WEBVTT

00:09.879 --> 00:15.520
Hindi parte ng kultura sa U.S.
na mag-aral sa ibang bansa.

00:17.040 --> 00:20.080
Pero sabi ng mama ko,
"Pwede kang pumunta sa Spain."

00:24.920 --> 00:27.680
Eighteen years old lang ako no'n.
Alam mo 'yon.

00:27.760 --> 00:30.720
Kaya para 'yong… Parang adventure.

00:32.000 --> 00:34.559
Hindi ko alam kung kailan talaga…

00:35.680 --> 00:37.000
lumala nang sobra.

00:42.440 --> 00:43.720
No'ng lumipat ako sa Spain,

00:44.640 --> 00:47.160
ako ang pinakabata sa programa ko.

00:49.080 --> 00:53.360
Mga Amerikanong estudyante
na nag-aaral sa Spain.

00:54.760 --> 00:56.720
Nag-aral ako sa Sevilla.

00:56.800 --> 00:57.960
-Sevilla.
-Sevilla.

00:59.959 --> 01:03.080
Pagdating ko sa Spain, sabi namin,
"Magbakasyon tayo."

01:03.160 --> 01:04.640
Hello!

01:04.720 --> 01:06.720
Inirekomenda ang Discover Excursions.

01:06.800 --> 01:07.960
TUKLASIN ANG SEVILLA

01:08.039 --> 01:10.280
Para kaming naging matanda noon.

01:10.360 --> 01:14.600
Pag titingnan ko 'yong pictures namin,
vulnerable talaga kaming lahat.

01:19.240 --> 01:22.119
Tapos may masamang nangyari.
Di ko alam kung paano sasabihin.

01:23.240 --> 01:25.520
Tumawag siya, humahagulgol.

01:25.600 --> 01:26.920
Ano'ng nangyari?

01:27.920 --> 01:30.240
Di ko inakala na gano'n ang nangyayari.

01:30.320 --> 01:32.960
Ilang years na 'yon nangyayari.

01:35.119 --> 01:37.199
Parang umabot pa ng 50 na tao lahat.

01:40.720 --> 01:42.880
Naisip ko, "Wow, ang wild nito."

01:45.800 --> 01:48.040
Parang kasama mo sa kuwarto 'yong demonyo.

01:51.920 --> 01:55.600
EPISODE 1: ANG BIYAHE

02:02.360 --> 02:06.520
Ako si Gabrielle Vega.
30 years old na 'ko.

02:09.039 --> 02:11.519
Panganay ako sa tatlong babae.

02:14.239 --> 02:19.760
Lumaki ako sa normal na suburb sa U.S.

02:20.959 --> 02:23.519
May mga bike kami
at lagi kaming nasa labas.

02:23.600 --> 02:26.400
Masaya 'yong childhood namin.

02:26.480 --> 02:28.560
Kabayo ako, Mama.

02:28.640 --> 02:31.320
First-generation American ang papa ko.

02:32.920 --> 02:35.120
Taga-New Jersey ang mama ko.

02:35.760 --> 02:37.920
Walang lahing Espanyol ang pamilya ko.

02:38.000 --> 02:42.799
Pero 'yong side ng asawa ko,
matagal na silang naka-establish sa Spain.

02:43.679 --> 02:48.560
Taga-Asturias ang lolo't lola niya.

02:48.640 --> 02:52.679
Gustong-gusto ng mga magulang ko
'yong ideya na pupunta ako sa Spain

02:52.760 --> 02:55.360
at mare-reconnect
sa pinagmulan ng pamilya.

02:56.120 --> 02:57.120
'Yon lang.

02:57.880 --> 03:01.040
Naalala ko noong nag-iimpake ako,

03:01.120 --> 03:03.519
mag-isa lang ako at…

03:04.720 --> 03:07.400
naging sentimental ako.

03:07.480 --> 03:10.040
Gumawa ako ng mga sulat.

03:10.560 --> 03:14.720
'Yon lang yata ang nag-iisang
sulat na ginawa niya para sa akin.

03:14.799 --> 03:16.600
Importante sa 'kin 'yon.

03:17.519 --> 03:20.160
Alam naming excited siya
saka di siya takot.

03:20.239 --> 03:21.920
Kaya parang, alam mo na…

03:22.000 --> 03:25.200
Masaya kaming ihatid siya.

03:25.679 --> 03:28.880
'Yong papa ko, di naman sa nagsisisi siya,

03:28.959 --> 03:33.440
pero gusto niya akong turuan…
kami pala, ng Spanish no'ng bata pa kami.

03:33.519 --> 03:38.920
Naghanap siya ng lugar kung saan
ako matututo ng purong Spanish.

03:39.000 --> 03:41.600
Kaya sabi niya, "Ay, sa Salamanca."

03:42.119 --> 03:45.480
Kaya ako nag-decide na pumunta doon.

04:03.320 --> 04:06.920
Ewan. Feeling ko, nagbukas ang mundo

04:07.000 --> 04:09.600
at pwede kong gawin ang kahit ano.

04:16.599 --> 04:18.399
Wala akong alam tungkol sa Salamanca.

04:23.320 --> 04:28.800
Sobrang ganda
at matututunan mo 'yong maliliit na…

04:28.880 --> 04:31.800
Magkikita kayo sa ilalim ng orasan
sa plaza ng mga kaibigan mo.

04:31.880 --> 04:33.599
Doon kayo magkikita.

04:33.680 --> 04:36.160
Magse-set kayo ng oras,
pupunta doon, gano'n.

04:36.840 --> 04:40.440
Hindi talaga ako umiinom.
Di ko alam paano kumilos.

04:40.520 --> 04:44.520
First time kong mag-isa.
Di ko alam 'yong lengguwahe.

04:45.200 --> 04:47.080
Bagong-bago lahat.

04:47.160 --> 04:49.640
Pero naalala kong naramdaman ko

04:49.720 --> 04:52.200
na parang first time
na may kulay ang buhay ko.

04:52.280 --> 04:54.000
Kaya nagustuhan ko talaga.

04:54.080 --> 04:57.240
Sinubukan kong i-immerse
ang sarili ko hangga't kaya ko.

05:07.320 --> 05:13.640
May mga kasama akong 21, 22, 23.

05:16.720 --> 05:20.440
Nag-isip kami ng mga pupuntahan
dahil madaming tao sa Europe.

05:20.520 --> 05:24.720
Kaya sabi ko, "Pwede akong pumunta
sa France o Morocco tapos sa Africa."

05:24.800 --> 05:26.800
Tapos sabi nila, "Di ako sure sa Africa."

05:26.880 --> 05:28.800
Pero pwede kang pumunta, ayos 'yon.

05:28.880 --> 05:32.520
Matagal ko nang alam na isa 'yon
sa mga trip na gusto kong gawin

05:32.599 --> 05:34.560
kasi ibang-iba sa nakasanayan ko.

05:36.560 --> 05:41.000
Kilala ang Discover Excursions
sa grupo namin.

05:41.080 --> 05:42.640
OPISINA SA SEVILLA

05:42.720 --> 05:44.080
Nakapunta na sila sa Morocco.

05:44.160 --> 05:47.320
Parang maraming bata na rin
ang nakagawa no'n.

05:50.760 --> 05:54.000
Naghahanap ka ba ng masayang
paraan para makarating sa Morocco?

05:55.479 --> 05:59.160
Sumama ka sa Discover Excursions
sa ligtas at makabuluhang biyahe.

06:01.080 --> 06:02.599
Sumakay sa camel.

06:03.120 --> 06:05.479
Subukan ang masasarap na pagkain.

06:05.560 --> 06:09.280
I-enjoy ang araw sa napakalawak
at walang katapusang disyerto.

06:10.640 --> 06:14.400
Magtiwala ka sa amin. Magugulat ka
sa mararanasan mo sa Africa.

06:16.200 --> 06:19.720
Huwag lang maglakbay. Mag-discover.

06:20.919 --> 06:23.680
Kami talaga ang market ng kompanyang 'yon.

06:23.760 --> 06:27.599
Parang, "Pupunta ka sa Morocco?
Dito ka sa kompanyang 'to."

06:27.680 --> 06:31.000
May marketing sila.
Meron silang mga picture namin.

06:31.080 --> 06:32.960
Mga batang Amerikanong nagbabakasyon.

06:33.039 --> 06:37.280
Oo, parang… Legit na negosyo
ang Discover Excursions.

06:38.120 --> 06:38.960
Welcome.

06:39.039 --> 06:43.320
Bukas kami mula Lunes hanggang Biyernes
10:00 a.m. to 8:00 p.m. Walang break.

06:43.400 --> 06:47.400
Oo, sobrang propesyonal nila. Mura din.

06:47.479 --> 06:50.680
Pero meron din silang parang…

06:50.760 --> 06:54.359
masaya at fresh na vibe.

06:54.440 --> 06:56.039
Mga bata 'yong tour guide.

06:56.960 --> 07:00.359
Nag-decide kami ng mga kasabayan
ko sa program na sabay pumunta.

07:03.160 --> 07:04.440
In-organize nila 'yong trip.

07:04.520 --> 07:07.720
Planado 'yong mga araw.
May itinerary ka at parang…

07:07.799 --> 07:11.760
Umabot ng 200 'yong grupo.
Maraming bata ang pumunta.

07:11.840 --> 07:14.719
Dalawang bus yata 'yon. Marami kami.

07:21.280 --> 07:24.159
Naalala kong sinabi niya
na pupunta siya sa Morocco.

07:24.239 --> 07:26.120
Kaya sabi namin, "Mabuti 'to."

07:26.200 --> 07:27.919
Alam kong excited siya.

07:32.000 --> 07:34.440
Pumunta kami sa Morocco.

07:34.520 --> 07:37.960
Naglibot kami sa hilagang parte ng bansa.

07:39.239 --> 07:40.599
Wow!

07:47.280 --> 07:48.799
Diyos ko!

07:51.760 --> 07:54.680
Naalala ko,
nagandahan talaga ako sa lugar.

07:54.760 --> 07:57.560
May mga bundok na sobrang ganda.

07:57.640 --> 08:00.679
Ibang-iba din 'yong architecture.

08:02.919 --> 08:06.479
Ang dating sa akin,
si Manuel ang pangunahing tour guide.

08:08.159 --> 08:10.120
Naalala kong kinausap kami

08:11.679 --> 08:13.400
ni Manuel sa bus.

08:13.479 --> 08:15.440
Nakatayo siya sa harap at sinasabi niya

08:15.520 --> 08:18.159
kung paano kami mag-e-enjoy
sa mga gagawin namin.

08:20.960 --> 08:24.919
Mukha siyang friendly at mabait,
parang sobrang energetic lang.

08:25.440 --> 08:28.239
Siguro nasa 30s, late 20s.

08:28.320 --> 08:31.120
Mukha siyang mabait,
parang ipapasyal niya kami,

08:31.200 --> 08:33.400
at excited din siya na nando'n kami.

08:37.400 --> 08:40.039
Pumunta kami sa Blue City.

08:40.120 --> 08:44.000
Pumunta ako sa mga palengke
na sobrang ganda.

08:44.079 --> 08:49.199
Naalala ko, halos ma-overwhelm ako
sa mga agresibo na tindero.

08:53.360 --> 08:56.360
Kasama ko 'yong mga kaibigan ko
at excited kami.

08:56.440 --> 08:59.480
Dahil nasa ibang mundo kami.

08:59.560 --> 09:01.480
Iba-iba ang mga lengguwahe nila.

09:01.560 --> 09:05.240
Nagfe-french sila, English, Spanish.
Parang… Nakaka-overwhelm.

09:05.320 --> 09:09.040
Grabe din 'yong amoy.
Hindi naman masama. Parang…

09:09.120 --> 09:11.600
Para akong nasa bagong lugar talaga.

09:18.079 --> 09:21.959
Sabado yata 'yon.
Huling gabi na ng tour no'n.

09:22.040 --> 09:24.120
Hello, muning.

09:24.720 --> 09:26.079
Ang ganda.

09:26.160 --> 09:29.839
Gusto nilang komportable
kami habang nando'n kami.

09:29.920 --> 09:31.800
Siniguro din nila ang kaligtasan namin.

09:32.560 --> 09:36.440
"Hindi ligtas ang Morocco.
Sa loob lang kayo."

09:36.520 --> 09:38.600
"May bar sa hotel."

09:38.680 --> 09:41.720
Sa taas yata 'yon ng hotel.

09:41.800 --> 09:44.400
"Pwede tayong umakyat do'n
kung gusto n'yong uminom."

09:44.480 --> 09:46.199
"Mas mabuti kung di na kayo lumabas."

09:46.280 --> 09:49.600
"Delikado dito pag gabi
saka malaki ang grupo natin."

09:49.680 --> 09:52.160
Pinayuhan kaming manatili
sa hotel no'ng gabing 'yon.

09:54.720 --> 09:59.360
Pumunta kami sa bar.
Ako, si Ashley, at si Nicole.

09:59.440 --> 10:02.560
Magkasama kami sa kuwarto. Kaming tatlo.

10:02.640 --> 10:04.480
Nakilala ko sila sa programa ko.

10:05.240 --> 10:08.199
Naalala ko, naninigarilyo kami
ng mga kaibigan ko.

10:09.400 --> 10:10.920
Tapos dumating si Manuel.

10:17.680 --> 10:20.199
Sabi niya, "Iinom pa ba kayo?"

10:20.280 --> 10:21.720
Sabi namin, "Oo, iinom pa…"

10:21.800 --> 10:24.360
Tapos naisip niya na parang,

10:24.440 --> 10:27.120
"Bibili ako ng champagne,
pwede tayo sa kuwarto."

10:27.199 --> 10:28.600
Kahit ano.

10:28.680 --> 10:31.120
"Ako na. Wag kayong mag-alala."

10:31.199 --> 10:33.320
Sabi namin, "Sige ba."

10:33.400 --> 10:37.120
Di man lang ako nag-isip.
Sabi ko, "Okay, ayos."

10:37.199 --> 10:42.760
Tapos pumunta kami
sa hotel room, kaming apat.

10:45.800 --> 10:48.000
Nag-order siya ng champagne sa kuwarto.

10:49.959 --> 10:54.839
Siya rin ang nagbukas ng pinto
no'ng dumating 'yon.

10:54.920 --> 10:57.640
Nakaupo kami sa kama, nakatambay lang.

10:57.719 --> 10:59.320
Kaming tatlong babae.

10:59.400 --> 11:00.320
Tapos…

11:03.920 --> 11:05.280
Pinuntahan niya.

11:05.360 --> 11:07.839
May furniture yata do'n.

11:07.920 --> 11:10.480
Di ba laging may furniture
sa harap ng mga kama?

11:10.560 --> 11:14.320
Do'n niya nilagay 'yong champagne.
Nasa kama kami sa likod niya.

11:14.400 --> 11:17.000
Tapos binuhos niya
habang nakatalikod sa amin.

11:21.560 --> 11:23.000
Casual lang.

11:23.079 --> 11:26.400
Friendly lang 'yong environment.

11:30.560 --> 11:33.079
Naalala ko,

11:33.160 --> 11:38.600
biglang… nagbago 'yong vibe niya.

11:40.360 --> 11:43.079
Gusto niya nang maglaro.

11:44.079 --> 11:47.440
Tinanong niya kami,

11:47.520 --> 11:50.760
"Ilan na ang naka-sex n'yo?"

11:50.839 --> 11:52.839
Tapos…

11:54.640 --> 11:56.000
Sabi niya,

11:56.079 --> 12:00.320
"Ba't di tayo magpalit ng damit
o kaya maglaro ng truth or dare?"

12:02.120 --> 12:06.040
Sabi niya, "Okay lang ba…
Kung maging mas komportable ako?"

12:07.800 --> 12:10.079
Tapos naghubad siya ng pantalon.

12:10.800 --> 12:12.839
Naka-brief siya. Kumuha siya ng unan,

12:13.440 --> 12:15.280
tinakip niya sa sarili niya.

12:17.160 --> 12:20.040
Hindi ko…
Naisip ko, "'Tang ina, ano 'yon?"

12:20.120 --> 12:23.400
Pero maiisip mo rin na parang, well…

12:25.120 --> 12:27.480
Baka iba lang 'yong kultura, di ba?

12:27.560 --> 12:31.839
Baka, ewan, iba lang talaga siya.

12:31.920 --> 12:33.079
Di ko alam.

12:37.400 --> 12:42.719
Naalala kong nakaramdam na 'ko
ng pagod. Parang pagod na pagod…

12:43.839 --> 12:46.800
May higaan sa may aparador.

12:46.880 --> 12:49.680
Bumangon ako sa kama
at pumunta ako sa higaan.

12:50.560 --> 12:53.199
Humiga ako at nakatulog.

13:03.680 --> 13:06.120
Di ko alam kung gaano ako
katagal nakatulog. Ewan.

13:09.160 --> 13:11.959
Naalala ko lang na nagising ako.

13:13.880 --> 13:15.959
Walang tao sa kuwarto.

13:16.040 --> 13:18.320
Ang sama ng pakiramdam ko.

13:18.400 --> 13:21.079
Di ko pa 'yon naramdaman
sa buong buhay ko.

13:21.160 --> 13:23.719
Di ko pa talaga 'yon naramdaman
sa buong buhay ko.

13:26.920 --> 13:29.839
Parang naputol 'yong koneksiyon
ng isip at katawan ko,

13:29.920 --> 13:32.920
na sobrang bagal ng utak ko.

13:33.000 --> 13:35.640
Pagod lang 'yon.
Hindi ko alam kung ano 'yon.

13:37.400 --> 13:41.240
Pagtayo ko, naalala ko
na sumandal ako sa pader

13:41.320 --> 13:43.920
at hinila ko 'yong mga paa ko

13:44.000 --> 13:46.120
para makapunta sa banyo.

13:46.199 --> 13:50.120
Binuksan ko ang pinto ng banyo
at pagbukas ko…

13:52.520 --> 13:56.719
nasa shower sila Nicole at Ashley
at Manuel, silang tatlo.

13:56.800 --> 13:59.760
Naka-shirt at panty sila. Naka-brief siya.

14:00.959 --> 14:02.480
Sinara ko 'yong pinto.

14:03.120 --> 14:06.000
Naisip ko, "'Tang ina, ano 'yon?"

14:06.079 --> 14:08.160
Tapos…

14:10.560 --> 14:12.480
Nagmadali silang lumabas.

14:12.560 --> 14:15.560
Parang nahiya silang lahat.

14:15.640 --> 14:19.040
Kaya pumasok na ako
at umupo ako sa inidoro.

14:19.120 --> 14:21.079
Nakaharap ako sa pinto.

14:21.599 --> 14:23.079
Tapos…

14:23.560 --> 14:25.520
Ang naaalala ko lang…

14:29.719 --> 14:32.000
Ito ang matagal nang bumabagabag sa akin.

14:32.079 --> 14:36.199
'Yong alaala na bumukas 'yong pinto

14:36.280 --> 14:41.520
at nakita kong papalapit 'yong ari niya
sa akin at nilagay niya sa bibig ko.

14:41.599 --> 14:44.079
Tapos tinamaan ako sa ulo.

14:44.160 --> 14:46.319
Tapos nawalan ako ng malay.

15:07.880 --> 15:09.719
Nagising ako kinabukasan.

15:10.599 --> 15:12.640
May damit ako.

15:12.719 --> 15:17.760
Nasa kama sina Nicole at Ashley.
Natutulog sila.

15:17.839 --> 15:20.280
Tapos… Wala siya sa kuwarto.

15:20.959 --> 15:22.240
Wala na siya.

15:22.319 --> 15:25.439
Sobrang sakit ng katawan ko.

15:25.520 --> 15:27.199
Sobrang sakit.

15:27.280 --> 15:30.479
Naalala kong tinanggal ko 'yong kumot,

15:30.560 --> 15:33.000
tiningnan ko ang binti ko at may…

15:33.079 --> 15:35.640
Nakapantalon ako
tapos tiningnan ko 'yong tuhod ko.

15:35.719 --> 15:37.520
May mga pasa ako sa tuhod.

15:39.880 --> 15:43.479
Naramdaman ko lang na may mali.
Sobrang sakit ng katawan ko.

15:43.560 --> 15:46.760
Feeling ko, wala rin akong kontrol
at sobrang bagal ko.

15:47.959 --> 15:49.520
Naalala kong tumayo ako.

15:50.680 --> 15:53.839
Pumasok sa shower at naligo.

15:53.920 --> 15:56.079
Nagising sila

15:56.160 --> 15:59.079
at kailangan naming ihanda
ang mga gamit namin

15:59.160 --> 16:02.000
dahil babalik na kami sa Spain
noong umagang 'yon.

16:02.079 --> 16:07.319
Naalala ko na pagod na pagod ako.

16:15.160 --> 16:16.839
Kinuha ko ang mga gamit ko.

16:18.199 --> 16:20.439
Bumaba ako dala ang mga gamit ko.

16:21.400 --> 16:26.040
Umupo ako sa sofa no'ng umagang 'yon
no'ng naghahanda na kaming umalis.

16:27.240 --> 16:29.680
Tapos sumandal ako.

16:30.599 --> 16:31.680
Tapos pumikit.

16:32.760 --> 16:34.319
Naalala ko 'yong…

16:37.640 --> 16:40.640
pagbukas ng pinto at paglagay
niya ng ari niya sa bibig ko.

16:44.520 --> 16:46.880
Naalala ko na para akong masusuka.

16:52.359 --> 16:58.800
Sobrang linaw at parang totoo.
Nakakakilabot.

17:00.040 --> 17:03.560
Doon ko… na-realize kung ano'ng nangyari.

17:08.280 --> 17:10.240
Ang grabe pa do'n…

17:11.880 --> 17:13.720
Di ako pwedeng umiyak.

17:14.599 --> 17:16.079
Di ako pwedeng mataranta.

17:16.800 --> 17:18.720
Nasa ibang bansa ako.

17:18.800 --> 17:20.520
Kailangan ko na lang tiisin 'to.

17:20.599 --> 17:24.240
Kailangan ko na parang,
"Sige na, sumakay ka na lang sa bus."

17:24.319 --> 17:25.359
"Okay ka lang."

17:26.680 --> 17:28.640
Nasa may pinto ng bus si Manuel

17:28.720 --> 17:32.080
noong pasakay kami ng bus
papunta sa Salamanca.

17:34.760 --> 17:39.480
Naglakad ako para makasakay sa bus,
tapos hindi niya ako pinansin.

17:41.640 --> 17:43.040
Hindi ako…

17:43.520 --> 17:47.520
Para akong invisible,
na mas gusto ko naman.

17:57.960 --> 17:59.840
Pero di ako umiyak. Hindi ko…

18:00.560 --> 18:02.280
Wala akong ginawa. Di ako nag-react.

18:04.120 --> 18:07.440
Nag-focus na lang ako sa sarili ko.

18:07.520 --> 18:10.200
Pero parang… Walang tao.

18:17.840 --> 18:22.200
MAKALIPAS ANG 7 BUWAN

18:25.080 --> 18:30.520
Bumalik yata ako sa U.S.
siguro mga May 2014.

18:31.600 --> 18:34.200
Umiyak ako sa eroplano.

18:35.560 --> 18:40.000
Kasi di ko pa rin talaga
inaamin sa sarili ko 'yong nangyari.

18:46.320 --> 18:48.200
Noong bumalik siya,

18:48.280 --> 18:50.560
wala siya sa sarili niya.

18:50.640 --> 18:53.919
Tahimik lang siya at di gaya ng dati.

18:54.000 --> 18:57.000
Sasabihin namin,
"Ano'ng problema? Ano'ng nangyari?"

18:57.080 --> 18:59.200
Sasabihin niya, "Ayaw ko lang dito."

18:59.280 --> 19:01.760
"Ayaw ko rito. Ayaw ko…"

19:01.840 --> 19:04.440
"Di na 'ko sanay dito sa States."

19:06.280 --> 19:07.760
Naalala kong ni-research ko.

19:07.840 --> 19:10.960
Common daw 'yon sa mga batang
nag-aral sa ibang bansa.

19:11.640 --> 19:14.200
Re-entry depression ang tawag.

19:15.000 --> 19:17.040
Kung wala sila sa sarili nila pagbalik,

19:17.120 --> 19:18.960
normal lang 'yon.

19:19.040 --> 19:21.320
'Yon ang lagi niyang sinasabi
sa amin na nangyari.

19:25.159 --> 19:28.000
Sobrang takot akong
lumapit sa mga magulang ko

19:28.080 --> 19:30.720
at magsabi sa kanila dahil sobrang daming…

19:33.840 --> 19:35.240
sobrang daming…

19:36.480 --> 19:40.080
bagay na ayaw kong malaman nila.
Alam mo 'yon, parang…

19:44.280 --> 19:47.480
Panganay ako, e. Anak nila ako.

19:48.760 --> 19:52.040
Wala akong kakilala
na may ganitong experience.

19:53.360 --> 19:56.760
Ayaw kong maramdaman nila
na nabigo sila sa pagiging magulang,

19:56.840 --> 19:58.320
na hinayaan nila 'yon mangyari.

20:01.640 --> 20:03.840
Isang buwan lang siya sa bahay.

20:03.919 --> 20:07.720
Tapos magpapasukan na ulit sa university,

20:07.800 --> 20:10.960
na mga pitong oras
ang biyahe galing sa bahay.

20:12.760 --> 20:17.440
Walang gana si Gabrielle. Zero.
Hindi siya excited.

20:20.919 --> 20:24.200
Na-depress talaga ako.

20:24.280 --> 20:28.120
No'n lang ako na-depress nang gano'n.

20:28.200 --> 20:30.000
At…

20:30.080 --> 20:33.360
Parang… Naging mahirap na lahat.

20:33.440 --> 20:36.080
Lahat sa buhay ko naging sobrang hirap.

20:40.360 --> 20:44.360
Nag-isip na 'ko ng pagpapakamatay.

20:44.440 --> 20:48.360
Bigla-bigla at paulit-ulit pumapasok
sa isip ko na magpakamatay.

20:50.880 --> 20:53.440
Naisip ko, "Kailangan mong
sabihin sa mga magulang mo."

20:53.520 --> 20:56.760
"Sabihin mo sa mga magulang
mo, Gabby, kung ano'ng nangyayari."

20:58.960 --> 21:01.360
Nasa labas ako. Sabado noon.

21:04.520 --> 21:07.800
Ang ganda ng araw na 'yon. Tumawag siya.

21:10.200 --> 21:12.240
Sabi niya, "Uuwi ako."

21:12.320 --> 21:15.200
Sabi ko, "Bakit ka uuwi?
Ano'ng nangyayari?"

21:15.280 --> 21:18.040
Sabi ko, "Ginahasa ako."

21:18.120 --> 21:21.320
"Na-rape ako noong nasa Spain ako.
Kailangan kong umuwi."

21:24.520 --> 21:25.960
At…

21:28.560 --> 21:31.840
Sa totoo lang,
medyo malabo na pagkatapos no'n.

21:32.880 --> 21:36.040
Di ko sinabing, "Ano'ng nangyari?"
Sabi ko, "Halika na."

21:37.800 --> 21:40.760
Dalawa't kalahating taon
kong di sinabi sa pamilya ko.

21:40.840 --> 21:42.760
Akala lang nila depressed ako.

21:45.520 --> 21:47.000
Wala silang alam.

21:47.080 --> 21:50.200
Naisip ko, "Nanay ako, ba't di ko alam?"
Pero wala, e.

21:50.280 --> 21:53.240
Kahit 'yong biyenan ko, si abuela,

21:53.320 --> 21:55.600
sabi niya, "May nangyari ba sa kanya?"

21:55.679 --> 21:57.960
"Feeling ko may nangyari
sa kanya sa Spain."

21:58.040 --> 22:01.200
Sabi ko, "Walang nangyari sa kanya.
Normal lang 'to."

22:01.280 --> 22:05.000
Di ba? Pero pag naaalala ko
parang, "Ugh. Di ko…" Alam niya.

22:05.080 --> 22:07.360
Napansin niya na nagbago si Gabrielle.

22:13.960 --> 22:16.679
Binuksan ng mga magulang ko ang pinto at…

22:18.760 --> 22:23.280
Niyakap lang nila ako at alam mo na,
sinubukan na lang naming mag-move on.

22:23.360 --> 22:25.520
Parang… Desperado na 'ko.

22:25.600 --> 22:27.280
'Yon mismo ang kailangan ko.

22:27.360 --> 22:29.320
Kailangan ko lang ang pamilya ko.

22:29.399 --> 22:31.919
Kailangan ko rin harapin ang katotohanang…

22:32.919 --> 22:34.280
tinatago ko lang…

22:34.360 --> 22:36.880
Kailangan kong harapin
lahat at sabihin sa kanila

22:36.960 --> 22:39.600
at di na 'to ikimkim mag-isa.

22:41.840 --> 22:43.120
Yeah.

22:44.080 --> 22:47.960
Sabi ko, "Kilala mo ba siya?"
Sabi niya, "Oo. 'Yong tour guide."

22:48.040 --> 22:50.760
"'Yong may-ari ng tour company."

22:54.200 --> 22:56.000
Feeling ko 'yon ang naramdaman niya.

22:56.080 --> 22:59.520
Ayaw niya ngang sabihin nang malakas

22:59.600 --> 23:02.040
o pag-usapan ang mga detalye.

23:02.120 --> 23:07.080
Gusto niya lang na ligtas siya
sa bahay niya at makasama kami.

23:08.679 --> 23:12.360
Tapos tinanong nila ako, "Gusto mong
pumunta sa pulis?" Sabi ko, "Hindi."

23:12.439 --> 23:16.840
"Hindi, ayaw kong pumunta sa pulis.
Ayaw ko nang umabot sa gano'n."

23:20.679 --> 23:25.399
Panahon 'yon para magpahinga
at… magpagaling.

23:27.520 --> 23:29.720
Oo, mahirap. Ang hirap.

23:30.840 --> 23:32.480
Ang hirap no'n.

23:40.240 --> 23:45.560
MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON

23:55.320 --> 23:58.640
Artist at graphic designer ako.

23:58.720 --> 24:03.560
Noong 2018,
nasa senior year ako ng college

24:03.640 --> 24:06.520
sa Florida State University
sa Tallahassee, Florida.

24:11.880 --> 24:15.080
Pinakamalala noong nasa
Florida State University ako.

24:15.159 --> 24:17.439
PINAKAMALUNGKOT NA SANDALI NG BUHAY KO

24:17.520 --> 24:19.640
Naalala kong lumabas ako at umiyak.

24:21.120 --> 24:23.840
May project ako na ginagawa no'n.

24:23.919 --> 24:29.000
Installation ng mga karanasan ng mga tao.

24:29.080 --> 24:31.520
'Yong pinakamaganda
at pinakamasamang karanasan nila.

24:31.600 --> 24:35.360
Tungkol dapat 'yon sa ideya

24:35.439 --> 24:39.600
na hinuhubog tayo ng magaganda
at masasamang karanasan natin.

24:39.679 --> 24:43.240
Feeling ko tumigil ang mundo ko.

24:43.720 --> 24:46.200
Di ko alam ang gagawin ko.

24:46.280 --> 24:52.320
Nag-reach out ako sa Facebook
at Instagram at sa social media

24:52.399 --> 24:56.840
para maghanap ng mga tao na
ma-i-interview at marerekord.

24:56.919 --> 24:59.520
MAGSASAGAWA AKO NG MGA INTERVIEW

25:00.800 --> 25:06.120
Isa si Gabrielle sa mga sumagot

25:06.200 --> 25:11.560
at nagpadala ng audio recording niya
tungkol sa mga experience niya.

25:13.960 --> 25:15.360
ETO NA

25:15.439 --> 25:19.760
No'ng narinig ko ang pinakamalalang
araw niya, medyo…

25:19.840 --> 25:22.960
Medyo pamilyar siya sa akin.

25:24.199 --> 25:28.040
Si Gabrielle 'to.
Sasagutin ko na ang mga tanong mo.

25:28.640 --> 25:30.480
Pinakamalungkot na experience ko?

25:30.560 --> 25:32.600
Siguro noong ginahasa ako.

25:35.560 --> 25:37.679
Mag-isa ako sa Morocco noon.

25:37.760 --> 25:41.280
Di pala ako mag-isa.
Kasama ko 'yong dalawang kaibigan ko.

25:41.360 --> 25:42.880
At…

25:44.560 --> 25:45.880
nag-tour kami.

25:45.960 --> 25:50.240
May ginawang kalokohan
'yong tour guide sa 'kin.

25:50.320 --> 25:53.600
Anyways, mahirap 'yon
para sa 19-year-old na babae.

25:55.560 --> 25:57.040
Pagkatapos ng araw na 'yon,

25:58.360 --> 25:59.919
lahat,

26:00.439 --> 26:01.640
nagbago.

26:01.720 --> 26:03.800
Di na ako bata.

26:05.960 --> 26:10.000
Di niya sinabi ang pangalan ng kompanya.
Pati ang pangalan ni Manu.

26:10.080 --> 26:12.960
Kinutuban lang ako.

26:13.040 --> 26:16.919
'Yon ang nag-udyok sa akin
na kontakin siya.

26:17.840 --> 26:20.040
SALAMAT SA GINAWA MO!

26:20.120 --> 26:22.320
NA-A-APPRECIATE KO TALAGA

26:22.399 --> 26:24.080
SORRY SA NANGYARI SA IYO SA MOROCCO

26:24.159 --> 26:27.880
Nag-message siya at sabi niya,
"Uy, salamat na pinadala mo 'to."

26:27.960 --> 26:30.240
"Na-a-appreciate ko ang ginawa mo."

26:30.320 --> 26:32.040
"Sorry sa nangyari sa 'yo."

26:32.120 --> 26:36.480
Tinanong ko siya kung
'yong Discover Excursions

26:36.560 --> 26:38.960
ang kinuha niyang kompanya.

26:39.840 --> 26:41.600
Sabi niya, "Oo."

26:41.679 --> 26:46.520
Tinanong niya ako kung
si Manu ba ang tinutukoy ko.

26:47.120 --> 26:49.000
Ang sabi ko, "Oo."

26:51.840 --> 26:56.840
Kaya nag-panic na 'ko,
di na 'ko makapag-isip.

26:56.919 --> 27:01.040
Nalaman ko na may nangyari
ring ganito sa iba.

27:04.840 --> 27:09.800
Pumunta ako sa Spain
para mag-aral noong 2017.

27:17.360 --> 27:20.000
Inirekomenda ng ate ko

27:20.080 --> 27:22.120
ang Discover Excursions sa amin.

27:22.960 --> 27:26.199
Gusto naming pumunta sa Morocco.

27:26.280 --> 27:27.560
MAG-BOOK KA NA!

27:27.640 --> 27:30.199
Gusto mo rin maniwala

27:30.280 --> 27:32.960
na maganda ang intensiyon nila sa inyo

27:33.040 --> 27:35.600
kapag magkasama kayo sa labas ng bansa.

27:36.120 --> 27:37.600
Diyos ko!

27:37.679 --> 27:38.520
Ano?

27:38.600 --> 27:40.480
Naalala ko na…

27:41.199 --> 27:44.560
may isang gabi sa mga trip na 'yon

27:44.640 --> 27:48.000
na magpapa-party sila nang bongga.

27:59.520 --> 28:04.320
At 'yon 'yong gabi kung kailan niya…

28:04.960 --> 28:07.640
Binastos niya 'yong
isang babae sa grupo namin.

28:10.240 --> 28:12.560
Nakita kong kakaiba ang
kilos niya sa kanya.

28:14.000 --> 28:16.360
Lagi siyang…

28:17.280 --> 28:18.840
lumalapit kay Catherine.

28:18.919 --> 28:21.760
Pakiramdam ko sinusundan niya siya

28:21.840 --> 28:25.439
at lagi siyang nasa tabi niya,
lagi siyang kinakausap.

28:28.840 --> 28:31.880
Tinanong ko si Liz, "Pwede mo
'kong tulungan na makausap siya?"

28:32.800 --> 28:34.399
OO

28:37.480 --> 28:40.120
So kinontak ko 'yong babae.

28:40.199 --> 28:43.639
Sabi niya,
"Oo, tinulak ako ni Manuel sa kama

28:43.720 --> 28:46.800
at ipinilit ang sarili niya
sa akin. Natakot talaga ako."

28:46.879 --> 28:51.040
"Pero nabalitaan ko na mas malala pa

28:51.120 --> 28:54.679
ang nangyari sa dalawa pang babae
sa ibang Discover Excursions trip."

28:55.720 --> 28:58.399
Kaya sabi ko, "Pwede mo akong
tulungan na makontak sila?"

28:58.480 --> 29:01.639
"Kailangan ko silang mahanap at makausap."

29:02.760 --> 29:04.320
At…

29:05.840 --> 29:09.199
Kaya first time kong kinontak
sina Hayley at Carly.

29:18.520 --> 29:22.639
Sinabi nila sa akin na…

29:22.720 --> 29:25.480
kinorner niya sila sa kuwarto,
silang dalawa,

29:25.560 --> 29:28.879
sa isang kuwarto sa Portugal
sa isa sa mga Discover Excursions trip.

29:29.919 --> 29:30.959
BOSES NI CARLY

29:31.040 --> 29:35.280
Gusto niya na uminom lang
kami nang uminom.

29:36.120 --> 29:39.199
Gusto niyang maglaro ng truth or dare.

29:39.280 --> 29:42.439
Gusto niya rin na halikan
namin siya at sayawan.

29:42.520 --> 29:45.720
Hinawakan niya 'yong isa sa kanila
at di niya pinakawalan.

29:45.800 --> 29:48.199
Pinilit niya rin silang hipuin siya.

29:50.240 --> 29:54.360
Sabi niya, "'Yong isa sa inyo,
hihipuin ako. 'Yong isa, hahalikan ako."

29:54.959 --> 29:57.199
Sabi niya na di kami pwedeng umalis

29:57.280 --> 30:00.120
dahil di namin siya pwedeng iwan na bitin.

30:00.199 --> 30:02.879
Kaya natakot sila. Natakot sila.

30:02.959 --> 30:07.159
Nakalayo si Hayley sa kanya.

30:07.240 --> 30:10.439
No'ng sinabi ni Hayley sa kanya
na pakawalan ako,

30:10.520 --> 30:13.879
sinabi niya na di niya
ako pwedeng pakawalan

30:13.959 --> 30:16.520
dahil dapat may tumapos sa trabaho.

30:16.600 --> 30:19.840
Tumakbo siya sa hallway,
binuksan ang pinto at sinabing,

30:19.919 --> 30:23.120
"Kung di ka lalabas, sasabihin namin
sa lahat ang ginagawa mo.

30:23.199 --> 30:24.720
Pinakawalan niya 'ko.

30:24.800 --> 30:29.280
Kinabukasan, wala na siya.

30:29.360 --> 30:32.320
Sabi ng ibang mga tour guide

30:32.399 --> 30:35.560
na nagkaroon siya ng family emergency.

30:39.360 --> 30:42.600
Kaya no'ng nahanap ko na
'yong tatlong babae,

30:43.280 --> 30:46.639
nagbago ang isip ko.

30:53.639 --> 30:56.120
Tinawagan niya ako
habang nagwawala, umiiyak.

30:56.199 --> 30:58.600
"Ginagawa niya 'to sa ibang babae!"

30:58.679 --> 31:00.800
Sabi ko, "Ano'ng sinasabi mo?"

31:01.720 --> 31:06.800
Nasa kotse ako pauwi
at kausap ko ang mama ko sa telepono

31:06.879 --> 31:09.720
at naka-focus ako sa gagawin ko.

31:11.560 --> 31:15.159
Paguwi ko, nag-post na 'ko sa Facebook.

31:17.600 --> 31:19.480
HI GUYS! SANA OKAY LANG KAYO

31:19.560 --> 31:21.360
"Nangre-rape pa rin 'yong rapist ko."

31:21.439 --> 31:24.879
"Kung may kilala kayong pupunta sa Spain,
sabihin n'yo sa kanila

31:24.959 --> 31:29.320
na delikado si Manuel Blanco Vela
ng Discover Excursions."

31:29.399 --> 31:31.040
"Paki-share 'to."

31:31.120 --> 31:31.959
"Ako rin."

31:32.040 --> 31:35.120
Di na 'ko tumigil sa pagsulat.

31:35.199 --> 31:38.120
Tinodo ko na rin

31:38.199 --> 31:40.520
kaya… inulit-ulit ko 'yong message.

31:42.959 --> 31:44.879
"Ang tagal na nating di nag-usap."

31:44.959 --> 31:48.480
"Nangre-rape pa rin ang rapist ko.
Pwede mong i-share 'yong status ko?"

31:48.560 --> 31:50.240
Ang tindi no'n.

31:51.199 --> 31:54.840
Pinadala ko 'yon sa 200 na tao.

31:54.919 --> 31:58.719
Mga direct message sa Facebook.
Pinadala ko lang nang pinadala.

31:58.800 --> 32:02.360
May mga kakilala ang papa ko sa Miami

32:02.439 --> 32:05.560
sa general consul sa embassy,
ang Spanish Embassy sa Miami.

32:11.320 --> 32:16.040
Pumunta ako doon, sinabi ko ang nangyayari
at may mga nakilala akong babae.

32:16.120 --> 32:19.320
Naalala kong sobrang bait ng consul.

32:20.600 --> 32:23.000
Tutulungan niya 'ko pero nag-alangan siya.

32:23.080 --> 32:26.120
Sabi niya,
"Di mo dapat ilabas sa balita 'to."

32:26.199 --> 32:28.600
"Wag mong banggitin sa kahit kanino."

32:28.679 --> 32:31.879
Bakit kaya ayaw niya
na pumunta kami sa press?

32:31.959 --> 32:34.760
Dahil magmumukhang masama 'yong bansa.

32:40.080 --> 32:43.360
No'ng sinabi niyang, "hindi,"
naisip ko, "'Yan mismo ang gagawin ko."

32:57.600 --> 33:00.840
Nasa green room kami no'n
at parang, natakot na 'ko.

33:00.919 --> 33:03.560
Nagba-black out ako, alam mo 'yon?

33:03.639 --> 33:05.760
-One minute!
-One minute, guys.

33:05.840 --> 33:07.439
Eto na. Galingan natin.

33:12.000 --> 33:15.080
Naalala kong nakatayo ako
sa likod ng stage.

33:16.280 --> 33:20.560
Tapos… humagulgol na 'ko.

33:23.080 --> 33:28.199
-Camera three…
-Four, three, two, one.

33:29.159 --> 33:30.320
Live na tayo.

33:30.399 --> 33:34.360
Tapos humagulgol na 'ko.
Lumapit siya sa 'kin, sabi niya,

33:34.439 --> 33:36.040
"Tama ang ginagawa mo."

33:36.120 --> 33:38.840
"Makakatulong 'to sa 'yo
saka mahuhuli mo rin siya."

33:38.919 --> 33:40.600
Naisip ko,

33:40.679 --> 33:43.159
"Kung sinabi 'yon ni Megyn Kelly,
siguro, bahala na."

33:43.240 --> 33:44.800
"Kailangan ko 'tong gawin."

33:44.879 --> 33:49.240
So lumabas siya sa stage
tapos lumabas ako.

33:49.320 --> 33:52.120
Naalala kong tiningnan ko siya.

33:52.199 --> 33:54.320
Tinanong niya ako

33:54.399 --> 33:57.439
pero wala na akong maalala.

34:00.080 --> 34:02.399
Pero naging maayos naman daw.

34:02.480 --> 34:05.480
Nasa green room kami ng asawa ko
habang nagfi-film sila.

34:05.560 --> 34:07.240
Proud na proud kami sa kanya.

34:07.320 --> 34:13.159
Alam yata namin noon
na magiging malaking isyu 'to.

34:14.760 --> 34:16.239
Alam ko…

34:18.040 --> 34:20.920
na pumapasok ako sa sitwasyon
na wala akong kaalam-alam.

34:21.000 --> 34:22.799
Hindi ko alam kung…

34:23.719 --> 34:24.920
ano…

34:25.000 --> 34:27.799
Hindi ko alam na ganito ang mangyayari.

34:32.120 --> 34:33.839
No'ng pinalabas 'yong show,

34:33.920 --> 34:36.040
maraming kumontak sa 'kin.

34:37.600 --> 34:41.000
Laging nagri-ring 'yong phone ko.

34:42.560 --> 34:44.040
Sa interview,

34:44.120 --> 34:49.839
pinakita nila 'yong picture
ng lalaking kilala kong si Manu White.

34:50.480 --> 34:53.159
Sumigaw ako, "Siya 'yan!"

34:54.319 --> 34:57.799
Nakaupo ako at naisip ko,
"Wow, grabe 'to."

34:57.880 --> 35:00.920
Hindi siya nabanggit.
Pero sabi ko, "Si Manu 'to."

35:02.799 --> 35:06.760
Nagka-sense na lahat no'ng narinig
namin 'yong kuwento ni Gabrielle.

35:08.240 --> 35:11.880
Hinding-hindi ko naisip
na si Manu pala 'yon.

35:11.960 --> 35:14.720
Nalinawan talaga ako.

35:14.799 --> 35:16.120
Pero…

35:16.880 --> 35:18.640
sobrang nagalit din.

35:19.799 --> 35:24.600
Siguro no'ng nalaman ko
'yong tungkol kay Gabrielle, malinaw na

35:24.680 --> 35:27.319
na serial predator siya

35:27.400 --> 35:31.080
at ginawa niya
'yong mga krimen at pag-atake.

35:31.160 --> 35:34.799
Doon ko nalaman na 'yong nangyari sa 'kin,

35:34.880 --> 35:39.360
nangyayari din sa mga babae
sa loob ng maraming taon.

35:39.440 --> 35:41.280
At malamang ilang taon na rin bago 'yon.

35:41.360 --> 35:45.000
Sabi ko sa parents ko, "May nakilala
akong babae na taga-Rhode Island."

35:45.080 --> 35:47.240
"May nakilala din ako na nasa Virginia."

35:47.319 --> 35:49.920
"Meron din sa Florida. Tatlong babae."

35:50.000 --> 35:51.040
"May isa sa New York."

35:51.120 --> 35:54.799
Pagkatapos mahanap 'yong mga babae,
sabi ng parents ko, "Susmaryosep, 'nak."

36:10.400 --> 36:12.720
Parte 'to ng kuwento na…

36:12.799 --> 36:16.120
minessage ko kay Gabrielle.

36:16.200 --> 36:19.000
Na isang araw…

36:19.080 --> 36:22.120
early April yata 'yon.

36:23.160 --> 36:27.520
Nakaupo ako sa opisina, wala si Manu.

36:28.960 --> 36:32.080
Ang trabaho ko, maghanap…

36:32.160 --> 36:36.400
May iba't ibang Facebook group
ang mga university sa ibang bansa.

36:36.480 --> 36:40.200
Dapat isa-isahin ko 'yong mga tao

36:40.280 --> 36:43.720
at mag-message sa kanila
gamit ang account ng Discover Excursions

36:43.799 --> 36:47.960
at sasabihing, "Halika sa Morocco.
Eto ang discount code."

36:52.200 --> 36:55.720
Tapos nakita ko siyang naglalakad,
gamit 'yong phone.

36:57.120 --> 37:00.440
Tapos pumasok siya
at kinuha niya 'ko gaya ng dati.

37:00.520 --> 37:02.520
"Aubrey, mag-lunch na tayo."

37:02.600 --> 37:06.920
"Kailangan kong sabihin ang nangyayari."

37:07.000 --> 37:08.120
Sabi ko, "Okay."

37:10.040 --> 37:11.680
So nag-lunch kami.

37:12.359 --> 37:15.280
Umupo siya. Nag-order. Gaya ng dati.

37:15.359 --> 37:17.799
Laging siya ang nag-oorder para sa amin.

37:17.880 --> 37:22.720
Tapos lumabas siya, naglakad-lakad,
gamit 'yong phone niya

37:22.799 --> 37:25.600
at medyo natataranta.

37:28.960 --> 37:33.319
Tapos lumapit na siya.
Umupo. Di siya makakain.

37:33.400 --> 37:36.760
Tapos pinaliwanag niya sa akin,

37:36.839 --> 37:39.120
"May mga babae

37:39.200 --> 37:44.600
na sinusubukang sirain
ang reputasyon ko, saktan ako,

37:44.680 --> 37:46.760
at kunin ang pera ko."

37:46.839 --> 37:49.799
"Hindi ko alam kung
bakit nila 'yon ginagawa."

37:49.880 --> 37:53.120
"Nakakalungkot. Kawawa ang pamilya ko."

37:53.200 --> 37:55.200
"Masisira ang reputasyon ko."

37:55.280 --> 37:58.160
"Masasaktan ang nanay ko."

37:58.760 --> 38:02.960
Sabi ko, "Wow. Oo. Grabe naman 'yan."

38:03.880 --> 38:06.720
Binabaliktad niya 'yong kuwento.

38:06.799 --> 38:09.480
Gusto niyang makuha ang simpatiya ko.

38:09.560 --> 38:10.760
Tapos…

38:11.520 --> 38:15.280
Bumalik ako sa opisina, umalis siya.

38:16.400 --> 38:20.520
Alam kong nasa The Today Show 'yon.
Kaya nanood ako ng The Today Show.

38:22.359 --> 38:26.280
Nakita ko kung gaano
kalala 'yong sitwasyon.

38:28.799 --> 38:30.440
Kaya umalis ako.

38:30.520 --> 38:35.760
Kinabukasan, ipinasara 'yong opisina.

38:38.200 --> 38:42.200
Sinusubaybayan namin
ang naging viral na kasong ito.

38:42.280 --> 38:45.680
Iniimbestigahan ng pulis kung
nanggahasa ba ng mga kliyente

38:45.760 --> 38:49.760
na galing sa United States
ang may-ari ng negosyo na taga-Seville.

38:49.839 --> 38:52.319
Isang Florida student
ang nagsampa ng reklamo

38:52.400 --> 38:55.880
at nag-trigger ito
ng mga kaparehong report.

38:55.960 --> 38:58.440
Nandito kami sa headquarters
ng travel agency,

38:58.520 --> 39:00.799
na sa makikita n'yo, sarado na.

39:00.880 --> 39:03.400
Sinubukan naming kausapin
ang direktor ng ahensiya,

39:03.480 --> 39:07.240
pero hindi pa rin siya sumasagot
sa message ng media.

39:11.920 --> 39:16.520
Tinatawagan ko ang ahensiya,
ang Discover Excursions. Walang sumasagot.

39:16.600 --> 39:19.440
Pumunta ako do'n dahil
malapit lang sa newsroom.

39:19.520 --> 39:21.560
Sarado na. Walang tao sa loob.

39:21.640 --> 39:23.760
Nakuha ko 'yong number ni Manuel Blanco.

39:23.839 --> 39:24.880
Tinawagan ko.

39:24.960 --> 39:26.400
Sinagot niya 'yong telepono.

39:26.920 --> 39:28.839
Sinabi kong taga-Diario de Sevilla ako,

39:28.920 --> 39:31.120
na gusto ko siyang makausap.
Binabaan niya 'ko.

39:33.040 --> 39:35.520
Nagdesisyon akong mag-message sa WhatsApp.

39:35.600 --> 39:38.319
Maikli lang 'yong sagot niya.

39:39.000 --> 39:43.080
"Sa ngalan ng kompanya, masasabi naming
paninirang-puri at kasinungalingan 'yan."

39:43.160 --> 39:45.120
"Walang mga kaso at ebidensiya."

39:45.200 --> 39:47.720
"Nag-viral lang lahat
nang walang basehan."

39:47.799 --> 39:51.600
"Alam ng mga abogado ng kompanya,
sa United States at sa Spain."

39:51.680 --> 39:54.040
'Yon lang ang message,

39:54.120 --> 39:56.839
na isinama ko nang buo sa balita ko.

39:59.000 --> 39:59.920
"NATAKOT AKO."

40:00.000 --> 40:02.680
Naalala ko, may mga pinapadala sa akin.

40:02.760 --> 40:05.920
Sigurado rin akong may nagpadala

40:06.000 --> 40:12.880
ng screenshot ng Google na may
"Permanently closed" 'yong location at…

40:14.799 --> 40:17.680
Ang astig no'n.

40:17.760 --> 40:21.520
Ang astig. Ang galing. Parang…

40:21.600 --> 40:26.560
Parang, okay, wala na siyang access.

40:28.160 --> 40:32.440
'Tang ina mo at ng mga kaibigan mo
at lahat ng sumuporta sa 'yo.

40:32.520 --> 40:33.960
Putang ina mo.

40:44.200 --> 40:47.120
SHANNON M
NANGYARI RIN SA AKIN

40:47.640 --> 40:50.319
M. S.
NI-RAPE DIN AKO NI MANUEL

40:50.400 --> 40:55.480
Karamihan sa mga message,
dumating ng linggong 'yon.

40:55.560 --> 40:57.520
Tapos dumating na 'yong iba pa.

40:57.600 --> 41:00.000
Tapos may mga babaeng nag-message,

41:00.080 --> 41:03.760
"Ni-rape niya ang kaibigan ko
pero natatakot siyang kontakin ka."

41:03.839 --> 41:06.440
HAILEY M.
HINDI KA NAG-IISA

41:06.520 --> 41:09.040
"Ginahasa niya 'ko pero…"

41:09.920 --> 41:12.560
"Ayaw kong sabihin sa pamilya ko.
Di ko alam ang gagawin."

41:12.640 --> 41:15.640
Madaming lumalapit sa 'kin at gustong…

41:15.720 --> 41:18.000
Sinasabi nila lahat sa akin.

41:19.000 --> 41:20.560
Isa 'yon sa mga moment

41:20.640 --> 41:25.720
kung saan wala akong ideya
kung ano ang pinasok ko.

41:26.400 --> 41:29.280
Naalala kong may direct message
ako sa Facebook.

41:32.200 --> 41:33.760
Sabi niya,

41:33.839 --> 41:36.040
"Pinatay ni Manuel Blanco Vela
ang anak ko."

41:38.080 --> 41:41.040
PINATAY NI MANUEL BLANCO VELA
ANG ANAK KO

42:37.920 --> 42:42.920
Nagsalin ng Subtitle: SM Sacay
NG ANAK KO
