1
00:00:12,637 --> 00:00:15,473
Sa 90 porsiyento
ng kasaysayan ng planeta natin,

2
00:00:16,516 --> 00:00:19,602
masyadong mainit para may mabuong yelo.

3
00:00:23,732 --> 00:00:28,445
Kaya noong tumama ang Ice Age dalawa't
kalahating milyong taon na ang nakalipas,

4
00:00:29,279 --> 00:00:31,740
malaki ang naging epekto nito.

5
00:00:45,086 --> 00:00:49,966
Ito ang kuwento ng matinding pagyeyelo

6
00:00:51,176 --> 00:00:54,596
at pag-angat ng dinastiya

7
00:00:54,679 --> 00:00:58,683
na nagdala sa buhay
sa bingit ng pagkalipol.

8
00:02:18,763 --> 00:02:24,185
KASALUKUYAN

9
00:02:27,397 --> 00:02:32,569
Isa sa mga pinakamalamig na lugar
sa Amerika ang Yellowstone.

10
00:02:39,492 --> 00:02:45,623
Tuwing taglamig, tinitiis pa rin nito
ang ilang malamig na kondisyon

11
00:02:45,707 --> 00:02:47,709
na dala ng ice age.

12
00:02:56,718 --> 00:03:00,305
Maaaring bumaba
ang temperatura sa minus 50 degrees.

13
00:03:03,141 --> 00:03:06,936
Ang mga sanay lang
sa lamig ang makakaligtas.

14
00:03:17,322 --> 00:03:20,700
Magandang insulation
ang makapal na coat ng bison,

15
00:03:22,285 --> 00:03:24,913
konting enerhiya
ang kailangan para mainitan…

16
00:03:29,083 --> 00:03:30,752
na tama lang din,

17
00:03:30,835 --> 00:03:34,130
dahil mahirap maghanap
ng damo sa ilalim ng niyebe.

18
00:03:38,426 --> 00:03:42,722
Pero hindi lang bison ang gutom dito.

19
00:03:48,436 --> 00:03:52,148
Natitiis din ng mga lobo
ang mga pinakamatinding taglamig…

20
00:03:54,859 --> 00:04:00,448
at mahigit 100,000 taon na sila
nanghuhuli ng bison sa Amerika.

21
00:04:14,420 --> 00:04:16,089
Para paghiwalayin ang kawan,

22
00:04:17,131 --> 00:04:19,384
kailangang mapagalaw sila ng pack.

23
00:04:24,681 --> 00:04:27,684
Nagkakaroon ng kontrol
ang mga lobo dahil sa panic.

24
00:04:40,571 --> 00:04:43,074
Kailangang magsama-sama ang kawan.

25
00:04:52,750 --> 00:04:55,086
Puwedeng mamatay pag matisod.

26
00:05:03,219 --> 00:05:08,641
Pero hindi makakatakbo habambuhay
ang bison, lalo na sa malalim na niyebe.

27
00:05:20,611 --> 00:05:26,284
Ang tanging pag-asa nila, lumingon
at harapin ang mga humahabol sa kanila.

28
00:05:37,003 --> 00:05:40,923
Saka lang titigil ang pack.

29
00:05:47,930 --> 00:05:50,475
Pero kahit saan sila magpunta,

30
00:05:51,351 --> 00:05:53,561
susunod ang mga lobo.

31
00:05:59,400 --> 00:06:04,989
Mga matagal nang magkalaban,
ilang milenyo na ang tunggalian.

32
00:06:09,827 --> 00:06:14,040
Pero masuwerte
ang mga sinaunang magkalabang ito…

33
00:06:16,542 --> 00:06:19,379
dahil may aabangan sila
na pagtatapos ng taglamig

34
00:06:21,089 --> 00:06:22,799
at ginhawa ng tagsibol.

35
00:06:27,720 --> 00:06:31,307
Pero nagkaroon ng panahon
kung kailan ang winter,

36
00:06:32,433 --> 00:06:34,477
parang hindi matapos-tapos.

37
00:06:37,814 --> 00:06:41,776
2.5 MILYONG TAON ANG NAKARAAN

38
00:06:41,859 --> 00:06:44,529
Dalawa't kalahating milyong taon
ang nakaraan,

39
00:06:45,196 --> 00:06:51,035
ang mga pagbabago sa orbit ng Earth,
ocean currents, at carbon dioxide levels,

40
00:06:51,744 --> 00:06:54,622
nagdulot ng biglang paglamig ng planeta.

41
00:06:59,001 --> 00:07:01,921
Nagsimula na ang malawakang Ice Age…

42
00:07:04,841 --> 00:07:09,011
at nagsimula ito sa maliliit na bagay.

43
00:07:15,351 --> 00:07:21,983
Mag-isa, ang snowflake,
isang marupok na nagyeyelong milagro.

44
00:07:23,234 --> 00:07:25,027
Walang magkapareho sa kanila.

45
00:07:28,656 --> 00:07:33,119
Pero magkasama,
binago ng mga snowflake ang mundo.

46
00:07:36,789 --> 00:07:39,584
Walang mainit na tag-init
para tunawin sila,

47
00:07:40,626 --> 00:07:43,379
binalot ng niyebe ang hilaga ng mundo…

48
00:07:47,508 --> 00:07:51,637
at nagsiksikan
matapos ang ilang libong taon

49
00:07:52,346 --> 00:07:57,185
para bumuo ng permanenteng ice sheets
na ilang kilometro ang kapal.

50
00:08:07,528 --> 00:08:10,781
Dito, sa tahimik na kahariang ito,

51
00:08:11,574 --> 00:08:14,911
namatay sa lamig ang buhay…

52
00:08:19,373 --> 00:08:21,375
pero sa timog ng ice sheets,

53
00:08:22,126 --> 00:08:26,631
nabuo ang isang bagong mundo
kung saan lumago ang buhay.

54
00:08:29,800 --> 00:08:33,304
Binalot halos
ang buong Northern Hemisphere,

55
00:08:35,598 --> 00:08:40,186
naging pinakamalawak na habitat
ng Earth ang tundra steppe.

56
00:08:40,269 --> 00:08:44,649
20,000 TAON ANG NAKARAAN

57
00:08:51,072 --> 00:08:56,619
Ang mammals na kinaya ang lamig
ang naghari sa mga nagyeyelong lupang ito…

58
00:09:00,581 --> 00:09:04,961
kabilang na ang pinakamalaki
at pinakatumatak sa kanilang lahat…

59
00:09:08,214 --> 00:09:09,674
ang woolly mammoths.

60
00:09:12,260 --> 00:09:18,432
Milyon-milyong taon na mula noong umalis
sa Africa ang elephant-like ancestors nila

61
00:09:18,516 --> 00:09:23,229
at naging mga kakaibang halimaw gaya nito.

62
00:09:26,857 --> 00:09:31,904
Mahabang buhok, mas maliliit na tainga,
at mas maiiksing buntot,

63
00:09:31,988 --> 00:09:34,824
nakatulong ang mga ito
na mainitan sila sa lamig.

64
00:09:39,912 --> 00:09:44,834
Ginagabayan sila
ng isang matandang babae, ang matriarch,

65
00:09:44,917 --> 00:09:48,379
na nagpapasa ng kaalaman niya
sa mga susunod na henerasyon.

66
00:09:52,508 --> 00:09:56,012
Mga henerasyon
na kailangan niyang pangalagaan.

67
00:10:12,945 --> 00:10:14,905
Mas malaki sa mga leon ngayon,

68
00:10:15,698 --> 00:10:19,952
kayang pabagsakin
ng cave lions ang pinakamalaking biktima…

69
00:10:26,584 --> 00:10:29,170
pero mas madali ang mas maliit.

70
00:10:35,551 --> 00:10:40,056
Hindi masyadong nakakubli, hindi nagtatago
ang mga walang hiyang pusa.

71
00:10:44,602 --> 00:10:47,647
Sa halip, nagpapalipas sila ng oras,

72
00:10:48,481 --> 00:10:51,108
naghihintay ng tamang sandali.

73
00:10:57,073 --> 00:11:00,201
Dapat tumabi lang
ang guya sa mga tagapagtanggol niya…

74
00:11:05,790 --> 00:11:09,126
pero tutok sa kanya ang mga mandaragit.

75
00:11:28,229 --> 00:11:30,731
Bumubuo ang mammoths ng pader ng tusks…

76
00:11:33,234 --> 00:11:36,904
pero hindi umaalis ang mga leon.

77
00:11:51,252 --> 00:11:53,921
Napuno na ang matriarch…

78
00:12:01,637 --> 00:12:05,182
pero may nakikitang pagkakataon
ang isa sa mga mandaragit.

79
00:12:18,028 --> 00:12:21,866
Hindi na ulit lalayo
sa kawan ang teenager.

80
00:12:36,756 --> 00:12:40,718
Ngayon, oras na
para dumipensa ang mga leon.

81
00:12:46,599 --> 00:12:48,058
Ang ina ng guya…

82
00:12:50,102 --> 00:12:52,521
alam na wala nang pag-asa ito.

83
00:12:57,568 --> 00:13:00,404
Wala silang magagawa kundi umatras

84
00:13:01,155 --> 00:13:04,158
at protektahan
ang mga natitirang henerasyon.

85
00:13:07,036 --> 00:13:10,831
Ang magagawa lang nila,
ipagpatuloy ang migration nila

86
00:13:11,707 --> 00:13:14,710
patawid sa malamig na tundra steppe.

87
00:13:31,894 --> 00:13:35,648
Hindi man lubusang nilamon
ng yelo ang planeta,

88
00:13:37,858 --> 00:13:41,195
naramdaman pa rin
ang epekto nito sa buong mundo…

89
00:13:47,493 --> 00:13:51,997
minsan sa mga hindi inasahang paraan.

90
00:13:57,753 --> 00:14:01,173
Dahil nakulong bilang yelo
ang karamihan sa tubig ng mundo,

91
00:14:02,007 --> 00:14:04,885
lalong naging tuyo ang lupa.

92
00:14:06,804 --> 00:14:10,516
Ito ang kabaligtarang bahagi
ng isang ice age.

93
00:14:14,061 --> 00:14:16,522
Sa timog ng tundra steppe,

94
00:14:16,605 --> 00:14:19,942
halos dumoble ang sukat ng mga disyerto,

95
00:14:20,860 --> 00:14:23,737
nilamon ang lahat ng dinaanan nila.

96
00:14:33,747 --> 00:14:40,129
Ang mga dalubhasa lang sa disyerto
na umunlad para makatiis ng matinding init

97
00:14:40,212 --> 00:14:43,007
ang nakaligtas
sa ganito kalulupit na kondisyon.

98
00:14:48,012 --> 00:14:50,681
Pero hindi tumigil doon ang pagtuyo.

99
00:14:53,225 --> 00:14:58,063
Kahit sa kalayuan ng timog,
sa tropikal na kagubatan ng Africa,

100
00:14:58,147 --> 00:15:02,276
ang matatatag na kanlungan
ng buhay sa loob ng higit 50 milyong taon,

101
00:15:02,943 --> 00:15:06,030
halos naglaho lahat…

102
00:15:13,621 --> 00:15:18,459
napalitan ng malawak na lugar
ng tuyong gubat at damuhan.

103
00:15:22,713 --> 00:15:25,215
Malaki ang naging epekto sa buhay,

104
00:15:25,883 --> 00:15:29,136
lalo na sa isang grupo ng mga hayop…

105
00:15:32,806 --> 00:15:33,849
ang mga primate.

106
00:15:36,602 --> 00:15:41,357
Ang mga tsonggo,
94 porsiyentong pareho ang DNA sa atin,

107
00:15:43,275 --> 00:15:47,279
at mahalagang bahagi rin sila
ng kuwento natin…

108
00:15:49,990 --> 00:15:54,870
ang pagbaba mula sa mga tuktok ng puno
papunta sa buhay sa sahig ng gubat.

109
00:16:04,630 --> 00:16:07,299
Dito sa baba, noong Ice Age,

110
00:16:07,883 --> 00:16:11,512
maraming bagong hamon
ang hinarap ng mga pinsan natin.

111
00:16:17,977 --> 00:16:21,772
Mas mapanganib ang buhay sa lupa…

112
00:16:35,327 --> 00:16:38,080
tahanan ng malalaking mandaragit.

113
00:16:47,339 --> 00:16:51,635
Mabuti na lang,
ang kulang sa lakas at laki ng primates,

114
00:16:53,554 --> 00:16:57,558
nababawi natin
sa talino at malalaking pamilya.

115
00:17:06,108 --> 00:17:09,319
Pero ang paghahanap
ng sapat na pagkain para sa marami,

116
00:17:10,404 --> 00:17:12,573
palaging mahirap.

117
00:17:22,583 --> 00:17:24,585
Kaya kapag may nahanap na pagkain,

118
00:17:26,086 --> 00:17:28,088
maraming nakakapansin.

119
00:17:39,224 --> 00:17:41,852
At kung saan may mahalagang mapagkukunan…

120
00:17:43,562 --> 00:17:46,190
hindi maiiwasan ang tunggalian…

121
00:17:51,862 --> 00:17:55,282
lalo na sa kauri mo.

122
00:17:58,285 --> 00:18:01,955
Isang kalabang tropa
na walang ganang makihati.

123
00:18:30,234 --> 00:18:31,652
Sa tuyong gubat,

124
00:18:33,862 --> 00:18:36,657
sulit ipaglaban ang bawat prutas…

125
00:18:42,412 --> 00:18:44,748
at mahalaga ang bawat laban.

126
00:19:14,987 --> 00:19:18,282
Umaatras na
ang kalabang tropa bago matuluyan,

127
00:19:19,366 --> 00:19:20,701
pero babalik sila.

128
00:19:27,666 --> 00:19:31,712
Para malampasan ang mga hamon
ng isang mas malupit na mundo,

129
00:19:31,795 --> 00:19:35,465
umasa ang mga primate
sa social intelligence nila,

130
00:19:36,633 --> 00:19:39,052
isang katangiang, kalaunan,

131
00:19:39,136 --> 00:19:45,184
nagdulot ng tagumpay sa isang species
ng primate para maghari sa buong mundo.

132
00:19:54,109 --> 00:19:58,614
16,000 TAON ANG NAKARAAN

133
00:19:59,823 --> 00:20:04,912
Naapektuhan ng naipong yelo
sa hilaga ang klima sa buong planeta.

134
00:20:08,957 --> 00:20:13,045
Pero nasanay pa lang ang buhay
sa mga mas malamig at tuyong kondisyon,

135
00:20:13,879 --> 00:20:15,839
nagbago na ang lahat.

136
00:20:21,511 --> 00:20:25,891
Nagsimulang matunaw ang yelo
sa muling paggalaw ng orbit ng Earth

137
00:20:28,101 --> 00:20:31,772
at nagsimulang tumaas
ang global temperatures.

138
00:20:40,447 --> 00:20:44,034
Ang nagsimula bilang isang serye
ng meltwater streams,

139
00:20:44,117 --> 00:20:47,162
naging delubyo kalaunan.

140
00:21:04,096 --> 00:21:09,142
Sa North America, ang melt water,
bumuo ng napakalaking glacial lake,

141
00:21:09,851 --> 00:21:15,857
may lalim na 600 metro
at 10,000 kilometro kuwadradong saklaw.

142
00:21:21,238 --> 00:21:25,534
Ang pumipigil lang sa pagbaha
ng tubig sa lupa sa kanluran,

143
00:21:26,326 --> 00:21:29,705
isang matayog na pader ng yelo.

144
00:21:35,127 --> 00:21:40,590
Sa kabilang dako,
halos isang kilometro ang taas ng pader…

145
00:21:43,510 --> 00:21:46,930
parang hindi matitinag na harang…

146
00:21:49,599 --> 00:21:51,268
pero hindi nagtagal.

147
00:22:00,485 --> 00:22:05,699
Sa pagtaas ng mga temperatura
at patuloy na paglaki ng meltwater lake,

148
00:22:06,533 --> 00:22:09,453
tumaas ang pressure mula sa likod.

149
00:22:18,128 --> 00:22:23,133
Hindi nagtagal, nagsimulang gumuho
ang mga pader mula sa loob palabas…

150
00:22:38,023 --> 00:22:41,818
hanggang sa wakas, mala-sakunang pagguho.

151
00:23:17,646 --> 00:23:23,276
Sa isang iglap, isang lawa
na kasinglaki ng Irish Sea ang kumakawala.

152
00:23:45,882 --> 00:23:48,093
Tatlumpung kilometro sa timog,

153
00:23:48,176 --> 00:23:51,680
at ang unang hudyat
ng paparating na apocalypse.

154
00:23:55,559 --> 00:23:56,518
Mga panginginig.

155
00:24:00,063 --> 00:24:01,690
Ramdam nila ang panganib…

156
00:24:04,609 --> 00:24:06,445
pero walang mapagtataguan.

157
00:24:27,215 --> 00:24:31,428
Pader ng alikabok ang una nilang nakikita.

158
00:24:35,056 --> 00:24:36,766
Isang daang metro ang taas,

159
00:24:37,476 --> 00:24:40,353
ito ang taliba ng isang higanteng tsunami.

160
00:25:19,100 --> 00:25:21,311
Sa loob ng sampung oras,

161
00:25:21,394 --> 00:25:25,357
winawasak ng malaking baha
ang 800 kilometrong daan

162
00:25:26,066 --> 00:25:29,861
papunta sa kontinente
ng Amerika, hanggang sa karagatan.

163
00:25:40,497 --> 00:25:44,292
Ang natural wonders
na kailangan ng ilang milenyo para mabuo,

164
00:25:45,210 --> 00:25:47,963
nagagawa sa loob ng ilang oras.

165
00:26:01,059 --> 00:26:05,063
Pero panandalian lang
ang mga palabas na ito.

166
00:26:12,320 --> 00:26:13,905
Makalipas ang ilang araw,

167
00:26:14,698 --> 00:26:16,741
ang natitira na lang,

168
00:26:18,034 --> 00:26:19,786
nakakatakot na katahimikan.

169
00:26:28,295 --> 00:26:34,843
Ngayon, ang mga bakat nitong mega flood,
markado pa rin sa American landscape…

170
00:26:38,138 --> 00:26:41,600
pero mula pa noong simula ng Ice Age,

171
00:26:41,683 --> 00:26:46,688
higit na sa 50 cycles
ang yelong naipon at natunaw…

172
00:26:49,232 --> 00:26:53,153
bawat isa,
nagdulot ng mga pambihirang pagbaha.

173
00:26:59,784 --> 00:27:03,288
Paghupa ng kaguluhan
mula sa huling malawakang pagtunaw,

174
00:27:04,289 --> 00:27:07,167
unti-unting bumalik
ang balanse sa buong lupain.

175
00:27:15,508 --> 00:27:17,677
Naging mas regular ang pag-ulan…

176
00:27:19,971 --> 00:27:22,390
kaya nakabangon ulit ang kagubatan.

177
00:27:27,520 --> 00:27:33,360
Lumiit at naging berde ang mga disyerto
dahil dumaloy ulit ang tubig.

178
00:27:39,407 --> 00:27:41,451
At kung saan dumadaloy ang tubig,

179
00:27:41,993 --> 00:27:44,746
sumusunod ang buhay kalaunan.

180
00:27:53,922 --> 00:27:55,882
Ang Danube delta ng Europe,

181
00:27:55,965 --> 00:27:59,010
isa sa pinakamalalaking wetland sa mundo.

182
00:28:00,470 --> 00:28:03,056
Nabuo ito pagkatapos ng last great melt

183
00:28:03,682 --> 00:28:07,936
at mabilis na naging tahanan
ng pambihirang yaman ng buhay ng hayop.

184
00:28:13,983 --> 00:28:15,860
Sa dami ng pagkain,

185
00:28:16,611 --> 00:28:19,948
libo-libong kilometro
ang nilalakbay ng whiskered terns

186
00:28:20,031 --> 00:28:22,242
para magpalahi sa mayamang katubigan.

187
00:28:23,660 --> 00:28:26,371
Ito ang perpektong lugar
para bumuo ng pamilya…

188
00:28:32,419 --> 00:28:36,005
pero sayang ang paglalakbay

189
00:28:36,673 --> 00:28:40,510
kung huli na ang pagdating
ng lalaki para makahanap ng babae.

190
00:28:46,933 --> 00:28:52,480
Ang magagawa niya lang,
panoorin ang tagumpay ng iba.

191
00:29:00,655 --> 00:29:02,365
Sa pagkawala ng karibal niya,

192
00:29:03,742 --> 00:29:05,410
ito na ang pagkakataon niya.

193
00:29:18,423 --> 00:29:20,216
Magandang regalo ang pagkain…

194
00:29:23,511 --> 00:29:25,930
pero hindi siya napahanga.

195
00:29:33,313 --> 00:29:36,649
Sinusubukan niya pa rin ang suwerte niya…

196
00:29:39,694 --> 00:29:40,820
pero wala talaga.

197
00:29:46,409 --> 00:29:50,747
Kailangang kumain mag-isa
ng lalaking tinanggihan.

198
00:29:54,417 --> 00:29:59,798
Kapag masagana ang buhay,
puwedeng maging pihikan ang mga babae.

199
00:30:10,809 --> 00:30:15,271
Hindi lang panahon ng kasaganaan
ang inihatid ng pagtatapos ng Ice Age,

200
00:30:18,525 --> 00:30:22,570
kundi pati na rin ang isang panahon
ng magandang climate stability…

201
00:30:25,073 --> 00:30:28,701
isang panahong kilala bilang Holocene.

202
00:30:35,834 --> 00:30:40,588
11,700 TAON ANG NAKARAAN

203
00:30:44,175 --> 00:30:45,468
Sa panahong ito,

204
00:30:46,052 --> 00:30:48,263
mainit at basa ang mga kondisyon,

205
00:30:49,472 --> 00:30:55,228
at mababa sa one degree Celsius ang galaw
ng karaniwang global temperatures,

206
00:30:56,771 --> 00:31:01,818
kaya yumabong
ang buhay sa bawat sulok ng mundo…

207
00:31:08,616 --> 00:31:13,663
walang putol ang linya
ng lipi ng bawat species,

208
00:31:13,746 --> 00:31:16,833
apat na bilyong taon na ang bakas,

209
00:31:16,916 --> 00:31:20,378
mula pa sa pinagmulan ng buhay sa Earth.

210
00:31:45,278 --> 00:31:50,158
Gayunpaman, hindi lahat
umunlad noong Holocene.

211
00:31:53,912 --> 00:31:59,167
Nagsimula na
ang isang kakaiba at mapiling paglipol.

212
00:32:01,336 --> 00:32:02,921
Sa buong planeta,

213
00:32:03,004 --> 00:32:06,174
nawala ang pinakamalalaking hayop sa lupa.

214
00:32:07,425 --> 00:32:12,805
Naglaho ang mga mammoth,
cave lion, at daan-daang iba pang species.

215
00:32:15,767 --> 00:32:18,269
Lubhang naapektuhan ang North America,

216
00:32:19,145 --> 00:32:22,649
nawala ang 70 porsiyento
ng mga higante nito…

217
00:32:25,777 --> 00:32:27,278
pero hindi lahat.

218
00:32:29,697 --> 00:32:32,033
Sa kawalan ng mga kalaban,

219
00:32:32,951 --> 00:32:36,079
kinuha ng bison ang malawak na kapatagan,

220
00:32:37,038 --> 00:32:39,624
pagala-gala nang maramihan…

221
00:32:55,890 --> 00:32:57,392
pero hindi sila mag-isa.

222
00:33:04,107 --> 00:33:06,985
Mas konti ang mapagpipiliang biktima,

223
00:33:08,987 --> 00:33:12,490
kaya tinutukan ng isa pang grupo
ng surviors ang bison.

224
00:33:20,873 --> 00:33:23,459
Matagal na magkaaway.

225
00:33:27,380 --> 00:33:31,426
Ang pinakamaganda nilang depensa,
bantayan ang panganib,

226
00:33:33,094 --> 00:33:36,431
magsama-sama, at kalmadong magpatuloy.

227
00:33:40,893 --> 00:33:43,396
Pero hindi sila mga karaniwang mandaragit…

228
00:33:49,360 --> 00:33:53,698
dahil sa Ice Age,
may kumalat na bagong predator.

229
00:34:01,581 --> 00:34:02,707
Parang mga lobo,

230
00:34:03,499 --> 00:34:05,126
grupo-grupo tayong nangaso.

231
00:34:08,880 --> 00:34:11,299
At ang kulang natin sa lakas at bilis…

232
00:34:13,634 --> 00:34:18,264
binawi natin sa talino at pagkatuso.

233
00:34:21,225 --> 00:34:25,188
Ang ebolusyon
ng malaki't komplikadong utak natin

234
00:34:25,271 --> 00:34:28,066
ang nagpaiba sa atin sa ibang primates

235
00:34:29,484 --> 00:34:33,780
at naging dahilan para makapangaso tayo
sa mga mas sopistikadong paraan.

236
00:34:39,285 --> 00:34:40,912
Gaya sa mga lobo

237
00:34:42,038 --> 00:34:45,166
at gamit ang mga bato
na maingat na isinalansan,

238
00:34:46,751 --> 00:34:50,797
sinundan ng mga mangangaso
ang bison nang ilang milya,

239
00:34:52,173 --> 00:34:57,345
hanggang napunta sila
sa eksaktong lugar kung saan nila gusto.

240
00:35:08,106 --> 00:35:12,068
Doon lang sila lumalapit
sa likod ng kawan.

241
00:35:21,285 --> 00:35:23,621
Kung masyado silang maaga magpakita,

242
00:35:25,498 --> 00:35:28,876
masasayang ang ilang araw na pinaghirapan.

243
00:35:38,177 --> 00:35:41,305
Ang totoong premyo nila,
hindi ang pagkamatay ng isa,

244
00:35:42,682 --> 00:35:44,642
kundi ang pagbagsak ng marami…

245
00:35:49,689 --> 00:35:53,067
para mapakain sa marami
sa mga buwan ng taglamig.

246
00:36:02,410 --> 00:36:04,453
Nakahanda na ang bitag.

247
00:36:09,876 --> 00:36:14,005
Kailangan lang nila
ng konting pampatibay-loob.

248
00:37:00,468 --> 00:37:02,845
Sa unang bahagi ng Holocene,

249
00:37:02,929 --> 00:37:08,142
mula sa Africa, kumalat ang mga tao
sa halos lahat ng kontinente sa Earth

250
00:37:09,268 --> 00:37:13,022
at naging pinakamapanganib
na mandaragit ng mundo.

251
00:37:17,902 --> 00:37:19,737
Nakaapekto ang pag-angat natin

252
00:37:19,820 --> 00:37:22,949
sa pagkalipol
ng malalaking panlupang hayop sa mundo,

253
00:37:23,824 --> 00:37:26,869
pero naging maikli siguro
ang kuwento natin

254
00:37:28,621 --> 00:37:31,207
kung wala tayong nagawang kahanga-hanga.

255
00:37:34,961 --> 00:37:40,299
Pinalaya natin ang mga sarili natin
sa alanganing buhay bilang hunter-gatherer

256
00:37:41,175 --> 00:37:44,262
sa pamamagitan
ng pakikipag-alyansa sa kalikasan.

257
00:37:47,306 --> 00:37:49,600
Ang matatag na klima ng Holocene

258
00:37:49,684 --> 00:37:53,604
ang nagbigay ng natatanging relasyon
sa pagitan ng mga ninuno natin

259
00:37:55,856 --> 00:37:56,983
at mga halaman.

260
00:38:02,280 --> 00:38:04,699
Pumili sila ng mga partikular na species

261
00:38:05,449 --> 00:38:09,745
at itinanim ang mga buto nila
kung saan sila lumaki nang mabuti.

262
00:38:16,377 --> 00:38:18,587
Lahat ng pag-aalaga at pansing ito,

263
00:38:18,671 --> 00:38:22,717
lubhang nakadagdag
sa pagkakataong mabuhay ng mga halaman,

264
00:38:24,176 --> 00:38:29,098
at bilang kapalit,
naani ng mga tao ang mga gantimpala.

265
00:38:33,978 --> 00:38:36,480
Natuto silang umani
ng mas maraming pagkain

266
00:38:37,064 --> 00:38:40,234
at patagalin ito nang buong taon.

267
00:38:44,363 --> 00:38:46,490
At kung saan tumubo ang mga halaman,

268
00:38:47,992 --> 00:38:49,452
umunlad ang mga tao.

269
00:38:53,080 --> 00:38:58,544
Natuklasan ng mga ninuno natin
kung paano makatustos ng pagkain.

270
00:39:00,546 --> 00:39:03,966
At hindi lang mga halaman
ang inaalagaan nila.

271
00:39:05,468 --> 00:39:06,802
Pati mga hayop.

272
00:39:08,512 --> 00:39:09,930
Sa buong mundo,

273
00:39:10,014 --> 00:39:14,769
maraming hunter-gatherers
ang sinuko ang paglalakbay nila

274
00:39:17,021 --> 00:39:19,231
para sa pagsasaka.

275
00:39:20,524 --> 00:39:25,946
Unti-unti, nabago ang kagubatan,

276
00:39:27,239 --> 00:39:29,950
naamo ng mga kamay ng tao.

277
00:39:32,370 --> 00:39:35,414
Malaya mula sa labanan
sa paghahanap ng pagkain,

278
00:39:36,248 --> 00:39:38,626
lumaki ang mga populasyon ng tao,

279
00:39:39,877 --> 00:39:41,796
naging sari-sari ang trabaho,

280
00:39:43,422 --> 00:39:46,092
naging mas komplikado ang lipunan…

281
00:39:49,095 --> 00:39:52,014
at isinilang ang mga sibilisasyon.

282
00:39:58,979 --> 00:40:04,026
Nakamit natin ang isang bagay
na hindi pa nagagawa ng ibang species.

283
00:40:05,152 --> 00:40:10,032
Nakawala tayo sa kalikasan
at nangibabaw dito.

284
00:40:11,575 --> 00:40:15,371
Binago ng agrikultura ang lahat…

285
00:40:17,748 --> 00:40:21,335
pero isa pang rebolusyon ang paparating.

286
00:41:13,762 --> 00:41:19,894
Dinala tayo ng diskarte natin
sa higit pa sa inaasahan natin,

287
00:41:21,979 --> 00:41:26,942
at nakasulat na sa ibabaw
ng mundo ang kuwento natin.

288
00:41:30,488 --> 00:41:36,327
Ang dating mabangis, napaamo o nawala.

289
00:41:40,915 --> 00:41:43,792
Hindi na nakakabuti
ang tagumpay natin sa atin

290
00:41:45,127 --> 00:41:46,921
at sa planeta…

291
00:41:49,590 --> 00:41:54,303
at tayo na ang nagiging dahilan
ng susunod na malawakang pagkalipol.

292
00:42:00,142 --> 00:42:03,812
Hindi lang dahil ang pagpapakain
sa sarili natin,

293
00:42:03,896 --> 00:42:07,191
kailangan na ang kalahati
ng lahat ng natitirhang lupain…

294
00:42:21,830 --> 00:42:26,168
at hindi lang dahil ang carbon dioxide
na inilalabas natin,

295
00:42:26,252 --> 00:42:32,925
mas mabilis na pinapainit ang planeta
kaysa sa nakaraang 500 milyong taon.

296
00:42:40,057 --> 00:42:45,396
Hindi rin dahil pinapainit
at pinapalala natin ang asido ng karagatan

297
00:42:46,981 --> 00:42:49,483
na sumisira sa natural na balanse nito

298
00:42:49,567 --> 00:42:53,529
at pinapatay
ang malalawak na lugar ng buhay-dagat.

299
00:42:57,116 --> 00:43:01,954
At hindi lang dahil nagdudulot tayo
ng mga malalang panahon,

300
00:43:03,497 --> 00:43:05,124
sunog at tagtuyot

301
00:43:05,708 --> 00:43:09,920
na ibinabalik ang Earth
sa baog na simula nito.

302
00:43:15,217 --> 00:43:18,679
At hindi lang dahil ginagawa natin
ang alinman sa mga ito,

303
00:43:19,847 --> 00:43:23,392
pero dahil ginagawa natin lahat

304
00:43:23,475 --> 00:43:28,022
nang sabay-sabay.

305
00:43:29,982 --> 00:43:32,484
At ang malala pa,

306
00:43:33,444 --> 00:43:36,322
ginagawa natin ito nang napakabilis.

307
00:43:46,707 --> 00:43:53,714
Bagama't bihira, binabago ng malawakang
pagkalipol ang takbo ng kasaysayan.

308
00:43:55,841 --> 00:44:01,680
Sa ngayon, pinagdaanan ng Earth
ang lima sa mga apocalyptic events na ito,

309
00:44:03,015 --> 00:44:07,978
bawat isa, nakapatay ng higit
sa tatlong-kapat ng lahat ng buhay.

310
00:44:11,440 --> 00:44:14,693
Higit pa rito,
ang dominanteng species sa simula,

311
00:44:15,486 --> 00:44:19,490
hindi na dominanteng species sa huli.

312
00:44:23,786 --> 00:44:26,580
Ang epekto ng malawakang pagkalipol,

313
00:44:26,664 --> 00:44:30,959
hindi na naramdaman
sa loob ng 66 milyong taon.

314
00:44:32,378 --> 00:44:35,172
Ngayon, parating tayo

315
00:44:36,548 --> 00:44:37,758
sa pang-anim.

316
00:44:45,516 --> 00:44:47,810
Sa huling 50 taon pa lang,

317
00:44:48,686 --> 00:44:54,233
ang wildlife population ng mga hayop,
bumagsak nang halos 70 porsiyento,

318
00:44:55,734 --> 00:45:01,657
at sa pagkakataong ito,
tayo ang may pananagutan.

319
00:45:04,910 --> 00:45:08,288
Pero sa kabila ng malagim na hulang ito,

320
00:45:09,039 --> 00:45:12,418
may pag-asang naaaninag.

321
00:45:16,255 --> 00:45:22,928
Tayo ang unang species
sa apat na bilyong taong kuwento ng buhay

322
00:45:23,721 --> 00:45:27,891
na nakakaunawa
sa nangyayari sa mundo natin.

323
00:45:30,102 --> 00:45:32,688
Tayo rin ang unang species

324
00:45:32,771 --> 00:45:36,525
na nakakaunawa
kung ano ang kailangan para itama ito.

325
00:45:38,819 --> 00:45:43,031
Ang talino natin ang nagdala sa atin dito,

326
00:45:44,742 --> 00:45:48,412
at ito lang ang makakapagligtas sa atin.

327
00:45:55,002 --> 00:45:59,006
Ang hinaharap natin,
at ang hinaharap ng planeta,

328
00:45:59,089 --> 00:46:00,507
isusulat pa lang.

329
00:46:02,885 --> 00:46:07,055
Ang mga kilos natin ngayon
ang magdidikta ng susunod na kabanata

330
00:46:08,557 --> 00:46:11,351
sa kuwento ng buhay.

331
00:46:20,319 --> 00:46:23,030
Pero anuman ang naghihintay na hinaharap…

332
00:46:30,496 --> 00:46:33,373
kung may isa tayong natutunan sa nakaraan…

333
00:46:39,755 --> 00:46:45,761
nakakahanap lagi ng paraan ang buhay.

334
00:48:57,893 --> 00:49:00,854
Tagapagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol

