1
00:00:06,339 --> 00:00:11,594
DALAWANG MILYONG TAON ANG NAKARAAN

2
00:00:23,189 --> 00:00:28,945
Dalawang milyong taon ang nakaraan,
ibang-iba ang planeta natin.

3
00:00:34,325 --> 00:00:37,704
Isang pusang may ngiping saber,
ang Smilodon.

4
00:00:43,918 --> 00:00:46,588
Nakakatakot na mandaragit
ng kanyang panahon.

5
00:00:51,384 --> 00:00:57,348
Nakaharang ang isang higanteng
terror bird, dalawang metro ang taas.

6
00:01:04,689 --> 00:01:07,150
Armado ang magkabilang panig…

7
00:01:09,986 --> 00:01:11,988
at handang lumaban.

8
00:01:28,505 --> 00:01:32,926
Ito ang kuwento
ng mga dakilang laban para sa survival

9
00:01:33,843 --> 00:01:37,847
at ng mga dinastiyang sasakop sa mundo.

10
00:01:43,144 --> 00:01:48,066
Ito ang kuwento ng buhay.

11
00:03:00,138 --> 00:03:04,809
KASALUKUYAN

12
00:03:05,310 --> 00:03:06,936
Kung alam mo saan tumingin,

13
00:03:07,604 --> 00:03:13,568
makakahanap ka pa rin ng mga bakas
ng pinagmulan ng buhay sa ating planeta.

14
00:03:21,659 --> 00:03:25,038
Hindi lang ito pagtitipon
ng mga mandaragit sa dagat.

15
00:03:28,833 --> 00:03:32,921
Pagsasama-sama ito
ng mga sinaunang angkan.

16
00:03:36,841 --> 00:03:39,385
Mga pating, mga buhay na fossil,

17
00:03:40,178 --> 00:03:43,723
halos hindi nagbago
sa loob ng daan-daang milyong taon.

18
00:03:45,850 --> 00:03:48,561
Mga dolphin,
mga mammal na humihinga ng ere

19
00:03:48,645 --> 00:03:51,606
na may mga ninunong dating gumala sa lupa.

20
00:03:54,859 --> 00:03:58,821
Mga balyena, mas malaki
kaysa sa anumang hayop na nabuhay.

21
00:04:05,328 --> 00:04:06,746
Mga ibon,

22
00:04:08,498 --> 00:04:11,793
ang huling survivors sa mga dinosaur…

23
00:04:14,462 --> 00:04:17,131
ang pinakamalaking dinastiya sa mundo.

24
00:04:23,763 --> 00:04:25,306
Lahat, mga mandaragit,

25
00:04:25,390 --> 00:04:27,517
Lahat hinahabol ang iisang biktima,

26
00:04:27,600 --> 00:04:31,771
pero lahat, may magkakaibang pinagmulan.

27
00:04:40,655 --> 00:04:45,159
Mahigit sampung milyong uri
ng halaman at hayop ang nabubuhay ngayon.

28
00:04:53,001 --> 00:04:58,506
Pero isang porsiyento lang sila
ng lahat ng uring nabuhay.

29
00:05:03,720 --> 00:05:05,513
Sa paglalakbay sa nakaraan,

30
00:05:06,306 --> 00:05:10,226
makikilala natin ang marami
sa 99 porsiyentong nalipol na.

31
00:05:18,067 --> 00:05:21,070
Para ibunyag ang pinakapambihirang kuwento
sa lahat,

32
00:05:22,071 --> 00:05:25,158
ang kuwento ng buhay sa ating planeta.

33
00:05:35,835 --> 00:05:40,631
ANG RULES NG BUHAY

34
00:05:44,177 --> 00:05:49,766
APAT NA BILYONG TAON ANG NAKARAAN

35
00:05:53,978 --> 00:05:59,692
Kinailangang may pinagmulan ang buhay at
lahat ng nakakamanghang pagkakaiba nito.

36
00:06:08,659 --> 00:06:13,247
Lumitaw ang unang siklap
apat na bilyong taon na ang nakararaan.

37
00:06:17,377 --> 00:06:22,382
Sa natatanging paraan marahil, tama lang
ang mga kondisyon ng planeta natin.

38
00:06:25,301 --> 00:06:26,344
Tubig na likido,

39
00:06:27,220 --> 00:06:28,638
enerhiya mula sa Araw,

40
00:06:29,430 --> 00:06:33,101
at perpektong kimika
para magsimula ang buhay.

41
00:06:40,400 --> 00:06:46,030
Nawawala sa paglipas
ng panahon ang eksaktong proseso.

42
00:06:47,698 --> 00:06:53,621
Pero isang maliit at buhay na selula
ang naging resulta nito.

43
00:06:55,498 --> 00:06:56,457
LUCA,

44
00:06:57,542 --> 00:07:01,003
ang Last Universal Common Ancestor…

45
00:07:05,133 --> 00:07:09,971
kung saan nagmula ang lahat ng buhay.

46
00:07:19,105 --> 00:07:21,315
Mula sa mapagkumbabang simulang 'to,

47
00:07:21,399 --> 00:07:25,820
bilyong taon pa ang inabot ng buhay
bago magkaroon ng tunay na kompleksidad.

48
00:07:31,742 --> 00:07:35,246
450 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

49
00:07:36,122 --> 00:07:39,876
Isang tagumpay
na unang nakamit sa karagatan.

50
00:07:45,673 --> 00:07:48,593
Ang pinakaunang mga hayop na nagtagumpay

51
00:07:49,594 --> 00:07:51,512
ay mga simpleng anyo ng buhay.

52
00:07:57,977 --> 00:07:59,604
Ang invertebrates na ito,

53
00:08:00,646 --> 00:08:02,523
mga hayop na walang gulugod,

54
00:08:03,774 --> 00:08:06,944
namuno sila sa dagat
sa loob ng milyon-milyong taon.

55
00:08:12,200 --> 00:08:16,412
Sa buong kasaysayan, walang katapusan
ang digmaang inilulunsad ng buhay.

56
00:08:18,122 --> 00:08:19,916
Babangon ang isang dinastiya,

57
00:08:19,999 --> 00:08:22,627
para malupig lang ng susunod.

58
00:08:29,675 --> 00:08:32,720
Kabilang ang mga halaman
sa unang nanakop sa lupa…

59
00:08:34,889 --> 00:08:37,642
lumikha ng mga kondisyong
pagdating ng panahon,

60
00:08:39,477 --> 00:08:41,896
nahayaan ang mga invertebrates na sumunod

61
00:08:42,980 --> 00:08:44,148
at pumalit.

62
00:08:55,618 --> 00:08:58,579
Pero di habambuhay nakapaghari
ang inverterbrates.

63
00:09:07,088 --> 00:09:09,507
Bagong dinastiya ang dadaig sa kanila.

64
00:09:14,011 --> 00:09:16,889
Isang galing din sa tubig.

65
00:09:25,565 --> 00:09:26,983
Ang mga amphibian…

66
00:09:33,573 --> 00:09:38,494
na may bagong plano ng katawang
gawa sa apat na paa at isang gulugod

67
00:09:38,578 --> 00:09:41,998
na tatayong matatag na plano
para sa pagtatagumpay.

68
00:09:46,002 --> 00:09:49,297
Nalimitahan ang sakop nila
ng koneksiyon nila sa tubig.

69
00:09:54,385 --> 00:09:58,598
Pero gumawa sila ng isa pang dinastiya
na walang ganoong mga tali.

70
00:10:03,686 --> 00:10:04,812
Ang mga reptilya.

71
00:10:07,773 --> 00:10:10,735
Nakakapagsamantala
kahit sa pinakamatuyong rehiyon,

72
00:10:11,694 --> 00:10:14,947
nadala sila ng kanilang malawak na lakad
sa buong mundo.

73
00:10:22,622 --> 00:10:27,126
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan,
nagkaroon ng pandaigdigang kapangyarihan.

74
00:10:29,587 --> 00:10:31,422
Mula sa mga sinaunang reptilya

75
00:10:33,341 --> 00:10:36,177
nanggaling ang pinakakilalang dinastiya
sa lahat.

76
00:10:39,972 --> 00:10:41,182
Ang mga dinosaur.

77
00:10:53,402 --> 00:10:58,157
Namuno sila nang mahigit 150 milyong taon.

78
00:11:06,957 --> 00:11:09,377
Isang grupo ng nakakamanghang pagkakaiba,

79
00:11:09,460 --> 00:11:16,258
naputol lamang ng mala-kalamidad na malas
ang kanilang lubos na paghahari.

80
00:11:25,768 --> 00:11:27,269
Lumabas sa kanilang anino

81
00:11:28,229 --> 00:11:31,899
ang huling dakilang angkan.

82
00:11:34,568 --> 00:11:35,569
Ang mga mammal.

83
00:11:43,077 --> 00:11:47,331
Magpapatuloy ang isa sa kanila
na baguhin ang ating planeta

84
00:11:48,624 --> 00:11:50,292
sa di pa nagagawang paraan.

85
00:11:58,718 --> 00:12:01,637
Ang pagtaas at pagbagsak ng mga dinastiya,

86
00:12:01,721 --> 00:12:03,889
sa loob ng apat na bilyong taon,

87
00:12:03,973 --> 00:12:06,434
hindi lang ito nagkataon.

88
00:12:09,395 --> 00:12:10,730
Ang buong paglalakbay,

89
00:12:11,272 --> 00:12:15,568
mula sa simula ng buhay hanggang sa iba't
ibang uring alam natin ngayon,

90
00:12:17,319 --> 00:12:20,740
dala ito ng ilang pangunahing prinsipyo.

91
00:12:23,284 --> 00:12:25,119
Ang rules ng buhay.

92
00:12:27,663 --> 00:12:33,627
Ang unang rule, ang pinakamagaling sumabay
sa paligid ang laging magtatagumpay.

93
00:12:36,756 --> 00:12:41,594
Magkamukha ang bawat isa
sa mga butterfly egg na ito.

94
00:12:44,305 --> 00:12:47,183
Pero bawat isa, iba-iba
ang kumbinasyon ng genes

95
00:12:48,309 --> 00:12:52,605
na ginagawa silang tunay na katangi-tangi.

96
00:13:01,405 --> 00:13:05,743
Ang ilan, may genetic qualities
na tutulong sa kanilang mabuhay.

97
00:13:14,835 --> 00:13:19,924
Mga katangiang mapapasa
sa mga susunod na henerasyon…

98
00:13:26,055 --> 00:13:27,306
hanggang sa kalaunan,

99
00:13:28,057 --> 00:13:31,519
mag-iiba na ang isa mula sa mga nauna

100
00:13:31,602 --> 00:13:34,230
at magiging ganap na bagong uri ng hayop…

101
00:13:36,899 --> 00:13:40,486
na mas nakakasabay sa kapaligiran nito.

102
00:13:44,240 --> 00:13:47,201
Ito ang ebolusyon.

103
00:13:56,919 --> 00:14:00,339
Pero di lang ang mga higad ang umuunlad.

104
00:14:08,138 --> 00:14:12,434
Lumalaban para sa survival
ang lahat ng nasa gubat na ito…

105
00:14:15,563 --> 00:14:18,357
kabilang ang mga halaman.

106
00:14:25,447 --> 00:14:29,243
Kapag mapabayaan,
huhubaran sila ng mga higad.

107
00:14:38,586 --> 00:14:43,716
Pero gumawa na ng mga sariling adaptasyon
ang halamang ito para sa survival.

108
00:14:46,927 --> 00:14:48,804
May lason sa mga dahon nito,

109
00:14:49,847 --> 00:14:52,850
kayang patayin
ang anumang kumakain sa kanila.

110
00:14:54,685 --> 00:14:56,228
Digmaang kemikal ito.

111
00:14:59,732 --> 00:15:02,735
Pagkatapos, may bagong species
ng higad na umuunlad…

112
00:15:05,279 --> 00:15:08,908
na kayang kainin
ang mga nakakalasong dahon,

113
00:15:09,825 --> 00:15:12,328
kasama ng anumang itlog sa ibabaw.

114
00:15:20,336 --> 00:15:21,795
Bilang tugon,

115
00:15:21,879 --> 00:15:26,842
nakikisabay ang ibang paruparong manganak
sa mga halamang walang itlog…

116
00:15:33,265 --> 00:15:37,019
tinitiyak ang pinakamagandang simula
para sa kanilang mga anak.

117
00:15:47,655 --> 00:15:50,032
Pero gumaganti ang mga halaman…

118
00:15:52,660 --> 00:15:54,620
nagpapalaki sa kanilang mga dahon

119
00:15:55,704 --> 00:15:57,706
ng gumagaya sa itlog ng paruparo…

120
00:16:04,964 --> 00:16:08,801
pinipigilan ang mga babaeng manganak doon.

121
00:16:12,596 --> 00:16:15,724
Gumagawa rin ang mga pekeng itlog
ng matamis na nektar

122
00:16:15,808 --> 00:16:17,810
na nakakaakit ng mga langgam…

123
00:16:20,521 --> 00:16:23,190
na kumakain ng mga higad.

124
00:16:29,738 --> 00:16:34,326
Ang unang rule ng buhay, na pinakamagaling
sumabay ang magtatagumpay,

125
00:16:36,161 --> 00:16:39,999
ang gumagawa ng malaking pagkakaiba-iba
na umiiral ngayon.

126
00:16:49,591 --> 00:16:51,260
Ang susunod na rule ng buhay

127
00:16:51,844 --> 00:16:54,388
ay kompetisyon
ang nagtutulak sa adaptasyon.

128
00:16:56,724 --> 00:17:01,186
DALAWANG MILYONG TAON ANG NAKARAAN

129
00:17:02,813 --> 00:17:08,068
At nagmumula sa sariling uri
ang pinakamatinding kompetisyon.

130
00:17:14,658 --> 00:17:16,285
Isang lalaking terror bird.

131
00:17:21,248 --> 00:17:24,376
Baybayin ng lawa ang teritoryo niya.

132
00:17:38,223 --> 00:17:39,558
Pero di siya nag-iisa.

133
00:17:43,353 --> 00:17:45,981
Gusto ng batang lalaki
itong magandang lugar.

134
00:17:54,406 --> 00:17:56,825
Di mabalewala ng matanda ang pananakot.

135
00:18:16,678 --> 00:18:18,806
Tumatangging umatras ang binata.

136
00:18:22,351 --> 00:18:24,812
Kailangan niya ng sariling teritoryo.

137
00:18:35,072 --> 00:18:37,825
Sisimulan ng dalawa
ang pagtatanghal ng ritwal.

138
00:18:48,669 --> 00:18:50,629
Sinusuri ang lakas ng isa…

139
00:18:57,261 --> 00:18:59,513
habang nagpapamalas ng sariling lakas.

140
00:19:07,688 --> 00:19:10,065
Ang magkaugnay nilang mga galaw,

141
00:19:10,149 --> 00:19:12,067
kasing pormal ng sayaw.

142
00:19:24,496 --> 00:19:26,582
Sino ang unang uurong?

143
00:19:35,465 --> 00:19:36,675
O aatake?

144
00:19:44,892 --> 00:19:49,021
Dahil walang naghihiwalay
sa kanila, hindi maiiwasan ang away.

145
00:20:02,993 --> 00:20:04,328
Pero may kasama sila.

146
00:20:13,962 --> 00:20:19,551
Isang dahilan ang mammalian na katusuhan
ng Smilodon bakit nawala ang terror birds.

147
00:20:25,682 --> 00:20:30,270
Ang kompetisyon, sa loob
at sa pagitan ng mga uri ng hayop,

148
00:20:30,979 --> 00:20:33,190
ang palaging nagtutulak sa ebolusyon.

149
00:20:36,944 --> 00:20:41,490
Pero di lang ang mga lumalaban
ang laging nagbabago.

150
00:20:42,699 --> 00:20:45,619
Gayundin ang mismong larangan ng digmaan,

151
00:20:46,453 --> 00:20:49,081
na nag-aabante sa ikatlong rule ng buhay:

152
00:20:50,832 --> 00:20:53,752
hindi napipirmi nang matagal ang Earth.

153
00:20:54,878 --> 00:20:56,880
Minsan, nakakatulong ito sa buhay.

154
00:20:57,631 --> 00:20:59,967
Minsan, nakakahadlang ito.

155
00:21:05,973 --> 00:21:10,185
Sa kasaysayan, isa sa malalaking ahente
ng pagbabago ang mga bulkan.

156
00:21:28,537 --> 00:21:31,623
Ang mga pagsabog
na umabot nang libu-libong taon,

157
00:21:32,666 --> 00:21:37,212
paulit-ulit nang nalamon
ang malalawak na bahagi ng ating planeta.

158
00:21:39,589 --> 00:21:42,301
Nagbobomba ng mga gaas sa atmospera,

159
00:21:42,384 --> 00:21:45,012
binabago ang klima, at, ang pinakamasama,

160
00:21:46,305 --> 00:21:48,890
nagdudulot ng global mass extinction.

161
00:21:59,318 --> 00:22:01,194
Bihirang napipirmi ang mundo.

162
00:22:01,903 --> 00:22:05,073
Kung minsan, nababalutan ng apoy.

163
00:22:07,159 --> 00:22:09,619
Kung minsan, nababalutan ng yelo.

164
00:22:19,171 --> 00:22:23,008
Lumilikha ng napakaraming hamon
sa buhay ang pagbabago ng planeta.

165
00:22:25,093 --> 00:22:26,928
Mula sa mga nakakalasong dagat…

166
00:22:30,766 --> 00:22:32,392
global wastelands…

167
00:22:35,604 --> 00:22:37,898
at mga walang katapusang pag-ulan.

168
00:22:45,197 --> 00:22:47,324
Sa apat na magkakaibang pagkakataon,

169
00:22:48,742 --> 00:22:52,746
naitulak na ng planeta
ang buhay sa pinakadulo ng pag-iral.

170
00:22:53,789 --> 00:22:57,751
Sa bawat pagkakataon,
mahigit tatlong-kapat ng lahat ng species

171
00:22:57,834 --> 00:23:00,253
ang nawala sa mga malawakang pagkalipol.

172
00:23:05,384 --> 00:23:08,345
Maaaring maging brutal ang planeta natin.

173
00:23:12,057 --> 00:23:16,686
76 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

174
00:23:17,312 --> 00:23:19,106
Pero may isang panahon

175
00:23:20,315 --> 00:23:25,028
kung kailan napirmi ang Earth
sa loob ng 100 milyong taon.

176
00:23:29,116 --> 00:23:34,663
Panahong nagbigay-daan sa isang pangkat
na maging pinakamalakas sa mga dinastiya.

177
00:23:39,251 --> 00:23:42,295
Ito ang panahon ng mga dinosaur.

178
00:23:52,305 --> 00:23:57,894
Nakatulong ang mahabang pagkalma
para makapagparami ang mga dinosaur.

179
00:24:07,821 --> 00:24:10,198
Kabilang dito ang Maiasaura,

180
00:24:11,700 --> 00:24:16,371
magiliw na taga-kain ng halaman
na bumubuo ng kawang libu-libo ang lakas.

181
00:24:26,506 --> 00:24:29,801
Nagbibigay ang maramihang pagtitipong ito
ng kaligtasan,

182
00:24:31,178 --> 00:24:33,013
at di lang sa mga nakakatanda.

183
00:24:39,227 --> 00:24:41,563
Itong medyo maingat na babae

184
00:24:42,439 --> 00:24:44,649
ay gustong bumalik sa kanyang pugad.

185
00:24:57,579 --> 00:25:00,749
"Mabuting ina"
ang ibig sabihin ng Maiasaura.

186
00:25:04,377 --> 00:25:05,921
Gaya ng ibang mga babae,

187
00:25:06,796 --> 00:25:09,799
gumawa na siya ng pugad
sa napakalaking kolonya.

188
00:25:13,094 --> 00:25:14,179
Para marating ito,

189
00:25:14,679 --> 00:25:17,974
kailangan niyang harapin
ang ngitngit ng mga palabang ina

190
00:25:18,058 --> 00:25:20,060
na pinroprotektahan ang mga anak.

191
00:25:34,157 --> 00:25:36,034
Sa pag-iwas sa isang aggressor,

192
00:25:36,993 --> 00:25:38,703
napapalapit siya sa susunod.

193
00:25:54,219 --> 00:25:57,889
Sa wakas, nakarating na rin
siya sa sariling pugad.

194
00:26:08,066 --> 00:26:11,570
Pinapakain niya ang kanyang anak
sa mala-ibong paraan.

195
00:26:31,131 --> 00:26:34,050
Maraming buwan niya silang
poprotektahan sa pugad,

196
00:26:35,552 --> 00:26:38,763
hanggang lumaki na sila't
puwede nang sumama sa kawan.

197
00:26:47,272 --> 00:26:51,776
Pero di lang maraming dinosaur
ang sinuportahan ng planeta,

198
00:26:52,944 --> 00:26:58,700
sinuportahan ng katatagan nito
ang bawat hugis at sukat ng dinosaurs.

199
00:27:11,880 --> 00:27:16,426
Ibang-iba ang Triceratops
sa walang kalaban-labang Maiasaura.

200
00:27:22,265 --> 00:27:26,269
Sa timbang na 5,000 kilos
at maipagyayabang na tatlong sungay,

201
00:27:26,936 --> 00:27:28,355
nakabaluti talaga siya…

202
00:27:30,774 --> 00:27:36,071
angkop sa mundong pag-atake
ang pinakamagandang paraan ng depensa.

203
00:27:42,577 --> 00:27:47,123
Dahil malapit na'ng breeding season,
kailangang nasa magandang kondisyon siya.

204
00:27:49,834 --> 00:27:54,631
Kailangan niyang makahanap
ng pinakamasarap na pagkain saanman 'yan.

205
00:27:59,844 --> 00:28:02,931
Pero napalayo siya sa kawan
dahil sa paghahanap niya…

206
00:28:05,475 --> 00:28:08,478
at mas malapit sa gilid ng gubat.

207
00:28:18,863 --> 00:28:20,532
Tamang kabahan siya.

208
00:28:21,574 --> 00:28:24,869
Hindi lang Triceratops
ang higante sa kagubatang ito.

209
00:28:38,925 --> 00:28:40,802
Tyrannosaurus rex.

210
00:28:44,556 --> 00:28:46,266
Ang tunay na mandaragit.

211
00:28:53,898 --> 00:28:56,109
Kasama niya ang dalawa niyang anak.

212
00:29:22,802 --> 00:29:25,305
Mas mabilis ang magkapatid kaysa sa ina.

213
00:29:29,809 --> 00:29:31,019
Magtutulungan sila.

214
00:29:34,063 --> 00:29:36,858
Kaya ng Triceratops ang mga bata,

215
00:29:37,859 --> 00:29:39,068
pero di ang matanda.

216
00:30:00,590 --> 00:30:03,802
Proteksyon lang ng kawan
ang makakapagligtas sa kanya.

217
00:30:07,722 --> 00:30:09,557
Bumubuo sila ng defensive wall.

218
00:30:15,939 --> 00:30:20,485
Kahit ang pinakamagaling na mandaragit
sa mundo, alam kung kailan siya natalo.

219
00:30:32,747 --> 00:30:34,499
Hindi tulad ng batang lalaki.

220
00:30:50,640 --> 00:30:55,228
66.04 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

221
00:30:55,979 --> 00:30:58,273
Maaaring namumuno pa rin ang dinosaurs

222
00:30:58,356 --> 00:31:01,568
kung nanatiling ganoon
ang mga kondisyon sa Earth.

223
00:31:03,778 --> 00:31:06,698
Pero malapit nang magbago ang lahat,

224
00:31:07,490 --> 00:31:09,742
at sa loob lang ng isang araw.

225
00:31:20,962 --> 00:31:24,257
Isang asteroid
na kasinglaki ng Mount Everest,

226
00:31:25,592 --> 00:31:28,511
mas mabilis
kaysa sa isang bala nang 20 times,

227
00:31:28,595 --> 00:31:30,388
ang tumama sa planeta.

228
00:31:36,436 --> 00:31:41,524
Gumawa ito ng butas
na 20 kilometro ang lalim at lapad na 180…

229
00:31:45,153 --> 00:31:48,281
na nagsimula
ng nakakapuksang hanay ng mga pangyayari.

230
00:31:53,369 --> 00:31:57,874
Bumangon mula
sa malaking hukay ang tunay na mamamatay.

231
00:32:01,336 --> 00:32:05,340
Isang pader ng abo at debris
na daan-daang kilometro ang kapal…

232
00:32:07,508 --> 00:32:09,385
na bumalot sa mundo.

233
00:32:15,350 --> 00:32:17,435
Hinarang ng ulap ang sikat ng araw,

234
00:32:18,770 --> 00:32:22,023
na nagresulta sa pagkamatay
ng halos lahat ng dinosaurs…

235
00:32:35,036 --> 00:32:38,289
at tatlong-kapat ng buhay sa Earth.

236
00:32:44,045 --> 00:32:46,798
Pandaigdigan ang naging paglipol.

237
00:32:55,264 --> 00:32:58,184
Iyon ang ikalimang mass extinction
sa mundo.

238
00:33:29,424 --> 00:33:31,092
Pero may mga nakaligtas.

239
00:33:34,595 --> 00:33:40,184
Mga nakaligtas na magiging batayan
ng lahat ng species na nabubuhay ngayon.

240
00:33:50,236 --> 00:33:54,115
Ang mga ibon na lang
ang natitirang dinosaurs.

241
00:33:59,871 --> 00:34:03,082
Ngayon, mahigit 10,000
ang bilang ng species nila,

242
00:34:04,625 --> 00:34:07,128
na nakatira sa bawat habitat sa Earth.

243
00:34:10,840 --> 00:34:13,885
Pero di lang sa mga ibon ang planeta noon.

244
00:34:16,721 --> 00:34:21,184
Isa pang dakilang dinastiya
ang bumangon mula sa mga abo.

245
00:34:29,025 --> 00:34:29,984
Ang mga mammal.

246
00:34:35,281 --> 00:34:39,911
Sa ilalim ng mga dinosaur,
balewala lang sila sa kasaysayan.

247
00:34:48,419 --> 00:34:50,213
Kung wala ang asteroid strike,

248
00:34:50,922 --> 00:34:55,009
wala sa mga nakaligtas na ito
ang magkakaroon ng pagkakataong maghari.

249
00:34:59,972 --> 00:35:02,934
Mula sa sakuna ng malawakang pagkalipol

250
00:35:04,435 --> 00:35:06,813
dumating ang bagong pulutong ng buhay

251
00:35:08,731 --> 00:35:11,567
sa iba't ibang uri nito…

252
00:35:19,033 --> 00:35:24,038
lahat talagang kayang makipagsabayan
sa mga hamon ng buhay:

253
00:35:32,046 --> 00:35:35,174
ang pakikibaka
para protektahan at palakihin ang anak…

254
00:35:38,094 --> 00:35:39,303
maghanap ng pagkain,

255
00:35:40,263 --> 00:35:41,305
at magparami.

256
00:35:46,602 --> 00:35:49,272
Maaaring nagbago na
ang mga tauhan sa kuwento,

257
00:35:51,440 --> 00:35:54,694
pero pareho pa rin
ang mga mahalagang bagay.

258
00:35:57,238 --> 00:36:02,702
Patuloy na sumusuporta sa buhay
ang tubig at enerhiya mula sa Araw,

259
00:36:02,785 --> 00:36:06,372
gaya ng ginawa na nila
sa nakalipas na bilyon-bilyong taon.

260
00:36:16,090 --> 00:36:20,178
Hanggang ngayon,
nagagamit pa rin ang rules ng buhay.

261
00:36:23,723 --> 00:36:27,351
Ang pinakamagaling sumabay
sa paligid ang magtatagumpay.

262
00:36:39,238 --> 00:36:42,742
Kompetisyon ang nagtutulak sa ebolusyon.

263
00:36:47,872 --> 00:36:51,792
At nagdudulot ng kaguluhan
ang mabilis na pagbabago ng planeta.

264
00:37:02,011 --> 00:37:05,890
Tinutukoy ng rules ng buhay
kung paano tataas ang mga dinastiya

265
00:37:06,974 --> 00:37:08,809
at kung paano sila babagsak.

266
00:37:13,356 --> 00:37:15,858
Bawat bagay na nabubuhay ngayon

267
00:37:17,193 --> 00:37:20,613
mababakas ang angkan
pabalik sa apat na bilyong taon.

268
00:37:26,327 --> 00:37:29,830
Sa harap ng di kapani-paniwalang pagsubok.

269
00:37:39,966 --> 00:37:46,973
Nalipol na ang 99 porsiyento
ng lahat ng species na nabuhay.

270
00:37:52,979 --> 00:37:58,818
Ang isang porsiyentong nakaligtas
ang bumubuo sa buhay ngayon.

271
00:38:09,787 --> 00:38:14,500
Tutuklasin ng seryeng ito
ang mga pinakamahalagang pangyayari

272
00:38:14,583 --> 00:38:16,377
sa kasaysayan ng buhay.

273
00:38:25,678 --> 00:38:29,307
Mula nang naging pandaigdigang
kapangyarihan ang mammals…

274
00:38:37,315 --> 00:38:41,986
hanggang sa mga ninuno ng mga ibong
unang lumipad sa himpapawid…

275
00:38:48,117 --> 00:38:51,037
sa ebolusyon ng mga matitigas na itlog

276
00:38:51,954 --> 00:38:55,875
na nagresulta sa pag-usbong
ng makapangyarihang dinosaurs.

277
00:39:04,216 --> 00:39:09,180
At kahit ang sandaling unang lumabas
ang mga hayop sa tubig.

278
00:39:18,397 --> 00:39:23,069
Sa susunod na kabanata, babalik tayo
sa pinagmulan ng buhay sa dagat…

279
00:39:30,201 --> 00:39:33,079
at ang mga unang laban para sa survival…

280
00:39:36,040 --> 00:39:38,292
sa ating pambihirang planeta.

281
00:41:24,690 --> 00:41:27,693
Tagapagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol

