

00:26:03.395 --> 00:26:05.814 align:center
Hindi siya galing sa New York.

00:26:05.897 --> 00:26:07.232 align:center
Galing siya sa Florida,

00:26:07.315 --> 00:26:10.527 align:center
kung saan ilang beses na siyang
inaresto at kinulong.

00:26:10.610 --> 00:26:13.572 align:center
Nakulong siya nang isa't kalahating taon
sa pagnanakaw sa Florida.

00:26:14.948 --> 00:26:19.494 align:center
Nalaman naming nagpiyansa siya,
umalis sa Florida,

00:26:19.578 --> 00:26:21.496 align:center
tapos napadpad sa New York.

00:26:22.372 --> 00:26:26.418 align:center
Pagkatapos maghukay nang mas malalim
sa background ni James Rackover,

00:26:26.501 --> 00:26:28.253 align:center
saka sa pagpapalit niya ng pangalan,

00:26:28.336 --> 00:26:30.130 align:center
napag-alaman namin

00:26:30.213 --> 00:26:34.509 align:center
na hindi biological na ama ni James
si Jeffrey Rackover.

00:26:35.593 --> 00:26:38.930 align:center
Pinetisyon ni Jeffrey Rackover

00:26:39.014 --> 00:26:42.517 align:center
na isunod sa pangalan niya
si James Rackover.

00:26:46.479 --> 00:26:50.859 align:center
Ang alam ko, nakilala ni Jeffrey si James
sa gym malapit sa building namin.

00:26:54.446 --> 00:26:59.034 align:center
Naging magkaibigan sila,
tapos ipinakilala nang ilang linggo

00:26:59.117 --> 00:27:05.415 align:center
bilang "kaibigan ko," "pamangkin ko,"
tapos "anak ko."

00:27:08.168 --> 00:27:09.419 align:center
Sa totoo lang,

00:27:09.502 --> 00:27:13.089 align:center
di namin alam ano'ng iisipin sa relasyon
nina Jeffrey at James.

00:27:13.173 --> 00:27:17.052 align:center
'Yong kuwentong nawawalang anak
ni Jeffrey si James,

00:27:17.135 --> 00:27:20.972 align:center
tapos nagkita sila pagkatapos
ng maraming taon…

00:27:21.056 --> 00:27:23.058 align:center
Hindi totoo 'yon.

00:27:23.141 --> 00:27:25.769 align:center
Pag tiningnan mo, maiisip mo,

00:27:25.852 --> 00:27:29.397 align:center
"Ano'ng katotohanan tungkol sa relasyon
na meron sila?"

00:27:31.816 --> 00:27:36.738 align:center
Hindi sila mukhang mag-ama.

00:27:36.821 --> 00:27:39.157 align:center
'Yong paraan ng kilos nila sa isa't isa…

00:27:39.240 --> 00:27:41.826 align:center
Mahal ko 'yong tatay ko,
pero may mga paraan

00:27:41.910 --> 00:27:45.246 align:center
na malambing sila sa isa't isa
na hindi ko gagawin sa tatay ko.

00:27:48.875 --> 00:27:51.336 align:center
Pag tiningnan mo lahat
ng may kinalaman kay James,

00:27:51.419 --> 00:27:55.882 align:center
makakakita ka talaga ng mga red flag.

00:27:57.592 --> 00:27:59.636 align:center
Galing sa wala si James,

00:27:59.719 --> 00:28:02.389 align:center
simple lang 'yong trabaho niya sa Florida,

00:28:02.472 --> 00:28:08.603 align:center
tapos sa maikling panahon,
naging si James Rackover siya.

00:28:09.771 --> 00:28:12.482 align:center
Nakatira siya sa building na 'to,
may ganitong kotse,

00:28:12.565 --> 00:28:14.901 align:center
nakakapunta sa mga club at restaurant.

00:28:14.984 --> 00:28:18.655 align:center
Ayaw mong mawala ang mga 'yon
kung ikaw si James.

00:28:21.324 --> 00:28:23.493 align:center
May pamilya pa din 'yong iba.

00:28:23.576 --> 00:28:25.912 align:center
May pera pa din 'yong pamilya nila,

00:28:25.995 --> 00:28:28.123 align:center
pero pwedeng mawala lahat kay James.

00:28:28.206 --> 00:28:32.168 align:center
Handa siyang gawin lahat
para mapanatili 'yong buhay niya,

00:28:32.252 --> 00:28:34.921 align:center
saka 'yong style na meron siya.

00:28:37.590 --> 00:28:39.884 align:center
19 ORAS MATAPOS IULAT NA NAWAWALA SI JOEY

00:28:39.968 --> 00:28:42.011 align:center
Habang naghihintay ng search warrants,

00:28:42.095 --> 00:28:44.055 align:center
tiningnan namin 'yong video sa garahe,

00:28:44.139 --> 00:28:47.767 align:center
at nalaman naming umalis si James
no'ng Linggo nang 9:45 ng gabi

00:28:47.851 --> 00:28:52.522 align:center
pagkatapos ng party
gamit ang sasakyan ni Jeffrey Rackover.

00:28:55.483 --> 00:28:58.486 align:center
No'ng nag-background check kami kay James,

00:28:58.570 --> 00:29:02.949 align:center
nalaman namin na suspendido
'yong lisensiya niya.

00:29:03.032 --> 00:29:07.120 align:center
Kaya nagkaro'n kami ng paraan
para hulihin siya

00:29:07.203 --> 00:29:09.289 align:center
sa pagmamaneho nang walang lisensiya.

00:29:11.207 --> 00:29:12.751 align:center
James, bakit mo siya pinatay?

00:29:12.834 --> 00:29:14.544 align:center
Ano'ng nangyari, James?

00:29:15.420 --> 00:29:17.714 align:center
Pero sa kasamaang palad,
no'ng inaresto namin siya,

00:29:17.797 --> 00:29:19.841 align:center
bigla siyang tumawag ng abogado,

00:29:19.924 --> 00:29:21.760 align:center
kaya hindi namin siya pwedeng makausap.

00:29:21.843 --> 00:29:26.097 align:center
'Yong maliit na pag-asa na meron kami
na sabihin niya kung asan si Joey,

00:29:26.681 --> 00:29:28.600 align:center
ay… Hindi namin nakuha.

00:29:34.814 --> 00:29:37.734 align:center
24 ORAS MATAPOS IULAT NA NAWAWALA SI JOEY

00:29:37.817 --> 00:29:42.113 align:center
No'ng Tuesday, ika-15, nakuha na namin
ang search warrants para sa apartment 4C.

00:29:43.823 --> 00:29:45.116 align:center
Dumating 'yong crime scene.

00:29:45.700 --> 00:29:50.288 align:center
Nagsimula silang maghanap,
nilagyan nila ng luminol 'yong lugar.

00:29:50.371 --> 00:29:54.292 align:center
Sa ilalim ng partikular na ilaw,
makikita mo 'yong dugo.

00:29:55.251 --> 00:29:57.795 align:center
No'ng pinroseso ng crime scene unit
'yong banyo,

00:29:57.879 --> 00:29:59.839 align:center
nagliwanag 'yong buong banyo.

00:30:01.257 --> 00:30:04.719 align:center
Nasa lahat.
Sa pader, sa bathtub, saka sa sahig.

00:30:05.553 --> 00:30:09.599 align:center
May tanda na maraming dugo ang nilinis.

00:30:10.433 --> 00:30:15.438 align:center
Gano'n din sa sala.
Nag-spray sila ng luminol sa sofa, sahig,

00:30:15.522 --> 00:30:18.107 align:center
tapos nakakita sila ng mga patak ng dugo.

00:30:18.191 --> 00:30:19.984 align:center
Tinest nila

00:30:20.068 --> 00:30:22.987 align:center
para makita kung matutukoy nila
kanino 'yong dugong 'yon.

00:30:23.905 --> 00:30:27.575 align:center
Nanguha 'yong crime scene team
ng mga steak knife

00:30:27.659 --> 00:30:31.371 align:center
na na nilagay at nilinis
sa loob ng dishwasher.

00:30:31.454 --> 00:30:35.124 align:center
Dinala sa lab
'yong mga kitchen knife na 'yon

00:30:35.208 --> 00:30:37.085 align:center
para makita kung may dugo

00:30:37.168 --> 00:30:40.588 align:center
na maaaring sumuot sa hawakan.

00:30:42.841 --> 00:30:45.635 align:center
Pag meron ka na no'ng nakuha sa basurahan,

00:30:46.135 --> 00:30:48.429 align:center
pati 'yong nakuha sa pinangyarihan,

00:30:48.513 --> 00:30:52.725 align:center
alam mo nang may masamang nangyari
kay Joey.

00:30:52.809 --> 00:30:55.061 align:center
Alam naming posibleng patay na siya.

00:30:56.271 --> 00:30:58.565 align:center
Hindi pwedeng buhay ka pa sa puntong 'yon.

00:30:59.399 --> 00:31:01.860 align:center
Sa lahat ng nakita namin ng panahong 'yon,

00:31:01.943 --> 00:31:04.112 align:center
walang sinasabi si James,

00:31:04.195 --> 00:31:08.157 align:center
tapos walang alam si Max Gemma
sa kinaroroonan ni Joey,

00:31:08.241 --> 00:31:11.077 align:center
kasi sinasabi niyang tulog siya sa sofa,

00:31:11.160 --> 00:31:14.455 align:center
pinagtuunan namin si Larry Dilione.

00:31:14.956 --> 00:31:17.250 align:center
Dahil nasa amin na si James,

00:31:17.333 --> 00:31:20.712 align:center
baka gustong makuha ni Larry
'yong pagkakataon

00:31:20.795 --> 00:31:23.506 align:center
na maunang magsalita
at sabihin ang nangyari,

00:31:23.590 --> 00:31:26.050 align:center
dahil hindi niya alam
'yong sinasabi ni James.

00:31:27.093 --> 00:31:29.137 align:center
Dumating siya.

00:31:32.682 --> 00:31:36.978 align:center
Pagpasok ni Larry, tinanong namin siya
kung pwede niyang ipaliwanag

00:31:37.061 --> 00:31:39.230 align:center
bakit marami kaming nakitang dugo.

00:31:40.440 --> 00:31:43.651 align:center
Hindi pa din niya binabago
'yong kuwentong sinabi niya,

00:31:43.735 --> 00:31:45.028 align:center
di niya alam asan si Joey.

00:31:47.572 --> 00:31:50.742 align:center
Pwede mong akusahan 'yong isang tao,
o pwede ding

00:31:50.825 --> 00:31:53.244 align:center
"Guilty ka, pero mas guilty siya,"

00:31:53.328 --> 00:31:56.789 align:center
tapos subukan mong
makakuha ng statement nang gano'n.

00:31:56.873 --> 00:32:00.918 align:center
Pero ayaw sagutin ni Larry
'yong mga gano'ng klase ng tanong.

00:32:01.002 --> 00:32:03.713 align:center
Sinubukan naming umapela sa pagkatao niya,

00:32:03.796 --> 00:32:06.883 align:center
sinabi naming nag-aalala na
'yong pamilya ni Joey Comunale,

00:32:06.966 --> 00:32:08.551 align:center
gusto na siyang iuwi,

00:32:08.635 --> 00:32:11.262 align:center
tapos ano'ng mararamdaman niya
kung kapamilya niya 'yon?

00:32:13.514 --> 00:32:15.308 align:center
No'ng narinig 'yon ni Larry,

00:32:15.391 --> 00:32:21.522 align:center
nagdesisyon siyang sabihin
na ituturo niya kung asan si Joey.

00:32:22.732 --> 00:32:26.527 align:center
Hindi niya sinabi sa 'min
kung pa'no nangyari ang insidente.

00:32:27.195 --> 00:32:30.740 align:center
Binigyan niya kami ng address
sa likod ng tindahan ng bulaklak

00:32:30.823 --> 00:32:34.035 align:center
sa bayan kung saan siya dating nakatira,
sa Oceanport, New Jersey.

00:32:34.118 --> 00:32:35.703 align:center
Doon daw kami dapat maghanap.

00:32:36.871 --> 00:32:39.999 align:center
Nag-caravan kami na may ilaw at sirena.

00:32:40.083 --> 00:32:44.003 align:center
Tumatakbo kami nang 130 o 140 km per hour
papunta sa lugar na 'yon.

00:32:47.590 --> 00:32:49.967 align:center
Dumating kami sa tindahan ng bulaklak.

00:32:50.968 --> 00:32:54.931 align:center
Tapos pumunta kami sa lugar sa likod

00:32:55.014 --> 00:32:57.308 align:center
na nilarawan ni Larry

00:32:57.392 --> 00:32:59.894 align:center
kung sa'n namin matatagpuan si Joey.

00:33:00.937 --> 00:33:02.480 align:center
Lumapit kami,

00:33:02.563 --> 00:33:08.486 align:center
tapos dahan-dahang ginagalaw
ng crime scene detectives ang lupa.

00:33:13.032 --> 00:33:16.077 align:center
At 'yong unang nakita ko

00:33:16.160 --> 00:33:21.124 align:center
ay kamay na parang naka-half-fist.

00:33:21.624 --> 00:33:24.419 align:center
Gaya ng nakikita sa pelikula
pag galing sa ilalim ng lupa.

00:33:27.630 --> 00:33:33.094 align:center
Habang inaalis nila 'yong lupa,
makikita mo na 'yong mukha ni Joey,

00:33:33.177 --> 00:33:34.804 align:center
makikita mo 'yong dibdib niya,

00:33:34.887 --> 00:33:38.015 align:center
at mapapansin mong sunog siya.

00:33:38.558 --> 00:33:41.477 align:center
Kaya sinunog siya.

00:33:43.771 --> 00:33:48.025 align:center
Sa puntong 'yon,
ilang araw na kaming walang tulog.

00:33:48.985 --> 00:33:52.989 align:center
Pagod na pagod na kami,
pero may kailangan pa kaming gawin.

00:33:53.865 --> 00:33:56.826 align:center
Kailangan naming sabihin sa mga magulang
bago pa masabi ng iba.

00:33:58.870 --> 00:34:02.457 align:center
Sumakay kami ni Detective Chen sa kotse

00:34:02.540 --> 00:34:06.836 align:center
papunta sa Stamford, Connecticut
galing sa Oceanport, New Jersey,

00:34:06.919 --> 00:34:10.757 align:center
para kausapin si Pat Comunale
at sabihin sa kanya

00:34:11.424 --> 00:34:14.218 align:center
na nakita na namin si Joey.

00:34:17.972 --> 00:34:20.516 align:center
Walang nagsalita sa biyahe na 'yon.

00:34:24.771 --> 00:34:27.815 align:center
Ramdam mo 'yong emosyon,
pero may trabahong dapat gawin.

00:34:27.899 --> 00:34:29.609 align:center
Kaya isinantabi mo na lang…

00:34:30.860 --> 00:34:32.695 align:center
at nagpatuloy ka.

00:34:37.074 --> 00:34:38.868 align:center
Nakaupo kami dito.

00:34:38.951 --> 00:34:40.620 align:center
Narinig namin 'yong pinto ng kotse.

00:34:48.795 --> 00:34:50.421 align:center
Narinig ko 'yong pinto ng kotse.

00:34:51.839 --> 00:34:53.257 align:center
Alam ko agad ba't sila andito.

00:34:58.096 --> 00:35:01.307 align:center
Pagpasok namin sa bahay, bumaba si Lisa.

00:35:01.390 --> 00:35:03.684 align:center
Nakatutok sila sa bawat salita,
nakatingin sa 'min.

00:35:06.479 --> 00:35:09.816 align:center
Sinabi ng dalawang detective…

00:35:11.359 --> 00:35:12.485 align:center
na nakita na siya.

00:35:16.280 --> 00:35:20.660 align:center
At 'yon ang…
'Yong pinakamasamang bangungot namin.

00:35:22.286 --> 00:35:26.624 align:center
Noon lang ako nakakita ng sobrang sakit
sa mata ng iba, ng nanay at tatay.

00:35:27.333 --> 00:35:28.543 align:center
Kaway ka kay Daddy.

00:35:31.295 --> 00:35:34.090 align:center
Di mo hihilingin sa kahit sino
'yong gano'ng klase ng sakit.

00:35:34.590 --> 00:35:36.175 align:center
Joe!

00:35:36.759 --> 00:35:38.052 align:center
Joe!

00:35:38.594 --> 00:35:41.180 align:center
-Nag-enjoy ka ba?
-Ayos!

00:35:43.516 --> 00:35:44.809 align:center
Sobrang…

00:35:46.144 --> 00:35:47.812 align:center
Alam ko na,

00:35:47.895 --> 00:35:51.190 align:center
pero 'yon 'yong simula
ng susunod na kabanata.

00:35:52.441 --> 00:35:55.111 align:center
Ang paghahanap ng hustisya para kay Joey.

00:36:02.243 --> 00:36:04.745 align:center
'Yon lang ang nasa isip ko ngayon,

00:36:04.829 --> 00:36:08.916 align:center
ang masigurong mananagot
'yong tatlong gago na 'yon.

00:36:12.170 --> 00:36:14.964 align:center
3 ARAW MATAPOS ANG HOMICIDE
KAY JOEY COMUNALE

00:36:15.047 --> 00:36:17.925 align:center
Ginawa ng medical examiner sa New Jersey
ang autopsy,

00:36:18.009 --> 00:36:22.638 align:center
at nalaman niyang nagtamo ng 14 na saksak
si Joey Comunale,

00:36:22.722 --> 00:36:24.223 align:center
ang ilan, matapos nitong mamatay.

00:36:24.307 --> 00:36:26.017 align:center
Wala siyang baling buto.

00:36:26.100 --> 00:36:31.272 align:center
Meron siyang pasa sa mga kamay,
malaking hiwa sa balikat,

00:36:31.355 --> 00:36:35.526 align:center
kaya naniniwala kaming
sinubukan siyang katayin.

00:36:36.527 --> 00:36:40.239 align:center
At sinunog ang katawan niya.

00:36:40.323 --> 00:36:43.409 align:center
Hindi ko magawang ipaliwanag
bakit ito nangyari.

00:36:43.910 --> 00:36:45.244 align:center
Hindi makatao ito.

00:36:45.328 --> 00:36:47.121 align:center
Masyadong nakakagalit.

00:36:47.205 --> 00:36:49.832 align:center
Nakakapandiring isipin

00:36:49.916 --> 00:36:55.963 align:center
na ginawa nilang tratuhin
'yong iba na parang basura.

00:36:59.759 --> 00:37:04.388 align:center
Matapos i-test 'yong mga kitchen knife
na natagpuan sa dishwasher,

00:37:04.889 --> 00:37:09.477 align:center
napatunayang may dugo ni Joey
sa loob ng hawakan ng mga ito.

00:37:11.312 --> 00:37:16.400 align:center
Napatunayan din na dugo ni Joey
'yong dugong natagpuan sa apartment.

00:37:17.443 --> 00:37:18.819 align:center
Dahil sa murder weapon,

00:37:18.903 --> 00:37:23.199 align:center
kasama 'yong autopsy report
na tumutugma sa ebidensiya sa apartment,

00:37:23.282 --> 00:37:28.329 align:center
nasagot 'yong mga tanong namin
kung pa'no siya pinatay.

00:37:29.038 --> 00:37:33.125 align:center
Ang pangunahing tanong ngayon,
pa'no siya inilabas sa building?

00:37:36.504 --> 00:37:40.091 align:center
Kumuha kami ng maraming video
na kailangan naming salain,

00:37:40.174 --> 00:37:41.717 align:center
hindi pa din namin makita.

00:37:44.428 --> 00:37:48.891 align:center
Ang video na hindi namin makuha
ay 'yong video camera

00:37:48.975 --> 00:37:51.394 align:center
na pag-aari ng building sa kabila

00:37:51.477 --> 00:37:53.980 align:center
na nagkataong sira.

00:37:55.982 --> 00:37:58.192 align:center
Sa wakas, na-recover 'yong video.

00:37:58.776 --> 00:38:02.738 align:center
At sinagot nito
'yong malaking bahagi ng tanong namin.

00:38:05.574 --> 00:38:08.286 align:center
Habang nire-review namin
'yong video surveillance,

00:38:08.369 --> 00:38:10.413 align:center
makikita si James Rackover

00:38:10.496 --> 00:38:15.084 align:center
na pinark 'yong itim na Mercedes
sa tapat ng Grand Sutton.

00:38:21.507 --> 00:38:23.551 align:center
Kinuha ni Rackover 'yong luggage cart.

00:38:24.635 --> 00:38:27.221 align:center
Tapos nawala siya sa camera frame.

00:38:28.639 --> 00:38:33.352 align:center
At no'ng bumalik siya,
may malaki nang duffel bag sa cart,

00:38:33.436 --> 00:38:37.356 align:center
na inilagay niya sa trunk
ng itim na Mercedes.

00:38:38.107 --> 00:38:41.235 align:center
Kung dudungaw ka sa bintana
ng apartment 4C,

00:38:41.319 --> 00:38:46.073 align:center
nakatingin ka sa 59th Street
at sa harap ng Grand Sutton.

00:38:47.616 --> 00:38:51.037 align:center
No'ng nakita ko 'yon
at nakausap ko si Yeoman,

00:38:51.120 --> 00:38:53.622 align:center
sabi ko, "Anak ng pucha!"

00:38:55.041 --> 00:38:56.334 align:center
"Itong mga 'to…

00:38:57.710 --> 00:38:59.253 align:center
inihulog siya sa bintana."

00:38:59.754 --> 00:39:03.466 align:center
Para hindi kahina-hinala
pag galing sa front lobby,

00:39:03.549 --> 00:39:05.593 align:center
na nag-iisang exit palabas ng building.

00:39:06.635 --> 00:39:09.597 align:center
Pag nakita mo 'yong video,
halatang magkasabwat sila.

00:39:09.680 --> 00:39:12.224 align:center
Pareho silang kumikilos

00:39:12.308 --> 00:39:14.894 align:center
para kunin at itago 'yong katawan.

00:39:27.323 --> 00:39:31.035 align:center
Ano'ng nangyari sa apartment na 'yon?
Ano'ng nangyari ng gabing 'yon?

00:39:31.118 --> 00:39:33.329 align:center
-Ginawa mo ba?
-Ginawa mo? Pinatay mo siya?

00:39:33.412 --> 00:39:34.872 align:center
Sinaksak mo ba siya?

00:39:34.955 --> 00:39:38.667 align:center
No'ng May 10,
parehong inaresto sina Larry at James

00:39:38.751 --> 00:39:40.294 align:center
sa murder in the second degree,

00:39:40.377 --> 00:39:42.922 align:center
hindering prosecution,
saka concealment of a corpse.

00:39:43.547 --> 00:39:46.675 align:center
Hawak na namin si James
sa driving on suspended license,

00:39:46.759 --> 00:39:50.304 align:center
at hindi naglabas si Jeffrey ng pera
para makalaya siya.

00:39:50.388 --> 00:39:53.933 align:center
Tingin ko, naisip niyang nagkamali siya

00:39:54.016 --> 00:39:58.229 align:center
sa pagkakaro'n ng anak na mamamatay-tao.

00:39:59.146 --> 00:40:01.941 align:center
Wala kaming dahilan no'n para maniwala

00:40:02.024 --> 00:40:04.360 align:center
na may kinalaman si Max Gemma sa homicide.

00:40:05.027 --> 00:40:08.030 align:center
May mga statement galing kay Larry

00:40:08.114 --> 00:40:10.616 align:center
na nagsasabing walang kinalaman si Max.

00:40:10.699 --> 00:40:14.078 align:center
Inaresto siya sa hindering prosecution.

00:40:16.330 --> 00:40:20.084 align:center
Sa huli, malinaw para sa 'min
na sangkot siya

00:40:20.167 --> 00:40:21.794 align:center
sa pagsisikap na hadlangan

00:40:21.877 --> 00:40:25.297 align:center
'yong kakayahan ng mga pulis
na makakuha ng ebidensiya,

00:40:25.381 --> 00:40:30.386 align:center
pero hindi nakumbinsi 'yong senior lawyers
o ako na mapapatunayan naming

00:40:30.469 --> 00:40:33.264 align:center
walang dudang may kinalaman si Max
sa homicide.

00:40:34.974 --> 00:40:38.352 align:center
No'ng lumabas na 'yong murder charges,
nagturuan na sila,

00:40:38.435 --> 00:40:41.230 align:center
pabalik-balik na 'yong "siya 'yon"
sa isa't isa.

00:40:43.691 --> 00:40:46.986 align:center
Sinubukan pa din naming malaman
kung sino 'yong nanaksak.

00:40:47.486 --> 00:40:50.573 align:center
Hindi din namin alam 'yong papel ni James

00:40:50.656 --> 00:40:52.741 align:center
o 'yong papel ni Larry.

00:40:53.284 --> 00:40:57.830 align:center
Kailangan lang ng pagdududa ng isang jury
para hindi magkaro'n ng hatol.

00:41:01.125 --> 00:41:03.544 align:center
Habang naghihintay sa trial si James,

00:41:03.627 --> 00:41:08.466 align:center
nakatanggap kami ng jail calls ni James
sa kaibigan niya.

00:41:08.549 --> 00:41:12.678 align:center
Sa mga tawag na 'yon,
malakas ang loob niyang makakalaya siya.

00:41:13.262 --> 00:41:14.555 align:center
Trial ko na sa September,

00:41:14.638 --> 00:41:16.932 align:center
kaya siguro makakauwi na 'ko
nang bandang October.

00:41:17.016 --> 00:41:18.809 align:center
Gaganda 'yong reputasyon ko, tol.

00:41:18.893 --> 00:41:20.603 align:center
Parang pag nasa labas ako.

00:41:20.686 --> 00:41:22.521 align:center
Sasabihin nila, "Oy, 'tong batang 'to…

00:41:22.605 --> 00:41:23.939 align:center
natalo 'yong… parang Rocky?"

00:41:24.023 --> 00:41:25.649 align:center
"Nakauwi siya? Oh my God!"

00:41:25.733 --> 00:41:26.734 align:center
Di ba?

00:41:26.817 --> 00:41:29.403 align:center
Ayos naman siya. "Oo, makakalaya ako."

00:41:29.487 --> 00:41:32.990 align:center
"Malapit na 'kong lumabas.
Magiging ayos ang lahat."

00:41:35.743 --> 00:41:41.165 align:center
Sa bandang dulo ng imbestigasyon
at paghahanda sa trial,

00:41:42.208 --> 00:41:46.670 align:center
nakahanap kami ng witness,
siya si Louie Ruggiero.

00:41:47.922 --> 00:41:50.174 align:center
Kaibigan siya ni James Rackover.

00:41:52.009 --> 00:41:53.677 align:center
Sabi ni Louie Ruggiero,

00:41:53.761 --> 00:41:56.138 align:center
na habang hinahalughog namin
'yong building,

00:41:56.222 --> 00:41:57.973 align:center
nasa gym siya.

00:41:58.057 --> 00:42:01.769 align:center
Lumapit sa kanya si James Rackover,
tapos sinabing gusto siyang makausap.

00:42:01.852 --> 00:42:03.395 align:center
May sasabihin siyang nangyari.

00:42:04.480 --> 00:42:07.149 align:center
Sinabi sa 'min ni Louie
'yong ikinuwento sa kanya ni James,

00:42:07.233 --> 00:42:10.069 align:center
na sa araw ng murder,

00:42:10.152 --> 00:42:12.988 align:center
habang andun sila sa apartment,

00:42:13.072 --> 00:42:17.326 align:center
may nakaaway si Larry na lalaki.

00:42:17.826 --> 00:42:19.245 align:center
Si Joey pala 'yon.

00:42:19.328 --> 00:42:24.166 align:center
Sa sobrang galit ni Larry,
sinuntok niya at bumagsak si Joey.

00:42:24.750 --> 00:42:26.085 align:center
Nawalan ng malay.

00:42:26.168 --> 00:42:29.004 align:center
Sabi ni James, "Ayoko nang makulong ulit."

00:42:30.381 --> 00:42:32.883 align:center
Tapos kumuha siya ng kutsilyo sa kusina,

00:42:33.384 --> 00:42:35.219 align:center
at sinaksak si Joey hanggang mamatay.

00:42:37.054 --> 00:42:39.682 align:center
Kaya sa salaysay niya kay Louie,

00:42:39.765 --> 00:42:42.851 align:center
inaamin niya na siya talaga 'yong pumatay.

00:42:44.311 --> 00:42:48.315 align:center
Isa pang kahanga-hangang salaysay niya
'yong nasa apartment pa si Joey,

00:42:48.399 --> 00:42:52.403 align:center
tapos umorder siya ng pancakes
at kinain nang walang kaproble-problema.

00:42:52.486 --> 00:42:55.364 align:center
Tapos dinala nila 'yong katawan
at itinapon sa New Jersey.

00:42:56.615 --> 00:42:59.660 align:center
Lumabas sa ebidensiya
na sinadya 'yong ginawa nila.

00:42:59.743 --> 00:43:04.248 align:center
Namatay si Joey sa atakeng 'yon
kahit pa magkakaiba sila ng papel do'n.

00:43:04.331 --> 00:43:08.335 align:center
Pwedeng dalawang tao ang responsable
sa pagkamatay ng isang tao.

00:43:08.919 --> 00:43:11.922 align:center
At sa huli, si James ang unang nilitis.

00:43:18.345 --> 00:43:21.598 align:center
2 TAON MATAPOS ANG HOMICIDE
KAY JOEY COMUNALE

00:43:23.976 --> 00:43:27.104 align:center
Nagsimula 'yong trial kay James Rackover
sa Manhattan courts.

00:43:29.481 --> 00:43:30.899 align:center
Andun si Pat araw-araw.

00:43:30.983 --> 00:43:36.196 align:center
Pinupuno niya 'yong buong courtroom
ng pamilya at mga kaibigan.

00:43:37.906 --> 00:43:41.785 align:center
Andun kaming lahat, mga brod sa frat,
kaibigan sa kanila, kakilala,

00:43:41.869 --> 00:43:44.997 align:center
katrabaho, nagpakita ng suporta kay Joey.

00:43:47.124 --> 00:43:51.045 align:center
Grabe 'yong suporta na natanggap namin
sa maraming tao.

00:43:52.129 --> 00:43:57.926 align:center
Walang nasa tabi ni James Rackover
na nagpapatunay lang sa lahat.

00:44:01.972 --> 00:44:04.808 align:center
Sa huli, pagkatapos ng mahabang paglilitis
kay James,

00:44:04.892 --> 00:44:07.144 align:center
hinatulan siyang guilty
sa second-degree murder,

00:44:07.227 --> 00:44:08.354 align:center
o "sadyang pagpatay."

00:44:09.813 --> 00:44:13.150 align:center
Naaalala ko hanggang ngayon
na kinailangan kong pigilan si Pat.

00:44:13.233 --> 00:44:20.032 align:center
Hinawakan namin ng lieutenant ko
'yong tig-isang braso niya, tumayo siya,

00:44:21.325 --> 00:44:24.620 align:center
na tuwang-tuwa dahil tapos na.

00:44:24.703 --> 00:44:28.040 align:center
Magbabayad na sila sa ginawa nila
sa anak niya.

00:44:29.249 --> 00:44:33.128 align:center
Masaya 'ko para sa kanila,
sobrang saya ko para sa kanila.

00:44:34.171 --> 00:44:35.673 align:center
No'ng nakita ko si James,

00:44:35.756 --> 00:44:40.469 align:center
ang iniisip ko lang,
"Sana simula pa lang ng bangungot mo."

00:44:41.845 --> 00:44:43.305 align:center
Dahil mas matagal kong dadalhin

00:44:44.723 --> 00:44:46.225 align:center
'yong akin kesa sa kanya.

00:44:50.813 --> 00:44:54.525 align:center
Sinintensiyahan nang 28 taon
si James Rackover,

00:44:54.608 --> 00:44:56.235 align:center
na pinagdudusahan pa niya ngayon.

00:44:56.318 --> 00:44:58.696 align:center
-Layo kayo, please. Mr. Comunale.
-Okay.

00:45:00.114 --> 00:45:01.657 align:center
Masaya kami sa kinalabasan.

00:45:01.740 --> 00:45:04.660 align:center
Gusto lang talaga naming matapos 'yon.

00:45:05.411 --> 00:45:09.331 align:center
Nagpapasalamat ako sa opisina
ng Manhattan DA sa galing nila,

00:45:10.749 --> 00:45:13.711 align:center
sa NYPD, na walang tigil na nagtrabaho,

00:45:13.794 --> 00:45:16.714 align:center
at nagpapasalamat ako sa suporta ng lahat.

00:45:16.797 --> 00:45:19.591 align:center
Sa pamilya, mga kaibigan…

00:45:23.554 --> 00:45:28.434 align:center
Mukhang nakita ni Larry
na mataas ang posibilidad

00:45:28.517 --> 00:45:30.060 align:center
ng hatol laban sa kanya.

00:45:30.602 --> 00:45:34.481 align:center
Nag-plea ng guilty si Larry
kesa dumaan sa trial.

00:45:35.774 --> 00:45:40.112 align:center
Tinanggap niya 'yong plea deal
para sa murder two nang 23 taon.

00:45:41.238 --> 00:45:46.827 align:center
Nag-plea ng guilty si Max Gemma
ng February 2019 sa hindering prosecution.

00:45:47.411 --> 00:45:49.955 align:center
Anim na buwang pagkakakulong
ang nakuha niya.

00:45:51.081 --> 00:45:54.626 align:center
Sabi sa lahat ng diyaryo
na maganda 'yong nakuha niyang deal.

00:45:56.420 --> 00:45:59.715 align:center
Sumasang-ayon ako sa kanila.
Hindi ko alam bakit.

00:46:01.049 --> 00:46:02.468 align:center
Di ko alam kung bakit…

00:46:03.594 --> 00:46:05.179 align:center
bahala na siyang makonsensiya.

00:46:06.638 --> 00:46:08.390 align:center
Tingin ko, si Max Gemma,

00:46:08.474 --> 00:46:12.311 align:center
marami pa siyang alam na impormasyon
tungkol sa nangyari sa apartment na 'yon.

00:46:22.529 --> 00:46:25.824 align:center
May pambihirang kaso ang bawat detective
sa buong buhay nila.

00:46:27.451 --> 00:46:30.370 align:center
Sa 19 na taon kong nasa police department,

00:46:30.454 --> 00:46:33.749 align:center
ito 'yong pambihirang kaso
na nahawakan ko.

00:46:34.750 --> 00:46:36.752 align:center
Makilala pa lang si Joey

00:46:36.835 --> 00:46:40.172 align:center
at malaman kung ga'no siya kamahal
ng mga kaibigan at pamilya niya.

00:46:40.798 --> 00:46:42.841 align:center
Araw-araw nami-miss ni Pat si Joey

00:46:42.925 --> 00:46:45.260 align:center
na parang unang araw pa lang
'yong nangyayari.

00:46:46.345 --> 00:46:48.514 align:center
Meron siyang

00:46:49.014 --> 00:46:53.644 align:center
pagmamahal kay Joey na naiintindihan ko,

00:46:53.727 --> 00:46:56.146 align:center
kasi pag binabanggit niya si Joey,

00:46:57.105 --> 00:46:59.149 align:center
at 'yong babaeng anak niya,

00:46:59.858 --> 00:47:04.279 align:center
parang sila 'yong mundo niya,
gano'n 'yong mga anak ko sa 'kin.

00:47:05.697 --> 00:47:07.991 align:center
Araw-araw namin siyang naiisip.

00:47:08.826 --> 00:47:12.746 align:center
Sinusubukan lang naming

00:47:12.830 --> 00:47:15.958 align:center
panatilihing buhay 'yong alaala niya.

00:47:16.458 --> 00:47:21.088 align:center
Sinasabi ko palagi sa apo ko,
"Si Tito Joey 'to."

00:47:22.673 --> 00:47:27.719 align:center
Nagsimulang magpa-tattoo
'yong mga kaibigan niya ng number nine.

00:47:29.596 --> 00:47:30.973 align:center
Number niya 'yon, e.

00:47:31.557 --> 00:47:34.935 align:center
Ang nakakatawa pa diyan
na lagi kong sinasabi sa kanya,

00:47:35.018 --> 00:47:38.522 align:center
"Pag-aaralin kita sa college
sa dalawang kondisyon."

00:47:38.605 --> 00:47:43.110 align:center
"Matatapos kang number one in four years,
saka hindi ka magpapa-tattoo."

00:47:43.610 --> 00:47:45.946 align:center
Di siya nagpa-tattoo,
pero pina-tattoo ko siya.

00:47:47.990 --> 00:47:51.994 align:center
Magandang paraan 'to
para makasama siya araw-araw…

00:47:54.371 --> 00:47:55.414 align:center
kasi kasama ko siya.

00:48:08.093 --> 00:48:11.013 align:center
Nag-ring 'yong telepono.
Sabi ni Jeff, "Kasama mo si Irene?"

00:48:11.096 --> 00:48:13.891 align:center
Sabi niya,
"Kanina pa siya nawawalang 12 o'clock."

00:48:13.974 --> 00:48:17.102 align:center
Bigla na lang natataranta ang lahat

00:48:17.185 --> 00:48:20.355 align:center
na nawawala 'yong ilaw ng tahanan.

00:48:21.023 --> 00:48:24.735 align:center
Eighty-two years old si Irene Silverman,
na may malinaw na pag-iisip.

00:48:24.818 --> 00:48:28.906 align:center
Socialite siya, pag gusto ka niya,
parte ka na ng pamilya.

00:48:29.406 --> 00:48:32.451 align:center
Nakatanggap kami ng impormasyon
na may mag-inang

00:48:32.534 --> 00:48:34.953 align:center
nakakuha sa ID ni Irene Silverman.

00:48:35.037 --> 00:48:36.496 align:center
Kaya nag-background check kami.

00:48:36.580 --> 00:48:39.374 align:center
Di ka makakapaniwala
sa masasamang ginawa nila.

00:48:39.458 --> 00:48:41.376 align:center
Hindi namin alam asan siya. Inosente kami.

00:48:41.460 --> 00:48:44.504 align:center
Kung ibibigay n'yo ang karapatan namin,
patutunayan namin.

00:48:44.588 --> 00:48:47.215 align:center
Hindi 'yon mukhang relasyon ng mag-ina.

00:48:47.299 --> 00:48:49.009 align:center
Magka-holding hands sila.

00:48:49.092 --> 00:48:51.511 align:center
Nagtititigan sa mata.

00:48:51.595 --> 00:48:52.721 align:center
Niloloko n'yo ba 'ko?

00:48:53.722 --> 00:48:55.724 align:center
Ininterview ko 'yong anak.

00:48:55.807 --> 00:48:58.727 align:center
Nagulat na lang ako,
sinasakal na niya 'ko.

00:48:59.311 --> 00:49:01.980 align:center
Ramdam ko 'yong tibok ng puso niya.

00:49:02.064 --> 00:49:04.858 align:center
Sinabi niya sa 'kin, "Hostage 'to."

00:49:05.776 --> 00:49:07.778 align:center
Akala n'yo kilala n'yo ako, pero hindi.

00:49:48.819 --> 00:49:52.823 align:center
Nagsalin ng Subtitle: Erika Ivene Columna
.

