WEBVTT

00:18.309 --> 00:20.770
Balik sa capital ng Mexico,
ayon sa head of government,

00:20.854 --> 00:24.190
sa kabila ng umiiral
na violence against women alert,

00:24.274 --> 00:26.860
bumubuo na ang administrasyon
ng panibagong protocol.

00:29.571 --> 00:31.656
Mahirap ang mga kondisyon sa trabaho.

00:32.490 --> 00:35.744
Patuloy ang pagtaas ng femicide
sa Lungsod ng Mexico

00:35.827 --> 00:37.871
at sa iba't ibang estado sa buong bansa.

00:37.954 --> 00:41.541
Umaabot na ng 809
ang mga kaso sa taong ito.

00:41.624 --> 00:43.918
Gamit ang kutsilyo, 173 kaso ng femicide…

00:44.002 --> 00:47.964
Matututo kang wag matulog
o maging mabilis magising.

00:48.047 --> 00:50.258
Matututo kang matulog nang paputol-putol.

00:50.341 --> 00:51.342
Ayon sa system data,

00:51.426 --> 00:55.805
sa buwan ng Hulyo naitala
ang pinakamaraming kaso na umaabot sa 94.

00:55.889 --> 00:58.516
Sinundan ng Setyembre na may 93.

00:58.600 --> 01:00.101
Agosto na may 91.

01:00.185 --> 01:04.439
Marso at Hunyo na may 87 at 82,
ayon sa pagkakasunod.

01:04.522 --> 01:09.652
Trabaho kong aksiyonan ang bawat kaso
ng femicide, anuman ang oras.

01:09.736 --> 01:13.323
Tumaas ito ng 183 porsiyento.

01:15.158 --> 01:18.203
At bilang mga babae, hindi 'yon madali.

01:19.037 --> 01:24.584
Sa gano'ng lugar, kadalasan,
mga lalaki ang nag-iimbestiga.

01:24.667 --> 01:28.171
Karamihan sa mga imbestigador, mga lalaki.

01:29.964 --> 01:30.882
Kaya para sa 'kin,

01:30.965 --> 01:36.346
sobrang hirap akuin ang lahat ng trabaho
at mga desisyon do'n.

01:39.182 --> 01:41.684
Nando'n 'yong mga public prosecutor
at 'yong commander,

01:41.768 --> 01:44.854
tapos bigla ko na lang nasabing,

01:44.938 --> 01:46.481
"Mapupunta ako sa impiyerno."

01:46.564 --> 01:48.483
Sabi ko, "Mapupunta ako sa impiyerno."

01:51.361 --> 01:55.198
Tapos sabi ng isa
sa mga public prosecutor sa 'kin,

01:55.698 --> 01:57.116
"Alam mo, boss?

01:58.618 --> 02:00.078
"Nasa impiyerno ka na."

02:00.161 --> 02:03.164
PROSECUTOR'S OFFICE
FOR THE INVESTIGATION OF FEMICIDES

02:37.198 --> 02:42.078
THE PROSECUTOR

02:47.500 --> 02:50.962
Nagbubukas kami ng 500 kaso kada linggo.

02:53.423 --> 02:55.300
Nagbubunga ng karahasan ang lipunang 'to

02:55.383 --> 02:57.760
kasi marahas ang pakikitungo
ng mga tao sa isa’t isa.

02:59.095 --> 03:01.556
May matatapos na homicide,
tapos may darating na tatlo.

03:01.639 --> 03:04.642
Matatapos ang tatlo, may apat agad.
Matatapos ang lima, may isa pa.

03:06.352 --> 03:11.149
Minsan naririnig namin na akala nila,

03:11.232 --> 03:14.569
'yon na daw ang pinakamasakit
at pinakamalalang kaso,

03:14.652 --> 03:16.446
tapos may darating na mas malala.

03:18.740 --> 03:20.450
Walang hanggan ang kasamaan ng tao,

03:20.533 --> 03:23.203
at hindi natin maiisip
kung gaano kalala 'yon.

03:31.461 --> 03:35.965
PANAYAM SA TESTIGO
NA SI NADYA TALINA BARRALES

03:36.841 --> 03:37.675
INA NI KAREN ITZEL

03:37.759 --> 03:40.762
No'ng araw na 'yon, inimbita niya
akong mananghalian sa kanila.

03:41.971 --> 03:43.932
Nagte-text ako sa kanya.

03:44.432 --> 03:48.102
Pero nakapatay na 'yong phone niya,
at di na niya natatanggap ang texts.

03:48.186 --> 03:52.315
Naging desperado na ako
at kinausap si José Luis, ang manugang ko,

03:52.398 --> 03:55.610
na samahan ako sa police station.

03:55.693 --> 03:57.779
Sabi niya sa 'kin, siya na ang pupunta

03:57.862 --> 04:00.531
at sasabihan niya ako
kung ano'ng sasabihin nila.

04:00.615 --> 04:04.035
Sabi ko,
"Hindi, pupunta tayong dalawa sa Tláhuac.

04:04.118 --> 04:07.664
"Magfa-file tayo ng report
kasi nawawala ang anak ko."

04:12.418 --> 04:13.878
DISTRITO NG TLÁHUAC

04:13.962 --> 04:15.421
Dito sa Lungsod ng Mexico,

04:15.505 --> 04:18.424
hinarangan ng mga kaanak
ni Karen Itzel Rodríguez Barrales

04:18.508 --> 04:21.427
ang Tláhuac Avenue
sa magkabilang direksyon

04:21.511 --> 04:24.681
para manawagan sa mga awtoridad
na hanapin ang 26-anyos na babae

04:24.764 --> 04:29.269
na nawala matapos umalis
para magpasa ng kanyang bachelor's thesis.

04:29.352 --> 04:33.106
Masaya ang kabataan ni Karen.

04:33.189 --> 04:36.776
Sabi niya,
gusto niyang maging dentista paglaki.

04:38.987 --> 04:42.115
Grabe ang dedikasyon niya sa bahay nila,

04:42.198 --> 04:43.741
sa anak niya,

04:44.325 --> 04:47.787
kahit sa asawa niya.

04:48.371 --> 04:50.498
Itong lalaking 'to ang asawa ni Karen.

04:50.581 --> 04:52.000
-Kay Karen.
-Ano'ng sinabi nila?

04:52.083 --> 04:55.545
Tumawag na kami
at papunta na 'yong prosecutor.

04:55.628 --> 04:57.880
Namilit kami kasi 'yon lang ang paraan.

04:57.964 --> 05:00.300
Tinanong ako ng public prosecutor

05:00.383 --> 05:04.721
kung sino 'yong huling taong
nakakita sa kanya.

05:04.804 --> 05:07.598
At ang sabi ko, 'yong asawa niya.

05:09.308 --> 05:10.727
Tapos ang sabi ng prosecutor,

05:10.810 --> 05:14.814
'yong asawa niya ang dapat mag-file
ng missing person report.

05:15.315 --> 05:17.066
Nag-file ka na ba ng report?

05:17.150 --> 05:20.611
Oo. Na-file na 'yon no'ng Huwebes ng 7:35.

05:20.695 --> 05:24.532
Nagbukas ng imbestigasyon
ang Prosecutor's Office sa Missing Persons

05:24.615 --> 05:27.869
para sa pagkawala ni Karen.

05:27.952 --> 05:31.539
Nakatira siya sa distrito ng Tláhuac
kasama ang partner niya.

05:31.622 --> 05:35.209
May anak sila, isang batang lalaki.

05:35.293 --> 05:38.629
'Yong nanay ni Karen, si Mrs. Nadya,

05:38.713 --> 05:43.760
malakas ang hinala sa kinakasama ni Karen.

05:43.843 --> 05:48.347
Tapos, tinawagan ako ni Palomares,
ni José Luis, ang sabi niya,

05:48.848 --> 05:51.017
"Mama, asan ka?"

05:51.100 --> 05:52.560
Nagsinungaling ako.

05:52.643 --> 05:56.314
Wala akong obligasyong sabihin sa kanya
kung asan ako.

05:56.397 --> 05:58.232
Nasa prosecutor's office ako no'n.

06:00.526 --> 06:06.115
Pinapaalam nila sa 'kin
na na-check na nila ang footage.

06:08.284 --> 06:14.040
Nakita nilang
may inilalabas siyang sako sa truck.

06:22.548 --> 06:25.676
Sabi nila sa 'kin,
"Hindi na siya ang complainant.

06:25.760 --> 06:30.390
"Ngayon, ikaw na ang complainant
at siya na ang suspek."

06:32.600 --> 06:33.851
Magtatanong ako do'n.

06:34.936 --> 06:38.606
Do'n dumating 'yong mga imbestigador

06:38.689 --> 06:40.942
at inaresto siya.

06:44.237 --> 06:47.156
Arrest warrant 'yan, José Luis.
Aarestuhin ka namin.

06:47.240 --> 06:49.033
-Bakit?
-Nakasulat 'yon dito.

06:49.117 --> 06:50.993
Sa pagkawala ng isang tao.

06:52.078 --> 06:53.496
-Okay?
-Kalma lang.

06:58.251 --> 06:59.168
May karapatan kang…

06:59.252 --> 07:03.339
Inaresto at sinampahan namin ng kaso
si José N.

07:03.423 --> 07:05.508
para sa posibleng pagkakasangkot niya

07:05.591 --> 07:08.636
sa pagkawala ng babaeng
nagngangalang Karen.

07:08.719 --> 07:13.391
Pinapunta nila ako para sa DNA testing
para sa genetic recognition.

07:14.142 --> 07:16.352
No'ng oras na 'yon, naisip ko,

07:16.436 --> 07:18.980
"Malamang ipinapagawa sa 'kin
ng prosecutor's office 'to

07:19.480 --> 07:21.983
"kasi patay na ang anak ko."

07:24.944 --> 07:26.028
FEMICIDE ATLAS

07:26.112 --> 07:30.575
Matapos ang masusing intelligence
at field work,

07:30.658 --> 07:36.998
natagpuan ng multidisciplinary team
ang katawan ng babaeng si Karen.

07:37.498 --> 07:41.002
Ang mismong lugar ng pagkakadiskubre,
kung saan may mga tabla ng plywood,

07:41.085 --> 07:44.881
matapos gamitan ng makinang pang-araro

07:44.964 --> 07:50.511
ang parteng ito ng tumpok ng lupa,
na malapit din sa rural na kalsada.

07:54.348 --> 07:55.850
BUKAS NA LOKASYON

07:59.187 --> 08:00.688
TAGONG LIBINGAN

08:03.316 --> 08:06.777
NATAGPUAN NANG WALA PANG 10 ARAW

08:06.861 --> 08:08.237
FEMICIDE

08:09.030 --> 08:10.364
-Pangalan?
-Opo, Your Honor.

08:10.448 --> 08:13.784
Ako po si José Luis Galicia Palomares.
Isa akong odontologist.

08:13.868 --> 08:15.661
May degree at professional license.

08:16.162 --> 08:20.374
Walang kinalaman ang mga magulang ko,
pamilya ko, o ako sa sitwasyong 'to.

08:23.586 --> 08:25.671
Walang ebidensiyang nagpapatunay

08:26.380 --> 08:29.550
na ginawa ko ang krimen,
kahit mga video o picture.

08:30.051 --> 08:31.093
Wala.

08:32.386 --> 08:35.848
Ako ang na-assign sa kaso.
Ako ang umasikaso ng mga dapat gawin.

08:35.932 --> 08:37.683
'Yong tungkol sa paghahanap,

08:37.767 --> 08:41.395
napag-alaman na hindi siya umalis
para magpasa ng thesis,

08:41.479 --> 08:42.897
gaya ng sinabi ng asawa niya.

08:43.481 --> 08:46.108
Nagkakasalungat na ang sinasabi ng asawa.

08:46.192 --> 08:49.237
Kaya napansin namin
na may mga hindi malinaw.

08:51.155 --> 08:53.824
No'ng mga oras na 'yon,
sinabi ko sa prosecutor,

08:54.700 --> 08:58.287
"Hindi pa tapos 'to, Madam Prosecutor."

08:58.371 --> 09:02.375
Sabi niya, "Oo, Mrs. Nadya,
makukuha natin ang hustisya.

09:02.875 --> 09:05.086
"Magtiwala ka sa mga awtoridad."

09:05.169 --> 09:08.631
Sabi ko sa kanya, "Nagtitiwala ako.
Wag n'yo akong bibiguin."

09:12.468 --> 09:15.221
Pag nilalapitan ka ng mga tatay at nanay

09:16.722 --> 09:21.102
tapos tinatanong ka nila,
"Ano'ng gagawin mo kung anak mo 'yon?"

09:22.311 --> 09:23.646
Hindi ko alam ang gagawin.

09:24.647 --> 09:29.610
Isa din 'yon sa mga dahilan kung bakit

09:30.236 --> 09:32.989
hindi ako

09:33.489 --> 09:39.745
nagdesisyong maging ina.

09:45.293 --> 09:47.378
Bakit ka magiging ina
sa isang batang babae

09:48.087 --> 09:49.922
sa isang bansa

09:51.007 --> 09:54.719
na napakalayo pa

09:55.219 --> 09:58.180
sa gender equality?

09:58.681 --> 10:01.475
Kung saan kaming mga babae,

10:01.559 --> 10:06.355
sa iba't ibang degree,
nanganganib maging biktima ng femicide.

10:26.250 --> 10:28.711
Itong kaso ni Yrma Lydya,

10:28.794 --> 10:32.923
parang isa o dalawang araw pa lang
no'ng pumunta kami ng Río de los Remedios

10:33.507 --> 10:37.178
at nahanap 'yong mga labi
ni Joana Esmeralda

10:37.678 --> 10:39.597
nang mangyari 'tong kay Yrma Lydya.

10:41.057 --> 10:44.810
At tuloy-tuloy lang 'yong ikot no'n,
hindi humihinto.

10:47.897 --> 10:50.107
Tapos sobrang brutal din.

10:50.650 --> 10:56.572
Ako ang perfect at passionate na babaeng
ibibigay ang buong buhay niya sa stage.

10:56.656 --> 11:00.076
Para akong lumilipad pag kumakanta.

11:02.495 --> 11:06.248
Tingin ko, sigurado si Yrma Lydya
na gusto niyang maging singer.

11:06.332 --> 11:09.627
At hindi lang basta singer.
Gusto niyang maging star.

11:09.710 --> 11:13.422
'Yong star na kapantay
ng pinakamagagaling na artists sa Mexico,

11:13.506 --> 11:16.050
gaya nina Lola Beltrán o Lucha Villa.

11:16.133 --> 11:17.802
Gusto niyang maabot 'yon.

11:17.885 --> 11:21.055
Gusto niya,
iba-iba ang damit niya kada performance.

11:21.555 --> 11:24.058
Ang lagi niyang sinasabi,
"Ayokong pareho ang itsura ko.

11:24.141 --> 11:26.727
"Gawan mo 'ko ng isa para sa show na 'to."

11:26.811 --> 11:30.356
Kasi pangarap niyang maging big star

11:30.439 --> 11:34.026
ng Mexican popular music.

11:34.694 --> 11:36.404
Itong damit na 'to…

11:37.321 --> 11:41.075
Ito 'yong huli niyang ipinagawa sa 'kin

11:41.158 --> 11:42.284
para makapagsimula siya…

11:42.368 --> 11:43.369
KAIBIGAN NI YRMA LYDYA

11:43.452 --> 11:44.370
…ng sariling career.

11:44.453 --> 11:48.332
Kasi 'yong mga dati niyang damit,
galing sa pera ng dati niyang asawa.

11:48.416 --> 11:52.002
Mga sampung araw na silang hiwalay no'n.

11:54.547 --> 11:58.175
May ni-report na femicide
sa Suntory Restaurant sa Del Valle.

11:58.259 --> 11:59.260
Tapos, boom.

11:59.343 --> 12:02.513
Ngayong gabi,
pinatay ng kanyang asawa ang isang babae

12:02.596 --> 12:05.683
sa loob ng Suntory Restaurant
sa Komunidad ng Del Valle,

12:05.766 --> 12:09.437
sa distrito ng Benito Juárez
sa Lungsod ng Mexico.

12:12.148 --> 12:18.738
Nangyari ang femicide na 'to
sa isang napakamagarang lugar

12:18.821 --> 12:23.284
kung saan pumupunta ang mga mayayaman,

12:23.367 --> 12:25.494
sa Suntory Restaurant.

12:25.578 --> 12:28.122
'Yan ang Del Valle Suntory Restaurant.

12:30.708 --> 12:32.752
Dito nangyari ang lahat.

12:35.129 --> 12:39.258
Pagdating namin sa site, na-secure na

12:39.341 --> 12:45.014
ng Department of Citizen Protection
'yong lugar.

12:46.390 --> 12:52.480
Tapos inaresto na din nila
si Jesús Alcocer

12:52.563 --> 12:58.944
saka 'yong isa sa mga bodyguard niya
kasi nakatakas ang isa pa.

13:01.781 --> 13:05.868
Lumabas agad 'yon sa balita.

13:05.951 --> 13:08.996
Binaril ng abogado ang kanyang asawa.

13:09.079 --> 13:13.000
Ang babae ay si Yrma Lydya,
21-anyos na mang-aawit,

13:13.083 --> 13:15.503
na sinubukang tulungan ng ibang customer,

13:15.586 --> 13:18.589
ngunit binawian ng buhay
matapos barilin ng tatlong beses.

13:18.672 --> 13:21.050
Dumiretso ako sa opisina,

13:21.842 --> 13:25.679
tapos andito na 'yong mga patrol car

13:25.763 --> 13:31.435
sa Prosecutor's Office, bitbit ang lalaki
at ang bodyguard niya na si Mr. Benjamin.

13:31.519 --> 13:36.899
Nasa department sila no'ng naka-duty dito
sa Femicide Prosecutor's Office.

13:37.399 --> 13:41.111
Matanda na 'yong lalaki,

13:41.695 --> 13:43.656
lampas 70 taong gulang na.

13:43.739 --> 13:46.158
No'ng mga oras na 'yon,
mukha siyang masigla.

13:46.242 --> 13:48.953
Matangkad siyang lalaki na puti ang buhok.

13:49.453 --> 13:53.916
Nakasuot siya ng puting shirt,
at tingin ko, may kurbata at suspenders.

13:55.459 --> 13:58.254
Mukha talaga siyang mayaman.

13:58.337 --> 14:00.589
Sino itong sinasabing abogado?

14:00.673 --> 14:02.675
Sinasabi nilang arogante daw ito

14:02.758 --> 14:06.595
at may dalang armas,
na walang pag-aatubiling ipinakita

14:06.679 --> 14:09.014
para takutin ang kanyang mga kausap.

14:09.098 --> 14:12.268
Nagyabang ito na kaya nitong mapabili
ang mga security agency

14:12.351 --> 14:14.937
sa mga supplier na kanyang gusto.

14:15.020 --> 14:19.191
Sinasabi ding may koneksiyon siya
kay Genaro García Luna,

14:19.275 --> 14:21.986
ang kontrobersiyal
na Secretary of Public Security

14:22.069 --> 14:23.946
no'ng administrasyon ni Felipe Calderon.

14:24.029 --> 14:26.615
Grabe talaga ‘tong taong ‘to, ano?

14:34.331 --> 14:36.166
Sabi sa 'kin ni Atty. General Ernestina,

14:36.959 --> 14:40.379
"Sayuri, maraming tumatawag

14:40.880 --> 14:46.051
"na humihingi ng special treatment
para kay Jesús Alcocer."

14:47.636 --> 14:52.808
Sayuri, magandang gabi,
kailangan nating maging mahigpit

14:52.891 --> 14:55.686
sa mga detainee na 'to

14:55.769 --> 15:00.858
kasi tinawagan niya ang lahat. Ha?

15:01.400 --> 15:02.526
Kilala ko siya.

15:02.610 --> 15:06.405
Kilala ko siya nang personal
bilang abogado.

15:06.488 --> 15:12.119
Totoo, maraming dumating na tawag

15:13.078 --> 15:16.248
galing sa mga taong,

15:16.749 --> 15:19.543
sabihin nating, makapangyarihan,

15:20.044 --> 15:23.380
makapangyarihan sa ekonomiya,
makapangyarihan sa politika,

15:23.464 --> 15:26.300
mga kaibigang lalaki at babae.

15:26.383 --> 15:31.263
Tatanungin nila,
"Ano'ng nangyayari? Sigurado ka ba?"

15:31.347 --> 15:33.891
"Baka naman sinisiraan lang siya?"

15:33.974 --> 15:35.267
"Tingnan n'yo nang mabuti."

15:35.351 --> 15:41.065
"Siyempre naman, makakaasa kayo
na iimbestigahan namin 'to nang mabuti."

15:41.565 --> 15:46.695
Mukhang marami siyang koneksiyon,
pero pasensiya, di siya maililigtas no'n.

15:47.196 --> 15:50.366
Buweno, babantayan natin 'to, salamat.

15:51.992 --> 15:55.245
'Yon ang mga kondisyong kailangan ko
para magawa ko ang trabaho ko.

15:57.998 --> 16:02.711
Pag may suporta mula sa nakatataas
ang mga prosecutor

16:02.795 --> 16:06.048
para ituloy at iusad ang mga kaso,

16:06.131 --> 16:08.092
nagkakaroon sila ng progress.

16:12.304 --> 16:17.768
Pinapunta namin agad ang team
sa pinangyarihan.

16:17.851 --> 16:20.020
At inasikaso nila agad 'yon.

16:20.104 --> 16:23.941
Kumuha sila ng mga photographic evidence,
mga blood sample,

16:24.024 --> 16:26.443
saka kinuha 'yong mga basyo ng bala.

16:28.070 --> 16:32.449
Iginiit ni Jesús
na hindi niya binaril ang babae

16:32.533 --> 16:37.788
at na biktima rin siya,
gaya ng mga kaanak ng nasawi.

16:37.871 --> 16:40.416
Ayon sa abogado ni Jesús Hernández,

16:40.499 --> 16:45.546
walang ebidensiya
na binaril nito ang kanyang asawa.

16:49.425 --> 16:52.636
May evidence, ballistic evidence,

16:52.720 --> 16:55.681
mga basyo ng bala na kinolekta

16:55.764 --> 17:01.353
sa lugar kung saan malinaw
na may mga taong nagkakasiyahan.

17:05.441 --> 17:07.067
May mga baso ng wine.

17:07.151 --> 17:11.113
Saka may mga nakasulat sa mga mantel
na hindi mabasa nang maayos.

17:22.916 --> 17:28.172
Nasa napakalaking bodega kami
na puno ng ebidensiya.

17:28.756 --> 17:34.678
E, parte 'yon ng trabahong ginagawa
sa crime scene.

17:36.096 --> 17:39.808
Bilang public prosecutor,
wala akong direct contact sa ebidensiya.

17:39.892 --> 17:44.062
'Yong taong may hawak no'n
ang nagpa-process.

17:48.192 --> 17:52.696
Sa mesa, may parang place mat

17:53.655 --> 17:56.784
na may mga nakasulat na,

17:56.867 --> 17:59.620
e, ang hinala namin,
si Yrma Lydya ang sumulat.

18:04.374 --> 18:09.838
Isinulat niya ang mga problema nila
at mga hindi pagkakaintindihan.

18:12.049 --> 18:14.802
Ipinapaalam nila kay Mr. Alcocer
na di na siya masaya,

18:14.885 --> 18:17.304
na ayaw na niyang makasama 'to.

18:17.805 --> 18:19.431
Siguro 'yon ang motibo

18:20.099 --> 18:23.560
para gawin ni Mr. Alcocer ang krimen.

18:30.067 --> 18:32.945
BALLISTICS AND FIREARMS AREA
GENERAL ELEMENTS AREA

18:36.907 --> 18:39.284
2022 BALLISTICS

18:42.871 --> 18:46.959
Pinuntahan ng mga imbestigador
ang address ni Mr. Alcocer.

18:47.459 --> 18:52.965
At do'n nga natagpuan
ang ginamit na baril sa femicide.

19:02.891 --> 19:07.020
Medyo kakaiba ang baril na 'to.

19:07.104 --> 19:11.692
Sa mundo ng mga kriminal,
"cop killer" ang tawag dito.

19:12.317 --> 19:16.530
Ang kakaiba dito, malakas ang kalibre nya

19:19.533 --> 19:22.870
na naka-adapt sa maliit na baril.

19:26.290 --> 19:29.835
Dinisenyo 'to para tumagos
sa ilang level ng armor

19:29.918 --> 19:33.672
kaya tinawag na "cop killer."

19:41.513 --> 19:45.767
Tanghali. Tatawagan ko na si Celia ngayon,
pare, para tingnan kung…

19:45.851 --> 19:47.769
Tatawagan mo siya? Sige…

19:47.853 --> 19:50.939
Habang nagche-check ka
ng ebidensiya sa damit.

19:51.523 --> 19:54.359
-Sige. Kumusta ang mga putang inang video?
-Ayos, pare.

19:54.443 --> 19:56.778
Ano… Kukunin ba nila?

19:57.654 --> 19:59.406
Oo, dapat kukunin…

19:59.489 --> 20:04.453
'Yong pressure na naramdaman namin
no'ng mga araw na 'yon, Diyos ko po.

20:05.954 --> 20:11.293
Mahirap, komplikado,
saka sobrang nakaka-stress

20:11.376 --> 20:12.836
ang mga oras na 'yon.

20:12.920 --> 20:15.756
May 48 oras kami para solusyonan

20:15.839 --> 20:18.634
'yong legal situation
nina Mr. Alcocer at Mr. Benjamin.

20:18.717 --> 20:21.678
-O, sige.
-Okay? Tatawagan ko si Celia.

20:22.304 --> 20:24.431
-Please, pare.
-Sige, pare, oo.

20:24.514 --> 20:26.725
Para maasikaso ko 'yong isa.

20:39.279 --> 20:41.114
Ano ang una nilang hinihingi?

20:41.198 --> 20:43.200
'Yong letter of intent.

20:43.283 --> 20:45.953
Diyos ko, ano'ng susunod?

20:46.453 --> 20:50.624
'Yong certified copy,
true copy ng birth certificate book.

20:51.625 --> 20:53.669
Certified copy ng marriage certificate.

20:53.752 --> 20:54.586
Kung meron.

20:54.670 --> 20:58.340
Kung common-law marriage,
dapat may dokumentong magpapatunay no'n.

20:58.840 --> 20:59.675
Hindi.

21:01.051 --> 21:03.637
Mahaba ang proseso ng pag-aampon.

21:03.720 --> 21:06.682
Kailangan ng mahabang pasensiya

21:06.765 --> 21:11.812
saka maraming kailangang ipasang papeles.

21:13.355 --> 21:17.734
Ito 'yong letter of intent ko.

21:19.569 --> 21:22.114
Kailangan mong dumaan sa maraming tests.

21:22.197 --> 21:25.492
Mga physical saka psychological na test.

21:25.575 --> 21:27.619
Siyempre, hindi 'yon basta-basta

21:27.703 --> 21:33.709
kasi malaking responsibilidad
ang pag-aalaga ng bata.

21:36.336 --> 21:39.089
Nagkaka-writer's block ako.

21:39.798 --> 21:40.674
Oo.

21:44.720 --> 21:47.306
E, medyo may pag-aalangan, di ba?

21:47.389 --> 21:51.852
Pero napagdesisyunan kong simulan
'yong process,

21:51.935 --> 21:53.603
'yong process ng pag-aampon.

21:55.480 --> 21:58.942
Galing sa puso ko
ang desisyon kong mag-ampon.

21:59.026 --> 22:00.694
Hindi siya dahil…

22:02.237 --> 22:04.156
hindi ako makabuo.

22:15.167 --> 22:19.171
CLINICAL LABORATORY TECHNICIAN

22:25.052 --> 22:26.345
Pinapatulog ko ang apo ko.

22:26.428 --> 22:28.513
Pinapatulog. Pinapakain siya ng hapunan.

22:28.597 --> 22:31.016
Hinehele ko siya, binabasahan ng kuwento,

22:32.642 --> 22:34.478
tapos pinapanuod ko 'yong mga video.

22:35.645 --> 22:39.441
HINGIN ANG MGA C2 VIDEO CAMERA
AT MGA PRIBADONG CAMERA

22:39.524 --> 22:43.695
Kita mo ang lahat
kasi nasa kanto ng bahay 'yong camera.

22:44.446 --> 22:48.158
Galit na galit si Mrs. Nadya,
masama ang loob.

22:48.241 --> 22:52.788
Ang sabi niya, "Nagsisinungaling kayo.
Alam kong may iba pang sangkot."

22:52.871 --> 22:57.292
Galit siya kasi akala niya,
kailangan niya pa kaming kumbinsihin

22:57.376 --> 22:59.127
na marami pang sangkot dito.

23:12.099 --> 23:13.600
Sa 1:12 a.m.,

23:14.768 --> 23:17.104
makikita mong inilabas nila
ang katawan ng anak ko.

23:19.481 --> 23:21.691
Inilabas ni Palomares 'yong SUV,

23:22.192 --> 23:25.862
tapos 'yong nagsara ng gate,
si Mr. José Luis,

23:25.946 --> 23:27.406
ang biyenan ng anak ko.

23:28.615 --> 23:33.578
AMA NI JOSÉ LUIS GALICIA PALOMARES

23:33.662 --> 23:37.916
Tapos, umupo siya sa likod,
sa likod ng driver, sa likod ni Palomares.

23:48.176 --> 23:50.053
Tapos, umalis 'yong SUV.

23:58.603 --> 24:00.397
Pero no'ng sinundan nila 'yong truck

24:00.480 --> 24:02.691
kung saan nila dinala ang anak ko,

24:03.692 --> 24:05.068
makikita mo ang lahat.

24:20.792 --> 24:23.795
Tapos, pumasok sila
sa San Miguel Las Tablas.

25:10.884 --> 25:15.180
Ilang hakbang lang ang layo
mula sa pinasukan ng SUV

25:15.680 --> 25:17.515
hanggang sa pinaglibingan ng anak ko.

25:33.114 --> 25:35.909
At pagbalik nila
pagkatapos itapon ang katawan ng anak ko,

25:35.992 --> 25:40.830
mga 4:40 a.m. 'yon,

25:43.250 --> 25:47.921
makikita mong pinagbuksan sila ng gate
ni Martha Beatriz.

25:48.004 --> 25:50.882
MARTHA BEATRIZ PALOMARES SOSA (BIYENAN)

25:50.966 --> 25:53.802
Makikita mong binubuksan
ni Martha Beatriz 'yong gate

25:54.386 --> 25:56.638
para makapasok agad ang SUV.

25:57.138 --> 26:01.726
Tapos isinara niya 'yong gate
at bumaba sila sa SUV.

26:06.773 --> 26:08.567
Kadalasan, ang prosecutor's office,

26:10.235 --> 26:12.862
marami pa 'yang ibang investigation files.

26:12.946 --> 26:17.450
At kadalasan,
ibinibigay ng mga pamilya ang lahat

26:17.534 --> 26:19.869
para makuha ang hustisya,
maunawaan ang nangyari,

26:19.953 --> 26:21.371
at malinaw ang katotohanan.

26:21.454 --> 26:26.084
Hindi lang sa file,
kundi pati sa mga lugar na pinangyarihan

26:26.167 --> 26:28.587
saka sa mga kaibigan ng biktima.

26:28.670 --> 26:31.548
Do'n ako naniniwala

26:31.631 --> 26:35.385
na kapag epektibo ang pagtutulungan
ng mga pamilya at mga prosecutor,

26:35.468 --> 26:37.053
magkakaroon ng progress.

27:18.928 --> 27:22.724
HINDI BABABA SA DALAWANG TAO

27:22.807 --> 27:24.392
No'ng tiningnan ko ang file,

27:24.476 --> 27:29.147
parang imposibleng isang tao lang
ang sangkot sa mga pangyayari.

27:30.065 --> 27:33.360
Trabaho ko 'yon,
hindi 'yon trabaho ni Mrs. Nadya.

27:33.443 --> 27:36.863
Trabaho kong imbestigahan

27:36.946 --> 27:39.783
at patunayan na marami pang taong sangkot

27:39.866 --> 27:42.077
at kung ga'no sila kasangkot.

27:43.078 --> 27:47.040
Ang maganda sa trabaho ni Carolina,

27:47.123 --> 27:51.503
nakikinig siya, ginagawa niya nang maayos,

27:52.003 --> 27:57.676
at inaasikaso niya
ang mga hinihingi ni Mrs. Nadya.

27:57.759 --> 28:02.597
Nasa courtroom number 21 tayo
para litisin ang kaso

28:02.680 --> 28:05.225
laban kay Mr. José Luis Galicia Palomares

28:05.308 --> 28:07.519
para sa kasong femicide.

28:08.478 --> 28:10.688
Pumunta ako sa bawat hearing.

28:10.772 --> 28:12.982
Sinubaybayan ko ang kaso ng anak ko.

28:13.566 --> 28:16.945
Magandang hapon, NTBV, tumatayong biktima

28:17.028 --> 28:19.489
at kinatawan
ng menor de edad kong apo na si JNGR.

28:19.572 --> 28:23.868
NTBV, tumatayong biktima
at kinatawan ng menor de edad kong apo.

28:23.952 --> 28:27.163
NTBV, tumatayong biktima.

28:27.247 --> 28:31.000
Tumatayong biktima at kinatawan
ng menor de edad kong apo na si JNGR.

28:31.084 --> 28:35.505
Wala akong makukuha do'n,
at wala akong ibang gusto, hustisya lang.

28:44.264 --> 28:46.516
Prinsipyo ito ng pagiging kompleto,

28:46.599 --> 28:50.395
ibig sabihin, dapat maproseso ang lahat
ng iniimbestigahan at ebidensiya.

28:50.478 --> 28:54.649
At kung may lumabas
na bagong impormasyon do'n

28:54.733 --> 28:58.194
na kailangan ulit imbestigahan,
e di, 'yon ang gagawin namin.

29:14.461 --> 29:20.008
Yrma, sobrang saya kong andito ka sa show.

29:20.091 --> 29:22.427
Siya at ang asawa niya,
na isang gentleman,

29:22.510 --> 29:25.263
mabuting tao, abogado…

29:25.346 --> 29:26.764
Si Jesús…

29:26.848 --> 29:30.560
-Hernández Alcocer.
-Si Jesús Hernández Alcocer.

29:30.643 --> 29:34.314
Hindi n'yo alam
kung gaano siya kabuting tao.

29:34.397 --> 29:39.444
Gaya niya, sobrang galang,
napakamaginoo, napakamaalalahanin.

29:39.527 --> 29:43.156
Habang nag-iimbestiga kami para malaman
kung may history ng karahasan,

29:43.239 --> 29:48.244
napag-alaman naming nag-file na dati
ng police report si Yrma Lydya,

29:48.328 --> 29:51.915
na itinuring noon ng prosecutor’s office
bilang kaso ng domestic violence.

29:52.540 --> 29:54.709
Jesús! Tingnan mo, natumba ka na.

29:55.460 --> 29:56.336
Jesús.

29:56.878 --> 29:58.338
Putang ina mo!

29:59.798 --> 30:02.091
-Ano'ng problema mo?
-Sisipain kita!

30:02.175 --> 30:03.468
Ano ba'ng problema mo?

30:03.968 --> 30:05.762
Ano'ng problema, Jesús?

30:06.763 --> 30:09.849
Hindi mo ako kailangang saktan.
Wala akong masamang intensiyon.

30:11.643 --> 30:16.481
Sa huli, pinilit siya ng lalaking 'to
na pumunta sa prosecutor’s office

30:16.564 --> 30:19.275
at humiling ng konsiderasyon
para sa kasong 'yon.

30:19.359 --> 30:22.487
Sa ginawa naming technical-legal analysis,
napagdesisyunan naming

30:22.570 --> 30:24.697
hindi pwedeng pagbigyan
ang konsiderasyong 'yon

30:24.781 --> 30:27.867
kasi, base sa mga ikinuwento
ni Yrma Lydya,

30:27.951 --> 30:29.911
tangkang femicide ang nangyari.

30:29.994 --> 30:33.164
Tinakot siya at binugbog.

30:33.248 --> 30:36.459
Natakot siya kay Mr. Alcocer

30:36.543 --> 30:39.671
kasi tinutukan siya ng armas sa ulo
at binantaang papatayin.

30:39.754 --> 30:44.300
At nakatakas siya
kasi tinulungan siya ng mga kasambahay.

30:44.384 --> 30:46.219
Di makatarungan ang konsiderasyong 'yon.

30:46.302 --> 30:49.305
Dapat naglabas ng protective measures
ang prosecutor's office

30:49.806 --> 30:55.019
at inasikaso ang pagkuha ng arrest warrant

30:55.103 --> 30:57.814
para hindi na makagawa pa si Mr. Alcocer

30:57.897 --> 31:01.109
ng mas malalang karahasan kay Yrma Lydya.

31:01.192 --> 31:04.404
Buhay pa sana siya kung naasikaso
nang maayos ng prosecutor 'yong kaso.

31:06.698 --> 31:09.450
Siyempre, nababahala kami do'n.
Sobrang nababahala kami do'n.

31:11.578 --> 31:14.080
Di natin pwedeng sabihin na,
"Ibang imbestigasyon 'yon."

31:14.163 --> 31:16.958
"Ibang prosecutor's office."

31:17.041 --> 31:19.711
Institusyonal ang responsibilidad.

31:19.794 --> 31:22.213
-Kakantahan kita ng ranchera.
-Sige.

31:22.297 --> 31:25.216
"I Was Wrong About You" ang title nito.

31:25.300 --> 31:26.467
Sige lang, iha!

31:26.551 --> 31:31.973
Nagkamali ako sa 'yo

31:32.056 --> 31:34.976
Sobrang laki ng pagkakamali ko

31:35.059 --> 31:37.729
Tulad ng iilan

31:38.271 --> 31:42.191
Na nagkamali nang ganito

31:42.692 --> 31:45.528
Nakilala kita sa simbahan

31:45.612 --> 31:48.448
At pinagmasdan ka nang tahimik

31:48.531 --> 31:54.996
Para hindi makagambala sa panalangin mo
Na sagrado para sa 'kin…

32:08.384 --> 32:12.930
Sobrang kumplikadong hearing
ang kinakaharap namin

32:13.014 --> 32:16.142
sa korte.

32:16.225 --> 32:18.728
Nasa Lungsod ng Mexico tayo.
Hunyo 26, 2022 ngayon.

32:18.811 --> 32:22.398
At nasa courtroom 11 tayo,
sa North Detention Center

32:22.482 --> 32:23.942
para sa preliminary hearing

32:24.025 --> 32:27.445
laban kina Jesús Hernández Alcocer
at Benjamín Hernández Mendoza

32:27.528 --> 32:29.947
para sa krimeng femicide.

32:30.031 --> 32:32.825
Sino ang kumakatawan
sa Prosecutor’s Office?

32:32.909 --> 32:36.079
Your Honor,
ako si Agent Héctor Miguel Ortiz Acosta,

32:36.162 --> 32:38.706
ang naatasan
ng Femicide Prosecutor's Office.

32:39.332 --> 32:41.125
Meron kaming panayam sa testigo.

32:41.209 --> 32:45.588
Mananatiling kumpidensiyal
ang inyong personal na impormasyon.

32:46.089 --> 32:48.132
No’ng araw na ’yon,

32:48.216 --> 32:50.551
lampas 7:00 p.m. na ako nakarating
sa Suntory.

32:52.261 --> 32:54.931
Pagpasok ko,
ibinigay nila sa 'kin 'yong unang mesa

32:55.014 --> 33:00.687
na nasa harap mismo
ng private room na may glass doors.

33:00.770 --> 33:02.855
May dalawang tao sa loob no'n,

33:03.356 --> 33:04.774
isang dalaga

33:05.274 --> 33:08.319
at isang matandang lalaki
na puti ang buhok,

33:08.861 --> 33:10.697
naka-suspenders din pala siya.

33:10.780 --> 33:12.115
DALAWANG TAO

33:12.198 --> 33:14.158
Pagkalipas ng ilang minuto,

33:14.242 --> 33:19.539
lumalala na 'yong pagtatalo nila
sa loob ng private room.

33:19.622 --> 33:21.958
Galit na galit 'yong lalaki.

33:23.835 --> 33:26.295
No'ng nagkaroon kami ng pagkakataon,

33:26.379 --> 33:30.591
sinabi namin sa isa
sa mga head waiter ng Suntory.

33:30.675 --> 33:32.218
Sabi namin, "Ingat.

33:32.885 --> 33:37.014
"Hindi na maganda ang sitwasyon d'yan.
Lumalala na."

33:37.515 --> 33:43.646
At totoo nga, may pagkakataon
na narinig kong tumataas ang boses niya.

33:43.730 --> 33:45.606
Ang sabi niya sa babae,

33:46.607 --> 33:50.528
"Dahil magbabago ka. Magbabago ka!"

33:50.611 --> 33:51.696
MAGBABAGO KA!

33:51.779 --> 33:55.033
Palakas nang palakas at palala nang palala
'yong galit sa boses niya.

33:55.658 --> 34:00.621
No'ng dumaan 'yong isa pang head waiter,
sinabi ulit namin sa kanya,

34:00.705 --> 34:04.417
"Lumalala na 'to,
saka mukhang armado 'yong lalaki."

34:05.460 --> 34:07.336
"Opo, titingnan namin," sabi niya.

34:07.420 --> 34:11.340
Di ako makapaniwala
sa sumunod na nangyari.

34:13.134 --> 34:17.096
Isang beses, tumingin sa 'min 'yong babae,

34:17.889 --> 34:19.223
pero hindi nagsalita.

34:20.099 --> 34:22.810
Tiningnan niya kami
nang may takot sa mata,

34:23.686 --> 34:27.106
itinaas ang kilay at pinalaki ang mata,
na parang, "Gumawa kayo ng paraan."

34:29.692 --> 34:30.943
Tinutukan siya ng lalaki.

34:32.487 --> 34:35.990
Sabi ko, "Tinututukan na niya.
Babarilin niya. Babarilin na siya!"

34:36.074 --> 34:37.325
Tapos binaril siya.

34:38.701 --> 34:41.496
NAGPAPUTOK NG PANGALAWA SI MR. JESÚS

34:41.579 --> 34:47.335
NAGPAPUTOK NG PANGATLO SI MR. JESÚS

34:47.418 --> 34:51.589
May pumasok na isa sa mga assistant niya.

34:51.672 --> 34:54.092
Di ko narinig ang itinanong nito sa kanya.

34:54.175 --> 34:57.053
Pero madaling hulaan kung ano 'yong tanong

34:57.136 --> 35:01.682
kasi ang sagot ni Hernández Alcocer,

35:01.766 --> 35:04.769
"E di, makulong! Bahala na!

35:04.852 --> 35:07.230
"Kasi putang ina ng babaeng 'to!"

35:10.858 --> 35:14.529
Kani-kanina lang, nagpasya ang hukom

35:14.612 --> 35:19.784
na mananatili sa kulungan ang abogado
na si Jesús Hernández Alcocer.

35:19.867 --> 35:23.996
Kasama ang kanyang driver at bodyguard
na si Benjamín Hernández Mendoza, 42,

35:24.080 --> 35:26.290
sila ay pormal nang sinampahan
ng kasong femicide

35:26.374 --> 35:28.543
laban kay Yrma Lydya Gamboa, 22 anyos.

35:28.626 --> 35:33.339
Naglabas din ng arrest warrant
para sa isa pang bodyguard

35:33.422 --> 35:35.133
na nakumpirma naming kasabwat nito

35:35.216 --> 35:39.303
at hinahanap pa rin hanggang ngayon.

35:39.971 --> 35:46.978
REWARD
WANTED

36:17.216 --> 36:19.135
Nagkaroon ng di-inaasahang kaganapan

36:19.218 --> 36:21.888
ang imbestigasyon ng mga salarin
at pagkamatay ng dalaga.

36:21.971 --> 36:24.682
Natagpuan na
si Karen Itzel Rodriguez Barrales.

36:24.765 --> 36:27.268
Iniulat ng District Attorney's Office
ng Mexico City…

36:27.351 --> 36:30.563
Hahanapin natin ang dugo.

36:31.772 --> 36:35.067
'Yong dugong hahanapin natin

36:35.151 --> 36:40.364
saka mga fingerprint sa ebidensiya,
nasa mga kuwartong sasabihin ko.

36:40.448 --> 36:44.118
Nando'n 'yon sa banyo, sa hagdan,
sa sala sa itaas,

36:44.202 --> 36:47.663
sa sala sa ibaba,
saka sa kuwarto ng biktima natin.

36:50.291 --> 36:56.047
Ang dokumentong babasahin natin
nang malakas pati na 'yong audio,

36:57.256 --> 37:02.303
'yon ang guideline na hiningi
para sa arrest warrant laban kay…

37:02.386 --> 37:05.139
-Palomares, José Luis Palomares.
-Kay José Luis Palomares.

37:05.223 --> 37:08.601
Makinig kayo nang mabuti.
Tandaan n'yo, summary 'to ng buong kaso.

37:08.684 --> 37:12.021
Kung sakaling may makalimutan kami, girls,
makinig kayo nang mabuti.

37:12.688 --> 37:16.067
Saka bantayan n'yo ang mga detalye, okay?

37:16.150 --> 37:18.444
Field forensic report.

37:18.527 --> 37:23.366
Babaeng inilibing ng 1.6 metro ang lalim
sa isang tagong libingan.

37:23.449 --> 37:26.911
Para maitago ang katawan, tinakpan
ang espasyo ng lupa at mga halaman

37:26.994 --> 37:29.538
para hindi ito mahanap.

37:29.622 --> 37:31.374
Autopsy report.

37:31.457 --> 37:35.753
May senyales ng asphyxiation sa pananakal
ang katawan ng biktimang si KIRB,

37:35.836 --> 37:37.880
na itinuturing na nakamamatay.

37:37.964 --> 37:40.549
Sa kasong ito,
ayon sa pinangyarihan at ebidensiya,

37:40.633 --> 37:44.428
posibleng higit sa isang tao
ang nasasangkot.

37:47.598 --> 37:49.850
FEMICIDE

37:49.934 --> 37:51.852
PUGANTE WANTED

37:53.062 --> 37:56.691
Team, 'yong jackets n'yo,
dapat madaling makilala.

37:57.441 --> 37:59.068
Papasok na tayo.

38:11.539 --> 38:13.040
-Nasa sa 'yo ang number ko.
-Oo.

38:13.124 --> 38:16.127
Sabihan mo 'ko kung may kailangan ka,
pero di ka pwedeng pumasok.

38:16.210 --> 38:19.630
-Okay.
-Para hindi maapektuhan ang imbestigasyon.

38:44.905 --> 38:50.828
Salamat. Ang hearing na 'to
ay para sa testimonya ni JNGR.

38:50.911 --> 38:52.913
Handa na ba ang witness mo, Prosecutor?

38:52.997 --> 38:55.499
Opo, Your Honor.
Andito na po ang protected witness.

38:57.168 --> 39:00.755
Isang araw, galing kaming swimming.

39:00.838 --> 39:02.798
Naghuhugas ako ng pinggan,

39:03.716 --> 39:08.054
tapos kumuha siya ng upuan, hinila niya,
umakyat siya do'n, at sinabing, "Lola,

39:09.055 --> 39:11.599
"wag ka po munang maghugas ng pinggan.

39:12.350 --> 39:13.434
"Makinig ka po.

39:13.517 --> 39:16.062
"Gusto ko pong makinig kayo
at tingnan ako sa mata."

39:17.104 --> 39:19.857
-"Sige, iho."
-"Patayin n'yo po 'yong gripo."

39:19.940 --> 39:23.194
Pinatay ko 'yong gripo,
tapos humarap ako sa kanya.

39:23.277 --> 39:24.820
"Ano'ng nangyayari, iho?"

39:25.738 --> 39:27.114
Tapos, ang sabi niya,

39:27.656 --> 39:31.035
"Pinatay po ang mama ko
sa banyo sa itaas."

39:31.118 --> 39:32.661
Natigilan ako.

39:33.704 --> 39:34.872
Hello po.

39:37.083 --> 39:39.085
-Kumusta ka?
-Mabuti po.

39:39.168 --> 39:41.337
Mabuti naman.
Alam mo ba kung bakit ka andito?

39:41.837 --> 39:43.756
Kasi pinatay po 'yong mama ko.

39:43.839 --> 39:45.716
PROTEKTADONG TESTIGO
KASO NI KAREN ITZEL

39:45.800 --> 39:47.802
Sino ang mama mo?

39:47.885 --> 39:50.721
Si Karen Itzel Rodríguez Barrales po.

39:52.640 --> 39:55.267
Saan ito nangyari?

39:55.851 --> 39:57.436
Sa banyo po sa itaas.

40:01.190 --> 40:02.817
Kaninong banyo 'yon?

40:02.900 --> 40:05.111
Kay Martha Beatriz po.

40:05.194 --> 40:06.862
Sino si Martha Beatriz?

40:06.946 --> 40:08.489
Si Lola.

40:09.448 --> 40:11.325
-Lola mo siya?
-Opo.

40:12.159 --> 40:14.745
Paano mo nalaman
na do'n sa banyo sa itaas nangyari?

40:15.955 --> 40:17.540
Kasi nakita ko po.

40:26.173 --> 40:27.925
-Nakikita mo 'tong mga tuldok?
-Oo.

40:28.008 --> 40:30.594
Heto. Teka.
Pwede ba nating patayin, please?

40:33.264 --> 40:35.516
-Chemi…
-Luminescence.

40:35.599 --> 40:38.060
Iregular na chemiluminescence.

40:39.228 --> 40:43.524
Sa apakan ng pang-apat na baitang,
mula sa ibaba hanggang sa itaas.

40:44.108 --> 40:45.693
-Tuloy tayo?
-Oo.

40:48.612 --> 40:51.198
Ano'ng nakita mo no'ng araw na 'yon
sa banyo sa itaas?

40:54.577 --> 40:57.580
-Pinatay po 'yong mama ko.
-Pa'no nga ulit nangyari?

40:58.080 --> 41:01.083
Paliliguan po dapat ako ni Mama.

41:01.167 --> 41:04.462
Tapos pumasok si Martha Beatriz
at sinabing, "CR ko 'to."

41:04.545 --> 41:06.464
Tapos nag-away po sila.

41:09.758 --> 41:11.886
Ano'ng nangyari pagkatapos?

41:11.969 --> 41:15.806
Pumasok po si Lolo,
tapos binugbog nilang dalawa si Mama.

41:16.307 --> 41:17.808
Saan nila binugbog?

41:18.309 --> 41:19.727
Sa…

41:19.810 --> 41:24.190
Sa leeg po, sa braso, sa tiyan,

41:24.857 --> 41:26.525
sa mga binti.

41:28.986 --> 41:31.572
Tapos itinulak po siya ni José Luis.

41:32.656 --> 41:35.951
Pumatong po siya kay Mama
tapos hinawakan niya sa leeg.

41:37.953 --> 41:39.121
Sino si José Luis?

41:39.747 --> 41:43.083
'Yong… papa ko po.

41:46.337 --> 41:49.840
Iregular na chemiluminescence.

42:13.239 --> 42:17.368
Itong nangyaring insidente
na ikinukuwento mo, araw ba ito o gabi?

42:17.451 --> 42:19.787
Gabi po kasi madilim.

42:19.870 --> 42:22.122
Salamat. 'Yon lang po, Your Honor.

42:22.206 --> 42:24.041
-Counselor.
-Wala po akong tanong.

42:33.759 --> 42:36.053
Oo. Sinabihan akong alagaan ko ang apo ko.

42:38.847 --> 42:40.391
May kahilingan ba ang nasasakdal?

42:43.435 --> 42:44.853
Wala ho, Your Honor.

42:46.105 --> 42:48.148
Wala akong nakitang pagsisisi

42:48.232 --> 42:52.361
sa kahit sinong
mga lalaking pumatay ng babae.

42:52.861 --> 42:59.118
'Yong mga umamin sa mga judge
na ginawa nila 'yong mga krimen,

42:59.201 --> 43:00.452
nangangatwiran sila.

43:03.330 --> 43:06.083
Dito nila hinanap ang mama mo, iho.

43:06.166 --> 43:07.501
Ang mama ko?

43:07.585 --> 43:10.296
Oo, anak, dito sa lupaing 'to.

43:39.825 --> 43:45.331
Kailangan nating pag-isipan ulit
kung paano tayo bumubuo ng relasyon,

43:45.414 --> 43:50.419
bumubuo ng pamilya, at ibig sabihin no'n,
kailangan baguhin ang lahat.

43:54.340 --> 43:57.259
Kasama na rin sa lahat ng ’yon
ang hustisya.

44:49.186 --> 44:51.397
Ang pagdinig para repasuhin ang injunction

44:51.480 --> 44:53.732
laban kay Jesús Hernández Alcocer

44:53.816 --> 44:56.360
na sinampahan ng kasong femicide

44:56.443 --> 44:59.154
sa kapinsalaan ng biktima
na may nakatagong pagkakakilanlan…

44:59.238 --> 45:01.657
Mukha siyang…

45:02.408 --> 45:05.869
pagod na pagod, sobrang putla.

45:06.954 --> 45:11.583
Nag-request ang mga abogado ni Mr. Alcocer
na i-review ang injunction

45:11.667 --> 45:13.669
para hilingin sa judge na gawing

45:14.503 --> 45:17.589
house arrest
ang panukalang pre-trial detention.

45:17.673 --> 45:22.803
Ang sinumang mag-request ng gano'n,
kailangang magpakita ng ebidensiya

45:23.721 --> 45:27.224
gamit ang mga ekspertong testigo
saka direktang pagtatanong ng,

45:27.307 --> 45:29.685
"Ano, paano, kailan,
saan, bakit, para saan?"

45:30.185 --> 45:32.896
Hindi pwede ang mga leading question.

45:32.980 --> 45:34.606
Hindi mo pwedeng itanong na,

45:34.690 --> 45:38.318
"Totoo bang nakialam ka sa araw na 'to?"

45:38.402 --> 45:41.155
Mao-object ‘yon bilang leading question.

45:41.739 --> 45:43.866
May naging contact ba
sa mga prison doctor?

45:43.949 --> 45:46.034
Objection. Leading question. May sagot na.

45:46.118 --> 45:47.870
Sustained. Wag sagutin.

45:50.330 --> 45:52.916
May contact ba sa prison staff?

45:53.000 --> 45:55.794
-Objection.
-Sustained. Wag sagutin.

45:56.295 --> 46:00.257
Alam mo ba kung may mga test
na isinagawa sa emergency room

46:00.340 --> 46:02.759
ng Ticomán Hospital
kung saan siya na-admit?

46:02.843 --> 46:05.137
Objection, wala siyang alam d'yan.
Leading 'yan.

46:05.220 --> 46:06.805
Sustained. Wag sagutin.

46:06.889 --> 46:09.558
Pero, Your Honor, baka alam niya…

46:09.641 --> 46:10.851
Counselor.

46:11.351 --> 46:14.229
Paulit-ulit ko nang sinabi
na wag mong isasama ang sagot

46:14.313 --> 46:16.815
sa mga tanong mo, pero hindi ka sumusunod.

46:16.899 --> 46:20.152
Ikaw mismo ang naglagay ng sarili mo
sa sitwasyong 'to.

46:23.530 --> 46:24.615
Ga'no katagal pa, sir?

46:25.991 --> 46:27.117
Sarado na ang debate.

46:27.201 --> 46:28.994
At sa mga argumento namin,

46:29.077 --> 46:34.333
napatunayang may panganib
sa mga biktima, tama?

46:34.416 --> 46:36.752
At isasaalang-alang 'yon ng judge

46:36.835 --> 46:42.674
sa desisyon na wag bigyan
ng injunction 'yong lalaki.

46:42.758 --> 46:46.178
Kaya nanatili siya sa kustodya.

46:46.261 --> 46:50.057
Hindi ka maaaring pagkalooban
ng anumang injunction

46:50.140 --> 46:53.352
dahil sa panganib na dulot mo
sa mga tumatayong biktima,

46:53.435 --> 46:55.896
dahil pinagbantaan mo na silang papatayin,

46:55.979 --> 47:00.234
at, kahit man lang, batay sa ebidensiya,

47:00.317 --> 47:04.613
ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni YLGJ.

47:10.202 --> 47:12.079
Narito na ang mga paksang inihanda namin.

47:12.162 --> 47:13.247
Divine justice?

47:13.330 --> 47:16.375
Si Jesús Hernández Alcocer,
kilala bilang Suntory Murderer,

47:16.458 --> 47:19.336
na pumatay sa kanyang asawa
na si Yrma Lydya,

47:19.419 --> 47:21.672
22-anyos na mang-aawit, noong Hunyo,

47:21.755 --> 47:24.258
ay namatay kaninang umaga
sa North Detention Center.

47:24.341 --> 47:27.177
Naaalala n'yo
ang aroganteng lalaki na 'to, di ba?

47:27.261 --> 47:31.682
Na may dalang baril.
Pumasok dito na may bitbit na baril.

47:31.765 --> 47:34.601
Iba ang ugali nito.
Nagpanggap siyang abogado.

47:34.685 --> 47:38.522
Isang lalaking may koneksyon
sa korte at sa hudikatura.

47:38.605 --> 47:40.566
Buweno, itong Suntory Murderer…

47:41.149 --> 47:44.528
Sobrang nadismaya ang pamilya
no'ng namatay ang taong 'to

47:44.611 --> 47:48.156
nang hindi pa nahahatulan.

47:48.240 --> 47:50.158
Ang una naming ginawa,

47:50.242 --> 47:53.412
siniguro namin na si Mr. Alcocer nga 'yon

47:53.495 --> 47:55.831
kasi nagdududa sila
sa justice system ng Mexico.

47:55.914 --> 48:00.168
Sabi nila, "Pa'no kung hindi siya namatay,
tapos pinapaniwala lang nila kami

48:00.252 --> 48:03.839
at namumuhay na siya nang malaya
sa ibang lugar?" At kung ano-ano pa.

48:03.922 --> 48:07.384
Ang sinabi namin sa kanila,
"Oo, siya nga talaga 'yon."

48:07.467 --> 48:10.345
Kasi ni-review din namin 'yong autopsy

48:10.429 --> 48:13.682
na ginawa
sa Institute of Forensic Sciences.

48:13.765 --> 48:15.559
Para ma-verify namin nang personal,

48:15.642 --> 48:19.062
para makasiguro
sa sinabi namin sa pamilya,

48:19.146 --> 48:22.649
na si Mr. Alcocer nga 'yon.

48:22.733 --> 48:24.818
Matapos ang pagkamatay ni Jesús N.,

48:24.902 --> 48:28.447
na kinasuhan sa pagpatay
sa mang-aawit na si Yrma Lydya,

48:28.530 --> 48:30.616
binigyang-priyoridad
ng Prosecutor's Office

48:30.699 --> 48:33.785
ang pag-usig sa mga bodyguard
na sina Benjamín, na nakakulong na,

48:33.869 --> 48:37.706
at Maximo, na pinaghahanap pa rin,
tatlong buwan matapos ang krimen.

48:39.875 --> 48:40.709
Magandang gabi.

48:40.792 --> 48:44.421
Tingnan natin ang progress
sa paghahanap kay Máximo.

48:44.504 --> 48:46.590
Ano'ng ginagawa n'yo
para mahanap si Máximo?

48:46.673 --> 48:48.884
-Sa field.
-Pa'no kayo nagtatrabaho?

48:48.967 --> 48:52.095
Wala akong bagong mga address.
Ito na 'yong pinakabago.

48:52.179 --> 48:56.850
-Pinuntahan po namin 'tong mga address.
-Parang di n'yo ginagawa ang trabaho n'yo.

48:56.933 --> 48:59.394
Pinuntahan na namin
'yong mga nasa estado ng Mexico.

48:59.478 --> 49:01.772
Pare-pareho lang ang sinasabi n'yo.

49:01.855 --> 49:02.731
Walang bago.

49:02.814 --> 49:04.942
Walang nangyayari.
Parang wala kayong pakialam.

49:05.025 --> 49:07.736
Ito lang ba ang ginawa n'yo
mula no'ng huli tayong nagkita?

49:07.819 --> 49:10.906
-Ito po ang mga resulta ng dalawang 'yon.
-Walang nangyayari, 'no?

49:10.989 --> 49:15.744
Sa'n n'yo hinahanap ang lalaking 'yon?
Sa'n n'yo siya hinahanap?

49:16.745 --> 49:18.038
Walang nangyayari.

49:18.538 --> 49:21.583
Hindi namin ramdam
‘yong hustisya sa kaso namin.

49:21.667 --> 49:24.920
Ang tagal na nito, at di n'yo ginagawa
ang trabaho n'yo nang maayos.

49:25.003 --> 49:29.257
-Tapos gano'n pa rin, pare-pareho lang.
-Tama naman po kayo.

49:29.341 --> 49:31.677
Uuwi na naman kami na walang napala.

49:32.427 --> 49:36.765
Sana mahuli na ang lalaking 'yon, ha?
Sana talaga.

49:36.848 --> 49:38.850
Hindi kami susuko.

49:40.894 --> 49:42.229
Hindi mangyayari 'yon.

49:42.312 --> 49:44.064
Saka pagsikapan n'yo pa.

49:44.147 --> 49:45.107
Siyempre naman.

49:46.066 --> 49:48.360
Wag mag-aksaya ng oras.
Magtrabaho nang mabuti.

50:18.890 --> 50:20.559
Ano'ng kulang kay Yrma Lydya?

50:20.642 --> 50:25.856
Ano sa tingin niya
ang magiging rurok ng career niya?

50:25.939 --> 50:27.315
Ano ang pangarap niya?

50:27.399 --> 50:29.026
Ang rurok ng career ko,

50:29.526 --> 50:33.071
'yong makilala ako ng publiko,
sigurado 'yan.

50:33.155 --> 50:36.241
'Yong magustuhan ng mga tao
ang ginagawa ko.

50:36.742 --> 50:39.119
Di ba? 'Yon ang kulang sa 'kin.

50:43.623 --> 50:48.253
Ilang artista na ang namatay
nang hindi nakikilala ng publiko.

50:48.336 --> 50:50.505
-Tama.
-Sa huli na 'yon dumarating.

50:50.589 --> 50:55.761
Oo. Pero ayokong mamatay.
Gusto ko talagang makilala ako ng publiko.

50:55.844 --> 50:57.721
Sobrang sweet mo naman!

51:04.686 --> 51:06.354
Hindi, ano'ng silbi pag namatay ako?

51:06.438 --> 51:12.778
Wala na ako dito. Puwera na lang
kung may reincarnation, di ba?

51:12.861 --> 51:15.781
Puwera na lang kung andito
ang kaluluwa mo, palakad-lakad,

51:15.864 --> 51:20.327
tapos bigla kong makikita
na pinapakinggan nila 'yong kanta ko.

51:20.410 --> 51:23.663
Pero hindi, gusto kong maramdaman,
gusto kong maranasan.

52:01.409 --> 52:03.995
Inaresto sina Martha Beatriz at José Luis.

52:04.079 --> 52:06.581
Sila ang mga magulang ni José,
ang sinasabing pumatay

52:06.665 --> 52:08.125
kay Karen Itzel Rodríguez.

52:08.208 --> 52:12.045
Sinusubaybayan namin ang kasong 'to
sa aming newscast.

52:12.129 --> 52:15.006
Mananatili sila sa Santa Martha Acatitla

52:15.090 --> 52:17.259
at North Detention Center,
ayon sa pagkakasunod,

52:17.342 --> 52:21.638
sa kasong aggravated femicide
bilang mga kasabwat.

52:30.021 --> 52:31.857
PRETRIAL COURTHOUSES

52:31.940 --> 52:35.569
Hindi pa ko nakakapagluksa
sa pagkamatay ng anak ko.

52:39.948 --> 52:45.078
Kaya gusto ko sanang maipagluksa
ang anak ko sa lalong madaling panahon.

52:45.162 --> 52:49.499
Pag sarado na ang kasong ito,
ang mga file ng imbestigasyon, ang lahat.

52:51.668 --> 52:53.211
Sa magkatuwang na pagkilos,

52:53.295 --> 52:57.716
isinagawa ng nasasakdal
ang krimeng femicide.

52:57.799 --> 53:01.887
Hinahatulan si José Luis Galicia Palomares
ng pagkakasala sa krimeng gang femicide

53:01.970 --> 53:04.681
na nagdulot ng pagkamatay
sa biktimang si KIRB.

53:07.183 --> 53:08.727
Gusto kong,

53:09.728 --> 53:14.983
kahit mag-isa akong umakyat sa bundok
o pumunta sa gubat,

53:15.483 --> 53:17.068
magpakalayo-layo

53:18.486 --> 53:19.529
sa mga tao.

53:20.906 --> 53:23.783
Gusto kong magpakalayo-layo no'n,
kahit sa apo,

53:23.867 --> 53:27.037
sa mga anak ko,
sa pamilya ko, sa lahat ng tao.

53:30.707 --> 53:33.919
Ipapataw sa nasasakdal
ang buong hatol na nararapat,

53:34.002 --> 53:36.755
batay sa kalikasan ng krimen.

53:36.838 --> 53:41.426
Hinahatulan ka ng 105 taong pagkakakulong
at pagbabayad ng danyos.

53:42.677 --> 53:44.346
May kahilingan ba ang nasasakdal?

53:46.056 --> 53:47.307
Wala ho, Your Honor.

53:56.775 --> 53:57.734
Hello?

53:59.027 --> 54:01.446
Hello? E, masaya.

54:04.157 --> 54:05.742
Guilty ang hatol.

54:07.661 --> 54:11.248
Naisip ko,
"Kailangan kong sabihin kay Sayuri,"

54:11.331 --> 54:13.250
kasi ipinaglaban mo ang kaso ko

54:13.792 --> 54:15.627
saka grabe 'yong suporta mo sa 'kin.

54:17.921 --> 54:20.799
Dahil sa 'yo,
inasikaso nila 'yong kaso ko.

54:22.217 --> 54:27.263
No'ng araw na 'yon,
gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak.

54:28.098 --> 54:30.100
Gusto kong magpaalam sa kanya.

54:31.142 --> 54:32.477
'Yon ang gusto ko.

54:33.353 --> 54:34.896
Magpaalam sa anak ko.

54:35.563 --> 54:40.402
Saka sabihin sa kanya
na pwede na siyang magpahinga.

54:41.486 --> 54:44.114
Pwede na namin siyang pagpahingahin.

55:49.512 --> 55:50.513
Surprise!

55:50.597 --> 55:52.724
Hi, baby!

56:05.236 --> 56:10.992
Naniniwala ako na ang pinaghirapan
ng maraming babae

56:11.576 --> 56:17.123
sa mga kalsada, sa loob ng mga komunidad,
sa mga prosecutor's office,

56:17.916 --> 56:21.878
'yong mga nagawa namin,
'yong energy na ginugol namin

56:21.961 --> 56:25.632
para makamit ang hustisya,
hindi 'yon nasayang.

56:25.715 --> 56:29.302
Na kahapon, usok lamang ang naroroon

56:30.095 --> 56:34.057
Paruparo, paruparo

56:34.974 --> 56:39.187
Na lumitaw sa dilim

56:40.355 --> 56:42.482
Mga ballerina

56:42.565 --> 56:46.653
Itinuloy ko 'yong adoption process
at nag-ampon ako ng babae

56:46.736 --> 56:48.822
kasi napagdesisyonan kong…

56:51.574 --> 56:52.909
magkaroon ng pag-asa.

56:55.537 --> 56:58.498
Maliit na puting sisidlan

57:00.166 --> 57:02.961
Payat, kinakabahan

57:17.100 --> 57:19.185
MORE LOVE LESS DRAMA

57:19.269 --> 57:22.188
TULONG, HANAPIN NATIN ANG PAMILYA.
NAKITA ANG KATAWAN SA HIGHWAY.

01:00:54.108 --> 01:00:59.113
Nagsalin ng Subtitle: Jennica Rio Galolo
ANG KATAWAN SA HIGHWAY.
