1
00:00:16,766 --> 00:00:19,936
Sa apat na bilyong taon
ng buhay sa planeta natin,

2
00:00:21,354 --> 00:00:23,648
hindi mabilang na species ang umangat…

3
00:00:26,026 --> 00:00:27,193
at bumagsak.

4
00:00:30,572 --> 00:00:35,785
Pero ang isang kahanga-hangang dinastiya,
may mas malaking epekto kaysa sa iba.

5
00:00:46,129 --> 00:00:47,297
Ang mga mammal.

6
00:00:50,300 --> 00:00:53,428
Ito ang kuwento
ng epikong paglalakbay nila…

7
00:00:56,973 --> 00:00:59,350
para maghari sa mundo.

8
00:02:14,509 --> 00:02:18,972
PAGMANA SA DAIGDIG

9
00:02:23,560 --> 00:02:26,271
Nakatago sa sinaunang kagubatan
ng Jurassic…

10
00:02:28,398 --> 00:02:30,817
payak ang pinagmulan ng mammals…

11
00:02:33,528 --> 00:02:37,907
pinamunuan ng pinakamalaking dinastiya
na nabuhay…

12
00:02:48,084 --> 00:02:49,377
ang mga dinosaur.

13
00:02:53,339 --> 00:02:55,216
Nangibabaw sila nang lubos…

14
00:02:57,468 --> 00:03:01,347
kaya ang mga naunang mammals,
nakulong sa mga anino.

15
00:03:04,184 --> 00:03:09,063
Karamihan, maliliit sila,
nakadikit sa mga puno…

16
00:03:12,984 --> 00:03:14,444
malayo sa mga higante.

17
00:03:24,078 --> 00:03:25,580
Nabuhay sila sa gabi,

18
00:03:27,123 --> 00:03:31,127
nagkaroon ng matatalas na pandama
na tumulong sa kanila sa dilim.

19
00:03:35,131 --> 00:03:36,841
Sa paghahari ng dinosaurs,

20
00:03:38,218 --> 00:03:41,095
may limitasyon
ang taas ng mararating nila.

21
00:03:44,015 --> 00:03:47,435
Pero kalaunan, nagbago ang lahat.

22
00:03:57,278 --> 00:04:00,740
Isa sa pinakamarahas na pangyayari
sa kasaysayan ng planeta

23
00:04:01,616 --> 00:04:04,202
ang naghudyat ng bagong panahon.

24
00:04:24,514 --> 00:04:26,182
Sa kabila ng pinsala,

25
00:04:27,558 --> 00:04:29,686
nakabangon ang planeta.

26
00:04:36,442 --> 00:04:38,361
Sa loob ng ilang milyong taon,

27
00:04:39,320 --> 00:04:42,699
tumubo muli ang mga gubat
at binalot ang kalakhan ng lupa.

28
00:04:48,288 --> 00:04:50,873
Naging mainit at basa ang klima…

29
00:04:54,419 --> 00:04:58,381
mga perpektong kondisyon
para umunlad ang buhay.

30
00:05:06,931 --> 00:05:10,935
Isang mundong handa
para sa isang panibagong ebolusyon.

31
00:05:21,237 --> 00:05:25,116
Katakot-takot ang kawalan
na idinulot ng asteroid sa mammals…

32
00:05:28,703 --> 00:05:31,080
pero ang ilan sa maliliit,

33
00:05:31,873 --> 00:05:36,127
na kayang magtago
sa mga lungga, nakaligtas.

34
00:05:47,722 --> 00:05:49,307
Malaya na sa mga dinosaur,

35
00:05:50,725 --> 00:05:53,353
nakaalis na rin sila sa mga anino

36
00:05:55,063 --> 00:05:56,647
at nakapunta sa labas.

37
00:06:14,624 --> 00:06:16,125
Tulad ng mga ninuno nila,

38
00:06:16,709 --> 00:06:19,087
marami ang mga adaptasyon ng mga coatis

39
00:06:19,170 --> 00:06:22,131
na sumusuporta sa kanila
sa mayamang rainforest.

40
00:06:23,716 --> 00:06:27,762
Mahilig magsama-sama,
naliligtas sila ng pagtitipon nila.

41
00:06:33,226 --> 00:06:37,688
Naaamoy ng ilong ng ina ang pagkain
na nakatago sa ilalim ng mga dahon,

42
00:06:39,357 --> 00:06:44,695
isang matalas na pandamang hinasa ng
milyon-milyong taong paghahanap sa dilim.

43
00:06:56,749 --> 00:07:00,420
Tulad ng lahat ng mga mammal,
warm-blooded ang mga coatis,

44
00:07:01,879 --> 00:07:04,590
kaya puwedeng maging aktibo
sa lahat ng oras.

45
00:07:08,845 --> 00:07:12,390
Ibig sabihin, kailangan
ng mga sanggol ng maraming enerhiya.

46
00:07:16,727 --> 00:07:21,274
Sa kabutihang palad, ang mammals,
nakagawa ng isang pambihirang solusyon…

47
00:07:24,402 --> 00:07:25,319
gatas.

48
00:07:28,156 --> 00:07:30,908
Mapapakain nila
ang mga anak nila kahit kailan,

49
00:07:32,493 --> 00:07:34,662
kahit kulang ang pagkain.

50
00:07:38,833 --> 00:07:42,920
Pero hindi lang gatas
ang lihim na armas ng mga naunang mammal.

51
00:07:49,093 --> 00:07:52,221
May brain power din sila.

52
00:07:59,729 --> 00:08:02,315
At mahalaga pa rin ito ngayon.

53
00:08:05,985 --> 00:08:08,821
Sa kagubatan ng Costa Rica,

54
00:08:08,905 --> 00:08:12,116
nilulutas nitong capuchin monkey
ang isang suliranin…

55
00:08:15,328 --> 00:08:19,123
kung paano makukuha
ang karne sa loob ng saradong kabibe.

56
00:08:21,667 --> 00:08:25,004
Walang lakas ang unggoy
para mabiyak ang kabibe…

57
00:08:29,217 --> 00:08:33,763
pero nadiskubre nitong napapagod
ang kabibe sa paulit-ulit na pagpukpok…

58
00:08:40,686 --> 00:08:42,396
hanggang sa bumukas ito.

59
00:08:45,483 --> 00:08:48,778
Para matutunan ito,
kailangan ng malaking utak…

60
00:08:50,821 --> 00:08:52,114
at koordinasyon.

61
00:09:00,706 --> 00:09:04,210
Dahil sa natatanging talinong ito,
ang mga ninuno nila,

62
00:09:04,293 --> 00:09:08,256
nabuhay sa gubat
50 milyong taon na ang nakaraan.

63
00:09:16,138 --> 00:09:19,433
Mausisa ang matatalinong hayop…

64
00:09:22,603 --> 00:09:25,481
at malaking pakinabang ito.

65
00:09:35,908 --> 00:09:37,827
Ang babaeng ito, natutunan

66
00:09:38,995 --> 00:09:40,246
at naalala

67
00:09:41,998 --> 00:09:44,166
kung saan siya makakahanap ng tubig.

68
00:09:47,753 --> 00:09:49,755
Pero masyado itong malalim.

69
00:09:50,673 --> 00:09:54,051
Mabuti na lang,
may inspiradong solusyon siya.

70
00:09:58,014 --> 00:10:02,101
Ginagawa niyang espongha ang buntot niya.

71
00:10:10,735 --> 00:10:15,281
Pero hindi lahat ng mga hamon nila,
tungkol sa paghahanap ng pagkain at tubig.

72
00:10:20,077 --> 00:10:24,332
Kinokolekta ang ilang prutas
hindi para kainin…

73
00:10:27,209 --> 00:10:29,253
kundi para ipahid sa katawan nila.

74
00:10:34,216 --> 00:10:36,427
Ang prutas na ito, may citronella,

75
00:10:37,637 --> 00:10:40,348
isang langis na hindi matiis ng mga lamok.

76
00:10:46,145 --> 00:10:50,524
Nadiskubre ng mga unggoy
ang sarili nilang insect repellent.

77
00:11:03,287 --> 00:11:05,623
Malaya sa mga nangangagat na insekto,

78
00:11:06,957 --> 00:11:10,461
makakahinga na ang mga wais na capuchin.

79
00:11:15,883 --> 00:11:19,095
Pero habang nagsisimulang umusad
ang mga ninuno nila,

80
00:11:20,554 --> 00:11:26,060
nagbago ang mga mainit at basang kondisyon
kung saan sila namayagpag.

81
00:11:33,943 --> 00:11:38,739
34 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

82
00:11:41,242 --> 00:11:45,329
Ang kalupaan ng Antarctic,
nagsimulang humiwalay sa South America…

83
00:11:48,332 --> 00:11:51,794
gumawa ng espasyo
para sa mga bagong ocean currents…

84
00:11:54,130 --> 00:11:56,424
na nakatulong sa paglamig ng mundo.

85
00:12:00,761 --> 00:12:04,181
Lumipat ang klima
sa isang mas malamig na estado.

86
00:12:08,686 --> 00:12:10,604
Pero simula pa lang iyon.

87
00:12:17,361 --> 00:12:20,906
Sa paglamig at paghiwalay ng Antarctica,

88
00:12:21,699 --> 00:12:23,993
nagyelo ang malaking kontinente,

89
00:12:25,494 --> 00:12:28,414
ikinulong ang karamihan
sa fresh water ng planeta.

90
00:12:35,838 --> 00:12:38,048
Sa pagtuyo ng mundo sa hilaga,

91
00:12:38,799 --> 00:12:42,428
naging mas malupit,
mas mahirap itong tirhan.

92
00:12:47,141 --> 00:12:49,351
Mas nagkalat ang pagkain,

93
00:12:50,352 --> 00:12:51,604
mas mahirap hanapin.

94
00:12:52,813 --> 00:12:54,690
At sa pagbabago ng Earth,

95
00:12:55,941 --> 00:12:57,610
nagbago rin ang mga mammal.

96
00:13:08,579 --> 00:13:11,207
Ang ilan, sobrang lumaki.

97
00:13:18,088 --> 00:13:20,132
Isang lalaking Megacerops.

98
00:13:24,053 --> 00:13:26,180
Dalawa't kalahating metro ang taas,

99
00:13:26,764 --> 00:13:28,140
apat na metro ang haba…

100
00:13:31,685 --> 00:13:33,729
at tatlong tonelada ang timbang.

101
00:13:38,984 --> 00:13:44,198
Dahil sa laki nito, nakakapaglakbay ito
sa malalayo para maghanap ng pagkain…

102
00:13:46,951 --> 00:13:50,996
at nasisigurong may mga reserba
para sa panahong kulang ang pakain.

103
00:13:58,337 --> 00:14:04,009
May laban na ang laki
ng mga mammal sa mga nawalang dinosaur.

104
00:14:11,141 --> 00:14:14,937
Pero ang pagiging malaki,
may ibang mga implikasyon…

105
00:14:18,440 --> 00:14:23,112
lalo na pagdating
sa paghahanap ng kapareha.

106
00:14:36,083 --> 00:14:39,169
Ang babaeng ito, binabantayan na ng lalaki

107
00:14:41,046 --> 00:14:42,673
na mas malaki kaysa sa una.

108
00:14:48,888 --> 00:14:49,972
Kung hahamunin,

109
00:14:51,098 --> 00:14:53,475
kaya niyang mapuruhan ang kalaban.

110
00:15:10,868 --> 00:15:14,330
Pero baka masuwerte
ang mas maliit na lalaki.

111
00:15:18,167 --> 00:15:19,710
Isa pang babae,

112
00:15:21,587 --> 00:15:24,089
at mukhang mag-isa siya.

113
00:15:32,431 --> 00:15:34,683
Ito ang pagkakataong hinihintay niya.

114
00:15:41,857 --> 00:15:43,067
May karibal siya.

115
00:15:46,820 --> 00:15:49,823
Ngayon, patas na sila.

116
00:16:36,870 --> 00:16:38,163
Sa mga mammal na ito,

117
00:16:40,124 --> 00:16:41,834
mahalaga ang laki.

118
00:16:46,130 --> 00:16:48,757
Pero kahit ang pinakamalakas
na Megacerops,

119
00:16:50,009 --> 00:16:53,679
hindi nakayanan
ang susunod na malaking hamon ng planeta.

120
00:17:06,275 --> 00:17:11,321
Ang pagbuo ng Antarctica, lumikha
ng kaguluhan sa padaigdigang klima.

121
00:17:13,699 --> 00:17:15,576
Sa pagbabago ng ocean currents

122
00:17:16,744 --> 00:17:18,412
at pagtuyo ng planeta…

123
00:17:21,081 --> 00:17:23,667
naging takaw-apoy ito.

124
00:17:36,805 --> 00:17:40,309
Sinira ng wildfire ang lupa…

125
00:17:43,103 --> 00:17:46,398
nagbigay-daan sa bagay na talagang naiiba…

126
00:17:53,030 --> 00:17:56,784
isang bagay na hahamon
sa mammals sa kakaibang paraan.

127
00:18:02,122 --> 00:18:04,249
Nang mawala ang usok,

128
00:18:04,333 --> 00:18:06,210
may bumangon mula sa abo

129
00:18:06,293 --> 00:18:12,716
na isang anyong-buhay
na dating nabuhay lang sa mga gilid…

130
00:18:21,934 --> 00:18:22,851
damo.

131
00:18:31,026 --> 00:18:34,029
Nag-ugat sa panahon ng malawakang pagtuyo…

132
00:18:36,240 --> 00:18:38,158
sa sobrang bilis nitong kumalat,

133
00:18:39,326 --> 00:18:41,954
kalaunan, nasakop nito ang 1/5 ng lupa.

134
00:18:51,964 --> 00:18:56,385
Pero ang walang katapusang kapatagan,
hindi paraiso para sa mga mammal.

135
00:19:00,597 --> 00:19:02,808
Marami ang hindi natunawan sa damo

136
00:19:04,393 --> 00:19:06,812
at nalipol kalaunan.

137
00:19:16,405 --> 00:19:18,073
Matapos ang 20 milyong taon,

138
00:19:19,158 --> 00:19:23,704
at ang nanginginaing mammals ngayon,
nakakulong pa rin sa pakikipaglaban

139
00:19:24,288 --> 00:19:25,956
sa berdeng mananakop na ito.

140
00:19:29,960 --> 00:19:36,633
Marami silang mga pag-unlad
na nakapagpabago ng buhay…

141
00:19:38,886 --> 00:19:40,596
mga espesyal na ngipin,

142
00:19:41,221 --> 00:19:46,602
pinalakas para maiwasang mapagod
sa silica sa damo…

143
00:19:50,856 --> 00:19:54,276
at malalaking tiyan
para iproseso ang lahat ng ito.

144
00:20:00,657 --> 00:20:03,202
Nakapormang isinisilang ang mga anak nila…

145
00:20:06,079 --> 00:20:08,582
nakakalakad na ilang oras matapos iluwal…

146
00:20:14,671 --> 00:20:18,050
at nakakasunod sa kawan nila
na naghahanap ng bagong tubo.

147
00:20:21,803 --> 00:20:25,432
Talagang nasakop ng mammals
ang madamong kapatagan…

148
00:20:30,520 --> 00:20:35,609
hudyat ng pambihirang tagumpay nila
ang dami nila.

149
00:20:41,865 --> 00:20:44,993
Pero kung paano natutong kumain
ng damo ang mammals,

150
00:20:46,536 --> 00:20:49,957
natuto rin ang ibang kumain ng grazers.

151
00:20:54,044 --> 00:20:55,170
Mga mandaragit.

152
00:21:05,430 --> 00:21:09,601
May sariling depensa ang kawan
laban sa bilis ng mga cheetah.

153
00:21:15,899 --> 00:21:19,569
Maraming mata
ang nakakakita agad sa panganib.

154
00:21:32,416 --> 00:21:37,045
Ang mga tumatakbong katawan,
kalituhang napagtataguan ng mga bata.

155
00:21:39,631 --> 00:21:41,633
Pero may plano ang malaking pusa…

156
00:21:43,552 --> 00:21:46,346
gawa ng matalinong mammalian brain nito…

157
00:21:50,976 --> 00:21:53,645
tarantahin ang kawan, paghiwalayin sila,

158
00:21:55,355 --> 00:21:57,649
at puntiryahin ang nag-iisang guya.

159
00:22:22,341 --> 00:22:25,010
Desperadong ipagtanggol
ang tanging guya niya,

160
00:22:25,635 --> 00:22:27,679
lalaban ang babaeng wildebeest.

161
00:22:34,061 --> 00:22:36,521
Hindi pa tapos ang habulan.

162
00:22:41,401 --> 00:22:43,612
Naiiwan na ang cheetah…

163
00:22:46,323 --> 00:22:49,076
pero napapagod na ang guya.

164
00:23:04,591 --> 00:23:06,718
Sa pagliko ng bata,

165
00:23:07,302 --> 00:23:09,971
ang mandaragit na ang kailangang tumakbo.

166
00:23:19,564 --> 00:23:21,733
Ligtas na ulit ang guya…

167
00:23:27,364 --> 00:23:29,825
pero babalik ang cheetah…

168
00:23:38,208 --> 00:23:42,879
at magpapatuloy ang digmaan
sa pagitan ng mga grassland mammal

169
00:23:42,963 --> 00:23:45,966
gaya ng nangyari
sa loob ng ilang milyong taon.

170
00:23:54,933 --> 00:23:59,980
DALAWANG MILYONG TAON ANG NAKARAAN

171
00:24:09,030 --> 00:24:11,158
Sa sinaunang South America,

172
00:24:12,075 --> 00:24:15,078
naganap sa mga damuhan
ang parehong labanan…

173
00:24:17,998 --> 00:24:19,958
pero ibang mga hayop ang kalahok.

174
00:24:32,262 --> 00:24:33,889
Itong higanteng armadillo…

175
00:24:36,475 --> 00:24:38,185
isa ring mammal…

176
00:24:40,687 --> 00:24:43,231
pero kasinglaki ng isang kotse.

177
00:24:45,650 --> 00:24:48,195
Hindi man mabilis ang Doedicurus,

178
00:24:49,821 --> 00:24:51,615
pero ang kulang nila sa bilis,

179
00:24:52,866 --> 00:24:57,412
binabawi nila sa baluti
at nakamamatay na buntot nila…

180
00:25:04,961 --> 00:25:09,132
mga adaptasyong pumoprotekta
sa kanila at sa mga anak nila

181
00:25:09,216 --> 00:25:11,468
mula sa anumang magiging mandaragit.

182
00:25:29,569 --> 00:25:30,487
Isang Smilodon…

183
00:25:33,615 --> 00:25:34,950
pero isang bata lang.

184
00:25:44,626 --> 00:25:46,336
Hindi talaga siya mapanganib…

185
00:25:50,173 --> 00:25:52,342
kahit sa mala-punyal na ngipin niya.

186
00:25:56,805 --> 00:25:59,558
Di pa siya nakakita
ng Doedicurus sa malapitan,

187
00:26:00,141 --> 00:26:03,395
at nakakaintriga ang mga depensa nila.

188
00:26:15,907 --> 00:26:18,201
Nadadala siya ng pagkamausisa niya.

189
00:26:33,675 --> 00:26:36,052
Sinusuri niya ang bawat anggulo.

190
00:26:50,525 --> 00:26:53,987
Ang magagawa lang
ng batang Doedicurus, manatili.

191
00:27:01,411 --> 00:27:04,623
Walang nakakalampas
sa baluti ng higanteng armadillos…

192
00:27:07,500 --> 00:27:08,668
at alam nila iyon.

193
00:27:22,807 --> 00:27:25,644
Pero may isang halatang pagkakataon.

194
00:27:31,650 --> 00:27:35,028
Higit na mas maliit ang batang Doedicurus.

195
00:27:37,697 --> 00:27:39,324
Kung mahawakan niya ito…

196
00:27:41,534 --> 00:27:43,536
baka mabalikad niya ito.

197
00:27:49,501 --> 00:27:51,836
Pero hindi kung nandiyan ang matatanda.

198
00:27:57,592 --> 00:27:59,052
Wala na namang magagawa.

199
00:28:08,728 --> 00:28:12,399
Laging tinutulak ng mga labanan
ng mammals ang ebolusyon nila,

200
00:28:13,650 --> 00:28:16,695
at hindi lang sila nangyayari sa damuhan.

201
00:28:19,447 --> 00:28:26,371
Limampung milyong taon ang nakalipas,
nagbanggaan ang ngayong India at Asia.

202
00:28:28,998 --> 00:28:31,793
Napuwersa ang lupa
sa langit dahil sa banggaan,

203
00:28:32,460 --> 00:28:35,213
nalikha ang matayog na Himalayas.

204
00:28:42,804 --> 00:28:46,307
Ngayon, 2,500 kilometro ang haba nila,

205
00:28:47,267 --> 00:28:49,269
halos siyam na kilometro ang taas,

206
00:28:50,562 --> 00:28:51,938
at lumalaki pa rin.

207
00:28:55,024 --> 00:28:57,902
Dahil sa lamig
ng temperatura at nipis ng hangin,

208
00:28:58,486 --> 00:29:02,240
hindi matitirhan ng karamihan
sa mga hayop ang kabundukang ito…

209
00:29:07,537 --> 00:29:08,621
pero hindi lahat.

210
00:29:15,754 --> 00:29:17,839
Sa ilalim ng walang araw na lambak…

211
00:29:23,261 --> 00:29:24,971
isang lalaking snow leopard…

212
00:29:30,769 --> 00:29:33,897
at isang ibex
na nahulog sa kamatayan niya.

213
00:29:45,074 --> 00:29:47,327
Ang leopard, matanda na,

214
00:29:48,578 --> 00:29:51,956
pagod at gula-gulanit
dahil sa malupit na buhay sa bundok.

215
00:29:56,836 --> 00:30:01,591
Sa ganitong taas, dapat laging kumakain
ang mga mammal para mainitan.

216
00:30:05,553 --> 00:30:08,848
Pero ang Himalayas
ang tunay na hamon sa pangangaso.

217
00:30:14,521 --> 00:30:17,649
Sa taas ng lambak, isang babae…

218
00:30:22,946 --> 00:30:24,280
at mga supling niya,

219
00:30:25,198 --> 00:30:26,533
na anak ng lalaki.

220
00:30:28,701 --> 00:30:30,078
Tatlo sila sa kabuuan,

221
00:30:30,829 --> 00:30:33,665
nakakamanghang naka-camouflage ang lahat.

222
00:30:40,421 --> 00:30:43,049
Ang snow leopards,
may makapal na balahibo,

223
00:30:44,092 --> 00:30:45,635
malalaking paa,

224
00:30:46,678 --> 00:30:47,929
at mahahabang buntot…

225
00:30:52,684 --> 00:30:56,479
mga perpektong adaptasyon
para sa pinakamalamig,

226
00:30:57,230 --> 00:31:00,692
pinakamatarik na nursery sa Earth.

227
00:31:23,673 --> 00:31:25,508
Malayo sa mapanganib na bangin…

228
00:31:29,470 --> 00:31:32,015
nagsisimulang magturo
ang ina ng pandaragit.

229
00:31:44,152 --> 00:31:47,113
Ang pagtuturo at pag-aalaga ng anak,

230
00:31:48,781 --> 00:31:50,909
pangunahing katangiang mammalian.

231
00:32:05,465 --> 00:32:09,052
Halos dalawang taong mananatili
sa tabi ng ina nila ang cubs…

232
00:32:15,016 --> 00:32:19,979
inaaral ang mga kakayahang kailangan
para mabuhay sa laylayan ng buhay.

233
00:32:25,818 --> 00:32:29,948
Sa ganitong taas,
dapat sunggaban ang bawat pagkakataon.

234
00:32:34,911 --> 00:32:37,997
May sinusubaybayang kawan
ang matandang lalaki.

235
00:32:44,879 --> 00:32:49,550
Sa patayong mundong ito,
kailangang nasa taas siya ng biktima niya…

236
00:33:02,689 --> 00:33:03,898
at sapat ang lapit…

237
00:33:06,109 --> 00:33:07,318
para sa pananambang.

238
00:34:10,965 --> 00:34:12,008
Ngayon,

239
00:34:13,176 --> 00:34:15,553
pareho na silang inangkin ng kamatayan.

240
00:34:30,943 --> 00:34:34,322
Pero nananatili ang pamana ng leopard.

241
00:34:38,951 --> 00:34:40,536
Pagkatapos ng ilang buwan,

242
00:34:41,788 --> 00:34:46,000
iiwan ng mga supling niya
ang ina nila at mag-isang manghuhuli…

243
00:34:47,960 --> 00:34:50,713
natutunan na ang lahat ng kailangan nila

244
00:34:52,548 --> 00:34:55,176
para mabuhay sa tuktok ng mundo.

245
00:35:13,069 --> 00:35:15,488
Bagama't nasakop na nila ang lupain,

246
00:35:16,864 --> 00:35:18,866
hindi tumigil doon ang mga mammal.

247
00:35:24,288 --> 00:35:29,544
Ang isa, humiwalay
at pumunta sa ibang direksiyon.

248
00:35:38,511 --> 00:35:43,766
Nagbukas ang mga paniki ng bagong kaharian
50 milyong taon na ang nakaraan…

249
00:35:47,562 --> 00:35:49,272
sa pamamagitan ng paglipad.

250
00:36:16,924 --> 00:36:20,553
Paglipad, nakakahanap ng pagkain
sa mas malayo ang mga hayop…

251
00:36:23,723 --> 00:36:26,767
at nakakapagtipon-tipon
nang milyon-milyon.

252
00:36:39,155 --> 00:36:44,243
Ngayon, isa sa limang species
ng mammal, paniki.

253
00:36:50,124 --> 00:36:54,295
Pero di ang mga paniki ang mga unang hayop
na nakalipad sa himpapawid.

254
00:36:59,425 --> 00:37:01,636
Buong gabing naghanap ng pagkain,

255
00:37:01,719 --> 00:37:05,223
ang mga fruit bat na ito,
nag-uunahang makabalik sa pugad…

256
00:37:10,311 --> 00:37:13,648
dahil kasabay ng liwanag
ng araw ang panganib.

257
00:37:17,276 --> 00:37:18,319
Mga ibon.

258
00:37:26,869 --> 00:37:30,581
Natuto silang lumipad
bago pa ang mga mammal.

259
00:37:50,810 --> 00:37:53,437
Mas mabilis at malakas
kaysa sa mga paniki…

260
00:38:01,070 --> 00:38:03,948
armado ang mga agila
ng mga nakamamatay na kuko.

261
00:38:12,123 --> 00:38:13,874
Pero pagdating ng takipsilim,

262
00:38:16,085 --> 00:38:19,964
pag-aari na ulit
ng mga paniki ang himpapawid.

263
00:38:22,717 --> 00:38:24,385
Milyon-milyon ang lumilipad,

264
00:38:25,094 --> 00:38:28,639
alam na nakasalalay
ang kaligtasan sa dami nila

265
00:38:29,557 --> 00:38:32,393
at sa paparating na kadiliman.

266
00:38:47,908 --> 00:38:51,579
Kasabay ng unang pagpunta
ng mga paniki sa hangin,

267
00:38:52,288 --> 00:38:55,875
pumunta ang ibang mammals sa dagat…

268
00:38:55,958 --> 00:38:59,670
47 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

269
00:38:59,754 --> 00:39:03,966
naakit sa kasaganaan ng pagkain
na nakatago sa ilalim ng mga alon.

270
00:39:17,980 --> 00:39:22,568
Unti-unti ang paglalakbay
ng mga mammal sa karagatan.

271
00:39:27,990 --> 00:39:29,950
Mga Maiacetus ito,

272
00:39:30,868 --> 00:39:34,997
dalawa't kalahating metrong ninuno
ng mga balyena.

273
00:39:40,252 --> 00:39:45,883
Pero hindi gaya ng mga balyena,
sa lupa pa rin sila namamalagi.

274
00:39:51,889 --> 00:39:55,267
Sa tubig sila nabubuhayan…

275
00:39:57,812 --> 00:39:59,814
naghahabol sa mga grupo ng isda.

276
00:40:12,451 --> 00:40:16,455
Ang oras niya rito, nakadepende
sa tagal ng pagpigil niya ng hininga.

277
00:40:26,882 --> 00:40:29,677
Parang naipit siya
sa pagitan ng dalawang mundo,

278
00:40:31,262 --> 00:40:33,305
lalo na pag nahaharap sa panganib.

279
00:40:49,488 --> 00:40:53,242
Ang talino ng mammal
ang tanging depensa niya…

280
00:40:56,829 --> 00:40:58,873
pero di siya makakatagal sa baba.

281
00:41:02,418 --> 00:41:03,377
Otodus.

282
00:41:04,587 --> 00:41:07,339
Doble ang haba sa great white shark.

283
00:41:09,175 --> 00:41:14,013
Gamit ang pinong pandama,
matutukoy nito ang saktong lokasyon niya,

284
00:41:15,514 --> 00:41:17,975
at hindi ito nagmamadaling kumilos.

285
00:41:21,353 --> 00:41:23,898
Nauubusan na ng hangin ang Maiacetus.

286
00:41:34,116 --> 00:41:37,119
Sa bukas na katubigan, walang takas.

287
00:41:39,914 --> 00:41:42,249
Nag-aalok ng kanlungan ang isang umbok.

288
00:41:49,548 --> 00:41:51,926
Pero nauubos na ang oras.

289
00:42:05,940 --> 00:42:07,816
Nakakapagtago sa isang gully.

290
00:42:17,660 --> 00:42:18,577
Ligtas

291
00:42:19,787 --> 00:42:22,081
at nakakahinga na ulit.

292
00:42:30,422 --> 00:42:35,261
Mahaba pa ang nilakbay ng mammals
para maghari sa mga karagatan ng mundo,

293
00:42:38,639 --> 00:42:40,808
pero malapit na iyon.

294
00:42:52,319 --> 00:42:54,405
Sa patuloy na paglamig ng planeta,

295
00:42:55,281 --> 00:42:57,366
nagdulot ito ng pagsabog ng buhay…

296
00:43:05,666 --> 00:43:09,587
na nagbigay-daan
sa pag-unlad ng mga higante ngayon.

297
00:43:30,065 --> 00:43:33,277
Ang mammals,
mula sa maliliit na hayop sa lupa…

298
00:43:35,446 --> 00:43:38,449
mas lumaki kaysa sa dinosaurs.

299
00:43:58,385 --> 00:43:59,845
Kada higanteng paghinga,

300
00:44:00,679 --> 00:44:05,267
mas mabisa ang paggamit nila
ng oxygen kaysa sa Maiacetus.

301
00:44:07,102 --> 00:44:08,896
At dahil warm-blooded sila,

302
00:44:08,979 --> 00:44:13,609
laging handa ang temperatura
ng mga muscle nila para humataw…

303
00:44:17,571 --> 00:44:22,785
na nagbibigay-daan para makapaglabas sila
ng pangmatagalang pagsabog ng enerhiya.

304
00:44:34,505 --> 00:44:36,340
Pag lumalaban para sa kapareha,

305
00:44:36,924 --> 00:44:39,843
ginagamit ng mga lalaking humpback
itong abilidad…

306
00:44:45,265 --> 00:44:47,101
naghahabol sa nag-iisang babae.

307
00:44:53,816 --> 00:44:56,193
Higit pa ito sa bilis.

308
00:45:01,490 --> 00:45:05,035
Ang mga lalaki, nananatiling malapit
sa babae hangga't maaari

309
00:45:05,119 --> 00:45:08,539
para mahusgahan niya
ang lakas at tibay nila.

310
00:45:28,684 --> 00:45:29,685
Pagdaloy ng bula,

311
00:45:31,353 --> 00:45:33,021
nasisindak ang mga karibal.

312
00:45:36,775 --> 00:45:39,611
Nagsasagupaan ang mga lalaki.

313
00:45:49,955 --> 00:45:51,415
Ang iba, naiiwan,

314
00:45:52,875 --> 00:45:53,917
lumalaban pa rin.

315
00:46:08,015 --> 00:46:10,893
Patuloy ang paghahabol
ng pangunahing grupo…

316
00:46:13,270 --> 00:46:15,647
nakabuntot na sa babae.

317
00:46:31,497 --> 00:46:32,581
Tapos bigla,

318
00:46:34,041 --> 00:46:35,125
tumitigil siya.

319
00:46:46,053 --> 00:46:47,387
Nakabitin sa tubig…

320
00:46:50,641 --> 00:46:52,559
pinatigil niya ang karera.

321
00:47:01,318 --> 00:47:03,320
Nakapagdesisyon na siya…

322
00:47:11,245 --> 00:47:13,080
at pinayagan ang isang lalaki…

323
00:47:16,375 --> 00:47:17,334
na lumapit.

324
00:47:24,466 --> 00:47:27,970
Nasakop na ng mga mammal
ang bawat habitat sa Earth…

325
00:47:32,307 --> 00:47:35,602
lupa, hangin, at dagat.

326
00:47:41,567 --> 00:47:46,321
Ang pag-atake ng asteroid,
nagbigay-daan sa mga underdog na mammal…

327
00:47:49,575 --> 00:47:52,035
para maging pandaigdigang kapangyarihan.

328
00:47:53,954 --> 00:48:00,586
Ganyan ang papel ng pagkakataon
sa kasaysayan ng buhay sa planeta natin.

329
00:48:10,012 --> 00:48:15,601
Pero may isa pang kabanata
sa kuwento ng mammals na dapat ikuwento.

330
00:48:20,647 --> 00:48:26,612
Two and a half million years ago,
humarap sa bagong hamon ang mammals.

331
00:48:37,205 --> 00:48:41,960
Tumindi ang dating mabagal
na paglamig ng planeta.

332
00:48:49,009 --> 00:48:51,845
Ang simula ng isang panahon ng yelo.

333
00:48:55,641 --> 00:48:59,311
Mula sa mga nagyelong dumi,
dumating ang isang bagong puwersa…

334
00:49:01,146 --> 00:49:07,402
isang mammal na may matinding talino
at pag-angkop kaysa sa anumang nauna…

335
00:49:10,238 --> 00:49:14,076
ang pinakamapanganib
na hayop na nakita ng mundo.

336
00:50:58,889 --> 00:51:01,850
Tagapagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol

