1
00:00:16,599 --> 00:00:23,565
Sa loob ng bilyon-bilyong taon, talagang
di puwedeng tirhan ang kalakhan ng mundo…

2
00:00:25,442 --> 00:00:30,196
nasalanta ng mga elemento
at puwersa ng kalikasan.

3
00:00:34,701 --> 00:00:40,248
Pero ito ang kuwento
ng nangyari sa ilalim ng mga alon.

4
00:00:44,294 --> 00:00:49,758
Dito, protektado mula sa mga bagyo,
nagkaroon ng buhay…

5
00:00:52,510 --> 00:00:56,931
at binago nito
ang planeta natin magpakailanman.

6
00:02:34,154 --> 00:02:37,991
2.4 BILYONG TAON ANG NAKARAAN

7
00:02:38,074 --> 00:02:40,326
Noong unang panahon,

8
00:02:41,077 --> 00:02:44,831
hindi kamukha ng Earth
ang mundong alam natin ngayon.

9
00:02:50,044 --> 00:02:53,548
Tubig ang halos 90 porsiyento
ng ibabaw nito,

10
00:02:54,299 --> 00:02:57,093
pero hindi ito asul na planeta.

11
00:03:00,096 --> 00:03:05,852
Sa halip, ginawang dilaw ng malalawak
na ulap ng methane ang atmospera.

12
00:03:12,275 --> 00:03:15,153
Sa lupa, mas malala pa ang mga kalagayan.

13
00:03:25,330 --> 00:03:30,376
Milyon-milyong taon
nang sumasabog ang mga bulkan noon.

14
00:03:34,923 --> 00:03:36,591
Ang lakas ng pagsabog nila,

15
00:03:36,674 --> 00:03:41,012
isa sa iilang tunog
sa tahimik na kahariang ito.

16
00:03:51,356 --> 00:03:57,153
Sa mundong binubuo ng nakalalasong hangin
at mga ilog ng nalusaw na bato…

17
00:03:59,072 --> 00:04:03,034
imposible ang buhay na alam natin.

18
00:04:13,336 --> 00:04:15,672
Pero sa mga sinaunang dagat,

19
00:04:16,506 --> 00:04:19,008
may nangyayari na.

20
00:04:25,598 --> 00:04:30,520
Sa kailaliman,
nakasabit ang malaking swathe ng plankton.

21
00:04:37,026 --> 00:04:42,323
May bagong pag-unlad
ang maliliit na cells tulad nito,

22
00:04:43,950 --> 00:04:45,201
ang photosynthesis.

23
00:04:50,415 --> 00:04:53,793
Kaya nilang magamit
ang enerhiya ng araw para lumaki,

24
00:04:55,044 --> 00:04:57,005
isang tagumpay na sobrang halaga,

25
00:04:58,006 --> 00:05:03,094
sa plankton magsisimula
ang bawat halaman sa Earth balang araw.

26
00:05:08,474 --> 00:05:10,101
Pero di pa nagtatapos doon.

27
00:05:11,352 --> 00:05:15,982
Isa rin sa produkto
ng photosynthesis ang isang gas,

28
00:05:17,442 --> 00:05:22,322
ang nawawalang sangkap
para mabuhay ang mga hayop…

29
00:05:24,574 --> 00:05:25,575
oxygen.

30
00:05:30,371 --> 00:05:32,707
Sa loob ng halos dalawang bilyong taon,

31
00:05:32,790 --> 00:05:38,338
gumawa ng napakaraming oxygen ang plankton
kaya nabago nito ang planeta natin.

32
00:05:44,886 --> 00:05:49,349
Puwede nang matirhan,
naging bagong mundo ang Earth,

33
00:05:51,225 --> 00:05:54,771
kung saan puwedeng tumakbo
nang malaya ang buhay.

34
00:06:03,446 --> 00:06:06,199
Ngayon, milyon-milyong taon
na'ng nakalipas,

35
00:06:06,282 --> 00:06:12,413
posible pang makita kung ano'ng nangyari
sa susunod na alon ng buhay na 'yon.

36
00:06:18,836 --> 00:06:21,756
Dahil sa ilang bahagi
ng mabababaw na dagat natin…

37
00:06:24,425 --> 00:06:27,887
kahawig pa rin
ng buhay ang mas sinaunang panahon.

38
00:06:37,146 --> 00:06:38,481
Di man sila kamukha…

39
00:06:40,858 --> 00:06:43,027
pero mga hayop sila…

40
00:06:47,115 --> 00:06:50,576
na kagaya ng unang
komplikadong anyo ng buhay.

41
00:06:55,248 --> 00:06:59,710
Malambot ang katawan at nasa sahig
ng dagat ang ugat ng karamihan.

42
00:07:03,714 --> 00:07:05,174
Lahat may pandama.

43
00:07:06,092 --> 00:07:09,929
At nakikita pa nga
ng iba ang paligid nila.

44
00:07:14,934 --> 00:07:18,229
Marami ang nakakakain
sa pamamagitan ng filter-feeding,

45
00:07:19,814 --> 00:07:21,232
pagkuha ng plankton,

46
00:07:21,899 --> 00:07:25,611
minsan sa mga talagang kakaibang paraan.

47
00:07:33,870 --> 00:07:37,415
Pero hindi lahat ng hayop dito,
kailangang nasa iisang lugar.

48
00:07:42,503 --> 00:07:43,754
Nakakagalaw ang ilan,

49
00:07:44,964 --> 00:07:47,049
tinutuklas ang sahig ng dagat

50
00:07:47,133 --> 00:07:51,220
gaya ng mga nauna nilang kamag-anak
milyon-milyong taon na'ng lumipas.

51
00:07:58,603 --> 00:08:03,024
Parang isang uri ng Eden
ang mabababaw na parte ng tubig na ito,

52
00:08:04,484 --> 00:08:06,569
isang ligtas na kanlungan ng buhay.

53
00:08:07,904 --> 00:08:10,615
Pero hindi ito paraiso.

54
00:08:17,747 --> 00:08:20,541
Nabubuhay sa modernong California…

55
00:08:24,170 --> 00:08:27,006
isa itong rainbow nudibranch.

56
00:08:31,135 --> 00:08:34,639
At may tinatagong kasamaan
ang pagiging matamlay nito…

57
00:08:39,310 --> 00:08:42,063
dahil, tulad ng mga ninuno nito,

58
00:08:42,647 --> 00:08:44,982
nandito ito para manghuli.

59
00:08:50,655 --> 00:08:53,407
Nakasabay na ito sa buhay ng mandaragit.

60
00:08:54,659 --> 00:08:56,369
At ang pinili nitong biktima,

61
00:08:57,745 --> 00:08:59,205
mga anemone.

62
00:09:05,336 --> 00:09:08,089
Pero tulad ng mga unang mandaragit,

63
00:09:08,172 --> 00:09:11,676
may iuunlad pa ang nudibranch…

64
00:09:18,182 --> 00:09:21,143
dahil dito, sa tiyempo…

65
00:09:25,064 --> 00:09:26,440
nakasalalay ang lahat.

66
00:09:30,736 --> 00:09:35,199
Masuwerte ang nanghuhuli, nakaangkla
ang biktima nito sa sahig ng dagat

67
00:09:36,033 --> 00:09:38,035
at di makakapagtago habambuhay.

68
00:09:52,633 --> 00:09:54,302
Ang kapalaran ng anemone?

69
00:09:55,052 --> 00:09:57,888
Makain mula sa loob palabas.

70
00:10:07,315 --> 00:10:12,236
530 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

71
00:10:13,154 --> 00:10:18,200
Malaking pagbabago sa sinaunang dagat
ang pagdating ng predation.

72
00:10:21,871 --> 00:10:25,833
Kinailangang sumabay ng mga hinuhuli
o makipagsapalarang malipol.

73
00:10:30,254 --> 00:10:34,383
At may isang grupong nakipagsabayan
sa paraang hindi pa nakikita noon.

74
00:10:38,888 --> 00:10:41,891
Sa kabila ng pagiging solong hayop,

75
00:10:42,725 --> 00:10:46,812
nagawa nilang paghiwalayin ang sarili
sa patong-patong na indibidwal,

76
00:10:47,730 --> 00:10:51,025
na lumaya pagkatapos.

77
00:10:53,819 --> 00:10:54,820
Dikya.

78
00:10:55,696 --> 00:10:58,616
530 milyong taon na ang nakalilipas,

79
00:10:58,699 --> 00:11:04,622
sila ang pinakaunang mga hayop
na tumakas sa sahig ng dagat at lumangoy.

80
00:11:12,380 --> 00:11:17,134
Pero nagkalat na ang mga mandaragit.

81
00:11:34,026 --> 00:11:36,487
Gamit ang mga makamandag nasalapang,

82
00:11:36,570 --> 00:11:39,865
mani lang sa anemones
ang paghuli sa mga batang dikya.

83
00:11:56,132 --> 00:11:57,675
At sa dami nila,

84
00:11:58,926 --> 00:12:01,554
parang imposibleng makatakas.

85
00:12:21,115 --> 00:12:21,949
Nahuli.

86
00:12:25,035 --> 00:12:26,203
Pero di nagtagal.

87
00:12:41,135 --> 00:12:43,220
Malaya na sa wakas.

88
00:12:51,771 --> 00:12:54,190
Salamat sa husay nilang lumangoy,

89
00:12:54,899 --> 00:12:58,694
mga dikya ang unang lumabas
sa mabababaw na dagat

90
00:12:59,820 --> 00:13:01,739
papunta sa bughaw na karagatan.

91
00:13:23,344 --> 00:13:26,388
Dito, bago umunlad ang mga isda,

92
00:13:27,515 --> 00:13:32,144
walang humuhuli sa mga dikya.

93
00:13:36,273 --> 00:13:38,984
Kalaunan, sumunod din ang iba.

94
00:13:39,944 --> 00:13:46,158
Pero mahigit kalahating bilyong taon
ang nakalipas, sa kanila ang karagatan.

95
00:13:53,165 --> 00:13:57,211
508 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

96
00:14:01,966 --> 00:14:04,218
Para sa mga naipit pa rin sa seabed,

97
00:14:04,885 --> 00:14:08,848
kinailangan ng ibang paraan
para makatakas sa mandaragit.

98
00:14:21,318 --> 00:14:23,153
Ang mausisang nilalang na ito,

99
00:14:24,196 --> 00:14:25,406
isang trilobite.

100
00:14:27,992 --> 00:14:31,745
At ang pambihira
na adaptasyon nito, baluti.

101
00:14:34,248 --> 00:14:38,627
Ang trilobites ay isa sa mga nauna
mula sa isang bagong dinastiya,

102
00:14:40,254 --> 00:14:41,881
ang arthropods.

103
00:14:47,803 --> 00:14:51,557
Nagkaroon sila ng panlabas na kalansay,

104
00:14:51,640 --> 00:14:56,186
isang mala-kalasag na shell na
pumoprotekta sa malalambot na loob nila.

105
00:15:00,941 --> 00:15:04,278
At sa katubigang ito, kailangan nila iyon.

106
00:15:11,160 --> 00:15:13,662
Anomalocaris ito.

107
00:15:15,039 --> 00:15:17,041
Isang hayop na may kakaibang anyo,

108
00:15:17,124 --> 00:15:21,337
"ang abnormal na hipon"
ang ibig sabihin ng pangalan nito.

109
00:15:25,382 --> 00:15:29,762
At sa tropical shallows
508 milyong taon na ang nakalilipas,

110
00:15:31,764 --> 00:15:34,975
ito ang kauna-unahan
na apex predator sa mundo.

111
00:15:47,488 --> 00:15:52,201
Kahit na may baluti ang trilobite,
tama lang na magtago ito.

112
00:16:00,334 --> 00:16:04,129
Pero malayo sa mga kanyon,
wala nang mapagtataguan…

113
00:16:06,507 --> 00:16:09,093
dahil ang kakaiba sa nanghuhuling ito…

114
00:16:11,679 --> 00:16:13,764
ang bilis niya.

115
00:16:19,728 --> 00:16:25,943
Di tulad ng dikya, nakakalangoy ang mga
Anomalocaris nang may direksyon at bilis.

116
00:16:28,320 --> 00:16:30,280
Pero di 'yon laging sapat…

117
00:16:35,494 --> 00:16:41,375
dahil kapag nakorner, nakakaya
na makipagsabayan ng baluti ng trilobite.

118
00:16:47,131 --> 00:16:52,511
Gumugulong para maging bola,
wala talagang makakalusot dito…

119
00:16:55,723 --> 00:16:58,517
kahit ang abnormal na hipon.

120
00:17:07,067 --> 00:17:12,656
Pag mag-isa na lang siya, tinutuloy ng
trilobite ang masayang paglalakbay niya.

121
00:17:17,244 --> 00:17:21,999
Hinahanap nito'ng isa sa pinakamagagandang
tanawin sa sinaunang karagatan…

122
00:17:29,840 --> 00:17:32,051
ang trilobite mating grounds,

123
00:17:32,843 --> 00:17:36,013
kung saan libo-libo
ang nagsasama-sama para magparami.

124
00:17:38,724 --> 00:17:43,145
Sa kuwento ng buhay,
naging matagumpay talaga ang baluti

125
00:17:43,228 --> 00:17:46,482
na ngayon,
halos 80 porsiyento ng lahat ng hayop,

126
00:17:46,565 --> 00:17:50,694
kabilang ang mga insekto,
gagamba, at alimango,

127
00:17:50,778 --> 00:17:53,739
may kaugnayan
sa sinaunang arthropod na ito.

128
00:17:57,493 --> 00:18:01,288
Pero di sila kinayang protektahan
ng baluti laban sa lahat.

129
00:18:08,003 --> 00:18:13,592
468 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

130
00:18:18,222 --> 00:18:23,102
Apatnapung milyong taon ang lumipas at
nagsimula na ang bagong panahon ng buhay,

131
00:18:24,686 --> 00:18:27,815
mas marami pa
ang pagkakaiba-iba kaysa sa dati.

132
00:18:32,361 --> 00:18:35,364
Dito, talagang matibay pa
ang mga trilobite,

133
00:18:36,156 --> 00:18:38,867
pero mas matibay ang baluti nila…

134
00:18:42,830 --> 00:18:48,418
dahil sa bahurang ito, nagmumula
ang panganib sa bagong uri ng mandaragit.

135
00:19:00,931 --> 00:19:04,143
Mga ninuno ng modernong pugita at pusit,

136
00:19:05,769 --> 00:19:11,483
parte ng dinastiyang cephalopods
itong mga higanteng may galamay.

137
00:19:21,160 --> 00:19:25,372
Ang pinakamalaki, na may shell
na walong metro ang haba,

138
00:19:26,498 --> 00:19:28,125
Cameroceras.

139
00:19:36,133 --> 00:19:39,553
Lumiliit ang trilobite kumpara
sa matayog na nanghuhuli.

140
00:19:42,431 --> 00:19:45,392
Pero di sila mapanganib
dahil sa laki nila.

141
00:19:50,814 --> 00:19:55,360
Nakagawa ng bagong paraan ang Cameroceras
para manghuli ng biktima nila…

142
00:19:57,821 --> 00:19:59,615
kahit di nila nakikita…

143
00:20:08,957 --> 00:20:13,837
dahil sa katubigang ito, di lang sila
nanghuhuli gamit ang paningin,

144
00:20:15,464 --> 00:20:16,590
pero paghawak din.

145
00:20:28,018 --> 00:20:32,898
Ang magagawa lang
ng trilobite, subukang hindi sila maabot.

146
00:20:52,376 --> 00:20:54,378
Dahil sa mala-gunting na tuka nila

147
00:20:55,170 --> 00:20:58,006
na tumatagos sa pinakamatibay na baluti,

148
00:20:59,341 --> 00:21:02,511
naghahari ang Cameroceras
sa mga dagat na ito.

149
00:21:05,138 --> 00:21:08,308
Bagaman, may isa pa
na bagong dating na bigatin.

150
00:21:14,106 --> 00:21:16,817
May mukha ng permanenteng sorpresa,

151
00:21:18,610 --> 00:21:20,988
ito ang Arandaspis…

152
00:21:23,782 --> 00:21:25,742
isang sinaunang uri ng isda.

153
00:21:30,706 --> 00:21:33,000
Wala pa itong panga,

154
00:21:33,917 --> 00:21:36,253
kaya sinisipsip lang nito ang mga dumi.

155
00:21:40,632 --> 00:21:42,467
Pero ang pag-unlad nito

156
00:21:43,343 --> 00:21:45,804
ang magbabago ng takbo ng kasaysayan.

157
00:21:52,561 --> 00:21:58,150
May bagong panloob na kalansay ito
na ginagawa itong mabilis at maliksi.

158
00:22:00,110 --> 00:22:01,486
Isang gulugod.

159
00:22:03,196 --> 00:22:05,574
Bagama't wala masyadong dating,

160
00:22:06,158 --> 00:22:10,829
ang mga isda tulad ng Arandaspis ang
pagmumulan ng lahat ng ibang vertebrates:

161
00:22:11,788 --> 00:22:16,418
amphibians, mga reptilya,
mammals, at mga ibon.

162
00:22:20,714 --> 00:22:25,469
Pero sa ngayon, ang vertebrates,

163
00:22:26,219 --> 00:22:29,514
nasa simula pa lang
ng napakahabang paglalakbay.

164
00:22:39,733 --> 00:22:44,946
445 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

165
00:22:47,616 --> 00:22:52,704
Pagkalipas ng dalawampung milyong taon,
napakatinding hamon ang hinarap ng buhay…

166
00:22:59,252 --> 00:23:02,881
nang biglang lumamig ang klima…

167
00:23:08,512 --> 00:23:12,307
isang pagbabagong
may masamang kahihinatnan.

168
00:23:32,035 --> 00:23:36,706
Unti-unting naging yelo ang dagat.

169
00:23:52,722 --> 00:23:56,518
Para sa mga naninirahan
sa dating tropikal na tubig ng Earth,

170
00:23:57,436 --> 00:24:00,105
isa itong sakuna.

171
00:24:19,040 --> 00:24:22,794
Naging malamig na sementeryo
ang mababaw na parte ng dagat.

172
00:24:26,673 --> 00:24:29,885
Ang unang malawakang pagkalipol sa mundo.

173
00:24:41,188 --> 00:24:46,693
Dulot ng 60% na pagbaba ng carbon dioxide
ang nakamamatay na pagyeyelo.

174
00:24:49,946 --> 00:24:52,574
Wala itong greenhouse gas para magpainit,

175
00:24:52,657 --> 00:24:55,410
nasadlak ang planeta sa ice age.

176
00:25:01,917 --> 00:25:05,754
Tatagal ito ng 200,000 taon.

177
00:25:15,847 --> 00:25:20,101
Sa kasagsagan nito, nabalot
sa yelo ang halos kalahati ng mundo,

178
00:25:21,019 --> 00:25:26,608
na nagdulot ng pagkamatay
ng 85 porsiyento ng lahat ng buhay,

179
00:25:27,651 --> 00:25:31,488
naglaho sa family tree natin
magpakailanman.

180
00:25:38,662 --> 00:25:40,664
Sa pagkawala ng tropical shallows,

181
00:25:40,747 --> 00:25:44,501
ang nakakalangoy sa mas malalim na tubig
ang iilang nakaligtas.

182
00:25:52,133 --> 00:25:54,261
Mga hayop tulad ng nautilus,

183
00:25:54,344 --> 00:25:57,597
isang mas maliit na kamag-anak
ng higanteng Cameroceras.

184
00:26:04,688 --> 00:26:08,066
Una itong umunlad
daan-daang milyong taon na ang nakaraan,

185
00:26:08,692 --> 00:26:10,819
pero mayroon pa rin hanggang ngayon.

186
00:26:14,322 --> 00:26:19,452
Utang nito ang tagumpay sa di nagbabagong
kalikasan ng malalim na karagatan.

187
00:26:21,371 --> 00:26:26,251
Sa 600 metrong lalim,
bihirang nag-iiba ang temperatura,

188
00:26:26,334 --> 00:26:29,212
kaya isa itong kanlungan ng katatagan.

189
00:26:32,007 --> 00:26:34,342
Nang sumapit ang Ice Age,

190
00:26:35,010 --> 00:26:38,221
lahat ng uri ng hayop,
nagtungo sa kailaliman.

191
00:26:40,849 --> 00:26:44,477
Pero ang mga cephalopod ang umunlad.

192
00:26:52,193 --> 00:26:55,655
Ngayon, marami pa rin
ang nagmumulto sa malalim na dagat…

193
00:26:58,783 --> 00:27:01,953
kabilang ang pugita at pusit.

194
00:27:08,251 --> 00:27:13,131
Ang malagkit na katawan nila, di apektado
ng matinding presyon ng kalaliman.

195
00:27:17,260 --> 00:27:22,682
At hinayaan sila ng matinding pandama
nilang mahanap ang daan sa dilim.

196
00:27:27,145 --> 00:27:29,814
Wala nang shells na makakapigil,

197
00:27:29,898 --> 00:27:34,486
umunlad sila
sa halos lahat ng laki at hugis.

198
00:27:42,535 --> 00:27:46,122
Pero hindi lang sa kanila
ang madilim na mundong ito.

199
00:27:51,211 --> 00:27:55,048
Dito rin nakatira ang mga arthropod,
tulad ng spider crab na ito.

200
00:27:58,093 --> 00:28:00,720
Kinakapa nila ang sahig ng karagatan.

201
00:28:04,474 --> 00:28:06,935
Kasama nila, mga vertebrate.

202
00:28:09,854 --> 00:28:14,192
Dahil konti lang ang makakain,
dito sa baba, pambihira sila.

203
00:28:18,113 --> 00:28:22,742
Halos 10 porsiyento lang
ng isda ngayon ang nakatira sa kailaliman.

204
00:28:26,788 --> 00:28:29,165
Hindi sila magaling sa lugar na ito…

205
00:28:31,626 --> 00:28:37,590
di tulad ng mga cephalopod, na halos
perpekto nang mandaragit sa kailaliman…

206
00:28:45,515 --> 00:28:48,810
bagay na malapit nang matuklasan
ng hipon na ito.

207
00:29:01,823 --> 00:29:06,745
Sa paligid nito, kumikinang
ang tubig sa bioluminescent plankton.

208
00:29:09,330 --> 00:29:14,419
Anumang kaguluhan, at sa pinakamaikling
sandali, lumiliwanag ang mga ito.

209
00:29:20,800 --> 00:29:22,427
Pero may kasama ang hipon.

210
00:29:27,515 --> 00:29:29,684
Isang pusit na nakatago ang kalahati

211
00:29:30,435 --> 00:29:32,103
ang nanonood ng palabas.

212
00:29:34,939 --> 00:29:39,778
Dahil sa malalaking mata nito,
nakakakita ito nang mabuti sa dilim.

213
00:29:49,871 --> 00:29:55,335
Tinitingnan ang mga maliwanag na tuldok,
nasusundan nito ang bawat galaw ng hipon.

214
00:29:57,837 --> 00:30:01,257
Tumitiyempo lang ito.

215
00:30:22,320 --> 00:30:25,031
Hindi ito inasahan ng hipon.

216
00:30:34,499 --> 00:30:37,293
Dahil sa pambihirang pandama nito,

217
00:30:37,377 --> 00:30:43,258
hindi nakakagulat na nagtagumpay
sa malamig at madilim na mundo ang pusit.

218
00:30:45,969 --> 00:30:48,847
Pero para sa mga nabuhay noong Ice Age,

219
00:30:49,597 --> 00:30:51,891
nagsimula nang uminit.

220
00:30:58,940 --> 00:31:03,194
444 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

221
00:31:05,154 --> 00:31:08,408
Noong 200,000 taon nang
tapos ang malawakang pagyeyelo,

222
00:31:10,451 --> 00:31:13,872
lumitaw sa yelo ang asul na ugat.

223
00:31:19,127 --> 00:31:19,961
Tubig.

224
00:31:22,589 --> 00:31:26,009
Tumaas na ulit ang carbon dioxide,

225
00:31:27,719 --> 00:31:30,889
na nagdulot ng pagtaas
ng temperatura sa mundo.

226
00:31:31,764 --> 00:31:34,309
Nagsimula na ang malawakang pagtunaw.

227
00:31:36,519 --> 00:31:40,398
Mabagal sa simula,
bumilis ang paglusaw ng yelo.

228
00:31:50,658 --> 00:31:55,538
Hindi nagtagal, ang mga glacier
na may taas na daan-daang metro,

229
00:31:55,622 --> 00:31:58,249
umagos sa umiinit na dagat.

230
00:32:07,884 --> 00:32:09,928
Sa loob ng ilang libong taon,

231
00:32:10,011 --> 00:32:14,307
halos kalahati ng yelo
sa planeta ang natunaw.

232
00:32:15,600 --> 00:32:19,771
Ilang libong taon pa, nawala na ang lahat.

233
00:32:26,194 --> 00:32:29,072
Para sa mga nagtago sa kailaliman,

234
00:32:29,155 --> 00:32:31,699
ngayon na ang pagkakataong bumalik.

235
00:32:39,624 --> 00:32:42,251
Sa baybayin ng modernong Australia,

236
00:32:43,586 --> 00:32:47,006
batang higanteng cuttlefish ito.

237
00:32:48,758 --> 00:32:51,386
Gaya ng mga ninuno niya mula sa Ice Age,

238
00:32:51,469 --> 00:32:54,555
pumunta siya sa mababaw
para maghanap ng kapares.

239
00:33:00,395 --> 00:33:02,689
Pero may mga nauna na sa kanya rito…

240
00:33:07,402 --> 00:33:10,029
kabilang ang isang alpha na lalaki…

241
00:33:13,157 --> 00:33:16,411
nagseselos na pinoprotektahan
ang pinili niyang kapares.

242
00:33:20,081 --> 00:33:23,584
At wala siyang balak makihati.

243
00:33:30,508 --> 00:33:33,803
Pero di nagpapapigil
ang mas maliit na lalaki.

244
00:33:35,888 --> 00:33:38,933
Sa halip, naghihintay siya

245
00:33:40,393 --> 00:33:41,519
at nanonood

246
00:33:43,479 --> 00:33:46,607
sa pagpasok ng bagong lalaki sa arena…

247
00:33:48,776 --> 00:33:50,862
at paghudyat ng kanyang intensyon…

248
00:33:53,197 --> 00:33:54,907
para hamunin ang alpha.

249
00:34:02,165 --> 00:34:06,753
Dahil walang umaatras,
hindi maiiwasan ang away…

250
00:34:14,510 --> 00:34:18,473
na nagbibigay-daan
sa batang lalaki para kumilos.

251
00:34:26,397 --> 00:34:30,026
Habang papalapit,
isinisiksik niya ang mga galamay niya

252
00:34:30,985 --> 00:34:32,695
at nagbabago ng kulay…

253
00:34:34,906 --> 00:34:36,657
para magaya nang mabuti

254
00:34:38,034 --> 00:34:39,368
ang isang babae.

255
00:34:42,622 --> 00:34:45,458
Gamit ang utak, hindi ang lakas,

256
00:34:45,541 --> 00:34:47,919
makakalusot siya.

257
00:34:56,886 --> 00:35:01,474
Iniisip ng alpha na di lang isang babae
ang binabantayan niya…

258
00:35:04,477 --> 00:35:05,478
kundi dalawa.

259
00:35:10,316 --> 00:35:13,611
Wala siyang kamalay-malay
na ang tusong pakialamero,

260
00:35:14,487 --> 00:35:18,032
nilalahian na ang napili niyang kapares.

261
00:35:32,630 --> 00:35:36,759
Ang natatanging talino
at pambihirang pandama nila,

262
00:35:36,843 --> 00:35:41,430
nakatulong sa mga cephalopod
na masakop ang bawat karagatan sa Earth.

263
00:35:50,982 --> 00:35:52,692
Gayunpaman, sa mababaw,

264
00:35:52,775 --> 00:35:57,238
bihirang sila ang nangungunang mandaragit
katulad ng matayog na ninuno nila…

265
00:36:01,159 --> 00:36:03,619
dahil sa sinaunang dagat,

266
00:36:04,912 --> 00:36:08,249
nagkaroon ng pagpapalit ng pinuno.

267
00:36:15,673 --> 00:36:21,512
374 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

268
00:36:22,430 --> 00:36:25,391
Pitumpung milyong taon
pagkatapos ng great melt,

269
00:36:25,474 --> 00:36:28,561
sa panahon na kilala bilang Devonian,

270
00:36:28,644 --> 00:36:31,230
kumilos ang mga vertebrate.

271
00:36:37,737 --> 00:36:40,489
Ito ang Dunkleosteus…

272
00:36:43,284 --> 00:36:46,787
isang inapo ng munting Arandaspis.

273
00:36:49,582 --> 00:36:54,503
Pero sa siyam na metrong haba,
hindi dehado ang isang ito.

274
00:36:59,592 --> 00:37:04,764
Kahit ang mga batang halos kalahati
ang laki, nakakatakot na mandaragit.

275
00:37:09,435 --> 00:37:13,898
At may nakita sa kaasulan ang batang ito…

276
00:37:17,360 --> 00:37:18,569
ammonoids,

277
00:37:19,820 --> 00:37:23,991
kamag-anak ng modernong deep-sea nautilus.

278
00:37:33,042 --> 00:37:34,585
Bilang isang vertebrate,

279
00:37:34,669 --> 00:37:38,631
may bilis ang Dunkleosteus
na kaya silang abutan.

280
00:37:45,763 --> 00:37:49,392
Pero ang mga ammonoid,
may sariling panlilinlang…

281
00:37:51,936 --> 00:37:53,729
jet propulsion.

282
00:37:55,106 --> 00:37:58,276
Sakto lang
para makaiwas ito sa batang isda.

283
00:38:06,284 --> 00:38:08,327
Habang nagsisimula itong umikot…

284
00:38:10,288 --> 00:38:12,415
ganoon din ang ginagawa ng ammonoid…

285
00:38:16,002 --> 00:38:18,379
tinatago ang katawan sa sariling shell.

286
00:38:25,678 --> 00:38:29,181
Kung noong unang panahon ito,
gumana sana ang depensang ito.

287
00:38:29,932 --> 00:38:34,020
Pero may sandata ang Dunkleosteus
na wala ang maliliit na ninuno nito…

288
00:38:38,065 --> 00:38:39,066
mga panga.

289
00:38:40,568 --> 00:38:44,113
Kaya nitong kagatin
at durugin ang biktima niya.

290
00:38:49,952 --> 00:38:52,455
Basta makahanap lang ito
ng tamang anggulo.

291
00:39:10,222 --> 00:39:12,099
Masuwerte ang ammonoid,

292
00:39:12,183 --> 00:39:15,978
di pa malakas ang mga panga
ng bata para mabali ang shell nito.

293
00:39:19,482 --> 00:39:22,276
Pero kaya na ng matatanda.

294
00:39:37,541 --> 00:39:42,922
Panalong kombinasyon ang pagpapares
ng mga gulugod at mga panga,

295
00:39:44,090 --> 00:39:47,468
sa sobrang perpekto,
simula sa puntong ito,

296
00:39:48,135 --> 00:39:52,139
di na babalik sa dati ang mga vertebrate.

297
00:40:02,525 --> 00:40:05,986
Ngayon, mahigit 30,000 na ang uri ng isda.

298
00:40:11,033 --> 00:40:14,578
Mas marami nang forty times
sa mga cephalopod.

299
00:40:22,545 --> 00:40:24,880
Nakakamangha man ang pagkakaiba nila…

300
00:40:27,258 --> 00:40:30,136
may perpektong kombinasyon
pa rin ang bawat isa.

301
00:40:33,055 --> 00:40:35,808
May bilis at lakas sila
mula sa mga gulugod…

302
00:40:38,060 --> 00:40:39,645
kahit gaano sila kalaki,

303
00:40:43,315 --> 00:40:46,986
at nakakakagat sila
dahil sa mga panga nila.

304
00:40:50,698 --> 00:40:52,950
Pero higit pa riyan ang mga panga.

305
00:40:55,411 --> 00:40:58,831
Pinoprotektahan ng ilang isda
ang mga itlog nila gamit ang mga ito.

306
00:41:02,751 --> 00:41:05,087
Ang iba para makaakit ng kapares.

307
00:41:12,720 --> 00:41:15,681
Tapos may sarcastic fringehead.

308
00:41:21,437 --> 00:41:24,773
Di lang niya ginagamit ang kanya
para manghuli ng mga alimango.

309
00:41:33,157 --> 00:41:38,370
Ginagamit din niya ang mga ito para sa
isang nakakatakot na palabas ng kalikasan,

310
00:41:41,916 --> 00:41:44,793
para mapaalis ang mga kalaban niya.

311
00:41:53,260 --> 00:41:57,306
Para sa mga isdang ito,
nakasalalay ang lahat sa laki.

312
00:42:21,539 --> 00:42:25,918
Malalaking panga ang naging daan para
maghari ang fringehead sa lugar niya,

313
00:42:26,752 --> 00:42:33,217
pero ito rin ang naging sanhi para mamuno
sa tubig ang kinatatakutang grupo ng isda.

314
00:42:40,641 --> 00:42:44,770
Mahigit 400 milyong taon na
ang lumipas mula noong una silang lumitaw

315
00:42:45,729 --> 00:42:48,607
at kinatatakutan na sila simula noon.

316
00:42:54,905 --> 00:42:55,823
Sila ang

317
00:42:57,449 --> 00:42:58,617
mga pating.

318
00:43:03,038 --> 00:43:06,166
Sa panalong kombinasyon
ng mga gulugod at panga,

319
00:43:07,501 --> 00:43:10,087
nagdagdag sila
ng pandamang sobrang matalas,

320
00:43:10,170 --> 00:43:13,632
nararamdaman nila ang biktimang
daan-daang metro ang layo.

321
00:43:16,760 --> 00:43:20,347
Dahil marami rin
ang may ipinagmamalaking laki at lakas,

322
00:43:21,390 --> 00:43:27,438
sila na ang pinakamalapit sa pagiging
perpektong mandaragit sa karagatan.

323
00:43:41,160 --> 00:43:44,121
Sa dagat sa Western Australia,

324
00:43:44,204 --> 00:43:47,333
nagsasama-sama
ang mga isdang ito para sa proteksiyon.

325
00:43:50,336 --> 00:43:52,379
Pero nagpipigil ang mga pating…

326
00:43:54,757 --> 00:43:58,344
dahil may espesyal sila
na plano ng pag-atake.

327
00:44:05,726 --> 00:44:08,145
Parang nagtatrabaho bilang isang pangkat,

328
00:44:08,228 --> 00:44:13,233
umaangat mula sa baba ang ilang pating
para bitagin ang mga isda sa ibabaw.

329
00:44:16,820 --> 00:44:18,739
Pumapasok mula sa gilid ang iba,

330
00:44:20,324 --> 00:44:25,371
hinuhuli ang mga isda
mula sa karagatan at papunta sa mababaw.

331
00:44:33,629 --> 00:44:35,506
Daan-daan na ang bilang,

332
00:44:36,423 --> 00:44:38,175
naghihintay ang mga pating…

333
00:44:42,012 --> 00:44:45,557
habang lalo pang napapagod
ang mga biktima nila.

334
00:44:58,237 --> 00:45:02,366
Isa itong pamamaraan ng panghuhuling
milyon-milyong taon nang hinahasa.

335
00:45:04,952 --> 00:45:08,539
Pero ang patayan,
nagsisimula sa isang kisap-mata.

336
00:45:51,123 --> 00:45:54,084
Halos di nagbago
mula noong malawakang pagtunaw,

337
00:45:55,335 --> 00:45:59,423
isa sa pinakamatagumpay na dinastiya
sa kasaysayan ang mga pating.

338
00:46:03,927 --> 00:46:08,640
Pero utang nila ang pag-angat nila sa
pagbagsak ng pinakamalaking karibal nila.

339
00:46:17,274 --> 00:46:21,195
360 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

340
00:46:26,742 --> 00:46:29,036
Sa mga sinaunang dagat,

341
00:46:29,119 --> 00:46:33,373
naghari ang Dunkleosteus
sa loob ng 20 milyong taon.

342
00:46:37,586 --> 00:46:41,673
Napakabangis na mandaragit,
walang laban kahit ang sinaunang pating.

343
00:46:47,554 --> 00:46:51,517
Pero nagdusa ang Dunkleosteus
mula sa nakakasirang biro ng tadhana…

344
00:46:57,648 --> 00:46:59,608
dulot ng plankton.

345
00:47:02,820 --> 00:47:04,822
Bilyon-bilyong taon ang nakalipas,

346
00:47:04,905 --> 00:47:07,699
ang plankton ang nagsimula
ng buhay ng hayop.

347
00:47:11,078 --> 00:47:14,790
Pero ngayon, muntik na nilang tapusin ito.

348
00:47:20,003 --> 00:47:23,173
Dahil sa biglaang pagtaas
ng sustansya sa karagatan,

349
00:47:23,257 --> 00:47:27,052
tumaas ang populasyon ng plankton…

350
00:47:30,472 --> 00:47:32,474
sa sukatang hindi pa naabot dati.

351
00:47:40,732 --> 00:47:46,697
Sa pagkalat nito sa kababawang naaarawan,
nagsimulang mabulok ang makapal na sabaw…

352
00:47:49,575 --> 00:47:52,494
na nagdulot ng pagbagsak
ng oxygen sa karagatan.

353
00:48:02,421 --> 00:48:08,135
Sa pagkawala nitong mahalagang sangkap ng
buhay, nahirapang huminga ang mga hayop.

354
00:48:18,312 --> 00:48:23,775
Para sa mga hindi nakatakas sa putik,
isa lang ang posibleng kahinatnan…

355
00:48:26,612 --> 00:48:27,654
pagkalipol.

356
00:48:31,033 --> 00:48:35,370
Isa ang Dunkleosteus
sa maraming nawala sa planeta natin.

357
00:48:47,090 --> 00:48:51,094
Sa buong mundo,
nagkalat ang mga patay sa tabing-dagat.

358
00:49:03,774 --> 00:49:08,028
Iilang masuwerte lang,
kabilang ang mga pating,

359
00:49:08,111 --> 00:49:09,655
ang nakaligtas.

360
00:49:21,917 --> 00:49:27,005
Sa kabuuan, 80 porsiyento
ng buhay sa dagat ang nalipol dito,

361
00:49:27,089 --> 00:49:30,300
sa pangalawang malawakang pagkalipol
sa mundo.

362
00:49:35,097 --> 00:49:38,976
At kalahati pa lang ito ng kuwento.

363
00:49:43,480 --> 00:49:47,067
Ang mga sustansya
na naging sanhi ng pagsabog ng plankton,

364
00:49:48,068 --> 00:49:50,278
hindi nagsimula sa dagat.

365
00:49:53,991 --> 00:49:56,785
Nadala sila roon mula sa lupain…

366
00:50:01,623 --> 00:50:07,754
inilabas ng mga halaman sa isa sa mga
pinakanakakamanghang pangyayari sa lahat…

367
00:50:15,554 --> 00:50:18,598
ang pagbeberde ng planetang Earth.

368
00:50:24,396 --> 00:50:26,982
Ang dating volcanic wasteland,

369
00:50:28,316 --> 00:50:32,070
umaapaw na sa buhay ngayon.

370
00:50:36,450 --> 00:50:40,120
At nag-alok
ang bagong mundong ito ng pagkakataon.

371
00:50:42,622 --> 00:50:45,000
Kung saan nagbigay-daan ang mga halaman,

372
00:50:45,876 --> 00:50:48,128
susunod ang mga hayop.

373
00:50:51,965 --> 00:50:58,055
At di magtatagal, magsisimula na
ang karera sa pangingibabaw sa lupain.

374
00:52:50,041 --> 00:52:53,003
Tagapagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol

