WEBVTT

00:06.047 --> 00:07.590
SA ISLA NG MANHATTAN,

00:07.674 --> 00:10.802
MAY DALAWANG DETECTIVE SQUAD
NA NAKATUON SA MGA HOMICIDE:

00:10.885 --> 00:13.013
ANG MANHATTAN NORTH
AT ANG MANHATTAN SOUTH.

00:13.096 --> 00:16.307
INIIMBESTIGAHAN NILA ANG MGA PINAKABRUTAL
AT PINAKAMAHIRAP NA PAGPATAY.

00:16.391 --> 00:20.228
HETO ANG KANILANG MGA KUWENTO.

00:37.829 --> 00:41.750
May mga sitwasyong
hindi mo gugustuhing pasukin.

00:43.835 --> 00:47.964
Hindi mo bastang makakalimutan
'yong nangyari sa kuwartong 'yon.

00:49.466 --> 00:54.429
Dumating ako para sa shift ko
bilang night manager sa Soho House

00:54.512 --> 00:58.516
no'ng December 9, 2010.

00:58.600 --> 01:01.603
Private members' club ang Soho House,

01:01.686 --> 01:05.815
sobrang exclusive sa arts, film,
at music industry.

01:05.899 --> 01:07.525
Hindi siya open sa publiko.

01:08.193 --> 01:10.403
Pagkatapos ng ilang oras sa shift ko,

01:10.487 --> 01:14.908
habang tinitingnan 'yong checklist
para sa gabing 'yon,

01:15.867 --> 01:19.370
may natanggap akong tawag tungkol sa guest

01:19.454 --> 01:22.373
na nakakaranas ng matinding leak
sa kuwarto nila.

01:22.457 --> 01:25.085
Tinukoy namin kung sa'n nanggagaling
'yong leak,

01:25.168 --> 01:28.755
na nagdala sa 'kin sa kuwarto ni Sylvie.

01:29.339 --> 01:33.009
Bata at sumisikat na swimsuit designer
si Sylvie Cachay

01:33.092 --> 01:37.430
na nakapagtrabaho na
sa Victoria's Secret at Tommy Hilfiger.

01:37.514 --> 01:40.225
Papasikat at umaangat pa lang siya.

01:41.976 --> 01:44.187
Marami pa siyang maaabot.

01:44.270 --> 01:48.983
Siya 'yong perfect member
para maging parte ng Soho House.

01:50.902 --> 01:53.154
Kumatok kami. Walang sumagot.

01:53.238 --> 01:54.781
Nabuksan ko 'yong pinto.

01:58.409 --> 02:03.540
Saka ko nakita sa bathtub si Sylvie,
nakalubog na sa tubig.

02:04.833 --> 02:09.796
Ang unang ginawa ko,
kinuha ko siya sa tub.

02:11.548 --> 02:13.466
Inalog ko siya. Kinausap ko siya.

02:13.550 --> 02:15.927
Hinanapan ko siya ng pulso. Walang pulso.

02:16.010 --> 02:19.013
Tapos nag-CPR ako sa kanya.

02:20.056 --> 02:22.642
Inutusan ko 'yong kasama ko
na tumawag sa 911

02:23.309 --> 02:26.521
habang tuloy-tuloy ko siyang
nire-resuscitate,

02:26.604 --> 02:30.400
sinisigawan ko siya para magising.

02:35.947 --> 02:36.948
Ayun.

02:43.496 --> 02:47.208
Trabaho naming siguruhing makakauwi
at makakatulog kayo sa gabi.

02:48.334 --> 02:51.546
Importanteng malaman ng pamilya
sino'ng pumatay sa kamag-anak nila.

02:52.964 --> 02:57.051
Pinakamahalaga 'yong malasakit mo
sa mga biktima.

02:57.135 --> 02:59.387
Gusto kong malaman 'yong totoong nangyari.

03:00.388 --> 03:01.598
Ano ba talagang nangyari?

03:03.433 --> 03:05.351
Gusto mong alamin 'yong totoo.

03:05.435 --> 03:07.478
Gano'n ang ginagawa ng mga detective.

03:07.562 --> 03:10.481
Likas na sa 'yo 'yong tumulong sa tao.

03:11.191 --> 03:14.777
Sa New York City, sa NYPD…

03:17.071 --> 03:17.906
ito na 'yon.

03:32.212 --> 03:34.589
Malamig no'ng gabing 'yon.

03:34.672 --> 03:37.175
Tahimik. Walang ibang nangyayari.

03:38.009 --> 03:39.010
Nag-ring 'yong phone.

03:40.178 --> 03:43.514
Batang sarhento galing sa 6th Precinct
'yong nasa kabilang linya.

03:44.515 --> 03:47.560
Sabi niya, "Babalitaan ko lang ho kayo."

03:48.144 --> 03:52.815
"May patay na dalaga sa bathtub
sa Soho House."

03:53.399 --> 03:55.109
Sabi niya, "Mukhang nalunod."

03:55.777 --> 03:58.529
Sabi ko, "Patay na daw talaga?"
"Patay na."

03:58.613 --> 04:02.533
Tapos sabi niya,
"Tingin mo, problema 'yon?"

04:03.910 --> 04:05.161
Sabi ko, "Problema 'yan."

04:05.244 --> 04:09.457
"Medyo mahirap lunurin 'yong sarili mo
sa bathtub."

04:10.541 --> 04:13.002
"Papunta na kami. I-lock n'yo lang 'yan."

04:16.422 --> 04:19.217
Gumagalaw 'yong mga detective squad
ng NYPD precinct

04:19.300 --> 04:22.220
mula 8:00 ng umaga
hanggang 1:00 a.m. sa dalawang shift.

04:22.303 --> 04:27.684
Hindi natatapos ang krimen nang 1:00 a.m.
Tuloy-tuloy ang krimen nang 24/7.

04:27.767 --> 04:29.978
Kaya meron kami ng tinatawag
na "night watch".

04:30.061 --> 04:35.149
Lalabas ka para maging detective,
pero ipapasa mo na sa pang-umaga.

04:35.942 --> 04:39.821
Hati sa dalawang borough ang Manhattan.
Ang Manhattan North at Manhattan South.

04:39.904 --> 04:42.365
Nasa Manhattan South night watch ako.

04:42.448 --> 04:44.617
Night owl ako.
Madaling araw ako pinanganak.

04:44.701 --> 04:45.743
Gusto ko 'yon.

04:46.869 --> 04:50.206
Sabi nila, "Walang magandang nangyayari
paglipas ng hatinggabi."

04:50.289 --> 04:52.125
Totoong kasabihan 'yon.

04:53.876 --> 04:58.506
Sobrang exclusive at high-end club
ang Soho House.

04:58.589 --> 05:01.467
Hindi lahat makakapasok,
"Gusto kong maging member."

05:01.551 --> 05:05.054
Mabusisi 'yong proseso,
tapos dapat may rekomendasyon ka.

05:05.138 --> 05:07.849
High-end 'yon, e. Sobrang high-end.

05:07.932 --> 05:12.562
Malamang hindi ako titigil do'n,
pero gano'n talaga.

05:15.982 --> 05:20.153
Pagdating namin sa Soho House,
merong ambulansya, pulis, tapos kami.

05:20.945 --> 05:22.530
Wala masyadong tao.

05:24.824 --> 05:27.076
Hindi malaki 'yong kuwarto.

05:27.618 --> 05:28.870
Maganda at malaki ang kama,

05:29.662 --> 05:31.748
pero three feet mula sa harap ng kama,

05:31.831 --> 05:35.043
may malaking bathtub na hugis mangkok.

05:35.710 --> 05:39.547
Tinanggal ng manager ng hotel
'yong babae mula sa bathtub.

05:39.630 --> 05:41.507
Nakilala namin 'yong biktima.

05:41.591 --> 05:45.845
Siya si Sylvie Cachay,
babae, 33 years old.

05:47.221 --> 05:51.267
Nakahiga siya.
Nakatihaya sa harap ng bathtub.

05:51.351 --> 05:54.395
May suot siyang sweater,

05:55.188 --> 05:58.441
panty, saka Rolex watch.

05:59.025 --> 06:04.322
Hindi gano'n 'yong kadalasang isusuot mo
pag maliligo ka sa bathtub.

06:04.405 --> 06:06.824
Ako 'yong tipo ng madaling magduda.

06:06.908 --> 06:09.535
Hindi ako naniniwala
sa mga namamatay sa bathtub.

06:09.619 --> 06:12.789
Maraming bote ng pills
na nakakalat sa mesa.

06:12.872 --> 06:14.582
Antidepressants yata 'yon.

06:14.665 --> 06:18.044
Nag-overdose ba 'tong taong 'to,
tapos nalunod sa bathtub?

06:18.711 --> 06:19.712
Hindi natin alam.

06:20.880 --> 06:23.299
Tinawagan ko 'yong commanding officer
ng 6th Precinct.

06:24.425 --> 06:28.805
Pinalibutan ng mga detective squad
ng presinto 'yong buong lugar na 'yon.

06:30.014 --> 06:35.561
Matagal ko nang kilala ang mga detective
na sina Tommy Jones at Bobby Moller.

06:35.645 --> 06:37.355
Dumating agad sila sa scene.

06:39.273 --> 06:43.277
May inaresto kami ng gabi bago 'yon.
Late na, nagtatrabaho pa kami.

06:43.361 --> 06:46.531
Kaya rumesponde agad kami sa Soho House.

06:46.614 --> 06:47.949
Kakaiba 'yon.

06:48.032 --> 06:51.911
Iba 'yong mga tao do'n.
Hindi mo aasahang mangyayari 'to do'n.

06:51.994 --> 06:55.039
In-orient kami ng night watch sargeant,
si Pete Panuccio.

06:55.790 --> 06:59.085
Kaduda-duda, pero hindi namin alam
kung ano'ng meron.

06:59.168 --> 07:02.463
Maghahanap ka ng dugo. "May dugo ba?"
Walang dugo.

07:02.547 --> 07:07.343
Meron siyang parang sugat ng kagat
sa kamay, na talagang kakaiba.

07:09.512 --> 07:12.765
Pag nangyayari 'yong ganito,
tinatawagan ang homicide squad.

07:13.641 --> 07:17.645
Maraming ginagawang legwork ang mga 'yon.
Tumutulong sila hangga't maaari.

07:17.728 --> 07:21.524
Isa na diyan si Detective AI Titus,
magaling ang taong 'yon.

07:21.607 --> 07:23.943
Ilang beses ko na siyang nakatrabaho.

07:24.026 --> 07:25.778
Ginagawa niya 'yong kailangan.

07:25.862 --> 07:28.531
Nagtalaga kami ng buong team
ng detective sa kasong 'to.

07:29.115 --> 07:33.077
Malaking usapin 'to,
kasi high-end establishment 'yon, e.

07:33.161 --> 07:36.789
May elemento ng celebrity 'yong kaso.

07:37.290 --> 07:39.959
Kaya kasali ang press,

07:40.460 --> 07:42.503
pati matinding extra pressure

07:42.587 --> 07:45.965
na magkaro'n agad ng sagot
sa lalong madaling panahon.

07:49.135 --> 07:52.513
Kinuhanan na ng crime scene unit
ng picture 'yong scene,

07:52.597 --> 07:54.348
fingerprints 'yong bathtub,

07:54.432 --> 07:59.228
saka DNA swabs 'yong bathtub
at gripo ng bathtub.

07:59.812 --> 08:03.316
Isa sa mga napansin ko
ay 'yong basang medyas sa sahig.

08:05.067 --> 08:11.157
Hindi 'yon 'yong klase ng medyas
na gagamitin ng fashionista na dalaga.

08:11.741 --> 08:13.784
Gray na medyas ng lalaki 'yon.

08:14.410 --> 08:19.498
Sabi namin, "Okay, ano'ng nangyari?
Ano'ng meron dito? Sino'ng kasama niya?"

08:20.708 --> 08:23.920
Isa sa mga una naming nakausap
si Bryan Alvarez,

08:24.003 --> 08:26.506
siya 'yong night manager
ng Soho House Hotel.

08:28.424 --> 08:31.802
Tinatanong ng mga detective,
"Ano'ng nangyari?"

08:31.886 --> 08:34.472
"Sino si Sylvie?
May kasama ba siyang guest?"

08:34.555 --> 08:39.602
Saka 'yong oras na pumasok ako sa kuwarto
at nakita ko sa tub si Sylvie.

08:39.685 --> 08:45.441
Sabi nila, nag-check in siya kasama
ng boyfriend niya, si Nicholas Brooks,

08:45.525 --> 08:47.777
bandang 12:30 ng umaga.

08:47.860 --> 08:53.741
Nag-check in si Sylvie at boyfriend niyang
si Nick sa hotel ng gabing 'yon,

08:53.824 --> 08:56.285
bago nagsimula 'yong shift ko.

08:57.078 --> 08:59.038
Isa sa mga benefit ng Soho House

08:59.121 --> 09:02.166
'yong marami silang surveillance camera.

09:03.042 --> 09:06.128
Mabilis naming nakita 'yong video.

09:06.629 --> 09:10.550
Hindi maayos 'yong paglalakad ni Sylvie.
Parang medyo pagod siya.

09:11.384 --> 09:14.554
Nabanggit ni Sylvie sa kasama ko
na uminom siya ng sleeping aid.

09:14.637 --> 09:19.642
Masama daw 'yong pakiramdam niya,
saka nagpatulong siya papunta ng kuwarto.

09:20.142 --> 09:23.187
Umupo si Nicholas, tapos nag-check in,

09:23.271 --> 09:26.566
sabi ng empleyado ng hotel,
"Ihahatid ko na kayo sa kuwarto."

09:27.149 --> 09:32.321
Kita sa surveillance video
na inaakay si Sylvie Cachay paakyat.

09:32.405 --> 09:36.951
Makikita do'ng ilang beses na labas-pasok
si Nicholas Brooks sa hotel room

09:37.034 --> 09:41.914
pagkatapos nilang mag-check in,
medyo kakaiba 'yon.

09:42.832 --> 09:44.709
Makikita din sa surveillance video

09:44.792 --> 09:49.338
na 2:18 'yong huling beses na umalis
si Nicholas Brooks sa hotel room.

09:51.048 --> 09:56.554
Tapos no'ng 2:51,
chineck na ng manager 'yong leak.

09:56.637 --> 09:59.849
Tinanong ko si Bryan Alvarez
kung nakita niya si Nicholas Brooks

09:59.932 --> 10:02.101
no'ng makita niya si Sylvie Cachay.

10:02.184 --> 10:07.023
Pinaliwanag ko sa mga detective
na wala na siya do'n. Umalis na siya.

10:10.818 --> 10:13.487
May kasama siyang nag-check in,
pero wala na siya do'n.

10:14.196 --> 10:16.198
Umalis siya sa hotel

10:16.282 --> 10:18.951
na nagsisimula nang magmukhang
crime scene.

10:19.910 --> 10:22.496
Kaya kaduda-duda talaga.

10:22.580 --> 10:25.082
Dapat malaman ba't wala siya do'n.
Sa'n siya nagpunta?

10:27.251 --> 10:30.254
Priority naming makita 'yong boyfriend.

10:31.088 --> 10:35.343
Plano naming isa-isahin
'yong mga bar sa area.

10:35.885 --> 10:40.514
Bandang 5:30 ng umaga,
nakatayo ako sa lobby,

10:42.975 --> 10:45.770
tapos pumasok na lang siya sa front door.

10:50.107 --> 10:53.361
Sabi ng hotel manager,
"'Yan 'yong lalaki."

10:54.904 --> 10:58.491
Tiningnan namin siya,
pulang-pula 'yong mga mata niya.

10:58.574 --> 11:00.951
Ang gulo-gulo ng itsura niya.

11:01.035 --> 11:05.247
Halata mong lasing o high siya,
o baka pareho.

11:05.331 --> 11:07.708
Mukhang nag-party siya kung saan.

11:10.002 --> 11:13.631
Tumingin ako sa baba,
wala siyang suot na medyas.

11:15.716 --> 11:18.719
Nasa kuwarto 'yon,
sa gitna ng crime scene.

11:19.303 --> 11:20.805
Gray na medyas ng lalaki.

11:22.348 --> 11:24.642
Nagpakilala ako sa binatang 'to.

11:24.725 --> 11:27.645
Tinanong ko 'yong pangalan niya,
sabi, "Ako si Nicholas Brooks."

11:30.481 --> 11:32.233
Sabi ko, "Ikaw ba 'yong lalaking

11:32.316 --> 11:35.152
kasamang nag-check in sa hotel
ni Sylvie Cachay?"

11:35.236 --> 11:39.198
Sabi niya, "Oo."
Sabi ko, "Okay, may masama akong balita."

11:39.281 --> 11:44.829
Sabi ko, "Nakita namin si Sylvie sa taas,
nasa bathtub, hindi na gumagalaw,

11:45.329 --> 11:46.914
namatay na siya."

11:46.997 --> 11:48.457
Hindi siya nalungkot.

11:48.541 --> 11:51.460
Wala siyang sinabing "Ano'ng nangyari?"

11:52.294 --> 11:55.548
Pero baka weird lang 'yong kilos niya,
kasi lasing siya.

11:57.007 --> 12:00.469
Sabi ko, "Kailangan ka naming makausap,
para makilala 'yong girlfriend mo."

12:00.553 --> 12:05.099
"Pupunta tayo sa opisina namin
para alamin 'yong nangyayari dito."

12:07.727 --> 12:10.229
Pumayag naman si Nicholas Brooks
na sumama sa 'min.

12:10.771 --> 12:12.982
Nilagay ko sa interview room si Nicholas.

12:13.065 --> 12:17.069
Sabi ko, "Importanteng sabihin mo sa 'kin
kung asan ka ngayong gabi.

12:17.153 --> 12:19.697
Sabihin mo ano'ng nangyari ngayong gabi."

12:19.780 --> 12:21.824
Tapos talagang…

12:21.907 --> 12:24.910
alam mo 'yon, nauutal siya,
wala siya sa katinuan,

12:24.994 --> 12:26.537
tapos pumipikit 'yong mata niya.

12:26.620 --> 12:29.123
Hindi ako makakakuha ng maayos na sagot
sa taong 'to.

12:29.206 --> 12:30.332
Wasak 'to.

12:30.416 --> 12:34.378
Kaya naisip ko para sa kanya,
"Matulog ka na lang muna."

12:34.462 --> 12:36.464
"Mamaya na lang ulit tayo mag-usap."

12:37.089 --> 12:38.841
Ayokong mang-interview ng tao

12:38.924 --> 12:42.011
na hindi naiintindihan 'yong sinasabi ko.

12:42.094 --> 12:45.055
Kahit tumatagal 'yong proseso,
mas mabuti pa din 'yon.

12:45.139 --> 12:46.807
Tapos nakatulog siya.

12:47.475 --> 12:50.853
Kung nangyari 'yon sa kahit sino sa 'tin,
hindi na tayo mapapakali,

12:50.936 --> 12:53.814
iiyak tayo, hindi makakatulog.
Hindi siya gano'n.

12:55.691 --> 12:59.111
Unang gusto naming gawin
ay sabihan 'yong pamilya ni Sylvie.

12:59.195 --> 13:02.490
Mahirap 'yong pagsasabi ng balita.

13:02.573 --> 13:06.285
May mga anak akong babae,
kaya lagi mong maiisip 'yong pamilya.

13:07.328 --> 13:10.206
Tapos dahil taga-Virginia sila,
hindi ko magagawa nang personal,

13:10.289 --> 13:11.582
na mas gusto kong gawin.

13:11.665 --> 13:14.502
Kaya tinawagan namin
ang Virginia Police Department,

13:14.585 --> 13:15.711
pinuntahan nila,

13:15.795 --> 13:19.048
tapos kinumpirma nilang
nasabihan na nila 'yong pamilya.

13:20.800 --> 13:23.010
Tinawagan ako ng mama ko,

13:23.761 --> 13:28.849
naghihisterikal siya, iyak nang iyak,
sabi niya, pinatay daw si Sylvie.

13:33.854 --> 13:35.773
Sobrang sama. Talagang…

13:35.856 --> 13:40.361
wala 'yon sa kahit anong inasahan kong
maririnig ko.

13:41.987 --> 13:44.657
Lumaki kami ng kapatid ko
sa McLean, Virginia,

13:44.740 --> 13:47.076
sa labas lang ng Washington, DC.

13:47.576 --> 13:51.539
'Yong stepfather ko, 100% Peruvian,
pati 'yong mama ko.

13:51.622 --> 13:55.417
Kaya anak si Sylvie ng dalawang Peruvian.

13:56.210 --> 13:58.754
Mataas ang pangarap niya,
kinakatawan niya 'yong kultura,

13:58.838 --> 14:02.299
saka isinasama niya 'yong kultura
sa trabaho niya hangga't maaari.

14:02.383 --> 14:04.343
Nagtatrabaho ako sa New York,

14:04.426 --> 14:07.137
magkasama kami tuwing holiday.

14:07.221 --> 14:09.723
Maganda talaga 'yong relasyon namin.

14:10.224 --> 14:12.518
Nakipagkita ako sa mga detective.

14:13.060 --> 14:16.230
Kailangan kong tukuyin 'yong kapatid ko
sa mga picture.

14:16.313 --> 14:19.233
Umaasa ka pa din na, alam mo 'yon,

14:19.316 --> 14:23.487
hindi totoo 'yong sinabi sa 'yo.

14:24.655 --> 14:26.615
Hanggang sa makita mo mismo, di ba?

14:26.699 --> 14:29.159
Hindi ka talaga makaka-recover.

14:33.872 --> 14:36.709
Habang nagliliwanag,
dumadating 'yong mga reporter,

14:36.792 --> 14:39.878
mga camera ng TV,
mga pumaparadang truck kung saan-saan.

14:41.005 --> 14:42.715
Dumating 'yong lieutenant ko.

14:43.757 --> 14:47.511
Sabi niya, "May circus ka na sa baba."

14:47.595 --> 14:48.762
"Tingnan mo."

14:49.680 --> 14:54.852
May mga truck na ng media
mula sa magkabilang dulo ng kalsada.

14:54.935 --> 15:00.107
No'ng dinala ng medical examiner
'yong katawan sa opisina ng ME,

15:00.691 --> 15:02.234
nakatutok lahat ng camera.

15:02.318 --> 15:05.571
Tatlumpu't tatlong taong gulang
na fashion designer na si Sylvie Cachay,

15:05.654 --> 15:08.073
natagpuang patay sa napakasosyal
na Soho House.

15:08.157 --> 15:09.158
Isipin n'yo.

15:09.241 --> 15:11.785
Isang mayaman at magandang dalaga

15:11.869 --> 15:14.830
nakitang patay sa bathtub ng Soho House.

15:14.914 --> 15:17.499
Patok sa tao 'yong kuwentong 'yon.
Naiintindihan ko.

15:17.583 --> 15:20.669
Buhay na buhay ang tabloids do'n.

15:21.253 --> 15:23.422
Lumabas ako sa lahat ng news channel.

15:23.505 --> 15:25.841
Dagdag pressure 'yon.

15:25.925 --> 15:30.554
Mas gusto ko sanang anim o walong oras pa
bago nila nalaman

15:30.638 --> 15:35.726
para makausad kami sa pag-iimbestiga.

15:39.396 --> 15:40.773
Bago magtanghali,

15:41.523 --> 15:43.359
nagising na si Nicholas.

15:44.985 --> 15:48.364
Lumabas siya, "Detective, pwede ba tayong
mag-usap?" Sabi ko, "Sige."

15:49.406 --> 15:51.784
Sinabi sa 'kin ni Nicholas
na anim na buwan na

15:51.867 --> 15:53.994
'yong relasyon nila ni Sylvie.

15:54.078 --> 15:56.246
On and off 'yong relasyon nila.

15:56.330 --> 15:58.123
Hindi daw maganda 'yong relasyon.

15:59.333 --> 16:01.251
Sabi ni Nicholas,

16:01.335 --> 16:05.464
magkikita daw dapat sila sa apartment
ni Sylvie para mag-dinner.

16:06.131 --> 16:07.424
Pumunta siya do'n.

16:08.258 --> 16:09.718
Sabi niya, nag-sex sila.

16:09.802 --> 16:15.474
Pagkatapos no'n, nagsindi siya ng kandila
sa likod ng kama ni Sylvie,

16:15.557 --> 16:18.852
tapos inilagay niya sa patungan
na nasa likod no'n.

16:18.936 --> 16:21.271
Uminom si Sylvie ng gamot niya pampatulog.

16:21.355 --> 16:22.940
Naligo si Nicholas.

16:23.023 --> 16:26.026
Narinig niya na tumunog 'yong smoke alarm.

16:28.195 --> 16:31.240
Paglabas niya, makapal na 'yong usok.

16:32.366 --> 16:34.243
Nasusunog na 'yong kama.

16:34.326 --> 16:37.162
Tinalon niya si Sylvie,
tumalon siya sa kama,

16:37.246 --> 16:39.081
sinubukan niyang patayin 'yong apoy.

16:39.164 --> 16:41.375
Nasunog pa nga 'yong buhok ni Sylvie.

16:43.043 --> 16:45.629
Sabi ni Sylvie,
"Member ako ng Soho House."

16:45.713 --> 16:49.633
"Hindi tayo pwede dito.
Masama para sa 'tin 'yong amoy ng usok."

16:52.011 --> 16:55.305
Nabanggit niya din
na nahihirapan si Sylvie bumaba

16:55.389 --> 16:59.017
mula sa apartment papunta sa kalsada

16:59.101 --> 17:02.521
kasi tumatalab na 'yong gamot
na ininom niya.

17:03.897 --> 17:06.275
Sumakay sila ng taxi, tapos umalis.

17:07.234 --> 17:09.903
Gusto ko talagang malaman,
"Pa'no 'yong ikinilos mo?"

17:09.987 --> 17:11.238
"Nag-away ba kayo?"

17:11.905 --> 17:15.492
Tapos sabi niya, galit daw si Sylvie,
minumura siya sa biyahe.

17:15.576 --> 17:19.329
"Adik ka talaga. Sinunog mo 'yong bahay."

17:19.413 --> 17:23.000
Galit siya. Dumating sila sa Soho House.

17:23.083 --> 17:26.670
Sabi ni Nicholas, "Umakyat kami sa room,
ihiniga siya sa kama ng manager."

17:26.754 --> 17:29.840
"May nabanggit siya na maliligo siya."

17:31.091 --> 17:32.760
"Gusto kong kumain,

17:32.843 --> 17:35.554
kaya umakyat ako sa restaurant,
nag-order ako."

17:35.637 --> 17:39.308
Tapos bumaba siya sa kuwarto,
sinabi niya kay Sylvie na lalabas siya.

17:39.391 --> 17:42.770
Sabi ko, "Okay. Sabi mo, maliligo siya.
Naligo ba siya?"

17:42.853 --> 17:44.646
Sabi niya, "Di ko alam. Umalis na 'ko."

17:45.647 --> 17:47.316
"Hinawakan mo ba 'yong tub?"

17:47.900 --> 17:50.194
"Binuksan mo ba 'yong tubig
para sa kanya?"

17:50.277 --> 17:52.821
Kung maliligo siya, baka tumulong ka lang.

17:52.905 --> 17:55.407
Sabi niya, "Hindi."
Sabi niya, "Nasa kama pa siya."

18:00.120 --> 18:03.540
Sabi ni Nicholas,
umalis siya sa hotel room.

18:05.209 --> 18:10.506
Tapos umalis siya sa hotel
para mag-party sa malapit na bar,

18:10.589 --> 18:16.887
kasama ng lalaking nakilala niya sa lobby
na David Raleigh ang pangalan

18:16.970 --> 18:19.890
hanggang sa bumalik siya sa hotel
at nakita namin siya.

18:21.767 --> 18:25.145
Tinanong ko siya,
"May ginawa ka ba kay Sylvie

18:25.229 --> 18:27.940
bago ka umalis kasama ng lalaking 'to?"

18:28.023 --> 18:29.108
Sabi niya, "Wala."

18:30.192 --> 18:34.279
Walang pag-aalala sa boses niya.
Hindi siya nag-aalalang mapahamak siya.

18:34.363 --> 18:37.574
Para lang siyang pader,
wala siyang emosyon.

18:37.658 --> 18:40.160
Naramdaman kong may ginawa siya.

18:41.411 --> 18:44.748
Pero hindi namin alam ano'ng nangyari
sa kuwartong 'yon.

18:46.667 --> 18:50.337
Kaya pansamantala,
sa presinto lang muna si Nicholas.

18:52.297 --> 18:55.676
Napunta 'yong imbestigasyon namin
kay David Raleigh,

18:55.759 --> 18:58.011
'yong taong sinabi ni Nicholas Brooks

18:58.095 --> 19:00.514
na nakasama niya
ng partikular na gabing 'yon.

19:01.890 --> 19:04.935
8 ORAS NG IMBESTIGASYON

19:07.271 --> 19:08.897
Narinig ko 'yong kalampag sa pinto.

19:08.981 --> 19:10.190
Ang lakas no'n.

19:10.274 --> 19:12.401
Napabalikwas ako sa kama,
at tumakbo sa pinto.

19:13.068 --> 19:15.571
Pagbukas ko, may dalawang detective.

19:15.654 --> 19:17.656
Sabi nila,
"Kilala mo ba si Nicholas Brooks?"

19:17.739 --> 19:18.866
Sabi ko, "Oh!"

19:18.949 --> 19:22.995
"Oo, nakilala ko siya kagabi.
Nag-inuman kami."

19:23.078 --> 19:26.039
Tapos sinabi nila sa 'kin
na may natagpuang patay na babae

19:26.123 --> 19:27.916
sa bathtub ng Soho House.

19:28.000 --> 19:32.671
Boyfriend niya si Nicholas Brooks.

19:34.423 --> 19:37.885
Isinama ako ng mga detective sa kanila
papunta sa station para kausapin.

19:39.678 --> 19:42.181
8 ORAS ANG NAKAKARAAN

19:42.264 --> 19:44.808
No'ng gabing 'yon,
pasara na 'yong Soho House bar,

19:44.892 --> 19:47.102
pero nasa party mode pa 'ko.

19:47.853 --> 19:51.231
Kaya tumigil ako sa may front desk.

19:51.315 --> 19:53.275
May lalaking lumabas sa elevator.

19:54.401 --> 19:57.863
Sabi niya sa attendant,
"Gusto ko ng lugar na maiinuman."

19:57.946 --> 20:00.282
"Sarado na 'yong bar.
Alam mo sa'n pwedeng uminom?"

20:00.365 --> 20:02.326
Tumingin sa 'kin 'yong lalaki sa desk,

20:02.409 --> 20:05.996
tapos tumingin sa kanya at sinabi,
"Mag-iinom siya. Sumama ka sa kanya."

20:06.079 --> 20:08.624
Sabi ko, "Gusto mo bang sumama?"
Sabi niya, "Oo ba."

20:14.671 --> 20:18.175
Pumunta kami sa bar.
Nag-inom, saka nagkuwentuhan kami.

20:19.676 --> 20:21.887
Tapos nabanggit niya
'yong girlfriend niya.

20:21.970 --> 20:24.973
Kinuwento niya 'yong matinding
pagmamahal niya sa girlfriend niya.

20:25.057 --> 20:28.143
Kinuwento niya din
'yong sunog sa apartment nila.

20:28.226 --> 20:31.188
Sabi niya, tulog 'yong girlfriend niya
sa hotel room nila.

20:31.730 --> 20:35.817
Sabi niya, "Tawagan ko 'yong girlfriend ko
para kumustahin."

20:37.027 --> 20:39.863
Tinawagan niya 'yong number,
tapos nag-ring lang nang nag-ring.

20:39.947 --> 20:42.241
Tapos sabi niya, "Hindi sumasagot."

20:42.324 --> 20:44.785
Sabi ko, "Siyempre, natutulog, e."

20:46.912 --> 20:50.332
Sabi niya, aalis na siya.
Nag-good night kami, lumabas na siya.

20:50.415 --> 20:52.751
Wala namang kakaiba.

20:53.585 --> 20:56.463
Kinumpirma no'n 'yong kuwento
ni Nicholas Brooks.

20:56.546 --> 21:01.009
Nagmukhang totoo 'yong parteng
sinabi niya sa 'min.

21:01.093 --> 21:04.429
May posibilidad pa din na suicide 'yon.

21:09.643 --> 21:13.730
Kailangan kong malaman
kung sino si Sylvie Cachay.

21:13.814 --> 21:15.482
Ano'ng lagay ng pag-iisip niya?

21:15.565 --> 21:19.945
Ininterview ko 'yong pamilya
at mga kaibigan ni Sylvie Cachay.

21:20.028 --> 21:23.282
Alam ko namang emosyonal sila
sa mga panahong 'yon.

21:24.366 --> 21:27.285
Sinabi nilang depressed si Sylvie.

21:29.079 --> 21:32.416
Nakilala ko si Sylvie Cachay no'ng 2009,

21:32.499 --> 21:36.211
kasi kinuha niya 'ko bilang intern
sa Anne Cole Swimwear.

21:36.294 --> 21:39.798
No'ng kinuha ako ni Sylvie,
nagkasundo kami agad.

21:39.881 --> 21:44.094
Maghahati kami sa isang bote ng wine,
tapos magkukuwentuhan lang kami.

21:44.177 --> 21:49.266
Kaibigan, boss, at mentor ko si Sylvie.

21:49.349 --> 21:51.977
Iniidolo ko siya. Sobrang galing niya.

21:52.477 --> 21:55.188
No'ng 2006, nag-launch siya
ng sarili niyang swimwear.

21:55.272 --> 22:00.110
Na-feature siya sa Vogue,
InStyle, at Sports Illustrated.

22:01.028 --> 22:03.488
Cinelebrate ng pamilya namin
lahat ng achievement niya.

22:04.072 --> 22:05.574
Proud na proud kami sa kanya.

22:05.657 --> 22:09.036
Dream come true 'yong ma-launch
'yong sarili mong line bilang designer.

22:11.038 --> 22:13.665
Kinailangan lang isara ni Sylvie
'yong kompanya niya,

22:13.749 --> 22:17.210
dahil sa pagbagsak ng ekonomiya
no'ng 2008-2009.

22:17.294 --> 22:20.547
May iba pang investment sa mundo
'yong investor na nagpopondo sa kanya.

22:20.630 --> 22:23.842
Maingat 'yong mga tao no'n
sa mga bagong investment.

22:25.052 --> 22:29.056
Bumalik siya para magtrabaho sa Anne Cole.
Mahal niya ang trabaho niya sa Anne Cole.

22:29.139 --> 22:34.144
Masaya kami no'n,
pero mararamdaman mo 'yong pagbaba

22:34.227 --> 22:35.896
sa kung ano na 'yong naabot mo.

22:35.979 --> 22:38.190
Tingin ko, araw-araw niyang iniisip 'yon.

22:38.273 --> 22:41.943
Mukhang matindi 'yong stress niya.
Matindi 'yong anxiety niya.

22:42.027 --> 22:44.863
Umiinom siya ng gamot
para mapaayos 'yong buhay niya

22:44.946 --> 22:46.323
at maging mas productive siya.

22:47.574 --> 22:50.118
Tinanong nila kung suicidal si Sylvie.

22:50.202 --> 22:53.288
Malutong na hindi ang sagot do'n.
Hindi talaga.

22:53.872 --> 22:58.710
Nagdulot ng konting depression at lungkot
'yong pagsasara ng Syla,

22:58.794 --> 23:02.380
pero hindi 'yon nakapigil sa kanya.

23:02.464 --> 23:04.549
Lagi siyang may plano para sa hinaharap.

23:04.633 --> 23:07.511
Pag nagtatrabaho kami sa araw
sa Anne Cole,

23:07.594 --> 23:11.264
pumupunta kami sa print studio
para pumili ng prints para sa Anne Cole.

23:11.348 --> 23:13.600
Kumukuha din kami para sa Syla.

23:14.101 --> 23:15.936
Di 'yon patay sa kanya, naka-pause lang.

23:17.187 --> 23:20.690
Interesting 'yong interview ko
sa intern niyang si Heather.

23:20.774 --> 23:24.361
Nakapagbigay siya
ng mga specific na impormasyon

23:24.444 --> 23:28.365
tungkol sa mga relasyon
at nakaka-date ni Sylvie.

23:29.533 --> 23:33.161
Bandang 2008,
may tinapos na engagement si Sylvie.

23:33.245 --> 23:36.873
Tinapos niya 'yong relasyon niya
sa fiancé niya,

23:36.957 --> 23:39.126
kasi masyado nang mabigat para sa kanya

23:39.209 --> 23:42.838
kasabay ng hinaharap niya sa negosyo.

23:43.839 --> 23:46.716
Pagkatapos no'n, nakailang date si Sylvie.

23:48.093 --> 23:54.224
Una niyang nakilala si Nicholas
no'ng June 2010 habang nasa labas

23:54.307 --> 23:56.810
kasama 'yong mga kaibigan niya
na laging nasa night out.

23:58.478 --> 24:03.817
Hindi nagtagal, naglalakad-lakad sila
malapit sa bahay niya sa SoHo.

24:03.900 --> 24:05.819
Nasagasaan 'yong aso niyang si Pepper.

24:08.155 --> 24:12.868
Kinuha siya ni Nick sa kalsada,
tapos binalot siya sa coat.

24:12.951 --> 24:14.953
Dinamayan siya ni Nick
no'ng panahong 'yon.

24:15.704 --> 24:17.622
Nalungkot talaga siya.

24:18.582 --> 24:22.043
Tingin ko talaga,
naging trauma bond nila 'yon.

24:22.127 --> 24:24.296
Malamang hindi naman sila magde-date

24:24.379 --> 24:26.465
kung di dahil do'n,
kasi sobrang bata ni Nick.

24:27.132 --> 24:30.510
Si Sylvie, 33. Si Nick yata, 24.

24:30.594 --> 24:32.971
Halos araw-araw na silang magkasama.

24:33.054 --> 24:34.389
Nakikitulog na si Nick.

24:34.473 --> 24:38.727
Parang 'yong mga biglaang live-in,
kasi lagi nang do'n natutulog si Nick.

24:40.562 --> 24:44.774
Pero may mga sumusulpot na red flags,
siguro no'ng pangalawang buwan na.

24:46.193 --> 24:48.361
Naloloka si Sylvie
ba't walang trabaho si Nick.

24:48.445 --> 24:52.741
Naiirita siya na buong araw lang
nagma-marijuana si Nick,

24:52.824 --> 24:54.451
hindi nagtatrabaho.

24:54.534 --> 24:58.538
Naaalala kong nagrereklamo siya
na siya na lang lagi ang nagbabayad.

24:58.622 --> 25:00.165
"Bata" 'yong tawag niya kay Nick.

25:00.248 --> 25:03.460
Sinasabihan siya ng friends niya,
"Hiwalayan mo na."

25:03.543 --> 25:05.545
"Tapusin mo na 'to. Naaapektuhan ka na."

25:06.254 --> 25:10.425
Nakipag-break naman siya.
Mahirap 'yon para sa kanya.

25:13.678 --> 25:19.059
Huling memory ko sa kanya
'yong umaga bago siya namatay.

25:19.976 --> 25:22.103
Sabi niya, "Nakikipagkita si Nick."

25:22.187 --> 25:25.565
"Magkikita lang kami sa bahay ko,
tapos uupo lang kami sa harap."

25:26.191 --> 25:30.153
"May sulat daw siya sa 'kin.
Hindi ko siya papapasukin sa bahay."

25:31.780 --> 25:37.953
No'ng nalaman kong nagkita sa apartment
sina Nicholas Brooks at Sylvie Cachay,

25:38.036 --> 25:41.414
tapos sobrang gulo ng relasyon nila,

25:41.498 --> 25:45.752
naramdaman kong "May mali dito."

25:46.586 --> 25:48.922
Importante para sa 'min
na pumunta sa apartment,

25:49.005 --> 25:50.882
makita kung ano 'yong nangyari do'n.

25:52.801 --> 25:54.928
Pumasok kami sa apartment,

25:55.553 --> 25:57.931
malinaw 'yong ebidensiya
na nagkaro'n ng sunog.

25:58.848 --> 26:00.642
Maaamoy mo 'yong usok.

26:00.725 --> 26:02.727
Sunog talaga 'yong kama.

26:02.811 --> 26:05.939
May bungkos ng sunog na buhok sa kama.

26:06.022 --> 26:10.986
Nangyari nga no'ng gabing 'yon
'yong sinabi ni Nicholas Brooks kay Tommy.

26:13.238 --> 26:16.992
Tapos nakita namin 'yong notes
na ginawa nila para sa isa't isa.

26:18.326 --> 26:22.163
Sinasabi sa kanya ni Sylvie
na "Kung hindi ka magiging romantic,

26:22.247 --> 26:24.749
hindi ka na magiging parte ng buhay ko."

26:24.833 --> 26:27.961
Meron siyang mahabang listahan
ng mga request niya,

26:28.044 --> 26:31.673
mga simpleng bagay
gaya ng "yakap pagkatapos ng sex,"

26:32.382 --> 26:35.927
"i-date mo ako,"
"kung may gagamitin ka, palitan mo."

26:36.428 --> 26:39.347
"Wag mag-marijuana buong araw."
"Wag mag-inom buong araw."

26:39.431 --> 26:42.892
Para siyang nanay sa mga inuutos niya,

26:42.976 --> 26:47.022
"Ayusin mo 'yong sarili mo
kung gusto mong maging maayos tayo."

26:47.105 --> 26:49.065
DEAR SYLVIE, SORRY NA TALAGA

26:49.149 --> 26:53.862
Humihingi ng tawad si Nicholas
sa mga sulat niya,

26:53.945 --> 26:57.949
nangangako na magbabago na,
hinihiling na wag siyang sukuan.

26:58.950 --> 27:03.246
Nagkaro'n kami ng halimbawa
ng paulit-ulit na pinaniwalaan niya.

27:04.539 --> 27:07.792
Meron pa siyang isang note na nagsasabing

27:07.876 --> 27:10.211
naghihinala siyang ninakawan siya ng pera.

27:11.588 --> 27:14.257
Nakita namin 'yong bank statements
ni Sylvie Cachay.

27:15.925 --> 27:19.179
Nagbayad si Nick ng mga prostitute
gamit 'yong credit card ni Sylvie.

27:20.764 --> 27:24.017
Para sa 'kin, sobrang kapal ng mukha niya

27:24.100 --> 27:28.021
para kumuha ng prostitute,
tapos pera no'ng babae 'yong pinambayad.

27:30.065 --> 27:32.650
Tapos nakakita kami ng email.

27:32.734 --> 27:35.236
"Tang ina ka" email
'yong tawag namin do'n.

27:37.155 --> 27:40.075
Sinabi niya kay Nick
na galit na galit siya.

27:40.825 --> 27:44.371
Sabi niya, "Nalaman ko ang totoo.
Alam ko na ang ginagawa mo."

27:44.454 --> 27:48.249
"Isusumbong kita sa pulis
at sa mga credit card company."

27:49.334 --> 27:53.838
Malinaw na tinuturo nito
'yong partikular na klase ng motibo.

27:53.922 --> 27:55.882
Malamang 'yon ang nagtulak

27:55.965 --> 28:00.887
para magdesisyon siya
na mawala na sa landas niya si Sylvie.

28:01.638 --> 28:05.183
Nilibot namin ang apartment building niya
para malaman

28:05.266 --> 28:07.560
kung may nakarinig sa nangyari
no'ng gabing 'yon.

28:07.644 --> 28:10.605
May isang kapitbahay ang nagsabi
na nakarinig siya ng pagtatalo.

28:10.688 --> 28:13.483
May narinig silang umiiyak
at malakas na kalabog

28:13.566 --> 28:16.945
na parang may taong nahulog sa sahig
o may nangyayaring gulo.

28:17.028 --> 28:20.323
May pag-aaway, pagtatalo, saka sunog.

28:20.407 --> 28:24.202
Pagkatapos ng ilang oras,
natagpuang patay si Sylvie Cachay.

28:24.285 --> 28:26.663
May nabubuong larawan.

28:26.746 --> 28:28.873
Naisip namin, "Mukhang homicide 'to,

28:28.957 --> 28:32.752
pero hindi kami pwedeng magkaso
na kalahati pa lang 'yong kuwento."

28:33.670 --> 28:37.382
Kailangan pa naming makita lahat,
malaman ano mismo ang nangyari.

28:38.258 --> 28:41.010
Tiningnan namin ang background ni Nick.

28:41.094 --> 28:43.972
Nilagyan ko ng konting kulay
'yong larawan.

28:45.348 --> 28:48.101
Nalaman naming trust fund baby si Nick.

28:48.685 --> 28:53.273
Tatay niya 'yong writer-composer
na si Joseph Brooks

28:53.356 --> 28:57.485
na nagsulat ng kanta
at pelikulang You Light Up My Life,

28:57.569 --> 29:00.280
at nanalo sa Academy Awards.
Sikat na kanta 'yon.

29:00.363 --> 29:02.741
You

29:02.824 --> 29:07.162
You light up my life

29:07.245 --> 29:09.372
Isa 'yon sa mga pinakapangit na kanta.

29:09.456 --> 29:14.461
Laging nasa radyo,
sa lahat ng station, 24/7.

29:14.544 --> 29:17.922
You light up my life

29:18.006 --> 29:19.716
Sabi ko, "Diyos ko po."

29:20.884 --> 29:23.178
Kahit na sumikat siya dahil do'n,

29:23.261 --> 29:26.723
nakilala din siya sa madilim na bahagi
ng pagkatao niya.

29:27.599 --> 29:30.935
Bandang 2008, nasa 19th Precinct ako.

29:31.019 --> 29:33.772
Ako 'yong pangalawa sa detective squad.

29:33.855 --> 29:38.318
Parte ng trabaho ko na i-review
'yong mga pumapasok na reklamo.

29:39.027 --> 29:42.989
Dumating sa mesa ko
'yong pangalang Joe Brooks.

29:44.532 --> 29:47.452
Marami akong nakitang reklamo
ng panggagahasa.

29:48.161 --> 29:51.331
Special victims squad 'yong humahawak
sa mga kasong 'yon.

29:51.414 --> 29:54.542
Tinawagan ko 'yong special victims squad.

29:54.626 --> 29:58.379
Sabi ko, "May pagala-gala ba tayong
baliw na rapist

29:58.463 --> 30:01.925
sa loob ng 19th Precinct
na dapat kong ikabahala?"

30:02.008 --> 30:05.094
Sabi nila, "Serial rapist ang taong 'yan."

30:05.178 --> 30:08.139
"Parte 'to ng tuloy-tuloy
na imbestigasyon."

30:08.640 --> 30:11.851
Kinasuhan ng Manhattan District Attorney
si Joseph Brooks

30:11.935 --> 30:14.020
nang 91 counts ng rape.

30:14.103 --> 30:16.856
Naglalagay ng ads si Joseph Brooks
sa Craigslist.

30:16.940 --> 30:21.361
Sinusubukan niyang kumuha
ng mga baguhang babaeng artista

30:21.444 --> 30:24.614
para i-coach ng Academy Award winner.

30:24.697 --> 30:27.992
Kinukumbinsi niyang pumunta sa bahay niya.

30:28.576 --> 30:32.205
Patutulugin niya,
tapos gagawin na niya 'yong gusto niya.

30:32.789 --> 30:37.919
Kinasuhan si Joseph Brooks
ng sexual assault sa maraming babae,

30:38.002 --> 30:39.546
naghihintay siya ng trial.

30:39.629 --> 30:42.924
Dahil sa background ni Joseph Brooks,

30:43.007 --> 30:45.969
napaisip ako kung parehong indibidwal

30:46.052 --> 30:50.723
'yong kinakaharap ko kay Nicholas Brooks.

30:50.807 --> 30:54.519
Pagdating sa character,
pwedeng para silang pinagbiyak na bunga.

30:56.521 --> 30:58.231
13 ORAS NG IMBESTIGASYON

30:58.314 --> 31:02.735
Habang nagba-background check,
nalaman din naming binigyan si Nick

31:02.819 --> 31:06.406
ng tatay niya ng apartment
no'ng high school siya.

31:06.489 --> 31:08.783
Ikinukuha siya ng tatay niya ng escorts.

31:08.867 --> 31:11.661
Natutunan niya sa tatay niya
kung pa'no kumuha ng prostitute,

31:11.744 --> 31:13.413
kasi gawain 'yon ng tatay niya.

31:14.330 --> 31:19.294
Kakaiba 'yong nabuong itsura ng relasyon
sa pagitan nilang mag-ama,

31:19.377 --> 31:24.340
pero nalaman din namin
na kontrolado siya ng tatay niya

31:24.424 --> 31:25.800
sa pamamagitan ng pera.

31:25.884 --> 31:29.345
Utos ni Joseph Brooks kay Nicholas

31:29.429 --> 31:34.517
na wag makikipag-usap
sa nanay o kapatid niya.

31:35.226 --> 31:39.230
No'ng malaman niya na kinausap ni Nicholas
'yong nanay niya,

31:39.314 --> 31:43.359
tinanggal siya ni Joseph Brooks sa mana
at inalis 'yong trust fund niya

31:43.443 --> 31:46.112
bandang 2009 o 2010.

31:46.195 --> 31:49.741
Kaya eto ang isang binata

31:49.824 --> 31:56.039
na walang kakayahang pondohan
'yong kinasayanan niyang buhay.

31:56.122 --> 31:57.665
Kung gusto niya ng pera,

31:57.749 --> 32:01.294
pag kailangan niya ng pera,
magtrabaho o kaya manghuthot siya.

32:01.377 --> 32:05.757
No'ng magkakilala sila ni Sylvie,
may pera siya, tapos inalis sa kanya.

32:06.257 --> 32:08.509
Baka naramdaman niyang
tapos na ang panloloko.

32:08.593 --> 32:10.928
Kailangan niyang kumilos,

32:11.012 --> 32:13.181
kasi nanakot na 'yong babae
na pupunta sa pulis.

32:13.264 --> 32:18.102
MAGSAYA KA SA KULUNGAN

32:19.854 --> 32:22.357
Buhay na buhay 'yong adrenaline
sa mga ganitong kaso.

32:22.440 --> 32:26.861
Malamang gising ako nang 24 oras,
o baka higit pa.

32:26.945 --> 32:28.196
Parang hindi ka napapagod.

32:28.279 --> 32:31.074
'Yong momentum ng kaso talaga
ang nagpapagana sa 'yo.

32:31.157 --> 32:34.077
Bumalik kami sa 6th Precinct.

32:34.994 --> 32:36.871
Kailangang tingnan lahat ng ebidensiya,

32:36.955 --> 32:40.583
kaya binalikan ulit namin
'yong surveillance footage.

32:40.667 --> 32:43.503
Tinutukan na talaga namin 'yong timeline.

32:44.837 --> 32:48.841
Meron ba kaming nakaligtaan
o meron kaming hindi nakita?

32:50.051 --> 32:54.472
Nakumpirma naming umalis sa hotel room
si Nicholas Brooks nang 2:18,

32:54.555 --> 32:58.893
tapos bumaba siya sa lobby
at nakilala si David Raleigh.

32:59.560 --> 33:04.524
Hanggang sa i-check ng manager
'yong leak nang 2:51,

33:04.607 --> 33:08.778
walang ibang pumasok o lumabas sa kuwarto.

33:11.906 --> 33:16.869
Kailangan ng ebidensiyang nasa kuwarto pa
si Nicholas nang mamatay si Sylvie.

33:17.745 --> 33:20.915
Kaya kumuha kami ng access
sa hotel phone records.

33:20.998 --> 33:23.835
Nasira 'yong alibi ni Nicholas Brooks.

33:25.837 --> 33:29.048
No'ng tiningnan namin 'yong call records
sa front desk,

33:29.132 --> 33:33.261
nalaman namin na hindi lang siya umalis
no'ng 2:18.

33:33.344 --> 33:34.429
Bago siya umalis,

33:34.512 --> 33:36.681
may kakaibang tawag na natanggap

33:36.764 --> 33:38.641
'yong front desk.

33:40.476 --> 33:46.899
Nakita namin na 'yong phone call
tungkol sa leak sa hotel room sa ibaba

33:46.983 --> 33:49.277
ay pumasok nang 2:11.

33:49.777 --> 33:52.905
Tiningnan namin 'yong card swipes
ng kuwarto,

33:52.989 --> 33:57.493
na magsasabing nasa kuwarto pa
si Nicholas Brooks

33:57.577 --> 34:00.038
habang nangyayari 'yong leak.

34:01.581 --> 34:04.167
Umaapaw 'yong tubig. Nasa sahig na.

34:04.250 --> 34:06.627
Tumatagas na sa ibang apartment.

34:07.128 --> 34:09.714
Kaya andun siya no'ng nasa tub si Sylvie.

34:11.340 --> 34:13.801
Buong panahon siyang nagsisinungaling.

34:15.595 --> 34:18.347
Sa kasong 'to, sa tulong ng autopsy,

34:18.431 --> 34:21.809
malalaman namin
ano pa'ng nangyari kay Sylvie.

34:22.393 --> 34:25.605
Ang signipikanteng laman ng findings
sa autopsy,

34:25.688 --> 34:28.191
may marka ng mga daliri sa leeg,
at may mga pasa.

34:28.983 --> 34:33.071
Nagtamo siya ng petechial hemorrhages
sa ilalim ng talukap ng mata niya.

34:33.154 --> 34:37.450
Ibig sabihin, nagkaro'n ng pagpigil
sa daloy ng dugo

34:37.533 --> 34:40.119
sa leeg niya.

34:41.370 --> 34:47.251
Tapos puno ng tubig 'yong baga niya
na indiskasyong buhay siya no'ng malunod.

34:47.752 --> 34:50.171
Siyempre, pagbalik ng toxicology,

34:50.254 --> 34:54.967
pinapakita na 'yong gamot sa sistema niya
ay nasa therapeutic levels.

34:55.051 --> 34:56.761
Niresetang gamot 'yon.

34:56.844 --> 35:00.807
Wala do'ng nakapatay sa kanya
nang dahil sa overdose.

35:00.890 --> 35:05.228
Malinaw na sinasabi no'ng hindi suicide,
at mas lalong hindi aksidente.

35:06.104 --> 35:08.940
Homicide ang ikinamatay niya.

35:09.023 --> 35:12.527
Nakuha din namin 'yong DNA reports.

35:12.610 --> 35:16.614
May nakuhang DNA sa tub
na tugma kay Nicholas Brooks.

35:17.448 --> 35:20.159
Wala sanang bigat
'yong DNA profile sa tub.

35:20.243 --> 35:23.204
Nasa kuwarto siya.
Pwedeng ginamit niya 'yong tub.

35:23.287 --> 35:27.583
Pero itinanggi niya
na lumapit siya sa tub.

35:32.296 --> 35:33.798
Ang paniniwala namin,

35:33.881 --> 35:37.051
pagdating nila sa Soho House,

35:37.134 --> 35:39.595
may nangyaring pagtatalo sa pagitan nila.

35:40.513 --> 35:43.391
Mabilis ang naging pangyayari,
tapos pumitik si Nick.

35:43.474 --> 35:45.560
Sinakal siya ni Brooks,

35:46.519 --> 35:50.314
itinulak siya sa bathtub,
tapos inilubog sa tubig.

35:50.398 --> 35:52.108
Nasinghot niya 'yong tubig.

35:52.191 --> 35:53.276
Nalunod siya.

35:53.359 --> 35:55.194
Tapos nasakal pa.

35:59.073 --> 36:01.033
Nicholas, sinakal mo ba
'yong girlfriend mo?

36:01.117 --> 36:04.078
-Ginawa mo ba 'yon, Nick?
-Pinatay mo ba si Sylvie?

36:05.621 --> 36:07.582
Inaresto namin si Nicholas Brooks.

36:07.665 --> 36:11.294
Dinala namin siya
sa central booking facility.

36:12.003 --> 36:14.797
Sabi niya, "Alam mo, may pera ako."

36:14.881 --> 36:17.884
Inisip ko, "Sinusuhulan ba 'ko nito?"

36:17.967 --> 36:20.094
Kaya sabi ko, "Ano'ng meron kang pera?"

36:20.178 --> 36:23.681
Sabi niya, "May pera ako,
pero bukas ko pa makukuha."

36:24.182 --> 36:26.893
Sabi ko,
"Hindi mo kailangan ng pera ngayon."

36:26.976 --> 36:30.229
Tapos sabi niya, "Kailangan ko 'yon
pambayad sa proteksiyon."

36:30.313 --> 36:33.482
Sabi ko,
"Anong proteksiyon ang sinasabi mo?"

36:33.566 --> 36:36.235
Sabi niya, "'Yong white supremacists."

36:36.319 --> 36:39.030
Sabi ko, "Ba't mo nasabi 'yan?"
Sabi niya, "Fan ako ng Oz."

36:39.113 --> 36:42.033
Tingin ko, 'yong TV show na Oz
'yong tinutukoy niya.

36:42.116 --> 36:44.368
Sabi ko, "Hindi ka pupunta sa Oz."

36:44.452 --> 36:48.497
"Pupunta ka sa New York City
Central Booking," di ba?

36:48.581 --> 36:52.627
Napagtanto ko na wala talaga siyang alam
tungkol sa buhay

36:52.710 --> 36:53.961
o sa kalakaran ng buhay.

36:54.045 --> 36:55.421
Kakaiba lang 'yon.

36:55.504 --> 36:57.840
Sa puntong 'yon,
hawak na siya ng Corrections.

36:57.924 --> 36:59.884
Huling beses ko na siyang nakausap no'n.

37:07.099 --> 37:09.227
Pagkatapos maaresto ni Nicholas Brooks,

37:09.310 --> 37:13.314
nalaman naming lilitisin na
'yong tatay niya.

37:13.397 --> 37:15.524
Kaya lang, nagpakamatay.

37:15.608 --> 37:18.110
NAGPAKAMATAY SA E. SIDE APT.
SA KABILA NG SEX CHARGES

37:18.194 --> 37:22.990
Hinawakan ng attorney ni Joseph Brooks
ang kaso ni Nicholas Brooks.

37:28.246 --> 37:33.167
Sabi ng defense,
dumanas ng depression si Sylvie.

37:33.250 --> 37:34.877
Naggagamot siya.

37:34.961 --> 37:39.298
Nag-overdose siya sa gamot
pagsampa niya sa tub at nalunod.

37:39.382 --> 37:42.259
Lumipad mula sa bahay nila sa Virginia
ang nanay at tatay niya

37:42.343 --> 37:44.887
para tingnan sa mata si Nicholas Brooks.

37:44.971 --> 37:49.058
Wala akong nakitang pagsisisi.
Hindi niya kami tiningnan ng asawa ko.

37:49.767 --> 37:52.478
Hindi niya kami hinarap.
Wala siyang pakialam.

37:52.561 --> 37:54.939
Mabuting tao 'yong kapatid ko.

37:55.022 --> 38:00.319
Walang paliwanag 'yong pagpatay sa kanya

38:00.403 --> 38:03.406
ng palamunin ng lipunan na 'to.

38:03.990 --> 38:08.369
Kailangan niyang pagbayaran
'yong magandang buhay ng anak ko.

38:11.580 --> 38:15.251
Tinawagan kami ng DA's office
na tapos na 'yong trial.

38:15.960 --> 38:20.756
Hinatulang guilty si Nicholas Brooks
at sinentensiyahan ng 25 years to life.

38:20.840 --> 38:25.386
25-TO-LIFE PARA SA 'DAGA'
NA PUMATAY KAY SYLVIE

38:25.469 --> 38:28.889
Awang-awa ako sa pamilyang Cachay.

38:30.224 --> 38:32.268
Hindi dapat siya namatay.

38:33.185 --> 38:35.229
Isusuot pa ng mga tao
'yong swimsuits niya.

38:35.313 --> 38:37.606
Sisikat pa dapat siya sa fashion industry.

38:37.690 --> 38:40.568
Mahal siya ng New York. Siya ang New York.

38:41.569 --> 38:45.114
Nagbibigay saya sa buhay 'yong kapatid ko.

38:45.614 --> 38:48.451
Mas nagiging mabuti ako
at 'yong ibang nakapaligid sa kanya.

38:48.534 --> 38:51.495
Marami kaming nagagawang maganda
pag andiyan siya.

38:52.288 --> 38:55.708
Nami-miss ko 'yong saya,
saka liwanag na dala niya.

38:56.292 --> 39:00.963
Sobrang sweet,
saka sobrang ganda niyang tao.

39:01.047 --> 39:03.257
Forever ko siyang mentor.

39:06.427 --> 39:10.264
Huling kaso ko bilang detective
'yong kaso ni Sylvie.

39:10.348 --> 39:12.516
Nag-retire ako pagkatapos nito.

39:12.600 --> 39:14.935
Dalawa ang anak kong babae.

39:15.436 --> 39:17.104
Tinamaan talaga ako.

39:18.481 --> 39:22.359
Pumatay ka ng tao,
tapos wala kang pakiramdam pagkatapos…

39:22.443 --> 39:24.320
Baka sa pagpapalaki sa kanya,

39:24.403 --> 39:26.739
pero hindi pa din 'yon excuse
para pumatay.

39:26.822 --> 39:28.908
Lalo na ng taong mahal mo.

39:44.673 --> 39:48.677
No'ng April ng 1989, meron kaming sikat
na Central Park jogger case.

39:49.261 --> 39:52.431
Jogger 'yon na ni-rape
at matinding sinaktan.

39:52.515 --> 39:55.017
Malaking kaso 'yon,
kasi Central Park 'yon.

39:55.101 --> 39:57.478
Saka dahil sa karahasan ng krimen.

39:58.479 --> 40:00.689
Limang binatilyo ang kinasuhan.

40:00.773 --> 40:03.067
Kinilala ang mga batang ito
na Central Park Five.

40:03.651 --> 40:07.071
Kailangang itama ang ginawang
kawalang-katarungan,

40:07.154 --> 40:08.572
pero di lang 'yon ang kuwento.

40:09.406 --> 40:13.202
May iba pang biktima
na inilagay namin sa ilalim ng payong

40:13.285 --> 40:15.204
ng Central Park jogger case.

40:15.788 --> 40:19.208
Pinapili siya,
"Mga mata mo o mga anak mo?"

40:19.291 --> 40:20.835
'Yong "mga mata mo o mga anak mo,"

40:20.918 --> 40:23.879
hindi ko pa naririnig 'yon
sa kahit sinong kriminal.

40:24.547 --> 40:28.592
Hiniwaan niya 'ko sa ilalim
at itaas ng mga mata ko.

40:29.593 --> 40:31.762
Puro siya karahasan.

40:31.846 --> 40:36.267
Maganda 'yong hapon na 'yon.
Hindi mo aakalaing mangyayari 'yon no'n.

40:36.350 --> 40:38.269
Pinag-uusapan ng lahat 'yong kaso.

40:38.352 --> 40:39.728
Kasong nagmumulto sa 'kin.

41:23.105 --> 41:26.108
Nagsalin ng Subtitle: Erika Ivene Columna
laing mangyayari 'yon no'n.
