1
00:00:11,678 --> 00:00:12,887
Taglamig ngayon…

2
00:00:17,225 --> 00:00:20,228
pero hindi katulad
ng mga dating naranasan ng mundo.

3
00:00:24,024 --> 00:00:27,777
Post-apocalyptic na taglamig ito.

4
00:00:30,113 --> 00:00:33,324
Animnapu't anim na milyong taon
ang nakaraan,

5
00:00:35,493 --> 00:00:38,580
at halos nawasak na ang mundo

6
00:00:39,497 --> 00:00:41,624
ng isang sakuna.

7
00:00:57,182 --> 00:01:01,603
Ito ang kuwento ng pagbagsak ng dinosaurs…

8
00:01:08,109 --> 00:01:10,445
at pagbangon mula sa abo

9
00:01:11,863 --> 00:01:15,742
ng mga survivor na nagmana ng Earth.

10
00:02:36,322 --> 00:02:40,827
MULA SA ABO

11
00:02:42,453 --> 00:02:48,084
66 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

12
00:02:52,881 --> 00:02:56,676
Sa Cretaceous period
ang simula ng kuwento natin…

13
00:02:59,762 --> 00:03:03,641
sa araw na nagbago sa takbo ng kasaysayan.

14
00:03:07,145 --> 00:03:11,941
Para sa Edmontosaurus
sa North America, nesting season na.

15
00:03:13,776 --> 00:03:18,031
Dating gawi, kailangang alagaan
ng babaeng ito ang mga gutom niyang anak…

16
00:03:22,285 --> 00:03:25,455
para maganda'ng simula ng buhay nila.

17
00:03:34,589 --> 00:03:36,591
Isang libong kilometro sa timog,

18
00:03:38,218 --> 00:03:40,136
isang matandang tyrannosaur

19
00:03:41,137 --> 00:03:45,767
ang nagtuturo sa mga supling niya
ng sining ng panghuhuli.

20
00:03:53,816 --> 00:03:56,027
Pero medyo mainipin sila.

21
00:04:08,539 --> 00:04:11,501
Marami pang dapat matutunan ang mga bata.

22
00:04:12,669 --> 00:04:15,546
Baka mas suwertehin sila bukas.

23
00:04:23,012 --> 00:04:26,808
Sa kanluran, isang kawan ng Alamosaurus,

24
00:04:28,977 --> 00:04:31,813
ilan sa pinakamalalaking dinosaur
na nabuhay,

25
00:04:32,563 --> 00:04:36,067
sinisimulan ang araw nila
gaya sa mga dating henerasyon,

26
00:04:36,567 --> 00:04:39,153
sinusulit ang malambot na pine shoots.

27
00:04:45,952 --> 00:04:48,788
Sa ilalim ng mga alon,
sa baybayin ng Africa

28
00:04:50,039 --> 00:04:53,835
masagana ang mga karagatan,
napupuno ng buhay…

29
00:04:56,546 --> 00:05:00,800
isang kaharian na pinamumunuan
ng malalaking reptilyang pandagat.

30
00:05:04,762 --> 00:05:06,973
Kasama ng mga dinosaur,

31
00:05:08,141 --> 00:05:13,354
naghari sila sa Earth sa loob
ng nakakamanghang 150 milyong taon.

32
00:05:22,905 --> 00:05:27,201
Pero walang katulad ang araw na ito.

33
00:05:36,627 --> 00:05:40,048
Isang asteroid
na kasinlaki ng Mount Everest

34
00:05:40,131 --> 00:05:44,844
ang bumabagsak patungo sa Earth
sa bilis na 100,000 kilometro kada oras.

35
00:05:54,103 --> 00:05:58,191
Babaguhin ng pagsalpok nito
ang mundo magpakailanman…

36
00:06:03,154 --> 00:06:07,492
magpapakawala ng puwersa
ng isang bilyong atomic bombs…

37
00:06:09,827 --> 00:06:13,915
magsisimula ng katakot-takot
na hanay ng mga pangyayari.

38
00:06:18,211 --> 00:06:22,340
Una ang nakamamatay na pagsabog
ng thermal radiation.

39
00:06:27,387 --> 00:06:30,723
Bawat buhay sa loob
ng isang libong kilometro,

40
00:06:30,807 --> 00:06:34,560
nauubos sa loob lang ng ilang segundo.

41
00:06:49,659 --> 00:06:53,287
Ang crust ng planeta,
bumabagsak mula sa pagsalpok,

42
00:06:53,371 --> 00:06:56,999
nagpapadala ng seismic shock waves
sa buong mundo.

43
00:07:04,549 --> 00:07:06,300
Ilang minuto lang,

44
00:07:08,678 --> 00:07:12,640
niyayanig na
ng mga off-the-scale na lindol ang mundo.

45
00:07:29,365 --> 00:07:30,783
Para sa Alamosaurus…

46
00:07:33,453 --> 00:07:35,329
simula pa lang ito.

47
00:07:44,589 --> 00:07:48,092
Nag-uudyok ang mga lindol
ng serye ng mga higanteng alon

48
00:07:48,176 --> 00:07:51,888
na nagwawala
sa mga dagat at panloob na lawa.

49
00:07:59,896 --> 00:08:04,358
Malalaking alon ng tubig
ang bumalot sa Hilagang Amerika.

50
00:08:13,618 --> 00:08:19,123
Ang mabilis na pagtaas ng torrent,
imposibleng makayanan,

51
00:08:20,917 --> 00:08:23,252
kahit ng pinakamalakas.

52
00:08:41,771 --> 00:08:43,940
Wala pang isang oras matapos tumama,

53
00:08:44,774 --> 00:08:50,571
ang mga labing tumilapon sa kalawakan,
hinihila na pabalik sa Earth ng gravity.

54
00:08:51,531 --> 00:08:55,910
Pagbalik, nag-iinit talaga ito.

55
00:09:02,917 --> 00:09:08,589
Ang sobrang init na kapaligiran,
naghahasik na parang impiyerno.

56
00:09:14,428 --> 00:09:19,725
Sa lupa, para kang nakatayo
sa ilalim ng 400-degree na ihawan.

57
00:09:24,146 --> 00:09:27,024
Dahan-dahang naluluto
nang buhay ang mga hayop.

58
00:09:41,581 --> 00:09:46,919
Ang malala pa,
nagsimulang umulan ng mga bato.

59
00:10:05,605 --> 00:10:08,232
Wala pang dalawang oras matapos tumama,

60
00:10:08,316 --> 00:10:13,237
binalot ng naglalagablab na bagyo
ng alikabok ang kalahati ng planeta.

61
00:10:15,489 --> 00:10:16,490
Sa sobrang init,

62
00:10:18,034 --> 00:10:20,453
nasusunog ang mga puno.

63
00:10:28,461 --> 00:10:32,465
Ang lumalagong inferno,
imposibleng takasan.

64
00:11:00,034 --> 00:11:02,578
Wala nang makakapagligtas
sa kanila ngayon.

65
00:11:27,603 --> 00:11:29,939
Ang magiting na paghahari ng dinosaurs,

66
00:11:30,773 --> 00:11:33,526
natapos sa loob ng isang araw.

67
00:11:40,950 --> 00:11:46,455
Ang karagatan, nawasak gaya ng lupa.

68
00:11:49,583 --> 00:11:52,962
Bumuhos ang sulfur-rich na alikabok
bilang acid rain.

69
00:11:54,338 --> 00:11:56,757
Nabura ang mga sinaunang reef.

70
00:12:00,594 --> 00:12:03,139
Bumagsak ang sapot ng buhay,

71
00:12:04,306 --> 00:12:06,851
pinatay ang mga dakilang marine reptile.

72
00:12:11,939 --> 00:12:15,609
Binuhay ng mga katawan nila
ang mga scavenger,

73
00:12:16,610 --> 00:12:19,071
na naghahanap ng kamatayan sa kailaliman.

74
00:12:26,495 --> 00:12:27,705
Arthropods.

75
00:12:30,082 --> 00:12:30,916
Mga pating.

76
00:12:34,170 --> 00:12:36,964
Malayo sa pagpatay ng asteroid,

77
00:12:37,047 --> 00:12:39,383
maraming anyo ng buhay ang nakaligtas,

78
00:12:45,306 --> 00:12:47,558
nilamon ang maraming bangkay…

79
00:12:51,854 --> 00:12:54,648
nagsasaya sa pagkalipol.

80
00:12:58,277 --> 00:13:02,448
Pero sa ibabaw, salungat ang larawan.

81
00:13:10,581 --> 00:13:13,042
Ilang taon matapos ang pagtama,

82
00:13:14,919 --> 00:13:16,545
mukhang patay na ang Earth.

83
00:13:21,467 --> 00:13:22,843
Ang kagubatan,

84
00:13:24,178 --> 00:13:25,179
ang kapatagan…

85
00:13:28,182 --> 00:13:29,225
ang kabundukan…

86
00:13:34,104 --> 00:13:34,980
patay na.

87
00:13:36,816 --> 00:13:39,026
Pero nang nahawi ang alikabok…

88
00:13:41,612 --> 00:13:43,906
at bumalik na ang liwanag…

89
00:13:46,075 --> 00:13:48,786
naging malinaw na hindi nawala ang lahat.

90
00:13:56,210 --> 00:13:59,463
Ang mga insekto
ang ilan sa mga unang lumitaw…

91
00:14:09,139 --> 00:14:10,516
kinain ang mga namatay.

92
00:14:15,104 --> 00:14:17,439
Protektado ng mga lungga ang survirors…

93
00:14:19,358 --> 00:14:20,234
mga cocoon…

94
00:14:22,403 --> 00:14:24,113
at mga nakabaluting katawan.

95
00:14:28,492 --> 00:14:30,202
Nagtago sa ilalim ng lupa…

96
00:14:32,830 --> 00:14:35,207
nakaligtas din ang ilang reptilya.

97
00:14:51,056 --> 00:14:54,643
Sa ilalim ng surface
ng river deltas at wetlands,

98
00:14:55,686 --> 00:14:59,148
protektado rin ang iba mula sa kaguluhan.

99
00:15:02,610 --> 00:15:03,736
Ang mga amphibian.

100
00:15:05,905 --> 00:15:08,115
Dahil konti ang pagkain,

101
00:15:08,198 --> 00:15:10,659
maliliit na nilalang lang ang nakaligtas…

102
00:15:14,872 --> 00:15:17,207
kabilang ang galing sa dinastiya natin,

103
00:15:18,667 --> 00:15:19,585
ang mga mammal.

104
00:15:22,296 --> 00:15:26,133
Namana nila
ang planetang walang dinosaurs.

105
00:15:28,260 --> 00:15:29,553
O parang ganoon.

106
00:15:33,641 --> 00:15:38,312
Sa kabila ng posibilidad,
isa pang grupo ng hayop ang kumapit…

107
00:15:48,280 --> 00:15:53,243
naprotektahan
ng sarili nilang life-support capsules.

108
00:15:55,079 --> 00:15:57,873
Kapansin-pansin, sa loob nila,

109
00:15:59,458 --> 00:16:01,168
may isang uri ng dinosaur.

110
00:16:20,354 --> 00:16:24,316
Mas partikular, isang avian dinosaur…

111
00:16:36,578 --> 00:16:40,916
na kilala bilang mga ibon.

112
00:16:44,003 --> 00:16:45,504
Bago ang apocalypse,

113
00:16:47,047 --> 00:16:50,718
daan-daang sinaunang species
ang nanirahan sa mga puno,

114
00:16:52,219 --> 00:16:55,431
lahat nabura nang masunog ang kagubatan.

115
00:16:57,016 --> 00:17:00,561
Pero ilang ibong nakatira
sa lupa ang nakalusot.

116
00:17:06,316 --> 00:17:10,904
Ang mga nakaligtas,
nanatiling mainit dahil sa mga balahibo…

117
00:17:13,574 --> 00:17:17,411
at may kakayahang suportahan
ang sarili mula pa sa unang paghinga…

118
00:17:21,165 --> 00:17:23,667
kayang mabuhay sa mga insekto at buto

119
00:17:24,668 --> 00:17:28,088
at kayang maglakad sa loob ng ilang oras.

120
00:17:32,926 --> 00:17:35,387
Animnapu't anim na milyong taon
ang nakaraan,

121
00:17:35,471 --> 00:17:41,643
ang mga ibon ang huling natirang sangay
ng dinosaur family tree.

122
00:17:44,396 --> 00:17:46,231
Mula sa mga mababang nilalang,

123
00:17:47,524 --> 00:17:51,028
isang dakilang dinastiya ang bumangon.

124
00:17:55,240 --> 00:18:01,914
Pero ang kahanga-hangang kuwento nila,
nagsimula bago pa ang asteroid.

125
00:18:08,462 --> 00:18:12,841
160 MILYONG TAON ANG NAKALIPAS

126
00:18:15,344 --> 00:18:16,428
Ang Jurassic.

127
00:18:20,057 --> 00:18:21,934
Isang panahon ng mga higante.

128
00:18:26,522 --> 00:18:30,275
Pero itong nawawalang mundo
ng mga patayong bangin,

129
00:18:31,360 --> 00:18:34,196
humuhubog ng mas maliit
na lahi ng nilalang.

130
00:18:40,160 --> 00:18:42,496
Nakatira ito sa mapanganib na kaharian.

131
00:18:46,083 --> 00:18:50,254
Para mabuhay, umunlad ito
sa pambihira't bagong paraan.

132
00:18:57,136 --> 00:18:59,179
Anchiornis ito.

133
00:19:00,347 --> 00:19:02,933
Isa siyang maliit
at mabalahibong dinosaur…

134
00:19:05,853 --> 00:19:09,439
na mala-karayom sa talim ang ngipin
sa panghuhuli ng insekto.

135
00:19:17,156 --> 00:19:20,075
Pero siya rin, tinutugis.

136
00:19:28,000 --> 00:19:30,419
Isang batang Sinraptor…

137
00:19:35,591 --> 00:19:36,633
at gutom siya.

138
00:20:10,125 --> 00:20:12,878
Mabagal at malamya ang Anchiornis.

139
00:20:27,893 --> 00:20:30,604
Na-corner siya ng Sinraptor.

140
00:20:40,239 --> 00:20:41,573
Pero ang Anchiornis…

141
00:20:43,617 --> 00:20:45,327
may dahilan sa pagtakbo rito.

142
00:21:05,472 --> 00:21:06,515
Nakakalipad siya.

143
00:21:10,435 --> 00:21:12,980
Isang maliit na hakbang para sa dinosaur,

144
00:21:14,314 --> 00:21:17,693
pero isang malaking talon
para sa buhay sa Earth.

145
00:21:22,239 --> 00:21:27,119
Gamit ang mga sinaunang glider,
isang bagong dinastiya ang isinilang.

146
00:21:32,374 --> 00:21:37,170
At iyang paglipad ang tutulong
sa mga inapo nilang manatiling buhay

147
00:21:37,879 --> 00:21:41,633
sa panahon pagkatapos ng asteroid.

148
00:21:47,681 --> 00:21:53,895
Ngayon, may lugar kung saan makikita natin
kung ano siguro ang nangyari sa kuwento.

149
00:21:59,985 --> 00:22:02,904
Malupit at malungkot na mundo ito.

150
00:22:04,740 --> 00:22:10,537
Apat na libong metro sa taas,
ang Altiplano Desert sa Chile…

151
00:22:15,500 --> 00:22:18,795
isang tanawin
kung saan halos walang mabubuhay.

152
00:22:21,256 --> 00:22:24,843
Pero isang grupo ng mga hayop
ang nakahanap ng paraan para mabuhay dito…

153
00:22:29,181 --> 00:22:30,140
ang mga ibon.

154
00:22:33,143 --> 00:22:36,146
Tulad ng mga umunlad
pagkatapos ng asteroid,

155
00:22:37,856 --> 00:22:42,361
kinuha ng flamingos ang gliding skills
ng unang avian dinosaurs…

156
00:22:45,739 --> 00:22:48,533
at lumikha ng bagong uri ng paglipad.

157
00:22:52,412 --> 00:22:54,706
Isang rebolusyon sa hangin.

158
00:22:56,583 --> 00:23:01,797
Mga pakpak na binago para pumagaspas.

159
00:23:05,801 --> 00:23:08,428
Makapangyarihang paglipad ito,

160
00:23:09,638 --> 00:23:14,101
at dahil dito, nakakapaglakbay
ang flamingos para maghanap ng pagkain…

161
00:23:17,020 --> 00:23:19,981
gaya ng mga ibon
ilang milyong taon ang nakaraan.

162
00:23:26,446 --> 00:23:31,159
Ang mga balahibo, na unang umusbong
para panatilihing mainit ang mga dinosaur,

163
00:23:31,743 --> 00:23:35,539
napulido na para sa aerial mastery.

164
00:23:44,005 --> 00:23:46,049
At hindi lang iyon ang pagbabago.

165
00:23:47,384 --> 00:23:50,178
Ang mga ngipin, napalitan ng mga tuka…

166
00:23:53,515 --> 00:23:56,184
na nagbibigay-daan
para makakain sila ng iba.

167
00:23:57,727 --> 00:24:00,564
Pero ang pagsulong sa pagkain at paglipad,

168
00:24:00,647 --> 00:24:05,193
hindi naging sapat para masiguro
ang kinabukasan ng mga ibon.

169
00:24:09,656 --> 00:24:13,827
Gumamit din sila
ng isang marangyang sinaunang gawi,

170
00:24:15,662 --> 00:24:20,125
isang gawing nasisiguro
ang kaligtasan ng pinakamalakas.

171
00:24:24,004 --> 00:24:24,921
Panliligaw.

172
00:24:29,885 --> 00:24:31,428
Para sa mga flamingo,

173
00:24:32,554 --> 00:24:34,473
dance-off ang ibig sabihin noon…

174
00:24:39,895 --> 00:24:43,231
at sineseryoso ito.

175
00:24:44,941 --> 00:24:47,944
Sobrang maselan ang mga hurado…

176
00:24:58,622 --> 00:25:02,250
at kailangan iyon para makapili
ng pinakamagandang kapareha.

177
00:25:07,839 --> 00:25:11,510
Halos naubos noon ang mga ibon
kasama ng mga dinosaur.

178
00:25:14,679 --> 00:25:18,016
Sa halip, salamat sa talento nila,

179
00:25:18,099 --> 00:25:20,769
nagkaroon sila ng pagkakataong umangat.

180
00:25:30,654 --> 00:25:33,532
Pero hindi naging madali ang landas nila.

181
00:25:38,453 --> 00:25:41,248
Pagkatapos ng asteroid,

182
00:25:41,331 --> 00:25:46,086
ang global temperatures,
bumagsak nang 25 degrees.

183
00:25:49,965 --> 00:25:53,176
Pero salamat sa kakayahan nila
na makaligtas sa lamig,

184
00:25:53,260 --> 00:25:56,429
ilang milyong taon matapos ang pagtama,

185
00:25:57,013 --> 00:25:59,641
bumalik ang mga pine forest.

186
00:26:04,604 --> 00:26:10,777
Siniguro ng mga binhi na ang mga higanteng
konipero mula sa panahon ng mga dinosaur,

187
00:26:10,860 --> 00:26:12,571
makakaligtas.

188
00:26:15,824 --> 00:26:20,912
Ang pinakamatayog sa lahat,
umabot sa 100 metro sa ere,

189
00:26:20,996 --> 00:26:22,289
ang redwoods.

190
00:26:28,378 --> 00:26:30,589
Nakakanlong sa ilalim ng kagubatan

191
00:26:31,172 --> 00:26:33,508
ang isang grupo ng warm-blooded animals

192
00:26:34,301 --> 00:26:37,178
na matagal nang nakatago sa dilim…

193
00:26:46,187 --> 00:26:47,314
ang mga mammal.

194
00:26:49,274 --> 00:26:52,277
Noong una, maliliit na nilalang sila,

195
00:26:52,986 --> 00:26:54,738
katulad ng mga daga.

196
00:26:55,822 --> 00:27:00,368
Dahil wala na ang mga dinosaur,
malaya na silang lumabas.

197
00:27:03,955 --> 00:27:07,792
Pero limang milyong taon
pagkatapos ng asteroid,

198
00:27:07,876 --> 00:27:12,297
ang pine forest, naging tahanan
ng isang bagong lahi ng nilalang…

199
00:27:27,729 --> 00:27:31,941
at namamalagi pa rin sila
sa kagubatan natin ngayon.

200
00:27:43,078 --> 00:27:44,371
Ang mga kuwago.

201
00:27:49,876 --> 00:27:54,547
Naging mga mandaragit ang mga ibon
mula sa pagiging survivors lang noon.

202
00:27:57,092 --> 00:27:59,552
Ito ang great gray owl.

203
00:28:03,682 --> 00:28:06,226
Armado siya sa matatalas na kuko

204
00:28:07,185 --> 00:28:09,979
at mas matalas na paningin…

205
00:28:13,191 --> 00:28:16,486
kaya nakamamatay siya pag lumilipad.

206
00:28:21,116 --> 00:28:25,453
Halos tahimik kung lumipad,
nakikinig siya para sa biktima.

207
00:28:39,801 --> 00:28:43,972
Para sa maliliit na mammal,
walang ligtas na lugar.

208
00:29:29,851 --> 00:29:33,605
Habang nagbabanta ang mga unang kuwago
sa hilagang pine forests,

209
00:29:33,688 --> 00:29:38,151
sa ibang lugar,
isa pang mahalagang habitat ang umuusbong.

210
00:29:41,321 --> 00:29:47,494
Naubos ng asteroid ang tatlong-kapat
ng lahat ng halaman at hayop sa Earth.

211
00:29:52,290 --> 00:29:56,419
Sa tropics,
inabot ng anim na milyong taon,

212
00:29:58,087 --> 00:30:00,423
pero bumalik din ang buhay kalaunan.

213
00:30:04,761 --> 00:30:08,723
Pero ngayon, ibang-iba na ito.

214
00:30:18,566 --> 00:30:22,946
Ang muling pagkabuhay,
pinalakas ng matinding pagdami…

215
00:30:25,907 --> 00:30:30,370
ng pagkakaiba-iba
ng mga namumulaklak na halaman…

216
00:30:39,963 --> 00:30:43,258
mas mayaman pa kaysa sa mga nauna.

217
00:30:48,179 --> 00:30:50,265
Ang mga tropikal na kagubatan.

218
00:30:59,691 --> 00:31:01,568
Ang maunlad na habitat na ito,

219
00:31:01,651 --> 00:31:04,821
nabuo sa malapit na ugnayan
ng mga bulaklak

220
00:31:06,281 --> 00:31:08,491
at ng mga insect pollinator na ito.

221
00:31:18,835 --> 00:31:21,296
Pero may bagong dating…

222
00:31:24,007 --> 00:31:26,801
na pinuwersa ang sarili
sa teritoryo ng insekto.

223
00:31:29,971 --> 00:31:32,849
Gamit ang husay sa paglipad,

224
00:31:32,932 --> 00:31:36,227
nalakbay nila
ang masalimuot na mundo ng kagubatan.

225
00:31:37,478 --> 00:31:39,355
Lumiit sila,

226
00:31:40,273 --> 00:31:41,482
kaya napasok nila

227
00:31:42,859 --> 00:31:44,944
ang matamis na nectar ng bulaklak.

228
00:31:47,155 --> 00:31:50,867
At ang mga inapo nila,
ginagawa pa rin ito hanggang ngayon.

229
00:31:52,368 --> 00:31:53,870
Ang mga hummingbird.

230
00:31:59,500 --> 00:32:00,919
Para makuha ang nectar,

231
00:32:02,003 --> 00:32:05,381
natuto silang umaligid
na parang mga insekto…

232
00:32:15,892 --> 00:32:19,771
sa isang segundo,
80 beses pumapagpas ang mga pakpak nila.

233
00:32:23,566 --> 00:32:29,697
Nakakakain sila ng iba't ibang bulaklak
dahil sa mahahabang tuka nila.

234
00:32:33,701 --> 00:32:38,915
Nauungusan ng hummingbirds
ang karamihan sa mga karibal nila.

235
00:32:44,295 --> 00:32:49,300
Pero lahat ng aktibidad na ito,
may kasamang pagkauhaw sa enerhiya.

236
00:32:51,177 --> 00:32:54,847
Kaya sulit na ipaglaban
ang pinakamasasarap na bulaklak.

237
00:32:59,978 --> 00:33:01,896
Puwede ring armas ang mga tuka.

238
00:33:19,872 --> 00:33:24,002
Pero may isang species ng hummingbird
na hindi na kailangang lumaban.

239
00:33:25,837 --> 00:33:31,926
May kakaiba itong pag-angkop
na nakakatalo sa kompetisyon.

240
00:33:34,178 --> 00:33:36,681
Heto ang sword bill.

241
00:33:39,809 --> 00:33:44,522
Maipagyayabang niya
ang isang napakahabang appendage.

242
00:33:45,773 --> 00:33:49,277
Ang tuka niya, parang susi sa kandado,

243
00:33:49,360 --> 00:33:55,241
siya lang ang nakakatamasa sa mahirap
abuting nectar ng Angel Trumpet Flower.

244
00:34:02,707 --> 00:34:05,209
Sa panahon kasunod ng apocalypse,

245
00:34:06,044 --> 00:34:10,631
maaaring hindi na pag-aari
ng mga dinosaur ang gubat,

246
00:34:10,715 --> 00:34:15,053
pero nakasakop ulit sila
dahil sa mga pinsan nila

247
00:34:15,136 --> 00:34:17,430
sa ganap na bagong paraan.

248
00:34:20,850 --> 00:34:26,355
Pero hindi uubra ang pagiging maliit
sa lahat ng bahagi ng planeta.

249
00:34:30,109 --> 00:34:35,114
20 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

250
00:34:37,617 --> 00:34:39,660
Dahil sa pagkamatay ng dinosaurs,

251
00:34:39,744 --> 00:34:44,165
malaya nang angkinin
ang marami sa magandang habitats ng Earth.

252
00:34:46,834 --> 00:34:50,129
Higit sa lahat, ang kapatagan.

253
00:34:52,507 --> 00:34:57,804
At sa sinaunang South America,
46 milyong taon pagkatapos ng asteroid,

254
00:34:58,513 --> 00:35:00,389
ang mga taga-lupang ibon,

255
00:35:00,473 --> 00:35:03,476
puwede nang maging
pinakanakamamatay na mandaragit…

256
00:35:05,853 --> 00:35:07,814
pagkatapos ng tyrannosaurus rex.

257
00:35:11,609 --> 00:35:13,986
Nagmamanman sa glades ng mga palma…

258
00:35:16,614 --> 00:35:19,283
namana nito
ang mga pinakaagresibong katangian

259
00:35:19,367 --> 00:35:21,119
mula sa sinaunang lahi nito.

260
00:35:30,795 --> 00:35:34,966
Sa clearing, isang kawan
ng mga naunang mammal ang nanginginain.

261
00:35:39,345 --> 00:35:43,182
Theosodon, kasinlaki ng makabagong llama.

262
00:35:46,519 --> 00:35:49,856
Isang matandang babae
ang nagbabantay nang mabuti.

263
00:35:51,399 --> 00:35:53,401
Pero hidi pa niya nakikita…

264
00:35:58,406 --> 00:35:59,574
ang terror bird.

265
00:36:07,665 --> 00:36:12,503
May ulong parang palakol
at dalawa't kalahating metrong taas,

266
00:36:12,587 --> 00:36:15,923
isinakripisyo nito
ang paglipad para sa purong lakas.

267
00:36:23,306 --> 00:36:25,308
Nararamdaman niyang may mali.

268
00:36:31,731 --> 00:36:34,358
Pero tahimik lang
ang galaw ng terror bird.

269
00:37:06,349 --> 00:37:08,017
Simulan na ang habulan.

270
00:37:09,769 --> 00:37:13,022
May kakayahan magpabilis
nang 50 kilometro kada oras…

271
00:37:17,610 --> 00:37:19,237
nakapili na siya ng bata

272
00:37:20,655 --> 00:37:21,864
na naiiwan sa likod.

273
00:37:29,664 --> 00:37:32,083
Gamit ang bigat ng higanteng ulo niya,

274
00:37:32,750 --> 00:37:35,002
magaling siyang magbago ng direksiyon.

275
00:38:20,047 --> 00:38:23,050
Oras na para ibigay ang huling dagok.

276
00:38:30,182 --> 00:38:34,854
Naghari na ngayon ang terror birds
sa kapatagan ng South America.

277
00:38:43,779 --> 00:38:45,906
Pero sa kabilang panig ng mundo,

278
00:38:46,824 --> 00:38:51,370
ang mga pabago-bagong kontinente,
nagsulat na ng bagong kabanata

279
00:38:52,371 --> 00:38:55,082
sa kuwento ng buhay.

280
00:38:58,419 --> 00:39:03,090
15 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

281
00:39:03,174 --> 00:39:07,678
Ilang milyong tao na
na papuntang hilaga ang Australia noon.

282
00:39:07,762 --> 00:39:11,349
Sa proseso, lumikha ito
ng malawak na shallow sea.

283
00:39:13,476 --> 00:39:15,478
Isang bagong duyan ng buhay.

284
00:39:34,663 --> 00:39:35,706
Bahaging halaman…

285
00:39:37,875 --> 00:39:39,293
bahaging hayop.

286
00:39:42,296 --> 00:39:44,632
Ito ang mga korales.

287
00:39:48,219 --> 00:39:50,554
Gamit ang enerhiya mula sa Araw,

288
00:39:51,764 --> 00:39:56,102
nabuo nila ang pinakamalaking buhay
na istrukturang nakita ng planeta…

289
00:39:58,896 --> 00:40:00,272
ang mga tropical reef.

290
00:40:08,322 --> 00:40:12,118
Itong higanteng marine cities,
15 milyong taon ang nakalipas,

291
00:40:12,201 --> 00:40:15,704
nagbigay ng pagkakataon
sa maraming survivors.

292
00:40:21,085 --> 00:40:24,588
Mula sa kailaliman,
dumating ang mga pating.

293
00:40:32,596 --> 00:40:37,977
Naakit din ng mga bahura
ang ilan sa natitirang marine reptiles…

294
00:40:40,396 --> 00:40:41,480
ang mga pagong.

295
00:40:45,151 --> 00:40:48,195
Sa loob nitong paraiso sa ilalim ng dagat,

296
00:40:48,279 --> 00:40:51,782
hindi mabilang
ang mga bagong uri ng isda na umunlad.

297
00:40:59,582 --> 00:41:04,128
Ang lumalaking kasaganaan,
umapaw na rin sa mas malawak na karagatan…

298
00:41:07,047 --> 00:41:08,424
pinuno ito ng buhay.

299
00:41:10,426 --> 00:41:12,970
At hindi ito napansin…

300
00:41:16,182 --> 00:41:18,767
ng isang matinding dinastiya.

301
00:41:27,359 --> 00:41:30,196
Ang mga ibon na naman.

302
00:41:33,157 --> 00:41:36,410
Partikular na ang seabirds.

303
00:41:38,996 --> 00:41:40,748
Milyon-milyong taon ang nakaraan,

304
00:41:40,831 --> 00:41:44,543
nakahanap sila ng paraan
paraan makuha ang yaman ng karagatan…

305
00:41:49,465 --> 00:41:51,425
sa pagsalakay sa himpapawid.

306
00:41:56,347 --> 00:41:58,807
At nangyayari pa rin ito hanggang ngayon.

307
00:42:01,018 --> 00:42:03,854
Ang pinakamalakas na mananakop sa kanila,

308
00:42:05,397 --> 00:42:06,565
ang mga gannet.

309
00:42:09,360 --> 00:42:13,906
Sa matalas nilang pananaw, kita nila
ang bola ng isdang isang milya ang layo.

310
00:42:16,700 --> 00:42:18,452
Sumisisid mula sa taas,

311
00:42:18,536 --> 00:42:22,289
sinusugod nila ang ibabaw
nang halos 90 kilometro kada oras.

312
00:42:26,585 --> 00:42:28,837
Dahil sa espesyal na inangkop na bungo

313
00:42:30,256 --> 00:42:32,049
at mga pakpak na nauurong

314
00:42:33,259 --> 00:42:35,553
nagiging buhay na missiles sila.

315
00:42:47,231 --> 00:42:48,274
Higit pa roon,

316
00:42:49,275 --> 00:42:52,820
kayang hindi huminga
ng gannets sa loob ng 40 segundo.

317
00:43:09,461 --> 00:43:13,465
Ang mga sinaunang ibong-dagat na ito,
mahuhusay na mandaragit.

318
00:43:21,724 --> 00:43:23,350
Sa aerial assault nila,

319
00:43:23,434 --> 00:43:27,396
nakakalaban sila sa pinakamalalakas
na mandaragit ng karagatan,

320
00:43:28,856 --> 00:43:29,857
ang mga pating.

321
00:43:37,406 --> 00:43:41,952
Ang ganitong pagkain, kabilang
sa pinakamagagarbong palabas ng kalikasan,

322
00:43:43,370 --> 00:43:46,999
tulad noong 15 milyong taon ang nakaraan.

323
00:43:50,252 --> 00:43:53,088
Hindi nasakop
ng mga dinosaur ang karagatan,

324
00:43:53,964 --> 00:43:57,593
pero nakahanap din ng paraan
ang mga inapo nila sa himpapawid.

325
00:44:07,102 --> 00:44:10,022
Sobrang matagumpay
ang pagsakop nila sa mga dagat,

326
00:44:11,357 --> 00:44:14,943
kaya nakabuo ng maraming kolonya
ang seabirds sa planeta…

327
00:44:19,490 --> 00:44:24,203
na kabilang ngayon
sa pinakamagagandang pagtitipon sa Earth.

328
00:44:28,916 --> 00:44:33,837
Pero ang tagumpay ng mga ibon
sa mga karagatan, hindi pa kompleto.

329
00:44:35,923 --> 00:44:37,716
Ang sukdulan ng tagumpay nila,

330
00:44:39,426 --> 00:44:44,014
makikita sa mundo
na nalimutan na ng panahon.

331
00:44:48,686 --> 00:44:50,562
Ang Galápagos Islands.

332
00:44:54,149 --> 00:44:57,861
Ito ang marine iguanas,

333
00:44:59,154 --> 00:45:02,783
mga inapo ng mga butiki
na nakaligtas sa asteroid.

334
00:45:04,660 --> 00:45:09,039
Gaya ng karamihan sa mga reptilya,
kailangan nilang magpainit sa araw.

335
00:45:12,710 --> 00:45:15,295
Pero hindi lang sila ang nagpapaaraw dito.

336
00:45:19,800 --> 00:45:23,053
Kasama nila ang isang pambihirang ibon.

337
00:45:24,805 --> 00:45:25,723
Ang penguin.

338
00:45:28,434 --> 00:45:32,312
At ito ang Galápagos penguin.

339
00:45:35,941 --> 00:45:42,156
Sa loob ng ilang milyong taon,
binago ng mga ninuno ang mga pakpak nila,

340
00:45:43,282 --> 00:45:46,952
inayos sila para hindi na lumipad sa ere,

341
00:45:48,328 --> 00:45:50,581
pero para gumawa ng nakakamangha…

342
00:45:56,336 --> 00:45:57,838
sa ilalim ng mga alon…

343
00:46:04,052 --> 00:46:05,888
paglipad sa ilalim ng tubig.

344
00:46:10,601 --> 00:46:13,896
May natatanging kontrol
sa paglutang ang penguins…

345
00:46:17,191 --> 00:46:21,278
at isa sila sa mga nagtataglay
ng pinaka-epektibong katawan ng hayop,

346
00:46:23,697 --> 00:46:27,659
kaya sila ang mga pinakamagaling
lumangoy na ibon sa mundo.

347
00:46:32,790 --> 00:46:36,335
Naghahanap ng isda,
umaaligid ito na parang hummingbird…

348
00:46:41,173 --> 00:46:42,758
na may perpektong tindig.

349
00:46:51,558 --> 00:46:56,980
Sa kabilang banda, mabagal at makupad
ang mga cold-blooded iguana…

350
00:46:59,483 --> 00:47:02,528
kaya kumakain lang sila
ng low-energy kelp…

351
00:47:06,114 --> 00:47:08,909
nang nakadepende sa kapritso ng agos.

352
00:47:14,957 --> 00:47:18,418
Iba talaga ang warm-blooded penguins…

353
00:47:21,088 --> 00:47:23,715
na mabilis at maliksi…

354
00:47:32,224 --> 00:47:34,351
kaya madaling makahabol sa isda.

355
00:47:52,452 --> 00:47:53,787
Sa underwater flight,

356
00:47:55,455 --> 00:48:00,210
walang katulad ang naging paggamit
ng penguins sa mga dagat.

357
00:48:06,425 --> 00:48:08,760
Sa sobrang matagumpay ng diskarte nila,

358
00:48:10,012 --> 00:48:14,141
nasakop nila ang lahat
ng kontinente ng Southern Hemisphere…

359
00:48:18,228 --> 00:48:22,065
at umunlad sa 18 species
na kilala natin ngayon.

360
00:48:24,860 --> 00:48:28,906
Ang huling epikong kabanata
para sa mga ibon,

361
00:48:28,989 --> 00:48:32,743
isang dinastiya na muntik nang maubos.

362
00:48:38,916 --> 00:48:44,129
Pero salamat sa ilang nakaligtas
sa dinosaur family tree,

363
00:48:45,505 --> 00:48:49,426
bumangon ang mga ibon mula sa abo.

364
00:48:50,010 --> 00:48:52,721
Sa loob ng 66 milyong taon,

365
00:48:52,804 --> 00:48:56,683
binago nila ang sarili nila
sa napakaraming anyo.

366
00:49:00,646 --> 00:49:05,233
Ngayon, 10,000 species ang dami,

367
00:49:05,317 --> 00:49:09,321
nabubuhay sila
sa halos lahat ng sulok ng planeta.

368
00:49:12,324 --> 00:49:16,203
Pero hindi lang sila
ang nakasakop sa mundo.

369
00:49:20,958 --> 00:49:22,334
Kamakailan lang,

370
00:49:23,585 --> 00:49:27,172
nasa ilalim ng mga ibon ang Americas.

371
00:49:30,592 --> 00:49:34,554
Pero itong mga apex predator,
magiging biktima na kalaunan.

372
00:49:37,349 --> 00:49:40,852
Umunlad na rin
ang ibang nakaligtas sa asteroid.

373
00:49:45,315 --> 00:49:47,859
Wala na sa anino ng mga dinosaur…

374
00:49:51,071 --> 00:49:54,366
lumaki sila at naging mas mapanganib.

375
00:50:04,918 --> 00:50:08,797
Oras na para sa pagbangon

376
00:50:09,589 --> 00:50:10,674
ng mga mammal.

377
00:51:55,445 --> 00:51:58,406
Tagapagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol

