1
00:00:28,541 --> 00:00:30,250
Pa'no kaya pag hinalikan kita?

2
00:00:31,708 --> 00:00:33,958
Inaapoy na ako ng lagnat.

3
00:00:34,041 --> 00:00:35,250
Di ako makahinga.

4
00:00:39,750 --> 00:00:41,958
Pero nakakalimutan ko 'yon
sa amoy ng buhok mo.

5
00:00:43,000 --> 00:00:45,291
Gusto kong sabihin sa 'yo
na mamamatay na ako,

6
00:00:45,375 --> 00:00:48,166
pero gusto ko sanang
dito na lang ako forever,

7
00:00:48,250 --> 00:00:49,541
ramdam 'yong init mo.

8
00:00:51,166 --> 00:00:53,125
Alam kong nagha-hallucinate ako.

9
00:00:53,708 --> 00:00:55,166
Nagdedeliryo na ako.

10
00:00:56,208 --> 00:00:57,875
Pero pa'no kung love na 'to?

11
00:00:58,375 --> 00:01:02,250
Sa tingin ko, in love na ako.
Na-in love na ako sa 'yo, Bruce.

12
00:01:05,208 --> 00:01:08,458
Ni hindi ko alam ang totoong pangalan mo.
Nakakatawa.

13
00:01:10,083 --> 00:01:12,916
Namamaga na 'yong tonsils ko.
Di na ako makahinga.

14
00:01:14,083 --> 00:01:16,666
Pero ang naiisip ko lang,
di ko nasabi 'yong totoo.

15
00:01:17,916 --> 00:01:19,041
Na mahal kita.

16
00:01:22,625 --> 00:01:26,166
Na sa screen lang ako nakasubok
na makipagtalik,

17
00:01:26,958 --> 00:01:28,333
sa virtual na mundo.

18
00:01:32,041 --> 00:01:33,875
Tubig. Uminom ka.

19
00:01:36,333 --> 00:01:38,791
Tama ka. Walang kuwenta 'yon.

20
00:01:40,125 --> 00:01:41,833
Walang katulad 'yong amoy mo,

21
00:01:42,625 --> 00:01:46,500
o 'yong haplos mo.
Ako lang ang kinilabutan nang ganito.

22
00:01:46,583 --> 00:01:49,833
Gusto kong sabihin na posibleng ako lang
ang virgin sa Western world,

23
00:01:49,916 --> 00:01:51,625
pero gusto kong baguhin natin 'yon.

24
00:01:52,708 --> 00:01:55,375
Kailangan mo akong iligtas
para masabi ko 'to sa 'yo

25
00:01:55,458 --> 00:01:57,666
at makapagniig tayo hanggang takipsilim.

26
00:02:07,000 --> 00:02:08,541
Sana iligtas mo 'ko.

27
00:02:12,583 --> 00:02:16,083
MONEY HEIST
BERLIN

28
00:02:56,083 --> 00:02:57,791
May nakita ba kayo?

29
00:02:57,875 --> 00:03:00,916
Lahat ng fingerprints, sa staff.

30
00:03:07,791 --> 00:03:09,000
Sandali.

31
00:03:19,666 --> 00:03:23,166
Pumasok sila,
kumuha ng alahas na tag-44 million,

32
00:03:23,250 --> 00:03:25,458
tapos nawala nang walang bakas.

33
00:03:25,541 --> 00:03:28,041
Magaling kaming mga Espanyol minsan.

34
00:03:28,541 --> 00:03:31,416
French ang mastermind ng heist.

35
00:03:33,875 --> 00:03:34,875
Oo, sige na.

36
00:03:34,958 --> 00:03:38,500
Mayayabang kayong mga French
pagdating sa krimen.

37
00:03:39,875 --> 00:03:42,416
Alam mo ba 'yong old cow strategy?

38
00:03:42,500 --> 00:03:43,416
Old cow?

39
00:03:43,500 --> 00:03:45,916
La vache vieille.
Baka 'yon din ang tawag n'yo.

40
00:03:46,000 --> 00:03:47,750
Ngayon ko lang narinig 'yan.

41
00:03:47,833 --> 00:03:53,541
Pag kailangang tumawid
ng Orinoco farmers sa ilog na may piranha,

42
00:03:54,291 --> 00:03:58,291
pinapatawid nila
'yong pinakamatandang baka sa baba.

43
00:03:58,375 --> 00:04:01,041
Habang kinakain 'yon ng mga piranha,

44
00:04:02,208 --> 00:04:07,125
tatawid 'yong ibang baka sa taas.

45
00:04:07,208 --> 00:04:08,833
Talaga?

46
00:04:08,916 --> 00:04:12,291
Sa France, ang tawag namin diyan,
"panlito."

47
00:04:13,041 --> 00:04:16,333
Tayo 'yong mga piranha.
'Yong gang 'yong mga baka.

48
00:04:16,416 --> 00:04:19,875
-Ilang taon kaya 'yong old cow?
-'Yong mga kabataang Espanyol.

49
00:04:24,375 --> 00:04:27,416
Gusto nila tayong lituhin.

50
00:04:27,500 --> 00:04:30,208
Walang sense na looban 'tong lugar na 'to…

51
00:04:30,291 --> 00:04:33,666
Isa sa pinakakumplikado sa Paris
ang security system nito.

52
00:04:33,750 --> 00:04:36,333
…tapos pupunta ka sa club,

53
00:04:36,416 --> 00:04:40,916
magnanakaw ng kotse,
tapos makikipagkarera sa mga pasaway.

54
00:04:41,000 --> 00:04:45,166
Sila, saka 'yong alahas na nakita
sa ninakaw na kotse, 'yong panlito.

55
00:04:45,250 --> 00:04:47,666
May nakalimutan ka.

56
00:04:47,750 --> 00:04:52,125
'Yong old cow ay pagdidispatsa
ng weakest link.

57
00:04:53,666 --> 00:04:57,375
Four million euros
ang halaga ng alahas na 'yon.

58
00:04:58,125 --> 00:05:01,291
'Yon ang pangatlong pinakamahal do'n.
Kaya, hindi.

59
00:05:04,291 --> 00:05:05,208
Hindi.

60
00:05:07,375 --> 00:05:09,416
Hindi panlito 'yon.

61
00:05:12,000 --> 00:05:16,666
Matalinong nakapagnakaw
'yong mga Espanyol na 'yon.

62
00:05:16,750 --> 00:05:19,250
Tapos dahil sa tagumpay
at adrenaline nila,

63
00:05:19,333 --> 00:05:22,583
nag-illegal racing sila
para mag-celebrate.

64
00:05:22,666 --> 00:05:26,166
Gano'n ang mga Espanyol.
Mahilig mag-celebrate.

65
00:05:27,708 --> 00:05:29,166
So ano'ng theory mo?

66
00:05:33,125 --> 00:05:35,750
Si Polignac 'yong old cow.

67
00:05:35,833 --> 00:05:37,083
Palayain n'yo siya.

68
00:06:00,708 --> 00:06:02,083
Kumusta ka na, mahal?

69
00:06:03,041 --> 00:06:04,416
Mabuti.

70
00:06:04,500 --> 00:06:07,750
May sarili akong selda.
Parang murang hotel.

71
00:06:13,250 --> 00:06:16,208
Andito si Simón
kasi may sasabihin kami sa 'yo.

72
00:06:19,166 --> 00:06:21,500
Nag-offer siyang magpautang
para sa abogado.

73
00:06:23,291 --> 00:06:26,666
-Di ko matatanggap 'yon.
-Pag-isipan muna natin.

74
00:06:27,625 --> 00:06:30,041
Naembargo 'yong bahay.
Frozen 'yong accounts natin.

75
00:06:30,125 --> 00:06:32,000
Kailangan mo ng magaling na lawyer.

76
00:06:32,083 --> 00:06:36,125
Tingin mo, hindi nakakahiya
na pati 'yong pera niya, tatanggapin ko?

77
00:06:37,958 --> 00:06:40,875
Camille, ayos lang ba?

78
00:06:41,458 --> 00:06:42,333
Salamat.

79
00:06:43,375 --> 00:06:44,291
Hello, François.

80
00:06:44,916 --> 00:06:48,791
Naiintindihan kita.
Kaya lilinawin ko lang.

81
00:06:49,750 --> 00:06:52,375
Hindi kita pinapahiya.

82
00:06:53,000 --> 00:06:55,875
Tama ka, hindi ako pilantropo.

83
00:06:55,958 --> 00:06:57,166
Para sa kanya 'to.

84
00:06:57,833 --> 00:07:01,125
Sobrang lungkot ng asawa mo.
Sa tingin niya, inosente ka.

85
00:07:02,125 --> 00:07:05,541
Sa ngayon, pinagkakaisa tayo
ng pagmamahal natin sa isang babae.

86
00:07:05,625 --> 00:07:08,500
Kung naniniwala siyang inosente ka,
ako din.

87
00:07:09,625 --> 00:07:11,083
'Yon din ang gagawin mo, di ba?

88
00:07:18,000 --> 00:07:21,041
Tatanggapin ko 'yong pera,
sa isang kondisyon.

89
00:07:26,541 --> 00:07:27,666
Utang 'yon.

90
00:07:29,625 --> 00:07:30,916
Ayos.

91
00:07:32,166 --> 00:07:33,583
Oo naman. Ganyan dapat.

92
00:07:33,666 --> 00:07:38,291
Wag kang magiging komportable diyan.
Four days lang, lalaya ka na.

93
00:07:39,541 --> 00:07:42,458
Salamat sa inyo. Kayo ang pag-asa ko.

94
00:07:48,500 --> 00:07:50,583
Magkakampi tayo dito, François.

95
00:07:51,708 --> 00:07:53,500
Kulungan din namin 'to.

96
00:07:53,583 --> 00:07:56,875
Kakayanin natin 'to,
para tayong rowing team.

97
00:07:56,958 --> 00:07:59,500
'Yon nga, parang rowing team.

98
00:08:00,083 --> 00:08:02,458
All for one, one for all.

99
00:08:54,958 --> 00:08:57,083
Uy! Para! Para, gago!

100
00:08:58,833 --> 00:09:00,208
Uy!

101
00:09:04,166 --> 00:09:05,958
PULISYA

102
00:09:23,083 --> 00:09:24,083
-Hello.
-Hello.

103
00:09:24,958 --> 00:09:26,916
-Gusto mong pumasok?
-Hindi na.

104
00:09:27,000 --> 00:09:29,416
Isasauli ko lang 'tong bote.

105
00:09:30,000 --> 00:09:31,250
Seryoso?

106
00:09:32,541 --> 00:09:35,041
Natagalan ka bang kunin
'yong huling lemon?

107
00:09:35,791 --> 00:09:37,833
Ilang buwan na 'yon diyan.

108
00:09:37,916 --> 00:09:39,791
Hindi naman.

109
00:09:41,333 --> 00:09:42,458
Kalahating oras.

110
00:09:43,958 --> 00:09:46,541
Alam mo kung bakit ko 'to binigay kagabi?

111
00:09:47,291 --> 00:09:49,958
No'ng nakita ko kayong
dumating ng mga anak mo,

112
00:09:50,041 --> 00:09:53,333
tapos naghuhukay ka, nagpupukpok,
nagbabaon ng kahoy sa lupa,

113
00:09:53,416 --> 00:09:56,500
suot 'yong damit mong pang-lumberjack,
pawis na pawis ka, sabi ko,

114
00:09:56,583 --> 00:09:59,458
"Sa wakas, lalaking M&M."

115
00:10:01,958 --> 00:10:05,333
Anong "M&M"? 'Yong tsokolate?

116
00:10:05,916 --> 00:10:06,750
Hindi.

117
00:10:07,583 --> 00:10:10,250
M&M. Macho pero malambing.

118
00:10:10,916 --> 00:10:13,750
Lalaking maskulado pero sensitive.

119
00:10:13,833 --> 00:10:15,875
Mahirap makahanap ng gano'n.

120
00:10:16,666 --> 00:10:20,583
Tapos nakita kitang umiiyak, tapos…

121
00:10:21,458 --> 00:10:23,833
naisip ko, baka gusto mo ng kausap.

122
00:10:23,916 --> 00:10:26,541
Pero tumanggi ka, kaya dinala ko 'to.

123
00:10:26,625 --> 00:10:29,458
No'ng sinabi mong biyudo ka, umatras ako.

124
00:10:32,250 --> 00:10:35,000
Pero ang daya mo, nagsinungaling ka pala.

125
00:10:35,083 --> 00:10:38,583
Narinig kong kausap mo 'yong asawa mo
no'ng nagsisipilyo ako.

126
00:10:39,625 --> 00:10:44,041
Parang kinuwento mo ako sa kanya.
Pati 'yong limoncello ko.

127
00:10:44,708 --> 00:10:47,125
Tama na, please. Nakakahiya.

128
00:10:47,208 --> 00:10:49,250
Gusto ko nang magtago…

129
00:10:49,333 --> 00:10:51,458
Pero 'yong totoo,

130
00:10:51,541 --> 00:10:55,083
pagkatapos ng limoncello
at no'ng biglaang divorce ko,

131
00:10:55,666 --> 00:10:57,208
nawala ako sa sarili.

132
00:10:58,041 --> 00:11:00,791
Pero tinapos mo nang malambing
at may dangal.

133
00:11:02,083 --> 00:11:03,416
May tanong lang ako.

134
00:11:03,500 --> 00:11:06,916
Binigyan ka ba ng go signal ng asawa mo?

135
00:11:12,208 --> 00:11:14,833
Nilalandi n'yo po ba ako?

136
00:11:15,833 --> 00:11:20,000
Naramdaman ko rin
'yong "malakas na chemistry"

137
00:11:20,083 --> 00:11:22,125
na sinabi mo sa kanya.

138
00:11:23,916 --> 00:11:25,125
Sige, mauna na 'ko.

139
00:11:25,875 --> 00:11:28,041
Madali akong matukso, baka…

140
00:11:28,125 --> 00:11:29,625
Sige, bye.

141
00:11:31,083 --> 00:11:32,166
Ingat.

142
00:11:44,000 --> 00:11:45,333
Lalaking M&M.

143
00:12:06,416 --> 00:12:07,500
Ayos lang ba?

144
00:12:34,125 --> 00:12:36,041
Mukha akong majorette.

145
00:12:46,833 --> 00:12:49,958
May babae dito, 36 years old.
Nakagat ng ahas sa binti.

146
00:12:50,041 --> 00:12:52,708
Anaphylactic shock na.
Andiyan na kami in six minutes.

147
00:12:55,541 --> 00:12:57,208
Wangwang ng pulis.

148
00:12:58,791 --> 00:13:00,125
Mga pulis.

149
00:13:01,291 --> 00:13:04,166
Ahas. Magnanakaw.

150
00:13:05,541 --> 00:13:07,250
Lata ng alahas.

151
00:13:08,916 --> 00:13:11,166
Pumayag na akong mawalan ng virginity,

152
00:13:11,875 --> 00:13:13,666
tapos ito ang makukuha ko.

153
00:13:14,291 --> 00:13:16,916
'Yon ang iniisip ko, mahal ko.

154
00:13:27,375 --> 00:13:29,625
Mangingisda ka ba dati?

155
00:13:30,375 --> 00:13:31,250
Ng mga pating.

156
00:13:33,958 --> 00:13:34,833
Ikaw?

157
00:13:34,916 --> 00:13:38,500
Mas maganda ba 'yong love story mo
kaysa sa 'kin?

158
00:13:38,583 --> 00:13:40,416
Maiksi lang 'yong listahan ko.

159
00:13:42,500 --> 00:13:44,416
Di madali 'yong pinakatinamaan ako.

160
00:13:45,541 --> 00:13:47,750
Imposibleng maghalikan, kaya…

161
00:13:48,958 --> 00:13:50,291
Madre ba siya?

162
00:13:52,416 --> 00:13:55,458
Girlfriend ba siya ng kaibigan mo
no'ng grade one?

163
00:13:55,541 --> 00:13:56,458
Malapit na.

164
00:13:57,500 --> 00:14:00,708
Nasa juvenile detention center siya.
Magkasama kami.

165
00:14:01,333 --> 00:14:04,208
Nasa female unit siya, nasa male ako.

166
00:14:05,458 --> 00:14:07,166
Pa'no kayo nagkikita?

167
00:14:08,333 --> 00:14:09,791
Sumali kami sa choir.

168
00:14:10,375 --> 00:14:14,416
Umuupo kami sa likod
tapos nilalaglag namin 'yong music sheet.

169
00:14:16,541 --> 00:14:18,750
Yuyuko kami, tapos maghahalikan

170
00:14:19,375 --> 00:14:22,291
habang kumakanta 'yong iba
ng "O Come, All Ye Faithful."

171
00:14:22,875 --> 00:14:26,000
Na-turn on ka sa posibilidad
na mahuhuli kayo ng chaplain.

172
00:14:26,083 --> 00:14:28,541
Mahilig ka sa bawal, ha?

173
00:14:30,333 --> 00:14:31,500
Medyo.

174
00:14:32,750 --> 00:14:36,166
Ako naman, gusto kong
sumali sa choir noon pa.

175
00:14:50,125 --> 00:14:51,250
Ano'ng ginagawa mo?

176
00:14:57,125 --> 00:14:59,583
Di ba, magkapatid sila?

177
00:15:04,000 --> 00:15:05,000
Sorry.

178
00:15:22,416 --> 00:15:24,458
Ito lang ang hawak nating totoo.

179
00:15:25,041 --> 00:15:26,500
E, ito?

180
00:15:26,583 --> 00:15:29,583
Facial composites?
Alam nating walang kuwenta 'yan.

181
00:15:29,666 --> 00:15:32,375
'Yan 'yong naalala ng isang tao.
Ideya lang 'yan.

182
00:15:32,458 --> 00:15:35,375
Magkukuwento sila sa artist sa presinto

183
00:15:35,458 --> 00:15:37,500
tapos iguguhit no'n sa paraang gusto niya.

184
00:15:37,583 --> 00:15:39,958
'Yong iba do'n, mga totoong gago.

185
00:15:40,916 --> 00:15:42,625
Itong kambing lang ang meron tayo.

186
00:15:42,708 --> 00:15:45,666
Sana may rekord 'yong lalaking may tattoo.

187
00:15:46,666 --> 00:15:50,458
Hello, kailangan kong makausap
'yong criminal intelligence unit sa Spain.

188
00:15:50,541 --> 00:15:51,500
Ngayon na, please.

189
00:15:55,583 --> 00:15:58,375
Alam mo ang ibig sabihin
no'ng kambing na may sungay?

190
00:15:58,458 --> 00:15:59,916
Demonyo. Kasamaan.

191
00:16:00,833 --> 00:16:03,416
May painting si Goya no'n.
Nakita mo na ba?

192
00:16:04,625 --> 00:16:06,458
Wala akong maalala.

193
00:16:06,541 --> 00:16:10,583
Oo nga. Tama. Kasi Louvre 'yong sa inyo.

194
00:16:11,083 --> 00:16:12,416
Prado naman sa 'min.

195
00:16:14,291 --> 00:16:17,125
Totoong sobrang misteryoso ng Mona Lisa,

196
00:16:17,208 --> 00:16:20,333
pero mas cute 'yong Las Meninas.

197
00:16:21,541 --> 00:16:22,875
Depende siguro sa tao.

198
00:16:24,166 --> 00:16:25,750
May tattoo ka ba?

199
00:16:27,250 --> 00:16:29,375
Wag mo nang sabihin. Ayokong malaman.

200
00:16:29,458 --> 00:16:30,291
Hello?

201
00:16:31,541 --> 00:16:34,083
Si Sierra 'to ng Europol Spain. Sino 'to?

202
00:16:36,916 --> 00:16:39,791
Alicia Sierra. Long time no hear.

203
00:16:39,875 --> 00:16:41,833
May krimen ba?

204
00:16:41,916 --> 00:16:44,958
Uy, Murillo! Siyempre, wala.

205
00:16:46,000 --> 00:16:48,583
Itatanong ko lang
kung may sexy kang damit.

206
00:16:49,375 --> 00:16:52,208
Nagpaplano ako
ng girls' night out sa Paris.

207
00:16:53,375 --> 00:16:54,375
Maganda 'yan.

208
00:16:54,458 --> 00:16:57,708
May kaibigan akong French,
gusto tayong ilabas.

209
00:16:57,791 --> 00:17:01,083
Pwede tayong mabaliw, mag-imbestiga,
mag-interrogate hanggang umaga…

210
00:17:02,166 --> 00:17:03,875
-Ano'ng meron?
-Pagnanakaw.

211
00:17:03,958 --> 00:17:05,833
Alahas na halagang forty-four million.

212
00:17:05,916 --> 00:17:07,166
Mukhang Espanyol sila.

213
00:17:07,250 --> 00:17:08,458
-Kailan?
-Kahapon.

214
00:17:08,541 --> 00:17:11,375
-Bibili na ako ng ticket.
-Yehey. Ipapasundo kita.

215
00:17:13,208 --> 00:17:15,166
Magpapa-party tayo.

216
00:17:19,250 --> 00:17:20,166
Diyos ko!

217
00:17:20,791 --> 00:17:24,875
Si Susi 'yan! May audition siya.
Babantayan ko pala 'yong anak niya.

218
00:17:28,125 --> 00:17:29,666
Lagi kang nadudumihan.

219
00:17:29,750 --> 00:17:31,750
Kumusta? May balita kay François?

220
00:17:31,833 --> 00:17:34,000
Wala pa.

221
00:17:35,708 --> 00:17:37,833
Ayos ka lang?
Pwede kong iwan si Pablo sa bar.

222
00:17:37,916 --> 00:17:39,666
Saglit lang 'yong audition.

223
00:17:40,875 --> 00:17:42,291
Hindi 'yon.

224
00:17:44,250 --> 00:17:46,250
Tanda mo 'yong Espanyol sa bar?

225
00:17:47,541 --> 00:17:49,750
May relasyon kasi kami.

226
00:17:51,375 --> 00:17:53,000
-Andito siya ngayon?
-Oo.

227
00:18:11,125 --> 00:18:12,333
Je suis l'amour.

228
00:18:12,916 --> 00:18:14,041
Pa'no si François?

229
00:18:16,041 --> 00:18:18,416
Kinausap namin siya sa kulungan.

230
00:18:19,000 --> 00:18:21,208
Tanggap niya naman.

231
00:18:23,583 --> 00:18:24,791
Hindi mo lang alam…

232
00:18:25,875 --> 00:18:29,791
Magkahawak 'yong kamay naming tatlo
sa salamin no'ng visiting room.

233
00:18:30,833 --> 00:18:32,666
Na-touch talaga ako.

234
00:18:35,166 --> 00:18:37,416
Oo nga. Nai-imagine ko.

235
00:18:39,041 --> 00:18:43,125
Pero hindi ba weird?
Pinuntahan niya si François.

236
00:18:43,625 --> 00:18:45,541
Ako ang nagsabi.

237
00:18:47,041 --> 00:18:50,708
Nagpautang si Simón para sa lawyer.
'Yong pinakamagaling sa Paris.

238
00:18:51,666 --> 00:18:54,166
Binigyan niya 'ko ng 200,000 euros. Cash.

239
00:18:54,250 --> 00:18:56,666
Wow, ang laki no'n.

240
00:18:56,750 --> 00:18:58,166
Di ba?

241
00:18:58,250 --> 00:19:00,875
Pero, girl, pa'no nangyari 'to?

242
00:19:01,458 --> 00:19:02,458
Tapos gano'n kabilis?

243
00:19:02,541 --> 00:19:05,291
Ibig kong sabihin, hindi mabilis,
pero magkasabay.

244
00:19:05,375 --> 00:19:06,250
Ewan ko.

245
00:19:08,083 --> 00:19:09,500
Parang tsunami.

246
00:19:10,791 --> 00:19:12,041
Tsunami.

247
00:19:12,125 --> 00:19:12,958
Sige.

248
00:19:13,875 --> 00:19:14,708
EMERGENCY ROOM

249
00:19:17,000 --> 00:19:20,541
Dispatch, nasa ospital na kami.
Wala pa rin siyang malay.

250
00:19:20,625 --> 00:19:21,583
Maghihintay kami.

251
00:19:21,666 --> 00:19:22,708
Sige.

252
00:19:22,791 --> 00:19:24,750
-Bilis.
-Dispatch 'to. Kopya.

253
00:19:34,583 --> 00:19:35,500
Tara na.

254
00:19:52,375 --> 00:19:53,833
Kalma lang, okay?

255
00:19:53,916 --> 00:19:55,833
Dahan-dahan, sumakay sa kotse.

256
00:20:04,083 --> 00:20:07,333
Sa ngayon, sa dami ng ebidensiyang
hawak nila,

257
00:20:07,416 --> 00:20:12,916
irerekomenda kong
mag-plead guilty ang asawa mo.

258
00:20:14,416 --> 00:20:16,750
Bakit niya aaminin? Inosente siya.

259
00:20:16,833 --> 00:20:21,208
Pag inamin niyang involved siya,
mapapaiksi natin 'yong sentensiya.

260
00:20:23,791 --> 00:20:25,666
-Claude, 'no?
-Oo.

261
00:20:26,458 --> 00:20:29,708
Dapat positive tayo.
Naniniwala si Camille na inosente siya.

262
00:20:29,791 --> 00:20:30,625
Ako rin.

263
00:20:30,708 --> 00:20:32,000
Sino ho kayo?

264
00:20:32,083 --> 00:20:34,000
Kalaguyo niya, pero di na mahalaga 'yon.

265
00:20:34,083 --> 00:20:36,625
Ang importante, magtutulungan tayo dito.

266
00:20:36,708 --> 00:20:39,000
Andito din ako para tumulong.

267
00:20:39,083 --> 00:20:41,875
Kaya sinasabi ko sa inyo 'yong situwasyon.

268
00:20:41,958 --> 00:20:43,416
Kung gusto n'yong makatulong,

269
00:20:43,500 --> 00:20:46,708
aralin n'yo 'yong kaso
at ilabas n'yo ang asawa ko.

270
00:20:49,166 --> 00:20:51,416
Sige. Umpisahan natin.

271
00:20:52,166 --> 00:20:54,250
Asan ka no'ng gabing 'yon?

272
00:20:54,333 --> 00:20:56,875
Nasa Château Rêve d'Or.

273
00:20:56,958 --> 00:20:58,583
Kasama mo 'yong asawa mo?

274
00:21:00,583 --> 00:21:01,583
Kasama ko siya.

275
00:21:01,666 --> 00:21:04,875
Kailan mo huling nakausap ang asawa mo
bago 'yong pagnanakaw?

276
00:21:05,458 --> 00:21:07,916
-No'ng gabing 'yon.
-Ano'ng pinag-usapan n'yo?

277
00:21:10,250 --> 00:21:13,458
Galit siyang tumawag sa 'kin.
Nalaman niyang may iba ako.

278
00:21:13,958 --> 00:21:17,458
Sa tingin mo, dahil kaya
sa natuklasan niya 'yong ikinilos niya?

279
00:21:17,541 --> 00:21:21,291
Ginawa niya kaya 'yon dahil nabaliw siya?

280
00:21:21,375 --> 00:21:23,833
Nagnakaw kaya siya

281
00:21:23,916 --> 00:21:27,958
para lumayo sa inyo ng kalaguyo mo?

282
00:21:28,041 --> 00:21:33,125
Ninakawan niya 'yong pinakamayayaman
sa Europe.

283
00:21:33,708 --> 00:21:36,375
Forty-four law firms
ang nagtutulungan ngayon

284
00:21:36,458 --> 00:21:39,500
para matiyak na mahahatulang guilty
si Mr. Polignac.

285
00:21:39,583 --> 00:21:41,041
Hinahabol nila siya,

286
00:21:41,125 --> 00:21:44,375
para bayaran ng insurance ng auction house

287
00:21:44,458 --> 00:21:48,041
'yong halaga ng mga alahas na ninakaw.

288
00:21:48,125 --> 00:21:50,250
Pag nangyari 'yon,

289
00:21:50,333 --> 00:21:55,375
mas mabuti nang makulong siya
nang sampung taon, imbes na 20.

290
00:21:55,875 --> 00:21:59,416
Simula ngayon,
'yon ang strategy na dapat pag-isipan.

291
00:21:59,500 --> 00:22:01,041
Umamin na lang siya.

292
00:22:09,375 --> 00:22:11,000
Kailangan ko pa ng tubig.

293
00:22:35,208 --> 00:22:36,083
Claude.

294
00:22:37,083 --> 00:22:39,458
Claude din 'yong best friend ng lola ko.

295
00:22:41,083 --> 00:22:43,291
Pwede ba kitang tapatin?

296
00:22:48,000 --> 00:22:52,458
Makinig ka, ha. Ayokong makalimutan mo
'yong sasabihin ko.

297
00:22:53,041 --> 00:22:56,416
Uuwi ka, at pag-aaralan mo 'yong kaso.

298
00:22:56,500 --> 00:23:01,250
Bukas, sasabihin mo kay Camille
na ilalabas mo 'yong asawa niya.

299
00:23:01,333 --> 00:23:02,708
Kung hindi,

300
00:23:04,416 --> 00:23:06,375
isang gabi, papasok ako sa bahay mo,

301
00:23:06,458 --> 00:23:10,833
patutulugin kita gamit ang chloroform,
lalagyan ng imbudo ang lalamunan mo,

302
00:23:10,916 --> 00:23:14,708
tapos bubuhusan ko ng hydrochloric acid.

303
00:23:15,666 --> 00:23:19,625
Sa ilang segundo lang,
matutunaw na 'yong dila mo,

304
00:23:19,708 --> 00:23:21,416
pati 'yong ngipin mo.

305
00:23:21,500 --> 00:23:25,375
Di mo na malalasahan
'yong wine at French cheese,

306
00:23:25,458 --> 00:23:28,625
at siyempre, di ka na magiging lawyer.

307
00:23:33,625 --> 00:23:37,000
Pwede ko na kayong ihatid pinto, sir?

308
00:23:37,083 --> 00:23:38,000
Sige.

309
00:24:37,208 --> 00:24:38,333
Tao po?

310
00:25:06,208 --> 00:25:07,125
Salamat.

311
00:25:07,875 --> 00:25:09,916
Sobrang importante nito sa 'kin.

312
00:25:18,541 --> 00:25:20,458
-Camille…
-Isara mo 'yong pinto.

313
00:25:21,166 --> 00:25:22,791
Umalis ka dito. Please.

314
00:25:25,541 --> 00:25:26,541
Makinig ka.

315
00:25:27,833 --> 00:25:29,416
Playing safe lang 'yong abogado.

316
00:25:29,500 --> 00:25:33,291
Tingnan mo.
Bukas, magpapakita na 'yon ng alas.

317
00:25:33,375 --> 00:25:34,625
Sinabing umalis ka na.

318
00:25:37,625 --> 00:25:39,166
Madame Polignac?

319
00:25:39,666 --> 00:25:43,166
Ibabalik lang namin 'yong documents
at device ng asawa mo.

320
00:25:43,250 --> 00:25:47,041
Nakopya na lahat
ng judge na nag-iimbestiga sa kaso.

321
00:25:47,125 --> 00:25:48,583
KUMPIDENSIYAL NA DOKUMENTO

322
00:25:56,666 --> 00:25:57,958
DARK CHOCOLATE

323
00:26:14,958 --> 00:26:16,833
Iniimbestigahan na siya.

324
00:26:18,125 --> 00:26:21,125
Ni hindi ako makapagbigay ng pahayag
para sa asawa ko

325
00:26:22,416 --> 00:26:25,500
dahil nakikipag-sex ako no'n sa iba,
tapos…

326
00:26:26,416 --> 00:26:29,125
pinlano ko pang iwan siya
habang inaaresto siya.

327
00:26:30,000 --> 00:26:32,041
Alam mo ba kung ano'ng pakiramdam no'n?

328
00:26:33,041 --> 00:26:34,541
Pakiramdam ko…

329
00:26:36,250 --> 00:26:38,208
ayoko na sa sarili ko.

330
00:26:38,291 --> 00:26:40,375
Sira na ang lahat.

331
00:26:42,083 --> 00:26:46,375
'Yong magandang love story
na inaasahan natin a few hours ago…

332
00:26:48,750 --> 00:26:50,166
sira na.

333
00:26:52,083 --> 00:26:57,833
Naging dialogue na tungkol sa abogado,

334
00:26:58,791 --> 00:27:00,541
adultery, at saka pera.

335
00:27:04,833 --> 00:27:06,541
Nakakahiya.

336
00:27:08,208 --> 00:27:10,125
Gusto mo bang makipaghiwalay?

337
00:27:11,916 --> 00:27:13,958
Oo, please.

338
00:27:14,750 --> 00:27:16,416
Kailangan mo nang umalis.

339
00:27:18,833 --> 00:27:19,750
Ngayon na.

340
00:27:23,375 --> 00:27:24,958
Camille, ano'ng problema?

341
00:27:27,041 --> 00:27:29,625
Wala, anak.

342
00:27:32,541 --> 00:27:36,708
May naisip ako. Ilalabas ko muna si Pablo.

343
00:27:36,791 --> 00:27:40,750
Kung ilalabas mo lang siya
para may dahilan kang bumalik,

344
00:27:40,833 --> 00:27:42,875
hindi na magbabago ang isip ko.

345
00:27:49,291 --> 00:27:51,083
Gusto n'yo ng picture ko?

346
00:27:51,166 --> 00:27:52,291
Ano'ng ginagawa mo?

347
00:27:52,833 --> 00:27:55,541
Nasa loob 'yong kaibigan mo.
Di mo siya maisasama.

348
00:27:55,625 --> 00:27:58,875
Kung iiwan mo siya dito,
mahuhuli ka namin.

349
00:27:58,958 --> 00:28:01,291
Ibaba mo 'yong baril, i-safe mo.

350
00:28:01,375 --> 00:28:03,791
Lugi ka sa ginagawa mo.
Pinapalala mo lang 'to.

351
00:28:03,875 --> 00:28:06,458
Tingin mo, pinapalala ko 'to?

352
00:28:07,416 --> 00:28:10,166
Kakapatay ko lang ng tatlong tao
sa isang farm house.

353
00:28:11,333 --> 00:28:13,875
Baka napanood n'yo sa balita?

354
00:28:13,958 --> 00:28:16,125
Sige nga. May ilalala pa ba 'to?

355
00:28:21,500 --> 00:28:24,541
Magpatugtog ka.

356
00:28:30,625 --> 00:28:31,958
Alam ko 'to!

357
00:28:55,500 --> 00:28:58,583
Ano'ng sinabi n'yo? Kumanta kayo.

358
00:28:59,625 --> 00:29:02,458
Sige na! Kantahin n'yo 'yong chorus. Dali!

359
00:29:15,208 --> 00:29:16,500
Ayos.

360
00:29:16,583 --> 00:29:18,416
Bronchodilator, bilis!

361
00:29:18,500 --> 00:29:19,375
Ayan.

362
00:29:20,458 --> 00:29:22,083
-Pulso?
-138.

363
00:29:22,166 --> 00:29:25,041
Bigyan siya ng 500 milligrams
ng adrenaline.

364
00:29:25,125 --> 00:29:26,583
Opo, Dok.

365
00:29:26,666 --> 00:29:27,708
Wag kang matulog.

366
00:29:29,291 --> 00:29:30,541
Wag kang matulog.

367
00:29:36,750 --> 00:29:38,750
Gusto mo dito? Hindi. Tara na.

368
00:29:42,083 --> 00:29:46,958
Isang Negroni para sa 'kin.
San Francisco para sa bata.

369
00:29:48,416 --> 00:29:49,500
Naiihi ako.

370
00:30:00,166 --> 00:30:01,458
Sa'n ka galing?

371
00:30:02,166 --> 00:30:03,958
Nangisda kami sa lawa.

372
00:30:04,041 --> 00:30:05,208
May nangyari ba?

373
00:30:07,583 --> 00:30:09,541
-Wala.
-Galing dito 'yong pulis.

374
00:30:09,625 --> 00:30:11,833
-'Yong mga nasa checkpoint.
-Buwisit.

375
00:30:11,916 --> 00:30:13,708
May sasabihin ako sa 'yo.

376
00:30:14,625 --> 00:30:18,625
No'ng gabi ng heist, may dinala kaming
alahas, tapos naiwala namin sa car race.

377
00:30:18,708 --> 00:30:21,291
Tinawagan ko si Berlin sa Paris.
Ayos lang daw 'yon.

378
00:30:21,375 --> 00:30:23,083
Nasa Paris pa din si Berlin?

379
00:30:24,541 --> 00:30:26,250
-Kailan 'yon?
-Kahapon.

380
00:30:28,125 --> 00:30:30,416
Mukhang hindi na siya aalis.

381
00:30:30,500 --> 00:30:32,250
Obsessed na siya do'n sa babae.

382
00:30:40,125 --> 00:30:42,083
-Hello?
-Asan ka?

383
00:30:42,666 --> 00:30:44,583
Nasa cocktail bar sa Paris.

384
00:30:45,666 --> 00:30:48,250
-Kaya mong mag-isa?
-Opo, sir.

385
00:30:48,333 --> 00:30:50,583
Halika. Dito. Ihahatid kita.

386
00:30:50,666 --> 00:30:52,333
-Andrés?
-Dito.

387
00:30:53,541 --> 00:30:54,666
-Ayoko.
-Ayaw?

388
00:30:55,166 --> 00:30:58,125
E, saan? Mas gusto mo sa inidoro? Tara.

389
00:30:58,208 --> 00:30:59,166
Sino 'yan?

390
00:30:59,250 --> 00:31:01,958
Nilabas ko
'yong anak ng kaibigan ni Camille.

391
00:31:02,041 --> 00:31:03,958
Sira ka ba? Bakit wala ka pa sa Madrid?

392
00:31:04,041 --> 00:31:06,750
Dahil na-busy akong sirain ang lahat.

393
00:31:08,250 --> 00:31:09,375
Wala na si Camille.

394
00:31:09,458 --> 00:31:12,125
Ang tanga-tanga ko.

395
00:31:14,875 --> 00:31:16,125
Damián…

396
00:31:18,208 --> 00:31:21,541
Matapang akong sumugal
simula no'ng nakilala ko siya.

397
00:31:21,625 --> 00:31:26,166
Nilatag ko 'yong lahat ng baraha ko.
Nagpaka-gentleman ako.

398
00:31:26,250 --> 00:31:28,333
Nagpakagago din ako.

399
00:31:30,125 --> 00:31:31,041
Natalo ako.

400
00:31:31,125 --> 00:31:35,250
Pinalungkot ko 'yong babaeng mahal ko.

401
00:31:35,958 --> 00:31:37,833
Dati, maningning siya, parang araw.

402
00:31:39,250 --> 00:31:41,916
Pinadilim ko siya.
Imposible nang ibalik ang dati.

403
00:31:42,000 --> 00:31:43,875
Bakit puro ka Camille?

404
00:31:43,958 --> 00:31:47,708
Hinahanap ka ng buong Europe.
Nasa epicenter ka ng pagnanakaw!

405
00:31:47,791 --> 00:31:50,500
Love 'yong pinag-uusapan,
tapos isisingit mo 'yong pulis?

406
00:31:50,583 --> 00:31:53,083
Ano na ba'ng nangyayari sa mundo?

407
00:31:53,166 --> 00:31:54,333
Sige na.

408
00:31:55,083 --> 00:31:58,208
Pumunta ka sa lobby ng hotel,
do'n ka lang.

409
00:31:58,916 --> 00:32:01,208
-Susunduin na kita.
-Sige.

410
00:32:17,208 --> 00:32:18,916
Roi, susunduin ko si Berlin.

411
00:32:19,000 --> 00:32:21,666
Linisin n'yo 'tong RV
para walang fingerprint.

412
00:32:22,166 --> 00:32:24,083
Paganahin na 'yong Plan Meerkat.

413
00:32:25,166 --> 00:32:27,708
Baka maging kritikal na 'yong situwasyon.

414
00:32:51,916 --> 00:32:53,666
-Raquel Murillo.
-Alicia.

415
00:32:58,750 --> 00:33:03,333
Sub-inspector ng criminal intelligence
at pinakapasaway na babae sa academy.

416
00:33:04,375 --> 00:33:07,708
Ito si Inspector Lavelle
ng organized crime unit.

417
00:33:07,791 --> 00:33:09,583
-Enchantée.
-Welcome.

418
00:33:10,583 --> 00:33:14,666
Masamang balita. Walang may rekord
na may tattoo na sungay sa buko.

419
00:33:14,750 --> 00:33:17,125
Sigurado kang Espanyol sila?
Pwede namang Latino.

420
00:33:17,208 --> 00:33:19,250
Hindi. Anim na witness ang nagkumpirma.

421
00:33:19,333 --> 00:33:22,625
'Yong bouncers, 'yong ninakawan ng kotse,
tapos 'yong sa karera.

422
00:33:22,708 --> 00:33:24,916
Mga Espanyol nga sila.

423
00:33:25,000 --> 00:33:28,000
Napakalat n'yo na
'yong facial composites at tattoo?

424
00:33:28,083 --> 00:33:31,625
Ayaw naming malaman ng mga magnanakaw
'yong progress natin.

425
00:33:31,708 --> 00:33:35,583
Sino'ng ayaw magbigay ng clue?
Ikaw o 'yong mayayamang pamilya?

426
00:33:36,250 --> 00:33:37,791
Nadale mo.

427
00:33:37,875 --> 00:33:41,083
Gano'n ba. Ayaw nilang malaman ng iba
na mahirap na sila

428
00:33:41,166 --> 00:33:44,250
kaya binebenta nila
'yong alahas ng hari at reyna nila.

429
00:33:44,333 --> 00:33:45,875
Kailangang ipakalat 'yong photos.

430
00:33:45,958 --> 00:33:48,291
Mas madali kung hahanapin sila
ng buong France

431
00:33:48,375 --> 00:33:50,208
kaysa sa tayong tatlo lang.

432
00:33:50,291 --> 00:33:53,166
Pinakamabisa pag katuwang 'yong mamamayan.

433
00:33:53,250 --> 00:33:54,083
Okay.

434
00:33:54,166 --> 00:33:58,916
Sa ngayon, ipapadala ko 'yong pictures
sa ibang pulis at presinto.

435
00:33:59,000 --> 00:34:01,291
Pag wala pa ring resulta,
ilabas natin sa media.

436
00:34:01,375 --> 00:34:05,625
Gusto kong pag-aralan 'yong kaso.
'Yong reports, photos, forensics findings…

437
00:34:05,708 --> 00:34:07,041
Lahat ng nakuha n'yo.

438
00:34:07,541 --> 00:34:09,416
Nakalatag na lahat.

439
00:34:10,708 --> 00:34:13,875
Tingnan mo 'yan.
Nireregla ka na ng nitroglycerin.

440
00:34:13,958 --> 00:34:15,416
Kilala mo talaga ako.

441
00:34:18,666 --> 00:34:19,583
Balita?

442
00:34:20,625 --> 00:34:22,375
Pamilyar ba?

443
00:34:22,458 --> 00:34:23,375
Puta.

444
00:34:24,541 --> 00:34:25,791
Kilala mo 'to?

445
00:34:31,125 --> 00:34:32,750
Kumusta 'yong audition mo?

446
00:34:32,833 --> 00:34:35,250
Ang sama. Ikaw 'yong naiisip ko,
hindi 'yong role.

447
00:34:36,333 --> 00:34:37,375
Kumusta ka?

448
00:34:37,458 --> 00:34:39,333
Hindi maayos. Diyos ko.

449
00:34:40,875 --> 00:34:44,291
Sabi ng abogado, imposible nang
makalaya si François.

450
00:34:44,875 --> 00:34:47,416
Di ko mapigilang isipin
kung sino'ng nag-frame sa kanya.

451
00:34:47,500 --> 00:34:51,250
Sino'ng makakaaway ng asawa ko?
Normal lang naman siya.

452
00:34:52,916 --> 00:34:53,750
Ah…

453
00:34:56,958 --> 00:34:59,041
Sa movies, kadalasan, 'yong kabit.

454
00:35:04,458 --> 00:35:07,083
-Asan si Simón?
-Hiniwalayan ko na.

455
00:35:09,791 --> 00:35:10,625
'Yong anak ko?

456
00:35:11,125 --> 00:35:13,958
-Dinala niya sa playground.
-Ano?

457
00:35:18,208 --> 00:35:21,625
-Mama!
-Ay, Pablo. Kumusta ka?

458
00:35:22,416 --> 00:35:24,875
Tara sa kusina, kumain ka muna.

459
00:35:54,875 --> 00:35:56,333
Sana naiintindihan mo.

460
00:35:56,416 --> 00:35:58,250
Bakit pa?

461
00:35:59,750 --> 00:36:02,375
Gusto ko sanang ituloy
'yong love story natin.

462
00:36:20,500 --> 00:36:21,916
Susi ng kuwarto niya.

463
00:36:42,833 --> 00:36:43,875
Hi.

464
00:36:58,125 --> 00:36:59,666
-Kumusta ka?
-Ayos lang.

465
00:37:00,750 --> 00:37:02,916
Malaya na ako ulit.

466
00:37:05,291 --> 00:37:06,541
Isang round pa po?

467
00:37:08,916 --> 00:37:10,541
Wala na tayong oras, 'no?

468
00:37:11,833 --> 00:37:14,083
Marami tayong oras.

469
00:37:16,875 --> 00:37:20,833
Humingi kayo ng medical report.
Kumustahin n'yo 'yong kaibigan ko.

470
00:37:21,708 --> 00:37:25,583
'Yong patrol 'to.
Kumusta 'yong nakagat ng ahas?

471
00:37:27,625 --> 00:37:30,583
Stable na. Lalabas na siya
sa treatment room in five minutes.

472
00:37:30,666 --> 00:37:33,375
-Kopya.
-Five minutes, tapos umpisa na, 'no?

473
00:37:33,458 --> 00:37:36,125
Ilabas n'yo 'yong posas, dahan-dahan.

474
00:37:36,208 --> 00:37:37,041
Sige na!

475
00:37:37,583 --> 00:37:40,750
Tatlong lalaki, may uniporme, posas…

476
00:37:40,833 --> 00:37:42,291
Masaya 'to.

477
00:37:43,625 --> 00:37:47,333
Oo. Hindi, teka. May sasabihin ako.

478
00:37:47,416 --> 00:37:49,500
Gusto kong mag-sorry sa nangyari.

479
00:37:49,583 --> 00:37:51,833
-Hindi.
-Makinig ka muna.

480
00:37:52,958 --> 00:37:54,166
Sorry

481
00:37:54,250 --> 00:37:58,458
sa lahat ng basurang
sinabi ko sa 'yo sa vault.

482
00:37:58,541 --> 00:38:00,416
Wag kang mag-sorry. Tama ka.

483
00:38:00,500 --> 00:38:04,666
Isa pa, pwedeng maranasan
ang true love nang isang gabi lang.

484
00:38:05,250 --> 00:38:08,583
Solid, 24-karat love,

485
00:38:09,083 --> 00:38:10,750
sa taong di mo kilala.

486
00:38:11,666 --> 00:38:13,125
Wag mong sabihing…

487
00:38:14,583 --> 00:38:15,583
Oo!

488
00:38:15,666 --> 00:38:16,500
Pero kailan?

489
00:38:16,583 --> 00:38:19,583
Kanina. Kanina lang.

490
00:38:21,375 --> 00:38:22,291
Cheers.

491
00:38:24,666 --> 00:38:28,833
-Naiintindihan ko na din 'yong sinabi mo.
-Alin?

492
00:38:28,916 --> 00:38:33,416
Na hindi pwedeng isuko 'yong pag-ibig
dahil lang matatapos din 'yon.

493
00:38:33,500 --> 00:38:35,333
-Hindi.
-Oo. Tama ka.

494
00:38:35,416 --> 00:38:37,875
Hindi totoo 'yan!

495
00:38:37,958 --> 00:38:40,916
-Ano'ng sinasabi mo? Bakit?
-Hindi. Salamat.

496
00:38:41,000 --> 00:38:43,250
Ikaw 'yong tama.

497
00:38:43,333 --> 00:38:44,375
-Hindi, pare.
-Oo.

498
00:38:44,458 --> 00:38:47,541
Isa akong love castaway.

499
00:38:48,041 --> 00:38:52,375
Sa totoo lang, gusto ko nang mahanap
'yong "forever" ko.

500
00:38:53,541 --> 00:38:54,375
Ikaw?

501
00:38:55,500 --> 00:38:56,958
-Ikaw? Forever?
-Oo.

502
00:38:57,041 --> 00:38:58,666
-Oo. 'Yong boring na love.
-Oo.

503
00:38:58,750 --> 00:39:01,416
Para sa 'kin, parang…

504
00:39:01,500 --> 00:39:03,375
nawawala din kasi ang love.

505
00:39:03,458 --> 00:39:04,375
-Alam mo 'yon?
-Oo.

506
00:39:04,458 --> 00:39:07,583
Kaya ang maipagtatanggol ko lang
ay 'yong alam ko tungkol sa love,

507
00:39:07,666 --> 00:39:09,833
'yong umpisa, pero, Diyos ko…

508
00:39:10,625 --> 00:39:11,958
Hindi mo lang alam

509
00:39:12,041 --> 00:39:15,583
kung gaano ko kagustong
maranasan ang love story na walang ending.

510
00:39:16,958 --> 00:39:18,291
Palaging may ending.

511
00:39:19,916 --> 00:39:22,208
Si Carmen. Tanda mo si Carmen?

512
00:39:22,291 --> 00:39:24,125
Pa'no ko makakalimutan si Carmen?

513
00:39:25,208 --> 00:39:26,333
Iniwan niya ako.

514
00:39:26,416 --> 00:39:30,041
Parang nawala 'yong pagmamahalan namin.

515
00:39:30,125 --> 00:39:33,875
Hindi niya ako iniiwan no'n
kasi wala siyang ibang makita.

516
00:39:36,791 --> 00:39:39,416
Pero ngayon, nakakita na siya.

517
00:39:40,000 --> 00:39:41,000
E, di, sige.

518
00:39:41,083 --> 00:39:42,250
Kumusta ka?

519
00:39:48,250 --> 00:39:51,625
Malungkot, saka nalilito.

520
00:39:51,708 --> 00:39:54,625
'Yong pakiramdam pag malaya ka na ulit.

521
00:39:56,833 --> 00:39:58,958
Tingnan mo 'yong dalawang 'yon.

522
00:40:00,833 --> 00:40:02,333
Sobrang saya nila.

523
00:40:04,875 --> 00:40:09,458
May sasabihin ako.
Sa dami ng alam natin sa pag-ibig…

524
00:40:09,541 --> 00:40:10,375
Oo.

525
00:40:11,000 --> 00:40:12,791
…di tayo pwedeng tumahimik lang.

526
00:40:12,875 --> 00:40:14,500
-Tara.
-Ayos.

527
00:40:19,583 --> 00:40:20,750
Ayos lang ba?

528
00:40:21,250 --> 00:40:23,666
Mga turista kami.

529
00:40:23,750 --> 00:40:26,791
Nakita namin kayong pumasok,
puno ng excitement,

530
00:40:26,875 --> 00:40:29,625
kaya di namin mapigilang bumati.

531
00:40:30,458 --> 00:40:34,458
Bilang regalo, gusto naming sabihin
ang natutunan namin sa pag-ibig

532
00:40:34,541 --> 00:40:37,958
matapos ang ilang taong pag-aaral
at siyentipikong obserbasyon.

533
00:40:43,541 --> 00:40:44,666
Galit ka?

534
00:40:46,875 --> 00:40:47,916
Hindi.

535
00:40:49,500 --> 00:40:50,458
Roi, makinig ka.

536
00:40:52,041 --> 00:40:54,125
Di magandang paghaluin ang sex at trabaho.

537
00:40:55,958 --> 00:40:58,916
Di ba, sinabi mo 'yon
no'ng first day natin?

538
00:41:00,083 --> 00:41:01,833
Hindi sex ang habol ko.

539
00:41:03,000 --> 00:41:05,250
Di kita hahalikan para sa sex.

540
00:41:06,500 --> 00:41:07,750
Para sa pagmamahal 'yon.

541
00:41:08,958 --> 00:41:09,916
Alam mo 'yon.

542
00:41:11,041 --> 00:41:12,875
Dahil kung gano'n lang 'yon,

543
00:41:14,250 --> 00:41:18,666
kung naramdaman mong
sex lang 'yong habol ko,

544
00:41:18,750 --> 00:41:20,666
hahalikan mo ako, di ba?

545
00:41:20,750 --> 00:41:25,458
Hindi. Titingnan mo muna 'yong noo ko
para basahin 'yong expiration date ko.

546
00:41:27,458 --> 00:41:28,916
October 25.

547
00:41:30,416 --> 00:41:32,958
-Tapos maghahalikan tayo.
-Roi, tama na.

548
00:41:33,041 --> 00:41:35,541
Gusto kong sabihin
na nababaliw ako sa 'yo.

549
00:41:37,208 --> 00:41:38,833
Mula pa no'ng umpisa.

550
00:41:39,416 --> 00:41:42,958
Mula no'ng nakita ko 'yong tattoo mo.
Pero wala akong magawa.

551
00:41:43,041 --> 00:41:45,416
Una, hindi ko alam 'yong kuwento mo.

552
00:41:47,833 --> 00:41:50,583
Pangalawa, dahil sinabi ni Berlin
na lumayo ako.

553
00:41:50,666 --> 00:41:52,500
Pero no'ng nakapagdesisyon na ako,

554
00:41:53,916 --> 00:41:56,500
na-realize ko na hindi mo pala kaya,

555
00:41:56,583 --> 00:41:58,458
dahil takot na takot ka.

556
00:42:01,958 --> 00:42:03,166
At naiinis ako do'n.

557
00:42:04,541 --> 00:42:08,708
Naiinis ako dahil nahuli ako.
Dahil nauna si Jimmy sa 'kin.

558
00:42:08,791 --> 00:42:11,333
Dahil takot kang umabante.

559
00:42:11,416 --> 00:42:15,541
Pero alam mo na kung nagkakilala tayo
bago kayo, tayo sana ngayon.

560
00:42:56,541 --> 00:42:59,625
Dalawang beses pa lang akong na-in love,
na-late ako sa pareho.

561
00:43:03,083 --> 00:43:06,125
Paano mo nasabing magiging tayo
kung wala si Jimmy?

562
00:43:09,541 --> 00:43:11,041
Di mo alam 'yon, Roi.

563
00:43:18,583 --> 00:43:19,458
Sorry.

564
00:43:26,208 --> 00:43:27,333
Tahimik sa labas.

565
00:43:27,416 --> 00:43:29,625
Kasi andito na sila.

566
00:43:33,291 --> 00:43:35,250
Kaligayahan

567
00:43:35,750 --> 00:43:39,958
Ang magkahawak-kamay na aalis
Kaligayahan

568
00:43:41,166 --> 00:43:45,416
Ang inosenteng tingin
Sa gitna ng kaguluhan, kaligayahan

569
00:43:46,166 --> 00:43:51,000
Ang kaalamang ligtas
Ang pangarap ko sa iyo, kaligayahan

570
00:43:53,666 --> 00:43:54,833
Kaligayahan

571
00:43:55,750 --> 00:43:59,916
Ang gabi sa dalampasigan
Ang along paroo't parito

572
00:44:00,416 --> 00:44:04,375
Ang balat mo sa unan ko
Kaligayahan

573
00:44:05,041 --> 00:44:10,166
Ang pagpatay ng ilaw
At pagbabati, kaligayahan

574
00:44:12,375 --> 00:44:13,500
Kaligayahan

575
00:44:14,500 --> 00:44:18,125
Ang pag-inom ng alak habang nag-uusap
Kaligayahan

576
00:44:19,208 --> 00:44:23,000
Ang malayang magmahal na parang bata
Kaligayahan

577
00:44:23,875 --> 00:44:28,833
Ang maupo sa kotse mo
At lumipad sa gabi, kaligayahan

578
00:44:30,750 --> 00:44:33,875
Ito ang kanta natin

579
00:44:33,958 --> 00:44:38,500
Ang kuwento ng pag-ibig natin

580
00:44:40,125 --> 00:44:43,333
Lasang totoo

581
00:44:43,416 --> 00:44:48,333
Kaligayahan

582
00:44:54,041 --> 00:44:55,250
Kaligayahan

583
00:44:56,583 --> 00:45:00,333
Ang magsabi ng totoo, gabing may buwan
At radyong tumutugtog sa bar

584
00:45:01,041 --> 00:45:04,625
Ang tumalon sa lawa
Tumawang parang payaso, kaligayahan

585
00:45:05,583 --> 00:45:10,958
Ang di inaasahang tawag, kaligayahan

586
00:45:11,041 --> 00:45:12,333
CHEZ VIENOT
AUCTION HOUSE

587
00:45:12,416 --> 00:45:15,458
Ito ang kanta natin

588
00:45:15,541 --> 00:45:20,833
Parang hangin, dagat, at araw

589
00:45:21,958 --> 00:45:24,916
Nag-iinit sa katotohanan

590
00:45:25,000 --> 00:45:29,666
Kaligayahan

591
00:45:31,083 --> 00:45:34,416
Ito ang kanta natin

592
00:45:34,500 --> 00:45:39,625
Parang hangin, dagat, at araw

593
00:45:40,833 --> 00:45:43,333
Nag-iinit sa katotohanan

594
00:45:43,916 --> 00:45:48,541
Kaligayahan

595
00:47:28,083 --> 00:47:30,833
Tagapagsalin ng Subtitle: Ivee Jade Tanedo

