WEBVTT

00:00:17.726 --> 00:00:21.021 align:center
HUSTISYA

00:00:23.314 --> 00:00:25.525 align:center
-Late na. Ito ba 'yong entrance?
-Oo.

00:00:33.742 --> 00:00:37.579 align:center
Wala. Ni isa sa 'tin, wala dapat dito.

00:00:37.662 --> 00:00:42.709 align:center
Pero naghahanap pa rin tayo
ng paraan para maghilom

00:00:42.792 --> 00:00:46.546 align:center
ang isang sugatang bansa kung saan
araw-araw lumalala ang karahasan.

00:00:48.089 --> 00:00:50.258 align:center
At simple lang naman ang issue ngayon.

00:00:50.842 --> 00:00:53.762 align:center
Ang buong reparasyon
para sa nagawang kasalanan.

00:00:54.262 --> 00:00:57.724 align:center
Ayusin? Hindi ko alam kung kaya pa nating
ayusin ang mga sarili natin.

00:00:57.807 --> 00:01:02.479 align:center
Hindi ko alam kung pa nating ayusin
ang matagal nang sira,

00:01:02.562 --> 00:01:06.232 align:center
habang bitbit ang sakit ng pagkawala
ng isa sa mga anak at kapatid natin,

00:01:06.316 --> 00:01:09.986 align:center
ang mga peklat at mga epekto no'n
na dinadala nating mga nakaligtas.

00:01:11.654 --> 00:01:14.949 align:center
Humingi kami ng bukas na diyalogo
sa mga awtoridad.

00:01:15.033 --> 00:01:18.536 align:center
Humingi kami ng bukas na diyalogo
sa Femicide Prosecutor's Office,

00:01:19.120 --> 00:01:22.582 align:center
kina Sayuri at Brenda Bazán.

00:01:22.665 --> 00:01:25.376 align:center
Malinaw at malakas naming sinasabi.

00:01:25.460 --> 00:01:29.547 align:center
Napakalaki ng utang sa 'min ng Estado.

00:01:29.631 --> 00:01:33.259 align:center
Utang na di mababayaran
ng mga pangakong di naman natutupad,

00:01:34.052 --> 00:01:38.264 align:center
o ng mga nalilimutang kasunduan,
o ng mga nawawalang dokumento,

00:01:38.348 --> 00:01:41.101 align:center
o ng mga purple na bandana
sa mga kamay nila.

00:01:41.184 --> 00:01:46.481 align:center
Kahit ng ilang mga hatol
na kami pa mismo ang umagaw sa Estado.

00:01:46.981 --> 00:01:49.609 align:center
Gusto namin ng paninindigan.

00:01:49.692 --> 00:01:51.820 align:center
Gusto namin ng due process.

00:01:51.903 --> 00:01:54.322 align:center
Gusto namin ng gender perspective.

00:01:54.906 --> 00:01:58.284 align:center
Gusto naming gampanan ng awtoridad
ang tungkulin nila sa harap ng karahasan

00:01:58.368 --> 00:02:02.872 align:center
sa bansa natin na napakaraming kinuha
mula sa 'tin nang walang pananagutan.

00:02:03.373 --> 00:02:08.294 align:center
Gusto at kailangan namin
ng buong reparasyon para sa danyos

00:02:08.378 --> 00:02:09.963 align:center
dahil napakasimple lang,

00:02:10.046 --> 00:02:11.548 align:center
karapatan namin 'yon.

00:02:12.048 --> 00:02:14.509 align:center
Mula sa kinatatayuan namin,
humihingi kami…

00:02:14.592 --> 00:02:16.219 align:center
Narinig ko sila kahapon.

00:02:16.302 --> 00:02:19.889 align:center
Tama lang na kahit sino pa
ang kasama n'yo,

00:02:19.973 --> 00:02:23.935 align:center
hindi pa rin kayo tumitigil
sa pagsasabi ng mga hinaing n'yo.

00:02:24.477 --> 00:02:26.354 align:center
Mali kung hindi n'yo 'yon gagawin.

00:02:26.437 --> 00:02:28.898 align:center
Kung magdadahilan tayo na,
"Hindi ko trabaho 'yan."

00:02:28.982 --> 00:02:30.650 align:center
"Do'n ka sa kabilang counter."

00:02:30.733 --> 00:02:34.320 align:center
"Wag ako ang tanungin mo. Iba na lang."
"Ginawa ko 'yong trabaho ko, pero…"

00:02:35.572 --> 00:02:36.990 align:center
Kung gagawin mo 'yon,

00:02:37.073 --> 00:02:40.451 align:center
baka ang mangyari n'yan,
wala nang managot sa krimen,

00:02:41.119 --> 00:02:42.537 align:center
sa kriminal na pag-uugali.

00:02:43.288 --> 00:02:46.624 align:center
'Yon ang lagi kong sinasabi sa kanila.

00:02:46.708 --> 00:02:48.042 align:center
Pinili kong mapunta dito.

00:02:48.126 --> 00:02:55.133 align:center
Pinili kong maging responsable
at akuin 'to.

00:02:55.216 --> 00:02:59.220 align:center
Di ko pwedeng iwasan
'yong responsibilidad ko at ipasa sa iba,

00:02:59.304 --> 00:03:02.515 align:center
kasi alam kong sa lugar na 'yon
at sa oras na 'yon,

00:03:02.599 --> 00:03:06.853 align:center
nirerepresenta ko ang awtoridad,
ang institusyon.

00:03:08.354 --> 00:03:13.860 align:center
Gusto din nilang iparamdam
'yong galit nila, 'yong pagkamuhi nila,

00:03:13.943 --> 00:03:18.489 align:center
magprotesta, makita,
masabi ang mga hinaing nila,

00:03:18.573 --> 00:03:21.784 align:center
at maipakita kung ano pa
ang mga dapat gawin.

00:03:58.238 --> 00:04:03.284 align:center
THE PROSECUTOR

00:04:07.413 --> 00:04:09.374 align:center
-Magandang umaga.
-Have a nice day po.

00:04:09.457 --> 00:04:10.291 align:center
Salamat.

00:04:11.668 --> 00:04:14.545 align:center
-Magandang umaga.
-Commander. Magandang umaga.

00:04:15.672 --> 00:04:17.048 align:center
Magandang umaga!

00:04:18.633 --> 00:04:20.009 align:center
Handa na kami.

00:04:25.890 --> 00:04:30.979 align:center
Akala ko, tapos na ang oras ko
sa prosecutor's office.

00:04:33.856 --> 00:04:37.068 align:center
Bilang femicide prosecutor,
hindi na ako makausad.

00:04:37.151 --> 00:04:39.279 align:center
Naabot ko na 'yong limitasyon ko

00:04:39.362 --> 00:04:42.532 align:center
kasi hindi ako… sinusuportahan

00:04:42.615 --> 00:04:44.993 align:center
ng head of gender-based
crime investigations,

00:04:45.076 --> 00:04:47.078 align:center
na direct supervisor ko.

00:04:49.205 --> 00:04:52.875 align:center
Madalas niya kaming pigilan kumuha
ng phone records,

00:04:52.959 --> 00:04:55.044 align:center
magpatupad ng search warrant.

00:04:55.128 --> 00:04:58.715 align:center
Saka naaalala ko rin, isang beses,
ipinatawag niya ako sa opisina niya

00:04:58.798 --> 00:05:01.718 align:center
para sigawan,
para pagsalitaan ng masasakit na salita.

00:05:02.802 --> 00:05:06.347 align:center
Sabi niya, "Hindi ko maintindihan
kung ano ang gusto mo.

00:05:07.682 --> 00:05:09.517 align:center
"Bakit ayaw mong makinig at sumunod?

00:05:09.600 --> 00:05:12.270 align:center
"Ayaw mo bang umangat
sa institusyong 'to?"

00:05:15.815 --> 00:05:18.109 align:center
Nagpasa na ako no'n ng resignation ko.

00:05:19.027 --> 00:05:20.737 align:center
Handa na akong umalis.

00:05:21.320 --> 00:05:24.657 align:center
Hindi ko kayang makisama
sa isang taong masama ang trato sa 'kin.

00:05:27.869 --> 00:05:32.415 align:center
Pagkatapos no'n, ipinatawag ako
ng General Prosecutor sa opisina niya,

00:05:33.249 --> 00:05:38.379 align:center
tapos sinabi niya sa 'kin
ang desisyon niyang tanggalin

00:05:38.463 --> 00:05:41.966 align:center
ang babaeng 'yon sa posisyon niya
bilang head ng unit.

00:05:42.550 --> 00:05:46.846 align:center
Tapos tinanong niya ako
kung tatanggapin ko 'yong posisyon.

00:05:48.973 --> 00:05:52.226 align:center
At sabi ko, "Oo, handa ako."

00:05:57.065 --> 00:05:58.941 align:center
HEAD OF THE GENDER-BASED SPECIALIZED UNIT

00:05:59.025 --> 00:06:00.693 align:center
Bilang head ng unit na 'to,

00:06:00.777 --> 00:06:07.075 align:center
pwede mo pa ring bantayan
ang imbestigasyon ng femicides

00:06:07.158 --> 00:06:12.789 align:center
at asikasuhin ang iba pang mga krimen
laban sa kababaihan.

00:06:13.373 --> 00:06:16.709 align:center
Asikasuhin ang human trafficking,

00:06:16.793 --> 00:06:19.754 align:center
asikasuhin ang domestic violence.

00:06:19.837 --> 00:06:23.466 align:center
Suportahan ang District Attorney's Office
for Sex Crime Investigations.

00:06:23.549 --> 00:06:26.844 align:center
Suportahan ang Prosecutor's Office
for Vulnerable Groups.

00:06:27.428 --> 00:06:31.265 align:center
At do'n nadagdagan ang trabaho.

00:06:38.314 --> 00:06:41.275 align:center
INVESTIGATIVE POLICE HEADQUARTERS

00:06:41.359 --> 00:06:45.238 align:center
Tania, ilang arrest warrants na
'yong na-execute natin? 78 o 79?

00:06:46.572 --> 00:06:48.699 align:center
-Seventy-eight.
-Seventy-eight?

00:06:50.034 --> 00:06:53.287 align:center
Ang hina natin, a. Ang hina, ha. Godínez?

00:06:53.996 --> 00:06:58.543 align:center
No'ng huling shift, may tumawag sa 'kin
tungkol sa kaso ng babaeng andito kanina.

00:06:58.626 --> 00:07:00.211 align:center
-'Yong lalaking…
-Oo.

00:07:00.294 --> 00:07:03.464 align:center
Nakita siyang nagtatrabaho
bilang kargador sa Central Market.

00:07:03.548 --> 00:07:05.716 align:center
Saan? Di nila alam 'yong eksaktong lugar.

00:07:05.800 --> 00:07:08.803 align:center
Hindi! Mahihirapan tayong maghanap
ng kargador do'n.

00:07:08.886 --> 00:07:10.430 align:center
-Maraming tao do'n.
-Saka malawak.

00:07:10.513 --> 00:07:12.014 align:center
Ang sabi lang nila…

00:07:12.098 --> 00:07:14.392 align:center
-Nasa flower section siya.
-Sa flower aisle.

00:07:14.475 --> 00:07:17.228 align:center
-Talaga?
-O, mas specific na 'yon.

00:07:17.311 --> 00:07:20.690 align:center
Ibigay mo kay Tania 'yong report
saka 'yong picture ng arrest warrant.

00:07:20.773 --> 00:07:22.150 align:center
-Tania, gawin mo ang file.
-Oo.

00:07:22.233 --> 00:07:25.903 align:center
E, 'yong lalaking binaril daw
ang sarili niya, sabi ng traffic officer?

00:07:25.987 --> 00:07:29.490 align:center
Mukhang maglalabas ng arrest warrant
ang judge ngayong linggo.

00:07:29.574 --> 00:07:31.534 align:center
-Mukhang?
-Oo, ngayong linggo.

00:07:31.617 --> 00:07:32.660 align:center
Isa, dalawa.

00:07:32.743 --> 00:07:35.746 align:center
Kung makukuha mo ang lahat ng 'yon,
Franco, meron tayong…

00:07:35.830 --> 00:07:38.291 align:center
Isa, dalawa… Mga walo na.

00:07:38.875 --> 00:07:41.669 align:center
Idagdag mo pa
'yong isang gagawin natin ngayon.

00:07:42.295 --> 00:07:44.589 align:center
Makakapagbakasyon ka sa December
pag nakuha mo 'to.

00:07:44.672 --> 00:07:46.340 align:center
Nagulat kami sa 'yo do'n, a.

00:07:47.091 --> 00:07:49.802 align:center
Sige na. Have a nice day!
Magtrabaho na tayo!

00:07:50.303 --> 00:07:51.262 align:center
Salamat.

00:08:01.689 --> 00:08:05.860 align:center
Si Ariadna Díaz,
na natagpuang patay sa La Pera,

00:08:05.943 --> 00:08:10.114 align:center
sa kalsada papuntang Tepoztlán at Cuautla.

00:08:10.615 --> 00:08:13.784 align:center
Tama 'yon, natagpuan ng mga siklista
ang katawan sa tabi ng kalsada.

00:08:13.868 --> 00:08:16.037 align:center
Humihingi ng hustisya ang kanyang pamilya.

00:08:16.120 --> 00:08:19.415 align:center
Humihingi sila ng imbestigasyon
at pag-aresto sa driver…

00:08:19.498 --> 00:08:22.043 align:center
Nakatanggap kami ng report

00:08:22.627 --> 00:08:28.799 align:center
tungkol sa isang babaeng natagpuang patay
sa Morelos.

00:08:28.883 --> 00:08:31.594 align:center
At nag-match ang description niya

00:08:31.677 --> 00:08:36.682 align:center
sa description ng isang report
ng nawawalang babae sa Mexico City.

00:08:37.183 --> 00:08:40.728 align:center
Nag-post agad ang pamilya sa social media
na nawawala siya.

00:08:40.811 --> 00:08:44.315 align:center
Nagkataon naman na 'yong cyclist
na dumaan sa Morelos,

00:08:44.398 --> 00:08:46.984 align:center
na-contact niya ang pamilya
sa social media.

00:08:47.068 --> 00:08:50.321 align:center
-Dahil sa tattoo niya.
-Oo.

00:08:57.787 --> 00:08:59.497 align:center
Naisip namin na importanteng,

00:08:59.580 --> 00:09:02.375 align:center
kahit na sa Morales natagpuan ang katawan,

00:09:02.458 --> 00:09:05.294 align:center
at iniisip na ng media
no'ng mga oras na 'yon

00:09:05.378 --> 00:09:07.797 align:center
na doon nangyari ang femicide…

00:09:07.880 --> 00:09:10.758 align:center
Importante para sa 'min

00:09:10.841 --> 00:09:15.429 align:center
na magbukas ng investigation file
para sa femicide sa Mexico City

00:09:15.513 --> 00:09:20.268 align:center
kasi, sa bandang huli,
di kami sigurado kung saan nangyari

00:09:20.351 --> 00:09:21.560 align:center
'yong pagpatay.

00:09:21.644 --> 00:09:25.648 align:center
Sabi ko, "Magbukas kayo ng case file.
May natagpuang bangkay."

00:09:26.232 --> 00:09:29.443 align:center
Kahit kailan,
di pa kami nagbukas ng case file

00:09:30.027 --> 00:09:33.114 align:center
para sa isang bangkay
na natagpuan sa ibang estado,

00:09:33.197 --> 00:09:34.907 align:center
pero kinailangan naming kumilos agad.

00:09:37.451 --> 00:09:39.996 align:center
BINUKSAN ANG KASO
BILANG TUGON SA INIULAT NA KRIMEN.

00:09:41.122 --> 00:09:45.376 align:center
Kinailangan naming imbestigahan,
kinailangan naming magtanong-tanong.

00:09:45.459 --> 00:09:47.503 align:center
Sige, pare, salamat.

00:09:47.587 --> 00:09:50.923 align:center
Dumalaw si Commander Casillas
sa burol ni Ariadna.

00:09:52.174 --> 00:09:54.719 align:center
Tara na, guys. Naghihintay sila sa baba.

00:09:58.055 --> 00:09:59.307 align:center
Papunta na ako, pare.

00:10:01.392 --> 00:10:02.643 align:center
Kita na lang tayo, Celia.

00:10:16.741 --> 00:10:18.242 align:center
Kasama ko no'n si Rodolfo.

00:10:18.326 --> 00:10:22.413 align:center
Magve-verify at mangongolekta lang kami
ng impormasyon do'n.

00:10:23.414 --> 00:10:25.041 align:center
Malapit lang siya sa opisina,

00:10:25.124 --> 00:10:28.377 align:center
mga ilang kanto lang,
dito sa Komunidad ng Doctores.

00:10:28.878 --> 00:10:32.590 align:center
KOMUNIDAD NG DOCTORES

00:10:43.684 --> 00:10:47.188 align:center
Ang utos kay Commander Casillas,
kausapin ang pamilya

00:10:47.271 --> 00:10:49.690 align:center
at sabihan silang inaasikaso na namin
ang kaso.

00:10:51.776 --> 00:10:55.112 align:center
Pagdating, na-realize namin
na medyo maraming media outlets do'n.

00:10:55.196 --> 00:10:56.322 align:center
Puno ng tao.

00:10:58.699 --> 00:11:00.242 align:center
Natagpuan ang bangkay ng dalaga

00:11:00.326 --> 00:11:03.663 align:center
sa highway ng La Pera-Cuautla
sa Tepoztlán, Morelos.

00:11:03.746 --> 00:11:06.332 align:center
Kahapon ay kinilala
ng kanyang mga kaanak ang bangkay

00:11:06.415 --> 00:11:08.084 align:center
at kinumpirmang siya nga ito.

00:11:08.167 --> 00:11:11.003 align:center
Iniulat nila itong nawawala,
ngunit ngayon ay napagkilanlan na.

00:11:11.087 --> 00:11:13.506 align:center
Nandito kami ngayon.
Maraming mga bersiyon…

00:11:13.589 --> 00:11:18.761 align:center
Saka pagdating namin, nando'n na
ang ilan sa mga kaibigan ng biktima.

00:11:22.890 --> 00:11:26.018 align:center
Nagpakilala kami at ipinaliwanag namin
kung bakit kami nando'n.

00:11:26.102 --> 00:11:31.190 align:center
Tatlo sa mga kaibigan niya
ang nakaupo dito mismo at sinabi sa 'kin,

00:11:31.273 --> 00:11:36.362 align:center
"Ang kapal ng mukha ni Rautel
na magpakita dito!"

00:11:38.656 --> 00:11:40.658 align:center
Ito si Rautel. Kasama ang girlfriend niya.

00:11:43.911 --> 00:11:45.162 align:center
Do'n nagsimula ang tsismis.

00:11:45.246 --> 00:11:48.582 align:center
Pagdating niya sa burol,
ang sinasabi na ng mga tao,

00:11:48.666 --> 00:11:51.585 align:center
"Ang kapal ng mukha niya.
Ang lakas ng loob pumunta dito."

00:11:52.169 --> 00:11:55.965 align:center
May hinala na sila.
May idea na sila kung ano'ng nangyari.

00:11:56.048 --> 00:11:57.508 align:center
"Magkasama silang umiinom no'n."

00:11:57.591 --> 00:12:01.429 align:center
Ipinakita nila sa 'kin ang videos
na magkasama sila sa restaurant.

00:12:07.476 --> 00:12:10.604 align:center
Tinanong ko kung meron pa silang
gustong sabihin, tapos um-oo sila.

00:12:10.688 --> 00:12:13.065 align:center
Dinala ko sila sa labas kasama si Rodolfo,

00:12:13.733 --> 00:12:15.693 align:center
tapos in-interview namin sila sa kalye.

00:12:17.611 --> 00:12:20.197 align:center
No'ng Linggo,
nag-send siya ng real-time location niya.

00:12:20.281 --> 00:12:22.283 align:center
Nasa Komunidad ng Condesa siya,

00:12:22.366 --> 00:12:26.078 align:center
sa tingin ko,
do'n sa bahay ng mga kaibigan daw niya.

00:12:26.162 --> 00:12:29.540 align:center
'Yon na 'yong huling balita namin kay Ari

00:12:29.623 --> 00:12:32.918 align:center
hanggang sa natagpuan na nila
'yong katawan niya no'ng Lunes.

00:12:35.337 --> 00:12:38.215 align:center
Nakita ko sa location niya
na pumunta sila sa bahay ng lalaki.

00:12:38.299 --> 00:12:39.842 align:center
Medyo nakampante ako, naisip ko,

00:12:39.925 --> 00:12:43.179 align:center
"Okay lang 'yan. Nasa bahay sila.
May tiwala naman tayo sa kasama nila."

00:12:43.262 --> 00:12:45.181 align:center
Nakapunta ka na ba kina Rautel?

00:12:45.264 --> 00:12:46.557 align:center
-Oo.
-Madalas?

00:12:46.640 --> 00:12:49.435 align:center
Maraming beses na akong nakapunta do'n.

00:12:49.518 --> 00:12:51.854 align:center
Isa si Rautel sa mga best friend ko dati.

00:12:52.354 --> 00:12:56.150 align:center
Kaya hindi ako… naghinala.

00:12:56.233 --> 00:12:58.235 align:center
Hanggang sa kinabukasan,
tinanong ako ni Nat,

00:12:58.319 --> 00:12:59.945 align:center
'yong kasama ko sa bahay,

00:13:00.029 --> 00:13:03.282 align:center
"May balita ka ba kay Ari?
Kasama mo ba siya?"

00:13:03.365 --> 00:13:05.409 align:center
At sabi ko, "Kasama niya si Rautel."

00:13:05.493 --> 00:13:09.872 align:center
No'ng tinawagan ko si Rautel,
sabi niya, "Nag-Uber siya tapos umalis."

00:13:09.955 --> 00:13:13.042 align:center
At sabi ko,
"Okay, perfect, nag-Uber siya."

00:13:13.125 --> 00:13:14.668 align:center
Tapos binago nila 'yong kuwento,

00:13:14.752 --> 00:13:19.298 align:center
hinatid daw ng isa sa mga bodyguard niya.

00:13:19.381 --> 00:13:22.176 align:center
Do'n na kami nagduda

00:13:22.259 --> 00:13:25.638 align:center
at nagdesisyong putulin
'yong contact sa kanya.

00:13:28.015 --> 00:13:29.642 align:center
Hinarang ko siya dito at sinabing,

00:13:29.725 --> 00:13:33.187 align:center
"Magandang gabi, ako si Gustavo Casillas.

00:13:33.687 --> 00:13:39.902 align:center
"Iniimbestigahan ko
ang femicide ng biktimang 'to."

00:13:40.402 --> 00:13:42.738 align:center
Sabi niya, "Wala akong sasabihin sa pulis.

00:13:42.822 --> 00:13:44.740 align:center
"Nagbigay na ako ng statement sa Morelos."

00:13:47.201 --> 00:13:50.371 align:center
Hindi mapakali 'yong kamay niya
at dila siya nang dila sa labi niya.

00:13:50.454 --> 00:13:52.039 align:center
At di niya ako matingnan sa mata.

00:13:52.122 --> 00:13:55.668 align:center
Mula no'n, parang may kakaiba na.

00:13:55.751 --> 00:13:58.587 align:center
Paulit-ulit niyang sinasabi na,
"Wag kang lumapit.

00:13:58.671 --> 00:14:01.006 align:center
"Wala akong kinalaman d'yan."

00:14:01.090 --> 00:14:02.800 align:center
Tapos didila ulit sa labi.

00:14:04.134 --> 00:14:07.513 align:center
Habang nakaharang ako kay Rautel
do'n sa hallway na sinasabi ko sa 'yo,

00:14:07.596 --> 00:14:10.724 align:center
hinarang naman ni Rodolfo, ang partner ko,
'yong girlfriend niya.

00:14:10.808 --> 00:14:15.813 align:center
Si Vanessa, 'yong babae,
kabado na agad sa simula pa lang.

00:14:15.896 --> 00:14:17.439 align:center
Hindi siya naturuan.

00:14:17.523 --> 00:14:20.818 align:center
Nag-uusap kami, tapos may humila sa kanya.

00:14:21.402 --> 00:14:24.613 align:center
"Vanessa, wag kang magsasalita.
Kakausapin niya ang abogado niya."

00:14:24.697 --> 00:14:28.325 align:center
Pero nakakuha na si Officer Rodolfo
ng importanteng impormasyon sa kanya.

00:14:28.409 --> 00:14:32.830 align:center
Pagpasok ko dito, nando'n 'yong kabaong.

00:14:33.706 --> 00:14:36.625 align:center
Lumingon siya sa 'kin,
tapos nailang, umalis,

00:14:36.709 --> 00:14:39.086 align:center
tapos nakipag-usap sa media.

00:14:42.965 --> 00:14:45.092 align:center
Gusto kong gawin 'to nang maayos.

00:14:45.175 --> 00:14:49.430 align:center
Kasi kung sakaling

00:14:49.930 --> 00:14:52.558 align:center
pinili niya ako para harapin 'to…

00:14:53.642 --> 00:14:55.102 align:center
o kung ganito lang ang nangyari,

00:14:56.437 --> 00:14:57.688 align:center
gagawin ko ang makakaya ko.

00:14:57.771 --> 00:14:59.857 align:center
Nasa bar ba kayo o apartment?

00:15:00.608 --> 00:15:03.235 align:center
No'ng una, nasa bar,
sa Fisher's sa Komunidad ng Nápoles.

00:15:03.319 --> 00:15:05.154 align:center
Tapos pumunta kami sa apartment ko.

00:15:05.654 --> 00:15:09.783 align:center
Kasi nag-post ng story
'yong girlfriend ko kung asan kami.

00:15:09.867 --> 00:15:11.452 align:center
Tapos do'n na nagsimula.

00:15:11.535 --> 00:15:13.537 align:center
-Inimbita siya ng girlfriend mo.
-Oo.

00:15:14.121 --> 00:15:15.331 align:center
Wag mong itanggi 'yon.

00:15:15.414 --> 00:15:18.709 align:center
Ano'ng nangyari sa kanya?
Umalis ba? Sumakay sa kotse?

00:15:18.792 --> 00:15:20.169 align:center
Sino ang sumundo sa kanya?

00:15:20.252 --> 00:15:22.004 align:center
Umalis siya nang mag-isa.

00:15:22.087 --> 00:15:24.423 align:center
At do'n na ako nawalan
ng contact sa kanya.

00:15:24.506 --> 00:15:27.468 align:center
Di mo nakita kung ano'ng nangyari
pagkaalis sa apartment mo?

00:15:27.551 --> 00:15:30.095 align:center
-Hindi.
-E, 'yong mga security camera?

00:15:30.179 --> 00:15:31.555 align:center
Ni-request na namin ang lahat.

00:15:31.639 --> 00:15:34.683 align:center
Nagsisimula pa lang
ang process sa Morelos.

00:15:34.767 --> 00:15:41.023 align:center
Saka sa totoo lang, kami ang unang pumunta
para magbigay ng statement do'n.

00:15:41.106 --> 00:15:42.399 align:center
Pangalawa kayo.

00:15:42.942 --> 00:15:44.068 align:center
Sabihin mo 'yong totoo.

00:15:44.818 --> 00:15:46.320 align:center
'Yon lang 'yon.

00:15:46.403 --> 00:15:49.698 align:center
Kaya ako andito,
at gagawin ko 'to nang tama.

00:15:49.782 --> 00:15:52.117 align:center
Galit ba siya no'ng umalis?

00:15:52.201 --> 00:15:54.161 align:center
-'Yon lang.
-Salamat.

00:15:54.244 --> 00:15:55.079 align:center
Salamat.

00:15:59.124 --> 00:16:00.501 align:center
No'ng mga oras na 'yon,

00:16:00.584 --> 00:16:07.257 align:center
sinabi na
ng Morelos State Prosecutor's Office

00:16:07.341 --> 00:16:09.385 align:center
na bronchoaspiration ang ikinamatay niya.

00:16:10.928 --> 00:16:14.181 align:center
Kani-kanila lamang,
iniulat ni Morelos Prosecutor,

00:16:14.264 --> 00:16:16.016 align:center
Uriel Carmona Gándara, sa press con…

00:16:16.100 --> 00:16:20.145 align:center
Ang dahilan ng pagkamatay ni Ariadna N.

00:16:20.813 --> 00:16:26.068 align:center
ay matinding alcohol intoxication

00:16:26.610 --> 00:16:28.612 align:center
na nagdulot ng bronchoaspiration.

00:16:28.696 --> 00:16:33.075 align:center
Walang indikasyon ng femicide
sa resulta ng autopsy.

00:16:33.575 --> 00:16:36.537 align:center
Wala kaming nakitang senyales
ng karahasan sa kanya.

00:16:37.037 --> 00:16:40.749 align:center
Sa burol, sinabi ng pamilya sa commander

00:16:40.833 --> 00:16:43.252 align:center
na may duda sila sa autopsy.

00:16:43.752 --> 00:16:46.463 align:center
Kinausap kami ng pamilya
at ipinakita nila ang pictures

00:16:46.547 --> 00:16:48.424 align:center
na kinuhanan ng nakakita sa kanya.

00:16:48.507 --> 00:16:51.301 align:center
Sa pictures na pinost
ng nakakita sa kanya,

00:16:51.385 --> 00:16:54.513 align:center
makikita mong may mga marka
'yong braso niya.

00:16:54.596 --> 00:16:57.307 align:center
Saka may mga picture
ng mga tama niya sa mukha.

00:16:57.391 --> 00:16:59.143 align:center
Nakita namin 'yon at nasabing, "Hindi.

00:16:59.226 --> 00:17:02.312 align:center
"Nabugbog siya nang gano'n
sa sobrang kalasingan? Hindi."

00:17:02.396 --> 00:17:03.772 align:center
Sabihin na nating totoo 'yon,

00:17:03.856 --> 00:17:06.275 align:center
alcohol intoxication at bronchoaspiration.

00:17:06.358 --> 00:17:08.152 align:center
Naglakad ba siya papunta do'n?

00:17:08.235 --> 00:17:10.237 align:center
-Hindi.
-May nag-iwan sa kanya do'n.

00:17:10.320 --> 00:17:11.780 align:center
Nagdesisyon kaming itodo na.

00:17:11.864 --> 00:17:14.283 align:center
Tinawagan ko si Brenda
pagkatapos makita ang pictures.

00:17:14.366 --> 00:17:16.577 align:center
Tinanong ko 'yong pamilya,
"Itutuloy n'yo na ba?"

00:17:16.660 --> 00:17:19.955 align:center
Magiging malaki 'to.
"Itutuloy n'yo ba hanggang dulo?"

00:17:20.039 --> 00:17:23.000 align:center
"Oo, anak at kapatid namin siya."
Kaya sabi ko, "Sige."

00:17:23.083 --> 00:17:27.212 align:center
Kinumpirma ng ilang tao,
lalo na ng kanyang mga kaibigan,

00:17:27.296 --> 00:17:30.382 align:center
na kinuha ang katawan
ni Ariadna Lopez Diaz

00:17:30.466 --> 00:17:32.968 align:center
upang isailalim sa pangalawang autopsy.

00:17:34.428 --> 00:17:35.763 align:center
Naputol ang burol,

00:17:35.846 --> 00:17:39.391 align:center
at inilipat ng mga imbestigador,
kasama ng mga forensic expert,

00:17:39.475 --> 00:17:44.855 align:center
ang katawan
sa Institute of Forensic Sciences.

00:17:47.775 --> 00:17:49.568 align:center
Nagsagawa sila ng dissections

00:17:49.651 --> 00:17:54.072 align:center
sa mga parteng hindi nagalaw
sa Morelos District Attorney's Office.

00:17:54.156 --> 00:17:57.242 align:center
In-analyze din nila ang organs niya.

00:17:57.326 --> 00:18:01.663 align:center
Idinokumento nila
ang mga injury ni Ariadna.

00:18:01.747 --> 00:18:07.294 align:center
At walang senyales
ng bronchoaspiration sa katawan niya.

00:18:09.046 --> 00:18:12.591 align:center
Kitang-kita na hindi masyadong maayos

00:18:12.674 --> 00:18:15.511 align:center
ang pagkakagawa ng autopsy sa Morelos.

00:18:15.594 --> 00:18:22.392 align:center
Sinadya nilang palabasin
na hindi 'yon femicide.

00:18:27.397 --> 00:18:28.857 align:center
DISTRICT ATTORNEY'S OFFICE

00:18:28.941 --> 00:18:29.983 align:center
Magandang hapon.

00:18:30.067 --> 00:18:32.778 align:center
Salamat sa pagdalo n'yo
sa press conference na ito

00:18:32.861 --> 00:18:35.280 align:center
na pinangunahan
ng General Prosecutor ng Mexico City.

00:18:35.364 --> 00:18:39.243 align:center
Sa kahilingan
at pahintulot ng pamilya ni Ariadna,

00:18:39.326 --> 00:18:42.913 align:center
humingi kami ng bagong autopsy.

00:18:42.996 --> 00:18:47.459 align:center
Ipinakita ng autopsy na ito
na ang katawan ng dalaga

00:18:47.543 --> 00:18:50.504 align:center
ay maraming pinsala
na dulot ng mga suntok.

00:18:50.587 --> 00:18:52.214 align:center
Kaya napag-alaman

00:18:52.297 --> 00:18:57.219 align:center
na ang sanhi ng pagkamatay ay polytrauma

00:18:57.302 --> 00:18:59.179 align:center
na itinuturing na nakamamatay.

00:18:59.680 --> 00:19:01.974 align:center
Kasabay nito, ang mga imbestigador namin…

00:19:02.057 --> 00:19:04.393 align:center
Kinukuwestiyon nito ang trabahong ginawa

00:19:04.476 --> 00:19:07.813 align:center
ng buong sistema ng imbestigasyon
ng Estado ng Morelos.

00:19:07.896 --> 00:19:11.024 align:center
Gawa ito ng mga forensic expert namin,

00:19:11.108 --> 00:19:14.319 align:center
na mga babaeng may gender perspective.

00:19:14.403 --> 00:19:16.488 align:center
Ako mismo ang nag-review ng autopsy.

00:19:16.572 --> 00:19:18.740 align:center
Nakapag-review na ako
ng daan-daang autopsy.

00:19:18.824 --> 00:19:22.369 align:center
Wala kaming kailangan itago.
Sinasabi ko 'to nang may malinis na—

00:19:22.452 --> 00:19:25.247 align:center
Pero para malinaw lang, Prosecutor,

00:19:25.330 --> 00:19:28.125 align:center
ang naging kongklusyon n'yo,
hindi siya pinatay.

00:19:28.625 --> 00:19:29.751 align:center
Tama 'yon.

00:19:38.218 --> 00:19:43.140 align:center
Kami ni Ari,
masasabi kong halos pamilya na kami.

00:19:44.600 --> 00:19:49.104 align:center
Nakilala ko yata siya no'ng 2017

00:19:49.187 --> 00:19:52.316 align:center
sa Hooters Restaurant.

00:19:52.816 --> 00:19:56.570 align:center
Nagtrabaho ako do'n,
tapos siya 'yong hostess.

00:19:56.653 --> 00:19:59.990 align:center
Kaya, siyempre, nilapitan niya ako.

00:20:00.073 --> 00:20:05.037 align:center
Tinulungan niya akong
maging pamilyar sa lugar.

00:20:05.120 --> 00:20:08.999 align:center
Friendly siya.
Siya 'yong unang taong nakausap ko.

00:20:12.669 --> 00:20:15.464 align:center
Alam ko na. Isa ako sa mga unang nakaalam…

00:20:15.547 --> 00:20:16.882 align:center
KAIBIGAN
PROTEKTADONG TESTIGO

00:20:16.965 --> 00:20:20.761 align:center
…na dahil 'yon sa pambubugbog sa kanya.

00:20:21.261 --> 00:20:25.265 align:center
Nakita ko 'yong pictures ng kaibigan ko.
May mga kalmot siya sa mukha.

00:20:26.225 --> 00:20:27.684 align:center
At gusto kong…

00:20:28.936 --> 00:20:31.438 align:center
Gusto kong malaman kung ano ang nangyari.

00:20:33.232 --> 00:20:37.736 align:center
Saka gusto kong isipin na ayos lang siya,
na payapa na siya, kasi…

00:20:39.905 --> 00:20:43.992 align:center
iniwan niya sa 'min, sa mga tamang tao,
ang paghahanap ng hustisya para sa kanya.

00:21:05.514 --> 00:21:09.017 align:center
'Yong mga naranasan ko,
at 'yong mga pinagdaanan ko

00:21:09.101 --> 00:21:12.646 align:center
kasama ang iba pang
human rights defenders,

00:21:12.729 --> 00:21:17.484 align:center
sa bandang huli, nagiging ina ka
dahil sa pinagsamahan n'yo, sa pagmamahal.

00:21:27.619 --> 00:21:32.749 align:center
Matapos makapasa ni Sayuri
sa social at psychological evaluations

00:21:32.833 --> 00:21:35.127 align:center
at makuha ang certificate of suitability,

00:21:35.752 --> 00:21:39.381 align:center
ngayong araw, gagawin na natin
ang physical placement ng bata

00:21:39.464 --> 00:21:43.760 align:center
para makasama na niya ang kanyang ina
sa bago niyang tahanan.

00:21:48.307 --> 00:21:53.520 align:center
Nagdesisyon akong mag-ampon
ng babae sa isang bansa

00:21:53.603 --> 00:21:57.858 align:center
kung saan ang mga babae,
sa iba't ibang degree,

00:21:58.358 --> 00:22:01.028 align:center
nanganganib na maging biktima ng femicide.

00:22:04.865 --> 00:22:08.327 align:center
Ibinibigay ko na ang anak sa ina.

00:22:11.705 --> 00:22:14.958 align:center
Kasi naisip ko, "Andito na si Lucy."

00:22:15.542 --> 00:22:19.212 align:center
Hindi ko na desisyon 'yon.
And'yan na siya. Nage-exist na siya.

00:22:20.172 --> 00:22:22.007 align:center
Kaya sa tingin ko,

00:22:22.507 --> 00:22:27.429 align:center
ang susunod na desisyon,
maging ina at alagaan siya.

00:22:28.430 --> 00:22:30.349 align:center
Saka and'yan man ako o wala,

00:22:30.432 --> 00:22:33.727 align:center
matututunan niya pa ring harapin 'yon.

00:22:33.810 --> 00:22:36.355 align:center
Kaya mas mabuti
kung magkasama naming gagawin.

00:22:36.855 --> 00:22:39.608 align:center
Ang letter of commitment ko.

00:22:41.693 --> 00:22:44.029 align:center
"Tratuhin ang bata nang may dignidad.

00:22:44.112 --> 00:22:47.324 align:center
"Siguraduhing nasa isang malusog
at ligtas sa karahasan na kapaligiran.

00:22:48.325 --> 00:22:50.494 align:center
"Bigyan ng malusog
at masustansiyang pagkain

00:22:50.577 --> 00:22:51.995 align:center
na akma sa edad niya."

00:22:53.038 --> 00:22:54.664 align:center
Nagdesisyon ako,

00:22:55.248 --> 00:22:59.336 align:center
at sa tingin ko, nagdesisyon din siya,
na ako ang magiging nanay niya.

00:23:01.880 --> 00:23:04.508 align:center
At ngayon, magkasama na kami.

00:23:05.842 --> 00:23:09.846 align:center
At mabuti 'yon para sa amin.
Lumalakas at sumasaya kami do'n.

00:23:11.431 --> 00:23:13.558 align:center
Uy, nakikita kong kumakain kayo.
Patikim ako.

00:23:13.642 --> 00:23:15.310 align:center
Grabe, ang sarap ng fritters!

00:23:15.811 --> 00:23:19.481 align:center
At hindi lang sa 'kin ang sayang 'yon,

00:23:19.564 --> 00:23:23.068 align:center
sa 'ming lahat 'yon ng mga katrabaho ko.

00:23:23.151 --> 00:23:28.448 align:center
A, 'yong inflatable patrol car niya,
bigay ng commander.

00:23:28.532 --> 00:23:33.537 align:center
Ito, sa gitna ng napakahirap na sitwasyon,
pag sinabi nilang 24/7, totoo 'yon.

00:23:44.631 --> 00:23:47.300 align:center
Sa burol, importante sa 'min
'yong mga kaibigan niya.

00:23:47.384 --> 00:23:49.511 align:center
Kaya nagsimula kaming mag-imbestiga.

00:23:49.594 --> 00:23:53.682 align:center
Sisimulan mo 'yong problem statement mo,
'yong hypothesis mo.

00:23:54.182 --> 00:23:57.060 align:center
Siya ang huling kasama ng babae,
siya at 'yong partner niya,

00:23:57.144 --> 00:23:59.062 align:center
sila 'yong naiwan sa bahay.

00:23:59.146 --> 00:24:02.649 align:center
Kaya tama lang
na do'n kami magsimulang mag-imbestiga.

00:24:04.234 --> 00:24:05.652 align:center
Pumunta kami sa restaurant.

00:24:06.153 --> 00:24:07.404 align:center
Ibinigay nila ang videos.

00:24:13.577 --> 00:24:17.914 align:center
Nakita namin na medyo lasing sila.

00:24:28.049 --> 00:24:30.594 align:center
Nakita namin ang dinaanan nila
papunta sa bahay niya.

00:24:32.053 --> 00:24:33.889 align:center
Kinausap namin 'yong manager.

00:24:33.972 --> 00:24:40.103 align:center
Sinabi naming kailangan namin ang footage.
May dala na din kaming warrant.

00:24:40.187 --> 00:24:43.231 align:center
At kung tatanggi siya,
hindi kami aalis do'n.

00:24:45.484 --> 00:24:47.485 align:center
Pinayagan nila kami agad.

00:24:47.569 --> 00:24:48.862 align:center
1. PROTEKSIYON NG LUGAR

00:24:54.326 --> 00:24:56.661 align:center
Tapos napansin namin,
sa entrance ng parking lot,

00:24:56.745 --> 00:24:57.746 align:center
may dumating na truck.

00:24:57.829 --> 00:25:03.168 align:center
Pumarada 'yon, tapos lumabas
'yong mga tao sa restaurant.

00:25:11.301 --> 00:25:14.638 align:center
Lumabas sina Vanessa at Rautel.

00:25:14.721 --> 00:25:18.099 align:center
Lumabas 'yong isa pang babaeng kasama nila
saka 'yong kapatid ni Rautel.

00:25:19.100 --> 00:25:21.061 align:center
Makikita mo talagang naglalabasan sila.

00:25:21.144 --> 00:25:25.190 align:center
Pagkatapos, mga ilang minuto lang,
nakita naming umaalis ang mga tao.

00:25:28.944 --> 00:25:32.447 align:center
Nakumpirma na namin do'n
na ang naiwan na lang sa loob,

00:25:32.531 --> 00:25:37.869 align:center
'yong biktima, si Rautel,
at si Miss Vanessa.

00:25:40.497 --> 00:25:43.625 align:center
Nag-text ako kay Vanessa at ang sabi niya,

00:25:43.708 --> 00:25:46.670 align:center
"Sumakay siya ng taxi tapos umalis.
Sa tingin ko, Uber 'yon."

00:25:46.753 --> 00:25:49.047 align:center
Tinanong ko,
"Alam mo ba kung sino ang nag-book?"

00:25:49.130 --> 00:25:50.882 align:center
Kasi di siya gumagamit ng Uber o Didi.

00:25:50.966 --> 00:25:55.553 align:center
Kaya sabi niya,
"Hindi, di ko talaga napansin, e.

00:25:55.637 --> 00:25:58.348 align:center
"Ang alam ko lang, umalis siya."

00:26:01.434 --> 00:26:03.520 align:center
Naghanap kami
para makita kung umalis nga siya

00:26:03.603 --> 00:26:05.021 align:center
at pa'no nakarating sa Morelos.

00:26:05.105 --> 00:26:06.106 align:center
Di pa din namin alam.

00:26:06.189 --> 00:26:09.109 align:center
Halos 10 o 12 oras kaming nando'n,
tapos wala kaming nakita.

00:26:09.192 --> 00:26:11.152 align:center
Napapagod ka na at napapaisip,

00:26:11.236 --> 00:26:14.614 align:center
"Di ko ba siya napansin? Umalis na siya?
Ano'ng nangyari?" Di ba?

00:26:17.325 --> 00:26:21.288 align:center
Tapos nakita naming, mga 11:00 am 'yon,

00:26:21.371 --> 00:26:24.833 align:center
lumabas si Rautel,
bitbit ang biktima sa balikat niya.

00:26:49.024 --> 00:26:52.152 align:center
Hanggang sa makita naming isakay niya
sa sinakyan nila papunta do'n.

00:27:03.955 --> 00:27:07.167 align:center
Ang inaasahan namin, ilalabas nila
bago magmadaling-araw. Di ba, Chief?

00:27:07.250 --> 00:27:09.085 align:center
At hindi 'yong mataas na ang araw.

00:27:15.008 --> 00:27:19.054 align:center
Pagkatapos, sa phone records,
legal naming na-verify

00:27:19.137 --> 00:27:21.473 align:center
ang dinaanan niya
habang tina-track ang tawag niya,

00:27:21.556 --> 00:27:22.766 align:center
kung saan niya itinapon.

00:27:25.435 --> 00:27:28.313 align:center
-Na eksaktong nag-match sa mga camera…
-Saka sa mga oras.

00:27:28.396 --> 00:27:30.106 align:center
…no'ng nakita namin siyang umalis.

00:27:30.190 --> 00:27:32.192 align:center
Pagkatapos no'n,
kinumpirma ng phone records

00:27:32.275 --> 00:27:36.863 align:center
na siya nga 'yong umalis sa pinangyarihan.

00:27:38.323 --> 00:27:43.286 align:center
Pumunta sila sa Morelos
at do'n nila itinapon ang katawan,

00:27:43.370 --> 00:27:45.455 align:center
iniwan nang nakabuyangyang at abandonado.

00:27:45.538 --> 00:27:46.539 align:center
Tapos natagpuan.

00:28:05.058 --> 00:28:06.267 align:center
Umalis siya nang mag-isa.

00:28:06.351 --> 00:28:09.187 align:center
Di mo nakita kung ano'ng nangyari
pagkaalis sa apartment mo?

00:28:09.270 --> 00:28:10.313 align:center
Hindi.

00:28:11.815 --> 00:28:16.444 align:center
No'ng nakita niya 'yon sa balita,
tumakas siya, gaya ng girlfriend niya.

00:28:16.528 --> 00:28:20.740 align:center
Kaya nagsagawa ng search sa apartment.

00:28:20.824 --> 00:28:22.909 align:center
CIRCUMSTANTIAL RECORD
SEARCH WARRANT

00:28:25.078 --> 00:28:29.374 align:center
Kung may cause of death na kami,
'yong polytrauma,

00:28:29.457 --> 00:28:34.212 align:center
kung may nangyaring ngang pambubugbog,
hahanapin namin 'yong dugo.

00:28:34.295 --> 00:28:35.797 align:center
NAGSAGAWA NG ANALYSIS

00:28:35.880 --> 00:28:37.590 align:center
Naglagay ng konting luminol.

00:28:38.091 --> 00:28:39.467 align:center
May parang maliit na sapin.

00:28:39.551 --> 00:28:41.428 align:center
May picture ako dito.

00:28:43.805 --> 00:28:47.183 align:center
At naaalala ko na mas nag-react 'yon

00:28:47.934 --> 00:28:49.561 align:center
sa isa sa mga kuwarto,

00:28:49.644 --> 00:28:53.356 align:center
do'n sa mismong doorknob.

00:28:55.483 --> 00:29:00.530 align:center
Nakahanap kami ng mga bedsheet
na may mantsa ng dugo,

00:29:01.030 --> 00:29:03.116 align:center
na malinaw na nagpapatunay

00:29:03.199 --> 00:29:07.412 align:center
ng pagkakasangkot niya
sa femicide kay Ariadna.

00:29:09.747 --> 00:29:11.124 align:center
Natapos namin 'yong search.

00:29:11.207 --> 00:29:13.877 align:center
At sa lahat ng ebidensiyang meron kami,

00:29:13.960 --> 00:29:16.254 align:center
wala nang kailangan pang alamin

00:29:16.337 --> 00:29:19.507 align:center
kundi dito sa building na 'to
nangyari ang lahat.

00:29:19.591 --> 00:29:23.386 align:center
Nakumpirma namin sa mga camera
na mula nang pumasok siya kasama nila,

00:29:23.470 --> 00:29:26.055 align:center
di na siya lumabas ulit
hanggang sa kinarga siya palabas.

00:29:33.438 --> 00:29:36.858 align:center
Ang brutal ng ginawa nilang
pambubugbog sa kanya.

00:29:37.358 --> 00:29:39.235 align:center
At 'yon ang ikinamatay niya.

00:29:40.695 --> 00:29:44.866 align:center
Ipinapakita din nito
na maaga silang nagdesisyon sa Morelos

00:29:44.949 --> 00:29:46.951 align:center
na hindi femicide ang kasong 'to.

00:29:47.035 --> 00:29:49.746 align:center
Ni hindi nga nila na-search 'yong lugar.

00:29:49.829 --> 00:29:53.541 align:center
Hindi pa nila alam
ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaso,

00:29:53.625 --> 00:29:56.586 align:center
pero gumagawa na agad sila ng kongklusyon.

00:29:59.964 --> 00:30:02.592 align:center
Taga-Morelos si Rautel,
pati na ang pamilya niya.

00:30:02.675 --> 00:30:07.055 align:center
Kaya alam niya kung saan pwedeng itapon
ang katawan ni Ariadna

00:30:07.138 --> 00:30:10.141 align:center
para doon lang sa Morelos
ang file ng imbestigasyon.

00:30:11.142 --> 00:30:15.355 align:center
Kasi na-realize namin na binili
ng lalaking 'to ang lahat ng tao do'n.

00:30:15.939 --> 00:30:20.360 align:center
Makapangyarihan siyang tao
at maraming pera, may mga bodyguard,

00:30:20.443 --> 00:30:22.529 align:center
dalawang SUV ang nakasunod sa kanya.

00:30:22.612 --> 00:30:24.739 align:center
Kahit do'n sa pinagtatrabahuhan ko,

00:30:24.822 --> 00:30:28.117 align:center
makikita mong may blue label
'yong lamesa ni Rautel,

00:30:28.201 --> 00:30:30.745 align:center
may walong bote ng Don Julio 70,

00:30:30.829 --> 00:30:33.039 align:center
saka puno ng black pearls 'yong lamesa, e…

00:30:33.122 --> 00:30:36.000 align:center
Oo, nagdala na ako sa kanya ng bills
na umabot ng 60,000 pesos.

00:30:36.084 --> 00:30:39.504 align:center
Kampanteng-kampante siya
sa connections at pera niya

00:30:39.587 --> 00:30:43.091 align:center
kaya di siya natakot lumabas
habang bitbit 'yong katawan ni Ariadna,

00:30:43.174 --> 00:30:45.718 align:center
kahit alam niyang
may mga nagre-record na camera.

00:30:45.802 --> 00:30:48.179 align:center
Kasi alam niyang kaya niyang bilhin
'yong mga camera,

00:30:48.263 --> 00:30:51.474 align:center
kaya niyang suhulan ang mga tao,
at walang mangyayari sa kanya.

00:30:58.189 --> 00:31:00.775 align:center
Pumunta kami sa Morelos

00:31:00.859 --> 00:31:05.238 align:center
para magbigay ng statements namin
tungkol sa mga kasama ni Ari, sa lahat.

00:31:06.614 --> 00:31:09.075 align:center
Dumating kami do'n,
at ang sabi niya sa 'kin,

00:31:09.158 --> 00:31:13.621 align:center
"Mapapahamak ka
kung hindi mo iiwan ang cellphone mo dito.

00:31:13.705 --> 00:31:16.165 align:center
"Kasi pwede kitang arestuhin ngayon din
kung gusto ko."

00:31:16.249 --> 00:31:18.877 align:center
Sabi ko, "Wala naman akong ginagawa."
"Binalaan na kita."

00:31:18.960 --> 00:31:23.673 align:center
Sabi niya, "At sinasabi ko na sa 'yong
nandito si Rautel, para lang alam mo."

00:31:27.051 --> 00:31:30.388 align:center
Lumabas ako
tapos ang sabi ko sa kanila, "Tara na."

00:31:30.471 --> 00:31:31.764 align:center
Sabi nila, "Bakit?" "Tara."

00:31:31.848 --> 00:31:36.561 align:center
Tapos habang sinasabi kong umalis na kami,
tumakbo 'yong isa at ikinulong kami do'n,

00:31:36.644 --> 00:31:39.063 align:center
ikinandado 'yong pinto.

00:31:39.147 --> 00:31:41.065 align:center
Tapos 'yong isa, kinuha 'yong baril niya.

00:31:53.703 --> 00:31:56.456 align:center
Kapag nasa gobyerno ka,

00:31:56.956 --> 00:32:00.877 align:center
makikita mo kung paano umiiral

00:32:00.960 --> 00:32:04.380 align:center
'yong institutionalized na karahasan.

00:32:05.298 --> 00:32:08.718 align:center
Sabi sa 'kin ng katrabaho ko,

00:32:08.801 --> 00:32:11.179 align:center
"Sayuri, ginawa ang sistemang 'to

00:32:11.262 --> 00:32:14.724 align:center
"para siguraduhing, kahit kailan,
hindi tayo makakakuha ng hustisya."

00:32:15.266 --> 00:32:18.394 align:center
Kaya kahit ano pa ang mangyari,
may impunity pa rin.

00:32:20.605 --> 00:32:23.608 align:center
At ang ibig sabihin lang no'n,

00:32:23.691 --> 00:32:27.904 align:center
kailangan nating buoin ang lahat
mula sa simula.

00:32:30.573 --> 00:32:32.659 align:center
Opisina 'to ni Mommy.

00:32:34.202 --> 00:32:36.162 align:center
Opisina 'to ni Mama.

00:32:36.663 --> 00:32:40.124 align:center
At sa lahat ng 'to,

00:32:40.625 --> 00:32:43.962 align:center
maraming babae,

00:32:44.045 --> 00:32:46.547 align:center
mga nanay ng mga biktima,

00:32:47.048 --> 00:32:52.929 align:center
ang mas napag-isipan na
kung ano ang kailangan nating gawin.

00:32:54.806 --> 00:32:58.810 align:center
Sa tingin ko,
binibigyan nila kami palagi ng pahinga,

00:32:59.686 --> 00:33:03.147 align:center
para sabihing kaya pa naming higitan
nang konti ang ginagawa namin.

00:33:07.485 --> 00:33:11.531 align:center
Welcome sa inyong lahat
sa espasyong 'to kung saan

00:33:11.614 --> 00:33:14.200 align:center
sama-sama nating nararamdaman
ang saya at sakit, 'no?

00:33:14.283 --> 00:33:17.036 align:center
Maraming salamat po sa pagpunta n'yo dito.

00:33:17.954 --> 00:33:22.792 align:center
Samantalahin po natin lagi
ang espasyong 'to para sabihin sa 'min

00:33:22.875 --> 00:33:24.293 align:center
kung may dapat aksiyonan agad,

00:33:24.377 --> 00:33:27.463 align:center
o kung may inaalala kayo
tungkol sa mga kaso n'yo, di ba?

00:33:27.547 --> 00:33:30.133 align:center
Kung hindi, bakit pa tayo nagkikita?

00:33:30.216 --> 00:33:32.927 align:center
Ibig kong sabihin,
kailangan naming malaman.

00:33:33.011 --> 00:33:36.055 align:center
Kailangan at gusto naming malaman
kung ano na ang nangyayari.

00:33:36.139 --> 00:33:37.765 align:center
Dalawa 'yong trabaho ng anak ko,

00:33:37.849 --> 00:33:42.103 align:center
pero dahil hindi ko makuha ang custody,

00:33:42.186 --> 00:33:45.023 align:center
walang pension para sa mga apo ko.

00:33:45.648 --> 00:33:50.236 align:center
Parang biktima na naman kami ng mga judge
dahil sa problema sa reparasyon ng danyos.

00:33:50.319 --> 00:33:54.866 align:center
Ang sabi pa nila sa 'min,
'yong hinahanap daw namin…

00:33:56.284 --> 00:34:01.080 align:center
Parang reward, di ba? O kita.

00:34:01.164 --> 00:34:03.291 align:center
Na nangyayari pagkatapos masentensiyahan.

00:34:04.250 --> 00:34:08.004 align:center
At lalo na kung may mga sentensiya na,
marami nang sentensiya, di ba?

00:34:08.087 --> 00:34:09.297 align:center
At dahil do'n, may…

00:34:09.922 --> 00:34:12.592 align:center
Late last year, si Yeri yata 'yon.

00:34:12.675 --> 00:34:16.220 align:center
Isinara nila ang prosecutor's office.
Hindi 'yon tungkol sa imbestigasyon.

00:34:16.971 --> 00:34:20.224 align:center
Tungkol 'yon sa reparasyon ng danyos.
Saka hindi 'to reklamo.

00:34:20.308 --> 00:34:21.726 align:center
No'ng araw na 'yon, sabi ko…

00:34:21.809 --> 00:34:26.230 align:center
Ibig kong sabihin, sobrang nagulat kami
na parang, "Ano'ng nangyari?"

00:34:26.314 --> 00:34:29.442 align:center
At no'ng nakita namin 'yon, siyempre,

00:34:29.525 --> 00:34:32.403 align:center
dahil may mga hatol na,
dahil may progress na tayo…

00:34:32.487 --> 00:34:36.074 align:center
Saka habang pinoproseso 'yon,
kailangan ng sapat na atensiyon no'n.

00:34:36.157 --> 00:34:37.992 align:center
Kaya may iba pa kaming iniisip, di ba?

00:34:38.076 --> 00:34:40.328 align:center
Saka, Say, habang andito na rin tayo,

00:34:40.411 --> 00:34:42.663 align:center
alam ko kung paano ipaglaban
ang karapatan ko.

00:34:42.747 --> 00:34:45.083 align:center
Pero alam ko rin kung paano magpasalamat

00:34:45.166 --> 00:34:49.587 align:center
sa trabaho at suporta
na ibinibigay n'yo, di ba?

00:34:49.670 --> 00:34:54.675 align:center
Dito, hindi lang ako file number.
Hindi lang ako case 291. Ako si Yeritza.

00:34:54.759 --> 00:34:58.596 align:center
Ibig kong sabihin,
dahil alam mo ang bawat kaso namin,

00:34:59.096 --> 00:35:04.519 align:center
pakiramdam namin,
parang may dignidad na rin kami

00:35:04.602 --> 00:35:06.312 align:center
sa prosesong gaya nito.

00:35:07.355 --> 00:35:13.319 align:center
Nakakagaan din sa pakiramdam ang malaman
na hindi na kailangan pang dumaan

00:35:13.402 --> 00:35:16.531 align:center
ng ibang pamilya sa gano'ng proseso.

00:35:16.614 --> 00:35:18.908 align:center
Pero palagi pa ring and'yan ang banta

00:35:18.991 --> 00:35:24.455 align:center
kasi, sa bandang huli,
napapalitan ang mga opisyal.

00:35:24.539 --> 00:35:27.875 align:center
At hindi natin alam
kung paano nila maibibigay ang hustisya,

00:35:27.959 --> 00:35:30.294 align:center
o kung ibibigay nga ba nila.

00:35:30.795 --> 00:35:33.965 align:center
Pero ang alam natin,
andito na tayo ngayon.

00:35:34.674 --> 00:35:35.842 align:center
Baby.

00:35:39.095 --> 00:35:40.054 align:center
Kumusta kayo?

00:35:40.138 --> 00:35:42.807 align:center
Sobrang komplikado nitong
mga nakaraang buwan namin.

00:35:42.890 --> 00:35:44.976 align:center
-Tinawagan nila ako kahapon.
-Tumawag sila?

00:35:52.733 --> 00:35:54.110 align:center
Kaninang umaga,

00:35:54.193 --> 00:35:56.696 align:center
ipinatupad ng mga detective
mula sa investigative police

00:35:56.779 --> 00:36:01.200 align:center
ang arrest warrant laban kay Vanessa N.

00:36:02.910 --> 00:36:06.414 align:center
Inaresto siya sa Ecatepec.
Dinala namin siya sa Mexico City.

00:36:06.497 --> 00:36:09.584 align:center
Tapos dinala siya
sa Santa Martha Detention Center.

00:36:16.799 --> 00:36:19.302 align:center
Tapos, makalipas ang ilang araw,

00:36:19.385 --> 00:36:21.470 align:center
alas-kuwatro ng umaga,
natutulog ako sa bahay,

00:36:21.554 --> 00:36:23.723 align:center
at may tumawag na commander
mula Monterrey.

00:36:25.933 --> 00:36:29.812 align:center
Sabi niya, "Commander Casillas, hulaan mo.
May lalaki dito na Rautel ang pangalan."

00:36:29.896 --> 00:36:32.982 align:center
Sabi ko, "Hindi nga?
May arrest warrant ako laban sa kanya."

00:36:33.065 --> 00:36:34.775 align:center
Sabi niya, "Oo, sumuko siya."

00:36:34.859 --> 00:36:38.237 align:center
Kinausap ko 'yong director ko.
Kinuhanan agad ako ng flight pa-Monterrey.

00:36:38.321 --> 00:36:39.655 align:center
Lumipad ako pa-Monterrey.

00:36:43.117 --> 00:36:44.994 align:center
Nagulat siya nang makita ako.

00:36:45.494 --> 00:36:47.872 align:center
Tapos sabi niya,
"Ano'ng ginagawa mo dito?"

00:36:50.583 --> 00:36:52.543 align:center
At sabi ko, "Sinabihan na kita.

00:36:52.627 --> 00:36:56.088 align:center
"Binigyan kita ng pagkakataon
para sabihin 'yong totoo. Ayaw mo.

00:36:56.172 --> 00:36:58.090 align:center
"Tingnan mo, ito na ang resulta.

00:36:59.258 --> 00:37:02.762 align:center
"Alam mong nahuli namin ang girlfriend mo
sa siyudad kaya ka tumakas."

00:37:03.554 --> 00:37:05.848 align:center
Kaya nagulat siya nang makita ako.

00:37:05.932 --> 00:37:10.269 align:center
Saka nakaka-excite 'yon para sa 'kin
kasi niloloko-loko niya pa ako dito dati.

00:37:10.353 --> 00:37:12.939 align:center
Dito niya sinabi na,
"Wala akong sasabihin sa 'yo."

00:37:13.022 --> 00:37:14.273 align:center
Tapos pinapaalis niya ako.

00:37:14.357 --> 00:37:18.152 align:center
At no'ng nakita ko siya do'n, sabi ko,
"Ikaw na ang pakay ko ngayon. Ako naman."

00:37:21.739 --> 00:37:26.535 align:center
Pagkatapos, lumipad pabalik
ang commander namin kasama siya.

00:37:26.619 --> 00:37:31.165 align:center
At ikinuwento din niya
'yong mga pinag-usapan nila.

00:37:31.874 --> 00:37:33.042 align:center
Tumanggi din sila…

00:37:33.125 --> 00:37:34.377 align:center
GENERAL PROSECUTOR

00:37:34.460 --> 00:37:36.837 align:center
…sa mga inalok na suhol.

00:37:37.338 --> 00:37:40.466 align:center
Sabi niya, "Bibigyan kita ng six million."
"Six." Sabi ko, "Hindi."

00:37:40.549 --> 00:37:42.885 align:center
Tinanong ko,
"Magkano ang ibinigay mo do'n?" "Lima."

00:37:43.678 --> 00:37:46.347 align:center
Sabi ko, "'Tang ina,
tapos wala ka ring napala, gago."

00:37:48.516 --> 00:37:51.394 align:center
Sabi niya, "Ibaba mo ako ng eroplano
at humanap ka ng gaya ko."

00:37:52.311 --> 00:37:54.146 align:center
-E—
-Puro siya kalokohan.

00:37:55.690 --> 00:38:01.654 align:center
Ano ang naungkat
sa takbo ng imbestigasyon?

00:38:03.614 --> 00:38:09.537 align:center
Na may mga koneksiyon 'yong salarin

00:38:09.620 --> 00:38:11.622 align:center
sa mga awtoridad sa Morelos.

00:38:11.706 --> 00:38:16.002 align:center
Siyempre, ipinaalam ang lahat ng 'to
sa head of government,

00:38:16.752 --> 00:38:18.504 align:center
si Dr. Claudia Sheinbaum.

00:38:20.339 --> 00:38:22.633 align:center
Kung di pa nakialam
ang District Attorney's Office

00:38:22.717 --> 00:38:24.468 align:center
ng Lungsod ng Mexico,

00:38:25.177 --> 00:38:27.513 align:center
hindi sana naparusahan
ang femicide na 'to.

00:38:28.139 --> 00:38:30.349 align:center
At ang tanong, paano nangyaring

00:38:31.559 --> 00:38:33.894 align:center
may isang piskal na pinagtakpan 'to,

00:38:36.105 --> 00:38:38.232 align:center
na sa opinyon ko, sinadyang gawin?

00:38:39.775 --> 00:38:43.612 align:center
Sinasabi ko 'to nang may mataas
na paggalang sa head of government

00:38:43.696 --> 00:38:45.906 align:center
at sa General Prosecutor ng Mexico City,

00:38:45.990 --> 00:38:49.410 align:center
imposibleng pagtakpan namin
ang kahit sino.

00:38:50.036 --> 00:38:52.038 align:center
Ginawa namin ang makakaya namin.

00:38:52.121 --> 00:38:54.915 align:center
Makikita 'yon sa autopsy report na,

00:38:54.999 --> 00:38:57.626 align:center
sa tingin namin, nagawa naman nang maayos.

00:39:03.841 --> 00:39:06.010 align:center
Ang daming ilegal,

00:39:06.093 --> 00:39:11.932 align:center
ang daming ilegal at nakakagulat
na nangyari do'n, di ba?

00:39:12.016 --> 00:39:15.770 align:center
Nilabag nila 'yong karapatang pantao
ng mga pamilya,

00:39:15.853 --> 00:39:17.813 align:center
ni Ariadna mismo, di ba?

00:39:18.522 --> 00:39:21.442 align:center
At naisip namin
na hindi din dapat palampasin

00:39:21.525 --> 00:39:24.111 align:center
'yong ginawa ng prosecutor ng Morelos.

00:39:24.195 --> 00:39:29.450 align:center
Ipinakita namin sa mga judge
ang lahat ng argumento namin.

00:39:29.533 --> 00:39:34.038 align:center
Tapos sumang-ayon sa 'min ang mga judge.
Binigyan nila kami ng arrest warrant, oo.

00:39:34.538 --> 00:39:36.374 align:center
MEN'S PREEMPTIVE DETENTION CENTER

00:39:38.000 --> 00:39:40.711 align:center
Pare, pumasok ka para makita ko,
tapos sasama ako sa 'yo.

00:39:41.337 --> 00:39:45.633 align:center
Arrest warrant 'to
para kay Uriel Carmona Gándara.

00:39:46.258 --> 00:39:48.260 align:center
Pasok ka, kasama. Kilala mo ako, di ba?

00:39:48.344 --> 00:39:50.596 align:center
-Magkasama tayo sa trabaho.
-Tama.

00:39:50.679 --> 00:39:53.015 align:center
-Pwede 'tong mangyari sa kahit sino, tama?
-Tama.

00:39:53.099 --> 00:39:55.309 align:center
-Susuko ako nang kusa.
-Live ka.

00:39:55.393 --> 00:39:57.770 align:center
Nangako ang mga aaresto sa 'kin na

00:39:57.853 --> 00:39:59.814 align:center
di nila puwersahang papasukin
ang bahay ko.

00:40:03.943 --> 00:40:08.572 align:center
Saka naisip din namin na makapangyarihang
mensahe 'yon para sa bansa,

00:40:09.406 --> 00:40:11.617 align:center
na may mga kaparusahan 'to.

00:40:14.036 --> 00:40:17.123 align:center
Ano'ng nangyayari?
Paano ang constitutional immunity?

00:40:17.206 --> 00:40:20.459 align:center
Wala bang guarantees?
Nilalabag ang Konstitusyon.

00:40:20.543 --> 00:40:22.294 align:center
-Di ba?
-Sa totoo lang, oo, Pepe.

00:40:22.378 --> 00:40:25.131 align:center
Kinukuwestiyon nito
ang iba pang autonomous prosecutors

00:40:25.214 --> 00:40:28.300 align:center
sa buong bansa
na posibleng nasa ganito ding sitwasyon.

00:40:31.679 --> 00:40:35.349 align:center
Grabe ang naging pambabatikos sa 'kin
ng ilang prosecutor. Oo.

00:40:35.433 --> 00:40:37.393 align:center
Delikado ba? Oo.

00:40:37.476 --> 00:40:40.104 align:center
Pati buhay mo
sa politika isusugal mo, di ba?

00:40:43.983 --> 00:40:45.860 align:center
Simula na ng session.

00:40:45.943 --> 00:40:48.070 align:center
Ang susunod na paksa sa agenda

00:40:48.154 --> 00:40:49.947 align:center
ay ang talakayan at, kung naaangkop,

00:40:50.030 --> 00:40:53.409 align:center
pag-aproba ng positibong opinyon,

00:40:53.492 --> 00:40:58.455 align:center
hinggil sa panukalang pagtatalaga
sa sibilyan na si Ernestina Godoy Ramos

00:40:58.539 --> 00:41:02.460 align:center
bilang head ng District Attorney's Office
ng Lungsod ng Mexico.

00:41:03.586 --> 00:41:07.715 align:center
Kung hindi talaga sila takot bumoto,
hayaan silang bumoto.

00:41:07.798 --> 00:41:12.011 align:center
Gamitin nila ang maliliit nilang daliri
para ipakita kay Ernestina Godoy

00:41:12.094 --> 00:41:14.180 align:center
kung kakampi ba sila o hindi.

00:41:18.309 --> 00:41:21.896 align:center
May miyembro bang hindi pa bumoboto?

00:41:25.941 --> 00:41:31.113 align:center
Sarado na ang voice voting system.

00:41:33.657 --> 00:41:38.287 align:center
Madam President,
ito po ang resulta ng botohan.

00:41:38.370 --> 00:41:43.209 align:center
41 ang pabor, 25 ang laban,
walang abstensiyon.

00:41:47.087 --> 00:41:48.797 align:center
Matapos ang dalawang oras na debate,

00:41:48.881 --> 00:41:52.384 align:center
tinanggihan ang karagdagang apat na taon
ni Godoy bilang general prosecutor.

00:41:53.219 --> 00:41:55.638 align:center
Kaya naman kailangang pumili ang Kongreso

00:41:55.721 --> 00:41:58.516 align:center
ng bagong piskal
na magsisilbi sa loob ng apat na taon,

00:41:58.599 --> 00:42:02.478 align:center
na may opsiyon para sa isa pang termino,
bagay na hindi nakamit ni Ernestina Godoy.

00:42:07.191 --> 00:42:10.277 align:center
No'ng araw na umalis
si Prosecutor Ernestina,

00:42:11.570 --> 00:42:13.864 align:center
ang sabi niya sa 'kin,

00:42:15.074 --> 00:42:19.286 align:center
"Sayuri, mag-iingat ka sa lahat."

00:42:20.829 --> 00:42:22.164 align:center
"Lahat."

00:42:24.375 --> 00:42:28.003 align:center
Oo, kasi iiwan niya akong mag-isa.
'Yon ang sinabi niya sa 'kin.

00:42:29.421 --> 00:42:30.923 align:center
At tama siya.

00:42:34.176 --> 00:42:38.305 align:center
In-appoint nila bilang mahistrado
ang asawa ng prosecutor ng Morelos.

00:42:42.810 --> 00:42:48.065 align:center
"Itinalaga ng Kongreso ng Morelos
ang sampung bagong mahistrado

00:42:48.148 --> 00:42:51.652 align:center
"ng Superior Court of Justice
ng Estado ng Morelos."

00:42:51.735 --> 00:42:52.736 align:center
Ay, okay.

00:42:52.820 --> 00:42:55.823 align:center
"Kasama rito ang asawa
ng prosecutor ng Morelos."

00:42:56.448 --> 00:42:58.867 align:center
-Hindi ba conflict of interest 'yon?
-Immunity.

00:42:58.951 --> 00:43:01.996 align:center
Oo, pero wala silang pakialam.

00:43:10.170 --> 00:43:13.215 align:center
Nitong Biyernes, 9:48 ng umaga,

00:43:13.299 --> 00:43:17.845 align:center
pinalaya si Uriel Carmona,
prosecutor ng Morelos,

00:43:17.928 --> 00:43:20.806 align:center
mula sa Altiplano Correctional Facility
sa Estado ng Mexico.

00:43:20.889 --> 00:43:25.269 align:center
Kahapon, ipinag-utos ng panel ng mga hukom
ang kanyang agarang paglaya,

00:43:25.352 --> 00:43:26.770 align:center
ayon sa kanyang mga abogado.

00:43:26.854 --> 00:43:30.357 align:center
Hindi natuwa ang National Palace
sa nangyaring paglayang ito.

00:43:30.858 --> 00:43:35.904 align:center
Laging may nananalo at natatalo
sa isang paglilitis.

00:43:35.988 --> 00:43:38.449 align:center
Hindi, hindi 'to pagkatalo.

00:43:38.532 --> 00:43:41.285 align:center
Hindi pa tapos 'to. Hindi pa tapos, di ba?

00:43:41.368 --> 00:43:44.496 align:center
Hindi ko alam kung masasabi na nating,

00:43:44.580 --> 00:43:47.583 align:center
"Malaya na siya, at di na mapaparusahan."

00:43:47.666 --> 00:43:49.835 align:center
Ewan ko. Sa tingin ko, hindi.

00:43:49.918 --> 00:43:54.089 align:center
Pwedeng magkarooon ng malala
o negatibong epekto ang ginagawa mo

00:43:54.173 --> 00:43:58.093 align:center
kasi ginagawa mo 'yon
sa isang sistemang may korapsiyon

00:43:58.177 --> 00:44:01.430 align:center
at mga taong may masasamang balak.

00:44:01.513 --> 00:44:06.685 align:center
Umasa akong mag-iiba 'yon.
Siyempre naman, di ba?

00:44:07.686 --> 00:44:11.565 align:center
Pero sa bandang huli,
importante ang lahat ng laban na 'yon.

00:44:17.696 --> 00:44:21.241 align:center
Sa tingin ko, gaya ng sabi nila,
dapat lumipat ang takot sa kabila.

00:44:21.325 --> 00:44:24.828 align:center
At kung hindi natin lalakasan
ang boses natin para sa mga wala na dito,

00:44:24.912 --> 00:44:26.955 align:center
kahit kailan, hindi na sila maririnig.

00:44:31.460 --> 00:44:34.797 align:center
Nasa kulungan na sina Rautel at Vanessa,
pero wala pa si Uriel,

00:44:34.880 --> 00:44:37.925 align:center
pati na 'yong mga taga-prosecution
na nagsinungaling para sa kanya.

00:44:38.008 --> 00:44:41.887 align:center
KORAP - KASABWAT NG KRIMINAL

00:44:42.721 --> 00:44:43.597 align:center
Nagsasabwatan sila.

00:44:43.681 --> 00:44:46.600 align:center
At hindi ito ang unang beses
na gumawa sila ng ganito.

00:44:46.683 --> 00:44:48.394 align:center
Dito lang sila nahuli.

00:44:48.477 --> 00:44:53.357 align:center
Pero may mga email at mga message ako
ng mga babae na sinasabi sa 'king,

00:44:53.440 --> 00:44:56.318 align:center
"Nangyari din 'to sa nanay ko."
"Nangyari 'to sa kaibigan ko."

00:44:56.402 --> 00:45:00.072 align:center
"Pero dahil sa takot, hindi ako nagsalita.
Wala akong ginawa."

00:45:00.155 --> 00:45:02.366 align:center
Kasi natatakot din kami.

00:45:02.449 --> 00:45:05.994 align:center
Lumipat ako kasi alam ni Rautel
ang lahat tungkol sa 'kin.

00:45:08.914 --> 00:45:12.710 align:center
NANDITO PARA KAY ARIADNA
DAHIL PINATAY SIYA NI VANESSA FLORES

00:45:12.793 --> 00:45:17.131 align:center
ARI, KAPATID
NANDITO ANG TRIBO MO!

00:45:17.214 --> 00:45:20.300 align:center
Importante para sa 'min
na buhay 'yong kaso,

00:45:20.884 --> 00:45:24.096 align:center
na hindi makalimutan,
gaya ng mga nakalimutan nang femicides.

00:45:24.179 --> 00:45:27.725 align:center
Minsan, pag may namatay kang
kamag-anak o kaibigan,

00:45:27.808 --> 00:45:32.646 align:center
nagluluksa ka, kinakaya mo,
umiiyak ka, tinatanggap mo.

00:45:32.730 --> 00:45:35.774 align:center
Pero para sa 'min, "Pinatay si Ariadna."

00:45:35.858 --> 00:45:38.527 align:center
Buong araw, sobrang bigat ng loob ko.

00:45:38.610 --> 00:45:41.822 align:center
Tapos kinabukasan,
kinailangan kong lumabas at sumigaw.

00:45:41.905 --> 00:45:43.365 align:center
Kinailangan kong lumaban.

00:45:43.449 --> 00:45:46.076 align:center
Di pa kami nakakapagluksa,
at di namin kayang gawin 'yon

00:45:46.160 --> 00:45:48.036 align:center
hangga't wala kaming nakukuhang hustisya.

00:46:00.758 --> 00:46:04.344 align:center
-Ito 'yong paborito niyang mga bulaklak.
-Oo, saka lagi siyang nagpo-post.

00:46:04.428 --> 00:46:05.512 align:center
Na gusto niya nito.

00:46:05.596 --> 00:46:07.514 align:center
"Sino'ng magbibigay sa 'kin
ng sunflowers?"

00:46:07.598 --> 00:46:09.641 align:center
Naaalala ko lagi

00:46:09.725 --> 00:46:11.059 align:center
na nag-post siya ng meme

00:46:11.143 --> 00:46:15.522 align:center
na dapat may magpa-tattoo din sa kanya,
gaya ng mga nagpa-tattoo kay Belinda.

00:46:15.606 --> 00:46:16.815 align:center
-'Yong mga gano'n.
-Oo!

00:46:16.899 --> 00:46:19.818 align:center
-Ngayon, para na tayong baka na may tatak.
-Lahat na tayo.

00:46:19.902 --> 00:46:21.278 align:center
May pangalan niya ako.

00:46:21.361 --> 00:46:23.155 align:center
-Nasa tuhod ko.
-Sa tuhod mo.

00:46:23.238 --> 00:46:25.783 align:center
Tapos ako ang nag-tattoo
ng pangalan niya kay Nat.

00:46:25.866 --> 00:46:28.243 align:center
Umiyak siya,
pero hindi ko alam kung dahil ba kay Ari

00:46:28.327 --> 00:46:29.995 align:center
o dahil ako ang nag-tattoo sa kanya.

00:46:30.078 --> 00:46:33.040 align:center
-Ewan ko. Grabe 'yong iyak ko no'n.
-Halo-halo na 'yong feelings.

00:46:33.123 --> 00:46:34.166 align:center
Oo nga, e.

00:46:35.751 --> 00:46:38.962 align:center
Gusto talaga ni Ari na nagkakasundo
ang lahat ng kaibigan niya.

00:46:39.046 --> 00:46:43.300 align:center
Alam ko, plano niyang magpa-hardcore party
para sa 500 bisita.

00:46:44.843 --> 00:46:47.179 align:center
Naaalala ko
no'ng inangkas ko siya sa motor.

00:46:47.262 --> 00:46:49.181 align:center
Grabe, inis na inis ako sa kanya no'n.

00:46:49.264 --> 00:46:51.683 align:center
Sasabihin niya sa 'kin,
"Kuhanan mo ako ng picture."

00:46:55.437 --> 00:46:58.899 align:center
Naaalala ko, gusto niyang
magpa-eyelash extensions, di ba?

00:46:58.982 --> 00:47:01.401 align:center
Nagpalagay siya, tapos pagbalik niya,

00:47:02.277 --> 00:47:04.530 align:center
may eyelash extensions na siya.

00:47:04.613 --> 00:47:07.574 align:center
Tapos sabi niya, "Hala, girl!
Para akong figurine ni Baby Jesus."

00:47:15.916 --> 00:47:19.795 align:center
Sa tingin ko, ang pinakamagandang paraan
para i-honor siya, 'yong ipagpatuloy 'yon,

00:47:19.878 --> 00:47:22.422 align:center
'yong may parte pa rin niya sa 'tin.

00:47:22.506 --> 00:47:23.966 align:center
-Mismo.
-Oo, girl.

00:47:24.049 --> 00:47:26.260 align:center
'Yong may parte pa rin niya sa 'tin.

00:48:30.824 --> 00:48:33.702 align:center
Itong mga prosesong pinagdaraanan namin,

00:48:33.785 --> 00:48:36.580 align:center
alam naming lahat
na inaabot 'to ng maraming taon.

00:48:38.790 --> 00:48:42.169 align:center
Halimbawa, 'yong pagpunta dito
sa prosecutor's office

00:48:42.252 --> 00:48:44.379 align:center
o pagpunta sa detention center,

00:48:44.463 --> 00:48:49.384 align:center
hindi ko na tinitingnan ang mga istasyon,
alam ko na sa utak ko kung saan bababa.

00:48:51.553 --> 00:48:54.723 align:center
At may mga pagkakataon na pakiramdam natin

00:48:55.474 --> 00:48:59.603 align:center
hindi na darating ang hustisya
at magiging gano'n na ang buhay natin,

00:49:00.103 --> 00:49:03.106 align:center
paikot-ikot lang

00:49:03.190 --> 00:49:06.818 align:center
at palaging lumalaban
at ipinagtatanggol ang mga sarili natin.

00:49:19.539 --> 00:49:24.628 align:center
Madalas sabihin sa 'kin ni Say
na hustisya ang pinakamagandang therapy.

00:49:24.711 --> 00:49:26.088 align:center
At ang lagi kong sagot,

00:49:26.171 --> 00:49:28.799 align:center
"Oo, Say, pero ang point dito…"

00:49:30.842 --> 00:49:33.804 align:center
At no'ng marinig ko 'yong mga salitang,
tumatak 'yon sa 'kin,

00:49:33.887 --> 00:49:36.515 align:center
"Mr. Alberto, mananatili ka sa kulungan,"

00:49:38.183 --> 00:49:39.476 align:center
sobrang ganda no'n.

00:49:40.018 --> 00:49:44.856 align:center
At pakiramdam ko, 'yong nawasak sa 'kin,
hindi ko alam kung ano 'yon,

00:49:45.357 --> 00:49:48.568 align:center
parang nabuo siya ulit.

00:49:55.993 --> 00:50:00.288 align:center
Akala ko dati, normal lang ang magising
ng 80 beses sa gabi at gano'n ang lahat.

00:50:01.999 --> 00:50:04.793 align:center
At dahil alam kong nasa kulungan siya,

00:50:05.877 --> 00:50:07.796 align:center
tuloy-tuloy ang tulog ko ngayong linggo.

00:50:07.879 --> 00:50:09.923 align:center
At para sa 'kin,

00:50:10.799 --> 00:50:13.969 align:center
nakakagulat 'yon, at di ko alam
na pwede palang mangyari 'yon.

00:50:14.052 --> 00:50:18.015 align:center
Ang sarap makatulog nang tuloy-tuloy,
nang hindi pagising-gising.

00:50:18.098 --> 00:50:22.102 align:center
At oo nga, tama si Say,
hustisya ang pinakamagandang therapy.

00:50:23.145 --> 00:50:25.397 align:center
At matagal bago dumating 'yon,
pero dumadating.

00:50:25.981 --> 00:50:28.567 align:center
At sa pagtitiyaga, sa pagpapatuloy,

00:50:28.650 --> 00:50:30.902 align:center
oo, gumaling nga.

00:50:39.619 --> 00:50:41.955 align:center
Naisip ko ring importanteng

00:50:43.874 --> 00:50:45.709 align:center
makita ko kayo ngayong araw

00:50:46.418 --> 00:50:47.919 align:center
kasi…

00:50:49.463 --> 00:50:53.800 align:center
gusto ko ding ipaalam sa inyo
ang ilan sa mga napagdesisyonan namin.

00:50:58.555 --> 00:51:02.726 align:center
Nakatanggap ako ng imbitasyon
na sumali sa team

00:51:02.809 --> 00:51:05.687 align:center
ng Ministry for Women.

00:51:06.688 --> 00:51:11.985 align:center
Para maging parte ng pagpapatupad
ng gender-specialized prosecuting offices

00:51:12.069 --> 00:51:13.945 align:center
sa lahat ng estado.

00:51:14.029 --> 00:51:17.699 align:center
At gusto kong ipaalam sa inyo
na tinanggap ko ang imbitasyon.

00:51:19.284 --> 00:51:22.370 align:center
Nag-aalala ako. Na-touch ako.

00:51:22.454 --> 00:51:28.794 align:center
At wala ako dito para sa posisyon
kundi para sa mga layunin.

00:51:30.378 --> 00:51:33.673 align:center
At ang layunin ko, oo,
mga babae at batang babae.

00:51:34.174 --> 00:51:36.802 align:center
Gusto kong malaman
kung aalis ka dahil sa pressure.

00:51:36.885 --> 00:51:39.888 align:center
Kasi kaya rin naming harapin
ang pressure na 'yon.

00:51:40.388 --> 00:51:43.517 align:center
Ibig kong sabihin, naharap nga namin
'yong mga nang-abuso sa 'min, e,

00:51:43.600 --> 00:51:47.145 align:center
naipagtanggol namin ang mga buhay namin,
ang buhay ng mga babae,

00:51:47.229 --> 00:51:49.397 align:center
kaya rin naming harapin 'to.

00:51:49.481 --> 00:51:54.277 align:center
Malinaw na malinaw sa 'min
na pangontra nila 'to

00:51:54.361 --> 00:51:56.780 align:center
sa mga ipinaglalaban namin.

00:51:56.863 --> 00:51:59.449 align:center
Kasi hindi kami tanga. Alam namin 'yon.

00:52:00.534 --> 00:52:03.829 align:center
Pero gusto naming malaman ang dahilan ng…

00:52:04.329 --> 00:52:05.997 align:center
-Desisyon mo.
-Desisyon mo, di ba?

00:52:06.081 --> 00:52:10.001 align:center
Kasi kung gano'n,
kaya rin naming harapin 'yon.

00:52:10.085 --> 00:52:12.587 align:center
Ginagawa namin 'yon sa mga kalye,
sa mga protesta.

00:52:12.671 --> 00:52:16.133 align:center
Ginagawa namin sa mga detention center,
kaya magagawa rin namin 'yon dito.

00:52:16.842 --> 00:52:19.719 align:center
Oo nga, Say, kailangan mong maintindihan
na hindi ka nag-iisa,

00:52:19.803 --> 00:52:22.430 align:center
na nandito kami para suportahan ka.

00:52:23.431 --> 00:52:25.475 align:center
Kasi para sa 'min, ito din 'yong…

00:52:26.184 --> 00:52:28.770 align:center
Nakakatakot na balita 'to para sa 'min.

00:52:29.354 --> 00:52:32.232 align:center
Ano'ng mangyayari sa 'min,
sa mga kaso namin?

00:52:32.315 --> 00:52:34.109 align:center
Pati na ang lahat ng naipuhunan namin.

00:52:34.192 --> 00:52:38.196 align:center
Hindi lang sa espasyong 'to, kundi pati na
sa pagpapatuloy ng mga kaso namin,

00:52:38.280 --> 00:52:41.783 align:center
para maituloy ang mga espasyong 'to.

00:52:42.325 --> 00:52:44.870 align:center
E, asan na ba tayo ngayon?

00:52:48.290 --> 00:52:50.333 align:center
Alam kong natatakot ka, Yeri.

00:52:51.877 --> 00:52:52.919 align:center
Ako rin naman.

00:52:53.420 --> 00:52:56.298 align:center
At alam kong baka mali ang desisyong 'to.

00:52:58.383 --> 00:53:01.595 align:center
Baka nga nagkamali din ako
five years ago, di ba?

00:53:05.515 --> 00:53:07.142 align:center
Pero pakiramdam ko din,

00:53:08.143 --> 00:53:11.271 align:center
ito na ang oras para kumilos.

00:53:11.354 --> 00:53:12.981 align:center
Magsisimula 'yon sa kuwartong 'to.

00:53:14.691 --> 00:53:18.695 align:center
Itong prosecutor's office,
kailangan naming ipaglaban 'to.

00:53:20.113 --> 00:53:23.700 align:center
At minsan, napakalakas ng inertia.

00:53:23.783 --> 00:53:27.245 align:center
At parang gusto niyang bumalik
sa dating sistema.

00:53:28.622 --> 00:53:31.166 align:center
Di natin pwedeng bitawan 'to.
Sang-ayon ako do'n.

00:53:31.666 --> 00:53:34.836 align:center
Pero di natin pwedeng bitawan 'yon
nang sabay-sabay.

00:53:35.462 --> 00:53:36.504 align:center
Lahat tayo.

00:53:40.634 --> 00:53:42.761 align:center
Saka nag-aalala din ako sa anak ko.

00:53:43.386 --> 00:53:45.847 align:center
One and a half years old na siya.

00:53:45.931 --> 00:53:48.516 align:center
Pag-uwi ko, tulog na siya.

00:53:49.726 --> 00:53:51.937 align:center
At minsan,
sa umaga ko na lang siya nakikita.

00:53:55.565 --> 00:53:57.484 align:center
Gusto kong makita siyang lumaki.

00:54:11.414 --> 00:54:17.420 align:center
Alam kong wala pa
'yong mundong gusto natin ngayon.

00:54:17.504 --> 00:54:19.047 align:center
At 'yon…

00:54:19.547 --> 00:54:22.842 align:center
At matagal-tagal pa bago mabuo 'yon.

00:54:26.346 --> 00:54:28.515 align:center
Isa sa mga desisyon na 'yon,
halimbawa, ngayon,

00:54:28.598 --> 00:54:31.768 align:center
'yong iwan ang prosecutor's office
at maghanap ng ibang gagawin,

00:54:31.851 --> 00:54:34.187 align:center
magpatuloy kahit natatakot,

00:54:34.270 --> 00:54:38.108 align:center
ang pinakamasamang pwedeng mangyari,
hindi mo magawa nang maayos at madapa ka.

00:54:38.191 --> 00:54:40.443 align:center
Pero kailangan nating subukan.

00:54:40.527 --> 00:54:42.654 align:center
Kung hindi, walang mangyayari.

00:54:43.863 --> 00:54:46.533 align:center
Okay, mga kasama, lalaki at babae.

00:54:46.616 --> 00:54:50.996 align:center
Nandito kami para suportahan
si Sayuri Herrera Román.

00:54:51.079 --> 00:54:52.831 align:center
Labas na, Prosecutor!

00:54:52.914 --> 00:54:58.169 align:center
Ang prosecutor namin!
Ang feminista naming kasama!

00:54:58.253 --> 00:55:02.173 align:center
Nandito kami para sabihin
kay Sayuri Herrera Román

00:55:02.257 --> 00:55:08.471 align:center
na nirerepresenta niya kami,
mahal namin siya, at kakampi niya kami.

00:55:11.641 --> 00:55:17.272 align:center
Hangga't naipapakita ko
ang respeto at konsiderasyon ko

00:55:17.355 --> 00:55:22.360 align:center
sa mga babaeng pinaglilingkuran ko,

00:55:23.194 --> 00:55:26.823 align:center
para sa akin, 'yon ang gabay

00:55:26.906 --> 00:55:30.535 align:center
na nagsasabi sa 'kin na tama
at kailangan pa rin

00:55:30.618 --> 00:55:34.330 align:center
ang ginagawa namin.

00:55:34.414 --> 00:55:37.292 align:center
TALAGANG NIREREPRESENTA KAMI NI SAYURI

00:55:37.375 --> 00:55:43.214 align:center
Saka para sa 'kin, 'yon ang gabay
na nagsasabing pwede pa rin

00:55:43.298 --> 00:55:46.968 align:center
tayong magtrabaho,
kahit sa loob ng Estado.

00:55:53.600 --> 00:55:56.519 align:center
Magandang gabi sa inyong lahat,

00:55:57.520 --> 00:55:59.314 align:center
sa bawat isa sa inyo.

00:55:59.898 --> 00:56:03.818 align:center
Sa mga kasama namin sa langit,
magandang gabi.

00:56:04.611 --> 00:56:07.655 align:center
Marami na tayong nabuo
dahil sa pagmamahal.

00:56:08.490 --> 00:56:11.117 align:center
At ang mga pag-asa natin,
hindi lang limitado

00:56:13.370 --> 00:56:15.121 align:center
sa iisang institusyon.

00:56:15.622 --> 00:56:18.375 align:center
Sa labas,
d'yan nangyayari ang totoong buhay, di ba?

00:56:18.458 --> 00:56:19.834 align:center
Kaya lumabas tayo.

00:56:22.587 --> 00:56:25.048 align:center
Naisip ko ang future.

00:56:25.131 --> 00:56:31.012 align:center
Naka-relate ako sa bagong kantang inilabas
ni Silvio Rodríguez.

00:56:31.096 --> 00:56:36.976 align:center
At sabi do'n, "Lumipas na ang buhay,
ngunit marami pang darating."

00:56:58.540 --> 00:57:05.547 align:center
SI SAYURI ANG HUSTISYA

00:57:06.256 --> 00:57:07.882 align:center
Gusto kong

00:57:08.383 --> 00:57:13.680 align:center
maramdaman na ligtas ang anak ko
sa mundong 'to

00:57:13.763 --> 00:57:15.598 align:center
at pwede siyang maging masaya

00:57:16.099 --> 00:57:18.935 align:center
nang walang nangyayaring masama sa kanya.

00:57:19.519 --> 00:57:21.354 align:center
Para sa 'kin, 'yon ang hustisya.

01:01:22.637 --> 01:01:27.642 align:center
Nagsalin ng Subtitle: Jennica Rio Galolo

