WEBVTT

00:19.019 --> 00:20.687
Gagawin mo lahat ng ipapagawa ko.

00:21.604 --> 00:23.815
-Sabihin mo.
-Susunod ako!

00:24.649 --> 00:27.652
-Pinabugbog siya sa 'kin ni Jules.
-Si Jules?

00:27.736 --> 00:28.903
Si Jules ang bugaw namin.

00:28.987 --> 00:31.656
Napakatagal na panahon mo 'kong tinakot.

00:31.740 --> 00:33.324
Pero sa sitwasyon ko ngayon,

00:33.950 --> 00:36.327
ako ang may kapangyarihan.

00:36.411 --> 00:38.538
-Nakakulong si Angel.
-Ha? Bakit?

00:38.621 --> 00:40.707
Nahuli siya do'n sa ninakaw mong kotse.

00:40.790 --> 00:43.334
-Papatayin siya.
-Ano?

01:15.867 --> 01:16.701
Sir?

01:17.285 --> 01:18.328
Napigilan mo ba?

01:19.496 --> 01:20.330
Sir?

01:20.914 --> 01:22.749
Napigilan mo ba?

01:24.000 --> 01:26.294
Kausap ko na 'yong contact ko ngayon.

01:30.715 --> 01:33.551
-Trackson, nagawa na ba?
-Nagawa na.

01:33.635 --> 01:34.469
Oo.

01:35.095 --> 01:36.304
Puta.

01:36.387 --> 01:37.347
Bakit?

01:37.931 --> 01:39.140
Dapat ba hindi?

01:43.645 --> 01:44.521
Sir.

01:44.604 --> 01:45.814
Ano?

01:46.856 --> 01:48.441
Sorry, nagawa na.

01:50.026 --> 01:51.569
Ginawa mo 'to para kay Daniel?

01:51.653 --> 01:52.570
Oo.

01:53.071 --> 01:54.656
'Yon ang sabi mo, e.

01:54.739 --> 01:55.573
Tangina.

01:56.157 --> 01:57.742
Sino ba'ng umaresto sa kanya?

01:58.743 --> 01:59.661
Kami.

01:59.744 --> 02:01.371
At hindi mo sinabi sa 'kin?

02:01.955 --> 02:03.581
Hindi ko naman alam na—

02:03.665 --> 02:06.918
Malinis ba ang trabaho n'yo, Jules?

02:07.544 --> 02:08.378
Sir?

02:08.461 --> 02:12.632
Wala akong katiwa-tiwala sa 'yo.

02:12.715 --> 02:14.801
Sir, pasensiya na.

02:14.884 --> 02:17.720
Puro na lang pasensiya.
Pasensiyahan na lang tayo.

02:18.304 --> 02:20.098
Sir, ano'ng pwede kong gawin?

02:21.391 --> 02:23.017
-Tantanan mo 'ko.
-Sir—

02:27.856 --> 02:28.731
Tangina.

02:35.280 --> 02:36.239
Ano'ng nangyari?

02:37.448 --> 02:40.076
Nagkaletse-letse na, 'yon ang nangyari.

02:42.245 --> 02:43.538
Ano na'ng gagawin ko?

02:44.372 --> 02:46.040
Kakausapin ko si Mallory.

02:46.124 --> 02:48.710
Pumunta ka sa club, magbukas ka.

02:48.793 --> 02:49.627
Tangina.

03:05.059 --> 03:05.894
Hi.

03:11.399 --> 03:13.651
May hindi ba 'ko nalalaman?

03:15.028 --> 03:16.487
Ano'ng di mo alam?

03:17.113 --> 03:18.907
Sangkot ba si Roy?

03:19.490 --> 03:20.950
Di ko alam ang sinasabi mo.

03:23.036 --> 03:24.662
Sige, lokohan pala, ha.

03:25.747 --> 03:27.373
Hindi ako nakikipaglokohan.

03:27.457 --> 03:31.085
Jules, kung mamba-blackmail,
magsisinungaling, at manloloko ka,

03:31.669 --> 03:35.673
kayang-kaya kang ilaglag ng mga biktima mo
kapalit ng mas malaking pera.

03:36.591 --> 03:37.759
'Yan ba ang iniisip mo?

03:39.719 --> 03:42.347
Sige, magtanga-tangahan ka pa.

03:42.430 --> 03:44.390
Naglalaba kayo ng pera sa club,

03:45.058 --> 03:47.101
at tina-traffic n'yo
lahat ng mga tao do'n,

03:47.185 --> 03:51.564
kasama na si Gillian at si Calvin,
pati na si Kimmie.

03:52.857 --> 03:56.444
Naisahan na nga tayo ni Horace
at hawak niya lahat ng alas,

03:56.527 --> 03:58.571
tapos kung makaasta ka,
akala mo kung sino ka.

03:58.655 --> 04:01.199
Ano'ng akala mo sa 'kin, tanga?

04:03.451 --> 04:06.746
Alam kong maganda ako,
pero hindi ako tanga.

04:06.829 --> 04:08.665
Tatanungin ulit kita.

04:09.165 --> 04:12.043
Sangkot ba si Roy?

04:13.336 --> 04:14.504
Pa'no mangyayari 'yon?

04:15.964 --> 04:18.007
Tanong din ang isasagot mo sa tanong ko?

04:18.591 --> 04:21.803
Mallory, mas kaunti ang alam mo,
mas mabuti.

04:22.387 --> 04:23.972
D'yan ka nagkakamali.

04:24.806 --> 04:27.934
Mas magagawan ko ng paraan
kung may alam ko.

04:30.770 --> 04:33.106
Sinabi sa 'yo ni Felicia lahat ng 'to?

04:33.189 --> 04:34.732
Wag mo siyang sasaktan.

04:35.858 --> 04:37.026
Tangina.

04:37.110 --> 04:39.862
Kailangan ko siya,
kahit tatanga-tanga siya.

04:39.946 --> 04:42.448
Kung sinabi niya sa 'yo,
sasabihin niya rin sa iba.

04:42.532 --> 04:45.118
Alam naman nating mahirap magtiwala
sa mga pokpok.

04:45.702 --> 04:46.869
Ako na ang bahala.

04:46.953 --> 04:51.499
Napakatanga mo kung itutumba mo
'yong nag-iisang source ko sa club.

04:51.582 --> 04:53.334
Delikado siya.

04:53.918 --> 04:56.212
Sa 'yo, pero hindi sa 'kin.

04:56.296 --> 04:58.006
Wag mo siyang gagalawin.

05:00.133 --> 05:01.217
'Yon lang ba?

05:01.759 --> 05:03.636
Pagod na kasi ako, e.

05:03.720 --> 05:06.472
Wala akong pakialam kung pagod ka.

05:39.714 --> 05:41.716
Ano'ng ginagawa mo dito?

05:43.718 --> 05:45.595
Kukumustahin ko ang lagay mo.

05:48.014 --> 05:49.390
Hayop ka, umalis ka na.

05:51.684 --> 05:54.228
Horace, naman. Magkapatid tayo.

05:54.937 --> 05:56.689
Sa dugo lang.

05:57.273 --> 05:58.691
Higit pa do'n.

06:00.276 --> 06:04.322
Mamamatay na 'ko,
at di ako magdadalawang-isip na isama ka.

06:04.989 --> 06:06.783
Umalis ka na dito.

06:09.160 --> 06:13.206
Horace, sandali lang, aalis din ako.

06:16.000 --> 06:18.544
Ayokong nakikita ka nang ganyan.

06:22.340 --> 06:25.176
Tatawa na ba ako o pagkaalis mo na?

06:27.804 --> 06:29.389
Alam kong di mo matanggap.

06:30.973 --> 06:32.225
Di matanggap na ano?

06:34.143 --> 06:37.397
Di mo matanggap na noon pa man,
tinitingala na kita.

06:38.189 --> 06:39.524
Alam mo ba?

06:41.025 --> 06:42.819
Wag mo 'kong piliting sabihin.

06:44.070 --> 06:47.782
Ikaw ang paborito ng tatay natin.
Lahat ng ginawa mo, tama.

06:49.492 --> 06:52.203
Samantalang ako, lagi na lang palpak.

06:52.286 --> 06:56.249
Mapa-basketball,
mapa-eskuwela, mapa-negosyo.

06:56.332 --> 06:58.209
Pero ikaw, kayang-kaya mo 'yon.

06:58.292 --> 06:59.293
Ikaw…

07:00.628 --> 07:01.754
Ikaw ang mahal niya.

07:03.673 --> 07:06.801
No'ng nasira mo
'yong Venetian stained glass niya,

07:06.884 --> 07:08.678
sinalo kita no'n.

07:08.761 --> 07:11.055
Ako ang sumalo no'n.

07:12.974 --> 07:15.017
Ilang buwan niya 'kong pinarusahan.

07:17.103 --> 07:20.189
No'ng nagasgasan mo 'yong kotse niya,

07:20.273 --> 07:21.816
wala kang sinabi no'n.

07:21.899 --> 07:23.651
Ako ang sinisi niya do'n.

07:25.236 --> 07:27.280
Wala kang narinig sa 'kin.

07:28.322 --> 07:31.367
Akala ko aamin ka, pero hindi, e.

07:33.327 --> 07:34.954
Kaya ka ba nandito?

07:38.082 --> 07:40.209
Nandito ako dahil mamamatay ka na,

07:41.085 --> 07:43.296
at patay na ang asawa ko.

07:44.672 --> 07:48.050
Ba't ba lagi tayong ganito?
Bakit lagi tayong nag-aaway?

07:48.718 --> 07:50.052
Bakit natin ginagawa 'to?

07:50.136 --> 07:53.264
Hindi mo alam kung bakit tayo nag-aaway?

07:54.765 --> 07:56.350
Hindi, magkapatid tayo.

08:00.521 --> 08:01.439
Sige.

08:03.816 --> 08:05.276
E, 'yong…

08:06.611 --> 08:10.907
E, 'yong nagkaro'n kayo
ng relasyon ni Olivia?

08:18.706 --> 08:21.167
Patawarin mo 'ko. Matagal na 'yon.

08:21.250 --> 08:23.169
Harap-harapan n'yo 'kong niloko.

08:24.670 --> 08:28.841
E, no'ng sinubukan mong kunin
'yong kompanya sa 'kin?

08:30.468 --> 08:31.719
Hindi totoo 'yan.

08:32.553 --> 08:35.014
Hindi totoo 'yan.
Ikaw ang gumawa no'n sa 'kin.

08:35.097 --> 08:38.559
Umabot pa tayo sa korte,
at ako ang nanalo.

08:39.644 --> 08:41.187
E, 'yong lagi mo na lang

08:41.812 --> 08:45.441
pinapaalala at sinusumbat sa akin 'yan?

08:45.525 --> 08:47.026
Ano'ng masasabi mo do'n?

08:47.568 --> 08:53.074
'Yong lagi mo na lang sinisisi sa 'kin
'yong pagiging walanghiya ng tatay natin.

08:53.157 --> 08:55.743
Oo, tama ka nga.

08:56.244 --> 08:58.037
Galit siya sa 'yo.

08:59.330 --> 09:01.332
Pero alam mo ba kung sino'ng katulad niya?

09:03.125 --> 09:04.043
Ikaw.

09:04.126 --> 09:04.961
Oo.

09:06.003 --> 09:06.837
Ako.

09:08.047 --> 09:09.757
Galit ako sa 'yo.

09:10.550 --> 09:12.093
Hindi kita kapatid.

09:12.593 --> 09:16.514
Para kang tinik sa balat ko.

09:18.724 --> 09:20.268
Napakasama mo.

09:21.352 --> 09:25.690
Akala mo ba may mababago pa?
May papunta-punta ka pa dito.

09:28.734 --> 09:29.819
Oo.

09:30.528 --> 09:32.822
Umasa ako sa Diyos na may mababago pa.

09:34.907 --> 09:35.825
Wala na.

09:37.076 --> 09:41.372
Magiging masama ako
hanggang sa kamatayan ko.

09:47.336 --> 09:49.714
Bakit ba naisipan ko pa 'to?

09:51.674 --> 09:56.012
Akala ko lalambot ang puso mo
ngayong mamamatay ka na.

09:59.807 --> 10:01.767
Ngayong mamamatay na 'ko,

10:02.518 --> 10:04.437
nalaman ko

10:05.271 --> 10:07.106
na wala pala akong puso.

10:08.649 --> 10:09.525
Meron dati.

10:10.359 --> 10:11.694
Meron kang puso dati.

10:13.821 --> 10:15.489
Tama na ang kagaguhan.

10:16.866 --> 10:18.659
Alam mong alam ko, hindi ba?

10:19.535 --> 10:20.578
Ang ano?

10:21.537 --> 10:24.999
'Yong tungkol sa inyo ni Jules.

10:26.375 --> 10:28.502
Na naglalaba kayo ng pera sa club.

10:30.254 --> 10:31.130
Oo.

10:32.006 --> 10:33.466
Alam ko lahat 'yon.

10:34.717 --> 10:40.222
At masayang-masaya ako
dahil alam ko lahat ng krimen ninyo.

10:40.306 --> 10:43.517
-Wala akong alam sa sinasabi mo.
-Alam mo.

10:44.018 --> 10:46.103
Lahat ng krimen.

10:47.313 --> 10:49.106
Kaya ang ibig sabihin no'n, kapatid ko,

10:49.690 --> 10:52.234
katapusan mo na.

10:52.818 --> 10:55.029
Mawawala lahat ng shares mo,

10:55.613 --> 10:56.656
at ikaw,

10:57.239 --> 10:59.033
makukulong ka.

11:01.702 --> 11:04.038
Horace, ito lang ang sasabihin ko.

11:05.665 --> 11:07.958
Wag na wag mong susubukan.

11:09.460 --> 11:11.962
Tama na, tumigil ka na.

11:13.589 --> 11:17.009
Akala mo yata makakalusot ka dito.

11:19.178 --> 11:20.429
Pero katapusan mo na.

11:23.140 --> 11:24.225
Tama.

11:24.725 --> 11:26.102
Nadale kita.

11:29.397 --> 11:30.940
Nadale kita.

11:34.944 --> 11:36.487
Timbog ka na ngayon.

11:41.534 --> 11:43.369
Timbog ka na ngayon.

11:49.959 --> 11:50.918
Letse.

11:54.839 --> 11:55.756
Hello.

11:56.716 --> 11:57.800
Galit ka pa rin?

11:57.883 --> 11:59.218
Ano sa tingin mo?

11:59.301 --> 12:01.262
Wag kang mag-alala sa kapatid ko.

12:01.345 --> 12:03.556
Charles, madali lang sa 'yong
sabihin 'yan.

12:04.265 --> 12:05.599
Sige, kakausapin ko siya.

12:06.767 --> 12:08.853
Wag na. Wag mong gawin 'yan.

12:08.936 --> 12:10.271
Lalo lang gugulo.

12:10.354 --> 12:14.191
-Hindi, kaya ko 'to. Ako'ng bahala.
-Charles, wag na sabi.

12:16.152 --> 12:17.528
E, ano'ng gagawin mo?

12:17.611 --> 12:20.030
Malay ko, di ko alam ang gagawin ko.

12:20.114 --> 12:21.490
Pero may gagawin ako.

12:22.074 --> 12:23.451
Tulad ng ano?

12:23.534 --> 12:26.871
'Yong tatantanan niya 'ko,
'yong di na niya 'ko pakikialaman.

12:26.954 --> 12:28.289
'Yon ang gagawin ko.

12:29.665 --> 12:30.791
Wag ka nang umasa.

12:31.792 --> 12:33.627
Ako na nga kasi ang bahala.

12:33.711 --> 12:37.214
Charles, kakasabi ko lang na wag na.

12:37.298 --> 12:39.425
Hayaan mo na sa 'kin 'to.
Ako na'ng bahala.

12:39.508 --> 12:41.343
Bahala ka. Pupunta na 'ko sa club.

12:41.427 --> 12:43.471
Alam ko namang pupunta ka do'n, e.

12:44.263 --> 12:46.515
Wag kang magmaalat d'yan
kung nakakapagladlad ako.

12:46.599 --> 12:49.393
Hindi ako nagmamaalat dahil ladlad ka.
Nagmamaalat ako…

12:51.937 --> 12:53.355
Nagmamaalat ako dahil…

12:54.231 --> 12:56.233
Nagmamaalat ako
dahil alam mong mahal kita…

12:58.152 --> 12:59.904
pero wala lang sa 'yo.

12:59.987 --> 13:01.071
Wala nga.

13:02.364 --> 13:03.199
Charles.

13:04.617 --> 13:06.243
-Varney.
-Si Mallory ba 'yan?

13:06.327 --> 13:07.369
Lintik, sige na.

13:07.453 --> 13:08.412
Wag mong ibaba.

13:08.496 --> 13:10.164
-Sige na.
-Wag mong ibaba—

13:11.540 --> 13:12.374
Hi.

13:12.875 --> 13:13.876
Hello, Varney.

13:14.502 --> 13:15.336
Mallory.

13:19.882 --> 13:21.967
-Mukhang ginabi ka yata.
-Oo nga.

13:22.051 --> 13:26.472
Naubos ang araw ko sa lintik
na problemang 'to at sa asawa ko.

13:27.097 --> 13:28.516
-Sinabi mo pa.
-Oo.

13:30.017 --> 13:31.393
Kumusta ka na?

13:31.977 --> 13:33.229
Okay naman.

13:34.730 --> 13:37.107
Mukhang 'yong will ang hawak mo, ha.

13:37.691 --> 13:39.568
-Oo nga.
-Sige.

13:39.652 --> 13:41.237
May nakita ka ba?

13:41.820 --> 13:43.572
Ito, binabasa ko pa.

13:44.073 --> 13:46.325
Sinisigurado ko
na wala akong nakakaligtaan.

13:47.201 --> 13:48.786
Wala kang nakaligtaan.

13:49.370 --> 13:50.204
Eh…

13:53.541 --> 13:55.668
Ba't di tayo mag-dinner? Halika na.

13:55.751 --> 13:58.671
-Ay, Mallory, ano kasi—
-Hindi request 'yon.

13:59.964 --> 14:01.382
Madami pa kasi akong trabaho.

14:01.465 --> 14:04.510
-Meron pa 'kong—
-Kasama na ang pagsama sa 'kin sa dinner.

14:04.593 --> 14:06.971
Sige na. Wala akong driver.
Ipag-drive mo 'ko.

14:07.930 --> 14:11.517
E, 'yong driver
na naghihintay sa 'yo sa lobby?

14:11.600 --> 14:14.311
Anong driver? Wala akong pakialam do'n.

14:14.395 --> 14:15.563
Sige na, halika na.

14:16.146 --> 14:18.732
Kung sa ibang araw na lang kaya?

14:18.816 --> 14:21.485
Promise, dadalhin kita
kahit saan mo gusto.

14:21.569 --> 14:23.988
Gutom na 'ko. Halika na.

14:28.033 --> 14:30.160
Ano sa tingin mo?

14:30.744 --> 14:33.497
-Bagay sa 'yo.
-Thank you, baks.

14:34.498 --> 14:35.833
Ano'ng nararamdaman mo?

14:36.417 --> 14:37.418
Okay naman.

14:37.501 --> 14:38.919
Walang kirot o ano?

14:39.003 --> 14:40.421
Wala naman.

14:40.504 --> 14:41.338
Mabuti.

14:41.422 --> 14:43.507
Oo. Inalagaan nila 'ko sa ospital.

14:43.591 --> 14:44.884
Totoo 'yan.

14:46.385 --> 14:48.429
Hindi ako makapaniwala.

14:50.097 --> 14:51.307
Ako rin, e.

14:51.932 --> 14:53.183
Ayan ka na naman.

14:56.353 --> 15:00.149
Nagtataka lang ako
dahil mukhang tahimik 'yong anak niya.

15:00.232 --> 15:01.984
-Sino, si Roy?
-Oo.

15:02.067 --> 15:03.902
Malamang takot sa papa niya.

15:03.986 --> 15:05.487
Oo nga, pero…

15:07.406 --> 15:09.033
Kimmie, pwede ba?

15:10.034 --> 15:12.119
Ang dami nating pinagdaanan, di ba?

15:12.202 --> 15:17.166
Alam kong lagi ka na lang tumatakbo,
pero baka pwedeng mag-enjoy naman tayo?

15:17.249 --> 15:19.335
Mahirap dahil nandito ang kapatid ko.

15:19.418 --> 15:21.086
Walang mangyayari sa kanya.

15:22.504 --> 15:25.841
Alam mo bang di man lang tumawag si Mama
para kumustahin siya?

15:25.925 --> 15:28.177
At alam niyang nawawala si Sylvie.

15:29.553 --> 15:31.597
Alam mo naman 'yong mama mo.

15:34.975 --> 15:39.146
Rain, tulungan mo 'kong
mailayo si Sylvie dito.

15:40.898 --> 15:43.567
-Ano?
-Hindi siya pwedeng magtagal dito.

15:44.151 --> 15:44.985
Bakit?

15:45.069 --> 15:49.490
Nakapag-early exit exam na siya,
kaya ang gusto ko, mag-college siya.

15:49.573 --> 15:53.577
Para do'n siya titira sa dorm,
malayo sa lahat ng gulong 'to.

15:55.037 --> 15:56.372
Sigurado ka ba d'yan?

15:56.455 --> 15:57.414
Oo.

15:58.415 --> 16:00.292
Alam mong hindi siya ligtas dito.

16:01.418 --> 16:04.213
-Kimmie, ewan ko lang, ha.
-Alam mo 'yon, Rain.

16:05.714 --> 16:08.342
Kimmie, kararating lang natin dito.

16:08.425 --> 16:09.927
Hindi nga—

16:10.761 --> 16:14.223
Tama na ang pagpapanggap, pwede?
Di natin kailangang gawin 'yon.

16:14.848 --> 16:16.767
Laking kalye ka.

16:16.850 --> 16:18.727
Alam mo kung ano 'to.

16:18.811 --> 16:20.938
Ang hirap kasi pag ganito ang itsura mo.

16:21.021 --> 16:23.440
-Ang sa 'kin lang—
-Rain, seryoso ako.

16:24.566 --> 16:27.569
-Okay. Okay.
-Thank you.

16:29.738 --> 16:30.990
Wag kang mag-alala.

16:32.408 --> 16:36.912
Kumbinsihin mo siyang lumayo dito.

16:36.996 --> 16:38.163
Tulungan mo 'ko.

16:38.247 --> 16:40.582
Mukhang mahirap 'yan.

16:42.084 --> 16:43.377
Alam ko, pero…

16:44.294 --> 16:46.380
delikado ang lagay niya dito.

16:49.049 --> 16:50.843
Alam ko ang sinasabi mo. Gusto mo…

16:52.094 --> 16:55.139
kausapin natin siya,
kukumbinsihin ko siyang mag-college.

16:55.222 --> 16:57.641
'Yan lang ang kailangan ko. Thank you.

17:00.269 --> 17:01.854
Pero tayo, okay tayo.

17:03.397 --> 17:04.481
Sana nga.

17:04.565 --> 17:05.858
Kaya natin 'to.

17:08.694 --> 17:10.946
Alam mo, iniisip ko.

17:12.281 --> 17:15.284
Hindi kalakihan 'yong $500,000.

17:16.326 --> 17:17.494
Ano?

17:18.620 --> 17:19.830
Ayoko no'n.

17:19.913 --> 17:21.290
Baks, ano?

17:22.416 --> 17:23.542
Ayoko nga.

17:23.625 --> 17:26.295
Hindi ka pa nga nakakahawak ng gano'n
sa buong buhay mo.

17:26.378 --> 17:29.006
Oo nga, pero pera mo 'yon, e.

17:29.089 --> 17:30.716
Gusto ko ng sarili ko.

17:32.217 --> 17:35.554
Subukan mo lang ibalik sa 'kin
'yong pera na 'yon.

17:36.346 --> 17:37.598
Gano'n nga.

17:38.223 --> 17:39.975
Dahil ang gusto ko, 'yong club.

17:40.893 --> 17:43.020
-'Yong club?
-Oo.

17:43.729 --> 17:45.856
-Gusto kong hawakan 'yon.
-Ano?

17:45.939 --> 17:50.069
Pero hahanapin ko muna si Daga at si Body
para masingil ko sila sa atraso nila.

17:50.152 --> 17:52.112
Ba't mo gustong bumalik sa club?

17:52.196 --> 17:54.406
Para sa pera. Hello?

17:54.490 --> 17:56.366
Malaki ang pinapasok na pera no'n.

17:56.450 --> 17:58.827
At alam ko kung pa'no mag-alaga
ng mga babae.

17:59.578 --> 18:01.371
Tigil-tigilan mo 'yon.

18:01.455 --> 18:03.832
Kimmie, hindi ako katulad mo, okay?

18:03.916 --> 18:06.835
Matalino ka. Pwede kang isabak sa opisina.

18:06.919 --> 18:08.754
Ako, pangkalye ako.

18:09.338 --> 18:10.547
Gusto ko 'yong club.

18:10.631 --> 18:12.800
Hindi naman kay Horace 'yon, e.

18:13.550 --> 18:15.177
Pero pwedeng maging kanya.

18:15.844 --> 18:18.138
-Kunin mo sa kanila.
-Kanino?

18:18.222 --> 18:19.431
Kay Jules?

18:20.724 --> 18:24.102
Siya talaga ang gusto kong singilin,
si Jules.

18:24.895 --> 18:27.106
Ewan ko lang, ha, Rain.

18:27.189 --> 18:29.525
Kimmie, pag-isipan mo lang.

18:31.944 --> 18:33.612
Sige, pag-iisipan ko.

18:34.488 --> 18:37.199
Magpalit ka muna. Kain tayo.

18:40.244 --> 18:41.328
Lalabas ako.

18:42.454 --> 18:43.539
Saan ka pupunta?

18:43.622 --> 18:44.748
Sa club.

18:44.832 --> 18:45.749
Rain!

18:46.875 --> 18:50.963
Ang tagal kong natengga sa ospital.
Gusto ko namang gumimik, 'no.

18:51.463 --> 18:53.715
Alam mo, malaki ka na, bahala ka.

18:53.799 --> 18:55.467
Gusto kong makita 'yong mga ganap.

18:55.551 --> 18:57.594
-Gano'n ka rin naman, e.
-Hindi kaya.

18:57.678 --> 18:59.346
Pwede bang magpahatid kay Alex?

18:59.930 --> 19:01.431
-Pwede?
-Sige, pahatid ka.

19:01.515 --> 19:03.016
Magpapaayos ako ng buhok.

19:03.100 --> 19:05.894
Pag mayaman ka pala,
sila ang pumupunta sa bahay.

19:05.978 --> 19:07.020
Okay, period.

19:08.689 --> 19:10.691
Pero sana nailabas niya si Angel.

19:11.608 --> 19:12.442
Oo nga.

19:15.612 --> 19:18.532
Ano kayang makakain dito?

19:30.085 --> 19:32.004
Ano'ng ginagawa mo sa pamamahay ko?

19:33.589 --> 19:35.132
Di ba nagpunta ka rin sa bahay ko?

19:35.215 --> 19:38.260
Nagsisisi nga ako
kung bakit pa 'ko pumunta.

19:39.803 --> 19:40.846
E, pumunta ka, e.

19:43.849 --> 19:45.184
Matanong nga kita.

19:46.310 --> 19:47.936
Lagi ka namang may tanong, e.

19:50.397 --> 19:52.191
Gaano katagal na 'yon?

19:53.358 --> 19:54.193
Bakit?

19:54.276 --> 19:55.569
Ano lang kasi…

19:56.195 --> 19:57.529
Ewan ko, ano kasi…

19:57.613 --> 20:00.991
Hindi mawala-wala sa isip ko, e.
Hindi ko kasi maintindihan.

20:01.074 --> 20:02.784
-Ano kasi…
-Sabihin mo na.

20:02.868 --> 20:07.372
Ang laking tao niya,
mukhang bakulaw, tapos…

20:08.874 --> 20:10.000
ikaw.

20:10.667 --> 20:12.127
-Ang gulo, e.
-Sexy, di ba?

20:12.211 --> 20:13.086
Hindi, 'no.

20:14.171 --> 20:16.882
-Hindi.
-Subukan mo rin.

20:16.965 --> 20:18.342
Ayusin mo ang pananalita mo.

20:19.593 --> 20:22.221
Ang dami mo kasing dada.

20:23.263 --> 20:24.514
Ano'ng ibig sabihin no'n?

20:27.726 --> 20:31.104
Laki ng ginastos sa pag-aaral mo,
drugs at pokpok lang ang inatupag mo.

20:31.188 --> 20:33.065
At ikaw, ano? Tumira ng lalaki?

20:34.107 --> 20:36.485
-Matagal ko nang ginagawa 'yon.
-Kadiri ka.

20:36.568 --> 20:39.988
Kaya pala
buwisit na buwisit sa 'yo si Papa.

20:41.823 --> 20:43.659
Oo, dalawa kayo.

20:48.914 --> 20:50.707
O, bakit? Ayaw mo?

20:52.209 --> 20:54.419
Ayoko, kung ano-ano'ng pinapasok mo
sa bibig mo.

20:54.503 --> 20:55.671
Teka nga lang.

20:55.754 --> 20:59.341
Pag ikaw, pwede kang tumira
ng sangkatutak na pokpok.

20:59.424 --> 21:02.636
Partida, may asawa ka
ng lagay na 'yan, ha.

21:03.553 --> 21:07.432
Tapos ako, isa o dalawang lalaki lang,
hindi pwede?

21:07.516 --> 21:09.351
Ba't ka ba nandito?

21:10.352 --> 21:11.853
Para lang buwisitin ka.

21:11.937 --> 21:14.314
Matagal na 'kong buwisit,
mula no'ng pinanganak ka.

21:14.398 --> 21:16.024
Kulang pa 'yon.

21:16.108 --> 21:17.901
Nakakasuka ka.

21:18.568 --> 21:19.903
Bad trip ka na ba, ha?

21:20.779 --> 21:22.364
Oo, bad trip na 'ko.

21:22.948 --> 21:26.284
Kung gano'n, nagawa ko na
ang dapat kong gawin.

21:27.160 --> 21:28.912
Buti na lang may yosi ako.

21:29.413 --> 21:32.499
-Nakakadiri ka.
-Lubayan mo si Atty. Varney.

21:35.627 --> 21:36.795
Ay, seryoso ka pala.

21:37.796 --> 21:39.298
At ano'ng gagawin mo, ha?

21:40.507 --> 21:42.718
Ipagtatanggol mo 'yong jowa mong bakulaw?

21:42.801 --> 21:46.054
Please lang, wag mong sabihing
na-in love ka sa hayop na 'yon.

21:46.138 --> 21:48.056
Nai-in love pala ang mga tulad n'yo?

21:49.308 --> 21:51.852
-Pinoprotektahan lang kita.
-Pinoprotektahan mo 'ko?

21:52.811 --> 21:53.854
Ako?

21:56.189 --> 21:57.733
Patawa ka rin, e.

21:58.525 --> 22:01.695
Alam mong di pwedeng magpatayan
tayong magkakapamilya.

22:02.195 --> 22:04.614
Pero walang nabanggit sa will
pagdating sa ibang tao.

22:04.698 --> 22:06.450
Sana nga gawin ng hayop na 'yon.

22:06.533 --> 22:09.244
Ano naman ang gagawin niya, ha?
Kakalmutin niya 'ko?

22:09.328 --> 22:12.164
Ano siya, babaeng may toyo?
Ano'ng gagawin niya?

22:12.664 --> 22:14.541
Nakakatawa talaga kayo, e.

22:14.624 --> 22:17.794
Nasa loob ang kulo no'n,
baka magulat ka na lang.

22:17.878 --> 22:21.048
Di ako natatakot sa kupal
na kumakadyot ng kapwa niya lalaki.

22:22.299 --> 22:24.134
Hindi ako gano'n, 'no?

22:25.218 --> 22:27.637
Sige, Roy. Basta sinabihan na kita.

22:28.305 --> 22:32.392
At sinabihan na rin kita
na wag mong papupuntahin dito 'yon.

22:32.476 --> 22:33.602
Malinaw ba?

22:35.562 --> 22:36.938
Good night, Roy.

22:41.151 --> 22:44.321
Akala mo matatakot ako sa gagong 'yon?
Ang laki mong tanga.

22:45.864 --> 22:46.698
Sige.

22:47.741 --> 22:49.743
Wag kang mag-alala, 'tol.

22:50.952 --> 22:52.287
Hi na lang sa jowa mo.

23:12.474 --> 23:13.642
Alam niya.

23:14.267 --> 23:15.102
Alam ko.

23:15.852 --> 23:19.398
Hindi, alam ni Horace lahat-lahat.

23:19.481 --> 23:21.900
-Napag-usapan na natin 'yan.
-Oo.

23:25.487 --> 23:27.447
Idispatsa mo na 'yong balyenang 'yon.

23:30.283 --> 23:31.243
Ako'ng bahala.

23:32.577 --> 23:35.747
-Ako na ang gagawa.
-Ano ba kayong pamilya kayo?

23:35.831 --> 23:39.000
Bakit ba gusto n'yong nadudumihan
ang mga kamay n'yo?

23:39.084 --> 23:41.753
-Ibigay mo na sa 'kin 'to.
-Bakit, Norman?

23:41.837 --> 23:45.507
Nilalagay sa alanganin ng gagong 'yon
ang shares ko.

23:46.258 --> 23:47.467
E, kung…

23:48.593 --> 23:51.221
E, kung tawagan mo siya?
Mag-usap muna kayo.

23:51.304 --> 23:54.599
Ayoko na ng gulatan.

24:00.939 --> 24:02.274
Ano'ng plano mo?

24:07.028 --> 24:09.072
May ebidensiya ba siya laban sa 'kin?

24:10.115 --> 24:10.991
Wala.

24:13.118 --> 24:15.203
-Sigurado ka?
-Sigurado.

24:15.287 --> 24:17.330
Hindi mo kilala 'yong taong 'yon.

24:18.373 --> 24:19.958
Simpleng tao lang siya.

24:20.625 --> 24:22.711
Sinasabi niya lahat sa asawa niya.

24:24.629 --> 24:27.549
-May alam kaya 'yong asawa?
-Sigurado 'yon.

24:27.632 --> 24:30.844
Ultimo pagtikim niya ng ibang putahe,

24:31.553 --> 24:34.347
sinasabi pa rin niya sa asawa niya.

24:34.931 --> 24:36.766
Bahag ang buntot amputa.

24:39.186 --> 24:42.022
E, siya lang kasi ang pumayag
masangkot sa 'tin, e.

24:42.981 --> 24:44.107
Oo, alam ko.

24:46.610 --> 24:47.569
Norman.

24:50.322 --> 24:51.364
Ano?

24:52.782 --> 24:54.117
Dapat malinis 'yan.

24:58.371 --> 24:59.706
Oo naman.

24:59.789 --> 25:04.669
Norman, makalat at maingay kang gumawa, e.

25:05.253 --> 25:06.504
Ako'ng bahala.

25:07.923 --> 25:11.176
Tandaan mo, judge pa rin siya.

25:17.015 --> 25:17.891
Sige.

25:46.211 --> 25:48.588
-Good evening.
-Lalabas tayo.

25:49.214 --> 25:50.382
Ano?

25:50.465 --> 25:54.135
Lalabas tayo.

25:54.719 --> 25:55.845
Si Kimmie ang boss ko.

25:57.222 --> 25:58.181
Sino?

25:59.140 --> 26:00.225
Si Mrs. Bellarie.

26:00.892 --> 26:01.810
Tama.

26:01.893 --> 26:04.980
Dito lang siya sa bahay.
Ako, ihahatid mo 'ko sa club.

26:05.063 --> 26:08.149
-Oo, pero dapat nandito ako—
-Black Japanese.

26:08.650 --> 26:11.945
Di na nga kita gusto
at wala akong tiwala sa 'yo.

26:12.028 --> 26:13.613
Kaya wag mo 'kong subukan.

26:13.697 --> 26:15.573
Alam mo kung nasaan 'yong club, di ba?

26:16.533 --> 26:19.244
-Oo.
-Akala ko nakalimutan mo na rin, e.

26:19.911 --> 26:23.707
Kaya buksan mo na 'to
at ihatid mo 'ko sa club.

26:24.582 --> 26:25.417
Yes, ma'am.

26:25.500 --> 26:26.459
Thank you.

26:30.005 --> 26:31.798
Konnichiwa.

26:56.656 --> 26:58.825
Nasa Internet ka, o.

26:59.659 --> 27:00.493
Ha?

27:01.328 --> 27:02.829
Oo, 'yong kasal mo.

27:04.247 --> 27:05.707
-Talaga?
-Oo.

27:06.291 --> 27:08.335
Ang dami ngang comments, o.

27:09.502 --> 27:10.420
Malamang.

27:11.129 --> 27:12.255
Mrs. Bellarie.

27:12.964 --> 27:15.634
-Si Mr. Bellarie po.
-Salamat.

27:16.217 --> 27:17.302
Sige.

27:18.803 --> 27:19.721
Hello?

27:19.804 --> 27:21.598
-Hi.
-Hi.

27:21.681 --> 27:22.640
Kumusta ka na?

27:24.559 --> 27:26.478
Medyo di maganda.

27:27.062 --> 27:28.021
Mukha nga.

27:29.147 --> 27:30.815
Nailabas mo na ba si Angel?

27:31.399 --> 27:32.233
Eto…

27:33.276 --> 27:34.778
Inaayos ko pa.

27:34.861 --> 27:37.489
Ngayon alam ko na
kung ba't di siya mahagilap.

27:38.406 --> 27:40.241
Oo, siguro nga.

27:41.242 --> 27:42.243
Kakausapin ko siya.

27:42.994 --> 27:46.081
-Masama ang pakiramdam niya.
-Kakausapin ko siya.

27:47.832 --> 27:50.460
Gusto ka raw makausap ni Sylvie.

27:51.920 --> 27:53.046
Kimmie.

27:53.129 --> 27:55.006
Saglit lang daw.

27:56.633 --> 27:58.635
Masama ang pakiramdam ko, e.

27:58.718 --> 28:00.011
Ito na siya.

28:02.889 --> 28:03.890
Lintik.

28:03.973 --> 28:05.767
Hi, si Sylvie 'to.

28:07.769 --> 28:08.728
Hi.

28:08.812 --> 28:10.688
Kumusta ang pakiramdam mo?

28:11.898 --> 28:13.942
Hindi maganda. Ano…

28:14.025 --> 28:17.112
Sorry, ha.
Kailangan kong makausap ang ate mo.

28:17.195 --> 28:19.864
Sige, pero sasabihin ko lang
'yong sa nabasa kong lugar.

28:20.448 --> 28:24.869
Napapagaling daw nila
'yong mga taong may cancer.

28:24.953 --> 28:27.038
Sa Thailand 'yong lugar.

28:27.122 --> 28:29.749
-Meron din sa Italy.
-Maganda 'yan.

28:29.833 --> 28:32.460
Sige, send ko sa 'yo 'yong details?

28:32.544 --> 28:33.545
Sige.

28:34.212 --> 28:36.506
Pakausap na sa ate mo.

28:36.589 --> 28:39.717
Sige, pero basahin mo, ha?

28:40.468 --> 28:41.428
Oo.

28:42.053 --> 28:44.055
Ibibigay sa 'yo ni Kimmie 'yong number ko.

28:45.140 --> 28:46.766
Okay, sige.

28:47.559 --> 28:51.646
Ibigay mo raw sa 'kin 'yong number niya
para ma-send ko 'yong details.

28:51.730 --> 28:53.523
Sige. Hello?

28:53.606 --> 28:55.567
-Kimmie.
-O?

28:56.443 --> 28:57.735
Ganito.

28:58.903 --> 29:01.364
Puntahan mo ako dito bukas ng umaga.

29:01.948 --> 29:03.616
Sige, pupunta 'ko.

29:04.242 --> 29:07.412
Marami tayong dapat pag-usapan
para maging handa ka.

29:09.038 --> 29:10.540
Sige, darating ako.

29:11.666 --> 29:12.542
Sige.

29:14.961 --> 29:16.379
Sige na.

29:17.630 --> 29:22.385
Sige. Pag nakalabas na si Angel,
papupuntahin ko rin siya, okay?

29:22.469 --> 29:23.303
Sige.

29:25.597 --> 29:26.931
Isama mo siya.

29:28.600 --> 29:29.684
Sige, bye.

29:36.733 --> 29:38.568
Narinig mo ba 'ko?

29:40.820 --> 29:45.533
Wag kang masyadong bilib sa sarili mo.
Wala ka namang binatbat.

29:45.617 --> 29:47.535
Makakakuha ako ng kapalit mo…

29:47.619 --> 29:49.162
Ang hina mong kumain.

29:49.245 --> 29:51.372
Oo, busog pa kasi ako, e.

29:52.582 --> 29:55.585
May kinalaman ba 'to kay Roy?

29:56.961 --> 29:58.254
Ewan ko, meron ba?

30:00.548 --> 30:01.883
Sinabi niya sa 'kin.

30:03.510 --> 30:04.344
Gano'n ba?

30:06.554 --> 30:08.097
Pero hindi ako naniwala.

30:10.308 --> 30:13.603
-Mabuti naman.
-Hanggang sa nakita ko 'yong itsura mo.

30:15.605 --> 30:17.690
-Mallory—
-Kayo ni Charles…

30:17.774 --> 30:19.359
-Mallory.
-Varney—

30:19.442 --> 30:22.487
Malakas ang radar ko sa mga ganyan, e.

30:22.570 --> 30:26.616
Naisip ko na 'yon, pero sabi ko, "Hindi."

30:28.284 --> 30:29.869
Hindi. Pero alam mo?

30:30.578 --> 30:34.499
Na-confirm ko
no'ng pinakuha kita ng suit ni Charles.

30:34.582 --> 30:36.876
Di ba? No'ng akala nating patay na siya.

30:36.960 --> 30:39.128
May susi ka sa bahay niya.

30:40.547 --> 30:45.635
Kitang-kita ko
'yong lungkot sa mata mo, Varney,

30:45.718 --> 30:48.471
no'ng sinabi kong patay na si Charles.

30:48.555 --> 30:50.139
Mallory, unang-una,

30:50.223 --> 30:52.517
matagal na 'kong nagtatrabaho sa inyo.

30:52.600 --> 30:55.311
Siyempre kailangan ko ng susi.

30:55.395 --> 30:57.105
-Para may access ako—
-Tama na.

30:57.188 --> 31:00.066
Hindi ako pumupunta sa inyo.
Pero kay Charles…

31:01.276 --> 31:02.652
Akala natin, patay na siya.

31:02.735 --> 31:03.820
Sige.

31:03.903 --> 31:05.822
Siyempre nalungkot ako…

31:07.365 --> 31:11.870
dahil matagal na rin naman kaming
nagkatrabaho at nagkasama.

31:11.953 --> 31:13.788
-At magkakilala.
-Nagkasama saan?

31:13.871 --> 31:15.832
Tigil-tigilan mo na nga 'yan.

31:15.915 --> 31:20.753
'Yong iyak mo kasi noon,
akala mo namatayan ka ng asawa, e.

31:20.837 --> 31:23.006
-Mallory—
-Hindi 'yon normal na iyak.

31:23.089 --> 31:24.132
-Okay?
-Mallory.

31:24.215 --> 31:25.967
Tama na ang pagpapanggap.

31:26.593 --> 31:28.386
Ewan ko ba't ayaw mo pang umamin.

31:30.179 --> 31:32.599
-Hindi ko alam ang sinasabi mo.
-Alam mo.

31:32.682 --> 31:35.393
Ang totoo, masaya nga ako, e.

31:36.936 --> 31:37.896
Talaga?

31:37.979 --> 31:39.522
Sobrang saya ko.

31:40.523 --> 31:41.816
Alam mo kung bakit?

31:41.899 --> 31:45.320
No'ng niyaya kasi kitang makipag-sex
tapos tumanggi ka,

31:45.403 --> 31:47.196
akala ko ako 'yong problema.

31:47.280 --> 31:50.033
Wala pang tumanggi sa 'kin kahit kailan.

31:50.116 --> 31:54.829
No'ng tumanggi ka,
feeling ko tumatanda na yata ako.

31:55.705 --> 31:58.458
'Yon naman pala, ayaw ng T ng P.

32:03.129 --> 32:05.590
Ba't parang naiilang ka, Varney?

32:05.673 --> 32:07.675
-Dahil gano'n nga.
-Bakit nga?

32:07.759 --> 32:10.845
Varney, kung gay ka, e di go!
Ano'ng problema do'n?

32:10.928 --> 32:14.223
Hindi naman 'yon, e.
Nagtatrabaho kasi ako sa inyo.

32:14.724 --> 32:16.851
Sa biyenan mo. Ano ka ba?

32:17.352 --> 32:19.896
Homophobic siya,
lagi niyang sinasabi 'yon.

32:19.979 --> 32:22.023
Alam ko. Oo, homophobic nga siya.

32:22.106 --> 32:25.944
Alam mo pala, e.
Kaya alam mong nakakailang 'yon.

32:26.027 --> 32:28.863
Okay? Hindi ako komportable sa gano'n.

32:28.947 --> 32:31.532
Okay, oo na. Alam kong homophobic siya.

32:31.616 --> 32:34.994
Pero dapat nakahinga ka na nang maluwag
ngayong out ka na.

32:35.954 --> 32:37.580
Anong "out na"?

32:37.664 --> 32:39.499
-Out ka na.
-Mallory.

32:40.249 --> 32:43.086
Unang-una, wala 'to sa pagiging out,
at hindi ako out.

32:43.169 --> 32:45.505
-Okay?
-Paanong hindi ka out?

32:45.588 --> 32:47.757
Hindi alam ng pamilya n'yo,
kaya mabuti 'yon.

32:47.840 --> 32:51.803
Ano ka ba? Hindi magtatagal,
sasabihin din ni Roy sa pamilya 'yan.

32:51.886 --> 32:53.429
Baka nga sinasabi na niya ngayon.

32:54.597 --> 32:55.807
Kilala mo ang asawa ko.

32:56.391 --> 32:58.309
Napakawalanghiya no'n.

33:00.061 --> 33:01.562
Pwede bang magtanong?

33:03.606 --> 33:05.233
Ba't nagpakasal ka sa kanya?

33:07.276 --> 33:08.528
Dahil mahal ko siya.

33:09.904 --> 33:10.780
Gano'n pala.

33:11.864 --> 33:13.700
Naniwala ka naman?

33:14.826 --> 33:16.703
Pera lang ang habol ko sa hayop na 'yon.

33:17.954 --> 33:19.831
Pera lang, wala nang iba.

33:19.914 --> 33:20.748
Alam mo,

33:21.332 --> 33:25.253
gagawin niyang impiyerno ang buhay ko
kung di ko siya tutulungan.

33:25.837 --> 33:26.713
Tutulungan saan?

33:26.796 --> 33:30.007
Tulungan ko raw siyang
mapatanggal si Kimmie sa will.

33:31.342 --> 33:32.677
At imposible 'yon.

33:32.760 --> 33:33.594
Ganito.

33:35.054 --> 33:36.139
Atty. Varney.

33:37.348 --> 33:39.809
Para mapalayas mo ang demonyo,

33:40.518 --> 33:42.478
dapat mas demonyo ka.

33:42.562 --> 33:45.690
Sa tagal mo sa pamilyang 'to,
dapat alam mo na 'yan.

33:47.191 --> 33:48.943
Kailangan kong madiligan.

33:50.611 --> 33:51.446
Wag kang—

33:51.529 --> 33:54.449
Wag kang mag-alala,
di na 'ko magkakamali ulit.

33:55.324 --> 33:56.367
Mabuti naman.

33:56.451 --> 33:57.452
Gusto ko lang…

33:58.703 --> 34:01.414
Gusto ko lang madiligan nang tahimik.

34:02.415 --> 34:03.791
Naiintindihan ko naman.

34:05.668 --> 34:07.962
Di bale na. Letse, ako na'ng bahala.

34:19.140 --> 34:20.683
Sino kaya 'yon?

34:21.267 --> 34:23.519
Wala naman akong bisita, e. Ikaw ba?

34:23.603 --> 34:24.437
Wala.

34:24.979 --> 34:25.813
Tingnan natin.

34:36.491 --> 34:37.325
Norman.

34:37.408 --> 34:39.285
-Uy.
-Pwede ba 'kong pumasok?

34:39.368 --> 34:41.788
Oo naman. Sige, pasok ka.

34:47.126 --> 34:47.960
Gloria.

34:48.044 --> 34:50.713
Norman. Kumusta ka na?

34:50.797 --> 34:52.089
Ang ganda mo.

34:52.173 --> 34:53.091
Salamat.

34:53.591 --> 34:56.552
Nakikiramay ako sa nangyari sa asawa mo.

34:57.386 --> 34:59.430
Oo, salamat.

34:59.972 --> 35:03.476
Naghahapunan na kami. Halika, kumain ka.

35:03.559 --> 35:05.853
-Hindi, dumaan lang ako para—
-Naku.

35:05.937 --> 35:06.938
Sige na.

35:07.730 --> 35:09.315
Sige na, maupo ka na.

35:10.358 --> 35:11.275
Salamat.

35:12.401 --> 35:15.404
Kukuha lang ako ng isa pang pinggan.

35:18.658 --> 35:19.534
Bale…

35:21.285 --> 35:22.620
may problema ba?

35:24.038 --> 35:24.872
Wala naman.

35:25.998 --> 35:26.874
Sigurado ka?

35:30.044 --> 35:30.878
Hindi.

35:32.255 --> 35:34.048
Kagagaling ko lang kay Horace.

35:35.299 --> 35:37.218
Hindi maganda ang lagay niya.

35:37.301 --> 35:39.136
Nalulungkot akong marinig 'yan.

35:42.098 --> 35:44.684
Ang sabi niya, marami ka raw sinabi, e.

35:44.767 --> 35:46.060
-Wala, a!
-Wag kang…

35:47.228 --> 35:49.188
Wag kang sumigaw.

35:49.689 --> 35:50.648
Norman, maniwala ka.

35:51.315 --> 35:53.609
Wala akong sinasabi sa kanya.

35:55.111 --> 35:56.279
Mabuti naman.

35:58.906 --> 36:00.032
Ganito.

36:01.450 --> 36:02.869
May isang tanong ako.

36:03.911 --> 36:04.745
Ano 'yon?

36:06.664 --> 36:10.209
May paper trail ba
na posibleng konektado sa 'kin?

36:10.960 --> 36:13.045
Wala, maniwala ka.

36:15.548 --> 36:18.509
-E, sa 'yo?
-Walang kahit ano.

36:19.093 --> 36:21.804
Sinigurado kong naging maingat ako.

36:23.347 --> 36:25.808
-Baka manganib ang shares ko dahil do'n.
-Alam ko.

36:25.892 --> 36:27.685
Napag-usapan na natin 'yan.

36:27.768 --> 36:30.688
Alam mong imposibleng magkamali ako.

36:32.315 --> 36:34.275
Iba ang sinasabi ni Horace, e.

36:34.775 --> 36:37.570
Hindi. Ikaw ang mas nakakaalam.

36:40.698 --> 36:41.782
Sigurado ka?

36:43.034 --> 36:44.368
Maniwala ka.

36:46.370 --> 36:47.997
Bakit mukhang kabado ka?

36:49.582 --> 36:51.000
Kilala mo naman ako.

36:55.796 --> 36:56.631
Oo.

36:58.049 --> 36:59.967
May tiwala ka sa 'kin, di ba?

37:02.386 --> 37:03.429
Oo.

37:06.599 --> 37:08.893
Alam mo kung ano'ng natutunan ko
tungkol sa tiwala?

37:09.602 --> 37:10.519
Ano 'yon?

37:12.813 --> 37:15.024
Wala 'yon sa kung kanino ako may tiwala…

37:18.527 --> 37:20.071
kundi kung kanino ka may tiwala.

37:20.154 --> 37:21.197
Norman.

37:21.280 --> 37:23.407
Wala siyang alam.

37:28.621 --> 37:29.872
Uy, kain na tayo.

37:30.998 --> 37:35.169
Norman, maniwala ka. Wala siyang alam.

37:35.252 --> 37:37.380
Ang bango dito, ha.

37:46.847 --> 37:49.267
Aba, hello.

37:49.850 --> 37:51.560
Miss Olivia.

37:53.396 --> 37:56.691
Mukhang malalim 'yan, a.

37:57.942 --> 37:58.818
'Yong ano?

37:59.694 --> 38:01.570
'Yong usapan n'yo.

38:02.071 --> 38:03.906
Ay, hindi. Hindi naman gano'n.

38:03.990 --> 38:05.116
Sigurado ka?

38:05.199 --> 38:06.033
Oo.

38:07.618 --> 38:08.577
Sige.

38:09.078 --> 38:11.205
Sino 'yong lalaking kasama mo?

38:11.288 --> 38:15.001
Wala ka nang pakialam kung sino man 'yon,

38:15.084 --> 38:17.503
pero siya ang kinakalantari ko ngayon.

38:22.550 --> 38:23.759
Tumabi ka.

38:25.136 --> 38:26.220
Ikaw.

38:26.304 --> 38:27.430
Yes, ma'am.

38:28.848 --> 38:32.810
Gusto kong malaman kung ano'ng ginagawa mo
para sa pamilyang 'to.

38:33.519 --> 38:37.189
Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko
para masigurong—

38:37.273 --> 38:41.110
Hindi, hindi. 'Yong kasal ang sinasabi ko.

38:41.193 --> 38:42.069
Ma'am?

38:43.070 --> 38:45.031
Ikaw ang nag-ayos no'n.

38:45.656 --> 38:49.702
'Yong kasal, 'yong judge,
'yong mga witness.

38:50.703 --> 38:52.955
Ikaw ang nag-ayos no'n.

38:53.039 --> 38:55.041
Pinagawa niya sa 'kin 'yon ma'am.

38:55.124 --> 38:58.169
At ginawa mo naman.

38:58.753 --> 39:00.087
Naisip mo ba na…

39:02.256 --> 39:05.301
"Dapat pala di ko ginawa 'yon"?

39:08.596 --> 39:11.223
Sumusunod lang ako sa utos, ma'am.

39:11.932 --> 39:14.810
Lagi ka bang sumusunod sa utos?

39:15.686 --> 39:17.355
Sa ganitong sitwasyon, oo.

39:18.564 --> 39:20.649
Sige, ito'ng utos ko sa 'yo.

39:21.817 --> 39:26.280
Magpakamatay ka na.

39:27.490 --> 39:29.992
Miss Olivia, wine ko 'yan.

39:30.826 --> 39:32.745
Ga'no na ba karami ang nainom mo?

39:33.871 --> 39:38.292
Alam mo, napakarami mong tanong, e.

39:38.375 --> 39:40.544
Hoy, malaki na 'ko.

39:41.754 --> 39:44.799
Oo naman,
pero gusto mo, ihatid ka na namin?

39:47.802 --> 39:49.720
Tumingin ka do'n.

39:50.554 --> 39:55.726
Nakikita mo ba 'yong guwapo
at batang-batang lalaki na 'yon?

39:56.560 --> 39:59.105
Siya ang maghahatid sa 'kin pauwi.

40:00.022 --> 40:02.942
Maraming salamat.

40:08.072 --> 40:09.240
Gaga.

40:10.408 --> 40:12.159
Napagsalitaan pa 'ko.

40:12.243 --> 40:15.538
-Dalawa tayo.
-Pati wine ko, kinuha.

40:25.381 --> 40:27.341
Ba't ba lingon ka nang lingon?

40:28.467 --> 40:29.426
Wala lang.

40:29.510 --> 40:31.137
Hindi pwedeng wala.

40:33.097 --> 40:35.433
Gusto ko lang malaman
ba't gusto mong bumalik do'n.

40:36.267 --> 40:38.269
Wala ka na do'n.

40:41.147 --> 40:44.150
Alam ko ang hirap ninyo ni Kimmie—

40:44.650 --> 40:46.944
Ay, Mrs. Bellarie pala.

40:47.653 --> 40:49.613
Alam ko ang hirap n'yo makaalis lang do'n.

40:50.114 --> 40:52.950
Wala ka namang ginawa para makatulong, e.

40:53.534 --> 40:55.327
Biktima din ako.

40:56.036 --> 40:58.080
Hindi ka naman sumasayaw, a.

40:59.874 --> 41:01.333
May mga level si Jules.

41:02.251 --> 41:04.378
Sa security ako napunta
dahil sa experience ko.

41:04.879 --> 41:06.797
Ano'ng experience mo?

41:06.881 --> 41:09.467
Weapons specialist ako, martial artist.

41:10.092 --> 41:12.303
Kaya ako napasok sa pagiging pulis.

41:13.554 --> 41:14.430
Sige.

41:15.764 --> 41:17.850
Wala akong ginusto dito.

41:18.434 --> 41:21.479
Palakpakan na ba kita?
Bigyan kita ng reward?

41:23.189 --> 41:24.023
Hindi.

41:25.482 --> 41:27.693
Gusto ko sanang
tulungan n'yo 'ko ni Kimmie.

41:29.153 --> 41:30.779
Ba't ka naman namin tutulungan?

41:32.114 --> 41:33.532
Nakalabas na kasi kayo.

41:34.116 --> 41:35.951
Pa'no mo naman nasabi 'yan?

41:38.996 --> 41:42.416
No'ng dumating si Mr. Bellarie sa club
para kunin si Kimmie at si Angel,

41:43.584 --> 41:45.336
takot na takot si Jules.

41:46.337 --> 41:47.505
Pa'no mo nalaman?

41:48.422 --> 41:49.965
Nando'n ako, e. Nakita ko.

41:52.426 --> 41:53.302
Sige.

41:53.802 --> 41:55.679
Pero malala ang sakit siya, di ba?

41:56.263 --> 41:57.515
Alam namin 'yon.

41:58.891 --> 42:01.352
Kaya kailangan niya ng taong
magbabantay sa inyo.

42:01.852 --> 42:03.395
Kaya namin ni Kimmie 'yon.

42:04.396 --> 42:05.898
'Yong tulad ko.

42:06.482 --> 42:07.816
'Yong kaya 'yong ginagawa ko.

42:07.900 --> 42:11.237
Ano, 'yong maging doble-kara?
Triple pa nga.

42:13.531 --> 42:14.865
Hindi ako gano'n.

42:16.492 --> 42:17.868
E, ano ka?

42:21.372 --> 42:25.292
Gusto ko lang makalabas dito,
pati ang mama at kapatid ko.

42:25.918 --> 42:29.213
Ayokong masaktan sila.
Ayokong may mangyari sa kanila.

42:29.964 --> 42:31.757
Ginagawa ko lang ang dapat kong gawin.

42:34.677 --> 42:36.262
Magkano ang atraso mo sa kanya?

42:38.681 --> 42:40.683
Nasa $200,000.

42:42.643 --> 42:45.771
Mahilig mag-imbento ng kaso
'yong hayop na 'yon.

42:46.272 --> 42:48.607
Ganito. Pinapangako ko sa 'yo.

42:49.233 --> 42:50.734
Kung makikipagtulungan kayo,

42:51.318 --> 42:52.486
ako'ng bahala sa inyo.

42:53.070 --> 42:55.114
Walang kwenta 'yang mga pangako mo,

42:55.990 --> 42:58.492
tulad ng puchu-puchung sapatos na suot mo.

42:59.326 --> 43:01.036
Hindi mo pa kasi ako kilala.

43:01.120 --> 43:01.996
Oo.

43:08.836 --> 43:10.379
Si Officer Alex 'to.

43:10.462 --> 43:12.172
Nasaan ka, p're?

43:12.756 --> 43:13.841
Nasa kotse.

43:13.924 --> 43:15.175
Kasama mo si Kimmie?

43:15.884 --> 43:17.845
Hindi, mag-isa lang ako.

43:18.345 --> 43:20.180
Sana ako na lang ang kinuhang driver.

43:20.764 --> 43:23.058
Malilintikan sa 'kin 'yong babaeng 'yon.

43:23.559 --> 43:24.476
Oo nga, e.

43:25.311 --> 43:26.812
At 'yong Rain na 'yon,

43:27.438 --> 43:29.106
akin naman 'yon.

43:29.189 --> 43:30.441
Ano'ng ginawa niya?

43:31.567 --> 43:33.444
Nakakairita lang minsan.

43:33.527 --> 43:36.447
Oo nga. Tama ka. Alam ko 'yan, p're.

43:37.031 --> 43:39.325
Kasama mo 'yong may pekeng puwet na 'yon?

43:39.408 --> 43:40.659
Hindi. Oo nga pala.

43:41.410 --> 43:43.454
Nasa'n pala 'yong babaeng
gumagawa ng puwet?

43:43.537 --> 43:45.456
Bakit? Magpapagawa ka?

43:46.040 --> 43:47.333
P're, ano ka ba?

43:47.916 --> 43:49.209
Alam mo kung nasa'n siya?

43:49.293 --> 43:52.588
A, magpapalagay ka sa etits mo, 'no?
Gusto mong maging dako, ha?

43:53.964 --> 43:55.507
Tumigil ka nga.

43:56.008 --> 43:57.509
Alam mo ba o hindi?

43:57.593 --> 43:59.678
Hindi, pero aalamin ko.

43:59.762 --> 44:01.388
Sige, alamin mo.

44:03.098 --> 44:05.059
Buti nga sa ginawa niya kay Rain.

44:05.142 --> 44:07.770
Oo, at marami pa siyang ginawan no'n.

44:07.853 --> 44:10.481
Oo nga pala, hulaan mo.

44:11.065 --> 44:11.899
Ano?

44:11.982 --> 44:13.817
'Yong Angel na 'yon, patay na.

44:15.444 --> 44:16.528
Ano?

44:16.612 --> 44:19.198
Oo, may go signal akong itumba siya.

44:19.782 --> 44:20.616
Bakit?

44:21.116 --> 44:22.159
Tangina.

44:22.242 --> 44:25.496
Sabi ni Jules, e.
Utos daw ni Mr. Bellarie, kaya ayun.

44:27.206 --> 44:29.375
Grabe, nakakabigla 'yan, a.

44:30.459 --> 44:31.752
Patay na talaga siya?

44:32.336 --> 44:33.921
Di ako sumasablay, ano ka ba.

44:34.880 --> 44:36.507
Oo, tama ka d'yan.

44:36.590 --> 44:39.885
Oo, may iba pa ngang nadamay, e.

44:39.968 --> 44:40.928
Ayun nga.

44:41.553 --> 44:42.805
Nand'yan ka pa rin?

44:43.931 --> 44:45.641
Oo, sa kanilang dalawa.

44:45.724 --> 44:48.519
Pinagbabantay ako ni Jules sa club.

44:48.602 --> 44:49.561
Daan ka dito.

44:50.145 --> 44:51.814
Sabihan kita kung makakadaan ako.

44:51.897 --> 44:53.065
Sige.

44:57.736 --> 44:59.196
Patay na si Angel?

45:07.871 --> 45:10.666
-Nasaan si Angel Jr.?
-Bakit nandito ka?

45:10.749 --> 45:12.209
Makinig ka muna, pwede?

45:12.292 --> 45:14.044
-Sinira mo 'yong pinto.
-Delikado tayo.

45:14.128 --> 45:15.754
-Kailangan na nating umalis.
-Ano?

45:15.838 --> 45:17.464
-Kailan?
-Nasaan 'yong bata?

45:17.548 --> 45:20.008
-Ano ba 'yon?
-Tangina naman, Yolanda!

45:20.092 --> 45:23.929
-Yari ka sa mga kapatid ko.
-Umalis na tayo dito!

45:24.012 --> 45:25.264
Tinatawagan ko na sila.

45:25.347 --> 45:27.933
-Yolanda, nasaan—
-Sinira mo 'yong pinto!

45:28.016 --> 45:30.060
-Nasaan ang anak ko?
-Hello?

45:30.144 --> 45:31.311
Oo, nandito si Angel.

45:31.395 --> 45:33.355
Sinira 'yong pinto
tapos nagsisisigaw dito.

45:33.439 --> 45:36.442
-Okay, bilisan n'yo.
-Tawagan mo para may tumulong sa 'yo.

45:36.525 --> 45:38.944
Bumalik ka na sa babae mo!

45:39.027 --> 45:41.280
-Nasaan ba 'yong charger ko?
-Umalis ka na!

45:41.363 --> 45:44.658
Makinig ka, pwede?
Papatayin ka nila at si Angel Jr.

45:44.741 --> 45:46.452
Kita mo? Lakas ng tama mo.

45:46.535 --> 45:49.121
Yolanda, pwede ba? Makinig ka sa 'kin.

45:49.204 --> 45:52.249
-Wala akong paki sa kagaguhan mo.
-Papatayin ka nila!

45:52.332 --> 45:54.376
-Nasaan siya?
-Di ko sasabihin sa 'yo.

45:54.460 --> 45:56.962
Wala ka namang ambag,
kaya wala kang makukuha sa 'kin.

45:57.045 --> 45:58.464
Tangina, Yolanda. Ano ba?

45:58.547 --> 46:00.883
-Umalis ka na dito!
-Parating na sila!

46:00.966 --> 46:04.178
-Nandito lang ako.
-Yolanda, tangina, makinig ka naman.

46:04.261 --> 46:06.305
-Bye!
-Nasa babysitter ba siya?

46:06.388 --> 46:07.890
-Bye, bye, bye!
-Yolanda.

46:07.973 --> 46:10.309
-Nasa babysitter ba siya? Puta!
-Bye!

46:10.392 --> 46:11.310
-Layas!
-Tangina!

46:11.393 --> 46:12.644
-Layas!
-Nasaan ang—

46:13.228 --> 46:14.313
Nasaan ang anak ko?

46:14.396 --> 46:16.315
-Uy.
-Ano?

46:16.398 --> 46:18.484
-Tumawag sila ng pulis.
-Papuntahin mo dito!

46:18.567 --> 46:20.694
-Sige.
-Magpapunta ka ng pulis dito!

46:21.570 --> 46:24.114
Uy, p're, sandali.
Pwedeng makahiram ng phone?

46:24.198 --> 46:25.783
-O kahit charger.
-Sige, sandali.

46:25.866 --> 46:27.493
-Kukunin ko lang.
-Sige.

46:27.576 --> 46:29.787
-Pakibilisan lang.
-Sige.

46:30.788 --> 46:31.747
Tangina!

46:37.628 --> 46:40.380
Norman, salamat sa pagpunta.

46:40.964 --> 46:42.716
Salamat din, Gloria.

46:43.217 --> 46:46.345
-Dumalaw ka lang kahit kailan, ha?
-Sige, salamat.

46:46.428 --> 46:48.430
Ayaw mo talagang
tumulong ako sa paghuhugas?

46:48.514 --> 46:50.474
Ay, hindi na. Kami na do'n.

46:50.557 --> 46:54.686
'Yon ang gusto naming
ginagawa ni Harold sa gabi.

46:58.524 --> 47:01.527
Dalawa kayong naghuhugas ng pinggan.
Nakakatuwa naman.

47:01.610 --> 47:03.737
Sa tagal naming magkasama,

47:03.821 --> 47:06.907
'yong maliliit na bagay na
ang nagpapasaya sa amin.

47:06.990 --> 47:09.201
Oo, gano'n nga.

47:10.285 --> 47:12.830
-Salamat, ha?
-Sige. Kita ulit tayo.

47:12.913 --> 47:14.790
-Mag-ingat kayo.
-Ikaw rin. Bye.

47:16.542 --> 47:18.335
Salamat sa pagdalaw, ha.

47:18.418 --> 47:20.254
Ano ka ba? Di ka dapat magpasalamat.

47:20.337 --> 47:21.213
At saka…

47:21.797 --> 47:22.881
salamat sa pag-unawa.

47:22.965 --> 47:26.593
Oo, gusto ko lang makasigurado
na wala tayong bulilyaso.

47:26.677 --> 47:29.805
One hundred percent. Malinis na malinis.

47:29.888 --> 47:31.056
Mabuti naman.

47:31.139 --> 47:31.974
Oo.

47:33.433 --> 47:36.103
Bakit ka ba kabadong-kabado?

47:36.186 --> 47:38.230
Alam mo naman ako, si Mr. Nerbiyoso.

47:38.313 --> 47:41.233
-Oo nga.
-Nag-iingat lang, 'yon lang.

47:41.316 --> 47:43.277
Oo, kilala nga kita.

47:43.944 --> 47:45.112
Tama.

47:45.195 --> 47:46.572
O, siya. Sige.

47:47.197 --> 47:48.949
-Salamat sa dinner.
-Wala 'yon.

47:49.032 --> 47:50.617
-Sige.
-Oo.

47:51.535 --> 47:53.787
-Ingat ka.
-Salamat. Ikaw din.

48:32.826 --> 48:35.913
-Nakaalis na ba si Norman?
-Oo.

48:35.996 --> 48:37.998
Naiwan niya 'yong kahon niya.

48:38.081 --> 48:38.999
Kahon?

50:55.135 --> 50:57.721
Nagsalin ng Subtitle:
Janice Ruth Geronimo
ng bulilyaso.
