1
00:00:13,638 --> 00:00:17,100
Noong panahong 252 milyong taon na
ang nakalipas…

2
00:00:18,685 --> 00:00:21,813
at namamatay na ang planeta natin.

3
00:00:30,488 --> 00:00:36,244
Ang pinakamalaking pagkalipol
sa kasaysayan, ginawang baog ang mundo…

4
00:00:38,288 --> 00:00:40,081
at lubha itong pinatahimik.

5
00:00:56,181 --> 00:01:00,351
Pero ito ang kuwento ng iilan…

6
00:01:03,980 --> 00:01:05,273
na nakaligtas.

7
00:02:24,853 --> 00:02:31,151
252 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

8
00:02:35,780 --> 00:02:38,575
Ang simula ng Triassic Period…

9
00:02:41,327 --> 00:02:45,331
at ang mga apoy na ilog,
unti-unti nang humuhupa.

10
00:02:50,795 --> 00:02:51,880
Susunod sa kanila,

11
00:02:52,589 --> 00:02:58,303
ang palamig nang lava, bumabalot sa lugar
na kalahati ng sukat ng Estados Unidos…

12
00:03:01,264 --> 00:03:05,018
sa crust na may lalim
ng hanggang tatlong kilometro.

13
00:03:10,190 --> 00:03:15,904
Dahil sa mga gas ng bulkan,
tumaas na ang global temperatures.

14
00:03:20,283 --> 00:03:22,202
Ang mga kagubatan at bahura,

15
00:03:23,870 --> 00:03:25,371
nawasak na rin.

16
00:03:42,430 --> 00:03:45,475
Daan-daang milyong taon ng ebolusyon,

17
00:03:47,227 --> 00:03:48,353
wala na.

18
00:03:55,193 --> 00:03:56,402
Pero nandito,

19
00:03:57,862 --> 00:04:00,240
nakatago sa madilim na tanawin…

20
00:04:02,283 --> 00:04:04,369
ang pagkakataon.

21
00:04:06,496 --> 00:04:13,044
Dahil may isang anyo ng buhay
na lumalago sa patay na organikong bagay…

22
00:04:17,173 --> 00:04:18,258
fungi.

23
00:04:28,935 --> 00:04:32,230
Apocalyptic na libingan na ang mundo,

24
00:04:34,148 --> 00:04:36,985
kaya namayagpag ang fungi.

25
00:04:42,699 --> 00:04:45,493
At sa loob ng ilang libong taon…

26
00:04:48,621 --> 00:04:50,915
ang mga simpleng organismong ito

27
00:04:51,833 --> 00:04:54,085
ang naging dominanteng anyo ng buhay

28
00:04:55,712 --> 00:04:56,754
sa Earth.

29
00:05:15,732 --> 00:05:19,277
Pero hindi lahat ng nakaligtas
sa Permian extinction,

30
00:05:19,986 --> 00:05:22,655
umasa sa kamatayan para sa tagumpay nila.

31
00:05:27,618 --> 00:05:29,579
Isang hamak na nilalang

32
00:05:30,413 --> 00:05:34,959
ang nakatagpo ng perpektong puwesto
para sakupin ang mundo.

33
00:05:46,179 --> 00:05:47,847
Lystrosaurus…

34
00:05:52,310 --> 00:05:54,937
isang sinaunang ninuno ng mammal.

35
00:05:57,732 --> 00:06:00,735
Itong mausisa at kasinglaki
ng baboy na nilalang,

36
00:06:01,778 --> 00:06:04,072
sanay sa paghuhukay sa ilalim ng lupa

37
00:06:04,655 --> 00:06:07,283
at paghahanap ng kanlungan sa mga kuweba,

38
00:06:09,077 --> 00:06:10,912
pamumuhay na nagligtas dito

39
00:06:11,871 --> 00:06:14,207
noong namamatay ang ibang hayop.

40
00:06:27,011 --> 00:06:29,514
Dating mahinang dehado,

41
00:06:29,597 --> 00:06:35,478
isa na sila sa iilang masuwerte
na nakaligtas sa Armageddon.

42
00:06:42,693 --> 00:06:46,406
Sa dami ng mga halaman
na nasira dahil sa pagkalipol,

43
00:06:47,698 --> 00:06:50,159
mahirap na maghanap ng pagkain.

44
00:06:56,416 --> 00:06:59,001
Pero matibay ang Lystrosaurus

45
00:07:00,002 --> 00:07:03,005
at nakakahanap sila
ng pagkain sa malalaking lugar.

46
00:07:22,650 --> 00:07:24,610
Palagi silang gumagalaw,

47
00:07:25,903 --> 00:07:30,908
naghahanap ng mga ugat, lamang-lupa,
at maliliit na bulsa ng muling pagtubo.

48
00:07:55,641 --> 00:07:58,603
Pero hindi lang sila
ang nakaligtas na mga hayop.

49
00:08:02,773 --> 00:08:05,735
Ang buhay, sa iba't ibang anyo,

50
00:08:07,653 --> 00:08:09,155
nakahanap ng paraan.

51
00:08:13,618 --> 00:08:17,246
Ang simple pero madaling sabayan
na pamumuhay ng Lystrosaurus,

52
00:08:18,206 --> 00:08:20,625
umani ng mga kahanga-hangang gantimpala.

53
00:08:23,002 --> 00:08:27,423
Dahil sa konting kompetisyon
at kawalan ng malalaking mandaragit,

54
00:08:28,007 --> 00:08:32,970
binago ito ng mga pagsabog ng bulkan
mula sa pagiging hamak na tagahukay…

55
00:08:36,474 --> 00:08:39,894
hanggang sa pagiging hayop
na nagmana ng Earth.

56
00:08:53,533 --> 00:08:56,202
Sa mga taon pagkatapos ng mass extinction,

57
00:08:57,578 --> 00:09:03,000
naging tatlong-kapat sila
ng lahat ng vertebrate na buhay sa lupa,

58
00:09:05,253 --> 00:09:09,006
isang bagay
na hindi pa nagawa ng ibang hayop.

59
00:09:17,431 --> 00:09:20,434
Pero hindi tumagal ang paghahari nila,

60
00:09:21,644 --> 00:09:24,772
dahil may isa pang nakaligtas
sa malawakang pagkalipol

61
00:09:24,855 --> 00:09:26,148
na paangat,

62
00:09:27,275 --> 00:09:31,904
salamat sa malalaking pagbabago
sa mismong kayarian ng planeta natin.

63
00:09:38,911 --> 00:09:41,455
Sa loob ng sampung milyong taon,

64
00:09:41,539 --> 00:09:44,625
nagtagpu-tagpo
ang mga kontinente ng Earth,

65
00:09:46,210 --> 00:09:50,256
lumikha ng malawak na karagatan
sa isang panig ng mundo…

66
00:09:52,800 --> 00:09:56,637
at isang napakalawak na lupain sa kabila,

67
00:09:58,264 --> 00:10:01,350
ang supercontinent ng Pangaea.

68
00:10:16,824 --> 00:10:19,535
Ang pagkatuyong nagsimula
sa nakaraang panahon,

69
00:10:21,537 --> 00:10:24,457
pinalala pa ng matinding init.

70
00:10:38,512 --> 00:10:42,391
Tumataas ang temperatura
sa 60 degrees Celsius.

71
00:10:51,025 --> 00:10:53,778
Ginagalugad ng sandstorms ang loob.

72
00:10:59,450 --> 00:11:02,745
Tumataas ang mga buhangin
nang mahigit isang kilometro…

73
00:11:15,341 --> 00:11:19,679
unti-unting binubuo ang pinakamalaki
at pinakamapanganib na disyerto

74
00:11:19,762 --> 00:11:21,639
na nakita ng planeta.

75
00:11:30,481 --> 00:11:34,944
Pero sa gilid ng baog
at walang buhay na lugar na ito,

76
00:11:35,945 --> 00:11:39,365
may umangat
na isa pang grupo ng mga nakaligtas.

77
00:11:47,832 --> 00:11:51,836
At nangingibabaw pa rin sila
sa mga disyerto ngayon.

78
00:12:02,888 --> 00:12:06,684
Ito ang Atacama sa South America.

79
00:12:12,690 --> 00:12:16,694
Disyerto na rito
mula pa noong Triassic Period.

80
00:12:18,988 --> 00:12:22,992
Ilang dekada nang walang ulan
sa ilang parte nito,

81
00:12:24,410 --> 00:12:27,872
pero may isang uri
ng hayop na namamayagpag dito.

82
00:12:33,461 --> 00:12:34,462
Mga butiki.

83
00:12:38,048 --> 00:12:43,929
Mga reptilya silang lubos na angkop
sa tuyong kapaligirang ito.

84
00:12:48,142 --> 00:12:50,519
Matigas at makaliskis ang balat nila,

85
00:12:51,020 --> 00:12:53,522
kaya hindi sila natutuyo sa sikat ng araw.

86
00:12:56,525 --> 00:12:59,820
Sa halip, tinutulungan sila ng araw…

87
00:13:04,241 --> 00:13:08,788
pinapainit ang malamig na dugo nila
para maabot nila ang pangkarerang bilis.

88
00:13:15,669 --> 00:13:20,508
Pero kahit ang mga reptilya sa disyerto,
kailangan munang pawiin ang uhaw nila.

89
00:13:29,391 --> 00:13:32,895
Umaagos na tubig sa lupa.

90
00:13:38,317 --> 00:13:44,365
Sa kasamaang palad, itong mga butas
ng tubig, halos kasing-alat ng Dead Sea.

91
00:13:50,204 --> 00:13:53,165
Ang pag-inom nito, hatol ng kamatayan…

92
00:13:55,167 --> 00:13:59,463
kaya kumuha ng tubig ang mga butiki
mula sa hindi inasahang mapagkukunan,

93
00:14:00,297 --> 00:14:04,134
isang hayop na nakaligtas din
ang mga ninuno mula sa Armageddon.

94
00:14:08,514 --> 00:14:12,017
Lubhang tinamaan
ang mga insekto sa malawakang pagkalipol,

95
00:14:12,101 --> 00:14:14,395
pero may mga nakalusot.

96
00:14:16,480 --> 00:14:20,776
Ngayon, ang brine flies na ito,
dalubhasa sa asin,

97
00:14:21,652 --> 00:14:23,571
nakakapag-alis ng asin sa tubig,

98
00:14:24,488 --> 00:14:29,994
at sa proseso,
nagiging perpekto silang mga bote ng tubig

99
00:14:30,828 --> 00:14:31,954
para sa mga butiki.

100
00:14:41,130 --> 00:14:44,592
Ang hamon, mahuli sila.

101
00:15:10,159 --> 00:15:11,118
Sa wakas.

102
00:15:28,761 --> 00:15:31,347
Pero nang akalain nitong magaling na siya,

103
00:15:32,431 --> 00:15:35,017
may parating nang gulo.

104
00:15:37,853 --> 00:15:42,441
Mabenta ang mga lugar na ito
kung saan magandang manakip ng langaw…

105
00:15:49,114 --> 00:15:53,035
at ayaw makihati ng mga tagaroon.

106
00:16:43,252 --> 00:16:44,294
Walang magagawa,

107
00:16:45,254 --> 00:16:47,423
pero sa teritoryo ng ibang butiki.

108
00:17:20,956 --> 00:17:22,875
Kumikilos na ang uhaw na butiki…

109
00:17:25,419 --> 00:17:27,796
sinusulit ang pagiging okupado nila…

110
00:17:32,176 --> 00:17:33,510
kahit gaano kaikli.

111
00:17:39,516 --> 00:17:42,102
Mga tunay na taga-disyerto,

112
00:17:42,186 --> 00:17:45,105
matapang at matatag ang mga butiki,

113
00:17:46,273 --> 00:17:48,776
gaya ng mga sinaunang ninuno nila.

114
00:17:54,239 --> 00:17:58,660
Pero noong Triassic,
mas malalaking reptilya

115
00:17:59,244 --> 00:18:01,789
ang nagpabago sa takbo ng kasaysayan.

116
00:18:03,207 --> 00:18:05,709
248 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

117
00:18:05,793 --> 00:18:09,463
Sa apat na milyong taon
matapos ang Permian extinction,

118
00:18:10,464 --> 00:18:13,217
nangibabaw ang Lystrosaurus.

119
00:18:17,846 --> 00:18:21,141
Lumitaw sila sa halos walang lamang mundo

120
00:18:23,060 --> 00:18:25,729
at inani ang mga gantimpala.

121
00:18:31,360 --> 00:18:33,987
Maganda ang buhay.

122
00:18:50,087 --> 00:18:52,798
Pero ang mga ninunong mammal na ito,

123
00:18:53,966 --> 00:18:57,511
konti lang ang kompetisyon
o mga mandaragit,

124
00:18:58,971 --> 00:19:00,139
hanggang ngayon.

125
00:19:20,075 --> 00:19:21,910
Sa paggaling ng planeta,

126
00:19:22,870 --> 00:19:26,331
lubhang lumaki ang ilang mga reptilya.

127
00:19:36,717 --> 00:19:39,011
Erythrosuchus ito.

128
00:19:41,013 --> 00:19:46,810
Halos tatlong metro'ng haba, ito'ng
pinakamalaking mandaragit sa panahon nito.

129
00:19:52,149 --> 00:19:55,819
Ang mga kawan
ng Lystrosaurus, madaling tirahin.

130
00:20:10,334 --> 00:20:14,338
Wala silang panlaban
sa bagong uri ng reptilyang ito…

131
00:20:18,383 --> 00:20:22,137
o kahit kaalaman sa panganib na dala nito.

132
00:20:45,244 --> 00:20:47,287
Tulad ng isang soro sa manukan,

133
00:20:47,371 --> 00:20:51,083
kayang pumatay ng Erythrosuchus
nang higit pa sa kailangan nito.

134
00:21:03,720 --> 00:21:07,057
Ang Lystrosaurus ang walang malay na dodo…

135
00:21:09,226 --> 00:21:10,519
ng panahon nito.

136
00:21:17,192 --> 00:21:20,529
Dahil sa kombinasyon
ng mga mandaragit at kompetisyon,

137
00:21:21,571 --> 00:21:25,659
ang Lystrosaurus,
mula sa ganap na paghahari ng planeta,

138
00:21:27,577 --> 00:21:28,996
humantong sa pagkalipol.

139
00:21:31,957 --> 00:21:35,168
Nawalan ng korona ang mga mammal.

140
00:21:38,880 --> 00:21:39,756
Ito…

141
00:21:42,801 --> 00:21:46,013
ang panahon ng mga reptilya.

142
00:22:06,742 --> 00:22:12,748
Sa ngayon,
may mahigit 10,000 species ng reptilya…

143
00:22:15,000 --> 00:22:19,254
pero hindi lahat nakakatakot
gaya ng mga ninuno nila.

144
00:22:26,720 --> 00:22:29,014
Dahil nagbago ang Earth…

145
00:22:30,766 --> 00:22:35,437
kinailangan ng mga reptilya
na sumabay sa mas masikip na mundo.

146
00:22:39,232 --> 00:22:41,693
At ang matigas at makaliskis na balat

147
00:22:41,777 --> 00:22:44,613
na tumulong sa pagsakop nila
sa mga disyerto ng Pangaea,

148
00:22:46,114 --> 00:22:49,910
nananatiling sekreto ng tagumpay nila.

149
00:22:52,287 --> 00:22:58,126
Para sa iba, dahil sa balat nila,
nagiging magaling sila magbalatkayo.

150
00:23:13,767 --> 00:23:18,855
Pero magagamit rin ang balat
para takutin ang anumang umaatake.

151
00:23:23,276 --> 00:23:28,407
Gayunpaman, may mga pagkakataon
na kailangan ng mas matitinding hakbang.

152
00:23:35,622 --> 00:23:37,874
Nakatakas nga ito sa ibon,

153
00:23:38,458 --> 00:23:42,003
pero hindi kilala ang mga butiki
sa galing nila sa paglangoy.

154
00:23:46,299 --> 00:23:52,264
Pero ang anole lizard ng Costa Rica,
may pambihirang paraan para makaligtas.

155
00:23:54,558 --> 00:24:00,605
Pag-exhale, lumilikha ito ng bulang
dumidikit sa balat nitong mahirap mabasa…

156
00:24:03,483 --> 00:24:06,862
bumubuo ng sarili nitong diving bell…

157
00:24:09,322 --> 00:24:12,242
at itinatago ito sa ilalim ng tubig

158
00:24:13,535 --> 00:24:16,246
nang hindi hihigit sa 15 minuto.

159
00:24:23,128 --> 00:24:27,799
Ang mga reptilya ngayon,
dalubhasa na sa pamumuhay sa mga gilid,

160
00:24:28,592 --> 00:24:32,012
mahirap isipin na dati silang
naghari sa planeta natin.

161
00:24:41,605 --> 00:24:44,816
Pero may serye ng mga isla sa Indonesia

162
00:24:46,651 --> 00:24:50,739
na nag-aalok ng sulyap
sa napakalayong nakaraan na iyon.

163
00:24:57,746 --> 00:25:01,500
Dahil dito,
mga butiki pa rin ang naghahari.

164
00:25:13,094 --> 00:25:16,973
Kamakailan lang napisa at mausisa na…

165
00:25:23,438 --> 00:25:28,193
nagsisimula ang buhay
ng batang ito sa paraiso ng butiki.

166
00:25:34,533 --> 00:25:36,618
Ang tanging problema niya…

167
00:25:39,579 --> 00:25:40,997
ang mga kamag-anak niya.

168
00:25:46,920 --> 00:25:50,257
Dahil isa itong batang Komodo dragon…

169
00:25:53,635 --> 00:25:56,763
at ang mga Komodo, mga cannibal…

170
00:26:00,183 --> 00:26:04,479
inaamoy ang hangin gamit ang sawang dila
para hanapin ang biktima nila.

171
00:26:13,196 --> 00:26:15,740
Para sa pinakamalalaking butiki sa mundo…

172
00:26:17,450 --> 00:26:21,121
perpektong meryenda ang mga baby dragon.

173
00:26:35,719 --> 00:26:39,389
Masuwerte siya,
ang pugad ng mga nakabaong Komodo egg,

174
00:26:41,141 --> 00:26:43,351
mas madaling kainin.

175
00:26:58,450 --> 00:27:03,079
Pero hindi nito mabubusog
ang halimaw na ito nang matagal.

176
00:27:19,471 --> 00:27:23,058
Pito o walong taon siya
na magtatago sa mga punong ito

177
00:27:24,809 --> 00:27:27,979
bago siya lumaki
para madepensahan ang sarili.

178
00:27:38,740 --> 00:27:40,325
Masyadong mabigat para umakyat,

179
00:27:40,825 --> 00:27:45,830
naghahanap ang matanda
ng mas madaling puntahan.

180
00:27:57,509 --> 00:28:02,389
Hindi kayang ikubli ng makapal na putik
ang amoy ng hayop na ito.

181
00:28:24,619 --> 00:28:27,122
Laging listo ang mga kalabaw…

182
00:28:31,376 --> 00:28:34,045
maingat sa mga reptilyang panginoon nila.

183
00:28:46,516 --> 00:28:50,603
Pero di kasing talino ng mga magulang nila
ang mga anak ng kalabaw.

184
00:29:28,850 --> 00:29:31,060
Nakawala ang biktima ng dragon,

185
00:29:32,061 --> 00:29:33,938
pero pansamantala lang.

186
00:29:36,107 --> 00:29:38,777
Ang kamandag mula sa gland sa panga nito…

187
00:29:40,361 --> 00:29:43,031
pinipigilan ang dugo
ng biktima nitong mamuo,

188
00:29:44,073 --> 00:29:47,368
na nagdudulot ng mapanganib na pagbaba
ng blood pressure.

189
00:29:51,873 --> 00:29:53,124
Ang resulta,

190
00:29:54,542 --> 00:29:55,794
hindi maiiwasan.

191
00:30:01,966 --> 00:30:05,345
Isa itong alingawngaw ng buhay

192
00:30:06,513 --> 00:30:08,223
noon sa Triassic.

193
00:30:12,393 --> 00:30:14,938
Ipinaglalaban ng mammals ang buhay nila,

194
00:30:15,647 --> 00:30:19,818
habang naghahari
ang mga reptilya nang may kumpiyansa.

195
00:30:23,488 --> 00:30:28,827
Pero ang pinakatumatak na kabanata ng
unang bahagi ng paghahari ng mga reptilya…

196
00:30:30,995 --> 00:30:34,833
ang pagtalikod ng ilan sa kanila sa lupa

197
00:30:36,459 --> 00:30:38,878
at pagbalik sa karagatan.

198
00:30:49,556 --> 00:30:50,515
Mga pagong.

199
00:30:54,602 --> 00:30:56,855
Natulak man dito ng kompetisyon

200
00:30:58,273 --> 00:31:00,942
o naakit ng pagkakataon…

201
00:31:03,736 --> 00:31:07,282
bumalik ang mga pagong
sa dagat na iniwan ng mga ninuno nila,

202
00:31:07,907 --> 00:31:12,328
at ngayon, naninirahan sa lahat
maliban sa pinakamalamig na karagatan.

203
00:31:16,499 --> 00:31:21,838
Pero isang beses sa isang taon, kailangan
pa ring bumalik sa tuyong lupa ng females

204
00:31:21,921 --> 00:31:23,715
para mangitlog.

205
00:31:27,552 --> 00:31:30,805
Dito, sa gilid ng Great Barrier Reef…

206
00:31:33,099 --> 00:31:35,643
libo-libo silang nagsasama-sama.

207
00:31:44,694 --> 00:31:46,446
Ang mga katipunan tulad nito,

208
00:31:46,529 --> 00:31:49,991
isa sa pinakamagandang palabas
ng kalikasan

209
00:31:50,074 --> 00:31:51,910
sa loob ng milyon-milyong taon.

210
00:32:07,258 --> 00:32:09,928
May magandang rason
para sa pagtitipong ito,

211
00:32:11,304 --> 00:32:12,764
kaligtasan sa dami.

212
00:32:18,227 --> 00:32:21,272
Unang umunlad
ang mga pagong noong Triassic.

213
00:32:23,650 --> 00:32:29,572
Pero nang nasakop na nila ang mga dagat,
tahanan na ng predators ang karagatan.

214
00:32:33,451 --> 00:32:38,581
May haba na walong metro, Plesiosaur ito.

215
00:32:49,092 --> 00:32:51,135
Isa rin itong reptilya,

216
00:32:52,637 --> 00:32:56,891
pero sa dagat lang ito nabubuhay.

217
00:33:46,149 --> 00:33:49,944
Dahil may hangganan
ang makakain ng Plesiosaur,

218
00:33:50,028 --> 00:33:53,031
ang pagtitipon nang maramihang tulad nito,

219
00:33:54,073 --> 00:33:56,909
nagbibigay-daan
sa marami pang pagong na mabuhay.

220
00:34:00,413 --> 00:34:01,914
Ang natitira na lang,

221
00:34:03,124 --> 00:34:06,836
ang pagpunta nila
sa beach kung saan sila ipinanganak

222
00:34:08,421 --> 00:34:12,341
at paghahanap
ng perpektong lugar para mangitlog.

223
00:34:31,194 --> 00:34:36,657
Makalipas ang halos dalawang buwan,
nagbunga ang pagsisikap ng mga babae.

224
00:34:39,494 --> 00:34:40,536
Mga hatchling.

225
00:34:44,415 --> 00:34:49,003
Pero ang bawat isa, may kanya-kanya
nang pagsubok na hinaharap…

226
00:34:52,590 --> 00:34:56,010
sa natural na pagpunta nila sa karagatan.

227
00:35:18,699 --> 00:35:20,034
Pterosaurs.

228
00:35:22,328 --> 00:35:25,081
Bago pa magkaroon ng mga ibon,

229
00:35:25,665 --> 00:35:30,545
itong grupo ng mga sinaunang reptilya,
gumawa ng malaking hakbang sa ebolusyon.

230
00:35:39,011 --> 00:35:40,596
Lumipad sila…

231
00:35:48,396 --> 00:35:51,649
at naging mga hari ng himpapawid.

232
00:36:01,159 --> 00:36:02,535
Walang kalaban-laban…

233
00:36:05,079 --> 00:36:07,331
ang pag-asa lang ng hatchling na ito…

234
00:36:09,083 --> 00:36:10,418
magpatuloy…

235
00:36:14,172 --> 00:36:16,382
binabalewala ang mga muntikan na,

236
00:36:17,633 --> 00:36:22,638
at umaasang malulula
sa pagpipilian ang mga Pterosaur.

237
00:36:27,602 --> 00:36:28,936
Bawat masuwerteng pagtakas…

238
00:36:31,772 --> 00:36:34,108
pinalalapit ito sa gilid ng tubig.

239
00:36:45,036 --> 00:36:49,290
Pero hindi ligtas
kahit ang mga nakakarating sa karagatan.

240
00:37:03,471 --> 00:37:05,598
Sa pagpunta lang sa malalim na tubig

241
00:37:07,516 --> 00:37:09,769
maiiwasan nito ang mga Pterosaur…

242
00:37:14,190 --> 00:37:16,776
at makakatakas sa dagat.

243
00:37:36,170 --> 00:37:40,800
Ang mga reptilya,
minsang naghari sa himpapawid at mga alon.

244
00:37:42,510 --> 00:37:44,428
Pero sa kabila ng pananaig nila,

245
00:37:45,304 --> 00:37:51,394
ang mga Pterosaur at Plesiosaur,
parehong nalipol kalaunan.

246
00:38:11,664 --> 00:38:17,837
Pero isa sa mga nagharing reptilya
sa panahong ito ang nakaligtas.

247
00:38:23,467 --> 00:38:26,595
Sa sobra nilang galing manghuli,

248
00:38:26,679 --> 00:38:30,016
pagkatapos ng 200 milyong taon…

249
00:38:32,351 --> 00:38:34,562
konti lang ang nakalamang sa kanila.

250
00:38:38,941 --> 00:38:40,860
Walang malay sa panganib,

251
00:38:42,320 --> 00:38:45,156
pumunta ang wildebeest
para pawiin ang uhaw nila.

252
00:39:36,457 --> 00:39:37,416
Muntik na.

253
00:39:40,669 --> 00:39:42,171
Pero hindi iyon mahalaga.

254
00:39:44,465 --> 00:39:48,344
Alam ng Nile crocodile
na babalik ang wildebeest…

255
00:39:52,264 --> 00:39:54,225
gaya ng dati.

256
00:40:02,691 --> 00:40:07,780
Para maiwasang matuklasan,
tahimik na lumulubog ang buwaya…

257
00:40:09,907 --> 00:40:11,200
hindi ito humihinga

258
00:40:13,202 --> 00:40:14,829
nang hanggang isang oras.

259
00:40:24,964 --> 00:40:29,510
Kaya ng mga buwayang pabagalin
ang heart rate nila sa two beats a minute…

260
00:40:34,140 --> 00:40:36,725
halos tumigil na talaga…

261
00:40:40,312 --> 00:40:44,358
sa paraang naperpekto ng reptiles
ilang milyong taon ang nakalipas.

262
00:41:02,835 --> 00:41:06,172
Pero sa ngayon, umaatake na ito.

263
00:41:11,844 --> 00:41:13,429
Mula sa inertia…

264
00:41:16,974 --> 00:41:18,601
sumasabog ang enerhiya nito

265
00:41:19,560 --> 00:41:21,770
sa loob lang ng kapirasong segundo…

266
00:41:28,068 --> 00:41:30,446
lumilikha ng sapat na bilis at lakas…

267
00:41:37,203 --> 00:41:39,830
para ilunsad
ang limang metrong katawan nito…

268
00:41:41,999 --> 00:41:44,460
palabas ng tubig…

269
00:41:52,051 --> 00:41:53,719
nang walang laman ang tiyan…

270
00:41:56,180 --> 00:41:57,556
at isang hininga lang.

271
00:42:08,192 --> 00:42:12,279
Isa itong pamamaraan
na matagumpay para sa mga buwaya ngayon

272
00:42:14,156 --> 00:42:17,368
katulad sa mga ninuno nila noon.

273
00:42:26,377 --> 00:42:31,131
Ang mga buwaya ngayon,
naghahari sa tubig na tinitirhan nila…

274
00:42:33,842 --> 00:42:37,263
pero hindi na sila
ang dating laganap na mga mandaragit.

275
00:42:39,640 --> 00:42:41,308
Dahil sa Triassic,

276
00:42:41,850 --> 00:42:44,562
ang mga puwersa ng kalikasan,
inihatid ang kuwento ng buhay

277
00:42:45,771 --> 00:42:48,857
sa isang ganap na bagong direksiyon.

278
00:42:48,941 --> 00:42:53,112
234 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

279
00:42:55,823 --> 00:43:01,120
Dahil sa patuloy na volcanic eruptions,
nagkaroon ulit ng global warming.

280
00:43:05,207 --> 00:43:10,504
Sa pagtaas ng temperatura ng dagat,
lumakas ang oceanic evaporation.

281
00:43:14,592 --> 00:43:21,432
Sa hilagang Pangaea, umabot sa 3,000
metro ang ridge ng hanging may moisture…

282
00:43:26,520 --> 00:43:30,274
na gumawa ng malakas
na monsoonal weather systems.

283
00:43:41,118 --> 00:43:43,370
At nagsimulang umulan…

284
00:43:46,999 --> 00:43:48,834
nang may biblikal na laki.

285
00:44:11,440 --> 00:44:15,277
Sa buong planeta, nagwala ang mga bagyo.

286
00:44:29,208 --> 00:44:34,213
Higit sa isang milyong taon
ang inabot ng buhos ng ulan…

287
00:44:37,424 --> 00:44:42,846
at nilimot na ng alaala ang mga tuyong
disyerto ng sinaunang Pangaea.

288
00:44:52,940 --> 00:44:57,778
Sa dulong hilaga, bumugso
ang agos mula sa matataas na kabundukan.

289
00:45:40,195 --> 00:45:43,991
Binago ng tubig sa ibabaw ang tanawin…

290
00:45:46,410 --> 00:45:49,705
dala nito ang masustansyang silt.

291
00:45:53,459 --> 00:45:59,506
Mahigit 1.6 milyong kilometro kuwadrado
ang nasakop ng mga daluyan ng tubig…

292
00:46:06,305 --> 00:46:09,391
isang lugar na kasinglaki ng Alaska,

293
00:46:10,768 --> 00:46:14,521
na lumikha ng pinakamalaking delta
sa kasaysayan ng Earth.

294
00:46:18,901 --> 00:46:24,573
Ang fertile waterways na ito
ang nagbigay-buhay sa isang bagong mundo…

295
00:46:27,701 --> 00:46:29,870
ang gatong para sa ebolusyon.

296
00:46:35,167 --> 00:46:37,503
Umangat ang mga konipero.

297
00:46:42,382 --> 00:46:45,552
At sa unang pagkakataon
mula noong Permian extinction…

298
00:46:49,056 --> 00:46:54,061
nagbalik ang planeta natin
sa pagiging kagubatan ng mga higante.

299
00:46:58,607 --> 00:47:03,779
210 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

300
00:47:15,332 --> 00:47:20,379
Maraming sinaunang reptilya ang nabigong
sumabay sa bagong tanawing ito.

301
00:47:25,050 --> 00:47:29,388
Pero isang grupo ang tumanggap
sa pagbabagong ito sa buhay-halaman…

302
00:47:32,266 --> 00:47:35,727
at kalaunang bumangon
para sakupin ang mundo.

303
00:47:46,822 --> 00:47:51,285
Nagsisimula ang buhay
ng mga bata tulad ng ibang mga reptilya.

304
00:48:01,086 --> 00:48:03,005
Napipisa sila mula sa mga itlog…

305
00:48:09,177 --> 00:48:10,721
makaliskis ang balat nila…

306
00:48:17,561 --> 00:48:20,230
at hinahayaan silang alagaan
ang sarili nila…

307
00:48:23,150 --> 00:48:25,360
simula pagdating nila sa mundo.

308
00:48:35,203 --> 00:48:36,914
Pero may mga pagkakaiba.

309
00:48:42,628 --> 00:48:45,797
Mas maganda ang sistema ng paghinga nila

310
00:48:45,881 --> 00:48:49,885
na patuloy na nagbobomba
ng dugo sa mga baga nila…

311
00:48:54,681 --> 00:48:56,183
hinahayaan silang tumakbo

312
00:48:56,266 --> 00:48:58,852
nang hindi humihinto para huminga.

313
00:49:16,036 --> 00:49:21,750
Ang mga paa nila, umaabot sa ilalim
ng katawan nila kaysa sa gilid

314
00:49:21,833 --> 00:49:24,836
para makalakad sila nang tuwid.

315
00:49:43,313 --> 00:49:47,442
Pinahihintulutan nitong lumaki
ang maliliit na hatchling

316
00:49:47,526 --> 00:49:50,737
sa 50 times ng sukat nila.

317
00:49:59,287 --> 00:50:02,499
Bahagi ang mga ito ng reptile family tree,

318
00:50:03,166 --> 00:50:06,294
pero natatangi ang sanga nila.

319
00:50:21,476 --> 00:50:24,521
Ang mga sinaunang higante,
tulad ng Plateosaurus,

320
00:50:24,604 --> 00:50:27,524
maaabot ang mga bagong mapagkukunan
ng pagkain…

321
00:50:30,110 --> 00:50:33,947
kayang tunawin ng tiyan nila
ang matitigas na karayom…

322
00:50:36,700 --> 00:50:38,243
at ang dami pa lang nila,

323
00:50:38,326 --> 00:50:41,830
nagpapanatili ng mas mataas na temperatura
sa katawan nila

324
00:50:41,913 --> 00:50:43,707
araw at gabi.

325
00:50:59,514 --> 00:51:04,186
Panalong pormula ito
na maghuhudyat ng bagong panahon.

326
00:51:11,943 --> 00:51:14,071
152 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

327
00:51:14,154 --> 00:51:15,322
Ang Jurassic.

328
00:51:33,131 --> 00:51:35,592
Naghari ang bagong dinastiyang ito

329
00:51:36,343 --> 00:51:40,180
nang mahigit 150 milyong taon.

330
00:51:49,773 --> 00:51:55,737
Ang paghaharing nakasaksi sa pag-angat
ng ilan sa mga pinakatanyag na nilalang

331
00:51:55,821 --> 00:51:57,781
na naglakad sa mundo.

332
00:52:04,371 --> 00:52:08,917
Maligayang pagdating
sa panahon ng mga dinosaur.

333
00:53:55,106 --> 00:53:58,151
Tagapagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol

