WEBVTT

00:00:15.348 --> 00:00:19.227 align:center
PUBLIC PROSECUTOR'S OFFICE
OF THE FEDERAL DISTRICT

00:00:19.978 --> 00:00:26.067 align:center
No'ng 2020,
3,748 na babae ang pinatay sa Mexico.

00:00:27.944 --> 00:00:31.531 align:center
Sa mga 'yon,
2,801 ang intensiyonal na homicides,

00:00:32.115 --> 00:00:34.951 align:center
tapos 947 ang femicides.

00:00:40.707 --> 00:00:41.916 align:center
Bilang babae,

00:00:42.000 --> 00:00:45.920 align:center
sa lugar kung saan naghahanap tayo
ng hustisya laban sa karahasan,

00:00:46.004 --> 00:00:47.839 align:center
dapat magkaisa tayong lahat.

00:00:49.382 --> 00:00:53.511 align:center
Ibig sabihin, dapat alam natin
na kailangan natin ang isa't isa.

00:00:54.512 --> 00:00:56.139 align:center
Itinalaga si Sayuri Herrera

00:00:56.222 --> 00:00:59.809 align:center
bilang head ng Prosecutor's Office
for the Investigation of Femicides

00:00:59.893 --> 00:01:02.771 align:center
sa Office of the Prosecutor General
sa Lungsod ng Mexico.

00:01:02.854 --> 00:01:06.775 align:center
Inanunsiyo ng piskal
ang kanyang pagkakatalaga sa social media.

00:01:06.858 --> 00:01:10.403 align:center
Isang abogadong may background
sa pakikibaka sa lipunan, sa aktibismo,

00:01:10.487 --> 00:01:11.863 align:center
hindi tipikal na profile.

00:01:12.363 --> 00:01:17.285 align:center
Siyempre, nakakatakot maglakas-loob
at maging prosecutor.

00:01:17.368 --> 00:01:21.664 align:center
Pero naisip ko din,
"Kailangang may gumawa nito."

00:01:21.748 --> 00:01:24.667 align:center
Ang pagtalaga kay Sayuri Herrera Román,
Master of Laws,

00:01:24.751 --> 00:01:27.128 align:center
ay naglalayong bumuo ng bagong modelo

00:01:27.212 --> 00:01:30.048 align:center
sa pagtugon sa mga krimen
laban sa mga kababaihan

00:01:30.131 --> 00:01:32.300 align:center
at para wakasan
ang kawalan ng pananagutan.

00:01:32.801 --> 00:01:35.470 align:center
Di naman kailangang ako.
Kahit sino, pwede.

00:01:36.346 --> 00:01:38.890 align:center
Pero pakiramdam ko, kailangan kong gawin.

00:01:40.809 --> 00:01:42.852 align:center
Kaya tanungin natin ang mga sarili natin,

00:01:43.353 --> 00:01:47.607 align:center
kung may crime categorization,
mga protocol,

00:01:47.690 --> 00:01:49.317 align:center
at mga prosecutor office tayo,

00:01:49.400 --> 00:01:53.238 align:center
bakit normal ang kawalan ng pananagutan?

00:01:53.321 --> 00:01:55.615 align:center
DEPARTMENT OF JUSTICE
LUNGSOD NG MEXICO

00:02:30.525 --> 00:02:35.613 align:center
THE PROSECUTOR

00:02:40.118 --> 00:02:41.202 align:center
LUNGSOD NG MEXICO

00:02:41.286 --> 00:02:45.665 align:center
Dito 'yong mga naunang dumating.
Lakad na, dito.

00:02:45.748 --> 00:02:47.458 align:center
Pasok po.

00:03:00.263 --> 00:03:03.975 align:center
PROSECUTOR'S OFFICE
FOR THE INVESTIGATION OF FEMICIDES

00:03:05.143 --> 00:03:08.605 align:center
Mga lalaki ang gumagawa ng femicides.

00:03:08.688 --> 00:03:11.941 align:center
Kadalasan, kakilala sila ng biktima,

00:03:12.025 --> 00:03:14.569 align:center
may koneksiyon sa kanila.

00:03:15.361 --> 00:03:20.783 align:center
Kaya maaagapan ang ganitong krimen,

00:03:20.867 --> 00:03:23.661 align:center
mako-control, at mapupuksa,

00:03:23.745 --> 00:03:26.664 align:center
kasi alam natin kung saan nanggagaling.

00:03:26.748 --> 00:03:29.834 align:center
PROSECUTOR NG FEMICIDE
SA LUNGSOD NG MEXICO

00:03:32.754 --> 00:03:37.091 align:center
Bawat unit,
may sariling police investigation unit

00:03:37.175 --> 00:03:42.680 align:center
na humahawak sa lahat
ng marahas na pagkamatay sa siyudad.

00:03:50.688 --> 00:03:52.941 align:center
Magandang umaga,
Femicide Prosecutor's Office.

00:03:53.441 --> 00:03:55.944 align:center
Ano'ng ibig sabihin
ng "marahas na pagkamatay"?

00:03:56.027 --> 00:03:59.489 align:center
Pag merong injury,

00:03:59.572 --> 00:04:04.077 align:center
dapat naming i-rule out
ang apat na klase ng sanhi,

00:04:04.160 --> 00:04:06.663 align:center
mga natural na sanhi,

00:04:07.789 --> 00:04:09.499 align:center
mga aksidente,

00:04:10.416 --> 00:04:11.834 align:center
pagpapakamatay,

00:04:12.335 --> 00:04:16.923 align:center
o 'yong klase
na may kinalaman sa 'min, mga krimen.

00:04:19.008 --> 00:04:22.720 align:center
Kaya 24 oras kaming on call

00:04:22.804 --> 00:04:25.765 align:center
para sa anumang may kinalaman
sa ganitong mga isyu.

00:04:29.310 --> 00:04:33.815 align:center
Hindi paulit-ulit o nakakabagot
ang ginagawa sa duty.

00:04:33.898 --> 00:04:35.608 align:center
Ibig kong sabihin, sa trabahong 'to…

00:04:36.192 --> 00:04:40.738 align:center
Hindi mo alam ang aasahan
kapag on call ka.

00:04:42.365 --> 00:04:44.534 align:center
Avenida Principal

00:04:45.576 --> 00:04:47.578 align:center
saka Gloria Marín.

00:04:48.079 --> 00:04:50.748 align:center
Komunidad ng Ampliacion Emiliano Zapata,

00:04:50.832 --> 00:04:53.501 align:center
Iztapalapa, Mexico City.

00:05:00.008 --> 00:05:03.386 align:center
Lahat, meron kami,
tangkang pagpatay, karahasan, mga injury.

00:05:03.469 --> 00:05:05.138 align:center
-Putok ng baril, suicide.
-Suicide.

00:05:05.221 --> 00:05:06.639 align:center
Nabubulok na mga katawan.

00:05:06.723 --> 00:05:11.602 align:center
Delikado talaga pag nasa duty. Totoo 'yon.

00:05:12.270 --> 00:05:14.230 align:center
Natagpuan siyang nakabalot sa kumot.

00:05:15.565 --> 00:05:16.941 align:center
Puti at asul na kumot

00:05:17.025 --> 00:05:23.239 align:center
na may itim na patayo
saka pahalang na stripes.

00:05:31.539 --> 00:05:34.500 align:center
Pag inaabisuhan kami na may krimen,

00:05:34.584 --> 00:05:36.502 align:center
bini-verify ng mga pulis ang nangyari

00:05:36.586 --> 00:05:39.630 align:center
para makapagpadala kami
ng mga ekspertong imbestigador

00:05:39.714 --> 00:05:41.632 align:center
na kukuha ng ebidensiya sa pinangyarihan.

00:05:51.893 --> 00:05:53.394 align:center
Oo, maraming ginagawa.

00:05:53.478 --> 00:05:55.980 align:center
Oo, masyado mong nae-expose ang sarili mo

00:05:56.481 --> 00:06:00.276 align:center
kasi lumalabas ka pag may tumatawag
kahit alas-tres ng umaga pa 'yan.

00:06:00.359 --> 00:06:02.278 align:center
Saka kadalasan, mahirap hanapin ang lugar.

00:06:02.361 --> 00:06:05.865 align:center
Delikadong mga lugar 'yon.
Minsan, walang signal ang cellphone.

00:06:05.948 --> 00:06:08.785 align:center
Maruruming lugar, alam mo 'yon?

00:06:08.868 --> 00:06:14.624 align:center
Tambak ang mga basura, mga ipis,
mga surot, lahat ng klase ng bagay.

00:06:18.961 --> 00:06:22.423 align:center
Kahapon, no'ng binuksan ko ang tindahan,
nakita ko 'yong…

00:06:24.675 --> 00:06:29.722 align:center
Laging puno ng basura d'yan,
kaya di ko naisip na may tao.

00:06:42.402 --> 00:06:48.032 align:center
Sa mga prosecutor office na pinili ko,
'yong Homicide, Femicide, o Kidnapping.

00:06:48.116 --> 00:06:51.786 align:center
Silang tatlong 'yong goal ko,
tapos na-assign ako sa Femicide.

00:06:52.537 --> 00:06:56.165 align:center
Naaalala ko no'n,
tumataas na ang femicides,

00:06:56.249 --> 00:06:58.584 align:center
pero di pa gano'n karami.

00:06:58.668 --> 00:07:01.504 align:center
No'ng nagsisimula pa lang ako,
may isa o dalawa kada shift.

00:07:02.046 --> 00:07:03.631 align:center
Hindi pa gano'n karami.

00:07:12.390 --> 00:07:16.978 align:center
Ang prosecutor ang responsable
sa pag-iimbestiga

00:07:17.061 --> 00:07:21.732 align:center
at paglilinaw ng mga insidente
ng karahasan laban sa mga indibidwal

00:07:21.816 --> 00:07:24.861 align:center
para magkaroon sila
ng pagkakataong mabigyan ng hustisya.

00:07:26.362 --> 00:07:28.656 align:center
Merong 591? Sa aling files?

00:07:30.158 --> 00:07:32.910 align:center
-Sa parteng 'yon ng files…
-Saka ano'ng…

00:07:32.994 --> 00:07:35.288 align:center
Ang prosecutor ang namamahala

00:07:35.371 --> 00:07:40.501 align:center
sa isang team ng mga espesyalista,

00:07:40.585 --> 00:07:45.006 align:center
na binubuo ng mga public prosecutor,
mga ekspertong lalaki at babae,

00:07:45.089 --> 00:07:49.844 align:center
at mga imbestigador
para gawin ang trabahong 'to.

00:07:56.309 --> 00:07:59.437 align:center
Wala akong karanasan dito.
Di pa ako nagiging public prosecutor.

00:08:00.521 --> 00:08:03.065 align:center
Dati akong aktibista,

00:08:03.149 --> 00:08:09.363 align:center
kaya mahirap kasi may stigma
na hindi ka mapagkakatiwalaan.

00:08:09.447 --> 00:08:12.533 align:center
Ang sinasabi nila sa 'kin,
"Non-institutional 'yang si Sayuri."

00:08:13.743 --> 00:08:18.956 align:center
Sa unang araw ko bilang prosecutor,
nagbitiw ang lahat ng public prosecutor.

00:08:19.040 --> 00:08:19.957 align:center
Lahat sila.

00:08:20.041 --> 00:08:21.459 align:center
Ayaw na nila dito.

00:08:22.126 --> 00:08:24.378 align:center
At ayaw nila akong makatrabaho.

00:08:26.005 --> 00:08:28.382 align:center
Nahusgahan na nila ang pagkatao ko.

00:08:28.466 --> 00:08:30.676 align:center
Kaya tayo nagwewelga ngayon.

00:08:30.760 --> 00:08:34.055 align:center
Dahil dito, 83 araw na tayong nagwewelga.

00:08:34.138 --> 00:08:36.265 align:center
Dahil dito, patuloy nating ipinaglalaban

00:08:36.349 --> 00:08:40.436 align:center
at iginigiit ang isang demokratiko,
libre, at tanyag na UNAM.

00:08:40.520 --> 00:08:44.941 align:center
Kaya ipinaglaban natin ang puwestong 'to.
Pakiusap sa mga awtoridad, magkasundo…

00:08:45.024 --> 00:08:48.319 align:center
May mga nakilala ako
sa Prosecutor's Office na sinabi sa 'king,

00:08:48.986 --> 00:08:51.364 align:center
"Galing ka sa klase ng '99!"

00:08:51.864 --> 00:08:56.160 align:center
Na para bang ang sinasabi,
"Isa ka sa mga pasaway na nagwelga."

00:08:56.244 --> 00:08:58.871 align:center
WELGA NG MGA ESTUDYANTE SA UNAM

00:09:01.707 --> 00:09:05.086 align:center
Naranasan ko
'yong matinding panggigipit noon

00:09:06.462 --> 00:09:11.801 align:center
dahil pinagmukha kaming mga kriminal
kasi mga estudyante kami ng UNAM

00:09:12.301 --> 00:09:14.845 align:center
na nagpoprotesta at humihingi

00:09:14.929 --> 00:09:19.559 align:center
ng access sa libre
at pampublikong edukasyon.

00:09:20.518 --> 00:09:23.354 align:center
Kinalaban nila ang lahat ng estudyanteng

00:09:23.854 --> 00:09:27.024 align:center
sumuporta sa welga no'ng 1999.

00:09:27.108 --> 00:09:31.237 align:center
Ilang faculty ang nagwelga ngayong araw?

00:09:31.320 --> 00:09:32.905 align:center
Welga!

00:09:32.989 --> 00:09:34.615 align:center
Maraming beses!

00:09:34.699 --> 00:09:38.911 align:center
Welga!

00:09:38.995 --> 00:09:42.331 align:center
Welga!

00:09:49.630 --> 00:09:52.008 align:center
Galing ako sa kilusang 'yon.

00:10:06.188 --> 00:10:09.275 align:center
Di ako nagpaalam sa pamilya ko
na sasali ako sa welga.

00:10:12.403 --> 00:10:14.405 align:center
Ang iniisip ko no'n,
'yon ang tamang gawin.

00:10:14.989 --> 00:10:20.828 align:center
Ipagtanggol ang public university namin
laban sa pagpapataw ng mga bayarin

00:10:20.911 --> 00:10:25.708 align:center
kasi magsasaka ang tatay ko,
pati na ang nanay ko.

00:10:25.791 --> 00:10:30.296 align:center
At wala kaming pambayad sa university.

00:10:30.379 --> 00:10:33.924 align:center
-Magbayad!
-Wag taasan ang bayarin.

00:10:37.011 --> 00:10:40.681 align:center
Ginawa ko ang lahat ng kailangang gawin
para makapag-enroll sa law school.

00:10:40.765 --> 00:10:44.518 align:center
Nagdesisyon akong maging abogada
bago pa magsimula 'yong welga.

00:10:44.602 --> 00:10:49.231 align:center
Naisip ko, "Gusto kong magtrabaho
sa law firm para ipaglaban ang mga tao."

00:10:51.776 --> 00:10:54.945 align:center
'Yong nangyari sa welga
saka kung paano 'yon natapos…

00:10:57.281 --> 00:10:59.367 align:center
lalo na kung paano natapos.

00:10:59.450 --> 00:11:03.913 align:center
'Yong pagpasok ng mga pulis sa campus…

00:11:05.665 --> 00:11:08.626 align:center
Sobrang nadismaya ako, sa lahat,

00:11:08.709 --> 00:11:11.504 align:center
sa mga institusyon, sa gobyerno.

00:11:19.136 --> 00:11:21.430 align:center
May warrant para arestuhin ako.

00:11:22.348 --> 00:11:24.058 align:center
Pinahirapan ako.

00:11:24.141 --> 00:11:27.687 align:center
Mga walang-kuwentang aso! Mamatay na kayo!

00:11:27.770 --> 00:11:30.439 align:center
-Gago ka! Tanga!
-Tama na!

00:11:31.023 --> 00:11:32.274 align:center
'Tang ina n'yo!

00:11:33.651 --> 00:11:36.612 align:center
Matapos ang siyam na buwan
at labimpitong araw ng pagwewelga,

00:11:36.695 --> 00:11:39.740 align:center
mapayapang nabawi ang mga pasilidad.

00:11:40.449 --> 00:11:44.453 align:center
Bumagsak ang mga kilalang lider
ng General Strike Council.

00:11:44.537 --> 00:11:47.998 align:center
Ito si Alejandro Echavarría,
alyas "El Mosh."

00:11:48.916 --> 00:11:50.835 align:center
At Mario Flavio Benítez Chavez,

00:11:50.918 --> 00:11:55.506 align:center
na may malapit na koneksiyon
sa Zapatista Army of National Liberation.

00:11:57.216 --> 00:12:00.719 align:center
No'ng napag-usapan namin
ang pagbabago ng university,

00:12:00.803 --> 00:12:05.349 align:center
ang iniisip namin, 'yong mga nabasa namin

00:12:05.433 --> 00:12:08.686 align:center
sa mga Zapatistang lalaki at babae.

00:12:09.228 --> 00:12:11.605 align:center
Binago ng kilusang Zapatista ang lahat.

00:12:11.689 --> 00:12:13.941 align:center
Binago din ako no'n.

00:12:19.822 --> 00:12:26.162 align:center
Nasa main campus ako
no'ng bumisita si Subcomandante Marcos.

00:12:41.427 --> 00:12:45.014 align:center
Magandang hapon,
National Autonomous University of Mexico.

00:12:45.097 --> 00:12:51.979 align:center
EZLN!

00:12:52.605 --> 00:12:56.358 align:center
Napuno kami ng pag-asa
dahil sa pangyayaring ‘yon.

00:12:56.442 --> 00:12:59.904 align:center
Sobrang nakaka-excite silang marinig.

00:13:01.822 --> 00:13:05.493 align:center
Sa lahat ng estudyante ng university,
lalaki at babae,

00:13:06.076 --> 00:13:09.830 align:center
hinihiling namin sa inyo
na wag kayong titigil sa pagyuko,

00:13:09.914 --> 00:13:12.625 align:center
wag kayong titigil
sa paghahanap ng kinabukasang,

00:13:12.708 --> 00:13:16.587 align:center
gaya nito,
magiging kolektibo o wala talaga.

00:13:16.670 --> 00:13:19.590 align:center
Naka-frame 'yon sa pader ko

00:13:20.257 --> 00:13:25.137 align:center
para di ko makalimutan
kung saan ako nabibilang, saan ako galing.

00:13:27.890 --> 00:13:31.227 align:center
Mula sa pagiging magsasaka,
naging trabahador ang tatay ko.

00:13:31.310 --> 00:13:35.064 align:center
Naisip niya,
"Mabibigyan ko ng tahanan ang pamilya ko."

00:13:36.106 --> 00:13:39.652 align:center
Pero, sa kasamaang-palad,
na-scam ang tatay ko.

00:13:39.735 --> 00:13:44.198 align:center
Kaya nauwi siya sa kulungan, nakulong.

00:13:44.281 --> 00:13:48.536 align:center
At galit na galit siya
pag ikinukuwento niya 'to sa 'yo.

00:13:50.454 --> 00:13:54.208 align:center
Nakalaya siya dahil sa abogada niya.

00:13:54.708 --> 00:13:56.252 align:center
At no'ng nakalabas siya,

00:13:56.335 --> 00:14:01.257 align:center
ang sinabi niya sa 'kin,
proud na proud siya sa abogada niya.

00:14:03.175 --> 00:14:06.971 align:center
Tapos naisip ko,
"Gusto ko ding maging abogado."

00:14:16.689 --> 00:14:20.442 align:center
Nakahawak na ako ng mga kaso
ng mga pinakulong nang labag sa batas.

00:14:20.526 --> 00:14:22.653 align:center
Pangulong Enrique Peña Nieto,

00:14:23.153 --> 00:14:24.738 align:center
ang tanong namin sa 'yo,

00:14:24.822 --> 00:14:28.993 align:center
kailan maibabalik ang katawan
ni Julio Cesar sa pamilya niya?

00:14:29.076 --> 00:14:30.911 align:center
Pinatay n'yo siya. Ibalik n'yo siya.

00:14:30.995 --> 00:14:35.040 align:center
Apatnapu't dalawa,
apatnapu't tatlo, hustisya!

00:14:36.792 --> 00:14:39.920 align:center
Nakahawak na ako ng mga kaso
ng extralegal na pagpatay.

00:14:40.004 --> 00:14:42.172 align:center
Nakahawak na ako ng mga kaso ng torture.

00:14:42.256 --> 00:14:44.633 align:center
Ang ginagawa nila,
binubuksan nila ang imbestigasyon

00:14:44.717 --> 00:14:47.177 align:center
ng mga krimen maliban sa torture.

00:14:47.261 --> 00:14:48.929 align:center
Nakahawak na ako

00:14:49.013 --> 00:14:53.267 align:center
ng mga taong sinampahan ng kaso
at maling inakusahan ng kidnapping.

00:14:53.851 --> 00:14:56.979 align:center
Naga-apply kami
para sa muling pagsasama ng pamilya.

00:14:57.062 --> 00:14:59.773 align:center
Naging abogado
ng mga babaeng biktima ng sexual violence.

00:14:59.857 --> 00:15:03.694 align:center
Nagtatrabaho ako sa Fray Francisco
de Vitoria Human Rights Center.

00:15:03.777 --> 00:15:06.780 align:center
Tapos, nangyari 'yong femicide ni Lesvy
sa main campus ng UNAM.

00:15:09.366 --> 00:15:12.953 align:center
Ang babaeng natagpuan kahapon
na nakabitay gamit ang kordon ng payphone

00:15:13.037 --> 00:15:15.789 align:center
sa main campus ng UNAM ay si Lesvy,
22 taong gulang.

00:15:15.873 --> 00:15:21.545 align:center
Hindi pa matukoy
kung siya ay pinaslang o nagpakamatay

00:15:21.629 --> 00:15:23.339 align:center
sapagkat wala itong bakas ng trauma.

00:15:23.422 --> 00:15:24.590 align:center
Ang nakapagtataka,

00:15:24.673 --> 00:15:28.844 align:center
natagpuan siyang may kordon ng payphone…

00:15:28.928 --> 00:15:34.433 align:center
'Yon ang unang kaso ng femicide
na hinawakan ko.

00:15:34.516 --> 00:15:38.228 align:center
Ang dalagang kinakatawan namin
ay si Lesvy Berlín Rivera Osorio,

00:15:38.312 --> 00:15:40.689 align:center
22 taong gulang.

00:15:41.190 --> 00:15:45.569 align:center
Idineklara 'yong suicide
ng prosecutor's office,

00:15:46.070 --> 00:15:48.697 align:center
tapos naging biktima na naman si Lesvy

00:15:48.781 --> 00:15:52.117 align:center
dahil sa mga inilabas nilang tweet.

00:15:54.870 --> 00:16:00.626 align:center
At kinailangan ko na namang harapin
ang mga awtoridad ng university.

00:16:03.462 --> 00:16:05.547 align:center
Tapos may kilos-protesta din no'n,

00:16:05.631 --> 00:16:08.592 align:center
pero iba 'yon sa nakita natin dati

00:16:08.676 --> 00:16:13.430 align:center
kasi 'yong karapatan naming mabuhay
ang hinihingi nila do'n.

00:16:22.648 --> 00:16:26.235 align:center
Sobrang galing ng imbestigasyon namin.

00:16:30.739 --> 00:16:36.036 align:center
Ipinakita namin
'yong forensic architecture report.

00:16:36.120 --> 00:16:41.291 align:center
Ipinakita namin 'yong report
ng muling pagsasaayos ng mga pangyayari.

00:16:42.251 --> 00:16:46.964 align:center
Tapos ang naging ruling nila,
kaso ng femicide nga 'yon.

00:16:47.047 --> 00:16:50.175 align:center
Tayong mga babae lang,

00:16:50.259 --> 00:16:55.222 align:center
mula sa umpisa,
ang nagsabi sa mga awtoridad

00:16:55.305 --> 00:17:01.478 align:center
at mga lingkod-bayan na femicide 'to,
hindi suicide.

00:17:01.562 --> 00:17:04.356 align:center
At napatunayan 'yon ngayong araw.

00:17:04.440 --> 00:17:08.152 align:center
Ngayong araw, lumabas na ang katotohanan.
Ngayong araw…

00:17:08.235 --> 00:17:10.237 align:center
No'ng umalis kami sa hearing,

00:17:10.320 --> 00:17:13.741 align:center
nando'n 'yong mga nanay ng ibang biktima.

00:17:15.492 --> 00:17:18.328 align:center
Sobrang na-excite ang mga nanay
at ang sinasabi nila,

00:17:18.912 --> 00:17:23.459 align:center
"Kailan makakakuha ng hustisya
ang anak ko?"

00:17:23.542 --> 00:17:26.128 align:center
"Kailan namin makukuha ang hustisya?"

00:17:26.211 --> 00:17:30.340 align:center
Pero umaasa din sila
na pwedeng mabigyan ng hustisya,

00:17:30.424 --> 00:17:33.844 align:center
ang itinatanong nila,
"Kailan ko makukuha ang hustisya?"

00:17:40.476 --> 00:17:41.852 align:center
Siyempre, natuwa ako.

00:17:41.935 --> 00:17:45.647 align:center
Pero no'ng nakita ko ang mga nanay na 'yon
na may gano'ng pag-asa,

00:17:45.731 --> 00:17:47.441 align:center
humihingi ng hustisya…

00:17:48.567 --> 00:17:52.988 align:center
Naisip ko, "Hindi pa kami tapos."

00:17:58.869 --> 00:18:03.874 align:center
Pag nakakuha ka ng hustisya para sa isa,
parang nakuha mo na din para sa lahat.

00:18:03.957 --> 00:18:07.961 align:center
At gano'n din ang pakiramdam
pag may injustice na nangyari sa isa.

00:18:09.505 --> 00:18:14.051 align:center
Saka ang mga babae, mga nanay,
at mga estudyanteng babae

00:18:14.134 --> 00:18:18.889 align:center
ang namuwersa sa estado
na aminin ang krisis

00:18:18.972 --> 00:18:21.517 align:center
at magtatag
ng Femicide Prosecutor's Office.

00:18:23.477 --> 00:18:26.647 align:center
Ngayon, pakinggan na natin

00:18:26.730 --> 00:18:28.899 align:center
si Ernestina Godoy Ramos,

00:18:28.982 --> 00:18:31.819 align:center
ang General Prosecutor
sa Lungsod ng Mexico.

00:18:32.319 --> 00:18:34.696 align:center
Bilang mga awtoridad,
matagal bago namin naintindihan

00:18:34.780 --> 00:18:37.616 align:center
na ang karahasang naranasan
ng mga katawan ng kababaihan

00:18:37.699 --> 00:18:40.452 align:center
ay makakaapekto sa ating lahat.

00:18:41.703 --> 00:18:44.581 align:center
Ngayon, gusto naming magtatag

00:18:44.665 --> 00:18:49.545 align:center
ng isang espesyal na opisina ng piskal
na eksklusibong nakatuon

00:18:49.628 --> 00:18:52.673 align:center
sa pag-iimbestiga ng mga kasong femicide.

00:18:53.257 --> 00:18:57.511 align:center
Ang magiging misyon
ng opisina na ito ng piskal…

00:18:57.594 --> 00:19:03.725 align:center
Pakiramdam ko no'n,
dapat hindi 'to bureaucratic appointment.

00:19:03.809 --> 00:19:07.020 align:center
Hindi 'to tungkol sa kung sino
ang kilala namin,

00:19:07.104 --> 00:19:08.939 align:center
sino'ng pwede, at iba pa,

00:19:09.022 --> 00:19:10.774 align:center
dapat bukas 'to.

00:19:10.858 --> 00:19:13.986 align:center
Kaya nagdesisyon kaming isapubliko
ang application process.

00:19:16.071 --> 00:19:18.115 align:center
Magandang umaga po, Counselor.

00:19:18.198 --> 00:19:22.828 align:center
Ito ang pangalawang parte
sa recruitment process

00:19:22.911 --> 00:19:26.290 align:center
para sa head
ng Femicide Prosecutor's Office.

00:19:27.082 --> 00:19:29.793 align:center
Para sa 'kin po,
dapat nakasentro ang pag-alalay

00:19:29.877 --> 00:19:32.796 align:center
sa katotohanang
ang pinaka-importanteng tao

00:19:32.880 --> 00:19:36.175 align:center
ay ang biktima ng paglabag sa karapatan…

00:19:37.301 --> 00:19:41.388 align:center
Para sa 'kin,
ang pinakamagandang interview,

00:19:41.471 --> 00:19:42.556 align:center
sa simula pa lang,

00:19:42.639 --> 00:19:46.143 align:center
at no'ng nire-review ang documentation,
'yong kay Sayuri.

00:19:47.352 --> 00:19:50.647 align:center
Hindi ko siya kilala nang personal.

00:19:50.731 --> 00:19:55.527 align:center
Alam kong may mga social work siya
bilang sibilyan.

00:19:55.611 --> 00:19:57.571 align:center
Kaya kinausap namin siya.

00:19:59.865 --> 00:20:01.992 align:center
Di ko naisip na magiging prosecutor ako.

00:20:04.077 --> 00:20:08.123 align:center
No'ng in-appoint ako ng Attorney General
bilang femicide prosecutor,

00:20:08.206 --> 00:20:11.001 align:center
tinawagan niya ako,
nasa main campus ako ng UNAM no'n.

00:20:11.084 --> 00:20:14.421 align:center
At naaalala ko,
huminga ako nang malalim no'n

00:20:14.504 --> 00:20:19.426 align:center
kasi bigla kong naramdaman
na magbabago na 'yong takbo ng buhay ko.

00:20:19.927 --> 00:20:22.221 align:center
Kung ibabaling natin
ang tingin natin sa itaas,

00:20:23.263 --> 00:20:24.514 align:center
sa kapangyarihan,

00:20:25.015 --> 00:20:28.852 align:center
dalawa lang ang pagpipilian natin d'yan,
lumaban nang mag-isa

00:20:28.936 --> 00:20:30.854 align:center
o mahulog sa patibong

00:20:31.355 --> 00:20:34.983 align:center
na nagsasabing mababago lang
mula sa loob ang mga bagay.

00:20:35.651 --> 00:20:40.155 align:center
Ilan na ba sa mga makakaliwa
ang nahulog sa patibong na 'to?

00:20:40.239 --> 00:20:43.116 align:center
Iniisip nilang,
pag naging lingkod-bayan sila,

00:20:43.200 --> 00:20:46.328 align:center
may magagawa sila
para mabago ang mga bagay.

00:20:46.411 --> 00:20:48.413 align:center
Kabaligtaran ang nangyayari.

00:20:48.497 --> 00:20:50.666 align:center
Binabago sila ng kapangyarihan,

00:20:50.749 --> 00:20:54.628 align:center
binabago ang mga dating aktibista

00:20:54.711 --> 00:20:58.632 align:center
at nagiging pawang mga burukrata
ng kapangyarihan.

00:21:01.301 --> 00:21:06.890 align:center
Siguradong-sigurado ako
na itong gagawin ko,

00:21:06.974 --> 00:21:09.851 align:center
hindi 'to masusolusyonan
ng isang tao lang.

00:21:09.935 --> 00:21:12.980 align:center
Pero kailangan nito
ng taong may kumpiyansa

00:21:13.063 --> 00:21:15.649 align:center
at taglay ang lahat
ng kinakailangang kakayahan.

00:21:15.732 --> 00:21:19.027 align:center
At hindi lang 'yon,
dapat umaasa at naninindigan

00:21:19.111 --> 00:21:23.532 align:center
na kaya nating mabago
ang sitwasyon natin ngayon.

00:21:51.601 --> 00:21:53.937 align:center
Nagtatrabaho ako sa Prosecutor's Office

00:21:54.021 --> 00:21:58.608 align:center
kasi naniniwala akong
pwedeng magbago ang mga bagay.

00:21:58.692 --> 00:22:05.323 align:center
Pero mangyari man o hindi
ang pagbabagong 'yon,

00:22:05.407 --> 00:22:11.121 align:center
naniniwala ako
na may mga kaso at mga biktima

00:22:11.204 --> 00:22:15.584 align:center
kaming matutulungan dito at ngayon.

00:22:16.626 --> 00:22:19.087 align:center
At hindi dapat natin kalimutan

00:22:19.588 --> 00:22:24.968 align:center
kung bakit tayo andito
at kung ano 'yong hinahanap natin.

00:22:26.136 --> 00:22:29.556 align:center
Andito ako para mag-imbestiga
ng femicides.

00:22:31.683 --> 00:22:34.853 align:center
Wala ako dito para sa posisyon
o para maging prosecutor.

00:22:36.813 --> 00:22:39.191 align:center
Magandang umaga,
Femicide Prosecutor's Office.

00:22:47.783 --> 00:22:51.036 align:center
Sa kaso ni Joana Esmeralda,

00:22:51.119 --> 00:22:53.705 align:center
'yong asawa niya…

00:22:55.832 --> 00:23:00.837 align:center
sumuko, pumunta sa istasyon ng pulis
sa distrito ng GAM,

00:23:00.921 --> 00:23:04.216 align:center
at sinabing, "Pinatay ko ang asawa ko."

00:23:11.807 --> 00:23:15.894 align:center
Ikinuwento niya kung pa'no niya ginawa.

00:23:15.977 --> 00:23:18.230 align:center
Kaya inutusan kaming…

00:23:18.313 --> 00:23:19.398 align:center
IMBESTIGADOR

00:23:19.481 --> 00:23:21.733 align:center
…hanapin 'yong mga labi.

00:23:21.817 --> 00:23:25.529 align:center
Dito, ito 'yong bangin. Ito 'yong lugar.

00:23:26.696 --> 00:23:29.658 align:center
Dito, sabi niya,
sinubukan niyang ihagis ang katawan.

00:23:31.159 --> 00:23:35.831 align:center
PUMUNTA SA PINANGYARIHAN NG KRIMEN

00:23:36.415 --> 00:23:40.293 align:center
Ang sabi ng suspek,
chinop-chop niya ang biktima,

00:23:40.377 --> 00:23:43.213 align:center
pumunta siya sa kanal,

00:23:43.296 --> 00:23:45.966 align:center
tapos do'n itinapon
ang mga kamay at paa ng asawa niya.

00:23:46.049 --> 00:23:48.135 align:center
HABANG SINISIGAW
NA ITINAPON NIYA ANG MGA LABI

00:23:48.218 --> 00:23:52.514 align:center
Betsy, kailan matatapos
ang detention period ng detainee?

00:23:53.098 --> 00:23:54.683 align:center
3:45…

00:23:56.184 --> 00:23:57.185 align:center
hanggang 6:45?

00:23:57.269 --> 00:23:59.604 align:center
-Ililipat ba natin siya ng 11:00?
-Salamat, boss.

00:24:00.605 --> 00:24:04.151 align:center
Pinayagan nila
ang Femicide Prosecutor's Office

00:24:05.819 --> 00:24:11.158 align:center
na mag-intervene sa pinangyarihan,
malapit sa Río de los Remedios Avenue.

00:24:22.961 --> 00:24:26.173 align:center
KOMUNIDAD NG TICOMÁN

00:24:43.940 --> 00:24:46.735 align:center
Dito kami ipinanganak.

00:24:48.653 --> 00:24:52.240 align:center
Dito lumaki ang ate ko, dito nag-aral,
dito na siya mula pagkabata.

00:24:52.324 --> 00:24:55.744 align:center
Dito sa lugar na 'to nangyari ang lahat.

00:25:01.374 --> 00:25:05.295 align:center
Sobrang delikado sa lugar na 'to.
Tingin ko, red-light district 'to.

00:25:05.378 --> 00:25:08.048 align:center
Talamak ang krimen.

00:25:08.131 --> 00:25:10.008 align:center
Delikado na talaga ngayon.

00:25:19.100 --> 00:25:22.395 align:center
Siya 'yong dahilan
kung bakit buo ang pamilya namin.

00:25:22.896 --> 00:25:26.983 align:center
Dahil panganay siya,
parang pangalawang nanay na namin siya.

00:25:27.067 --> 00:25:29.277 align:center
KAPATID NI JOANA ESMERALDA

00:25:29.361 --> 00:25:31.655 align:center
Pag birthday namin, kunwari,

00:25:31.738 --> 00:25:36.785 align:center
magbibihis siya bilang clown
tapos sasabihan kami ng mga joke.

00:25:36.868 --> 00:25:40.080 align:center
Para kaming mga unang anak niya.

00:25:40.163 --> 00:25:42.040 align:center
Pagkatapos, nagkapamilya na din siya.

00:25:43.500 --> 00:25:46.962 align:center
Ako ang kumuha n'yan.
Mga huling picture niya kasama si Lola.

00:25:49.923 --> 00:25:51.591 align:center
Sobrang mapagmahal ang mama ko.

00:25:51.675 --> 00:25:55.178 align:center
Para sa 'kin, si Mama ang buong mundo ko,
best friend ko siya,

00:25:55.762 --> 00:25:57.764 align:center
sa kanya ko sinasabi ang lahat.

00:25:59.099 --> 00:26:01.560 align:center
Masasabi kong,
siya ang best na nanay para sa 'kin.

00:26:01.643 --> 00:26:02.727 align:center
ANAK NI JOANA ESMERALDA

00:26:02.811 --> 00:26:04.604 align:center
Lagi siyang and'yan para sa 'min.

00:26:06.106 --> 00:26:08.191 align:center
Para sa Ate,
ang mga anak niya ang buhay niya.

00:26:10.527 --> 00:26:14.364 align:center
No'ng umagang 'yon, napansin kong
di niya hinatid sa school ang anak niya.

00:26:14.864 --> 00:26:19.494 align:center
At nagtaka ako do'n
kasi sobrang responsable niya.

00:26:20.704 --> 00:26:24.124 align:center
Pumunta ako kila Mama at ang sabi niya,
di pa daw nagpapakita si Ate.

00:26:27.502 --> 00:26:30.547 align:center
Napansin na namin
na mukhang sinasaktan siya.

00:26:31.840 --> 00:26:35.552 align:center
Di niya maiwan ang lalaki
kasi takot siyang kunin nito ang mga bata.

00:27:19.846 --> 00:27:22.057 align:center
Pumunta kami para i-report 'yon

00:27:22.140 --> 00:27:25.268 align:center
kasi naghihinala kami
na sinaktan siya no'ng lalaki.

00:27:25.352 --> 00:27:29.272 align:center
Isang beses, nakita siya ng isa
sa mga kapatid namin na nakakulong.

00:27:29.356 --> 00:27:33.818 align:center
Hindi niya kami sinasagot,
tapos walang senyales na okay lang siya.

00:27:33.902 --> 00:27:35.362 align:center
May mali talaga.

00:27:35.862 --> 00:27:38.615 align:center
Kaya nagdesisyon kaming mag-file
ng report.

00:27:49.501 --> 00:27:53.338 align:center
Hanggang sa tumawag 'yong isa
sa mga kapatid ko na naiwan sa bahay,

00:27:53.421 --> 00:27:56.132 align:center
at ang sabi sa 'kin,
may mga pulis na dumating.

00:27:56.716 --> 00:28:01.304 align:center
Na sumuko 'yong lalaki,
umamin na pinatay niya ang asawa niya.

00:28:03.765 --> 00:28:06.685 align:center
Mula sa kinauupuan mo,
magbibigay ka ng pahayag.

00:28:06.768 --> 00:28:09.270 align:center
Ano'ng masasabi mo
sa mga katotohanang 'to, Juan?

00:28:09.854 --> 00:28:12.691 align:center
Sa bahay 'yon ng kamag-anak ko.

00:28:12.774 --> 00:28:14.567 align:center
Nagdesisyon akong patayin siya.

00:28:14.651 --> 00:28:16.152 align:center
Paano mo siya pinatay?

00:28:16.236 --> 00:28:18.405 align:center
Gamit ang matalim na bagay, sir.

00:28:19.364 --> 00:28:21.366 align:center
Ano'ng ginawa mo pagkatapos?

00:28:21.866 --> 00:28:27.163 align:center
Nilinis ko 'yong lugar.
Itinapon ko ang lahat ng ebidensiya.

00:28:27.247 --> 00:28:30.333 align:center
Nilinis 'yong dugo,
niligpit ang anumang pruweba.

00:28:30.834 --> 00:28:31.709 align:center
Okay.

00:28:32.794 --> 00:28:35.630 align:center
Pumunta ang taong 'to sa hearing

00:28:35.714 --> 00:28:39.259 align:center
para ikuwento
kung pa'no niya pinatay si Joana

00:28:39.342 --> 00:28:43.555 align:center
at sabihing ginawa niya 'yon dahil,

00:28:43.638 --> 00:28:48.393 align:center
ayon sa pahayag niya,
pinagtaksilan siya nito.

00:28:48.476 --> 00:28:55.400 align:center
Umaasa siya na tatanggapin 'yon ng judge
bilang katwiran,

00:28:55.483 --> 00:28:59.404 align:center
na batayan 'yon para mapawalang-sala
o bigyang-katwiran ang krimen niya.

00:28:59.487 --> 00:29:04.159 align:center
Nagdesisyon akong patayin ang taong 'to
kasi pinagtaksilan niya ako.

00:29:04.242 --> 00:29:06.870 align:center
Ayaw niyang makinig.
Gusto ko sanang ayusin ang lahat.

00:29:06.953 --> 00:29:10.248 align:center
Pero tumanggi siya.
Kaya ko ginawa, Your Honor.

00:29:10.331 --> 00:29:11.332 align:center
'Yon lang po.

00:29:13.418 --> 00:29:17.755 align:center
Sinabihan siya ni Mama na ayaw na niya.
Sigurado na siya no'n.

00:29:18.923 --> 00:29:21.843 align:center
Ang sabi niya, di sila pwedeng maghiwalay.

00:29:21.926 --> 00:29:22.969 align:center
Ang sabi niya sa 'kin,

00:29:23.052 --> 00:29:25.972 align:center
"Di ako pwedeng iwan ng mama mo
kasi pinagbuklod kami ng Diyos,

00:29:26.055 --> 00:29:30.185 align:center
"at kasal kami, kaya akin siya.
Asawa ko siya." 'Yon ang sabi niya.

00:29:30.852 --> 00:29:33.146 align:center
Pakiramdam ko,
'yon ang nag-trigger ng lahat.

00:29:38.109 --> 00:29:43.198 align:center
Kaya sa bahay ni Joana namin gagawin
ang intervention.

00:29:47.076 --> 00:29:48.703 align:center
CIRCUMSTANTIAL RECORD
SEARCH WARRANT

00:29:49.245 --> 00:29:51.206 align:center
SEARCH WARRANT

00:29:52.373 --> 00:29:55.877 align:center
Una, kakatok sa pinto
ang mga imbestigador.

00:29:55.960 --> 00:29:58.421 align:center
Sasabihin ng public prosecutor,

00:29:58.505 --> 00:30:02.050 align:center
"Andito kami para mag-imbestiga
sa ngalan ng Prosecutor's Office.

00:30:02.133 --> 00:30:06.095 align:center
"Bigyan n'yo kami ng pahintulot
na pumasok sa nasabing lugar."

00:30:06.179 --> 00:30:07.722 align:center
Bubuksan nila ang pinto.

00:30:13.269 --> 00:30:16.397 align:center
May mga dokumento,

00:30:17.273 --> 00:30:21.277 align:center
mga papeles,
mga poster na nakadikit sa mga pader.

00:30:21.361 --> 00:30:27.450 align:center
Naaalala ko, may poster na ang nakalagay,

00:30:27.534 --> 00:30:31.204 align:center
"Mamahalin kita. Lagi kitang aalagaan,"
at kung ano-ano pa.

00:30:31.788 --> 00:30:33.414 align:center
Sa totoo lang, nakakagulat 'yon,

00:30:33.498 --> 00:30:37.710 align:center
pag alam mo kung bakit ka nando'n
tapos makikita mo ang lahat ng 'yon.

00:30:39.671 --> 00:30:43.341 align:center
Nakahanap kami ng mga isinulat ni Joana.

00:30:43.424 --> 00:30:47.846 align:center
May sulat kung saan sinabi ng biktima
sa lalaki na dapat na silang maghiwalay,

00:30:47.929 --> 00:30:51.766 align:center
na ayaw na niyang makisama pa dito,
at pwede nitong ibenta ang mga gamit

00:30:51.850 --> 00:30:54.561 align:center
at, kung gugustuhin niya,
ibigay ang pera sa mga anak nila.

00:31:00.775 --> 00:31:04.070 align:center
Kinailangan naming halughugin
ang bawat kuwarto

00:31:04.946 --> 00:31:11.411 align:center
para malaman kung saan mismo pinatay
ng lalaking 'to si Joana.

00:31:11.494 --> 00:31:14.372 align:center
Maghanap ng mantsa ng dugo
gamit ang luminol.

00:31:14.455 --> 00:31:15.790 align:center
Maglagay ng luminol.

00:31:16.916 --> 00:31:20.003 align:center
At mula do'n, may crime scene ka

00:31:20.086 --> 00:31:24.048 align:center
na kailangang alamin kung sa'n nangyari
o kung may dugo ba niya o wala.

00:31:24.132 --> 00:31:27.093 align:center
Hindi sapat na sumuko siya
at sinabing, "Pinatay ko siya."

00:31:27.176 --> 00:31:28.803 align:center
Ibig kong sabihin,

00:31:28.887 --> 00:31:31.973 align:center
kailangan ng supporting data,
scientific data, technical data.

00:31:32.056 --> 00:31:34.267 align:center
EXPERT SA GENETICS
SA FIELD NG FORENSIC CHEMISTRY

00:31:34.350 --> 00:31:37.604 align:center
Konti lang ang luminol ng forensics no'n
kaya ang sabi nila sa 'min,

00:31:37.687 --> 00:31:41.983 align:center
"Kailangan n'yong sabihin sa 'min
kung saan ilalagay ang luminol,"

00:31:42.066 --> 00:31:45.069 align:center
na para bang sinasabing kasalanan namin
pag pumalpak ang ebidensiya

00:31:45.153 --> 00:31:46.905 align:center
kasi kami ang nagsabi kung saan.

00:31:49.616 --> 00:31:52.869 align:center
Sabi niya, "Heto ang kama at ilang damit.
Gamitin natin dito.

00:31:52.952 --> 00:31:54.370 align:center
"Bahala na kung ano'ng makuha."

00:31:59.584 --> 00:32:01.586 align:center
Espesyal ang test na 'to

00:32:01.669 --> 00:32:05.048 align:center
kasi hindi kita ng mata ng tao 'yong dugo.

00:32:05.131 --> 00:32:08.301 align:center
Sinadyang linisin
'yong pinangyarihan ng krimen.

00:32:08.384 --> 00:32:10.428 align:center
Kaya parang walang kahit ano do'n.

00:32:10.511 --> 00:32:13.640 align:center
Pero pag naglagay tayo ng luminol,

00:32:13.723 --> 00:32:17.602 align:center
makikita natin
kung nagkaroon ba ng dugo do'n.

00:32:25.026 --> 00:32:28.237 align:center
Nagre-react ang luminol sa iron ng dugo

00:32:28.321 --> 00:32:30.907 align:center
at bumubuo 'yon ng chemiluminescence.

00:32:30.990 --> 00:32:33.785 align:center
'Yong asul na ilaw na lumalabas do'n,

00:32:33.868 --> 00:32:38.998 align:center
positive reading 'yon na merong dugo.

00:32:45.004 --> 00:32:46.798 align:center
At grabe 'yong nakita namin.

00:32:46.881 --> 00:32:53.054 align:center
Na parang sinasabi ng luminescence,
"Ganito ang nangyari dito."

00:32:53.137 --> 00:32:55.598 align:center
May mga marka ng pagkaladkad.

00:32:55.682 --> 00:32:57.350 align:center
'Yong buong kuwarto…

00:32:57.850 --> 00:33:00.520 align:center
-Umilaw.
-Literal na umilaw.

00:33:01.020 --> 00:33:05.191 align:center
Base sa ebidensiyang 'yon,
nahanap namin ang pinangyarihan ng krimen.

00:33:05.274 --> 00:33:08.486 align:center
Pero ang pinaka-importante para sa 'min
sa hearing na 'yon

00:33:08.569 --> 00:33:11.114 align:center
saka pakikipag-usap sa suspek,

00:33:11.197 --> 00:33:14.409 align:center
'yong masabi niya sa 'min
kung saan makikita

00:33:14.909 --> 00:33:17.120 align:center
ang mga labi ni Joana.

00:33:17.203 --> 00:33:19.622 align:center
Saan mo itinapon ang mga labi?

00:33:19.706 --> 00:33:21.541 align:center
Sa Ilog ng Los Remedios po, sir.

00:33:23.751 --> 00:33:26.379 align:center
Ano'ng ginawa mo sa lagari at kutsilyo?

00:33:26.462 --> 00:33:29.340 align:center
Gano'n din. Itinapon ko po sa ilog, sir.

00:33:29.841 --> 00:33:33.886 align:center
Sa gabing 'yon din.
Nangyari ang lahat ng 'yon sa gabi.

00:33:35.555 --> 00:33:38.391 align:center
-Sino'ng tumulong sa 'yo, sir?
-Ako lang, walang tumulong.

00:33:38.474 --> 00:33:43.813 align:center
Tatlong beses akong bumalik do'n
para itapon ang lahat ng ebidensiya.

00:33:48.067 --> 00:33:51.612 align:center
Ang sabi din niya, itinapon niya
ang mga labi malapit sa bahay,

00:33:51.696 --> 00:33:56.492 align:center
ibig sabihin, naglakad siya sa kalye
at sa isang punto, lumiko sa kanto,

00:33:56.576 --> 00:34:00.163 align:center
umakyat, tapos tinapon do'n.

00:34:06.335 --> 00:34:11.466 align:center
Hinanap din ng investigation team
ang mga labi sa tabing-ilog,

00:34:11.966 --> 00:34:14.218 align:center
pero hindi nila nahanap.

00:34:14.302 --> 00:34:17.388 align:center
NATAPOS ANG PAGHAHANAP
NEGATIBO ANG RESULTA

00:34:17.472 --> 00:34:19.432 align:center
Sabi ko sa hepe,
"Kailangan nating bumalik."

00:34:19.515 --> 00:34:23.144 align:center
Sabi niya sa 'kin,
"E, tumataas na ang ilog.

00:34:23.227 --> 00:34:25.188 align:center
"Wala na yata tayong mahahanap ngayon."

00:34:30.026 --> 00:34:32.320 align:center
Sabi ko,
"Kailangan nating gawin ang lahat."

00:34:33.488 --> 00:34:36.991 align:center
Bumuo kami ng team na maghahanap.

00:34:37.658 --> 00:34:42.330 align:center
Sobrang daming basura sa ilog. Para kang…

00:34:42.413 --> 00:34:45.458 align:center
-Naghahanap ng karayom sa dayami.
-Mismo.

00:34:45.541 --> 00:34:49.337 align:center
May iba't ibang klase ng paghahanap,
depende sa lugar.

00:34:49.420 --> 00:34:55.843 align:center
Sa kasong 'to, dahil open field siya,
quadrant method ang ginamit namin.

00:34:55.927 --> 00:35:02.100 align:center
Kaya naghanap kami sa isang quadrant,
tinapos ang paghahanap do'n,

00:35:02.183 --> 00:35:06.562 align:center
tapos lumipat sa ibang quadrant
para masakop ang buong lugar.

00:35:09.065 --> 00:35:13.736 align:center
May matarik na parte do'n
na kailangan mong mag-ingat pababa.

00:35:13.820 --> 00:35:17.031 align:center
Do'n nahanap ni Brenda
'yong isa sa mga braso ni Esmeralda.

00:35:22.286 --> 00:35:25.540 align:center
May nakita akong parang puting tela.

00:35:25.623 --> 00:35:27.041 align:center
Marami siyang…

00:35:27.125 --> 00:35:28.459 align:center
PUBLIC PROSECUTOR

00:35:28.543 --> 00:35:29.836 align:center
…maliliit na langaw.

00:35:29.919 --> 00:35:35.716 align:center
At senyales 'yon na may nangyayari do'n.

00:35:36.509 --> 00:35:37.760 align:center
'Yon ang kamay niya.

00:35:37.844 --> 00:35:43.141 align:center
ITAAS NA KALIWANG BRASO
(BRASO, KAMAY)

00:35:43.224 --> 00:35:45.434 align:center
Natagpuan 'yon sa tabing-ilog.

00:35:45.518 --> 00:35:48.437 align:center
'Yon ang unang…

00:35:50.189 --> 00:35:56.279 align:center
sign o reference point
para ituloy ang paghahanap.

00:35:56.779 --> 00:35:58.156 align:center
Ang saya namin.

00:35:58.239 --> 00:36:00.783 align:center
May WhatsApp group kami,

00:36:00.867 --> 00:36:04.829 align:center
do'n kami nagre-report ng,
"Tingnan n'yo, nakahanap kami ng braso."

00:36:04.912 --> 00:36:11.210 align:center
May nagsabi no'n na,
"Sapat na 'yang nahanap natin. Okay na."

00:36:11.294 --> 00:36:15.590 align:center
Tingin ko, sobrang tigas ng ulo namin
na ituloy ang paghahanap.

00:36:16.090 --> 00:36:19.510 align:center
Humingi kami ng tulong
sa Fire Department at Zorros.

00:36:19.594 --> 00:36:23.222 align:center
Naisip naming
kailangang mag-request ng bangka

00:36:23.306 --> 00:36:26.183 align:center
para pumunta sa ilog.

00:36:27.393 --> 00:36:29.645 align:center
And'yan ako, sa likod.

00:36:29.729 --> 00:36:36.402 align:center
Gumamit sila ng mga sinturon
saka lubid para bumaba.

00:36:42.950 --> 00:36:46.579 align:center
Halos umabot na sa dibdib nila ang tubig.

00:36:47.788 --> 00:36:50.541 align:center
Saka sobrang lakas ng amoy.

00:36:53.502 --> 00:36:56.380 align:center
Tingin ko, kahit 'yong mga ka-team namin
na talagang nagdududa,

00:36:56.964 --> 00:36:58.841 align:center
nagsimulang magkaroon ng momentum

00:36:58.925 --> 00:37:01.552 align:center
at mas nag-commit, saka na-excite

00:37:01.636 --> 00:37:04.513 align:center
na baka nga mahahanap lahat ng mga labi.

00:37:10.811 --> 00:37:15.232 align:center
Alam ng mga tao kapag ginagawa mo
ang mga bagay kasi interesado ka talaga.

00:37:15.316 --> 00:37:18.861 align:center
Nahahawa sila sa excitement
at sa paniniwalang 'yon.

00:37:18.945 --> 00:37:23.115 align:center
Na hindi mo lang 'to ginagawa
para mag-fill out ng form.

00:37:25.076 --> 00:37:29.330 align:center
Nagsagawa kami
ng tatlo pang search sa ilog.

00:37:29.413 --> 00:37:30.331 align:center
ILOG NG LOS REMEDIOS

00:37:36.879 --> 00:37:42.134 align:center
Bumaba sa ilog 'yong ka-team namin
tapos sinabing, "Ayun 'yong binti."

00:37:42.843 --> 00:37:45.554 align:center
Pinatawag ang lahat ng miyembro ng team.

00:37:45.638 --> 00:37:47.682 align:center
Bumaba ang mga eksperto saka mga bumbero

00:37:47.765 --> 00:37:52.895 align:center
at kinumpirma nilang 'yon nga
ang buong hita at binti.

00:37:55.690 --> 00:37:59.860 align:center
KANANG PARTE NG TAO
(HITA, BINTI, AT PAA)

00:37:59.944 --> 00:38:01.237 align:center
Tapos, ayun na siya.

00:38:02.113 --> 00:38:05.616 align:center
Nahanap na namin ang lahat ng parte niya.

00:38:06.242 --> 00:38:09.495 align:center
NAWAWALANG MGA PARTE NG KATAWAN

00:38:09.578 --> 00:38:13.916 align:center
At sobrang saya namin

00:38:14.583 --> 00:38:17.628 align:center
kasi natapos namin 'yon.

00:38:22.925 --> 00:38:26.679 align:center
Tapos, nagpalakpakan kami
at nag-group picture.

00:38:33.269 --> 00:38:35.062 align:center
Tapos, pinuntahan namin

00:38:36.522 --> 00:38:37.857 align:center
'yong pamilya

00:38:37.940 --> 00:38:43.446 align:center
at sinabihan silang nahanap na namin
ang buong katawan niya.

00:38:44.864 --> 00:38:48.034 align:center
Do'n ko nasabing,
"Hindi nanalo ang lalaking 'to."

00:38:48.534 --> 00:38:49.910 align:center
Hindi talaga siya nanalo.

00:38:49.994 --> 00:38:51.996 align:center
Di ba? Kasi ang gusto niya,

00:38:52.079 --> 00:38:54.874 align:center
matalo si Esmeralda kahit sa kamatayan.

00:38:54.957 --> 00:38:58.586 align:center
Para wala siyang dignidad
kahit sa kamatayan niya,

00:38:58.669 --> 00:39:01.172 align:center
o para sa pamilya niya, o mga anak niya.

00:39:01.255 --> 00:39:03.215 align:center
Hindi siya nanalo do'n.

00:39:03.299 --> 00:39:07.345 align:center
Siya si Joana Esmeralda.
At ngayon, nakuha namin ang katawan niya.

00:39:07.845 --> 00:39:10.014 align:center
At sobrang ganda no'n.

00:39:13.309 --> 00:39:14.643 align:center
41 TAONG GULANG

00:39:30.117 --> 00:39:31.786 align:center
Gulat na gulat ako.

00:39:31.869 --> 00:39:34.997 align:center
Hindi ako nakapagluksa nang maayos.

00:39:35.498 --> 00:39:38.292 align:center
Manhid na ako no'n

00:39:38.375 --> 00:39:40.294 align:center
kasi ang mas inaalala ko,

00:39:40.377 --> 00:39:43.339 align:center
'yong hustisya,
kung makukuha ba namin o hindi.

00:39:43.422 --> 00:39:46.342 align:center
Mas inaalala ko 'yon.

00:39:57.520 --> 00:39:59.230 align:center
Liz, magandang umaga.

00:39:59.730 --> 00:40:01.482 align:center
Una sa lahat…

00:40:03.526 --> 00:40:08.322 align:center
ikinalulungkot namin
ang nangyari kay Joana.

00:40:08.406 --> 00:40:11.659 align:center
At gaya ng sinabi namin sa inyo kanina,

00:40:11.742 --> 00:40:16.580 align:center
tinutukan namin 'yong paghahanap.

00:40:16.664 --> 00:40:23.546 align:center
At sa kabutihang-palad, nahanap namin
ang lahat ng labi niya. Kaya…

00:40:23.629 --> 00:40:27.341 align:center
-Sorry, huhubarin ko saglit 'tong mask.
-Oo, sige lang.

00:40:28.676 --> 00:40:29.802 align:center
Bale…

00:40:30.636 --> 00:40:34.890 align:center
Gusto naming hanapin
at ibalik ang dignidad ng mga labi

00:40:34.974 --> 00:40:36.976 align:center
ni Joana Esmeralda

00:40:37.059 --> 00:40:39.061 align:center
saka ibalik 'yon sa pamilya niya,

00:40:39.145 --> 00:40:43.023 align:center
para makapagpahinga na siya
kasama ang buong katawan niya.

00:40:52.700 --> 00:40:58.372 align:center
Naniniwala ako na lahat ng pwedeng maging
kahulugan ng femicide sa bansang 'to,

00:40:58.455 --> 00:41:00.583 align:center
makikita sa kasong ito.

00:41:04.253 --> 00:41:07.590 align:center
Nando'n ang lahat,
history ng pang-aabuso sa pamilya,

00:41:07.673 --> 00:41:09.842 align:center
mga naulilang bata,

00:41:09.925 --> 00:41:12.761 align:center
isang lalaki na basura ang trato
sa katawan ng isang babae

00:41:12.845 --> 00:41:15.181 align:center
at naniniwalang makatwiran
ang inasal niya.

00:41:15.264 --> 00:41:18.809 align:center
Naniniwala siyang pag-aari niya
si Esmeralda,

00:41:18.893 --> 00:41:20.603 align:center
ari-arian ang turing niya dito.

00:41:20.686 --> 00:41:24.648 align:center
Ang ginawa namin, sinunod namin
ang prinsipyo ng pagiging mabusisi

00:41:24.732 --> 00:41:27.234 align:center
at tungkulin naming hanapin siya.

00:41:27.318 --> 00:41:28.986 align:center
'Yon ang ginawa namin.

00:41:29.069 --> 00:41:30.488 align:center
Kesa balewalain at sabihing,

00:41:30.571 --> 00:41:33.491 align:center
"Wala siya do'n, di natin siya mahahanap,
huli na ang lahat."

00:41:51.926 --> 00:41:54.678 align:center
Ilalagay namin ang mga labi sa kabaong,
isasara 'yon,

00:41:54.762 --> 00:41:56.847 align:center
at bibigyan kayo ng oras para magpaalam.

00:41:56.931 --> 00:42:00.726 align:center
Tapos sabihan n'yo kami kung pwede
nang bumalik para takpan ang libingan.

00:42:00.809 --> 00:42:02.019 align:center
Okay? Sige.

00:42:02.102 --> 00:42:04.146 align:center
Padaan ako, please.

00:42:04.230 --> 00:42:06.524 align:center
Mukhang okay naman, pare.

00:42:06.607 --> 00:42:11.362 align:center
Bigyan natin ng privacy
ang pamilya, please.

00:42:11.445 --> 00:42:13.239 align:center
Sasabihan nila tayo kung pwede na.

00:42:28.587 --> 00:42:31.757 align:center
Nawalan ako ng ganang mabuhay
no'ng mamatay ang mama ko.

00:42:31.840 --> 00:42:35.844 align:center
Wala na talaga akong makitang rason
para mabuhay nang wala si Mama.

00:42:35.928 --> 00:42:38.055 align:center
Ayoko na dito

00:42:39.056 --> 00:42:40.891 align:center
sa mundong 'to.

00:42:43.894 --> 00:42:46.021 align:center
Gusto ko na lang mamatay.

00:42:46.564 --> 00:42:49.608 align:center
Pero pinagalitan ako no'n
ng nakababata kong kapatid, sabi niya,

00:42:49.692 --> 00:42:51.443 align:center
"Kung aalis ka, ano'ng gagawin ko?

00:42:51.527 --> 00:42:54.113 align:center
"Wala akong tatay o nanay.

00:42:54.613 --> 00:42:56.198 align:center
"Pa'no na 'ko pag wala ka?"

00:42:57.074 --> 00:42:59.076 align:center
Do'n ako nag-react at sinabing,

00:42:59.159 --> 00:43:02.621 align:center
"Oo nga. 'Yong kalungkutan ko lang
ang iniisip ko, hindi 'yong kanya."

00:43:02.705 --> 00:43:07.001 align:center
Saka, sobrang bata niya pa no'n.
Ten lang siya no'ng namatay si Mama.

00:43:07.543 --> 00:43:10.546 align:center
No'ng sinabi niya 'yon, naisip ko,
"Kailangan kong maging matatag.

00:43:10.629 --> 00:43:12.339 align:center
"Kahit ga'no pa kasakit,

00:43:13.007 --> 00:43:15.593 align:center
"kailangan kong isantabi 'yon
para maintindihan siya,

00:43:16.176 --> 00:43:18.429 align:center
"para makausad kami nang magkasama."

00:43:28.731 --> 00:43:30.441 align:center
Ako ang guardian ng kapatid ko.

00:43:30.524 --> 00:43:32.484 align:center
Kaya 'yong trabahong nahanap ko

00:43:32.568 --> 00:43:35.904 align:center
na okay ang schedule,
maging katulong sa gabi,

00:43:35.988 --> 00:43:38.574 align:center
para makasama ko pa din
ang kapatid ko sa hapon.

00:43:45.831 --> 00:43:48.709 align:center
Pakiramdam ko,
ang ibig sabihin ng hustisya…

00:43:49.710 --> 00:43:53.505 align:center
Masasabi kong, kahit papa'no,
may kinalaman siya sa pagiging patas,

00:43:53.589 --> 00:43:55.799 align:center
'yong maibigay sa lahat
ang nararapat sa kanila.

00:43:58.344 --> 00:44:01.722 align:center
Kahit medyo natagalan,
nabigyan ng hustisya 'yong mama ko.

00:44:01.805 --> 00:44:04.850 align:center
Inabot ng dalawang taon
bago siya mahatulan,

00:44:04.933 --> 00:44:07.478 align:center
pero patas 'yong nakuha niya.

00:44:09.355 --> 00:44:12.483 align:center
At wala siyang pag-asang makakakuha
ng parole agad.

00:44:12.566 --> 00:44:15.486 align:center
Saka inalis din nila
'yong karapatan niya sa 'min,

00:44:15.569 --> 00:44:17.446 align:center
sa 'ming dalawa ng kapatid ko.

00:44:21.992 --> 00:44:24.286 align:center
Sa susunod na kaso na tayo, Prosecutor.

00:44:24.370 --> 00:44:28.582 align:center
Opo, Your Honor.
Gusto po naming kasuhan ang nasasakdal.

00:44:29.083 --> 00:44:32.211 align:center
Pormal na sinampahan ng kaso
si Juan Gómez Pérez

00:44:32.294 --> 00:44:35.923 align:center
matapos mapatunayang nagkasala sa krimeng

00:44:36.006 --> 00:44:39.676 align:center
kinikilala ng batas bilang femicide

00:44:39.760 --> 00:44:42.846 align:center
laban sa biktima…

00:44:47.768 --> 00:44:52.564 align:center
NAHATULAN NG 70 TAON

00:44:52.648 --> 00:44:54.650 align:center
Naging leksiyon 'yon para sa lahat.

00:44:54.733 --> 00:44:58.904 align:center
Nakahinga tayo nang maluwag
sa hustisya, dignidad, saka alaala.

00:44:58.987 --> 00:45:01.740 align:center
At sobrang nakaka-proud 'yong nangyari,

00:45:01.824 --> 00:45:07.162 align:center
na dapat ding maramdaman
ng mga gumagawa ng gano’ng bagay.

00:45:09.623 --> 00:45:13.168 align:center
Dahil 'yon sa team. Teamwork 'to.

00:45:20.050 --> 00:45:23.095 align:center
Pag tinatanong ko ang sarili ko
kung ano'ng ibig sabihin

00:45:23.178 --> 00:45:24.972 align:center
ng pagiging babae sa Mexico,

00:45:25.055 --> 00:45:27.808 align:center
naiisip ko silang lahat,

00:45:27.891 --> 00:45:33.939 align:center
lahat ng babaeng 'yon
na alam kong hindi susuko,

00:45:34.022 --> 00:45:39.027 align:center
na alam kong patuloy
na hihingi ng hustisya.

00:45:40.112 --> 00:45:42.239 align:center
Sila 'yong mga babaeng bumubuo,

00:45:42.322 --> 00:45:46.243 align:center
binubuo natin, sa iba't ibang espasyo,

00:45:46.326 --> 00:45:50.497 align:center
ng mundong gusto nating tirahan.

00:45:53.959 --> 00:45:55.335 align:center
Lumipas ang panahon,

00:45:55.419 --> 00:45:58.130 align:center
pero ayokong mabalewala
ang ginawa ni Mama sa buhay,

00:45:58.213 --> 00:46:00.549 align:center
kasi pangarap niyang makakuha ako
ng degree.

00:46:01.258 --> 00:46:03.135 align:center
Kaya ipinagpatuloy ko ang pag-aaral.

00:46:03.218 --> 00:46:05.637 align:center
Grabe pa din 'yong sakit,
at di na 'yon mawawala,

00:46:05.721 --> 00:46:07.389 align:center
pero nag-aaral pa din ako.

00:46:07.890 --> 00:46:11.351 align:center
Nag-aaral ako ng law.
Nagtatrabaho ako saka nag-aaral.

00:46:13.812 --> 00:46:18.233 align:center
Sa suweldo ko,
kaya kong magbayad ng upa saka internet.

00:46:18.317 --> 00:46:21.487 align:center
Sinisiguro kong lahat ng kailangan
ng kapatid ko sa school, meron.

00:46:26.783 --> 00:46:31.705 align:center
Parang hustisya na din ng lahat ng babae
ang hustisya para sa isa.

00:46:31.788 --> 00:46:35.709 align:center
At gano'n din ang pakiramdam
pag may injustice na nangyari sa isa.

00:46:37.294 --> 00:46:39.004 align:center
Kaya…

00:46:39.755 --> 00:46:41.048 align:center
kailangan nating magtrabaho.

00:46:47.137 --> 00:46:49.640 align:center
Gusto kong maging prosecutor
dahil sa pinagdaanan ko.

00:46:49.723 --> 00:46:52.059 align:center
Ibang major ang gusto kong kunin dati,

00:46:52.142 --> 00:46:55.312 align:center
pero ngayon, gusto kong magtrabaho
sa Prosecutor's Office

00:46:55.395 --> 00:47:00.859 align:center
bilang prosecutor na humahawak
ng mga kaso ng femicide.

00:47:02.611 --> 00:47:05.113 align:center
Dito, makakatulong
'yong nararamdaman kong sakit

00:47:05.197 --> 00:47:07.366 align:center
para maintindihan ang mga pamilya.

00:47:07.449 --> 00:47:11.912 align:center
Dahil nangyari sa 'kin 'yon,
maiintindihan ko ang pinagdadaanan nila.

00:47:21.421 --> 00:47:24.132 align:center
Naaalala ko,
pumupunta kami dati sa Chapultepec Zoo.

00:47:24.216 --> 00:47:26.343 align:center
Mahilig sa hayop ang kapatid ko.

00:47:26.927 --> 00:47:28.929 align:center
Sobrang bata pa ng mga pamangkin ko no'n.

00:47:29.012 --> 00:47:32.850 align:center
Kaya madalas namin silang isakay
sa mga bangka.

00:47:41.984 --> 00:47:45.487 align:center
Binilhan ako ni Mama ng ganito
no'ng bata pa ako.

00:47:45.571 --> 00:47:47.739 align:center
Naaalala mo,
para silang mga alagang hayop dati?

00:47:47.823 --> 00:47:49.658 align:center
Hila-hila mo sila nang gano'n.

00:47:56.290 --> 00:47:58.333 align:center
Hustisya ang pinakamagandang therapy.

00:48:00.127 --> 00:48:02.337 align:center
Kung may hustisya, okay ang mga tao.

00:48:03.255 --> 00:48:07.759 align:center
Hindi na sila mababaliw sa krimen,
mag-iisip ng kung ano-ano tungkol do'n.

00:48:07.843 --> 00:48:11.930 align:center
Di kailangang tumigil ang buhay nila
para lang pumunta sa prosecutor's office.

00:49:10.906 --> 00:49:11.907 align:center
Ay.

00:49:12.950 --> 00:49:14.701 align:center
May nire-report na krimen.

00:49:17.037 --> 00:49:18.955 align:center
Para sa command at log information,

00:49:19.039 --> 00:49:22.000 align:center
patrol unit 6822
sa labas ng distrito ng Benito Juárez.

00:49:22.084 --> 00:49:24.461 align:center
Nagtatawag ng Code 33
sa Komunidad ng Del Valle,

00:49:24.544 --> 00:49:26.338 align:center
sa loob ng Suntory Restaurant.

00:49:27.881 --> 00:49:29.591 align:center
Sabihan ang base na may five.

00:53:04.181 --> 00:53:09.185 align:center
Nagsalin ng Subtitle: Jennica Rio Galolo
Valle,

