WEBVTT

00:00:06.172 --> 00:00:07.882 align:center
SA ISLA NG MANHATTAN,

00:00:07.966 --> 00:00:11.094 align:center
MAY DALAWANG DETECTIVE SQUAD
NA NAKATUON SA MGA HOMICIDE:

00:00:11.177 --> 00:00:13.304 align:center
ANG MANHATTAN NORTH
AT ANG MANHATTAN SOUTH.

00:00:13.388 --> 00:00:16.599 align:center
INIIMBESTIGAHAN NILA ANG MGA PINAKABRUTAL
AT PINAKAMAHIRAP NA PAGPATAY.

00:00:16.683 --> 00:00:20.186 align:center
HETO ANG KANILANG MGA KUWENTO.

00:00:21.062 --> 00:00:22.105 align:center
Hello.

00:00:22.731 --> 00:00:24.441 align:center
Ako si Kenneth Kimes.

00:00:25.734 --> 00:00:27.318 align:center
Hindi n'yo ako kilala.

00:00:27.402 --> 00:00:30.238 align:center
Akala n'yo kilala n'yo ako, pero hindi.

00:00:30.321 --> 00:00:33.158 align:center
Akala n'yo kilala n'yo ang nanay ko,
pero hindi.

00:00:33.241 --> 00:00:35.702 align:center
Inosente kami ng anak ko.

00:00:36.202 --> 00:00:39.622 align:center
May malaki
at masamang pagtatakip na nangyayari.

00:00:39.706 --> 00:00:42.333 align:center
Matindi ang pagkakami ng mga pulis.

00:00:47.714 --> 00:00:49.340 align:center
Higit pa sa relasyon ng mag-ina

00:00:49.424 --> 00:00:53.678 align:center
ang namamagitan kina Sante at Kenny Kimes.

00:00:54.971 --> 00:00:59.517 align:center
Parang bigla na lang naglalaho
ang mga taong nasa buhay ng mga Kimeses.

00:00:59.601 --> 00:01:02.312 align:center
May tumawag sa 'kin.
Nawawala 'yong kaibigan kong si Irene.

00:01:02.395 --> 00:01:07.358 align:center
May 82 years old na socialite
na biglang nawala sa town house niya.

00:01:07.442 --> 00:01:09.360 align:center
Walang mintis, araw-araw,

00:01:09.444 --> 00:01:12.572 align:center
may tatawag sa 'kin
galing sa opisina ng police commissioner

00:01:12.655 --> 00:01:15.784 align:center
na may simpleng tanong, "Asan si Irene?"

00:01:18.328 --> 00:01:21.122 align:center
Di namin alam kung asan siya,
pero pinagdadasal namin siya.

00:01:21.206 --> 00:01:24.375 align:center
Nagdadasal kami ng anak ko
tuwing alas onse ng gabi.

00:01:24.459 --> 00:01:28.505 align:center
Pinagdadasal namin na ayos siya,
pero di namin alam kung asan siya.

00:01:28.588 --> 00:01:32.467 align:center
Inosente kami. Kung ibibigay
'yong karapatan namin, patutunayan namin.

00:01:39.349 --> 00:01:42.685 align:center
Trabaho naming siguruhing makakauwi
at makakatulog kayo sa gabi.

00:01:44.187 --> 00:01:47.398 align:center
Importanteng malaman ng pamilya
sino'ng pumatay sa kamag-anak nila.

00:01:48.316 --> 00:01:52.487 align:center
Pinakamahalaga 'yong malasakit mo
sa mga biktima.

00:01:53.029 --> 00:01:55.240 align:center
Gusto kong malaman 'yong totoong nangyari.

00:01:56.199 --> 00:01:57.450 align:center
Ano ba talagang nangyari?

00:01:59.285 --> 00:02:03.331 align:center
Gusto mong alamin 'yong totoo.
Gano'n ang ginagawa ng mga detective.

00:02:03.414 --> 00:02:06.334 align:center
Likas na sa 'yo 'yong tumulong sa tao.

00:02:07.043 --> 00:02:10.630 align:center
Sa New York City, sa NYPD…

00:02:12.924 --> 00:02:13.758 align:center
ito na 'yon.

00:02:26.396 --> 00:02:29.274 align:center
No'ng 1997, sampung taon na 'kong pulis
sa New York City

00:02:29.357 --> 00:02:32.318 align:center
bago ako na-promote
bilang third-grade detective.

00:02:32.402 --> 00:02:35.989 align:center
Nilipat ako mula sa 34th Precinct
sa Washington Heights

00:02:36.072 --> 00:02:39.492 align:center
papunta sa 19th Precinct
na nasa Upper East Side ng Manhattan.

00:02:44.289 --> 00:02:47.709 align:center
'Yon na siguro 'yong pinakamayaman
na parte ng New York City.

00:02:47.792 --> 00:02:51.462 align:center
Makakakuha kami ng mga homicide,
pero hindi tulad sa ibang presinto.

00:02:51.546 --> 00:02:55.508 align:center
Sa loob ng isang taon sa presintong 'yon,
may nakawan sa Fifth Avenue.

00:02:55.592 --> 00:02:58.970 align:center
Kaya pumunta kami do'n,
tapos apartment ni Mary Tyler Moore.

00:02:59.053 --> 00:03:01.890 align:center
Gano'n 'yong mga kasong inaasikaso namin.

00:03:02.640 --> 00:03:05.685 align:center
Sakop ng presinto mula 59th
hanggang 95th Street,

00:03:05.768 --> 00:03:08.021 align:center
mula Fifth Avenue hanggang sa East River.

00:03:08.104 --> 00:03:09.189 align:center
Malaking lugar 'yon.

00:03:09.272 --> 00:03:13.443 align:center
Ang daming matataas na building,
kaya malaki 'yong populasyon do'n.

00:03:13.943 --> 00:03:15.904 align:center
Na-culture shock ako paglipat ko.

00:03:15.987 --> 00:03:19.157 align:center
Mula basement,
napunta 'ko sa penthouse sa isang galawan.

00:03:26.331 --> 00:03:29.834 align:center
No'ng 1998, weekend ng Fourth of July,

00:03:29.918 --> 00:03:32.503 align:center
parang ghost town 'yong city
lalo na sa Upper East Side.

00:03:32.587 --> 00:03:35.215 align:center
Lahat pumupunta sa bahay nila sa Hamptons
sa Long Island.

00:03:36.257 --> 00:03:39.761 align:center
No'ng July 5, ako lang,
saka dalawang detective ang nagtatrabaho.

00:03:39.844 --> 00:03:41.387 align:center
Nasa bakasyon 'yong iba.

00:03:43.348 --> 00:03:45.642 align:center
May tumawag tungkol sa nawawalang tao.

00:03:45.725 --> 00:03:49.562 align:center
Staff siya ng 82 years old na babae
na si Irene Silverman.

00:03:50.855 --> 00:03:53.483 align:center
Ako 'yong junior detective,
kaya sabi no'ng dalawa,

00:03:53.566 --> 00:03:56.527 align:center
"Bata, sa 'yo na 'to. Ayan."
Sabi ko, "Naku po."

00:03:57.528 --> 00:04:00.365 align:center
Walang may gusto sa kaso
ng nawawalang tao.

00:04:00.448 --> 00:04:05.411 align:center
Madalas, naglayas lang 'yon
o may pinuntahan nang weekend.

00:04:05.495 --> 00:04:06.996 align:center
Wala silang pinagsabihan.

00:04:07.080 --> 00:04:09.707 align:center
Bumabalik din sila,
tapos sinasara 'yong kaso.

00:04:10.375 --> 00:04:12.669 align:center
Pero kailangan naming tingnan.

00:04:13.753 --> 00:04:16.839 align:center
Kaya pumunta kami sa town house.

00:04:17.340 --> 00:04:22.887 align:center
Nasa magandang kalsada 'yon ng 65th Street
ng Madison Avenue.

00:04:26.474 --> 00:04:28.601 align:center
Second-grade detective lang ako

00:04:28.685 --> 00:04:31.854 align:center
na lumaki sa mga housing project
sa East Harlem.

00:04:31.938 --> 00:04:33.773 align:center
Ang una kong naisip,

00:04:33.856 --> 00:04:38.277 align:center
"Unang beses ko 'tong makakapasok
sa multimillion-dollar na building."

00:04:38.361 --> 00:04:44.534 align:center
Magandang limang palapag na limestone 'yon
na may penthouse at roof deck.

00:04:44.617 --> 00:04:48.162 align:center
Wala pa 'kong masyadong napapasok
na building na nakakamangha,

00:04:48.246 --> 00:04:53.710 align:center
parang "Wow! Ang mahal talaga nito."
"Sobrang yaman ng babaeng 'to."

00:04:53.793 --> 00:04:57.088 align:center
Walang tao no'ng dumating kami
sa town house,

00:04:57.171 --> 00:05:01.592 align:center
maliban sa kasambahay ni Irene Silverman,
saka si Jeff na personal assistant niya.

00:05:02.301 --> 00:05:04.512 align:center
Nagkuwento 'yong staff,

00:05:04.595 --> 00:05:07.098 align:center
"Nagpa-Fourth of July party siya kagabi."

00:05:07.181 --> 00:05:09.684 align:center
"Maraming bisita. Nag-enjoy sila."

00:05:09.767 --> 00:05:12.687 align:center
Kinabukasan, bandang 11:45 a.m.

00:05:12.770 --> 00:05:15.273 align:center
'yong huling beses na nakita siya
ng staff niya.

00:05:15.356 --> 00:05:17.150 align:center
Iidlip lang dapat si Irene.

00:05:17.233 --> 00:05:21.529 align:center
No'ng bandang 4:30 o 5:00 na ng hapon,

00:05:21.612 --> 00:05:25.575 align:center
kumatok si Marta sa kuwarto ni Irene.

00:05:25.658 --> 00:05:27.201 align:center
Hindi siya sumagot.

00:05:27.285 --> 00:05:30.788 align:center
Pagpasok niya ng kuwarto,
napansin niyang wala si Irene.

00:05:33.166 --> 00:05:37.628 align:center
Hindi ko makakalimutan. Isa 'yon
sa pinakamalulungkot na araw ng buhay ko.

00:05:37.712 --> 00:05:40.048 align:center
Nag-ring 'yong telepono, si Jeff.

00:05:40.131 --> 00:05:44.469 align:center
Sa tono ng boses niya,
ramdam ko agad na may seryoso,

00:05:44.552 --> 00:05:47.430 align:center
saka may problemang nangyari.

00:05:47.513 --> 00:05:51.434 align:center
Sabi ni Jeff, "Kasama mo ba si Irene?"
Sabi ko, "Hindi."

00:05:52.018 --> 00:05:54.604 align:center
Susunod na sinabi ni Jeff,

00:05:54.687 --> 00:05:57.190 align:center
"Umaasa kaming lahat na kasama mo siya,"

00:05:57.273 --> 00:05:59.192 align:center
kasi madalas magkasama kami pag Linggo.

00:05:59.275 --> 00:06:01.652 align:center
Sabi niya,
"Twelve o'clock pa siya nawawala."

00:06:01.736 --> 00:06:04.197 align:center
Sabi ko, "Ano'ng nangyari?"
Sabi niya, "Di namin alam."

00:06:04.280 --> 00:06:06.741 align:center
Kaya sabi ko, "Papunta na 'ko."

00:06:08.242 --> 00:06:10.912 align:center
Pagdating ko sa bahay,
andun 'yong buong staff.

00:06:10.995 --> 00:06:14.290 align:center
Natataranta 'yong lahat

00:06:14.373 --> 00:06:17.502 align:center
na nawawala 'yong ilaw ng tahanan.

00:06:19.754 --> 00:06:23.299 align:center
Sabi ng staff,
hindi umaalis si Irene nang mag-isa.

00:06:23.383 --> 00:06:26.427 align:center
Lagi siyang may kasama sa mall
o kung saan man.

00:06:26.511 --> 00:06:27.845 align:center
Laging may sumasama sa kanya.

00:06:28.638 --> 00:06:33.017 align:center
Pero sabi din nila
na matalas 'yong isip ng babaeng 'to.

00:06:33.101 --> 00:06:36.270 align:center
Wala siyang Alzheimer's o dementia,
wala siyang gano'n.

00:06:37.313 --> 00:06:39.273 align:center
Hinalughog namin 'yong buong town house.

00:06:40.274 --> 00:06:43.069 align:center
Hinanap namin 'yong mga bisita
na nasa party,

00:06:43.152 --> 00:06:46.030 align:center
kinuha namin 'yong mga pangalan nila
para ma-interview namin.

00:06:47.824 --> 00:06:50.326 align:center
Sabi ng staff niya,
nawawala 'yong mga susi niya.

00:06:50.409 --> 00:06:53.121 align:center
Hindi lang 'yon,
lagi siyang may nakatabing pera.

00:06:53.204 --> 00:06:55.414 align:center
Sabi nila, may $10,000 daw na nawawala.

00:06:55.498 --> 00:06:58.835 align:center
Pinakita nila kung saan niya tinatago
'yong pera.

00:06:58.918 --> 00:07:00.378 align:center
Wala na 'yong sobre.

00:07:01.379 --> 00:07:06.676 align:center
Sinabi sa 'min ng mga empleyado niya
na pamilya 'yong turing niya sa kanila.

00:07:08.428 --> 00:07:11.764 align:center
Bilib nga ako kung pa'no nila
alagaan si Irene.

00:07:13.057 --> 00:07:16.561 align:center
Sinasalamin no'n kung anong klase ng tao
si Irene Silverman.

00:07:16.644 --> 00:07:21.315 align:center
'Yong mahalin, paglaanan ng oras,
saka ipagdasal ka ng mga trabahador mo.

00:07:24.527 --> 00:07:26.904 align:center
Sabi nila, wala siyang pamilya.

00:07:26.988 --> 00:07:30.950 align:center
Socialite siya. Kaya kung gusto ka niya,
kakaibiganin ka agad niya,

00:07:31.033 --> 00:07:33.661 align:center
iimbitahan sa mga party,
saka sa town house.

00:07:33.744 --> 00:07:35.413 align:center
Ayun na. Parte ka na ng pamilya.

00:07:36.247 --> 00:07:39.459 align:center
Habang mas nakikilala ko siya,
lalo ko siyang nagugustuhan,

00:07:39.542 --> 00:07:41.919 align:center
saka gusto ko siyang makasama.

00:07:43.129 --> 00:07:46.549 align:center
Pag nagpapa-party siya,
siya 'yong sentro ng atensiyon.

00:07:46.632 --> 00:07:49.635 align:center
Parang sa pelikula.
'Yong Auntie Mame na movie.

00:07:50.386 --> 00:07:54.724 align:center
Alan, darling, masaya akong…
Edna, tinawagan kita kahapon. Nasaan…

00:07:54.807 --> 00:07:56.976 align:center
-Hello, Mame.
-Hello. Sandali lang muna.

00:07:57.977 --> 00:08:00.438 align:center
Nakukuha niya 'yong atensiyon mo.

00:08:00.521 --> 00:08:03.774 align:center
Una kong nakita si Irene no'ng 1994.

00:08:03.858 --> 00:08:07.320 align:center
Nasa tuktok ako ng career ko.

00:08:07.403 --> 00:08:12.658 align:center
Ako 'yong unang Asian designer
na sinuportahan ni Anna Wintour.

00:08:12.742 --> 00:08:15.661 align:center
May pinuntahan akong sosyal
na Christmas Eve party.

00:08:16.829 --> 00:08:19.540 align:center
Tumakbo 'yong kaibigan ko sa kusina.

00:08:19.624 --> 00:08:23.127 align:center
Sabi niya, "Dumating na ang grand dame."

00:08:23.211 --> 00:08:25.630 align:center
"Dapat makilala mo siya.
Lahat gusto siyang makilala."

00:08:27.006 --> 00:08:28.508 align:center
Ipinakilala ako sa kanya.

00:08:28.591 --> 00:08:31.219 align:center
Pero kahit na maliit siya,
wala pa siyang five feet,

00:08:31.302 --> 00:08:33.012 align:center
pero parang ang laki niyang tao.

00:08:33.095 --> 00:08:36.015 align:center
Sobrang glamorosa niya,
pa'no siya manamit,

00:08:36.098 --> 00:08:38.184 align:center
saka pagdadala niya sa sarili niya.

00:08:39.268 --> 00:08:41.979 align:center
Sabi niya, "Samahan mo akong magtsaa."

00:08:42.855 --> 00:08:45.149 align:center
Andun ako hanggang hatinggabi.

00:08:45.233 --> 00:08:47.401 align:center
Sobrang saya namin.

00:08:47.485 --> 00:08:49.820 align:center
Ang dami niyang magagandang kuwento.

00:08:50.821 --> 00:08:55.243 align:center
No'ng 17 siya,
ballerina siya sa Radio City.

00:08:57.912 --> 00:09:01.832 align:center
Sa isa sa mga performance nila,
nanood si Samuel Silverman,

00:09:01.916 --> 00:09:04.835 align:center
na in love na in love kay Irene.

00:09:05.878 --> 00:09:08.422 align:center
Pagkatapos ng ligawan, nagpakasal sila.

00:09:08.506 --> 00:09:10.091 align:center
Sabi niya, nasa finance si Samuel.

00:09:10.174 --> 00:09:14.512 align:center
Saka nagsimulang maging glamorosa
'yong buhay ni Irene.

00:09:16.973 --> 00:09:19.058 align:center
Pagkamatay ng asawa niya,

00:09:19.141 --> 00:09:22.937 align:center
nagsimula na siyang malungkot
sa malaking mansyon na 'to.

00:09:23.020 --> 00:09:25.064 align:center
Kaya para maaliw,

00:09:25.147 --> 00:09:28.651 align:center
pinarentahan niya 'yong mga kuwarto
sa mayayamang tao,

00:09:28.734 --> 00:09:31.279 align:center
sa mga ayaw mag-stay sa hotel.

00:09:37.326 --> 00:09:41.998 align:center
Sabi ng mga empleyado niya,
do'n daw sa likod,

00:09:42.081 --> 00:09:44.625 align:center
pagpasok mo ng building, may pinto.

00:09:44.709 --> 00:09:47.962 align:center
Papunta daw 'yon sa apartment
sa first floor.

00:09:48.045 --> 00:09:52.049 align:center
Pinarentahan niya 'yong apartment na 'yon
sa puti na si Manny Guerin.

00:09:53.175 --> 00:09:55.261 align:center
Sabi ng staff,
madalas nagba-background check

00:09:55.344 --> 00:09:57.680 align:center
sa mga tenant niya si Irene Silverman.

00:09:57.763 --> 00:10:00.224 align:center
Pero sa kasong 'to, hindi.

00:10:00.308 --> 00:10:04.520 align:center
May kakilala 'yong matadero
na inupahan ni Irene,

00:10:04.603 --> 00:10:07.898 align:center
nirekomenda niya kay Manny Guerin
'yong town house ni Irene.

00:10:09.692 --> 00:10:15.990 align:center
No'ng June 14, nagbayad siya ng cash
na $6,000 para sa isang buwan.

00:10:16.073 --> 00:10:18.784 align:center
REC. $6,000 IN CASH
PARA SA UNANG BUWAN NG RENTA SA 1B

00:10:18.868 --> 00:10:22.872 align:center
Nabanggit ng staff na mula no'ng dumating
si Manny sa building,

00:10:22.955 --> 00:10:26.208 align:center
naramdaman na ni Irene
na hindi siya mabuting tao.

00:10:27.293 --> 00:10:31.881 align:center
Pinakikinggan niyang makipag-usap si Irene
sa mga staff sa foyer.

00:10:31.964 --> 00:10:33.132 align:center
Alam nila 'yon,

00:10:33.215 --> 00:10:36.802 align:center
kasi makikita nila 'yong paa niya
sa may pinto sa harap.

00:10:37.762 --> 00:10:38.804 align:center
Sinabi din ng staff

00:10:38.888 --> 00:10:43.601 align:center
na nagpupuslit ng babae si Manny
sa building, "Eva" 'yong pangalan.

00:10:44.435 --> 00:10:47.688 align:center
Ang pagkaka-describe nila,
matandang babae na maayos manamit.

00:10:47.772 --> 00:10:50.650 align:center
Sabi ni Manny, katrabaho niya si Eva,

00:10:50.733 --> 00:10:52.401 align:center
parang assistant niya.

00:10:53.527 --> 00:10:57.239 align:center
Pagpasok namin sa opisina ni Irene,
may mga papel sa mesa niya,

00:10:57.323 --> 00:11:01.452 align:center
tapos may mga sinulat siya
tungkol sa tenant sa 1B.

00:11:01.535 --> 00:11:05.706 align:center
Sabi sa notes na kahina-hinala si Manny.
Wala siyang tiwala, gusto niyang paalisin.

00:11:06.665 --> 00:11:11.670 align:center
Nag-drawing pa siya ng sketch,
tapos dinescribe 'yong height.

00:11:11.754 --> 00:11:13.172 align:center
NASA 5FT 10 1/2 INCHES

00:11:13.255 --> 00:11:15.091 align:center
Sinulat niya, "Para siyang kriminal."

00:11:15.925 --> 00:11:21.722 align:center
Naaalala ko 'yong unang araw
na lumipat si Manny sa rental space.

00:11:21.806 --> 00:11:25.059 align:center
Nagla-lunch kami ni Irene sa basement.

00:11:25.643 --> 00:11:28.437 align:center
Tapos narinig naming bumukas
'yong elevator.

00:11:28.938 --> 00:11:33.150 align:center
Pinapunta agad ni Irene sa elevator
si Marta, 'yong maid niya,

00:11:33.234 --> 00:11:36.779 align:center
"Pakisabi kay Manny, 'yong tenant,
na private area 'to."

00:11:36.862 --> 00:11:39.490 align:center
"Bawal ang tenants sa area na 'to."

00:11:41.534 --> 00:11:44.620 align:center
Pagbalik ni Marta sa dining table,

00:11:44.704 --> 00:11:48.749 align:center
di ko makakalimutan ang sabi ni Irene,
"Masama ang kutob ko sa lalaking 'yon."

00:11:50.709 --> 00:11:54.922 align:center
Sabi ko, "Irene, bakit ka tumatanggap
ng pinagdududahan mo?"

00:11:55.798 --> 00:11:58.300 align:center
Sabi niya, "May tiwala ako sa matadero ko,

00:11:58.801 --> 00:12:01.178 align:center
kaya hindi ako humingi
ng background check,

00:12:01.262 --> 00:12:05.307 align:center
kaya pumayag akong rentahan nila
'yong apartment nang isang buwan."

00:12:07.935 --> 00:12:10.229 align:center
No'ng nalaman namin
'yong tungkol sa lalaki sa 1B,

00:12:10.312 --> 00:12:12.940 align:center
nasabi ko na "Naku, masama 'to."

00:12:13.023 --> 00:12:16.569 align:center
Ang dami nang lumalabas na babala,
"Gago 'tong lalaking 'to."

00:12:17.945 --> 00:12:20.948 align:center
Nag-physical check kami sa apartment
na nirentahan ni Manny

00:12:21.031 --> 00:12:25.411 align:center
para makasigurong wala siya do'n,
na sugatan o kaya patay na.

00:12:27.663 --> 00:12:29.582 align:center
Madilim 'yong ilaw sa apartment.

00:12:30.541 --> 00:12:34.295 align:center
Hindi naman magulo, pero hindi malinis.
Hindi maayos 'yong kama.

00:12:34.378 --> 00:12:37.465 align:center
May mga kahon ng pagkain sa mesa.

00:12:38.382 --> 00:12:42.928 align:center
May bungkos ng duct tape
sa basurahan sa apartment.

00:12:43.554 --> 00:12:47.308 align:center
May nakuha ding rolyo ng lubid.

00:12:48.184 --> 00:12:52.271 align:center
Napansin ng isa sa staff
na may nawawalang comforter sa kuwarto.

00:12:52.354 --> 00:12:56.984 align:center
May nakita kaming kahon ng shower curtain
na 'yong mga ring na lang ang nakalagay.

00:12:58.486 --> 00:13:03.407 align:center
Bakit mo kailangan ng shower curtain
sa apartment na may glass sliding door?

00:13:03.491 --> 00:13:05.159 align:center
Di mo kailangan ng shower curtain.

00:13:05.242 --> 00:13:09.246 align:center
Sa puntong 'yon, iniisip namin
na may nangyaring pagdukot.

00:13:13.125 --> 00:13:16.337 align:center
10 ORAS MATAPOS IULAT NA NAWAWALA SI IRENE

00:13:16.420 --> 00:13:20.925 align:center
Sinama namin 'yong staff niya sa presinto
para gumawa ng sketch ni Manny Guerin,

00:13:22.009 --> 00:13:25.221 align:center
'yong lalaki sa 1B
na kahina-hinala 'yong kilos.

00:13:25.304 --> 00:13:29.141 align:center
Na-assign akong magbantay sa town house
no'ng gabing 'yon.

00:13:29.725 --> 00:13:31.227 align:center
"Naku po" moment ko 'yon.

00:13:31.310 --> 00:13:33.103 align:center
Junior detective ako.

00:13:33.187 --> 00:13:34.939 align:center
Ito na 'yong pagkakataon ko.

00:13:35.022 --> 00:13:37.775 align:center
Naisip namin
na baka may kumatok na witness.

00:13:37.858 --> 00:13:41.779 align:center
Baka biglang dumating si Irene,
may tumawag, o anumang mangyari.

00:13:42.363 --> 00:13:46.408 align:center
Si George lang ang kasama ko no'n,
'yong aso ni Irene.

00:13:47.743 --> 00:13:50.829 align:center
21 ORAS MATAPOS IULAT NA NAWAWALA SI IRENE

00:13:51.413 --> 00:13:55.501 align:center
No'ng July 1998,
deputy inspector 'yong ranggo ko.

00:13:55.584 --> 00:13:59.338 align:center
Ako din 'yong namumuno sa operasyon
ng mga detective ng Manhataan North,

00:13:59.421 --> 00:14:04.385 align:center
na namamahala sa 12 presinto
sa Manhattan North

00:14:04.468 --> 00:14:07.721 align:center
mula 59th Street
hanggang sa tuktok ng Manhattan.

00:14:08.430 --> 00:14:11.976 align:center
Meron kaming tinatawag
na "special category missing persons."

00:14:12.059 --> 00:14:14.853 align:center
Sakto si Irene sa dalawa do'n.

00:14:15.521 --> 00:14:20.109 align:center
Una, dahil 82 years old na siya
nang mawala.

00:14:20.192 --> 00:14:24.446 align:center
Pangalawa, mukhang nawala siya
nang sapilitan

00:14:24.530 --> 00:14:27.116 align:center
at may masamang nangyari sa kanya.

00:14:27.199 --> 00:14:30.327 align:center
Naghuhudyat 'yong special category
missing person

00:14:30.411 --> 00:14:32.913 align:center
na gumawa ng pansamantalang headquarters.

00:14:33.998 --> 00:14:36.375 align:center
Tumawag si Inspector Reznick, sabi niya,

00:14:36.458 --> 00:14:39.795 align:center
"Was, pumunta ka sa 19th precinct
kasama ng team mo."

00:14:39.878 --> 00:14:42.882 align:center
Gusto ni Joe ng magagaling na tao

00:14:42.965 --> 00:14:45.801 align:center
o kaya 'yong mga taong
"masinsin sa detalye."

00:14:46.385 --> 00:14:49.763 align:center
Mahirap maging boss si Joe Reznick.
Aaminin ko 'yan.

00:14:49.847 --> 00:14:51.557 align:center
Seryosong tao siya,

00:14:51.640 --> 00:14:54.560 align:center
pero kung may kamag-anak ako
na nawala o pinatay,

00:14:54.643 --> 00:14:56.770 align:center
gugustuhin kong siya 'yong mag-iimbestiga.

00:14:57.730 --> 00:15:00.608 align:center
NAWAWALA
IRENE SILVERMAN

00:15:00.691 --> 00:15:03.193 align:center
Gumawa agad kami ng mga card

00:15:03.694 --> 00:15:05.905 align:center
na may picture ni Irene Silverman.

00:15:05.988 --> 00:15:09.033 align:center
Kung meron kayong impormasyon sa pagkawala

00:15:09.116 --> 00:15:11.535 align:center
o kinaroroonan ni Mrs. Irene Silverman,

00:15:11.619 --> 00:15:13.454 align:center
tumawag sa Crime Stoppers.

00:15:13.537 --> 00:15:16.373 align:center
Tumatayo 'yong mga detective sa kanto

00:15:16.457 --> 00:15:19.919 align:center
para mamigay ng flyers at magtanong
kung may napansin silang kakaiba.

00:15:20.002 --> 00:15:23.213 align:center
Nabalitaan ng press, kaya ayun.
Pumutok na.

00:15:23.297 --> 00:15:25.925 align:center
Nawala sa sariling mansyon
ang 82 taong gulang na babae.

00:15:26.008 --> 00:15:28.469 align:center
Huling nakitang buhay si Silverman
noong July 5.

00:15:28.552 --> 00:15:32.848 align:center
May matandang babae
na misteryosong naglaho.

00:15:32.931 --> 00:15:37.436 align:center
Meron ding nangungupahan sa apartment niya

00:15:37.519 --> 00:15:41.315 align:center
nang wala pang tatlong linggo
na misteryoso ding nawawala.

00:15:42.232 --> 00:15:44.860 align:center
Binanggit din namin
na hinahanap namin 'yong taong

00:15:44.944 --> 00:15:49.198 align:center
nasa composite sketch
na kilala bilang "Manny Guerin".

00:15:49.281 --> 00:15:52.326 align:center
Hinahanap siya bilang may kaugnayan
sa pagkawala ni Ms. Silverman.

00:15:52.409 --> 00:15:54.453 align:center
82 ANYOS NA MILYONARYA NAWAWALA SA MANSYON

00:15:57.706 --> 00:15:59.667 align:center
Kinabukasan ng conference na 'yon,

00:16:00.876 --> 00:16:02.962 align:center
nakatanggap ng tawag ang 19th squad

00:16:03.045 --> 00:16:08.133 align:center
mula sa NYPD detective
na parte ng joint fugitive task force

00:16:08.801 --> 00:16:11.762 align:center
kung saan itinatalaga 'yong mga FBI agent,
saka NYPD detective

00:16:11.845 --> 00:16:16.350 align:center
para maghanap ng mga lokal na pugante
na hindi lang sa New York wanted,

00:16:16.433 --> 00:16:18.102 align:center
kundi pati sa buong bansa.

00:16:19.645 --> 00:16:25.234 align:center
Sinabi niya na no'ng iulat na nawawala
si Irene Silverman no'ng July 5,

00:16:25.317 --> 00:16:28.570 align:center
may naaresto siyang dalawang tao, mag-ina,

00:16:28.654 --> 00:16:31.198 align:center
sa 55th Street at 6th Avenue

00:16:31.281 --> 00:16:34.368 align:center
dahil sa warrant sa kanila sa Utah

00:16:34.451 --> 00:16:40.124 align:center
sa pagbili ng kotse gamit ang pekeng tseke
na dinala nila sa New York City.

00:16:41.625 --> 00:16:44.837 align:center
Sinabi sa 'min ng detective
galing sa fugitive task force

00:16:46.005 --> 00:16:48.590 align:center
na nasa gamit ng dalawa

00:16:48.674 --> 00:16:51.385 align:center
'yong ID na pagmamay-ari
ni Irene Silverman.

00:16:52.136 --> 00:16:57.599 align:center
Kinilala sila bilang Kenny Kimes
at ang nanay nitong si Sante Kimes.

00:16:59.226 --> 00:17:02.688 align:center
May $10,000 na cash sa pocketbook niya.

00:17:02.771 --> 00:17:05.357 align:center
No'ng tanungin kung bakit siya
may $10,000 cash,

00:17:05.441 --> 00:17:08.360 align:center
sabi niya, "Kailangan ng maraming cash
pag pupunta sa New York,"

00:17:08.444 --> 00:17:10.362 align:center
na walang katuturan.

00:17:10.446 --> 00:17:15.367 align:center
Wala akong kilalang nagdadala
ng $10,000 cash sa pocketbook nila.

00:17:15.451 --> 00:17:17.578 align:center
May baril ako,
pero di ako pupunta sa New York

00:17:17.661 --> 00:17:19.997 align:center
na may $10,000 cash sa bulsa ko.

00:17:20.080 --> 00:17:25.669 align:center
Meron ding mga susi na may red nail polish
na pag-aari ni Irene.

00:17:25.753 --> 00:17:28.255 align:center
Akala ko,
si Manny Guerin ang hinahanap namin,

00:17:28.338 --> 00:17:30.215 align:center
pero no'ng marinig ko 'yon,

00:17:30.299 --> 00:17:32.217 align:center
sabi ko, "Niloloko mo ba 'ko?"

00:17:34.511 --> 00:17:38.015 align:center
Sa bagong impormasyong 'yon,
sumakay kami sa kotse at nagbiyahe

00:17:38.098 --> 00:17:41.143 align:center
papunta sa Manhattan Central Booking
para kausapin si Kenny.

00:17:42.811 --> 00:17:46.398 align:center
Pagpasok ko pa lang naisip ko,
"Anak ng tokwa."

00:17:47.691 --> 00:17:50.652 align:center
Nag-match si Kenny sa sketch
ni Manny Guerin.

00:17:51.653 --> 00:17:53.030 align:center
Saktong-sakto.

00:17:55.282 --> 00:17:58.494 align:center
Kumbinsido ako na nakuha na namin
si Manny Guerin.

00:17:59.495 --> 00:18:03.665 align:center
Tinanong namin siya, "Ba't nasa 'yo ang ID
ni Irene? Kilala mo ba siya?"

00:18:03.749 --> 00:18:05.584 align:center
"Oo, kilala ko siya."

00:18:05.667 --> 00:18:09.755 align:center
"Kaibigan yata siya ng nanay ko."

00:18:10.923 --> 00:18:14.843 align:center
Sabi namin, "Kenny, isipin mo si Irene.
Baka buhay pa siya."

00:18:14.927 --> 00:18:15.886 align:center
"Baka nawawala lang."

00:18:15.969 --> 00:18:18.472 align:center
"Tulungan mo kami.
Ba't ayaw mong makipag-usap?"

00:18:18.555 --> 00:18:20.599 align:center
"Kung nanay mo 'yon?
Ano'ng mararamdaman mo?"

00:18:21.475 --> 00:18:23.685 align:center
May konting pag-asa.

00:18:23.769 --> 00:18:26.522 align:center
Naluluha siya. Naaalala ko.

00:18:27.606 --> 00:18:30.776 align:center
Akala ko, makikipag-usap na siya sa 'min,

00:18:30.859 --> 00:18:32.986 align:center
tapos aamin na siya.

00:18:33.654 --> 00:18:38.534 align:center
Pero pagkatapos ng ilang segundo,
parang may nag-switch sa loob niya.

00:18:39.576 --> 00:18:40.994 align:center
Nawalan siya ng reaksiyon,

00:18:41.078 --> 00:18:43.163 align:center
parang naging bato,
tapos nanghingi ng abogado.

00:18:45.124 --> 00:18:48.210 align:center
No'ng paalis na 'ko,
nakumbinsi ako nang 100%

00:18:48.293 --> 00:18:50.754 align:center
na malaki ang parte niya
sa pagkawala ni Irene.

00:18:53.674 --> 00:18:57.302 align:center
Nasa FBI building downtown
'yong nanay niya, si Sante Kimes,

00:18:57.386 --> 00:19:00.514 align:center
naghihintay na mahatulan
sa kaso ng ninakaw na kotse.

00:19:00.597 --> 00:19:03.475 align:center
Umaasa ako na 'yong mga detective
na nag-i-interview sa kanya

00:19:03.559 --> 00:19:06.979 align:center
ay mas matagumpay kesa sa 'min.

00:19:07.062 --> 00:19:12.192 align:center
Pero humingi siya ng abogado
kaya natigil 'yong interview.

00:19:17.823 --> 00:19:20.117 align:center
Nag-background check kami sa kanila.

00:19:20.200 --> 00:19:22.286 align:center
Tiningnan namin kung ano'ng mga kaso nila.

00:19:22.953 --> 00:19:26.790 align:center
Nakita naming walang naging malalang kaso
si Kenny sa batas.

00:19:27.708 --> 00:19:29.793 align:center
Tapos tiningnan namin 'yong kay Sante…

00:19:29.877 --> 00:19:32.504 align:center
Hindi ka makakapaniwala
sa masasamang sinasabi nila.

00:19:33.755 --> 00:19:37.843 align:center
Itinalaga sa 'kin 'yong kuwento

00:19:37.926 --> 00:19:40.971 align:center
ng nangyari kay Irene Silverman
sa New York.

00:19:41.555 --> 00:19:46.101 align:center
Nalaman ko na naulila si Sante Kimes
no'ng bata pa siya,

00:19:46.185 --> 00:19:49.313 align:center
tapos nagpalipat-lipat na siya ng bahay,

00:19:49.396 --> 00:19:53.483 align:center
sa ampunan man 'yon
o sa kaibigan ng kaibigan.

00:19:53.567 --> 00:19:54.943 align:center
Sobrang hirap niya.

00:19:56.028 --> 00:20:00.741 align:center
Nakilala niya si Kenneth Kimes Sr.
no'ng 1970.

00:20:01.241 --> 00:20:05.370 align:center
Nasa construction business siya,
tapos may-ari ng mga motel.

00:20:05.996 --> 00:20:09.249 align:center
May mga bahay sila sa Bahamas,

00:20:09.333 --> 00:20:12.711 align:center
may oceanfront property sa Honolulu,

00:20:12.794 --> 00:20:15.422 align:center
bahay sa Las Vegas.

00:20:15.505 --> 00:20:18.050 align:center
Magarbo 'yong buhay nila.

00:20:19.676 --> 00:20:22.429 align:center
Ilang taon pagkatapos nilang magkakilala,

00:20:22.512 --> 00:20:25.224 align:center
nagkaro'n sila ng asawa niya ng anak,
si Kenneth Kimes Jr.

00:20:27.976 --> 00:20:31.480 align:center
Itinuring ni Sante Kimes
na munting prinsipe si Kenneth,

00:20:32.272 --> 00:20:35.317 align:center
pero kontrolado ni Sante
lahat ng gawin ni Kenneth,

00:20:35.400 --> 00:20:39.655 align:center
hanggang sa puntong nagdesisyon siya
na mag-homeschool at wag siyang papasukin.

00:20:40.322 --> 00:20:45.369 align:center
Sinusunod ni Kenny ang ginagawa ni Mommy.
Pag sinabing talon, tatalon siya.

00:20:46.787 --> 00:20:50.999 align:center
Alam niya kung pa'no pasusunurin lahat
para sa gusto niya.

00:20:51.500 --> 00:20:53.293 align:center
Con artist si Sante.

00:20:53.377 --> 00:20:56.046 align:center
Wag mo 'kong kunan pag hindi ako…

00:20:57.297 --> 00:21:03.053 align:center
Meron siyang 11 magkakaibang alyas
na nakalista sa arrest history niya,

00:21:03.136 --> 00:21:07.724 align:center
kasama do'n ang insurance fraud,
at ilang pagnanakaw.

00:21:08.308 --> 00:21:11.561 align:center
Mukhang mahilig sa panganib
si Sante Kimes.

00:21:11.645 --> 00:21:15.732 align:center
Gusto niyang makita
kung hanggang saan siya makakalusot.

00:21:16.775 --> 00:21:21.113 align:center
Sinasabi niyang ambassador
'yong asawa niya,

00:21:21.196 --> 00:21:27.703 align:center
kaya naimbitahan siya sa pagdiriwang
para kay Gerald Ford.

00:21:28.495 --> 00:21:33.667 align:center
May picture sila ni Kenneth Kimes
na kinakamayan si President Ford.

00:21:33.750 --> 00:21:38.797 align:center
Hanggang ngayon, walang nakakaalam
pa'no siya nakalusot sa Secret Service.

00:21:38.880 --> 00:21:41.800 align:center
May paraan siya ng pagpasok sa lugar,

00:21:41.883 --> 00:21:45.595 align:center
tapos titingin lahat at sasabihing,
"Tingnan n'yo 'yong suot niya!"

00:21:46.430 --> 00:21:50.726 align:center
"Oh my God! Grabe 'yong alahas niya!
Bagay talaga siya dito."

00:21:50.809 --> 00:21:53.145 align:center
Isa pa sa mga kapansin-pansin

00:21:53.228 --> 00:21:56.898 align:center
ay 'yong slavery charge niya no'ng 1985.

00:21:56.982 --> 00:21:58.483 align:center
2 KINASUHAN SA PANG-AALIPIN

00:21:58.567 --> 00:22:03.572 align:center
Kumukuha ng katulong si Sante Kimes
sa Mexico para maglinis ng mga bahay niya.

00:22:04.156 --> 00:22:07.451 align:center
Aapihin niya 'yong mga 'yon.

00:22:09.619 --> 00:22:13.498 align:center
Ikukulong niya sa kuwarto
'yong mga katulong.

00:22:13.582 --> 00:22:16.585 align:center
Isa sa kanila 'yong tumestigo sa trial

00:22:17.627 --> 00:22:20.130 align:center
na pinaso siya ng plantsa.

00:22:21.465 --> 00:22:24.801 align:center
Binansagan siyang "Dragon Lady".

00:22:25.844 --> 00:22:28.263 align:center
Kakaibang kabaliwan 'yon.

00:22:28.847 --> 00:22:30.307 align:center
Psychopath siya.

00:22:30.390 --> 00:22:33.310 align:center
Nahatulan ng limang taon si Sante
sa kulungan.

00:22:35.020 --> 00:22:39.107 align:center
Gayunpaman, hindi nilitis 'yong asawa niya
para sa kasong 'yon.

00:22:40.150 --> 00:22:44.321 align:center
Nakulong siya nang tatlong taon
para sa limang taong hatol.

00:22:45.906 --> 00:22:52.329 align:center
Tapos namatay si Kenneth Kimes Sr.
dahil sa brain aneurysm no'ng 1994.

00:22:53.872 --> 00:22:57.751 align:center
No'ng namatay siya,
bumaliktad 'yong buhay ni Sante.

00:22:58.585 --> 00:23:02.923 align:center
Sabi niya, "Pa'no ko itutuloy
'yong lifestyle ko?"

00:23:03.006 --> 00:23:06.551 align:center
Basta't nasa tuktok si Sante,
'yon lang ang importante sa kanya.

00:23:08.261 --> 00:23:13.850 align:center
Pagkamatay ng tatay niya,
hindi na sila mapaghiwalay ng nanay niya.

00:23:13.934 --> 00:23:16.770 align:center
Anumang aktibidad ang kinasangkutan nila,
magkasama sila.

00:23:18.397 --> 00:23:21.942 align:center
Mapanganib na bagay
'yong pakikipagkaibigan sa mga Kimes.

00:23:23.610 --> 00:23:28.407 align:center
Bigla na lang naglalaho
'yong mga kakilala nila.

00:23:29.199 --> 00:23:31.243 align:center
Isa sa kanila si David Kazdin.

00:23:31.743 --> 00:23:35.372 align:center
Kasamahan nina Sante at Kenneth Kimes
si David Kazdin,

00:23:35.455 --> 00:23:37.707 align:center
parang business partner.

00:23:38.291 --> 00:23:42.212 align:center
Nag-loan si Sante gamit 'yong bahay
ni David Kazdin.

00:23:42.295 --> 00:23:44.840 align:center
Nakakuha yata siya ng coupon books
ng mga bayad

00:23:44.923 --> 00:23:49.845 align:center
para $250,000 at $300,000 na loan
na wala siyang kaalam-alam.

00:23:50.679 --> 00:23:52.514 align:center
Pumunta siya sa mga pulis.

00:23:53.557 --> 00:23:55.016 align:center
Pagkatapos no'n,

00:23:55.100 --> 00:23:59.354 align:center
nakita nila 'yong katawan ni Kazdin
sa basurahan sa may LAX airport.

00:24:01.189 --> 00:24:05.360 align:center
Pero no'ng pagkakataong 'yon,
walang sapat na ebidensiya ang LAPD

00:24:05.444 --> 00:24:09.281 align:center
para arestuhin sina Sante at Kenneth Kimes
sa pagpatay kay David Kazdin.

00:24:09.364 --> 00:24:12.242 align:center
Sa punto ding 'yon,
sumakay nina Sante at Kenny

00:24:12.325 --> 00:24:15.036 align:center
sa nakaw na kotse
papunta sa kabilang parte ng bansa

00:24:15.120 --> 00:24:19.166 align:center
para umupa sa town house ni Irene.

00:24:23.003 --> 00:24:26.965 align:center
May mga pag-uusap kung dapat bang
ilipat sila sa LA

00:24:27.048 --> 00:24:31.511 align:center
para harapin ang pagpatay kay David Kazdin
o iwan sila dito sa New York.

00:24:31.595 --> 00:24:32.971 align:center
May sasabihin ako sa 'yo.

00:24:33.054 --> 00:24:35.182 align:center
Pag may pinatay dito sa New York City,

00:24:35.265 --> 00:24:39.060 align:center
dapat andito lang sa New York City
'yong kaso hanggang malutas 'yon.

00:24:39.144 --> 00:24:43.773 align:center
Maniwala kayo, marami pang kailangan gawin

00:24:43.857 --> 00:24:46.151 align:center
para matapos 'yong trabaho.

00:24:48.653 --> 00:24:52.991 align:center
Nakakuha ang News Channel 4
ng mga larawan ng K9 police dog unit

00:24:53.074 --> 00:24:56.453 align:center
at mga crime scene technician
na papunta sa garahe sa basement

00:24:56.536 --> 00:25:00.040 align:center
kung saan naroon ang kotseng
minaneho ni Kenneth Kimes.

00:25:00.123 --> 00:25:02.626 align:center
May search warrant
para sa green na Lincoln Town Car.

00:25:04.503 --> 00:25:05.754 align:center
Binuksan namin 'yong trunk.

00:25:06.630 --> 00:25:07.964 align:center
Wala, basura lang.

00:25:08.715 --> 00:25:11.426 align:center
Lahat nakatambak sa backseat ng kotse.

00:25:11.510 --> 00:25:13.428 align:center
Sobrang daming basura do'n, pare.

00:25:14.387 --> 00:25:16.973 align:center
Inabot nang walong oras
para halughugin 'yong kotse.

00:25:17.599 --> 00:25:20.352 align:center
May nakuha kaming box ng Taser gun.

00:25:20.435 --> 00:25:21.811 align:center
Nakakita kami ng clear liquid

00:25:21.895 --> 00:25:25.398 align:center
na napag-alamang pampatulog na droga,
parang roofie.

00:25:25.482 --> 00:25:28.318 align:center
Nakita namin 'yong Social Security card
ni Irene Silverman

00:25:28.401 --> 00:25:31.112 align:center
at ilan pang papeles
na may pangalan ni Irene.

00:25:31.196 --> 00:25:34.699 align:center
May nakuha kaming iba't ibang klase ng wig
at gamit sa pagmamanman.

00:25:35.367 --> 00:25:38.411 align:center
Merong 15 notebook sa kotse

00:25:38.495 --> 00:25:44.668 align:center
na nakasulat nang maayos
ang bawat kilos ni Irene.

00:25:44.751 --> 00:25:47.212 align:center
Pag tiningnan mo 'yong buong kuwento,
'yong nangyayari,

00:25:47.295 --> 00:25:48.964 align:center
halata na agad 'yon, e.

00:25:50.674 --> 00:25:54.844 align:center
Nakalagay din sa mga notebook na 'yon
pa'no kukunin ang bahay ni Irene.

00:25:54.928 --> 00:25:58.807 align:center
"Magpa-notaryo, kumuha ng titulo,
kunin ang deed."

00:25:59.558 --> 00:26:03.937 align:center
May nakuha ding microcassette sa kotse
na may ilang cassette tape.

00:26:04.020 --> 00:26:06.106 align:center
Pinakinggan namin ang mga 'yon.

00:26:08.400 --> 00:26:12.612 align:center
Sa isa sa mga 'yon, nagpanggap si Sante

00:26:12.696 --> 00:26:15.657 align:center
bilang ibang tao para tawagan si Irene.

00:26:15.740 --> 00:26:20.620 align:center
Sabi niya, nanalo daw ito ng trip
papuntang Las Vegas, sa Circus Circus.

00:26:23.081 --> 00:26:24.332 align:center
Sante: Maupo po kayo.

00:26:24.416 --> 00:26:25.292 align:center
Irene: Okay.

00:26:25.375 --> 00:26:28.378 align:center
Sante: Meron akong magandang sorpresa
para sa inyo.

00:26:28.461 --> 00:26:29.296 align:center
Irene: Ano 'yon?

00:26:29.379 --> 00:26:31.840 align:center
Sante: Nanalo kayo ng libreng bakasyon.

00:26:31.923 --> 00:26:35.176 align:center
Bayad na ang lahat, eroplano, pati hotel.

00:26:35.260 --> 00:26:39.681 align:center
Sa kabuuan ng tawag,
sinusubukan nilang kunin

00:26:39.764 --> 00:26:43.351 align:center
kay Irene Silverman sa telepono
'yong Social Security number niya.

00:26:43.435 --> 00:26:44.936 align:center
Sante: Nakaupo na po ba kayo?

00:26:45.020 --> 00:26:49.649 align:center
Irene: Oo. Nakaupo na ako.
Iniisip ko pa din kung ano 'yong catch.

00:26:49.733 --> 00:26:51.234 align:center
Sante: Wala pong catch.

00:26:51.318 --> 00:26:53.653 align:center
Ano po 'yong Social Security n'yo?

00:26:54.237 --> 00:26:55.822 align:center
Kumukuha siya ng impormasyon

00:26:55.905 --> 00:26:59.242 align:center
na magagamit niya sa deeds,
sa pinekeng papeles, at kung ano-ano pa.

00:26:59.326 --> 00:27:02.620 align:center
Irene: Naku. Sa totoo lang,
hindi ko alam 'yong number ko.

00:27:02.704 --> 00:27:06.916 align:center
Sante: Kailangan kong makuha 'yong number
para mapadalhan ka ng impormasyon.

00:27:07.000 --> 00:27:10.754 align:center
Sinubukan niya lahat
para makuha kay Irene 'yong number,

00:27:10.837 --> 00:27:13.214 align:center
pero ayaw makipagtulungan ni Irene, e.

00:27:14.007 --> 00:27:18.762 align:center
Irene: Ipadala mo na lang
kung ano 'yong meron ka diyan,

00:27:18.845 --> 00:27:21.431 align:center
at kung magustuhan ko 'yan,

00:27:21.514 --> 00:27:24.809 align:center
saka ko ibibigay
'yong Social Security number ko.

00:27:26.603 --> 00:27:29.606 align:center
Sa lahat ng nakalap naming impormasyon,

00:27:29.689 --> 00:27:31.983 align:center
hindi na lang nawawalang tao
'yong problema namin.

00:27:32.067 --> 00:27:34.361 align:center
Biktima ng homicide 'yong hinahanap namin.

00:27:36.946 --> 00:27:40.450 align:center
Meron akong magaling na reader,
manghuhula, kung anumang tawag do'n.

00:27:41.201 --> 00:27:46.247 align:center
Pagkaupo ko pa lang, tiningnan niya 'ko.
Sabi niya, "Nakikiramay ako."

00:27:47.290 --> 00:27:50.794 align:center
Tapos sabi niya,
"Hindi na natin kasama 'yong kaibigan mo."

00:27:52.545 --> 00:27:58.426 align:center
Biglang sumabog 'yong matinding lungkot,
saka emosyon ko.

00:27:58.510 --> 00:28:01.054 align:center
Pagkatapos din no'n, ayokong maniwala.

00:28:01.137 --> 00:28:03.765 align:center
Sabi ko, "Baka mali lang siya.
Sana mali siya ngayon."

00:28:06.393 --> 00:28:08.812 align:center
Kahit alam naming homicide 'yong kaso,

00:28:08.895 --> 00:28:12.190 align:center
kailangan pa din namin 'yong katawan
para makulong sila.

00:28:12.273 --> 00:28:14.901 align:center
Alam naming ginawa nila,
pero kung walang katawan,

00:28:14.984 --> 00:28:17.362 align:center
may malaking tsansa na makalusot sila.

00:28:17.445 --> 00:28:19.197 align:center
Naiinis talaga ako.

00:28:19.280 --> 00:28:22.325 align:center
Gusto kong bumalik
at suntukin si Kenny sa mukha

00:28:22.409 --> 00:28:23.993 align:center
para mapiga 'yong impormasyon.

00:28:24.077 --> 00:28:28.540 align:center
14 ARAW MATAPOS IULAT NA NAWAWALA SI IRENE

00:28:30.125 --> 00:28:32.836 align:center
May inilabas na tip line
para tawagan ng mga tao

00:28:32.919 --> 00:28:36.464 align:center
na may impormasyon kung saan nakita
'yong green na Lincoln Town Car.

00:28:38.133 --> 00:28:42.095 align:center
Inalam namin bawat impormasyong
nakuha namin.

00:28:43.138 --> 00:28:45.682 align:center
Naghalughog kami sa Meadowlands sa Jersey.

00:28:45.765 --> 00:28:47.267 align:center
Hindi madali sa Meadowlands.

00:28:47.350 --> 00:28:50.395 align:center
Maputik, basa, saka ang tataas ng damo.

00:28:50.478 --> 00:28:52.188 align:center
Ang sama.

00:28:52.272 --> 00:28:56.735 align:center
Mabaho at maduming maghanap do'n,

00:28:56.818 --> 00:28:58.778 align:center
pero magandang pagtapunan ng katawan.

00:28:59.571 --> 00:29:03.283 align:center
Nakakita kami ng iba't ibang basura,
saka iba't ibang container,

00:29:03.366 --> 00:29:06.411 align:center
maleta, saka 'yong tinatawag kong
"Coney Island whitefish,"

00:29:06.494 --> 00:29:08.997 align:center
ibig sabihin mga gamit na condom
at tampon.

00:29:10.540 --> 00:29:13.752 align:center
Desperado na kaming mahanap
'yong katawan ni Irene Silverman.

00:29:14.252 --> 00:29:18.006 align:center
Dapat imbestigahan bawat tip na nakuha
sa kasong 'to o sa kahit anong kaso.

00:29:18.089 --> 00:29:21.926 align:center
Nakakatawa mang pakinggan,
may isang ordinaryong araw

00:29:22.010 --> 00:29:24.304 align:center
na nasa opisina lang ako.

00:29:24.387 --> 00:29:27.724 align:center
May dumating sa opisina
na may dalang patay na manok.

00:29:28.766 --> 00:29:32.812 align:center
'Yong amoy talaga 'yong napansin ko do'n.

00:29:32.896 --> 00:29:35.190 align:center
Masangsang. Kumalat sa buong opisina.

00:29:35.815 --> 00:29:39.360 align:center
Sinabi sa 'min na sa loob ng puwet
ng patay na manok,

00:29:39.444 --> 00:29:45.158 align:center
may sulat at nakasulat do'n kung asan
'yong katawan ni Irene Silverman.

00:29:45.241 --> 00:29:47.994 align:center
Sabi ko, "Lumayas ka nga dito."

00:29:48.578 --> 00:29:50.705 align:center
Sabi ko paalisin siya sa opisina.

00:29:53.208 --> 00:29:58.630 align:center
Pero dinala nila 'yong manok at babae
sa 126th Street, Amsterdam Avenue,

00:29:58.713 --> 00:30:02.592 align:center
kung saan may chicken poultry farm,
factory, o kung anumang tawag do'n.

00:30:02.675 --> 00:30:04.844 align:center
Sinuri nila 'yong manok.

00:30:05.553 --> 00:30:07.764 align:center
Para sa kapakanan ng manok,

00:30:07.847 --> 00:30:10.809 align:center
walang sulat sa loob ng puwet niya.

00:30:13.812 --> 00:30:18.149 align:center
Isa 'yon sa mga nakakatawang nangyari
sa imbestigasyon na 'to,

00:30:18.233 --> 00:30:21.194 align:center
pero gano'n na 'yong pressure
na kinakaharap namin.

00:30:21.277 --> 00:30:24.781 align:center
Dapat masagot lahat ng lead
na dumadating sa 'min.

00:30:26.241 --> 00:30:28.201 align:center
18 ARAW MATAPOS IULAT NA NAWAWALA SI IRENE

00:30:28.284 --> 00:30:31.120 align:center
Nakakulong pa din ang mga Kimes
para sa ninakaw na kotse.

00:30:31.204 --> 00:30:33.039 align:center
Pinakikinggan namin ang mga tawag nila.

00:30:33.998 --> 00:30:37.710 align:center
May nahuli kaming tawag ni Sante Kimes

00:30:37.794 --> 00:30:41.714 align:center
kausap 'yong private investigator
na kinuha ng defense.

00:30:41.798 --> 00:30:47.762 align:center
Inuutusan siyang pumunta
sa The Plaza hotel para kumuha ng bag.

00:30:48.680 --> 00:30:52.517 align:center
Dahil do'n, sumakay ako
at isa pang detective sa kotse,

00:30:53.726 --> 00:30:57.605 align:center
tapos binuksan namin 'yong sirena
papunta sa The Plaza hotel.

00:30:59.774 --> 00:31:02.443 align:center
Retired na detective captain
'yong head ng security do'n.

00:31:03.444 --> 00:31:07.115 align:center
Sabi niya, "May dumating na private
investigator at kinuha 'yong bag."

00:31:07.198 --> 00:31:08.700 align:center
Binigay 'yong pangalan.

00:31:08.783 --> 00:31:12.829 align:center
May isang detective kami na tiningnan
'yong lisensiya ng investigator.

00:31:14.080 --> 00:31:18.585 align:center
Malapit sa City Hall 'yong opisina ng PI
kaya pumunta kami do'n.

00:31:18.668 --> 00:31:22.297 align:center
Tinanggi niya na kinuha niya 'yong bag,
pero sinabi namin,

00:31:22.380 --> 00:31:25.633 align:center
"Alam naming pumunta ka do'n
at kinuha mo 'yong bag."

00:31:26.885 --> 00:31:30.263 align:center
"Sa tingin mo, pa'no kami biglang sumulpot
sa opisina mo?"

00:31:31.431 --> 00:31:34.100 align:center
Nagdesisyon siyang isuko 'yong bag.

00:31:34.642 --> 00:31:38.438 align:center
Isa na siguro 'yon sa pinakamalaking break
na nakuha namin sa kasong 'to.

00:31:39.272 --> 00:31:44.027 align:center
Sa bag na 'yon,
may nakita kaming .22-caliber handgun,

00:31:45.111 --> 00:31:50.742 align:center
at power of attorney na may pirma
ni Irene Silverman.

00:31:51.284 --> 00:31:53.995 align:center
May na-recover kaming kopya ng deed

00:31:54.078 --> 00:31:56.831 align:center
na pinirmahan ni Irene Silverman.

00:31:57.707 --> 00:31:59.792 align:center
Sa katunayan,
ang nakasulat sa deed na 'yon,

00:31:59.876 --> 00:32:05.214 align:center
binebenta 'yong bahay
sa Atlantis Group, Incorporated,

00:32:05.298 --> 00:32:07.342 align:center
na saka na lang namin nalaman

00:32:07.425 --> 00:32:11.137 align:center
na pekeng kompanyang ginawa
ni Sante Kimes.

00:32:12.138 --> 00:32:15.350 align:center
Pinasuri namin 'yong sulat-kamay,

00:32:15.433 --> 00:32:20.813 align:center
at napatunayang peke
'yong mga dokumentong 'yon.

00:32:22.273 --> 00:32:27.820 align:center
Nakita namin na notarisado, pinirmahan,
saka inayos 'yon ng partikular na notaryo.

00:32:29.614 --> 00:32:33.159 align:center
No'ng nahanap namin 'yong notaryo,
kinausap namin siya.

00:32:33.242 --> 00:32:36.871 align:center
Sinabi ng notaryo na pumunta siya
sa building ni Irene Silverman.

00:32:37.497 --> 00:32:40.375 align:center
Pumasok siya sa madilim na kuwarto.

00:32:40.458 --> 00:32:41.751 align:center
Madilim talaga.

00:32:42.502 --> 00:32:45.880 align:center
Nakabihis bilang Irene
si Sante Kimes sa kama.

00:32:48.716 --> 00:32:52.220 align:center
Nakapulang wig,
tapos may takip sa mukha niya.

00:32:52.303 --> 00:32:55.765 align:center
Nakataas 'yong kumot
na parang sa Little Red Riding Hood.

00:32:56.599 --> 00:33:00.978 align:center
Meron siyang ID, pekeng ID 'yon,

00:33:01.062 --> 00:33:03.439 align:center
pinanotaryo sa kanya, tapos ayun na.

00:33:06.401 --> 00:33:08.820 align:center
Pinatingnan sa notaryo 'yong lineup

00:33:08.903 --> 00:33:12.657 align:center
kasama sina Sante at Kenny Kimes
sa opisina ng district attorney.

00:33:13.992 --> 00:33:18.913 align:center
Naaalala ko na binantayan ko
si Sante Kimes bago 'yong lineup.

00:33:19.414 --> 00:33:21.457 align:center
Kami lang 'yong nasa kuwarto.

00:33:21.541 --> 00:33:25.503 align:center
Alam kong con artist siya
kaya naging alerto ako.

00:33:25.586 --> 00:33:29.882 align:center
Hindi ko hinayaang kausapin niya ako.

00:33:29.966 --> 00:33:31.426 align:center
Tapos mamaya-maya, sabi ko,

00:33:31.509 --> 00:33:34.929 align:center
"Oo, hiwalay na 'ko. Taga-Yonkers ako.
Ten at 12 na 'yong mga anak ko."

00:33:36.055 --> 00:33:39.726 align:center
Alam kong hindi ko dapat siya kinakausap.

00:33:40.226 --> 00:33:45.064 align:center
Pero may kakayahan siya na pakalmahin ka.

00:33:45.148 --> 00:33:46.399 align:center
'Yong aabot sa punto

00:33:46.482 --> 00:33:50.862 align:center
na sasagutin mo lahat ng itanong niya.

00:33:50.945 --> 00:33:53.197 align:center
Gano'n siya nakakakuha ng impormasyon
sa mga tao…

00:33:53.281 --> 00:33:54.699 align:center
…kailangang… Tama na 'yan!

00:33:55.366 --> 00:33:59.245 align:center
…para gamitin sa kung anumang scam
o panlolokong plano niyang gawin.

00:34:01.831 --> 00:34:04.667 align:center
Naituro ng notaryo si Sante sa lineup.

00:34:04.751 --> 00:34:06.210 align:center
Walang kahirap-hirap.

00:34:07.962 --> 00:34:10.757 align:center
GUSTO NILA ANG MAGARANG BAHAY NIYA

00:34:10.840 --> 00:34:15.928 align:center
Naging importante
'yong mga dokumentong 'yon sa kaso

00:34:16.012 --> 00:34:17.555 align:center
dahil 'yon ang motibo.

00:34:18.723 --> 00:34:22.101 align:center
Nagpakita 'yon ng mabigat na kalagayan

00:34:22.185 --> 00:34:26.689 align:center
na gumagawa ang mga Kimes
ng mapanlinlang na transaksiyon

00:34:26.773 --> 00:34:31.736 align:center
para magmukhang ipinapasa sa kanila
ni Irene Silverman 'yong town house.

00:34:32.737 --> 00:34:34.238 align:center
Kahit wala kaming katawan,

00:34:34.322 --> 00:34:38.659 align:center
kumbinsido na kaming pwede nang ituloy
ang pagkakaso sa kanila ng homicide.

00:34:41.245 --> 00:34:45.333 align:center
Limang buwan matapos mawala si Irene,
no'ng December ng 1998,

00:34:45.416 --> 00:34:49.003 align:center
kinasuhan sina Sante at Kenneth Kimes
para murder in the second degree.

00:34:49.087 --> 00:34:51.672 align:center
Kinasuhan din sila para sa panloloob
at pagnanakaw.

00:34:51.756 --> 00:34:53.508 align:center
Para din sa pakikinig sa usapan.

00:34:53.591 --> 00:34:56.260 align:center
May 84 counts ng kaso laban sa kanila.

00:34:56.344 --> 00:34:58.262 align:center
Sobrang daming count no'n.

00:34:58.846 --> 00:35:02.266 align:center
Mula sa kulungan niya,
sinasabi ni Kimes na inosente siya.

00:35:02.350 --> 00:35:03.643 align:center
Tulungan n'yo po ako.

00:35:03.726 --> 00:35:06.104 align:center
Nagmamakaawa ako para sa karapatan namin

00:35:06.187 --> 00:35:09.607 align:center
sa patas na paghuhusga, paglilitis,
at tamang pamamaraan,

00:35:09.690 --> 00:35:14.695 align:center
para mapatunayan ko sa lahat
ang pagiging inosente ng anak ko.

00:35:15.404 --> 00:35:20.034 align:center
Nakakapagtaka kung ga'no karaming beses
lumabas sa media

00:35:20.118 --> 00:35:23.871 align:center
sina Sante at Kenny Kimes
habang hinihintay ang paglilitis nila.

00:35:25.665 --> 00:35:27.708 align:center
Inosente kami ng anak ko.

00:35:28.501 --> 00:35:31.712 align:center
May nangyayaring masama
at malaking pagtatakip.

00:35:31.796 --> 00:35:34.715 align:center
Nagkamali ang mga pulis.

00:35:34.799 --> 00:35:39.387 align:center
Pinapaniwala kayo sa mga bagay
tungkol sa aming dalawa

00:35:39.470 --> 00:35:41.472 align:center
na walang katotohanan.

00:35:42.765 --> 00:35:43.766 align:center
Inosente kami.

00:35:43.850 --> 00:35:46.602 align:center
Kakaiba 'yong ginawa nila.

00:35:47.270 --> 00:35:53.192 align:center
Pinalalabas na kinakasuhan sila
nang walang sapat na batayan.

00:35:53.276 --> 00:35:55.862 align:center
"Tingnan n'yo ang anak ko.
Mukha ba siyang mamamatay-tao?"

00:35:56.863 --> 00:36:02.368 align:center
Inimbitahan ng 60 Minutes ang mga Kimes
para pag-usapan ang nangyari.

00:36:02.952 --> 00:36:05.663 align:center
Hindi 'yon mukhang relasyon ng mag-ina.

00:36:06.497 --> 00:36:07.707 align:center
Magkahawak sila ng kamay,

00:36:07.790 --> 00:36:10.835 align:center
tapos pinupuri ni Kenny
'yong itsura ng nanay niya.

00:36:10.918 --> 00:36:15.173 align:center
Para sa 'kin, maganda siyang tao,
sa diwa at sa isip,

00:36:15.256 --> 00:36:16.716 align:center
pati na rin sa itsura.

00:36:17.800 --> 00:36:20.469 align:center
Nakakailang na makita 'yon

00:36:20.553 --> 00:36:22.847 align:center
sa mag-inang pareho nang matanda.

00:36:22.930 --> 00:36:27.685 align:center
May haka-haka na merong nagaganap
na incestuous na relasyon.

00:36:28.185 --> 00:36:31.814 align:center
Hindi ako naniniwala do'n.

00:36:31.898 --> 00:36:34.817 align:center
Naniniwala ako

00:36:34.901 --> 00:36:38.946 align:center
na kontrolado ni Sante
'yong bawat aspeto ng buhay ni Kenny.

00:36:39.030 --> 00:36:40.531 align:center
Tingin ka dito, Kenny.

00:36:41.741 --> 00:36:44.827 align:center
Pinalaki niya si Kenny
para maging mamamatay-tao.

00:36:48.456 --> 00:36:53.336 align:center
Nilitis 'yong kaso no'ng January 2000.

00:36:53.419 --> 00:36:56.505 align:center
Halos isa't kalahating taon
matapos mawala si Irene.

00:36:58.007 --> 00:37:00.134 align:center
Ang pangunahing diskarte ng defense,

00:37:00.218 --> 00:37:03.221 align:center
"Pa'no kayo hahatol kung walang katawan?"

00:37:03.304 --> 00:37:06.223 align:center
Parang wala nang ibang depensa.

00:37:07.391 --> 00:37:10.144 align:center
Pero nagkaro'n kami
ng apat na buwang trial.

00:37:10.228 --> 00:37:13.522 align:center
Naging maayos naman 'yon.

00:37:13.606 --> 00:37:16.484 align:center
Parehong hinatulang guilty
sina Sante at Kenny Kimes

00:37:17.818 --> 00:37:19.362 align:center
sa bawat isang kaso.

00:37:21.614 --> 00:37:25.910 align:center
Makakakuha na hindi bababa sa 125 taon
ng pagkakakulong ang bawat isa sa kanila.

00:37:27.453 --> 00:37:30.623 align:center
Akala ni Sante,
mas matalino siya sa lahat.

00:37:30.706 --> 00:37:32.208 align:center
Kailangan niya 'yong mga krimen,

00:37:32.291 --> 00:37:34.502 align:center
parang kung pa'no kailangan ng dugo
ni Dracula.

00:37:35.461 --> 00:37:36.963 align:center
Sasabihin ko 'to,

00:37:37.046 --> 00:37:42.343 align:center
meron silang listahan
ng 16 pang New Yorker

00:37:42.426 --> 00:37:44.345 align:center
na target ng mga Kimes.

00:37:44.428 --> 00:37:47.181 align:center
Kinumusta namin silang lahat
para masigurong ayos sila.

00:37:47.974 --> 00:37:50.685 align:center
2 TAON MATAPOS IULAT NA NAWAWALA SI IRENE

00:37:50.768 --> 00:37:55.231 align:center
No'ng October ng 2000,
habang naghihintay sina Sante at Kenny

00:37:55.314 --> 00:37:58.818 align:center
na ilipat sa State of California,

00:37:58.901 --> 00:38:02.613 align:center
kung saan nila hinarap 'yong kaso
sa pagpatay kay David Kazdin,

00:38:02.697 --> 00:38:06.200 align:center
inutusan akong mag-produce ng documentary
para sa Court TV.

00:38:06.701 --> 00:38:10.162 align:center
Pumayag si Kenny na magpa-interview
sa harap ng camera.

00:38:12.623 --> 00:38:15.293 align:center
Pumasok siya. Mukhang takot siya.

00:38:15.376 --> 00:38:19.088 align:center
Madilim at maitim 'yong mga mata niya

00:38:19.171 --> 00:38:22.383 align:center
na talagang tumatagos sa 'kin.

00:38:24.218 --> 00:38:26.929 align:center
Nag-start na mag-roll
'yong audio at cameraman.

00:38:27.013 --> 00:38:30.599 align:center
Sa loob ng 40 minuto,
humingi na siya nang tatlong break.

00:38:30.683 --> 00:38:35.730 align:center
Pwede ba tayong mag-break
nang kahit five o ten minutes?

00:38:35.813 --> 00:38:39.442 align:center
Sa huling break, sabi niya,
"Pwede mo ba 'kong ikuha ng makakain?"

00:38:40.735 --> 00:38:44.196 align:center
Kaya pumunta 'ko sa vending machine.

00:38:44.905 --> 00:38:46.824 align:center
Inabot ko sa kanya 'yong mga pagkain.

00:38:48.117 --> 00:38:55.041 align:center
Nagulat na lang ako,
nasa leeg ko na ang kanang braso niya.

00:38:55.624 --> 00:38:59.879 align:center
Tapos sabi niya sa 'kin, "Hostage 'to."

00:39:00.921 --> 00:39:02.840 align:center
Tumunog 'yong mga sirena.

00:39:04.008 --> 00:39:07.386 align:center
Napansin ni Kenny na kumukuha pa din
'yong cameraman.

00:39:07.470 --> 00:39:10.097 align:center
Sabi niya, "Patayin mo 'yang camera!"

00:39:10.181 --> 00:39:12.433 align:center
Umatras ka, cameraman!

00:39:16.395 --> 00:39:20.274 align:center
Nakakadiri na gano'n ako kalapit sa kanya.

00:39:20.775 --> 00:39:24.862 align:center
Nararamdaman ko 'yong puso niya
na kumakabog sa likod ko.

00:39:29.408 --> 00:39:32.995 align:center
Nararamdaman ko 'yong pawis niya.

00:39:35.206 --> 00:39:37.583 align:center
Naaalala ko na nilalaro niya
'yong ballpen.

00:39:38.793 --> 00:39:42.338 align:center
Naisip ko agad, "Sasaksakin niya 'ko
ng ballpen na 'to."

00:39:43.923 --> 00:39:47.468 align:center
Sabi ng mga opisyal ng kulungan
na pumasok sa kuwarto,

00:39:48.219 --> 00:39:49.887 align:center
"Kenneth, kumalma ka."

00:39:50.513 --> 00:39:53.349 align:center
"Wala kang mapapala pag ginawa mo 'to."

00:39:53.432 --> 00:39:56.894 align:center
Sabi ko sa kanya, "Bakit mo ginagawa 'to?"

00:39:56.977 --> 00:39:58.521 align:center
Sinabi niya agad,

00:39:58.604 --> 00:40:02.733 align:center
"Matanda na ang nanay ko.
Di na niya kaya ng isa pang paglilitis."

00:40:02.817 --> 00:40:07.822 align:center
"Gusto ko, ilipat n'yo kami ng nanay ko
sa Canada."

00:40:10.699 --> 00:40:12.993 align:center
Nakakatakot talaga 'yon.

00:40:14.995 --> 00:40:17.748 align:center
Lumipas ang limang oras.

00:40:18.541 --> 00:40:24.171 align:center
Sabi ko sa kanya,
"Kenneth, marunong ka bang magdasal?"

00:40:24.255 --> 00:40:25.756 align:center
"Magdasal tayo."

00:40:25.840 --> 00:40:27.675 align:center
Sabi niya, "Marunong ako."

00:40:27.758 --> 00:40:30.761 align:center
Tapos biglang kumalma 'yong mukha niya.

00:40:31.637 --> 00:40:36.183 align:center
Pagkatapos naming magdasal,
sabi ng hostage negotiator kay Kenny,

00:40:36.267 --> 00:40:39.061 align:center
"Kenny, masyado na 'tong matagal."

00:40:39.145 --> 00:40:42.940 align:center
Sabi niya, "Eto ang business card ko.
Hayaan mong tulungan kita."

00:40:43.441 --> 00:40:47.444 align:center
Kinuha 'yon ni Kenny,
ibig sabihin binitawan niya 'ko.

00:40:47.528 --> 00:40:51.991 align:center
'Yon na 'yong pagkakataon ko
na tumakbo palabas ng kuwarto.

00:40:52.741 --> 00:40:55.453 align:center
May kalahating dosenang tao sa loob.

00:40:55.536 --> 00:40:57.079 align:center
Sinunggaban na siya.

00:40:57.663 --> 00:41:01.208 align:center
Hindi ako lumingon. Tuloy-tuloy lang ako.

00:41:01.834 --> 00:41:07.006 align:center
Nagpapasalamat na lang ako
na buhay pa 'ko.

00:41:13.137 --> 00:41:15.848 align:center
Tinulungan ni Kenneth ang nanay niya
na pumatay ng biyuda.

00:41:15.931 --> 00:41:17.725 align:center
May inaamin siyang isa pang pagpatay.

00:41:17.808 --> 00:41:19.935 align:center
Sinorpresa niya ang korte sa Los Angeles

00:41:20.019 --> 00:41:23.522 align:center
sa pag-plea ng guilty sa pagpatay
sa negosyanteng si David Kazdin.

00:41:24.023 --> 00:41:26.567 align:center
Gumawa siya ng kasunduan
sa pakikipagtulungan

00:41:26.650 --> 00:41:29.904 align:center
sa opisina ng district attorney
ng LA County.

00:41:29.987 --> 00:41:32.948 align:center
Kung saan tumestigo siya
laban sa nanay niya.

00:41:33.949 --> 00:41:37.828 align:center
Umamin siya sa pagpatay kay David Kazdin…

00:41:37.912 --> 00:41:39.330 align:center
PAANO NILA PINATAY SI IRENE

00:41:39.413 --> 00:41:42.208 align:center
…at pagpatay kay Irene Silverman

00:41:42.291 --> 00:41:47.338 align:center
kapalit ng sentensiya
na walang kasamang death penalty

00:41:48.464 --> 00:41:50.049 align:center
para sa kanila ng nanay niya.

00:41:56.013 --> 00:41:59.308 align:center
Sinabi ni Kenny na kinatok siya
ni Irene Silverman.

00:42:00.684 --> 00:42:02.478 align:center
Hinatak niya papasok sa apartment.

00:42:02.978 --> 00:42:05.564 align:center
Ginamitan niya ng stun-gun.
Tapos bumagsak.

00:42:06.607 --> 00:42:08.400 align:center
Sinakal niya hanggang mamatay.

00:42:09.193 --> 00:42:11.362 align:center
Kumuha siya ng shower curtain,
binalot niya,

00:42:11.445 --> 00:42:13.531 align:center
tapos sinara niya ng duct tape.

00:42:14.949 --> 00:42:16.575 align:center
Inilagay niya sa duffel bag.

00:42:17.743 --> 00:42:19.703 align:center
Isinakay sa trunk ng kotse niya.

00:42:20.204 --> 00:42:22.831 align:center
Pumunta siya sa Lincoln Tunnel.

00:42:23.457 --> 00:42:25.292 align:center
Sabi niya, "May nakita akong basurahan."

00:42:25.376 --> 00:42:27.878 align:center
"Itinapon ko siya sa basurahan,
tapos ayun na."

00:42:32.967 --> 00:42:34.343 align:center
Nakuha na 'yong hustisya.

00:42:35.469 --> 00:42:37.721 align:center
Pero wala 'yong katawan ni Irene.

00:42:38.681 --> 00:42:40.849 align:center
Susundan ako no'n hanggang kamatayan.

00:42:42.101 --> 00:42:43.894 align:center
'Yong gano'n kabuting babae

00:42:43.978 --> 00:42:46.689 align:center
na may inambag sa lipunan,

00:42:46.772 --> 00:42:52.152 align:center
wala man lang closure 'yong buhay niya
at hindi nailibing 'yong katawan niya.

00:42:54.947 --> 00:42:57.032 align:center
Open case pa din 'yon sa utak ko.

00:42:59.243 --> 00:43:03.247 align:center
Umaasa ako na balang araw makikita
'yong bangkay niya na may DNA,

00:43:03.330 --> 00:43:06.250 align:center
tapos tatawagan nila ako at sasabihing,
"Nakita na si Irene."

00:43:07.376 --> 00:43:09.461 align:center
Tingin ko ba mangyayari 'yon? Hindi.

00:43:09.545 --> 00:43:11.672 align:center
Pero umaasa ba 'kong mangyari 'yon? 100%.

00:43:11.755 --> 00:43:14.592 align:center
Gusto kong matanggap 'yong tawag na 'yon.

00:43:17.720 --> 00:43:20.848 align:center
Inabot ako nang sampung taon
bago ko matanggap

00:43:20.931 --> 00:43:24.059 align:center
na pinatay talaga siya.

00:43:29.273 --> 00:43:33.777 align:center
Meron akong ilusyon
na tinatago lang nila si Irene,

00:43:33.861 --> 00:43:36.739 align:center
itinago siya kung saan,
sa maliit na bayan.

00:43:36.822 --> 00:43:39.033 align:center
Baka susulpot siya ulit.

00:43:39.116 --> 00:43:42.202 align:center
Pero natanggap ko na
nitong mga nakaraang taon.

00:43:44.038 --> 00:43:47.958 align:center
Natanggap ko nang
hindi na natin siya kasama,

00:43:48.042 --> 00:43:50.544 align:center
pero nakangiti siya sa 'kin araw-araw.

00:43:53.088 --> 00:43:58.969 align:center
Tuwing dumadaan ako sa 65th Street,
tinitingnan ko 'yong magandang bahay.

00:44:00.387 --> 00:44:02.640 align:center
Tahimik akong naghe-hello sa kanya.

00:44:04.975 --> 00:44:08.520 align:center
Sinasabi ko sa kanyang nami-miss ko siya.

00:44:22.326 --> 00:44:23.202 align:center
SUSUNOD

00:44:23.285 --> 00:44:26.288 align:center
Nakatanggap ako ng tawag
na nakakaranas 'yong guest

00:44:26.372 --> 00:44:29.416 align:center
ng matinding leak ng tubig
sa kuwarto nila.

00:44:30.501 --> 00:44:34.546 align:center
Exclusive at high-end na club
'yong Soho House,

00:44:34.630 --> 00:44:36.632 align:center
tapos may patay na dalaga sa bathtub.

00:44:37.758 --> 00:44:42.554 align:center
Ang pagkakakilanlan ng biktima
ay si Sylvie Cachay, babae, 33 years old.

00:44:43.263 --> 00:44:46.475 align:center
Fashion designer siya. Swimsuit designer.

00:44:47.518 --> 00:44:51.522 align:center
Siya 'yong perfect member
na maging parte ng Soho House.

00:44:51.605 --> 00:44:55.776 align:center
Nag-check in siya kasama ng boyfriend niya
at wala na siya do'n.

00:44:55.859 --> 00:44:58.153 align:center
Kaya siyempre, kahina-hinala 'yon.

00:44:59.154 --> 00:45:01.740 align:center
Tapos nakita namin
'yong "tang ina mo" na email.

00:45:02.533 --> 00:45:04.034 align:center
Biglang may lumitaw na picture.

00:45:05.077 --> 00:45:08.705 align:center
May mga sitwasyong hihilingin mo
na huwag mong mapasok.

00:45:09.456 --> 00:45:12.626 align:center
Hindi mo makakalimutan
'yong nangyari sa kuwartong 'yon.

00:45:59.089 --> 00:46:02.092 align:center
Nagsalin ng Subtitle: Erika Ivene Columna
uwartong 'yon.

